#itsbeben11
Explore tagged Tumblr posts
Text
Tweeted
Wag kayong magsasama-sama kay Mocha ah. Nakakahawa katangahan nia. "Magandang-maganda gabi sa ating mga kababayan, at magandang umaga naman sa mga kababayan sa ibang panig ng ating bansa." They're dividing our nation pati timezone gusto rin ibahin?! ABA IBA RIN MGA KA-DDS!!!! pic.twitter.com/vMmA61oiTo
— Melvin Tordecilla (@itsbeben11) January 25, 2018
0 notes
Text
Tweeted
Pag nagkaroon ako ng aso o pusang babae, ipapangalan ko sa kanya ay MALU kasi isa syang PETMALU. Tawa naman kayo mga Lodi! 😂��🐱
— Melvin Tordecilla (@itsbeben11) October 2, 2017
0 notes
Photo
August 21, 2017 at 05:13PM
When the sun ☀️ meets the moon 🌕 #SolarEclipse2017http://pic.twitter.com/3WP3BHJxoN
— Melvin Tordecilla (@itsbeben11) August 21, 2017
0 notes
Photo
@myleessss: RT @itsbeben11: Okay I'll respect your langka in turon. Paki-accept din my pinya on pizza. 😂 ...the pizza rapture is nigh
0 notes
Photo
https://twitter.com/itsbeben11/status/824997230033506305 #happychinesenewyear 🎆🎇🎉🎊🎎
0 notes
Text
TAE NA NIYONG LAHAT WITH FEELINGS!
Sabi ko sarili ko, "I'm too old for malakihang meet-ups. Masyadong pambata. Mascot na lang ni Jollibee pwede ng Kids Party." Ang mean ko lang di ba? Siguro dahil tapos na ako sa teenage years at puro trabaho na lang nasa isip ko. (Tsaka seryosong landian na din. hihi. ) Pero sabi ko din sa sarili ko, (Oo, kinakausap ko talaga sarili ko dahil ikaka-deep ko yun ), wala din namang masama kung susubukan di ba? Bale yun lang. Ang gusto ko lang naman sabihin ay nagpunta ako ng meet-up. Yey!
Siyempre, tinagpo ko muna sina Aerol, Jarbizz, Beben, Kris na taga Intramuros at Jhomar na taga Pasig. Kumain kami sa KFC. Wala daw kaseng KFC sa Manila kaya dito kami kumain. Maiba naman.
Rich Kids: One-Piece chicken with large Coke. Poor kids: Fun Shot with Rice, Coke and madaming madaming gravy. Ako yung poor kid. huhu.
At exactly 1:00 P.M., andami agad attendees. Siyempre pirma pirma din muna para sa attendance with the special participation of Manong Guard na pinagtabuyan kami sa labas ng SM Batangas dahil bawal daw ang maingay sa mall. Lakas maka classroom right?
Eh di lumabas na lang kami bilang madali naman kaming kausap. Siyempre isa isa kaming nagpakilala pati yung url. Parang ritual na ng mga meet-ups yan. Bibigyan ka ng potchi - magpapakilala - iaabot mo yung potchi sa isang tumblrista na gusto mong sunod na magpakilala. Sana boy bawang na lang. Nyorot~
Nang biglang moment ni Pael na biglang kinain yung potchi at kung anu anong sinabi sa gitna eh magpapakilala lang naman dapat. Tawa lang sila ng tawa. Siya talaga yung isa sa nagpasaya ng meet-up. Consistent ang energy til 8 PM.
As usual, hindi mawawala ang picture taking, fansigns, typical meet and greet with matching pisil pa sa braso at talon na may kilig kapag crush mo yung nakita mo tapos minsan may hampas pa kapag nagkita-kita yung matagal ng magkakatropa. At dahil tumblrista, iba. Andun yung yakap na may kasamang pag singhot sa leeg na may lip bite pa habang nakapikit ang mata. ( Ay. Ako lang ata yon. haha. landi ko eh.)
Ang saya lang kase nagsama sama ang mga 2008-2013 Ala-Eh Bloggers tapos meron pang mga taga Manila, Laguna at Cavite. At lahat sila nagparticipate lalo na sa quiz bee. Tapos may nagmagic pa. Ang galing. :D
Pero mas natuwa ako kina Dex, Beben at Pael kase kahit matatagal na silang bloggers, game na game pa din sila. Nakakatuwa lang yung mga taong hindi inilalayo ang mga sarili nila sa mga baguhang bloggers. Humble pa din.
Pero ang pinakapaboritong part ko talaga dito ay ang picture taking bilang napakavain kong nilalang kasama yung ang mga bloggers na first time ko lang nakasama. Andami dami naming pictures pero di ko na inupload lahat dito dahil tamad ako. Sapat na dahilan na ba yun? Eto na lang link.
Ang sarap lang sa pakiramdam kapag nakita mo sa personal yung mga taong sa picture mo lang madalas makita. Kung dati ka TA mo lang, ngayon nakakausap mo na ng harapan. Kung dati di mo type dahil ang jeje ng DP niya, ngayon "Aba teka. Pwede pala 'tong landiin." Kung dati di kayo nagfofollowhan, ngayon, "Yum Yum!! Parang makakaclose ko to ah." Hashtag pakarat. Hashtag harot. Hashtag landi to the next level.
---
At hindi mangyayari ang meet-up na to kung wala ang partisipasyon ng bawat isa. ( Sorry, tinatamad akong tagalugin ang participation.) Maraming salamat kay (peterpandecoco) at kay Aico (imasecretvampire) bilang punong abala ng event na ito. Hindi ko akalain na magiging ganito kalaki ang meet-up. Ang galing niyo grabe! Saludo ako. =)
Bilang isang medyo matagal at inuugat ng blogger, andun yung throwback moment saken na "Uy. Ganyang ganyan din kami dati. :)". Yung walang halong "mas", "pero" "kase" o kahit anong kabulshitan man yan. Andun pa rin talaga ang pagkamangha at mataas na respeto ko sa mga baguhang blogger dahil sila yung patuloy na nagpapatunay kung gaano pa rin kasarap ang magkaroon ng isang "tumblr account".
So guys, see you na lang ulet sa Christmas Party Meet-up / TAEMU 11 ha?
TAENA NIYONG LAHAT WITH FEELINGS!!! :D
194 notes
·
View notes