#mangutang
Explore tagged Tumblr posts
giocentric · 17 days ago
Text
My love for animals keep alive talaga. The very reason why I am still alive right now are my pets, may they be in the rainbow bridge or still with me now. Growing up, wala akong maalalang period sa buhay namin na nawalan kami ng alaga. Noong bata ako naaalala ko meron kaming mga aso, pusa, may mga manok, mga bibe, at mga kalapati. Nagkaroon din kami nung ibon na parang pabo. Nung 2019 nagkaroon ako ng aso. Isa siyang mixed breed ng pug at dachshund. Special siya for me kasi ako mismo yun pumili sa kaniya. Kumbaga, napunta siya sa akin dahil siya yung pinili ko at hindi lang basta basta binigay. I named him James Dean, kinuha ko sa song ni Taylor Swift na Style. Hindi siya nagtagal sa akin dahil nagkasakit siya. Kasalukuyan akong naggagamot at nakahinto sa pag-aaral ng panahon na yon. Naglakas loob akong mangutang sa pinsan ko. Pinahiram niya naman ako at nadala sa vet si James. Nasuweruhan siya at nabili naman ang mga gamot. Kaya lang dahil sa wala akong pinagkukunan ng pera, iniuwi siya. Di ako makatulog nang maayos ng gabing yon. Chine-check ko siya from time to time. Nakaidlip ako at nagising ng mga bandang alas-kuwatro yata at tiningnan siya pero matigas na siya. Sobrang gumuho mundo ko non. Di na rin ako nakabalik sa pagtulog ko at ayaw ko na tumuloy sa check up ko nang araw na yon. Wala akong nagawa kundi tangapin na lang din ang nangyari sa James Dean ko.
A year earlier, 2018, taon na una akong na-diagnose e nagkaroon ng bagong aso sa bahay. Ilang linggo lang yata yon nang ma-dioagnose ako. Umuwi ako isang gabi sa bahay galing sa school freshman ako non. Nagulat ako may cage sa may terrace, akala ko bola yung nakita ko tas biglang gumalaw saka tumahol. Si Yamyam naman yung aso na yon. Isa siyang princess type shihtzu. Dumating si Yamyam sa buhay ko nung panahong sinusubok ako. Pinagpalit siya sa hedgehog na alaga rito sa bahay kaya siya napuna sa amin. Tuwang tuwa ako kay Yamyam dahil para siyang bata. Nung unang gabi niya nilabas ko siya sa cage kasi naglaro kami. Nung aakyat na ko sa kuwarto ko para matulog e pumunta siya sa may pinakababa ng hagdan at tinatahulan ako. Gusto niayng sumama sa akin kaya inakyat ko siya. Simula non naging roommates na kami. Naging mahaba naman ang buhay ni Yamyam, yun nga lang ay nagkasakit siya kalaunan. Kung tama ang pagkakaalala ko, isang blood parasitic disease yung naging sakit niya. Madalas kong iyakan si Yamyam nung mga panahong nanghihina na siya. Itinatabi ko pa rin siyang matulog. Wala akong pakielam kung sukahan niya yung kama ko nang ilang beses. Malalabhan naman ang beddings at mapapalitan pero yung mga panahon na makakasama ko siya e maikli na lang. May mga gabi na bago matulog, kinakausap ko siya na kung pagod na siya e magpahinga na siya. Nahihirapan akong nakikita siyang nahihirapan. January 20 this year, that was Saturday, nakipag-meeting ako sa school ng pamangkin ko kaya iniwan ko siya. Nakahiga lang siya sa may kusina. inabot din ako ng anong oras at pag-uwi ko, nakatumba na siya at basa sa ihi niya. Hindi pa siya Malamig pero medyo matigas na. Hindi na ako naiyak kasi inaasahan ko naman na. Pero masakit pa rin.
Late 2023 may inampon akong kuting. Akala ko anak ng pusa namin tas iniwan niya sa labas. Sinubukan kong hulihin kaso di ko mahuli, kinagabihan tumatawag yung kapitbahay namin na bata inabot yung kuting, hinuli niya tas binigay sa amin. Nung una kinulong ko siya para masanay sa presence ko. Tas sinusubukan himasin hanggang sa nasanay naman na siya at pinakawalan ko na. Pinangalanan ko siyang Miming (weird talaga ako magpangalan ng mga alaga). Female calico cat siya. Katabi ko rin siya matulog. December that same year nag-umpisa siyang magtae. Nung una akala ko may nakain lang kaya hinayaan ko. Pero nung di huminto, nagtanong ako sa Facebook mutual ko na graduate ng animal science. Una advice niya e natural intervention muna. Pero di tumalab kaya sabi niya e bumili ako ng probiotics. Agad akong namili at pinainom yun kay Miming. Kinulong ko muna siya dahil nga nagkakalat ng dumi. Nagkasugat siya, nililinis ko naman. Hanggang sa kinausap ko na rin siya na magpahinga na kung nahihirapan na siya. Grabe rin ang iniyak ko nung nawala siya.
May dalawang pusa rin dito sa bahay na namatay ngayong taon. Si Minggu na namatay sa bugbog ng ibang mga pusa. Pinapasok pa siya rito sa bahay para awayin. At si Kitty na female kitten. Si Peachy naman na isang female japanese spitz ay nasagasaan noong pandemic dahil tumakas sa bahay para hanapin pinsan ko. Marami pa kaming mga alaga na nilisan na kami at sa dami nila, di ko na sila maiisa isa.
Ngayong taon may kalapating pumunta rito sa bahay at manok. Yung kalapati pinangalanan kong si Ibon. Tas yung manok naman si Chooks (Chooks to Go). Si Ibon dahil nga malaya naman siya e umuuwi lang para kumain. May isang araw na umuwi siyang may kasamang ibang kalapati. After non di na ulit siya umuwi, nakipagtanan na yata. Si Chooks naman nakalabas ng gate kasi naiwang nakabukas tas yun di na rin nakauwi.
Last night was the worst night I had to date. Grabe yung episodes ko. I almost did the thing (you know what it is). Tapos sakto narinig ko si Whitey sa bubong namin. Ilang lingo na rin na di halos umuuwi. Ampon din namin si Whitey last year. Tapos naisip ko na kung mamamatay ako di ko na sila makikita. As someone who grew up in a Catholic household and studied in a Catholic School in secondary school, I am taught that claiming your own life is a mortal sin. You will not be permitted to enter heaven. The very reason why I still not claim my own life is because, if heaven is real, I want to enter heaven and reunite with my departed pets. Kasi kung di ako makakapasok sa heaven, paano ko pa sila makakasama ulit? I look forward to the day when I will be able to ake care of them again. And marami pa kaming mga alaga na nandito sa amin, gusto ko pa sila alagaan. At pinanghahawakan ko pa rin yung pangarap ko na makapagtayo ng animal center for domesticated pets and sanctuary for all kinds of animals.
P.S. Saka other factor din yung di ko na maririnig yung albums from my favorite artists like Avril Lavigne, Taylor Swift, Carly Rae Jepsen, Mariah Carey, Katy Perry, Tori Kelly, Kylie Minogue, Pink, Kesha, Lady Gaga, Madison Beer, Chappell Roan, Sabrina Carpenter, Tove Lo, Ellie Goulding, Miley Cyrus, etc (plug ko lang sila and yes, mediocre music taste ko). Gusto ko pa rin marinig yung future releases nila saka yung re-recordings ng Reputation and Debut album ni Tay.
I still hope for better days. :)
9 notes · View notes
umiibigdinangrobot · 4 days ago
Text
Akala ko dati nakakahiya mangutang, yun pala mas nakakahiya maningil kasi bigla kang magiging masamang tao. 😂😂😂 Hahayaan ko nalang sana kung 1k or 2k ehh. Kaso 8k yun. Sayang din yun. 😅
4 notes · View notes
sunb0rn · 10 months ago
Text
happy purchase at semi-flex kasi any nice ng color at first time ko bumili ng Nike socks. namamahalan na nga ako sa foot socks (ung for office attire shoes) from SM Dept store brands at iniinsist na okay na ako sa 3 for 100 na nabibili ko sa hagdan sa MRT hahaha.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
bumili ako nito kasi narealized ko na kahit may mga cutie socks ako mas nice pa din na Nike din (Jordan nga talaga dapat kaso di pa ako commited mag splurge that much for socks) yung socks ko if I'm using this nang naka shorts or skirt ako. arte
side kwentos etc.:
•nung day na dating dapat nito, nag call si kuya rider to tell me na on the way na sya sa opis. that was too early sa expected at wala pa akong pera- sobrang bilis ko nalang naisagot na "sorry kuya, naka leave po ksi ako, balik nalang po kayo after (this date), sensya na po wala ako mapag bilinan eh ang mahal niyan nakaka hiya mangutang sa katrabaho ko" .. huhu sorry naaa ang sinungaling ko pero wala na kasi akong pera 😭
•mej "scam" lang sa Nike website ksi nag total ako ng 1675 dahil may 400 pesos na "other fees", na hindi ko napansin nung una. pero sige na nga good deal pa din naman.
•hindi lang nabigyan ng justice ng photo ung ganda mg colors coz madaliang pic nalang to. kating kati na ako gamitin eh 2nd week of January pa 'to sa akin
•di match ung color ng "sock" of the day sa Maroon suede ng shoes ko kasi malelate na ako kanina buuuut nakapants naman din kasi.
and that's for today's kaartehan
//
8 notes · View notes
tokwattoge · 1 year ago
Text
Tumblr media
Madami akong natutunan sa experience na to. AS IN.
1. Don’t judge.
-hindi natin alam kung bakit naging ganon ang desisyon nung tao kaya lumobo ang loans (UNLESS SUGAL EKIS YAN SAKEN)
In my case, natakot ako sa overdue, sa bad record. Mas gusto ko pa magbayad ng malaking interes kesa magkaroon ako ng late record. BIGGEST MISTAKE EVER. Top katangahan pala yan. At the end of the day, mas nakakatakot pala if lahat ng pwedeng utangan inutangan mo tapos sabay sabay nag overdue SAKET BHIE :’(
2. It was a very bad cycle of: ayaw ko magkalate record, bayad na lang interes, hindi ako hihiram sa friends ko, pag may extra ako reward ko sarili ko. HAY. So hindi ako nakaahon sa loan dahil kada sahod reward, tapos ANG LAKI PA NUNG INTERES SHUTA. So ayun, lumobo ng lumobo. Umabot sa point na sobrang nakakadepress, ang ginawa kong strategy para di ako mamotivate nakafocus lang ako sa dues ko sa susunod na buwan ganon lang. Hindi ko tinitignan yung total, grabe ang laki na pala. Naawa ako sa sarili ko sa part na yan. Sino may kasalanan? Ako. Sino ang nagsuffer? Ako.
3. STOP THE BLEEDING. Pag narealize mo na na nababaon ka na, wag na pumikit! Wag matakot sa bad record, lalong wag matatakot sa mga nagtetext.
In my experience, Tala and BillEase ang very very fair. Cashalo okay but makulit, Shopee and Laz magmiss payment ka lang ban na agad sayang naman. Yung iba? Illegal na yon. Mga digido, juanhand etc, PAPATAYIN KA SA INTERES. I guess ito yung loan shark na tinatawag. Sobrang unfair talaga nila at wag mo na asahan na magiging fair sila dahil hindi sila regulated. Pag nandun ka sa point na walang wala ka na, wala na makain (been there) kakapit ka talaga sa patalim. Kung ganito rin lang? Mas okay pa mangutang sa tindahan. Nakakahiya man pero at least di ka madedepress sa interes at penalties nila sayo.
4. Forgive yourself. Pag nagising ka na, pagnilayan mo kung san ka nagkamali, bakit naging ganito yung mga desisyon mo, ano sana yung inayos mo. Forgive. Forgive. Forgive. Do better next time. Since tapos na phase na tinanggap natin ang pagkakamali, next part is solve the problem and STAY CONSISTENT. Mahaba itong part na to pero kumapit ka. Matatapos din to.
5. Unahin yung mga illegal hahaha nakakatawa pero oo unahin yun kasi malaki interes nila eh, also unreasonable sila. Makipag coordinate sa iba like tala and billease, if may loan sa bank or cc makipagcoordinate din. Kasi madalas nagooffer sila ng option. Wag sa collecting agencies, sa bank mismo. If possible na magrefinance, go. Make sure na pag nagrefinance sa mababang interes ha.
6. Pray. If di naniniwala sa ganyan, okay sige mag journal. Mahirap magshare ng ganito sa friend. Basta ilabas mo yan, pag hindi, high chance na madepress at mademotivate. Stay positive. Mind over matter. Tandaan na walang nakukulong sa utang. Bad record yes sure yan pero naaayos yan. Ang nakukulong lang sa estafa yung nagpapanggap na may business at naglikom ng pera from investors tsaka yung mga tumatalbok na cheke.
Kaya mo yan!!! 💪🏼💪🏼💪🏼
14 notes · View notes
ask-emilz-de-philz · 1 year ago
Note
Sadyang hindi pa ako inaantok kaya narito ako muli
Uyyy taray purong Tagalog
Anyways i have a few question po sorry if nakakainis ako hehe
Are Elena and Oppa dating or married?
Does Vince exist on this au?
Ano height ni Emilio
Ano Height ni Elena
Sino panganay sakanila?
Dati bang teddy bear si Emilio?
Pwede mangutang? Eme
Ano fav foods nila?
Ano kinakatakutan nila?
Yon lang ahhahahah sadyang wla lang talaga akong magawa ahhahahahaha
Goodnight💙
Love you and your works admin 💙💙💙💙💙💙💙
(( anlahat nito na answer na backread lang NYAHAHAHA H<XDD ))
4 notes · View notes
azrael143 · 2 years ago
Text
Ito lang lang masasabi ko sa problema mo, talagang nakakamatay ang salitang ingit. well, tulad ng dati deceive mo yan. wag kang magalala may paparating akong laptop apple, ulul cash yon, wala sa bokabularyo ko ang salitang mangutang, papatayin kita sa ingit, kasi sinimulan mo ako. ang magagawa ko lang at masasabi ko, wala kang k . kung gusto mo naman, ipakulam mo ako para magkaroon ka ng laban sakin pero dapat kaibigan mananalo ka sakin . inggitero ka, pwe!
8 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Ikakasal na 'yung friend ko from kinder to elementary. 'Di na kami nag-usap after elementary days pero nag-reach out siya a few years back at sumama ang loob dahil ang snob ko raw. Hahaha. Actually 'di ko lang alam anong sasabihin and siguro naging acceptable excuse naman na busy ako sa school during those times habang karamihan sa mga batchmate e nagwowork na.
Nasabi ko sa kanya na siya 'yung unang friend na nag-invite sa akin sa kasal. Naawa yata siya or ewan ko anong interpretation niya dun, hindi ko rin naman kasi inexplain na 99% ng mga naging kaklase ko noong high school onwards eh hindi pa ikinakasal. 'Yung church friends mostly ang nagpakasal agad pero halos wala talaga in our circle of friends na active sa family-building. Iilan nga lang din sa friends ko ang may ka-relationship.
Ang true meaning ng sinabi ko ay isa siya sa mga maagang ikakasal or isa siya sa mga ikinasal talaga, since meron din pala kaming ibang kakilala na may anak nang marami pero asa pa rin sa magulang walang work hindi na yata nagbabalak magpakasal and that's okay kasi buhay nila 'yon pero huwag na sana silang magchat para mangutang or magpaawa kasi hindi cute.
P.S. May dalawang puting anak na 'yung mapapangasawa niyang afam pero I hope maging happy, healthy family sila for a long time. Nga pala, kasal na talaga sila sa US, mga 3 years na yata or more. Extra ceremony lang siguro 'yung dito para sa mga hindi nakaattend sa kasal nila abroad.
3 notes · View notes
acshikel · 20 hours ago
Text
Daily Journal#29
Friday, November 29, 2024
Today we don't really have classes so i just stayed at home. I'm feeling grateful and start appreciating things more when i saw a post on tiktok this morning. "Hindi na marami ang tubig ng instant noodles", and some of the comments says.
"Sawsawan na yung toyo hindi na ulam"
"Hindi na magsisinungaling sina mama at papa na busog sila"
"May coke na kahit walang bisita"
"You can buy now jollibee, kahit walang okasyon"
"Hindi na itutulog ang pasko at new year"
"May cake na sa birthday"
"Hindi na naghihintay mabigyan ng lumang damit at sapatos ng pinsan"
"Cravings na lang ang sardinas"
"nakakapag grocery na yung batang inuutusan dati mangutang ng itlog at noodles sa tindahan"
Napasabi talaga ako ng "oo nga noh!" Hindi na kami hirap katulad ng dati, though we are still struggling malayo na tayo sa dati nating sitwasyon na nangungutang ng pagkain sa tindahan. Now we can go to jollibee whenever we want. This just reminds me to keep going because we've come this far and we can go far to reach our dream life. Sobrang naging grateful ako seeing this post, It just made me appreciate what i have rn. And gives me motivation to continue bettering my life.
-Last day of journal, I wish everyone to have good health, prosperity, peace of mind and financial abundance this december andto upcoming year 2025.
@ruuhwee
0 notes
titaofpampanga · 9 days ago
Text
"Ang takot mangutang, trust me, good payer yan. Pero ang taong atat na atat mangutang, wag niyong bigyan. Makunat yan." — Vice Ganda
0 notes
singkitnaiyakin · 12 days ago
Text
daming lalaki sa dating app na hilig mangutang bat ganun? hahaha 🚩🚩🚩
1 note · View note
sonjayli · 2 months ago
Video
youtube
Shout Out! Sa Marunong Mangutang Diyan! #shorts
0 notes
imprinsesadianna · 5 months ago
Text
I just want to release because I can't bear it anymore.
-Planned the anniversary and spent 5,000 so instead of giving me the half of it she paid for my Watsons shopping spree. (No gifts at all kase kinda expect for something kahit pa flower or letter pero wala)
-Supposed to have bday celeb but since na short sa money waley. Sa pilitan na dinner na nag antay mag open yung restaurant. Masaya ba? Sa totoo lang gusto ko nalang matapos yung araw. Nag expect ba ko? Malamang bday ko una kami nagkita and she gave me flower na di nasudan. I'm not really expecting that much but its so sad that I don't see any effort at all.
-Pinning ceremony for internship susunduin nya dapat ako pero masama daw pakiramdam nya. Did she plan anything?Wala. Did she give me something?Wala.
-This past few weeks feeling ko pinaparinggan nya ko lagi abt sa money at liit na liit na ko sa sarili ko. I shouldn't let myself na mangutang at hayaan sya ishoulder yung sa motor para sana hindi ganito
-Bigla nag shishift ang mood basta usapan pero at guilty ako doon na to the point ang thinking nya na okay lang sumagad ng gastos kase alam ko na nandyan sya sasalo at magpapautang but no.
-This money is the best and shit thing
-I'm very thankful sa hatid sundo but I know to myself that I also do my part na maglaba, pagsilbihan sya, magluto and so on.
-And today after work kahit gutom na gutom diretso luto for her tapos ano napikon lang kase di mabalot ng maayos yung pagkain ayaw na yung pagkain? Like pagod ako oh iununa kita kase gusto yun for u tapos ganong attitude lang? Pero alam mo ginawa ko, hinatid ko! Ano sabe nya? Nakabili na daw sya ng food. Wala na kong sinabe I just walk out.
-Alam ng utak ko na masakit lahat ng toh tangina gusto ko magshut pero wala time gurl HAHAHAH
0 notes
krysrynzmdrn · 5 months ago
Text
kakusog mo laag tas kusog sad mo mangutang pag sure nimo oy
0 notes
jayjaayjaaaay · 7 months ago
Text
Hindi ko bet naniningil sa friend, ang awkward kasi. Feeling ko parang nagkakagap if ever na may problem sa pera kayong dalawang magkaibigan. Haaay. Anyway, nasasad lang ako kasi di na kami ganun kaclose ng friend kong un and I think part ung utang kaya nangyari un. Wala lang. skl. Wag na kayo mangutang or magpautang sa kaibigan nyo. Kakaloka. Eme. Haha!
1 note · View note
soliveneka · 7 months ago
Text
HINDI PA HULI ANG LAHAT
Short Story
Sa isang malayong nayon, naninirahan ang mag-inang sina Elena at anak nitong si Kulas. Bata pa lamang si Kulas ay namatay na ang kanyang ama kaya’t silang dalawa nalang ng kanyang ina ang magkasama. Ang kanilang tinitirhan ay sa gilid ng daan na kung saan ang mga bahay doon ay dikitdikit. Dahil mag-isa na lamang na itinataguyod ni Elena ang kanilang pamumuhay ng kanyang anak, makikita sa kanyang mukha ang katandaan kahit na siya ay apatnapu’t limang taon palamang. Siya’y tumatanggap ng labada sa umaga sa kabilang bayan at nagtitinda naman siya ng balut sa gilid ng tulay sa gabi. Talagang wala na siyang oras para sa kanyang sarili. Habang siya’y nagtatrabo upang may maihain sa kanilang hapag, si Kulas naman ay nakikipag-inuman sa kabilang kanto kasama ang mga tambay. Minsan pa nga ay nagsusugal siya at humihingi ng pera sa kanyang ina.
            Isang araw, umuwing lasing si Kulas dahil magdamag siyang nakipag-inuman sa kanto. Tumungo siya sa mesa upang tignan kung may naihanda ng pagkain. “Nasaan ang pagkain ko?!” pagalit niyang sigaw. Wala pang naihanda ang kanyang ina dahil hindi pa binibigay ang sahod niya sa araw na iyon. Nagalit si Kulas at hingis ang kanilang mesa at upuan. Hinahanap niya ang kanyang ina sa kanyang kwarto ngunit wala pa ito. Patuloy siyang nagsisigaw at nagwawala hanggang sa dumating ang kanyang inang pagod sa pagtitinda. Nagulat siya nang makita ang loob ng kanilang bahay dahil sa kagagawan ni Kulas. “Ano ang nangyayari Kulas? Bakit ang gulo dito?’’ tanong ni Elena. “Saan ka ba galing? Bakit wala pang nalutong pagkain ko?’’ pasigaw na tanong ni Kulas sa kanyang ina. “Akin na ang iyong sweldo at ako’y makakain na!” dagdag pa nito. “Pasensya na anak, wala pang ibinigay na sweldo sa akin ng pinaglalabahan ko, ang kinita ko naman sa pagtitinda ay ipinambili ko ng aking gamot” malumanay na sagot naman ng kanyang ina. “Wala akong pakialam, basta’t bigyan mo ako ng pera ngayon din!” sigaw na sabi ni Kulas. “Anak, wala talaga” paiyak na sambit ni Elena. Pumunta si Kulas sa kwarto ni Elena upang halughugin ang kanyang gamit. Doo’y nakita niya ang pitaka ni Elena na may lamang pera. Pinigilan ni Elena si Kulas na kunin ang pitaka ngunit sa laki ng katawan nito, napaupo na lamang siya sa sahig nagmamakaawa sa kanyang anak na huwag ito kunin dahil inilaan niya ito para sa kanyang gamot. “Sinungaling ka talagang matanda ka!” walang modong sambit ni Kulas sa inang nakaupo pa rin sa sahig. Umiiyak si Elena dahil, matagal na niya itong iniipon at masakit ang kanyang loob dahil sa inasta ng kanyang anak. Pagkatapos kunin ni Kulas ang pera ay dali-dali itong lumabas ng kanilang bahay. Umiiyak na tumayo si Elena at inayos ang mga gamit na nagulo buhat ng pagwawala ni Kulas.
            Patuloy pa rin sa paghahanap-buhay si Elena at ganon din ang kanyang anak, patuloy sa kanyang mga bisyo. Masakit man sa kanyang loob ang nangyari noong nakaraan, wala na siyang magagawa dahil nakuha na lahat ni kulas ang kanyang ipon, ang tanging magagawa na lamang niya ay magdoble kayod upang may pambili siya ng kanyang mga gamot at may maihain sa kanilang hapag. Isang gabi, habang siya’y nagtitinda sa gilid ng kalasada, bigla na lamang dumugo ang kanyang ilong, nanghina ang kanyang katawan at dumilim ang paningin. Nawalan siya ng malay at bumagsak siya sa kalsada. Nagkumpulan ang mga taong nandoon at tumawag ng tulong.
            Sa kabilang banda, patuloy pa rin sa pag-inom si Kulas at walang kaalam-alam sa nangyari sa kanyang ina. Pagkatapos ng kanilang inuman ay umuwi na naman siyang lasing. Hinanap niya ang kanyang ina ngunit wala ito. Sa sobrang kalasingan, nakatulog ito sa kanilang sala. Kinaumagahan nang siya’y nagising, wala pa rin ang ang kanyang ina. Ipinagsawalang bahala niya ito at sa isip ay nakauwi na ito at pumunta ulit sa kabilang bayan upang tumanggap ng labada. Bigla siyang nagutom at tumungo sa tindahan ni Aling Neneng upang mangutang ng kanyang kakainin. Pagkatapos kumain ay tumungo siya sa tinatambayan nila ng kanyang mga kasama. Habang nagpapakasarap siya sa buhay, lingid sa kanyang kaalman na nasa ospital ang kanyang ina.
            Kagaya ng dati, umuwi siyang lasing. Hinanap niya ulit ang kanyang ina at tumungo sa kwarto ngunit wala ito. Nagtaka siya bakit wala ang kanyang ina ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay nakatulog ulit ito. Nagising na lamang siya sa sinag ng araw na tumatagos sa kanilang bubong. Nataka na siya kung bakit wala pa ang kanyang ina. Napagpasyahan niyang pumunta sa labas ng kanilang kanto at doo’y nangutang ng makakain dahil ayaw na siyang pautangin ni Aling Neneng. Doon narinig niya ang usapan ng mga ale doon tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. “Kawawa naman si Elena, nakaratay siya sa ospital.” Sabi ng isa. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa kanyang narinig. Tumungo siya sa ospital na kinaroroonan ng kanyang ina. Doon nakita niyang lupasay ang kanyang ina na hinang-hina at walang malay. Nagtubig ang kanyang mata sa nasaksihang kalagayan nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kama ng ina at hinawakan ang kamay nito. Bigla namang nagising si Elena at nagulat dahil hindi niya akalaing nandoon ang kanyang anak at umiiyak.
            “Anak ko, bakit ka umiiyak?” tanong nito sa anak. Inangat ni Kulas ang kanyang ulo at bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi. “Patawad inay, ngayon lang ako nakadalaw. Hindi ko alam ang kalagayan niyo” “Ayos lamang anak, naiintindihan ko” sagot naman ng kanyang anak. “Patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko” mangiyak-iyak na sambit ni Kulas. “Hindi pa huli ang lahat anak” malamyos na wika ng kanyang ina. “Mula ngayon maghahanap na ako ng trabaho upang matulungan kayo sa gastusin sa pagbili mo ng iyong gamot at pambayad dito sa ospital” napangiti si Elena sa sinambit ng kanyang anak dahil sa wakas ay natauhan na ito.
            Mula noon, naghanap na ng trabaho si Kulas upang makatulong sa kanyang ina. Hindi na rin siya umiinom kagaya ng dati. Naging masaya ang pamumuhay nilang mag-ina. Sa kabila ng nagawa niya sa kanyang ina, binigyan siya nito ng pagkakataon upang magbago. Tunay ngang walang makakatumbas sa pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak.
1 note · View note
itsofficiallyme-ailnrms · 9 months ago
Text
Hello my online diary!
There’s a loooooot going on in my life and I don’t know where to start. Hmm siguro lets start nalang sa dami ng problema para negative tas positive na sa dulo haha!
Ayun nga, si mama super nabaon sa utang :( it started kase may utang na talaga kaming malaki before pero nakakayanan bayaran because malakas naman tindahan. Nasa 1.5m yung utang before tas nakalahati naman na nila and continous paying naman ang kaso dumating yung inflation diba halos lahat nawindang na ang mahal ng presyo so yung tindahan namin naapektuhan. That time madami si mama bayarin, utang kay alex paluwagan dalawa ata tas may mga side trip utang na maliliit lang naman before.
Edi ayun nga nagkaroon ng changes, naapektuhan yung tindahan humina yung benta. That time dalawa pa kase yung tindahan namin and si mama nalang mag isa nagtitinda kase may work na ako e. Kumbaga di ko nadin kaya tumulong pa kase pagod din mentally isama pa na unstable ako kase mejj di ko dama yung work environment ko anyways sa next nalang yan haha. So yun nagkaroon ng problem di pa naman malaki pero nagstart na nga si mama umutang utang. Siguro around March 2023 ko din yun nalaman na mejj nasasanay na syang umutang kung kani kanino kase nabubuksan ko messenger nya before e and sobra sya magmakaawa na mangutang. Knowing mama di sya gaganon e. Tsaka sa isip ko non may pera kame kahit ano mangyari. And then yun nga nalaman namin na nalulubog pala kami unti unti. Right there and then binenta namin yung isang lupa para makaraos. Akala namin makakaraos na hindi pa pala :(
Napaka malihim kase ng mama ko, akala nya pag di nya sinabi mareresolve nya mag isa lahat pero no! Di nya kinaya. Little we didn’t know tuloy padin pala utang nya hanggang sa umabot na umutang nnaman kame ulit kay bente uno ng 1.5m ulit and thats another 5yrs to pay ni papa :(
Papa didn’t deserve all of this. Dapat nag eenjoy na sila now. Konting galaw nalang kase nagwwork na kame eh kaya na namin ang bills pero it didn’t work that way.
Now, we are doing the best we can to pay the debt of my mama. Grabe na iniyak ni mama sa mga utang nya balde balde na siguro yon. Nakakaawa oo pero nakakagigil din kase at the same time. Ang taas kase ni mama akala mo perfect. Sya yung example ng tita mong ang daming kuda pero wala naman napatunayan. I know its harsh pero kase tru. Mapanlait pa tsaka she only wants you kapag may pakinabang ka. She is not humble or alam mo yun mabait na mabait talaga. Basta hirap explain. On the other side sywmpre wala naman kame choice kundi intindihin nalang. Nangyari na e. What more can we do diba? Edi mag solution nalang.
So that’s what we are doing right now. We have side business nadin na fishball halo halo and mini tindahan na hoping lumago ( cross fingers) and gcash cash in cash out. Grabe tong pagsubok samin as family.
One good thing about it is mas pinapatibay neto yung pasensya, tinuturuan kame magpatawad sa pagkakamali and inuuwa nalang ang sitwasyon. I can say na we are holding together to fight this problem as family. We are more open yo how we will solve it, how to handle our finances and its quite working naman. From time to time we are still going back na bat kase umutang ka ng ganto ganyan but at the end of the day we still reminded na pera lang yan sige lang matatapos din natin yan lahat. Unti unti lang. kakayanin natin yan🙏
Lord, we might see the problem bigger and think that hope is so small to hold on but please always guide us that you are with us, please make us feel that u are with us in this journey. Its so painful and its breaking us all but we know you have much bigger plans with our family. Please make our problems go away and give us your comfort. In jesus name amen🙏🥹😭
0 notes