Text
When you surrender everything to Him, when you let go of control, when you keep doing the right thing despite what you’re feeling, when you keep obeying what He taught you, everything in your life will also fall into place. ✨
May mga oras na ipapakita ang Diyos sa’yo, yung sa sobrang sakit wala ka ng magagawa kung hindi bumitaw. Bumitaw sa sakit, sa galit, at hayaan Siyang manguna sa lahat — na kahit mahirap, kailangan gawin. Na ipapakita Niya na hindi mo kailangan isipin lahat, hindi mo kailangan problemahin lahat, kinakailangan mo lang magtiwala sa Kaniya.
3 notes
·
View notes
Text
What if?
What if that sudden loud sound or explosion is a wake up call? A sign to stop overthinking, to just let things flow, to not control of every situation, to stop figuring out the answers to anything, to not let even an ounce of anxiety to control my entire being. What if that loud sound is a signal to begin again, to start again, to trust that what is meant to be will find its way into our life effortlessly.
0 notes
Text
Kahapon yung isa sa mga araw na akala ko magbe-breakdown nanaman ako. Dahil pakiramdam ko nanaman na mag-isa ako. Na kahit may kasama ka, ang lungkot lungkot lungkot lang. Na lagi mong natatanong sa sarili mo "Bakit mo ba kasi hindi masabayan yung trip nila? Na bakit hindi mo gusto yung gusto nila?" Pinilit ko. Pinilit kong bawasan yung trabaho ko dahil nga sabi "Trabaho ka kasi nang trabaho."
Nung isang araw, nagkaroon ng problema sa bahay tapos wala akong mapagsabihan. Pumunta ako ng dagat mag-isa. Ni walang nakapansin na umalis ako, ni walang naghanap, ni walang nagtanong bakit ka biglang umalis, ni walang nagtanong na okay ka lang ba? Pero bakit ako may makita lang akong iba sa kanila, nabahahala na ako, bakit kapag tumagal lang sila sa labas ng ilang oras at parang may unusual, hinahanap at tinatanong ko sila. Bakit kapag nakikita kong wala pang dinner at magugutom yung mga kasama ko, maghahanda ako. Pero bakit ganun? Kinailangan ko pa silang hintayin matapos bago makakain. Kung kumain kaya ako mag-isa ng hindi sila tinatawag, magagalit kaya sila? Kung gawin ko din sa kanila yung mga ginagawa nila, magagalit sila?
Ayoko ng magkaroon ng pakialam sa mga kasama ko. Kasi wala din naman. Mas gusto ko pang mag-isa. Mas gusto ko pa na wala akong kasama. Kaso hindi ko kayang hindi mag care, hindi ko kayang tumahimik at magpasawalang bahala kapag nakikita ko kailangan nila ng tulong o may hindi okay sa kanila.
Gusto ko lang din mag pa-salamat sa mga kaibigan ko na kahit malayo, isang tawag mo lang, sasagot. Isang tawag mo lang hindi mo na mararamdaman na mag-isa ka.
Gagawan mo na lang ng paraan yung lungkot mo e. Tignan mo na lang yung "happy crush" mo tapos ikwento mo sa mga kasama mo. Itago na lang natin yung ganitong emosyon, yung ganitong thoughts, kasi everytime na ganito yung emosyon mo, baka sabihin pa sayo na ang toxic toxic mo nanaman. Na simpleng bagay, pinapalaki mo lagi. Maging masaya na lang lagi tayo. Kasi yun lang naman yung tinatanggap ng mundo. Balik sa dating pagtatago. Repress hanggang ma survive. Iyak sa sulok, tapos pakita mo lang na masaya ka.
And then I just suddenly realized kung bakit ko namimiss si Vince, kasi siya yung naging takbuhan ko dati kapag pakiramdam ko mag-isa ako. Ngayon, wala. Na kahit ganito yung maramdaman ko, wala akong matakbuhan. Wala akong masabihan. Pero I should change that dahil may iba pa akong kaibigan na handang makinig. Thank you, friends. Sobrang salamat na hindi ko alam kung paano ko ibabalik kasi you deserve more than gifts.
0 notes
Text
I wrote down on my journal, “If you’re overthinking, if you feel this sudden surge of emotions and thoughts that nobody wants you nor loves you, when you feel left out, just go back to the good memories and always highlight the good in them.” Sabi nga di ba, if you can't trust your mind, trust your heart." Na kahit minsan sinasabi ng utak mo yung hindi magaganda sa tao, pagkatiwalaan mo yung puso mo na hindi sila ganito. Pero bakit may mga pagkakataon na ni-puso mo hindi mo mapagkatiwalaan. Hay putangina ang lungkot.
Pero may mga pagkakataon na hindi mo na kayang panghawakan kahit yung mga sinulat mo. May mga pagkakataon talaga na mararamdaman mo lang na mag-isa ka kahit may mga kasama ka. May mga oras talaga na kahit gusto mong isipin yung maganda sa tao, isipin na hindi niya intensyon yun, masasaktan ka lang. Sa sobrang sakit hindi ka na makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung dahil ba ini-expect ko nanaman yung mga taong magkaroon ng pakialam kahit alam ko namang insensitive yung tao o masyado lang akong sensitive. Hindi ko alam.
Alam mo yung gusto mong mawalan din ng pakialam pero hindi mo kaya kasi hindi ka naman talaga indiffirent at insensitive. Na alam mo kapag kinailangan ka, or nakikita mong may kailangan sila, hindi ka magdadalawang isip na tulungan yung tao. Gusto ko laging isipin na "Lagi mong gagawin yung tama.", "Don't let this world change your heart." Na kahit anong ibato sa'yo ng mundo, ibalik mo ng tama. Pero ang hirap, ang hirap hirap isipin ng mga 'yan ngayon.
This post, walang life lesson. Gusto ko lang mag rant. Gusto ko lang sabihin yung laman ng utak ko ngayon. Kasi pagod na ako makita yung maganda sa tao. Kasi pagod na ako magbigay. Kasi nauubos na ako. Kasi napapagod na ako.
0 notes
Text
Learn from it.
2017. After I passed my PGH rotation after the second try and before starting my review for the board exam, I wrote down ten lessons I’ve learned during that specific set back. Kung papipiliin ako na ulitin ang PGH sa exact scenario, I will answer “YES” dahil doon ko natutunan lahat.
1. Be Independent. Walang tutulong sayo, walang gigising sayo kung hindi ang sarili mo. Kahit so-called friends mo hindi mo maaasahan. Sama sama kayo pero laban mo lang ito. In short, wag kang umasa sa iba. Wala ka dapat ineexpect sa tao lalo na sa kaibigan o ka school mo. Akuin mo na lang lahat wag ka lang mahila pababa.
2. Be selfless. Ibang tao bago sarili. Kahit ganun pinaparamdam sayo ng lahat ng tao na mag isa ka lang, tumulong ka pa din. Push them, move them. Kahit nakakapagod, kahit wala ka ng minsan time umuwi, help lang. Sabi nga ng parentals mas mabuting ikaw ang tumutulong kesa ikaw ang tinutulungan, and tumulong ka hangga’t kaya mo. Kahit minsan or palagi mong nararamdaman na kinakausap ka lang nila kasi kailangan ka nila. It’s okay, always invest in good karma.
3. Always be the better person. Kahit gina-gago ka ng mga kasama mo, tulong pa rin, move them, push them pa din and guide mo sila hanggang kaya mong i-repress yung inis/galit kasi nga invest in good karma and kasi you are mature enough to understand them, their actions and feelings.
4. Repress, suppress, sublimate. Thank you for these three defense mechanism at ns survived ko yung PGH. Kapag masakit na, pag pagod na, iiyak mo lang, mag vent ka lang sa tao then focus and work ulit. It’s okay, kahit every week pa yan. Basta tatayo ulit at game face on na again. Don’t let them see you na mahina ka at naaapektuhan ka dahil dun ka nila titirahin, dun ka nila dudurugin paunti unti. Cut the anxiety and negative thinking hanggat kaya.
5. Don’ resist, just start. Just don’t whine. Just start whatever yung pinapagawa sa’yo. Kapag nasa PGH ka, dapat manhid ka muna habang may trabaho, heartless ka yung tipong wala kang emosyon kahit masakit na basta dapat tapos mo yung work mo.
6. Kalaban mo lang sarili mo. Wala kang pakialam sa sasabihn ng ibang tao, hindi ka dapat naaapektuhan sa comments nila kasi “laway lang yan” and sabi nga ni Sir, “You are more than just a saliva” and wala silang evidence. Sa negative/automatic thoughts mo, wala ka ding evidence na mangyayari agad yun. Know that you are capable. Sabi nga ni Sir sa’yo from the start pa lang capable ka na, yun dapat ang paniwalaan mo hindi sa sinasabi ng ibang tao at sarili mong utak.
7. Everything has a reason. May reason talaga si Lord kung bakit nangyari yung dati. Kasi he made me stronger, wiser and more independent and stable na kaya ng maghawak ng emotions in appropriate times. Mas ginawa niya akong productive and a better person. Kahit nagulat ka din sa pinakita mo sa PGH, kahit nagtatanong ka pa din kung paano lahat yun, si Lord yung gumagalaw for you. Mas nakita mo yung gusto mo at purpose mo. Mas madami kang natutunan at natulungan. Hinayaan ni Lord yung dati para ma y experience ka about sa mga patients mo.
8. Openness to Experience. Okay lang mag puntang correon, okay lang mag taxi ma isa sa gabi at madaling araw. Okay lang mag lakad ng 2AM sa kahabaan ng Pedro Gil. Okay lang na hindi umuwi every week, okay lang na pumunta sa dorm ng iba, okay lang mag meeting hanggang 11PM, okay lang makipag kaibigan sa iba, okay lang na mag deviate from old things for betterment of yourself. Babaguhin ka ng PGH. Yung dating ikaw, papalitan nila yun ng mas matatag, may mas bagong perspective kung effective ang CBT sayo ni Sir at ng sarili mo. Lastly, okay lang na ma-delay kasi hindi naman sa taon ng graduation mo yan e, sa mga natutulungan mong tao, sa mga pasyenteng nababago mo yung buhay, yung nagagawa mo para sa pamilya at sa bayan.
9. Minsan kung sino ang sumira sa’yo, yun din ang bubuo at magbabago ng buhay mo. Hinayaan kong sirain ako ng PGH dati, ngayon, hindi na ulit. Susubukan ulit natin ibalik yung excitement tuwing makikita mo ang PGH at UP Manila na dati ay pangarap mong school.
10. You don’t depend on anyone, kay Lord lang. Mag isa ka lang sa laban na yan, walang hihila sa’yo pataas kung hindi sarili mo at si Lord. Pero sa tao, wag na, kung kaya mong gawin mag isa, gawin mo na. Kasi kahit na mag delegate ka naman ng tasks, hindi naman nila ginagawa, so ikaw na lang.
3 notes
·
View notes