#laban sa lamig HEHEE
Explore tagged Tumblr posts
innosen · 3 years ago
Text
Tumblr media
chihiro when with the akaashi household 📚👓
@taskfocused​
3 notes · View notes
binibini-sa-mrt · 3 years ago
Text
When in Batangas
Monday— 07.05.2021
pagkagising ko, akala ko madilim na naman ang langit tulad nung nakaraang araw. sabi ko kasi sa pinsan ko, di talaga ako uuwi hangga't umuulan pa, hassle kasi byahe lang naman ako. good thing, di ganun kadilim, sakto lang, lol. nag-ready na ko ng mga gamit na dadalhin ko.
kasama ko nanay ko papunta sa terminal dahil makikipagkita rin sya sa tatay ko that time, may sasaglitin sila. wala pang bus nung makarating kami don kaya naghintay pa kami. isinakay lang ako nila ako at umalis na rin sila. (not my first time na uuwi ng batangas mag-isa, already did that years ago for educational purposes. guided din naman ako ng parents ko since sa bus company na yon nagwowork tatay ko)
wala akong sinabihan except sa pinsan kong malapit sa age ko na uuwi ako, surprise kako kasi ang plano ko. lagi kasing pag pupunta ako don, maghapon lang or ilang oras lang ay uwi na rin agad. pinagdala rin ako ng pinsan ko ng madaming damit, para sure na dun ako tutulog hahahaha eh hindi nya alam, ganun naman talaga gagawin ko, sinabi ko lang sa kanya na uuwi lang ako para dumalaw sa lolo/tatay.
pagkadating ko don, nagsigawan sila sa gulat at tuwa hahahaha lol these kids, napakalalambing naman sadya!! 🥰 ramdam na ramdam ko pagka-miss sakin eh, hindi na ko nilayuan pagkadating ko. gulat din mga tita ko, pati ang inay hahahaha napatanong na lang bigla ng, "bakit ka nandito? sino kasama mo? nasan si mame?" hahahahahaha (side ng nanay ko yung nasa batangas).
kulimlim pa rin nung mga oras na yon, nag-lunch agad ako pagkadating dahil saktong kakain na rin yung mga tita ko. mag-12 na rin ako nakarating eh, pero saglit lang ako sa byahe, nagtagal lang ako sa paghihintay ng bus.
nung hapon na yon, pupunta na kami ng sementeryo. kami lang dapat dalawa ng pinsan ko, kaso ayaw pumayag ng nanay ko dahil malayo-layo sa kanto yung place ng lolo/tatay ko, pa-dulo pa at madilim din talaga sa pwesto na yon. buti dumating agad tito namin at sinamahan kami, nag-stay rin siguro kami for 30 minutes. hay, that time, habang nasa harap ko puntod ng lolo/tatay ko, hindi pa rin ako makapaniwala na nandon na sya.. ayaw pa rin mag-sink in. lagpas 1 year na pero sobrang fresh pa rin para sakin, sakit pa rin isipin. kahit ngayon, dito sa bahay, pag bigla-bigla ko syang naiisip, naluluha ako kahit na happy memories naman inaalala ko. siguro kasi... alam kong di na mauulit yon.
after sa sementeryo, nagpunta naman kami ng pinsan ko sa grocery store malapit lang din samin, may binili lang kami para sa inay at pasalubong para sa mga bata. naghanap kami ng pwedeng kainan saglit ng meryenda, lol. dapat sa 7/11 lang kami eh, kaso walang ice cream tas wala rin tinapay dun sa hotdog hahahahaha edi yon, hanap kami angel's burger, nang makarating kami don sa sinasabi ng pinsan ko na angel's burger daw, minute burger na pala!!! hahahahahaha palibhasa, hindi lagi lumalabas ng bahay eh, last year pa pala yung angel's burger na alam nyang nakapwesto don amp hahahaha aliw naman kami sa pagkain ng burger kahit papano, masarap naman hehe tas tawanan pa kami kasi kung ano-anong price andon, iba't-iba price sa bawat tarpaulin hahahaha lol
nung mag-gabi na, nag-movie marathon kaming magpipinsan. mga kasama ko sa panonood ng horror, mga 5 years old, 7 years old, dalawang 11 years old, at isang 16 years old hahahaha ateng-ate ako pero ako yung todo takip ng buhok sa mukha dahil sa takot, looool >.<
almost 1 am na kami halos nagsipasok sa mga kwarto, grabe rin pala sa puyatan mga yon eh hahahahahaha yung isa, papikit-pikit na pero laban pa rin, nakahiga na sa hita ko eh ayaw pa rin umuwi, tatapusin daw hahahahahaha cutie, lalambing sadya.
as usual, hindi ako agad nakatulog that night. hirap talaga ako makatulog don pag di ko kasama kapatid at nanay ko eh. tsaka pag wala akong yakap na unan, hindi talaga ako nakakatulog nang maayos. kinuha ko tuloy yung nasa ulo ko, hinayaan ko nalang na medyo mababa yung nag-iisang unan na hihigaan ko. ang lamig-lamig don, ayos din naman ang tulog ko at maganda rin yung fabric nung kumot.
Tuesday— 07.06.2021
hindi ganun kaaga ang gising ko, gulat din ako eh, lol. sobrang layo sa normal kong gising pag nandun ako. noon kasi, bandang 6 am, nagsisimula na ako maalimpungatan. tas that day, 8:30 na, hindi pa ko mismo mumumulat hahahahaha puyat na puyat, siz??? hahahahaha enjoy naman din talaga nung gabi dahil sa mga bata, kaya ayon, halos sabay-sabay lang din kami nagising.
uuwi na sana ako ng araw na 'to, kaso... malakas ata ang bulong ng mga bata kong pinsan, kumulog at umambon-ambon habang naliligo ako, loooool >.< ayaw pa kasi nila ako pauwiin, bukas nalang daw at pahihiramin nalang ako ng damit hahahahaha ayon, hindi na nga talaga ako nakauwi kahit na paglabas ko ng cr eh suot ko na pang-uwi kong top, amp hahahaha
nag-request pinsan kong bata ng pizza, sa arte naman talaga!! hahahahaha napilitan kaming lumabas ng tita ko para bumili. 3 boxes binili namin, nag-ambag din ako na pang-isang box, tas yung isa, inambagan din ng isa kong pinsan na bumisita rin pero pauwi na. pag-uwi namin, jusko, pagka-painit na pagka-painit, umupo nalang sila sa dining table at kumain nang kumain hahahaha ang tatakaw :(
habang nanonood ako ng stream ng lowkey crush kong ml player, looool, sinusuklayan ako ng dalawa kong pinsan na bata. isang 5 years old at 7 years old, tig-isa pa ng suklay at ayaw pumayag na may malalamangan sa buhok ko hahahahaha nakaupo ako sa sofa, at sila, nasa magkabilang side ko, kagulo sa buhok ko. yung isa, smooth lang pagsuklay sakin. yung isa naman, habang tumatagal, nagbubuhol buhok ko hahahahahahahaha kung di lang cute yung batang yon, nako!! hahahahaha
bandang 5 pm, nag-decide ako na sumaglit sa kabilang bahay ng mga kamag-anak namin sa side ng nanay ko. bumisita ako sa mga pinsan ng nanay ko na dalaga rin, early and late 20's, ganon. sakto naman na pagdating ko don eh nagkukwentuhan lang sila. andon din yung dalawang cute na bata na malambing pero mahiyain pag unang beses ako nakikita hahahahaha maya-maya pa tsaka mag-aapproach sayo, shy type cutie hahahahahaha nagkayayaan din sila bago ako umuwi na mag-mcdo daw. hindi na sana ako sasama kasi nahihiya rin talaga ako, pero pinilit ako ni ate k at ayon, naaliw naman ako at gusto ko rin talaga ang mga trip nila na yon. sobrang biglaan, ang saya. nasa likod kami, kasama ko yung dalawang batang lalaki, 7 at 11 years old. parehas malambing, kaya panay kwentuhan lang kami hahahahaha cucuteeee!!! 🥺❤️
habang nasa mcdo kami, biglang nag-chat ang inay (lola) sa gc ng fam namin sa side ng mga nanay ko. yung mga kasama ko sa mcdo ay nandun din mismo sa gc na yon. hinahanap na daw ako ng inay sabi ni ate n hahahahahaha hindi nya pala alam na nakalayas na kami, pinapauwi na ako at kakain na daw hahahaha wala kasi akong phone, pinasabi ko nalang kay ate l bago kami umalis na mag-chat sa nanay ko (mame ko mismo), akala ko naman sasabihin nya sa inay (lola) hahahaha hindi nya pala sinabi!! hahahahahaha edi ayon, mukha nga talaga kaming takas
pagkauwi, kumain kami ng barbecue, dinner. tapos na sila kaya kami nalang dalawa ng pinsan ko yung kumain. pero kasama pa rin namin sila sa kusina.
last night ko na at tumambay muna ako sa mga tita ko. nagpaprint pa ako ng kung ano-anong files para sa lakad ko kinabukasan sa school. nakipagkulitan muna ako sa mga pinsan ko habang di pa ako inaantok. sinusulit ko na dahil kinabukasan ay maaga ako aalis.
Wednesday— 07.07.2021
maaga akong gumising, 6:45 am. kumuha na ako agad ng mga gamit at dumiretso sa cr para magsabit na don sa tabi ng mga susuotin ko. bago ako tuluyan makapasok ulit ng cr, pinagkape muna ako ng inay. kakain sana ako ng tinapay kaso baka kung ano lang ma-feel ko sa byahe kaya nagkape nalang ako.
sumaglit ulit ako sa mga tita ko pagkaayos ko sa sarili ko. di ko napigilan sarili ko kumain ng pan cake hahahaha 2 lang naman. pinabaunan nya ko ng candy. para daw sa byahe, baka daw magutom ako eh. lahat halos sa bahay ng mga tita kong yon, malambing, maalaga. hay, kakatuwa.
bago ako umalis, nagpaalam ako sa mga pinsan kong bata. ang lulungkot ng mga mukha!! hahahaha cucute, di pa ako umaalis eh tinatanong na agad kailan ulit uwi ko eh hahahahaha sabi ko ay baka matagalan pa ulit dahil di rin ako pwede basta umalis ng bahay dahil may mga gawain din na para sakin eh
hinatid ako ng tito ko sa sakayan. akala ko pagkapasok ko ng jeep, umuwi na talaga sya. pagkalingon ko sa dulo ng jeep, sa labas, andon sya sa medyo malayo, nakatingin sa jeep kung saan ako nakasakay, inaantay na makaalis ako, haaaay <3 nakakatuwa lang talaga. lahat.
itong mga araw na 'to, talagang natuwa ako. kahit wala akong phone, hindi alintana. hindi ko nga na-feel na wala akong phone eh. pag naman din umuuwi ako sa batangas, hindi rin ako ganun nagpphone talaga eh, busy ako makipag-interact sa mga pinsan ko. since panganay nga ako saming magpipinsan, at sobrang dalang ko rin umuwi don, talagang usap, laro, kulitan, tawanan, asaran lang kami. hindi nagbabago closeness namin kahit gaano ako katagal di umuuwi don. excited na ako na lumaki ang mga yon at makasama ko na rin talaga sa mga lakad ko. pero at the same time, natatakot din. baka kasi mawala ang lambing nila sakin, lol. masyado ko siguro dinadamdam pagiging ate sa kanila. sobrang love ko kasi talaga mga bata eh, from ages 1 - 12 years old, mga nakakasundo ko talaga. siguro kasi ate talaga ako dito sa pamilya namin kaya ganon. dati, ayoko na ako yung panganay eh, sa totoo lang. pero simula nung naging dalaga na ako at may responsibilities na ako na ginagawa as an ate, naaappreciate ko na rin talaga yung sarili ko, yung ako mismo, bilang nakakatandang kapatid. marami rin kasi talagang natututunan pag panganay. totoong nakakapagod, pero kung talagang naipapasa mo mga natututunan mo sa buhay sa mga mas bata sayo, worth it. lalo pag ginagawa rin nila, at alam mong tama na matutunan nila yon :>
wala akong picture, lol :( wala kasi akong phone na dala, hindi ko tuloy nakuhanan moments namin ng mga bata. ganun pa naman namimiss ko lagi.
1 note · View note
nothin---g · 8 years ago
Text
January 28 2017
Simula ngayon magbabanggit na ako ng mga codename ng mga friends ko ang hirap magsabi ng kuya boy ate girl firned 1 friend 2 hay.
Pabirong beastmode kami kay airport paano ba naman 30 minutes late!!! Eh babyahe pa kami so baka hindi na kami mahintay nung sasakyan na nagoffer sa’min at nakakahiya din syempre.
Sobrang traffic na tipong naiihi na ako :-) Dun pa naman sa kitaan namin walang cr so syempre panic!!! Sabi ko baba kami sa may *toot* eh malayo layo pa naman cr don bes running man kami!!!
Tawang tawa ako sa tanong ni airport sa’min “Bakit nasa pwetan na yung mga bag niyo?“ hahahahahaha sorry drawstring po eh hehe.
Dun sa may dinaanan namin may hugis hotdog daw na aso sabay nakakita si cap ng ahas sabi ba naman zoo na daw tong napuntahan namin hahaha.
Ang daming tawa sa loob ng sasakyan mga 100x wow what basta ayon kasi ba naman ang daming question ni airport yung mga tanong na sasakit yung ulo mo ganon. Naglaro din pala kami nung 2 4 6 tapos hindi makasabay si white rabbit sabi sa kanya ni wax “WR okay lang yan okay lang yan“ sabay pinapatpat yung head niya basta funny.
Nakakatawa din yung nag laban kami yung sa kanta dugtungan ganon nakakatawa si airport kasi yung lyrics na alam niya ay say don sa marry your daughter eh dapat sir yon hahahahaha.
Yung tito din pala ni wax na nagddrive nung kotse paano ba naman nagtatanong siya kung bakit namin pupuntahan bahay ni rizal sabay hindi siya pinansin ni wax kami pa namang mga tao sa likod pasagot na.
Nakakatawa si ida ng tropa kasi may hindi kami kilala don na akala niya tropa tapos nagpipicture eh hindi maganda lighting so dapat tuturuan niya ng anggulo tsaka niya narealize na hindi pala namin yon kilala.
Muntik na pong mahulog ang dslr!!!!!!!!
Nilista namin yung mga pangalan namin sa guest kasi sa wakas napuntahan na namin ang BNR :”““>
Walang kasawaang KFC.
Ang 23 pesos na picture namin na sobrang cheap sa background at 100 kada picture na soft copy so ninja kami nung iniwan kami pinicture-an namin yun hihi.
Sinampal ko ng 2 beses yung sarili ko sa sinehan kasi muntik nakong makatulog sa split dahil bukod sa puyat ako puro saita ang movie. Gusto ko action huhu.
Walang gustong tumabi kay airport kasi madami siyang tanong pag nanunuod ng movie.
Nung uwian na super tagaytay feels ng hangin, ang lamig ang sarap sa pakiramdam oh em at dito na nagtatapos kwento ko at gala namin :--)
5 notes · View notes
pauw3r · 5 years ago
Text
Life of a Hacker - EP 5
Warning : This is a work of fiction(?). Byproduct of imagination(?). Any resemblance to any events, names, places, products are coincidence maybe? All of the Products mentioned are copyrighted to all of their perspective owners. No Copyright infrigement intended. Fair Use Policy will apply.
Paalala : Lahat ito ay gawa-gawa lang at produkto ng katang isip. Lahat ng nabanggit na pangalan, lugar, produkto, at kaganapan ay hindi sinasadya at nag kataon nga lang ba?
Life of a Hacker™ All Rights Reserved 2020® Copyright only belongs to Hikari_dot
Eto namang parte ng istorya na to eh tatalakay sa mga POGO. Philippine Off-Shore Gaming Operation. HAHAHA. Oyyyy baka naman ma demanda na ko dito sa ganito? Maselan kase talaga tong kwento dito. Hindi ko nga alam kung magiging libro to pero wala naman masamang sumubok. Prostitution? Illegal Gambling? Money Laundrying? WePay Transfers? WeChat Frauds? Diba madalas sa mga "Illegal" na POGO na nahuhuli na na me-media e sobrang daming Cellphones at Laptop? Kadalasan din nasa mahigit 200 units ng gadgets ang na coconfiscate ng NBI sakanila? Hindi ba kayo nag tataka? Money Laundry ng harapan mga Hijo at Hija na nag babasa nito. CyberCrime ba na matuturing yon? Hindi ko din alam kasi hindi naman ako magaling pag dating sa mga batas batas natin dito sa pinas dahil wala akong pake. Ang alam ko lang kapag nahuli ka ng Drugs ang kaso mo tapos 0.01 Gram ng Shabu ang nakuha sa Suspect? Nag hahabol lang ng quota ang mga parak na yan. Pahinga muna ang kawawang "nausukan". Termino ng mga ka-kosa na "nahuli". Sila ung mga na bilanggo na dati na nag bagong buhay. Nausukan ang termino nila kasi aminado naman silang adik sila sa shabu DATI pero dahil nga naka record na mga pangalan, muka, fingerprints, at address nila sa mga parak, huhulihin ulit sila saka lalagyan ng droga sa bulsa. Isa si Mang "Nestor" sa nakilala ko sa loob ng kulungan. Gago, natawa ko sa ebidensya laban sakanya ng mga parak. CCTV Footage pero putangnang napaka dilim. Ung halos wala ka naman makita sa mga picture ng aktuwal na "Buy Bust" pero makikita mo lang don ung bracelet nila na isusuot pa nila sayo! Malamig yon kasing lamig ng EX mo sayo HAHAHAHA. 4.1 Grams ang "nakuha" kay Mang "Nestor" sa halagang dalawang daang piso. Ako tong si gago nag tanong tanong sa mga tulak talaga sa loob at sinabi nila na ang presyo ng isang gramo o isang "bulto" kung tawagin nila e nasa limang libo. Dibale nang may masirang buhay ang mga parak na to wag lang silang hindi maka qouta dahil sa war on drugs ni piduts.Si Mang "Nestor"? Naka laya na siya last February 2020 gamit ang Probation as mode of release. Nahatulan siya ng 4 Years, 10 Months and 1 Day sa kaso niya, tumagal siya sa loob ng 1 Year 2 Months and 2 weeeks. Ung 1 day na yan pwedeng maging SOMEDAY. Kasi hindi mo alam kung kelan ka talaga makaka labas HAHAHA.
Balik tayo sa POGO, talamak talaga ang prostitusyon don. Japanese, Chinese, Vietnamese, Thailander, Taiwanese, Philippines, lahat ng may NIS sa dulong lahi nandon. Sa POGO din ako naka tikim ng Koryana. Magkano? Beinte Mil isang buong gabi. Dose oras mo pag sawaan. Bahala ka na kung ano gagawin mo sakanya. Kainin mo o kakainin ka, pero syempre kakain pa din kayo ng pagkain talaga kasi dose oras yon. Alangan naman puro kayo na lang magkainang dalawa hehe! Malilinis ang mga Prosti sa POGO. Hindi ako nagkasakit e HAHAHA. OO walang condom condom nung tinira ko ung koryana na yon. Buti marunong sya mag English kundi ay magiging sign language ang labanan kapag nag kataon. Okay lang naman sakanya nung tinanong ko sakanya kung pwede ba na walang Condom nung nag se-sex kami nag OO naman siya don kaya nakarami ako. Bukod kasi sa sobrang ganda ng koryanang yon e kulang kulang dalawang taon din akong walang kinakain na "tahong" kaya ang resulta? Naka 5 ko sakanya. Sya? hindi ko nabilang. Kasi ung pag squirt niya 3 beses ko nakita. Balik tayo sa "Frauds" sa POGO. Wala akong idea kung pano yon. Pero baka parehas lang din ng ginagawa namin. Mahabang process yon pero kapag nakuha mo na, para sa 6 na oras ng buhay mo kikita ka na ng $10000 o mahigit pa. Oo limang digits na dolyar. Hindi ko alam kung Google pa din ang gamit ng POGO o may sarili na silang "Firms" para sa "Call Departments" nila hehe! Oo tama nabasa mo Google. Once na napag aralan mo ang IDD Outgoing Calls Fraud limpak limpak na salapi yon. Voice Over Internet Protocol o VoIP ang tawag sa kadalasan na ginagamit dito. Credits sa mga Apps katulad ng WeChat, Viber, saka Line. Sa isang smartphone makaka gawa ka ng 6 o 7 lines. Tumatagal ito ng 30 minutes. $100 Credits ang meron sa isang account na yan. Bali uubusin mo ung $100 katatawag. Kadalasan ung $100 sapat na sa 30 minutes sa 6 na linya ng tawag sa isang cp. Eto sampol ng kita namin nung natuklasan namin to. 6 x 30 = 180 Minutes. 180 x $2.25 = $405. Magkano puhunan? Depende sayo yan haha. Sa CCI kasi nag lalaman yan ng $100 to $400 nung panahon na ginagawa pa namin to, eh magkano ba CCI per piraso? $3 to $5. Imagine mo ung mga gadgets na nahuhuli sa mga illegal POGO Staffs/Groups, ilang daang smart phones yon? Ilang laptops yon? Sa isang laptop nakaka gawa kami ng 30 lines of calls. Pano pa pag madaming tao? Sige ipag palagay na lang natin sampung laptop na may 30 linya ang isa. 300 x 10 = 3000 lines. 3000 x 30 = 90000 minutes of "calls" ang meron sila. Magkano naging pera nila? $292,500 o 14,625,000 Million Pesos. Bakit naging $3.25 ang bayad? Kasi kada increment mo ng 10000 Minutes o 12000 Minutes madadagdagan ang bayad nila. Depende yan sa "package" na babayaran mo sa mga "TeleCom" sa ibang bansa. Eto clue: SIMBOX. TELNET. JAVA. C+. MADAMING MADAMING LAPTOP O SMARTPHONE SAKA MGA SMART NA TAUHAN YAYAMAN KA.
Singtel Waves at You! Tap to Wave Back! Esprint Waves at You! Tap to Wave Back! Verizon Waves at You! Tap to Wave Back! Softbank Waves at You! Tap to Wave Back! NBI Waves at You! Tap to Wave Back! FBI Waves at You! Tap to Wave Back! CIA Waves at You! Tap to Wave Back! SWAT Entered the Group Chat! Este SWAT Entered your house!!
0 notes
twelve1896 · 8 years ago
Text
Masasa Beach
Sobrang overdue na nito pero nagkaroon ng problema sa laptop ( hehe, i dropped it and it is working now but still dying.) and then nawala na sa isip ko. 
Our two days and one overnight stay in Masasa is exactly like living in the province. Wala akong probinsya so sobrang sayang experience sakin to. Napaksimple ng buhay nila at and napakaganda ng lugar. Sobrang bawat sulok ng Masasa maganda. 
Our trip was planned December pa lng. Nung unang labas pa lng nung ‘saan makakarating 600 pesos mo’ so priority ko talaga to dahil matagal na namin na napagusapan ni Kiko to. We actually establish a conjugal fund for emergency gala and we used it all up sa trip na to (pero worth it). Hindi uubra ang 600 kung magastos kasama hahahahahah. 3am usapan namin ni Kiko na magkita tapos magtataxi kami to Taft. The taxi ride itself was amazing dahil walang ibang kotse at ang luwag ng kalsada. (Kung pwede lang 3am na lng ako lagi byabyahe huehueheu) Pero medyo hindi ko pinansin na sa Gil Puyat kami binaba tapos ang alam ko dn talaga ang terminal ng Batangas ay sa Taft. Medyo nagpanic kami ng very slight kasi nakababa na kami ng Taxi. Luckily, may terminal din dun papunta sa Grand Terminal ng Batangas. Ang ingay namin ni Kiko sa bus. We’re excited and happy dahil first trip namin together pero mukhang sobrang aga namin darating. We’re assuming na ung boat 10:30 pa darating pero halos 5 pa lang nadun na kami. Again, the bus ride itself was amazing. Wala talagang ibang sasakyan haha and wala dn halos nakasakay dun sa bus. Medyo inaantok ako kaya pumikit muna ako then a little later nadun na kami. Pagbaba, diretso naman kami sa jeep papunta Anilao Port. Natakot kami kasi ang daming nakaback pack at halatang byabyahe papunta din ng Masasa. Parang, iniisip namin na baka maraming tao. 6 kami dumating dun buti na lang, hindi 10:30 ung first boat pero 7. Ung anilao port para siyang market and mostly closed pa. Pero ung mga iba, bumibili sila dun ng pagkain para iluto. Kiko and I know nothing about cooking. Ang dala lang namin ay rice, tinapay at maling. HAHAHAH. Nakakaawa kami pero okay lang. Hindi naman kami focus sa food pero sa beach. Kumain muna kami ng spaghetti sa parang turo turo. Medyo nakakagulat ung tarpoline ni ate kasi ang nakalagay na presyo dun sa pansit bihon ay 80. Mas mahal pa sa Jolibee pero when we pay up, na sa mga 35 ata or 25. We proceeded to wait for the boat. If tinignan mo ung tubig, sa sobrang linis, makikita mo na ung mga corals sa baba. Nasa port pa lang kami nun ah. Then if you look closely pa, makikita mo na may mga sprinkles of water. Nung una parang, akala namin kung ano lang pero actually school of micro fishes siya na tumatalon. nakakaaliw tignan and super ganda. Ito na din ung mga time na nagkakaroon ako ng realization na hindi ako marunong lumangoy at sasakay ako ng boat. Dadaan kami sa malalim ng part ng dagat at pag nahulog ako, RIP na. I told Kiko na medyo hindi ko plinace ung tapang ko sa tamang lugar hahaha. But he said na he got me and that’s that. Well, ung boat naman hindi ung boat na iniisip ko. Akala ko kasi ung same boat ng sinakyan namin nung nag Island Hopping kami ni ate. Boat siya pero stable and meron pang bahay hahaha. Meron mga bata na nanghihingi ng barya. “ate/kuya hagis barya” sabi ko kay Kiko magtapon siya. Parang kami ung unang naghagis haha. So sinabi ko na nakakaaliw ung micro fish pero mas nakakaaliw ung mga bata. Ang galing lumangoy. Hahagis mo ung barya tapos sisidin nila. Buti pa sila marunong hahaha. 
The boat ride was stable. Hindi nakaktakot. Nasecure din kami ng lifevest pero we gave it back after maginspect ng lifeguard solely because hindi naman kailangan dahil safe ung ride. Mahangin and makikita mo ung mga island sa labas ng bahay. If hindi niyo pa naiimagine ung boat, think of malaking boat tapos may parang silong or “bahay” sa gitna. Bahay kasi may walls at bubong naman talaga siya. Maraming mga passengers na lumalabas pero we stayed inside until pinilit ko si Kiko na lumabas. Worth it lumabas. Nakita pa namin ung mga Islands and nakakaaliw imaginin na nakatira sa mga bahay na malalapit sa beach. Malayo din ung boat ride tapos nung nakikita na namin ung island ng Masasa, bumalik na kami (also because nabasa na ung buong shorts ko). Gusto ko din sana umupo dun sa gitna ng boat tapos magpapicture pero I can’t swim and wala akong Plan B if nahulog ako. When we reach the port, ung mga tricycle nagtatawag na. I swear, adventure lahat ng vehicles, kasi kahit ung tricycle ride ... ibang klase. I have never seen such brave tricycle hahahah. Bundok ang Masasa and ung pupuntahan namin is nasa kabilang side ng Island. lubak lubak ung daan at sobrang tirik. Kailangan talaga lumaban nung tricycle at ako pa ung pasahero hahahha so yes, goodluck. Magstastay kami kay Tita Lhotlhot at ang usapan ay sa barangay hall pero diniretso kami ng tricycle sa bahay mismo ni Tita Lhotlhot. Nagpapanic si Kiko kasi baka hinihintay kami sa barangay. I was thinking naman na okay na diretso kami pero we went back, wala naman sila dun kaya bumalik din kami sa bahay. 
We stay sa transient home which is actually, bahay lang talaga. Hinayaan kami magstay dun sa pinakamalaking kwarto (ang laki ng kama yey). And sinabi nila na hanggang 12 lang ung kuryente. If nawala un may isang electricfan na nakasaksak sa battery which gumagana ng 60 minutes tapos kailangan na ulit ikotin. (hindi namin din nagamit nung gabi kasi 60 minutes lang, tinamad na kami ikotin ulit). Dumating kami ng mga 9, Pagdating namin, nagulat din kami pareho ni Kiko ng ng 11 na. Nakatulog kami pareho. Sa sobrang peaceful ng lugar, ung isomnia ko walang laban. After kami mahismasan, tinanong na ni Kiko kila Tita Lhot Lhot if paano pumunta sa beach, kasi mukhang malayo. Nagpalit na ako ng damit then. tapos pagbalik ni Kiko sabi niya kain muna kami kasi pinagsaing kami tapos hahatid kami nung tatay. Silang dalawa lang ung nakatira dun sa bahay. At Napakalaki ng bahay. Seryoso ang ganda nung bahay. May mga anak sila pero parang may mga pamilya na din kaya dalawa na lang sila. Ako nagluto ng hotdog namin, sabi ko kay Kiko nakakahiya tlaga ung dala naming pagkain HAHAHA. Tapos ang ginamit namin ay ung silver na kawali, hindi ung black kaya dumidikit ung hotdog, nasusunog, mukhang nagkablack plague ung food hahaha. After kumain, hinatid kami ni Tatay dun sa Lagoon which is mas malayo sa beach. Um, ito na ung boat na nakakatakot HAHAHAH. Hindi talaga ako makagalaw tapos nung nasa port pa lng kami, sinasabihan si Tatay na nakakatakot dun sa Lagoon, maano ata ung hampas ng waves. Sabi baka daw masira tapos sabi ni Tatay eh di papalitan haha. Tinanong kung magkano ung bayad, sabi nung kausap niya 600 na lang daw sa kanila tapos sabi ni Tatay libre na daw kasi dalawa lang kami. Ang saya ng boat ride. Para kaming nagisland hopping na din, ang ganda nung scenery talaga. Sobrang blue ng tubig. Pagbaba namin sa beach na malapit na sa lagoon, kami lang tao dun. Nagpicture muna kami. Sobrang haba pala ng Masasa Beach na kahit napuno ung boat (80 people) wala pa dn un compare sa haba ng beach. Sa Lagoon, sobrang lakas ng hampas ng waves. Para lang siyang rock formation pero maganda ung water, mahangin sobra. Gusto sana namin magtry na magswim pero pagbumababa ka dun sa batuhan parang hindi ka na ulit makakaakyat kaya sa mismong beach na lang kami nagtry magswim. Malawak ung masasa pero ung downside, ang bato ng ng beach. Ung mga malalaking bato na may mga moss. Medyo mahirap maghanap ng lugar na walang ganon tapos maganda ung sand. Nakahanp din kami after three tries. Buti kasi high tide. Ang sarap ng tubig and mas masaya kasi halos 10 ft bago magkaroon ng ibang tao ulit kaya parang kami lang tlaga ni kiko sa buong beach. After namin magsawa sa beach, binury ko si Kiko sa buhangin. partly kaya ako nagkasunburn kasi halos directly ung araw nasa likod ko habang linilibing ko si Kiko HAHAH. Sabi niya ang lamig daw pero parang may dumadagan lang. gumawa kami ng sand Castle sunod hahaha. First time ko gumawa tapos mukhang taong may ulo ung sakin. Kay Kiko naman parang tatlong triangle? Wait nakalimutan ko na hahaha.Ang alam ko lang, triny namin ung defenses ng castle namin kasi what’s a pretty castle without good defenses hahah. Natalo ung akin, masyado stable ung kay kiko huehueheuhe. And then ako naman ung linibing. I agree, malamig sa sand pero mabigat. Medyo, nagact up lang ung allergy ko which is itch. Friday night kasi before the trip, uminom ako ng smirnoff, eh allergic ako sa alcohol. Whole trip I was itchy but Kiko was understanding enouggh. I think haha. Sorry Kiko :( Naghanap kami ng ice cream after pero walang ice cream kaya naglakad lakad na lang kami, nagstay kami sa isa pang rock formation which is hindi ganon kataas pero may ladder na rock sa gilid kaya naakyat. ang tagal namin dun, pinakikiramdaman lang ung waves tapos si Kiko medyo humiga sakin. Truthfully, masakit ung bato kasi bato ung pero actually, kaya ko na magstay dun forever with him because napakarelaxing pa din. It was such a good trip.  After nun, we went back. low tide na din eh. So habang naglalakad kami, nakakita pala kami ng crows. Ang iniisip ko, magkakaroon lng ng uwak when may namatay kasi di ba un ung kinakain nila kaya nagfoformulate kami ng mystery ni Kiko tapos kungyari may mga blood stains sa mga bato. Btw, sobrang daming patay ng corals sa beach, punong puno ng bleach na corals at hindi din nakakatuwa ung mga taong nagtatapon ng basura sa dagat. Sobrang clean nung tubig kaya mapapansin mo talaga at maiinis ka talaga. 
After nito, bumalik na muna kami sa pinagststayan namin. naligo tapos nagpahinga na muna sa kwarto. Bumili si Kiko ng Gatorade tapos nakikinig ako ng kanta habang wala siya. Wala kaming balak matulog, naisip pa nga namin abangan ung sunset at stars pero nakalimutan din namin. Nung dumating na siya, tumabi siya sakin tapos binigay ko sa kaniya ung isang earphone. Nalala ko tuloy ung manga na pag daw nakikinig ung music, parang connected kaya naisip ko, in this time and space, we’re connected. Sa sobrang peaceful, nakatulog pa dn kami. nagising kami ng 8. Well, nagising ako ng 8 tapos ginising ko si Kiko, kumain kami tapos natulog dn hahaha. Balak namin gumising nmn ng 5 kasi magtretrek kami sa mag asawang bato. Wala sa plano ung trek pero iniisip namin na sayang naman so might as well. Pero nagising kami ng 6, ganon ka peaceful ung lugar, pucha tulog kami ng tulog hahahaha. Halos mga 7 na din kami nagsimula. Sinabi namin kay Tita Lhot Lhot tapos naghanap siya ng guide. Medyo mahal nga lang kasi 500 at dalawa lang kami pero maganda na din kasi nasa own pace kami. HIndi namin kailangan magmadali. We’re the most unprepared people lalo na at first timers. Nakacouple shirt kami kasi un na lang ung shirt ko at it’s cute hahaha. tapos ako sandals si Kiko tsinelas. Pang porma lng daw ung rubber shoes niya eh hahaha. kainis. Wala dn kaming towel, hindi nakapagsunblock si Kiko at seryoso, walang training.  
Ung trail, trail of false hope. Alam mo ung makikita mo na ung blue sky, maririnig mo na ung mga ibon tapos biglang liliko ung guide kasi hindi dun ung daan. Hindi ganon kataas ung Magasawang bato pero sobrang unprepared namin at talagang maslope. Mga dalawang cow ung nakita namin tapos nagspasparkle ung mata ko kasi may cow HAHAHAH. And natutuwa ako kay Kiko kasi siya nagsasabi if magpapahinga na kami. Kasi kahit mamatay na ako hindi pa dn ako magsasalita hahahaha. Natatakot ako na ihold back sila. Kaya natutuwa ako na nadun si Kiko. Ung guide naman, sinasabi na malapit na pero sobrang layo pa. Nagpahinga kami sa parang lambak? HAHAHA basta parang flat na lugar tapos wala ng trees kasi nasa taas na kami halos. Ang ganda din dun haha at ang tagal namin dun. Kahit icatch ko ung breath ko tho, pagnagsimula na ulit kami, gusto ko pa dn sumuko. Kahit kasi nabalik mo na ung stamina mo, fatigue na fatigue pa dn eh. FInally, inask kami ng Guide if aakyat ba kami sa bato. Rock climbing na ung last few steps ng bundok tapos sabi ni Kiko wag na pero sabi ko itry. And we did and napakaworth it makita ung scenery sa taas. Halfway akala ko hindi ko na kaya eh pero we did it and we conquered our first mountain. Mas madali na sakin ung pagbaba. Pero nung nasa top kami, iniisip ko na gumulong na lang or tumalon sa tip ng mountain pababa dun sa village haha. Which seems easier. Si Kiko nman medyo nahirapan kasi madulas ung slippers niya. Nung una natawa ako pero sunod, worried na ako. Medyo nainis ako sa sarli ko na hindi ko siya matulungan and when i tried to help lalo akong hindi nakatulong. Nagalit tuloy sakin si Kiko pero I understand. Nung nasa foot na kami ng mountain, nagpahinga kami sa court sa loob ng forest. Isipin niyo ung traditional na court na nakalagay lang ung basket sa puno. Sobrang secluded pero walang hanging na pumapasok. DUn ko narealize na ang ingay pala nung forest, pero at the same time I feel at peace. Nung kaya na ni Kiko, we went our way. May mga locals na nagsasabi na pagod na pagod daw kami hahaha. Natawa ako tapos inoffer nila samin ung seat sa baba ng shade pero halos malapit na kami sa main road kaya I said no. I know pagod na si Kiko pero malapit na kasi. Tapos nung magtritricycle na kami, sinabi ni guide na malapit na ung masasa beach kaya hindi na kami nagtricycle. Pagod na si Kiko and sobra ung slope, and matirik ung araw. Dun ko narealize na malayo pa pala ung beach at dapat nagtricycle na kami. On the bright side, nadaanan namin ung farm pero sobrang manhid ko naman. We took a break sa tindahan na may bench. Bumili kami ng malamig na tubig tapos sabi ko kay Kiko na iligo niya na ung isang bote kasi meron pa naman isang water. Triny ko din tapos ang sarap nung lamig sa sunburn na skin HAHAHHAAH. Matagal din kami dun pero masaya din magpahinga sa mga ganon. Nakabalik na kami sa beach tapos diretso swimming. Lowtide na kaya no choice na dun kami sa mga batong part pero okay lang. Nakakawala ng pagod ung beach. Nawala lahat ng pagod namin from trekking tapos makkita namin ung bundok na inakyat namin. Ang taas pala hahahaha. Napakafulfilling. 
Mga 11 bumalik na kami kasi 2:30 ung isang boat. Pero nakita namin ung isa pang boat na diretso sa anilao port mula sa masasa beach. SInubukan namin habulin pero hindi na namin naabutan. Syaang kaya nagrelax na lang kami sa bahay ulit. Sobrang dami namin ginawa pero the best part pa din talaga ung kasama ko si Kiko sa lahat. Napakarealiable niya kahit madalas ako magpanic. And napakacomforting na kasama ko siya. Kasi ung two days na un, we didn’t had to hurry. We didn’t have to think of anything else except the two of us. And I feel free with him. Sobrang dami namin naaccomplish at sobrang saya lahat ng ginawa namin. More trips to come with him I hope. I love him so much.
youtube
0 notes