#mgatulangisangsawi
Explore tagged Tumblr posts
jajegeejoju 2 years ago
Text
little drops of rain, masking a heart's disappointments and pain. And though life may be full of gloom, after the rain the sun will rise and the flowers will bloom! 馃尰馃寛 -Gee 2023
1 note View note
jajegeejoju 2 years ago
Text
random lines of a poem i wrote that i saw while cleaning my stuff earlier which made me realize how marupok of a writer i am haha LOL:
...iniwan mo akong nag-iisa,
iniwan mong hindi handa
ngayon ang puso'y sawing sawi
dahil ika'y wala na sa'king tabi't hindi na nanatili
araw gabi ikaw lang ang laman nitong aking isipan.
lumuluha't nasasaktan, ako ngayon ay duguan!
dinadalaw mo na lang ako sa'king isip at panaginip,
ni hindi man lang nakapagsabi sa'yo ng "hanggang sa muli."
17 notes View notes
jajegeejoju 2 years ago
Text
SANA
May mga sana na di na maibabalik pa.
Mga sanang di mabibili sa anumang halaga.
Sana andito ka, sana ay tayo pa.
Sana di na lang pala tayo nagkakilala.
Mga sanang di masabi sabi, kahit pa malagutan ng hininga.
Ito na ba ang sinasabi nilang, "pinagtagpo pero di itinadhana"?
Ang lahat ay hanggang sana na lang pala.
Ikaw, ako--walang tayo
Ikaw, ako-- hindi na magkakatotoo
At sa Bandang huli, walang naman palang nangyaring ikaw at ako.
Alam mo kung ano'ng nakakatawa?
Puso ng tao'y mapanlinlang.
Nang masagot ang pinapanalangin kuno,
Ay biglang nasaktan at gumuho ang aking mundo.
Hanggang tulo na lng ba ng luha ang makakamit?
May bigat, may lungkot, may poot at pait!
Pero ok lang naman kahit masaktan dahil ang tanging pinagdarasal ay ang iyong kasiyahan.
Ang makita kang masaya sa piling ng iba,
Sa akin ay napakalaking biyaya na.
Yung sigurado na akong di ka na mag-iisa.
May mahal ka at sa iyo'y magmamahal na.
Ikaw, ako--wala nang tayo
Ikaw, ako--sa huli ay wala nga bang pagsisisi?
Dahil bandang huli ikaw at ako'y wala na,
At ang ikaw at siya na ang mahalaga.
3 notes View notes
jajegeejoju 2 years ago
Text
HULING LIHAM
Kung ito man ang huling liham sa'yo aking sinta,
Nawa'y maipaabot at maipadama ko ang mga salitang balewala na.
Patawarin mo ang mahinang puso ko'ng ito.
Patawad aking mahal, alam ko'ng nagkamali ako.
Iba man ang ipinapakita't sinasabi,
Minahal kita ng totoo at handa akong itaga 'to sa bato.
Patawarin mo kung itinago ko ang lahat ng mga saloobin.
Ayoko lang masaktan kita at ang iyong damdamin.
Patawarin mo mahal kung hinayaan kong unti-unting mawala ang ating hiwaga.
Kislap sa'yong mga mata'y naglaho na't di ka na masaya sa piling ko sinta.
Sa paglipas ng mga araw, linggo, buwan at taon,
Ang ngiti sa mga labi mo'y di na alam sa'n naparoon.
Ngayo'y desidido na ba talaga,
Na sa piling ng iba ka na masaya?
Di na ba maibalik ang lahat ng mga sana?
'Di na ba kita makikita't mananakaw pa?
Mahal, ngayon sa iyong pag alis
Unti-unti... unti-unti...
unti-unting nakikita kong muli
Ang kislap sa'yong mga mata't ngiti sa mga labi
Hindi ko kakayanin ang ika'y mawala sa'king piling.
Pero sabihin mo lang ng harapang "bumitaw ka na"
Ako'y bibitaw kahit ga'no ka hirap at sakit pa.
Kahit pa sa bawat pagtibok ng puso, luha ko'y pumapatak
At sa patuloy na pagdaloy, puso ko'y nabibiyak.
Sa iyong paglisan, ako ang iyong binitawan.
Subalit bakit kahit masakit, mga ala-ala mo pa rin ang nakaukit at aking pinanghahawakan?
At dahil mga ala-ala'y di na maibabalik pa,
Sa ngayon ako'y mananaginip na lang muna
Itutulog ang bigat at pait ng aking puso't isip
Mahal, kahit pinili mong lumisan
Ako'y mananatili pa rin kung kinakailangan.
Dahil ang alam ko'y kung sa akin ay babalik ka lang,
Hinding hindi na kita bibitawan.
At 'pag lumipas ang isang taon at tayo'y magkikita,
Kung 'di ipagkait ng panaho't ipagtagpo muli ni Bathala,
Sana, sana, sana sa pangatlo't huling pagkakataon,
Ang "tayo" ay mabigyan pa ulit ng pag-asa.
At kung ito man ang aking huling liham,
Mahal ko palagi mong pakatatandaan,
Mahal kita aking sinta, hinding hindi yan magbabago.
Itaga mo 'to sa bato, minahal kita, mahal pa rin kita
At patuloy na mamahalin ka hanggang dulo,
Kahit hindi na ako ang pinili mo.
2 notes View notes
jajegeejoju 2 years ago
Text
KANUNAY
Kanunay, usa ka pulong na angay natong pamalandungan.
Kanunay, tinud-anay para sa uban, pero aduna poy tan-aw nila dula-dula og pang good time lang.
Daghang tao ang gapangandoy sa kanunay.
Naay mga tao nagatoo na ang kanunay "FOREVER AND ALWAYS" sila mag-ubanay. Samtang naa poy ginagmay ang kanunay nila na hulog nga pang "SUSUNOD NA HABANG BUHAY" ra diay.
Pero og ako'y pasultihon, ang kanunay ko kay IKAW.
Wa gibasehan ang kadugayon bagkus kanako, kanunay ka sa matag adlaw pagapilion.
Para sa ako, ang kanunay kay ang KARON. Og ang unsa akong pwedeng mabuhat para kanimo diha sa dayon-dayon.
Ang kanunay usa ka pulong na bug-at kaayo alsahon. Pero kung kabalo kag nganu og para kay kinsa nimo pagkabuhaton,
Ang kanunay nga tinuoray dali ra jud og way pag mahay. Mapa forever after man o sa susunod na habang buhay.
Kaso og di man jud gani ako ang para sa imo og ang kaugmaon natong duha kay di jud klaro,
Ang kanunay kong "ikaw" magapabilin pero ang unsay naa ta, bawion na lang siguro nato sa "susunod na kabanata."
0 notes
jajegeejoju 2 years ago
Text
and if ever these moments will pass us by, I will forever and always see the magic and beauty it had on me. Like red-colored roses I may bleed, but I will never forget how you painted our days with different type of hues.
1 note View note