#mga bagay na gusto kong ikwento sayo
Explore tagged Tumblr posts
Text
Happy birthday, dade ni May. 😊
0 notes
Text
Thoughts 4
1:33 am / 1-12
Hello! Ngayon lang ako nakaramdam ng di maayos..
while playing game kasi kinorek ko sya and iba ung dating nung response nya it's like "swift ilagay mo nalang kasi ung nandun dumiskarte ka din.. inasa mo na naman kaya di kana natuto.." hindi porket mali ako e mali na.. 😩 damn! pasigaw pa iiyak na ko nun naginit na tenga ko and gusto ko na icut ung call..
124am 1/30
napaaga lang plako ilang mins.
ang dami kong iniisip na di ko alam kung dapat pa bang sabihin sa iba
- tama ba na ikwento ung nagthankyou ako kahit alam nyangsobrang hiya ko dun..🤦🏻♀️
- naglasing tas ano nagmumura na ayawpa umuwe🤦🏻♀️
- nkita ko ung tiktok binalik balik pa lol syempre andun ulti crush nya e
- balita ko sinayawan daw si tiyo ronel dko alam san ako maniniwala🤦🏻♀️.
- isa pa yang jo na yan may pa unsent pa segway lang talagaang dami dami nyang kwork kay eric nagtatanong anong gusto kong isipin?? ayawpang sabhn na khit unrelated sa work pinaguuspanpa bat di nalamg kayo nag ligawan sagabal pa ko..
- going out again kasama mga boss nya akala ata goods saken ung ginawa nya babae pa din un khit kilala ko paulit ulit nalang.🤦🏻♀️
- history repeat naglasing nagsuka nagmura tinaasan akong boses tas itatanong kung ayaw ko na sa kanya..🤦🏻♀️ san ako??
- STRESS!!!
12:13am 1/31
Can't get enough!
I was trying to collect my energy palang since khapon tapos biglang topic ng kimchi which is un ung nakita ko sa topic nila.. nakakabadtrip parang nanadya na ewan thou nakikita ko naman na paano nya ako suyuin pero nainis lang kasi ako di ko alam parang ah okay bat di nalang kayong dalawa gumawa baka sagabal pa ako.. at some point my actions speak mas pinili ko nalang maging cold.. di ko alam parng gusto ko na din kasing huminga muna ng ako lang.. pag hinayaan nya ako edi alam na. Im not goods gusto ko nalang matulog. masokay na siguro to wag na din muna magusap kesa magkainitan pa san pa pumunta.. 😒 ang dami dami kong reason para kumapit at ang dami ko ding dahilan para umayaw. 🥲..
849pm 1/31
hindi ko alam kung dapat ko pa ba sabhin sayo ung mga thoughts ko..
kapag kasi sinabi ko baka maging iba ung dating sayo na imbis na nag sasabi lang ako ng bagay bagay na hindi ko nagustohan ikainis mo. pero kapag hindi ko naman sinabi right now posibleng sabhn mo naman na may ganyan ka pala akong ikinakasama ng loob pero hindi mo sinabi.. kaya sort things out nalang muna lumala lang naman ung bad mood ko ko kasi halos kaka okay ko palang parang nirerecover ko pa energy ko after argue bago yang kay Jo na yan..
hindi ko gusto yung mga mga pa touchy touch mo o kaya pag tapik tapik mo sa iba o khit knino madalang mo ngang hawakan kamay ko in public pero kung makatapik ka sa iba parang ano ba tayo?? hindi ko na din gusto yang palasing lasing mo ng sobra hindi mo na maalala mga sinabi at ginagawa mo..
hindi mo nga alam na nagalit kana naman saken know your limits sa pag iinom.. hindi ka magpapigil na tama ng inom kaya nainis ako.. d mo alam yan kasi nga lasing kana.. hindi naman kita pwedeng pabayaan dun..
aware ka naman na nag seselos ako jan kung di mo yan inaccept hindi yan magtatanong sayo halata naman na sya ung nag iiniatiate palagi sayo ng message.. wag mong excuse saken na work related lahat yan dahil hindi yan lahat work related sanaaa!. kapag nagkikita tayo hindi na yan nawawla sa notif mo.. laging nasa notif ano ba yan jowa mo?? kainis..
ang lungkot lang..
hindi naman ibig sabhn na ganito tayo hindi ako agad sigurado sayo..
sNa bago ka nag tanong kung hindi ako sigurado sayo inalam mo muna bakit biglang ganto ako.. nanahimk ako kase hindi ko na alam paano ko sisimulan sabhn sayo ung mga gusto kong iparating sayo..
wag mong ibato saken na tatangapin pa ba kita kahit ganyan ka dahil at the first place naman una palang tanggap nakita pero sana tulungan mo din sana ung sarili mo na alisin ung bagay nagiging cause ng di natin pagkakaunawan..
sabi mo kausapin kita kapag okay na ko at ayaw mong mkipag usap sa napilitan lang..
hindi pa ko okay kaya hindi ako nag memessage at baka di na naman tayo mag kaaus..
112am/2•6
pwede mo naman sabihn na wag ka masyadong close dun since nakwento mo naman na..hindi ung ako pang sasabihan mo ng di ka magtataka one day baka pumatol ako.. ano pinagkaiba nyan sa di pang dodown nagbeexpect kang papatol ako sa tropa mo.?
been there nung hindi nag work relasyon namin ng ex ko. ung pinsan or tropa nila ung nagpaparamdam e hindi naman ako interested sa ganyang set up unfriend or block nalang kasi ayaw ko..
wala naman sigurong babae ang matutuwa sa mga sinabi mo..
di ko alam sayo bat ang daling sabhin saken ng mga bagay na ganyan.. it's like parang hindi mo naman ako gf .. pinupush away mo na naman ako hindi yan warning you look down on me.. itinutulad mo ako sa iba habang tau ? nasa relasyon ako sayo tapos ganyan ka.. sa sobrang hard mo hindi na maganda ung lumalabas sa bibig mo.. sinabi ko na sayo na stop na kasi di ko na gusto sinasabi mo.. hindi naman ako tanga na katulad ng mga kakilala mo kung ganyan ang tingin mo sa knila.. kinukumpara mo e hanggang saken na na nabunton yang pananaw mo sa knila..
wag kang magtaka na na baka isipin kong kaya ka ganyan kasi ung gusto mo sa office nakuha din nila.. hindi mo lang maderekta kung sino kasi baka masaktang ako. nasasaktan na naman ako anong pinagkaiba..
hindi na ko magsasalita at kilala ko naman ang sarili ko.. again hindi yan warning you look down on me.. siguro kung need ko nge time magisa ito un. oo kelangan ko magisa dahil hindi ko gusto mga pinagsasabi mo..
1014/2•9
hindi naman porket nag post ng ganon e negats na
dahil nangyare na.. pinost ko lang.. pwedeng signal din na wag mo nalang gawin ung sinabi nung post kasi pwedeng umiral na naman ng insecurities ko..
5pm 2/24
ewan hahaha oks na hindi..
drain masyado gusto ko lang matulog at wag kumausap ng kahit sino..🥲
7pm 1/2/22
hindi naman magiging ganon ung flow ng chat kung di ko nakita ung ginawa mo at hinintay mo sana ako na madelete ko un edi wala tayong ganto.. kaya lahat ng sinabi mo saken okay nalang ako kahit di ko gusto..
no need sabhin na kulangpa ba ginawa mo kasi never ko naman kinuwestyon mga ginagawa mo.
no need sabhn na ikaw din nag papakumbaba at some point madming beses na ko na disappoint pero hindi ko sinabi sayo.
wag mo idown yang sarili mo by asking kung aso ka. bakit? anong ginawa ko sayo?
April 17
642pm
after ng nangyare about comment siguro dala na din ng pagod ko napaisip ako.. then diko na pinansin ung kasunod na message tapos nakita ko nalang ung my day mo thinking kung hindi saken hindi nalang ako mag rereact if ever man akin di nalang ulit ako mag rereact kasi baka madagdagan nakatulog nalang ewan then ayan di ko na napansin ung message nung morning kaya na remove mo pero alam ko nag react ako kapag ako di mo na replayan o react di na ko nagsasalita tapos ngaun ganyan ka. nauna pa mag my day sa work tas seen lang ako di nagchat kung pagod kana get a rest gusto ko na din mag pahingaaa!.. edi wag tau magimikan.. anong ginwa ko? bkit seen for too long lang at mas na priority mong mag my day nalang kesa magsabi kung nasa work na ? mas ok ba sa knila ka nalang ?
ok lang b sayo na na hindi ok saken yan kung ok sayo then okay nlng din sken..
749am
Apri21
Bi can I open up?
dati ko pa gusto sabhn to siguro ngayon lang ulit nag pop up sa isip ko..
kasi I used to get jealous sometimes bakit?
kasi nung bday ko wala taung ganap bukod sa ayaw ko at all goods naman na.
may times kasi makikita ko sa iba may pa cake ka pa kung tatanungin mo ako oo nakikita ko.. Hahahaha wala lang napaisip lang ako.. 😅
we're goods pero bat parang hindi?
Di ako mad habanh sinasabi to .
dko alam pano start at saan ..
kasi parang nagbseset ka ng boundaries.. sabhin mo nalang na hindi kung hindi kasi yung thought ko magulo walang sagot.. gusto ko sana malaman kung ano.. dun palang sa part ng pag hatid mo saken parang ayaw mo na umuwe sa bahay ung stay sa bahay limit na... o baka nasanay lang ako ㅠㅠ wala lang feeling ko nag seset ka ng boundaries 😟
ako na ung nagselos ako pa yung parang masama.
pinagawayan na dti ginawa pa din..
kahit naman sabhn ko pala ung reason ko wala ganyan pa din. I thought naiintindihan mo ako.. Kung di maganda pakikitungo ko sayo dis past few days it's because ayuko ng ginawa mo I consider your feelings pero kahit naman sinong girlfriend hindi matutuwa na ung boyfriend nila may kasamang babae.. kahit anong sabhn mo na wla ka namang ginawang masama ayan masama yan nagselos girlfriend mo tapos parang kasalanan ko pa. sinong di maiinis para maiwasan nalang magaway auko nalang magsalita.. ang tahmk ng buhay natin kapag wala kamg ginagawa dba? tapos ngayon magtataka ka bakit ganto ako..wag kana magtaka kung bakit bigla akong gaganto matagal ko ng sinabi yan.. tapos inulit mo ulit..😒
tagal kong hinihintay na sabhn mo sanayung salitang sorry kung nagselos ka dun. matagal na tayo pero parang ngayon lang ata ako ng feed up ng ganto parang na snob mo nlang ung concern ko. hindi pa tapos sa isa dinagdagan mo pa.. hindi sa gusto kitang tiisin may dahilan ako.. parang lahat ng sasabhn ko wala ng patutunguhan..
sorry kung ndi maganda ung mga dating ng message ko sayo last night.. Hindi kasi ako nag reresponse kpag alam kong masama pa loob ko.. baka kasi maging iba ung dating sayo.. kaso nung nkita ko ung tweet mo parang hindi na ata tama na sumagot muna ako..
mahal na mahal kita despite of everything..
I don't know san ako start..
Sorry sa attitude ko last night kung naging iba ung dating sayo.. maybe hindi lang talaga ako totally good pa..
pero still mahal na mahal kita hindi naman ako masasaktan kung hindi kita mahal.. Hindi ako nag eexpect na mag response ka dito.. If you need some time okay lang. baka nga ako talaga ung problema.. feeling ko anytime pwedeng pwede akong iwan.. Sorry... Magingat lage!!
‼️‼️‼️
kung ikaw nasa posisyon ko ung pinagseselosan mo kasama ko anomg mararamdaman mo ?? kung okay lang sayo magkaiba tayo kaya pls lang consider lang din how I feel dahil hindi ito basta basta lang..
tanong lang masaya ka sa ginagawa mo?
kahit di ako comfortable jan?
10:530pm / 6-5
it's been a while..
pero ngayon kasi iba ung anxiety ko .
ok enjoy pero tumuloy ka ?
as if d mo ako kilala .
nakakagalit.. manhid! matagal mo na namang gustong sumama talaga gusto mo mo na atang bumalik sa ganyang set up. kaya hindi na lang ako mag rereact.. bahala ka na yan naman gusto mo mas prior mo yang magsaya kesa sa pwede kong maramdaman how sweet! 🤣 tanginaaaaaaaa ako na magpapakalma sa sarili ko..
magdamag wala ka manlang update?
tama ba yun??
bakit nasira sobrang enjoy ba kaya nakalimutan mo na namang may jowa ka? kaya ayaw kitang payagan talga kasi ganyan ka.. tama ba yun?
kung di ka pumunta hindi masisira phone mo.. tas sasabhn mo lang un lang nasira cp mo without knowing anong pwede kong maramdaman??
sasabi sabi ka pa na pag inuman dapat kasama ako.
come to think sinong gf papayag pumunta ng bar? diskarte mo na un kung go o hindi! manhid! magsama sama kayo!! kapag ako lalabas with friends bawal pero ikaw pwede? nakailanng labas ka na na puro babae ang kasama pero shut up nlang ako kasi sila lang naman un... ako pwedeng lumabas pero i choose not too kasi baka iba maging dating sayo .. kung gusto mo ng ganyanan edi llaabas nalang din ako hindi ko na icoconsider ung feelings mo . iniiisip ko palang ngaun ganto tayo what more sa future pa.. magsama sama kayo;!
10:32Pm
had no Idea what's your doing..
bago mo itanong kung bakit nagawa kitang tiisin, itanong mo muna sa sarili mo kung bkit..
hindi naman ako robot para walang maramdaman..
kelangan ko pa ba isa isahin kung bkit?
o siguro naman alam mo na kung bkit.
bat di ako nagsasalita? bakit nagtanong ka ba kung bkit?
para san pa kung magsasabi ako ng problema ko sayo? e nangyare na or pwedeng mangyare ulit. di kita control kung d mo ko maintindihan wag mo ko kausapin.. lahat ng actions mo it's all your decisions.. nakita mo ba or nakita mo na ba ung pwedeng mangyare pa?
gusto ko lang mrealize mo ung mali mo.. gusto ko lang mlaman mo na hindi ako basta basta lang .. it's just aukong umaabot ka puntong ganyan nga wasted...
3:16pm
minsan napapaisip ako ikaw ba kapag sila kausap mo or kung sino man, nababanggit mo manlang ba pangalan ko? like ikaw kasi most of the time laging mam hana, aj, hydee etc di ko alam pero parang everytime na maririnig ko lagi yan parang hindi maganda pakiramdam ko like oo kawork mo.. pero tama bang maging ganto pakiramdam ko? di ko nalang pinapansin pero di mo ko masisi.. parang mas madmi pa kayong ganap sabagy mas nauna nga sila at huli ako dumating... minsan iniisip ko nalang mag exit para kayo nalang baka sagabal lang ako sa inyo ganon..
12:48am
7/10
Ang tanong is where Did I go wrong?
ito moment na daoat ko na bang tanungin ang sarili ko kasi parang nanliliit ako sa relationship namin na parang easy on him to let me go kasi ano bang ambag ko? I know s*x is not counted pero kasama kasi un sa gusto ko ipag laban ..
tama ba na kapag magoopen up ako iba ung dating sa kanya. nagiging away tas ibabalik saken na bawal ko ba maramdaman how hurt I am kapag ginagawa mo un or I maybe so sensitive lang?
it's been almost 1 week na siguro simula nung di kmi maayos .ewan ko paano kami maayos. I still don't get it . dko alam how to reconnect.. ㅠㅠ
nasa punto nalang ako na parang gusto ko ng bumitaw na parang magisa lang dn naman ako hindi ko ramdam ung presence nya . ang unfair! bkit di nya mkita ung mali nya kaya ganto ako? ni pagpapaalam nga di nya magawa.. di nya ako iniisip na sabihan as early sana.. still mas prior nya mga tropa nya .. lord give me sign!🥲 im tired!!!😩
7/17/2022
ano ?
sa tingin mo ba magandang pakinggan ung "pagiisipan ko din tong relasyong to" na speechless ako sa sinabi mo like ha? pagiisipan ano ba ako paraosan? saying pagiisipan is maskit pkinggan ..
gusto ko lang malaman mo na alam ko pa naman worth ko..
and I think as a girlfriend mo hindi ko yata deserve na makarinig ng salitang pinagiispang relasyon. iba dating saken.. khit sino siguro na sasabhan ng ganyan bf nila while in a relationship hindi matutuwa.. maskit ka pa ding magsalita.😔
malaya ka ng gawin ang gusto mo.
makatagpo ka sana ng mas naiintindihan ka sa panahong hindi mo maintindihan ang sarili mo..
Thankyou for everything since day 1. Gusto ko na ding mag pahingaaa masyado na kong nag cacause ng trouble sayo. Thankyou.
alam ko naman ung mali ko jan nung sinabi ko un. sorry.
inisip ko puro go out friends nalang nabibingi na ko..
ang ikinagulat ko lang bakit mo un nasabi bigla bigla.
bakit ang bilis sayo mag bitaw ng masasakit na salita saken??
2pm
Aug 2,
Lately kasi I overthink alot since last kita din natin..
lahat ng bad memories bumalik Idk Yes we talk normal pero I'm not really good.. sumabay pa tong lagnat ko kaya I feel nothing as in wala.. Idk kung paano ko ba sasabhn sayo na nasasaktan ako kapag biglang bumabalik ung bad memories.. Parang feeling ko khit anjan ka magisa lang din ako matagal tagal ko na ding iniisip to parang every time you decide asan ako nung nag desisyon ka? Did you miss being magisa lang ba? gusto mo ba na magisa ka nalang ulit? sa nakikita ko kasi sayo parang hindi ka pa talaga sawa sa kung ano ka dati.. magkasama nga tayo pero pakiramdam ko magisa ako.. hindi ko alam kung sino ba saten kelangan ng space para huminga .. na stress ako dami kong iniisip..
316pm 8/3
lately My anxiety hindi k macontrol..
I thought relationship is for the both of us pero napansin ko ksi na parang nagplaplano ka hindi for us parang for you lang .. yan ung nararamdaman ko asan kaya ako sa mga plano nito.. magkaiba kasi ung we sa me.. pasensya kana pero yan ung nararamdaman ko feeling ko I'm not belong.. ewan ko lang kung napapansin mo kaya nag start nalang ako questioning myself na baka hindi ka pa talaga ready or di mo ko nakikita ung future mo na kasama ako..
scared to initiate in anything kasi nareject mo na din ako once
scared to open up kasi it always end up away
scared kasi feeling ko hindi naman ako belong sa mga future plan mo may times kasi na nagplan ka ang dating saken hindi naman pala ako kasama bat kinakausap pa ako..
I thought relationship is for two pero this time sorry Feeling ko talaga magisa ako.. Trauma
nakikita mo po ba ung mga post or myday ko sa fb before, pati mga mention? tanong lang nauumay kana ba? pasensya ka na kasi kinonsider ko nalang na ah wala na sguro pakilam to.. pasensya ka na din kasi small things matter for me.. napansin ko kasi sa iba kasi nakakapag react ka pero saken kahit manotice ung mention wala.. scared na ako mag open up sayo kaya ito pinagisipan ko pa.. madmi pa kong bagay na dapat sabihin pero wag na muna for now in person nalang siguro..
Him: ano b ngyari? hindi b tayo ok? last na misunderstanding nten eh yung time na sinabihan mo ako na ayaw ko na pumunta jn, nag deac ka pa pero naging aok nman tayo sa tg hnggang bumalik ka dto sa messenger then biglang prng ayaw mo na ako kausap... anong meron?
HIM: pag magsasabi ka, di ko nlng iisipin na may pinaparating ka. kasi yun lagi dating saken base sa pagkakasabi mo at kung pano mo patakbuhin yung convo. di ko na iisipin na may intention k sa mga words n binibitawan mo
I don't know san pa ba ako dapat magsimula bat biglang na feed up ako after nung issue ng paguwe mo dito... pwedeng nung nagkita tayo na bigla bigla kang parang ayaw mo naman akong kasama tas nakita ko ung saya mo nung kasama na natin si mam hana.. inisip ko ganto ba to kasaya kpag kasama ako?? kung tatanongin mo ako hindi kasi iba ka nung kasama mo sila.. nakakainggit na sana ganyan ka dn kasaya saken 😔.. na basta ang alam ko lang may mga time na okay sayo saken hindi.. may mga time na kapag nagplan ka about future parang di naman ako kasama the way you talk parang ikaw lang.. hinahanap ko asan ako sa nabanggit mo.. assurance hindi ko maramdaman ung assurance.. nung napag usapan natin si jo nagdelete ka ng convo unfriend na wala ka naman pinakita.. nung may nakita akong tandem na pag ka open ko tandem means partner pala un to translate e pano kung nagkasundo kau? ang dami namang app dating pa.. naipon na ung mga gusto kong sabhn thinking pag sinabi ko nga ba to baka akala mo nakikipag away na naman ako na baka sabhan mo na namana kong isip bata. kaya mas pinili kong manahik nalang ang hirap pala di ko maimagine na kinimkim ko yung pain. Thinking na baka mapansin o sana mapansin mo naman sana bakit bigla akong lumiliban ng topic para lang kunware okay lang. nakakadrain umiyak gabi gabi. ayaw ko na sana magsalita kasi takot na ko takot na ko mgsabi.. 😔😔😔 hindi ko alam kung may sense pa pag dating sayo tong mga sinabi ko.. ikaw bahala ka na..
Una gusto kong humingi ng sorry sa lahat alam kong may mali din ako hindi ko sinabi agad ano ung nararamdaman ko isinantabi lang at mag pretend na okay lang saken kahit hndi pa naman talaga..
pangalawa gusto ko mag thankyou sa pag bigay ng oras para isipin ko ngmaaus ung gusto ko sabihin.
pangatlo gusto ko lang sabhn sayo na mahal na mahal kita kahit anong mangyare.
at pang apat hindi naman kita pinipilit pa ng mag stay saken.. pwedde ka naman magsabi kung ayaw mo
.....
Paano ka ba magstay o maghihintay sa isang tao kung hindi ka naman mahalaga na parang tingin sayo ay basura?
Paano ka mag stay o maghihintay sa kanya kung sa bawat tanong mo hindi nya alam kung ano ka sa knya?
Sa tingin ko mas maiintindihan ng isang tao na maghihintay sya or magsstay lang sya kung sasabhn ng nyang mahal kita I'm at this phase lang sana magawa mong maghintay at mag stay.
0 notes
Text
To My Future Girl
To my Future Girl. Hi. Hahahahah! For now, I don’t have any single idea about who you are but I want you to know na I really can’t stop myself thinking about you. Nagkita na kaya tayo? Nakausap na kaya kita? Kumain ka na ba? Masaya ka kaya sa mga oras na ‘to? Sana okay ka lang, Alam mo lagi akong nag-aalala sa’yo pero tiwala naman ako kay God na hinding hindi ka nya papabayaan kaya ayos lang. Sobrang dami kong gustong ikwento sa mga oras na ‘to sa’yo at dahil hindi pa kita kilala, itatago at iipunin ko nalang sila para pag dumating yung tamang panahon, doon ko na sila ikekwento. Gusto ko ring malaman mo na napakatamad kong tao pero dahil sa’yo, namomotivate ako lalong pumasok sa trabaho, Pasaway rin ako pero pinipilit ko yung sarili kong magbago para pag dumating na yung tamang panahon, masasabi kong deserving na talaga ako para sa’yo. Sobrang excited na kong makilala ka. Sobrang excited na kong ipakilala ka sa family and friends ko, Sobrang excited na rin akong mameet yung parents mo para makapag-thank you kasi dahil sa kanila, meron yung mundong to ng ikaw. Sobrang excited na kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Sobrang excited na kong ipakita sayo kung gaano ka kaimportante sa akin. Sobrang excited na akong mag-effort para sa’yo. Alam ko namang mahaba haba pa yung landas na tatahakin ko bago kita makilala, Alam kong medyo matatagalan pa pero wag kang mag-alala, I will never get tired of waiting for I know to myself na it will be all worth it. Take good care of yourself ha? Wag kang mag-alala, In the future, ako na yung mag-aalaga sa’yo pero sa ngayon, ikaw muna. Kung may hilig ka mang gawin, wag kang mag-alala, kung ano man yan, Suportado kita dyan pwera lang sa pagpatay, pagnanakaw o panghoholdap ha? hahahahah. Sana, suportahan mo rin yung mga bagay na gusto ko sa buhay. Inaamin ko, hindi ako perpektong tao, pasaway pa nga eh… kaya sana matanggap mo rin ako at wag ka sanang mag-sawang intindihin ako kasi ako sayo, sobra kitang iintindihin at hinding hindi ako magsasawang gawin yun kahit gaano mo pa sabihin na sobrang hirap mong intindihin. Sa ngayon, priorities muna tayo ng ha? Sana kahit na hindi pa natin kilala yung isa’t isa, magsilbi pa rin tayong inspirasyon para gumawa ng mabubuting bagay kasi in the future, para sa’tin rin naman yun eh. Mahal na mahal kita at willing akong gawin lahat nang bagay maipakita ko lang sa’yo yun. Kung minsan ka nang nasaktan o may nakasakit na sa’yo, Pasensya na wala ako sa tabi mo para i-comfort ka. Takot akong gawin yung mga ganong klaseng bagay, Etong blog na to, Gusto kong ipabasa sa’yo to in the future para malaman mo na kahit nung wala pa akong idea kung sino ka, sobra na talaga akong interesado sayo. Again, Ingat palagi, I love you. God bless! Let’s make God as the center of our relationship ha. Ngayon palang na hindi kita kilala, Sobra na akong nagpapasalamat sakanya. Sana ganon ka rin :-)
Babalikan ko tong post na to at ipapabasa sayo kapag nakilala na kita.😃
PS.tinype ko to bago matapos tong taon na 2022 See you Soon ❤
1 note
·
View note
Text
04 - 21 - 21 | 11:44PM
Sobrang dami ko nang nasulat ditong malulungkot. Pero bilang lang yung mga masasaya. Naalala ko, ginawa ko pala tong blog nato para ikwento din yung mga bagay na gusto kong ikwento para sayo, ate. Madalas kasi, hindi ko na nasusulat at iniimagine ko nalang na kakwentuhan ka at sinasabi ang lahat sayo.
So this time, I'm gonna make kwento. No one will understand this but, I know you can. Ikaw lang makakaintindi dahil alam mo nayun. So I am so kilig for what happened today. Nag bigay ng appreciation gift si tita rose mo for mommy. I can still remember, sa mga overnights natin napag kkwentuhan ang mga bagay bagay at one time, you told me that tita rose is your favorite auntie. Napapaisip lang ako. Sobrang naappreciate nila si mommy. They are so thankful. Para saan ba? Sa pagtulong kay mommy dolly sa simpleng dugo at ambulance? No ate, that's just simple things. Or sa pag tulong sayo nung nangailangan ka din ng dugo? Simpleng bagay ate. Or sa hindi pag iwan ni mommy kay mama she nung nawala ka? Ate, those are simple things po. Sobrang dami ding naitulong ni mama she kay mommy. Alam mo, nung panahong naospital si daddy due to the COVID, Ate.. Mama she never leave her side. I am so full. I am thankful. I really appreciate. Alam mo ate, nag bill kami ng 6 digits in the hospital. 230k+. Di namin alam saan kukunin. Alam mo nakwento sakin ni mommy na, nagbigay si mama she, nag bigay si ate pim, tapos nanghiram si mama she kay sis claret at sis wewe para kay mommy. Tapos ate, si mama she yung nag bayad. Ate alam mo yung, sobrang need lang that time, walang wala si mama she, nanghiram sya for my parents. Tapos nung nagkaron sya, sya din yung nag bayad. Ate I am speechless. Sayang, hindi mo na nawiwitness yung ganitong pagkakataon. I can feel the love, the unity. Madalas ko din naringgan si mama she na, pwede mong iexpress yung love mo through presence. Not presents or saying I love you. It's the presence... Ate promise, hindi kita bibiguin. Tutuparin ko lahat ng gusto mo para sakin. Tapos ate, babawi ako kila mama she, papa joseph and ate pim kapag kaya ko na. Lagi silang kasama. I love you ate reng. Salamat sa pangalawang pamilya. Salamat. Hindi man ito katulad ng dati na andito ka, wala naman akong choice kundi, magpatuloy. I'll always make you proud.
1 note
·
View note
Text
Mga Sulat na Hindi Kailanman Masabi
"Sugal na Laro"
Imulat nang mga mata,
wag nang umasang ika'y mamahalin pa.
Palayain na ang sarili,
sa pagkakatali sa pag-ibig na mali.
Ngunit ito'y mahirap, napakahirap.
Ititigil na ang pagmamahal sa kanya.
Iwasan at pigilan na ang pag iisip sa mga nagdaan.
Ayusin at itama na ang pagkakamali mo sa nakaraan.
Lahat tayo'y nadadapa, ang importante ikaw ay tumaya.
"In Another Life"
1 time I remember,
2 months when we were together,
3 promises were made for each other,
4 "I love you's" I said to you
5 No's I received from you
6 will be much worse than that,
7 days you were gone,
8 apologies I asked for what I've done,
9 times you accepted but it seems to me it's not wholeheartedly,
And then,
10 weeks after we met,
A Day of Christmas,
You dropped a long message I didn't expect,
While reading it, I felt nothing but numbness,
Inside my mind was suicide and darkness,
My heart's in despair,
My soul and strength were gone in thin air,
I saw you laugh and smiled at my jokes,
I saw you how you treated my best folks,
All those days I thought the feelings were mutual,
All those days I thought you loved me with all your heart,
I was blinded by the love because I was into you,
While I'm still committed, I didn't knew you're with some different dude,
Treated you better than I did,
Made you moments more magical than we ever did,
We were so in love with our whole appearance,
And there was something between us,
I thought there was a greater chance,
To be with you in this world full of chaos and romance,
Everything turned upside down,
Lovely eyes to sorrow,
Happy face to frown,
And the beautiful person to the ugliest clown,
The person that you knew is now a stranger,
The story you created is now over,
I wish I could erase all of the memories we had,
And make a new one with you, in another day, in another life,
"Akin"
Seas are vast, so as mind.
Relieve thy past, it's time to fly.
You are marvelous in someone eyes.
Makulay ang iyong ngiti
Na para bang bahaghari
Pag-ngiting sana'y di mawari.
Pagkabuhay bang maituturing
Ang pagkabuhay sa buhay
Na hindi mo wari maturing na buhay?
Heart was pounding as I hear the sound
Of thy voice singing a music that is reaching'
To my soul sayin'...
"Never mind you were never mine."
"Buwan"
Sa tihimik kong gabi
Ikaw ay nanahan
Malimit akong pagmasdan
Mula d'yan sa kalangitan
Sa bagay, mula sa iyong kinalalagyan
Ako'y di hamak na tuldok lang
Isang butil ng buhangin
Sa malawak na buhangn
Subalit dito sa ibaba
Tila lahat ay kabaliktaran
Maya't-maya ika'y aking tinitingnan
Sa parang 'di mo nalalaman
'sing dami man nang buhanginan
Ang mga tala sa kalangitan
Namumukod-tangi pa rin
Ang taglay mong kagandahan
Tanaw na tanaw kita
Maliwanag kong buwan
Binihag mo 'ko sa taglay
Mong kagandahan, sinisid
Ang aking puso't tinangay sa kalawakan
Hinayaang lumipad at
Naging masayang tuluyan
"The Art Of Letting Go"
Days are too short,
Nights are so long,
Since you were gone,
I can't stand on my own,
Grin's in opposite curve,
Heart's in different tune,
Wondering where I went wrong,
When we were so fine all along,
You're one in a million stars,
You twinkled so low,
But I saw you shined,
I saw you smiled,
I stared at you,
Watched you fade away,
I have to let you go,
And so much better if I will just stay.
"Tugma"
Hihinto na ako sa pagsulat ng tula,
Hindi dahil sa ayaw ko pero wala akong maramdamang tugma,
Hindi ko na alam kung anong isusunod na salita
Sa bawat talatang aking nililikha.
Utak, puso at kamay ay 'di makagawa
Blanko na, sa sobrang dilim ay walang makita
Tila nakatanaw na lang sa kawalan,
Sa langit na parang naghihintay ng pagpatak ng ulan.
Naghihintay magkaroon ng ingay...
Sa lugar na tanging hampas lang ng hangin
Sa mga dahon ang napakikinggan.
Hindi ko na alam kung saan magsisimula,
Hindi na alam kung bakit ako gumagawa.
Pagod na siguro ang isip ko
Pagod na rin ang katawan mula paa hanggang ulo
Pagod na siguro ako.
Gusto kong may mapagsabihan nito
Kung gaano na ako nanghihina sa mga nangyayari ngayon,
Pero paano ko gagawin y'on?
Kung 'yong mismong tao na inaasahan ko
Na makikinig sa mga sasabihin ko
Ay isa sa hindi ko matakbuhan
Ni wala akong mapagsabihan.
Marami akong gustong sabihin sayo,
Mga bagay na gustong ikwento,
Pero hindi ko alam kung paano magsisimula,
Kasi 'yong tugma,
Ikaw mismo ang wala.
"I was"
I was once walking on the same street,
Forgotten and weary and not thinking straight,
Reflecting where my decisions went wrong,
And asking, "Why did you leave me all alone?"
I was once driving on the same highway,
I felt your warmth arms wrapped around me,
My frozen heart melted along the way,
Tears falling like rain with pain and agony,
I was once lying on the same bed,
Unconsciously staring at the same ceiling,
Replaying all the memories we had,
It doesn't matter if it's good or bad,
I was once dreaming the same dream,
You and I were on the same team,
Then you realized that I'm not enough,
So you woke up and made your own path.
"Kabataan"
'Kabataan ang pag-asa ng bayan'
Iyan ang linya ng karamihan
Mga kabataang magsisilbing liwanag
Sa bansang unit-unting nawawalan ng sinag
Ngunit sa panahon ngayon ay tila nag-iba na ang tingin
'Millenial' nga kung kanilang tawagin
Wala na ang dating mahinhin, masunurin at dalagang Pilipina
Liberated na raw, walang pinagkaiba sa ibang bansa
Sa sariling wika ay hindi na maalam
Wikang banyaga ang pinag-aralan at inaasam
Kahit sa sariling produkto ay umaayaw na
Gusto ng imported, para sosyal nga raw sabi nila
Kung noon alas sais palang ay nasa bahay na
Wala kang makikitang nagliliwaliw sa kalsada
Ngunit ngayon madaling araw na'y nasa galaan pa
Inom dito, sigarilyo doon kaya natotokhang ang iba
Kung noon hawakan lang ng kamay ay may kasalan na
Ngayon, nagtabi na at may nangyari, parang wala lang sa kanila
Noo, kapag nabuntis ay laking tuwa ng mag-asawa
Ngayon pag nabuntis ipinapalaglag dahil hindi nya raw alam kung sino ang ama
Noon, po at opo ang usong salita
Ngayon may petmalu, lodi at werpa na
Kung noo paggalang ang lumalabas sa bibig
Ngayon ay kabastusan at mura na ang bukambibig
Noon, sa pag-aaral nag-aabala
Ngayon sa cellphone at computer games na
Facebook dito, chat doon, buong araw walang mintis
Hindi na magawang maligo o kahit na maglinis
Ngayon, aking itatanong 'Kabataan pa nga ba ang pag-asa ng bayan?'
Tayo pa nga ba ang magiging daan sa tinatawag nilang kaunlaran?
Tayo pa nga ba ang tinutukoy nilang liwanag?
O baka tayo ang magiging dahilan upang bansa'y tuluyang mawalan ng sinag?
5 notes
·
View notes
Text
My Story
Palagi kong sinasabi na hindi ako marunong magkwento. Tsaka ano naman ang ikukwento ko? Tapos naiisip ko bakit nga ba hindi ako marunong magkwento at wala akong kwento. Gusto ko palaging sumama sa mga masayahing tao, gusto kong makinig sa mga kwento nila. Nakakangiting tingnan yung facial expression nila kapag nagkukwento tapos bigla ngingiti pati yung mga mata. Gusto ko palaging sumama sa mga malungkot na tao, gusto kong maramdaman nila na hindi sila nag-iisa. Makinig sa nakakabasag na katahimikan, malamig na hangin, mahihinang hikbi, habang nakaupong magkatabi niyayakap ng gabi. Doon maririnig mo yung mga sigaw na pabulong at mahihinang salita na dudurog sayo. Nasanay pala ako ng nagmamasid lang, nakikinig lang, nakikihikbi, nagtatago ng sikreto, at nakikikaba lang. Ang ambag ko lang parati e mga jokes tapos nakakatawang bagay. Tsaka ayoko ng may malungkot na iba kaya kung malungkot ako, gusto ko ako lang. Mas gusto kong makita yung mga ngiti nila kesa maramdaman yung lungkot ko. Hindi lang siguro ako sanay na magbahagi ng sarili sa iba.
p.s. tsaka pala marami din akong hindi pwede ikwento, sabi kasi nila e "sayo ko lang to sinabi, atin lang to ha. 'Wag mong ikukwento sa iba".
-out 😎
3 notes
·
View notes
Text
Happy birthday, mame ni May. 😊
0 notes
Text
Ang Huling Kape ni Veronica.
Gusto ko nang mamatay.
Ito ang unang salitang pumasok agad sa isipan ko. Wala nang dahilan para mabuhay ako. Naghiwalay na ang mga magulang ko, bumagsak ako sa major subject ko, buntis ako at walang balak ang boyfriend ko para sa amin. Masyadong magulo ang buhay ko, at ang tanging paraang naisip ko para wakasan ang paghihirap na ito ay ang tapusin ang buhay ko. Isa akong kahihiyan.
Nakatayo ako sa balkonahe ng condo unit ko sa Malate, handa nang tumalon. Huminga ako ng malalim habang malayang tumutulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Tatalon na sana ako nang lumitaw ang isang lalaki sa katabing balkonahe ng unit ko. Nakangiti siya, pero may lungkot sa mga mata niya.
“Huwag.��� Bulong niya sabay abot sa kaniyang kamay.
“Huwag mo akong pakialaman. Alis.” Hindi ko tinanggap ang kaniyang kamay at umirap.
“Miss, huwag.” Ulit niya.
Ang kulit niya.
“Sino ka ba? Huwag mo nga akong pakialaman! Umalis ka na! Kapag namatay ako ngayon, ikaw ang sisisihin ng mga pulis!” Asik ko.
“Ako si Lee at hindi kita pwedeng iwan dito.”
Hindi ako sumagot. Bahala siya diyan!
“Bahala ka. Gagawin ko pa rin. Pumikit ka!” Utos ko. Imbes na ipikit niya ang mata, ngumiti lamang siya sa akin.
“Alam kong hindi mo iyan gagawin.” Kalmado niyang sinabi.
Tumigil ako at galit na tumingin sa kaniya.
“Ano bang pakialam mo!? Hindi mo ako kilala! Hindi mo alam ang nangyari sa akin! Wala kang alam sa pinagdaanan ko!” Sigaw ko at tuluyan nang nalunod sa sariling kong luha.
“Oo, hindi kita kilala kaya alam kong hindi mo kayang gawin iyan. Ayaw mong mamatay. Gusto mo lang matapos ang paghihirap mo. Gusto mo lang na matigil ang sakit na nararamdaman mo, pero ayaw mong tapusin ang buhay mo.”
Pumantig sa akin ang mga sinabi niya. Paulit-paulit na tumugtog sa tainga ko ang mga salita niya. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang naglakad palayo sa balkonahe.
“Gusto mo bang magkape, Miss?” Tanong niya at inalok muli ang kaniyang kamay. Lumapit ako sa kaniya upang tanggapin ang kaniyang kamay at saka tumango.
“Anong gusto mo? Libre ko na.” Tanong niya nang makarating kami sa isang sikat na coffee shop sa tabi ng condo unit namin.
“Tall chocolate chip cream with whip cream.”
“Sige. Venti na lang para sayo.”
“Whatever.” Irap ko uli na siyang tinawanan niya lang.
“Ano nga pa lang pangalan mo?”
“Bakit?” Asik ko.
“Ilalagay ko sa kape mo. Alangan namang Lee ang ilagay ko sa kape mo? Hindi ka naman si Lee.” Sarkastikong sagot niya sakin. Nakakainis talaga itong lalaking ito!
“Oo na. Veronica pero Lady Gaga ang ginagamit ko sa mga coffee shop.”
“Naks! Ang lakas mo sa part na ‘yon.” Pang-aalaska nito sa akin. Inirapan ko na lang siya at hindi na muling sumagot pa.
Dumating siya kasama ang kapeng inorder niya at umupo sa harapan ko. Patuyang nilapag niya sa harapan ko ang kapeng may pangalang Lady Gaga.
“Bakit Lady Gaga?” Tanong niya habang sumisipsip sa kaniyang kape.
“Bakit ba ang dami mong tanong?” Naiinis na sagot ko.
“Sagutin mo na lang.” Bakit ba ang kulit ng isang to?
“Idol ko kasi si Lady Gaga.”
“Ahh, anong favorite mong kanta niya?” Napaisip ako sa tanong niya. Oo nga, ano? Ano bang paborito kong kanta ni Lady Gaga?
“Wala eh.”
Tumigil siya sa pag-inom sa kape niya at umismid na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Weh? Imposible yun! Sabi mo idol mo siya, eh di dapat may favorite kang song nito!”
“Dapat ba mayroon? Dapat ba kapag gusto mo iyong isang singer, may dahilan? Dapat ba may favorite kang kanta?” Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.
“Oo naman! Kaya mo nga siya nagustuhan dahil doon eh.”
“Alam mo, mababaw na dahilan iyong mga kanta niya para magustuhan ko siya. Mababaw iyong dahilan na magaling siyang kumanta. Hindi ba pwedeng nagustuhan ko siya bilang siya? Nagustuhan ko siya dahil siya si Lady Gaga. Simple lang.” Sagot ko.
Ngumiti siya at nakita ko kung paano namangha ang kaniyang mga mata sa sinabi ko.
“Wow! Ang lalim mo pala mag-isip.” Iyon na lamang ang nasabi niya. Hindi ko siya sinagot bagkus ay sumimsim na lamang ako sa kapeng nasa harapan ko.
“So…maiba tayo. Veronica, bakit mo gagawin dapat iyon?” Seryosong tanong niya.
Tumigil ako sa pagsimsim ng kape at tinitigan siya sa mga mata.
“Wala kasi akong kwenta.” Simpleng sagot ko.
“Walang kwenta? Paano mo nasabi?”
“Wala akong kwentang anak. Naghiwalay na ang mga magulang ko. Bumagsak ako sa Physiology and Anatomy na parehong major subjects ko. At higit sa lahat…buntis ako.”
Tumigil siya sa pag-inom ng kape. Halatang nagulat siya.
“Buntis ka? At magpapakamatay ka? Paano yung baby mo?” Iyon pa talaga ang una niyang tinanong matapos kong ikwento ang wala kong kwentang buhay.
“Wala naman akong kwentang tao eh edi wala rin akong kwentang nanay. Paano ko bubuhayin ‘to?” Turo ko sa tiyan kong maliit pa lamang.
“Asan boyfriend mo?”
“Wala. Ayaw niya sa amin ng baby ko. Hindi naman ako namimilit. Kung ayaw, edi ayaw. Tapos.”
“Kaya ka magpapakamatay sana?”
“Oo nga kulit. Alam mo, patay na dapat ako ngayon kung hindi ka nakealam eh noh.”
“Veronica, maraming bagay para magpatuloy. Isipin mo iyong magandang nangyari sayo. Lahat-lahat, Veronica.” Saad nito at hinawakan ang kamay ko.
“Wala namang magandang nangyari sa akin eh.” Sagot ko at pinigilan na ang mga luha ko.
“Mayroon Veronica. Ikaw. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa mundong ito.”
“Sinasabi mo lang yan kasi naaawa ka sa akin. Hindi mo ako kilala.” Panunuya ko at marahas na hinila ang kamay kong pinapatungan ng kaniyang mga kamay.
“Hindi kita kilala Veronica, pero naniniwala ako na isa kang magandang pangyayari…hindi lamang sa mundo, kundi sa sarili mo rin.”
Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay malayang umagos sa mga mata ko. Hindi ako nakaiimik.
“Lumaban ka. Lumangoy ka. Ano naman kung naghiwalay mga magulang mo? Magulang mo pa rin sila, hindi magbabago iyon. Ano naman kung bumagsak ka sa major subjects mo? Magiging doctor ka pa rin naman. Ano naman kung buntis ka tapos walang ama? Magiging ina ka naman. Dakila at natatanging ina. Lahat ng nangyari sayo Veronica, may dahilan. Maniwala ka sa akin.”
“Bakit mo ito sinasabi sa akin?”
“Kasi Veronica, deserve mong malaman kung gaano kaganda ang mundo sa likod ng mga pighati at lumbay na nararanasan mo. Deserve mong makita yung mga bituin sa langit na kasingganda ng mga mata mo. Deserve mong makita ang mga magaganda sa pangit at ang mga mabubuti sa masama. Deserve mong mabuhay, Veronica…Mabuhay ka.”
Tumayo siya at kinuha ang kape niya. Inalok niya ang kamay niya sa akin at sabay sabi ng, “Friends?”
Tinanggap ko iyon at ngumiti. “Friends.”
Pagkatapos ng gabing iyon, mas lalo kaming naging malapit ni Lee sa isa’t-isa. Palagi niya akong dinadalaw sa unit ko. Namamasyal kaming magkasama. Lagi rin kaming nagkakape. Nalaman ko ang mga simpleng bagay tungkol kay Lee. Magkasing-edad kami at kumukuha siya ng kursong Architecture sa Benilde. May banda siya sa school nila na kung tawagin ay Black Label. Siya yung drummer. Nakakapagtaka na siya yung drummer eh mas maganda pa nga kung tutuusin ang boses niya sa bokalista nila. Ang paborito niyang kanta ay yung 214 ng Rivermaya. Minsan pinarinig niya sa akin iyon at inasar ko siya kasi ang drama ng paborito niyang kanta.
Ilang buwan na ang lumipas at masasabi kong ayos na ako. Malaki na rin ang tiyan ko. Nasabi ko na rin sa magulang ko ang pagbubuntis ko at natanggap naman nila kagaya nang pagtaggap ko na hindi na talaga kami maaayos. Naayos ko na rin ang mga major subjects ko.
Sa ilang buwan na magkasama kami ni Lee, hindi niya ako iniwan. Madalas sinasama niya ako sa mga gig nila. Napagkamalan pa nga noon na magkisantahan kami. Minsan dinala niya ako sa school nila noong malaki na ang tiyan ko at naging usap-usapan kami. Akala ata nila si Lee ang ama ng dinadala ko. Hindi rin naman kasi nilinaw ni Lee sa kanila.
Isang ordinaryong gabi, habang nagkakape kami ni Lee sa paborito naming coffee shop, sinabi niya ang dalawang salita na nagpabago sa takbo ng pagkakaibigan namin.
“Mahal kita.” Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Imposible…
“Sinasabi mo diyan?” Biro ko at umiwas ng tingin.
“Ang sabi ko, mahal kita.” Ulit niya sa mas klaro at mas malakas na boses.
“Bakit mo ako mahal?” Tanong ko.
“Dapat ba may dahilan? Hindi ba pwedeng mahal kita dahil mahal kita. Walang bakit at pero.”
Ito ang araw na pinakaayaw kong mangyari. Mahal ko si Lee, at dapat natutuwa ako sa sinabi niya ngayon, ngunit hindi kami pwede. Ayokong siraiin ang buhay niya. Ayokong madamay siya sa napakagulo kong buhay.
“Lee, mahal mo ba ako? O mahal mo yung pakiramdam?” Tanong ko.
“Hindi, Veronica. Mahal kita. Sigurado ako. Mahal ko ang hilaga, silangan, kanluran at timog ng pagkatao mo.” Sagot niya at hinaplos ang pisngi ko.
“Lee…mabuti kang tao. Pero, huwag ako Lee. Iba na lang.” Mapanuyo kong sabi.
“Handa akong maging ama ng dinadala mo. Handa akong bumuo ng pamilya kasama kayo.” May paninindigan niyang sinabi.
Doon tumulo ang luha ko.
“Hindi pwede Lee. Ayokong idamay ka sa napakagulo kong buhay. Mabuti kang tao, Lee…I don’t deserve you.” Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyan ay tumayo ako at pinunasan ang luha ko.
“Lee, maraming salamat. Salamat kasi niligtas mo ako. Salamat sa lahat.” Naglakad ako palayo kay Lee na may bigat na nararamdaman.
“Veronica—” Iyon ang huling salitang narinig ko kay Lee bago ako lumabas ng coffee shop. At iyon na rin ang huli naming pag-uusap dahil kinabukasan umalis na ako sa condo unit ko. Nag-drop ako sa school. Umuwi ako sa bahay namin at hindi ko na muling nakita si Lee pagkatapos ‘non.
***
Pitong taon ang nakakaraan nang makilala ko si Veronica. Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tamis ng kaniyang mga ngiti, ang amoy ng kaniyang buhok, ang tingkad ng kaniyang mga mata at ang malakas niyang boses na musika sa aking mga tainga.
Para sa akin, si Veronica ay isang simbolo ng buhay at pag-asa.
Totoo ang sinabi ko noon na isa siya sa pinakamagandang nangyari sa mundo dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Minahal ko siya. At hanggang ngayon minamahal ko pa rin siya. Hindi kailanman binago ng panahon ang pag-ibig ko sa kaniya.
Iniwan niya ako nang wala man lang pasabi. Labis akong nasaktan noon, at magiging hipokrito ako kung sasabihin kong hindi ko siya sinubukang hanapin. Hinanap ko siya, ngunit nabigo ako. Lagi akong pumupunta sa paborito naming coffee shop nagbabakasakaling makita ko siya. Lagi ko rin siyang inaabangan sa gate ng La Salle baka sakaling makasalubong ko siya. Pero, wala. Mahirap nga naman talagang hanapin ang isang taong ayaw magpahanap.
"One tall chocolate chip cream for Lady Gaga."
Napatigil ako sa pagguhit nang marinig ko ang pamilyar na pangalan na sinambit ng barrista. Lumingon ako sa counter at doon nakita ko ang babaeng matagal kong hinanap. Si Veronica. Malaki ang pinagbago niya. Ang dating pulang buhok niya na maalon-alon ay napalitan ng kulay tsokolate na hanggang baba na lamang ang haba. Pumayat siya nang kaunti. Tumangkad ng ilang pulgada dahil sa suot niyang stilettos. Maraming nagbago sa kaniya, ngunit kilala pa rin siya ng puso ko.
Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kaniya, "Veronica?"
Lumingon siya sa direksyon ko at nagulat nang makita ako.
“Lee? Iyong sa Green Residences?” Tanong niya sa akin at ngumiti. Ang ngiti niyang iyon ay naghatid sa akin ng milyong-milyong alaalala ng kahapon.
“Oo. Kamusta? May kasama ka ba?” Ngayong nakita ko na siya, hinding-hindi ko papalagpasin ang pagkakataong ito.
“Ayos naman ako. Wala akong kasama.”
“Talaga? Mind if I join you? Wala kasi akong kasama.” Alok ko at nagdasal na sana huwag siyang tumanggi.
Tumango lamang siya. Umupo siya sa harapan ko at nakita ko kung paano niya tinignan iyong blueprints sa lamesa ko.
“Wow. Ikaw ba gumawa nito?” Manghang tanong niya.
“Oo.”
“Ay, architect ka na pala! Wow.” Tumawa siya. Ang sarap sa tainga ng tawa niya.
“Oo. Papagawa ka ba bahay?” Biro ko pa. Tumawa ulit siya at hinampas ako kagaya ng dati.
“Sira. Hindi! Paborito mo pa rin ba yung 214 ng Rivermaya?” Tanong niya. Ngumiti ako. Naaalala niya pa pala iyon.
“Oo. Naaalala mo pa pala iyon?”
“Oo naman! Napakadrama kaya ng kantang iyon.” Naalala ko dati, noong unang beses kong pinarinig sa kaniya iyon, inasar niya ako dahil ang drama raw ng kanta.
“Nagbabanda ka pa rin ba?” Tanong niya uli.
“Hindi na. Noong grumaduate ako ng college, nagfocus na lang ako sa pagtatrabaho.” Sagot ko saka sumimsim sa kape ko.
“Ah. May pamilya ka na?”
Mayroon na sana…Kayo sana…
“Wala pa. Wala pa sa isip ko iyan.”
“Eh bakit? 27 ka na oh!”
“Eh bakit ikaw? May pamilya ka na ba? 27 ka na rin oh.” Balik ko sa kaniya.
“Wala pa sa isip ko yan noh. Focus muna ako sa trabaho ko, pati kay…Ileana. Mahirap maging single mom at the same time doctor.” Sagot niya.
Ileana…hindi niya pinalitan ang pangalan ng anak niya?
“Doctor ka na? Ano specialty mo?” Tinuloy niya pala ang medisina. Buong akala ko na noong nalaman kong nagdrop siya sa La Salle ay hindi na niya itutuloy ang pag-aaral niya.
“Pediatrican.”
“Nice! Big time ka na pala. Pinagpatuloy mo pala? Nagdrop-out ka kasi diba?”
Tumango lang siya sa akin.
“Saan ka nag-aral noong umalis ka sa La Salle?”
“Basta. Diyan lang. Tinuloy ko pa rin yung medicine kasi pangarap ko iyon. Sayang kasi graduating na ako noon kaya tinuloy ko na lang. Umulit ako ng 4th year. Ayun, limang taon ko tuloy tinake yung BS Biology.” Tumawa siya.
“Masaya ako na doctor ka na.” Ang dami kong gusting sabihin ngunit sa sobrang dami, iyan lamang ang lumabas sa bibig ko.
“Salamat. Ako rin eh, masaya ako para sayo.” Ngumiti siya uli.
“Veronica, bakit?” Matapang na tanong ko. Gusto kong malaman ang mga dahilan niya. Gusto kong malaman bakit niya ako iniwan ng ganon ganon na lang. Gusto ko ng sapat na rason at kongkretong dahilan.
“Anong, bakit?” Maang niyang tanong.
“Bakit mo ako iniwan? Hinanap kita.”
“Hindi ko sinabing hanapin mo ako.” Matapang na sagot niya. Tumigil siya sa pag-inom ng kape. Tumayo siya. Aalis siya? Iiwan niya ulit ako? Sa pagkakataong iyon ay tumayo na rin ako upang pigilan siya.
“Lee, walang sapat na rason kung bakit kita iniwan. Isang pagkakamali ang nagkita pa tayong dalawa. Salamat, Lee. Salamat sa pagligtas. Hanggang dito na lang tayo. Sana maging masaya ka.” Inalis niya ang kamay kong pumipigil sa braso niya.
Hindi ako nakapagsalita. Tinignan ko lamang ang paglakad niya palayo sa akin at ang paglabas niya sa coffee shop. Unti-unti naglaho siya sa paningin ko na parang isang multo. Oo, isa talaga siyang multo. Multo ng kahapon ko.
Iniwan na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon na walang sapat na rason. Ito na siguro ang wakas ng aming kwento. Si Veronica ay mananatili na lamang na isang magandang alaala—isang magandang kabanata ng aking buhay na walang kongkretong katapusan. Isa na lamang siyang gunita.
Iyon ang huling kape ni Veronica na kasama ako, at iyon din ang huling araw na nakita ko siya.
1 note
·
View note
Text
Hi Mga Chismosa😊
Hindi ka maganda Nag ma-maganda ka lang!
Hindi ka magaling Nag ma-magaling ka lang!
Hindi ka matalino nag ma-matalino ka lang!
Hindi ka maputi nag kojic ka lang!
Hindi ka payat nag paretoke ka lang!
Hindi ka babae nag papalit ka lang!
Hindi ka lalaki nag patanggal ka lang!
Mga linyahang galing sa mga taong takot na malamangan
Sa lipunan na kinatatayuan kahit saan mo tignan unang papansinin ang pang labas na kaanyuan.
Ang mga naging kamalian
Walang nagiging mabuti kundi ang sarili lang.
Mga taong nagmimistulang talangka hihilain ka pababa.
Nag mimistulang apoy sa kandila hihintayin kang malusaw at mawala.
Nag mimistulang bato na babatuhin kang buong-buo
Maubos lang ang bunga ng iyong puno.
Bakit hindi nyo gamitin ang bato ipokpok jan sa ulo nyo,
Para matauhan kayo na hindi lahat ng bagay ay kailangan nyong gawan ng issue.
Hindi porket tumaba ako ay buntis ako.
Hindi rin porket pumayat ako ay nag adik ako.
Hindi rin porket puro lalaki ang kasama ko ay malandi na ako.
Hindi rin porket may jowa na ako ay mag aasawa na.
Hindi rin porket umiinom at nag yuyusi siya ay pariwara na siya.
Hindi rin porket hindi siya nag sisimba ay masama na sya.
At hindi rin porket lagi kang nag sisimba ay deretso langit kna.
Tandaan mo may purgatoryo pa!
Kayo nga tong mas malakas pang mang husga
Hindi porket maiksi ang suot nya ay si aubrey na sya
Maging si boyet ka!!!
kinulang sa pag iisip ngunit sumubra sa pang unawa.
Para naman hindi puro pang lalait ang lumalabas sa inyong bunganga.
Mga chismusang kapit bahay na walang ibang ginawa kundi ang ikwento ka sa buong baranggay.
Nag sisilbing CCTV ng bahay inaabangan ang bagong kabanata ng iyong buhay.
Makita lang na unti unti kang umaangat ay mabilis na mabilis ka rin nilang hihilain pababa
Nag palamon sa sistema ng inggit at galit.
Sabi naman sayo eh wag kang magagalit lalo ka nyang papangit.
Wag kang makampante sa lahat ng sinasabi, iniiba nila ang pang yayari masagip lang ang sarili.
Matulis na gulok ang nag aamba ng tumusok, binaligtad na ang tatsulok para sila ang nasa tuktok.
Pamilya, tropa at mga taong sinalba
Hindi ka nila maaalala sa mga mabuting alaala na ikaw ang sandalan nila sa mga sandaling walang wala sila.
Kapag may bagong kakilala at hindi ka na nila nakakasama kakalimutan ka na nila, maniwala ka!!!
Sisirain kana nila mag muka lang mabuti sa iba.
Sinasabi ko sayo, hindi lahat silay totoo
Gusto ko lang ipaalala sayo maiksi lang ang buhay,
Gumawa ka man ng tama o mali sa iba huhusgahan ka pa rin nila.
Kaya kong ako sayo piliin mo lang ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo
Hayaan mo lang ang sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga mag pakatotoo ka, wala namang perpekto
Wala namang masama kung hindi ka sakto sa pisikal na katayuan
Oh hindi ka kasing talino ng karamihan
Ang tunay nman na kagandahan ng kaanyuan ay hindi binabase sa muka at sagot na pang Miss Wesleyan.
Dahil ang tunay na kagandahan ay may magandang kalooban at tanging DIYOS lang ang may karapatan para tayo ay husgahan at sigurado ako na kahit isang bala lang ang pinakawalan ko maraming tatamaan dito....
1 note
·
View note
Text
rant
Alam mo, gustong gusto ko ipabasa/sabihin sayo kung ano yung mga rants/catharsis post ko dito. Gusto kong malaman mo yung nafeel/naiisip ko nung mga panahon na yun. Pero hindi mangyari kase ewan ko ba, baka hindi talaga meant na malaman mo? Ewan ko ba. Naiinis ako sa sarili ko kase bakit di ko magawang i open up sa'yo 'tong mga bagay na to. I really want to tell you everything. Pero wala, yung mga nakekwento ko sa'yo eh parang wala lang, nonsense ganun. Minsan di ko na nga maalala yung mga dapat kong ikwento eh. Kelan mo kaya malalaman no? Hahaha. Ngayon lang ako nag ganito na post, madalas kase nasa notes sa cellphone tas compiled na ganun haha wala lang. Gusto ko lang magpost dito kaya etong rant na lang na to yung ipopost ko.
Pwede bang ako muna? Pwede kaya na tayo munang dalawa? Naiinis na ko sa totoo lang. Ang dami mong time sa mga kaibigan mo. Lagi mong nagagawan ng paraan para makasama sila pero pagdating sakin parang ang daming dahilan. Bakit naman ganun? Ang sakit lang kase parang kelangan ko lagi makihati sa oras mo. Oo, I get it na ang hirap ng schedule natin sa work, kapag off lang yung pwede. Pero minsan sobrang saglit lang yung time natin together. Nakakainis.
Tapos parang hindi ko na alam kung ano mo ba ako eh. Nakakakainis na nagpaplano ka tas decided ka na pero hindi ko alam?? Like yung sabi mo na susunod ka sa kaibigan mo sa ibang bansa. I was like, "huh? ano yun? kelan yun?" Nahurt ako sa totoo lang kase parang nagpaplano ka na hindi ko alam. I get it na we have our own decisions naman pero sana diba nagconsult ka man lang muna sakin. Kase feeling ko hindi ako kasama sa buhay na gusto mo in the future eh. Ewan ha, pero nahurt talaga ko nung kinuwento mo yun. Ang chill mo pa nakakaloka.
Pagod na ko sa totoo lang. Nakakapagod na lagi kang umiintindi. Naalala ko lang yung message mo noon na gusto mo we have this "crave" thingy to each other. Kase sabi mo hindi rin maganda na laging magkasama para hindi nagkakasawaan. Oo, tama naman kaya lang parang sumobra naman ata? Ewan ha, baka ako lang to.
Nakakapagod na. Sawang sawa na akong umiyak. AYOKO NA.
0 notes
Text
-- Di na talaga ako yung nakikita mo sa future no? Masakit lang isipin na, iba na yung nakikita mo. Ano bang laban ko dun, may trabaho, mas mature? Tas lagi mo nakikita. I hipe na di mo maramdaman sa kanya yung mga naramadaman mong di maganda sa akin. Yan yung mga salita na dapat kong sabihin, pero di ko gustong sabihin. Nilalabanan ko ngayon yung utak ko, sa mga scenariong pumapasok. Ang daming bagay, salita, kung ano ano nasa isip ko. Makakausap kaya kita maya? Kekwento ko ulit siya? Kaya ko kaya ulit tumawa. Kaya ko ba ulit tanggapin yung kwento. Yung mga sinasabi mo. Pansin ko, masaya ka kapag kinekwento mo siya. Sana nung kinekwento mo din ako non, masaya ka. Pero pwede bang ako na lang ulit ikwento mo? :( Kakayanin ko siguro makinig kapag siya kinekwento mo. Para saya, kakayanin. Hinihiling ko kanina/kagabi na tigil na. Haha di ko na kaya nasasaktan ako sa mga kwento mo. Pero di ko masabi, kasi masaya ka, natutuwa ka, magaan loob mo. Di ko naman pwedeng pigilan yon, kasi yung ang gusto ko, sumaya ka. Ang hirap lang na di na ako yung nagbibigay ng kasiyahan sayo. Di ko alam isasagot sayo nung tinanong mo kung anong set up natin, if may dumating ganon. Ang totoo, di ko talaga alam. Ayoko isipin. May dadating pa ba na tulad mo sa buhay ko? Baka nga totoo yung sinasabi nila na, ako yung need mo sa oras at panahon na yon, pero di ako yung para sayo. Maniniwala pa ba ako don? Maniniwala ba ako sa tadhana? Sabi nila pag kayo, kayo. Pero sabi din nung iba, pag kayo, gagawa kayo ng paraan maging kayo. Gagi di ko alm kung tama yan haha. Ganyan pagkakaintindi ko. Tadhana ba na di tyo sa isa't-isa? Pwede nating ibahin yun. Kung gusto mo lang naman. Alam ko sa ngayon, hindi. Hihiling na naman ako, na sana darating yung araw na sa akin ka uuwi. Palagi akong magaantay. Miss na kita kausap.
0 notes
Text
Nandito nanaman ako, sa tuwing nalulungkot ako nang malala habang iniisip ka napunta ako dito para kahit dito masabi ko yung mga bagay na gusto kong ikwento sa iba pati yung katagang mahal kita. Nakakahiya na din kasi magkwento sa kanila paulit ulit na lang din kasi kwento ko eh, kasi patuloy padin akong nananahan sa ating nakaraan, parati pa din akong kinikilig sa mga alaala nating dalawa. Nagbabasa ako sa messenger ng mensahe na nababanggit ka ang saya ang sarap sa pakiramdam pakiramdam ko ay kasama pa din kita. Kahit sandali lang nalilimutan ko na ako na lang to hindi na tayo, nakakatawang ako ang umalis pero ako din tong bumalik at nanatili habang ikaw na naiwan, naghintay at nasaktan ay nakalo na ng mga hakbang. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin na hindi na kita maabot, ang taas na ng mga narating mo mahal, dumadating din ba yung oras na ako naman ang sinisilip mo mula dyan sa itaas? Hindi ako mangangawit na tingalain ka kahit na alam ko na hindi ka na lilingon pa.
Gusto kitang kamustahin, masaya ka ba ngayon? Kumain ka na ba? Pinahihirapan ka ba ng boss mo? Masakit ba ulo mo? Wala ka bang sipon o ubo? Gusto mo bang ipagluto kita? May mahal ka na bang iba? Gusto kong sumulat ulit sa sticky notes ng mga maiikling mensahe at ibigay saiyo. Gusto ko muling marinig ang mga tawa mo. Gusto kong mahawakan ang iyong kamay mahal sa pagkakataong ito hindi na kita bibitawan, pero hindi naman patas para sayo kung bigla ko na lang hahablutin ito at pilitin na isarado mo ang iyong kamay habang ikaw ay aking mahigpit na hinahawakan. Ayokong ipilit ang sarili ko sayo ang gusto ko lang naman ay ipaalam na ikaa parin ang mahal ko.
0 notes
Text
Namimiss ko kung paano mo ko pakinggan..
Totoo😔
Sobra.
Kung paano ko makuha ng buong buo yung atensyon mo.
May ikwento man ako o wala.
May laman man yung kwento ko o wala.
Wag mo sana maisip na naalala lang kita tuwing malungkot ako, o hindi ako okay.
MAS naalala at namimiss lang kita sa mga ganitong pagkakataon.
Everyday...every single day...totoo yan..walang araw na hindi.
Haay. Yung pakikinig na buong buo. Walang side comments. walang pagkukumpara na mas mabigat yung pinag dadaanan mo kesa sakin
As in...buong pakikinig lang. Na mag sasalita ka lang pag alam mong turn mo na. Pag alam mong kailangan mo ng pumasok.
Yun!
Sobrang ikaw lang ang may kakayahan nun.
Yung minsan gusto mo ng sumabog, susubukan mong ilabas pero after mong mailabas, maiisip ko na sana hindi ko na lang sinabi kasi mas dumoble yata yung bigat ko kasi ang daming side comments. Na walang wala lahat ng yan sa pinag dadaanan ng iba..
Edi okay🙃
Bukod sa maraming bagay na namimiss ko sa taong to
Isa yun sa PINAKA...
Nasanay ako sa ganung klaseng pakikinig mo..
Sa ganyang kagaling na tenga.
Sa matalinong paraan mo kung pano mo ipaparamdam sakin na naiintindihan mo ko..
Bawat salita na lumabas sa bibig ko.
Bawat detalye..alam mo.
Sobrang marka yung iniwan mo sakin.
Kaya dumadating sa punto na hinahanap hanap ko.
Sa katayuan ng ibang tao.
Pero hindi.
Kahit kailan hindi mangyayari.
Namimiss kita..
☺
😉
🥺
😢
Sana okay ka lang palagi.
Totoong naalala kita. Walang araw na hindi.
Naiisip ko kung kamusta ka.
Pero wala na kong lakas ng loob mangamusta pa😔
Hindi ko alam kung bakit..
Kung bakit nauwi pa rin sa ganito.
Sobrang paulit ulit na yung tanong. Pero paulit ulit din namang hindi nasasagot.
Kinamusta kita minsan sa isang kaibigan.
Kasi wala akong lakas para gumawa nun.
Nainggit ako. Kasi gusto din kitang makausap. Pero hindi ko alam bakit hindi ko na kayang mag simula.
Hiyang hiya na rin kasi siguro ko sa bulok na sistema ko noon na ako magsisimula mangamusta..
Pero ako din yung tatapos at magsisimulang magpaalam.
Sobrang gago ng ganung move ko.
Pero wala e.
Sa kagustuhan ko pa rin na makamusta ka. Maka alam ng kahit konting detalye tungkol sayo, ginagawa ko yun.
Pero dumadating sa punto na nagsisimula na naman akong mapalagay..maging komportable..mahalin ulit bawat salita na natatanggap ko sayo..kaya ako ulit yung babali nung sinimulan ko.
At paulit ulit na ganun..
Gago no?
Pero hindi ko masisi. Kung bakit sobrang naging attached ako sayo. Na hindi ko makalimutan. Hindi makalimutan ng pagkatao ko .
May mga takot ako na ikaw lang ang nakaintindi.
Na ikaw lang ang nakinig.
Maraming salamat talaga.
Kasi ikaw yung naging basehan ko.
Natatangi. Nag iisa.
😉
Alam ko, kahit hindi ko man nakikita, maganda ipinapakita mo sa trabaho o ano mang ginagawa mo ngayon..
Please!
Wag ka susuko☺ alam na alam kong kaya mo lahat yan. Kilala kita na walang sinusukuan. Sobrang dedicated sa lahat ng ginagawa.
At ikaw ang idol ko sa ganun. Sobra.
Kung alam mo lang kung gaano ako natutulala pag nag kkwento ka ng buhay mo sa trabaho dati. Sobrang galing mo.
Kaya wag ka mapapagod! Magbubunga lahat ng pinag hihirapan mo💪🏼
Haaay. Magiingat ka palagi.
Wag na wag..
Please ..
Wag na wag kang magkakasakit..
God bless you always batang maganda💖
Wag kang mapapagod sa buhay😉
Naiimagine ko yung mata ng hito. Hehe
Kaya natin to. Mabuhay everyday..
Kahit sobrang hirap.
. .... ... .. ....
0 notes
Text
Dream journal (06/02/21)
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging panaginip ko, dahil siguro para iwelcome ang June? Hahaha.
Ito lang ang natatandaan ko, may kailangan ako isang bagay, like spider toy na parang pang-halloween and syempre wala nun sa bahay namin. Parang tinanong ko pa si Nhervince or isang guy kung meron siya nito pero sinabi rin niyang wala so kailangan kong umalis ng bahay. Kailangan ko siguro iyon sa isang pictorial na hindi ko alam kung para saan.
But noong umalis ako, pinagtataka ko na TOPLESS ako. LIKE WHAT?! Naglalakad ako sa Batangas City, na by the way nag-iba ang nga establishment. May mga bago like doon sa Shell na nasa may Lawas, may bagong malaking mall, then sa labas noon may parang public market like may mga tiangge.
Anyway, naglalakad ako dun sa may Shell nung makita akong 'acquaintance' na ang name ay Kim Yoo Na kasi tinawag ko pa siyang 'Kim Yoo Na Ssi" dahil tumaas ang skaters skirt niyang palda habang naglalakad siya. Then, nagpunta ako sa may tiange para magtanong. Nagtanong ako nung spider toy sa kanila pero wala. May dinaanan akong parang covered court na puno ng tao. Parang may pinapanuod sila. Para makapunta ako dun sa mall ay kailangan kong dumaan sa harap nila. Before akong dumaan, nagmask pa ako, iniyakap ko ang mga braso ko sa chest ko kasi makikita nila ang hinaharap ko. But I think, habang sinusulat ko ito, na nakadamit ako siguro nabasa lang ako ng ulan kaya kitang kita ang bra ko o na baka braless lang ako sa ilalim ng damit.
So ayun nga, yung nakakilala sa akin ay High School batch ko, parang si Ijon Maranan na hindi ko naman kinakausap, like hindi kami friends. Sinabi niya "Anong nangyari sayo?" Pero wala akong sinabi, kundi ngumiti lang sa kanya. Pinanuod pa niya akong maglakad kasi buhanginan ang dadaanan ko. Nung makalayo ako ay muntikan na akong mahulog sa isang butas kaya nagsilapitan sila sa akin para alalayan akong umalis doon sa butas. Nagpasalamat lang ako sa kanila saka ako umalis.
Naisip ko nun na, payat na siguro ako kaya sila lumalapit sa akin. Ah! Parang beauty pageant ata ang pinapanuod nila. Anyway, nung makarating ako sa mall, may nakasalubong akong lalaki, it was SIMON DOMINIC! or I just assumed that. Hahaha.
Nilapitan ko siya or nilapitan niya ako then sinabi ko sa kanya na "Ibili mo naman ako ng damit doon" itinuro ko iyong shop na nasa unahan namin. May mga damit sa right side ng shop, may mga room appliances, then may electronic appliances. Tumingin siya sa akin na parang 'Seriously?' pero itinulak ko lang siya papasok ng shop kaya napangiti siya na parang wala na siyang magagawa. Pinanuod ko siyang pumasok doon at natatawa pa ako noong kinausap niya yung sales lady. But bago siya pumasok ay may iniwan siyang parang log book or just a simple book sa ibabaw ng parang trash can na nasa labas ng entrance kaya kinuha ko iyon, natatawa akong umalis kasi nakita kong may rectangular na box ng condom. WTH SAM DI SSI!
Nagpunta na lang ako sa iba pang shop para maghanap ng kailangan kong spider toy. Bumalik na lang ako noong wala akong makita. Sinalubong ako ni Sam Di ng ngiti at inagaw sa akin ang gamit niya. Binigay niya siguro sa akin yung damit na binili niya kaya isinuot ko ata iyon. May pinakita naman ang sales lady sa akin na parang music appliance, but nagtaka ako kung para saan yun. Tiningnan ko si Ssam Di but nginitian niya lang ako. I didn't know what that means pero ngumiti rin ako at niyakap ko siya. Binayaran niya iyon at umalis na kami. Bumalik kami sa public market hanggang sa maisip ko na i-DIY ko na lang iyong spider toy na iyon, gagamit na lang ako ng Chenille wires which is parang ganun din naman ang itsura eh.
Natapos ang panaginip ko sa bumili ako ng maraming wires sa school supplies ng kakilala ko then may discount ako dahil parang bundle ang kinuha ko.
Nagising akong kinikilig kasi nandun si Simon Dominic. Parang na-sweet-an ako sa gesture niya. EWAN. Gusto ko lang ikwento. Hehe.
1 note
·
View note
Text
Long weekend holiday
That was 3 great days with my co-workers. Sumama lang talaga ko para mag relax and wag magisip isip. 2 more days pa natitira para mag relax relax.
2 days 1 night lang talaga kaso puro basag lahat at nagdecide kami mag extend for another day.
Funny thing is, buong 3 days tinatanong nila ko about her. HAHAHA tapos on the last day.. they asked me
Them: Naiisip mo pa ba siya?
Me: paano di ko iisipin eh buong 3 days niyo ko tinatanong about her. hahaha
tapos tumawa lahat.
them: nga naman kasi. HAHAHA
tapos last night naglaro kami 1 2 3 pass. ang parusa ng talo is kailangan mamili sa TRUTH or DARE. pag truth pwede sila magtanong ng 1 question.
You know what? puro truth ako. maybe gusto ko lang din kasi ikwento siya. Maybe gusto ko magtanong sila about sa kanya.
Them: Truth or Dare?
Me: Truth, ayoko tumayo para sa dare. (ung totoo truth lang talaga gusto ko)
Them: Mahal mo pa?
Me: Yes
Them: Miss mo?
Me: yes
Them: kung makikipagbalikan siya sayo, babalikan mo?
Me: yes
Them: wowwww. bilis mo sumagot ah. sobrang mahal mo lang talaga siya. alam mo ung pure love? un ung pagmamahal mo.
Me: (Nagpipigil maging emotional) HAHAHA taena. nakatatlo kayong tanong ah. hahaha Game na ulit.
Just want to clarify lang ung part na if ever na babalikan niya ko, babalikan ko siya. I'll be lying pag sinabi kong NO kasi "of course" talaga sagot dun. but, I cannot be weak. magpadala sa puso ko ulit. whatever problems we have before, kailangan ng gawin at tapusin para di na maulit.
Random fact about me: Mukha lang ako quiet person, pero ako na ung pinaka maexperience na taong makikilala mo. Mga bagay na di mo ineexpect na magagawa ko, ehh nagawa ko na. I'm not an ANGEL. "QUIET BUT DEADLY" haha
0 notes
Text
Kahapon yung isa sa mga araw na akala ko magbe-breakdown nanaman ako. Dahil pakiramdam ko nanaman na mag-isa ako. Na kahit may kasama ka, ang lungkot lungkot lungkot lang. Na lagi mong natatanong sa sarili mo "Bakit mo ba kasi hindi masabayan yung trip nila? Na bakit hindi mo gusto yung gusto nila?" Pinilit ko. Pinilit kong bawasan yung trabaho ko dahil nga sabi "Trabaho ka kasi nang trabaho."
Nung isang araw, nagkaroon ng problema sa bahay tapos wala akong mapagsabihan. Pumunta ako ng dagat mag-isa. Ni walang nakapansin na umalis ako, ni walang naghanap, ni walang nagtanong bakit ka biglang umalis, ni walang nagtanong na okay ka lang ba? Pero bakit ako may makita lang akong iba sa kanila, nabahahala na ako, bakit kapag tumagal lang sila sa labas ng ilang oras at parang may unusual, hinahanap at tinatanong ko sila. Bakit kapag nakikita kong wala pang dinner at magugutom yung mga kasama ko, maghahanda ako. Pero bakit ganun? Kinailangan ko pa silang hintayin matapos bago makakain. Kung kumain kaya ako mag-isa ng hindi sila tinatawag, magagalit kaya sila? Kung gawin ko din sa kanila yung mga ginagawa nila, magagalit sila?
Ayoko ng magkaroon ng pakialam sa mga kasama ko. Kasi wala din naman. Mas gusto ko pang mag-isa. Mas gusto ko pa na wala akong kasama. Kaso hindi ko kayang hindi mag care, hindi ko kayang tumahimik at magpasawalang bahala kapag nakikita ko kailangan nila ng tulong o may hindi okay sa kanila.
Gusto ko lang din mag pa-salamat sa mga kaibigan ko na kahit malayo, isang tawag mo lang, sasagot. Isang tawag mo lang hindi mo na mararamdaman na mag-isa ka.
Gagawan mo na lang ng paraan yung lungkot mo e. Tignan mo na lang yung "happy crush" mo tapos ikwento mo sa mga kasama mo. Itago na lang natin yung ganitong emosyon, yung ganitong thoughts, kasi everytime na ganito yung emosyon mo, baka sabihin pa sayo na ang toxic toxic mo nanaman. Na simpleng bagay, pinapalaki mo lagi. Maging masaya na lang lagi tayo. Kasi yun lang naman yung tinatanggap ng mundo. Balik sa dating pagtatago. Repress hanggang ma survive. Iyak sa sulok, tapos pakita mo lang na masaya ka.
And then I just suddenly realized kung bakit ko namimiss si Vince, kasi siya yung naging takbuhan ko dati kapag pakiramdam ko mag-isa ako. Ngayon, wala. Na kahit ganito yung maramdaman ko, wala akong matakbuhan. Wala akong masabihan. Pero I should change that dahil may iba pa akong kaibigan na handang makinig. Thank you, friends. Sobrang salamat na hindi ko alam kung paano ko ibabalik kasi you deserve more than gifts.
0 notes