#mga mapaglarong sandali
Explore tagged Tumblr posts
Text
NOEL MAHILUM Mga Mapaglarong Sandali, akriliko sa kambas, 2022 #artPH
#noel mahilum#mga mapaglarong sandali#playful moments#larawang-pinta#painting#akriliko sa kambas#acrylic on canvas#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
7 notes
·
View notes
Text
Piraso, 2018/20
Iniaalay ko ang tulang ito sa mga patuloy pa ring kumakapit sa mga natitirang sana:
Sa sandaling ito, tila lumuluha ang piraso ng puso mo sa pighati
Tinatanong ang sarili kung puwede bang bumalik na lamang sa dati
Malamang ikaw ay nagtataka pa rin, bakit tila may naiwang patlang;
Mga araw mo ngayon ay tila binibilang na lamang
Sa isang iglap, ikaw ay nagulat kung bakit nagiba ang lahat,
at naglaho yung minsang inakala mong iba sa lahat
Yung nakita mong kasing-halaga ng mundo kahapon,
Bahagi na lamang ba ng mga pirasong nasa sahig ngayon?
Piraso ng mga masasayang araw,
Piraso ng damdaming napukaw,
Piraso ng mga baka-sakali,
At pira-pirasong mga nakaw na tingin, ngiti at sandali,
Ang dating sigla ng iyong damdamin, unti-untin ngayo'y tumataimtim
Kasabay ng paglaho ng kulay ng paligid na patuloy sa pagdilim
Sapagkat hindi mo alam kung mayroon pa bang dapat ipaglaban,
kung ano bang pagkukulang mo at kung anong dasal pa ang kailangan
Pilit tinatanong kung wasto pa ba na kapitan mo pa 'yang mga piraso ng natitirang sana
Habang sinusubukang sisihin ang mapaglarong tadhana
Sa iyong bawat pagyuko,
Laman ay pagtatatlong-isip ng pagsuko.
Bagama't humihinga pa rin, ngunit isip at damdamin naman ay palutang lutang
Naisipan mo bang tanunging baka naman.. sa buhay niya ay isa ka lamang hadlang?
Pinagsarahan ka na nga ba ng pinto?
Eto na ba yung tinatawag nilang punto ng paghinto?
Hindi natin alam, kaya nga sabi nila yung sakit nasa utak mo lang
Pero hindi, hindi.. minsan sadyang mahapdi at masakit lamang
Sana'y alam ko kung papaano ang wasto at mabisang panapos sa isang tula,
Ngunit.. maaari mo nga bang tuldukan ang isang taludtod na hindi naman talaga nagsimula?
2 notes
·
View notes
Text
PARA SA SUSUNOD NA TAONG MAMAHALIN KO
By: JD DARADAR
Hindi ko alam nakita na kita o kaya naman nakabangga sa daan
O maari naman na minsan lang tayo nagkita at walang kamalay malay sa plano ng mapaglarong tadhana
Sa lahat ng aking binanggit, hindi ko alam kung saan jan
Basta malinaw sa isipin ko na yung salitang binibigkas ko
Ay ang tula na iaalay ko para sa tao na susunod kong mamahalin.
Para sayo oo para sayo iaalay ko yung sarili ko ng buong buo walang halong bahid ng nakaraan
Pero sandali lang kasi, binubuo ko muna yung sarili ko
Sarili ko na nag kulang...
Dahil ayoko naman na dumating ako sayo na kulang ako na hindi pa ako buo.
Pero para sayo gusto Kong ibigay sayo lahat ng makakaya kong ibigay
Pero sandali lang mahal sandali lang hintayin mo ako hintayin mo lang ako mahal gusto ko lang naman na maghilom muna ang sugat ko bago ko ito tuluyang ituloy
At ginagawa ko lahat ng ito para maging mas okay ako para sa pag dating mo,
mas magiging buong buo ako.
Para mas kakayanin ko na kahit wala siya, dahil meron ng ikaw, ikaw na magbibigay ng saya
Kaya sana hangga’t hindi pa tayo nagkakakilala eh i-reserve mo na yang pasensya mo, mahal kung naririnig mo ako at kung nanjan kana senyasan mo naman ako na ikaw na yan bigyan mo naman ako ng sign na parating kana at
Alam mo ba na
Araw araw kong ipapaalala sayo kung gaano ko kasaya ng makilala kita.
Sana ganoon ka din, mas higit pa kesa noon ..
Basta hinding Hindi ako mag sasawa at mapapagod na intindihin ka , kahit na maikli lang yung pasensya ko mahal mas hahabaan ko Pa para lang Hindi tayo mag away.
Kahit yung topak mong yan iintindihin ko yan
Kahit gaano ka pa ka bugnutin
Gagawa ako ng paraan para mapatawa ka kahit mag mukhang tanga mapangiti lang kita
Lagi kitang bibigyan ng rason bakit ikaw yung pinili ko,
At kahit anong mangyari Hindi ako mawawala at at lalayo
Hanggat gusto mo akong manatili at mahal mo ako
Mamahalin din kita ng buong buo ..
At hindi ko rin aalamin password mo sa facebook, o sa kahit anong social media account na meron ka kasi alam ko privacy mo yun. At dahil mahal kita Rerespetuhin ko yung personal space mo yun at malaki naman yung tiwala ko sayo ..
Kapag may gala ka with your friends hindi kita pag babawalang umalis kasi nakilala mo na sila bago mo pa ako nakilala, basta lagi ka lang mag iingat uuwi ka agad wag mo lang antayin yung galit ko.
at kapag nagkasakit ka, pupuntahan kita sainyo. aalagaan kita andito lang ako lagi sa tabi mo mahal kahit malayo o malapit basta kakayanin ko para sayo ..
Pag may mali ka, hindi kita kukunsintihin.
Hindi ko papalakihin yang ulo mo sa mga bagay bagay na mali gawa, Ipapaliwanag at sasabihin ko sayo yung mga mali mo. Papagalitan kita pag pasaway ka at matigas na ang ulo mo. Pero kahit ganun, kakampi mo pa rin ako. Gusto ko lang malaman mo kung ano yung mali mo.
Kapag malungkot ka o may problema, at gusto mo ng kausap, makikinig ako sa lahat ng gusto mong sabihin. pag naiiyak kana mahal, mas lalong yayakapin pakita at sabihing okay lang yan andito naman ako para sayo!
at tutulungan pa kita sa mga problema mo, sabay nating ipadadasal Kay Lord na maging okay ang lahat.
At higit sa lahat
Ayoko ng dalawa lang tayo sa relasyon gusto ko tatlo tayo
Hindi dahil gusto ko ng may kahati kundi dahil gusto ko si Lord ang sentro ng relasyon nating bubuuin.
0 notes
Text
Ang Manunulat
Kaya mo bang isulat ang kwento ng iyong buhay? Maging sa kasiyahan man o kalungkutan? Kahit ito'y tungkol sa iyong nakaraan na pilit mong tinatalikuran? Sa mga bagay na dumurog ng lubos sa iyong puso dahil sa pag-ibig? Di ko lubusang maisip ang mga bagay na tumatatak sa aking isipan tuwing napapanood ko ang Moulin Rouge ni Baz Luhrmann isang magaling at tanyag na direktor sa kanyang kapanahunan, na ginawa at nilathala noong taong 2001. Isang masayang programang may halong musikal na may mapupulot na aral tungkol sa pag-ibig.
Dahil sa pamamahalan handa mong ibigay at isakripisyo ang lahat. Katulad ni Christian na isang manunulat na natutong umibig sa isang babaeng may busilak na puso, siya ni Satine na unang taohan sa kwento na isang magandang binibini at magaling na artista sa isang tyatro. Yung pakiramdam na di nila akalaing magtatagpo ang kanilang landas dahil sa mapaglarong tadhana. Tadhanang kahit gustuhin nilang ayosin maraming hadlang at pilit na pinaglalayo ang kanilang mga damdamin, dahil sa buhay natin di maiiwasang magkaroon karibal. Karibal na hangdang gawin ang lahat makuha lang ang kanilang gusto at kahit humantong man ito sa kamatayan.
Si Duke isang mayamang may tama sa utak na nagkagusto at gustong ibigay ang lahat para kay Satine. Pilit na pinaghihiwalay ng kapalaran para sa dalawang nagiibigan. Alam niyo bang nakakatuwang isipin na sa bawat pagsubok na dumating sa buhay ni Satine at Christian ay kaya nila itong lampasan alang-alang sa pag-ibig. Lubos silang nagmamahalan na tunay kahit sa huling sandali ng kanilang buhay sa gitna ng piligro ay napatunayan nila sa lahat kung gaano ka tatag at wagas ang kanilang pagmamahalan.
0 notes