#inang bayan
Explore tagged Tumblr posts
Text
ang pagmamahal sa bayan ay walang ibang kinatutumbasan
handang ibuwis ang sarili, ipaglaban lamang,
lupang sinilangan
dahil kaytagal rin na ang bayan ay nauhaw sa tinatamasang kalayaan
hanggang ang liwanag ng tagumpay ay s'ya ring nakamtan
at ito ang tanging ipinamana sa atin hanggang sa kasalukuyan
isang pagpupugay sa ika-126 na taon ng kasarinlan ng ating bansa makalipas ang mahabang panahong pananakop sa mga Espanyol
(image:
©Wikipedia Commons via The Kahimyang Project)
0 notes
Note
aww thank you admin!! really sweet of you to bump this up before i go to bed <3
btw this is a queued post bc i'm about to sleep lol but i want to talk about ✨ figurative language ✨ for a bit! i used two figurative phrases here:
"nakakataba ng puso" - lit. heart-fattening / it fattens my heart. means the same thing as heartwarming / it warms my heart!
"sana masarap ang ulam mo lagi" - this phrase is a more modern invention i think? but it's something you say when you want to wish someone well. translating it roughly is "i hope your meals are always delicious" though ulam is a funny little culture-specific word here
in the philippines, your meals are almost always eaten with rice. a typical meal will consist of rice + a cooked dish (usually meat-based) meant to be eaten with the rice, and the word "ulam" refers to that cooked dish. (many signature filipino dishes like adobo and sinigang are ulam!) so in a filipino household someone might ask "ano ang ulam ngayon?" in the same manner as "what's for lunch/dinner?" - we assume there will be rice, but we're asking what the rice will be eaten with.
i've seen people translate "ulam" into "viand" but like... i've never heard a native english speaker say "viand," probably bc the concept of ulam doesn't have an equivalent in anglophones' native cuisines. (unless they do... correct me if i'm wrong lol)
anyway yeah i hope this was interesting!
tapos na ang araw dito sa aking bansa pero nagpapasalamat ako nang sobra sa pag-organisa nito 🙏 napakalakas ng paghahari ng wikang ingles dito sa tumblr (lalo na kumpara sa ibang social media, mas madalas akong nakakakita ng ibang wika sa twitter) kaya nakakataba ng puso na merong ganito at na may maraming mga sumasali at nagpopost gamit ng kanilang mga wika! maraming salamat muli at sana masarap ang ulam mo lagi* 💕
*hindi po ito literal pero madalas itong sinasabi para batiin ang ibang tao
Bumping this one up a little in the list of asks I have to answer :) So you can see this before sleepytime, I hope.
I'm grateful you're thanking me, but as most events, it would be nothing without people actually joining in and being positive about it. So thank you!!! <3
Small extra in my native language: droomzoetjes (have sweet little dreams)
16 notes
·
View notes
Text
happy independence day to my beautiful inang bayan buhay ay langit sa piling mo 🇵🇭🇵🇭🇵🇭🎶🎶🎶
8 notes
·
View notes
Text
Pandangguhan Song
Manunugtog ay nangagpasimula At nangagsayawan ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba Kung bawat tapakan ng mga bakya Kung pagmamasdan ay nakatutuwa Ang hinhin nila'y hindi nawawala Tunay na hinahangaan ng madla Ang sayaw nitong ating inang bansa
Dahil sa ikaw mutyang paraluman Walang kasing-ganda sa dagat silangan Mahal na hiyas ang puso mo hirang Ang pag-ibig mo'y kay hirap kamtan Kung hindi taos ay mabibigo sa mga pagsuyong iaalay Kung hindi taos ay mabibigo sa mga pagsuyong iaalay
Halina aking mahal Ligaya ko ay ikaw Kapag 'di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw
Halina aking mahal Ligaya ko ay ikaw Kapag 'di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw
Kung may pista sa aming bayan Ang lahat ay nagdiriwang May lechon bawat tahanan May gayak pati simbahan Paglabas ni Santa Mariang mahal Kami ay taos na nagdarasal Prusisyon dito ay nagdaraan Kung kaya't ang iba'y nag-aabang May tumutugtog at may sumasayaw Mayrong sa galak ay napapasigaw Ang pista sa bayan namin ay ganyan Ang saya tila walang katapusan
Manunugtog ay nangagpasimula At nangagsayawan ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba Kung bawat tapakan ng mga bakya Kung pagmamasdan ay nakatutuwa Ang hinhin nila'y hindi nawawala Tunay na hinahangaan ng madla Ang sayaw nitong ating Inang bansa
3 notes
·
View notes
Text
Happy Fourth of July!🇺🇸❤️🇵🇭
Happy Fourth of July
Although the U.S.A. declared independence for the Philippines on July 4, 1946, the Philippines has historically celebrated this date as Philippine-American Friendship Day in favor of commemorating June 12 as the "real" Philippine Independence Day instead. It doesn't really make sense, and I know that a fraction of Filipinos do recognize July 4 as our "real" independence day.
youtube
Most Filipinos have conflicted feelings about America, but as someone with several relatives living in the U.S., where they live comfortably, I have a soft spot for the U.S.
So I celebrate today with my Filipino and American mutuals with this recreation of Juan Luna's España y Filipinas reimagined as Columbia and Inang Bayan.
Inang Bayan (Motherland) is dressed in a traditional baro't saya with the Philippine colors while Columbia's dress is inspired from this gorgeous striped dress from the late 1800s.
#españa y filipinas#inang bayan at columbia#fourth of july#4th of july#independence day#aeshna's art#digital art#medibangpaint#medibang art#medibang paint#juan luna
20 notes
·
View notes
Text
ABANTE, BABAE!
Ngayong Marso, pinaaalab ang paggunita sa kalakasan, katatagan, at kadakilaan ng lahat ng kababaihang nagsusulong ng makabuluhang pagbabago saan mang dako ng mundo. Bahagi ng pagdiriwang ang pagtataguyod ng makatarungang lipunan, pagwaksi sa karahasan at pang-aaping dinaranas ng ating mga kababayan, at paghamon sa mga mapaniil na pamantayan ng lipunang ginagapos ng patriyarkiyang kumikitil sa kasarinlan ng isip, puso, at diwa ng pagiging babae, ng pagiging tao.
Patuloy tayong tumindig! Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan at dignidad ng sangkababaihan. Hindi natatapos ngayong Marso ang pakikibaka; magpapatuloy ito hanggang sa makamit natin ang isang lipunang tunay na ingklusibo at progresibo. Isulong natin ang isang lipunang nananaig ang hustisyang lumalaban sa pananamantala at panghuhusga sa kasarian. Ang pakikibaka ng kababaihan ay pakikibaka rin ng Inang Bayan.
BIGKISIN AT PAKILUSIN ANG KABABAIHAN TUNGO SA TUNAY NA PAGKAKAPANTAY-PANTAY!
BABAE, TULOY ANG ARANGKADA AT PAKIKIBAKA! I-PHASEOUT ANG PAHIRAP SA MASA!
3 notes
·
View notes
Text
youtube
Bangon Pilipinas Taong 2013 nang aking naisulat ang tulang ito. Hinagupit ang Pilipinas ng Super Typhoon Yolanda o mas kilala sa bilang Typhoon Haiyan sa labas ng ating bansa. Ang bagyong ito ay itinuturing na isa sa pinakamalakas ng bagyo na naitala sa kasaysayan. Bangon Pilipinas (C) Joseph Raymund Evangelista Enriquez O aking bayan na sinilangan, Mga pahayagan ikaw ang laman. Pagkasira mo ang inilalarawan, Nakatutok ang buong sambayanan. Hagupit ng bagyo, iyong naranasan Buong mundo ito’y nasaksihan. Paghihirap mo’y kahabaghabag Damdamin ng lahat ay nabagabag. Pinagpala ka aking inang bayan, Mga nagmalasakit sa iyo’y ‘di mabilang. Tulong na salapi at gawa ay ibinahagi, Upang manunbalik ang iyong ngiti. Sa ika-walong araw mula nang ikaw ay lumuha, Bahaghari sa kalangitan ay iyong nakita. Kaakibat nito ay ang dalang pag-asa, Hudyat ng iyong pagbangon ‘O aking ina. travel and wander foods and drinks computers and internet experience adobo explorer Like CYBERTITO on Facebook: https://www.facebook.com/cybertitojj Follow CYBERTITO on Instagram: https://www.instagram.com/cybertitojj Follow CYBERTITO on Twitter: https://twitter.com/intent/follow?screen_name=cybertitojj Follow CYBERTITO on Pinterest: pinterest.ph/cybertitojj Follow CYBERTITO on Tumblr: https://cybertitojj.tumblr.com/ Follow CYBERTITO on Blogger: https://cybertitojj.blogspot.com/ Contact CYBERTITO via WhatsApp: https://wa.me/639393033030/?text=Help%20me%20CYBERTITO%20 Add CYBERTITO on SnapChat: https://www.snapchat.com/add/cybertitojj Follow CYBERTITO on TikTok: tiktok.com/@cybertitojj Subscribe to CYBERTITO Youtube Channel: https://www.youtube.com/channel/UC4wVf-ZjeCTigYmgqjSNQhA?sub_confirmation=1 Visit CYBERTITO official website! https://cybertito.com/ Copyright (C) CYBERTITO – All Rights Reserved. #CYBERTITO #cybertitojj #experience #adobo #explorer #YoutubeVideos #Videos
0 notes
Text
HINDI PA HULI ANG LAHAT
Short Story
Sa isang malayong nayon, naninirahan ang mag-inang sina Elena at anak nitong si Kulas. Bata pa lamang si Kulas ay namatay na ang kanyang ama kaya’t silang dalawa nalang ng kanyang ina ang magkasama. Ang kanilang tinitirhan ay sa gilid ng daan na kung saan ang mga bahay doon ay dikitdikit. Dahil mag-isa na lamang na itinataguyod ni Elena ang kanilang pamumuhay ng kanyang anak, makikita sa kanyang mukha ang katandaan kahit na siya ay apatnapu’t limang taon palamang. Siya’y tumatanggap ng labada sa umaga sa kabilang bayan at nagtitinda naman siya ng balut sa gilid ng tulay sa gabi. Talagang wala na siyang oras para sa kanyang sarili. Habang siya’y nagtatrabo upang may maihain sa kanilang hapag, si Kulas naman ay nakikipag-inuman sa kabilang kanto kasama ang mga tambay. Minsan pa nga ay nagsusugal siya at humihingi ng pera sa kanyang ina.
Isang araw, umuwing lasing si Kulas dahil magdamag siyang nakipag-inuman sa kanto. Tumungo siya sa mesa upang tignan kung may naihanda ng pagkain. “Nasaan ang pagkain ko?!” pagalit niyang sigaw. Wala pang naihanda ang kanyang ina dahil hindi pa binibigay ang sahod niya sa araw na iyon. Nagalit si Kulas at hingis ang kanilang mesa at upuan. Hinahanap niya ang kanyang ina sa kanyang kwarto ngunit wala pa ito. Patuloy siyang nagsisigaw at nagwawala hanggang sa dumating ang kanyang inang pagod sa pagtitinda. Nagulat siya nang makita ang loob ng kanilang bahay dahil sa kagagawan ni Kulas. “Ano ang nangyayari Kulas? Bakit ang gulo dito?’’ tanong ni Elena. “Saan ka ba galing? Bakit wala pang nalutong pagkain ko?’’ pasigaw na tanong ni Kulas sa kanyang ina. “Akin na ang iyong sweldo at ako’y makakain na!” dagdag pa nito. “Pasensya na anak, wala pang ibinigay na sweldo sa akin ng pinaglalabahan ko, ang kinita ko naman sa pagtitinda ay ipinambili ko ng aking gamot” malumanay na sagot naman ng kanyang ina. “Wala akong pakialam, basta’t bigyan mo ako ng pera ngayon din!” sigaw na sabi ni Kulas. “Anak, wala talaga” paiyak na sambit ni Elena. Pumunta si Kulas sa kwarto ni Elena upang halughugin ang kanyang gamit. Doo’y nakita niya ang pitaka ni Elena na may lamang pera. Pinigilan ni Elena si Kulas na kunin ang pitaka ngunit sa laki ng katawan nito, napaupo na lamang siya sa sahig nagmamakaawa sa kanyang anak na huwag ito kunin dahil inilaan niya ito para sa kanyang gamot. “Sinungaling ka talagang matanda ka!” walang modong sambit ni Kulas sa inang nakaupo pa rin sa sahig. Umiiyak si Elena dahil, matagal na niya itong iniipon at masakit ang kanyang loob dahil sa inasta ng kanyang anak. Pagkatapos kunin ni Kulas ang pera ay dali-dali itong lumabas ng kanilang bahay. Umiiyak na tumayo si Elena at inayos ang mga gamit na nagulo buhat ng pagwawala ni Kulas.
Patuloy pa rin sa paghahanap-buhay si Elena at ganon din ang kanyang anak, patuloy sa kanyang mga bisyo. Masakit man sa kanyang loob ang nangyari noong nakaraan, wala na siyang magagawa dahil nakuha na lahat ni kulas ang kanyang ipon, ang tanging magagawa na lamang niya ay magdoble kayod upang may pambili siya ng kanyang mga gamot at may maihain sa kanilang hapag. Isang gabi, habang siya’y nagtitinda sa gilid ng kalasada, bigla na lamang dumugo ang kanyang ilong, nanghina ang kanyang katawan at dumilim ang paningin. Nawalan siya ng malay at bumagsak siya sa kalsada. Nagkumpulan ang mga taong nandoon at tumawag ng tulong.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin sa pag-inom si Kulas at walang kaalam-alam sa nangyari sa kanyang ina. Pagkatapos ng kanilang inuman ay umuwi na naman siyang lasing. Hinanap niya ang kanyang ina ngunit wala ito. Sa sobrang kalasingan, nakatulog ito sa kanilang sala. Kinaumagahan nang siya’y nagising, wala pa rin ang ang kanyang ina. Ipinagsawalang bahala niya ito at sa isip ay nakauwi na ito at pumunta ulit sa kabilang bayan upang tumanggap ng labada. Bigla siyang nagutom at tumungo sa tindahan ni Aling Neneng upang mangutang ng kanyang kakainin. Pagkatapos kumain ay tumungo siya sa tinatambayan nila ng kanyang mga kasama. Habang nagpapakasarap siya sa buhay, lingid sa kanyang kaalman na nasa ospital ang kanyang ina.
Kagaya ng dati, umuwi siyang lasing. Hinanap niya ulit ang kanyang ina at tumungo sa kwarto ngunit wala ito. Nagtaka siya bakit wala ang kanyang ina ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay nakatulog ulit ito. Nagising na lamang siya sa sinag ng araw na tumatagos sa kanilang bubong. Nataka na siya kung bakit wala pa ang kanyang ina. Napagpasyahan niyang pumunta sa labas ng kanilang kanto at doo’y nangutang ng makakain dahil ayaw na siyang pautangin ni Aling Neneng. Doon narinig niya ang usapan ng mga ale doon tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. “Kawawa naman si Elena, nakaratay siya sa ospital.” Sabi ng isa. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa kanyang narinig. Tumungo siya sa ospital na kinaroroonan ng kanyang ina. Doon nakita niyang lupasay ang kanyang ina na hinang-hina at walang malay. Nagtubig ang kanyang mata sa nasaksihang kalagayan nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kama ng ina at hinawakan ang kamay nito. Bigla namang nagising si Elena at nagulat dahil hindi niya akalaing nandoon ang kanyang anak at umiiyak.
“Anak ko, bakit ka umiiyak?” tanong nito sa anak. Inangat ni Kulas ang kanyang ulo at bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi. “Patawad inay, ngayon lang ako nakadalaw. Hindi ko alam ang kalagayan niyo” “Ayos lamang anak, naiintindihan ko” sagot naman ng kanyang anak. “Patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko” mangiyak-iyak na sambit ni Kulas. “Hindi pa huli ang lahat anak” malamyos na wika ng kanyang ina. “Mula ngayon maghahanap na ako ng trabaho upang matulungan kayo sa gastusin sa pagbili mo ng iyong gamot at pambayad dito sa ospital” napangiti si Elena sa sinambit ng kanyang anak dahil sa wakas ay natauhan na ito.
Mula noon, naghanap na ng trabaho si Kulas upang makatulong sa kanyang ina. Hindi na rin siya umiinom kagaya ng dati. Naging masaya ang pamumuhay nilang mag-ina. Sa kabila ng nagawa niya sa kanyang ina, binigyan siya nito ng pagkakataon upang magbago. Tunay ngang walang makakatumbas sa pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak.
1 note
·
View note
Text
Sana dumaan sa "Age of Enlightenment" o "Age of Reason" ang Pilipinas. Isang bagay na hindi nangyari sa kasaysayan ng bansa. Panay tadtad ng mga bible preachers at mga kulto ang naghihirap na bansang ari. Kawawa talaga ang inang bayan.
0 notes
Text
Sinta
Indang is never gonna be the same without Inang Sinta's RBF and red nails, especially on summer's pistang bayan.
The RBF and the red nails are passed down from my Inang Sinta, the mom of mother dragon. Whenever it's pista during May, these ladies headlock a lot. LOL. Mother Dragon never fails to come home and get her OCD in full throttle. Sinta never budged. Watching them argue is much like seeing me and mom engage in a laughable disagreement. However, mom told me that what separates her mothering from that of her mother's mothering is this: Sinta is so selfish and mom is so selfless. I laughed so many times when mom shared this bit. My mom is a daddy's girl and I did get the reason why Sinta tended to be jealous of their dynamics. Mom and Sinta looked too alike: white hair, RBF, short, big boobs, great legs. Para silang pinagbiyak na atis. Atis and guyabano are their favorite fruits, too. Their tone and their stature (aka angas and sungit) are the same, too.
The redeeming factor of Sinta is that she cooks really, really, really well. Mom was nowhere near Sinta's cooking prowess. How well did Sinta cook? She's requested by a good number of ka-barrio and kabilang ka-barrio to cook. She didn't charge since she had pension from my Amang Pio, my departed lolo, a war veteran. She did the cooking very meticulously, almost OC. Hahahaha. I grew up watching her cook her staples: menudo, mechado, caldereta, atchara and the like; but what I liked best are her versions of ube halaya and morcon. Damn. That combo still haunts me beautifully and wala pa akong natikman na anywhere near her versions of these two.
Sinta's ube halaya is pure ube. Almost black. She does this by hand. JUSQ. Pahirap kung pahirap siya sa sarili. She filled fish-shaped big ass plates with margarine at the bottom then slapped smooth, chewy ube. Ansarap talaga. Kunat level na kakapit sa gilagid mo and would just melt. 'Yung morcon, wild. 'Yung sarsa ang game-changer. Sarsa pa lang, ulam na. 'Yung pagkatali niya, sobrang ganda. 'Yung meat niya and stuffing sobrang legit. Basta. Ansarap. 'Di ko siya maexplain pero even the expensive and lutong-bahay versions of morcon I've tested are no match. Baka sa Spain na lang ma-test? CHOZ. LUH.
Sinta is super sungit na lola pero 'pag naglambing, iba rin naman. LOL. She gifted me with pakimkim 'pag nanalo siya sa sugal, her favorite pastime. Of course, mother dragon abhors all forms of sugal since forever, kaya, syempre, mom will lash out on me whenever she discovered I accepted Sinta's pakimkim. There'd be times when she'd shove the pakimkim on Sinta's tukador. Que horror, senyor!
Sinta never failed to feed me good food when I'm in her humble home. All out kung all out because we're rarely visiting. Whenever she gets her nails painted in red, I watch her face soften and smile a small smile. She asked me one time during my toddler year if I wanted to get red nails. Syempre, I said yes. And poof. Galit woman na naman mother dragon ko. Hahahaha. Minsan talaga, ina-agit ko lang nanay ko para makita ko sila mag-daragan ng nanay niya kasi sobrang petty talaga nila mag-headlock most of the time. LOL.
What's funny though is that, mom had red nails most of her life if not nude, brown or deep purple. After my first red nails, mother dragon allowed me to get colored nails na rin since she's a fan din naman talaga. LOL. Ayus 'to e. Naglalaba pero naka-manicure na siya malimit nagma-manicure sa sarili niya e. I wondered how she was able to squeeze that in her busy schedule, honestly.
Sinta's rare touch, smiles and laughs made me see that after all, she's human. She just had such a strong head and super square shoulder. When she got sick during her 70+ years, I saw how mom felt so low. She didn't cry, but I witnessed how she truly cared for her mom. She told me that Sinta is not getting any better and that her mom is the ultimate pasaway na takas ng takas sa lahat. She rarely went on check ups kasi gastos lang daw. True naman 'yun, but mom tried her best to provide. Ayaw kasi ipagalaw ni Sinta 'yung pension niya because sugal is lifer. For the record, sugal ni Sinta is just basic. LOL. Pero high roller din 'to e. Maybe that's the reason why I suck even in Lucky Nine or Ungguyan. I don't even know how to play Poker but I remember enjoying mahjong with my cousins sa side ni dad. Syempre, galit woman na naman nanay ko, kaya tinigilan ko na kahit wala namang pustahan involved.
Sinta eventually weakened and during her last summer which falls under pista sa barrio namin sa Indang, she got her nails painted in red. She even had her short hair shaped so well. I love her super white hair. As in. Mom ko kasi, white and black na she called salt and pepper hair color. Sinta prettified herself and was down with fever which is out of her character. Pista is her A-game season talaga; so I knew something was so wrong. I waited patiently for her to recover and bounce back since she got a big pig that was being slaughtered sa bakuran namin. I waited a bit more and was called by one of my cousins. I was surprised to see Sinta breathing her last breaths that summer morning. I was in grade school then, I think, if not Prep.
I didn't even get the memo that I'd be part of this scene. Mom hugged me tightly, but she never covered or shielded my eye. Medyo masakit 'yung yakap niya or baka 'di lang ako sanay that my Taurus mom is hugging me. Hahahaha. Kidding aside, I was in shock. Nasa morcon and ube halaya A-game season ni Sinta pa ako e. I saw Sinta's chest fall and never rise again. I touched her wrinkled arms and felt its coldness. She didn't move. She didn't budge. Her face was RBF and peaceful.
Mom didn't cry much except for the time when she was up in the pulpit as she was the spokesperson of the family. Aba. Nag-buckle si accla. I was so surprised because mom rarely cried talaga during this era. Dad waited for her to come down and comforted mom. Hihihihihihi. Gulat man din dad ko e. 'Di raw niya expected mag-buckle mom ko. LOL. Strong and independent kasi talaga siya. As in.
Mom confessed that she loved Sinta so much from a distance. She told me that if she could turn back time, she'd drag her mother to the doctor and watch her down her meds. Sinta loved to skip her med time. Hahahaha. Very Sinta. Mom felt that she didn't take care of Sinta well enough. I told her that she did her best even if her best wasn't good enough. Again, grade school ako nito. LOL. I didn't grow up kasi na may baby talk e. I told her that Sinta is too tough, too childish, too picky, too sneaky. Ganun talaga.
Sinta is never a villain in my book. I actually love her talaga from a safe distance, too. Takot ako mapalo or mapagalitan e. Ganun vibe niya, pero she really has a soft side that I can't unsee. I love Sinta and the reason why I'm trying to slay my silver hair is because I want her and mother dragon's mothering to be with me, syempre, tanggal 'yung toxic vibes sa bit na 'to in as much as I can. I'm getting more and more white hair these days, but honestly, ambagal. Sinta's white hair was with her since baby ako. Mom's super nice black and white hair was with her mga 40s siya, so sa Piandre na lang muna tayo magtitiwala at magtatawid ng ganitong kulay na 'di madaling ma-achieve.
These two un-gentle women in my life are my sheroes. <3 They're messy, wild and weird. However, they have this signature way of making me feel loved talaga. I know that I can call both of them home. Perhaps, 'yung pinnacle ng dynamics or relationship naming three was when I had this lucid dream where mother dragon, Sinta ang my Lola Tanting and Lola Tipay are at the back of an SUV. Nasa driver's seat ako. LOL. I saw them all from the rear view mirror. Sobrang RBF smiles sila and looked at me as though they don't give a fuck. This lucid dream happened during the time when mom died and I was asking God if happy na mom ko. LOL. Ayun. Ang sakit at ang sagad ng sagot. I needed that solid answer talaga. Hirap lang.
My attempt to cook is actually me missing Sinta and mother dragon and our mutual weirdness. :D I can never be as good as Sinta sa kitchen, but, I'm kinda decent. Tamad lang maghugas ng pinaglutuan. LOL.
Actually, I was asked yesterday about my grey hair. If sadya ba or not; kaya naisip ko si Sinta. LOL. May this season of grey hair be one that would allow me to inch forward more and more. May this season also be a celebration of vulnerability and true love that comes from within. LUH. Hahahaha. Soft yarn with red nails and baon na may times na akala mo may pista? I guess, it's a yes kahit 'di halata. :p Unti-unti.
My 4th nak-anakans, favorite band ever is in the PL today though Ariana is looping like crazy because I miss her a lot. Can't wait for Wicked even when she's in the middle of a "cheating" chizmiz which I hope is but a PR ploy.
0 notes
Text
Importansya ng Wika, Awtor at Mambabasa
Matapos kong basahin ang artikulo ni Dr. Bienvenido Lumbera na pinamagatang “Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Pilipino” napagtanto ko na ang mga malikhaing paggamit ng wika sa panitikan ay nagudyok sa mga Pilipino nung nasasakop pa tayo ng mga banyaga na magkaroon ng sarili nilang kamalayan at ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.
Unang Puntos
Batay sa akin pagkaintindi ng artikulo ang unang mahalagang puntos ay salita o ang paggamit nito dahil kaya nitong makapukaw ng damdamin ng mga tao kung maayos itong naisulat o kahit patalinhaga pa itong naisulat. Maaari ring itong magbigay ideya o pagkukumpara na nabanggit sa artikulo tungkol sa awit na “Jocelynang Baliwag”:
“Subalit may iisang“sinta”ang maraming kasapi ng Katipunan at ang maraming mamamayang nakiisa sa kanilang simulain- iyan ay ang Inang Bayan, ang“mabangong sampaga,” ang “matimyas na bukal.” Habang naglalaho ang personalidad ng dalagang pinag-alayan ng tula, nagiging mabisang talinghaga ang “Edeng kinaluluklukan ng galak at tuwa” para sa bayang Pilipinas. At ang “hada[ng] maningning” na nagpapabukadkad sa mga bulaklak ay hindi na si Pepita kundi ang Inang Bayan.”.
Ang awitin ay tungkol sa isang dalaga sinisinta ngunit mapapansin din na maari rin itong gamitin upang maiparating ang pagmamahal sa bayan at kung gaano ito kahalaga sa mga Pilipino nung panahon ng himagsikan. Kaya ito naging awit ng kundiman dahil nagbibigay ito ng pag-asa o motibasyon sa mga kilusan noong mga panahon na iyon na lumaban para sa kinabukasan ng Pilipinas at para matapos na ang paniniil na ginagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Ikalawang Puntos
Ang ikalawang mahalagang puntos ay ang awtor kung saan pinababatid niya sa mga tao kung ano ang nasa isipan niya. Katulad ng mga aral na mapupulot dito, maipapakita rin ang kanyang pagkamalikhain at kakayahang magbigay buhay sa kanyang mga kwento. Isang halimbawa ay ang ginawa ni Balagtas na “Florante at Laura” para maipakita na kaya rin ng mga Pilipino na lumikha ng mga panitikan na kayang makipagsabayan at mahigitan ang mga likha ng mga banyaga. Ngunit makikita rin dito na nagbago ang gustong iparating ni Balagtas dahil sa mga mambabasa nito na nakikita mismo o nararanasan ang mga kaganapan na nangyari mismo sa kwento na nabanggit sa siping ito:
“Sa paglipas ng mga taon, ang kamalayang tumatanggap sa mga salita ni Balagtas ay maagap na tumutugon sa daing ng nilinlang at inapi, sa pagngingitngit ng pinagkaitan ng katarungan, sa pagsasakdal ng inagawan ng kapangyarihan, nabahagi ng isinasalaysay na mga kasawian sa buhay ng mga tauhang Florante, Aladin, Laura at Flerida. Nagbago na ang kamalayan ng mga katutubo,at ang kahulugang nahahango sa mga pangyayari sa tula ni Balagtasay umayon sa pagbabago ng kamalayan ng mga mamamayang sa panahon ng himagsikan ay tatawaging “mga anak ng bayan.”
Ang tulang ito ni Balagtas ay hindi sinasadyang ginising ang kamalayan ng mga Pilipino na dapat may pagbabagong magawa para sa kapakanan ng lahat. Binigyan sila mga aral at ideya ng tulang ito upang ipaglaban ang kanilang sarili at wakasan ang pagmamalupit na kanilang pinagdaraanan dahil sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
Ikatlong Puntos
Ang ikatlong mahalagang puntos ay ang mga tagabasa ng mga malikhaing panitikan kung saan sila mismo ang nagbibigay kahulugan sa kanilang binasa. Ang tula ni Hernandez na “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” kung saan tinutuligsa niya ang mga kolonyalistang Amerikano na pumalit sa mga Espanyol na nagtulak sa mga miyembro ng Kabataang Makabayan na magkaroon ng ideya na dapat magtayo ng sariling republika ang Pilipinas. Ginamit nila ang tula ni Hernandez upang balikan ang ating kasaysayan at buwagin ang katiwalian na siyang dulot ng kolonyalismo sa ating lipunan na makikita sa sipi sa ibaba:
“Aktibong nangalap ng mga kasapi ang Kabataang Makabayan (KM). Puspusan ang ginanap na pag-aaral ng mga estudyanteng buong siglang yumakap sa mga kaisipang pambansa-demokrasya. Sa mga pag-aaral ng mga kasapi ng KM, binalikan nila ang kasaysayan ng Pilipinas at binuhay ang mga anti-piyudal at anti-kolonyal namgakaisipang nasa mga akda ng nakaraan. Dito nila natuklasan ang palabang tula ni Hernandez, na sinimulan na nilang tawaging “Ka Amado.”
Mapapansin sa kanyang tula na maiintindihan na kaagad kung ano ang kanyang tinutukoy, magdudusa na naman ang Pilipinas pati na rin ang ating katutubong wika ay matatabunan na naman ng banyagang wika. Nang mabasa ito ng mga Kabataang Makabayan napagtanto nila na dapat palaguin ang pagiging makabayan ng mga Pilipino at kailangan nang tuldukan ang imperyalismo ng mga Amerikano sa Pilipinas.
-Lorielyn Dimatatac
References:
Lumbera, B.L. (2015). Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino.
Carandang II, E., Dreisbach, J., & Villanueva, Ma. A. (2021). Sourcebook ng LCFILIC (Wika, Midya at Teknolohiya) (3rd ed.). Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle.
0 notes
Text
Minsan may isang Puta
Gaano kadalas ang minsan ? A highly honored, Filipino Writer Mike Portes is known for her hailed short story titled "Minsan may isang puta" written by Mike in 2004. This short story became popular and was adapted into a Film in year 2010 It is a narrative of a woman who speaks up to the reader about her journey as a prostitule, abused survivor and as a mother.
Minsan may Isang Puta revealed the truth and history of the Philippines our motherland, were exposed and emphasized by this short masterpiece. Minsan may isang puta, additionally documented various forms of corruption, colonialism and manipulation that plagued the country's political and social history from spanish colonialism to regime of Marcos dictatorship.
The highlighted word "PUTA" represents this country which been abused several times by the three foreigners. I observed in the early chapter of the short story, it talks about a mother who became a prostitute due to extreme poverty but the story is not really about a "prostitute" lady, but a woman who represents as the Philippines and it's history
The stunning woman's figure that was described, actually represents as the Philippines Flag, which is blessed by bounty of natural resources including mountains, rivers, forest and minerals. On the other hand, it also represents the misery and brutality that the our beloved country has endured.
Prostitute lady and Inang bayan, creates a rich tapestry of emotions and dynamics that keep the reader captivated until the very end. If, we based on the "PUTA" Woman then the story's action is external because, destiny leads her to that path because of her personal desire.
Minsan may isang puta faced how hard for our fellow filipino's to live in that era having that kind of cruel goverment. The three foreigners that mentioned stole their dignity, peace and freedom.
This short story takes us back to the past where we can visualize how hard it was for the filipinos, so we need to ensure that their past sacrifices were not put in vain and prevent similar events from occuring again.
Nevertheless, it seems like we are slowly returning to the past as a consequence of our blind voting..
#MINSANMAYISANGPUTA
#mikeportes
1 note
·
View note
Text
LITERARY: LF: Inspirasyon
sabi nila madaling magsulat ‘pag may inspirasyon eh kung wala? sino namang susulatan ko?
si crush daw? gaya ng madalas na inspirasyon ng ilan pero nakakainis kasi, “Ba’t ba ayaw mo ‘ko i-crush back?” awit! ‘wag na yon, pangit din naman s’ya… kausap
ang kaibigan ko? ano naman isusulat ko kung s'ya ang kausap ko lagi! lahat na ng bagay sa kan’ya ko sinasabi next time na, baka magsawa na sa’kin ‘to
sa seatmate ko d’yan? parang gusto ko nga pagsabihan “Excuse me! Kapag oras ng klase, tahimik lang pwede?” biglang ‘di na ‘ko bigyan ng wamport! iba na lang, jusme
yung guro namin? well, sa totoo lang, marami akong gusto sabihin “Extension please!”, “Tama na po!”, “Ayoko na!” pero baka isipin n’ya “‘nak, ang kapal ng mukha natin ah”
ang mga magulang ko kaya? tutal ‘di ko nasasabi ‘yung mga gusto kong iparating “Love ko po kayo!” o kaya “Proud ba kayo sa’kin? ”CHAROT! ‘wag na, masyadong madrama
eh kung abstract— para sa inang bayan… o, pak! “Ako’y makikibaka para tunay kang maging malaya!” kaso mabibigyan ko kaya ng hustisya ang ganitong paksa?
ewan ko na! ang hirap magsulat hahanap na lang ako inspirasyon pagpunta ko sa Starbucks
This lit is best paired with coffee and music: Ako Na Lang - Zia Quizon
2 notes
·
View notes
Text
Trese (2005 , 2021) - Comics at Animated series nagpapakita ng mitolohiya ng Pilipinas
Comics ay isinulat ni Budjette Tan at iginuhit ni Kajo Baldismo. Ang TV series ay pinagbidahan ni Liza Soberano bilang si Trese
Noong pinalabas sa Netflix ang tv series na Trese, marami ang naging tagahanga dahil sa maraming aspecto ng cultura at values na makikita sa plot ng serye. Ang comics ng Trese ay kilala rin sa America na naging paraan ng mga Fil-Am sa bansa na silipin ang kultura at mitolohiya ng kanilang inang bayan
youtube
0 notes
Text
09MAY2023, TUE.
One year na po pala, Atty. Leni Robredo. Hopeful ‘almost’ anniversary, Inang Bayan. Sending love, light, and prayers po. 🙏🏼🌷🌾🌸🎀💝
0 notes
Note
im gonna admit i was scrolling thru ur blog and found a post in tagalog and i just had to skedaddle here like
*skedaddles in Filipino* PILIPINO??? 🫵(☉○☉)
EYYYY YES HAHAHA i am your dudeparechong pipino <<33 (tang) inang bayan represent <<33
#i love interacting with pinoys online too HAHAHA#pipinos pls interact wit me!!!#i need more pinoy friends
1 note
·
View note