Clarizza Jayne Aramil Dalanon | December 17 1998 | Dancer | Vlog life
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Nakalimutan ko na yatang mag mahal? (By Cleng Dalanon)
Nakalimutan ko na yatang mag mahal? By Cleng Dalanon Minsang ng naging makata At nakagawa ng mga talata Aking utak na nagmamakaawa At aking puso na hindi makawala Paulit ulit ang tanong Saan nga ba ako hahantong? Isisigaw ko ba o pabulong? May darating na ba para tumulong? Isip ko'y gulong gulo Kelan ka ba dadating sa buhay ko? Nasasabik na ako sa tulong mo Nasasabik na ako sa muling pag bangon ko Naranasan ko ng mag mahal ng tama Pero akoy parang isinumpa Nasaktan lamang sa mga salita Na gago lamang ng tadhana Isang marikit na hiling Na sana nga'y dumating Ang tamang panahon na makapiling Ang taong kinaaasaman ko ng lambing Marami ng tao ang dumaan Kailan nga ba makakamtan Tunay na pag-ibig ay mahagkan At mayakap magpa kailanman Dahil ako'y sobrang nasaktan Hindi ko na maramdaman Paano nga ba malalaman? Ano ba ang dapat na paraan? Maraming ng nabiktima Maling pag-ibig na akala ay tama Pighati ang aking nadarama Dahil sa biktima ako'y kasama Paano ko muling sisimulan? Bakit hindi ko malaman kung saan? Para ba akong rosas na kailangang diligan? O para akong mga tinik sa rosas na hindi mahawakan? Nakalimutan ko na nga yatang mag mahal? Puso ko'y matigas pa sa bakal Kamalasan ata ay aking kakambal Ito pa ba ay normal?
0 notes
Text
MAHAL PARIN KITA (By Cleng Dalanon)
Mahal parin kita By Cleng Dalanon Bakit nga ba mahal parin kita? Paulit ulit na tanong saaking isipan kung bakit nga ba Paulit ulit na sinasabi saaking sarili kung bakit hindi ko makaya At paulit ulit na pagtataka kung bakit hindi ko mapakawalan ka Hanggang dito na nga lang ba? Yung mga araw na tayo ay masaya sa piling ng isa't isa Yung mga araw na tayo ay nagpangakuan na kahit kailan ay hindi magsasawa At yung mga araw na sinabi mong "ipaglalaban kita" Naaalala mo pa ba? Nung umiyak ka dahil ayaw mo akong mawala Nung nagalit ka dahil akala mo akoy mawawala At Nung naging masaya ka kase hindi ako nawala Pero bakit ngayon ikaw na ang lumisan? Bakit ngayon akoy iyong iniwan sa isang dahilan Bakit ngayon akoy nagtataka parin dahil sobrang biglaan At bakit ngayon umiiyak parin ako at di ko mapigilan Marami na tayong napagdaanan Marami na rin tayong nalagpasan Pero bakit ngayon pa lumisan Nung tayo ay marami ng napatunayan Akala ko ipaglalaban pa natin ang isat isa Akala ko hinding hindi mo ako hahayaang mag isa Akala ko hindi na ako mag durusa At akala ko hindi magiging ganito kasama Marami na tayong naging ala-ala Yung mga araw na Kain tayo ng kain hanggang sa manaba Yung mga araw na naglalambingan tayo ng hindi nauumay sa isat isa At yung mga araw na nagaAsaran tayo na parang mga bata Sana kaya kong ayusin ang lahat Sana kaya kong ibalik ang oras Sana kaya kong baguhin ang iyong isipan At sana ay kayang kong ibalik ang ikaw at ako Isa lang ang aking hiling Na sana ikay muling dumating Na kahit saan ka man makarating Ako parin ang iyong hihilingin na makapiling Lumipas man ang mga araw ng hindi ka kasama Lumipas man ang mga araw na wala ka na Lumipas man ang mga araw na hindi na kita mahawakan Iyong tatandaan, na lumipas man ang mga araw ay mahal parin kita
0 notes
Photo
0 notes