#magspeak
Explore tagged Tumblr posts
Text
im in a painful poll mood lately sorry
#magspeak#in A Mood this morning#banger post#1k#2k#5k#10k#<- how the hell did that happen. we bond in misery ig
14K notes
·
View notes
Text
Kanina, nag-speech ako about points for improvement and grievances, feeling ko nabigla sila na nagsasalita pala ako. Tapos, na-anxious after, na baka maging target ako n'yan dahil sa mga sinabi ko. Sabi pa naman ng boss, "That was a lot." Sana daw sinabi ko during and that we didn't have to discuss it in retrospect. Kulang daw ako sa communication. Sabi ko wala nang time, na-exhaust na 'yung resources, and I'm just trying to make do with what has been done. Alangang sabihan ko 'yung ibang mga doktor na please redo this after they spent so many hours and days already on those cases.
Andaming nag-message after, ayoko nga basahin noong una at baka katapusan ko na, pero okay naman pala, supportive naman sila. Baka kulang lang din sa pahinga, 3 days straight na 'kong walang tulog dahil sa mga 10AM meeting na sunud-sunod. Nakakapagod physically, mentally...
Anyway, naalala ko nanaman 'tong sinulat ko at itinambak sa drafts a few months back:
Sabi ni A, irerefer na raw nya ako sa sobrang unhealthy daw ng mga pinaggagagawa ko—maglakad ng 3km mula point A to point B tapos sasakay pa ng MRT, tapos LRT, tapos lalakad ulit; magtrabaho nang magtrabaho para makatulog sa pagod; hindi kumakain; at ang pinakakinaaawaan nyang aspeto: ang lack of enjoyment sa kahit ano.
Siguro dahil sa gutom, kaya habang tinatype ko 'to, may image ng matamis na kape sa isip ko. Parang ang sarap magkape ngayon na may gatas.
Hindi ko na lang pinapatulan 'tong si A kahit sabi nya, antagal ko raw nawala, siguro raw napagod na ako kasi antagal nyang mag-reply. Sa 7 years of friendship at sa darkest moments, siya naman 'yung nandyan. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Pero sabi ko nga, nag-uninstall na ako ng mga app pangkausap ng tao, siya na lang naman at mga group chat na related sa school at trabaho ang nandoon. At ang hindi ko masabi, every 2 weeks or so ka lang naman sumasagot, kahit alam ko namang lagi mong hawak 'yang phone mo at laging in touch with many, many friends. Wala lang talaga ako sa priority list.
Hindi naman kailangan sumagot instantly pero the way it goes, nagkukumustahan tapos biglang maglalaho. Na-bring up ko na 'to dati, mula no'ng 'di na kami everyday nagkikita dahil sa mga nangyari sa buhay tapos nag-pandemic, at sabi niya, hindi naman daw kasi lahat, kagaya ko, na kayang mag-isip nang mabilis at sumagot agad, at kayang mag-stay on top of things at asikasuhin agad ang mga dapat gawin. In fairness, these past few weeks, lagi siyang nagrereach out, nagsesend ng memes or random stuff, at pinadalhan pa nga ako ng food one time, at 3AM.
Sabi niya, parang may learned helplessness na raw ako, kasi sabi ko, gano'n lang talaga. Kailangan lang magput up with nonsense sa work (and elsewhere). Wala rin namang magagawa kahit magspeak up at magpakatotoo. Sabi niya, huwag daw akong magpaka-robot.
Sabi rin pala ni M last time, baka raw gusto kong ipatingin 'tong anhedonia, antagal na raw eh. Pero tinatamad na akong magkwento at ibabalik lang din naman nila sa 'kin 'yung tanong: Ano sa tingin mo ang dapat mong gawin?
6 notes
·
View notes
Text
Stereo waterproof speaker that splits into two parts and attaches with a magnet, pre-released on Makuake. In the bath or outdoors.
Rhythm is pre-selling MAGSPEAKER DUO, a portable waterproof stereo speaker, on Makuake. The period is until August 19. Dustproof and waterproof equivalent to IP67, it can be used in the bath or outdoors; it can be connected via Bluetooth and consists of two independent speakers, so each can be placed wherever you want. In addition, a magnet is mounted on the bottom of the speaker. They can be…
0 notes
Text
After 2 years...
I happened to open again my tumblr account after more than 2 years of not opening it nor posting anything to it. And it just breaks my heart to read my old notes to self, because I know that no one actually knew how deep my wound is for the past years. But at the same time, I am happy to realize that I’m actually in a much better state now. I suffered non-clinical depression and anxiety and panic attacks for the past years, I am still experiencing some episodes of it thought, but it’s much more controllable now. How? Story time hehe.
A few years back, I always depend my “happiness” or sense of belongingness to the people around me and the materials things that I have. And because of that, I always felt that I’m lacking, that I’m not enough for everybody. I’m worthless. I am nobody. But, God has been constantly talking to me ever since then, matigas lang talaga ulo ko. But He didn’t stopped communicating with me. The first that He did to me was that He gave me courage to step out of my comfort zone. Siguro materialistic or mababaw, but He let me dye my hair, first time in my life ko sya ginawa. And with that, I gained a little confidence in me. Mababaw parin haha ‘cos during those time, a lot of people appreciated my new look. Lol. I know di pa yon, but it was the first. Then things follow, because I gained confidence in myself, He then continuously tapped me in many other things. I was a consistent back up in our worship team, and because of that, I felt the hunger in His presence. Kasi most of the time, may conflict lagi sa sched ko as an auditor dahil sa busy. Pero yung urge ko to worship and serve Him, grabe. Na lahat, kahit madalas di ko na alam how, nagagawan ko ng paraan. And dun ko sya mas naexperience. After quite sometime, He then tapped me to preach, and it was a highly sensitive topic for me. It was about fear, anxiety and depression. Yung bagay na di ko kayang pag usapan cos I know how it’ll trigger me. I was even crying before the fellowship, sabi ko pa kela ate Lara, wag na ituloy kasi di ko kaya. Or iba nalang magspeak, but they let me realize na si Lord yung nagtap sakin, kasi alam Niya na kaya ko. And so it went well. Sobrang kabado ko and all, but I was able to conquer my biggest fear in life, talking about my weakness. And that when it started. Now, He continuously uses me in His ministry by leading His people to worship, and I’m just so happy na oo kinakabahan ako everytime na tatayo ako sa harap, pero hearing people na nabbless sila through me, praise God. And now, I’m in a much peaceful state. Yung blessings nya patuloy na umaapaw eh. I resigned sa SGV, even though na sabi ko papapromote ako, but here I am, I am now able to help sila mommy even sa small amount muna. I’m also blessed with a loving boyfriend, na at first, akala ko hanggang crush lang and will never workout, I know 2 months palang kami and marami pa kaming pagdadaanan, pero he makes me feel very very loved. And here I am, despite the pandemic, may trabaho, eats 3 or more times a day, fully vaccinated, never nagkacovid, kumpleto and pamilya, and working naman ang business nila mommy.
And upon looking at these things, I can really say na God is in control of everything. Lahat may Perfect Timing sa Kanya. Yung pinagppray mo, iaanswer nya lahat yon. You just have to humble yourself, submit everything, and believe in Him
1 note
·
View note
Text
Life updates 🏚
So ayun naging inactive ulit ako sa pagdaldal ko dito. Naging sobrang busy kasi namin. Ngayon lang ako nakahanap ng time na magsulat dahil sobrang shitty ng mental health ko the past few weeks.
Ang nangyari kasi ay matagal nang inaanay yung bahay ng ninang ko na tinitirahan namin. Then noong june bumigay na yung isang kisame at napilitan kaming magpaspray na para sa mga anay.
Ang masaklap ay dalawa lang kami ng nanay ko so sobrang pagod ako kakalabas ng gamit. Di ko talaga inexpect na yung pagspray laban sa anay ay magigiba na ang mga kisame at divider ng kwarto namin. Sobrang ironic na may bahay kayo pero homeless kayo dahil sobrang baho ng spray at butas na lahat ng pader at kisame na kahoy.
Then merong dating kwarto ang lola ko na pinagawa namin specifically para sa kanya dahil nagka Alzheimer’s siya at natakot kami na baka mawala siya. Naging bodega siya for the past 5 years noong sumakabilang buhay na siya. Sobrang daming gamit dito at inanay na nga din yung iba.
This time naghire na kami ng taga linis, naging tirahan din ito ng sumalangit kong tito. So may mga gamit siya, sobrang sakit sa puso ko na hindi ko na masort out yung gamit niya, mga picture niya. Konti lang yung nasalba ko at napost ko yung iilan dito, kagaya ng mga press id niya at yung pride flag niya na sobrang laki.
So fast forward na tayo. Nalinis na yung lahat, pero hindi pa tapos dahil sobrang daming furniture, glassware, at mga bagay bagay sa bahay. Yung ilan na mahahalaga nilagay namin dito sa kwarto ng lola ko. Naging tirahan at tulugan na rin namin to for the past week.
Heto yung itsura ng current tirahan namin. Yung kwarto ng lola ko ay extension ng bahay talaga ni mommy at daddy na pinarenta namin para kumita ng onti. Honestly din sobrang bait nila at tinulungan kami sa proseso ng paglilinis. Laking pasasalamat ko sa kanila. Yun din funny story dalawa ang bahay dito at magkapitbahay ang ninang at mommy ko, since magkapatid naman sila. Ang kaso lang nag ibang bansa ninang ko kaya kami na ang nanirahan sa bahay niya.
Hindi pa talaga namin mosort out lahat ng bagay, pagod na pagod ako mentally at physically. Sobrang awa ko sa sarili ko kasi nga in a middle of a pandemic nagkakaganito kami.
Acknowledged ko na privilege rant yun at marami pang nagsusuffer dito sa bansa, kaya sana kung may chance tayo magspeak out at maboses ang mga hinaing ng mga ating kapwa na hirap na hirap ay gawin natin ito.
So ano nangyayari sa bahay ng ninang ko? Well heto.
Sobrang saludo ko sa mga babae sobra. Pinaka example ko ay ang nanay ko na single parent na currently nagpapagawa ng bahay ngayon. Noong malaman ko ang expenses nanlumo na ko, since ang planong pinag iipunan namin ay laptop na bago para gagamitin ko sa acads at sakali sa org work and arts ko. Kaya pa naman masingit yung laptop, pero hindi ko na muna sinasabi o pinapa-alala next month na lang dahil mukhang online din kami sa PUP.
Ang ginagawa ngayon ay binabalik yung mga divider at gagawin ng bato lahat, pati yung bubungan namin babaguhin na ang design. Pang day 4 pa lang ngayon ng construction pero mabilis ang progress since pakyawan nga.
Tapos naisipan din ni mommy na pa extend na ang bahay dahil may parte kaming likuran na hindi na uutilise ang space, yan na ang gagawin kitchen. Yung butas na nakikita niyo sa picture, yan na magiging kitchen namin. Dahil kasi sobrang liit ng dirty kitchen sa may labas ng bahay.
Honestly kung ako ang magpapagawa ng bahay tapos ibabato mo sakin yung presyo na ginagastos ng mommy ko ay magbebreakdown talaga ko. Sobrang powerful at strong niya, nalulungkot lang din ako na hindi siya makakapag celebrate masyado ng birthday niya dahil mag 60 na siya ngayong tao.
Kaya iniisip ko rin kung ano nga ba ang dapat kong gawin at work after ko mag aral. Gusto ko mabalikan at mabayaran lahat ng effort niya sa pagpapalaki sakin. (Jonks na yung tatay ko at mga imbyerna niyang kapatid, well since mabait at responsable at mapagmahal na anak ako ika nga ng mga kapatid niya ay tutulungan ko din ang tatay ko in the future. Sana)
Tbh excited din ako kasi nasa iisang kwarto lang kami dati, tinambak ba naman kasi ng nanay ko lahat ng gamit niya doon sa kwarto sa kaliwa. Ngayon sabi niya sakin na yung sa kaliwa, di nga lang daw aircon. Sabi ko okay lang dahil sanay na ko sa dorm ko sa manila. Pag natapos lahat magdedesign na talaga ko ng kwarto ko.
Shoutout ko lang din si JC at Charlie na dumalaw sakin at gusto kong tulungan, sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko. Pag natapos daw yung gawaan at lipatan na ng gamit ay tawagin ko lang silang dalawa.
Dahil nga naggagawa muna sa bahay ngayon ay napahinga rin ako. Pakyawan ang pinili ni mommy so di rin siya problemado sa pagkain ng mga manggagawa.
Lastly mukhang may problema ulit ako bukas ah. Titibagin na nila dirty kitchen namin para magkaroon ng daanan para sa gagawing labahan. Paano naman kaya kami magluluto nito? 😅
5 notes
·
View notes
Text
Hello, pals, I found an interesting picrew on MBTI types and want to start a new game! Here's the link.
💜 — That's me, Sahesha, an INFP.
I tag: @pure-kirarin @tsunderedoctor @portgaslari @chloe-nanami @rochiomaru @chocolate-n-cheese @oddball215 @dressroba @dreamingrouge @thatbadbruja @undercoverweeeb and anyone else who wants to join!
217 notes
·
View notes
Text
June 24, 2021
Mark 13:13 “You will be hated by all because of my name. But the one who perseveres to the end will be saved.”
Lord, maraming beses na gusto ko magspeak out of your goodness. But most of the time, nagcocompromise ako because i am afraid of what others will say. But Lord, tulungan nyo ako maging unfiltered when it comes to my faith. Let me only tell the truth and nothing but the truth. Pati po kay kuya chino, nawa’y maishare ko sa kanya nang buo yung word mo at ang faith mo. One day Lord, I know, makakasama ko sya in serving you as my spouse. Sa time na yun, may we live grounded in your word.
0 notes
Text
Minsan, maiinis ka sa sarili mo dahil you can’t even explain, fight or stand for yourself kasi iniisip mo “pakikinggan ba nila ko?” “tama kaya yung masabi ko?” I always doubt myself na hindi ko kaya magspeak up para sa sarili ko dahil sa takot na magkamali at hindi ako pakinggan. Madalas din kasi ayoko maging burden sa ibang tao na baka pag sinabi ko yon mas dumagdag pa ko sa iniisip nila. Kaya madalas i keep it to myself. Kaya madalas tahimik lang ako. Nagiging open lang ako sa mga taong alam kong mapagkakatiwalaan ko. Kaya siguro i only have few friends. Actually, i always need a lot of assurance. Madalas ako mag overthink sa gabi. Minsan, tutula nalang luha ko di ko alam kung bakit.
Sana maging okay na. Sana kayanin.
0 notes
Photo
May bago akong kaibigan. After niya magspeak nung #NEWFEST, nagpaalam na siya agad para umuwi kase kelangan nilang magprepare para sa isang prior commitment. Hinabol ko siya sa parking para magpaalam. Malayo pa ay tinawag niya ako para ipanalangin. Pagkatapos magpray sabi niya, "Ituloy ninyo itong magandang ginawa ninyo. Ang ganda nito." Pagbalik ko sa loob, sure nako, may #NEWFEST2021. Salamat sa Lord sa bagong kaibigan. https://www.instagram.com/p/B7qSwrOgNod/?igshid=1h2jnq0gl3df3
0 notes
Text
04-Jan-19
Ayusin natin to.
Let's begin again.
Dumaan tayo sa tama. Ayokong mawala ka eh.
Liligawan kita ng maayos. Maayos ang intensyon ko kase gusto kita.
Puinaintindi sakin ng Lord na lahat ng minamadali madaling masira siguro kaya ganito tayo ngayon.
Okay lang ba? Liligawan na kita?
Sobra akong binasag. Galing ng Lord. Nagpapadala talaga Siya ng tao para magspeak.
Gusto ko din ako na yung right guy para sayo. Walang hinahalintulad, at walang katulad. I want to be that man.
0 notes
Text
Dili nalang ako magspeak ng heartache!~
Dahil sa lugaw na maalat... emotera mode akong nagsasabing..."Abie nyo pagod na..."
Grabe naman kasi si Lola.. kung makapagsabing maalat yung lugaw na niluto ko, parang yare naman sa asin yung lugaw samantalang naubos naman ng mga kasama ko sa bahay yung pagkain. Paulit ulit na sinasabi at talagang pinapangalandakan talaga nyang maalat. Huhuhu. Parang isang mortal sin ang nagawa ko.
Nalulungkot ako kasi hindi naman madali yung magluto at alam kong walang sinuman ang gustong masabihan na hindi masarap yung niluto nya. Gusto kong magtampo at hindi na magluto pero wala namang may gustong maging in charge sa kusina. Tsaka kung gusto ni lola nang walang lasa na lugaw eh di sana binantuan nya ng mainit na tubig yung lugaw para tumabang...
Ako, pagka may luto na hindi ko nagustuhan ang lasa, hindi ko bino-vocalize pero i will have a remark lang na magiging helpful para dun sa nagluto. Tsaka kung makapagdemand naman si Lola ng food akala mo, chef ako. Naun lang naman na lumipat kami ng bahay ako nagluto nang nagluto kasi prinsesa ako sa bahay nung dalaga ako tas sya naman ang nagluluto dati. I still have a year or two para maging mahusay sa pagluluto kaya sana kahit papanu, maging lenient naman sana sya saken.
Waah! Me and myself na nagtutulog tulugan sa classroom ko sa lsklc. Andami ko kasing gagawin nung time na yan.. ansarap tulugan. Hehe
0 notes
Text
I have plenty of dreams. Some are small. Some are intimidating. Some i pursued. Yung iba pending.
I have this dream that’s going to be one of the biggest decisions ill ever make, and that big step is obviously scary. 😅 but this book im currently reading made me brave and gave me courage about chasing this dream. I thought before na i wont consider the idea anymore. Pero narealize ko na gusto kong subukan. So i wont have regrets right? What ifs can be completely annoying
And so this book happened. Si Lord minsan di mo talaga alam when and how Siya magspeak sayo. Ang weird pa because this book is not my usual, i just downloaded it out of merely boredom. Im not saying na i got a sign that this dream will happen ah!! Hahahaha! I just thought na im young and i should try. Whether ang result is in favor sakin or hindi. But if that dream ever happens, if it’s God’s will for me, I swear i’ll shut my Facebook account down. Hahaha! Maybe wont post on IG and Twitter as frequent as before. Though that’s what Im already doing now. Laying low on social media felt good. It feels good to do things silently and privately. Though I have nothing against those who love to regularly update their social media accounts ha.. We have different preferences.
Tapos na din siguro ako don. Nakakatawa minsan makita yung mga old posts ko. Ang active at vain!! Hahahaha!! Now I honestly want my life to be low-key.. Kahit wala pa yang sinasabi kong dream. Haha At this age, one thing that I discovered and became sure of about myself is that i dont want the attention of many people. Di talaga ako artistahin no. Hahahaha!! Im not comfortable to be the bida, that’s the truth.. I love being creative and unique because it makes me feel na di ako nakaboxed and that people cant stereotype me. I love the feeling that i can create things through drawing, calligraphy and photography. And whenever i think i created something amazing or a photo looks beautiful, i want to share it. Im just being myself most of the time but it was never my intention to be the bida or the center of anyone’s attention. Maybe it says a lot about the teenage drama i had back in highschool. I dont want to cause envy to anyone.. And something that i dont like about social media sites is the silent trend of pretense and hidden insecurities
I know not everyone naman is may intention to brag. Some are just happy and want to celebrate life and blessings. These are just the reality. Halu-halo sila sa social media. Hehe
Pero ayon nga. Laying low on social media isnt bad at all. But my tumblr acct is different. HAHA tumblr is like my diary. Kamon! Hahahahahahaha
So going back to that dream (daldal ko haba ng segway haha) Im not going to let myself slack anymore. I will enjoy and have fun all the way this journey though!! Enough of being inside my comfort zone.
This is my say. But at the end of the day, sabi nga sa book of proverbs, a man can plan pero si God pa din ang last say. Hehe. This dream might not happen bec it’s not for me. Maybe this dream will make me arrogant if ever i was able to achieve it. Maybe it will consume my time for my loved ones or maybe it will affect my walk with God negatively kaya di ibigay ni Lord. I dont know the future and i just want to share my prayer last night with you, i prayed that if this isnt for me, i pray and believe that God will give me a humble and brave heart that can accept rejection. And that i will not actually see it as a rejection but a redirection. A heart that will trust Him and His biiig love for me. Kasi di ba, if we really claim and believe that God is our father, and we are privileged to be called His sons and daughters, we should also trust that no good father will let his child down. Haha naiyak pa ako while writing this. 😂 pero totoo.. God proved His love for us, through all the beating and humiliation He humbly received, on that cross to save us, to give us salvation.
Now all my doubts and fears brought by this dream and worries of the future, nanliit lahat sa laki ng love ni Lord. And i realized that no person, no amount of money, or career achievement, or fame can make this heart satisfied. And i believe that to be able to finally see things that way and fully grasp God’s greatness and love for us is one big miracle. And im praying for you guys to have that perspective and heart too.. Choosing to have a relationship with God is the best decision we can make. ♡
0 notes
Text
I'm a sensitive girl.
Hi, i'm faye. 17 years old. Eto na lang yung way na naisip ko para malabas yung dinadamdam ko so please hayaan niyo na lang ako magkwento. Bata pa lang ako, ako na yung laging nabubully, kesyo payat ako, lampa, sumbungera, pangit. Lahat na ata ng flaws ko ay naitukso na ata sakin. Hindi ko alam kung bakit ako yung laging binubully noon eh hindi lang naman ako yung maliit at payat sa school. Ang alam ko lang, hindi na dapat ako pumatol pa kasi yun ang turo sakin ng magulang ko. Basta kada na lang nabubully ako, kesa pumatol pa ako, iiyak na lang ako. Kaso syempre bully nga sila eh, so ano bang bago? Pati yung pagiging iyakin ko, itinukso na din sakin. Ang ending, pipigilin ko tumulo luha ko at iipunin na lang to hanggang sa makauwi ako at makapunta sa kwarto. Hanggang sa paglaki ko, nadala ko na tong ugali kong to. Bubully-hin, sasabihan ng masasakit na salita, tapos ako naman, iiyak na lang pagdating sa bahay. Kahit sa mga magulang ko ganito ako. Nakakatawa nga isipin na dapat sila yung dapat nakakaintindi sakin pero ano? Sila pa yung nagsasabi sakin ng "Ayan, sige. Magkulong ka nanaman sa kwarto mo. Umiyak ka na lang ng umiyak. Dan ka naman magaling eh." Habang tumatagal, pinipigilan ko na sarili ko na talagang umiyak. Sabi kasi nila, ang sensitive ko daw kasing tao. Kesyo dinadamdam ko daw masyado kahit biro lang talaga. Okay? Mali pala ako dun? So ang ginawa ko, tinry ko makipagsabayan sa mga sinasabing masasakit na salita sakin. Sasagutin ko din ng masasakit na salita kaso alam ko sa sarili ko na hindi ako yung tao na ginagawa ko. Hindi ako bully. Hindi ko kayang gawin sa iba yung alam kong nakakasakit sakin. Kasalanan ba ang pagiging sensitive? Kasalanan ba na iyakin ako? Kasalanan ba na ang pag-iyak na lang ang alam kong way para mailabas yung nararamdaman ko? Madami naman akong kaibigan pero hindi ko alam kung sino ang dapat kong pagsabihan ng nararamdaman ko. Please po. Kung may mga tao kayong kilala na sensitive, wag niyo sila tawanan at lalo pang saktan kasi hindi madali an nararamdaman namin. Kahit gustong gusto mong maging matapang, di mo magawa sa di malamang kadahilanan. Hindi madaling option ang "Huwag mo na lang silang pansinin." Kung araw araw kayo nagkikita sa school o kung saan man, nadali ba siyang iwasan? Hindi naman diba? Hindi din madaling magspeak up. Kasi takot kami na baka lalo lang kamkng masaktan kung sakasakaling gawin namin iyon. Hindi ako magaling magsulat ng tungkol sa ganito. Sa totoo nga, ngayon lang ako nakapag sulat ng tungkol sa nararamdaman ko. Sorry kung walang kwenta nitong post na to. Wala lang talaga ako malabasan ng sama ng loob.
0 notes
Photo
Sobrang nakakapagod na araw! Puro seminar kami ngayong araw na to grabe lang nakakapagod magorganize pala ng seminar.
Nagpaseminar yung 3rd year kanina para sa output nila sa Educ99. And guess what? ang speaker lang naman ay si Sir Nash 💕 Napakadaming learnings galing kay Sir.Sobrang saya makinig and nakakainggit lang yung nga experiences niya in teaching IPs sa nga bundok. Idol talaga si Sir,sobrang daming nuyang achievements in life and sobrang galing niya lang talaga.
Then,after nung seminar na yun may sarili kaming seminar sa room.Sobrang nagahol kami sa oras kasi anong oras na natapos yung seminar ng 3rd year. Hindi pa kami nagkakapaglunch, then pagdating namin sa canteen wala ng ulam langya ubos pangkain kasi napakadaming tao sa school ngayon bc may pictorial yung mga 4th year. Nakakaiyak lang talaga na wala kang breakfast tapos wala ka pang lunch kaya naman nag siomai tsaka kwek kwek na lang ako kanina pangtawid gutom lang.
Naging ok naman yung seminar naman kahit na may mga technical difficulties. Ang ganda naman ng comment sakin ni Maam as a speaker, bes first time kong magspeaker sa isang seminar ans she said that I speak like a pro daw hahahhaa katuwa.
Tapos anong oras na kami nakauwi kasi yung project namin kay Maam TEAC di pa naprint kasi nabusy kami sa seminar kaya naman sobrang nagahol kami sa oras takbo kami sa labas para makapagpaprint lang. Ang bait lang ni Maam kasi hinintay niya pa talaga.
Napakaproductive naman talaga kasi tatlo sa mga dapat kong gawin nacheckan ko na ngayong araw. Konting konti na lang bessy matatapos na tong sem.Finals na next week 💞
0 notes
Quote
Nakakamotivate po kayong magspeak at nakakatuwa kaya naman po mas nainspire pa po akong sundin kung ano man ang pangarap ko sa buhay, lalo na po gawin ko kung ano po talaga yung passion ko sa buhay at marami pa akong matutunan na maibabaon ko pag-uwi sa bahay at patuloy na tatak sa aking isipan pati na rin po sa aking puso ang mga sinasabi nyo po na magagamit ko baling araw. At masasabi ko pong worth it ang pag-attend ng seminar na ito dahil po sa inyo. Thank you po ng marami at I salute you sir for your hardwork in life and hope kop o na mainspire nyo pa po ang maraming estudyante katulad ko na to work hard for your dreams and goals in life in able to achieve what you have been dreaming. Tatatak po sa isip ko “there’s greatness within you”. Thank you po Sir Pocholo Gonzales. Godbless.
Christina F. Almvete, Villa Celestial, Mansalay, Oriental Mindoro
0 notes