#kumpadre
Explore tagged Tumblr posts
Text
Mga kumadre at kumpadre ko dyan sa Bicol, ingat kayo. Stay strong. I will always pray for you. 🙏
4 notes
·
View notes
Photo
Instagram: @portfoleio No means not now. Today, is the day! Welcome to Frontrow Kumpadre Ron @susanomikoto and Kumadre Nora! #portfoleio #frontrow #empire #kumpadre #kumadre #teamMOA #teamLaguna #guaranteedsupport (at Starbucks 5 E-Com) https://www.instagram.com/p/B7-r6k8lGtt/?igshid=1kj70qwp00rxf
0 notes
Text
When I’m in front of you, I get thirsty, yeah
My whole body trembles, my breath gets hot
I’m too thirsty to just look at you
Thirsty Oh yeah, So thirsty
I can’t hold back, not in the slightest
You make me thirsty
@mythtaehyung here ya gooo enjoooy! 😂 I'll totally invite floral Glass for u
Tags: @house-of-idols @puppycat-hyun @preciousparkjihee @dom-johnny @lon3lypota3to @peachyminju @peachy-jaemjaemin @yanderejaemin @prxnce-hendery @godlyuta @neodaddies @xxmarkleex @badboijeno @switchy-yeji @yandererosie @bunjihyo @phoenix-chae @yourcupidchuu @sugardaddyjuyeon @bubblychaeyoungie @vampireyangyang @iron-winwin @hwasaja-bot @subbyves @maid-lix @tsunderehaechan @tsunderehwall @your-jongho @chatwithryujin @your-choi-san @mythtaehyung @dom-sanx @home-of-dom-idols @urjooie @xxyoursanxx @tzuyu-chat @matthew-kim-bot @blackwidowjennie @playgirl-hani
(Dm me if you wanna be added or removed~)
18 notes
·
View notes
Photo
#fridaymotivation #ballislife #basketballneverstops #kumpadres #bondingtime #skills #talents #papawisgame (at Caloocan City) https://www.instagram.com/p/CT8TH-7hYCy/?utm_medium=tumblr
0 notes
Text
listen i know i've been saying "klance confirmed" a lot lately but july 28, lance's birthday, is national talk in the elevator day and if i'm being FUCKING honest here,
#voltron#lance mcclain#klance#mine#ive made a post similar to this but AMIGOS! KUMPADRES! YALL!#i gotta sleep but yall!
1K notes
·
View notes
Text
Silip (f!Reader x Filipino!Haikyuu)
A/n: Why? Just because. Also, please don't come for me if my words are inaccurate ;-; I don't use Tagalog on a daily basis c:
Pagpapares: Kuroo x f!reader
Buod: Inaasahan mong may mga panauhin ang iyong Ama sa araw na ito. Ang hindi mo inaasahan ay ang pagsilip mo mula sa iyong bintana, dahilan upang masilayan mo ang binatang kailanman ay hindi mo nakita.
Paalala: Hindi akmang paggamit ng mga salita, haciendera!Y/N, haciendero!Kuroo
"Binibini, magandang umaga," pagbati ng iyong tagapagsilbi habang binubuksan ang iyong nakasarang bintana, dahilan upang makapasok ang haring araw sa iyong silid, ang sinag ay tumatama sa iyong mga mata dahilan upang mapamulat ka nang mabilis.
Hindi ka umimik. Sa halip, umupo ka mula sa pagkakahiga. Ang iyong buhok ay bahagyang magulo at masisilayan pa rin ang antok sa iyong mga mata.
"Tila hindi maganda ang iyong tulog, Binibini. Maayos ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ng iyong tagapagsilbi na ngayo'y sinusuklay ang magulo mong buhok.
Umiling ka, wala pang sapat na enerhiya upang magsalita.
"Maya-maya'y kailangan niyo na pong maghanda't mag-ayos sapagkat ngayon ang dating ng mga panauhin ng Don na nagmula pa sa kabilang bayan," malumanay na paliwanag ng iyong tagapagsilbi.
Tumango ka, "Ang mga panauhin..." mahina mong sambit.
Minsan nang naibahagi ng iyong Ama na may mga panauhin siyang inaasahan mula sa karatig-bayan. Hindi mo ganap na nauunawaan ngunit alam mong tungkol sa negosyo ang pakay ng mga panauhing ito.
Kung sino man sila, hindi mo batid ang kanilang mga wangis o ang kanilang pagkakakilanlan at wala kang balak na malaman pa. Sa katunayan, mas nanaisin mong maglagi sa iyong silid at ipagpatuloy na lamang ang binuburda mong kurtina. Ngunit alam mong hindi nanaisin ng iyong Ama na salubungin sila na wala ang kaniyang unica hija.
"Binibini?" Ang boses ng iyong tagapagsilbi ang nagsilbing punyal na pumutol sa hibla ng iyong isip. Nilingon mo ang iyong tagapagsilbi na ngayo'y nag-aabang sa iyong pintuan.
Huminga ka nang malalim bago tumayo at naglakad na rin palabas.
Nakapanlumbaba ka habang nagmamasid sa labas ng iyong bintana. Ang kalangitan ay napinturahan ng kahel, na sa iyong palagay ay ang pinakamagandang anyo ng langit. Samahan pa ng mumunting ibon na pumapagaspas, wala ka ng maaaring hilingin pa.
Ang iyong nakatirintas na buhok ay nakahiga sa iyong kaliwang balikat, ang iyong mga mata'y nag-aatim na pumikit lalo na't nagsusumamo ang malamyos na hangin. Malapit nang sumapit ang gabi ngunit hindi mo pa naririnig ang iyong mga tagapagsilbi sa baba na nagkukumahog at wala ka pang naririnig na ingay na tanging mga calesa't kabayo lamang ang nakakagawa.
Wala pa ang iyong mga bisita. Isang katotohanan na naging binhi para sa iyong umuusbong na galit-
"Sa aking palagay, mas mainam kung magtataguyod na rin tayo ng pagawaan sa bayang ito. Nang sa gayun, hindi na kakailanganin ng mga trabahador na maglakbay pa."
Napamulat ka. Inayos mo ang iyong tindig at napalingon sa iyong kapaligiran. Nais mong isipin na pinaglalaruan ka na ng iyong isipan ngunit alam mo ang totoo: may narinig kang banyagang boses at napatunayan mo ito nang lumingon ka sa baba.
Isang binata. Tantiya mo'y kayo ay magkasing-edad. Kausap niya ang isa sa inyong mga trabahador, kapwa nakatalikod sa iyong pananaw sapagkat nakamasid sila sa inyong mga pananim na rosas.
Ang kaniyang tindig ay maituturing na napaka-Ginoo. Ang kaniyang camisa de chino ay hapit na hapit sa kaniyang katawan, dahilan upang makita ng iyong mga mata - na tila ba'y sa isang agila sa talas - kung gaano nito kumapit sa kaniyang katawan, dinidiin sa mga tumitingin kung gaano kalapad ang kaniyang mga balikat.
Napasinghap ka. Sino ba ang binatang ito? Bago ba itong trabahador sa inyong hacienda? Masyado siyang gwapo upang maging trabahador lamang. Tunay ba ito?
Unti-unting nabubuhay ang iyong isipan ngayong pilit mong nilulutusan ang misteryong bumabalot sa Ginoo.
Ramdam mo ang mga sanga ng iyong haka-haka na unti-unting umuusbong ngunit kaagad ding naputol nang napalingon ang binata sa iyong gawi.
Napatuwid ka ng upo. Ang iyong mga mata'y namimilog at napaawang ang iyong labi sapagkat nahuli niya ang iyong paninitig!
Napakamapusok, Y/N!
Nais mong isara ang bintana, o takpan na lamang ang iyong mukha ng iyong binuburdang tela o kahit ng iyong mga palad. Ngunit sa hindi malamang dahilan, nanigas ka sa iyong inuupuan. Animo'y natunaw na kandilang lumuha at tumigas sa kung saan ito lumandas.
Ang inyong mga mata'y kapwa nakatali sa isa't-isa. May kalayuan man sa pagitan ng ninyong dalawa at may kakulangan man ng liwanag upang makita mo nang buo ang kaniyang pagmumukha, hindi maipagkakaila na ang Ginoong ito ay may kakisigan.
"Binibini, narito na ang mga bisita!"
Napatalon ka sa gulat, ang kamay ay nakasapo sa iyong dibdib ngayong nasa pintuan mo na ang iyong mga mata. Mahabaging langit, nais mong dakmalin ang tagapagsilbi.
"Binibini, nagulat ba kita? Paumanhin," natatakot na sambit ng iyong tagapagsilbi bago yumuko.
Huminga ka nang malalim, iwinawaksi ang inis na namumuo sa iyong dibdib. Kalmado na, tumango ka sa kaniya, "Ayos lang."
Lumingon ka muli sa labas, nakapintura ang dismaya at kalungkutan sa iyong mukha ngayong ang ginoong katitigan mo kani-kanina lang ay naglaho na.
"Tagapagsilbi," tawag mo sa iyong kasama sa iyong silid, "May...may bago ba tayong mga trabahador?" Tanong mo, ang pisngi'y unti-unting umiinit dahil sa kahihiyan, "Mga...binata," dagdag mo sa iyong naunang sinambit.
Ang titig ng iyong tagapagsilbi ay nag-iba, napupuno ito ng malisya, "Mayroon, Binibini. Madalas ay mga anak ng mga luma ninyong trabahador. May nais ka bang...makilala sa kanila?" Malisyosa nitong tanong.
Mas umusbong ang hiya sa iyong sistema, pinikit mo nang mariin ang iyong mga mata, taimtim na humiling sa Maykapal na nawa'y tulad ng dagat, tangayin na kamo ng mga alon ang pangyayaring ito.
"Wala. Kalimutan mo ang aking sinambit," nagmalas ka ng masungit na tingin upang matakot ang iyong kausap.
Tumayo ka nang matuwid, pinagpagan ang iyong saya bago naglakad, "Bumaba na tayo."
Nasa hagdanan ka pa lamang ngunit dinig na dinig mo na ang masiglang halakhak ng iyong ama, kasama nito'y halakhak na hindi mo pa narinig kailanman. Maaaring sa panauhin. Isip mo.
"Magtungo po tayo sa hardin. Ninais ng iyong Ina na doon na lamang maghapunan," wika ng iyong tagapagsilbi bago ka iginiya papunta sa hardin.
Nakita mo kaagad ang mesang nakahanda sa inyong hardin, ang paligid nito ay napupuno ng mga kandilang nakatirik, ang mga kasambahay ay labas-masok sa kusina upang ihain ang mga putahe para sa inyong hapunan. Kitang-kita mo ang iyong ina na nakikipaghalakhakan sa isang estranghero na nasa kabisera nakaupo. Sa kabilang kabisera naman ay ang iyong ama na pinaglalaruan ang alak sa kaniyang mga kamay.
Napalingon ang iyong ina sa iyong gawi, ang mga mata'y mas sumigla pa nang nakita ang iyong wangis, "Y/N!" Matamis ang ngiting tawag niya sa iyo bago umahon sa silya.
Pinamalas mo ang mahinhing ngiti na noon pa ma'y tinuro na ng iyong ina. Ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa nakatiklop na abaniko habang unti-unti kang naaasiwa ngayong tumigil sa pag-uusap ang iyong ama sa panauhin.
"Ina," bati mo sa ina. Kumapit ka sa kaniyang braso hinalikan siya sa pisngi.
"Ito na ba, kumpadre?" Bungisngis ng estrangherong panauhin habang nakatingin sa iyong gawi, "Si Binibining Y/N?" Tanong niya.
"Siya nga, kumpadre," puno ng pagmamalaki ang boses ng iyong lasing na ama. Malaki ag ngisi habang nakatingin din sa iyong gawi, "Ang aking unica hija."
Tumayo ang panauhin, isang hudyat na lumapit ka at yumuko sa kaniyang harap upang magbigay-galang, "Magandang gabi ho, Don. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa inyong ligtas na pagdating dito sa aming bayan," wika mo.
Humalakhak ang panauhing kasinglasing na ng iyong ama, ang kamay na napupuno ng gintong mga alahas ay nagpapahinga sa kaniyang tiyan, "Gusto ko ang iyong anak, kumpadre! Bukod sa marikit, magalang pa!"
Ramdam mo ang tapik ng iyong Ina, nasisiyahan sa magandang asal na iyong pinamalas.
"Bukod pa roon, kasingtanda niya ang aking hijo!" Kumunot ang bisitang Don, "Nasaan na ba ang isang 'yon?"
"Nakita ko kanina't kausap ang iilan naming trabahador," singit ng iyong Ina, "Mabuti naman at mukhang interesado ang iyong binata sa negosyo," dagdag niya.
Sa gilid ay narinig mo ang iyong ama na pinapahanap ang isa pang bisita sa isang tagapagsilbi. Ang panauhin sa iyong tapat ay ngumisi.
"Nako! May hilig iyon sa negosyo! Sa katunayan, madalas ay nauuna pa iyon sa aming mga taniman at mas kilala pa ang aking mga magsasaka!" Ang kaniyang mga mata'y lumagpas sa iyong likuran. Mas lumapad ang ngiti.
"Oh, naroon lang pala siya!" Wika niya bago inagat ang kamay, "Kuroo! Dios mio kung saan-saan ka napapalagi, eh, hindi mo ito tahanan!" Pangangaral ng panauhin ngunit bakas naman ang tuwa sa tinig.
Napalingon ka sa iyong likuran at muli, ay nanigas sa iyong kinatatayuan. Sapagkat ang binatang katitig mo ngayon ay ang parehong binata na iyong katitigan kanina sa iyong bintana.
Napasinghap ka, ang iyong puso ay bumilis ang tibok, tila ba'y hinahabol ka ng 'di kanais-nais na nilalang ngunit ang totoo'y, nakatitig ka lamang sa isang makisig na binata.
Kamangha-mangha, puri mo sa iyong isip. Sapagkat umaapaw ang kaniyang kakisigan noong nasa bintana ka pa lamang ngunit ngayong ilang hakbang lamang ang layo mo sa Ginoo, walang sisidlan ang iyong nararamamang...tuwa?
Kung gulat ka, maaari mo na ring sabihin ganoon din ang nararamdaman ni Kuroo. Sandali lamang ang inyong titigan ngunit naglalaro pa rin sa kaniyang isipa ang iyong wangis. Walang binatbat ang mga rosas na kaniyang unang minanghaan nung ikaw ay nasilayan niya. Ang iyong mga mata'y kasingsigla ng bagong gising na araw, ang nakaawang mong labi ay mapupula. Karumaldumal at napakamapusok ngunit sandali niyang ninais na sana'y inakyat niya ang iyong bintana upang hagkan ka nang marahan.
Ngayong ikaw ay nasa malapitan, ang umuusbong na kalungkutan ay tuluyang napugsa ng kagalakan. Dama ni Kuroo ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso, aakalaing siya'y hinahabol ng sigbin sa lakas. Ang kaniyang mga kamay ay nais lumipad papunta sa iyong mga kamay na tila'y kasinglambot ng bulak sa anyo.
"Hijo, saan ka ba nagtungo?" Inis man ang tinig, hindi naman maitatangging nagagalak pa rin ang kaniyang ama, marahil ay dulot ng alak.
"Paumanhin, Ama," ang tinig ng Ginoo ay malalim ngunit mahihimigan ang kaaliwan nito, "Hindi ko namalayang napasarap ang aking kuwentuhan sa iilang trabahador ni Don (F/N)," paliwanag ni Kuroo.
Nagagalak na sumagot ang iyong ama, "Mabuti at kasundo mo ang iilan sa aking mga trabahador. Maliit man ngunit maituturing na malaki ang magiging bunga ng magandang kaugnayan sa iyong mga manggagawa," asik ng iyong ama.
"Nga pala, hijo, naipakilala mo na ba ang iyong sarili sa dalagang ito?" Tanong ng kaniyang ama at tumititig sa iyo.
Ramdam mo ang marahan na tulak ng iyong ina, iginigiya kang humakbang at iyon nga ang iyong ginawa. Iniklian mo ang distansyang namamagitan sa inyong dalawa ng binatang si Kuroo.
Ang iyong palad ay namamawis ngayong napupuno ng hiya ang iyong isip, sapagkat minsan mong inisip na isa siyang trabahador. Napakamalisyosa! Napakakitid ng utak, Y/N!
"Ma...Ma..." Huminga ka nang malalim bago nilipat ang nakatupling abaniko sa iyong kanang kamay, nagdarasal na nawa'y makuha ng Ginoo ang nais mong ipahiwatig, "Magandang gabi, Ginoong...Kuroo...Nagpapasalamat ako sa Diyos sa ligtas mong paglalakbay dito sa aming bayan," at ipinamalas mo muli ang ngiting minana mo sa iyong ina.
Hindi mo man batid ngunit ang mga nakakatanda sa inyong kapaligiran ay naghahagikhikan. Marahil ay mayroon silang nakikitang kapwa hindi niyo nakikita. Ito ba ang tinatawag nilang...pag-uusbong ng bagong pagmamahalan?
"Salamat, Binibini," hindi maitatangging bakas ang tiwala sa sarili sa tinig ni Kuroo. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, namamawis na ang kaniyang likuran kahit na malamig ang simoy ng hangin. Ang mga labi'y nakangiti nguni't ramdam niya ang panginginig, pinipigilan din ang dilang ibigkas pa ang mga diwang hindi kanais-nais isatinig sa harap ng mga nakakatanda.
"Maaari ko bang..." Kumurap si Kuroo, ninanamnam ang iyong karikitan, "Maaari ko bang makuha ang iyong ngalan?" Nagbabakasakali niyang tanong.
Mas lumasak ang iyong ngiting binudburan ng asukal. Bahagyang kang tumango, bago pinagbigyan ang hiling ng binatang minsan mong katitigan kanina, "Ang aking ngalan ay Binibining Y/N."
Y/N. Ngalan na naaakma lamang sa iyong kagandahan. Puna ni Kuroo.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Binibining Y/N," wika ni Kuroo bago hinagkan ang iyong kamay.
Paalala: Ayon sa wika ng abaniko, kung marahan niyang igigiya pababa ang abaniko gamit ang kanang kamay, ang nais ipahiwatig ng isang Binibini ay walang nagmamay-ari ng kaniyang puso't handa siyang kilalanin ka.
Haciendero/Haciendera: Plantation owner
#haikyuu imagines#haikyuu#haikyuu scenario#haikyuu scenarios#haikyuu tagalog#haikyuu philippines#haikyuu pinoy#kuroo#kuroo tetsurou#haikyuu kuroo#tagalog kuroo#haciendero!Kuroo#kuroo x reader#kuroo x you#kuroo x y/n#kuroo imagines#hq kuroo#haciendera!y/n
64 notes
·
View notes
Photo
Kumpadre 🤙 #kumpadre #padre #makati #Thursday #vsco #vscocam #photography #nightout #music #band #instagram #rockandroll (at B - SIDE)
0 notes
Text
Ang Ngiti na Nagbigay ng Problema
Sa ating kaalaman, marami ang naitulong sa atin ng mga dayuhan sa loob ng ating nakaraan, ngunit hindi sa kalaunan, may mga aspeto na kung saan mas nakakagambala ang isinilid sa atin at iniwan ng mga ito, particular at higit sa lahat ay ang mga Amerikano, sa ibang mga indibidwal, sila ay kinikilala bilang mga taga pag-ligtas natin noon, mga nag bigay sa atin ng kasarinlan, nag bukas ng pagkakataon na tayo ay makapag buo ng solidong gobyerno na mag estabilisya ng ating Republika ng Pilipinas na atin tunay na iginagapos ang mga kamay at binubulag.
Sa kasamaang palad, totoo man ito; para sa iba, subalit ang mas nakaka pukaw ng atensiyon ay ang realidad na kung saan tayo ay noon pa man, sa panahon ng kanilang pag “yakap” sa ating mga ninuno ay nasa intensiyon na ng mga ito (Amerikano) ang pag tangkilik sa atin, hindi bilang mga kapwa-kaibigan o “kumpadre”, ngunit bilang mga “piyesa” para sa kanilang mas malaking hinahangad; nasa isipin na ng mga Amerikano ang pag kuha sa atin, ngunit hindi natin ito naisip na hindi tayo mamanipulahin, ito ay dahil sa stratehiya nila na “Divide and Conquer” na kung saan kinuha tayo pautay-utay bago tayo progresibong sinakop. Maitatanong natin sa sarili, papaano nila tayo na manipula? – Ito ay dahil sa hindi nila tayo dinaan sa sakop na ang mekanismo ay dahas, ngunit sa mas nakakalubha ng isip at puso, sa paraan na kung saan tinuring natin na tulong kaysa bigyan ng nararapat na malisya. – Walang iba kundi ang “Edukasyon” na kanilang ibinuga, na atin naman kinuha, iniayos (sa paraan na itinuro ng mga Amerikano), inindorso o kinomersilasisiya, at pinanatili.
Hindi natin nakita ang mas malaking larawan, na balang araw, tayo ay lubos at tuluyan iilalim sa mga “Imperyalistang mga Kapitalista” na mga ito, Malabo man makita ng pisikal kung ang mata ay papaikutin na lamang sa loob ng apat na sulok ng kahon na tayo ay kanilang ipinasok. Sa masusing pag sasaliksik; naroon ang mga nakapaloob na koneksiyon sa mga kaganapan sa modernong panahon natin ngayon, na “halos lahat” ng sangay ng ating buhay mapa pamumuhay, pambuhay, at pang-habang buhay na mga bagay o “yaman” ay naka-ayon sa mga inilatag na pangangailangan ng mga mas malalawak ang kapangyarihan o mas makapangyarihan na mga bansa; malalaking kompanya.
1 note
·
View note
Text
Paradigm Shift
In our household, "success in life" meant being able to afford a house, a car, and a luxurious living. Conditioned to think like this, I’ve lived my life focusing on being the best and it turns out, I'm quite good at pretending I'm the best in the things that I do. I'd get praises here and there, my parents proudly share stories with their kumares and kumpadres of how I nailed a subject or how I won a competition, so I never really learned how to handle rejection and failure well enough. School became my comfort zone. I can pass a subject without giving much effort. I can nail a project if I'm truly interested in it, but I eventually became complacent- not just in doing things at school, but also in living. I've lived a mediocre life.
2015 came and I finished college. After a few hours from the ceremony, I went straight to a Film Camp in La Union thinking this is the path I want to jump right into. Turns out, my creativity isn't capable of being on-cue. I became a creative writer a few months after for a small production company. Two months there felt like forever. I realized that my mental health has had enough of the 4-year college torture; and working my ass off trying to climb the corporate ladder wasn't helping much.
📷 : San Juan Summer Film Camp
My unemployment afterward became the darkest of my days. I'd hide in this little corner of my room refusing the sunlight to even hit my skin, eating unhealthy food on my bed, binge-watching series and films that are as dark as the cloud above my head, and having constant fights with my parents which was uncharted territory for them.
Look, I'm the golden child. They can justify my actions simply because honestly, I'm their favorite, so imagine the shock when I burst out telling them I've tried my whole life to be the perfect daughter and I don't understand how else they want me to live. I remember my mom telling me how disappointed she was with me. She would compare me to the other kids in the neighborhood and count the times she has had a hard time just so she could pay for my living. My dad would say that I’m not turning out to be the daughter they’ve expected. I remember my stone cold response being, "e 'di sana hindi na lang kayo nag-anak." (maybe you shouldn’t have had kids)
That hurdle went on for two months. I got tired of feeling like I'm a burden so I applied to my last resort, out of desperation, and eventually got in. I've found another comfort zone- just 5 minutes away from home, but there goes complacency again followed by the dark days.
2017 was the year I got tired of feeling unhappy and challenged myself to say yes to anything that sparks joy within. I said yes to new things including working out. After being forced to enroll at Pound For Pound, I found energy I never knew existed. I didn't know what to do with it so I said yes to mountain climbing, cliff diving and later that year said yes to surfing which changed me entirely.
Surfing made me a whole new person. Suddenly, I'm no longer this complacent couch potato, emotionally and mentally hurting herself. For the first time in forever, I want to actually live- feel the heat of the sun, go out, explore, re-connect with nature, connect with people, lend a helping hand. For the first time in forever, I want to be a better person.
2018, I created a theme for myself: commitment and consistency. I started doing research about health, fitness and wellness- started changing my lifestyle completely, started working out every day, tried Muay Thai, yoga, skateboarding, working on my surfing and going out more. The more I travel, the more I become conscious of the environment, of my consumption and of the ways we could better the Philippines. I've stopped hoarding, reduced consuming convenient store products and eating at fast food chains. I've started looking for local sources and slowly supporting the zero-waste movement by being mindful of how I buy my necessities, volunteering at cleanups, donating stuff and just restraining myself from buying things I don't ultimately need.
I've become more mindful of what I let inside me- food, fluid, and thoughts. This whole journey made me realize that I've been unfair to my mind and body, and it's time to make up for the abuse. On top of that, I realized that there are so many things to be thankful for, so it's also time to give back. The initiative to help slowly replaces the regret and guilt inside with hope and gratitude. I've started looking forward to tomorrow, and the days ahead look brighter to me now.
1 note
·
View note
Text
Huling Lamay
Hindi na siguro nakakagulat na may mga posibleng paranormal activities sa lamay. Siyempre, pwedeng ang kaluluwa ng namatay ay maaaring nariyan pa sa paligid, lalo na yung mga hindi pa handang mawala sa mundong ito. Ang kwento pong ito ay isa na naman sa mga karanasan ko. Katulad ng pamagat, ito po ay nangyari nung huling lamay ng kumpadre nina daddy na si kuya Edmundo, Mundo for short.
Bata pa lamang po ako ay kilala na namin si kuya Mundo, dati po kasi syang truck driver sa logistics company ni tito. Ang mommy, daddy at kuya ko po ay nagtatrabaho din sa company nina tita kaya colleagues po sila ni kuya Mundo. Ito pong si kuya Mundo ay likas na palabiro at maharot, madalas po nya akong panggigilan nung bata pa ako—matuwain sa bata, kumbaga.
Ang kasama ko po nung gabi ng huling lamay ni kuya Mundo ay ang mister ko, si ate at bayaw, si kuya atsaka si mommy. Marami na pong tao nang makarating kami sa bahay nina kuya Mundo, naroon ang mga co-drivers at helpers at ilan pang mga kamag-anak niya. Pumwesto lang kami sa table na nakalaan sa labas ng bahay nila na mga ilang hakbang lang ang layo sa pintuan. Sa likod naman ng kinauupuan namin ay isang malaking puno ng mangga. Hindi muna kami sumilip sa kabaong nung dumating kami, tamang kwentuhan na lang muna at kainan. Si bayaw naman ay nakipag-bonding na muna sa mga drivers at helpers kasi dati ring naging helper/driver si bayaw sa company ni tito.
Siguro mga isang oras o mahigit na ang lumipas, medyo hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Sabi ko sa mister ko, “Pa, parang ang lamig?” Tiningnan lang nya ako tsaka hinimas ang likod ko sabay sabi ng, “di ka kasi nagdala ng jacket.” Oh di ba, nasisi pa ako? Sinuklian ko ng pairap na tingin ang asawa ko na may halong ngiti, napaka-typical kasi na ganun nga ang sasabihin nya, knowing him. Ginala-gala ko ang mata ko sa paligid habang hinihimas ang mga braso ko para mawala ang lamig na nararamdaman ko nang may maaninag ako sa table ng mga drivers at helpers. “Damn…” napasambit na lang ako sa isipan ko. Paano ba naman kasi, naaninag ko si kuya Mundo na nakikisalamuha sa mga dati nyang katrabaho. Bumalik na lang ako ng tingin sa mister ko at napagpasyahang ‘wag na lang sabihin kung ano yung nakita ko.
Maya-maya pa ay bumalik na si bayaw sa table namin. Halos yung mga naririnig kong kwentuhan namin sa table ay lumalabas lang sa kabilang tainga ko, kumbaga hindi ko naa-absorb yung mga information kasi iba na yung pakiramdam ko. Then, siguro mga wala pang limang minuto ang nakakalipas, nangilabot na ako. Nagtayuan mga balahibo ko sa batok at mga braso. “Juice colored, iba na ito…” sabi ko na lang sa sarili ko nang himasin kong muli ang mga braso ko. This time po, tinaas ko na ung mga braso ko para makita ko yung pagkawala ng pananayo ng balahibo ko… kaso may napansin na po akong kakaiba sa kaliwang braso ko. May marka na po ito ng apat na daliri na parang nakahawak dito.
“Halaaaaa… halaaaa…” yun na lang yung nasabi ko habang tinitingnan ko yung braso ko.
“Bakit?” sya namang tanong ng kuya ko.
“May bakat ng kamay yung braso ko, wala naman ito kanina.” ang sagot ko. Imposible namang gawin ko sa sarili ko yun, himas lang naman ang ginawa ko kasi nga giniginaw na ako sa lamig ng gabi.
Agad na hinablot nina ate yung braso ko at pinagmasdang maigi yung marka. Kung napanuod nyo po yung English version ng The Ring movie kung saan napanaginipan nung bida si Samara na hinawakan sya sa braso at may naiwang marka pagkagising nya, yun, ganun na ganun po yung nasa braso ko nung mga oras na yun. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yun, posible po pala talagang mangyari yun sa totoong buhay at heto nga’t naranasan ko na.
Nanlaki ang mga mata ni ate sabay sabi ng, “hala, oo nga!” tsaka nya naman inilapat mga daliri nya sa marka na nasa braso ko. “Para kang hinawakan oh, apat na daliri pa talaga,” dagdag pa ni ate. Sina kuya at bayaw maging ang mister ko ay nahiwagaan sa nakita nila.
“Nakaw, na-miss ka siguro ni kuya Mundo mo at ayan, nanggigil na naman sa iyo. Bago tayo umuwi, silipin mo na muna sya at humingi ng pasensya kung bakit ngayon lang tayo nakadalaw.” saad naman ni mommy. Gusto kong sang-ayunan si mommy dahil, malamang nga si kuya Mundo ang may gawa nun. Madalas po kasi nya akong pisil-pisilin sa braso noong bata pa ako kapag nanggigigil sya. Kalaunan ay unti-unti ring nag-fade yung marka ng mga daliri sa braso ko.
Siguro mga 30 minutes pa ang hinintay namin matapos yung braso incident bago kami nagpaalam sa family ni kuya Mundo. Pero syempre, kahit medyo kinikilabutan pa rin sa nangyari ay lakas-loob akong sumilip sa kanya bago sya ihatid at pabulong na humingi ng pasensya na at hindi kami agad nakadalaw sa kanya. Busy rin kasi kami sa mga trabaho kaya naman hindi namin nagawang bumisita nung weekdays.
Sa daan namin pauwi, naging topic namin yung marka ng hawak sa braso ko. Nai-open ko rin sa kanila na bago ko makita yung marka sa braso ko ay naaninag ko ang pigura ni kuya Mundo na nakikihalubilo sa mga drivers at helpers. Medyo nagulat pa si bayaw nun kasi kasama sya dun sa table ng mga drivers nung naaninag ko yung pigura. Baka daw hindi maiwasang hindi makipag-bonding ni kuya Mundo sa mga ito sapagkat talagang likas nang magiliw at masayahin si kuya.
Hanggang dito na lang po muna. Rest in peace po kuya Mundo, for sure nagse-session na kayo ng inuman ni daddy kung nasaan man po kayo. Maraming salamat po!
— Morbid Specter
0 notes
Photo
Instagram: portfoleio With Kumpadre Echo The Pogi. Thank you for your time our soon to be business partner 🔥 #portfoleio #frontrow #empire #kumpadre #guaranteedsupport #teamBinan #teamFauna #hulikosiyaperohindisiyakulong (at FrontRow By Leo And Meg) https://www.instagram.com/p/B1JkQ-9gUlm/?igshid=z254zsgbpag0
#portfoleio#frontrow#empire#kumpadre#guaranteedsupport#teambinan#teamfauna#hulikosiyaperohindisiyakulong
0 notes
Photo
Maiparit kano ti agbabasa. 'Niat' makunam, kumpadre? . . . . Ti La Adda www.samiwengkenayatnirudy.blogspot.com [binulodko ti ladawan a nausar] https://www.instagram.com/p/CNoSgOjBwa0Q5dDtdLXAXDR5CXsY5DMTWZosGg0/?igshid=wf9b8we0a8wl
0 notes
Photo
sunday knights papawis #basketballneverstops #ballislife🏀 #kumpadres (at Bagong Barrio, Caloocan, Philippines) https://www.instagram.com/p/Bv9BLa8lV4n/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1khfnm5gxsqkn
0 notes
Text
“why do you love lance so much?”
#anyway i'm... beat from the trip and the video editing it's 1 am and i will see yall in the morning kumpadres#i'm gonna answer those messages when i've had my beauty sleep enjoy my daily dose of lance lovin#lance mcclain#voltron#mine
3K notes
·
View notes
Photo
DEFENSE ANALYST, PROFESSOR, MILITARY HISTORIAN, KUMPADRE, KAIBIGAN AT ENDORSER SUPPORTER NG PRODUKTONG LOKAL "Roadtrip Sandals gawa sa gulong ng truck ang swelas" Marikina made. SALAMAT PAREKOY SIR Former Consultant at Office of the President of the Philippines - Malacanang, Mr. Jose Antonio Custodio (at Roadtrip Sandals - Tiresole Outdoors, Trekking Sandals, Marikina Sandals) https://www.instagram.com/p/CETIHE1BstR/?igshid=1a8246obl5rjy
0 notes
Photo
Ito ang kumpadre ko na di masyadong energetic sa shows.. Hardcore will keep us young forever! @dencio_veloso https://www.instagram.com/p/B51wGHgBdccHLFXbGW85SHTVc6S9YE1bUPWCZU0/?igshid=17kxb601fgrm9
0 notes