#mahal ko si Alan
Explore tagged Tumblr posts
Text
Aq lng b yung sucker at hilig sa pag-drawing ng age accurate art kay Sev,,,
#kc dint get me wrong#mahal ko si Alan#pero imagine mo kung masbata edad niyang nilaro si Sev#edi mas malala mga tiktok edit ngayon tas walang medj magagalit kc nga pretty privilege#eneweyz yun nga#jusko ho ang haba#snape#professor snape#severus snape#severus art#snape fandom#snape fanart#pro snape#inconsistent artstyle depende sa mood ko at brush na gamit#KLIEN2000
90 notes
·
View notes
Text
Kapamilya star Kathryn Bernardo emosyonal sa muling pagpirma sa ABS-CBN
Muling nagpirmahan ng kontrata bilang pagsuporta kay Kathryn Bernardo na patuloy ang tiwala at sipag na binigay nito sa ABS-CBN, iginiit ni Kathryn sa muli niyang pagpirma na exclusive contract sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, giit niya “Hindi kita iiwan at andito lang ako hanggang makabangyon ka ulit.”
Naging emosyonal ang aktres sa muli niyang pagre-renew ng kontrata sa ABS-CBN Kapamilya.
Dumalo ang ilan sa mga opisyal ng Star Magic nito na sina CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Head of Star Magic and Entertainment Production Laurenti Dyogi, CFO Rick Tan, Head of Star Magic Marketing and Senior Talent Manager Alan Real at ang Head ng ABS-CBN Films Kriz Gazmen.
Itinuring na numero uno ng ABS-CBN ang aktres, matapos ang hiwalayan nila ng higit sa 11 years na karelasyong si Daniel Padilla, noon Pebrero 2 muling pumirma ito ng kontrata.
“I remember in 2020, I made a promise, sinabi ko sa ABS-CBN na, “Hindi kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit.” And today, here I am, fulfilling that promise,” bigkas ni Kathryn.
Napakalaking pasasalamat niya at utang niya sa kaniyang pangalawang tahanan ng ABS-CBN ito ay naging daan para matupad ang lahat ng kaniyang mga pangarap.
“Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko, eh, mahal ko sobra ‘yung kompanya. Together, we will rise despite all the challenges, we’ll be stronger and even better,” dagdag pa ng aktress.
Mahigit dalawang dekada niya sa showbiz, ang mga taong nakasama niya, mga naniwala at nagmahal sa kanya ay binigyan niya halaga ni Kathryn.
“To my bosses, you’re like a family to me, and my friends. Itong signing ng contract na ito is because I trusted you more than anybody when it comes to work.
Giit ni Kathryn, “I’m signing this contract to seal our friendship. Hindi ako mag-stay ditto sa ABS-CBN kung wala kayo. Malaking parte sila kung bakit ako nandito.”
Sinabi pa ng aktress na hindi niya ito kakayanin ang makatulog ng payapa sa gabi kung lilisanin o ililigwak na laman niya ang mga taong naging kaagap niya at nakasama at sa mga naniwala sa kaniyang kakayahan.
“It’s my appreciation because ang hirap dito sa industry, these people, grabe, sinuportahan nila ako.
“Kaya thank you for making time to know me, understand me, and thank you for supporting my decisions in everything that I do,” sabi pa ni Kathryn.
“A very special milestone is afoot our ‘Asia’s Superstar’ and ‘Outstanding Asian Star,’ Kathryn Bernardo!” caption post sa Instagram ng Star Magic. “This FEBRUARY 2, witness Kathryn flip the page to new stellar adventures as a Kapamilya in her ‘FOREVER KAPAMILYA’ contract signing!”
Bago rin ang anunsiyo ay iginiit na ng ina ni Kathryn na hindi nila lalayasan ang Kapmilya. “No. Hindi siya aalis ng Kapamilya network!” ani Mommy Min.
Bali-balita rin ang muling pipirma ang ex-boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla na mangyayari rin ngayong Pebrero.
Follow us on FB page, Instagram and Tumblr
Please Like and Share
0 notes
Photo
-PUTING BESTIDA -
Ako si Marcus Jake Hernando, gusto kong ipakilala sainyo ang pinakamagandang dilag na nakilala ko sa Mandalay. Isang bar sa OPL Building, 100 Don Carlos Palanca, Legazpi Village, Makati City. Siya ay nagngangalang Kate Cristy Medina. Puting bestida na may disenyong rosas ang kanyang suot. Nakakatindig balahido ang kanyang mga ngiti, napakaganda ng pungay ng kanyang mga mata at nakakasilaw ang kanyang taglay na kagandahan. Nakakamangha naman ang ugoy ng kanyang katawan na sabay sa ritmo ng nakakabinging tugtog na “Faded” ni Alan Walker. Hindi ako nag- alinlangan, agad ko siyang nilapitan.
Lumipas ang anim na buwan, heto na ang aking pinakahihintay . Isa ko na siyang partner , aking binibini, ngunit hindi sa araw na ito natapos ang pagpapadala ko sakanya ng bulaklak. Pagpapadala ng Japanese cake sapagkat iyon ang kanyang paborito. Hatid, sundo ko parin siya kahit sa sariling kompanya nila siya nagtatrabaho. Hindi ko maipagkakaila na siya na ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Lahat ng oras, araw, buhay ko ay nakatuon at alay ko sakanya.
Napagdesisyonan naming manirahan sa iisang bubong kahit hindi pa kami ganap na mag-asawa. Kasama ko na ang aking binibini mula paggising hanggang sa pag tulog ngunit tila siya'y nagbago. Mas lalo siyang naging mas maalaga ngunit ang katawan ay patuloy na pumapayat. Minsan naisip baka ito’y dahil noon, huli siyang nagigising at paglulutuan ko siya ng paborito niyang bacon and egg with hot choco na almusal. Ngayon ay siya na ang nagluluto ng almusal at binabaonan niya pa ako ng iba't ibang potahe para sa aking tanghalian, pagkauwi namin ng bahay mula sa trabaho ay agad siyang didiretso sa kusina upang magluto.Kaya baka siya pumapayat dahil nabigla siya sa mga gawaing bahay dahil gagawin niya iyon kahit hindi siya sanay at marunong. Naglilinis narin siya ng bahay kahit napakatamad niya.Napakaraming pagbabago sakanya at ang nakakatuwa pa rito ay marunong na siyang magtipid. Ang laging waldas ng waldas ng pera ay marunong ng mag-ipon. Ngunit hindi ang magandang pagbabagong ito ang aking ikinababahala. Ito ay ang pagrereklamo niya sa kanyang mga pasa at paghihina ng katawan.
Hindi ko ito labis maintindihan kaya isang araw paglipas ng isang linggo bago siya nagpaalam na pupunta muna sa bahay nila sa Makati para alagaan ang kanyang ama na may sakit sa puso ay tumungo ako sa aming silid at tinignan ang kanyang cabinet. Nakita ko roon ang isang puting damit na may disenyong rosas, ito ang suot niya noong unang beses ko siyang nakita. Mayroong nakadikit na papel roon at may nakalagay na, " Kapag nahanap mo ito, dalhin mo ito sa paborito kong simbahan." National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa may Makati ang kanyang paboritong simbahan. Agad akong pumunta roon at nadatnan ang aking magulang sa loob, naroon rin ang iilang kamag-anak at kaibigan namin ni Kate. Kinuha nila ang damit na hawak ko , tinanong ko sila kung bakit nila ito kinuha ngunit walang sumagot . Pinasuot nila sa akin ang isang suit and tie. Pagkatapos ay nagsimula nang tumugtog ang isang kanta na pamilyar sa akin. Iyan ang paborito naming kanta ni Kate. “Ikaw at ako” na kanta nina Moira dela Torre at kanyang asawa na si Jason. Isa-isa ng naglakad sa pasilyo ang mga flower girl, ring bearer at iba pa. Nang malapit na ang maid of honor sa akin ay agad niyang inabot ang isang sobre. Pagkabukas ko ay sabay ang pagkabukas ng pinto ng simbahan na kanina ay sinarado habang naglalakad ang maid of honor. Nakita kong may liham sa loob ng sobre. Naaaninag kong may naglalakad na tila may hinihila patungo sa may altar ngunit mas pinagtuonan ko ng pansin ang liham.
" Mahal kong Marcus,
Salamat sapagkat ako'y minahal mo ng tunay at buong buo. Patawad dahil hindi ko sinabi saiyo ang totoo na magpapaconfine ako dahil lumala ang sakit kong leukemia at sabi ng doktor ay hindi na ako magtatagal. Alam kong hindi mo kakayanin kung kaya't hindi ko na sinabi. Bawat segundo, minuto, oras , araw na kasama kita ay ginawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin kapag ako'y ganap mo ng asawa. Iyon ay ang pagsilbihan ka. Ang paglutuan ka, linisin ang bahay. Sana ay umabot ako sa kasal nating dalawa ngunit kung hindi ay gusto kong mangyari ang kasal sa mismong araw na hindi ko na muli makikita ang tila anghel mong mukha.
Ang inipon kong pera ay hindi para sa akin o sa atin. Gusto ko kapag nawala ako, magmahal ka muli at gamitin mo ang pera para sa iyong magiging pamilya. Magmahal ka ulit. Mahalin mo ang babaeng nakatakda saiyo higit pa sa kung paano mo ako minahal. Ngayon pa lamang ay pinapalaya na kita hindi dahil sa hindi kita mahal kundi dahil alam kong hindi ko na kaya at malapit na ang araw na titigil ang aking orasan.
Mahal na mahal kita aking ginoo.
Nagmamahal,
Kate
Tanging mga luha ko lamang ang aking naaaninag at tanging pagkapuot lang ang nadarama. Ngayon ay naintindihan ko na ang lahat. Kung bakit gusto niya akong pagsilbihan, alagaan. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit napakarami niyang pasa. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit araw-araw ay konti-konti siyang nanghihina. Pagkatapos kong punasan ang aking luha ay nakita ko ang nakabukas na ataol sa harapan ng altar . Nilapitan koi yon at naroon ang aking binibini. Payapang natutulog at may singsing sa daliri. Hindi ako makapaniwala na ang suot niyang puting bestida noong unang araw ko siyang nakita ay iyon rin ang suot niya sa huling araw na makikita ko siya.
0 notes
Text
I don'trust anybody
March 15 2019
Dear tumbler, actually sobrang naasar ako na malaman ko na gusto niya makipag inom kay carlo, 😌 haaay, ako nga di ako pumapayag na uminom with jane or kahit naman sino 😌😌😌
Dahil mahal ko siya balak ko nga sana na sila nalang uminom kanina 😌 dahil pagod na pagod ako hangang ngayun, pagod yung katawan ko, dahil kagabi pa ako walang tulog 😌😌😌😌😌
Haaaay di ko alam, ano sasabihin ko sa kanya 😌 what if nga sila lang dalawa or kasama tropa ni carlo knowing na may bad vibes si carlo and mag joke pa!! Yung bebe ko ng pa share 😌 share ng blue shit!! Ewan ko nalang 😌😌 natakot ako nung nabasa ko convo nila,... Well wala naman dapat ipagselos pero wat if naman binigyan ni carlo yung gf ko ng blue shit! 😌😑 Although pinagtitiwalaan ko girlfriend ko ng sobra pero di natin masabi diba!!??? 😔
Sa 2 malking rh na halos lahat ako umubos!! Hindi niya kinakaya 😌 watmore kung ano pa inumin niya!! Tas sa bacoor pa 😌 siguro naman sobrang kaba!! Ang mararamdaman ko nun tapos hindi pa nauei ng ganyong oras 11:30 pm...,
3wan ko na talaga dapat kong gawin nakakabaliw isipin... 😌 Kung kami lang nha dalawa bagsak na siya"😌 what more... Kung iba!! Pa kasama niya na hindi ko naman ganun ka kilala 😌😌😌😌😑 ngayun pa lang sa nakita ko sobrang nag aalalala ako dahil sabog na sabog yung minamahal ko 😔 di ko actually alam gagawin ko para makauei. Siya ng maayus what if noh... Iba kasama niya 😌😌😔😔😔
Mapapa haaaay!! Putangina na lang siguro ako!!! 😌 Okaya kahit ganitong oras kahit sobrang lagu susunduin ko makauwi lang ng maahus... Mahal ko ziya sobra perodi ko alan if dapat ako kabahanan if naasama siaya da friends niya na wala ako dun!! Tapos hindi pa nakakausap ng maayus if nasa limit na siya ng kalasingan niya!!! 😌📞 Gustu ko pa nga uminom pero nakikita kong di niya na kaya 😑😌 suka ng suka bebe ko pero basta!!!!! Nag worry ako sobra!! Di na nga nag text as of this moment if nakatulogna or what 11:26 pm..., haaaay atleast nahitix ko nv maayus an mahal ko si jonabelle pero takot akong mawala siya sa piling ko 😘 takot din ako na balang araw sumama siya sa iba 😌sobrang luv ko siya at takot ako na mawala siya sa piling ko ❤️😘
Sabog na sabog siya!! 2 bote palang ng malaking rh 😌😌😌😌🤔 haaaay ewan ko nalang 😞😞😞
0 notes
Text
Nov.17,2018
Engineers Oathtaking
Hanggang ngayon hindi parin ako nakapaniwala na sa tagal tagal ng panahon dadalhin ako ng mga paa ko sa taong to. Hindi ako makapaniwala na sa 19 yrs kong pagiging single bibigyan ako ni Lord ng isang napakalaking blessing. Si Ralph Alan Gonzales my engineer ☺. Akala ko walang magkakagusto sakin kasi naaalala ko one time yung crush ko nung 2nd yr. Highschool sinabihan ako na wala daw magkakagusto sakin kasi flat chested ako. Haha kaya nung time na yun hanggang sa nagcollege ako ang nasa mindset ko walang magkakagusto sakin kasi I'm just simple, not popular, pademure kumilos, manang and conservative. Yung tipong hindi mo mapagmamalaki kasi wala kang makikita sakin na special. Haha tho may mga lalaking nagpapahaging sakin pero hindi ako naniniwala kasi feeling ko hindi sila sincere and baka akala nila sa sobrang fragile ko feeling nila madali nila ako makukuha. But they were wrong, 19yrs single padin ako and I stick to it. Then this man came out of nowhere, and unexpected. 4th yr college nung nakilala ko siya Main ako Cea siya, hindi ko alam kung bakit, pero lahat ng nasa paligid namin nagpapakita na hindi pa kami magkakilala may connection na kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung eto nayung tinatawag na tadhana pero masasabi ko lang na oo kung siya na ang makakasama ko sa habang buhay ☺
I'm so proud of him, he's the best and one of the person that I treasured most. Walang halong keme porket boyfriend ko siya, yung tipong kung hindi man ako yung mapili niyang mapapangasawa sa hinaharap gusto ko maging kaibigan parin niya ako, kasu syempre parang sakit naman nun noh hahaha gusto ako na eh ☺ siguro kapag nabasa niya tong tumblr na to magsasawa siya kasi paulit paulit lang sinasabi ko na mahal ko siya na mahal na mahal. Haha oy ikaw Mr. Gonzales babasahin mo ba tong mga nandito kahit mahaba? 😂 basahin mo to ah suntukin kita diyan pag hindi haha
I love you so much my love, you have a big part in my life and in my heart. I hope whatever would happen you are still here and in my life. ☺
0 notes
Photo
LORD THANK YOU AT SHINARE KO ANG POST NA ‘to!
Eto yung picture na shinare ko. Hindi ako naghahanap ng bestfriend noon dahil madami akong kaibigan na lalaki. Si Gerald, Boni, Tom, Andrew,Charles,Ruel, Richmar, Jaja at madami pang iba. Hindi man bestfriend pero sila yung mga napagsasabihan ko ng problema ko noon.
Sept 15,2013 nagchat ka hapon na nun.
“Gusto mo ako nalang boy bestfriend mo?”
Ha? Hindi ko naman kailangan eh. Pero alam ko naman talaga sa sarili ko na may gusto ko sayo kahit mga 5% lang kasi nga katulad ng paulit ulit kong sinasabi sayo noon, hindi pa ako ready magkboyfriend ulit. So sige, Bilang friend na din talaga ang tawag mo sa akin noon, nag upgrade na ako at na promote bilang Bestfriend.
Naalala ko pa sabi mo sa akin para maging valid na mag bestfriend tayo kailangan ko magshare ng secret sa'yo. Sobrang highschool mo! Siguro kung nababasa mo 'to pinandidirian mo na ang old self mo. Di ko alam kung anong sinabi kong secret sa'yo noon. Pero parang ang secret natin dapat noon eh kung sino crush ng isa’t isa. Ang tanda ko pa nga nadisappoint ako sa sagot mo ganern. Hahahahahaha.
Lagi mo ko tinetext noon na pumasok na ko. Lagi mong binoboost yung self confidence ko kahit na may mga pahabol kang “Lunch ko mamaya ah”. Sus, ayaw mo lang aminin pero mahal mo talaga ako noon.
Naalala ko pa, ginugulo ako ulit ni Patrick noon. Sabi mo sabihin ko sakanya may boyfriend na ko at ikaw nga yun. Nagyabangan pa kayo na magsasapakan pag nagkita kayo sa Mineski. Suskopo.
Naalala ko din after PT night, nagkayayaan maginuman yung section natin. Napaaway si Alan, tas pinatiklop mo sakin yung poli mo saka ka nagpalit ng spongebob na t shirt na itim
“Para makakilos ako ng maayos pag nagkagulo” sabi mo. Jusko Arvin, pinapakaba mo ko. Baka masapak ka, pero utang na loob, ang OA ko magworry kala mo jowa eh sa totoo lang kasama natin yung nililigawan mo noon. Pero alam mo tanga ka din eh, pero bute nalang tanga ka. Ihahatid mo ako pauwi pero yung nililigawan mo hindi mo ihahatid, ang dahilan mo may kasabay naman siya pauwi. Eh ako din naman eh, kasabay ko kaya si Jerome saka si Rhea. Sobrang gago mo noon para gawin mo yun sakanya. Tanga ka hahaha
Hinatid mo ko hanggang sa bahay, mag aalas tres na ata yun. Salamat ha? Sobrang salamat talaga.
At dahil gago ka, naalala ko pa noon nagtext ka
“Bestfriend tatawag ako naka unli call ako eh sayang naman”
Simula noon hanggang alas dos na ng madaling araw tayo magkausap
Sabi mo kasi lagi lang kayo nagaaway nung nililigawan mo kaya ako nalang. Niloloko pa kita na nirerebound mo nanaman ako pero syempre, ayoko naman sabihing hurt hurt ako. Hanggang madaling araw magkausap tayo, basta ang Golden rule natin eh hindi aabot ng alas tres dahil nga diba, pareho tayo na duwag tas demonic hour nga kasi. Haha. Madami, madami pa kong maikwekwento kaso tinatamad na ko magtype. Binabalikan ko lang kung saan tayo nagsimula. Bute nalang talaga shinare ko 'tong post na 'to. Dahil dito apat na taon na kitang pinagtyatyagaan. Hahaha dejoke lang. Apat na taon na pala simula nung naging sandalan kita. Mahal kita, mahal na mahal. You will always have a spot in my heart. -E.xx
0 notes
Text
Simula bata pa lang sakitin na ako, mahirap akong kalaro kasi hihikain agad ako mostly nakakulong ako sa bahay. Kaya siguro nasanay akong sarili ko lang talaga yung meron ako. Lumaki akong kinakahiya ako ni ate kasi ayun sobrang weak ko, alam mo naman sa ibang bansa sobrang mapagmataas sila. Yung nanay ko tinotolerate lang yung tatay ko. Si Andie sobranng naging maluho. Si leo lang inosente. Nagbago lang sila nung nagka sakit ako haha except kay papa. Age 11 - Nawala yung virginity ko, oo hindi na ako virgin. Nahihiya kasi ako sayong aminin, nahihiya akong malaman mo na nawala yung virginity ko dahil pinahintulutan ng tatay kong halayin ako ng iba. Sino?Boss niya na obviously bading. Bakit? Pera Tanginang pera yan Age 14 - Nagsimulang magsusunod sunod yung mga sakit ko ibat iba sobrang hina and weak ko sobrang pabigat ako, alam ko. Narinig ko nga one time na nag tatalo parents ko dahil sakin yun ata yung pinaka masakit na araw para sakin kasi mismong sa sarili kong ama narinig ko yung mga katagang kesyo pabigat ako, dagdag problema at kung ano ano pa. Age 15 - Nag trabaho ako para mapatunayan kong di ako pabigat, working student. Aral sa umaga trabaho sa gabi. Lahat pinasok ko construction, fastfood server, janitor etc para lang magka pera at ipon. Awa ng Diyos nakatapos ako pero ito na yung taon kung saan ko na napabayaan yung sarili ko simula ata 12 ako natuto na akong manigarilyo dahil sa sobrang stress sa bahay haha dagdag yung pagod ngayon kaya nagsimula ng lumabas yung mga signs na pwede akong magka lung cancer Age 16 - Official na, diagnosed na meron talaga akong lung cancer, syempre masakit. Iniisip ko yung gastos, lahat lahat. Syempre pabigat nanaman ako haha. Lahat ng ipon ko binuhos ko, kahit nung nalaman ko mas nag doble kayod ako para lang mapagamot yung sarili ko. Lahat lahat talaga ginawa ko para matugunan ko yung sarili kong pangangailangan. Simula ng magka sakit ako mas nilayo ko yung loob ko sa mga tao, may tinibayan ko yung wall na nilalagay ko para hindi ko mahayaang ma attach sa iba. Year 2013 - Dumating si melody sa buhay ko, hindi ko alan pero ang gaan niyang kausap sobrang click na click, halos lahat ng favorites namin ay magka tugma siguro kaya nagkagusto agad kaya siguro paunti unti natutunan kong tibagin yung sarili kong pader. Natutunan kong mag mahal ng totoo, natutunan kong mag bigay halaga ulit para sa iba at madami pang iba. Pero lumipas ang mga araw, buwan at taon nakita kong yung gusto niyang Zeke is hindi na ako. Ginagawan na niya ako ng sariling imahe kung saan base lamang sa lahat ng kagustuhan niya sa isang tao. Masakit sobra, kasi hindi ko maipakita yung tunay na ako, unti unti natututunan kong mag panggap at maki ayon na lang. Kasi wala iniisip ko mahal ko kaya ayun nakalimutan ko yung sarili ko Year 2015 - Dumating ka, ikaw na pinaka nagbago ng buhay ko. Laking pasasalamt ko sa omegle kasi ikaw yung nahanap ko, ang solid ng una nating usap haha hinding hindi ko makakalimutan. Pero inisip ko na ah wala to bukas wala na to pero at the back of my mind sana magtagal ka thats why naisipan kong sabihin na magusap ulit tayo and hiningi ko na yun as a sign. Kung makakausap ulit kita ibig sabihin tadhana talaga. Then God let me know you more, and i am so thankful for that. Nalabas ko paunti unti yung sarili ko, kahit sa simula hindi pero hinayaan mo akong ipakilala kung sino talaga ako pero andun na yung doubts. Lahat kasi temporary people na lang para sa akin, sa simula lang magaling. Pero iba ka, kahit may nagagawa ako sayo napapatawad mo pa din ako. At nung hinayaan mo akong kilalanin ka, dun kita sinimulang mahalin. Totoo, sayo ako pinaka naging totoo. Pag uwi ko excited akong makausap ka kasi nakakapag kwento ako sayo ng walang limitasyon. Papakinggan mo ako, hindi mo pinaparamdam na napapagod ka na sa akin. Pinaramdam mong mahalaga din talaga ako. Kaya pinaramdam ko din kung gaano kita kamahal. Pero nung una aaminin ko nalilito pa ako, masyado akong nabulag sa kaisipan na si melo lang talaga minamahal ko pero ang totoo nag dududa lang ako sayo kasi nga baka iwan mo ako at alam kong mawawala na talaga ang natitira sa sarili ko. Patawarin mo akong sapagkat kung anong kinakatakutan kong maging ugali ng iba ay siyang naging ako. Patawarin mo ako sapagkat sobrang gulo ko. Pero mahal na mahal na mahal talaga kita. Alam ko sa sarili ko na mas higit kitang minahal kaysa kay melo, kaya siguro yung nag simula yung kay Diro sobrang naapektuhan ako kasi bumalik yung doubts and takot na iiwan mo din talaga ako. Pero iba ka talaga, hindi mo ako iniiwan hanggan ngayon. Salamat. Year 2016/2017 - Pinaka masarap at pinaka masakit na taon. Masarap kasi mas nakilala kita and mas minahal kita masakit kasi tangina ang daming humahadlang. February 2016 ng simulang magkanda leche leche lahat sa pamilya. Nalulong si papa sa droga at sugal, nasangla yung bahay, nawala lahat pati lahat ng naipon ko. Then ayun dumating yung business partner niyang gustong ipakasal sakin yung anak and pumayag na ililigtas siya sa lahat ng utang niya kung magpapakasal ako. Syempre hindi ako pumayag, kasi ipaglalaban kita. Hanggan pumasok ang august naging physical na yung pag pilit sakin, sinasaktan niya sila mama pag di pa din ako pumapayag. Wala akong magawa kasi humihina na din ako, hindi ko maipapulis kasi ayaw ni mama. Ang rason? Kasi mahal niya. Yun yung gusto kong iparamdam sayo, yung pagmamahal na totoo at malinis. Handang magsakripisyo ng walang hinihinging kapalit kasi napaka ganda mong klaseng tao lahat ng mabuti sa mundo ay deserve mo talaga. Minahal ka ng ayon o lubos pa sa pagmamahal na binibigay mo kasi special ka kasi mahalaga ka Sana ganon kadali lahat, kasi mahal kita. Mahal kita kaya pinili kong iwan ka kasi pwede kang madamay, mahal kita kaya ginawa ko kahit alam kong ikakamatay ko ang mawala ka, mahal kita kaya pinalaya kita sa lahat ng sakin na dulot ko. Mahal na mahal kita. Sa bawat isang bagay na pinipili may isang libong bagay kang tinatanggihan. Pinili kong maging ligtas ka. Pero hindi ibig sabihin na tinanggihan na din kita. Kung alam mo lang kung gaano kasakit haha kung alam mo lang kung paanong hindi ako makatulog sa gabi kakaisip sayo, kung alam mo lang kung pano ako namamatay sa loob loob ko. Pero okay lang sakin importante is ikaw. Akala ko kaya ko, akala ko lang pala. Nung nalaman kong may jeremy, tangina warak na warak ako. Nagsimula na akong magalit sa lahat kasi feeling ko sobrang pinagkaitan ako. Sobrang sama ko ba? Sobrang sakit, nawala ka na talaga sa akin. Sana maintindihan mo bat ako napapagod na, sana maintindihan mo ako. Sana paniwalaan mong naging totoo ako sayo, sana sumaya ka na ulit talaga kasi yun na yung huling bagay na mangyayari sakin. Mahal ko ang pamilya ko. Lahat sila napatawad ko na. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ikaw na lang ang dahilan ko para mabuhay, actually kayo talaga ni leo kasi kayo yung pinaka tinuring akong pamilya si daddy lolo at tita naman nauna na sa taas. Kayong apat lang yung pinaka pamilya ko. Ginawa ko to kasi sabi ng doctor kanina konting oras na lang talaga ang natitira. Siguro ibibigay ko na yon para sa sarili ko kaya patawarin mo ako kung mawawala na ako. Pag poser: Si karl kaibigan ko, sobrang kinakainggitan ko pamilya niya kasi sobrang saya maging parte nun kaya siguro naisip kong mag panggap na parang siya kasi parang lakas maka proud sa sarili pag si karl ka. Patawad naloko kita. Mahal na mahal kita, okay lang kahit di na ako. Okay lang pero sana wag din si Jeremy kasi wala feeling ko lahat ng sakripisyo ko nawawala kasi binabastos ka na din niya and hindi niya pinaparamdam sayong special ka. Sobrang sakit Amabelle. Hanggan dito na lang ako. Sana malinawan ka. Sana ikaw na lang yung una kong minahal kasi sigurado na akong ikaw ang huli. Paalam. Mahal na mahal na mahal kita Amabelle kahit hindi na ako basta sumaya ka lang. Zeke
0 notes