#kilala Taylor
Explore tagged Tumblr posts
Text
youtube
Warning: Spoilers, flashing lights
Title: This I Promise You
Editor: Kilala Taylor
Song: This I Promise You
Artist: N*SYNC
Anime: Wedding Peach
Category: Romance
#anime#amv#wedding peach#n*sync#romance#video#music#editing#song#youtube#wedding peach amv- this I promise you#kilala Taylor
2 notes
·
View notes
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/7601d3bbfe813a7ef376ebd7e6b5c793/76d43fd2f6e616f0-4c/s540x810/d34bd2cad78c60682ca3ae5bad54bc1ec4dcd39f.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3f1834916f481c4b42904bd0aa586850/76d43fd2f6e616f0-4e/s540x810/32987d50fb1f6e0ae3290d5407ecf3725dcce884.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/71065fa66c316aa5ee043f4dc69584b5/76d43fd2f6e616f0-83/s540x810/dfc1bf2057d76c22f756970fe3e831936a0682f2.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/57ce8a15a61459e5fb0b78dcaecd1062/76d43fd2f6e616f0-ac/s540x810/917a68f213c3592343c5da2a6f1fbf4f440a3fbc.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/578f015218a1b595fee9c3379b594d7c/76d43fd2f6e616f0-6f/s540x810/92d73c286d40a7ff493b62c0d4dc5b707e589931.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/788049dcc39e747496f126ef98409973/76d43fd2f6e616f0-42/s540x810/ed80f92b7e477962b2462c5cda84f725f206bb36.jpg)
manila | first weekend of june
first things first, got to visit my lolo and lola with J. this is one of the moments that i've been waiting for—maintroduce ko si J sakanila. friday palang habang naka duty pa, bigla ko naisipan na dalawin sila kasi ambigat bigat na talaga ng pakiramdam ko nun sa work. feeling ko kailangan ko sila. so i decided na pag dating ng manila, sakanila muna kami dadaan. kay mommy pa sana kaso ang layo and hindi na kakayanin ng oras since overnight lang kami dun.
after sa cemetery, tumambay muna kami ni J sa dunkin donuts para mag kape at magpalamig kasi pareho na kaming tinotopak haha. then we went home around lunch na. pag uwi namin, may inihaw na liempo which i requested to my brother. hehe cute medyo magkasundo na talaga kami, nakakarequest na ako sakanya. mom must be so happy. hehe
so ayun, nagpahinga lang then around 3pm nag prepare na kami to meet my bestfriends; rachel, chi and her husband kasi manunuod kami ng single launch ni ate keiko sa brewing point. tumambay muna kami ni J sa fishermall while waiting for them, pag dating ni rachel dumeretcho na kami sa venue and ordered their pesto na okay naman lasang pesto haha, masarap naman though. medyo nalate sila chi kasi inabutan sila ng ulan sa daan.
the show was great, marami ring guest kasama si clara benin at janine teñoso. ang pretty niya pala in person. hihi. nakaka tuwa lang kasi after almost 10 years nalang ulit kami nag kita nila ate keix pero kilala niya parin kami. grabe. a lot of people might still don't know her pero she's great, barkada siya nila moira at tj kaya sobrang nakaka overwhelmed at nakaka proud na we're the first ones to see them grow as an artist. huhu nakaka touch lang.
kinabukasan naman we met with mitch para manuod ng basketball game nila cong at donny. hehe ito talaga yung agenda ng pag uwi namin, wala lang gusto ko lang sila makita ng personal lalo na para kay J kasi fan siya nila cong. kaya nung inaya ko siya, di na nagpapilit. nag go agad siya once in a bluemoon lang siya ganon kadali ayain e haha.
anyway,before the game pala. nag ikot ikot kami sa gateway kasi mag papasabuy sana yung boss ko ng sapatos, but since di naman siya nag push through, ako tuloy yung nabudol haha. 1500 lang 'tong cute na chuck taylor ko sa planet sports. hehe. after that kumain at tumambay kami sa nono's chikahan with mitch. tas dun narin kami nagpa grab ng lola nena's na pinang pasalubong namin sa work.
di na namin natapos yung game, hanggang half time lang kami kasi deretcho byahe narin kami pabalik ng bicol, nakaka asar lang kasi delayed ng 30 minutes umalis yung bus sana pala nag stay pa kami ng konti dun. buti na nga lang talaga at nauna maglaro yung mga pinunta namin dun kasi nag laro pa pala sila gerald after nila, inabot na ata ng 11pm yung game.
although bitin yung pag uwi ko, masaya naman kasi naka bonding ko ulit yung mga tunay kong kaibigan hehe. naka pahinga saglit sa struggle sa work. sana talaga may budget ako lagi pauwi ng manila para kahit wala akong friends na ituturing din akong totoong kaibigan dito, okay lang kasi kaya ko parin makasama at maka bonding lagi yung mga totoo saken. hehe. wala lang. okay na ako na nakasama ko sila kahit saglit.
andito na naman ako sa point na tinatamad at unmotivated na pumasok dahil pagod na makisama. hay. haha.
10 notes
·
View notes
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/534f9e6732322008ba9cf7baa372f8e0/b50facfdf9f9bce0-4b/s540x810/d3f2e2b9bfe4b24b91c18f0b23a9d052a9bbae91.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/4aef3ac4eac59e945074935942529730/b50facfdf9f9bce0-06/s540x810/71d64fdd04c6d5ccade94b9b32a9502a16bd4ffc.jpg)
A FORBIDDEN CONFESSION.
I have this 2 priest crushes. A publicly known priest dahil palagi kong sinasabi name n'ya sa ibang tao, and a lowkey person na kilala ng mga only trusted friends ko.
Firstly, this publicly known priest na alam ng lahat ng mga kakilala ko. I totally knew that he had an idea to me kasi may bestfriend ako na parang ate ko na doon sa city na 'yon and that priest was assigned to a Cathedral. This priest was under the Diocese on the North of Metro Manila. His signature was shown in the left photo in the back of my school ID. He looks like an altar server boy and he was young-looking priest with attraction in his face because mukha talaga s'yang artistahin dahil pogi rin talaga. He already had an idea to me since my ate at church introduced me and he liked my idea of studying a Marian devotion/story na nakapangalan sa assigned church n'ya. Though, he already had mga "Inaakala" na crush ko s'ya. Yes, he was not wrong with that pero hindi talaga ako makaamin sakan'ya kasi torpe nga ako. Pero he did the greatest things that inspires me the most kasi sa totoo lang, It was hard for me to forget my first greatest crush priest na nilagay ko ung whole story sa first tumblr post ko.
But look what the he did, nakamove on na'ko and pinupursue ko na 'tong priest na 'to pero I'm not sure if it's really true ba na hinahanap n'ya talaga ako sabi ng ate ko sa church to help me study that Marian Devotion. Kahit papaano naman eh, kung ano mga gusto kong mapansin na simple efforts ko na hindi nabigay ng 1st priest na naging crush ko eh, nabigay naman netong 2nd priest na 'to. He influenced me in different things, especially we had some similar behaviors and wants, like having a same favorite saint and artist/singer, Beato/St. Carlo Acutis and Taylor Swift. Yes, I'm a Swiftie since I was a little girl, pero mas lalo kong minahal si Taylor Swift and ginusto lahat ng mga kanta n'ya dahil itong paring 'to was truly a Swiftie person.
Lastly, this priest na lowkey known ng mga only trustworthy friends ko. This priest was under the Diocese on the South of Metro Manila. He's so kind and he knows me deeply. He's one of the priest na nakakilala sa totoong ako. He appreciated me who I am because malapit s'ya sa youth. He's older than that publicly known priest that I've mentioned at the top of this story. I've dreamed of having a priest na kilala ko and kilala rin naman ako, like we have connections and closeness kung baga. This priest was so crazy kausap na parang youth lang din kausap mo and nagbabalagbagan kami, pero still, I have respect for him because he had a title in church din as a priest and mas older sa'kin. Pero, hindi ko na gaano nakakausap pa dahil busy ako due to school responsibilities and serving din pero he knows it all and nagkakaintindihan kami kasi pareho kaming nagsisilbi sa Dambana ng Diyos. We had some fun talking about and I even introduced him to my bestfriend din. Though, he also had some thoughts if crush ko s'ya and he asked me then din ng gan'yang situation, hindi ko lang sinasagot kasi hindi rin talaga ako sigurado kasi gusto ko talaga si "Fr. Publicly Known". Pero, nasasabi ko palagi sakan'ya mga gusto ko sabihin and willing s'yang tanggapin lahat ng concernments and funny things na pinaggagagawa ko.
I support them both lalo't nakikilala nila ako time by time. Still, I conserve the respect to them dahil sa mga titulo nga sila sa simbahan. Hindi ko man masabi sa kanila na crush ko sila, patuloy ko parin silang pinagdadasal sa kanilang pagpapatibay sa kanilang bokasyon.
CONFESSION:
Fr. Publicly Known Person,
I know you're really interested na makilala ako, pero handa rin akong ipakilala ko sarili ko sa'yo para tulungan ako sa lahat ng bagay na kaya mong itulong sa'kin. Pagpatuloy mo lang lahat ng mga gusto mong gawin alang-alang sa Diyos at sa'yong sariling kaligayahan din kung nakabase naman ito ayon sa ikabubuti mo. Yes, tama naman hinala mo pero hindi kita kayang diretsahin. Sorry, hindi ko rin talaga alam na hahantong pala sa gan'to lalo't finorce ko lang din talaga sarili kong baguhin lahat ng bagay para lang kalimutan lahat. Yes, sinabi nilang wala kang ginawang mabuti sa'kin kun'di magpasakop lang dahil sa feelings ko but I've proved it wrong dahil napag-honor student mo'ko at ire-represent ko 'yung Birheng naka-assign sa simbahan mo ngayon na willing kang turuan ako. Thank you for that effort, thank you for the things na intindihin lahat about me lalo't nalaman mo palang malayo ako from you and kailangan ko pang dayuhin ang Cathedral para sa Mahal na Ina, and to you also. Sadly, malilipat ka ng Seminary assignment pero tanggap ko 'yon dahil hindi naman forever na sa Cathedral ka lang ma-assign. Kahit atleast man lang, nakasama kita kasama ang Mahal na Ina na pareho nating minahal at ginalang bilang Ina ng Diyos at Reyna ng Langit! 🥹💗
Fr. Known by only trustworthy friends,
Yes, we both knew each other na po and thank you talaga sa pag-intindi ng mga kabulastugan ko and hindi kayo nagsasawa sa mga pangungulit ko sa buhay ng mga taong malapit sa'kin and of course, kasama po kayo doon. Every time you talk about me or being concerned about me, I always feel like that I'm not alone. I've always thought that I've had a priest by my side, concerned about me kahit alam ko na malayo ka talaga. Sa totoo lang po wala na rin talaga akong masasabi sainyo here kasi nasasabi ko naman po sa'yo 'di ba? Alam n'yo na po 'yun sa sarili n'yo. I don't know honestly if you saw this rants up talaga and hindi ko rin po talaga alam magiging reaction n'yo hahaha. Hindi pa tayo makapag-meet in person, layo rin kasi because I'm at the north and you're at the opposite direction. Basta po, I want you to know that I appreciate you having an effort na makipag-kulitan sa'kin though alam kong busy po kayo talaga sa time n'yo. Sorry po if sometimes, you may think of me na I was too annoying for being talkative or makulit na tao, pero of course you won't thought about that to me because you said that I am "Bata ni Father" ! 💗🥹
2 notes
·
View notes
Text
27 notes
·
View notes
Text
college [ entry #2 ]
it's been a while since i posted. after entry #1 i went and ghosted u jshdjwfhdjjhasbh anw, college na ako !! well, second semester na of my first year as a college student and i could say na it has been a roller coaster ride for me.
i still feel lost. sabi nila, it's normal to feel lost especially when you're a freshman and you'll get used to it naman but honestly, i don't think im moving xd. jk okay, meron namang mga baby steps pero i don't think it's improving huhu. okay, since matagal din ako nang ghost here let me tell you about the roller coaster of my college life so far :').
first, you won't believe this pero i was really THAT# close to being so broken-hearted nung october - november and it sucks like A LOT. since ppl might see this, i won't disclose that much info kase i want it to only be private pero ayun muntik na :'( but im glad that was just a phase. i also met new people and they are very VERY solid - they have been the cause of my happiness sa college life ko and everything im so thankful to have them around. i also met alec's friends sa feu tech and im enjoying a lot sa kanila huhu these ppl are gems and they make me forget about college stress. unfortunately, may mga free trial lang na friendships and isa na dun yung dalawa naming friend from first sem (hi college frenz i kno kilala niyo to jajhadj) no to ppl who invalidates u! remember the entry #1 wherein i ranted about feeling left out? well, my college friends really knows how to handle someone feeling left out and im very grateful huhu.
what happened to my antipolo friends? wala. they are still the same. may nag-away tho pero nagka ayos din naman and im so very thankful kase they are my og - my home ganern. my antipolo friends are a breath of fresh air literally one call away friends. im missing antipolo sm :( i forgot to mention na lumipat na ako sa qc and i have been staying here ever since college started. tho nagpupunta pa din naman akong antips anytime im free, iba pa din yung dun ka umuuwi araw-araw :[ im really, really nangungulila na kase i miss home. i miss my room, annoying my siblings, chikas with mommy, and especially miyuki!!!! GRRRR. I WANNA FAST FORWARD TO VACATION !
lately, im proud of my grades coz i can really see na nag improve ako (im not lying) yung standard and pressure na napunta sakin nung shs is tumaas ngayon hnggg i really wanna make ppl around me proud *cue this is me trying by taylor swift* ayun.. college life so far is... unexplainable. altho i got to try new things din naman! i won't tell specifically tho pero manila really changed me a lot and aminado din naman ako nung hs ako na i was certain manila will change me so im not even so shocked rn. pero ayun.. i kinda miss the jhs me hsahshhas i miss everything about highschool. i miss afcs. i can't believe im studying in feu now i think my soul is still stuck in 2019 hwhahwhahshaha.
anyways, i gtg! may pasok pa ako bukas it's currently 12am na. im gonna see alec tomorrow like i always do kapag vacant if hindi sila mag comp shop for their tournament practice sa valorant (im claiming na they will win hihi) im gonna tell u all about my day soon ulit! promise i won't ghost for long na HJHGDHADA XD. bye!
02/27/2023
6 notes
·
View notes
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/f9e21161af67fcd73f07578a3dd1ec35/c7a0e00a0c8880c9-c5/s540x810/4c1919515616b5e1008a2aeb9b373622dd3fe4ea.jpg)
sophie wonder turned 2 today!
2 years na pala simula nung dinelete ko yung lumang Tumblr ko.
Ito yung panahon na namimiss ko pa siya at pilit kong hinanap ang mga bakas niya sa mundo ng online. Sabi ng isang site, nasa Tumblr daw siya at... tama nga sila.
Nakita ko siya dito. Nakita ko yung pinned post niya. Alam kong siya yun. Sa dinami-raming Sachin Kumar Singh sa mundo, kilala ko yung Chinchin na nakausap ko. Pero hanggang doon lang. Hindi na ako nagreach-out.
2 years ang kinailangan ko para i-undo ang 9 months kong connection sa kanya. Mahal ko pa siya nung pinili kong umalis pero hindi ko na ata kakayanin ang panibagong cycle ng high at lows kung nagtagal pa ko.
Wala namang magbabago. Hindi pa rin ako. At hindi magiging ako hanggang dulo.
2 years kong sinisi ang sarili ko sa nangyari. Baka mahirap lang talaga akong mahalin. Mahirap lang talaga akong piliin. Kung sa bagay. Sa lawak ng mundo at sa dami ng taong pwede niya pang makilala, bakit naman siya magtatagal dito?
2 years na pero yan pa rin ang tanong ko sa mundo.
Bakit naman siya magtatagal sakin kung nakilala na niya yung taong sobrang naging sigurado siya?
Yung taong ka-wavelength niya, the embodiment of their principles. Yung babaeng pinakilala niya sa dad niya. Yung taong dinayo niya sa Manila para patunayan na seryoso siya. Yung babaeng kasing-talino niya na kayang sabihin yung nasa isip niya word per word. Yung babaeng alam na alam ang nararamdaman niya, kung kailan siya inaantok, kung kailan kailangan niyang matulog. Yung babaeng kasing galing ni Taylor Swift, spoken word artist na kumakanta at nag-ukelele.
Or yung nagllaw sa UP na Gemini Sun at Taurus Moon. Yung may pets at nagstart ng community pantry. Yung kahit emoji lang sila mag-usap, nagkakaintindihan sila.
Or yung kakakilala lang niya na kapareho niya ng top 5 planets sa astrology. Yung kapareho niyang mag-isip at naiinitindihan siya kahit hindi sila mag-usap. Maganda at kapareho niya ng sense of humor.
Bakit ako? Bakit dito?
Sophie Wonder. Sophie which means wisdom. Wisdom na wish ko sana ay meron ako. Wondering kung bakit ako.
2 years akong naniwala na baka wala nang makakakita sakin. Kapag nararamdaman nilang nagugustuhan ko na sila, doon sila lumalayo. Tama nga naman yun. Dapat ganun.
Pero siya, nandito pa rin siya. Siguro ayaw lang niya talaga mag-isa. Magssettle siya sa kagaya ko kahit hindi kasing saya nung dati niyang experience. Gusto ko lang sabihing he could have so much more than "this". Matindi ang faith ko dun. And sana siya rin.
2 years. Sabi ko sa kanya, bigyan niya yung sarili niya ng 2 years para maka-move on sa ex niya. 1 year pa lang simula nung huling usap nila. He's halfway there.
Pero paano kung hindi rin niya yun binitawan? Sabi niya hindi niya raw yun kayang malimutan dahil sa tindi ng memory retention niya. Ganun siguro kapag sobrang mahal mo ang isang tao. Kapag wala ka nang mapanghahawakan na galing sa kanila, sa memories ka kakapit.
Paano kung... ito na yun? 2 years later... kami pa rin kaya?
By that time, maniniwala na kaya akong pwede rin akong mahalin? Na okay lang na hindi accurate yung English grammar ko at hindi ako cum laude nung college? Okay lang na hindi ako Sagittarius or Gemini sun? Okay lang na hindi ako ganung katalino or exciting? Okay lang na hindi na ako layuan this time?
By that time, enough na kaya ako nun?
0 notes
Photo
doodles from like!!! march to current day!!
Basoso belongs to @phallales !!
#I think I have more in another file I just gotta look#I swore I drew more but I think its mostly like. little stuff for other ppl#Mindscape#drawing th gang as kids still makes me really happy.... look at the#Ariel Lindsay#Jean Taylor#Odyssey Patterson#Ross Corowell#Matilda Tinuvir#Crystal Vundale#Navi#Hellpoint#Naomi Goodwin#Winona Carrol#Sgt frog#keroro gunso#unnamed#Lapopo#Kilala#Macana#persona#Sgt Sodapop#soda scrombles#Good Lord thats a lot of tags#if u read this far i put captions on th images for like. context but not really
11 notes
·
View notes
Text
"Hey, I just met you and this is crazy. But here's my number, so call me maybe."
This played in my Spotify because I like to listen to random and suggested playlist lately to discover new songs because my playlist is usually Taylor Swift, The Vamps, 5SOS, Ed Sheeran, George Ezra (whom I just discovered) and ARTTM.
I remember that I 'danced' this song in my P.E back in college as an exercise performance. Alone. That is our semi's or finals. Damn it. I don't know how to dance. I was third year college there, and irregular because I transferred from PUP. Ang bad trip lang nun, almost regular na ako nung third year at puro sila na ang classmate ko tapos sa P.E, first year students. At wala akong kilala. Asar. But I survived! Hahaha.
But call me maybe. Lol
6 notes
·
View notes
Text
73 Questions (kunwari Vogue)
- What is one fear you would want to overcome? Yung social anxiety ko, yung sana di na ako matatakot sumagot ng telepono, makipag-interact sa mga taong di ko kilala. Makipag-usap sa future in-laws. hehe.
- What's something about yourself that you hope will change, but probably never will? Yung pakikipagsocialize ko haha sana mas makuda na ako, tsaka sa magiging jowa ko na sana maging sweet at clingy na ako, HAHA, never will.
- What is the best piece of advice that you have ever received? "May your heart remain breakable, but never by the same hand twice."
- What is the nicest thing someone has done for you? Yung mahalin ako kahit ganito ako HAHAHAHAHA ayieee, de charot. Siguro nung time na may nag-effort sakin na ilaan yung araw niya para lang maka-bonding ako haha sabi sayo TIME lang ang kailangan ko eh ☺
- What is the scariest thing you have ever done? Nakikipag-meet-up ako sa mga taong nakilala ko lang sa chat. Well, di pa ako napapahamak, let's see.
- What is the craziest thing you have ever done? Craziest thing na ba yung pumupunta pa rin ako hanggang ngayon sa bahay/office ng ex ko nang hindi niya alam? Haha.
- What is the most difficult thing you have ever done? Magparty at mag-inom ng gabi tas diretso pasok kinabukasan, walang tulog.
- What is one event in your past that has made you who you are? Nung natanggap ako dito sa first job ko, dito nag-umpisa yung pag-step up ko eh!
- What have you done in the last year that makes you proud? Yung nakakapagbigay na ko sa tita ko, yung may naipundar na ako, kasi sa wakas di ba, lahat ng pinaghirapan namin heto na, unti-unti nang bumabalik samin :)
- What is the biggest change you have made in your life the past year? Hindi na ako umiinom ng kape, at napapangitan na ako sa lasa ng alak. Ewan ko. Basta ang daming nagbago sakin nung 2018.
- What is something new you've learned recently? Maglaro ng PUBG at ML!!!!!
- What is the most frustrating thing that has happened to you recently? Yung di ako pumapasa sa mga inaapplyan ko haha lagi na lang, walang progress. Kung paano ako dati nung wala pa akong work, ganun pa rin ako hanggang ngayon, natataranta pag iniinterview.
- What is the first thing you notice about people? Kung totoo yung kinukuwento nila o nagsisinungaling lang. Grabe ang lala na ng trust issues ko haha pansin ko agad kung totoo o hindi. Ewan ko bakit kailangan pa magsinungaling sakin? Wala naman akong pake kung meron ka o wala ng ganitong bagay? Bakit kailangan pang magmayabang? Bat ganun?
- What do you value most in other people? Honesty. Tsaka time, basta paglaanan mo lang ako ng panahon at 'undivided attention', ok na ko mumsh.
- What small act of kindness was done to you that you will never forget? Pag pinagbubuksan ako ng pintuan, haha seryoso. Tsaka nung nagbibigay siya sakin ng notes nung mga panahon na nawawalan na ako ng gana sa lahat.
- What stresses you out more than anything? Yung social anxiety ko. Tsaka pag iniisip ko kung makakahanap pa ba ako ng bagong trabaho. Tsaka pag paubos na yung pera ko, nakakastress.
- What would you say the happiest day of your life was? May 3, 2018 ☺
- What is something about yourself that you hope will never change? Sana mahaba pa rin ang pasensya ko. Yun lang.
- What is the one question that you wish you knew the answer to? Ano bang meron sila na wala ako? Ano bang meron ako na wala sila? Bakit lagi na lang ako pinagkakaitan? Ay wait, tatlo na pala yang tanong ko haha.
- What aspect of yourself are you most insecure about? Physical appearance hahahahaha wala eh ganun talaga
- What is your biggest character flaw? Panget ako. De, bukod dun, siguro yung hirapa kong i-express yung emotions ko, di ako nagsasabi/nagsasalita pag may something na mali, kumbaga kinikimkim ko lang lahat sa sarili ko. Kaya heto nasasabihan ako na "nasa loob ang kulo".
- What is something that you did growing up that your parents never found out about? Yung nagba-blog ako?
- What is the most valuable thing you own? Bukod sa phone ko, yung mga notes na nakatago sakin.
- What is the first family trip that you can remember? Hindi mahilig bumiyahe yung mga kamag-anak ko, kaya wala akong kahit anong trip na mareremember, pero ang naalala ko lang eh yung huling beses na umuwi kami ng Bicol, tas pag tuwing gabi nagtatakbuhan kami kasi may mga aswang :)
- What is one thing you thought you would never give up but did? IKAW. Ayy wait bagay ka ba? Hanggang ngayon di pa rin ba ako nag-give up?
What is one event in history you wish you could have witnessed? Martial Law. Ewan. Baka mas maintindihan ko kung bakit ganun ang kinahinatnan ng lahat.
- What character from film, television, or literature do you most identify with? Yung mga zombie dun sa Night of the Living Dead hahahahaha
- What website do you visit the most? Why? Twitter. Ewan ko, basta mas gusto ko yon kesa sa Facebook.
- What is something you pretend to understand but really don't? Kapag about movies yung pinag-uusapan nila, di ako maka-relate eh.
- What's one thing you don't think you'll ever be able to do? Mag send ng nudes sa taong may jowa na ha ha ha ha opx.
- What's the best gift you've ever received? Pagmamahal haha charot. De, wala pa ring tatalo sa singsing ;)
- What is the best gift you have ever given? Choco Butternut Donut ♥
- What is the hardest part of your daily routine? Waking up, yung pagligo sa umaga jusko. Tsaka pagbiyahe.
- In your daily routine, what brings you the most joy? Pag bumibiyahe din actually, kasi nagsa-soundtrip lang ako nun tas kunwari mag-eemote, masarap sa feeling, tsaka yung nakakarating ako sa kung saan-saan. At masaya ako pag bagong sahod tas magsha-shopping ako hahahaha.
- What's the best part of waking up? Wala, kasi dun ko nararamdaman lahat ng mga anxieties ko sa buhay.
- Are you more afraid of missing an opportunity or making a mistake? Making a mistake, kahit paulit ulit akong nagkakamali natatakot pa rin ako haha, pag pinapalagpas ko naman ang opportunity ok lang kasi alam ko namang meron pa next time.
- Have you experienced something that happened to you that you have no explanation for? Oo. At di ko pa rin siya kayang i-explain how and why did it happened.
- In what way do you practically show your love to friends and family? Alam naman ninyong lahat na kuripot ako, so kapag halimbawa binilhan kita ng pabango HAHA. Basta, pag inuna kitang bilhan bago ang sarili ko, ibig sabihin nun special ka ☺
- When you think of 'home', what comes to mind? Yesss, makakapagsoundtrip ako ng malakas at kakanta lang ako ng kakanta. HAHA.
- When faced with conflict, do you confront, compromise or flee? Flee, duwag ako eh.
- When you hear the sound of ringing bells, what do you associate that sound with? Bell before communion.
- Who has been the kindest person to you in life? Si CJ ☺
- Who is your favorite actor or musician? Bruno Mars pa rin, hihi.
- What is the number one album on your phone? reputation !!
- What are your favorite song lyrics? "You and I walk a fragile line. I have known it all this time but I never thought I'd live to see it break."
- What song in your music library gets the most plays? Getaway Car - Taylor Swift
- If you could save three memories from your life forever, what would they be? First is nung nagba-ballroom dancing kami nung high school. Ewan ko kung bakit basta ang saya saya ko nung time na yun. Pangalawa, memories ko with my parents, kasi wala na akong maalalang kahit ano mula sa kanila, sorry. Pangatlo, nung nakita ko si Bruno Mars ng live!!
- If you had a day all to yourself, where would you go and what would you do? Gusto ko makapunta ng music festival, tapos nandun lahat ng fave kong performers, aaaaa that will be the best!!
- If you could have any job for a day, what would it be? Part ng production team, ng 24k Magic Tour/Reputation Tour.
- If you won the lottery, what is the first thing you would do? Bibilhin ko agad yung pagmamahal niya. Charot. Mag-aaply nako agad ng VISA hahahahaha bye guys
- If money were no concern, what country/region would you visit? Japan ☺
- If you could travel back in time, what year and place would you choose? Grade 5, 2007? Sa school ko nung elementary, dun nag-umpisa yung pagka-fucked up ko sa buhay hahahaha
- If you could go back in time and prevent one thing from happening, what would you choose? Could I prevent my parents' death?
- If you could be fluent in another language, which one would you choose? English para naman makapag-apply na ako sa BPO, haha.
- If you had to evacuate your home, what would you take with you? Yung mga inipon kong papel since elementary, may sentimental value sakin yong mga yon kaya hanggang ngayon nakatago pa rin.
- If you died tomorrow, what is one thing you would miss the most? Ano nga bang mami-miss ko. Ewan ko. Parang wala na yata. Kasi makakalimutan din naman nila ako eventually.
- If you knew your next meal was going to be your last, what would you eat? Spaghetti pa rin ☺
- If you could ask any President one question, what would it be? To Duterte, ANONG TRIP MO?!
- If you could meet anyone in history, who would it be? Marcos naman, tapos itatanong ko rin kung anong trip niya.
- Is it better to 'have loved and lost' or to 'never have loved at all'? Never have loved at all. Ang sakit pa rin maiwanan eh.
- Why do people enjoy movies with good endings? Kasi dun lang nafu-fulfill yung mga bagay na imposibleng mangyari sa realidad.
- Is it ever right to do the wrong thing? Kahit naman hindi tama gagawin nyo pa rin ang mali. Bahala kayo dyan.
- How do you determine if something is right or wrong? Ang hirap naman ng sagot dito haha, nasa pagdadala mo kasi yan eh, kung ok yung outcome, e di tama. Pero kung may naabala/nasaktan kang iba, e di mali. Tsaka iba iba ng point of view yan, yung pwedeng tama sayo, mali na pala sa kanya. Kaya kayo naghiwalay eh hahahahaha
- How would others have described you as a child? Tamad sa gawaing bahay. Hahahaha
- What is the top thing you want to accomplish in life? Gusto ko yung kada buwan bumibiyahe ako pa-ibang bansa. Yun lang.
- What is one thing on your bucket list? Makapunta ng Japan.
- How do you want to be remembered? Eto yung sinabi ko sa previous post ko, na pag namatay ako, makakalimutan din naman nila ako eventually, pero kung may makaalala sakin, sana hindi ako maalala as tatanga-tanga, or parang anino lang yan na di naman napapansin at walang emosyon, sana maalala nila yung weird side ko, na ako lang yung tanging ganun na nakilala nyo haha gets mo ba. Basta, in some ways sana napangiti ko kayo sa kaweirduhan ko.
6 notes
·
View notes
Video
youtube
Warning: Spoilers, violence
Title: RISE
Editor: Kilala Taylor
Song: Rise
Artist: McClain Sisters
Anime: Wedding Peach, Pretear, Princess Tutu, Cardcaptor Sakura, Futari wa Pretty Cure, Futari wa Pretty Cure Max Heart, Futari wa Pretty Cure Splash Star, Yes! Pretty Cure 5, Yes! Pretty Cure 5 Go! Go!, Fresh Precure, Suite Precure, Heartcatch Precure, Doki Doki Precure, Precure AllStars DX movies 1 and 2
Category: Drama
#anime#amv#magical girls#mcclain sisters#video#muse#song#youtube#edit#rise#rise [AMV]#kilala taylor#anime mix#too many anime to list#drama
1 note
·
View note
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/967862364741ee3c6a9bb5acb034c02d/afd64ca7eb19ee72-54/s540x810/43c88f8b0703ef628cc70cab6658c2906281ff17.jpg)
Ang Side A ay isang Filipino pop band na nabuo noong 1985 na nakakuha ng pagkilala sa eksena ng musika sa Pilipinas noong huling bahagi ng dekada 1980 hanggang sa unang bahagi ng 2000s. Kilala sila sa kanilang hit single na "Forevermore". Nakamit ng Side A ang pangunahing tagumpay sa komersyo noong 1990s. Noong 1993, naging triple platinum ang ikatlong album ng grupo at noong kalagitnaan ng 1990s, nakakuha ang Side A ng dalawang Awit Awards, ang katumbas ng Pilipinas sa Grammys. Kasama sa eponymous debut album ng Side A ang kanilang unang hit na single na "Eva Marie" na nagbigay daan para sa kanilang tanyag na karera sa pag-record. Ang mga kantang Classic Side A tulad ng "Windows of Our Souls" at "'Di Pa Huli" ay makikita sa album. Ang uptempo na "'Di Pa Huli" ay nag-catapult sa banda sa mainstream. Sa halip na isulat bilang "Side B," ang B-side ng kanilang mga album ay isinulat bilang "Side A din." Di-nagtagal pagkatapos ng kanilang tagumpay sa kanilang debut album, umalis si Rodel Gonzalez para sa bandang Second Wind. Umalis sina Pido Lalimarmo at Mar Dizon noong 1990 upang bumuo ng Artstart. Nanatili sina Lalimarmo at Dizon sa Artstart hanggang 1994 nang nakipag-isa si Lalimarmo kay Eva Marie Poon (kapatid ni Richard Poon) para bumuo ng Take One at Dizon na sumali sa Parliament Syndicate. Tinaguriang "Philippines' premiere band" at ang lokal na bersyon ng bandang Toto, ang Side A ay itinatag noong 1985 ng magkapatid na Rodel at Naldy Gonzalez, Joey Benin, Kelly Badon, Mar Dizon at Pido Lalimarmo. Inilabas ng banda ang eponymous debut album nito noong 1989. Ang Side A ay nagsagawa ng 10th anniversary concert sa Cuneta Astrodome sa Pasay at isang live recording ng palabas ang inilabas na pinamagatang Side A Live! Ang 10th Anniversary Concert na naging triple platinum. Ang album na ito ay naglalaman ng mga cover version ng international at local OPM love songs. Kabilang dito ang orihinal na "I Believe in Dreams" na isinulat ni Joey Benin na si Janno Gibbs, pati na rin ang bersyon ng "Your Smiling Face" ni James Taylor kung saan maririnig ang lahat ng miyembro ng banda na kumakanta ng mga solong bahagi. Ang banda ay unang pinamahalaan ng Christian-oriented artist management company na tinatawag na Artistation Inc., na pagmamay-ari ng yumaong Wyngard Tracy.
0 notes
Text
Let me tell you something about the moon
What am I afraid of? Is it really the darkness? or is it because we don't know what's inside the dark? It's the latter. The fear of not knowing what is in the dark. It's the fear of emptiness and uncertainty.
I am in the dark. I can't see what's ahead of me and the emptiness is drowning me. Every fear that I have is right before my eyes. It's too much. I'm barely living, but I'm trying.
I realized that I've been in here for the longest time in my life. At one point, I manage to escape but it didn't last long. Free trial lang kung baga, 'cuz the brightest part of the world doesnt belong to me. In other words, I really don't deserve good things in life lol. Binalik ulit ako kung saan ako nararapat. I learned to accept it. I'm so tired of trying to find my escape. I just wish for it to end. When will it end?
Ang sakit sakit na mabuhay dito sa mundo. Why do we have to feel pain? I just wish to have better chance in life. Maybe- just maybe, things will be different.
At this point, hindi ko na kilala yung totoong ako. I'm living for the sake of other people-for my family. When will I have the chance to live for myself. I never had this kind of priviledge.
Earlier this day, I watched 'Hello Love, Goodbye'. The movie came out last 2019 pero ngayon ko lang siya napanuod hehe. I found myself in the same situation as Joy. I can't even put it into words. If you already saw the movie, malalaman mo kung pano naging ako si Joy. Pero siya kasi nagawa niyang i-pursue yung pangarap niya. Ako? Kailan kaya?
Kasi hindi ko kayang piliin yung sarili ko. Yes. I have a choice. Pwedeng pwede ko piliin sarili ko but that will cost us everything. Saakin sila umaasa, I don't want to disappoint them. I need to be strong for them. Ang sakit sakit saakin pero ito yung kapalaran ko eh. I was programmed for this kind of life. Alam ko na ganito yung magiging ending ko matagal na.
Masyado lang talaga akong naghangad ng masayang buhay. Pwede pa rin naman akong maging masaya ng ganito eh. I just thought na baka may iba pang paraan para makaalis ako sa sitwasyon ko. Pero mahirap mabuhay sa panaginip, gigisingin ka ng realidad ng buhay. If I will choose myself, EVERYTHING will fall apart and I can't afford to do that. I can't risk it.
I'm miserable but I will still try to live a happy life. Sana dumating na yung time na hindi na ako mahihirapan na piliin yung sarili ko. I'm so used of choosing others over me. I don't think I could ever do anything for myself without feeling guilty.
Am I too harsh on myself? Siguro kasi gusto kong magalit sa mundo dahil sa sitwasyon ko ngayon pero nagagalit ako sa sarili. I'm trying to punish myself as if I not living in hell ever since lol. My whole life is a whole ass drama plot. Maybe I could try to write my story and try to sell it para may kwenta naman yung buhay ko lol.
Everyday is a struggle. I cry myself to sleep. I tried so hard to be happy. I'm actually a cheerful person kung wala akong mental issues. A lot of things could make me smile: like the moon and the stars in the sky, like food; food makes me happy hahaha, like the smell of books, like the flowers that blooms randomly on the ground and etc. I don't know why I'm very fond of wildflowers. Like flowers that randomly grow anywhere (favorite flower is a daisy 🌼). Some will call it weed or unwanted plants/flowers, common flower or fillers sa mga boquet, pero yun yung mga gusto kong bulaklak. Yung tingin ng iba ay walang kwenta. Kasi theres so much to see in this world. You can always have a reason to be happy, you need to look for it and appreciate. Pero kasi bakit ganito ako ih. Bakit ako nalulugmok sa kalungkutan? Bakit nahihirapan parin akong maging masaya?
I'm too depressed to even talk to anyone. I'm too scared na mapagod silang intindihin yung mga kadramahan ko. Kasi paulit ulit lang naman eh, araw araw ganun walang bago. Ako nga pagod na sa sarili ko, sila pa kaya? I'm scared that one day they will leave. Kaya ba iniiwasan ko silang lahat ngayon? Maybe? Di ko rin maintindihan sarili ko. I know marami akong kaibigan na iintindi saakin at naappreciate ko silang lahat. Natatakot parin akong di nila ako maintindihan at magsawa silang intindihin ako. Kaya most of them will not ask or check on me kasi ang alam nila na I will reach out pag ready na akong magopen up. But often times, I try to keep everything to myself to the point where I will miss the chance to talk about what I really feel.
Most of the time I just need someone who will listen sa mga rant ko. Kahit minsan walang kwenta yung mga sinasabi ko. Kahit wala ka ng advice or comment. I just want to be heard. I want to be seen.
I don't know how to handle myself anymore, tbh. One moment I will try to distract myself by doing some workouts etc and then bigla akong hihinto midway kasi I suddenly felt like crying. And I have to get through the day with a heavy heart.
I will stay where I am, for now. I hope and I pray to have the chance I deserve. A better chance in life, perhaps.
Because life is a battlefield, you need to learn how to wield a sword. You have to fight for your life and face everything that is coming your way. Hindi maiiwasan yung casualty, you could fall but you need to learn how to stand again para ituloy yung laban. The goal is to make it out alive. So, we need to have courage to live. The prize will be worth it in the end.
I know I can't do this alone. I'm sorry if there would be ocassions where I'm hard headed and not easy to be understood. Sorry if I ever try to push everyone away cause I feel like I will not do you any good. I tend to overthink a lot kaya I'm sorry for some unecessary thoughts or shits that I may have said that doesnt makes sense at all. I'm sorry if there are times na ang sakit kong magsalita at maattitude ako, sometimes its trauma response to protect myself from getting hurt.
Ikaw na nakakabasa nito. Yes, you!! I love you. Thank you for staying in my life kahit magulo ako most of the time and I know I have toxic traits rin. Thank you sa walang sawang pag intindi. Thank you for being patient with me. It's rare to have someone like you and I thank God every single day. I sent this to you kasi I trust you with every bits of my soul. Ipagkakatiwala ko sayo even the darkest part of my mind.
You would probably think na baliw na ako hahaha I was crying while typing the first half of my post and then afterwards I found my 'strong self' again. Very therapeutic talaga itong ginagawa ko hahaha.
Also, I found out that my name "Laila" originated from an Arabic/Hebrew word which means 'night/dark' it could mean 'beauty in the dark', 'daughter of the night', 'dark hair beauty'.
Amazing right? Maybe I'm really destined to be in the dark lol. Coincidence lang talaga yung pangalan ko huhu. Di nga alam ni mama kung ano ibig sabihin ng pangalan ko eh hhhh. Maybe I'm really the daughter of the night kasi I love to associate myself with the moon or the stars. I always fall inlove with the nightscape or nightskh. It's the only time of the day where the stars will shine and the moon will be seen. Bagay na bagay saakin yung pangalan ko.
Anyways, thanks for reading. You made it this far sa post ko so, thank you for your time and effort.
Hope you have a great day and stay safe.
Your dramatic Leo girl who has anxiety issues,
Laila
I'm cute or whateva
1 note
·
View note
Text
Storytime tayo: MY NEW JOB! ✨
Natapos na yung first three days (1st week) namin sa work. Whew! I survived. ノ(・ω・)ノYehet! Haha. More days to come hahahahaha.
Bale, I’m back to Manila again this time. After less than 11 months of working in Valenzuela, I’m back back back back again! Hello, Manila! Hahah. Akala mo eh okay palagi siya haha. Back to pagbangon na naman ako ng 4:30 ganun tapos dapat nakaalis na ako samin ng 5:30 o bago mag-6. Pipila pa kasi sa bus tapos palagi mahaba pila run. Yung bus na sinasakyan ko ay rutang pa-Cubao tapos bababa sa LRT. Sa Roosevelt ako palagi bumaba— kahit madadaanan una Balintawak—para mas siguradong makakaupo ako. Mahaba kasi byahe eh. Para makapagpahinga. So parang bumalik talaga ako sa routine ko nung college. Pati sa pag-uwi, balik sa mahabang byahe. Good luck sa akin sa darating na rainy days. Hirap pa naman sumakay. Potana!
Bale, ayun nga I’m hired again. This is my second job na and to be honest, I want to make the experience better than the last time. I also want to keep a lot of my business to myself na rin, idk why. When I got the job I did not post about it in any of my socials na maraming nakakakilala sakin (so that’s fb, twitter, and IG. Tumblr is an exception. This blog is my castle. I can say all I want and couldn’t care less about your hate or annoyance towards me). I only told my close friends and fam lang. Onti lang talaga. I’m a very talkative person and I share LOTS of stuff in my socials so I admire myself a little for not boasting about immediately getting a job in my socials. For once, I want to keep what I’m working on or where I’m working at as a secret. (Tang ina, asa naman ako diba? Nagpopost din sila ng mga pictures namin na nakalagay pa yung pangalan ng school. Wala rin haha. Okay lang naman. Hindi naman nila alam mga walang kwentang bagay na gusto ko gawin sa buhay ko. Haha. Wala silang kasalanan.)
Nung Wednesday ay first day of reporting namin sa work. Bale dun na rin makikilala mga bagong kaworkmates. Ayun, shockingly ang daming PNUans. Ang daming nakakakilala sa akin so scratch na natin yung plano kong “start in a new working environment as a new person”. Ulol, Regie. Hahahahaha. May mga construct na mga yun sakin. Hello judgments! Hello expectations! Hello disappointments! Ang daming nakakakilala sa akin so ayun. On the brighter side, mababait naman yung mga yun kaya okay naman. Sana magcontinue lang yung maayos na communication kasi based on my experience, sa umpisa lang talaga mababait mga tao.
Going back dun sa part na sinabi ko na marami nakakakilala sa akin, baka kasi magtunog mayabang, ganito kasi nangyari okay. Okay context, may mga pangyayari at chismis din kasing naganap sa akin sa Uni kaya maraming nakakakilala sa akin. Yung ilan mga mabuting bagay at yung ilan baboy na kasinungalingan. So lunch namin yun, magkakasama kaming ilan sa mga bagong magkakatrabaho, tapos nagpapakilala. Kilala ko sa mga mukha yung ilang PNUans na andun kaya nagpakilala ako.
Me: Hi po. I’m Red po. Them: (*dalawang Math teachers from PNU as well*) WE KNOW, WE KNOW.
Insert “hay nako ito na naman tayo” face. Tinanong ko sila tapos confirmed nga na dahil nga sa mga bagay na yun kaya kilala nila ako. Sabi ko quiet na lang kami. Sana talaga huwag nila ichismis sa iba. Ito yung mga panahon na damang dama ko yung line ni Taylor sa isa sa kanta nya na “my reputation preceeds me.” So mas umepic pa ‘to kasi kanina nakipagkilala naman ako dun sa isang PNUan din na teacher na dito sa bago kong workplace. Bale, nauna siya samin sa school na yun.
Me: Hi po. Red po. Teacher: Ay oo kilala na kita. Crush ka kasi nung kachurchmate ko. San ka uli naghigh school? Yon! Dun…(mahaba pa).
NAKAKAHIYA. (ノ゚Д゚) So ayun back to important matters. Masaya naman ako dahil ayos naman (so far) yung ilan sa mga katrabaho ko. Yung madalas kong kasama mga taga-PNU din. Saka ang dami naming mga bakla. Nakakatuwa. Ang dami talaga. Mabuhay ang sektor namin!
Ayun nga, nalagay pala ako sa JHS. Bale hawak ko English 7 hanggang 10. Kaya naman kahit maraming preparations. Pinapagawa kami ng course outline nitong mga nakaraang araw pati kanina. Nakalagay na run mga topics and stuff. Nastress lang ako at nafrustrate kasi gusto ko talaga siyang matapos na at maasikaso kaso hindi maprovide yung kailangan ko na book. Maraming refrence book, yes. Kaso naglagay sila ng specific book title from a specific publishing house eh. Kailangan ko yung books na yun kasi yun rin naman gagamitin ng mga bata. Kung gagawa ako tapos ibang book, eh siguradong uulitin ko yun. Ang nakakainis lang eh wala pa yung kopya ng libro. Tapos kailangan na namin ipasa yung outline sa Lunes. Hays. Anak ng. Napufrustrate ako kasi gusto kong gumawa ng maayos hays.
Anyway, to end this entry in an interesting note—dahil Friday ngayon nagkayayaan kaming magkakaibigan na kumain muna sa labas after work. Apat kami: isang babae tapos tatlo na kaming bakla. Hahaha. Nauna umuwi si Joyce so kaming tatlong bading nagsamasama. Nag-SM Manila lang. NagMcDonalds tapos daming kwentuhan. Habang nagkekwentuhan kami may nag-aya sa akin makipagkita sa Pedro Gil. Medyo fishy siya pero go. Sinamahan nila ako. Dama nung isa kong friend kakilala namin. Sinabi kasi full name ko. Pagdating dun nagtago na sila. Ako naman antay tapos O MY FUCKING GOURD. Tama yung kaibigan ko. Yung kakilala nga namin. Kaso chaks talaga siya as in. Tapos nanginginig ako sa pagkabigla at pagkafreak out. Chinat ko agad sila na iligtas ako sa sitwasyon kasi super awkward na tapos idk how to escape. Idk want to hookup with that person. Di ko siya type tbh. Kilala ko pa tang ina diba. So bumalik sila panggap ako na naghug sa kanila tapos bumulong ako na “help me”. Ganap naman mga kaibigan ko. Kamustahan and shit kasi magkakakilala nga kami omg wtf. Nakaisip ako ng reason na may kaibigan akong nagpapasundo sakin tapos aalis muna ako saglit. Pumayag siya tapos naglakad na ako. Sumunod yung dalawa kong frennies. Tapos ayun. Omygod. Nanginginig talaga ako sa pagkabigla, bewilderment, konting takot kasi muntikan akong di makaalis sa sitwasyon na yun, saka konting “wtf ano nangyari?” Hinatid nila ko sa LRT tapos umuwi na sila. Hahahaha.
Yun lang. Good night y'all.
1 note
·
View note
Text
From my jeje days up to my professional teaching days, (and that's ten 1/2 and more counting years) I love a girl whose birthday is today.
Many people have asked me, "Ryan, anong nakita mo sa kanya, bakit siya favorite mo?" and I always answer them back, "True love doesn't have definition."
Many people have asked me, "Bakit mo siya mahal, e di ka naman niya kilala". She might not know me yet (but some fans have said recently that she's taking screenshots of her fans secretly) but aside from her, I am in love with the feeling of mingling with my co-fans *Swifties*. I am in love of waiting to the songs, announcements, and other stuff she's releasing. Those are my stress relievers.
So from my jeje days up to my professional days (lol, I am still Jejemon today) up to my retirement days , I will support and love a girl named Taylor Swift. Happy birthday our queen! :) @taylorswift
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/d6034a72b661d114226c2e197fc61c38/tumblr_inline_p0vbcmQfKe1qfvz52_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9db11e930dd9d6d289f21d1d1f7fcb84/tumblr_inline_p0vbclI1PD1qfvz52_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6ae22b73454e665049ab3cf2d891d39c/tumblr_inline_p0vbcl3mOl1qfvz52_500.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9bcca61c0422d45ac472b5113ad0a678/tumblr_inline_p0vbcnww6D1qfvz52_500.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6b340faac9fc6d3ce0f0357305447ed6/tumblr_inline_p0vbcoeaTl1qfvz52_400.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/5223d408c445d79e51b0a82b557cc535/tumblr_inline_p0vbclqoO61qfvz52_400.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/773408ed494f70fa014301abcedf9d0a/tumblr_inline_p0vbcmddmp1qfvz52_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/f7805d1ba911ad7ba56b483bf665ddbb/tumblr_inline_p0vbcoHUvh1qfvz52_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a76577a095a738605bcca25c0a7fc702/tumblr_inline_p0vbcpMDNi1qfvz52_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/168942a9906b78a2898352bddae5ac16/tumblr_inline_p0vbcmMEUF1qfvz52_640.jpg)
2 notes
·
View notes
Text
BESHIES
Marami ako friends at close friends pero when it comes to best friend, wala talaga pumapasok sa isip ko kasi alam ko wala akong ganon. Pero kanina, bigla kong naisip yung dalawang dating best friend ko. Meron nga pala. ALMYRA; Nagsimula friendship namin nung first year high school. Alam ko rin na tunay ko siyang best friend, bukod na we support & understand each other, nag-aaway kami. Pagdating ng second year, di ko na siya kaklase. Pero magkatabi pa rin kami ng room. Walang nagbago sa turingaun namin. Pumunta pa ko sa bahay nila pag bakasyon para magpaturo maggitara. Third year, lumipat sila sa Cavite. Bago siya lumipat, nagkita kami sa 7/11, binigyan ko siya ng singkwenta pesos hahahahahahaha barya pa yun. Sabi ko pandagdag niya sa pambili ng album ni Taylor Swift. Fan na fan kasi siya nun. Sabi ko sa kanya tutulungan ko siya mag-ipon pambili ng album. That time, ayun pa lang talaga ipon ko tapos nakalagay pa sa bote ng sprite, taena hahahahaha. Naghug kami bago magpart ways. Kahit nasa Cavite na sila nakatira, nakakapag-usap pa rin kami. Wala pa ring nagbago. Minsan loloadan ko pa siya para makapag-usap kami. Nung nauso yung Viber, lagi kaming magkausap don. As in buong araw pa. Di kami nagkakaumayan. Nagtatampo pa nga yon kapag di ko siya nakakausap or may araw na di kami nag-uusap. Kaya bumabawi ako sa kanya. Pagdating ng fourth year - first year college, di na kami nagkakausap. Bihira. Di ko na tanda ano nangyari bat nagkaganon pero di naman kami nag-away or what. Nawalan lang rin talaga ng connection. Di ko matandaan kung nung bakasyon ng first year college o nung nagstop ako nung binisita niya ko sa bahay. Biglaan, di ko alam. Kasama niya pa mama niya. Naligaw pa nga daw sila papunta samin kasi di niya na tanda. Nung time na yun, yung mama niya may kailangan asikasuhin. Kaming dalawa naman nag-gala. Masaya naman ako na nakasama ko siya uli pero I feel so distant at the same time. Pero di ganon kasaya. Yes, nakapagcatch up kami pero ang alienated at awkward sa feeling. Suddenly, di ko na siya kilala. After non, di na kami uli nagkakausap. Nakakapaglike pa rin naman ako sa post niya minsan. Ganun rin siya sakin. Pero ramdam ko na non na di na kami tulad ng dati. Nung lumipat na ko ng Mapua, nagkakausap na kami uli. Nalaman kong fan na rin siya ng kpop, tulad ko. And may bago na siyang best friend, si Nikka. Mahilig rin sa anime at kpop, tulad ko. Nagkausap rin kami ni Nikka at nagfofollowan sa ig. Di ako nakaramdam ng selos or what. Normal lang. KEITH ANNE; Itong babaeng 'to, isa talaga siya sa malapit sa puso ko (noon). Mas close kami kesa kay Almyra. First year high school rin nagsimula friendship namin. Naging friends kami agad nung first day of school. Wala pang sitting arrangement non, nakaupo siya sa likod ko. Punyeta believe me, ang daldal niya hahaha. Pinag-uusapan pa namin non Boys Over Flowers. Yung katabi ko si Jesselle, katabi naman ni Keith, si Ella. Naging friends kaming apat agad. Pero eto, segway muna. Pag uwian, si Jeselle at Mercedes lagi kasabay ko. Close friends ko sila. Same kasi kami ng dadaanan. Nakalagian na naming tatlo na tumambay don sa palamigan sa 23rd. Lagi kami kumakain don bago umuwi. Si Jeselle nauuna laging umuwi samin. Si Mercedes taga-Taguig pa yon. Yung sakayan papunta sa kanila baba lang namin. So inaantay ko siya makasakay lagi bago ako umuwi. May time na di kami sumabay ni Mercedes kay Jeselle dahil sa kalandian namin. Parehas kasi kami ni Mercedes ng crush, si Nikolai. Sinundan lang naman namin pauwi si Niko non hahahahaha pero di naman hanggang bahay. Hanggang Goldilocks lang, mga 10 mins away sa school namin. Nang dahil don, nagtampo si Jeselle samin. Back to original kwento, naging kaibigan ko rin tropa ni Keith, si Ella at Cheenee. Sa ibang section si Cheenee, pero nung elementary, tropa na talaga silang tatlo. Same kaming apat ng pinag-aralan nung elementary. Nakikita ko na sila non and yun naging magtotropa kaming apat nung high school. Galing di ba. Tapos nadagdag samin nun si Mika. FHX tanda kong pangalan ng group namin pero alam ko may isa pa eh, hayup di ko na tanda. Anim dapat kami pero saling kitkit lang talaga yung isa. Di siya real tropa. Sa aming lima, kami ni Keith pinakaclose. Wala kaming umayan non. Magkausap kami sa school, magdamag na magkatext pa kami pag-uwi. Madalas pa kaming tumambay sa school after class sa dalawang dahilan. Una, inaantay si Cheenee. Pangalawa, para masilayan mga crush namin. PS di na si Niko crush ko non, Si DJ na which kaklase ni Cheenee. Galing di ba. So may rason talaga ko tumambay. Either sa school kami or sa bahay nila Ella which 5 mins away lang sa school. Dahil sa patambay-tambay namin, di na ko nakakasabay umuwi kila Jeselle at Mercedes. Nagtampo sakin yung dalawa. Umabot sa point na pinapili nila ko kung kanino ko ba gustong sumabay lagi pauwi. Pinili ko sila Keith. Nagpatuloy kagagahan namin HAHAHAHA. Madami talaga kaming kagagahan nung babaeng yon. Suportado pa namin kalandian ng bawat isa. Lagi rin ako nasa bahay nila either sa 29th or sa 13th. At siya rin nasa bahay namin lagi. Lalo na pag bakasyon. Nagwawave board kami madalas. Nagpatuloy friendship namin hanggang second year.. hanggang sa may nangyari. Mid year ng third year, nag-away sila ni Cheenee, niloko niya at naloko rin kami. Tagal na pala kaming niloloko. Nagstop siya ng pag-aaral non, di na kami nag-uusap. Di ako nagkaroon ng chance na iconfront siya. Nung debut ni Ella, invited si Keith pero di pumunta. Napag-usapan namin ni Cheenee yung nangyari kay Keith pero wala, di pa rin naayos hanggang ngayon. Sa ngayon, nagfofollowan pa rin kami ni Keith sa ig. Nagbabatian pa rin pag birthday ng isa't-isa pero normal na lang. Pero gusto ko pa rin dumating yung time na makapag-usap kami at sabihin niya dahilan bakit niya nagawa samin yun. So kanina nga, narealized ko lang rin na di na pala ko nagkaroon uli ng best friend after nila. Wala na kong tinuturing na best friend, close friends lang. May mga kaibigan ako na nagsasabi na best friend daw nila ko, pero I don't feel the same way. And di naman sa masama ako, but di ko na rin pinaalam na one-sided best friend turingan lang yun sa nagtuturing saking best friend. Di naman ako malungkot na wala na ko best friend, pero kung magkakaroon uli, why not di ba? And sana, panghabambuhay.
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a4004c9f36166a806e5e95a13c96e05c/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao8_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/1273ba9c990671e3d73d9a747a08f005/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao9_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3f6064c80903db22d8871382a481a568/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao1_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3bc9e9f08bde0cfd15239b94c55eb9cc/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao7_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3614d60ece89509500a7f07980df5241/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao2_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/42ab973624fcb5369f439818edf3a078/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao3_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/aef16f15dd74e14b197938ca5e337354/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao4_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a854b5b6ffbe815fd7fcc2b07b8e2fdd/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao6_540.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/859770207e71c930b12724793f801b3e/tumblr_pmxz2wHNln1u2omvao5_540.jpg)
Hey, happy Valentines day!!
#Orikero#sgt frog#keroro gunsou#I might go over one of the Valele ones but!! here's some doodles I've done#I actually really love the tie I made for them.....#Kilala#Lapopo#Valele#Ocs#Mindscape#Ariel Lindsay#Jean Taylor#Felix#I haven't drawn Felix in forever & it's for dumb reasons but!! my boy!!!#soda scrombles
7 notes
·
View notes