#kahanga
Explore tagged Tumblr posts
Text
When your batshitcrazyass became friends with someone who is genuinely amazing and kind and funny and their art makes you so happy that it makes you want to evolve your art and it makes you proud of yourself when they are proud of you and their art is so amazing and even if they don't make art you still care for them and hope they have the best time everytime all the time and you wish whatever horrible shit they have that they can be strong and take care of themselves and hope they get enough rest for themselves and if they want to vent to someone you are always open and ready to listen even though you are sick and tired of being the therapist friend but the thought of hearing or seeing someone sad makes you wanna cry and now you and that person r frens even though you have 0 social skills
(psst, yeah I'm talking about you guys in no particular order whatsoever @kindercelery @yourhappyfella @clownpallete @carol-the-clown @therollypollyrolli @theindescribable1 @the-monsters-in-1870 @jacenotjason @fizzycereal @homobrainjuice @akalikestodraw @galaxy-brushs-posts @sora-the-air-wubbox @therealbamdyhere
@justmwahstruly @mack-timelines @messyeart @biblicallyaccuratefour @maxphilippa @kennethmoop
@that0negvy @incredibly-swag (mostly u guys cuz we talk more and it makes me happy)
And all my other mutuals and fans :) )
#I love you all/p#it may not be much#but you all make me so happy#you guys are so silly so keep being silly#IM TALKING SBOUT ALL MY MUTUALS AND FOLLOWERS#i love you all :)#Nais kong magkaroon ka ng isang kahanga-hangang araw o gabi at gusto kong alagaan mo ang iyong sarili#Pakikinggan kita kapag kailangan mo ng balikat para iyakan#Sorry kung hindi ako naging mabuting kaibigan#idk i just hate myself rn lol
62 notes
·
View notes
Text
SBBR
Sa bayan ng Santa Maria, Davao Occidental, matatagpuan ang SBBR (Santa Maria Beach Resort), isang tahimik at nakakaaliw na tagpuan para sa mga nagnanais ng ganda ng kalikasan. Ang dalampasigan nito ay may pinong buhangin, habang ang asul na tubig ng dagat ay parang salamin sa ilalim ng araw.
Habang naglalakad sa baybayin, ramdam ko ang kapayapaan at sariwang hangin. Ang mga alon ay tila musika na nagpapakalma sa isipan. Malapit sa dalampasigan, makikita ang mga residente—mga mangingisda at pamilyang simpleng namumuhay, ipinapakita ang kultura ng lugar.
Ang SBBR ay higit pa sa isang beach resort. Isa itong lugar na nagdadala ng kasiyahan at pagmumuni-muni sa sinumang bumibisita. Kung nais mong maranasan ang payak ngunit kahanga-hangang ganda ng kalikasan, ang SBBR sa Santa Maria ay isang dapat puntahan.
Ann Lamoste
Grade 12 Ironstone
2 notes
·
View notes
Text
Sa loob ng isang linggong puno ng kasiyahan at sigla, nagkaroon ng matinding pagdiriwang sa aming paaralan noong ika-10 hanggang ika-16 ng Oktubre 2023. Ipinagdiwang namin ang isang masayang Sports Week na puno ng paligsahan, pagkakaibigan, at pagpapakita ng husay sa iba't ibang larangan ng palakasan. Sa bawat araw ng linggong ito, hindi lamang kami nagtagisan ng galing sa mga palaro, kundi nagtambalan rin ang aming mga damdamin bilang isang komunidad na may layuning maging malusog at aktibo.
Sa bawat pagtatanghal ng Sports Week, hindi mawawala ang mga laban na puno ng sigla at husay. Mula sa mga pangunahing laro tulad ng basketball at volleyball hanggang sa mga palarong sipa at online games, bawat atleta ay nagpapakita ng kanilang galing at dedikasyon. Sa bawat tagumpay at pagkatalo, nabubuo ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan sa aming paaralan at napapaunlad ang aming pagkakaibigan. Ang Sports Week ay hindi lamang isang pagdiriwang ng pagalingan kundi isang pagkakataon narin upang ipakita ang aming pagmamahal sa sportsmanship at paaralan.
Sa Sports Week na ito, kahanga-hanga ang tagumpay na natamo ng aming seksyon. Sa laban ng patintero, kami ay nagwagi ng unang puwesto, samantalang nakamit naman namin ang ikalawang puwesto sa doubles ng tennis at sa Mobile Legends. Bagamat kami ay nakamit ang ikatlong puwesto sa mga laban ng basketball at volleyball, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang aming husay at dedikasyon sa larangan ng palakasan. Ang bawat tagumpay at pagkilala ay nagpapakita lamang na sa likod ng bawat laban, ang aming seksyon ay nagtutulungan at nagkakaisa upang magtagumpay.
4 notes
·
View notes
Text
Hugong ng Alon sa Lawang
Sa tabi ng dagat, isang biyahe ang hinaharap ko. Sa bawat yapak sa buhangin, sa bawat simoy ng hangin, ang alon ay may kakaibang kwento sa aking damdamin. Sa aking paglalakbay, ako'y naghimlay sa ilalim ng mga bituin, nakikinig sa musika ng karagatan, at bumabalik sa saya na dulot ng dagat.
Ito ang aking kuwento - isang saglit mula sa ingay ng mundo, isang mahimbing na sandali na tanging ang dagat lang ang nagbibigay.
Mula Quezon City, naglakbay ako patungo sa Batangas upang makarating sa La Luz Beach Resort. Dumating ako doon matapos ang halos dalawang oras at limampu't tatlong minuto na biyahe gamit ang kotse. Sa kabila ng layo ng aking nilakbay, tunay na sulit ang pagpunta sa magandang destinasyon na ito.
Sa La Luz Beach Resort, maraming magagandang aktibidad na puwedeng gawin kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Hayaan niyo akong isa-isahin ang mga aktibidad o serbisyo na magbibigay ng kulay sa inyong bakasyon.
Napakaganda at maayos ang sistema ng pagtanggap sa La Luz Beach Resort. Ang kanilang pag-aasikaso at pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng elevator para sa mga taong may kahirapan sa pag-akyat ng hagdan ay tunay na malaking tulong at nagpapakita ng kanilang pag-aalaga sa kanilang mga bisita. Ang pagbibigay ng security card para sa privacy at seguridad ay isa ring mahusay na hakbang upang tiyakin na ang mga bisita ay komportable at ligtas sa kanilang paglagi.
Pagpasok ko pa lamang sa kwarto, agad kong napansin ang kahanga-hangang lamig at kagandahan nito.
Sa unang palapag, nakita ko agad ang dalawang queen size bed. Kaharap nito ang isang magarbong vanity area kung saan maaari kang mag-ayos.
Meron din silang dalawang banyo; ang isa para sa pagligo at ang isa para sa pangangailangan sa kubeta. Tunay ngang maganda ang disenyo ng kanilang vanity area at banyo, ngunit hindi maitatanggi na mayroong problema sa pagbaba ng tubig sa kanal, na nagdudulot ng abala sa paggamit ng paliguan.
Sa pangalawang palapag, matatagpuan ang tatlong kama na abot-kaya para sa isa hanggang dalawang tao bawat isa. Ang disenyo ng kwarto ay kamangha-mangha, sa dahilang ang mga kahoy ay naayon sa modernong disenyo.
Matapos kong masilayan ang kwarto, dumeretso ako sa kainan ng resort. Sinalubong ako ng napakaraming mesa at upuan na kayang-kayang umupak ng maraming tao. Bahagi ng kanilang serbisyo ang libreng almusal para sa mga mamamalagi ng ilang araw. Aking masasabi na tunay ngang sulit ang inyong babayaran sapagkat ang mga pagkain ay talagang tumpak para sa akin.
Pagkatapos kong kumain, syempre diretso agad ako sa pag-langoy!
Ang La Luz Beach Resort ay may dalawang lugar para sa paglangoy. Una, ang infinity pool na may dalawang bahagi: ang mababaw para sa mga bata at ang katamtamang lalim para sa mga matatanda.
Pangalawa, ang mismong dagat kung saan matatagpuan ang magandang rock formation. Ang kanilang Rock Formation ay madalas na pinupuntahan bilang"'picture spot" ng mga bumibisita dahil tunay itong maganda sa personal. Nakakamangha na kayang likhain ito ng ating kalikasan. Sa malapit, makikita rin ang iba't ibang mga coral reef, na nagbibigay-daan sa iba't ibang aktibidad sa La Luz Beach Resort.
Ngunit nais ko munang ipaalala na hindi ako nakasubok ng anumang aktibidad dahil sa mahigpit na pagpigil ng aking Lolang kabado!
Gayunpaman, ibabahagi ko pa rin sa inyo ang nakakatuwang aktibidad upang maibahagi sa inyo ang kasiyahang maaaring ninyong maranasan.
Una, tuklasin ang ilalim ng tubig gamit ang isang Diving Helmet na may suplay ng gas para sa paglaot. Ang paglalakbay ay magsisimula sa malawak na parungaw sa gitna ng dagat para sa briefing at mga tagubilin. Ito ay nagkakahalaga ng P1,200.00 para sa labing-limang minuto.
DIVING HELMET
Ang paglalakbay ay magsisimula sa malawak na parungaw sa gitna ng dagat para sa briefing at mga tagubilin. Ito ay nagkakahalaga ng P1,200.00 para sa labing-limang minuto.
DISCO BOAT
Sumunod ang Disco Boat, nagkakahalaga ng P2,500.00 para sa limang tao, at may karagdagang P350.00 bawat kasama.
KAYAKING
Ang Kayaking ay nagkakahalaga ng P300.00 kada oras. Ito ay isang aktibidad sa tubig gamit ang maliit na bangka na tinatawag na kayak, kadalasang ginagamit sa paglangoy sa ilog, dagat, o lawa.
BANANA BOAT
Ang Banana Boat ay isang watercraft na hugis saging na hinihila ng motorboat. Nagkakahalaga ito ng P3,000.00 kada sampung tao sa loob lamang ng labing-limang minuto. Samantalang ang jetski naman ay nagkakahalaga ng P4,500.00 kada oras at isang personal na watercraft na inaandar gamit ang jet propulsion system.
BONFIRE
Hindi rin mawawala ang Separate Bonfire na may presyong P750.00, kung saan maaari mong gawin kasama ang iyong mga mahal sa buhay upang magkaroon ng bonding moment.
SNORKELING
At huli, ang Snorkeling. Sa halagang P150.00 lamang, magkakaroon ka ng pagkakataon na masilayan ang ganda ng ilalim ng dagat at makita ang iba't ibang uri ng isda at kanilang tirahan.
Ngayong naipadama ko na ang mga aktibidad, pagtuunan naman natin ng pansin ang kanilang mga magagandang pasilidad. Una, ang kanilang massage center. Napakasarap nito sa pakiramdam dahil talagang mahusay ang mga nagmamasahe doon. Talagang sulit ang bayad dahil nakakaaliw talaga ang kanilang hilot, at nagawa ko pang makatulog sa sobrang ginhawa!
Mayroon din silang bar area na malapit sa dagat. Ito ay perpektong gawin tuwing gabi, lalo na kung nais mong makipag-bonding sa iyong mga mahal sa buhay.
Mayroon din silang mga nakahilera na mga upuan para sa magkasintahang nagmamahalan, na tunay na nakalalambot sa puso na titigan sapagkat sila ay nagpapatuloy sa pagsasama sa tabi ng dagat habang may nagpapatugtog pa ring musika mula sa paligid.
Ang pagbabakasyon sa La Luz Beach Resort ay isang karanasan na puno ng mga alaala at kasiyahan. Sa bawat sandali, naranasan ko ang kagandahan ng kalikasan at ang pagkakaroon ng mga espesyal na sandali kasama ang aking mga mahal sa buhay. Sa pag-alala sa mga ito, inaasahan ko na babalik ako sa lugar na ito upang muling magsaya at mag-relaks. Ngunit, kahit gaano pa kaganda ang pasilidad at tanawin, ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa pagiging kasama at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan. Ito'y isang paalala na ang tunay na kasiyahan ay hindi nasusukat sa mararangyang lugar, kundi sa mga espesyal na sandali na ibinabahagi natin kasama ang mga taong mahalaga sa atin.
2 notes
·
View notes
Text
Atlantis: Alon ng Kasiyahan sa Silangan
Sa pampang ng kabigha-bighaning Arabian Golf, nagtatagpo ang langit at dagat sa kamangha-manghang lugar sa Palm Jumeirah Island sa Dubai- ang Dubai Atlantis na ipinatayo noong Setyembre 2008 na nagtataglay ng misteryoso at pag-aakit na hindi maitutumbas. Nasisilayan ang pangarap at pagnanasa ng mga turista na bumisita rito sa bawat pag-ihip ng hangin at alon ng dagat. Mula sa Aquaventure Waterpark kung saan ang mga palumpong ay nagbibigay ng kasiyahan, hanggang sa Lost Chambers Aquarium na nag-aalab sa kagandahan ng karagatan.
Ang paglalakbay sa Atlantis ay isang paglalakbay sa kaharian ng mga alaala, kultura, at kasaysayan. Ang bawat sandali rito ay isang likha ng kahanga-hangang karanasan na nag-iiwan ng hindi malilimutang marka sa puso't isipan.
Una naming dinalo ang Splashers Children Play Area. Ang init ng nagbabagang araw ay napalitan ng malamig na hangin. Ang malawak na espasyo at nakakabilib na estraktura ng mga makukulay na slide ay bumulaga sa aming mga mata. Pagkatapos ng aming unang pag-ikot sa paligid, kami ay nagpasya na tumambay pansamantala upang maranasan ang mga slides at obstacles sa playground. Isa sa aking kahinaan ay ang matataas na tanawin ngunit naisipan kong harapin ito at subukang mag-slide kasama ang aking pamilya sa Zoomerango. Sa simula ay pinapangunahan ako ng kaba sa mataas na slide na aming haharapin, ngunit ang aking determinasyon na magbahagi ng karanasan kasama ang aking pamilya ay mas matimbang. Sa aming pag-slide at sa bawat pag-ikot ng salbabida ay nagdulot saamin ng kasiglahan sa kabila ng hindi maiwasang kaba. Ang bawat tili at sigaw ay nagpapakita ng kasiyahan at tagumpay na aming nararamdaman.
Nagpasya rin akong subukang ang Poisedon's Revenge, isang nakakaakit na atraksyong puno ng takot. Bagamat mayroong iilang pag-aatubling subukan, hindi ko ito pinabayaan na humadlang sa naghihintay na karanasan at memorya. Habang ako ay umaakyat sa matarik na hagdan patungo sa tuktok, ako ay niyayakap ng kaba at pag-aalala. Ngunit sa pagsabay ng malamig na tubig sa aking takot, ito ay napalitan ng kasiyahan.
At sa huli, naisipan naming puntahan ang Lazy River. Habang kami ay lumulutang sa malamig na tubig, kami ay nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga at magkuwentuhan bilang isang pamilya. Sa gitna ng kagandahan ng kalikasan at namumulaklak na kasiyahan, nagawa naming magtulungan na malagpasan ang kaba at takot na nagbigay lakas-loob sa isa't-isa.
Sa bawat segundong lumilipas sa Dubai Atlantis, kami ay lumalago at naging mas matatag bilang isang indibidwal at pamilya. Ang mga alaala at pangyayari na ito ay nagbigay saamin ng panibagong kaalaman at pag-unawa na nagbibigay lakas saamin at nagpapalalim ng aming samahan. Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang nagdulot ng kasiyahan, kundi nagbigay ng matatag na pundasyon sa aming pamilya na lumalaban sa hamon ng buhay. Napakaraming alaala ang aking naipon sa paglalakbay na ito kasama ang a king mga minamahal sa buhay. Paniguradong sa susunod kong paglalakbay ay aking itatala ang bawat hakbang.
2 notes
·
View notes
Text
By Blood or By Choice pt. 3
Mika's eyes widened the second she saw him walk through the gym doors, dressed as Link from The Legend of Zelda. She couldn't contain her excitement and rushed over to him, throwing her arms around him in a big hug. "Mac!? You're here! I can't believe it!"
Little Mac chuckled, returning the hug with equal enthusiasm, hoisting Mika up in the air. "Hey, Mika! It's been too long!"
Across the gym, Bald Bull paused his conversation with Cutie Hondo to glance at the heartwarming reunion. "Looks like party is getting bigger," he said, now helping Cutie adjust the seating area to accommodate the two new guests.
Meanwhile, Niki Binary put on her headphones, focusing on testing the audio and video setup for the anime party. She glanced over at Mika and Mac, smiling at their reunion and staring in awe for a moment that the World Champ was at their party, before turning her attention back to her task.
As Mika and Mac separated, Mika's eyes twinkled mischievously. Then, without warning, she launched into a hard combo, her fists flying through the air. "So, Mr. World Circuit Champ, too important for us little people now? Huh? Why haven't you returned my calls and texts? Huh?" Mika, seemingly furious, hurling punches at the Champ.
Mac, ever the agile boxer, ducked and dodged each punch flawlessly before he parried one of Mika's punches and returned fire, "No have no idea how crazy it’s been since I won the title, Mika! Between appearances, meeting with sponsors, and training with Doc, it's been a non-stop whirlwind." Like Mac, Mika flawlessly avoided every punch.
Both of them stopped throwing punches and stood off in their stances, locking eyes. The gym fell into a tense, awkward silence, everyone watching the two in a moment that felt like an eternity but lasted only a minute. Then, as if on cue, both burst into laughter and hugged again.
"I’ve missed you so much," Mac smiled warmly as they separated, "but you're still dropping your right when you jab."
Mika grinned. "Always the coach. I’ve missed you, too. So, what brings you here?"
Mac's eyes twinkled. "I've got big news." He turned to the young blonde woman who had come in with him and waved her to his side. "This is Allison Treape… my fiancé."
Allison stepped forward with a smile, her eyes warm and inviting. "It’s a pleasure, Mika. I've heard so much about you. It's great to finally meet you."
Mika's eyes widened, her excitement reaching new heights. "Best friend-in-law? I’m gonna have a best friend-in-law?! Kahanga-hanga!" She moved to hug Allison but paused. "Can I hug you, Allison? Is it okay if I hug you?"
Allison laughed. "It’s Allie and of course!"
The two women embraced, and as they pulled away, Mika was practically bouncing on her toes. "I want to know everything about you! How’d you and Mac meet?"
“We met in college,” Allie chuckled before glancing back at Mac and sharing a genuine smile. "We're both still students, actually, but we've been taking online classes since Mac won the title and I’ve been traveling with him. I'm studying advanced robotics."
“Robotics?” Mika's eyes widened even more, if that was possible. "That's so cool! I can't wait to get to know you better!"
Allie smiled warmly. "We'll have plenty of time for that, I promise."
Mika eyes darted to Mac at Allie’s words, “Plenty of time?
Mac explained, "We'll be here in Atlanta for the next month leading up to my next title defense."
Mika squealed in excitement. "A month? A whole month!? This is going to be epic! Best. Day. Ever!"
Grinning, Mac looked to his fiancé, “I told you she’d be excited.”
Mika clapped her hands together. "Okay, time for introductions!" She took Mac and Allison by the hands and started leading them toward Niki and Cutie, who were still engrossed in their tasks. "Come on, you’ll love Niki and Cutie. Oh and Skye! She’s not here yet, but she’ll flip when she meets you!"
#punch out#super punch out#punch out wii#punch-out!!#super punch-out!!#punch-out!! wii#wvba#punch out oc#punch out fanfic#niki binary#cutie hondo#star mika#allie treape#little mac#bald bull
6 notes
·
View notes
Text
Paggunita at pagdiriwang ng UPIS ng World Teachers’ Day 2023
Noong ika-5 ng Oktubre, ipinagdiwang ng UPIS ang World Teachers’ Day sa pamamagitan ng isang maikling programang inihanda para sa mga guro. Ang nasabing selebrasyon ay isang sorpresang pinangunahan ng Pamunuan ng Kamag-aral (PKA) na ginanap sa 7-12 Ramp Area.
Bilang panimula ng programa, ipinatawag ang mga guro sa Ramp Area sa pamamagitan ng “Bring Me a Teacher” segment na nilahukan ng mga mag-aaral kung saan ang mga kategorya ay ang iba’t ibang departamento ng UPIS. Pagkatapos tipunin ang mga guro, dumako ang PKA sa segment na “Who’s That Teacher?” Dito nagpakita ng baby pictures at trivia tungkol sa ilang mga guro. Isa-isang hinulaan ng mga mag-aaral kung sino-sino ang mga gurong itinampok.
Nagwakas ang programa sa pagharana sa mga guro ng dalawa sa mga nakilahok na banda sa Battle of the Bands noong nakaraang taon, ang Omnomz at A2-Z. Inawit ng Omnomz ang ‘Ligaya’ ng Eraserheads, samantalang kinanta naman ng A2-Z ang ‘Dahil Sa’yo’ ni Inigo Pascual. Aming kinapanayam ang kasalukuyang pangulo ng Pamunuan ng Kamag-aral na si Justice Aguinaldo tungkol sa kanilang mga napiling kanta. Aniya, “Bagama't mga awit [tungkol] sa pag-ibig ang karamihan dito, binigyan naman natin ng ibang kahulugan ang mga ito. Ang 'Dahil Sa'yo' at 'Ligaya' ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang mga guro sa ating buhay at kung paano nila tayo hinihikayat na maging matatag at matapang.” Mababakas ang tuwa sa mukha ng mga guro, sapagkat ang lahat ng mga mag-aaral na naroroon ay sumabay sa pag-awit ng mga tanyag na kantang ito.
Bukod sa programa, nagpaskil din ng isang freedom wall ang PKA kung saan ipinahayag ng mga mag-aaral kung ano-anong katangian ng mga guro ang sa tingin nilang kahanga-hanga. Naghandog rin ang PKA ng isang munting regalo para sa lahat ng guro ng UPIS bilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kanilang pagsisikap sa araw-araw na pagtuturo.
Nang tanungin tungkol sa naramdaman ng PKA matapos ang kanilang matagumpay na pagsasagawa ng programa, ani Justice, “Natutuwa ako na naging matagumpay ang aming programa noong Teacher's Day bagama't maikli lamang ito.” Para sa kaniya, “Ang kahulugan [ng] salitang ‘tagumpay’ sa kontekstong ito ay ang pagpapasaya namin sa mga guro, pati na sa mga mag-aaral, at pagkakaroon ng oportunidad na maipakita at mailahad ng lahat ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa ating mga guro.”
Ang pagdiriwang ng World Teachers’ Day noong nakaraang buwan ay isa sa mga kauna-unahang programa ngayong Akademikong Taon 2023-2024, kung kailan lubusang nakabalik na ang UPIS sa full face-to-face learning mode. Makakaasa ang mga mag-aaral na marami pang mga kapana-panabik na selebrasyon ng iba’t ibang okasyon ang darating sa susunod pang mga panahon. // nina Sophia Dormiendo at Wynelle Llaguno
3 notes
·
View notes
Text
Pagtunghay sa Yapak, Paglalakbay sa Kakaibang Ganda ng Boracay Island
Isa sa mga pagkakataon, kinakailangan nating bigyan ang ating mga sarili ng panahon para sa kapayapaan sa buhay. Ang paglalakbay ay isa sa mga paraan upang maipahinga ang ating mga isipan. Kaya't bilang isang mamamayan na nagnanais na magkaroon ng kasiyahan ay nagpasyang maglakbay sa isang destinasyon na kakaiba at talaga namang dinadagsa pati ng mga dayuhan sa iba't ibang mga bansa.
Gumising, umupo sa dalampasigan, kumuha ng makakain, kumain ng tanghalian, magbasa, lumangoy ng kaunti. Panoorin ang paglubog ng araw, kumuha ng hapunan, maaaring kumuha ng isang inumin o dalawa. Iyan lang ang dapat mong malaman.
URL: https://www.rappler.com/life-and-style/travel/boracay-included-world-greatest-places-2022-time-magazine/
ANG GANDA MO BORACAY!
Bilang isang Pilipino, ang pagkakaroon ng Boracay Island na napakaganda sa ating bansa ay madalas na nauugnay sa malalim na kasiyahan at pagmamalaki sa likas na kagandahan ng Pilipinas. Ang Boracay ay hindi lamang nagpapakita ng kahanga-hangang mga tanawin at magandang klima, kundi pati na rin ng tagumpay ng lokal na industriya ng turismo. Ito ay isang representasyon ng kakayahan ng mga Pilipino na pangalagaan at ipamalas ang kanilang likas na yaman sa pandaigdigang antas. Dagdag pa rito, ang Boracay ay nagbibigay ng oportunidad para sa ekonomikong pag-unlad sa pamamagitan ng turismo, na nagdudulot ng trabaho at negosyo para sa mga lokal na residente.
SAAN NGA BA MATATAGPUAN ANG BORACAY ISLAND?
Ang Boracay Island ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan sa Pilipinas. Ito ay bahagi ng Aklan Province at isa sa mga magagandang isla sa Western Visayas region ng bansa.
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.
credits to GETYOURGUIDE
Ang websayt na ito ay isa sa mga ginamit namin upang magkaroon kami ng makabuluhang karanasan habang kami ay nasa Boracay Island. Mayroon silang inaalok na mga aktibidad na maaaring gawin sa isang buong araw na kung saan ay sila na ang bahala sa lahat ng mga kailangang asikasuhin katulad ng bangka, mga kagamitan, at matiwasay na serbisyo.
PINAKAMAGANDANG PANAHON NG PAGPUNTA SA BORACAY?
Base sa aking sariling karanasan, kami ay bumisita noong buwan ng Pebrero nakaraang taon at aking napagtanto na magandang bisitahin ang Boracay Island sa mga buwan ng Pebrero hanggang Mayo. Sa mga panahong ito, karaniwan ang magandang panahon, kakaunti ang pag-ulan, at mainit ngunit hindi masyadong maalinsangan.
PAANO MAKAPUNTA SA BORACAY?
Ang pagpunta sa Boracay ay hindi maihahalintulad sa daang tuwid. Maraming proseso upang makapunta sa islang ito dahil napakaraming transportasyon ang dapat na sakyan bago makita ang kamangha-manghang ganda ng Boracay. Base sa aming karanasan, ang unang sinakyan namin ay Kotse papuntang Maynila, sa Terminal 2 ng NAIA, sumunod doon ay naghintay kami ng ilang oras upang makasakay ng eroplano. Pagkatapos ng mahigit isa't kalahating oras na byahe papuntang Aklan ay sasakay muli ng kotse papuntang jetty port na kung saan ay sakayan ito ng barko papuntang isla. Pagkatapos nito ay maghihintay ng ilang mga minuto at pag nakababa na ay pipila na para sa sakayan ng motor upang makakarating na sa destinasyon na pagtutuluyan.
SAAN MAAARING MANULUYAN?
Kami ay nanuluyan sa Station 1, Discovery Shores, Boracay Island at bilang nakaranas ng kanilang serbisyo ay masasabi kong napakaganda at kamangha-mangha ang mga imprastraktura at pagkakabuo ng kanilang panuluyan. Ang White Beach, na kung saan matatagpuan ang resort, ay kilalang-kilala sa malambot na puting buhangin at magandang tanawin ng dagat.
Ang mga bisita ay maaaring tamasahin ang paglangoy, pag-skuba diving, pag-jet skiing, at iba pang mga water sports na aktibidad na inaalok sa isla. dito, kilala rin ang Discovery Shores Boracay sa kanilang mahusay na serbisyo at mapagkalingang mga tauhan na laging handang magbigay ng magandang karanasan sa kanilang mga bisita
Complimentary Food
MGA DESTINASYON AT MGA NARARAPAT NA PUNTAHAN?
Pagdating sa Boracay, agad kong nadama ang kakaibang enerhiya ng lugar. Ang mga puting buhangin na bumabakod sa malalim na asul na dagat ay isang tanawin na hindi kayang tapatan ng anumang salita. Ang baway pag-ikot ng aking mga mata ay parang paglapag sa isang pinturang handog ng langit. Narito ang mga aktibidad at mga lugar na aming pinuntahan.
1. Puka Shell Beach
Ang Puka Shell Beach ay ang unang pinuntahan namin dahil marami ang nagbigay idea sa amin na ito ay isa sa pinakamagandang lugar sa buong Boracay dahil sa buhangin at malalakas na alon. Ito ay maituturing kong pinakamagandang dagat na napuntahan ko sa aking buhay. Ang Puka Beach ay hindi humihingi ng kahit anumang entrance fee at binigyan kaming isang oras para manatili rito. Ang mga aktibidad na maaaring gawin dito ay.
Shell Picking
Surfing
Sailing
Water Skiing
2. Boracay Keyhole
Ang kamangha-manghang estraktura ng lugar na ito ay napakaganda sa hugis na mayroon nito ay naging destinasyon na ito ng lahat ng mga pumupunta sa Boracay. Ang karanasan na mayroon ako rito ay maganda sapagkat nagkaroon ako ng magandang larawan ng hugis na ito at ito ay mismong gawa pa sa bato kaya tunay na kakaiba ang gandang dulot nito sa aking paningin.
3. Crystal Kayak
Ang unang impresyon na mayroon ako ay ang takot sa pagsakay sa kayak dahil natatakot akong mahulog ngunit napalitan ang aking takot ng kasiyahan sa ganda ng tubig. Ako ay natutuwa sa kadahilanang ang tao sa likod ng aking larawan ay isa sa mga bangkero na mayroong mabuting loob at alam nila kung paano bigyan ng matiwasay na karanasan ang kanilang mga kliyente. Makikita sa aking likod ang kahanga-hangang ganda ng Boracay Island.
PANGKALAHATANG KARANASAN
Sa aking paglalakbay sa Boracay, isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng aking karanasan ay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na tao ng isla. Hindi lamang sila mga tagapagbigay ng serbisyo at mga gabay sa aming paglalakbay, kundi sila rin ang nagdulot ng di-mabilang na mga karanasan ng kabaitan at kagandahang-loob na hindi ko malilimutan.
Mula sa mga hotel staff na nag-aalaga sa aming pangangailangan, mga mamamalengke na naglalako ng sariwang prutas at gulay, hanggang sa mga tour guides na nagbahagi ng kanilang kaalaman at pagmamahal sa kanilang isla, bawat pakikipag-ugnayan sa mga lokal na tao ay puno ng init at pag-aaruga.
KAMI BA AY MULING BABALIK SA BORACAY?
Mula sa mga nabaon naming karanasan, muli pa kaming babalik dito dahil sa magandang naibigay na kasiyahan sa amin. Unang-una, ang Boracay ay tahanan ng isa sa pinakamagandang dalampasigan sa mundo. Ang kanyang puting buhangin, malinis na tubig, at kahanga-hangang tanawin ng mga sunset ay nag-aalok ng isang mapayapa at nakakarelaks na kapaligiran na perpekto para sa mga taong naghahanap ng pahinga at pagpapahinga mula sa kaguluhan ng pang-araw-araw na buhay. Bakit hindi ito babalikan kung napakaganda naman ng lahat ng makikita sa Boracay? Ito ay isla ng kasiyahan.
SANGGUNIAN:
Arnaldo, S. (2022, August 1). Boracay is one of the ‘World’s Greatest Places of 2022,’ according to TIME. RAPPLER. https://www.rappler.com/life-and-style/travel/boracay-included-world-greatest-places-2022-time-magazine/ https://www.getyourguide.com/boracay-l499/tours-tc1/
1 note
·
View note
Text
Halina't sa Baguio!
Noong Pebrero 22, 2017, naglakbay kami mula Bataan patungong Baguio, isang paglalakbay na sa una ay patag ngunit kalaunan ay nagsimulang tumaas nang tumaas habang paakyat sa kalsada. Nag-iba ang tanawin sa daan habang kami ay nasa itaas, habang ang mga puno ay tumataas at ang hangin ay lumalamig. Pagdating ko sa aming destinasyon, nagising ako mula sa aking pagkakahimbing at naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat.
Sanggunian ng larawan: https://4.bp.blogspot.com/-PgXMWhtEXFs/WN3TCOlgJVI/AAAAAAAAABI/tLlme033l7oY6qbdXF6VNmtP1yAAPCFnACLcB/s320/baguio2.jpg
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang una naming pinuntahan ay ang Burnham Park, Sa Burnham Park, magkakaroon ka ng maraming pagkakataon upang tamasahin ang mga pasyalan at tunog ng tubig at mga bike trail kasama ang mga kaibigan at pamilya. Magiging maayos ang pakiramdam mo sa mapayapang parke na ito. - - -
Sanggunian ng larawan: https://th.bing.com/th/id/R.7368b0bec6f000bd14ea529633fb87f2?rik=MoEEYdB4LF3PRA&riu=http%3a%2f%2fxtremelyxpresso.com%2foakandstone%2fwp-content%2fuploads%2fsites%2f4%2f2020%2f06%2fMines-View-Park2-xtremelyxpresso.com_.jpg&ehk=v7qe%2fchVUR2uk86QElyFnkxyeEjXxlLPiqLy0Slo64Q%3d&risl=&pid=ImgRaw&r=0 Sa patuloy naming paglalakbay, Ang Mines View Park ang pangalawa naming napasyalan. Sinasabing ang Mines View Park ay isang magandang lugar sa Baguio na nag-aalok ng mga kahanga-hangang tanawin ng minahan ng ginto at tanso ng Benguet at ng mga nakapalibot na bundok. Maaari ka ring umarkila ng binocular dito para mas makita ang mga pasyalan. Maganda ang mga tanawin rito sapagkat ito ay nakakatanggal ng ano mang iyong hinanakit sa buhay, dahil sa isang tingin mo lamang rito, tiyak! makukuha na nito ang iyong loob.
- - -
Sanggunian ng larawan: https://bluedreamer27.com/wp-content/uploads/2017/03/32037682782_708021f5d1_z-640x445.jpg
Pagkatapos ng park na iyon, pumunta kami sa Botanical Garden. Dito, makikita mo ang matatayog na bundok at kamangha-manghang mga minahan, magagandang bulaklak at mga taong masayang nagkukwentuhan, karamihan ay mga pamilya at kaibigan na namamasyal. Maaari ka ring kumuha ng litrato kasama ang mga aso at kabayo doon. Marami ring mga souvenir na mabibili dito na karamihan ay gawa sa kahoy at mga palamuti sa katawan. Kung bigla kang nagutom, huwag kang mag-alala dahil marami ring mga tindahan dito kung saan makakabili ka ng masasarap na pagkain.
- - -
Sanggunian ng larawan: https://th.bing.com/th/id/OIP.IjMXDbM6_MkZP_TrqrjF8AHaE9?pid=ImgDet&rs=1
Matapos ang mahabang paglalakbay, pagkuha ng mga magagandang litrato, at pagkain na masasarap. Kami ay pansamantalang nanirahan at nagpalipas ng ilang gabi sa isang hotel na nagngangalang Hotel Elizabeth Baguio.
- - -
Sanggunian ng larawan: https://live.staticflickr.com/5043/5289938473_b24c1afdc5.jpg
Bumisita din kami sa "The Mansion" which is the "Summer Palace of the Philippine President" dito sa lugar na ito napakahamog ng mga araw na iyon, kaya hindi namin ito makita sa labas ng Gate.
---
Sanggunian ng larawan: https://i.pinimg.com/originals/f2/b2/84/f2b284e62853a4e4582538332c98493d.jpg
Dito rin ako nakatikim ng taho na may halong Strawberry o Ube na sobrang sarap dahil akala ko lang na pareho lang sa Probinsya ng Bataan pero may twist ang taho nila.
***
Bago kami umuwi, pinasyalan namin ang SM BAGUIO kung saang hindi ito pangkaraniwang SM na may mga airconditioner, sapagkat, ang mga bintana nito ay sagrado dahil sa sobrang lamig sa Baguio.
Maraming dapat gawin at makita dito, hindi ko lamang nabanggit ang iba't-ibang klima rito. Kaya, halina't magpunta at makisaya sa Baguio City!
2 notes
·
View notes
Text
Aking Paglalakbay sa Bayan ng Bolinao sa Lalawigan ng Pangasinan: Paggalugad sa kahanga-hangang Bayan ng Bolinao
Ang Bolinao ay ginawang bahagi ng Lalawigan ng Pangasinan sa pagsasabatas ng Public Act No. 1004 na may petsang Nobyembre 30, 1903 ng Philippine Commission. May tatlong bersyon kung saan nagmula ang pangalang Bolinao. Ang pangalan ng bayan ay maaaring hango sa punong "Pamulinawen" na sagana sa paglaki sa tabi ng dalampasigan. Sinasabi ng ikalawang kuwento na ang pangalan ng munisipalidad ay nagmula sa mga species ng isda na "monamon" na karaniwang tinatawag na "Bolinao" ng mga Tagalog, Bicolano at Bisaya.
Sanggunian ng larawan:
https://www.google.com/search?q=bolinao+pangasinan+hidden+wonders&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
Isang bayan sa Pangasinan ang Bolinao. Dito, mayroon kang matatagpuan na tanawin tulad ng Patar Beach, Cape Bolinao Lighthouse, at Bolinao Falls. Noong Holy Week, lumakbay ang aking pamilya papunta sa bayan na ito dahil dito, nakita namin ang ilan sa mga tanawin rito at nakakilala kami ng mga iba't ibang tao sa bayan na ito.
Cape Bolinao Lighthouse
Ang unang tanawin na pinuntahan namin ay ang Cape Bolinao Lighthouse. Dito makikita ang pangalawa sa pinakamataas na lighthouse sa bansa na ito. Sa tabi ng lighthouse, may makikita kang lumang gusali kung saan nagtatrabaho ang mga tauhan noong ginagawa pa ang lighthouse. Ngayon, dito naibabahagi ng mga tao ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng pagsulat o pagguhit sa gusali na ito.
Ang susunod na aming pinuntahan ay sa isang resort na konektado sa dalampasigan. Sagana ang dagat nito sa mga "sea creature" dahil maraming mga coral at sea weed na nagsilbing tahanan ng iba't ibang lamang sa dagat. Makikita rin dito na napreserba ang kapaligiran nito dahil nabubuhay pa ang mga korales dito. Sa lugar na ito, makikita mo na maraming mga resort ang magkatabi at dahil dito, nagbibigay ito ng pagkakataon upang makilala ang bayan ng Bolinao at mapaunlad pa ang turismo sa kanilang lugar.
PANGUNAHING PINAGMUMULAN NG KITA/KABUHAY: Pagsasaka, pangingisda bilang pangunahing supplier ng bangus sa Navotas at Malbon small-scale at cottage na industriya, paggawa ng asin, paggawa ng lubid, shellcraft, paggawa ng bagoong, paghahabi ng banig ng buri, paggawa ng tuyong isda, paggawa ng uling, kawayan at mga gawaing kahoy
Sanggunian ng mga larawan: https://www.google.com/search?q=bolinao+public+market&sxsrf=AJOqlzVSArQu5mV_pNZd/
https://www.karlaroundtheworld.com/salt-farm-tour-at-pacific-farms-bolinao-pangasinan/
https://www.google.com/search?q=paghahabi+ng+buri+bolinao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjv/
Isa sa pinaka patok na produkto ng mga taga Bolinao ay ang Binungey.
Isang bagay na hindi mo dapat palampasin kapag pupunta ka sa Bolinao ay ang kanilang Binungey o "Bamboo Rice Cake". Ang Binungey ay gawa sa malagkit na bigas at ibinabad sa katas ng niyog. Ito ay pinasingaw sa kawayan sa apoy. Pinakamainam itong ihain kasama ng coco jam. Maaari ka ring bumili ng Binungey sa Anda at Alaminos. Hinding-hindi ko ito malilimutan sapagkat ito ang produkto/pagkain na aking pinaka nagustohan sa buong paglalakbay namin sa bayan ng Bolinao.
Maraming iba pang mga lokasyon na magpapahanga sa iyo sa kanilang mga nakatagong kayamanan. Napakasaya, lalo na kasama ka at ang iyong buong pamilya. Dahil sa mga lokasyong ito, ang bansa ay nagpapakita ng yaman ng likas at kultural na yaman. Marahil ay dapat nating pahalagahan at bigyang-pansin ang ating kapaligiran. Nararapat nating bigyang pansin ang mga natatagong kagandahan ng ating bansa dahil, bukod sa ating pansariling kaligayahan, maaari tayong mag-ambag sa paglago ng turismo sa ating bansa sa pamamagitan ng paggawa ng mga ganitong gawain sa mga "websites/social media".
4 notes
·
View notes
Text
Ilabas ang Iyong Online Gaming Potential sa GameZone
Ang GameZone ay lumitaw bilang isang tunay na game-changer sa industriya ng online gaming, na nagtatakda ng bagong pamantayan para sa player engagement, variety ng laro, at user experience. Bilang nangungunang developer ng card game sa Pilipinas at premier Tongits hub, ang GameZone ay mabilis na naging puntahan ng mga online player na naghahanap ng walang kapantay na karanasan sa paglalaro.
User-Friendly Interface na Sumasalubong sa Lahat
Ang intuitive at madaling i-navigate na platform ng GameZone slot ay isa sa mga pinaka-kapansin-pansin nitong feature. Ang magandang interface ay pinagsasama ang sleek na itim na background at matingkad na kulay, na tinitiyak na madaling makita ang mahahalagang impormasyon at opsyon sa laro. Ang user-friendly na layout ay gumagabay sa mga manlalaro nang walang hirap sa pag-rehistro, pagpili ng laro, at pamamahala ng account, na nagbibigay-daan sa kanila na makapagfocus sa paglalaro ng kanilang mga paboritong laro.
Malawak na Library ng mga Laro para sa Bawat Panlasa
Ipinagmamalaki ng GameZone ang kahanga-hangang seleksyon ng mahigit 1,413 na titulo, na tumutugon sa malawak na hanay ng mga kagustuhan. Ang malawak na library na ito ay resulta ng strategic partnerships sa mga nangungunang game developer sa industriya tulad ng JILI, JDB, Fa Chai, Evolution Gaming, at marami pang iba. Ang mga collaboration na ito ay nagtitiyak ng iba't ibang hanay ng mga de-kalidad na laro, mula sa mga classic casino favorites hanggang sa mga innovative na bagong titulo.
Ang tunay na nagpapaiba sa GameZone online games ay ang in-house game development team nito, na lumikha ng koleksyon ng 63 interactive at engaging na laro, na may partikular na pokus sa mga card game na popular sa Pilipinas. Ang pagbibigay-diin na ito ay nakatulong sa GameZone na makalikha ng natatanging niche sa merkado.
Ang library ng laro ay maingat na inorganisa sa mga kategorya tulad ng Poker, Slots, Casino, Bingo, at fishing games. Sa kategorya ng Poker, maaaring i-explore ng mga manlalaro ang maraming bersyon ng mga paboritong laro tulad ng Tongits, kabilang ang mga innovative variations tulad ng Tongits Plus, Tongits Joker, at Tongits Quick. Kabilang sa iba pang popular na titulo ang Pusoy, Lucky 9, Uno, Texas Plus Jackpot, Gin Rummy, Blackjack, at Baccarat.
Para sa mga mahilig sa slot, nag-aalok ang GameZone slot ng kapareho ring kahanga-hangang hanay ng mga opsyon, kabilang ang Fortune Ace, Epic Ace, Giga Ace, Mahjong Fortune, Mines Showdown, Super Gems, Candy Rush, at Millionaire. Ang mga larong ito ay nagbibigay ng nakaka-thrill na karanasan na may iba't ibang tema at gameplay mechanics.
Mga Kapana-panabik na Promosyon at Exciting na Events
Ang commitment ng GameZone online sa player engagement ay lumalampas sa mga alok nitong laro. Regular na nagho-host ang platform ng mga promosyon at event na dinisenyo upang gantimpalaan ang mga manlalaro at pahusayin ang kanilang karanasan sa paglalaro. Isa sa mga pinaka-exciting na promosyon ay ang Super Jackpot, na nag-aalok sa mga manlalaro ng pagkakataong manalo ng hanggang isang milyong piso sa minimum bet na isang piso lamang.
Bukod dito, nagpakilala ang GameZone casino ng tournament play, simula sa mga paligsahan ng Tongits. Ang mga tournament na ito ay tumutugon sa mga manlalaro ng lahat ng antas ng kakayahan, na nagfo-foster ng sense of community at healthy competition sa mga kalahok. Nagsisilbi itong platform para sa mga enthusiast upang mag-connect, magbahagi ng mga estratehiya, at makisali sa friendly rivalry, na nagpapahusay sa social aspect ng online gaming.
Commitment sa Responsible Gaming
Habang binibigyang-priyoridad ang entertainment at engagement, sineseryoso rin ng GameZone ang responsibilidad nito sa mga manlalaro. Ang platform ay fully licensed at regulated ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na tinitiyak na ito ay nagpapatakbo sa loob ng legal at etikal na hangganan. Ipinapatupad ng GameZone ang mahigpit na proseso ng age verification, na limitado ang serbisyo nito sa mga indibidwal na 21 taong gulang pataas, at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtaya sa loob ng kakayahan ng isang tao.
0 notes
Text
Ang Morong Beach sa Bataan ay isang tahimik at maginhawang lugar na perpekto para sa mga nais magpahinga at magrelaks. Sa aming pagbisita, agad naming naramdaman ang init ng araw at ang preskong hangin mula sa dagat. Ang buhangin sa baybayin ay malambot at puti, habang ang mga alon ay malumanay na humahampas sa dalampasigan. Hindi tulad ng ibang sikat na beach, ang Morong Beach ay hindi matao, kaya't naging perpekto ito para sa amin upang magbonding at magsaya nang walang abala.
Habang naglalakad kami sa kahabaan ng tabing-dagat, tanaw namin ang mga bundok na bumabalot sa baybayin at ang kalinisan ng tubig. Ang dagat ay mala-kristal, at ang tanawin mula sa dagat ay tila isang magandang larawan na nagbibigay ng kapayapaan. Maraming mga resort sa paligid na may mga simpleng cottage o mas malalaking bahay na may mga swimming pool at lugar para sa mga aktibidad tulad ng kayaking at paddleboarding. Ang tubig ng dagat ay malamig at kumportable, kaya’t hindi namin pinalampas ang pagkakataong maglangoy at mag-enjoy sa mga water activities.
Isa rin sa mga kahanga-hangang bahagi ng Morong Beach ay ang pagiging malapit nito sa kalikasan. Ang mga lugar na nakapaligid sa beach ay may mga likas na tanawin tulad ng mga bundok at kagubatan na perpekto para sa mga mahilig sa kalikasan. Sa gabi, naranasan naming magtipon sa tabi ng dagat at magbonfire, habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Ang mga maliliit na bahay-kubo sa paligid ay nagbibigay ng kakaibang kaakit-akit na atmospera, kung saan kami ay makapagpahinga at magpakasaya.
Sa aming pag-alis mula sa Morong Beach, ramdam namin ang kasiyahan at kapayapaan na dulot ng tahimik at magagandang tanawin ng lugar. Bagamat hindi ito kasing sikat ng ibang mga destinasyon, ang Morong Beach ay isang tamang lugar para sa mga nais magbakasyon ng may katahimikan at kalikasan. Isa itong perpektong pook na nag-aalok ng isang natatanging karanasan na hindi malilimutan.
0 notes
Text
#mt.apo
#Davaoeagle
#Davaodurian
Ang Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa, ay nagbigay ng kahanga-hangang tanawin na tila aklat ng kalikasan. Ang tradisyonal na pamayanan ng Bagobo ay nagpakilala ng simpleng pamumuhay at masiglang kultura. Sa Davao City, nagtatagpo ang kasaysayan, kalikasan, at modernisasyon sa isang di-malilimutang karanasan.
Ang Davao City ay isang perlas ng Mindanao, puno ng magagandang tanawin at makulay na kultura. Sa Philippine Eagle Center, makikita ang pambansang ibon na sumisimbolo ng tapang at lakas ng mga Pilipino. Ang People’s Park naman ay nag-aalok ng tanawin ng sining at kalikasan, isang perpektong lugar para sa pahinga at pagninilay.
Hindi kumpleto ang paglalakbay sa Davao nang hindi matikman ang durian, na kilala bilang “amoy durian pero lasang langit.” Sa Bangkerohan Market, makikita ang sari-saring prutas, pagkaing-dagat, at lokal na produkto na sumasalamin sa kasaganahan ng lungsod. Ang mainit na pagtanggap ng mga tao ay nagbigay ng kakaibang init sa aking puso.
Maria Mae M. Balawag
1 note
·
View note
Text
SBBR
Sa bayan ng Santa Maria, Davao Occidental, matatagpuan ang SBBR (Santa Maria Beach Resort), isang tahimik at nakakaaliw na tagpuan para sa mga nagnanais ng ganda ng kalikasan. Ang dalampasigan nito ay may pinong buhangin, habang ang asul na tubig ng dagat ay parang salamin sa ilalim ng araw. Habang naglalakad sa baybayin, ramdam ko ang kapayapaan at sariwang hangin. Ang mga alon ay tila musika na nagpapakalma sa isipan. Malapit sa dalampasigan, makikita ang mga residente—mga mangingisda at pamilyang simpleng namumuhay, ipinapakita ang kultura ng lugar. Ang SBBR ay higit pa sa isang beach resort. Isa itong lugar na nagdadala ng kasiyahan at pagmumuni-muni sa sinumang bumibisita. Kung nais mong maranasan ang payak ngunit kahanga-hangang ganda ng kalikasan, ang SBBR sa Santa Maria ay isang dapat puntahan.
Ann Lamoste 12 Ironstone
0 notes
Text
LITERARY: Dyesebel
Noon, pangarap kong maging isang sirena. Maganda, nababalot ng misteryo, at ubod ng hiwaga. Ang mga buntot nilang kulay ay iba’t iba, Mayroong berde, rosas—madalas ay kumikinang-kinang pa. Isang araw, tinanong ni lola, “Anong gusto mong maging sa ’yong paglaki?” “Isang sirena!”, sagot ko, pinapakita ang mga bunging ipin sa aking ngiti.
Tuwing nasa bakasyunan kami na mayroong pool, Isa ako sa mga unang nagtatampisaw at lumulusong sa tubig. Pinagdidikit ang aking mga binti at sumisisid na tila may buntot na kinokontrol. Walang talab sa akin kahit pa nanginginig na sa lamig. Umiikot-ikot, tumatambling-tambling sa malalim na bahagi, Pasukan man ng tubig sa ilong, mababad sa chlorine ang mata—saya ko’y bukod-tangi!
Paboritong karakter ko sa Disney si Ariel, Ngunit imbis na tulad niyang nais pumunta sa lupa at tumuklas ng mga tanawin, Pakiramdam kong pagtira sa dagat bilang isang ganap na sirena ang aking papel. Bukod sa paglangoy, pagkanta ay isa rin sa mga paborito kong gawain. Matapos ikondisyon ang lalamunan kasabay ng malalim na paghinga, Hinuhuni ko ang tonong inaawit ni Ariel sa pelikula, damang-dama ang pagkanta.
Isang araw, sinalubong ako ng magandang balita ni Tatay. Sa bakasyon daw ang unang beses na kami’y babyahe papunta sa dagat. Sabik na sabik ako! Iniisip ko na ang mga dadalhing bagay. Kailangan ko ng sunblock para ‘di masunog ang aking balat! At cute na swimsuit para maging isang magandang sirena na ako! Heto na, maabot ko na rin ang pangarap na kay lola’y aking pinangako.
Pagdating sa resort, agad akong tumakbo papunta sa tubig. Sa wakas, nakarating na rin sa aking magiging tahanan! Ang maalat na hangin at pagbagsak ng alon ang dumaan sa pandinig, Inaakit na akong lumusong sa malawak na karagatan. Splak! Malakas ang pag-dive ko sa tubig, nalimutan na ang bilin sa akin na maghunos-dili. Ngunit noong minulat ko ang mga mata sa ilalim, naku! Napakahapdi!
Kumaripas ako paahon mula sa dagat, Umiiyak na tumakbo sa aking nanay habang pinupunasan ang luha. Ang sakit! Sa bawat pagpunas ng mata, mga patak ng tubig-alat ay mas kumalat. Ang buhok ko rin ay tumigas, tila may pugad na sa itaas ng aking mukha. Ayoko nang maging isang sirena, hindi naman sila kahanga-hanga! Sa susunod, mas gugustuhin ko na lang maging isang prinsesa!
2 notes
·
View notes
Text
"LITTLE BORACAY NG DAVAO OCCIDENTAL"
Ang Little Boracay ng Davao Occidental, na matatagpuan sa bayan ng Sta. Maria, ay isang paraiso na palaging dinadayo ng mga turismo dito sa Sta. Maria. Ang puting buhangin na matatagpuan dito ay kahalintulad ng sikat na Boracay, kaya't tinawag itong "Little Boracay." Sa unang paglapag sa dalampasigan, muling sumik ang aking pagmamahal sa kalikasan. Habang tumatapak sa malambot na buhangin, nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Ang tubig dagat ay malinaw at kulay asol, nagbibigay ng pakiramdam ng kapayapaan at kagandahan ng kalikasan.
Ang mga buhol-buhol na kabundukan at mga bundok na nakapalibot dito ay nagpapalakas sa saya ng bawat bisita. Bukod sa kahanga-hangang tanawin at puting buhangin, mayaman din ang Little Boracay ng Davao Occidental sa kultura at kasaysayan. Ang mga lokal na tao ay malugod at magiliw sa pagtanggap sa mga turista, ipinapakita ang kanilang tradisyonal na kabutihang-loob. Maraming aktibidad na maaaring gawin dito na magbibigay-daan upang mas mapalalim ang iyong koneksyon sa kalikasan. Ang tahimik na kapaligiran at likas na ganda ng lugar ay nagsisilbing pahingahan para sa mga nagnanais ng oras ng pagpapahinga mula sa abalang buhay salungsod. Ang Little Boracay ng Davao Occidental ay isang tunay na yaman ng kalikasan na hindi dapat palampasin.
1 note
·
View note