#hubog
Explore tagged Tumblr posts
azucarera-art · 2 years ago
Text
merry chismis mga beshies super aktib gali si samuel roukin sa twt & ginastalk ko siya halin kagina djskdjsl super kyut cya guys na internalize ya gid iya role as ghost 🤌🏽✨
1 note · View note
upismediacenter · 9 months ago
Text
LITERARY: Sapagkat Mahal Kita
Tumblr media
Sapagkat mahal kita, sasamahan kita sa kahit anong paglalakbay basta’t kapiling ka. Marinig lang ang iyong malumanay na paghuni sa aking ngalan, ika’y agaran kong dadayuhin. Susugurin ko ang walang usad na trapiko ng Maynila, tatakbuhin ko ang mga makikitid na eskinita. Kahit pa ako’y paakyatin sa bulubundukin ng Cordillera o kaya pasuungin sa ilalim ng West Philippine Sea, gagawin ko ito makarating lang sa iyong tabi.
Sa tuwing ika’y aking kasama, lagi’t lagi kong hahawakan ang iyong mga kamay upang tayo’y hindi mawalay sa isa’t isa. Balewala sa akin ang init at lagkit dahil ang hubog ng iyong palad at higpit ng iyong kapit ang siyang bumubuo sa hugis ng aking kamay. Hindi kita papakawalan kahit itulak-tulak tayo ng kapulisan.
Mga gamit mo ay kusang-loob na bibitbitin, balikat ay iaalay bilang sandalan upang kahit saglit ika’y makapagpahinga. Anumang bigat ay kaya kong akuin, kasimbigat man ng presyo ng mga bilihin, sapagkat nasubukan ko nang buhatin ang mundo sa mga panahong ika’y kapiling sa aking bisig.
Haharapin ko nang buong tapang ang iyong mga magulang at ipagtatanggol ang ating pag-iibigan. Likas sa kanilang pagmamahalan ang tamis ng pag-ibig kaya’t mauunawaan nila kapag aking sasabihing walang pinag-iba ang ating pag-iibigan. Tulad nila, ikaw ang aking pahinga, ikaw ang nagbibigay kulay sa aking mundo, at ikaw ang iibigin habambuhay kahit… hindi sapat—kahit hindi ito tanggap ng lipunan.
Iilan lamang ito sa aking mga gagawin para maiparamdam sa iyo ang aking pagmamahal.
Sapagkat mahal kita, sasama ako sa pag-alon ng pulang dagat upang makamit ang pagbabagong nais matamasa. Titiisin ang tirik ng araw, ako’y magmamartsa sa mga kalye ng EDSA at Mendiola.
Hahawakan ko at itataas ang aking panawagan. Katabi at kapiling ang malawakang hanay ng masa, iba’t iba ang isinisigaw ngunit iisa ang patutunguhan. Malinaw na ang nais ay kalayaan.
Ang kalasag ng kaalaman at ang armas na aking mga salita ay bibitbitin. At kung kakailanganin, handa akong iaalay ang aking buhay tulad lamang ng mga estudyanteng nauna sa akin.
Haharapin ko ang mga nagpapahirap sa ating bayan at ipagtatanggol ko ang bawat isang tumitindig at lumalaban. Ipaglalaban kita at ang bayan para makamit ang lipunang lahat tayo’y pantay-pantay.
Gagawin ko itong lahat dahil ang alam kong kapalit ay ang mahalin ka nang malaya
Ika nga nila, ang unang kulay ng bahaghari ay pula.
5 notes · View notes
unpublishedinkstains · 1 year ago
Text
Binago ng Pagbabago by | Unpublished Inkstains 🪶
Lahat tayo may aparador sa ating mga buhay kung saan may nakatagong kalansay, lahat ng mga butong pilit nating tinatago sa mundo. Maiintindihan ba nila kahit sabihin ko ang totoo?
Bago maging ang aking hubog at anyo, aaminin ko maraming humadlang at sitwasyong pilit akong binago. Mula sa ugat ng bawat hibla ng aking buhok hanggang sa dumi sa ilalim ng aking mga kuko, maaari nga na baka sa aking nakaraang buhay ay masasabing paniki ako.
Sa pagbago ng aking isipan, sumabay na din ang aking hitsura. Sa oras na muli man ako makita...
Pangako—at sisiguraduhin ko na hindi na ako muling makikilala.
6 notes · View notes
asbestieos · 2 years ago
Text
youtube
I DIDNT KNOW HAPPYeLE COMMISSONED HUBOG OIUUFH HOLY COWS
2 notes · View notes
ohhshaaane · 3 days ago
Text
November 10, 2024 | 0656H
Goodmorning. Yes, wala koy tulog. After nako ma compose to nga thoughts gi try nako mag sleep pero di ko katulog. Ayha pa ni sink in tanan. Ana ko sa last blog nga wala ko nasakitan and gikilig ko pero wrong, around 3am nabati na gyud nako ang tanan. So, I wake you up and nag open kos akong mga thoughts. Gina balik2 nimo nga dili na gyud ka. Sakit gyud akong gibuhat. I hugged you, I pressed my lips sa favorite part nako sa imong face and nag simhot ko saimo. Shit choley puth, I can't. Di gyud nako kaya.
Hapit na 4am ni abli ug kalit ang door, niabot si Philip. Hubog kaayo siya and daghan siya yawyaw about sa Axelum, kay RPM, and pag libre ni BRL sa ila ug 6boxes of pizza. Kato raman unta ang topic, ga balik2. Pero nganong niabot man sa ako?
"Boss Philip ko, kabalo ko tanan"
"Boss Philip ko, di ko ninyo mailad"
Etc.
"Nganong luspad kay ka atong niagi? Hahahhaha dali dali pakag 'ilis sa ko lip' "
Mao ra ni ang mga storya ni philip sa ako/ sa ato nga madomdoman nako.
_ _ _
*Nakadomdom nako kay gitabangan ko nimog domdom kay paduty nata ani.*
Niabot ang storya sa ako tungod kay nihisgot ko kang philip nga "abi ba nako mo resign naka?" Kay niana siya "Next year January, mag coco papa nako, ako, jayson, irish, "
0 notes
meyoneys · 3 months ago
Text
wow what a day 🫠
nag lagaw kmi and ara siya, and mas nag lessen ang huya ko siya kay daw kabaraghal na to sang tsura ko and wala na gid ko labot kay daw going to hubogers na ko sa wala na ko na concsious pero never man kmi nag one-on-one talk kay wala man kmi storyahan hehe dason naman at least batyaganay na cool lang kmi *tne 😆
pro super enjoy ko daw nadula man kapoy ko, dason naman tne yeyyy gnight
0 notes
sleepychinitaprincess · 5 months ago
Text
20240613
oh shuxx, while typing ba kadumdum dayn ko nga fiesta man diay nila karon nya birthday ni ate chiiiin. shet it was three years ago na since we began getting to know each other and I have never stopped thinking about that person ever since.
"Happy Birthday, Ate Chin!" 🥳🎂 - My fave cousin, former chika buddy, partner in every craziness
"Happy Tubod Festival!" 🎉 - To that person, this day marks the 3rd year of the day we first had a conversation on messenger. Though I deleted our conversation two years ago in hopes of forgetting you, but it only made me regret and remember you more. Until now, there are remnants of our conversation through my past notes, journals, and stories. how could I ever forget about you?
It's really okay and I'd be so so happy jud if happy ka right now. If naa na naman kay uyab or someone special, I'm happy for you pa rin. Okay lang kahit I don't matter, it's been a long time ago na rin. I wish you all the best, but I don't wish to know anything about you na. As what I'll always say, it's going to kill me. OA kaayo pero basta that's how it feels.
Again, I feel sorry for asking that stupid question. But I don't really regret asking it. Our conversation had to end one way or another. I can't force another conversation with you anymore. The important thing is I told you a part of my feelings.
Perooo baiii I really really miss playing with you.
Watdahek babe daghan jud kay ni mokontra and macringe sakong notes dari ba if makabasa labaw nako guro if mga pila na kayears molabay.
hays. ayoko pa magsleep. gusto pako magwrite ug things randomly. di man sad ko hubog bai. sakit lang jud akong dughan sa kamingaw. mosamot dayn ang kasakit labaw nag mahunahunaan nga wa na jud siya nya nakalimot na siyas ako. though siguro makaremember siyas ako everytime makita ko niya nga online pero wa na jud siyay pake. ulaw kay bai. ulaw kaayo. OA ra kayko makachat jud yati. hays. yucks. pero even though ulaw kaayo kay wa koy regrets sakong nangasulti. ulaw lang jud kaayo.
~
rawr rawr rawr yun na lang pinanghahawakan ko. kahit yun lang, okay na ako. thank you, Lord. kahit wala na yung person, andun pa rin naman yung memories. bahala na. maachieve ra lagi nako akong pangandoy nga mahimong CPA and maspoil akong family nya maparenovate nako among house tas magtukod pud kog lahi nga house paras akoa if ever magminyo ko (which is one of my dreams but not a priority atm). Amping ka diha ha. Laban lang jud permi!
~
Oh, I say yes talaga to ✨ abundance mindset ✨ like marami pang mga people ang magmamahal sa akin. I know it's gonna be hard, since I really have this ✖️ scarcity mindset ✖️ for some reason. But nothings really easy in this life nga diba? so laban lang. I'll keep on growing and loving! 🥰
~
0 notes
alton0117 · 6 months ago
Text
"Ang Paglalakbay ng Diwagay sa Mundo ng mga Tao"
Sa mundo ng sashayria, na puno ng mahika at diwagay (Diwatang bakla), may isang bukod tanging diwagay na nag ngangalang Reyna Prenseya na siyang namamalakad sa mundong ito, na may taglay na kakaibang ganda na mapang akit sa iba, ang kaniyang mga mata ay napakasingkit, may matambok na pisngi, may matangos na ilong, may mapula-pulang labi, at napaka ganda ng hubog ng kaniyang pangangatawan, siya ay masayahin at may mabuting kalooban sa kaniyang sinasakupan.
Isang gabi ng makaramdam si Reyna Prenseya ng pagkabagot, naisipan nito na maglakad, magmuni-muni, at pagmasdan ang kagandahan ng kaniyang kaarihan, ng biglang may makita siyang kakaibang tulay, tulay na kulay asul na may taglay na kakaibang enerhiya. Dali-daling siya ay nagtungo sa tulay na ito, at sa pag apak palamang niya rito, para bang siya ay kinakain nito, at sa tuloyang pag apak ng Reyna Prenseya, siya nga ay kinain ng tulay at itinapon sa mundo ng mga tao.
Pagkadating ng kaumagaan, laking gulat ng mga ibang diwagay, diwaboy, at diwata na ang reyna prenseya ay wala sa kaniyang kaharian, hindi maaninag ang kaniyang presensya sa kagubatan, harden, at sa buong sashayria. Nangangamba na ang lahat dahil ni isa sa mga naninirahan dito ay walang kaalam-alam kung nasaan ang Reyna Presenya, nang biglang may asong tahol ng tahol at kumakaripas tumatakbo papunta sa kaibigan ni Reyna Prenseya, na si Sisteraka, pinatahan ni sisteraka ang aso at kinausap niya ito
Sisteraka: Ano yon kaibigan naming aso? Tila ba ikaw ay natataranta at nangangamba? Tanong nito sa aso
Aso: Tunay na ako nga ay nangangamba, sapagkat nakita ko kagabi ang reyna prenseya na naglalakad lakad, nagmumuni-muni, at pinagmamasdan ang ating kaharian at biglang naglaho ng umapak siya sa tulay. Wika ng aso na puno ng pangangamba at takot.
Sisteraka: Tulay? Pagtatakang tanong nito.
Aso: Oo, tulay na kulay asul. Paglalarawan ng aso
Dali-daling nag bulongan ang mga kapwa diwata, diwagay at diwaboy sa kanilang narinig, hindi sila naniniwala sa sinasabi ng aso, sapagkat walang tulay na asul ang sashayria.
Manahimik kayong lahat! Sigaw ni Sisteraka. Kung tunay mang meron o walang tulay sa ating kaharian, kailangan nating paniwalaan ang mga sinasambit ng aso, sapagkat siya lamang ang nakakita sa ating reyna sa gabing iyon.
Sisteraka: Maari mo ba kaming dalhin sa tulay na iyong sinasabi mahal naming kaibigan? Dali-daling lumabas ang aso, at sumunod sina sisteraka patungo sa tulay na sinasabi ng aso, ngunit pagkarating nila wala silang makitang tulay, ito ay puno lamang ng halaman at dalampasigan at walang taglay na kakaiba. Na dismaya ang lahat ng wala silang nadatnan na tulay, at kinainisan ang aso dahil sa kaniyang pagsisinungaling, dahil dito mas lalo silang kinabahan at natakot na baka kung may nangyari ng masama sa Reyna, kaya agad-agad ay inutusan ni sisteraka ang lahat na magmasid at hanapin ang reyna sa buong kaharian, walang sinuman ang pwedeng bumalik sa kaharian na ito ng hindi nahahanap ang ating mahal na Reyna, sambit nito. At tuluyan na ngang sila ay naghanap sa bawat sulok ng kaharian.
Pagmulat ng mata ni Reyna Prenseya, nagtataka ito kung bakit wala siya sa kaharian niya at bakit sa matigas na bato siya natulog, nang biglang naalala niya na pagkaapak nga pala niya sa tulay ay kainain siya nito, at siyang dahilan kung bakit siya napadpad sa mundong kaniyang hindi mawari kung anong mundo ito, ng bigla itong tumingin sa kapaligiran at nabigla sa mga nakikita niyang kakaibang anyo ng mga naninirahan dito. Hindi nila katulad ang mga ito sa mga nakasanayan niyang makita sa kanyang mundo ng sashayria, at napagtanto na nasa mundo siya ng mga tao. Siya ay nangangamba sapagkat siguaradong nag-aalala na ang kaniyang mga pinamumunuan sa kaniyang kaharian, at baka siya ay mapahamak rito, sapagkat ngayon niya lamang nalaman na maliban sa kanilang mundo, may mundo pa pala ng mga tao. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, hindi niya maikakaila ang kagandahan at kabutihan ng mga tao sa mundo na ito.
Reyna: napakaganda naman sa mundong ito, napakatahimik, nagbabayanihan, at napaka sariwa ng hangin na tila ba walang kaproblema problema, sambit ng reyna, at kaniyang ikinagulat ng may sumagot sakaniya, at ito ay si Santino, siya ay may angking kagwapuhan, kulay asul ang mga mata, matangos ang ilong, at napakamatso ng katawan.
Santino: Tunay nga kaming mga naninirahan dito ay nagtutulungan at nagkakaisa, ngunit kami ay may madaming suliranin na kinakaharap, kagaya nalamang ng kawalan ng tubig at pagkukuhanan ng sapat na pagkain para sa aming pang araw-araw na pamumuhay.
Nalungkot at natulala ang reyna na isipin na sakabila ng kasaganaan ng buhay niya sa sashayria, may mundo palang naghihirap na humanap ng maiinom na tubig at makakain sa araw-araw. Bumalik nalamang ang reyna sa huwisyo ng bigla siyang tanongin ni Santino.
Santino: Tila ika'y hindi taga rito, ang yong pananamit ay kakaiba. Saan ka nagmula binibini?
Hindi mawari ng reyna kung paano niya ito sasagutin, at sa halip na sagutin niya ito, iniwan nalamang ito at kaniyang nilibot ang kaharian ng mga tao. At bigla-bigla itong sinundan ni Santino at isinantabi mo na ang kaniyang katanongan tungkol sa kung saan nagmula ang reyna ng sa gayon ito ay hindi mahilang sakaniya, at dali-daling nagpresenta si Santino na samahan nalamang si Reyna Prenseya sa paglilibot sa kanilang bayan ng sagayon ito’y hindi maligaw at hindi mapahamak. Laking pasasalamat ng Reyna sa kabaitan ni santino, kaya’t walang pag-aatubili ay sumama siya rito, at dali-dali tinanong ang ngalan nito.
Reyna Prenseya: Maari ko bang malaman ang yong ngalan ginoo?
Ako si Santino, ako ang isa sa tauhan ng kataas-taasan na namamalakad dito. Tila ikaw ay bago rito, ang iyong pananamit at pananalita ay kapansin pansin na hindi ka taga rito, sambit nito. Na siyang ikinagulat ng reyna, at walang alinlangan na sinagot na, hindi mo na kailangan malaman pa kung taga rito ba ako o hindi Santino, ang mabuti pa simulan na natin libutin ang inyong bayan ng lubusan kong malaman ang inyong mga problema at baka sakaling ako ay makatulong sa inyo.
Habang sila ay naglilibot, tila namamangha ang reyna sa kagandahan ng mga tanawin, masisigla ang mga hayop, matatayog na mga puno, at napakasariwa ng hangin, ngunit unti-unti ring natutuklasan ng reyna ang mga suliranin ng mga naninirahan dito. Natuklasan niya ang kahirapan at pangangailangang hinaharap ng mga tao sa mundong ito, walang sapat na tubig sa mga ilog at dalampasigan, walang masyadong pananim, na kung saan unti-unti niyang naramdaman ang pagnanais na makatulong at maglingkod sakanila habang siya ay naririto.
Nang makaramdam nang pagod at antok ang reyna, inalok ito ni Santino na ihatid na sa kaniyang tahanan, ngunit wika ng reyna wala akong uuwian na tahanan rito, na siyang ipinagtaka at napatunayan ni Santino na hindi nga tagarito ang reyna, ngunit nakakapagtaka man ang kaniyang katauhan hindi naman ito maaaring iwan ni Santino sapagkat baka ito’y mapahamak kung siya ay pakalat-kalat sa daan, kaya hindi nag atubili si Santino na alokin na tumuloy muna siya sa kanilang tirahan hanggat hindi pa siya bumabalik sa tunay niyang tahanan. Laking pasasalamat ng reyna sa kabutihang ipinapakita nito, na kahit na siya ay hindi kilala, hindi niya to hinusgaan bagkus ito ay buong pusong tinulongan, kaya naisip ng reyna na pag sapit ng hating-gabi at tulog na ito, kaniyang bibiyayahan ang kanilang mundo.
Pagsapit ng hating-gabi, tulog na si Santino, at tahimik na lumabas ang reyna, at nagmasid kung wala ng tao, laking tuwa niya ng pagmasdan na tahimik na ang kapaligiran at magagawa niya na ang kaniyang nais, unti-unti niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan at binigyang sapat na tubig ang ilog at dalampasigan at pinagmasdan kung gaano kaganda ang mga alon na nagagawa ng mga ito. Nang magawa niya na ang kaniyang ninanais, agad-agad itong bumalik sa loob ng tahanan ni Santino, at laking gulat nito ng makitang gising ito, at nagmadaling pumasok sa kaniyang silid at dali-daling humiga at pumikit, na siyang mas lalong nagbigay ng dahilan kay Santino para magtaka kung sino nga ba itong tao na kaniyang tinutulungan, kalaunan nakatulog narin ito ng mahimbing.
Pagsapit ng kaumagahan parehas na nagising sina reyna prenseya at santino dahil sa mga sigawan ng mga tao na tila ba parang may kaguluhang nangyayari sa labas, kaya agad-agad na lumabas ang dalawa at laking gulat ni Santino ng makita na punong puno ng tubig ang ilog at dalampasigan, at nagtataka kung paano nangyaring nagkaroon ito ng madaming tubig sa gayong hindi naman umulan, ngunit ganun paman laking pasasalamat niya sa diyos at hindi na sila magkakaproblema pa sa tubig. Sobrang saya ng mga tao dahil dito, na siyang ikinatuwa ng puso ng reyna na makita kahit papaano nabawasan na ang problema ng mga tao. Pagkalipas ng ilang oras napag desisyonan ng reyna na maglakad lakad muna at baka sakaling mahanap niya ang daan pabalik sa kaniyang kahariaan, siya ay nagtungo sa mga kagubatan at hindi nag atubiling pasukin ito kahit ramdam niya ang presensya ng kakaibang enerhiya na nagmumula rito, ngunit sa kasamaang palad kahit nalibot niya na ang buong kagubatan hindi parin niya mahanap ang daan pabalik sa kaniyang minamahal na kaharian.
Sa paglipas ng mga araw, habang patagal ng patagal siyang naniniraan sa mundo ng mga tao, lalo siyang nangungulila sa naiwan niyang kaharian, at lalo niyang napagtatantu na hindi nauubusan ng problema ang mga tao, at tunay ngang limitado lamang ang kanilang pinagkukuhanan ng makakain, kaya naman dahil sa utang na loob ni reyna prenseya kay santino. Pagsapit ng gabi at tahimik na ang kapaligiran siya ay nagtungo sa mga taniman ng mga pagkain, at dali-dali ito ay kaniyang pinamulaklak at pinamunga para sa paglabas ng araw ang mga tao ay may aanihin para sakanilang makakain, at bumalik agad sa kaniyang silid upang hindi na ulit siya makita ni Santino na galing siya sa labas.
Pagsikat ng araw, na gulantang ang bawat isa dahil sa biglaang pamumulaklak ng mga halaman at pamumunga ng kanilang pananim, na siyang ipinagtataka ng bawat isa lalo na si Santino, kung saan napapatanong na lamang siya kung paano nangyayari lahat ng ito, at biglang sumagi sa kaniyang isipan kung may kinalaman ba ang Reyna Prenseya sa mga nangyayari sa kanilang mundo, ngunit pagsasagot niya sa kaniyang sarili, Imposible! Tunay nga siya ay kakaiba kung manamit at kumilos, pero hindi siya ang may gawa nito sambit niya sa kaniyang sarili. Ganun paman laking tuwa at pasasalamat ng bawat isa sapagkat sila ay biniyayaan ng pagkukuhanan ng makakain nila laban sa kagutoman, na siyang ikanatuwa ng reyna na makita silang hindi na namomroblema sa pagkukuhanan nila ng kakainin para magkaroon ng lakas para mag trabaho para sakanilang pamilya.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi parin mapalitan ang pangungulila ng reyna sa kaniyang sariling mundo. Hindi niya nalilimutan ang kanyang mga nasasakupan at ang mga responsibilidad na kailangan niyang gampanin bilang isang reyna, na kung saan hindi na niya magampanan dahil hangga ngayon hindi padin niya nahahanap ang daan patungo sa kaniyang kahariaan.
Sa paglipas ng araw, napagod at nagsawa na ang reyna kakahanap sa daan patungo sa kaniyang kaharian, kaya tinanggap nalamang niya na ito ang kaniyang kapalaran, ang maging gabay at tagapagtulong sa mga tao sa kanilang mga nagiging problema. At habang tumatagal, at patuloy siyang tinutulungan ni Santino, siya namang pamumuo ng paghanga niya rito, tuwing sila ay nagkakatitigan, tila bang parang yelo, siyaý natutunaw, kapag silay nagkakadikit ang balat, tila ba parang tumatakbo ang kaniyang puso na parang aso, at tuwing naguusap sila, tila ba may lumilipad na paro-paro sa kaniyang tiyan, hindi mawari kung saan o ano ang pinang gagalingan ng kaniyang mga kakaibang nararamdaman.
Sa bawat hakbang na nilalakbay ng Reyna araw-araw sa mundo ng mga tao kasama si Santino, patuloy parin siyang tumutulong patago na solosyunan ang mga problema na kanilang kinakaharap araw-araw. Ganun paman unti-unti namang lumalalim ang pagtitiwala at pagkakaibigan ni Santino at ang Reyna Prenseya, kung saan hindi namalayan ni Reyna Prenseya na unti-unti nang nahuhulog ang kaniyang damdamin kay Santino. Hindi nito alam kung paano niya ito sasabihin, at inilihim nalamang nito ang kaniyang nararamdaman para kay Santino.
Isang araw, napag pasiyahan nani Reyna Prenseya na ipaalam ang pinagmulan nito kay Santino, na kung saan sinabi ng reyna sakanya na siya ay reyna sa kaharian ng sashayria na siyang ikinagulat at bigla ni Santino ng marinig niya ito.
Reyna Prenseya: Totoo ang aking mga sinambit, Santino. Ako nga ay isang Reyna sa Sashayria, ako ang dahilan ng lahat kung bakit kayo nagkaroon ng matubig na ilog at dalampasigan, mabulaklak na halaman at mabungang pananim. Wika ng reyna na siyang ikinagulat lalo ni Santino.
Santino: Nababaliw kana ba? Hindi totoo yan! Isa kalang hamak na normal na tao na naninirahan sa ibang bayan. Ang diyos ang tumulong samin para masulosyunan ang aming problema, hindi ikaw! Pasigaw nitong sambit sa reyna
Reyna Prenseya: Nauunawaan kong hindi kapanipaniwala ang mga sinasambit ko sayo, ngunit maniwala kaman o hindi, ako ay isang diwagay na pinunta ng isang mahiwagang tulay sa inyong mundo.
Hindi tuloyang makapaniwala si Santino sa kaniyang mga naririnig, iniisip nito na parang nababaliw na ang reyna dahil sa kaniyang mga sinasabi, kaya kumaripas ng takbo si Santino at pumunta sa kagubatan para magisip-isip at kumalma, at pagkalipas ng ilang oras, madilim na ang kapaligiran, senyales na gabi na pero hindi padin ito umaalis sa kagubatan, dahil sa pagaalala ng reyna kay Santino, ito ay naghanap-hanap sa paligid at napadpad sa kagubatan at doon sinalubong siya at sinalakay ng isang malaking halimaw na hindi niya mawari kung ano ito, at napasigaw nalamang ng “Santino, tulong!” na siyang ikinagulat ni Santino ng marinig ang boses ng reyna, at agad-agad itong kumaripas ng takbo papunta sa pinang galingan ng sigaw ng reyna, laking gulat ni santino ng makita na ang reyna ay inaatake na ng malaking halimaw kaya naman para mawala ang atensyon ng halimaw sa reyna, pumulot ng kahoy si santino at ibinato ito sa halimaw, na siyang ikinagalit ng halimaw at sinugod si santino, na bago pa man siya sugurin ng halimaw tumalsik na ito sa puno, at gulat na gulat na makita na ang reyna ay lumulutang at may kapangyarihang nanggagaling sa kaniyang mga kamay, na siyang nagging patunay na totoo lahat ng mga tinuran ng reyna sakaniya, ng nasa lupa na ang reyna kumaripas ng takbo si Santino papunta sakaniya at dali-dali itong niyakap dahil sa pangambang kaniyang naramdaman at takot na baka mawala sakaniya ang reyna.
Santino: Nagpapasalamat ako sa diyos at ligtas ka Prenseya bulong nito sa reyna.
Reyna Prenseya: Salamat sayo Santino, dahil kung hindi ka dumating, maaaring ako ay patay na ngayon dahil sa biglang pagsugod ng halimaw sakin. Salamat at ikaw ang aking kasama sa pagsubok na ito, santino, wika ng reyna.
Sa sandaling iyon, napagtanto ni Santino na hindi lang pagkakaibigan ang nararamdaman niya kay Reyna Prenseya, na sakabila ng pagkakaiba nila, alam niyang minamahal niya ito kaya umamin to sa reyna na higit pa sa isang kaibigan lamang, na ikinagulat ng reyna sa pagkat ang alam nito mas matatakot siya dahil sa kaniyang nakita bagkos dahil dito nalaman niyang mahal din pala siya ni Santino. Nagsimulang magtagpo ang kanilang mga labi sa isang matamis na halik at mahigpit na yakap, at doon nagsimula ang kanilang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kanilang kaligayahan, hindi parin mapigilan ni Santino ang kaniyang takot. Alam niyang si Prenseya ay isang diwagay, isang nilalang na hindi kailanman magiging sakaniya dahil sa kanilang pagkakaiba. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya kayang pigilan ang kaniyang nararamdaman sakaniya, at hindi niya ito kayang mawala.
Pagkalipas ng ilang buwan sila ay namuhay ng tahimik at masaya na hindi nalalaman ng iba ang tunay na anyo ng reyna, siya parin ay patuloy na tumutlong palihim sa mga tao para solusyonan ang kanilang mga problema.
Isang araw ng yayain ni Reyna Prenseya si Santino na pumunta sa kagubatan at hanapin ang daan patungo sa kaniyang kaharian ng maipakilala si Santino sa kaniyang kaharian, ngunit sa hindi inaasahan sa gitna ng kagubatan, isang grupo ng mga halimaw ang sumalakay sa kanilang dalawa, na kita sa mga mata ng mga halimaw ang nais na makaganti sa nangyari sa kanilang kapwa halimaw na napatay ng reyna para masagip si Santino. Mabilis na tumakbo si reyna prenseya at santino, ngunit nakapagtataka kung bakit ang reyna lang ang kanilang inaatake, ng mapagtanto ng reyna prenseya na siya lang ang inaatake at sakaniya lang sila naghihiganti, nilagyan niya ng pansamantalang harang si Santino para hindi sumali sa kanilang laban at hindi siya mapahamak, habang inaatake ng mga halimaw ang reyna, ito parin ay patuloy na tumatakbo, at siya ay may naapakan na bato na siyang dahilan para siya ay madapa at malapitan ng mga halimaw, at napilitan ng lumaban at gumamit ng kapangyarihan. Ngunit sa gitna ng labanan, hindi inaasahang nasugatan ang Reyna ng malubha, na siyang dahilan para tuluyan ng mahuli ng mga halimaw at kitilin ang kaniyang buhay, sa kaniyang huling sandali, tinawag niya si Santino at may huling hiling ito.
“Santino, minahmahal kita ng higit pa sa anuman. Ngunit alam kong hindi ako nararapat para sa iyo. Mahalaga kang parte ng aking buhay, ngunit ang tadhana ay hindi tayo magkasama. Huwag kang mag-alala para sa akin. Mahal na mahal kita.”
Sa pangyayaring ito, hindi na kayang pigilan ni Santino and kaniyang lungkot at sakit na nararamdaman. Ang minamahal niyang diwagay na nagbigay ng mas makulay na buhay sakaniya ay binawian na ng buhay. Sa sobrang sakit at pagdadalamhati, hindi rin niya napigilan ang sarili at nagawa niyang sundan ang reyna prenseya sa kabilang buhay.
0 notes
ettenanxxi · 6 months ago
Text
SANA AKO NALANG IKAW
“… Sana ako nalang ikaw!”
Ako si Hasmin at ito ang lagi kong sinasambit araw-araw tuwing dumadaan si Celia papasok sa kanilang eskwelahan. Siya ay may kaaya-ayang mukha, magandang hubog ng katawan,  matalas na isipan at higit sa lahat mayaman. Lubos ang pagkainggit ko sa kanya. Pangarap ko rin kasi ang maging tulad niya. Sa buhay kasi naming ay tanging ang pagtatanim lamang ng kamote at pagiging labandera ni nanay ang aming ikinabubuhay. Magpi-pitong taon na rin kasing hindi nakakalakad ang aking tatay mula sa pagkaaksidente sa pinagtratrabahuan niyang construction site. Simula noon ay tumigil na ako sa pag-aaral sa kadahilanang hindi na magawang matustusan ng aking nanay ang aking pag-aaral at gamot ng tatay. Kaya naman, puro inggit at hinagpis ang aking nadarama.
Isang araw, habang hawak-hawak ko ang nahukay kong kamote ay sakto namang dumaan si Celia at nasambit kong muli ang katagang “Sana ako nalang ikaw”. At ako ay nagulat dahil bigla na lamang nag-iba ang aking kinatatayuan. Napansin ko rin na suot-suot ko ang damit at bag ni Celia kaya naman napatingin ako kaagad kay Celia ngunit bakit sarili ko ang aking nakikita. Tumakbo ako sa loob ng aming bahay upang tignan ang aking sarili sa salamin. Laking gulat rin naman ng aking nanay na may kasama pang sigaw. Agaran niya akong pinalabas at tinawag naman si Hasmin. Labis ang aking pagkalito sapagkat tila’ walang nag-iba sa mga kilos at pananalita ng kasalukuyang ako. Kaya naman naisip ko na ako lang, ang puso’t isip ko lang ang lumipat ngunit nasaan na kaya ang totoong Celia? Hmmf, Mabuti pa nga’y saka ko na lamang isipin. Akin na munang namnamin at damhin ang buhay na aking pinapangarap. Kaya naman, nagpanggap akong si Celia at tumuloy sa eskwelahan. Habang naglalakad ako ay damang-dama ko ang pagiging maganda, seksi, at mayaman.
“Pakipasa ang inyong mga takdang-aralin”, sambit ng guro. Binuksan ko ang bag ni Celia ngunit bakit wala akong nakitang ginawa niya. Maya-maya ay nakita na ng guro na wala akong ipinasa. Araw-araw nalang daw akong walang ipinapasa kaya naman araw-araw rin akong pinapatayo sa klase. Nakatayo ako hanggang sa pag-uwi at paglabas ko ay nakaabang ang maraming estudyante. Pinagtatawanan ako at sinasabihan ng “matalino nga, hindi naman marunong gumawa ng assignment”. Dahil dito, dali-dali akong tumakbo pauwi ng bahay nina Celia. Doon ay bumungad sa akin ang mga alagang aso at pusa. Lubos akong namangha sa itsura ng loob ng bahay. May malawak na sala, malalaking upuan at telebisyon, at may mataas na hagdan sa gitna. Tumungo ako sa kusina at nakita ko ang napakadaming prutas sa lamesa at puno ng pagkain ang ref. Sumunod ay tumungo ako sa itaas at doon ay mga kwarto. Ang isang kwarto nila ay katumbas na ng aming buong bahay. Sinubukan ko ring humiga sa mga kama na pagkakalambot lambot. Damang-dama ko ang gaan sa pakiramdam. Napapatawa ako ng malakas na malakas hanggang sa nakatulog na ako.
Paggising ko, bakit parang ang tahimik? Para na akong nabibingi sa katahimikan. Ganito ba ang buhay ni Celia? Walang kausap? Walang kasama? Saglit lang ay nakadama na ako ng lungkot kaya naman umuwi na ako sa amin. Pagdating ko ay nadatnan kong masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan ang aking pamilya. Nakadama ako ng selos. Wala pang isang buong araw ay napagpasyahan kong ayaw ko pala sa buhay ni Celia. Kung gayon, babalik na ako sa aking katawan ngunit, paano nga ba ako babalik? Paano ako lumipat sa katawan ni Celia? Hindi ko alam ang aking gagawin. Sinubukan kong kausapin si Hasmin ngunit wala itong kalam-alam sa aking mga sinasabi. Wala rin akong duda na nagsisinungaling siya. Ito na ba ang kabayaran sa kadahilanang hndi ako marunong makontento sa kung anong mayroon kami sa buhay? Ito na ba ang kabayaran sa sobra kong pagkainggit sa kapwa? Ito na ba? Hay! Hasmin, “Sana ako nalang ikaw!”
1 note · View note
rlthirteen · 6 months ago
Text
Kasayo ba kamataaaa? Ay di diay, kasayo ba gasuka? Hahaha pero pasensya sa nakadrunk chay gabie huehue di man moundang ug tabi nawa nalang, nabiktima nuon ka hahaha I am so honest ig mahubog jud. Aw maskig di hubog, kanang tipsy lang. Matabian kaayo kooo, pero tinuod to tanan. Naulaw kos akong gipanabi pero tinuod tooo 😭
0 notes
luismiguel06 · 9 months ago
Text
Ang Masaganang Tanawin Sa Lugar ng Bicol
Tumblr media
Dito nag simula ang lahat Lubao to Sorsogon ang byahe dito. Grabe ang layo ng byahe, sumakay kami ng bus at ito'y umalis ng 8pm at nang makarating kami ng Sorsogon ay kinaumagahan na sakto sa tinatawag nilang "CROSSING". Kaya naman, kung ikaw ay mahina sa byahe damihan muna ang iyong supot.
Tumblr media
Ito ang tinatawag nilang "CROSSING" na kung saan pag dineretso mo ang byahe marating mo ang dulo ng Sorsogon. Kung ikaw naman ay naliko sa pakanan na direksyon ika'y mapupunta sa tinatawag nilang "Bayan Castilla". Ito'y simpleng pamayanan sa Sorsogon na kung saan maunlad ang pamumuhay marahil nadin sa likas na ganda at yaman ng kapaligiran.
Tumblr media
Nakasanayan na nga dito ng matatanda ang mag inom ng maaga kaya naman kapag gising mo at ikaw ay nalabas sa bakuran tiyak may makakasalubong kang inaakay, ganun paman likas pading masiyahin ang mga tao dito.
Tumblr media
Ito naman ang Pier na kung saan nag bababa ng milyong milyon na sako ng semento. Dito din isinasakay sa lugar na ito ang mga pam-pasaherong bus at itatawid naman ng roro sa kalipat na probinsya. Madalas mo din makikita dito ang mga sasakyang militar na pang dagat na kung saan ay nag mamasid o nag babantay ng karagatan.
Tumblr media
Ito ay ang Parola ang nag sisilbing ilaw sa dalampasigan ng Castilla. ito ay naitayo nung panahon pa ng mga hapon at nag silbing gabay ng mga taong tumatawid sa mga katabing bayan. Alam niyo ba na ang taga bukas nito kada gabi ay isang matanda na nakatira sa kalapit nitong posisyon?
Tumblr media
Ito ay tinatawag saamin na Baluko na kahawig ng tahong ngunit mas malaki siya kung ihahalintulad. Ito ay napakasarap lalo na kung ito ay ililuto sa pamamaraan ng mga taga bicol.
Tumblr media
Ito ay ang Rest Arra na kung saan naka hubog siya sa porma ng isang alimango. At ito ay nag sisilbing pahingahan ng mga turista na dumadayo upang makita ang magandang tanawin ng Sorsogon.
Tumblr media
Mayaman ang Sorsogon Bicol sa mga tradisyon na kakaiba. Marahil laman din ng mga ibang impormasyon na nag lalaman ng katatakutan itong lugar. Bagamat, isang linggo lang kami napunta sa lugar na ito marami akong natutunan at pahahalagahang bagay na hindi ko malilimutan. Maraming Salamat. At sana ay marami kayong natutunan sa bilang lakbay sanaysay ko sa probinsya ng aking lolo. Halina't samahan niyo uli ako sa aking mga susunod pang paglalakbay.
1 note · View note
larnny16 · 10 months ago
Text
Matay pa atong new year, grabi ka high sa tension na gatapad ramig tindog sa lobby. Pag doul nako na ni cheka siya nga nahubog sya mao rapd to na time confident ko maka storya2 niya kay mamansin raman sad siya ug hubog sya😭 pero honestly lng ngano nangakalimtan man nako most samong convo ato ui, dala hikap2 pa raba siya sakong likod and hands especially sakong nawong ato😭 nahhh uiii lami kaayu sya e kiss balik bayps, I’m not gonna lie gimingaw ko niya :((
0 notes
theluckyblu · 10 months ago
Text
HAHAHQHQHHQAHHQHQHAHQ makareply rakos mga tao ug hubog ko so syempre apil akong crux sa mcm
0 notes
watkahel · 11 months ago
Text
my child, you have a name
my child while they are asleep         those who are watching in our secret spots        do not rub out   in those limbs i’ll write
who you are     they’ll come alive those people looking    perhaps    they’ll discover in one of the caves of havoc 
you will be found your     little 
limb
you’ll be recognized
you have a name
my child
(isang ehersisyo para sa pagsasalin, ang tula ay halaw sa isang tulang nasa Filipino, hinggil sa mga kabataan ng Gaza. ito ang pinakamahirap na ehersisyo sa buong semestre dahil sobrang hirap panatilihin ng emosyon at konseptong dala-dala ng orihinal na teksto sa ibang lenggwahe, ang hirap gawin ng tula na nandoon pa rin 'yung hubog at hulma ng naunang gawa.)
0 notes
dumpling0530 · 1 year ago
Text
Ari ko d gapamati sa miga ko ga pang scam sa hubog ya na papa
0 notes
kikongkartero · 1 year ago
Text
ikaw ang hinahanap
sa mga lipong nakaipon sa pasilyo,
hindi ko yata matiis
na sa paningin ko'y bigla ka lang lilihis
hubog mo ang tinutuklas ng mata
t'wing ika'y nawawala –
ikaw ang hinahanap
0 notes