#hindi sapat ang minsanan
Explore tagged Tumblr posts
sawthefaeriequeen · 6 years ago
Text
Some relatable Moods from Goyo Ang Batang Heneral (2018):
-Gregorio “Anxiety attack? Guess I’ll drown. ¯\_(ツ)_/¯” del Pilar
-Alejandrino and his ever-present judgy “gtfo colonizers, and while you’re at it, take the President with you” scowl
-Those three swoony ladies at the piyesta, who are basically all of us lololol
-Joven looking all kinds of Tired after the events of Heneral Luna but still writing his way through it all
-always that slight dash of sibling jokeyness every time Julian calls Goyo ‘Agila’ (“Ahhhgila!” kuya gonna kuya)
-Felicidad snubbing Goyo’s ass because she felt his values were going sour, yesss, you go Feli
-Joven politely refusing to take a swim and just resting on the shore watching cute dudes stripping \o/
-Mabini shading everyone in charge through his pen, basically
--Gregorio “There’s a war going on or something, but my hormones!” del Pilar
-Remedios and all her “Goyo, you absolute ass, I know you’ve said that to other girls before (but sighhh you sure are pretty, gdi I hate you…)”
-Hilaria, despite being sickly and exhausted, ordering ol’ flat-top not to surrender, because she has her priorities better sorted than the President of the whole damn country
-Vicente storming out pissed because screw you, Goyo, I’m good at my job too; I know what that noise is
-Gregorio “Enemy approaching? Time out, I gotta daydream OH SHIT” del Pilar
-Garcia trying to troll the Americans, realizing they didn’t understand him, and then getting an English-speaking soldier to troll them for him
-Vicente screaming bloody murder at the first sign of abandonment
-Joven rolling down a wholeass mountain because fuck this shit, I’m outta here
and! finally!
-Rusca showing up at Tirad Pass fifteen minutes late with Starbucks tubo
117 notes · View notes
kyemeruthie · 5 years ago
Text
Q and A for quarantine reklamo
Minsan na lang ako magpost sa FB kase nga sabe ko, toxic. Sa personal, makikita mo yung ilan na parang laging ansaya ng buhay walang problema so may sandaling anxiety attacks at undue comparison. Wag nalang. Politically, ganun din. Daming bulag-bulagan, galing-galingan, galit-galitan. Pag naresibuhan, ayun na, ibang klaseng attack na rin. Nagsimula nung eleksyon nanalo si Papa Digs, may mga nakasagutang kamag-anak, kaya in the principle of ahimsa ni Gandhi but more importantly sa turo ni Lord na vengeance is not ours, ayan nanahimik na tayo. Less posts, minsanan tapos less rebuttals nalang muna. Pero siguro pansamantalang babasagin ang munting katahimikan baka sakaling may makinig. 
***
Ano bang ganap? Daming nagagalit ke Papa Digs dahil may shoot to kill orders nanaman sya at reckless statements that further sow confusion than calm an already anxious public. Maraming tanong, subukan nating sagutin.
Tama ba yung lockdown (in our case enhanced community quarantine o ECQ)? Yes, recent studies already show (see Ferguson et al Imperial College COVID 19 response; CORE Econ paper COVID-19 reponse) na important policy ang quarantine para mas kaunti ang mga taong maaaring maexpose sa virus. Ito yung sinasabing “flatten the curve.” But also, mahalaga ito para hindi overwhelmed ang ating healthcare system na talagang mahina na in the first place (truth yan wag nyo na ako awayin jan).
So baket nagagalit o nagrereklamo kayo? Walang problema sa quarantine. Ang issue natin ay sa kung paano ito ipinapatupad ang pamahalaan. Walang kongkretong plano kelan tatagal ito, paano susuportahan ang more than 12.8M population ng Metro Manila in case lumampas ng isang buwan, paano babalik sa normal ang work at operations ng ekonomiya, at paano natin maeensure na safe pa rin ang ating mga medical frontliners (doctors, nurses at med staff) dahil prolonged exposure na sila sa virus. Pero kung di ka pa nagagalit dun kase nagtitiwala ka kay Papa Digs at BG na kaya nila to, hindi ko alam san mo hinuhugot yan. San pa ba kami nagagalit, ako personally? Ah, kase may mga pulis at militar na mapagsamantala. Biglang nanghahampas kahit may quarantine pass; nananampal ng babae o bata kase nagpapaliwanag pa; at nanakit ng mga taong alam nilang gutom na. Sabe nila pasaway. Ang tingin ko dun, gutom na hindi alam ang gagawin ang iniisip nalang ay magsurvive. Kapag ang choice ng tao ay sa pagitan ng gutom o sakit, tingin mo choice pa ba yung matatawag?
Baket ba gustong gusto nyo si Vico e pogi lang naman siya? Totoo naman. Mahal ko na nga yun e. Char. Suporta tayo sa ginagawa nya kase pinapakita nya ano ba talaga ang trabaho ng isang lokal na pamahalaan. Sa apat na taong exposed ako sa ginagawa ng LGUs lalo na cities, nakita na natin ang galawan nila. Mabibilang sa kamay ang mga mayor na may malasakit at iniisip talagang mailapit ang serbisyo sa kanyang nasasakupan. Pinuna ang palengke sa Pasig na dikit dikit pa rin ang mga tao? Edi mobile palengke. Di makarating ang mga healthworker at frontliners sa trabaho kase di lahat may kotse? Una tricycle, pero sumunod sa utos sa taas to cooperate kaya pinahiram ang public bikes, tapos may libreng hatid pa sa iba. Di naman bago yung ginagawa nya, ang nakakatuwa lang e for the first time, kitang kita nating di lang papogi dapat ang mayor. Dapat poging may ambag at nagagawang tama. Yan ang tunay na tapang at malasakit.
Paano naman si Yorme, baket di niyo siya pinapansin? Uy may nagawang tama si Yorme -- suspended agad classes nung March 9 palang para iwas agad sa virus ang mga bagets; may relief ops una agad sa depressed communities ng Maynila; regular disinfecting ng siyudad; at PPEs para sa mga ospital sa lungsod. Napapansin siya. Wag kayong ano. Pero pag may mali, pupunahin din. Pwede bang wag ka na magreklamo, respeto nalang sa government? Pwede naman. Pero magagawa ko lang yun kung tama at sapat ang ginagawa ng pamahalaan. Kaso hindi. Nagrereklamo ako hindi dahil lang trip ko, kundi nakikita kong may dapat baguhin, dapat iimprove, dapat ayusin. Tama namang cooperation and unity is key. Pero it should be effectively balanced with critical thinking. Di naman tayo blind followers diba? Sa paaralan, di ka matututo kung di ka magtatanong sa guro (critical), pero wala ring papasok sa utak mo kung di ka mag-aaral individually (cooperative). Parehas yan sa pamamahala. Kailangan yan lalo. 
Pag bulag-bulagan tayo jan, iisipin ng mga nakaupo na “ok lang wala naman silang pake kahit itlog at saging lang ibigay ko. Boboto pa rin ako nyan.” Or babalik nalang ako sa Kap’s Amazing Stories at sasayaw ng budots kahit nagnakaw ako ng bilyones, kase mapapasaya ko naman mga tao. Wala tayong unlad. Pero kung pupunahin at mapapansin nila tulad nung nangyaring pagpalit bigla sa head ng RITM, binalik rin dahil sa public backlash. May accountability kumbaga. We can be both critical and cooperative at the same time.
Reklamo ka nang reklamo, may naitulong o ambag ka ba? O dahil favorite nyo yang linya “tumulong nalang kayo kesa magreklamo,” marami na akong natulungan so makinig na. Char. Hindi lisensya o requirement ang ambag para magreklamo ka sa pamahalaan, the same way na hindi lang taxpayers or voters ang pwedeng magreklamo. Kapag ganyan edi mayaman, nakapag-aral, at may formal work lang ang pwede magsalita. While there is a rule of majority in a democracy, the minority still has to be listened too dahil valuable pa rin ang kanilang demands. 
E diba Christian ka, sabe submit to authorities at wag kang ebas ng ebas jan? Again true. Maraming Bible verses tungkol jan (Romans 13:3-7, Titus 3:1-3, I Peter 2:17-18). Kaya nga sumusunod tayo sa quarantine, nagfeface mask at naghuhugas ng kamay, at tumutulong sa frontliners because we “submit to authorities.” Pero submission does not equate to blind following. Balanse yan dapat sa principle “to act justly and to love mercy and to walk humbly with your God. (Micah 6:8)” Isa pang check jan ang compassion to the poor at evaluating if the same would be done by Christ. Yung mga Pharisees at Sadduccees nga sobrang masunurin sa government at that time at sa laws of Moses, pero binembang pa rin sila ni Jesus. “So obey everything they teach you, but don’t do as they do. After all, they say one thing and do something else (Matthew 23:3).” So paano? Balanseng pagtingin. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat magalit sa pamahalaan, pero hindi rin sa lahat ng oras e tama ang ginagawa ng pamahalaan. Human government yan so prone to errors, so wag diyosin. Pag di mo sinabi kay teacher na mali yung formula na ginamit niya kahit pa may PhD yan, tingin mo may unlad ka? Wala. Same with governance.
Wala nang magiging matinong Pangulo o lider ang bansa pag lagi tayong ganyan. Wala naman talaga so far, mabibilang sa kamay yung matino. And the coronavirus pandemic shows this vividly by highlighting the socio-economic ills na matagal na nating idinadaing. So paano? Magiging matino yan pag nakita nilang totoong binabantayan ng mga tao ang kanilang ginagawa. Always demand accountability from the government, si Papa Digs man yan o hindi. Tapusin na natin: “When the righteous are in authority, the people rejoice; but when a wicked man rules, the people groan (Proverbs 29:2).”
7 notes · View notes
markhersonhuelgas · 3 years ago
Text
Tumblr media
"TATLONG DAAN AT ISA"
Sa dami ng naisulat ko ay hindi na kabisa Kung ang alin bang simula o bakit nag-umpisa Simula sa wasak na pag-ibig patungong kuwento ng iba Mula sa simpleng buhay hanggang pulitika
Murang kaisipang minsanan ng namulat Sa reyalidad ng buhay na ang buhay ay sadyang mahirap Hindi sapat na kumayod lamang sa init ng araw Dapat ay lubog rin sa gabing umaalingasaw
Kapit sa patalim na buhay ng mga nasa ilalim Masisisi mo bang iyon lamang ang alam nilang gawin? Dekadang sunog sa araw at lunod sa pawis Ngunit araw-araw pa ring dalangin ang hinagpis
Dumaan na ang botong maaaring bumago Pero pikit-mata pa rin tayong naging bobo Kaya sa hirap ay patuloy pa rin ang hilahan pababa Ang mga mayayaman ay mananatiling mga tala
Malayo't 'di abot ng kamay mong puno ng grasa Tanaw lamang ng mga mata mong nawalan ng pag-asa Taga-sambit ng "sana all" sa mga bakasyon at bagong patayo Pero putik at lason naman ang baling sa pagtalikod ng kabaro
Kailan ka gigising at mumulat rin kapatid? Hindi na tayo kayang isalba na lamang ng pag-ibig Pag-ibig na nakikita mong retoke na lamang sa social media Tapat na lang sa pagtatanghal at kikitaing pera
Sino bang mga hangal ang muli nating niluklok? Sino bang mga ungas ang maiiwang bulok? Tayong nasa gitna hanggang pababa ang nagdurusa Tayong masa na patuloy na sa kanila ay umaasa
Kamay ng mandarambong at kamay na bakal Kasabay ng mataas na presyo at matumal na kalakal Pandemiyang atras abante sa mga pangalan Manggagawang sa opisina'y nagbabalikan
Pabalik sa pagod at trapik ng kalye at lansangan Pabalik sa pamilyang tulog mong iiwanan Babalikan mong tulog sa iyong pagbalik At tanging dadaitan lamang ng pagod na mga halik
Makakabangon pa bang muli? Kung ang rosas ay nabubulok ng unti? Diligan mo ng nag-aalab na pagsinta Paarawan mo sapagkat hindi na nag-iisa
Magbabalik pa rin sa mga kuwento ng buhay May mga pag-ibig pa ring muling iaalay Mga trabahong iaangat sa laylayan ng lipunan Mga karanasang tago ang ilahahad at babalatan
Sa nilalaman ng tatlong daang mga nauna Ito ang bagong simula at ang nag-iisa Ang tulang muling sasalamin sa kung anong mayroon ka Tatlong daan at isa, kaya humanda ka na sa pangalawa
0 notes
sayaw-sa-ulan · 7 years ago
Text
Bakit nga ba ako single?
Single? Yes. NBSB? Yes.
"Ikaw naman magkwento ng lovelife mo. "
"Share mo naman lovelife."
"Meron ka na bang lovelife?"
Mga tanong ng mga kaibigan ko tuwing magkikita kita kami. Pero ang pinakamahirap sagutin sa lahat:
"Bakit single ka pa? BAKIT WALA KA PA RING JOWA?"
Kung alam nyo lang hiling ko ring malaman kung bakit wala pa.
Bakit nga ba single pa rin ako?
Marami akong naiisip na sagot pero hindi ko alam kung alin dito ang sapat na dahilan para sainyo. Una, mga baks, siguro di lang talaga ako bet ijowa o waley akes dating sa kanila. At kung ito ang dahilan, wala akong magagawa dyan. Ayoko mag effort araw araw para mag ayos ng sarili. Mas gusto kong matulog. Mas gusto kong magbasa. Kung mag aayos man ako minsanan lang yun. Pangalawa, hindi ko naman kasi hinihingi kay Lord na bigyan ako ng lovelife. Kasi... feeling ko di ko deserve magkajowa. I mean, sa tingin ko kung sino man syang para sa akin it's better off for him/her without me. I'm flawed. I'm imperfect. Kulang ako para sa kanya. Alam kong di ako magiging sapat kahit kanino. Pangatlo, sabi nyo nga ang strong strong kasi ng mukha ko. Mukha lang talaga, di man lang personality. Wala pa silang ginagawa nakataas na ang kilay ko. Fyi, hindi ko sinasadya ang pagtaas ng kilay ko or pagtaray, unconsciously ko lang na nagagawa, I guess. I don't know. Pangapat, independent akong tao. Sanay akong umalis ng bahay na walang kasama. Kaya kong gawin ang madaming bagay ng mag isa - magtravel, manood ng sine, kumain sa labas, maggrocery. Nasanay na ako. At kaya naman.
Aking mga kaibigan, ito lang ang mga naiisip kong sagot sa tanong nyo. Hindi ko sigurado kung ang mga iyan ay sapat na para sa inyo pero wala na akong ibang maisip kung bakit nga ba single pa rin ako.
ps. I used the term jowa shortcut for 'bf/gf' .
1 note · View note
excerptofmythoughts · 8 years ago
Text
Goblin 💋
Hindi pa naman ako kinakain ng kdrama. At wala naman akong balak. Kakatapos ko lang ng series at tinapos ko na siya agad ng tatlong araw hahahaha. Hindi ko naman inaasahan na magugustuhan ko ng bongga yung drama. So ito nga, habang fresh pa lahat sa utak ko may thoughts ulit ako hehe.
Unahin natin yung eksena kung saan naghiwalay sila ng matagal na panahon at ayun nga nagkita ulit sila. Dati kapag nagbabasa ako ng stories tapos ganon din yung nangyari, yung natatakot na yung isa dahil baka isang araw mawala ulit siya. Dati tuwang tuwa ako kasi syempre nakakakilig hanggang sa inisip ko yung POV duon nung babae (naiwan) nakita ko talaga na takot siya. Ayun nga napaisip ako na hindi pala siya nakakatuwa, dahil unang una nag cause siya ng trauma duon sa tao. Natakot na siyang maiwanan ulit which is nakakalungkot na may ganoong takot sa puso niya which led me to the thought of leaving someone. Naisip ko lang na sana yung mga tao isipin muna sana nila yung maiiwan nila kapag umalis. Hindi ko naman sinasabi na wag kang umalis at mag stay ka for the sake of awa lang. No. I mean, maganda na rin yung mabibigyan mo yung tao ng sapat na rason para bumitaw na rin kagaya ng pag bitaw mo para hindi siya mahirapan in the future. Hindi naman masama na isipin muna ang sarili pero hindi rin naman masama kung iisipin mo rin yung maaari mong masaktan diba?
Pangalawa, yung pagiging sweet napansin ko kasi yung dalawang bida hindi sila sweet talaga. Sila yung tipo ng magiging sweet kapag naramdaman lang nila. Na-realize ko lang na hindi naman basehan kung sweet yung tao sa'yo kung talagang mahal ka niya eh. Iba yung kilig ko sakanila kaysa sa Weightlifting Fairy which is sobrang sweet nung dalawang bida duon. Naisip ko lang kasi na wag nating gawing basehan yung pagiging sweet nung tao o mga ginagawa niya sa'yo yung pagmamahal na nararamdaman niya. Ako personally, ayoko ng masyadong sweet okay na ko sa minsanan lang pero pak ang kilig (pero ibang usapan ang sweet foods hehe)
Pangatlo, ang pinaka importante sa lahat. Pagpapatawad. Kasi ang mas kinatuwa ko kasi dito sa story hindi alam nung bida na yung taong gumawa sakanya ng pinaka malaking kasalanan is kasama niya lang the whole time. At yung isa naman walang ideya, hindi niya alam yung mga naging kasalanan niya (mahirap i-explain kasi ikukwento ko pa yung plot lmao). Basta ayun nga, maganda yung naging samahan nila. Best buddy kumbaga, naging mabuting magkaibigan sila. Hanggang sa dumating sa point na nalaman na nung bida kung sino siya. Syempre nandoon yung galit at sakit. Pero kung huhukayin natin, hindi naman talaga siya nagalit duon sa tao kundi sa thought lang kung ano at sino siya sa pagkatatak nung tao sa isipan niya. Yung masamang ginawa nung tao siya nagagalit at hindi duon sa mismong tao. Bakit? Kasi naging matalik pa nga silang magkaibigan eh, muntik lang maputol dahil sa past na nangyari na hindi maganda. At mas kinatuwa ko pa, hindi pa nacoconfirm nung isa kung siya nga ba talaga yung gumawa ng masama, humingi pa rin siya ng tawad. Pero sa dulo na confirm niya rin naman lol. Dagdag ko lang, sa story kasi kapag may nagawa kang malaking kasalanan is may parusa kang matatanggap. Naisip ko lang ulit, maaaring naging masakit man ang maging kasalanan ng isang tao saatin hindi ba’t sapat na rason na yung alam mo na pinagsisisihan niya na yung ginawa niya o nag suffer enough na siya sa maling ‘yon? At hindi lang ‘yon, bago mo kasi talaga matanggap ang lahat kaylangan yung sarili mo muna yung patawarin mo. Kasi kaya rin natin nasasabi na nahihirapan pa tayo, na nasasaktan pa tayo kasi may galit pa sa puso natin. At sabi nga nila tayo lang din naman makakaalis ng sakit, makakagamot sa lahat. Kaya may mga pagkakataon na kaylangan palayain na natin yung mga sakit sa puso natin para tuluyan na natin mapatawad yung mga taong nakagawa saatin ng sakit. Tama diba? Kasi kung iisipin mo ulit may mga tao nga na nakakapag patawad kahit hindi pa sila hinihingan ng tawad eh, bakit? kasi sa sarili nila pinakawalan na nila yung sakit kaya nagawa nilang magpatawad kahit hindi naman sila hinihingan (kung saan mas masaklap pero depende pa rin sa pag tanggap mo ng sakit). At isa pa, tandaan mo Siya. Hindi ba’t nagagawa niyang magpatawad sa iba’t ibang aspeto. Name it, mga humihingi ng tawad, sa nga hindi humihingi, mapa malaki man o maliit na kasalanan nagagawa Niya pa rin tayo tanggapin. Kaya isipin mo ulit, anong karapatan mong mag matigas? Kung alam mo sa sarili mo na at the end of the day makasalanan ka rin. Pare pareho lang tayong lahat.
Sana may natutunan ka lol hahahahaha. God bless!
3 notes · View notes