#galing ko gumawa ng bidyo
Explore tagged Tumblr posts
grupong-tulog-blog · 7 years ago
Video
youtube
Dapat natin malaman at maintindihan ang kahalagahan ng panukalang proyekto, kaya’t gumawa ako ng isang video para matandaan niyo at maintidihan pa ito lalo!
- Prince 8-)
0 notes
glisnethespadilla-blog · 5 years ago
Text
Blog #1: “Misedukasyon”
Inatasan kami ng aming guro na gumawa ng Blogs tungkol sa mga naging at magiging talakayin namin sa klase. At sa tatlong linggo kong pagpasok sa klase at sa tatlong araw kong nakilala ang asignaturang ito, masasabi kong sa kaunti pa lamang na kaalaman, ay namulat na ako tungkol sa maliit na parte ng katotohanan. Katotohanan tungkol sa bansa.
“Kalakip din nito’y pag ibig sa bayan, ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. Hanggang sa katawan ay mapasalibingan.” - Andres Bonifacio
Upang tunay na simulan ang blog na ito, aaminin ko na hindi talaga ako naging taga-hanga ng usapang politika maski ng asignaturang Filipino. Para sa akin, hindi ko naging interes ang dalawang bagay na ito. Bata pa lamang ako ay tumatak na sa aking isipan na madumi ang mundo ng mga taong politiko. Komplikado, magulo, at delikado ang mapasama sa usapang ito dahil rin sa aking mga napanood at nabasa noon. Pangalawa, maari ninyong isipin na ang taksil ng naging kaugaliang ito. Hindi ko nakahiligang sumulat sa Filipino o magbasa ng Filipino, puwera nalang kung kailangan o kapag maganda ang paksa. Pero, inisip ko kung bakit. Naisip ko, ang mali ko rin ay hindi ko rin sinubukang kilalanin.
Nang pagpasok sa PUP, napatunayan kong sobrang mali ako. Napaka-ignorante ng ganitong pagiisip.
Hindi madumi ang politika, ang madumi ay ang ginagawa ng tao. Sa simula’t sapul, tao naman talaga ang nagpapasimuno ng maraming karumaldumal sa mundo. Naisip ko ito nang ipanood sa amin ng aming guro ang isang bidyo tungkol sa edukasyong mayroon ang bansa. Ang pamagat ng pelikula ay “Misedukasyon”. Maikli lamang ito, ngunit napakahabang diskusyon ang kaya nitong idulot. Sa bidyo, tatlong salita ang ipinakita na ang tingin ko'y may malaking importansya. Kolonyal, Komersyalisado, at Elitista. Simulan natin sa salitang Kolonyal. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Bakit ito naisama sa edukasyon? Nabanggit ang isa sa mga nais ng mga Amerikano na magkaroon ang mga Pilipino ng positibong tingin sa kanila. Paano nga ba nila nakamit ito—walang iba kundi sa pamamagitan ng edukasyon. At hindi lamang iyon, paano nila naitatag ang kolonyalismo? Ito ay ang pagtuturo sa mga Pilipino ng kanilang wikang Ingles. Binigay ng mga Amerikano sa mga Pilipino kung ano ang ipinagkait ng mga Espanyol. Para sa karamihan ng Pilipino, malaking pasasalamat ito sa mga Amerikano. Dito ang naging simula ng katapusan. Nakamit ng mga dayuhan ang kanilang nais. Tuluyang nangibabaw ito kaysa sa ating sariling wika, kaya siguro maraming kabataan ang naging katulad ko dati. Ano ba ang wikang ginagamit palagi pag tayo’y pinagagawa ng mga quiz, assignments, o essay? Hindi ba Ingles? Hindi ko lubusang nakilala at kinilala ang Filipino dati, ngunit napakaganda ng wikang Filipino, lalong-lalo na ang baybayin. Sana nga, una palang sinanay na tayo gamitin ‘to.
Sunod ay Komersyalisado. Sa sobrang pagkomersiyo sa ating edukasyon, ang pag-aaral ay sumesentro na lamang sa kinikitang pera ng mga kapitalista.  Ang pagturing sa edukasyon bilang negosyo ay lalo lang naman nagsasanhi ng problema para sa mga kapwa kong estudyante. Gaya ng mga sinasabi ng apektado na napanood ko sa balita noon, hirap pa rin sila sa pagaaral dahil sobrang dami ng gastusin. Bukod sa tuition fee, pinoproblema din nila ang kanilang pagkain, dormitoryo, at araw-araw na gastusin. Hirap din ang iba na magkaroon ng iskolarsyip dahil pili lamang ang mga kurso na pinapayagan tulad na lamang ng mga kursong may kinalaman sa business kasi dito pinaka makikinabang ang mga kapitalista. Dito naman pumapasok ang ikatlo, ang Elitista. Natalakay din sa bidyo ang ibang eskuwelahan sa maynila tulad ng Ateneo de Manila, La Salle, Letran at iba pa. Dahil dito, nabanggit ng aming guro ang sumikat na pagsisiyasat tungkol sa mga estudyante ng aking paaralang pinapasukan. Sinasabi nito na isa sa mga pangunahing kinukuha ng mga taga-pagempleyo ay mga estudyanteng galing PUP, dahil sa kanilang partikular na karakter. “Dapat nga ba kayong matuwa?”, 'yan ang kanyang sinabi. Pinaliwanag niya ang kahulugan ng kaniyang tanong. Maayos nga naman na mataas ang ating employment rate kumpara sa mga galing sa Ateneo de Manila o UP, pero magkano ang sweldo? “Mas mataas ang employment rate kumpara sa Ateneo, eh 'di naman magtatrabaho mga 'yan. Sila may-ari ng mga kumpanya eh!” Oo, nakakatawa pero kung iisipin mo nang mabuti, ito’y nangayayari sa totoong buhay. 
Isa pa, maraming nabago ang pangyayaring ito. Maging sa mga produkto, musika, at syempre, sa edukasyon. Ayon sa isang babasahin—na talaga namang pasok sa mga nangyayari sa bansa—na ibinigay ng aming guro, tinalakay ang Neoliberalismong Edukasyon na mayroon ang Pilipinas. Sa madaling salita, sinabi rito na hindi magiging angkop ang edukasyon na mayroon tayo para sa ating bansa dahil ito'y nakahanay pa rin sa klase ng edukasyong mayroon sa Amerika. Paano nga ba uunlad ang Pilipinas kung ang mga ginagawa nito ay para pa rin sa interes ng ibang bansa? Tunay nga bang naging malaya ang Pilipinas?
Bago ko tapusin ang blog na ito, nabanggit din ni Sir Merdeka ang kahalagahan ng Research. Akala ko noong una, ang salitang iyan ay para lamang maghanap ng mga solusyon sa problema. Doon ako nagkamali. Aniya, “’Lagi ninyong tatandaan, ito'y para makagawa kayo ng bagong kaalaman.” Bagong kaalaman para sa bayan. Noong araw na iyon, masasabi kong nabago ang aking pananaw sa buhay. Marami akong natutunang bagong kaalaman na hindi ko aakalain ang importansya. Marami pa akong hindi alam at dapat malaman. Sa ngayon, paunti-unti kong nakikilala ang dalawang bagay na akala ko'y hinding-hindi ko kikilalanin. 
Malaki ang aking pasasalamat.
1 note · View note
lorraineriego · 5 years ago
Text
Misedukasyon: Laganap pa rin ba?
        “Ang mga problema ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap, ito ay mga gabay lamang.” Tunay pa bang ang mga problema ay gabay lamang patungo sa tagumpay o isa rin ito sa kadahilanan para hindi maabot ang pangarap ng isang indibidwal? Maraming kadahilanan kung bakit kailangan natin ng edukasyon sa ating buhay, para sa magandang kinabukasan, upang magkaroon ng magandang hanap-buhay, para matuto para matupad ang kanya-kanyang pangarap at maraming pang iba. Ngunit sa ngayon, epektibo pa rin ba ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas upang matamo natin ang tunay nating inaasam? Mulat na ba tayo sa tunay na nangyayaring “misedukasyon” sa ating bansa o tayo’y patuloy na nagbubulag-bulagan sa mga problemang pangedukasyon na paulit ulit nating hinaharap? Eto ang ilan sa mga katangian ng Edukasyon sa Pilipinas na maaaring makapagbigay ng kritikal na sagot sa mga tanong sa itaas.
        Ang pagkakaroon ng Kolonyal na kaisipan ang isang katangian na mayroon tayong mga Pilipino. Sinabi sa bidyo na noong dumating ang mga Amerikano nakita nila na may potensyal na hubugin ang mga kaisipan ng mga Pilipino. Ibinigay ng amerikano ang edukasyon sa Pilipino para itatak sa kaisipan natin na sila ang tunay na bayani ng bansa dahil tayo’y pinalaya nila sa kamay ng mga espanyol. Sa tingin ng mga Amerikano na mas epektibo gamitin ang oryentasyon maka-amerikano kaysa gumamit ng dahas sa pakikipaglaban. Para sa akin, hindi dapat tayo tanggap ng tanggap ng mga ipinakain satin ng kaisipang kolonyal dahil sa huli tayo rin ang madedehado. Madedehado sa kadahilanang nakadepende tayo sa kung ano ang ilalatag na kaalaman satin at hindi natin matatamo ang kaalaman sa sarili nating pananaw. Hindi ko rin naman masisisi ang paghihimutok ng ibang mga Pilipino dahil ang iba sa atin ay ginagawang amerikanisado ang ating bansa, mas tinatangkilik ang mga produktong kolonyal kaysa mga produktong lokal, mas pamliyar tayong mga Pilipino sa kasaysayan ng mga taga Kanluran mas binibigyang pansin ito kaysa kasaysayan sa sarili nating bansa, mas nagagamit ang wikang ingles bilang daluyan ng komunikasyon. May nakapagsabi sa akin na kaya lamang nila nais tanggalin ang asignaturang Filipino ay upang maging sunud-sunuran tayo sa mga amerikano at kahit kalian ay puwede nila tayong itapon sa Estados Unidos, at unti unti ko ng napagtatanto na marahil tama ang adhikaing ito dahil mas binibigyang pansin ang kaisipang kolonyal at tumuon sa pagka-amerikanisado ng ating bansa. Mula sa pagkakaroon ng kolonyal na edukasyon sumailalim naman tayo sa pagiging neo-kolonyal na kung saan ang naging layunin ay mapanatili ang control ng mga amerikano na upang mamalagi kinakailangan ng komersyalismo sa pagtamo ng edukasyon. Magmula elementarya hanggang sekondaryang pag-aaral, hindi tayo nagtuon sa mga agham panlipunan, agham at matematika. Ang mga libro ay mga “workbook” na nagtuturo sa mga estudyante kung paano maging sunud-sunuran lamang o ang tinatawag na pagiging “robotic” sa paaralan, na kailangan mo lamang tanggapin ng tanggapin lahat ng ituturo sayo at hindi ka puwedeng magsuhestiyon kung bakit ninyo ginagawa ang isang bagay. Para sa akin, laganap pa rin ang ganitong bagay lalo na sa mga pribadong paaralan na hindi puwedeng siraan o lagyan ng dungis ang pangalan ng kanilang organisasyon. Na ang mga mag-aaral ay nananatiling tikom ang mga bibig sa kadahilanang puwedeng makaapekto sa kanilang akademikong pag-aaral.
        Isa pang katangian ay ang pagiging komersyalisado ng edukasyon sa Pilipinas. Totoong ang kalidad ng edukasyon ay magastos. Kung pipiliin mong magkaroon ng maayos at kalidad na edukasyon dapat ikaw ay maging handa sa mga magugugol mong pera. Sa sobrang komersyalisado ng Sistema ng edukasyon sa Pilipinas, may mga estudyanteng nagtatrabaho para lamang matustusan ang kaniyang matrikula, para na rin makatulong sa magulang upang kaunti na lamang ang bayarin sa kanyang pag-aaral. Mayroon din naming mas pinipili na lamang ang magtrabaho kaysa mag-aral dahil sa pagtatrabaho nagkakaroon sila ng pera pantustos sa pang-araw araw nilang kailangan. Isa pang aspeto ng misedukasyon sa katangiang komersyalismo ay kapag mataas ang matrikula mas maraming Pilipino ang hindi makakapag-aral, mas maraming Pilipino ang hindi nabibigyan ng sapat ng edukasyon sa kadahilanang walang pambayad sa mga gastusin sa paaralanan. Dahil sa kahirapan ng pagkamit ng kalidad ng edukasyon ang iba ay nagreresulta sa pagkuha ng mga kursong “technical at vocational skills” na nababagay sa mga pagawaan at sa “economic processing zone.” Hindi ko sinasangayunan ang pagiging komersyalisado ng edukasyon dahil paano ang mga Pilipinong ninanais mag-aral at matuto datapwat walang panggasta sa kaniyang matrikula?
        At ang pang-huling katangian, ang Elitistang Edukasyon. Dito, mas inuuna ang mga mag-aaral na galing sa mga unibersidad na mayroong pangalan. Katulad na lamang ng UP at Ateneo. Mas madali kang makapasok sa trabaho kung ang eskwelahang pinasukan mo kilala. Kung hindi man, kinakailangan mong magkaroon ng masteral degree o techvoc. Tinitingnan ng mga kompanya kung saang kolehiyo ka galing. Kung sa tingin mo ay kaya mo o matalino ka, kaso hindi ka nabigyan ng magandang edukasyon o hindi kilala ang eskwelahang napasukan mo, hindi mo rin magagamit ang katalinuhang iyon. Kinakailangan mong magpakadalubhasa upang mas mapansin ang kakayahan mo sa isang bagay. Ngunit para sa akin hindi na dapat laganap ang ganiyang pagiisip sa ngayon dahil hindi ang mga eskwelahan o ang unibersidad na pinapasukan ang naglalarawan kung paano siya gumawa ng trabaho. Nasa indibidwal na mismo kung paano niya ipapakita ang mga natutunan niya sa paraalan kahit hindi siya galing sa malalaki at kilalang unibersidad.
        Sa ngayon, sa edukasyon ng makabagong lipunan masasabi kong naging mas maayos at mas napabuti ang Sistema ng edukasyon. Mas nalaman natin na ang mga natutunan sa loob ng silid ay hindi dapat napipirme at dapat mas nagkakaroon tayo ng interaksyon sa labas ng ating paaralan. Hindi na lamang ang mga matatanda o ang ating mga guro ang may kakayahang magbahagi ng kanilang kaalaman, dahil kahit tayong mga mag-aaral kaya na nating intindihin ang mga problemang hinaharap ng bansa at kaya rin nating bigyang solusyon ang bayan para sa unti unting pagbababgo ng sa gayo’y nakukuha ang tunay na pag-unlad ng Edukasyon. Tulong tulong ang mga estudyante, guro at administrasyon upang mapabuti pa lalo ang Edukasyon sa ating bayan.
1 note · View note
martpro2017-blog · 7 years ago
Text
DALAWANG PAA
           Ang pelikulang pinamagatang RENT ay binuo noong taong 2005 at ito ay isang
pelikulang tugtugin. Binuo ito ni Chris Columbus at kasama nya sina Jane Rosenthal, Mark
Radcliffe at Michael Barnathan. Matagumpay nilang nabuo ito na may temang paglalaganap ng
droga sa bansa at pang sekswal na anyo. Isa rin sa umiikot ang kwento ay ang pagpapalaganap
ng AIDS, hindi lamang binigyang kahulugan mismo ang temang pinakita. Isa itong pinaka
magandang halimbawa sa mga manunuod kung anong buhay ang meron sa pagsasama sama sa
iisang bahay lamang na merong mga sitwasyong nagaganap.
             Kung mapapansin natin na maraming mga eksena na makatotohanan, meron din naming
hindi. May mga eksenang napaka imposibleng mangyari at may possible ding mangyari. Dahil
dito natin makikita ang isang nakasanayan na pangyayari na nais natin na pwedeng gawin at
solusyonan kung sakaling magkaroon ng ganitong sitwasyon sa mga naninirahan sa bawat mag
kakasamang bahay. Sobrang ganda nan g aking napapanuod ngunit noong may napansin ako ay
meron isang negatibo akong nakita sa aking paningin at iyon ang tunog na hindi sabay sa
kanilang bibig. Yun lamang ang gusto kong sabihin, sana ay maging maayos pa ito. 
                         Pagdating naman sa mga artista na nagsipag ganap ay sobrang kahanga hanga dahil para
sa aking pananaw ay binigyan nila ng buhay ang mga linya na binigay sa kanila ng direktor o ang
gumawa ng pelikula na bibigyang buhay ng mga artista. Sumiklab ang mga damdamin ng mga artista sa
pamamagitan ng panloob na pag arte, ramdam ko na hindi sila sa panlabas ng pag arte ang hinuhugutan
nila ng pagdamdam sa bawat eksena. Lalo na’t kanta karamihan ang linya na kanilang binibigkas. Sa
aking palagay ay merong mga artista sa loob ng damdamin nila may mga pangyayari talagang naranasan
na nila kung kaya’t nahugutan na nila ang mga sitwasyon na dapat. Kailangan lang isaalang alang ang
tamang pagiisip sa bawat linya na gusto nilang tahakin. Napahanga nila ko dahil sa tuwing ako ay
umaarte ay may kanya kanyang pag bitaw o tono ng pananalita. Kailangan nating pag pag aralan ang
bawat linya nito. Sumakatuwid, ang kanila naman ay hindi lamang pasalit ang bawat linya na
binibitawan bagkos ito ay pakanta sinasabi ang bawat linya. Dalawang paa dahil lahat silang grupo ay tumatayo sa sarili nilang mga paa ngunit isa rin ang
sinisimbolo na may dalawang paa ang pumanaw kaya nalinawan ang iba.
                                  Sa aking napansin sa pelikulang aking napanuod ay kaayon ayon naman ang bidyo na
ipinalabas ngunit sa tunog na pinarinig sa aming napanuod ay maganda naman ang boses ngunit huli ito
sa pagbuka ng bibig ng kanilang gustong ipakita. Sa boses ng mga artista na nagsipag ganap ay sobrang
ganda ang pinakita ngunit ang yun nga ang katulad ng aking nabanggit kanina ay hindi akma sa pagbuka
ng bibig sa tunog na pinaparinig sa mga manunuod. Yun lamang ang aking napansin sa bidyo at tunog
na pinakita sa pelikula. Pag dating naman sa pagkuha ng mga bidyo gamit ang kamera ay sobrang
kahanga hanga sa mga manunuod. Ang sinematograpiya nito ay napaka ganda sa mata ng mga
manunuod datapwt kailangang isaalang alang ang mga ganitong teknikal. Alam kong may maiaayos pa
sa pag sasaayos sa mga ganitong pangyayari.
             Para sakin ay napaka galing ng gumawa nito. Harap o likod man ng pelikula ay
napaka husay. Ang pagkuha ng mga bidyo at tunog sa pelikula ay napaka husay. Sana ay
magkaroon ng pangalawang parte ang pelikulang ito. Laking pasasalamat ko sa gumawa nito
dahil kahit taga suporta lang ako ay laking tulong upang mapalawak ang aking kaisipan ukol
rito. Sana naman ay maging magandang halimbawa ang pelikulang ito sa gagawa pa ng
ibat iba pang pelikula. At sa pumanaw na kasamang gumawa, sana ay nasa itaas sya kasama ng
ating makapangyarihan.
    ����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������
1 note · View note
betamaax-blog1 · 5 years ago
Text
Pabili po. Ano iyon? Edukasyon nga po.
Tumblr media
Napanuod mo na ba ang pelikulang Misedukasyon? Kung hindi pa panoorin mo muna ito bago mo basahin ang aking sulatin. Hiling kong hindi mo pagsisihan ang pagsasantabi dito.
Hindi man maaksyon ang Misedukasyon tulad ng Avengers, maiintindihan mo naman kung paano naging robot ang mga Pilipino higit na ang mga nakapagtapos. Hindi rin ito palabas na may romansa o madamdaming istorya ngunit ipaparamdam nito sa iyo kung gaano kalungkot at nakakapanghinayang ang ilang dekadang walang mainit at maalab na pagmamahal ang mga Pilipino sa bansang Pilipinas.
Mayroong kikirot sa iyong puso at kaisipan pagkatapos ng palabas. Ito ay hindi dahil sa dalawang irog na pinaglayo ng kapalaran ngunit kung paano ang edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo ang naging daan upang mawalan tayo ng tiwala at pagmamahal sa ating bayan.
Isang nakatutuwang bahagi ng Miesdukasyon ang pumukaw sa aking interes. Ito ay isang ina na nagbigay ng panayam hinggil sa kahalagahan ng edukasyon para sa kanilang hindi nasa mataas na uri ng lipunan. Nais niyang makapagtapos ang kaniyang anak upang magkaroon ng magandang hanapbuhay at paninindigan sa kaniyang sarili.
Ikaw, minsan ba naitanong mo muna sa iyong sarili kung bakit mo pinag-aaralan ang nasa teksto ng libro o ang sinulat ng guro sa pisara? Naranasan mo na ba magtaka sa kahalagahan na pag-aralan ang mga Ingles na may-akda ng mga babasahin at ang Griyego o Romano na Pilosopo? Bakit mo nga kakabisaduhin ang mga pormula kung hindi mo naman ito gagamitin sa iyong pagtanda?
Sa pagitan mo na nag-aaral sa eskwelahan at sa isang ina na hangad na magkaroon ng paninindigan ang kaniyang anak, sino ang tunay na mataas ang uri? Sino ang nagpamalas ng mas mataas na kaisipan at konteksto?
Ang Misedukasyon ang malaking sampal sa ating mga Pilipino kung bakit mali at hindi katanggap-tanggap ang sistema ng ating edukasyon. Itinugma natin sa pangangailangan ng mundo at mga kapitalista ang isipan ng ating kabataan. Kung gayon, bakit pa natin sasabihing "kabataan ang pag-asa ng bayan"? Hindi ba napalitan na ito ng "kabataang Pilipino ang pag-asa ng ibang bayan"? Dahil hindi na interes ng Pilipinas ang nakatatak sa kanya kundi imahe na ng kanyang among bansa.
Sinabi ng guro ko sa elementarya na higit na mas maganda ang kalidad ng edukasyon ng kahit anong pampublikong institusyon at paaralan at nang mga panahong iyon hindi ako naniniwala.
Mayroon silang sariling libro at sulatin ibig sabihin mas matututo sila kaysa sa akin. Nasa erkon silang silid ibig sabihin mas kumportable silang mag-aral kaysa sa akin. Ngunit mali pala ang aking pananaw.
Dahil ako mismo nakaranas na magtaka sa asal ng karamihan sa mga estudyanteng galing sa elitistang paaralan.
Una, hindi sila sanay sa hirap. Kaya nang magtaas ng matrikula noong 2008, 2011 at 2016 ay walang magawa ang mga magulang kundi ipalipat ang kanilang mga anak sa pampublikong paaralan. Pangalawa, hirap silang magsalita ng Tagalog.
Sa paanong paraan gusto mong kausapin kita?
Umabot man ng 94 o 95 ang grado mo sa Ingles kung 80 o 81 naman ang grado mo sa Filipino, anong ikinaganda noon sa report card mo? Kung lilipat ka ba sa bansang Ingles ang pangunahing salita, saan ka dadalhin ng iyong maarte at slang na salita? Minsan nga pilit lang at Taglish pa. Nakakahiya. Umuwi ka sa bahay niyo at pag-aralan ang iyong Inang-wika.
Pangatlo, ang isip kolonyal ng mga Pilipino. Naging sakit natin na maging pamantayan kung ano ang kagandahan sa ibang bansa, ang usong kanta sa ibang bansa, ang teknolohiya sa ibang bansa. Tingin ng iba kung hindi ka nakailalim sa pamantayan ng mga bansang ito, nahuhuli ka na o wala kang alam sa mundo.
Ang aking kaklase muli sa elementarya ay biktima ng kolonyal na pagsakop sa ating mga kaisipan. Pinagdala kami ng kapote at bota dahil panahon na ng tag-ulan pero sinuot niya pa rin ang imported at mamahaling sapatos.
Ano sa tingin mo ang nangyayari sa taong ipinipilit ang hindi angkop para sa kanya?
Iyon tayong mga Pilipino.
Hindi natin mapalaya ang sarili sa mga limitasyon dahil nakatali pa rin tayo sa IMF-World Bank. Napipilitan tayong sundin ang kanilang pamantayan, batas at polisiya sa politika, ekonomiya, teknolohiya, kultura at edukasyon.
Sino ngayon ang mukhang tanga?
Naiwan na tayo ng makabagong panahon dahil nakaposas tayo sa kolonyalismo, komersalisasyon at elitistang katangian ng ating edukasyon.
Binibili natin ang sarili nating karapatan. At inuutang natin sa kanila ang pribilehiyo na dapat kaya nating ibigay sa ating mamamayan.
Kung mayroon lang reporma at tuluyang mababasura ang Batas Pambansa 232 o Education Act of 1982, hindi na isang bilihin ang edukasyon sa tindahan ng inyong kanto.
Ibasura natin ang Higher Modernization Act of 1997. Bakit ba humantong sa hawak na ng mga pribadong korporasyon ang ating mga Pambansang Unibersidad?
Sino ba nagsulong ng Executive Order 210 na gawing English ang kasangkapan sa pagtuturo mula sa unang baitang? Kilala mo ba kung sino ang Presidente ng Pilipinas noong 2003 nang mapirmahan at maipatupad ang batas na ito?
Gumawa ka ng bidyo at i-post mo sa Facebook at Youtube at sabihing ang “I am Sorry”.
Kung susuriin muli ang talaaralan o curriculum mula elementarya hanggang kolehiyo at ililihis ito sa kaisipang nasyonalismo, ilang Pilipino kaya ang babalik ang tiwala at kumpyansa sa ating bansa?
Kung isusulong natin ang "transformative education" na sinabi ni Principal Cordero sa palabas, ito kaya ang magsisilbing mitsa ng malawakang pagbabago na hiniling at pinangarap din ng mga nauna nang nilisan ang mundo?
Ipapanganak at mamamatay na lang ba tayo na ganito na lang? Na ganoon na lang?
Para sa akin, mahirap ang daan ng pagbabago dahil nandito na ang paglobo ng populasyon, globalisayon, malaking utang pinansyal, maging utang na loob sa mga dayuhan at pagkaubos ng ating likas yaman.
Ngunit kung ating pagsisikapang linangin ang kaisipan ng kabataan gamit ang tamang talaaralan ng edukasyon na nakabatay naman sa pangangailangan ng Pilipinas, imposible ba talaga? O takot sa pagbabago ang ating nararamdaman?
Sino ba kasi ang pinaka-takot sa reporma ng ating edukasyon?
Kaya natin kung maraming utak ang gagana at magtutulungan ngunit kung hahaluan ito ng pansariling interes at dayuhang pangingialam baka nga rebolusyon na tulad ng ideolohiya ni Karl Marx ang kailangan natin at hindi na reporma sa edukasyon.
Bakit ba binibili ni Juan Dela Cruz ang edukasyon kung ito ay kanya namang karapatan? Huwag natin isara ang ating sarili sa tunay na pag-unlad at pagbabago. Gamitin natin sa tama ang ating edukasyon .
0 notes