#linya at sipi
Explore tagged Tumblr posts
congnael · 6 years ago
Text
The heart is resilient and forgiving, it is the mind that causes us stress - reminds us of sorrow and anxiety, hurt and fear. 1/9/2018
1 note · View note
tugstugstugs · 6 years ago
Text
Nakakubling saysay
youtube
Hindi ko alam kung bakit, pero naalala ko noong grade 5 ako pumunta kami sa sinehan. Kasama ko yung isa kong pinsan, nanay, at tita. Nanood kami ng Here Comes The Bride (2010). Sina Angelica Panganiban, Eugene Domingo, Tuesday Vargas, Jaime Fabrejas, at iba pang magagaling na aktor ang gumanap. Ang lakas ng tawa ko noon, tipong naghahampasan kami ng pinsan ko, tapos nagtitinginan na yung mga katabi namin.
Tumblr media
(x)
Ang Here Comes The Bride (2010) ay isang pilikulang komedya tungkol sa pag-iisang dibdib ni Stephanie na ginampanan ni Angelica Panganiban at Harold, ni Tom Rodriguez, at ang mga nakakalokang trahedyang naging hadlang dito. 
Habang papunta ang mga abay at bisita ng kasal, nagkataong nagkarambola ang mga sasakyan ng limang pangunahing tauhan kasabay ng solar eclipse. Dito nagresulta ang pagkakapalit-palit ng kanilang mga kaluluwa sa katawan ng isa’t isa.
Tumblr media
(x)
Tulad nang sinabi ni Stef sa pelikula, siya ay napunta sa katawan ng kanyang Tita Precy, si Precy kay Yaya Medelyn, si Medelyn naman kay Lolo Bien, Si Lolo Bien kay Toffee, at si Toffee kay Stef. 
Ang pagmamahal ko sa pelikulang ito, bukod sa pagiging tanda niya sa isang alaala sa aking kabataan, ay dahil sa pagiging tapat nito. Epektibo ito dahil ito ay totoo. Marami itong ipinapakitang umiiral na katotohanan sa kasalukuyang lipunan ng panahon na iyon. Nasa pagkakaiba ito ng mga karakter, at sa epekto nila sa buhay ng isa’t isa.
Tradisyon
Napag-aralan namin sa klaseng Introduction to Sociology and Anthropology, ang isang teksto na isinulat ni James E. Cote, na may pamagat na “Sociologial perspectives on identity formation: culture-identity link and identity capital”. Kahit nakapaloob ang papel na ito sa lipunan at kasaysayan ng kanluran, maari pa ring ilapat ang mga konsepto nito sa Pilipinas. Isang punto ng diskurso ng klase ang kapanahunan direksyon ng lipunan, mula sa pagsunod sa tradisyon patungo sa pagiging indibidwalistiko.
Isang opinyon na napagkasunduan ng karamihan sa klase na ang lipunan ng Pilipinas ay maaaring nasa kalagitnaan ganitong transisyon. Ang lipunan ng Pilipinas ay patungo sa mas indibidwalistikong pag-iisip, sa pagtatapos ng modernismo at sa pag-iral ng “postmodernism,” ngunit pirmi parin tayong nakahawak at nakapaloob sa tradisyon. Tulad nito ang makikita sa Here Comes The Bride, sa mismong kasalan.
Tumblr media
(x)
Ang piniling lugar nina Stef at Harold para sa kanilang kasal ay ang beach. Ayon sa website ng isang wedding planner at pati na rin sa Tita kong taos-pusong nagsisilbi sa simbahan, hindi pinahihintulutan ng rehiliyong katoliko na gawin ang seremonya sa labas ng simbahan. Kung mayroon man, ay lubos na mahirap makahanap ng Paring mamumuno nito. Sa sitwasyong ito, pinapakita sa pelikula ang pagkuha ng tradisyunal, at ang pag-iba nito, na nagkakaroon ng pagbabago ang mga pananaw ng mga tao sa dating-gawi.
Sa kasalukuyan, at noong panahon ng Here Comes The Bride, nagkaroon din ng pagkawasak sa tradisyon ng pag-iintay ng pag-iisang-dibdib bago magpakadami sa paglaganap ng “premarital sex”. Kaya patunay ang pagka-”weird” ng dalisay na pagsasahaman ni Stef at Harold na iba na ang pag-iisip ng mga tao, kahit nakagapos parin sa tradisyon.
Antas sa Lipunan
Halos lahat sa limang pangunahing karakter sa pelikula ang nakaramdam ng kakulangan sa buhay. Isa dito ang karakter ng Yaya. Ani ni Ding, ang driver ng pamilya na pinamamasukan ni Medelyn na ginampanan ni Nico Antonio, hindi pinag-aral si Medelyn ng kaniyang pamilya. Pinilit nila siyang mamasukan, at tuluyang inaasahan siya para buhayin sila. Ginawang komedya man, o may pagmamalabis, may katotohanan.
Tumblr media
Ayon sa “Education Watch Preliminary report: Education Deprivation in the Philippines,” ang pangunahing sanhi ng pagkawalan ng edukasyon ay ang kahirapan (sipi mula kay Sison). Dagdag dito, sa “National Statistics Office 2003 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey”, ang nangungunang rason ng hindi pagpasok ng mga mamamayang 6-24 anyos ay ang paghahanap ng trabaho, o ang pagtratrabaho. 30.5% ito ng populasyon na mas pinipili o napipilitang magtrabaho dahil sa pangangailangan (sipi mula kay Sison). Tuland ni Medelyn; sa realidad niya, nagiging pangalawa ang edukasyon at kaniyang mga kagustuhan sa kawalan ng mga kinakailangan.
Tumblr media
Totoo ito sa madaming Pilipinong nagmimigrate sa loob at labas ng bansa upang makahanap ng pagkikitaan, upang matulungan ang kani-kanilang pamilya. Para sa pelikulang ito, bibigyang pansin ang “internal migration.” Binibigyang kahulugan ang “internal migration” bilang paglipat ng lugar basta’t pumapaloob sa iisang bansa. 
Sa Noong 2017, ang kabuuang porsiyento ng kahirapan sa “rural areas”(39.4%) ay higit na mataas kaysa sa “urban areas” (13.2%), (World Bank 2017a). Dahil sa matinding kahirapan sa mga “rural areas,” maraming napipilitang maglipat at maghanap ng mas maluwag na buhay sa “urban areas,” (IOM 2013) (p.3).
Bukod sa kahirapan, isa ring hinaharap ni Medelyn ang posisyon niya  sa kaniyang trabaho. Naging patunay sa pagiging abusado ni Medelyn sa kapabayaan ng magulang ng kaniyang alaga, sa eksena ni Ninang Precy,isa siyang attorney, at nasa loob siya ng katawan ni Medelyn, at ng nanay ng alaga niyang bata.
Nagbabanta ang nanay ng bata, na isisisantehin niya si Medelyn dahil pinaiyak niya ang anak niya, at dahil makakalimutin siya. At dahil attorney ang kausap nya, sinagot siya ng ilang mga batas na linalabag nila araw araw sa kanilang pamamamahay. Sa katunayan, maraming mga kaso ng pang-aabuso sa mga kasambahay, tulad ng mga halimbawa ng DOLE (Department of Labor and Employment) sa artikulong ito. Madaming kaso ng pambabastos, panghuhusga, ginugutom, sinasaktan, mabababang sweldo, at iba pa. Tulad ni Medelyn, maaring karamihan ay hindi talaga dalubhasang alam ang kanilang mga karapatan, o mas pinangungunahan pa ang pangangailangan nilang magtrabaho. Ayon sa parehong artikulo ng DOLE noong 2013, karamihan sa mga kaso ng panahon na iyon ay hindi nakakakamit ng hustisya, at nangyayari pa rin nang tago.
Tulad nito, madalas hindi rin naaamin ang kultural na kakulangan ng kaalaman ng “mental health.”
Tumblr media
(x)
Madaming pinagdaanan ang bride-to-be ng ating pelikula. Si Stef, sa katawan ng kaniyang Ninang Precy, ay inakalang baliw ng kaniyang sariling ina. Malinaw ang “stigma” sa “mental illness” o sakit sa pag-iisip sa karakter nitong si Doris.
Matagal nang inaakala ni Doris na may “depression” ang kaniyang highschool bestfriend dahil sa kaniyang pag-iisa. Sinabi niya ito sa eksena niya kasama si Toffee (na nasa katawan ni Stef). Ngunit ibang iba ang reaksyon niya noong nasa ospital siya, sa nararapat niyang gawin bilang isang kaibigan, at tao man na gumagalang sa dignidad ng tao.
Konting konteksto sa mga hindi pa nakapapanood: Nagising si Stef sa katawan ng kaniyang Ninang Precy, at tinawag niyang “Mom” si Doris. Hindi pa alam ni Stef na nasa ibang katawan siya, kaya patuloy niyang ipinipilit na siya si Stef. Si Doris naman ay nataranta, at sa pagkita niya sa “kumare” niyang mulang kumbinsing kumbinsi sa delusyon, nakita niya ito bilang potensyan na panganib sa kasal ng kaniyang anak. Eto na yung medyo madrama, dalawa–hindi, tatlong sampal, isang banta na itatawag niya mga polisya, isang bato ng “you’re pathetic.”
“Doc, painumin mo ng gamot yan ah. Kahit next week pa ‘yan magising, wala akong pakielam!”
Klarong klaro ang baba ng kaniyang tingin dito. Sa aking palagay, ipinapakita ng kabuuan ng mga eksenang ito ang “stigma” sa mga may sakit sa pag-iisip, tulad ng tinawag sa kaniyang “baliw!” ng komunidad. Hindi ito nakikita bilang sakit, kundi puwedeng ihalintulad ito sa kabawasan ng pagkatao.
Sa kabilang dako, may katotohanang umiiral din sa mala-kontrabida nating karakter na si Toffee. Mala-kontrabida dahil, sa tingin ko hindi naman niyang sinasadyang direkta na manakit at manira ng buhay. Ginusto lamang niyang mabuhay kung paano niya ginusto.
Tumblr media
(x)
Maaaring mali ako, dahil hindi ako puwedeng magsalita para sa kasarian ng isang tao, ngunit ang karakter ni Toffee ay may hawig sa kasariang “Transgender.” Hindi ito tahasang binanggit sa pelikula bagkus maraming tanda na hindi niya nakikita ang kaniyang sarili kapareho ng kaniyang mga kaibigan.
Tumblr media
(x)
Isang napansin ko ang tawagan nilang “bakla.” Tila ito ang nag-iisang tawag sa kaniyang kasarian, at lalong naging malinaw na tunay itong limitado. Kulang ang wikang Filipino para sa mga taong kagaya ni Toffee, at iba pa.
“Tolerance, not acceptance”
ang ideyang ipinapahiwatig ni Jonas Bagas, ang executive director ng isang “gay civil society group” na nangangalang TLF Share. Bilang sagot sa isang global survey na “gay friendly” daw ang mga pinoy. Ani ni Bagas na tanggap lamang ang LGBTs kung pumapasok sila sa “stereotype” ng bakla. Ito ang limitadong depinisyon na iniuugnay ng tao sa “effeminate, cross-dressing men” na “entertainer” sa TV (Garcia, sipi mula p.25). Kulang ang pagtanggap sa mga LGBT, at pruweba ang ating lenggwahe.
Ilang mga linya ng mga kaibigan ni Toffee ang mga sumusunod:
“napaka 70′s naman ng pagkabakla mo [Toffee]”
“Oo nga, napakastereotypical mo namang gay beautician”
Ani ni cinemabongga, itong 70′s din umiral ang bakla bilang “nagpupumilit babae,” pati na rin ang pagiging beautician. Maaring sa pagsagot ni Toffee na: “Hindi ako beautician. Isa akong image stylist,” dito niya binibigyang halaga ang kaniyang sarili. Tinipid siya ng lenggwahe at kinahon siya ng mga tao sa pagiging beautician, ngunit ito ang kanyang ibabato pabalik. Isang image stylist, na mas sopistikado ang dating, at baka isa sa mga paraan niya upang maseryoso ng hindi katanggap-tanggap na lipunan. 
Sa murang edad kong ito, hindi ko man naisip, ni isang minuto na ako ay makasaysayan. Sa kamalayan ko, parang katatapos lamang ng 2007, ngunit higit isang dekada na ang nakalipas. Iba na ang mga bata ngayon, sa pagkabata namin noon. Ngayon, sa pagbalik ko sa nakaraan, nakikita ko na dito nakakubli ang kasaysayan, sa mga taong nakakaalala at nakakabalik sa mga nagdaang panahon. Nakasalalay pala ang pangangalaga ng kultura’t kasaysayan sa mga batang katulad ko.
Sanggunian:
cinemabongga. “Eh Ano Kung Bakla?” Cinema Bongga! Kembot Ng Pelikulang Pambeki, 6 Feb. 2013, cinemabongka.wordpress.com/2013/02/06/eh-ano-kung-bakla/.
Côté, James E. “Sociological Perspectives on Identity Formation: the Culture–Identity Link and Identity Capital.” Journal of Adolescence, vol. 19, no. 5, 1996, pp. 417–428., doi:10.1006/jado.1996.0040. 
GMA News Online. “Pinoys Are Gay Friendly? Only on Paper, Says LGBT Activist.” GMA News Online, GMA News Online, 1 Jan. 1970, www.gmanetwork.com/news/news/nation/312328/pinoys-are-gay-friendly-only-on-paper-says-lgbt-activist/story/.
“Here Comes the Bride (2010 Film).” Wikipedia, Wikimedia Foundation, 8 June 2018, en.wikipedia.org/wiki/Here_Comes_the_Bride_(2010_film). 
Ordinario, Cai. “A Third of Pinoy Youth Had Premarital Sex.” BusinessMirror, 4 Apr. 2016, businessmirror.com.ph/a-third-of-pinoy-youth-had-premarital-sex/. 
“Planning a Beach Wedding: Insights from a Wedding Planner | Wedding Article.” Kasal.com - The Essential Philippine Wedding Planning Guide, www.kasal.com/html/philippine-wedding/wedding-article/planning-a-beach-wedding.html. 
Shahani, Lila Ramos. “Kasambahay Law Knocks on Filipino Homes.” Department of Labor and Employment - Pages, 14 July 2013, www.dole.gov.ph/good_news/view/192.
Sisante, Jam. “Poverty, Hunger Prevent Filipino Kids from Getting Basic Education.” GMA News Online, GMA News Online, 4 Aug. 2008, www.gmanetwork.com/news/news/specialreports/111257/poverty-hunger-prevent-filipino-kids-from-getting-basic-education/story/. 
UNESCO, et al. “Overview of Internal Migration in Philippines.”
0 notes
resuph-blog · 7 years ago
Text
Blog Post 2 ng 6
Maikling sipi lang yan sa isa sa mga kantang bumuo sa aking pagkabata. Hindi gaano kaseryoso, at hindi rin gaano kahalaga, ngunit kung susuriin pa ng mas malalim ang karanasan ko at ang kantang “Billionaire” na naging isa sa mga usong kanta noong 2007 hanggang 2012, ano kaya ang matutuklasan natin tungkol sa lipunan noon? Higit pa rito, ano kaya ang matutuklasan kong sanhi o paliwanag sa mga hindi ko pala namalayang naging mga katangian ko (hanggang ngayon) na dulot ng mga impluwensya ng kantang ito at ng lipunan noon?
Makikita sa unang dalawang linya:
“I wanna be a billionaire, so fucking bad, Buy all of the things I never had”
na hindi lang palarong pag-iisip ang pagiging isang bilyunaryo, kundi tila para sa persona, isang layunin talaga sa buhay. Bukod pa rito, agad-agad din makikita ang pangunahing intensyon para sa dami nang pera na ito: upang bilhin ang lahat ng mga ninanais at gusto ng persona. Sumusunod dito ang ikalawang intensyon na makikiya sa linyang ito:
“I wanna be on the cover of Forbes magazine Smiling next to Oprah and the Queen”
kung saan pinaguusapan ang pangarap na maging sikat o tanyag. Tutal, hindi ba’t magkasama naman talaga ang katanyagan at kayamanan? Kaya nga’t may pariralang “Fame and fortune,” diba?
Dahil dito, masasabi na kung tutuusin, hindi talaga kahit papaano matatanggihan na para sa mga tao sa lipunan, isang layunin sa buhay ang katanyagan at kayamanan. Malapit-lapit din ito sa mga natuklasan nina Twenge, et. al. (2012), na “Millennials considered goals related to extrinsic values (money, image, fame) more important and those related to intrinsic values (self-acceptance, affiliation, community) less important.” Bukod pa rito, masasabi na materyalistiko at ambisyoso (o nais nila maging sikat) ang mga tao noon kahit sa pinakamaliit na bagay lamang.
#2
0 notes
testingsite16-blog · 7 years ago
Text
Blog Post 2
Maikling sipi lang yan sa isa sa mga kantang bumuo sa aking pagkabata. Hindi gaano kaseryoso, at hindi rin gaano kahalaga, ngunit kung susuriin pa ng mas malalim ang karanasan ko at ang kantang “Billionaire” na naging isa sa mga usong kanta noong 2007 hanggang 2012, ano kaya ang matutuklasan natin tungkol sa lipunan noon? Higit pa rito, ano kaya ang matutuklasan kong sanhi o paliwanag sa mga hindi ko pala namalayang naging mga katangian ko (hanggang ngayon) na dulot ng mga impluwensya ng kantang ito at ng lipunan noon?
Makikita sa unang dalawang linya:
“I wanna be a billionaire, so fucking bad, Buy all of the things I never had”
na hindi lang palarong pag-iisip ang pagiging isang bilyunaryo, kundi tila para sa persona, isang layunin talaga sa buhay. Bukod pa rito, agad-agad din makikita ang pangunahing intensyon para sa dami nang pera na ito: upang bilhin ang lahat ng mga ninanais at gusto ng persona. Sumusunod dito ang ikalawang intensyon na makikiya sa linyang ito:
“I wanna be on the cover of Forbes magazine Smiling next to Oprah and the Queen”
kung saan pinaguusapan ang pangarap na maging sikat o tanyag. Tutal, hindi ba’t magkasama naman talaga ang katanyagan at kayamanan? Kaya nga’t may pariralang “Fame and fortune,” diba?
Dahil dito, masasabi na kung tutuusin, hindi talaga kahit papaano matatanggihan na para sa mga tao sa lipunan, isang layunin sa buhay ang katanyagan at kayamanan. Malapit-lapit din ito sa mga natuklasan nina Twenge, et. al. (2012), na “Millennials considered goals related to extrinsic values (money, image, fame) more important and those related to intrinsic values (self-acceptance, affiliation, community) less important.” Bukod pa rito, masasabi na materyalistiko at ambisyoso (o nais nila maging sikat) ang mga tao noon kahit sa pinakamaliit na bagay lamang.
“Yeah I would have a show like Oprah I would be the host of Everyday christmas give Travie a wish list I’d probably pull an Angelina and Brad Pitt and adopt a bunch of babies that ain’t never had shit Give away a few mercedes like here lady have this And last but not least grant somebody their last wish Been a couple months that i’ve been single so you can call me Travie Claus minus the ho ho Ahaa get it I’d probably visit where Katrina hit and damn sure do a lot more than FEMA did Yeah can’t forget about me stupid Everywhere I go I'mma have my own theme music”
Sa unang berso na kinanta ni Travie, makikita na pareho rin namang may materyalistiko at ambisyosong pag-iisip, ngunit may mga dagdag-palambot din ito dahil ninanais din naman daw niya na ibahagi ang kanyang mga kayamanan sa mga mahihirap at nangangailangan. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagbibigay ng regalo sa pasko, pagkukupkop sa mga nangangailangang bata, pagbibigay ng mamahaling kotse, atbp. Ipinapahiwatig ng mga halimbawa na ito na gusto ni Travie maging mayaman, at sa kabilang palad naman, malinaw o tahasang nakikita (sa unang linya at huling dalawang linya) na gusto niya maging sikat o tanyag.
“I be playing basketball with the president Dunking on his delegates Then I compliment on his political etiquette Toss a couple milli in the air just for the heck of it But keep the fives, twentys, tens, and bens completely separate And yeah I’ll be in a whole new tax bracket We in recession but let me take a crack at it I’ll probably take whatevers left and just split it up So everybody that I love can have a couple bucks And not a single tummy around me would know what hungry was, eating good sleeping soundly I know we all have a similar dream Go in your pocket pull out your wallet And put it in the air and sing”
Sa huli, tila pareho lang ang mga katangian ng mga personang kinakanta nina Bruno Mars at Travie McCoy. Makikita ito sa pangalawang berso na kinanta ni Travie, kung saan kapansin-pansin ang mabuti sana niyang layunin na pakainin ang mga nagugutom. Ngunit, hindi rin matatanggihan na hindi malawak-lawak ang abot ng mga nais niyang pakainin, at makikita ito sa linyang:
“And not a single tummy around me Would know what hungry was, eating good sleeping soundly”
kung saan maaaring tinutukoy lamang niya ang mga taong malapit sa kanya at hindi lahat ng tao, kung kaya’t hindi kasing bait ang persona sa una nating naisip.
Ngunit, tulad nga sa nasasabing “the author is dead,” hindi na mahalaga sa atin sina Bruno Mars at Travie McCoy at ang kanilang mga intenciones. Ang mahalaga lang ang sinasabi ng mga linya o liriko nila, kasi ito ang naglalarawan ng persona sa kanta, at samakatuwid, isang halimbawa ng karaniwang tao sa lipunan noong mga panahong iyon.
Ang mga naitala ay isa lamang sa tatlong kaurian, na ayon kay Mojares, ng kasaysayang mauuwi mula sa kantang ito. Ito ay ang kasaysayan ukol sa paraan ng pag-iisip. Siguro’y lumaganap ang ganitong mga uri ng pag-iisip dahil kapaki-pakinabang ito, o dahil nakakapaglapit ka sa mga makapangyarihang mga tao (hal. Pangulo ng Estados Unidos), o di kaya’t mapapaisip ng dalawang beses ang mga taong nais kumalaban sa iyo. Siyempre naman din, karaniwan ang pag-iisip na kanaisnais ang biglang maging bilyunaryo dahil likas na pagkatao lang din naman ang pagnanais sa mga premyo habang nagbibigay lamang ng konti o halos walang pagsisikap.
0 notes
congnael · 6 years ago
Text
“The truth. See the truth isn’t almost the most exciting version of things, or the best or the worst. It’s somewhere  in between. But it deserves to be heard and remembered. The truth will out, like someone said once. It remains.” (Hannah Baker, 13RW S01E01 “Type 1, Side A”)
__________
SIDE STORY
18th May, S and I were seating on the couch after our badminton training. Sabi niya sa akin, like how she always ask me, “Are you happy you are here with me now?” and I answered like how I always answer her question, “Yes lahammy, so much!” then she mumbled, “Because now you no longer live a double life, you are now living..” then I cut her out, “Our life..” then she argued, “No lammy, you are living YOUR life through US”. (tears) 21/5/2018
3 notes · View notes
congnael · 6 years ago
Text
“A couple hundred years ago, Benjamin Franklin shared with the world the secret of his success. Never leave that till tomorrow, which you can do today. This is the man who discovered electricity. You would think more of us would listen to what he had to say. I don’t know why we put things off but if I had to guess I’d say it has a lot to do with fear. Fear of failure, fear of pain, fear of rejection, sometimes the fear is just of making a decision because what if you’re wrong? What if you made a mistake, you can’t undo? Whatever it is we’re afraid of, one thing holds true - that by the time the pain of not doing the thing gets worse than the fear of doing it. It can feel like we're carrying around a giant tumor. And you thought I was speaking metaphorically.”  
“The early bird catches the worm. A stitch in time saves nine. He who hesitates is lost. We can’t pretend we haven’t been told. We’ve all heard the proverbs, heard the philosophers, heard our grandparents warning us about wasted time, heard the damn poets urging us to cease the day. Still, sometimes, we have to see for ourselves. We have to make our own mistakes. We have to learn our own lessons. We have to sweep today’s possibility under tomorrow’s rug until we can’t anymore. Until we finally understand for ourselves what Benjamin Franklin meant. That knowing is better than wondering. That waking is better than sleeping. And that even the biggest failure, even the worst most intractable mistake beats the hell out of never trying.” (Meredith Grey, GA S01E06 “If Tomorrow Never Comes”)
2 notes · View notes
congnael · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Was organizing my files when I found these screenshots of my favorite scene from the movie, Baka Bukas; plus of course let’s not forget the scene where Alex and Jess were in the bathtub and Alex tried hard to sing Sponge Cola’s Gemini for Jess ~ 😭. 
Samantha Lee, thank you for showing people this relationship as a beautiful, tender bond, between two people who deserve to love and be loved openly, despite their unconventional romantic choices. 🌈 16/10/2017 (Alex and Jess, “Baka Bukas”)
__________
LINKS
https://youtu.be/_rSLcXEzlJM
https://youtu.be/dM1_29xo0kE (skip to 2:44)
1 note · View note
congnael · 6 years ago
Text
“Whoever says, ‘What you don’t know, won’t hurt you’ was a complete and total moron because for most people I know, not knowing is the worst feeling in the world.
As surgeons we have to be in the know but as human beings sometimes it’s better to stay in the dark. Because in the dark there may be fear but there’s also hope.”  (Meredith Grey, GA S02E06 “Into You Like a Train”)
1 note · View note
congnael · 6 years ago
Text
“I mean if life is so hard already, why do we bring down more trouble on our self? Why do we hit the self-destruct button?
Maybe we like the pain. Maybe we’re wired that way cause without it, I don’t know, maybe we just wouldn’t feel real. What’s that saying? Why do I keep hitting myself with a hammer? Because it feels so good when I stop.”  (Meredith Grey, GA S01E07 “The Self-Destruct Button”)
1 note · View note
congnael · 6 years ago
Text
“There’s a reason I said I’d be happy alone. It wasn’t because I thought I’d be happy alone. It was because I thought if I love someone and it fell apart, I might not make it. It’s easier to be alone because what if you learn you need love and then you don’t have it? What if you like it and lean on it? What if you shape your life around it and then it falls apart? Can you even survive that kind of pain? Loosing love is like organ damage. It’s like dying. The only difference is death ends. This could go on forever.”  (Meredith Grey, GA S07E22 “Unaccompanied Minor”)
0 notes
congnael · 6 years ago
Text
“Hey, life is short, times are hard, the road is long, with many unwinding turns.”  (Miranda Bailey, GA S02E05 “Bring The Pain”)
0 notes
congnael · 6 years ago
Text
“We deny that we’re tired. We deny that we’re scared. We deny how badly we want to succeed and most of all, we deny that were in denial. we only see what we want to see and believe what we want to believe and it works. We lie to ourselves so much that the lies seem like the truth. We deny so much that we cant recognize the truth right in front of our faces.
Sometimes reality has a way of sneaking up and biting us in the ass. And when the damn burst, all you can do is swim. The world of pretend is a cage not a cocoon. We can only lie to ourselves for so long. We are tired; we are scared. Denying, it doesn’t change the truth. Sooner of later we have to put aside our denial and face the world head on, guns blazing. 
Denial, it’s not just a river in Egypt. It’s a freaking ocean. So how do you keep from drowning in it?”  (Meredith Grey, GA S02E04 “Deny, Deny, Deny”)
0 notes
congnael · 6 years ago
Text
“Secrets can't hide in science. Medicine has a way of exposing lies. Within the walls of the hospital, the truth is stripped bare. How we keep our secrets outside the hospital -- well, that's a little different. One thing is certain, whatever it is we're trying to hide; we're never ready for that moment when the truth gets naked.
That’s the problem with secrets, like misery it loves company. They pile up and up until they take over everything. Until you don’t have room for anything else. Until you’re so full of secrets, you feel like your going to burst.
The thing people forget is how good it can feel when you finally set secrets free. Whether good or bad, at least they’re out in the open, like it or not. And once your secrets are out in the open, you don’t have to hide behind them anymore. The problem with secrets is even when you think you’re in control, you’re not.”  (Meredith Grey, GA S01E09 “Who’s Zoomin’ Who”)
0 notes
congnael · 6 years ago
Text
“Intimacy is a four syllable word for here’s my heart and soul. Please grind them into hamburger and enjoy! It’s both desired and feared. Difficult to live with and impossible to live without. Intimacy also comes attached to life’s three R’s: relatives, romance, and roommates. There are some things you can’t escape and other things you just don’t want to know.
I wish there were a rule book for intimacy. Some kind of a guide that could tell you when you’ve crossed the line. It would be nice if you could see it coming. No matter how you fit it on a map, you take it where you can get it and keep it as long as you can. And as for the rules, maybe there are none. Maybe the rules of intimacy are something you have to define for yourself.” (Meredith Grey, GA S01E04 “No Man’s Land”)
0 notes
congnael · 6 years ago
Text
“At some point you have to make a decision. Boundaries don't keep other people out, they fence you in. Life is messy. That's how we're made. So you can waste your life drawing lines, or you can live your life crossing them. But there are some lines that are way too dangerous to cross. Here's what I know, if you're willing to take a chance, the view from the other side.. is spectacular.” (Meredith Grey, GA S01E02 “The First Cut is the Deepest”)
0 notes