#irene mabuhay
Explore tagged Tumblr posts
Text
mabuhay household
the three siblings used to live in san myshuno—that is, until their parents died in an accident. after the funeral, their lola insisted they move to tomarang with her to start anew.
lola felicidad - 65 years old (materialistic, family-oriented, nosy) irene - 20 years old (loner, creative, perfectionist) reina - 18 years old (squemish, self-absorbed, outgoing) reign - 18 years old (foodie, lovebug, party animal)
#lola and her queer grandchildren#lola gay too she just doesnt know it yet#call that a fruit salad#mabuhay legacy#felicidad mabuhay#irene mabuhay#reina mabuhay#reign mabuhay#simblr#my sims#sims 4#sims 4 screenshots#ts4#the sims#the sims 4#the sims community#ts4 simblr#ts4 gameplay#sims 4 gameplay#sims community
26 notes
·
View notes
Text
ON VODKA, BEERS & REGRETS (thought dump, no spoilers)
yow pare long time no react. sensya na pre kasi nalulunod tayo lately sa life pare. buti na lang nagbagsak ng bakanteng oras 'yung langit na may kasamang libreng ticket. labyu universe. here we go pare. if ever lang hinintay mo rin 'tong pinakabagong Bella x JC film, let me start by saying this movie is worth the wait pare. kung hindi mo naman 'to hinintay at wala kang pake, oks lang din naman pare. we're not here to judge pero if you don't have any plans this weekend pare, pwede mo isingit to kagaya ng pagsingit niya sayo as an option pare. pramis, no regrets. maski vodka, beer, o yakult pa trip mo, nakaka-hangover 'to figuratively. mind you pare hindi lang ito usapang pag-ibig o alak. it surely goes beyond that pre.
pero bago tayo magpatuloy, shout-out muna sa buong pinas na patuloy na nagpapatuloy pare. february na sawakas. sinubukan tayong durugin ng january pare, pero look at us, here we are. what doesn't kill us make us tired, charot. pangalawang buwan pa lang pero yung pagod ko naka-quota na hanggang ber-months pare. bago ka mainip may sasabihin na akong secret pare. sabi ko sa title no spoilers 'to diba, pero pare to be completely honest, clickbait lang 'yun. pero hindi tayo nagsisinungaling, we're doing them a favor pare. para magbasa sila ng mahaba kahit hindi required.
so let me get to the point pare, natural pa rin talaga si Bella Padilla, kala mo nagtitrip lang kapag bumibitaw ng linya. husay pare. chill lang siya, hindi pilit. which to me is great pare. kasi mukhang relax vibe while portraying a strong character with hidden insecurities and observable vulnerabilities. she completely morphed into Jane, the character she's portraying. tapos let me go to my man JC Santos pare, yung barkadang puro babae sa likod ko parang naglaway nung naglabas siya ng abs pare. i'm not that sure pero kasi natalsikan leeg ko ng dalawang patak nung tumili sila pare. pero wait lang let me say still that JC went beyond the looks and physique, binigyan niya ng lalim. siguro kaya kinikilig at napapa "sana all" 'yung mga babae sa likod kasi he portayed a character named Francis na most girls can only dream of. someone na maski hindi kayang mabigay 'yung mga materyal o makamundong luho pero makakapagbigay ng mga bagay that truly matters. kagaya ng oras, alaga, at saya pare. there were moments na dapat cringeworthy corny scenes na pero nadala pa rin niya pare. baka iba rin talaga pre kapag may abs, long hair, tapos nasa banda ka. basta they work together on a perfect level. favorite non-love team ko talaga 'tong Bella x JC pare. they exist as individuals pero couple vibe strong pre. which is what i love with Direk Irene Villamor pare. the same genius that brought us Sid & Aya at Meet Me in St. Galen pare. ginagamit yung loveteam formula pero nagbibigay ng lalim sa mga realities ng buhay. husay pare.
kung tatanungin mo ako kung anong pinakagusto ko sa pelikula pare? simple lang, alam nilang matalino tayong mga nanonood pare. habang nanonood ka, hindi pwedeng basta lang na nanonood ka. kasi magiisip ka kung bakit. pipilitin mong alamin kung bakit. susubukan mong unawain kung bakit. tapos mararating mo 'yung puntong masasagot mo 'yung mga bakit at mapapabulong kang "aaah kaya pala". hindi nila tayo binentahan ng pampakilig lang. ginamit nila yung love team formula sa pagbenta, pero ginamit nila 'yung kwento bilang pampagising. para ipaalala satin 'yung mga bagay na hindi natin madalas pagusapan, pero nangyayari sa lipunan. at dahil alam kong matalino ka pare may sasabihin ako at hindi 'to spoiler, this is me being responsible pare kaya i'm issuing a trigger warning that some people may find some parts of the content very upsetting, especially if they have experienced something similar (alcoholism, abusive relationships, etc). look, the film is beautiful, do not get me wrong pare. must watch talaga pare. i'm just issuing a trigger warning, kasi i think if i am recommending something, it is my duty to do so pare. hindi naman tayo bayad dito at wala naman tayong sponsors pare, pero kapag nahabaan ka sa thoughts ko pwede ka bumili ng San Mig Lights para sa mahabahabang kwentuhan
masyado na akong madaming sinasabi pare, at dahil nagsayang ka na rin ng oras sa kwento ko, sayangin mo na rin 'yung iba pang minuto ng buhay mo today kasi bibigyan kita ng mga realizations ko kahit hindi ka naman nanghihingi coz that's how i roll
1. Hindi lahat ng "mahal kita" ay dapat tugunan ng "mahal din kita" o kaya ng "mas mahal kita". Minsan sapat nang ipaalam mo na mahal mo siya, kahit ikaw mukhang tanga. *drops mic*
2. Meron akong sasabihin makinig kayong lahat. Importante na malaman niyo ang sikreto nilang lahat. Shout out sa lahat ng mga babae at lalakeng marunong lang magpakilig kapag lasing. Mayonnaise na nagsabi, pag laseng dun ka lang malambing.
3. Kapag nagmamahal, nakakatakot maiwan. Hindi naman dahil sa mawawala siya sa buhay mo. Pero kasi siyang taga-hawak ng buhay mo.
4. Maraming magsasabi sa'yo na alam nila ang bawat "dapat" para sa buhay mo. Pero iilan lang yung kayang makapagbigay linaw sa bawat "paano" ng mga dapat gawin mo.
5. May mga taong nabuhay para sumuporta. Laging naka-alalay. Mahirap sila mahanap, kaya kapag natagpuan mo na siguraduhin mong poprotektahan mo siya.
6. Sa konteksto ng pag-ibig: Sabi nila kapag may nagsarang pinto, may magbubukas na bintana. Hindi ko maintindihan kung paanong naging positive 'tong statement na 'to. You deserve a much better "pintuan", bakit ka magsesettle sa hirap nang pagpasok sa "bintana" papunta sa parehong tahanan. Kung ako sa'yo, kapag nagsara ang pinto, matuto kang maghintay. Either may dadating na tamang "susi" para sa parehong pintuan, o kaya may mas magandang pintuan na dadating sa'yong mismong harapan.
7. Sobrang sarap mangarap kasama 'yung taong mahal mo. Ang sarap makipagusap maski walang salita, gamit lang 'yung mga mata niyo.
8. Hindi lahat ng pagkilala may katumbas na pagtanggap. Nakakatakot 'yung pag-angat na walang kasamang pagtanggap. Mas nakakatakot 'yung kilala ka nga ng maraming tao pero hindi mo naman kilala 'yung sarili mo.
9. Dati hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap huminga kapag nasa phase ka ng heartbreak. Syempre eventually naintindihan ko na may kinalaman yun sa emotions at physiological reactions. Pero hindi naman poetic 'yun kaya iniisip ko na lang, ang lahat ng nagpapatuloy mabuhay ay humihinga, kaya ka nahihirapan kasi 'yung utak mo gustong magpatuloy, pero 'yung puso mo gusto na sumuko. Nalilito 'yung katawan mo, thus, mahirap huminga.
10. Wala namang relasyong sobrang dali. Kaya kahit mahirap, ang mahalaga naman talaga lumalaban. Ang hirap naman kasi magmahal kapag sumusuko na 'yung kabila kahit wala pang nasisimulan.
11. Hindi naman kailangan na laging may alak para gumanda 'yung usapan. Pero kung umiinom kayo, irespeto mo naman 'yung karapatan ng lahat para sa pulutan.
12. Tandaan: Alak lang ang pinapaikot. Hindi feelings. *ooops*
13. As a general rule, ang alak habang tumatagal ay lalong sumasarap. Pero ang tuba o lambanog ay ang alak na mula sa dagta ng mga punong palma kabilang ang puno ng niyog. Kapag pinabayaan lamang itong mag-ferment o umasim, ito ay magiging suka, sabi ng Wikipedia. Ang gusto ko lang sabihin, lahat ng inaalagaan ay mas nagtatagal. Merong mga nagtatagal pero hindi naalagaan, kaya sa huli merong mga sakitan o hiwalayang biglaan. Drink responsibly. Love responsibly.
14. On Regrets: Ang pinakamalaking kasinungalingan na itinuro sa atin ng mga guro at magulang natin ay ang mga katagang "Ang pagsisisi ay laging nasa huli". Kalokohan. Ang pagsisisi ay nasa gitna, at ang pagbabago ay nasa huli. Kapag nasa punto ka ng tunay na pagsisisi, 'yun ang hudyat nang kagustuhan mong magpatuloy at magbago. Still the best lesson na napulot ko nung college.
15. Everyone deserves a second chance. NOPE. Ano 'yun, sinaktan ka na minsan tapos aabutan mo pa ng mas matalim na kutsilyo para isaksak ulit sa dibdib mo? Oo tama naman na dapat matutong magpatawad. Pero minsan kasi kailangang iparamdam mo naman sa mga taong umiikot sa buhay mo na dapat sulitin at 'wag sayangin 'yung pagkakakataon na makilala 'yung pagkatao mo.
16. Wag mong ikulong 'yung sarili mo sa bitterness o kalungkutan, maski malapit na 'yung balentayms. Kung mag-isa ka, malaki matitipid mo kaya magsaya ka. Kung may kasama ka naman, edi maging masaya ka. Kung hindi ka na masaya, edi bitaw na. Bilisan mo na habang hindi ka pa nakakabili ng regalo, para kagaya namin makatipid ka.
17. Wala namang biglaang kinakalawang, lahat dahan-dahan. Kagaya ng wala namang nalululong sa bisyo ng biglaan, lahat dahan-dahan. Kagaya rin ng wala namang relasyong nawawalan bigla ng pagmamahalan, lahat *all together now* DAHAN-DAHAN.
18. Ang alak ay iniinom, liquid. Ang yosi ay may usok, gas. Hindi lahat mukhang astig ay solid. Drink responsibly. Cigarette smoking is dangerous to your health.
19. Dahil sa nCOV cancelled 'yung book signing ni Mitch Albom. Nabanggit ko lang. Kasi sabi niya "All parents damage their children. It cannot be helped. Youth, like pristine glass, absorbs the prints of its handlers. Some parents smudge, others crack, a few shatter childhoods completely jagged little pieces, beyond repair". Hindi ko sinsasabing may karapatan kayo magrebelde kasi pumalpak sila. Hindi kayo perpekto, may mga mali ka rin kagaya nila.
20. If there is any form of violence, physical abuse, non-consensual sex. Leave. Your. Partner. Now. Maniwala ka sa amin, mas mataas ang halaga mo kesa sa kung anong inaakala mo. Mahalaga ka. Mahalaga ka. Mahalaga ka. *unli repeat*
21. Old habits die hard. But you can still kill those with sickening consistency. You are way tougher than any of those bad habits holding you back.
22. Umiinom tayo para makalimot. Umiinom para makaalala. Umiinom para magluksa. Umiinom para magsaya. May iba't ibang rason kaya tayo umiinom pero dapat tandaan na hindi naman laging alak ang solusyon.
23. LAKAS, SAKAL. Semordnilap na taglay 'yung apat na letra ng salitang alak. Reminder na we can't rely on the false sense of strength and courage na binibigay sa atin ng alak. Kasi eventually
we'll get choked up kapag ginagamit lang natin 'to para makatakbong palayo sa mga bagay na dapat sinasalubong paharap.
24. Kapag nagmahal ka, mahalin mo 'yung lahat ng parte na bumubuo sa kaniya. Mahalin mo 'yung maganda. Mahalin mo 'yung masagwa. Mahalin mo 'yung nakakatawa. Mahalin mo 'yung nakakahiya. Mahalin mo 'yung buo. Hindi lang 'yung mga bagay na pinili mo't ginusto pero bawat parte na kumukumpleto sa buo.
25. Sabi nila hindi daw tayo bibigyan ng problemang hindi natin makakaya. Pero kasi sa edad nating 'to dapat alam na natin na may mga problemang hindi natin kayang solusyunan mag-isa. Mga problemang hindi sapat 'yung "dasal lang". May mga problemang nadadaan sa usap. May mga problemang napapagaan ng pag-ibig o ng pagkakaibigan. Pero may mga problemang hindi natin kaya ng tayo-tayo lang. If needed, get professional help. Stop the stigma. A rehabilitation center is not a prison. Seek professional help. If, and when, needed.
#OnVodkaBeersAndRegrets
#BellaPadilla
#JCSantos
#VivaFilms
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/93dbe1698db5789630665e39d4a20537/0b91f076e815d763-6f/s540x810/be5da4fd7a024672a49a5d236efce876bccaed1d.jpg)
1 note
·
View note
Text
Kamusta mga Kakwentuhan? Maligayang panonood muli dito sa Kwento ng Pag-asa.
Ngayong gabi mga Kakwentuhan, magkakaroon tayo ng kaunting throwback. Kung hindi nyo pa po napapanood ang Vlog 4 sa kwento-ng-pag-asa Facebook page, ibabahagi ko muli ang lessons and experiences from Aeta Ministry ng ilan sa mga estudyante and some faculty and staff ng Adventist University of the Philippines.
Now mga Kakwentuhan, kayo po ba ay mahilig mag hiking? Naranasan nyo na bang maghike ng 5 to 6 hours? Nakakapagod man ngunit ang naexperience ko noong ako'y estudyante pa together with some students and with some faculty and staff of AUP sa San Marcelino, Zambales, ay worth it po para sa amin. Seeing happy, contented, and kind individuals, we were inspired to share more of Jesus to our Aeta brethren.
We divided ourselves into 5 groups and we were assigned in 5 different villages mga Kakwentuhan. We did health lectures para sa mga nanay at tatay, teaching bible stories and some basic classroom lessons and proper hygiene to children, house to house visitation, gift giving, and feeding program. Namigay din ang grupo ng food supplies, clothes, slippers, and hygiene kit para sa kanila. Syempre we grab the chance din po na makapagshare ng gospel sa atin pong mga Aeta brethren. Ilan sa mga estudyante din ng AUP ay nagconduct ng Voice of Youth sa naturang lugar.
Madami akong nakilala mga Kakwentuhan at nagbigay inspirasyon sila sa akin. Una, nakilala ko ang mga batang sina Bea, Jessa, at Irene. Sa aming pag uusap, natutunan ko mga Kakwentuhan ang pagiging resilient in any difficulties that will come in our lives at ang importance of hard work. Pangalawa naman, ay si tatay Andoy. One week ago bago kami'y nakapagsap ay pumanaw ang kanyang asawa mga Kakwentuhan. Noong tinanong ko si Tatay Andoy kung may balak ba siyang umalis sa naturang Village ang sabi niya, kontento na siya sa kanyang kinalalagyan. Mahirap man ang kanyang buhay, siya pa din ay nagpapasalamat dahil siya ay binigyan ng chance upang mabuhay at makapagtrabaho sa kanyang farm. For me mga Kakwentuhan, I don't have any reason to complain from stress, from money, and from my situation because someone like Tatay Andoy is thankful and contented with his life. I am bless and I should be grateful for my life. Pangatlo, mas nakilala ko ang aking mga co-students at mas na inspire ako na magserve because I have seen them motivated to serve and the willingness some of our faculty and staff. Indeed missionary work is enjoyable and a blessing.
May mga pangyayari sa ating buhay mga Kakwentuhan that will help us learn different lessons to bring with and to share it with others. Ibinigay sa atin yan ng Panginoon and we need to grab that opportunity to grow with that situation. And I hope that all of us will join different ministries to be a channel of hope to people and to strengthen our faith in God. Shared joy is doubled joy mga Kakwentuhan. Muli, inianyayahan ko ang bawat isa na magbahahi ng inyong istorya tungkol sa pagpapala ng Dios sa inyong buhay. You can send it to Kwento-ng-pag-asa Facebook page or email us through [email protected] or post in any of your social media account and don't forget the hashtag #KNP. Abangan muli next week ang isa nanaman pong istorya ng kwento ng Pag-asa. This is Eden Relente. Happy Sabbath!
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/d4fc24edfe18ca7ec565b0869f59f0fd/tumblr_orcwp9mThB1r7vmcqo1_540.jpg)
Dear God,
It was my trainees’ idea to postponed my birthday. So pagdating ng bahay, tulog. 😂 Wala silang magagawa. Haha. Pag na na stop, meaning di madadagdagan ang edad. Owrayt!
Never had the best of both worlds. Pero I am so thankful po kasi masaya pa rin mabuhay. Through ups and down, andiyan ka lang e. You always hold my hand and you never let me go. Thank you for reminding me that everyday is a second chance, to live and to hope. Your love is unconditional God, so, thank you. 😚
Thank you for taking good care of Mother Earth, Popsicles, and my siblings. For giving them the bests of health and for putting smiles on their faces regardless of the circumstances they encountered. Kahit wala na sa akin, sa kanila na lang..👌 na po ako!
I am so blessed of having real, good friends. Thank you, batty and beks for this ‘surprise’, promise na surprise ako. Haha. Thank you for the genuine care and love. For bringing my fave spaghetti, ay naku! Perfect yun!Chuhan, Sannie, Ralph-movie tayo ulit. 😂 Kuya Charls, alam mo na yun. Di ka man perfect na manager, pero isa kang awesome na kuya! 😋 Pat, luto ka nga? 🤗
To my feeling gwapong friends, Vanvan, Tito Ben and Kelvin. Salamat sa pam-bubully araw-araw. Di na kayo nakakatuwa! 😂
Titil, Monalaine, Indhay Irene, and Gaw Marvic-ginagalingan niyo po lage ang bday post, feeling ko, bumabawi lang kayo.😁 To my LDR friends, batty Cath, Cha, Zarah, Pee, Boset and mga BOOM. Thank you for staying. I love you all guys. ❤ God, thank you for giving Ate Lhay and Sheng. Sobrang blessed na ako sa family ko dinagdagan mo pa. Heart fluttering. ☺
Psst, Albert love-Thank you for staying by my side through the good and bad times. Isa ka sa pinaka the best na gift I ever received in my entire life.I didn’t expect you will come into my life and make things feel new and exciting again. I am always praying that you are my last. Sorry sa pagiging stubborn at pagiging maldita. Haha. Alam ko. Oo na. I love you po. 😘
God, “World Peace”, yan ang pinaka wish ko. Ayaw ko na pong may mga bata o sibilyan na nagsu~suffer or namamatay dahil lang sa pagiging selfish ng iba. I still believe, that this is still a better world to live in. 😊
0 notes