Tumgik
#mahalparinkita originalcomposition
clengmirmo · 7 years
Text
MAHAL PARIN KITA (By Cleng Dalanon)
Mahal parin kita By Cleng Dalanon Bakit nga ba mahal parin kita? Paulit ulit na tanong saaking isipan kung bakit nga ba Paulit ulit na sinasabi saaking sarili kung bakit hindi ko makaya At paulit ulit na pagtataka kung bakit hindi ko mapakawalan ka Hanggang dito na nga lang ba? Yung mga araw na tayo ay masaya sa piling ng isa't isa Yung mga araw na tayo ay nagpangakuan na kahit kailan ay hindi magsasawa At yung mga araw na sinabi mong "ipaglalaban kita" Naaalala mo pa ba? Nung umiyak ka dahil ayaw mo akong mawala Nung nagalit ka dahil akala mo akoy mawawala At Nung naging masaya ka kase hindi ako nawala Pero bakit ngayon ikaw na ang lumisan? Bakit ngayon akoy iyong iniwan sa isang dahilan Bakit ngayon akoy nagtataka parin dahil sobrang biglaan At bakit ngayon umiiyak parin ako at di ko mapigilan Marami na tayong napagdaanan Marami na rin tayong nalagpasan Pero bakit ngayon pa lumisan Nung tayo ay marami ng napatunayan Akala ko ipaglalaban pa natin ang isat isa Akala ko hinding hindi mo ako hahayaang mag isa Akala ko hindi na ako mag durusa At akala ko hindi magiging ganito kasama Marami na tayong naging ala-ala Yung mga araw na Kain tayo ng kain hanggang sa manaba Yung mga araw na naglalambingan tayo ng hindi nauumay sa isat isa At yung mga araw na nagaAsaran tayo na parang mga bata Sana kaya kong ayusin ang lahat Sana kaya kong ibalik ang oras Sana kaya kong baguhin ang iyong isipan At sana ay kayang kong ibalik ang ikaw at ako Isa lang ang aking hiling Na sana ikay muling dumating Na kahit saan ka man makarating Ako parin ang iyong hihilingin na makapiling Lumipas man ang mga araw ng hindi ka kasama Lumipas man ang mga araw na wala ka na Lumipas man ang mga araw na hindi na kita mahawakan Iyong tatandaan, na lumipas man ang mga araw ay mahal parin kita
0 notes