#hay buhay nga naman
Explore tagged Tumblr posts
atsuwiee · 2 years ago
Text
ushijima “diba sinabi ko umuwi ka na?” wakatoshi.
⋆.✧̣̇˚. | hindi mo rin alam ba’t siya ganito e, basta nalang sumusulpot pag nasa school ka tas late na.
genre: senior!ushijima wakatoshi au, short oneshot, fluff warnings: grammatical errors, not proofread, written in filipino/tagalog
xian’s note: senior ushijima brainrot bc i’m missing my senior crush na mag graduate na hay
Tumblr media
“hindi ba sabi ko umuwi ka na?” you hear the familiar voice and look towards it. “oh ikaw nanaman?” oo, siya nanaman. “uwi ka na sabi e, tignan mo mag didilim na tas nandito ka pa” sabi ni ushijima. nasa organization room ka pa, inaayos yung gamit para sa next event, kaya napa-late ka nanaman na uwi.
“eh ikaw ba’t nandito ka pa?” “may training kasi ako, alam mo na ‘yun”
daming eme naman neto sa buhay, you sighed and cleaned up the room muna. “y/n sabay na…” napalingon ka uli, ay org-mate mo lang pala. he stopped sa entrance ng room, standing next to ushijima, he was small compared to him.
“…tayo” he finished what he said napatingin lang so ushijima sainyong dalawa. “sasama na siya sakin,” sabi naman ni ushijima. “huy—?” sabi mo naman tas tumango nalang ‘tong org-mate mo. “ay oh sige, ingat kayo!” sabi niya, tas umalis na rin.
“ba’t mo ba sila tinatakot?” “‘di ko man ah, not my fault they get intimidated by me”
nga naman, ‘di kasalanan ni ushijama ba’t sila natatakot sakanya, napatawa ka nalang. “hatid na kita,” sabi ni ushijima at tuluyan pumasok sa room. “hindi na kaya ko na ‘to, may training ka pa diba?” sabi mo na patanong, he didn’t mind what you just said, acting as if wala siyang narinig.
“akin na bag mo,” sabi niya. “‘di kaya ko na nga ‘to—“ sinabi mo sabay kuha sa bag mo. “sabi ko akin na, ‘wag ka na makulit, hahatid na kita.” sinabi ni ushijima sabay kuha sa bag mo na hawak hawak mo kanina. “dilim na nga eh tas gusto mo umuwi ka pa mag isa” he muttered pero rinig na rinig mo pa ‘din. “sorry po,” sabi ko sabay tawa na rin habang palabas na kami ng school.
“‘wag ka nga nag p-po sa’kin, you’re making me sound old” kontra ni ushijima. “eh mas matanda ka naman talaga sa’kin ah?” sinabi ko, kasama na rin ng tawa. “senior ka na kasi… sus,” you say with a little ‘tsk’ sound.
“you’ll just miss me once i graduate,” sabi niya sabay tawa, he isn’t like this always, pero moments like this always get you hooked onto him. “ma-feeling!” you say with a small laugh.
tinignan ka lang ni ushijima, but his gaze— it was a sweet gaze. mas bumilis pa pag tibok ng puso niya pag nakikita niya ang ngiti mo.
corny niya ‘no? lakas maka haitd sundo sa’yo kala mo jowa mo na. eh wala siguro pakipot lang ‘to o gusto niya pa ng pogi points para makuha naman puso mo.
the laughter died down pero one question stays im ushijima’s mind and that is,
“y/n, pwede ba kita ligawan?”
Tumblr media
99 notes · View notes
sewinaa · 19 days ago
Text
300 na lang nga natira sa banko, nawala pa. Potangina naman ano ba yan. So san ako pupulot ng pera ngayon hays hay buhay
3 notes · View notes
hashtaghazel · 1 year ago
Text
Sana kaya mo rin akong ipaglaban.
Ang hirap maging babae. Minsan naiisip ko, grabe siguro yung kapasidad kong lumaban alang-alang sa pag-ibig kung isa akong lalaki. Kasi sa punto na 'to, kahit sabihin nating iba na ang panahon ngayon at pwedeng manligaw ang babae o siyang unang lumapit at gumawa ng paraan makuha lang yung taong gusto o mahal niya.. nakakulong parin ako sa mga salitang "babae ako." Oo, maituturing na kaduwagan, ngunit 'yun ako.
Araw araw iniisip ko, kung kaya mo lang akong ipaglaban, masaya siguro tayong dalawa sa bawat araw na nasasayang. Kung nakikita mo lang sana na napapasaya mo ko at kaya rin kitang mapasaya, na kaya nating pakalmahin nang magkasama ang bawat problema, at kaya kitang bigyan ng kasiguraduhan sa lahat ng bagay.. siguradong ang kasunod ay pag-ibig na sapat lang. Hindi labis, hindi rin kulang.
Hindi ko maintindihan yung parte na sinasabi ng ibang tao na may mga pagmamahal na hindi mo magawang ipaglaban. Marahil, hindi ako ganon, kaya hindi ko maintindihan. Marahil, talagang magkakaiba ang tao. Marahil, Love is really not enough. O kaya naman, hindi ganun kalalim yung nararamdaman, kaya naman kayang mabuhay kahit mawala yung taong yun sa mga kamay niya.
Bakit ang komplikado magmahal sa panahon ngayon? Bakit hindi kagaya noon, na kapag gustong-gusto ka ng lalaki, hahamakin niya ang lahat makuha ka lang. Bakit ngayon, hindi sapat ang may nararamdaman ka lang? Bakit ngayon eh parang laging may hinahanap at may kulang?
Hindi ba't wala namang sapat?
Hindi ba't walang perpektong sangkap?
Siguro hindi lang "tayo" yung totoong nakalaan. Siguro nga, hindi parin ikaw-at-ako ang itinakda para sa "walang hanggan."
Siguro'y isa ka na namang aral sa buhay ko. Pero, hindi parin ba sapat yung mga naranasan ko noon, para masabing natuto naman na 'ko? Hay jusko.
Kung pareho lang sana tayo, marahil ay alam mong pwede natin ilaban 'to. Alam mo rin na magiging masaya tayo, dahil hindi naman nag umpisang komplikado. Alam mo rin na kaya natin lumaban hanggang dulo.
Kung isa ka na namang leksyon sa buhay ko.. Siguro h'wag nalang natin pahabain pa ang istoryang 'to. Tara, bigyang tuldok na ang masasayang araw na magkasama tayo. Dahil nararamdaman kong - kung patatagalin pa, mas masakit ang kapalit kapag nasanay lang tayo sa panandaliang bagay na 'to.
Siguro nga, ako na dapat ang mag wakas nito.
Ngayon ay ika-12 na buwan ng taong 2023. Masasabi kong hanggang dito nalang ang kaya ko, mahal ko.
16 notes · View notes
papersparrows · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang bigat last week lalo na nitong lumipas na weekend. Attended 2 wakes in one day. Ang bigat bigat hehe. Eto lang nakuha kong pics nung nag pagpag kami after ng unang lamay na pinuntahan. Wala pa kong tulog niyan. Dami ko iniyak. Di na namin nabisita si papa nitong Sunday so bawi na lang kami next weekend. Yung isang yumao, great grandmother ko pala. Ni hindi ko nga alam na may mga buhay pa pala akong lolo/lola lalo na great grandparents. Wag niyo nang alamin kung bakit, medyo complicated ang family haha. Kaya kahit di ko siya nakilala, malungkot. Then yung sunod na lamay na pinuntahan, childhood friend ko naman. Sobrang tragic nung nangyari sa kanya. Ang lala ng aksidente niya. Sa Camiguin nangyari. Ayoko na lang iexplain o ibigay ang kahit anong detalye. Medyo mala-final destination. Ang lala talaga. Sobrang graphic. Di ako makatulog nang ilang gabi kasi di ko akalain na may ganyan palang pwedeng mangyari sa kakilala ko. Akala ko hanggang pelikula lang. Kaedad ko lang din siya. Ang bata bata pa, kalaro ko pa siya noon. Di ko siya maalis sa isip ko. Hay buhay. Dinadaan ko na lang sa dasal na wala nang mapapahamak sa mga mahal sa buhay o sa kahit sinong kakilala ko. Ingat tayong lahat palagi :)
12 notes · View notes
kimhortons · 10 months ago
Text
naiinis ako tuwang tuwa pa sila na sinasaktan yung pusa, di na nga mapakain kinakawawa pa. hay ambot, pati sa aso ganyan. kukuha kuha ng alaga di naman matrato ng tama. may buhay at damdamin din yang mga yan, di lang nakakapag salita. di naman kayo inaano, kung saktan kala mo sinaktan din sila. bwiset. hirap talaga makisama.
2 notes · View notes
inloveakosayooo · 10 months ago
Text
Grabe talaga ano, ang hirap maging tao. May mga taong sunod-sunod ang problema at may mga taong isa nga ang problema pero hirap sila makabangon. Pero kung hindi rin dahil sa mga problema nila sa buhay hindi naman sila titibay, diba? Yung iba dun patuloy lumalaban, kaso rin yung iba sumusuko na. Iba ka parin talaga Lord. Ganun ka po talaga katiwala sa mga tao na in every struggles nila sa buhay kaya nilang lagpasan, I mean kaya naming lagpasan. Alam ko na halos lahat naman ng tao sa’yo pa rin lalapit, yung iba nga dun kinukwesto ka. Ikaw mismo. Ganun din kahina ang mga tao diba, paghindi na kinakaya tatakbo o lalapit sa malakas. Pero grabe ka po talaga, may mga oras na napapaisip na lang talaga ako. Yung mga suicidal attempts, pero naiisip ko palagi yung mga taong maiiwan ko if ever na mawalan man ako o gawin ko man yun. Kaya ako talaga, gusto ko pa magkababy pero ayoko ng mapagod. Iba talaga yung pagod na parang hindi mo alam kung anong pahinga ang kailangan mo. Mentally ba? Emotionally ba? Physically? Well, tinatry mo namang maging masaya, and I’ll always think of “I’m okay”. Pero yung mga ibang naiisip mo, kailangan mo na lang talang paniwalaan ang sarili mong “okay ka”, “kaya mo”, “kinakaya pa”.
Ang hirap maging tao.
Sabi ko nga, “Lord sana ginawa mo na lang po akong ibon..lilipad lang pero mamatay tragically.” o kaya pwede naman po ako maging isang bagay. Yung wala po bang emotions. Hays, ganito siguro talaga pagwala kang makausap tapos ang toxic ng paligid mo. Kaso kahit saan talaga yata magpunta puro toxic na talaga. Alam ko naman po Lord na hindi mo ko papabayaan, pero palagi ko parin pong dasal na bantayan, alagaan at wag nyo pong papabayaan ang pamilya ko specifically my kids. Kasi ako kaya ko naman po, kinakaya pa naman talaga. Kasi kailangan. Kailangan nila ako. Kaya siguro “kaila” ang pangalan ko. Kasi buong pamilya ko may kailangan sakin. HAHAHA! Damay mo na yung pamilya ko nung single pa ko.
Sabi ko lang ito hah, na hindi na talaga ako magkakababy kasi nga pagod na ko. Yes, I’m so tired taking care of “another” baby if possible. Grabe at the age po 30+ feeling ko talaga 50+ or 60+ na ko. Real talk and legit yung back pain. Well, it is really a blessing for having a baby and kids. But it takes a very long run for taking care of them.
Yung pagod na nararamdaman ko, siguro dahil ito sa pagiging Ina ko.
May inggit talaga ako sa mga babaeng single ngayon. They can do and go whatever and wherever they want.
Hindi rin naman ako nagsisi kung nasa ako dinala ng tadhana ngayon. Masaya? Oo naman. May mga bagay lang talaga na hindi pwede. Pero alam kong magagawa ko rin naman soon.
Kaya laban lang.. Kaya pa naman.
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
hay nag-meetup kami ng college friends biglaan tapos sumama ako kahit umuulan dito. buti hindi umuulan doon. sa walang kamatayang rob manila
wala, ok na rin siguro talagang di ako doon nag-med school, ang messy ng buhay ng maraming tao. nakuha ko naman 'yung gusto ko—bagong connections, bagong experience
i have no regrets na di ako nag-apply sa residency right after ng board exam. naawa lang ako slight kasi 'yung mga kaklase ko at iba pa, paspasang submit ng requirements, aral for entrance exam at pre-residency, eh sobrang nakakastress kaya 'yung board exam pa lang tapos waiting for results pa, 'di ka pa nakarecover, sabak na uli; tapos nag-quit lang din majority after some time
well sila nga hindi nanghinayang so anong karapatan ko? pero anlaki rin ng effort, oras, at syempre may money involved doon ('di naman sila sinahuran until officially makapasok). parang napressure lang din 'yung iba ng magulang or lipunan na dapat pag doktor, ganito, ganyan. kahit deep inside alam naman talaga nila anong gusto nila
siguro, at least, buti nga maaga nilang napag-isip-isip at maaga pa rin silang nag-quit kasi 'yung iba umaabot pa ng 2 years or more bago gumising sa katotohanan. at the end of the day, choose yourself, always
8 notes · View notes
skejbook · 2 years ago
Text
Is it okay if I think it's unfair?
Siguro maliit na bagay lang tong issue ko ha...pero bat ganun, nag birthday ako wala man lang nag initiate sa friends ko na "bilhan natin si Jeks ng cake". Pero nung bday nila, ako yung nag take initiative na "anong plan sa bday ni ganto, anong cake ba bibilhin, or may pa surprise ba? Pero bat sakin di nila ginawa. Ayokong mag tampo pero deep inside iniisip ko why. Hay buhay nga naman.
10 notes · View notes
thesecoldfeet · 1 year ago
Text
i found out that this cutie friend of mine is struggling for weeks now and she reached out last night because she's having an extreme panic attack and she doesn't know what to do. when i asked her bakit hindi siya nagsasabi sakin, she said "alam ko kasi na may pinagdadaanan ka, so bakit ako manggugulo." true naman yon, but i always have space for the people i love.
the past few days have been so hard on me. bawat araw na dumaan may nadidiscover ako sa sarili ko na dapat kong ayusin. kung nililista ko nga lang, siguro sobrang haba na ng listahan. ang laking help sakin ng pagiging tahimik tbh saka pagbabad sa tiktok sometimes, and reading cos it made me realize the things i wanted to keep and change. and while being alone is a good thing, we can't always solve our problems on our own. asking for help or even comfort is not a sign of weakness.
above all these things, narealize ko din kung anong lugar ko sa buhay ng mga tao sa paligid ko. felt like this is my worst season but i'm still hoping na sana naman last na 'to. sabi ko naman sayo lord, isa akong baby girl and not one of your strongest soldiers eh hays. tama na naman na.
2 notes · View notes
kuyabonoforyou · 1 year ago
Text
PATRICE'S STORY
Dear Kuya Bono,
               Kumusta po ang lahat. I hope everybody is OK. Ako, mas OK ngayon kesa nagdaang mga taon ng buhay ko. Nag-explore kasi ako noong 2018. Nainggit sa mga pinsan ko at pinatulan ko rin yung sinasabi nilang ‘Get Out of your Comfort Zone’.
               DALAWANG TAON DIN NA NAMUHAY ako gaya ng buhay ng mga pinsan ko sa Maynila..at nakasanayan at nagustuhan ko na rin ang pamumuhay nila….pero NAGKA-PANDEMIC kaya’t noong JUNE 8, 2020 ay…wala akong choice kundi ang UMUWI muna dito sa Probinsiya.
>>>>> 
               Graduate po ako ng BSE  Major in English noong 2016. Same year ako nag-take Licensure Examination for Teachers at pinalad naman mapabilang sa 31,334 na pumasa. Imagine that number of new teachers. Secondary pa lang yan ah. Sa Elementary naman ay 23,378 ang pumasa.
               Hindi lang ako at pamilya ko ang natuwa sa pagkakapasa ko ng Licensure Exam Kuya Bono kundi…baka, lalo na si Yosee. Matagal na kasi siyang nanliligaw sa akin noon kaya lang, parang hindi siya seryoso…kaya’t hindi ko rin siya sine-seryoso.
               Kabarangay ko lang si Yosee. Puro opposite ang mga purok namin. Purok Uno sila, Purok siyete kami.
               Sa paraang pabiro ko lang nasabi noon kay Yosee ang ganito;
               “Yosebio,..pag pumasa ako sa Board Exam, sasagutin na kita….”
               “Luh, huwag na! Ayoko ng ganon. Di naman ako desperado sa chance na maging GF kita noh?...Kung sagutin mo man ako dapat dahil yan sa…mahal mo ako, hindi dahil sa masaya ka lang kasi pumasa ka sa exam. Apaka-kenkoy mong babae ka!”
               “Kaarte mo naman Yosebio. Ayaw mo di huwag….at lalo namang hindi ako desperadang maging tayo noh? Ang kapal mo!!!”
               “Mas makapal ka! Dadaanin mo pa pala ako sa pustahan eh. Pano kung di ka pumasa eh di hindi rin ako pumasa sayo?! Style mo bulok!”
               “Mukha mo bulok! Huwag ka na ngang pumupunta dito sa’men noh? Istorbo ka lang sa buhay ko! Uwi ka na!”
               “Oyyy…nagalit naman agad. Joke lang darling ko…..di ka mabiro…..”
               “Anong darling ko?! Di pa tayo noh?”
               “Tayo na….kasi sigurado namang papasa ka sa exam eh. Ikaw pa ba? Maganda na…matalino pa…”
               “Hay naku Yosebio,..hindi mo ako mauuto….”
               “Payag na nga ako eh. Sagutin mo na lang ako kapag pumasa ka sa exam….pero kapag hindi ka pumasa. Liligawan pa rin ulit kITA kahit na…back to zero ako, start from the beginning…OK lang sa akin kasi….mahal  kitang totoo…todo todo walang preno…SAGAD HANGGANG BUTO!”
               “Diyan ka magaling sa kasaltikan mo. Alam mo, kaya hindi ako naniniwala sayo eh kasi puro ka biro….”
               “Hindi. Promise. Mula mamayang gabi bago ako matulog, madadasal ako…ganon din paggising ko sa umaga, magpe-pray ako….hihilingin ko kay Bro na….ipasa ka niya sa board exam…..para maging tayo na….para matikman mo na ang aking matamis na halik….at naguumalab na yakap…aking mahal na Patrice, Pa-kiss na lang, KAHIT isa lang please…..”
PLAY>S1
DKB-2
               Kahit hindi kataasan ang score ko sa LET ay nagpa-ranking pa rin naman ako, baka sakaling suwertehing magkapagturo sa Public School…kahit na, alam kong mahirap kasi nga napakarami naming bagong teachers.
               Alam kong matagal makatanggap ng balita tungkol sa ranking kaya’t nag-apply muna ako sa isang Private High School sa bayan pero huwag na lang nating pagusapan ang suweldo dahil talagang minimum lang. Mas mataas pa nga ang suweldo ng nakababata kong kapatid na si Perry sa kaniyang trabaho bilang collector sa Lending…at pinagyayabang niya sa akin yun kasi siya, hindi tapos ng college. Choice niya yung hindi  magtapos kasi tinamad nang mag-aral at pinakinabangan na lang niya ang pagkahilig niya sa pagmo-motor sa pagiging collector. Bestfriend ni Peter si Yosee kahit na hindi sila magka-age kasi, si Yosee ang ka-age ko. Ka-batch ko siya sa public elementary school dito sa amin…pero hindi kami close noon. Ang ka-close niya ay yung mga kagaya niyang bardagul na laging pasimuno sa mga kalokohan sa school.
               High School, sa private nag-aral si Yosee. May kaya kasi talaga sila kahit noon pa. Empleayado sa DENR ang Papa niya, pero siya din ang boss sa kanilang malawak na Palayan at Maisan, malawak na Manggahan at may Poultry din sila. Ang Mama naman niya ay may puwesto ng dry goods at beauty parlor sa bayan. Yung mga nakatatandang kapatid ni Yosee ay nasa abroad kaya’t well-off talaga sila…pero walang yabang at arte si Yosee sa katawan. Napaka-simple niya at barriotic pa nga kung pumorma.
               College, nag-enroll siya ng Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science sa Mountain View College sa Valencia City. That time ay dalawa na lang sila ng bunso niyang kapatid na si Carmela ang naiwan dahil ang mga nakatatandang kapatid nila ay nag-stay sa Maynila at yung dalawa, panganay at sumunod sa panganay ay nagpunta sa America.
               Ako naman ay kumuha ng Bachelor in Secondary Education major in English sa BukSU o Bukidnon State University dito lang sa amin sa Malaybalay, Bukidnon. So, hindi kami schoolmate ni Yosee pero, updated ako tungkol sa kaniya dahil nga sa bestfriend siya ng bunso kong kapatid na si Perry…at nagkukuwento ito tungkol kay Yosee kahit hindi naman ako interesado.
               Vocal din si Perry noon sa palaging pakumusta daw ni Yosee sa akin…pero that time ay, wala talaga akong interes kay Yosee kasi, in-love na ako noon sa ka-klase at secret boyfriend kong si Michael.
               Nakay Michael Kuya Bono ang mga katangian ng lalaking pangarap kong maging boyfriend. Guwapo, mas matangkad sa akin, malinis sa katawan, matamis ngumiti at matalino.
               Consistent Dean’s Lister si Michael Kuya Bono, hindi siya bumababa sa Top 5. Ako, never mind. Hindi ko na-experience ang mapasali sa Deans List kasi hindi naman ako matalino at hindi ako masipag mag-aral. Masipag lang ako sa bahay, masipag akong magluto at maglinis pero tamad akong maglaba at mamalantsa,..kaya kay Mama napupunta ang mga gawaing ayaw ko.
               Balik tayo kay Michael. Kabatian ko na rin siya dati pa, naka-grupo ko din siya sa Project noong 3rd year kami pero hindi naman kami nabigyan ng chance para maging close noon. Siya ang group leader noon kaya’t naka-distribute amin na mga members nya ang kaniyang atensiyon.
               Pero noong 4th year na kami, pareho kaming na-assign sa Silae National High School para sa aming Practice Teaching. Pabor kay Michael na sa Silae kami na-assign kasi, taga-Kibalabag siya which is katabi lang ng Silae. Pero ako ay sa kabilang panig nakatira at malayo sa Silae ang sa amin.
               Mabuti na lang at nag-abroad noon ang panganay naming si Kuya Paulo. Binata pa siya noon at INIWAN niya kay Papa ang kaniyang Honda TMX 125 pero madalang namang magamit ni Papa dahil walang daanan ng sasakyan papunta sa bukid niya.
               Ang motor na yun yun Kuya Bono ang ginamit ko sa pagpasok sa Practice Teaching ko at dahil sa motor na yun ay, naging kami ni Michael.
PLAY>S2
DKB-3
               Grade 5 pa lang ako marunong na akong mag-motor. Nagsimula akong matuto sa tricycle ni Tito Tonyo na kapitbahay lang namin. Noong High School ako, nagagamit ko na rin ang motor ni Kuya Paulo kapag wala siyang sumpong. Madalas kasi ay madamot siya sa motor.
               Unang araw ng Practice Teaching namin ay nagulat pa si Michael noong makita niya akong nagpa-parking. Naka-jogging pants lang ako noon pero dala ko ang pencil cut naming paldang uniform sa Practice Teaching. Nagbihis na lang ako noon sa CR ng Faculty Room.
               May dala akong baon noon na lunch Kuya Bono pero inaya ako ni Michael sa bahay nila na nasa kabilang barangay lang naman. Sumakay kami sa motor na dala ko pero siya ang nag-drive at ako’y angkas niya. Ang sarap sa pakiramdam ‘non Kuya Bono, feel na feel kong kaangkas ako ni Michael sa buhay niya.
               Noon ay nakilala ko na rin ang magulang at dalawang kapatid niyang wala pang asawa. Bunso si Michael at…mamangha ka talaga sa mga naka-kuwardong graduation pictures ng mga kapatid niya sa kanilang dingding. Ang ayos ng pagkakahilera. Kagaya ng pagkakahilera ng mga pictures ng mga naging Mayor sa mga Munisipyo. Walo silang magkakapatid at si Michael ang bunso at picture na lang niya ang kulay sa dingding na yun.
               Malaki ang bahay nila Kuya Bono pero simple lang. Para itong Ancestral House. Malawak din ang kanilang bakuran at napakaraming tanim sa paligid. Mabait naman ang parents ni Michael. Makuwento ang Mama niya at lagi itong nakangiti. Ang Papa niya, hindi palangiti, mukhang strikto at English Speaking….pero nauunawaan ko naman  yun kasi, siya ay retired principal.
>>> 
               Naging sobrang close kami ni Michael Kuya Bono at talagang in love na ako sa kaniya pero, alangan namang ako ang manligaw? Ramdam kong caring din siya sa akin pero hindi naman nagsasalita. Eh ako, experto ako sa pagtatago ng damdamin ko kaya’t alam kong hindi rin ako nagpahalata na gustong-gusto ko siya.
               Kaya lang noong sumapit ang 21st birthday ko Practice Teacher pa kami  noon, tandang-tanda ko pa, LUNES yun at katatapos nga lang ng Flag Ceremony at nakikipagkumustahan pa lang ako sa mga estudyante ko noong biglang pumasok ang dalawang lalaking Grade 10 Students. Yung isa ay may dalang gitara.
               ���Yes boy? What can I for you?” tanong ko sa kanila.
               “Haharanain ka namin maam…” sagot ng isa at yung isa’y nagsimula nang tumugtog ng gitara. Yung isa ay kumanta naman ng EVERY WOMAN IN THE WORLD NG AIR SUPPLY.
PLAY>S3
DKB-4
               Nasa kalagitnaan na siguro ng kanta noong pumasok naman si Jericho, ang pinaka-poging estudyante ni Michael at may dala itong bouquet of red roses. Tilian kami noon, oo Kuya Bono pati ako ay nakitili sa mga babae kong estudyante. Ang tamis ng ngiti ni Jericho noon….diretso siya sa akin at inabot ang bouquet ng pulang rosas.
               “Ano to, anong nangyayari?” tanong ko kay Jerico. Sumenyas siya sa pinto at doon ay lumitaw naman si Michael. Parang maiihi ako kilig noon Kuya Bono, patuloy pa rin noon ang pagkanta nung dalawa sa harapan pero noong matapos sila ay pumasok si Michael.
               “Saglit lang to guys!” Tila paumanhing sabi niya sa mga estudyante ko.
               “Ahmm…..Patrice, sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. But…here and now…I am expressing my love to you. I LOVE YOU…..can you be my girlfriend?”
               “YES! YES!!!” narinig kong sigaw ng isang estudyante ko, una siya lang pero halos mag-chorus na sila sa pagsigaw ng YES! YES! YES!”
               “Yes…daw…” Sabi ko.
               “Gusto ko manggaling sayo. It is a yes?”
               “Michael….of course, YES!”
PLAY>S4
DKB-5
               Nakakakilig diba? Pero…hindi kami nagtagal ni Michael. Sorry to disappoint you pero,..BU-ANG kasi ako at nakakahiya ang nangyari.
               Buwan na ng March noon. 7 months na kami ni Michael noon kasi, September 22 ko siya sinagot. Gaya ng dati, umuwi kami sa bahay nila ng Lunch Time pero kararating lang namin ay nagpaalam ang katulong nila. Ang Mama ni Michael ay nag-attend daw ang Mama at kapatid niya ng kasal. Ang Papa naman daw niya ay may nilakad sa Maramag, isang bayan din yun ng Bukidnon. In short, kami lang ang tao sa bahay nila.
               Dati nang maka-serve ang pagkain namin sa mesa. Pagkakain namin ay nag-shower si Michael pero hindi muna nagbihis. Nakatapis siya ng tuwalya noong tabihan niya ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko noon Kuya Bono. Hinagkan niya ako sa labi at naging maalab yun…hanggang sa hinila niya ako sa kuwarto niya nakatabi lang ng salas. Sumama naman ako at doon Kuya Bono ay natangay na rin ako. Hinayaan ko na siyang tanggalin niya ang saplot sa katawan ko. Nakabuyang-yang na ako ng hubot-hubab sa kaniya…tapos pumatong siya. Nagulat ako noong madama ko ang kaniyang…ANO sa pagitan ng hita ko…ang tigas at parang ang laki.
               Doon ay natakot ako Kuya Bono. Bigla akong bumangon, tinulak ko siya. Dinampot ko ang mga damit ko saka ako lumabas ng silid niya. Sa salas ay magmamadali akong nagsuot ng panty ko, bra at ang palda ko…at noong sinusuot ko na ang blouse ko ay nagulat ako dahil napansin kong may nakaupo sa sofa….may hawak na diyaryo….pero sa akin nakatingin---ang Papa ni Michael.
>>> 
               Sa sobrang hiya ko Kuya Bono ay umalis ako ng walang imik sa Papa ni Michael. Bumalik ako sa school mag-isa pero hindi na pumasok si Michael nung hapon.
>> 
               Kinaumagahan ay sa BukSU kami, kasi may klase pa ako noon liban sa Practice Teaching. Noong matapos ang subject na yun ay nilapitan ako ni Mara, ka-klase ko siya at ang sabi niya;
               “May kakausap sayo….pinsan ko….PUWEDE, sama ka?” Sumama naman ako Kuya Bono kasi, alam ko namang hindi gaga si Mara. Actually isa siya sa mga campus crush sa school at lagi ding parte ng Deans List. Dinala niya ako sa library na malapit lang sa classroom namin. Doon ay nadatnan namin si Katarina. Kilala siya ng lahat kasi nag-runner up siya sa Mr. & Miss BukSO nung nakaraang taon. Pinsan siya ni Mara.
               “Hi!” Nakangiting bati niya sa akin saka niya ako pinaupo sa harap niya.
               “Ako si Katarina…..”
               “Kilala kita….” Nakangiting sagot ko.
               “Patrice right?”
               “Oo….”
               “Ahm, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Patrice. May itatanong lang ako…..”
               “Sure. Ano yun?”
               “Hindi ba nabanggit ni Michael sayo na…girlfriend niya ako?”
               >>>
               “Girlfriend ka niya?...hala. Sorry, hindi ko alam…wala, wala siyang nabanggit sa akin…ang alam ko talaga, wala siyang girlfriend…..sabi pa nga niya hindi siya marunong manligaw….”
               “Complicated kasi ang sitwayson ko dito sa school…kaya usapan namin ni Michael na, sikreto muna ang relationship namin. Akala ko OK lang sa kaniya.
               “Sorry Katarina, hindi ko alam….”
               “May estudyante ka na…kapatid ng friend ko. Yung friend ko ang nagkuwento sa akin na….sinagot mo daw si Michael infront of your class….”
               “Oo, totoo yun…pero promise, hindi ko alam na kayo….”
               “Sigh. Anniversary namin ngayon. Nasa simbahan siya…naghihintay sa akin. Hindi ko pa siya nako-confront tungkol sa inyo…and I decided na sayo ko alamin kung totoo..bago ako humarap sa kaniya…and I think, kayo nga diba?”
               Hindi ko nasagot ang tanong na yun ni Katarina.
               “It’s OK Patrice. The truth is, mahal ko si Michael pero, sa ginawa niya…pinatunayan lang niya na…hindi niya deserve ang pagmamahal ko. Pupuntahan ko siya para makipagbreak na. Mas OK na yung may closure diba?”
               “I’m sorry Karatina…promise hindi ko alam….”
               “No, it’s OK. Siguro nga…kayo talaga ang para sa isa’t-isa…and I want you to know na hindi ako galit sayo. In fact, sobrang nagpapasalamat pa nga ako kasi…pumunta ka dito at nagsabi ka ng totoo….thank you Patrice….” Pagkasabi ni Katarina yun ay nakita kong tumulo ang luha sa makinis niyang pisngi.
               Tinapik pa niya ang balikat ko noong bago siya marahang lumakas palabas ng library.
               “Tara na din…” Aya sa akin ni Mara pero ang sagot ko;
               “Mauna ka na Mara…dito lang muna ako……” Pag-alis ni Mara ay, nagisip ako ng gagawin ko kay Michael.
               Mahal na mahal ko din siya Kuya Bono kaya lang, HINDI OK sa akin ang ginawa niya,..o mga ginawa niya. Una, yung pagtatangka niyang kunin ang pagkababae ko. Pangalawa,..may girlfriend pala siya.
               Noon ko lang nakaharap at nakausap si Katarina Kuya Bono pero natantiya kong mabuting babae siya,..at nakonsensiya ako kasi…bahagi ako ng sakit na dinanas niya dahil kay Michael.
               Noon din sa library ay nagdesisyon ako. Makikipagbreak na din ako kay Michael kahit na…mahal ko siya.
PLAY>S5
DKB-6
               Hindi lang actually si Katarina ay yung attempt ni Michael na kunin ako…ang mga dahilan kung bakit, kailangan ko na din talagang iwasan siya. Isa pang major reason ay yung…nahihiya na ako sa magulang niya, lalo na sa Papa niya.
>> 
               Hiyang-hiya pa rin ako sa sarili ko Kuya Bono kapag naaalala ko yung tagpong yun na…siguro nakita ng Papa ni Michael ang buo at hubad kong katawan.
>>> 
               Hanggang sa maka-graduate kami ni Michael ay hindi na siya lumapit sa akin…at wala na rin akong pakealam noon sa dahilan niya. Then, days before graduation namin ay madalas ko silang makita ni Karatina. Minsan nga, nakasalubong ko pa sila sa corridor at nag-ngitian kami ni Katarina….at nakapagtataka Kuya Bono kasi, hindi naman ako masyadong nasaktan o nagselos. Actually, masaya ako para kay Katarina kasi…siguro ay nagawa niyang patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Michael…at hindi niya ako inaway diba? At sa totoo lang, bagay sila ni Michael. They really look good together…
PLAY>S6
DKB-7
               So far noon Kuya Bono ay si Michael ang pina-OK na naging boyfriend ko; pinaka-guwapo, pinakamatalino, pinaka-maganda ang family background pero siya pa ang hindi ko iniyakan.
               Nakatatlong boyfriends din ako noong High School. Hindi pa K to 12 noon. Dalawa noong 3rd year then isa noong 4th year na na-extend pa ang relationship namin hanggang First Year ko sa college. Silang tatlo pero third party ang reason kung bakit ako nakipag-break. Ayoko kasi ng lalaking HINDI LOYAL AND FAITHFULL…Kaya kahit masakit, nakikipagbreak ako. Sa relasyon Kuya Bono ay idol ko ang parents ko. FIRST AND LAST LOVE nila ang isa’t-isa.
               Pareho din silang nag-abroad noong maliliit pa kami. Si Mama nag-DH sa Kuwait, then si Papa nag-Saudi naman pero pareho silang hindi nagtagal sa abroad kasi, ayaw nilang masanay na malayo sila sa isa’t-isa. Nanghihinayang sila sa mga taon na hindi nila kasama ang isa’t-isa.
               Ganon ang gusto ko. At gusto ko ng lalaking loyal at faithful…yung ako lang ang mahal at pakamamahalin.
               Oo, hindi ako kagandahan…at hindi naman ako nag-aasam ng guwapo eh. Actually, akala ko nga swerte ko lang kay Michael. Akala ko, may nakita siyang special sa akin…something na hindi nakikita sa panlabas kaya niya ako jinowa….pero na-realize ko din na…gusto lang niyang makaisa kaya siya nag-effort din sa akin.
               Then nung bakasyon, eto naman si Yosebio…o Yosee, na unang lumapit sa akin dahil kukunin daw akong muse sa team nila sa basketball. Nagdidilig ako ng halaman noon at tinapat ko sa kaniya ang sprinkler.
               “Ay bu-ang ka ba? Kagagaling ko sa basketball..mapapasma ako!”
               “Umalis ka kasi dito. Huwag mo akong pagtripan!”
               “Seryoso ako Patrice, wala kaming muse kaya ikaw na lang…..”
               “Ang sama mo noh? Porke wala kayong mahanap…mapipilitan kayong ako na lang ganon? Lumayas ka nga dito!” Sabi ko saka binugaan ng tubig kaya tumakbo sa kinaroroonan ni Perry….pero panay pa rin ang tingin sa akin at nagpapa-cute. Ngingiti-ngiti, kikindat-kindat at saka parang batang nagbu-beautiful eyes. Napapangiti ako sa kakulitan at  kakengkoyan niya pero hindi ko pinapakita. Tumatalikod ako kapag napapangiti ako para hindi niya makita at nang hindi niya isiping….napapasaya niya ako.
PLAY>S7
DKB-8
               Alam na alam ko naman na ganon ang style nila ni Perry sa babae eh. Pareho silang naniniwala sa kasabihan nilang; “IF YOU CAN MAKE A LADY LAUGH, YOU CAN WIN HER LOVE!”
               Kaya yung style ni Yosee na yun, hindi epektibo sa akin. Kaya yata nag-isip sila ng iba. Sila kako kasi, alam kong kakutsaba niya ang kapatid kong Perry. Unang araw ko ng pagtuturo sa Private High School sa bayan na sabi ko’y pansamantala lang habang hindi pa ako nabibigyan ng break sa Public School….ay, nakisuyo ako kay Perry na ihatid ako. May MIO kasi si Perry, regalo sa kaniya ni Papa noong mag-tapos ito ng High  School. Bigla siyang nagdahilan, magsi-CR lang daw kaya hinintay ko naman. Kaso paglabas niya ng CR, may LBM daw siya.
               Maya-maya’t dumating si Yosee dala ang kotse ng Papa niya. Halata sa ngiti ni Perry noon na planted ang pangyayaring yun. Sumakay na rin ako sa kotseng dala ni Yosee kahit na, hindi ako nagre-react noon sa mga pambobola niya.
               “Ang isang magandang dilag na kagaya mo, hindi dapat sa motor sumasakay….” Sabi pa niya noon pero hindi ako nag-react. Sinulyapan ko lang.
               “Mula ngayon, hatid sundo na kita….” Sabi pa niya noong bumaba na ako sa harap ng school at noong labasan ng hapon ay nandun na siya, nakatayo pasandal sa kotse at nakakaloka ang ngiti niya sa akin.
>> 
               Pinanindigan niya Kuya Bono na ihatid-sundo ako kahit noong busy na siya sa farm nila. Isa kasi siya sa mga nag-ooperate ng malalaking makina na pansaka, in short, sa sarili nilang farm niya ginamit ang pinag-aralan niya. Hindi siya nag-apply sa iba.
               Tuwing Sabado at Lingo, nasa bahay din siya kahit wala si Perry, ako ang ina-alaska. Hanggang sa napansin kong parang seryoso na siya pero dinadaan lang sa biro. Wala na ring babaeng nali-link sa kaniya noon, ayon sa mga kaibigan ko dito sa baryo….at ayon din mismo kay Perry.
               “Seryoso yun sa’yo. Alangan namang gagaguhin ka nun eh…tropa ko siya. Hiya na lang nun sa akin….” Ito pa ang sabi ni Perry sa akin noong minsang, tinanong ko kung wala na talagang babae si Yosee.
               At yun nga, sinagot ko na rin kahit na…may duda pa ako noon sa kaniya at hindi ko pa siya ganon kamahal.
>>> 
               Pero habang nagtatagal Kuya Bono ay unti-unti siyang napamahal sa akin. Nakasanayan ko ang kautuan niya,….kasi, sa kabila ng mga kalokohan niya Kuya Bono ay mabait siya, may isang salita at marespeto.
               Lagi niya akong hinahagkan pero sa pisngi o noo….at kung sa labi naman ay smack lang….at hindi ko namamalayan Kuya Bono na,…talagang mahal na mahal ko na siya. Yung tipong, siya na talaga ang gusto kong makasama sa habang-buhay.
PLAY>S8
DKB-9
               Noong kaga-graduate ko pa lang ng college ay kinukumbinsi na ako nina Alice at Gwen…mga pinsan ko na mag-call center din sa Maynila. Si Gwen, hindi nga college graduate eh, second year lang sa Nursing ang naabot niya.
               Noong kasal ni Ate Mayet na pinsan ko din, kapatid ni Alice ay umuwi sina Gwen at Alice kasi mga abay din sila kagaya ko, partner ko din noon si Yosee at, sakto pang SECOND anniversary namin noong ganapin ang seremonya ng kasal nina Ate Mayet at Kuya Kris sa simbahan.
               “Next year, tayo naman pakasal…” Narinig kong sabi ni Yosee noong kami ay nagma-martsa sa aisle ng simbahan. Hindi ko yun pinansin kasi, palabiro nga siya at baka biro lang niya yun…pero seryoso pala siya.
               Kinagabihan kasi, sa handaan ay inulit niya yun sa akin kaya ang tanong ko;
               “SERYOSO ka ba?”
               “Oo, bakit? Nasa tamang edad naman na tayo ah. 24 na tayo pareho….”
               “Masyadong maaga Yosee. Ganiyan dapat kina Ate Mayet,…27 siya…28 naman si Kuya Kris….”
               “Ayaw mo di huwag!” Ganito ang narinig kong sagot niya at bahagyang nakasimangot. Hindi ko na lang pinansin.
>>> 
               At dalawang taon na akong nakapila sa ranking Kuya Bono pero, wala pa ring good news. 2 years na rin akong nagtitiis sa kakarampot ng pasuweldo sa Private School sa bayan….at iyon ang dahilan kung bakit, nakumbinsi na ako ng tuluyan nina Alice at Gwen na mag-apply din sa Call Center kung saan sila nagta-trabaho.
               Ang alam ko Kuya Bono ay, hindi naman talaga ako materialistic na tao pero, nakakainggit din kasi talaga ang mga pinsan ko. Iba sila manamit, iba silang kumilos at magsalita since nag-call center sila,…tapos ang mga gamit nila, alahas, cellphone…mga mamahalin talaga.
               Ang reason ko talaga noon kung bakit ako umaayaw sa anyaya nila ay, ayoko mapuyat gabi-gabi. Kaya lang sabi  nila, nakakasanayan naman daw yun…at hindi naman sila dry Kuya Bono, fresh skin nga sila eh kasi bumabawi naman daw sila ng tulog sa araw.
               Nag-decide akong sumama sa kanila…pero noong magpaalam ako kay Yosee, matigas ang kaniyang PAGTUTOL…pero wala siyang nagawa kasi, katawan ko, sarili ko ang boss ko sabi ko pa sa kaniya…at lalo pa akong nagmatigas noong sabihin niyang; “Pag umalis ka, manliligaw ako sa iba!” At ang sagot ko;
               “Eh di manligaw ka!”
PLAY>S9
DKB-10
               Noong mga unang buwan ko sa Maynila Kuya Bono, lalo na noong training days ko pa lang….madalas kong maisip si Yosee. Liban din sa, napaka-kulet sa text at chat at pinapauwi ako…pero nagmamatigas ako, sabi ko hindi ako uuwi. Hindi na niya inulit yung banta niya na manliligaw sa iba.
               Sa totoo lang, umiyak siya noong paalis na kami papuntang Maynila at ang higpit ng hawak niya sa  kamay ko na parang bang, ayaw talaga akong paalisin.
>>> 
               Nasabay nga ako sa buhay KUWAGO Kuya Bono, gising sa gabi, tulog sa araw…at hindi ko namamalayang, tuluyan ko nang napabayaan si Yosee. Hindi kasi ako puwedeng magbabag sa chat o text sa gabi kapag nasa trabaho ako at sa araw naman, siyempre tulog ako maghapon….at sa pagdaan ng mga araw Kuya Bono ay, totally wala na. Kahit si Perry, hindi na rin nagkukuwento tungkol kay Yosee.
               Pero isang araw, 7 months na ako noon sa Maynila at chinat ko ang kapatid ko. Kinumusta ko si Yosee. Ang reply niya sa akin;
               “Ate…ang relasyon inaalagaan. Hindi yung kukumustahin mo lang kapag may time ka….” Hindi na ako nag-reply. Ramdam ko kasi na disappointed sa akin si Perry. Hinayaan ko na lang Kuya Bono at, sa totoo lang ay….hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon na mag-emote kasi,..mas pinili kong matulog kesa sa mag-isip ng kung ano-ano. Pero with all honesty, hindi ito ibig sabihin na….hindi ko na mahal si Yosee. Mahal ko siya pero, wala lang talaga akong time…AT magkaiba nga kasi ang FREE TIME namin. Gising siya sa oras na tulog ako and vice versa.
PLAY>S10
DKB-11
               Hanggang sa, napako na rin ako sa buhay call center Kuya Bono. Nakigaya na ako sa mga pinsan ko na naging materyosa at nahilig sa mga mamahaling items na…kadalasan ay pinapangutang lang naman pala. Kaliwat-kanang LOAN AND INSTALLMENT.
               Sumapit ang pasko, hindi ng kami nakauwi…ganon din noong sumapit ang HOLY WEEK, may pinili naming magpipinsan ang sumama sa Palawan.
               LIMANG ARAW ang bakasyon na yun sa El Nido Kuya Bono at noon ko nakilala si RICO, sa facebook.
               Napansin kong marami na pala siyang message sa akin dati pa. Nakita ko sa message request. That day sa El Nido ay kinonfirm ko na rin ang Friend Request  niya kahit napansin kong lilima ang pictures niya. Sabi niya, hindi daw siya mahilig sa camera. Sabi ko, bakit naman eh ang guwapo mo nga.
               “Mas gusto ko sa text at call kaya…puwede, pahingi ng  number mo?”
>>> 
               3 months lang siyang nanligaw sa text at call Kuya Bono, sinagot ko na si Rico. Gising pa siya kapag ala-una ng madaling araw na siyang BREAK TIME namin. Saka pa lang siya matutulog pagkatapos naming magusap.
               Sa umaga, alas nuwebe…naging pampatulog ko ang kanta niya. Naka-loud speaker lang ang phone ko, kumakanta siya at naggigitara. ISA YUNG TALENT NIYANG yun Kuya Bono, ang husay niyang maggitara at ganda ng boses niya pagkanta…na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya kahit hindi pa kami nagkita sa personal.
               Kapag matutulog na ako sa umaga,..tatawagan ko siya.
“Malko,HELE TIME NA”…Sabi ko. Siya ang nakaisip ng tawagan naming yun. MALKO..na shotcut ng MAHAL KO. At kapag tinawagan ko siya sa umaga at matutulog na ako, kahit anong ginagawa niya, ititigil niya at kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako.
PLAY>S11
DKB-12
               Kaya lang, natapos din ang relasyon namin ni RICO. Parang nagising na lang ako sa katotohanan na, nakikipaglokohan lang ako sa kaniya. Ilang beses ko na kasing inaya na mag-kita kami sa personal pero, puro palusot siya. Hanggang blinock ko na lang bigla sa PHONE pati sa Facebook.
               Nakakalungkot lang kasi, kinailangan kong magadjust noon sa nakasanayan ko nang HELE TIME ko sa umaga para makatulog. Pero, naka-move-on din ako…at OK na ako noong bago pa magsimula ang PANDEMIC.
               JUNE 2020 noong mag-announce ang company na, WALA MUNANG PAPASOK…pero may ilan na nabigyan ng unit para makapag-work from home. Kasama dun ang mga pinsan ko na talaga kasing magagaling na sa larangan ng call center.
               Ako, wala akong choice noon kundi umuwi muna dito sa amin….NOONG JUNE 8, 2020…..AT HINDI KO INAASAHAN KUYA BONO NA….muli pa lang mabubuhay ang pag-ibig ko para kay YOSEE.
               After 2 years na hindi kami nagkita,…I never expected na sa muling PAGTATAMA ng  paningin namin ay…may luhang papatak mula mga mata namin.
PLAY>S12
DKB-13
               Nangyari ang muli naming pagkikita ni Yosee noong kararating ko lang ng Malaybalay. Kababa ko lang ng tricycle noon mula sa bus stop, papunta sa TODA ng aming barangay, at yun nga…kabababa ko lang ng tricycle ay kaagad si Yosee ang nakita ko na noon ay naglalagay ng akung ano sa compartment ng kaniyang motor, may kasama siyang babaeng seksi at maputi na nakatingin din sa compartment ng motor. Kahit naka-face mask siya Kuya Bono ay kilalang-kilala ko siya, sa lahat ng anggulo. Noong isara ni Yosee ang compartment ay sa akin napunta ang paningin niya at doon ay…nagkatitigan kami.
               Nakita kong nagpunas siya ng luha. Kinausap siya ng babaeng kasama niya at ako’y sumakay na rin sa naka-parking na tricycle ng itinuro ng lalaki. Sa sulok ng mga mata ko’y nakita kong umalis na si Yosee kaangkas ang babaeng maganda….at noon ay tumulo na rin ang aking luha.
               Na-miss ko siya….at mahal ko pa. At hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa bahay namin kinagabihan pero, iba na siya. Hindi na siya yung maingay at masayahing Yosee na nakilala ko noon, kasi nung gabing yun ay seryoso siya.
               “Kumusta ka na?” ito ang una niyang tanong sa akin.
               “OK lang…..ikaw? Mukhang maganda yung kasama mo kanina ah…..”
               “Si Trisha. Hindi mo naman nakita ang buong mukha niya ah…..hindi siya maganda, hindi mo siya kasing ganda pero mabait siya…..”
               “Maputi naman saka seksi…..”
               “Ahm….Patrice, kaya ako nagpunta dito kasi….napagusapan ka namin ni Trisha kanina. Actually, nag-away kami…noong malaman niya na….HINDI PA TAYO OFFICIALLY BREAK…..at walang closure ang relasyon natin noon…..”
               “Tapos….”
               “Eh….” Natigilan siya sa pagsasalita. Tumitig siya sa mukha ko.
               “Ano, hihingi ka ng closure Yosee. Paano kung, hindi ko ibigay sayo ang closure na gusto mo?” Muli siyang napapatig sa mga mata ko.
               “Anong gagawin mo kung ayaw kong magbigay ng closure Yosee?”
               “Ano namang dahilan para hindi mo ibigay?”
               “Paano kung….gusto ko nang bumawi sa mga pagkukulang ko sayo Yosee…kasi mahal pa kita at mangangako ako na hindi ako aalis ulit…at handa na akong pakasalan ka….”
               “Ganon ba kadali yun para sayo Patrice?”
               “Valid naman siguro ang dahilan kung bakit kita napabayaan Yosee eh diba? Pinaunawa ko naman sayo yung naging trabaho ko…..”
               “Patrice dalawang taon na ang nakaraan mula noong balewalain mo ako. Nagmakaawa pa ako sayo noon na huwag ka nang umalis….”
               “Nagsorry naman ako sayo noon diba Yosee?...at sabi ko nga, babawi ako….hindi na ako aalis ulit, magpakasal tayo…..”
               “Oo, inaamin kong mahal pa rin kita Patrice pero…paano naman si Trisha? Naibigay na niya ang lahat sa akin. Mahal niya ako…mahal na mahal at hindi ako kagaya mo na handang iwanan ang mahal niya para sa iba…..”
               “Yosee, tao  lang tayo, nagkakamali sa mga desisyon natin….pero ang mahalaga handa tayong magsisi at bumawi….at babawi ako sayo…..”
               “Huli na Patrice. Nasubo na ako kay Trisha. Ikakasal na kami…..at kahit hindi mo ibigay sa akin ang closure na hinihingi ko….OK lang sa akin. Sige, aalis na ako….”
>> 
               Pagkasabi niya nun Kuya Bono ay tumayo na siya at walang lingon na tinungo ang gate namin…pero sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa mawala na siya paningin ko.
PLAY>S13
DKB-14
               Sa kagagahan ko Kuya Bono ay nagpatulong pa ako kay Perry. Gusto kong ma-win back si Yosee pero, sinupalpal lang din ako ng kapatid ko.
               “Umalis-alis ka pa kasi? Anong napala mo sa Maynila? Ni hindi ka nga nagpadala ng suweldo mo kahit minsan kina Mama ah, tapos ngayon uuwi-uwi ka at guguluhin mo si Yosee? Tanga ka? Pinabayaan mo tapos gusto mong balikan ka?!”
>>> 
               Nakakatakot ang Covid 19 Kuya Bono ay nagdulot din ito ng…distansiya sa bawat isa…pero makaraan ng ilang buwan at taon, ngayon ay OK naman na. Halos bumalik na tayo sa normal na buhay natin….pero yung sa amin ni Yosee,..hindi na nabalik. At kahit masakit ay tinanggap ko na lang. May imbitasyon pa ako noong kasal nila kahit na, bilang na bilang lang ang imbitado dahil….bawal pa noon ang mga pagdiriwang na dadaluhan ng maraming tao. Ginanap ang kasal sa FARM nila, parang Garden Wedding….pero nalaman ko lang ito kay Perry kasi, hindi naman ako nagpunta. Pinili kong huwag nang dumalo dahil baka…umiyak lang ako doon.
>>> 
               Hindi ko first time ma-brokenhearted Kuya Bono pero, dobleng hirap pala ang masawi sa panahon ng pandemya kasi, wala kang magagawa kundi magmukmok lang. Hindi ka puwedeng lumibot sa mga kaibigan mo para mabawasan mang lang sana ang kalungkutan mo.
>> 
               So I had no choice kundi ang magmukmok. Kain-tulog sa bahay ng ilang buwan at noong OK na ulit ang pandemic taong 2021 ay nag-open na ulit ang call center pero, hindi na ako pinayagan ni Papa na bumalik ng Maynila. Magturo na lang daw ako kahit sa Private School lang ulit pero, hindi na doon sa pinagturuan ko noon dahil nagalit sila sa akin na sa text lang ako nag-resign. Biglaan lang kasi ang pagalis ko noon.
               Nag-pa-ranking na lang ulit ako nag-apply sa ibang school pero dahil MODULAR ang klase ay hindi naman ako natanggap. In short naging tambay ako sa dito sa bahay sa mga sumunod pang buwan hanggang sa biglang may nag-text sa akin, bagong number.
               “Hi Patrice. Kumusta? Sana hindi ka na galit sa akin….” Ganito ang text niya.
               “Who are you?” reply ko.
               “This is me, RICO…at handa na akong magpakita sayo…..”
PLAY>S14
DKB-15
               Na-curious akong masyado kay RICO Kuya Bono dahil sa mga sunod-sunod na pag-amin niya. Una, kilala daw talaga niya ako noon pa…at taga dito lang din siya sa Malaybalay.
               “Sino ka ba talaga? Wala naman akong kilalang Rico?” Tanong ko pero ang sagot niya.
               “Magkita tayo bukas sa Kaamulan Park. Dun sa garden sa may FOLK ART THEATER…doon ako magpapakilala sayo….”
               “Michael, ikaw ba yan?” tanong ko pa pero ang sagot niya;
               “Basta, bukas….5PM, makikilala mo na ako…..”
               “Bakit ba may pasuspense ka pa kasi?” reply ko pero ang sagot niya;
               “Basta, tandaan mo Patrice, mahal na mahal kita….at sana kapag nakita mo na ako, please….ibalik mo yung dating pagmamahal mo sa akin…..”
               “Michael, ikaw nga yan noh?”
               “Basta, bukas Patrice dun sa garden ng folk art theater. May mga upuan doon….doon kita hihintayin…..”
>>> 
               Kinabukasan nga Kuya Bono ay sinakyan ko ang motor ng Kuya ko at mag-isa akong nagpunta sa Kaamulan Park at doon sa garden ng FOLK ART THEATER AY…wala namang tao. Medyo madami ang tao sa park pero doon ay wala. BAKANTE ang mga concrete bench doon.
               Gayunpaman ay umupo pa rin ako doon at nagsimula akong mag-text kay RICO pero hindi siya nagrereply at noong tawagan ko ay naka-OFF ang cellphone niya. Naka-data ako noon Kuya Bono kaya’t nag internet na lang ako kasi sabi ko, maghihintay ako kahit 10 minutes lang. Naglaro ako ng Tongits Go muna na siya kung kinaaadikan noon pero nabuset lang ako dahil sunod-sunod na talo at yung isang kalaban ko’y kaagad pang nagdo-draw kaya madalas ay nabe-burn ako.
               WALA PANG 10 minutes noong marinig ko ang tugtong ng gitara sa gawing LIKOD ko…at paglingon ko’y isang napakaguwapong BINATA ang tumutugtog ng gitara…at kaagad ay kinatahan ako…..kantang minsan na niyang kinanta sa akin noon PERO hindi niya kinanta bilang PANGHELE sa akin noong nasa Maynila pa ako.
               Pinanood ko siyang kumanta,…pero hindi niya tinapos dahil alam kong ramdam din niyang ang dami kong itatanong sa kaniya….pero noong tumigil siya sa pagkanta ay siya ang unang nagsalita.
               “RICO ang palayaw ko…at yung mga pictures sa facebook ko ay…PICTURE ng Kuya kong namatay. I’m sorry kung nagsinungaling ako sayo…PERO YUNG DAMDAMIN KO….YUNG MAHAL KITA…ay hindi kasinungalingan….Mula pa noong 4th year ako…palihim na kitang minahal…..at nagsimula iyong damdamin kong iyon noong utusan kami ni SIR MICHAEL na haranain ka sa classroom niyo…..”
               “Eh Jericho…..alam mo naman sigurong…..malaki ang agawat ng edad natin….”
               “4 year lang, hindi malaki yun and besides….IN LOVE, AGE DOEST MATTER…..”
               “OK,..pero nagulat talaga ako….”
               “I’m sorry…at pasensiya ka na kung…HINDI NA KITA TATAWAGIN NG MAAM HA….KASI, gusto ko na yung dati nating tawagan….Malko…puwede ba…balik tayo sa dati?”
PLAY>S15
DKB-16
               Sa ngayon Kuya Bono ay, going strong naman kami ni JERICO. 5 months pa lang mula noong magkabalikan kami pero,…ayoko nang humiwalay sa kaniya, ganon din siya actually. DEDMA na lang din ako sa age gap namin kasi, hindi naman masyadong halata. SO FAR ay wala pa namang nagkamaling sabihing mag-ATE kami or something.
               May appointment na rin ako Kuya Bono sa isang public school pero sa August 2022 pa ako magre-report. Si Rico ay nagta-trabaho sa BANKO pero, hindi siya nagkukulang ng oras sa akin. We see to it na nagkikita at nagkakasama kami araw-araw. OPEN NA SIYA DITO SA BAHAY AT GANON DIN AKO SA KANILA. Actually, gusto na nga ng parents niya na magpakasal na kami kasi atat na silang magkaapo.
               Only child na lalaki kasi si Jerico at panganay pa. Sabi ko naman, bigyan ko lang ng isang taon pa si Jerico…at kapag hindi nagbago eh di, papapasal na kami. Siya lang naman ang iniisip kong baka magbago pa kasi, bata pa nga….pero ako, natuto na ako…I WILL NO LONGER TAKE LOVE FOR GRANTED. Ibibigay ko ang lahat ng panahon at oras na kaya kong ibigay kay Jerico, siyempre ang akin ding love and honesty sa kaniya.
               Si Yosee, happy  naman. Di pa kami nakakapagusap pero nakikita ko siya lagi, madalas ay kasama niya ang buntis niyang asawa.
               Si Michael naman ay nasa Thailand, doon siya nagtuturo ng English. Nagkaka-chat kami,. Single pa siya pero….nakakapagduda siya ngayon kasi, parang lumambot siya at lagi ay mga guwapong lalaki ang kasama niya sa mga posts niya.
               Anyway, bago pa ako maging Marites ay tapusin ko muna ang aking kuwento Kuya Bono. Special SHOUT OUT na lang sa MALKO, HE IS one of your avid listener….lalo na sa SIT kasi, may gusto daw niya ang mga tema ng mga kuwento doon…at saka, maiiksi lang kasi…pero ako, I LOVE ALL YOUR CHANNELS AT LAHAT NG KUWENTO…NAPAKINGGAN KO NA….at sana, one day ay ito namang kuwento namin ang mapakinggan ko.
               Umaasa at nagpapasalamat,
               Patrice
Tumblr media
2 notes · View notes
reynanghugot · 1 year ago
Text
Friday [10062023] - Life Lately
Hindi ko alam paano ko sisimulan, pero tulad ng tanong ng iba, kumusta na nga din ba ko? I've been asking myself this question simula last week Monday habang nag fa-facilitate kami ng election for the incoming first year sa buong college namin since part ako ng committee ng organization namin. Pero ako mismo tuwing tinatanong nila ko, hindi ko masagot. Marahil alam ko sa sarili ko na hindi ako okay, pero sinasabi ko na okay ako para lang maputol na yung conversation (which is the typical me) which is alam ko sa sarili ko na mali iyon kasi one thing for sure, the more na madami ako dinadala sa puso at isip ko the more na alam ko sa sarili ko na di ako mag fa-function and also hindi talaga ako magiging okay.
Anw, to cut the story short, hindi talaga ako okay which we all know specially physically. Simula tumuntong yung October, yung anxiety ko ang lala. The more na dumadaan yung araw, the more na kinakabahan ako. Why? Kasi mid-October, bloodtest na ko uli and I really need to be 100% healthy to make sure na okay yung TSH ko para wala na kong full body scan by February 2023. I'm really really hoping na okay ang lahat paguwi ko from Batangas.
On the other hand, last month namatayan na kami which I've already mentioned sa previous life update ko and last Tuesday night yung kapatid naman ng lolo ko sa side ng mom ko ang namatay and frankly speaking nakadagdag pa yon sa anxiety ko kasi another cancer nanaman ang pumatay sa mahal ko sa buhay aside sa old age na. Alam mo yung pakiramdam na regardless how strong you are pero pag eto yung usapan, nanghihina ako kasi I'm so scared na bumalik din yung sakin kahit na sobrang alaga na ko from my maintenance hanggang sa health ko. Pero pinag pe-pray ko nalang din na sana maging okay pa din ang lahat after all. Masakit, nakakatakot, nakakaba kasi alam ko sa sarili ko gaano ka traydor 'tong sakit na ito pero wala na ko magagawa nasa dugo na talaga namin ata.
Pero ofcourse, despite of those na nabanggit ko sa itaas. I made a very good decision earlier today and successful ko naisend sa email yung resignation letter ko. Tanggap ko na, magaan sa loob, magaan sa puso. Baka di talaga ako para dito sa industriya na ito. Baka may mas maganda pang nakaabang para sa akin.
Hays, ayun lang! I have a lot of kwento in my head pero I don't think na okay sila ikwento dito kahit na naging online diary ko na 'to. Above all, pasalamat pa din ako palagi sa panibagong buhay araw-araw, matibay na support system, mapagmahal na pamilya at partner, at sa blessing na dumadating sakin araw-araw.
Hanggang sa muling life update na wala naman nagtatanong. Good night!
3 notes · View notes
sewinaa · 1 month ago
Text
Sana naman receive nako ng kapalitan ko para makauwi ako nang maaga at makakain na 🫠 ggrocery pa eh dami ko pa gagawin. Haha ano dba hays buhay nurse nga naman na laging kaendorse ay kupal sa oras.
6 notes · View notes
shewenthome · 2 years ago
Text
Time flies so fast, indeed
05.31.23 | 2:58AM
Listening to Baby your are by JAPS. Wala namang kinalaman sa kahit ano tong song nato pero naalala ko noon nung bata pako, pinapakinggan ko nato. Tapos bigla kong narealize na ang bilis ng panahon noh. Parang noon lang, lagi akong nasa party pilipinas. Twelve palang ako pero dami ko na napuntahan at nakilala. Dami na nangyari sa buhay ko. Sa simbahan, sa personal na buhay, sa school at sa mga kaibigan. Tagal nadin pala lumipas lahat ng yun. Namimiss ko lang right now. I miss my friends. Namimiss ko yung mga panahong special at mahalaga ako lol ang drama pero bakit nga bako nag susulat dito edi para mag drama kasi ito lang naman napag kkwentuhan ko ng mga drama ko since wala na ang ate. Dati kasi ramdam kong speciat at mahal na mahal ako sa lahat ng grupo na kinabibilangan ko. Halos lahat sila mangha sakin, for being that strong and independent. Dati mahalaga at nag mamatter ako sa mga tao sa paligid ko pero ganun pala talaga noh, as time goes by, lumiliit yung circle na kinabibilangan ko. Pili nalang mga kaibigan ko. Homies, SHS, and minsan Elem friends na si regine at ysa. Pero homies lang naman madalas kong kasama. The rest, wala na eh pano pa ngayon na minsan nalang kami nag kikita homies. Minsan isang beses nalang sa isang buwan kasi busy sila, lahat sila working. Ako nalang yung nag aaral. Tapos nawala kapa, ate reng. Mas lalong wala nang may favorite sakin. Wala nako makwentuhan ng mga bagay bagay tapos parang ang manhid ko pa this past year, kasi wala akong nararamdaman puro emptiness lang. Kaya nag try ako mag church. Pero parang naging bato yung puso ko. Hay Lord please make my heart a pure and clean heart like before, nung una kitang nakilala. Im lost. I don't know what's my purpose anymore. Feels like im just living not existing. Di ko na talaga alam.
2 notes · View notes
eynanye · 2 years ago
Text
random thought
hi. its 2023.
gusto ko lang mag-entry today kasi i can’t help but feel pressured and worried about school and life. this coming thursday would be our quiz 2 and prelim exam sa integ 2 tapos sa friday e title defense naman for our capstone. sa mga ganap na yon for school, hindi ako ready mentally and emotionally. like gusto ko na lang mag-collapse gurl pero wala akong choice alam mo yon. grabe hindi ko alam kung paano ko imamanage yung time ko this week since daming ganap :((( really really need to function this week para naman maging ready ako sa mga ganap na to. 
takot na takot talaga ako pag 2nd sem since grabe yung motivation and drive na need ko kasi daming ganap. dagdag mo pa na ojt rin aaack. hays mga desisyon kasi sa buhay e. pero ayon, claim ko naman na di ako babagsak sa kahit na anong subjs ko this sem and will do my best every single way. make time studying and resting. 
also, ma-share ko lang rin na may bagong laptop ako. wala need ko lang rin talaga since i’m so far from our home tapos sayang yung oras ko minsan sa school na imbes na nakakagawa ako ng ganap e nakatunganga lang ako since wala akong resources. kaya isa rin to sa motivation ko na ayusin talaga this sem since gurl binilhan ako ng laptop alam mo yon???? like kailangan makita nila na deserve ko to so i will really do my best.
nga pala, will just make an entry na lang whenever i like it. di ko na ipressure sarili ko na mag-entry dito every month for memories kasi di ako consistent. di ko talaga kaya gurl hahahahhaa. ayon lang. good luck to me.
2 notes · View notes
kimhortons · 2 years ago
Text
thursday, january 19.
umuulan na naman. hay. samantalang sa Manila daw ang araw araw. parang gusto ko nalang talaga umuwi at dun nalang mag apply. mas okay din mag walk in dun kasi syempre mas kabisado ko mga lugar. kahit online application kasi parang di naman napapansin, lalo na dito. kailangan mo talaga mag walk in, kaso nakakaumay naman yung maghapon na ulan.
parang uncomfortable narin kasi ako na maghapon lang akong nagseselpon lang dito. di nga din ako makapag luto kasi kahit pag luto ko parang babantayan. haha. magkaiba kasi kami ng way ng pag luto ni tita e. though okay naman sila, mababait naman mga kapatid at mama niya, kaso parang di ako makagalaw ng mas freely kapag wala si J dito huehue. ewan medyo awkward pa ako kahit close ko naman sila.
you’ll never know talaga unless you try noh? dati lagi ko sinasabi na okay naman sila, yes oo okay naman sila. pero hindi na kasi ako bisita dito, asawa na nga ni J ang tingin nila sakin haha. parang nung last time, na nag ooverthink ako, sabi ko kay J gusto ko na umuwi. nagsusuggest na siya ng kung ano anong ways para maging comfortable ako living here. like seryoso ba ako na gusto ko umuwi? ngayon lang din kasi siguro nag sink in sa akin, na parang pwede parin pala mabago yung desisyon ko. siguro kasi dahil nagkaron ako ng time to spend with closest friends at medyo naging okay naman kami ng tatay ko before leaving Manila.
nalulungkot talaga ako minsan kapag naaalala ko yung mga friends ko from there, na anytime sana pwede ko ulit makabonding. buti kasi sana kung Batangas lang ‘to o mas malapit. pero 12hrs away from Manila at ang mahal pa ng pamasahe. hay. i was just willing to sacrifice everything for him talaga lalo nung time na puro conflict talaga kami sa bahay, kaya i thought it’s for the best if i’d stay here nalang. kaso parang mali naman na ngayon. kaya siguro ilang beses din hindi natuloy as planned and ang daming offers sakin non, pinapalampas ko lang kasi nga ayaw ko i-take yung opportunity hanggang hindi ko nasusubukan yung initial na plano namin.
di ko pa ‘to sinasabi sakanya, pero for sure naman okay lang naman sakanya, suportado naman niya ako lagi sa mga desisyon ko. ang iniisip ko nalang, what if mag asawa na nga talaga kami, ayaw niya rin sa Manila, paano na, LDR parin kami? ganito nalang kami forever? i don’t know if it’ll work pa kung maging ganon.
sakto rin sa napakinggan kong episode sa Skypodcast. “i don’t want to go back home” paulit-ulit ko talaga ‘to pinapakinggan. since laking Maynila ako, na-excite din talaga ako sa provincial life, kasi bagong experience, peaceful at stress free talaga. but sabi nga nila it’s more like a personality thing. siguro like Kryz, my personality is more suited sa city life—yun na yung nakalakihan ko e. parang mas okay na pauwi uwi lang ako dito to relax and unwind kapag stress na ko sa buhay ko sa Manila, it’s better that way nga siguro. problema ko lang talaga pakikisama sa tatay at kapatid ko.
12 notes · View notes
benefits1986 · 9 days ago
Text
01
1: Maganda ba?
2: Solid. Kaso nakakatawa ka. Memorize lahat ng nasa PL.
1: Wowowee. Alam mo na ngayon what PL means? .5 points for Gryffindor... keeping up with the mejjj Gen Z, pero 'di bagay.
2: Enjoy na enjoy ka lang kaya nangaasar ka na naman.
1: O tapos?
2: So, ano 'to?
1: Anong tanong na naman 'yan?
2: Ano nga 'to?
1: Ikaw sumagot ng tanong mo para malinaw na malinaw.
2: Nagmamadali ka ba?
1: Ha? Hotdog. Ako pa tinatanong mo kung nagmamadali ako? Seryosong tanong ba 'yan?
2: Sinabi ko na nga sa'yo, gusto kita e.
1: Aligned. Pero sino ba ang nagmamadali sa mga bagay tulad ng meet the fam, chances of being pabigat because of aging millennial gaming, at iba pa? Sino? Ako ba?
2: Gusto mo ba talaga ako?
1: Sabi ko nga na aligned. Ano pang gusto mong sagot? 'Di ba ang linaw na nun?
2: 'Di nga?
1: PBB Teens Pro Max na naman ba takbo ng kwentuhang 'to? Anong petsa na?
2: O ayan. Nagmamadali ka ba talaga?
1: Still not bending the knee. No pressure pa rin at all. E ikaw?
2: Seryoso ako. May baggage ka, may baggage ako.
1: Punta ka baggage counter. Deposit mo. Tapos claim mo 'pag oks ka na.
2: Sabi mo nga 'di ba? Pagod ka na magalaga. Ayokong maging pabigat just in case, alam mo na.
1: Aywaaaawww. Sobrang advanced level ng gaming mo. Pabigat agad, naguusap pa lang tayo. Andun pa lang ako sa debrief ng kapanpanabik na ganaps kanina. Pero sige, gusto mo 'yang ruta na 'yan... eto ka. Lapag kung lapag na ako ng red flag 'di ba?
2: Oo.
1: Tapos, andyan ka pa rin? Baliw ka ba o bored? Or naghahanap ka ng sakit ng ulo, katawan, at kaluluwa?
2: Alam ko 'yun.
1: 'Yun naman pala e. Dalawa lang 'yan: bend the knee or yield.
2: Bakit kailangan 'yun lang options?
1: Matanda na tayo. Ayan ka. Eto ako. So, anong alignment mainam dito? Anong fearless forecast mo?
2: Andito tayo.
1: And so?
2: Abangan.
1: Linya ko 'yun. 'Wag kang gaya-gaya.
2: Independent ka. Independent ako. Parang ako, ikaw. 'Di na sa akin galing 'yan a.
1: O di ba? Baliw ka. Baliw ako. Deadly combo.
2: Old soul ka ba talaga?
1: Porke ganito itchura, hindi puwedeng maging old soul at old school? Fallacy.
2: May mga bagay na sobrang opposite natin.
1: E ano naman? Ayoko ng may kaparehas ako. Out of character ako 'pag ganun.
2: Sabi mo ayaw mo ng kids, pero iba ka around kids. Kitang-kita ko.
1: Next time, 'wag mo tignan. OA na naman e. Syempre, may exemptions ang rules. Lalo 'pag cutie babies at mga bound by blood and water babies ang classifications. 'Di ako heartless. Parang lang. EME.
2: Tapos sabi mo ayaw mo ng family pero grabe ka mag-alaga ng mga tao sa buhay mo.
1: May choice ba ako ha? May choice ba? Family is not chosen. It's a given.
2: Tapos lahat na lang, misogynist sa paningin mo.
1: Hindi naman lahat tulad ng pagpapahawak ko sa'yo ng phone ko 'pag punta ako sa CR. I don't usually do that. Paki note with thanks. Also, pinababayaan kitang buhatin ang sobrang bigat kong bag na 'di ko rin nia-allow 99% of the time. Plus, you are in my social space bilang safe space ka, so far. And... wait for it. Humihingi ako ng tulong sa'yo kahit ayoko talaga at all, because pride is lifest. Happy?
2: Ah, ganun ba? Parang utusan lang ako e.
1: 'Di ka lang sanay ng inuutusan. Gusto mo kasi ikaw sinusunod at pumapastol. Not on my watch.
2: Bend the knee or yield lang talaga?
1: Bilang bunso ka at panganay ako, it's super logical... sound na, valid pa. Palag.
2: Hay nako kasi. Bakit ganyan ka mag-isip?
1: Sabi mo nga, parang ikaw, ako. Kaya naman... abangan. Period. Unless wala ng 02?
2: Syempre meron.
1: Laban-laban ang peg. Iba. Sure ka? No pressure.
2: Hassle lang kasi sched mo.
1: Parang ikaw, hindi full sched a. Mas hassle nga iyo e. Kaya bahala ka diyang magplano paano. If you want to make this work, work etttt. Gawin mo lang approach is RPG para ma-GG. Also, salamat sa pag-sagot ng mga tanong na ayokong ako sumagot dahil ayoko mag assume. In fairness sa'yo. Hindi ako nagooverthink kasi ang lala mong magoverthink. Hahaha. GG.
0 notes