#muling ibalik na po
Explore tagged Tumblr posts
Text
꒰ ノ . ꣑꣒ �� despite the current state of their ' relationship ' , ethan will always put her first . sure , maybe she didn't want to see him or want anything to do with him , and it was possible that she had only contacted him because she's had a few drinks , whatever the reason may be , her safety was still his priority . while he leads them out of the crowded area , ethan slipped a hand around her waist to prevent her from stumbling over . he helped her settle down on one of the benches , wanting to make sure she wasn't hurt before bringing her home . " thea , madaling araw na , tama na inom , okay ? " he says firmly , taking the jacket off her shoulders and slipping it on her instead , zipping it close to keep her warm . " iuuwi na kita . "
ㅤ ◟⟡ ㅤׅㅤㅤ"ethan,” she mumbled, trying to focus as he led her away from the noise. thea couldn't remember how many shots she'd had. unlike gavin or naya, she didn't frequent bars and clubs, but lately, she'd been turning to the comforting, numbing sensation of alcohol. while she tried not to show it, her complicated feelings for ethan were stressing her out more than her schoolworks did. “okay lang ako,” she drawled, huffing as she stumbled, grabbing ethan's wrist to steady herself. thea's grateful for the warmth of his jacket. it smelled like him—familiar and comforting. “ang aga pa, oh?” a lie. it was 1 am. “‘di pa ako lasing…” another lie. her words came out slurred. "kararating mo palang 'tas di ka iinom? shot tayo, tara."
#muling ibalik na po#nangungulila yung isa#he just doesn't show it pero alalang alala siya kay thea#✿⠀˙⠀꒱⠀⠀𝗱𝘆𝗻𝗮𝗺𝗶𝗰⠀﹐⠀thea⠀&⠀ethan⠀⠀.#✿⠀˙⠀꒱⠀⠀𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿⠀﹐⠀gmik⠀⠀.#✿⠀˙⠀꒱⠀⠀𝗲𝘁𝗵𝗮𝗻𝖻𝖺𝖾𝗄⠀﹐⠀colloquy⠀⠀.#imperfectloved.
3 notes
·
View notes
Text
random thought pero tsukishima kei as yn's masungit na tindero ng barbecue sa tapat ng bahay nila.
"magkano po isaw?" tanong niya nang nakatitig lang sa mga paninda.
"lima."
napaangat siya nang tingin nang marinig na hindi si aling mayet ang nagtitinda. napanguso siya sa sarili at tumango. "dito sa barbecue?" dugtong niya.
"twenty."
"five na ulit yung isaw, pero twenty na yung barbecue... hmmm..." bulong niya sa sarili.
"alam mo pala presyo bakit nagtatanong ka pa?" masungit na tanong ng tindero. mabuti na lang at walang ibang bumibili dahil halos kabubukas lang nila.
"sungit mo naman!" singhal niya. "malay ko ba kung nagbabago yung presyo. kita mo nga nabago oh, sais 'yan kahapon tapos eighteen 'yung barbecue." umirap siya rito.
syempre, hindi nagpatalo si tsukishima. pairap niya ring kinuha mula kay yn ang limang isaw na hawak nito pati na ang apat na barbecue. "ang takaw mo ah."
"wala kang paki. sumbong kita kay tita mayet. masungit ka na nga, pakielamero ka pa."
"magsumbong ka, nasa likod mo siya."
nanlaki ang mata niya nang tumuro ito sa likod niya. paglingon ay nasa likod niya nga ito at mukhang nakikinig sa usapan nila ni tsukishima kanina pa.
"nag-aaway na naman kayo?" natatawa nitong tanong.
"hello po! hindi po, nang-aaway lang po 'yang pamangkin niyo." lumapit pa siya kay aling mayet. "malulugi kayo sa kaniya, tita. napakasungit ng tindero niyo—malas 'yon!" suhol niya pa.
mas lalong natawa si aling mayet sa kaniya, at tiningnan nang nanunuyang tingin si tsukishima. "ikaw lang naman sinusungitan niyan eh."
"eh?" sinamaan niya ng tingin si tsukishima na namumula dahil siguro sa usok ng iniihaw. "dahil lang naputol ko pambura mo no'ng grade 3?"
ang paghiram niya ng pambura noon ay ang unang interaction nila, at nang ibalik niya ito, sinimulan na siyang sungitan ni tsukishima.
"nako, hindi—"
"ninang kanina ka pa hinahanap ni mama sa loob," putol ni tsukishima. narinig niya pa ang muling pagtawa ni aling mayet bago ibinaling ni tsukishima ang tingin sa kaniya. "ikaw naman, 'wag kang assuming. hindi ko nga maalalang pinahiram kita ng pambura."
"ang sungit." umirap siya, at nang makitang luto na ang isaw ay kumuha siya ng isa. naglagay na siya ng sawsawan niya sa tabi kaya naman kumakain siya habang hinihintay pang maluto ang iba. "eh bakit ang sungit mo? crush mo ba 'ko?"
"susunugin ko barbecue mo."
"uy hindi din-eny!" at sinundan niya pa ng halakhak.
"umuwi ka na nga!"
"teka—"
pumuwesto ito sa likod niya at itinulak siya direkta sa katapat lang, bahay nila. "uwi."
"hindi pa 'ko tapos—"
"ihahatid ko na lang! uwi!"
"hindi pa 'ko bayad—"
sumama ang tingin ni tsukishima, pero hindi mapigilan ni yn na matawa dahil namumula ang buong mukha nito. halatang-halata dahil sa napaka-puting balat.
"ako na. dadagdagan ko pa ng isaw, uwi."
ngumisi si yn. naningkit ang mata niya habang naglalakad patalikod, nakaharap pa rin kay tsukishima kahit nakatawid na siya't hawak na ang gate nila.
sumigaw siya, "ma! may ulam na tayo, crush ako ni sungit!"
napailing na lang si tsukishima.
#haikyuu fluff#filipino#filo fic#haikyuu#haikyuu filo#haikyuu headcanons#tsukishima kei#tsukishima kei x reader#this is so nonsense#hq filo#hq x reader
55 notes
·
View notes
Text
ANG BATANG PALAGING NAGTATAPON NG BASURA SA ILOG
Ni: Me-an C. Bongue
Noong unang panahon, may isang bata na nagngangalang Larah. Siya ay bugtong na anak ng mag-asawang Mario at Lucia. Si Larah ay isang matalinong bata subalit may pagkapasaway. Palagi siyang nagtatapon at nagkakalat ng mga basura sa ilog kung kaya’t bumabaho ito. Madalas siyang pagalitan ng kaniyang magulang dahil sa ’di tamang pagtatapon nito ng mga basura subalit hindi ito nakikinig, minsan pa’y nagsisinungaling ito upang huwag lamang mapagalitan.
Isang araw, inutusan ulit siya ng kaniyang ina na itambak ang mga basura at itapon sa tamang lalagyan subalit hinakot niya ito at itinapong muli sa ilog.
Matapos ang isang Linggo ay napuno ng basura ang ilog. Hindi na makadaloy ng maayos ang tubig at namatay ang mga maliliit na isda. Dahil sa nangyari, nagkagulo ang buong taga-baryo dahil masyado nang marumi ang ilog kung saan sila naglalaba at naliligo. Nagkasundo ang buong taga-baryo na linisin ang ilog upang maibalik ito sa dating ganda at upang may mapaliguan ang mga bata. Dahil sa pagkakaisa ng buong taga-baryo ay naging malinis muli ang kanilang ilog. Subalit, hindi parin natuto si Larah, patuloy parin siyang nagtatapon ng mga basura sa ilog kung kaya’t bumaho ulit ito.
Lingid sa kaalaman ni Larah ay matagal na siyang pinagmamasdan ng diwata ng ilog na si “Iloganta”. Sa sobrang galit nito sa ginagawa ni Larah ay naisip niyang parusahan ito nang sa gayun ay magtanda.
Kinabukasan, bumalik nga si Larah sa ilog upang magtapon ng mga basura. Habang ibinubuhos niya ang mga plastik na basura sa tubig at mga lumang lata ay nagpakita sa kanya si Iloganta. Magkahalong takot at pagkamangha ang naramdaman ni Larah ng makita niya ang isang napakagandang diwata.
“Si––si–sino ka?”, agad na tanong ni Larah sa diwata habang nanginginig.
“Ako si Iloganta, ang Diwata ng ilog. Ako ang tagapangalaga ng mga ilog. Galit ako sa mga taong walang pagpapahalaga sa kalikasan. Paano na ang mga susunod na henerasyon, wala na silang ilog na lalanguyin dahil puno na ng mga basura. Nakita ko ang ginawa mong pagtatapon ng mga basura sa ilog na ito kaya paparusahan kita! Simula ngayon ay gagawin kitang isang ilog. Ipaparanas ko sayo kung ano ang pakiramdam ng ’di pinahahalagahan at dinudumihan ang buong katawan. Dahil wala kang pagpapahalaga sa ilog na ito, simula ngayon ikaw ang papalit dito at magdurusa ka!”, galit na wika ng diwata.
“Huwag po, maawa ka sa'kin! Huwag po!” sigaw ni Larah habang iniikot ng diwata ang kanyang magic wand at naging ilog nga si Larah.
Nakiusap si Larah na ibalik siya sa dating anyo subalit biglang naglaho ang diwata. Nandiri si Larah sa sobrang baho at dami ng mga basurang nakapatong sa kaniyang katawan. Biglang dumating ang ilang mga bata na magtatapon ng basura sa ilog. Pinakiusapan niya ito na itigil ang pagtatapon subalit 'di siya nito napapakinggan at nagsialisan agad ito. Mas lalong dumami ang basurang nasa katawan ni Larah at halos 'di na ito nakahinga. Ngayon ay naranasan na niya kung ano ang pakiramdam na maging isang ilog at kung ano ang pakiramdam nang hindi pinahahalagahan.
Sa kabilang banda ay hinahanap si Larah ng kaniyang ina at ama. Nag-aalala ito sa kanya kaya kung saan-saan sila naghanap. Gabi na nang makapunta sila sa ilog upang hanapin si Larah. Narinig ni Larah na tinatawag siya ng kanyang ina at ama, sumagot siya subalit hindi siya naririnig ng mga ito. Sa sobrang baho ng ilog dahil puno ng mga basura ay umuwi agad ang mga magulang ni Larah upang maghanap sa ibang parte ng baryo. Umiyak si Larah nang umiyak habang inaalala ang kaniyang mga magulang. Namimiss niya na ang mga ito at gusto niya nang makauwi sa kanila subalit wala siyang magawa upang makabalik sa dating anyo.
Lumipas ang dalawa, tatlo, apat at lima pang araw, si Larah ay nanatiling isang ilog. Nararamdaman na niya kung gaano kahirap ang maging isang ilog na puno ng mga basura. Muling nagpakita ang diwata sa kaniya. Natuwa si Larah nang makita ang diwata at naisip niyang ibabalik na siya nito sa dati.
“Diwata Iloganta, ibalik mo na ako sa dati! Pangako, hindi ko na uulitin ang ginawa kong pagtatapon ng mga basura sa ilog bagkus ay tutulong ako sa paglilinis nito.” pakiusap ni Larah.
“Hindi! Kailangan mong magdusa dahil sa pagkakamaling ginawa mo. Hindi pa sapat ang naranasan mo upang tanggalin ko ang parusa sa 'yo. Kailangan mong magsisi at matuto sa kasalanang iyong ginawa!” wika ng diwata at bigla itong naglaho.
Walang nagawa si Larah kundi ang umiyak na lamang. Labis ang kaniyang pagsisisi sa ginawa niya at natutuhan niya na mali ang pagtatapon sa ilog. Matapos ang tatlong araw, dumami pa ang mga basura sa kanyang katawan dahil sa mga bagong itinapong basura kaya’t halos ’di siya makahinga. Umiyak siya sa labis na paghihirap at nakita niya ang kanyang sarili sa mga batang panay tapon ng basura sa ilog. Nakaramdam ng awa ang diwata kay Larah kaya nagpakitang muli ito sa kaniya sa huling pagkakataon.
“Mahal na diwata, bumalik ka. Ngayon alam ko na po kung gaano kahirap ang dinaranas ng ilog dahil sa pasaway na batang katulad ko. Mali ang ginawa ko at nagsisisi na po ako sa mga nagawa ko. Ibalik niyo na po ako sa pagiging tao, nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko. Maawa po kayo, ibalik niyo na ako sa dati.” pakiusap ni Larah.
“Sige, dahil nakita ko sayo ang pagsisisi at naranasan mo na rin kung paano maging isang ilog— ibabalik na kita sa dati.” wika ng diwata.
“Maraming salamat po!”pasasalamat ni Larah.
“Ngunit ibabalik kita sa dati sa isang kondisyon.”wika ng diwata.
“Opo, kahit ano susundin ko. Ibalik niyo lamang ako sa pagiging tao!” muling pakiusap ni Larah.
“Mangako kang magbabago ka na at hindi mo na uulitin ang pagtatapon ng mga basura sa ilog bagkus ay tutulong ka upang mapanatili ang kalinisan nito. Maipapangako mo ba?”tanong ng diwata.
“Opo, gagawin ko po. Maraming salamat po at binigyan niyo ako ng pagkakataon na maibalik sa dati.” muling pasasalamat ni Larah.
Inikot ni diwata Iloganta ang kaniyang magic wand at bumalik sa pagiging tao ang batang si Larah. Labis ang kaniyang pasasalamat na naibalik na siya sa dating katawan. Nagpaalam ang diwata kay Larah at agad itong naglaho.
Sabik na umuwi si Larah sa kanilang tahanan. Niyakap siya ng kanyang ina at ama at pagkatapos ay ikinuwento ni Larah ang buong nangyari sa kaniya.
Simula noon, hindi na muling nagtapon pa ng basura si Larah sa ilog at nilalagay niya na ang mga ito sa tamang lalagyan. Tinuruan niya ang mga kapwa kabataan na huwag magtatapon ng mga basura sa ilog bagkus ay tumulong na pangalagaan ito.
At doon nagtatapos ang kuwento ng isang batang palaging nagtatapon ng basura sa ilog.
http://culturalcenter.gov.ph
0 notes
Text
ala-ala ng nakaraan
iba ang naramdaman ko ngayong ako'y muling umuwi pagkatapos ng mahigit tatlong taon. walang yumapos sa akin. walang nagsabi sa aking, "nako! miss na miss ko itong apo ko, eh!" sabay halik sa aking pisnge habang ako'y nandidiri dahil siya'y pawisan. ngayon, ibang-iba. nang makita kita'y isa ka na lamang litrato na nakalagay sa bato at tarpulin. hindi ko pa rin lubos na maisip na wala ka na. pilit kong pinigilan ang aking mga luha nang ika'y aking makita dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala na wala ka na. ngunit, nang makita't marinig ko na kinausap ka ng aking pinakamamahal na lola dahil kami'y paalis na, sumabog na ang aking emosyon at bumuhos na ang aking mga luha. hindi ko na kinaya. sa tuwing nakikita't naaalala kita, hindi ko maiwasang malungkot at maluha. miss na miss ka na namin. wala nang kasama ang lola rito. dalawa na lang silang mag-ina -- nalulungkot at pinipilit na magpakatatag sa araw-araw na pamumuhay... nang wala ka.
alam niyo bang sa bawat pag-uwi namin dito ay iba-iba palagi ang nararamdaman ko? palagi kong namimiss ang mga pagsasama-sama nating lahat, mga laro, bagong laruan, pasko, bagong taon, mga oras na palagi akong nagkakasakit lalo na ang magkalagnat, nagpapahilot kung kani-kanino, at marami pang iba. pero ngayong wala ka na, mas lalo akong nakaramdam ng ibang pakiramdam. kilala ako bilang makakalimutin at lampa sa lahat ng bagay, pero sa dalawang araw ko na pananatili rito, bawat bagay, bawat sulok ng bawat bahagi ng mga lugar dito, ni-isa roon ay wala akong nakalimutang ala-ala. pinaalala mo ata sa'kin lahat. hindi naman ako nagrereklamo roon. kung sa katunayan nga, bawat ala-ala na aking natatandaan, pilit kong pinipigilan ang aking sarili na 'wag maluha dahil sa ayaw man at sa gusto ko, gustong-gusto kong ibalik ang nakaraan kung saan mga bata pa kami ng aking mga pinsan. dami mo ngang mga bagong apo. ibang-iba na ngayon. ang dami nang nagbago. marami pang magbabago, ngunit kahit kailan, walang makakatalo sa ala-ala ng nakaraan.
'wag po kayong mag-alala. kahit na wala na kayo rito, hinding-hindi ko po pinapabayaan ang inyong mahal na asawa. habambuhay ko siyang aalagaan at mamahalin. sana'y masaya kayo kung nasaan man kayo riyan. bantayan niyo na lang po kami. mahal na mahal kita, mahal kong lolo.
0 notes
Text
Ang Hatol [A ONE SHOT STORY WRITTEN BY A FILIPINA ASPIRING WRITER : STRIKINGINRED]
And now were just strangers again
“Aiko ano ba kasing naisipan mo't nag bar pa tayo may bahay naman e sana doon na lang. Mamaya ma shenglot kayo jan problema ko pa kayo.” alangang sabi ko sa kanya na pangiti-ngiti lang habang nag-iintay sa table na pinili nila.
“Sus ang hilaw na 'to hanggang ngayon wala pa ring pinagbabago. 'Di ba girls?” nagtawanan naman sila nila Andj, at Rizel na tapos ng umorder ng beer habang ako ay juice lang ang inorder. “Stop being KJ Cali! Nandito ka na sa pilipinas kaya dapat lang na mag celebrate tayo, ikaw naman kasi maisipan mong umuwe wala ka man lang pasabi. Edi sana nagpa catering kami 'diba?” mas lalo pang lumakas ang tawanan nilang tatlo na ikinakunot na lamang ng noo ko saka inilibot ang paningin ko.
“Ma'am eto na po ang order ninyo. If may gusto po kayong ipagdagdag tawagin nyo lang po ako. Nga pala mga ma'am may promo po kami ngayon para sa barkada bundle kaya later mo malalaman nyo ang freebie sa inyong magbabarkada. Enjoy!” pagpapaliwanag naman ng waiter na nagserve ng beer sa mga bruha at kinindatan pa si Aiko.
Eww kailan pa naging wild ang bruhang Aiko na 'to?
“Kaya pala dito ka nag aya kasi may promo ang bar. Tell me nga Aiko kailan ka pa natuto matuwa sa guy na pakindat kindat lang sa'yo? Ano ka aso? Duhh. Hindi ko alam na cheap ka na.” inirapan ko pa sya saka sumimsim sa pineapple juice na inorder ko at kumuha ng nachos.
“Hoy Cali the Madre shut up ha! Hindi ako cheap.” bwelta pa nya. “Ang gwapo kayo nung guy malamang isa sya sa mga owner ng bar na 'to argh! Can't wait to see them later.” bahagya pang napatili ang bruhilda kaya naman kinurot ko sya at bahagyang napa pikit sa sakit.
“Nako Cali hayaan mo na 'yan si Aiko, ganyan na talaga 'yan simula nung lokohin ng bf nya. Ayan hindi na sya naging matino. Tatlo nga yata ang kaharutan nyan e.” paliwanag naman ni Rizel.
“Collect and select nga raw kasi, ano ba kayo?” napangisi pa si andj na abalang abala sa pagttype sa cp.
Napairap na lang ako sa hangin saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ilang sandali pa narinig ko na ang iritan at palakpakan ng mga tao sa loob ng bar na 'yon.
Huh? What's going on?
“Oh Gaaaahd ayaaaan na! Nanjan na ang Vlad Band.” mahinang tili ni Aiko na napakampit pa sa kamay ko.
Nananatili namang magkasalubong ang kilay ko at nakikitingin sa gawing tinitignan ng lahat. Ang spot light ay nakatutok na ngayon sa bakanteng stage ng bar kung saan may mga instruments na nakalagak.
Oh! May live band pala dito lagi.
Binalewala nya lamang ang nag-iiritang mga tao sa loob ng bar na 'yon maging ang mga kaibigan. Kinuha na lamang nya ang kanyang phone saka nag selfie na kasama ang mga kaibigang halos mabaliw na kakairit sa kung sino mang poncio pilatong banda.
IG CAPTION: I thought it was my celebration for coming back here in the philippines *rolled eyes*
Bigla akong napatigil ng marinig ko ang boses ng nagsalita sa stage. Nagkakamali lamang ba ako ng narinig or nabosesan?
I glanced at the guy who's speaking now in front. He was holding a guitar. No!
“Grim?” mahinang naitawag ko sa pangalan ng lalaking kailan man ay hinding hindi ko maaaring makalimutan.
Napatingin naman sa'kin si Aiko. “Oh! Sorry Cali I forgot to tell you na si Grim mo ang band vocalist ng Vlad, take note isa rin sya sa may ari ng bar na ito.”
Hindi ako makapaniwalang sa muling pagbabalik ko sa pilipinas makikita kong muli si Grim at hindi lang 'yun basta na lang ganon dahil sa dinami rami ng lugar at pagkakataon ay ngayon pa kami itinadhanang magkita.
Nagpabalik sa'kin sa reyalidad ang narinig kong notification sound galing sa cellphone ko. Sunod sunod iyon kaya naman agad kong binuksan.
*OMG! NASA PILIPINAS NA ULIT SI AUTHOR! WAAAA NANUNUOD SYA NG LIVE BAND NG VLAD SA BAR NILA!
*OMOO WELCOME BACK AUTHOR!
*ACKK SI GRIM PO NASA PIC AUTHOR!
*UWUUU KAKAKILIG! DESTINY? WELCOME BACK AUTHOR!
Ilan lamang iyon sa mga komentong nabasa ko sa IG post ko kani-kanina lang. Si Grim nga ang nakikita ko ngayon na nagpeperform sa entablado.
Nanatili lamang akong tahimik at walang kibo sa sulok na iyon ng kinauupuan namin. Abala ang lahat sa panonod sa nagpeperform halos lahat sila ay 'di na kumukurap sa bandang pinanunuod nila.
Malaki ang ipinagbago ni Grim hindi na sya ang long hair na Grim na iniwan ko noon hindi na ren sya mukhang wasted. Mukhang naka-recover na sya sa mga nangyare makalipas ang sampung taon. Kung sa bagay matagal na panahon na rin iyon para naman hindi pa sya maka get-over.
“Hoy Sis! Okay ka lang jan? Kanina ka pa walang kibo jan ah. Nandito tayo para mag-enjoy. 'Wag ka sanang KJ. And oh! Mukhang uulanin ka ng mga fans mo ngayon.” agad na bungad ni aiko sa akin matapos mag perform ng Vlad Band sa unahan. Nagpalakpakan ang lahat kasabay noon ang pagtayuan ng mga fans ng banda at ang iba naman ay akala mong mga langgam na nagdungawan sa table namin.
“Wait isa isa lang okay? May jet lag pa itong Author ninyo. 'Wag nyo sya ipressure baka mag collapse 'yan.” pabirong wika naman ni Rizel.
Napangiti naman ako sa kanila habang nakatutok ang mga camera sa akin, ang iba naman ay may dala-dalang papel at tissue na may kasamang ballpen.
“Hello po Ate Cali! Welcome back! Sana po hindi na kayo umalis ulit dito sa pilipinas para maituloy nyo na po 'yung naudlot ninyong grand booksigning. Marami po kasi ang umasa 'nung araw na 'yon kaso biglaan naman po ang pagmmigrate ninyo.” request pa ng isang reader ko na nagpapacute sa'kin.
“Nako isang buwan lang ako rito pero susubukan kong maire-sched ang grand book signing natin para sa inyo okay? Basta magintay lang muna tayo sa date. Makikiusap muna ako sa publishingna humahawak sa akin. Okay ba 'yon?” nagthumbs up pa ako sa kanila.
“Waaaa super thankyou Ms. Cali.” sabay sabay na pagkakasabi nila habang tumatalon-talon pa ang iba.
“Ms. Cali marami po ang nac-curious kung 'yung last story mo po bang ipinublish ay isa sa mga Vlad Band ang tinutukoy ninyo. Totoo po ba 'yon? Nakita ren po namin ang IG post mo at nakuhanan mo po ng picture si Grim. Aksidente lang po ba 'yon? Or tadhana?” naghihiyawan pa sila at patuloy ang pagkantyaw sa akin.
“Nako kayo talaga. Mga kaibigan ko lang sana ang kukuhanan kong kasama ko kaso 'di ko naman alam na nakasali pala 'yung idol nyo.” pagpapalusot ko pa dahil hindi ko ren naman akalaing eeksena sya roon.
“Bro, sino ba 'yung pinag uumpok-umpukan nila doon sa dulong table?” tanong ni Grim na nakatanaw sa dulong table na animo'y may sabong sa dami ng taong nakadungaw sa table.
Napangisi naman si Genesis. “If I'm not mistaken may Author tayong guest tonight, and sa pagkakaalam ko kakauwe nya lang galing Canada. I think you know her.” tinapik pa nito ang balikat nya.
Makalipas lamang ang ilang sandali matapos ng kanilang performance ay unti-unti na ring nag alpasan ang mga tao na nakadungaw sa dulong table. Maraming nakalatag na tissues at paper sa table ng mag-alisan ang mga tao roon. Bigla namang nakaramdam ng iritasyon si Grim. Kaagad syang tumayo sa kinauupuan at nilapitan ang dulong table.
“Bro saan ka pupunta?!”
Siniko naman ni Janes si Genesis at sinenyasan na hayaan na lamang si grim.
Labis na pagkabigla ang naramdaman ni Cali ng tumayo si Grim sa tapat ng table nila. Nananatili lamang syang nakatunganga rito.
“Excuse me Miss, pwede ba kitang makausap. Sandali lang. Sa labas tayo.” walang emosyong bungad nito habang nakapamulsa.
Hindi agad ako nakahuma sa sinabi nyang iyon kaya naman mas lalo akong nagulantang ng ibagsak nya ang kamay nya sa table namin.
“OMG! Cali sige na. Hihintayin ka naman namin dito.” tarantang wika ni Andj na dali-dali akong pinatatayo.
Wala na akong choice kundi ang tumayo dahil pinagtitinginan na kami ng mga guest.
Hinaltal nya ako sa labas ng bar na iyon at dinala ako sa parteng walang gasinong tao na nadaan.
“Grim ano ba?! Kailangan mo ba talaga akong haltakin?” reklamo ko pa saka ko hinawakan ang wrist ko na ngayon ay namumula.
“Bar ko ito, if you want to have a booksigning or having a fan meet, magpareserve kayo ng restaurant na pwede nyo arkilahin the whole night. You ruined our night. Kami dapat ang pagkaguluhan at hindi ikaw.”
Nagsalubong naman ang kilay ko. “Kinausap mo ako para sabihin lang 'yan?”
“Why? Ano pa bang ineexpect mong pag-uusapan natin?” he grinned.
Sandali akong natameme sa tanong nya. “I thought magiging masaya ka sa muling pagkikita natin Grim, I'm happy sa mga na achieve mo.”
Sarkastiko syang tumawa. “Me? Magiging masaya sa pagkikita natin? The hell! Ni hindi nga sumagi sa isip ko ang pagkikita natin e. I don't care about your existence anymore Caliza. You left me not just once.”
“Grim, hindi kita basta iniwan dahil sa gusto ko lang.”
“Yeah, I know. Iniwan mo ako because of what I did to you right? Cali, it was just one mistake.”
“Isa?” sarkastiko akong napangiti. “Isang beses lang ba? Grim ilang beses kang nagsinungaling sa'kin at ilang beses rin kitang pinatawad at binigyan ng chances, once? Twice? Thrice? Grim higit pa sa tatlong chances! Yeah I admit it. Palagi kitang iniiwan everytime na ganoon ang nangyayare sa'tin noon. Why? Dahil hinahayaan mo akong maramdaman 'yung mga bagay na hindi naman dapat. For the fifth times pinatawad kita. Anong ginawa mo? Mas lalo mong pinalako lahat! I trusted you! Pero pinili mo pa rin ang magsinungaling sa'kin. Ano bang akala mo? Joke lang 'yon?” hindi ko na napigilan 'yung luhang kanina pa nagwawala sa paligid ng mga mata ko.
“I already forget about us. I don't know you anymore so please, 'wag mo ng ibalik pa anumang meron sa nakaraan. I'm okay now. Mas na-realized ko ang lahat when you left me. After you left me mas lalo mong pinaramdam sa akin na wala ng ibang magmamahal sa'kin. You see this? Ito, itong mga tattoo na 'to lahat 'to dahil sa'yo! Now let go out of my life. I don't need you anymore.” he walked out.
Ilan lamang 'yon sa mga ala-alang sumagi sa isipan nya habang nakaupo ngayon sa silya kung saan naka break ako for 15 minutes bago ako babalik muli sa book signing. Naalala nya lahat ng pangyayaring iyon ng huling gabing nakausap nya si Grim. Ang akala nya ay sa muli nilang pagkikita ay muli nilang maibabalik ang lahat kagaya ng pinangako nya sa binata bago nya ito iwanan pero hindi nya akalaing kakalimutan na pala talaga sya nito. Ang mas masakit pa ay muli silang nagkita sa booksigning kanina kung saan kasama nito ang girlfriend daw ni Grim. Halos manginig ang kamay nya kanina habang napirma sa libro ng gf ni Grim. Wala itong idea marahil ng tungkol sa nakaraan nila dahil ganoon na lamang sya yakapin ng babae. Parang hindi nya kayang ngumiti ng magrequest pa ang babae na magpicture silang magkasama dahil si Grim ang kukuha ng picture. Kitang kita nya ang walang emosyong mukha ni Grim na ni segundo ay hindi man lang sya matapunan ng tingin.
Agad syang tumayo at nagpaalam na pupunta lamang ng comfort room para mag-ayos dali-dali naman syang pinayagan ng kanyang manager kaya mabilis pa sa alas quattro syang nagtungo roon. Habang naglalakad ay hindi na nya napigilan pa ang mapaiyak sa sakit ng nararamdaman nya. Mabigat sa pakiramdam ang presensya ni Grim kanina lalo na ang itsura nito. Idagdag mo pa ang ala-alang mas nagpapasakit ng damdamin nya ng basta na lamang syang iwanan ni Grim sa labas ng bar habang umiiyak ng gabing nagkausap sila. Na mas lalo pang sumakit ngayon na ang dating lalaking nangako sa kanya na sasamahan sya sa lahat ng booksigning nya ay iba ang sinasamahan ngayon para magpa pirma ng libro. Parang unti-unting dinudurog ang puso nya.
Habang papalapit sya sa Rest room at panay ang pagpahid sa kanyang luha ay nagulat sya ng malikuan si Grim na batid nyang hinihintay marahil ang gf na nasa loob ng rest room. Napatigil sya at sandali silang nagkatitigan. Ang akala nya ay lalapitan sya nito ngunit tumindig lamang ito dahil lumabas na ang gf nito. At doon ay parang hangin lamang syang nilagpasan ng lalaking huli nyang inibig.
#filipinaaspiringwriter #strikinginredph #writersontumblr #aspiringwriter #bleedingpen #write
1 note
·
View note
Photo
Bro. Jun Banaag’s Dr. Love back on air in September: “Hindi po natutulog ang Diyos.” "Wala ho akong planong lumipat ng himpilan, mawala man ang programa ko. Ako’y mananatili na lamang po sa bahay at maghihintay na lang ng pagkakataon muling tawagin ng kumpanya para ibalik ang programa... https://trendingph.net/bro-jun-banaags-dr-love-back-on-air-in-september-hindi-po-natutulog-ang-diyos/?feed_id=62318&_unique_id=5f4a4bbfc17e0 #air #ang #banaags #bro #diyos #hindi #jun #love #natutulog #philippinenews #philippinesnews #september #trendingph
0 notes
Text
Tapusin na Natin Ito
Nakakapagod.
Nakakatakot.
Nakakalungkot.
Hindi ko alam kung bakit tila lumipas na ang mga araw na puro saya at pag-asa lang ang nadarama.
Nawala na nga yata ang mga panahon na natutulog ako sa gabi at bumabangon sa umaga ng may ngiti sa mga labi.
Lumipas na ang mga pagkakataon na kapag nasilayan ko ang pagsikat ng araw ay may maliwanag na kinabukasan na natatanaw ang aking mga matang kailanman ay hindi nasilaw— mata na hindi pa man nito pisikal na nakikita ay nagtitiwala na, na isang araw ay darating ang mga biyaya.
Ano na nga ba ang nangyari?
Tila hindi ko mawari.
Nahihirapan nang umintindi.
Saan na nga ba napunta ang dating mga ngiti?
Hindi na alam kung saan nagmu-mula ang bigat na nararamdam at alam ko na kapag nagpatuloy pa ito ay tila hindi na kakayanin ng katawan.
Para bang umiikot na lang sa kawalan… hindi na alam ang pupuntahan… nakalimutan ko na ang daan.
Nabalot na rin ng takot ang pusong dati’y hindi nagpapasakop sa lungkot.
At sa tuwi nitong pag-tibok upang sana ay muling sumubok, ay tila napanghihinaan na ng loob.
Paano nga ba kakawala sa bigat na nadarama?
Wala na yatang pag-asa. Hindi na nga yata kayang ibalik ang dating saya. Hindi nga talaga yata kayang labanan itong bigat na nadarama.
Hanggang sa isang araw, ay nagdesisyon nang umayaw.
Sa rami ng hindi ko naiintindihan, ang tanging alam ko lang ay isa lang ang paraan para matapos na ang pagod, ang takot, ang lungkot.
Isa lang ang paraan upang makawala sa rehas na dala ng mga bagay sa aking isipan na hindi ko na naiintindihan... upang kumawala sa bigat na aking nararamdaman.
Isa lang ang paraan na sigurado akong kapag ginawa ko ito, ay matatapos na ang paghihirap ko…
Isang paraan, isang natatanging paraan – ‘yun ay ang pagsuko ng lahat ng pinagdadaanan ko, kay Kristo.
At noong mismong segundo na itinaas ko na ang mga kamay ko at sinabing “Hesus, hindi ko na po kaya, tulungan mo ako” ay ang mismong segundong naramdaman ko ang kapayapaan sa puso ko.
At simula nang araw na iyon ay unti-unting nanumbalik ang saya.
Nagkakamali ka, hindi perpekto ang mga araw ko- may mga araw pa rin na ako ay lumuluha pero hindi na nawawalan ng pag-asa.
At kung parehas tayo ng tanong na “saan na nga ba papunta ang mga paang tila nawawala na?” ang sagot ay laging sa Kanya.
Alalahanin ang pangako Niya na hindi ka Niya iiwanan at pababayaan.
Ang pangako Niyang hindi ka mawawalan.
Ang pangako Niya na sasamahan ka Niya, sa saya man o kalungkutan.
Dalhin sana sa puso ang katotohanan na hindi habang buhay ay puro bagyo ang kakaharapin mo, isang araw ay liliwanang din ang paligid mo at sa pagkakataong iyon, mas matatag na ang iyong puso.
Tapusin na natin ‘to.
Balik na tayo sa totoo.
Isang araw pag-gising mo, may ngiti na muli sa mga labi mo.
0 notes
Text
PERFECT DESTINATIONS IN MANILA: FOR A LONG WEEKEND HOLIDAY GETAWAY
Explore the Manila like a local!
Dito sa MabuhayTravel blog, naniniwala kami sa karapatan ng lahat na manlalakbay at galugarin ang mga nag kagandahan lugar pasyalan lalo na sa isang long weekend holiday getaways. Kaya upang matulungan at matugunan ang mga resolusyon sa paglalakbay, inilista namin ang ilang mga paboritong lugar at mga aktibidades ng bayan sa buong Manila upang makapagsimula kang mag plano ng iyong weekend holiday getaways kasama ang pamilya o mga kaibigan.
Manila
Maraming mga nakatagong hiyas sa loob at sa paligid ng Maynila na tiyak na karapat-dapat sa iyong oras at pag guggul nang weekend holiday getaways kasama ang pamilya. Kaya kung palagi kang nagiisip na matuklasan ang lungsod, ituring ito bilang isang senyas upang matupad ang pangarap mo. Huwag kalimutan na mag-pre-book ng isang 4G SIM Card bago magtungo sa lahat ng mga lugar na ito. Tiyak na nais mong ipakita ang mga magagandang larawan ng lugar na ito sa Instagram.
Casa Manila
Umpisahan natin ang iyong holiday getaways sa Las Casas Filipinas de Acuzar Casa de Manila Ang open air museo at pamana ay ipinagdiriwang ang kasaysayan ng Hispanic-Filipino ng bansa na may 22 mga palatandaan simula pa noong ika-17 siglo, mga kalye ng cobblestone, at ang iconic na Hotel De Oriente – na pinaniniwalaang kauna-unahang hotel ng bansa. Casa Manila ay isang museo sa Intramuros na naglalarawan sa colonial lifestyle sa panahon ng kolonisasyong Espanyol ng Pilipinas.
Enchanted Kingdom
Magpahinga mula sa iyong abalang mga iskedyul at gawin ang tatlumpung minuto na biyahe patungo sa Enchanted Kingdom sa Laguna sa iyong planadong weekend holiday getaways kasama ang iyong pamilya. Ibalik muli ang iyong mga alaala sa pagkabata mula Space Shuttle, Rio Grande Rapids, at Log Jam o gumawa ng mga bagong atraksyon tulad ng Disk-O-Magic at Laser Mission! Siguradong mag e enjoy ang lahat lalo na ang mga bata.
Dessert Museum
Got a sweet tooth? Tayo The Dessert Museum! Hindi lamang ito nag-aalok ng mga Matamis na pagkain habang kayo ay buong paglilibot, Treat you whole family here siguradong sila y mag eenjoy at itoy isang di malilimutang karanasan sa inyong holiday getaways Yup, tama iyon Maglakad lakad sa mga exhibit at kumain habang naglalaro kayo sa walong silid na puno ng asukal at mga pastry. Siguradong masisiyahan ang mga kiddos, book your ticket online to save time instead of lining up in que para ma enjoy nyo lalo ang inyong weekend holiday getaways.
Intramuros Bike Tour
Pumunta sa isang masayang refresher course ng ating kasaysayan sa Bambike Manila at galugarin ang kalaliman ng Intramuros sa isang tour ng kawayan at bisikleta! Hindi lamang nakatakda mong malaman ang mga lihim ng pader, ngunit magagawa mo rin itong panatilihin sa nais mong paraan! Maaari rin kayong makakuha o magbook ng isang night tour na inaalok ng Bambike Manila para sulit ang weekend holiday getaways.
Boracay
Matapos ang ilang buwan ng rehabilitasyon, ang Boracay ay bumalik sa dating negosyo at ang magandang lugar mas lalong pinaganda tulad ng dati! Ito ang perpektong pagkakataon upang lubusin mo na ang iyong weekend holiday getaways upang maranasan at mag unwind sa sikat at puting baybayin na dalubhasa sa pinaka-malinis nitong kondisyon. Mas pinaganda ang kapaligiran dito na napapalibutan ng mga puno ng Palma na siyang nagsisilbing lilim kanlungan ng mga turista. Ang baybayin, coral reef at shipwrecks ay tahanan ng magkakaibang marine life species.
Ariel’s Point Cliff Diving
Cliff Diving ay muling nabuksan sa publiko, at kung nais mong makuha ang iyong pumping adrenaline – narito ang kailangan mong gawin Subukan ang iyong katapangan na may siyam na mga platform ng diving na mula sa 3 metro sa lahat ng paraan hanggang sa 15 metro! Worth enjoying your weekend holiday getaways sa mga lugar na ito.
Marami pang lugar na magagandang puntahan pag magkaroon ka uli ng long weekend holiday gateways sa susunod kung pag susulat ng artikulo ibabahagi ko ang marami pang nag gagandahang lugar dito sa Pilipinas.
Book a cheap flight to Philippines, call Mabuhay Travel UK at makipagugnayan sa aming mga dalubhasang Filipino travel consultant upang makakuha ng pinakamurang deal lalo na kung ikaw ay mayroon long weekend holiday getaways papuntang Pilipinas.
Salamat Po,
Read More:- https://blog.mabuhaytravel.uk/2020/02/27/perfect-destinations-in-manila-for-a-long-weekend-holiday-getaway/
This Article, Information & Images Source (copyright) :- https://blog.mabuhaytravel.uk/
0 notes
Text
Hanggang Dulo
SCENE 1: BALAGTASAN
Pinong: Uy dalian nyo dalian nyo! Baka mawalan tayo ng pwesto.
Lalake1: Ayan na naguumpisa na.
Pinong: Ito masaya to balagtasan. Panoorin mo matutuwa ka dito.
Lalake1: Anong matutuwa baka ngumawa.
Pinong&Lalake1: Hahahahahaha
Lalake1: Oh sino yung nasa gitna?
Pinong: Simula nung bata pa yan sumasali na yan.
Lalake2: Tanggol ayun yung babaeng trip mo oh. Alam mo mas bagay kayo. (Tatawa)
Prinsipe Makata: Hindi po ako magsisimula hangga’t walang palakpakan.
Mga tao: (Magpapalakpakan)
Prinsipe Makata: At lalong hindi po ako magsisimula hangga’t walang sigawan.
Mga tao: (Magsisigawan)
Prinsipe Makata: At lalong hindi po ao magsisimula hangga’t hindi pa ako binabayaran.
Mga tao: (Magtatawanan)
Prinsipe Makata: Kapitan wala ba tayo jan? Ay! Libre pala ito. At ito na nga po mga kababayan dito sa maganda nating kalikasan ay magtatagisan ang dalawang puso na may sinisimbulong damdamin isang taong nilisan at isang pusong nangakong babalik kinabukasan atin na pong simulan. Maestro music.
Maestro: (tutugtog ng gitara)
Prinsipe Makata&Balagtasan1&Balagtasan2:
Di maamin ng damdamin
Na ngayo'y wala ka na sa aking piling
Araw araw ang dalangin
Ay mayakap kang muli at maangkin....
Ngunit pa'no nga ba ang pag-ibig mo magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sa o na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo'y hinahanap kita...
Prinsipe Makata: Payapa talaga ang pista dito sa probinsya pero sa pagibig marami paring nadidisgrasya kung dadalhin sa ospital ay kulang ang ambulansya paduduguin ang dibdib mo ng mga taong walang konsensiya alangan naman likod ano yun penitensiya.
Mga tao: (tatawa)
Balagtasan1: Ang umiibig nananatili madarama ba ang pagibig niyang hindi ka naman pinipili? Kung lumisan siya’t maghanap ng mas makinang na umaga para san pa’t umibig kung hindi ka niya isasama? Mabigat ang kamay ng oras sa kanya naghihintay lumalatay ang bawat hampas nito sa puso nakamamatay.
Balagtasan2: Sige isipin natin na ako’y umibig na inibig din ngunit paano kung sa pagkatao ko’y may ‘di na kayang tanggalin mga misyon na dapat kong harapin na siya mismong nagiging hinaing at ang gampanin ko sa ngayon ay ang obligasyon na ‘d niya pala kayang tanggapin pagka’t delikado at ‘di sigurado kung meron pa nga bang hihintayin ngunit asahan na matapos lang ang pinaglalaban ako’y babalik parin.
Prinsipe Makata: Babalik? Eh tinuring ka nang sinaing na nilapag lang sa hapag hinayaan na manlamig sa buong magdamag at kinabukasan babawi sayo si kumag huwag kang papayag ano ka? Sinangag?
Balagtasan 2: Basag
Prinsipe Makata&Balagtasan1&Balagtasan 2:
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita, oh, giliw ko...
Balagtasan1: Ang nagmamahal naghihintay totoo pero para piliin ang sarili ang ituloy ang buhay kasalanan ba to? Hindi, Kasakiman ang hingin sa mahal na ihinto ang buhay nya dahil lang nawala ka. Paano kung ubanin ang kanyang buhok at hindi ka parin bumabalik? Paano na?
Prinsipe Makata: Paano na?! Malay ko sya kalaban mo eh.
Balagtasan 2: Oo, paano nga kung ako ay bumalik na sa mga oras na siya pala’y nilalamig na at gustong yakapin subalit alanganin kung ako’y patatawarin parin ba ngunit huwag niyo akong tututulan pagka’t bilang umiibig dapat nating matutunan na pagbuksan muli ang taong nagnanais mapunan ang pagkukulang.
Prinsipe Makata: Sandali, hindi ko na alam kung saan ako papanig pinagsisisihan ko tuloy kung bakit pa ako nakinig pero alam niyo dati akala ko masakit nang maputulan ng tubig pero mas masakit palang maputulan ng pagibig.
Mga tao: (Magpapalakpakan at magsisigawan)
Prinsipe Makata&Balagtasan1&Balagtasan2:
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita, oh, giliw ko...
Prinsipe Makata: Maraming salamat po sainyo, Brgy. Santo Niño.
(Nagpalakpakan ang mga tao at nag bow ang mga nasa stage)
Pinong: Galing!
Lalake1: Ang ganda ng piyesa nila noh? Tumatagos sa puso.
Pinong: Nakakaiyak noh? Sana mapatawad na siya. Uy! Cardo, Alyana mamaya dun naman tayo sa sayawan mas masaya yun.
Lalake1: Oo naman sayawan yun eh, kembot na kembot na ako oh.
(Magaalisan ang mga tao)
SCENE 2: SAYAWAN
(ipapasok mga props)
(bukas kurtina)
(maraming nagsasayawan at may tugtugan)
Cardo: “Aah, Alyana pwede ka bang maisayaw?”
(ilalahad niya ang kanyang kamay)
Alyana: (matagal bago magsalita atv tinignan muna si Cardo
(iniabot niya nag kanyang kamay at nagpunta sa gitna)
Cardo: “Nakakamiss naman ang malalambot mong kamay(nakatingin sa kamay ni Alyana) Kailan ko kaya mahahawakan ito ng napakatagal at walang pag-aalinlangan?”
Alyana: (nailang) “Haynako, Cardo naiyo na ‘yan noon kaso hinayaan mong mawala.”
Cardo: (biglang napayuko habang sinasayaw ni Cardo si Alyana)
(biglang umiksena si Tanggol)
Tanggol: “Oh Cardo, total kanina mo pa sinasayaw si Alyana, oras ko na ngayon.”
“Alyana pwede pa kitang maisayaw?”
(napatingin si Alyana na may halong pangamba at takot)
Cardo: (nabastos sa sinabi ni Tanggol kaya naman tinitigan niya ito ng masama)
Alyana: “Sige na Cardo, maupo ka muna doon, puntahan nalang kita mamaya.”
(ibinigay ni Cardo ang kamay ni Alyana kay Tanggol)
Tanggol: “Alyana, matagal ka na ba sa lugar na ito?”
Alyana: “Hiindi e, ilang lingo pa lang”
Tangol: “Ikaw na yata ang pianakamagandang babae nan akita ‘ko sa lugar na ito.”
(habang nagkwekwentuhan sina Cardo, Pinong, Lolo Marsing at Doray…)
Tangol: “Alyana, pwede ba kitang maaya sa lamesa naming kahit saglit lang?”
Alyana: “Naku…Hindi ako pwede e.”(nagtatakang mukha)
Tangol: “Sige na saglit lang naman e.”(hawak ng mahigpit sa bewang ni alyana)
Alyana: “ Ano ba nasasaktan ako, bitawan mo ako.”
Tangol: “Sumama ka na sa akin, tignan mo nga si Cardo o, masaya siya dun kaya magpakasaya na rin tayo, mukha ngang wala siyang pakialam sayo.”
Alyana: (tinignan si Cardo, naisip niya na tama si Tangol )
“sige na sasama ako.”
(nagpunta sa table nila Tanggol, habang si Doray ay napansing wala si Alyana)
Doray: “Cardo, Cardo, bakit asan si Alyana?”
(napabalikas si Cardo sa kanyang inupuan at nagalit sa nakita niya..)
(pinuntahan si Alyana)
Cardo: “Alyana, ano ginagawa mo diyan?”
(pagalit na boses)
Alyana: “Aah… (hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin)
Tanggol: “O teke teka Cardo, pumayag si Alyana na maki jam sa amin, kaya pwede ba wag kang makialam.
(sara kurtina)
*PATALASTAS*
(open kurtina)
Cardo: “Aba…” (sinuntok si Tanggol)
(agad na lumapit ang mga tauhan ni Tanggol at pinagtulungan nila si Cardo)
Alyana: (pupuntahan niya si Cardo per pinigilan siya nni lolo Marsing)
“Cardo! Tama na yan! (umiiyak) Cardo!
(nagpumiglas si Alyana sa hawak nina Lolo Marsing)
“Tigilan niyo si Cardo.”(nakasigaw at umiyak)
Tanggol: “Tignan natin ang galling mo ngayon Cardo.” (sinuntok at pinagsisipa si Cardo)(duguan na si Cardo, maraming sugat at gasgas, nakahiga na siya sa lupa.)
(pinuntahan ni Alyana si Cardo)
Alyana: (nakahawak sa muka ni Cardo) “Anong ginawa mo kay Cardo, ang sasama niyo, mga demonyo kayo!”
Tanggol: “okay lang yan, mayabang kasi ang lalaking iyan.”
(tumingin kay Alyana at kinindatan)
“Halika Alyana sumama ka sa akin.” (hinila si Alyana at di na nakalaban pa)
(sara kurtina)
*PATALASTAS*
(bukas kurtina)
SCENE 3: ALYANA
(nakagising si Alyana)
Alyana: “Asan ako?” (nagtataka)
“saan “to?”
(sumulpot si Tanggol)
Tanggol: “Wag ka nang magtanong Alyana, ligtas ka dito lalo na’t kasama mo ako”
(nakangiting sabi ni Tanggol)
Alyana: “Ibalik mo ako kina Cardo, ayoko ditto, ang sama-sama mo talaga!”
(naluluha si Alyana)
Tanggol: “Hindi ka na babalik doon at mamaya asawa na kita, kaya papaligayahin mo ako.” (nangingiti-ngitisi Tanggol)
Alyana: “ayoko sayo ! nakakadiri ka, hindi kita papatulan!.”
Tanggol: “wala ka naman magagawa alyana tayo na ang mag asaw ngayon”.(sabi niya na may balak na masama)
Alyana: “Teka bakit asan pala si cardo? Anong ginawa mo sa kanya?”
Tanggol: “Haynako, ang dami mong tanong, ang kulit mo e, makalabas nga muna ako.”
“Hoy! Bantayan mo asawa ko ah!”(sinabi niya sa kanyang utusan)
Tauhan: “Sige, ako na bahala dito.”
Tanggol: “Alyana, hintayin mo ako, magready ka na ha? Ang bango mo pa naman kahit bagongbgising.”(nangingiting sabi ni Tanggol)
(sara kurtina)
*PATALASTAS*
(bukas kurtina)
SCENE 4: SA BAHAY KUBO
Cardo: “Lolo Marsing, asan si Alyana?” (nagtataka)
Lolo Marsing: “Naku Cardo, noong ginamot ka naming at dinala dito hindi ko na alam kung saan napunta si Alyana.”
Doray: “Nakita ko siya noon na kasama ni tanggol, hindi ko na sinabi sa inyo dahil nag-aalala na din ako kay Cardo kaya inuna kong asikasuhin siya.”
Dinong: “Hala, delikado si Alyana doon, bakit ‘di mo sinabi?”
Cardo: “Hahanapin ko sila at pagbabayarin ko si Tanggol sa kanyang ginawa.”(galit na galit)
Lolo Marsing: “Hindi na pwede, hindi pa magaling ang mga sugat mo.”
Doray: Oo nga Cardo, ipagdasal na muna natin na sana ay maayos ang kalagayan niya doon, na sana walang masamang nangyari sa kanya.”
Cardo: “Hindi ako papaya, hindi ako mapakali ditto kung ‘di ko siya nakikitang ligtas, pupuntahan ko siya at sisiguraduhin kong ligtas siya.”
(agad na tumayo si Cardo sa kanyang hinihigaan niya at lumabas na ng silid para hanapin si Alyana)
(sara kurtina)
*PALATASTAS*
(bukas kurtina)
SCENE 5: TANGGOL AND ALYANA
Tanngo: “Hoy babae, kumain ka na, eto na
pagkain mo.”
Alyana: ”Ayokong kainin yan, ibalik mo ako kila Cardo.” (pasigaw)
Tanggol: “Alyana naman e, sige na wag ka nang mahiya.”(hinawakan ang kamay ni alyana)
(tinabig ni Alyana ang kamay ni Tanggol at sinipa ito sa maselang parte ng katawan dahilan para mapahiga si Tanggol)
(sumubok na tumakas si Alyana pero…)
Tanggol: “Aba, lumalaban ka na, yan ang mga gusto ko e.”
(tumayo siya sa pagkakasadlak at hinabol si Alyana)
(nahawakan niya ang buhok ni Alyana at hinila niya ito doon na niya sinimulan ang kanyang balak)
(sara kurtina)
*PATALASTAS*
(bukas kurtina)
SCENE 6: SEX SCENE (MAY TELA)
(pagkatapos ng malagim na pangyayari hindi na makausap si Alyana, wala na siya sa sarili)
Tauhan 1: Boss, parang di na makausap yung babae, anong ginawa mo boss?”
Tanggol: “Alam mon a yun.”
Tauhan: Boss, ano kaya kung tapusin na natin yan? Kasi wala na rin lang namang kwenta”
Tanggol: “Kaya ng e, ako na bahala ditto)
(muling ginahasa si Alyana at pagkatapos nito ay pinatay siya)
(sara kurtina)
*PALATASTAS*
(bukas kurtina)
SCENE 7: GUBAT
(habang naglalakad si Cardo sa kanilang lugar na hinahanap si Alyana…nakita ni Cardo na nakahandusay sa damuhan si Alyana. Humagulgol at sumigaw si Cardo. Nakita niya ang balabal ni Tanggol na hawak ni Alyana. Hinanap ni Cardo si Tanggol na galit na galit hanggang sa makita niya ito)
Cardo: Tanggoooooooooool!
(sinugod at nilundag ni Cardo sabay suntok sa muka ni Tanggol)
“walang hiya ka Tanggol, papatayin kitaaaa!”
Tanggol: “tinikman ko lang ang asawa mo hahahahaha”(sabay saksak sa tagiliran ni Cardo)
Cardo: (kinuha ang baril) “Tikman mo rin ang bala ko!”
(natumba si Tanggol at namatay)
(pinuntahan ni Cardo si Alyana na iika ika at tinabihan si Alyana at paunti unti na ring namatay si Cardo sa tabi ng kanyang asawa)
0 notes
Photo
Sa muling pagkakataon, ako'y hihiling Ilayo Mo nawa ako sa mapanakit na mundo, at sa mapanlinlang na damdamin. Bigyan ako ng lakas at tuluyang kong sagipin Ang sariling puso mula sa nangaakit na paglibing. Sa pagkukulang at kasalanan ko, ako'y Iyong patawarin. Sa mga mapanghusga, ako'y iyong salagin. Pagbigyan mo pa ako, para isama ang iba sa aking panalangin Gamutin ang mga sugatan at lubusan pang kami ay mahalin Haplusin ang isip at puso ng mga dating suwail at wag kaming itakwil Ibalik kami sa tabi Mo at maging tapat sa aming tunay na adhikain Maging mabuti at sa masama ay di na paalipin. . . . . . . . . . . . Pero bago pa man po ang lahat, maraming maraming SALAMAT po Ama. #Gratitude #Refuge #Patience #Love #Faith #Hope #Strength #Safety
0 notes
Text
Muling Ibalik
A narrative poem in reaction to Rizal’s Sa Aking Mga Kababata Contemporized in the POV of a millenial
Ang mundo ay unti-unting nagbabago Lalo na ang pananalita ng mga tao Sadyang Ingles na ang salita ng karamihan At Tagalog ay unti-unting nakakalimutan.
Twitter, Instagram at Facebook na nagkakatalo Pagandahan ng Ingles na kapsyon para likes ay lumago. Sadyang habol na lng ba ay kasikatan? Bakit nakalimutan na ang kinagisnan?
Hindi na ba alam paano? Simulan na lang natin sa simpleng pag po at opo. Halika na at balikan natin Ang mayamang sariling atin.
*Short explanation on why this is a narrative : This poem has a beginning, middle, and an end. It also tells a story. It also have a rhythmic pattern. These fit the characteristics of a traditional poem.
By S.Y. 2015-13458
0 notes
Text
Katotohanan (ni rvc)
"Bilisan mo na ang paghuhukay at baka may makakita pa sa atin!" "Oo, heto na nga oh," ang sagot ng isang nakababatang lalaki habang naghuhukay ng bangkay na 20 araw pa lamang simula nang mailibing. Malamig ang gabi at paunti-unting pumapatak ang ulan mula sa madidilim na ulap ngunit tila walang nakakapansin nito sa kanilang dalawa. Nang matapos nilang i-angat ang katawan ng isang lalaking nasa 50 anyos mula sa himlayan nito, agad silang dumiretso sa tabing ilog upang itapon ito roon. "Sino ba naman kasing nag-utos nito, mukha namang mabait na tao 'yong itinapon natin d'yan." "Ewan ko ba basta babayaran nila tayo para dito." "Bakit mo ba ginagawa 'to Tonio? E wala ka namang pamilyang binubuhay." "Manahimik ka d'yan, siyempre kailangan ko ring buhayin ang sarili ko." Nagsindi na lamang ng sigarilyo ang dalawa habang pinapanood anurin ng ilog ang katawang itinapon nila. "Baka may makakita pa sa atin, tara na bata." "Hindi na ako bata, Tonio!" Sa liblib na parte ng paanan ng bundok ay may nakatirik na mga kawayang dikit-dikit at tagpi-tagping yero, doon nakatira si Tonio mag-isa. Halos buong buhay na siyang nagtatrabaho bilang isang sepultorero sa kalapit na sementeryo, ang madalas n'yang kasama sa trabaho - ang binatilyong nagngangalang Benny - na kasama niya ring nagtapon ng bangkay sa ilog. Matapos ang gabing iyon ay hindi sila binigo ng mga nag-utos sa kanila upang gawin iyon. Pasikat pa lamang ng araw ay may kumatok na sa pintuan ni Tonio, pinagbuksan niya ito. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa kaniya at may malaking marka sa mukha. Inabot ang isang puting sobre sa kaniya at biglang umalis nang walang sinasambit ni isang salita. Laking gulat ni Tonio nang makita niya ang laman ng sobre, napakalaking halaga na nito para sa kaniya at 'di niya lubos maisip kung saan gagamitin ang pera. Pagabi na nang magkita sila ni Benny sa sementeryo. Dating gawi, naglilinis ng mga puntod at naghuhukay para sa mga bagong darating. "Natanggap mo na ba iyong bayad, Benny?" "Oo pero parang gusto kong ibalik." "Tanga ka ba, bakit mo naman ibabalik?" "Sa tingin mo, bakit ganoon kalaki ang bayad sa pinagawa sa atin? Baka kapalit pa nito buhay natin!" "Ngayon ka pa natakot kung kailan tapos na natin ang trabaho." Medyo napasarap ang kwentuhan ng dalawa at hindi napansin na malalim na ang gabi. Nang tatayo na sila mula sa kanilang kinauupuan para umalis na, tila may nag-uusap ngunit hindi nila maintindihan ang mga salita. Sinubukan nilang hanapin kung saan nagmumula ang alingawngaw ng pag-uusap at nang makita na nila ang dalawang lalaking nag-uusap nagtago sila sa likod ng malaking nitso upang hindi sila makita. "Kailangan nang madispatsa ang mga katawan, pag may naghanap sabihin ninyong wala kayong nakita," sabi ng isang lalaking matangkad ngunit di nila makita ang mukha ng dalawang nag-uusap dahil sa kadiliman ng paligid. Sumagot naman ang kausap na lalaki, medyo matanda na ang boses nito, "Oo walang makakaalam nito basta ba maayos ang kabayarang matatanggap namin." "Kailan ba namin kayo binigo?" Napatingin nang bahagya ang matangkad na lalaki sa direksyon ni Tonio at Benny, agad-agad namang nagtago mabuti ang dalawa upang di sila makita. Nang narinig na nila ang mga yapak papalayo, nagsimula na rin silang umalis nang mabilis. "Tonio, ano kaya 'yon? Bakit sa sementeryo pa sila nag-uusap?" "Hindi na dapat natin pinakinggan pa iyong usapan nila." Napatigil saglit ang dalawa sa paglalakad pauwi, nagkatinginan at naunang magsalita si Tonio, "Ang dami nang kaso ng mga taong bigla na lang nawawala dito sa lugar natin, malayo ako sa bayan pero nababalitaan ko pa rin ang mga ito." "Sabi nila may mga kinalaman daw sa droga yung mga nawawala." "Pero bakit bigla na lang sila nawawala at walang katawang natatagpuan?" "Hindi kaya tungkol doon iyong pinag-uusapan ng dalawang lalaki kanina." "Hindi ko alam, 'wag na natin isipin dahil wala naman tayong kinalaman doon." Nagpatuloy pa rin ang buhay para sa dalawa, maglilinis at maghuhukay - araw hanggang gabi. Ngunit isang hapon nagkatagpo ang dalawa sa trabaho, at may balita si Benny kay Tonio. "Tonio, may paggagamitan na ako sa perang natanggap ko." "Anong kalokohan naman 'yan? Mag-iiinom magdamag? Hahaha! 'Wag mo na akong isama." "Talagang hindi kita isasama! Kasi kinumbinsi na ako ni Lila na mangibang-bayan." "Tanga ka talaga. Pati sa isang babae nagpapaloko ka." "Palibhasa sanay kang mag-isa, pero desidido na talaga ako. Magsisimula kami sa panibagong lugar." "Oo, sanay na ako mag-isa kaya umalis ka na kung kailan mo gusto." 'Di man batid ni Benny ngunit may kaunting kirot na nadarama si Tonio, simula't sapul sila lang ang magkasama sa trabaho. 'Di man nila aminin, pamilya na ang turingan nila. Iyon na ang araw na huling nagkita ang dalawa, araw na rin ang lumipas subalit wala pa ring pumapalit sa trabaho ni Benny sa sementeryo kaya kinailangan ni Tonio na doblehin nag pagkilos upang matapos ang gawain. Lumipas din ang mga araw na hindi na kasama ni Tonio si Benny sa pagtatrabaho, napagdesisyonan niya na ngayong araw ay uuwi siya nang maaga dahil pagod na lang ang naramdaman niya simula nang dumoble ang kaniyang tinatrabaho. Magpapahinga na sana siya nang marinig niya si Aling Ising na tinatawag ang kaniyang pangalan, agad siyang lumabas. "Tonio, may naghahanap sa iyo!" Malakas na pagkakasigaw ni Aling Ising. Bumungad kay Tonio ang isang binatang halos mukhang kasing-edad ni Benny, payat at kulot ang buhok - tila siya ito sampung taon na ang makalipas. "Antonio Almariego?" "Anong kailangan mo?" Hindi sumagot agad ang binatilyo. Nainip si Tonio at isasara na sana ang pinto nang sumagot ang binata, "Ako si Jose Almariego!" "Ano naman kung ikaw si jose?" "Kuya kita." Natulala saglit si Tonio nang marining niya ang sinambit ni Jose, ngunit sumagot pa rin ito. "Wala akong kapatid at mas lalong wala akong pamilya." "Makinig ka muna." 'Di mawari ni Tonio kung gusto niya bang pakinggang ang sasabihin nito o pagbagsakan na lamang ito ng pinto, nanaig sa kaniya ang lukso ng dugo at nakinig nga ito. "May sakit ang nanay. Ito ang huli niyang kahilingan, ang makita ka bago siya mawala. Ngayon lang kita hinanap kasi may mga bagay na kinailangan naming pag-ukulan ng pera kaysa sa pamasahe. Tatlong bayan ang nadaanan ko papunta dito. Ikinwento ni nanay na nahiwalay ka sa amin ng may mga di kilalang kalalakihan ang lumusob sa bahay natin at hinahanap ang tatay. Wala na rin ang tatay ngayon. Kami na lang ni nanay, kaya sana ay magpakita ka sa kanya." "Paano ko nalaman na nagsasabi ka ng totoo? At tsaka bakit naman ako magpapakita sa nanay na natiis na 30 taon akong hindi hinahanap." "Natakot ang nanay na baka bumalik ang mga kalalakihan kaya mas pinili niyang manatili sa kaniyang pinagtataguan. May dala akomg larawan mo kung gusto mong makita." Tiningnan ni Tonio ang larawan. Naghahalong galit, lungkot, at tuwa ang kaniyang naramdaman, ngunit ang naipapakita niya lamang ay galit. "Kung hindi ka sasama upang makita si nanay, aali na ako dahil walang magbabantay sa kaniya." Walang reaksyon si Tonio ngunit bigla na lamang niya inabot kay Jose ang puting sobreng naglalaman ng pera kahit na hindi niya lubusang kilala si Jose, "Iuwi mo si nanay dito." Kinabukasan dumating nga si Jose at ang kanilang ina. Sobrang hina na nito at hindi na halos makapagsalita ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang tuwa nang makita si Tonio at agad silang nagyapan. Mahaba rin ang naging pag-uusap ng muling nagkatagpong pamilya, hindi na pinansin ni Tonio ang pagliban sa trabaho. Maya-maya lamang ang may kumatok. Laking gulat ni Tonio nang makita niya muli ang lalaking nag-abot sa kaniya ng pera, "Anong ginagawa mo rito?" "Kailangan mong sumama sa akin." Natigilan bahagya si Tonio nang marinig ang boses ng lalaki ngunit hindi niya na ito pinansin. Nagpaalam na muna siya sa kaniyang nanay at kay Jose at sumama na sa lalaki nang walang pagdadalawang isip dahil inakala niyang may ipapagawang trabaho lamang muli sa kaniya. Dumating sila sa opisina ng alkalde, nagtataka kung bakit sila naroon. Pumasok sila sa isang malaking silid, mayroon itong magandang mesa at upuan. Pumasok ang isang lalaking nakabarong, walang ano't ano pa man naisip agad ni Tonio na ito ang alkalde. "Magandang hapon, Antonio Almariego." Ang sabi ng alkalde habang inaabot nito ang mga palad upang makipagkamay. "Magandang hapon din po, mayor. Paano niyo po ako nakilala?" "Siyempre, Tonio. Dapat kilala ko ang aking mga nasasakupan," masayang pagkakasabi ng alkalde. "Didiretsohin na kita. Alam kong naroon kayo sa sementeryo nang gabing naroon din si Ador at Mang Epoy." Si Ador pala ang lalaking matangkad na may marka sa mukha. Naalala na ni Tonio ang tono ng boses nito at biglang bumilis ang tibok ng puso niya subalit hindi niya ito pinahalata. "Hindi ko nanaising marinig mula sa iyo ang mga narinig mo noong gabing iyon." Patuloy na pagsasalita ng alkalde, "Nais ko lamang mapabuti ang ating bayan, hindi mo rin ba gugustuhin iyon para sa kapatid at ina mo? Huwag mong ipagpalit ang kaligtasan para sa katotohanan." Hindi lubusang maintindihan ni Tonio ang nangyayari kung kaya't tumango na lamang siya. Matapos ang maging pag-uusap ay inihatid siya ni Ador pabalik ng kaniyang tahanan. Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Inalala niya ang nagiging pag-uusap nila ni Benny nang marinig ang palitan ni Ador at Mang Epoy. Unti-unti niyang nabuo sa isipan ang lahat ng nangyari - ang alkalde ang puno't dulo ng lahat ng pagkawala sa kanilang bayan at sina Ador at Mang Epoy ang nagdidispatsa sa mga katawan kung kaya't wala nang nakahahanap pa sa mga ito. Gising pa pala si Jose sa oras na iyon at hindi napigilan ni Tonio na sabihin kay Jose ang lahat. "Kung gayon, dapat malaman ng mga mamamayan ang nagyayari dito!" Kabagong pagkakasabi ni Jose. Pagsapit nang umaga'y umalis agad si Tonio ngunit ang bumungad sa kaniyang pagkalabas ay si Ador. Tila nalaman ng alkalde ang kaniyang plano kung kaya't pinabantayan siya kay Ador. Nanindigan siyang siya ay magtutungo sa Gobernador ngunit pumasok si Ador si kaniyang bahay ay tinutukan ng patalim ang ina ni Tonio. Nagising bigla si Jose at 'di malaman ang gagawin. Hindi napansin ni Ador ang paggalawa ni Jose kung kaya't napalo nito si Ador ng bote sa ulo. Buhat-buhat ang kanilang ina ay mabilis nilang nilisan ang bahay. Hindi nila malaman kung saan sila tatakbo. Walang makatutulong sa kanila sa paligid, kahit ang kanilang alkalde ay hindi sila matutulungan dahil siya ang may pakana ng lahat. Nawawalan na ng pag-asa si Tonio ngunit tinutulak pa rin siya ni Jose. Hindi nila namalayan na nakarating na sila sa kabilang bayan pagdating ng hapon. Naaninag ni Tonio si Lila mula sa malayo, dali-daling nilapitan ni Tonio si Lila, "Nakita mo ba si Benny? Kaninang umaga pa siya nawawala." Tanong ni Lila kay Tonio. Halos matanggal na ang puso ni Tonio mula sa kaniyang dibdib sa bilis ng tibok nito. Si Benny nawawala, sumagi agad sa kaniyang isip na napahamak na ito. Isinama ni Lila sila sa Tonio sa kanilang bahay. Mahigit isang oras ang lumipas at dumating si Benny. Naghahalong tuwa at takot ang naramdaman ni Tonio. Sinabi niya kay Benny ang lahat ng kaniyang nalaman at nangyari. Alam ni Benny ang dapat gawin kung kaya't isanama niya ang lahat sa opisina ng gobernador at doon naramdaman nilang ligtas na sila. Nangako ang gobernador na poprotektahan sila at pananagutin ang may sala. Ang huling salitang binitiwan ng gobernador bago umalis ay, "Huwag niyong ipagpalit ang kaligtasan para sa katotohanan."
0 notes