#larange
Explore tagged Tumblr posts
saborosareceitas · 2 years ago
Link
5 Vantagens de comer laranjas: Porque devo incorporar na minha dieta?
1 note · View note
jobisaac · 6 months ago
Text
Ang Lungsod sa Bukid: Paglilibot sa Nueva Ecija
Tumblr media Tumblr media
Sa paglalakbay patungo sa Cabanatuan, Nueva Ecija, nadama ko ang init ng araw na bumabalot sa aming sasakyan. Ito ang unang pagkakataon naming makarating sa lungsod na ito, isang lugar na puno ng kasaysayan at kagandahan. Ipinagdiriwang namin ang pagkakataon na maranasan ang mga bagong karanasan at pagsubok na hatid ng aming paglalakbay. Sa aming pagdating, agad kaming binati ng mainit na pagtanggap mula sa aming mga tita/tito. Ang kanilang mga ngiti at masiglang pakikipag-usap ay nagpapakita ng kanilang pagkamapagmahal.
Sa unang araw ng aming paglalakbay, kami ay dinala sa Ecija Provincial Capitol, kung saan makikita ang mga makasaysayang estruktura na nagpapahiwatig ng yaman ng kultura ng lugar. Ang pagpunta sa mga museo ay nagbigay sa amin ng mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Nueva Ecija, kung saan natuklasan namin ang mga kuwento ng bayani at mga pangyayari na nagbunsod sa pag-unlad ng lalawigan. Hindi namin pinalampas ang pagkakataon na subukan ang lokal na pagkain ng Nueva Ecija. Sa aming paglilibot, natuklasan namin ang iba't ibang masasarap na lutuin tulad ng Pancit Cabagan, at Minaluto. Ang pagkain ay hindi lamang pagpapakasasarap kundi isa ring paraan upang mas maunawaan ang kultura at tradisyon ng isang lugar.
Hindi lamang kami nabighani sa kagandahan ng kalikasan, ngunit kami rin ay namangha sa kabayanihan ng mga tao sa Nueva Ecija. Ang kanilang pagmamahal sa bayan at ang kanilang pagiging bukas sa mga bisita ay nagpapakita ng kanilang pagiging hospitable at maalaga.
Tumblr media
Sa huli, habang kami ay nagpapaalam sa Cabanatuan, Nueva Ecija, ang aming paglalakbay ay nag-iwan ng isang malalim na bakas sa aming puso. Ang mga karanasang aming pinagsaluhan, ang mga bagong kaalaman na aming natutunan, at ang mga taong aming nakilala ay nagbigay sa amin ng mga alaala na hindi malilimutan. Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang simpleng pagbisita sa isang lugar, kundi isang paglalakbay ng pagtuklas at pag-unlad.
2 notes · View notes
mykelantoni · 6 months ago
Text
Sambillo, Mykel Antoni M.
Piling Larang
G 11 - C 1 - STEM
Larawang Sanaysay
Nasugbu; Sa Pag-Unlad ka na Ba?
Ang Nasugbu ay isa sa mga bayan sa batangas na mabilis umunlad, kalakip nito ang mabilis na pagbabago ng lugar na umaayon sa bagong henerasyon ng bayan na ito. Ang Nasugbu Batangas ay mayroong Economical Profit na P699,626,722.52 noong taong 2022, at patuloy na nataas pa ito sa paglipas ng panahon. Noong 2016 pa lamang ay umaabot na sa P320M ang annual regular income ng Nasugbu, Kasama nito ang populasyon ng bayan na noong 2020 ay 140,000 na katao ang nakatira, karamihan dito ay mga kabataan at mga ‘teenagers’ na na lawak mula 5-9 taong gulang hanggang 16-19 taong gulang na kabataan.
Tumblr media
Ang mga gusali sa Nasugbu ay unti-unti ng nagbabago at nadadagdagan ng mga modernong gusali, kalakip pa nito ang mga kilala at mga malalaking kumpanya na nag tatayo ng mga ‘branch’ nila sa Nasugbu, katulad na lamang ng bangko ng BPI at ng matagal-tagal ng Walter Mart.
Tumblr media
Bagama’t may mga hindi pa gaano ka modernong lugar sa Nasugbu sa loob-loob ng barangay, ay kahit ang simpleng one way road na makikita ay maaari ng mga presenta ng isang pagiging siyudad dahil sa kaayusan nito. Halos bilang na lang ang mga barangay na may bitak-bitak at sira-sirang kalsada na makikita sa Nasugbu. Ang Nasugbu ay naturingang ‘First Class Municipality’, ang ‘First Class Municipality’ ay ang mga bayan na may ‘annual income’ na hindi bababa ng P200,000,000, tulad nga ng annual income ng Nasugbu na P600M+ ay talaga namang hindi lang ‘First Class’ ang Nasugbu na.
Tumblr media
Makikita din sa mga mamamayan ng Nasugbu Batangas ang maganda at masaganang pamumuhay nila, mga nag-gagandahang sasakyan ay mga opisyales na madalas bumisita sa bayan, ang mga turista at mga nag-ba bakasyon sa Nasugbu Batangas ay napakarami na din at pag may okasyon sa bayan ay lalo pa, ang mga resort ay palagiang puno at ang mga lugar na pwedeng bisitahin ay marami laging tao.
Tumblr media
Hindi mag-papa huli ang industriya ng Nasugbu sapagkat ang mga proyekto ng lokal na gobyerno nito ay hindi pa natatapos at hindi pa natigil. Pansinin na lang natin ang mga bigating makinarya na meron ang bayan na ito na kalaunay mayroong proyekto sa bayan na ginagawa.
Tumblr media
Ang lokal na gobyerno ay patuloy na nag lalabas at nag papa-ugnay ng mga proyekto at mga ‘maintenance’. Nito lamang ay muli na naman silang kumilos at sinimulang barakudahan and lumang gusali sa tapat ng bagong Caltex, at nag pa planong gibain, at buoan ng panibagong gusaling hindi pa natin alam sa ngayon.
Tumblr media
Ang lokal nag gobyerno ng Nasugbu Batangas ay patuloy na nagpapaunlad ng Ekonomiya ng Nasugbu, unti-unti nang pinapaganda ang mga gusali dito. Bagaman mabagal at matagal ang mga pag-usad ng pag-tatayo ay pag babago ng mga imprastraktura ay patuloy pa din naman itong umuusad, ang mga lumang bakanteng bahay na pagmamay-ari ng gobyerno ay unti-unti ng pinapalitan ng mga gusali at tinatayuan.
Tumblr media
Ang mga kalsada ay patuloy ding pinapaganda at pinapalawak ng gobyerno, ang J.P. Laurel Highway ay balak na gawing four lane road na may dalawang slow safe zone sa mag-kabilang gilid para sa mga tricycle at mga bikers, plano din ng Gobyerno na gawing ‘Basalt’ o ‘Igneous rock’ ang mga kalsada, isa na dito ang J.P. Laurel street, ang pinaka sentrong kalsada sa loob ng bayan ng Nasugbu.
Ilan lang ang mga impormasyon na yan sa madami at marami pang iba, ang pag-unlad ng bayan ng Nasugbu Batangas ay isang pakilalang marami ang pwedeng mag-bago pa sa darating na panahon. Ang Lokal na Gobyerno ay patuloy na umuusad sa larangan ng Bayan kasabay ng panahon.
Ang pag-unlad ng bayan na ito ang panimulang marami pa ang dadating na pag unlad ng bayan na ito, mag-tutuloy kaya ito o hindi, sa paganda ba ito so sa pababa. mag-papatuloy ba ang pag-unlad ng Bayan na ito, o hindi? Nasugbu. sa pag-unlad ka na ba?
2 notes · View notes
raicazandrece · 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Kabataan Halina't Papurihan ang Mahal na Birheng si Maria.
2 notes · View notes
iinoyumei · 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa sa mga pinaka hindi malilimutang karanasan ang aking natamasa sa Manila Philippines, isa ito sa pinaka maraming atraksyon na dinadayo ng maraming tao. Noong marso ika-14 naganap ang aming field trip na ikinasaya ng lahat. Nag punta kami sa iba't ibang mga atraksyon at lugar sa manila, una na rito ang manila cathedral ito'y isang simbahan na sikat sa mga turista marahil sa angking ganda ng simbahan. Sunod na pinuntahan namin sa manila ay ang Luneta park, maraming makabuluhang pangyayari ang naririto tulad ng kung papaano pinatay si rizal at ang proseso ng pagsasagawa nito. Naka bili rin kami ng mga souvenirs na aming magiging mermorya sa aming mga karanasan dito.
Ang sunod na hindi malilimutang mga atraksyon na aking napuntahan ay ang star city na matatagpuan sa Pasay Metro Manila. Marami kaming sinakyan dito katulad ng Vikings, Star flyer, at jungle splash. May mga atraksyon din sila na aming naranasan tulad ng dinosaur alive at digital surround theatre, natikman din naman ang mga pag kain na makikita rin natin dito sa batangas tulad ng mga food stall. Inaasahan ko rin na madaragdagan pa ang iba't ibang karanasan ko rito sa Manila, upang aking ding maibahagi ang aking mga naging karanasan sa pag lalakbat sa ibang lugar.
3 notes · View notes
dianabaquillas · 6 months ago
Text
magayon ka, mayon.
Tumblr media Tumblr media
ika-labing anim ng disyembre, nalalapit na ang araw ng pasko, naisipan naming dumalaw sa aming mga kamag anak sa bicol. halos labing dalawang oras ang aming byahe mula tuy batangas hanggang dito. pag dating namin doon, masaya kaming sinalubong ng pamilya ng aking tito. simple lamang ang pamumuhay nila roon, nag iisa ang kanilang bahay sa napaka laking lupain, napapaligiran ng napakaraming puno at puro sariwang hangin ang aking nalalanghap. naranasan ko ang payapa at tahimik na buhay doon. walang maiingay na mga sasakyan at walang magulong kapit bahay.
Tumblr media Tumblr media
sa hapon, isinama kami ng aking tita sa palengke para bumili ng aming uulamin sa mga darating na araw. pag dating namin doon, iba’t ibang tao ang aking nakasalamuha. hindi ko man maintindihan ang iba sa kanilang salita, sigurado namang ang nag eenjoy akong makinig sa kanila. kumpara sa batangas, simple lamang ang mga pagkain namin dito katulad ng nilagang saging at kape, iba’t ibang klase ng seafood, at fresh na sabaw ng buko. ngunit kahit ganoon, mas nag eenjoy akong kumain dito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
makalipas ang ilang araw, napagdesisyunan naming pumunta sa cagsawa ruins, ang isa sa mga tourist spot sa pilipinas. halos isang oras lamang ang byahe namin mula sorsogon papunta sa daraga albay. sa byahe, matatanaw mo na agad ang napaka gandang bulkang mayon. pero, di hamak na mas maganda itong pag masdan sa malapitan. pag dating namin doon, bumungad ang napaka daming tindahan ng mga pasalubong at iba’t ibang delicacies mula sa bicol. marami ring tourista na galing sa iba’t ibang bansa. hindi ko maiwasang mamangha sa tanawin at sa paligid lalo na sa kasaysayan nito. natikman ko rin ang ilan sa mga sikat na pagkain dito katulad ng sili ice cream, pili nuts, at syempre, ang authentic bicol express. hindi ko man nakita ang kabuuan ng bulkan dahil sa makapal na ulap, isang karangalan pa ring makita ng malapitan ang kagandahan ng mayon.
sa halos isang linggo naming pagbabakasyon sa bicol, naranasan ko ang payapa at simpleng buhay. malaya sa mga isipin at problema. higit sa lahat, nasaksihan ko ang kagandahan ng bulkang mayon. ito ay isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan hanggang sa pag tanda. hanggang sa muli, bicol.
2 notes · View notes
kodigonikreshu · 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
314 | ISANG MATA SA ISANG LIBONG PANGAMBA
Alas dos pa lamang ay mulat na ang mga mata kong malabo. Tumingin ako sa aking katabi, "Maaga pa, mamaya na" ang tangi kong naisip nang makita kong yapos nito ang kaniyang kasintahan. Napatawa na lamang ako nang maalalang kay tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito, kinailangan pa naming sumabak sa ilang aktibidad at iraos ang aming pagsusulit. Ipinikit ang aking mga mata, na hindi rin nag-tagal sapagkat nagising ako sa ingay ng mga kubyertos, "Late na pala" bulong ko sa aking isip. Pinilit kong ibangon ang aking sarili upang dumeretsyo sa banyo, ginising ko ang aking kaluluwa nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumabalot sa aking katawan. Mabilis at malinis kong isinuot ang bagong plantya kong uniporme, tiniyak kong baunin ang sweater na aking magiging kaantabay sa lamig ng sasakyan naming bus. Nang makarating sa eskwelahan, nakita ko ang mga puyat at antok pang itsura ng aking mga kabata, sa kabila nito, nangingibabaw pa rin at ingay sa kanila, sa bawat boses ay maririnig mo ang kwento mula sa gabi bago ang araw na iyon, na ayon sa tala nila, ay pinalubutan ng eksaytment at sari-saring pangyayari.
Tahimik ang byahe at ang bawat isa ay nasa isang mahimbing na tulog, tila ba ihinahanda ang sarili sa lakbay na aming tatalakayin sa araw na itinakda. Nasilaw ako sa maliwanag at napakagandang tanawin ng unang destinasyon, naroon ang simbahang kasalukuyang naglalahad ng misa. Maraming balakid ang pag tahak namin sa daan, marami rin kaming pinuntahan kagaya ng; munumento ni rizal, museyo ng koleksyon, at ang hindi kapani-paniwalang pabrika ng tinapay, na ang gumagawa ay ang mga awtomating makina. Ngunit ang hinihintay ng lahat, ang huling destinasyon sa ika-apatnapu't araw ng marso, ang Enchanted Kingdom sa Laguna. Dito, puno ng hiyawan at kasiyahan, mula sa rides at ilan pang maaring aktibidad, hanggang sa mga nagsasarapang pagkain nito. Bago ang lahat, una akong dumayo sa food court, upang libangin ang akin tiyan sa matagal na byaheng nakakagutom ng sikmura. Ang malinis kong uniporme at sweater ay madumihan mula sa sauce ng burger na aking binili, kasabay din nito ang ice cream na aking nabili sa Dairy Queen, natapon pa ito sa dulo ng aking sapatos. Ngunit 'di ko mapigilang tumawa sapagkat ito ay dahilan ng aking pagmamadali, upang subukan ang mga "nakakatakot" na rides ng lugar na ito.
Alas singko nang hapon, marami na akong nasakyan, at ang bawat isa dito, ay kaabibat ang aking mga kaibigan. Ngunit, aking itatala ang tatlo sa hindi ko malilimutang ekspiryens. Huli ko mang sinubok ang Alcatraz, ay masasabi kong kaunahan ito sa aking itatala hindi lamang sa'yo, kundi pati na rin sa mga taong magtatanong kung naranasan ko na ba ang bagsik ng lugar na ito. Kasama ang ilang guro at ang mga minimahal kong kabata, nag simula ang kaba namin sa pag bili ng tikets, "Oh kay dami namin, malaki siguro ang sahod ng mga mananakot na ito" nakatutuwang salita sa isip ko. Nang pumasok kami, nababalot ang lugar ng usok, madilim dito, ngunit hindi iyon nagging dahilan upang mawalay kami sa isa't-isa. Base sa bilis ng paglalakad ng tatlong guro sa aking harapan, ay mukhang nagagalak na silang matapos ito at makalabas. Sa mga pagkakataon iyon, may mga naganap na takbuhan, tulakan, sigawan, at takutan, naipit pa nga ako sa isang sulok dahil sa gulat ng mga nauuna sa akin, ngunit sa kabila ng lahat na ito, nagkaroon ako ng 'di malilimutang halakhakan kaakibat ang mga taong hindi ko inaakalang makakasama ko.
Habang ako ay nasa pila ng Vikings, ang aking puso ay nagugulumihanan sa kaba. Ngunit sa sandaling ito ay hindi ko napigilang hindi magtungo sa aming patutunguhan. Sa aking pag-upo dito, ang kaba ay unti-unting napalitan ng kasiyahan. Sa isang arko, pumatak ang kalembang at dumaus-os ang aking katawan nang mag simulang umandar ang makinang kay kalawang. Karamiha'y kinabahan, nagsimulang sumigaw at kumapit sa bisig ng mga taong hindi pamilyar sa sinasakyan. Ako'y nasa dulo ng barko, at sa bawat pag-hagis nito sa ere, tila bumabalik ako sa aking kabataan. Ang bawat sigaw at hiyaw ay nagpaparamdam ng kasiyahan at ligaya. Hindi maikakailang nagkaroon ako ng hindi malilimutang ala-ala, lalo na't ang karanasang ito ay tumatak sa'kin nang kasama ang aking mga minamahal na kaibigan at guro.
Hindi nagtagal, sinubukan din namin ang Drop Tower, ang kaba sa aking sistema ay hindi mawari. Tila lumilipad ang aking puso, sa pagpatak ng bawat segundo ay para bang bumibilis ang pag-akyat nito sa pinaka taas. Nang makarating kami sa tuktok, aking nakita ang kay gandang tanawin. Ang araw na kay pula, ay umaaktong dilim sa pag-bulag nito sa akin. Kinuha ko ang huling hininga bago pag handaan ang pag-patak nito, nadama ko ang lamig ng aking mga kamay at ng nanginginig kong mga paa. Ang aking puso ay nanlalamig sa takot nang biglang bumagsak ito, pinakawalan ko ang sigaw na matagal ko nang tinatago mula sa linya, hanggang sa pag upo ko sa aking kinalagyan. Sa muli kong pag tapak sa maduming sahig, at sa pg alis ko sa aming sinasakyan, ang kaba ay naglaho na, at ang kaisipang ako'y lumilipad sa mga segundong iyon ay nananatili sa aking puso hanggang sa pagkakataong ito.
Kung inyong tutuklasin, maaring makita ninyo ang ilang letrato na mukhang pitik mula sa digital na kamera. Ito, ay ang mga bakas na naroroon ako, na kabilang din ako sa mga nag hintay upang humantong kami sa huling destinasyon ng edukasyonal na paglalakbay, at higit sa lahat, na ako ang kanilang pang-samantalang retratista sa mga momentong sila ay nakangiti. Sa mga letratong iyon, nabubuhay kong muli ang mga ala-alang tatatag hindi lamang sa kanila at sa'king isip, kundi pati na rin sa iyo, na aking mambabasa. Pinag sisisihan kong hindi ako nahagip sa mga letratong nakakagalak na balikan, upang mahinuha ang panahon, oras, at pangyayari sa mga sandaling iyon. Ngunit, hindi ko kailanmang ikakaila na ipinagmamalaki ko ang aking sarili sa pagkuha ng ilang letratong tiyak na nakapag pasaya sa mga grupo at tao na aking pinitikan.
Alas otso na, lumipas na ang oras mula nang ang araw ay mamahinga, sumapit ang gabing napupuno ng malamig na simoy ng hangin. Narinig ko ang mga tawang nanggagaling sa aking mga kaklase habang naglalakad kami palabas; kwento mula sa mga unang rides na kanilang sinakyan at kung paano sila nagkaron ng tila masaya sabay ang nakakatakot na eskpiryens na mga sandali sa katirikan ng araw. Sa huli kong pag sulyap sa lugar na iyon, naalala ko ang hindi lamang kami nag-saya, bumalik din sa aking sistema ang pagod, init, at inip na niranas ko sa paglalakad, pag-hahanap sa aking mga kaibigan at kaklase, pati na rin ang paghihintay sa linya ng bawat rides sinakyan namin, na para bang walang katapusan ang haba. Ngunit sa kabila ng lahat ng nito, ang aking puso ay napuno ng kasiyahan at pasasalamat, nagbukas para sa akin ang pinto patungo sa isang kakaibang karanasan,at ang karanasang iyon ay hindi lamang simpleng paglibot sa isang pook libangan, kundi isang paglalakbay sa mga ala-alang mabaon man sa nakaraan, ay hinding hindi malilimutan ng aking isipan.
 
Aking mga kabata, at ikaw, na patuloy ang pag-basa sa sanaysay ng aking lakbay, nais kong malaman mo na babalik at babalikan ko ito. Kahit ilang beses pa, sa iba’t ibang oras, pahanon, o sa susunod na habang buhay, hihilingin ko na muling maranasan ang pinaka unang pagkakataon na tumapak ako sa lugar na iyon. Ito ay isa pa lamang, isang mata pa lamang na nagtatala ng kuwento tungkol sa mga pangyayari na sila naman ang nakaranas. Maaaring sa kanilang sanaysay, iba naman, iba namang pangyayari at emosyon ang naisulat sa takdang ito. Ngunit hanggang dito na lamang tayo, dito na magtatapos ang tala ng aking mga munting pangamba at karanasan.
 
Ako muli, ang inyong pang-samantalang retratista.
3 notes · View notes
bimbelstpnjogja · 2 months ago
Text
0852-8201-0102 (JAMINAN LULUS), Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Gunung Larang Hubungi kami https://wa.link/dqvjmy , Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Gunung Larang, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Lembursitu, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Gempolsongo, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Jleper, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Mlaten, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Ngegot, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Ngelo Kulon, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Ngelo Wetan, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Pecuk Raih Mimpi Anda Menjadi Abdi Negara dengan Bimbel Putra Bangsa! Pusat Bimbingan Belajar STPN CPNS PPPK Terpercaya di Depok Ingin menjadi PNS atau PPPK di Sekolah Tinggi Pertanahan Nasional (STPN)? Bingung mencari bimbingan belajar yang tepat? Bimbel Putra Bangsa hadir sebagai solusi terbaik untuk Anda! Mengapa Memilih Bimbel Putra Bangsa? � Garansi Lulus: Kami yakin dengan metode pengajaran kami dan memberikan garansi lulus bagi Anda. � Mentor Berpengalaman: Tim pengajar kami terdiri dari para profesional yang berpengalaman dan berdedikasi tinggi. � Gratis Mengulang Materi: Anda bebas mengulang materi pembelajaran sampai benar-benar paham tanpa biaya tambahan. � Fasilitas Lengkap: Kami menyediakan berbagai fasilitas penunjang belajar yang nyaman dan kondusif. � Lokasi Strategis: Bimbel Putra Bangsa mudah dijangkau dengan berbagai moda transportasi. Hubungi Kami Sekarang! Telepon: 0852-8201-0102 Website: https://bimbelputrabangsa.com Jangan Lewatkan Kesempatan Ini! Daftar Segera di Bimbel Putra Bangsa dan Wujudkan Mimpi Anda Menjadi Abdi Negara! BONUS: � Dapatkan diskon spesial untuk pendaftaran di bulan ini! � Konsultasi gratis dengan tim kami untuk mengetahui program bimbingan yang sesuai dengan kebutuhan Anda. Bimbel Putra Bangsa – Solusi Tepat untuk Masa Depan Gemilang Anda! #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026GunungLarang, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Lembursitu, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Gempolsongo, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Jleper, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Mlaten, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Ngegot, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026NgeloKulon, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026NgeloWetan, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Pecuk
0 notes
bimbelcpnskedokteran2025 · 3 months ago
Text
PASTI LULUS 0852-8201-0102 Jasa Pelatihan Les STPN CPNS 2025. Bangka Barat Jogja Bimbel Putra Bangsa
Tumblr media
0852-8201-0102 (JAMINAN LULUS), Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Gunung Larang
Hubungi kami https://wa.link/dqvjmy , Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Gunung Larang, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Lembursitu, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Gempolsongo, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Jleper, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Mlaten, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Ngegot, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Ngelo Kulon, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Ngelo Wetan, Tempat Bimbel STPN CPNS PPPK 2025-2026 Pecuk
Raih Mimpi Anda Menjadi Abdi Negara dengan Bimbel Putra Bangsa!
Pusat Bimbingan Belajar STPN CPNS PPPK Terpercaya di Depok
Ingin menjadi PNS atau PPPK di Sekolah Tinggi Pertanahan Nasional (STPN)? Bingung mencari bimbingan belajar yang tepat? Bimbel Putra Bangsa hadir sebagai solusi terbaik untuk Anda!
Mengapa Memilih Bimbel Putra Bangsa?
� Garansi Lulus: Kami yakin dengan metode pengajaran kami dan memberikan garansi lulus bagi Anda.
� Mentor Berpengalaman: Tim pengajar kami terdiri dari para profesional yang berpengalaman dan berdedikasi tinggi.
� Gratis Mengulang Materi: Anda bebas mengulang materi pembelajaran sampai benar-benar paham tanpa biaya tambahan.
� Fasilitas Lengkap: Kami menyediakan berbagai fasilitas penunjang belajar yang nyaman dan kondusif.
� Lokasi Strategis: Bimbel Putra Bangsa mudah dijangkau dengan berbagai moda transportasi.
Hubungi Kami Sekarang!
Telepon: 0852-8201-0102
Website: https://bimbelputrabangsa.com
Jangan Lewatkan Kesempatan Ini!
Daftar Segera di Bimbel Putra Bangsa dan Wujudkan Mimpi Anda Menjadi Abdi Negara!
BONUS:
� Dapatkan diskon spesial untuk pendaftaran di bulan ini!
� Konsultasi gratis dengan tim kami untuk mengetahui program bimbingan yang sesuai dengan kebutuhan Anda.
Bimbel Putra Bangsa - Solusi Tepat untuk Masa Depan Gemilang Anda!
#TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026GunungLarang, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Lembursitu, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Gempolsongo, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Jleper, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Mlaten, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Ngegot, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026NgeloKulon, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026NgeloWetan, #TempatBimbelSTPNCPNSPPPK2025-2026Pecuk
0 notes
irfan-bukhori · 4 months ago
Text
0 notes
jobisaac · 6 months ago
Text
"Lakbay-Aral na tumatak sa aking isipan"
Sa bawat destinasyon, mayroong mga aral na nag-aabang na ating tuklasin at pag-aralan. Sa bawat kalye na tatahakin, mayroong kwento at kaugnayan sa kultura na ating susuungin. Sa bawat talaan at palatandaan, mayroong kaalaman na naghihintay na ating saliksikin at unawain.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nais kong magpasalamat sa pagkakataon na makapaglakbay kasama kayo. Ang makasama kayo sa aking tabi ay nagdagdag ng kulay at saya sa bawat sandali ng ating paglalakbay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa bawat tanawin na ating pinuntahan at bawat karanasang pinagsaluhan, lalo ko naramdaman ang halaga ng ating pagkakaibigan. Ang mga kwentuhan, tawanan, at mga bagong kaalaman na ating natutunan ay hindi lamang nagbigay sa atin ng mga alaala kundi pati na rin nagpalakas sa ating samahan.
Tumblr media Tumblr media
Salamat sa iyong pagsama sa mga oras na puno ng pagtuklas at pakikipagsapalaran. Nawa'y patuloy tayong magtagumpay sa mga susunod pang paglalakbay, anuman ang hatid ng bukas.
3 notes · View notes
nandneeeeeee · 5 months ago
Text
Tumblr media
Experience the Stunning Larang Viewpoint in Meghalaya: Top Picnic and Adventure Destination
Discover Larang Viewpoint in Meghalaya, a gem offering panoramic views and serene picnic spots perfect for nature lovers. Nestled amidst lush greenery, this destination provides a perfect blend of relaxation and adventure. Enjoy activities like hiking and photography, and immerse yourself in the breathtaking beauty of the landscape. Plan your visit with our comprehensive travel guide, ensuring you make the most of your trip to this stunning viewpoint in Meghalaya.
0 notes
bantennewscoid-blog · 5 months ago
Text
Kehangatan Suasana Halal Bi Halal PSL Banten Korwil Tangerang
TANGERANG – Paguyuban Sumedag Larang (PSL) Banten Koordinator Wilayah (Korwil) Tangerang menggelar acara halal bi halal 1445 Hijriah, di Cafe Adisty Jl. Kampung Teureup Pasar Kemis Kabupaten Tangerang, Minggu (2/6/2024). Hadir dalam kesempatan tersebut Pupuhu Ketua Umum PSL Banten, Dudung Permana, Pupuhu PSL Banten Korwil Tangerang Rahmatullah. Halal bihalal dihadiri ratusan warga Tangerang Raya…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
raicazandrece · 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Boses ng Kaligayahan: Paglalakbay sa Mundo ng Musika
Ang paglalakbay kasama ang mga kaibigan at girlfriend ko ay isa sa mga pinakamasarap na karanasan sa buhay ko. Noong nakaraang taon ng 2023 nagkaroon kami ng pagkakataong magpunta sa Clark,Pampanga kung saan nag-enjoy kami sa pagsasama-sama at pagkikinig sa mga favorite naming mga sikat na music artist. Sa aming paglalakbay tungo sa inaasam-asam na concert, hindi lamang basta paglalakbay ang nangyari kundi isang makabuluhan at kakaibang karanasan na nagsilbing hugis sa aming pagkakaibigan at pagkakaisa.
Bilang isang grupo ng mga kaibigan na matagal nang nagkakasama, ang pagtahak namin sa landas patungo sa venue ay puno ng tawanan, kwentuhan, at halakhak. Bawat hakbang na aming tinatahak ay nagbibigay inspirasyon sa isa't isa, nagpapakita ng kahalagahan ng samahan at pagtitiwala sa bawat isa.
Sa aming pagdating sa lugar, ang paligid ay umuusok sa kakaibang halo ng kasiyahan at excitement. Kasabay ng aming pagtungo sa loob, ang aming mga puso ay umaatungal sa sigaw ng kasiyahan, hindi makapaniwala na sa wakas, makikita na namin nang personal ang aming mga favorite at crush naming mga music artist.
Ang bawat sandali sa loob ng venue ay nagdala ng maraming emosyon at damdamin. Mula sa amoy ng popcorn na nagpapainit sa aming mga damdamin hanggang sa kakaibang sigaw ng mga kapwa tagahanga, ang bawat pangyayari ay nagpapalakas sa aming pagkakaibigan at pagkakaisa.
At nang simulan ang palabas, ang aming mga mata ay namangha sa kagandahan ng entablado at ang aming mga puso ay sumabay sa ritmo ng bawat tugtog at awit. Sa bawat kanta, tila ba ang oras ay huminto at ang mundo ay umiikot lamang sa entablado, sa bawat galaw at tinig ng mga musikero. Sa huling part BEN&BEN ang nag perform at dahil sila nga ang huli may pa fireworks silang eksena, btw sila talaga ang pinunta ko ron dahil fan na fan nila ako at sa pag kakaalala ko mangiyak-ngiyak ako nga kantahin na nila yung mga favorite songs ko huhu literal na top tier kayo ben&ben labyuu NWHSHAHAHAHAHA
Sa pagtatapos ng concert, ang aming mga ngiti ay hanggang tenga, at ang aming mga puso ay puno ng pasasalamat at kasiyahan. Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang simpleng pagtahak sa isang lugar, kundi isang paglalakbay ng damdamin at karanasan, na nagbuklod sa aming mga puso at nagpalakas sa aming pagkakaibigan at pagkakaisa. ETO ANG HINDI KO MAKAKALIMUTAN NA ALALA SA PAMPANGA AT HANGGANG NGAYON AT BINABAON KO ANG LAHAT NG EXPERIENCE KO RITO.
3 notes · View notes
iinoyumei · 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Naririto ang ilang litrato ng aming pag diriwang ng Christmas party sa Our Lady Of Peace Academy. Nagkaroon kami ng tema na sadya namang kinaaliwan ng lahat. Nag pasiya ang mga lalaki sa pamamagitan ng pagparada ng nakakasiyang tugtog.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ito naman ang mga litrato sa loob ng aming paaaralan mula sa hallway hanggang sa loob ng campus.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang mga larawan at tao na ito ay nag bibigay kulay sa aking karanasan sa paaralang ito. Mas lalo kong na-enjoy ang pag aaral at mga gawain kasama sila. Masasabi kong isa sila sa mga dahilan kung bakit ako ngumingiti sa araw araw.
0 notes
genesislouise · 6 months ago
Text
Maari pa bang balikan?
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa gitna ng mga alaala, may mga sandaling hindi nasusukat ang litrato. Nariyan ang mga kuwento na nananatiling buhay sa puso't isipan ko, kahit walang maayos na larawan upang ito'y patunayan dahil sa katagalan, ngayon ay masaya kong ikwekwento ang mga naging karanasan ko sa pagbisita namin sa Pasig Manila noong Hulyo 22, 2017, upang sopresahin ang isa sa aming minamahal na Lola na kapatid ng aking lolo, hindi lamang mga litarto ang bumabalik sa akin kundi ang mga masasayang alaala na hindi maipapantay ng anumang litrato.💚💚💚
Tumblr media
Ang araw na iyon ay puno ng kasiyahan, tawanan, at pagmamahalan. Hindi man nasungkit ang mga litrato na buo kaming magkakasama, ngunit ang bawat ngiti at yakap ay nananatili sa akin, nagbibigay ng init sa puso sa tuwing aking naaalaala. Sapagkat ang pangyayaring ito ay hindi plinano at pawang biglaan lamang upang sopresahin ang kaarawan ng isa sa kapatid ng aking lolo. Walang kaalam-alam ang lola namin sa aming pag dating, tanda kopa noon na alas kwatro ng madaling araw kami umalis at inabot kami ng dalawang van upang magkasya, sa byahe palamang ay hindi na makaugaga ang lahat sapagkat ang mga pangyayaring ito ay minsanan lamang. Tila ang mga taong probinsya ay manghangmangha sa mga nagtataasang gusali at panibagong tanawin. At pagdating naming sa aming tutuluyan ay tanda ko din noon na nagtago kaming lahat sa isang silid upang sa pagpasok sa kwarto ng hotel ng aming lola ay hindi agad kami matunton. At sa pag iintay ng limang minuto ay sabay-sabay kaming lumabas upang supresahin ang lola namin. Ang kanyang reaksiyon, isang kombinasyon ng pagkagulat at kasiyahan, na nagdulot ng ligaya sa aking puso. Ang kanyang mga mata, puno ng luha ng kasiyahan, ay hindi kailanman makakalimutan. Sa sandaling iyon, lalo pa at kasama ang mga kapatid niya na minsan nya lang makapiling. Napuno ang silid ng kasiyahan at paghuhuntahan kasabay ng aming pagkain sa mga pagkaing nakahain. Ang pangyayaring ito ay napakahalaga sa akin sapagkat, nagsilbi itong mini reunion ng aming angkan, nakilala ang mga pinsan na naninirahan sa lungsod, naipasyal sa lugar na tila walang kaide ideya. Walang bakas ng kapagudan ang makikita sa aming mga mukha at mula na nangyari ito ay minsanan na muli ito nangyari sapagkat sa mga busy schedule.💕💕💕
Tumblr media Tumblr media
At sa bawat paglipas ng araw, ang alaala ng pagbisita na iyon ay mananatili sa akin bilang isang gabay at inspirasyon sa aking mga paglalakbay sa hinaharap. Ang pagmamahal at pagkakaisa na naranasan namin sa Maynila ay hindi lamang isang simula, kundi isang patuloy na paglalakbay sa pagtuklas ng kahalagahan ng mga bagay na tunay at mahalaga sa buhay. Pagpapahalaga sa pamilya ay naging aral din saakin.💛💛💛
0 notes