#motorsiklo
Explore tagged Tumblr posts
rvqmrnn · 28 days ago
Text
"Sa Kabila ng Init: Buhay sa Anino ng Tubo"
Tumblr media Tumblr media
"Bitbit ang biyaya ng lupa, bunga ng sipag at tiyaga—patunay ng matibay na ugnayan ng tao at kalikasan."
Tumblr media Tumblr media
"Sa bawat hagod ng itak, makikita ang sipag at tiyaga—bunga ng dedikasyon at pagsisikap."
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Karga ng motorsiklo, karga ng pagsisikap—patungo sa kinabukasan."
1 note · View note
dimas-inag · 6 months ago
Text
Oktubre 16, 2024
Likha ng Gitlang Dila 9: Ako at Ang Aking Motorsiklo
Noong una’y hindi sumagi sa isipan
Na ang sarili’y mailalarawan
Sa pag-upo’t pagbalanse sa lansangan
At sa pakikipagsapalaran sa malayong paroroonan
Sa unang puwesto’y puno ng kaba
Nginig sa kalamnan’y walang hupa
Ngunit anong pagkasabik nang mapaarangkada
Ang una ngang motorsiklong dala
Sa pagpiga’y siya ring ibinibilis ng tulin
Habang ang ngiti’y ibinibihis ng hampas ng hangin
At ano ngang balik ng taranta sa ikinapupuwing
O kiliti’t kati habang nasa biyahe
Sa paglaong inaangkas na ang mga panahon
Sa pagyakap ng tag-init
Sa paghalik ng tag-ulan’y
Ang hantong ay sa patuloy pa ring pagsulong
Mapag-isa mang makapaglakbay
O may makasabayang abay
Ang layon’t tuon ay kung saang magtutungo
Kasa-kasama ang aking motorsiklo.
0 notes
anj-writes · 10 months ago
Text
MPK: Russel Contemplacion Story
(The daughter of Flor Contemplation Story)
Pambihirang buhay. Napabuntung-hininga ako. Sobrang hirap. Yan ang mga katagang nasambit ko matapos kong panuorin ang totoong kwento ni Russel Contemplacion matapos mamatay ang kanyang inang si Flor. Doon pa lamang sa kawalang hustisya at pagsistensya ng kamatayan sa kanyang ina ay mahirap nang makabangon muli. Isang trahedya sa buhay niya na habambuhay niyang dala-dala, mula sa pagdilat ng kanyang mga mata, hanggang sa kanyang pagtulog.
Buntis siya noong namatay ang kanyang inang si Flor, hindi pa siya tapos sa pag-aaral. Sa kabila ng malaking dagok sa kanyang buhay, pinili niyang makapag-aral muli, sa tulong na rin ng mga abuloy at donasyon na natanggap ng kanyang pamilya sa mga taong nakiramay pati na mga politiko. Apat silang magkakapatid, pangalawa siya't nag-iisang babae. Nanganak siya at premature ito, si Florence. Nakapagpatayo sila ng bahay, nakapag-aral siya at ang dalawa pa niyang nakababatang kapatid. Ang tatay niya ay may negosyong lansones. Maayos naman ang takbo ng kanilang buhay nung una. Ngunit nalaman niyang ang kanyang anak ay may sakit na Epilepsy at Cerebral Palsy. Muli siyang nagbuntis sa asawa niyang batugan. Oo, batugan, na tila ba nakatago sa saya nitong si Russel. Takot sumubok, palaging bukas ang tenga sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng tao sa paligid niya. Sa mga mata ko, hindi pagiging lalaki ang pinapakita niya, kundi karuwagan at kawalang-kwenta. Mabalik tayo sa mga kapatid niya, hinihiraman siya ng pera ng mga ito dahil may negosyo raw na itinatayo. Di kalauna'y nadawit sa droga ang kanyang tatlong kapatid na di umano'y mga tulak ng droga at gumagamit na rin. Nakulong sila at laking problema ito kay Russel, hindi niya kayang talikuran ang mga ito. Nagbuntis ulit si Russel sa pangatlo niyang anak, hindi rin nagtagal ay mas minabuti nilang mag-asawa na ipaalaga muna ito sa kapatid ng kanyang asawa, masakit pero wala na silang maipantustos pa sa kailangan ng sanggol. Sa kasamaang palad, napag-alaman niyang pati ang kanyang ama ay tulak na rin ng droga, sobrang pagkadismaya ang kanyang naramdaman kaya nama'y agad niyang pinagsabihan ang kanyang ama na itigil ito, ngunit ang babae ng kanyang ama ay mapilit, kaya di nagtagal nakulong din ang kanyang ama. Kasabay nito ay nawalan din siya ng trabaho dahil tapos na ang kanilang termino. Napagdesisyunan niyang magtinda muna sa kanilang bahay, nanganak siya sa ikaapat na anak. Inalok siya ng kanyang asawa na bumili ng tricycle upang makatulong sa panggastos, ngunit sa iba naman nito ipinapamasada ang motorsiklo, parang wala rin. Di naglao'y nahuli niya ang kanyang asawa na humihithit ng droga, sa sobrang pagkagalit ay hiniwalayan niya ito. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang pangatlong anak ngunit ayaw nitong sumama sa kanya. Napag-alaman niyang nagkasakit at namatay na ang nakatatanda niyang kapatid, sobrang sakit nito para sa kanya dahil wala man lang siyang alam at nagawa kung sakali. Tuluyan na ring lumubha ang sakit ng kanyang anak na may Cerebral Palsy, namatay na rin ito. Muling nakabalik si Russel sa trabaho kahit hindi pa man nagtatagal na yumao ang kanyang panganay. Hindi rin niya kasi kayang manatili at magmukmok sa kanilang bahay, lalamunin lamang siya ng lungkot at pagluluksa. Muling sumubok na bumalik sa buhay ni Russel ang kanyang asawa at nangako na magbabago na, ngunit tinanggihan niya ito sapagkat hangga't hindi niya naipapakitang kaya niyang tumulong sa pamilya, sarado ang kanyang pintuan para rito.
THE END...
How can a woman be this strong despite all of the struggles she had been through? Paanong nakakaya niya pa ring lumakad at umusad kahit na ang kanyang isang paa ay tila ba nasa hukay.. Isa siya sa pinakamatapang na babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Matapang at punung-puno ng pag-asa't pagmamahal.
Sa dulo ng video sa youtube, may nakita akong comment na "Bakit kasi hindi mo na lang problemahin ang sarili mo..."
Pwes kasi. Ang puso ay may kalayaang piliin kung ano ang gusto niyang gawin. Ang kabaitan ay hindi maitatago o maikukubli. Dugo man o tubig. Sa bingit man ng kamatayan o rurok ng kaligayahan.
Sobrang hanga ako, napaiyak ako ng istoryang ito! I'll do some research about Flor Contemplacion.
I am happy and I am crying like a baby. Hahaha.
0 notes
coco-nutella · 11 months ago
Text
HUWAG MONG HAWAKAN
Sa panahon ngayon, madalas hindi na pinaniniwalaan ng mga kabataan ang paniniwala ng mga matatanda lalo na kung hindi nila mismo naranasan. Ngunit, wala namang masama kung tayo'y makikinig at susunod sa kanilang paniniwala.
Sina Jacob at Alex ay matalik na magkaibigan simula noong sila'y nasa elementarya pa lamang. Lagi silang magkasama lalo na sa mga importanteng araw ng kanilang buhay. Isang araw, inimbitahan ni Jacob ang kaniyang kaibigan na si Alex sa kaniyang kaarawan. "Pre, punta ka sa amin mamayang gabi upang ipagdiwang ang aking kaarawan," wika ni Jacob kay Alex habang sila'y pauwi galing paaralan. "Oo naman," masayang sagot ni Alex.
Noong makabihis na si Alex, agad nitong inandar ang motor at umalis na. Habang nasa biyahe si Alex, napansin niya na parang paulit-ulit lang ang kaniyang dinadaanan. Tinawagan niya si Jacob at sinabing, "Pre, naliligaw na ata ako". "Sabi ng lola ko, baliktarin mo raw ang iyong damit," wika ni Jacob sa kabilang linya. Si Alex ay naligaw sa daanang maraming mga puno at kaunti lamang ang ilaw. Hindi siya naniwala sa sinabi ni Jacob at nagpatuloy pa rin ito kahit na alam niyang naliligaw na siya. "Huwag ka na munang magpatuloy, susunduin ka na lang namin," wika ni Jacob na nag-aalala na.
Habang nasa kalsada sila Jacob at ng kanyang pinsan, may nadaanan silang naaksidente. Ang lalaki ay nakahandusay sa kalsada kasama ang nawasak na motor. "Parang si Alex yun ah," usisa ni Jacob. Tinignan ni Jacob ang lalaki at kinilabutan siya noong makita niyang si Alex nga ito. Laking gulat ni Jacob noong biglang tumawag si Alex sa kaniyang telepono. "Pre, may nakita akong motorsiklo na nabunggo sa may malaking puno malapit sa akin. Duguan yung dalawang lalaki," natatakot na wika ni Alex. Hindi makapagsalita si Jacob dahil kitang-kita niya si Alex na nakahandusay sa kalsada. "Pre, Pre? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Alex. "Ha? Alex? Paano ka nakatawag eh nandito yung katawan mo nakahandusay dito sa kalsada," naguguluhang sagot ni Jacob. "Hindi ako yan pre, buhay pa 'ko," wika ni Alex. Binuksan ni Alex ang kaniyang camera at ipinakita ang mukha niya kay Jacob. "Oh diba ako 'to, ang gwapong kaibigan mo," natutuwang wika ni Alex.
Tinawagan ni Jacob ang kaniyang lola at ikinuwento ang nangyayari. Sinabihan siya ng lola niya na huwag nilang hawakan ang mga ito dahil ito'y gawa ng demonyo. Kinikilabutan na sila Jacob sa mga nangyayari kaya tinawagan niya ulit si Alex. Pagkasagot ni Alex sa video call, pinakita niya kay Jacob ang paghawak niya sa dalawang lalaki. "Pre, kamukha mo naman itong isang lalaki na nabunggo," gulat na wika ni Alex. "Huwag mong hawakan! Mga demonyo ang mga yan," sigaw ni Jacob kay Alex. Agad na tinanggal ni Alex ang kamay niya sa lalaki. Pagkatanggal niya, biglang gumalaw ang lalaki. Dali-daling inandar ni Alex ang kaniyang motorsiklo at natatarantang umalis papalayo sa lugar na iyon. Siya ay nagdarasal habang pinapatakbo ang motorsiklo. Sa kabutihan ng Diyos, siya ay nakauwi ng ligtas.
Pagkauwi niya, biglang tumawag sila Jacob at kaniyang pinsan. Pinayuhan nila si Alex na sunugin ang kaniyang mga damit. "Sayang naman pre, regalo sa'kin to ni mama," wika ni Alex. "Makinig ka nalang Alex, para sa ikabubuti mo rin naman 'to," pagpupumilit ni Jacob. Hindi nakinig si Alex sa payo ni Jacob. Hindi niya ito sinunog dahil mahalaga ang damit na iyon sa kaniya.
Kinaumagahan, tinawagan ni Alex si Jacob. Kinuwento niya na hindi siya nakatulog kagabi dahil mayroong maitim na anino na pilit siyang sinasakal. Halata sa mga boses ni Alex na siya'y natatakot. "Sinunog mo ba yung damit mo kagabi?" tanong ni Jacob kay Alex. "Hindi, Jacob," natatakot na sagot ni Alex. "Naku! Dapat sinunog mo. Dapat nakinig ka sa'kin Alex," nag-aalalang wika ni Jacob.
Makalipas ng ilang araw, nabalitaan na lamang nila Jacob na binawian na ng buhay si Alex habang nasa biyahe papunta kila Jacob. Naihagis ang kaniyang katawan at sa kasamaang palad, nagulungan ito ng malaking truck. Hindi matanggap ni Jacob ang nangyari sa kaniyang kaibigan kaya siya ay na-depressed at nawalan ng gana sa kaniyang buhay.
0 notes
inah-rosario · 1 year ago
Text
kinuha ni Ate Sham yung motorsiklo ng tatay ko, at sumama kay Alice Anatan para makipagsapakan.
Tumblr media
1 note · View note
notmeitssyou3 · 2 years ago
Text
Tumblr media
Hindi matatawaran ang ganda ng kalikasan kapag ito ay na sa harap mo na. Para sa mga kaybigan, pamilya, at kamag-anak na nagplaplanong mag travel, kulayan na ang drawing! Ang salapi ay babalik, ngunit ang panahon ay patuloy pa rin sa pagtakabo. Kaya naman, ramdamin natin ang kasiyahan kasama ang kalikasan. Gamutin natin ang mga sugat mula sa mapapait na kaganapan gamit ang luntiang paligid. Hindi lang problema ang marami sa Pilipinas, kundi tourist destination din! Kaya naman, mag impake ka na at mag travel kasama ang mga mahal sa buhay!
Tumblr media
Welcome sa tahanan ng mga bayani, Bataan! Isa ang Bataan sa mga lugar sa Pilipinas na mayaman sa mga likas na yaman. Dito rin naganap ang katapangan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa panahon ng mga Hapon, ang death march. At ang tourist destination natin para sa araw na ito ay ang Orani Bataan. Kilala ang Orani sa naggagandahang resort nito at mala-paraisong kabundukan. Isa sa mga tourist spot dito ay ang Orani view deck. Ang view deck ay na sa taas na bahagi ng kabundukan ng Orani. Mula rito, makikita ang malawak na kapatagan, ang karagatan, at ang Metro Manila.
Tumblr media
Ano pa nga ba ang matatagpuan sa Orani view deck? Bago pa man makarating sa view deck, madadaanan na ang iba't ibang klase ng pagkaing batangas, kapihan, at Private resort. Mula sa paanan palamang ng bundok, makakakita na ng mga nagtitinda ng bulalo, gotong batangas, at kapeng barako. Isa sa mga sikat na kainan sa Orani view deck ay ang Tala view deck Food. Ito ay matatagpuan bago ang main entrance papaakyat ng Orani view deck.
Tumblr media
Mapupuntahan ang orani view deck gamit ang pribado at pampublikong sasakyan. Kung ikaw ay galing sa norte at may sariling sasakyan, babaybayin mo ang bayan ng Dinalupihan at Hermosa. Pagdating sa bayan ng Orani, hihinto at liliko ka sa barangay ng tala at derederetso hanggang marating ang Orani view deck. Kapag ikaw naman ay nanggaling mula timog, babaybayin mo ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Abucay, at Samal. Parehas ng proseso, kapag nakarating sa bayan ng Orani, hihinto at liliko sa barangay tala. Kung ikaw naman ay naka pampublikong sasakyan lamang, ikaw ay baba sa kanto ng barangay tala; maaari kang sumakay ng motorsiklo hanggang sa entrance ng Orani view deck at maglalakad papuntang tuktok neto.
Tumblr media
Tunay na walang kapalit ang nararamdamang saya kapag dumadampi na sa atin ang hangin ng kalikakasan. Ang saya kumuha ng mga litrato kapag nakikita ang luntiang kabundukan at asul na karagatan. Ang paglalakabay ay isa sa mga magbibigay saiyo ng lakas upang bumalik at muling lumaban sa bawat hamon ng buhay. Sa bawat paglalakabay, nabubuo ang hindi inaasahan na samahan, nangyayari ang mga imposible, at nabubuo ang mga relasyong watak-watak. Kaya naman, tayo ay maglakbay at damhin ang saya ng buhay, sapagkat ang oras ay kailnaman hindi na muling babalik pa.
Ctto pictures
1 note · View note
catholicjapanese · 2 years ago
Text
Tumblr media
malakas ba sa team si miss rina? baka totoo na nga sa mga teenager na motorsiklo masyado ang sinamba nila.....[for some reason]
0 notes
st-joan-of-arc-22-23 · 2 years ago
Text
Tumblr media
Wala nang mas hihigit pa sa katahimikan ng Lake Holon, isang kahanga-hangang tanawin at napakahalaga 💚
Tuklasin ang Lake Holon 🌿. Ang Lawa ng Holon ay isang lawa ng bunganga ng bulkan na matatagpuan sa munisipalidad ng  T'boli sa Timog Cotabato, Pilipinas. Ito ay itinuturing na isang sagradong lugar ng mga T'boli, na naniniwala na ang lawa ay tahanan ng kanilang mga ninuno at mga diyos. Ang lawa ay napapalibutan ng malalagong kagubatan at nag-aalok ng mga nakamamanghang tanawin ng nakapalibot na mga bundok. Isa rin itong sikat na destinasyon para sa mga mahilig sa kalikasan na nag-e-enjoy sa hiking, camping, at swimming sa mala-kristal na tubig na kung saan ligtas itong gawin dahil ito ay isang protektadong lugar.
Dahil sa mahaba habang lalakarin na aming inaasahan 5 ng umaga pa lamang ay umalis na kami sa aming tahanan upang hindi mahuli sa biyahe at hindi magiging mainit ang panahon kapag kami ay maglalakad. Mula sa receiving area sumakay kami sa motorsiklo o mas kilala sa mga T'boli na habal- habal halos umabot ng 15 minuto ang biyahe at kami ay nakarating na sa Sitio Kule kung saan magsisimula ang aming trail o hiking pero bago kami nagsimula kami ay nagtipon- tipon para sa mahahalagang anunsyo. Hinati kami ng trail leader sa 5 grupo at ang bawat grupo ay may kanya kanyang tour guide at amin na ngang sinimulan ang trail. Pagkalipas ng higit 30 minutes amin ng narating ang 1st station kung saan aming madadaanan ang mga corn fields ng my residente ng mismong barangay.Ang susunod na station ay ang hot spring kung saan puwede kang uminom kaya tamang tama ito dahil sa station pa lamang na ito mauubos na ang inumin mo sa sobrang tataas ng mga bundok na lalakarin. Marami ring flowing water ang iyong madadaanan sa paglalakbay kaya hindi ka talaga mag-aalala na mauubusan ka ng tubig dahil ang mga flowing water na ito ay malilinis rin mula mismo sa mga bundok.
Ang ikatlong station ay ang view deck dito makikita mo na ang buong lawa ng Holon ma mamangha ka talaga sa kakaibang ganda ng lawang ito, nakakapagod man ang paglalakbay ngunit ng naabot ko ang tuktok nawala ang aking pagod dahil masasabi ko talagang worth it ang aking pinaghirapan. Nang kami ay nakapag pahinga na at nakapag muni-muni sa magandang lawa kami ay naglakad ulit para makarating sa camp site kung saan kailangan naming bumaba papunta sa mismong lawa at bago pa makarating sa lawa kailangan mo munang sumakay ng bangka papuntang camp site. Umabot ng mahigit 4 na oras amin na ngang narating ang mismong camp site. Pagdating namin nag set-up na kami ng aming mga tents na tutuluyan namin sa isang gabi naming pananatili sa lugar. Nang sumapit na ang gabi kami ay naghapunan sa harap ng lawa dito mo natikman ang pinaka masarap na bulalo na magandang pares sa malamig na panahon doon. Pagkatapos naming maghapunan kami ay nag set- up ng camp fire upang mabawasan ang lamig sa aming mga katawan na sinabayan din ng masasayang kwento at mainit na noodles.
Kinaumagahan manginginig ka talaga sa malamig na panahon kahit ilang damit na ang suotin ko malamig pa din kaya masarap sabayan ng kape ang umaga sa Lake Holon may kasama pang tuyong isda at nilagang talong at okra sa almusal. Pagkatapos ng agahan kami ay sumakay ng bangka papunta sa outlet ng mismong lawa kung saan dito lumalabas ang tubig ng lawa at napupunta sa mga ilog tulad ng ilog Allah. Amin na ngang napansin na magtatahali na kaya napag desisyonan namin na magligpit na at maghike ulit para hindi kami abutin ng dilim sa aming pag uwi. Sa madaling oras kong pananatili sa Lake Holon marami akong napagtanto na kahit minsan dapat bigyan natin ang ating sarili ng oras na mag unwind at makapag pahinga kaya ang trip na ito ay mahalaga sa akin dahil mas lalo kong nakilala ang aking sarili at natuklasan ang aking kakayahan na labanan ang mga pagsubok hindi lamang sa trip na ito kundi sa aking buhay.
Tuklasin ang sarili,Tuklasin ang Lake Holon.💚 -Faciolan, Janniah Maureece
0 notes
clubstyleeurope · 2 years ago
Photo
Tumblr media
#cse • @grunt_riderr_ In three words I can sum up everything I've learned about life: it goes on. #Picture #Marines #California #Ftw_dyna #harleyofinstagram #harleysoftail #HarleyDavidson #Motorcycle #picoftheday #clubstyle_europe #photography #LowriderS #BayArea #HarleyDavidson #bassani #streetbob #मोटरसाइकिल #motorsiklo #Murica #ハーレーダビットソン #Ghostrider #clubstyle #moonsmc #ハーレー #photooftheday #memphisshades #ハーレーカスタム #FXLRS #ハーレーライフ #バイク https://www.instagram.com/p/CoHbOxwojx0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
16 notes · View notes
dmcjeff7 · 6 years ago
Photo
Tumblr media
This lane for #Motorsiklo only. #Edsa in the #Philippines #Makati Metro #Manila (at Makati) https://www.instagram.com/p/ByJv7ooD-MS/?igshid=venw07pyadfa
0 notes
italmoto · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Italmoto Tiquattro 250cc #Italian #Motorcycles #xe máy #motocicletas #دراجات نارية #motorfietsen #ሞተርሳይክሎች #Մոտոցիկլետներ #motosiklet #motorrak #মোটরসাইকেল #матацыклы # ဆိုင်ကယ် #motocikli #мотоциклети #motorsiklo #motocyklů #njingazamoto #오토바이 #motosiklèt #motorcykler #אופנועים #motorcikloj #mootorrattad #mgamotorsiklo #moottoripyörät #motocyclettes #Italmoto #Italian #Brand #Tiquattro (presso Italy) https://www.instagram.com/p/BwSg2f-Ah-6/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1m03m7pccgm0j
0 notes
quantumspacetime · 3 years ago
Text
08:40 pm | June 21, 2022
hey
i finally sold my Toyota Corolla for a reasonable price last May, and my mama has been pestering me to buy something with the money i have, but with the current gas prices, i just don't think it's economical for me to buy another, albeit better, car for us to use. i've been considering using an e-bike or an e-scooter for my daily commute for a while now, because while they, too, consume gas to function, at least it's relatively cheaper, both for the gas prices and the maintenance, than an actual car.
alas, here we are! i'm officially a rider lol
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
hindi ko pa alam mag-angkas at unang beses ko pa lang magmaneho ng isang motorsiklo, pero ang saya!!! nakakatuwa na maramdaman 'yung hangin habang nagpapatakbo at nagmamaneho! hindi ko inakala na makakaya ko lol doble nga lang 'yung dami at ilang beses akong naglalagay ng sunblock/suncreen dahil napaka init at ang hapdi ng sikat ng araw sa balat!
ang init din mismo habang suot yung jacket at mala power ranger kong helmet na itim pero kailangan sila para sa karagdagang proteksyon. ang hirap din palang isuot n'ung helmet kasi di kaya na nakasuot ako ng eye glasses habang suot ko siya, eh malabo 'yung mata ko lol
abangan niyo na lang ako na may kaangkas ganon
47 notes · View notes
hashirun · 4 years ago
Text
I'm lowkey panicking kasi parang medyo scratchy yung lalamunan ko tapos bigla akong inubo. Eto na ba yun? May covid na ba ako? Nahawa na ba ako kay Mama?
Nung nag-positive si Mama naintindihan at tinanggap ko naman yung risk na mahawa ako syempre mas importante sa akin na maalagaan sya. Kaya lang nung na-admit na si Mama sa hospital tapos nagpa-test ako at nag-negative, I can't help but cling to that hope na nakailag ako sa virus. Alam mo yun?
I'm pretty sure I can survive this if ever na-infect nga ako, ayun lang nasa-sad lang ako pag naiisip ko na mada-damage yung lungs ko and I will no longer be able to do the things that I love. Sa ngayon naka-focus ako sa running and biking, but there are a lot of other activities na gusto kong balikan once the pandemic ends: hiking, basketball, kickboxing, surfing, wakeboarding, wall climbing. Tapos yung ibang activities na gusto kong itry: tennis, free diving, rowing.
Ang greatest fear ko talaga ever since eh yung ma-injure ako while engaging in physical activities. I like pushing myself to my limits but at the same time I avoid putting myself in dangerous situations kasi nga I want to be able to do sports for as long as I can. So trained myself to be more of an endurance type of athlete even though I was more of an explosive type in my younger days.
Ngayon, aside from getting injured natatakot ako na masira yung lungs ko because of covid. Pag nangyari yun makaka-recover pa ba lungs ko? Makakapag-sports pa ba ako? Gaano katagal kaya bago ako maka-recover at makapaglaro ulit?
Ayun wala pa naman, pwedeng nag-ooverthink lang ako pero I can't discount the possibility na infected nga ako. Kailangan ko din ihanda sarili ko eh. Siguro pag na-damage yung lungs ko, sign na yun para ibaling ko na yung atensyon ko sa motorsiklo (hello Ducati Scrambler char hahaha).
Crossing my fingers na negative, wala pala akong pambili ng Ducati 🤞
14 notes · View notes
coco-nutella · 11 months ago
Text
HUWAG MONG HAWAKAN
Sa panahon ngayon, madalas hindi na pinaniniwalaan ng mga kabataan ang paniniwala ng mga matatanda lalo na kung hindi nila mismo naranasan. Ngunit, wala namang masama kung tayo'y makikinig at susunod sa kanilang paniniwala.
Sina Jacob at Alex ay matalik na magkaibigan simula noong sila'y nasa elementarya pa lamang. Lagi silang magkasama lalo na sa mga importanteng araw ng kanilang buhay. Isang araw, inimbitahan ni Jacob ang kaniyang kaibigan na si Alex sa kaniyang kaarawan. "Pre, punta ka sa amin mamayang gabi upang ipagdiwang ang aking kaarawan," wika ni Jacob kay Alex habang sila'y pauwi galing paaralan. "Oo naman," masayang sagot ni Alex.
Noong makabihis na si Alex, agad nitong inandar ang motor at umalis na. Habang nasa biyahe si Alex, napansin niya na parang paulit-ulit lang ang kaniyang dinadaanan. Tinawagan niya si Jacob at sinabing, "Pre, naliligaw na ata ako". "Sabi ng lola ko, baliktarin mo raw ang iyong damit," wika ni Jacob sa kabilang linya. Si Alex ay naligaw sa daanang maraming mga puno at kaunti lamang ang ilaw. Hindi siya naniwala sa sinabi ni Jacob at nagpatuloy pa rin ito kahit na alam niyang naliligaw na siya. "Huwag ka na munang magpatuloy, susunduin ka na lang namin," wika ni Jacob na nag-aalala na.
Habang nasa kalsada sila Jacob at ng kanyang pinsan, may nadaanan silang naaksidente. Ang lalaki ay nakahandusay sa kalsada kasama ang nawasak na motor. "Parang si Alex yun ah," usisa ni Jacob. Tinignan ni Jacob ang lalaki at kinilabutan siya noong makita niyang si Alex nga ito. Laking gulat ni Jacob noong biglang tumawag si Alex sa kaniyang telepono. "Pre, may nakita akong motorsiklo na nabunggo sa may malaking puno malapit sa akin. Duguan yung dalawang lalaki," natatakot na wika ni Alex. Hindi makapagsalita si Jacob dahil kitang-kita niya si Alex na nakahandusay sa kalsada. "Pre, Pre? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Alex. "Ha? Alex? Paano ka nakatawag eh nandito yung katawan mo nakahandusay dito sa kalsada," naguguluhang sagot ni Jacob. "Hindi ako yan pre, buhay pa 'ko," wika ni Alex. Binuksan ni Alex ang kaniyang camera at ipinakita ang mukha niya kay Jacob. "Oh diba ako 'to, ang gwapong kaibigan mo," natutuwang wika ni Alex.
Tinawagan ni Jacob ang kaniyang lola at ikinuwento ang nangyayari. Sinabihan siya ng lola niya na huwag nilang hawakan ang mga ito dahil ito'y gawa ng demonyo. Kinikilabutan na sila Jacob sa mga nangyayari kaya tinawagan niya ulit si Alex. Pagkasagot ni Alex sa video call, pinakita niya kay Jacob ang paghawak niya sa dalawang lalaki. "Pre, kamukha mo naman itong isang lalaki na nabunggo," gulat na wika ni Alex. "Huwag mong hawakan! Mga demonyo ang mga yan," sigaw ni Jacob kay Alex. Agad na tinanggal ni Alex ang kamay niya sa lalaki. Pagkatanggal niya, biglang gumalaw ang lalaki. Dali-daling inandar ni Alex ang kaniyang motorsiklo at natatarantang umalis papalayo sa lugar na iyon. Siya ay nagdarasal habang pinapatakbo ang motorsiklo. Sa kabutihan ng Diyos, siya ay nakauwi ng ligtas.
Pagkauwi niya, biglang tumawag sila Jacob at kaniyang pinsan. Pinayuhan nila si Alex na sunugin ang kaniyang mga damit. "Sayang naman pre, regalo sa'kin to ni mama," wika ni Alex. "Makinig ka nalang Alex, para sa ikabubuti mo rin naman 'to," pagpupumilit ni Jacob. Hindi nakinig si Alex sa payo ni Jacob. Hindi niya ito sinunog dahil mahalaga ang damit na iyon sa kaniya.
Kinaumagahan, tinawagan ni Alex si Jacob. Kinuwento niya na hindi siya nakatulog kagabi dahil mayroong maitim na anino na pilit siyang sinasakal. Halata sa mga boses ni Alex na siya'y natatakot. "Sinunog mo ba yung damit mo kagabi?" tanong ni Jacob kay Alex. "Hindi, Jacob," natatakot na sagot ni Alex. "Naku! Dapat sinunog mo. Dapat nakinig ka sa'kin Alex," nag-aalalang wika ni Jacob.
Makalipas ng ilang araw, nabalitaan na lamang nila Jacob na binawian na ng buhay si Alex habang nasa biyahe papunta kila Jacob. Naihagis ang kaniyang katawan at sa kasamaang palad, nagulungan ito ng malaking truck. Hindi matanggap ni Jacob ang nangyari sa kaniyang kaibigan kaya siya ay na-depressed at nawalan ng gana sa kaniyang buhay.
0 notes
dicojib · 4 years ago
Text
ISTORYA NG KORAPSYON SA GITNA NG PANDEMYA
Kailan nga ba sisigasig at tatalino ang namumuno sa kanilang pamamahala, lalo na sa gitna ng pandemya, sa ating bansa?
Mahigit isang taon na ang nakalilipas magmula ang unang natamong kaso ng COVID sa Pilipinas at nananatiling hindi makabuluhan ang mga patakaran ipinatutupad. Magmula sa barikada ng motorsiklo, pagsasawalang bahala sa transportasyon pampubliko na walang probisyong alternatibo, mga huling-minutong pagaanunsyo ng quarantine status, pagsasabukas ng malls, arcades, at sinehan na wala man lamang ang mga pamantasan at eskwelahan sa listahan ng mayroong konkretong plano upang maibalik ang mas makamasa at mas natatamasang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa.
Kung babalik tanawain natin bago pa tayo tuluyang lumubog sa krisis na ating kinahaharap sa kasalukuyan ay una munang nadawat sa kaliwa't kanang kontrobersiya ng korapsyon ang bansa mula sa PhilHealth, eskemang pastillas ng Bureau of Immigration at wholesale drug smuggling sa loob ng Bureau of Customs. Bakit noong pumasok ang pandemya nalusaw nalamang ang mga isyung ito na hindi man lamang napapanagot ang dapat managot?
Noong mga kaunahang buwan kasagsagan ng krisis ay nagkaroon rin ng isyu ang distribusyon ng SAP o Social Amelioration Program. Sobrang nakakapuyos na napakaraming tao ang nangangailangan subalit hindi natatamasa ang suporta na naaayon para sa kanila. 
Ilang araw rin akong nakinig sa mga kwento sa mga kasama ng DSWD upang maglibot-libot sa aming barangay at ito ang kanilang naging obserbasyon.
Marami sa mga nakakapalitan ng maaanghang na salita ng mga DSWD ay ang mga nagtatrabaho subalit hanggang ngayon ay hindi parin nakatatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP program.
Mayroon pang pamilya ang makatatanggap sa CAMP program na may kasamang senior, PWD, buntis, nagpapasuso at mismong solo parent na syang dapat rin ay benepisyaryo ng SAP (subalit hindi maaari dahil makatatanggap nga sa CAMP program/ gayon din sa iba pang programs).
Mahigpit ang tagubilin na kapag ang isang myembro ng pamilya ay nagtatrabaho (may agency, may company, patuloy na nagtatrabaho sa gitna ng krisis) ay hindi mapasasailalim sa programa ng DSWD.
Ano ang marapat na salitang gamitin upang maipaintindi sa pamilyang kumakalam ang sikmura na hanggang ngayon ay hindi parin nakatatanggap mula sa DOLE? Dapat ba silang masakop sa DSWD? Ano ang assurance na makatatanggap sila mula sa DOLE? Gano katagal silang magiintay? Hindi natin masisisi na ang mga nagtatrabaho rin ay umiiyak ng suporta, dahil sila rin ay apektado. Sa kabilang banda, ang mga DSWD workers ay limitado ang form na maaaring ipamahagi kaya't mahigpit ang pamimigay nito ng SAC kahit na ang forms ay under validation pa rin. 
Nakita ng dalawang mata ko ang malayong pinagkaiba ng kalagayan ng mga mahihirap na walang-wala sa mga taong may pribilehiyong manirahan sa isang maayos na bahay. Nakita ng mga mata ko kung paano ang mga taong naghihikahos ay mamalimos ng SAC upang mabigyan ng tsansa na makatanggap ng ayuda. Kaya't hanggat posible ay binibigyang prayoridad sila sa programang ito.  Kaya't paano? Sa kaso ng barangay na ako ay kabilang 2500 lamang ang forms. Ang kabuuang pamilya na naninirahan ay 11,000 (hindi kasama ang bilang ng pamilyang naiwan sa barangay matapos ianunsyo ang unang lockdown).
Sa kasalukuyan, ang bansa ay may hiram, utang at nakaalokang perang tumataginting na tatlong trilyong piso upang masugpo ang krisis sa bansa. Kung bibigyan ng libreng bakuna ang kabuuang papulasyon sa bansa, 120 milyong Pilipino, sa dalawang mamahaling dosis na nagkakahalagang limang libong piso ay aabot lamang ito sa 600 bilyong piso. Kumbaga, libre na ang lahat sa bakuna may sukli pa. Sa dami ng numerong ito, nasaan na kaya ang pera? Sa dami ng nangangailangan nasaan na kaya ang ayuda?
Sa kabilang banda ang pribadong sektor ay gumawa ng hakbang upang makapagaabot ng tulong, sa polisiyang kahindik-hindik na sa bawat isang dosis ng bakuna ay isang dosis ng bakuna ang ilalaan bilang donasyon sa gobyerno dapatwat ay pinangangatwiranang ito ay hindi pa aprubado ng gobyerno.
Ngayong wala pang bakuna ang marami sa mga Pilipino, nasaan na ang pera, nasaan na ang ayuda?
Tumblr media
https://cnnphilippines.com/.../PhilHealth-P15-billion...https://cnnphilippines.com/.../44-immigration-personnel....https://www.cnn.ph/.../More-than-P10-billion-smuggled...https://amp.rappler.com/.../256782-analysis-challenges...https://cnnphilippines.com/.../House-COVID-19-stimulus...https://cnnphilippines.com/.../COVID-19-response-money...
2 notes · View notes
mitzidepillo · 4 years ago
Text
Mga Sulat- Nagsusulat ka, tulad ng dati.
May ugali si annie halden na magsulat ng mga sulat sa kanyang sarili araw-araw Gusto niyang isulat ang kanyang saloobin at damdamin. Ito ang paraan niya upang palabasin ang kanyang emosyon, simpleng para sa kanyang sarili, walang ibang makakakita o makakabasa. Pinahiya niya ito dahil akala niya nakakaawa ang ideya ngunit nakatulong ito sa kanya. "Nagsusulat ka, kagaya ng dati." Si Jack, sabi ng kuya niya. Naglakad siya papasok sa silid-aklatan upang makita siyang nakaupo na mag-isa, dati rin. Magkasalungat sina Jack at Annie ngunit malapit sila. Si Jack ay mas matanda sa kanya, sa kanyang nakatatandang taon habang siya ay isang junior. Si Jack ay tanyag, maraming kaibigan, mahilig mag-party, nasa basketball at football team, maraming babae. Si Annie naman ay ang iyong stereotypical wallflower na mayroong dalawang matalik na kaibigan at iyon lang ang lahat.  Nagustuhan ni Annie ang paghahalo at pananatili sa ilalim ng radar, nakatira sa mga anino. Siya ay nahihiya at isang magandang babae ngunit hindi gusto ang pansin at nagtitiwala na makarating sa paraan ng sinuman, hindi niya pinanumpa kahit na may nakakaalam na si Jack ay kanyang kapatid. Tumingala si Annie, tumitigil sa pagsusulat. "Ako ay." Napangisi si Jack ng isang kilay, "Nais mong pag-usapan ito?" "Pag-usapan ang ano?" Mahinahon siyang nagsalita, ang boses niya, tulad ng dati palagi. kinamumuhian niya ang pagiging sentro ng atensyon, Ayaw niya ang pagdala ng pansin sa kanyang sarili, Nag-alala siya ng halos lahat. Nagkibit balikat si Jack, nakatingin sa kanyang kapatid habang nakatayo sa tabi ng mesa. "Ewan ko. Asan sina Amari at Jay?" Nagkibit balikat si Annie, nakatingin pababa sa maayos niyang pagkakagapos sa papel. "Sa klase siguro." Tumango si Jack, "Kailangan kong magtungo upang magsanay, mahuhuli kita mamaya." Tumingin ulit si Annie at pinapanood habang tinatapik ng kanyang kapatid ang kanyang balikat bago maglakad, nakahabol sa ilang mga kalalakihan na nasa silid aklatan, bumuntong hininga siya, binabalik ang tingin sa kanyang papel at tinatapos ang pagsusulat. Hindi nagtagal, nag-ring ang kampanilya na nag-uusap kay Annie dahil hindi niya napansin na mabilis ang paglipas ng oras. Mabilis siyang tumayo at nag-agawan upang tipunin ang lahat ng kanyang mga gamit, nais na makapunta sa klase nang maaga kaya't hindi na siya lumalakad habang lahat ay nakaupo na. Ang awkward niya ng ganun. Si Annie ay tinungo siya at ang kotse ni Jack sa pagtatapos ng araw upang umuwi. Dumaan siya sa sasakyan para sumipot ang kapatid. "Ikaw ba si Annie?" Sumulyap si Annie upang makita ang pamilyar na mukha na nakita niya sa paligid ng paaralan dati. Natigilan siya, halos umiling sa kanyang sapatos nang makita niya si Leo Smith na nakatayo sa harapan niya na may maliit na ngisi na naglalaro sa mukha. Si Leo Smith ay isang kilalang tao sa kanyang paaralan. Mataas siya sa social ladder para sa reputasyon ng bad boy. Alam ng lahat na si Leo ay hindi isang taong gusto mong makapasok. Siya ang uri ng lalaki na makikipaglandian sa maraming mga batang babae, tumayo sa tabi ng kanyang sports car at magsisigarilyo, ay magpapakita sa kanyang motorsiklo ilang araw , lalaktawan ang mga klase at lahat ng iba pa na nauugnay sa bad boy stereotype. Ni Annie ay hindi kailanman kahit na makipag-eye contact sa tim, hayaan ang sinuman na makipag-usap sa kanya bago. Napansin niya siya ng maraming beses dahil medyo at mapupunta siya nang hindi napapansin kaya't naging mabuting tagamasid ito sa kanya. "Oo, ako nga," Siya ay nasakal, palipat-lipat sa kanyang mga paa at pakiramdam na hindi komportable. Ang kanyang puso ay nararamdaman na ito ay tatalon mula sa kanyang dibdib, Bukod sa ang katunayan na si Leo ay medyo madali sa mga mata, siya ay masyadong mataas sa social ladder para sa kanya na makipag-usap kay Annie kaya't medyo naiinis siya kahit nakatayo siya malapit sa siya ngayon. Kung ang ibang mga tao ay nakakaranas nito, mapapansin nila si Annie, na isang bagay na hindi niya ginusto. "Im Sorry, ako ba ay nasa iyong paraan? Lilipat ko ang kotse ngunit ang abala ko ay mayroong mga susi." Bigla siyang napuno ng gulat, hindi sigurado sa nagawa niyang mali. Ang kanyang mga mata ay isang maliit na malapad, fret sa buong mukha niya. Leo chuckled, pagkuha ng kanyang nag-aalala estado. Natagpuan niya na nakatutuwa ito kung gaano siya nagpapanic nang simple dahil kinakausap siya nito. Umiling siya, "Nope, magaling ka." Binigyan niya ulit ito ng isang tingin, ngumisi bago lumakad. Naguluhan si Annie, nag-iwan ng agape ang kanyang bibig habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo. Hindi niya naintindihan kung ano ang nangyari. Nagtataka siya kung paano niya nalaman ang kanyang pangalan at kung bakit niya nais itanong tungkol dito. Nabalot siya ng pagkalito at maraming pag-iisip kung ano ang ibig sabihin nito at kung ano ang magagawa niya para mapansin siya ngunit walang oras upang isipin ang mga responsibilidad nang dumating si Jack. "Siya, handa nang bounce?" Umirap si Annie, nakatingin kay Jack. Mabilis niyang isinara ang kanyang bibig at tumango, sumakay sa kotse. #Fiction #ShortStory
1 note · View note