#gais ayoko na parang tapos na talaga ako
Explore tagged Tumblr posts
Text
RUGHRGHAGHR TANGINA kailangan ko pa gumawa ng assignment para lang makareview sa quiz bukas......... tas un pa ung assignment na iniiwasan ko 🥰🥰hehe.. 😃 (😭😭😭 PUTA GUSTO KO NA MATULOG)
#berry's shitposts#i wonder how i sound to my mutuals who don't know tagalog (90% of them lmao)#do i just sound stupid to y'all#anyways.#TAPOS MAY GROUP PROJECT PA KONG GAGAWIN BUKAS 🥰........#gais ayoko na parang tapos na talaga ako#antok na antok na#tas kaka-exam ko lang.............#pre di ko na alam kung ano gagawin ko sa buhay ko 😍
5 notes
·
View notes
Text
The Deal between Pia and Gene
Pagpasok pa lang nina Pia at Gene sa Starbucks na nasa baba ng condo ay napansin agad ni Pia na may babaeng napalingon sa kanila na malapit sa glass door at napangiti nang makita si Gene. Hindi naman iyon napansin ng kasama ni Pia dahil diretso sa menu agad ang atensiyon ni Gene.
"Anong order mo?"
"Java Chip na Tall at Donut," sagot ni Pia habang tumitingin ng mauupuan.
"May frappe ka na, may donut ka pa? Ayaw mong palitan ng sandwich?"
"Ayoko."
"Kaya pala ang taba mo."
Pia looks at Gene.
"Ayan... dahil sa mga ganyang komento kaya may mga babaeng nagpapakagutom para lang maging skinny kahit na hindi naman iyon ang body built nila."
"Man-hater ka ba?"
"Hindi pa. Pero dahil sa `yo, malapit na."
"Anong BMI mo?" seryosong tanong ni Gene.
Hindi makaimik si Pia. Base sa huling physical exam nila na taon-taong required ng kompanya nila ay alam niyang overweight na siya. Hindi lang iyon mahahalata dahil madalas na maluwang ang mga damit na sinusuot ni Pia.
"You're eating and drinking too much sugar. Kaya ko lang napuna."
"Fine. Huwag mo ng order-in iyong donut."
"Tapos? Kape lang ilalagay mo sa tiyan mo?" tanong ni Gene habang umuusad na sila sa pila.
Pagdating sa tapat ng cashier ay in-order naman ni Gene ang inumin na gusto ni Pia pero may dagdag iyon na chicken at pasta. Nagulat si Pia kasi inakala niyang kakainin ni Gene lahat iyon. Iyon pala, para rin sa kanya ang mga pagkaing in-order ni Gene. Hati na lang daw sila para kung sakaling hindi niya mauubos ay hindi naman sayang.
Alam ni Pia na ayaw nitong may nasasayang na pagkain. Si Gene ang madalas na tagaubos ng mga kinakain ni Pia noon na iniiwan na lang ni Pia kapag nagkakasabay silang kumain.
Pagkaupo nila sa sulok malapit sa bintana ay agad ng kumain si Pia.
May lalaking dumaan sa gilid nila at nakilala si Gene kaya kumaway ito habang tuloy-tuloy na naglalakad. Bilang pagbati ay tumango naman si Gene sabay sabi ng, "Uy, kumusta?"
"Okay lang, kita tayo sa gym mamaya!" sabi ng lalaki na hindi kilala ni Pia. But the face and body of that guy who just walked by is hard to ignore.
Napatingin rin si Pia sa magandang babae na humihgop ng kape habang nakatingin sa labas.
"Ang ganda niya," mahina niyang sabi na napuna ni Gene kaya sinundan nito ng tingin ang tinitingnan niya. Mukhang manika ang babaeng tinitingnan nila pareho pero saglit lang na lumingon si Gene at agad ng tumingin pabalik kay Pia.
"Hindi siya babae."
Napadiretso ng upo si Pia.
"Paano mo nalaman? May gaydar ka?"
"Ano iyon?"
"Gaydar. Gay radar. Parang internal detector kapag..."
"I get it."
"So, she's gay?"
Umiling ito habang sumusubo ng piraso ng manok.
"Trans?" hindi siguradong tanong ni Pia.
"Basta hindi siya babae."
"Paano mo nga nalaman?"
"Sa taas lang rin siya nakatira. Hindi mo ba siya nakikita?"
Hindi nakasagot si Pia.
"Hindi mo kilala sino mga kapitbahay natin, `no?"
Pasimpleng uminom si Pia ng Java Chip Frappe at tumingin sa malayo.
"Ayan. Tapos sasabihin mo sa `kin na gusto mo ulit makipagrelasyon. Akala ko ba ako ang insensitive sa `ting dalawa?" tanong ni Gene sa tonong alam na alam nitong natatalo siya sa usapan.
"Wala rin akong interes minsan sa ibang bagay lalo na sa mga kapitbahay."
Napailing ito at muling kumain.
"Wala ka na ba'ng dine-date?" tanong ni Pia.
"Wala na."
"Pero plano mo ulit? Iyong seryoso na?"
Napakunot-noo si Gene.
"Seryoso naman talaga akong makipag-date. Wait... inisip mo bang..."
"Wala akong sinasabi. Wala akong sinasabi," sabi ni Pia habang inaawat si Gene at pinanlalakihan ng mga mata at tinuturo ito.
"Pero naisip mo?" nakangiting tanong nito habang ngumunguya.
"Alin?"
"Na hindi ako seryoso?"
"Well... narinig ko lang naman iyon sa iba. But on my part, I'm not judging."
Sumandal ito at tinitigan siya. He even crossed his arms in front of his chest as if trying to intimidate her.
Kung noon nito ginawa iyon hindi naman siya mai-intimidate. Pero iba na kasi ang aura ng Gene na kaharap niya ngayon. Maybe sex and gym does offer confidence that fashionable clothes couldn't offer. Nakikita naman ni Pia ang pruweba.
"Iyong lalaking dumaan kanina. Sino iyon?"
"Si Henry? Ka-gym ko. Kapitbahay rin natin iyon."
"Ang weird na tinatawag mo silang kapitbahay, eh, nakatira lang naman tayong lahat sa condo."
"Ano'ng gusto mong itawag ko sa kanila?"
Napailing na lang nang mabilis si Pia at ibinalik ang usapan kay Henry.
"Iyong Henry, lalaki iyon?"
"Oo. Straight iyon," sagot ni Gene habang umaalis sa pagkakasandal sa silya at muling kumakain ng manok na in-order nito para sa kanila.
Nang tumusok ulit ito ng manok nagulat si Pia nang itapat ni Gene iyon sa kanya.
"O, nganga," mariing utos nito na para bang hindi siya hahayaang pumalag pa.
Kinuha ni Pia ang tinidor na hawak ni Gene saka sinubo ang piraso ng manok.
"In fairness, masarap," sabi ni Pia habang ngumunguya.
Kumain na rin si Gene ng pasta at napagplanuhan nga nila na sa mga susunod na buwan ay maghahanap sila ng matinong ka-date.
Either she recommends a friend or he will set her up to someone he knows.
"Ano `to? Blind Dating?" tanong ni Gene.
"Hindi naman. More on recommending? Ewan. Basta. Magtutulungan tayo!" sabi ni Pia.
"Is your body clock ticking? Ilang taon ka na nga ulit?" tanong ni Gene sa tonong nagtataka.
"Kaka-twenty-six ko lang no'ng niregaluhan mo ako!"
"So, twenty-seven ka na next month."
"So?"
"So, kaya ka biglang nagmamadali."
"Hindi rin. Kung wala akong mahahanap na matinong makakarelasyon, okay na akong tumandang dalaga. At siguro, gaya mo hindi rin ako iyong tipo ng babae na pinapakasalan."
"Kinokonsensiya mo ba ako?"
"Medyo."
"You're not that kind of woman."
"How did you know?"
"Actually, I don't. I'm just assuming you're into commitments."
"Actually, I'm not," panggagaya ni Pia sa tono nito. "I'm just trying my luck again. Saka ayoko kasi ng ginagawa mo."
"Alin? Iyong pagiging babaero ko?"
"Hindi. Iyong iniisip mo ng hindi ikaw iyong tipo ng lalaki na pinapakasalan. If you're going to stay single for the rest of your life then go and do that. Gawin mo iyon kasi doon ka masaya. Not because you think you're not worth marrying."
Tinitigan lang siya ni Gene. Halata niyang may gusto itong itanong. And Pia just waited for it.
"Kung ganyan ang tingin mo sa `kin, bakit hindi na lang tayong dalawa ang mag-date?"
"Do you like me?"
"Yeah."
"Sexually?"
Biglang hindi nakasagot si Gene kaya napangiti si Pia.
"Exactly. Kaya hindi tayo magde-date."
"Explain," sabi ni Gene habang napapabuntong-hininga.
"Alam mo naman na niloloko tayo sa opisina na bagay tayong dalawa, `di ba?"
"Oo, minsan sinasabi nga nila na dapat ligawan kita."
"Pero... hindi mo ginagawa kasi nga walang attraction. Physical man o sexual attraction. Ang nakikita lang nila aesthetic attraction."
"Ano iyon? May gano'n ba?" nagtatakang tanong ni Gene.
"Meron. Iyon iyong nararamdaman natin minsan kapag may artista, o kaya gaya ng napuna ko kanina na magandang babae, na hindi pala babae. We were attracted but not to the point that we desire to be held or hold that person we are attracted to. Gets mo na?"
"Ahh... parang love team lang tayo para sa iba," sabi nito habang natatawa. "Alam mo kapag may nakarinig sa `tin baka sabihin mayabang tayo."
"Eh, sa iyon naman talaga ang tingin ng mga tao sa `tin, eh."
"Okay. So, you never find me attractive and you're going to let me meet some of your friends. Tapos ano? Tatanungin mo ba ako kung anong tipo ko?"
She dismissed his question with a hand gesture.
"Nakalimutan mo na ba iyong sinabi ni Vitamins?"
Saglit itong natigilan at natawa.
"You still call her that?" natatawang tanong ni Gene. "Stop that. Naka-move on na ako."
"Fine. `Di ba sabi ni Celine wala namang makakapagsabi sino talaga ang magugustuhan ng isang tao? So, let's just go with our instincts and go for it."
"Okay, sabi mo, eh."
"Now, give me Henry's number. O kaya... i-enroll mo ako sa gym n'yo."
"Bakit pakiramdam ko lugi ako?"
"Pakiramdam mo lang iyon."
2 notes
·
View notes
Text
Tangina ayoko ng vc kasi may anxiety ako pero?????? WERE EVEN ON VC WHILE PLAYING VALO????? I didnt even try this with my ex so wtf????
Tas alam nyo ba parang gagooooo kasi diba naka phone sya pag vc, ako kasi naka webcam, so nasa gilid yung phone nya alam ko pag dun sya sakin naka tingin, TANGINA PAG SUMUSULYAP SYA NAPAPA SMILE SYA TAS MINSAN HALATA PANG PINIPIGILAN 😭😭😭 MAMA HELP 😭 BAKIT SYA MUKHANG KINIKILIGGG gagooo i know the difference between a genuine smile and not 😭
And after namin maglaro ng 3am nag work pa kamiii tas call ulit HAHAHAH she was watching me 😭 im pretending kasi na im not looking or may ginagawa ako sa ibang screen, tapos napapa smile sya tapos nung nag pout ako napa-pout din sya so it means dun sya sa cam namin nakatingin HAHAHAH 😭 ayoko naaaaaaa.
Noon kinikilibutan ako sa mga girl to girl and i couldn’t understand pero attracted na rin ako before sa mga masc lesbian bago ko sya nakilala. I just never thought na aabot sa ganto para syang gay awakening ko HAHAHAH tangina she is 100% better than men 😭 naniniwala na ko sa sinasabi nila na girl hits different talaga, like legit. Maybe because were both girls, she knows what i want. Also ako, im learning how to be softer and sweeter cos i know nga that shes a girl and sensitive.
Hindi ko sya jowa. Fling lang usapan namin but shes a walking green flag, she’s the “lets talk about our problem and fix it” type while my ex is “lets sleep i dont want to talk our problem”. So basically i realized that me and my ex were really meant to fail since the beginning.
Plus, WE VIBEEE. lahat ng gusto ko gusto nyaaaa 😭 sabi nga namin it feels like were dating ourselves kasi lahat same kami 😭
Sabi ko nung nag inuman kami straight af ako tite gusto ko kaya kabado sila samin ni JM kasi nagka tension kami HAHA. Girl, nilamon ko ata sinabi ko non. Im dating a pussy 😭 HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Sabi pa nga nung isang friend ko sa work, hindi daw ba sila na off kay T kasi parang naapakan pride nung boys. Hindi ako nagyayabang, crush talaga ako ng lahat HAHAHA puta ang yabang pakinggan pero maniwala kayo, dalawang lead ko pati mga ka work kong lalaki pati sina Jm umamin sakin and alam nila yon alam din ni Mika and nila Stern. Nung nag inuman kami ako yung spotlight kasi lahat ng boys ako yung trip 😭 tapos ayon baka nga daw naapakan pride nila dahil kay T kasi tinalo ng babae 😭 Eh si T pa naman ang sinagot sa kanila “nice try” PUTAAA HAHAHAHAHHA
Kaya naka move on ako agad sa ex ko kasi alam ko ang daming may gusto sakin ang daming gustong itrato ako ng maayos yung di ko kailangan mag makaawa. Ganda ganda ko e tangina nyo ba hahahahah.
1 note
·
View note
Text
S00 E03: About Me – Me in the Community
The views and opinions expressed by the author do not reflect that of the website and its management. Furthermore, the views and opinions expressed by the people involved do not reflect that of the author, the blog, and the website. Also, the following scenes and languages may not be suitable for very young readers. Reader discretion is highly recommended.
Kumustasa kalabasa mga bayuta, mga sibulibams, mga paminta, mga tranibels, mga kaalyado sa pananampalataya, at mga kasama sa alter world! Akala niyo ba ay tapos na ang aking introduction? Nagkakamali kayong lahat dahil marami pa akong talak. Medyo mahaba-haba rin itong aking introduction para naman kapag nagsimula na ang main course ay wala ng mga gap.
So kung noong isang araw ay nakilala niyo ako bilang isang kaibigan, bilang isang kaeskuwela, at bilang isang katrabaho ay sa huling bahagi ng aking introduction ay ikukuwento ko naman sa inyo kung ano ako sa community na aking kinabibilangan. Handa na ba kayong makinig sa aking walang kuwentang chika? Tara, chikahan na tayo ulit.
Me in the LGBTQ Community
Bata pa lang ako ay nakikitaan ko nang hindi ako kagaya ng mga kalaro at mga kaibigan ko. Kahit na naranasan ko namang makipaglaro ng langit lupa, bangsak, tagu-taguan, agawan base, at mga larong alam kong makakasabay ako ay mas nahilig akong maglaro ng lutu-lutuan, mag-ipon ng mga slambook. Noon ay mas marami akong mga kaibigang babae at ilang akogn makihalubilo sa mga kaklase kong lalaki lalo na sa nagiging crush ng marami. Hanggang sa isang araw ay napagtanto ko na lang na gusto ko ng kapwa ko at ayoko sa babae. Sinubukan ko namang labanan yung nararamdaman ko at ibinaling iyon sa pakikipagkaibigan sa mga babae pero hindi ko maitagong gusto ko talaga ng mga guys. Kaya naman inalam ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Noong una, gustung-gusto ko yung mga kaklase kong straight guys na matangkad na chinito at mabango. May ilan pa nga sa kanila ang iniyakan ko. Hanggang nitong nakatapos na lang ako ng pag-aaral at nagsimulang magtrabaho at iba na ang naramdaman ko. Ngayon ay mas gusto ko sa mga bisexual at gays.
Noong mas nakilala ko pa ang sarili ko at ang gusto ko ay nasama ako sa mga taong kagaya ko, mga gay man. Nakakatuwa kasi hindi ko kailangang magpanggap sa isang bagay na hindi naman talaga ako. Kaya mas nakagalaw ako ng maayos at mas nagkaroon ako ng pagkakataon para mas mahalin at ienjoy kung ano ako. Hanggang sa sumasama na rin ako sa mga events na may kasamang mga rainbow members, at nitong bago magpandemic lang ay nakasama na rin ako sa pride march. Masayang masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na ipakita sa mundo kung ano talaga ako and I am so proud.
Ako yung kasama mo sa community na walang pinipili sa kakaibiganin. Kahit galing ka pa sa ibang lupalop ng community ay welcome na welcome ka sa buhay ko para maging kaibigan ka. Huwag ka lang makikipagplastikan dahil ayaw ko sa mga taong ganoon ang ugali. Mas maiging sabihin mo na sa aking hindi mo ako gusto para alam ko kung hanggang saan lang ako puwede. Ako yung kasama mo sa community na kahit ano pa ang sexual orientation, gender identity and expression mo ay titignan kita bilang ikaw at hindi kung ano ka sa mata ng ibang tao. Kasi deserve mo yung itrato ng tama at irespeto sa kung ano ka at kung saan ka masaya para sa sarili mo.
Ako yung kasama mo sa community na laging makiki-love wins sayo kapag may bago kang jowabells at kapag monthsary at anniversary niyo. Masaya ako kapag masaya ka sa lovelife mo kasi deserve mo ang pagmamahal na sa tingin mo ay deserve mong makuha. Entitled ka doon, kahit ano ka pa. Ako yung kasama mo sa community na kayang irespeto yung opinyon mo at hindi makikipagtalo kung magkaiba tayo ng opinion. Paano mo ako rerespetuhin kung ikaw ay hindi ko kayang irespeto? Ako yung kasama mong hindi man master ang scope ng sexual orientation, gender identity and expression ay kaya ko namang itrato ka na kapantay ko at kapantay ng lahat dahil tao ka at deserve mong itrato rin ng tama ng lahat.
Me in the Alter Community
Noong mga panahong pakiramdam ko ay walang nakikinig sa akin ay sinubukan kong ilayo ang sarili ko sa mga tao, mapakaibigan man o hindi dahil dumating ako sa punto na kahit anong kabaitan at respeto ang ipakita ko sa iba ay wala akong puwang sa lipunang ginagalawan ko. Lalo na sa kinilala kong pamilya na ni minsan ay hindi man lang nakinig at sumuporta sa mga plano ko sa buhay. Kasama na rin ang lipunang ginalawan ko na akala ko ay mauunawaan ako. Kaya naman noong pumasok ako sa mundo ng alter noong high school ako ay akala ko ay mag-isa lang ako. Gumawa ako ng account sa Facebook at Twitter na tanging ako lang ang nandoon para mailalabas ko lahat ng sasabihin ko. Kasama na lahat ng mga sama ng loob, hinanakit at galit ko. Hanggang sa inabot lang din ako ng lungkot kaya iniwan ko rin ang mundong naging labasan ko ng mga salitang hindi ko masabi dahil alam kong sa halip na maunawaan lang ako ay lalo akong mamaliitin.
Nitong kamakailan lang ay bumalik ako sa alter community hindi para maglabas ulit ng sama ng loob pero para maghanap ng mga kagaya kong may halos kaparehas na karanasan, at may halos kaparehas na dahilan kung bakit pumasok sa mundo ng alter. Pagkabalik ko ay marami ng nagbago. Hindi na ito yung dating alter community na naabutan ko. Ngayon ay marami na silang rason kung bakit sila nandito. Yung iba ay dahil sa sexual orientation, gender identity and expression nila na hindi nila mailabas sa sa pamilya nila kaya sila nandito, yung iba naman ay dahil sa gusto lang nilang makahanap ng kausap habang ang iba naman ay naghahanap lang puwedeng gawin habang nagpapalipas oras. Sa sobrang daming nagbago sa community ay may mga nagbago na rin sa akin, mula sa pananaw, pakikipagusap, at paraan para makahanap ng mga kaibigan. Masuwerte lang siguro ako dahil sa laki ng alter community ay nakahanap ako ng circle na tumanggap sa akin.
Kaya ngayon, ako yung mala-mother figure na sa mga kaibigan kong nasa alter community. Ako yung napakasupportive kapag may bagong jowa ang mga anak-anakan ko sa alter. Sobrang masaya rin ako kapag nakikita ko yung mga anak-anakan kong may mga achievement sa buhay, malaki man o maliit. Ako yung kasama mo sa community na kaya kong itago ang sikreto mo bilang isang alter. Hindi kita huhusgahan kung bakit ka nandito. Kung gusto mo lang maglabas ng sama ng loob dito dahil hindi mo masabi sa totoong mundo dahil natatakot ka na mahusgahan at diktahan ng mga kamag-anak mo, go lang. Handa akong makinig. Ako yung kasama mo sa community na hahayaan kang magpost ng mga pictures ng titi mo, magpost ng jakol at kantot videos mo as long as kaya mong protektahan ang sarili mo. Naniniwala kasi ako na kahit sex at porn videos lang ang hanap mo rito ay valid reason iyan kung bakit ka nandito sa alter.
Ako yung kasama mo sa community na hindi ka ikakahiya kahit nakita ko na ang lahat sayo. Kung kailangan mo ng kaibigan, kapatid, at taong makukuhanan mo ng lakas ng loob to be motivated, nandito lang ako. Huwag lang akong tirahin patalikod dahil sinisigurado kong hindi ka matutuwa sa susunod na gagawin ko sayo. Mabait ako sa mga kaibigan ko rito sa alter community at pamilya ang turing ko sa kanila. Kaya nga kahit may mga naging crush ako rito sa community ay mas pinili kong maging kaibigan na lang sila dahil alam kong may plano silang nakaplot na para sa sarili nila. Hindi man ngayon, pero para sa hinaharap. Kaya nandito ako bilang isang kaibigan, kapatid, stage mom, at fairy god mother para sa mga kapatid nating nandito sa alter community. Tago man sila, tao rin sila na may damdamin at dapat tratuhin ng tama.
Me in the PLHIV Community
Simula nang napasok ko ang PHLIV community ay ang dami kong natutunan sa pagkakaiba ng HIV and AIDS, at ang dami kong nakilalang mga tao na kahit na mayroon silang HIV ay patuloy pa rin silang lumalaban at nagpapakatatag. Kagaya nga ng nababasa ko noon sa mga posters na nakikita ko sa mga social hygiene clinics and rural health centers na napupuntahan ko na ‘it should be treated as a medical condition and not a judgment’ ay alam kong dapat natin silang tignan at itrato na kagaya lang din ng isang normal na tao dahil naniniwala akong hindi naman kabawasan ng kanilang pagkatao ang pagkakaroon nila ng HIV.
Ako yung kasama mo sa community na hindi ka magsasamantalahan dahil lang sa guwapo ka o maganda ang pangangatawan mo. Hindi ako yung aasikasuhin ka dahil alam kong mapapakinabangan kita in the long run. Malibog ako pero hindi naman halang ang kaluluwa kong makipaglandian lalo na kung client kita. Ako yung kasama mo sa community na hindi man ako kasing galing ng mga kilalang mga advocates sa mga kilalang non-government organization ay alam kong kaya kong gamitin ang experience ko para makisama at ituring kang kapantay ng mga walang HIV. Pare-parehas lang naman tayong kumakain ng kanin kaya hindi ko kailangang magbuhat ng bangko para lang mas maraming mapalapit sa akin sa community.
Ako yung kasama mo sa community na puwede mong ituring na kuya, ate, momshie, o mamang kapag wala nang tumuturing sayong kapamilya. Wala akong pakialam kung may iba ka pang comorbidities basta alam kong hindi ka nagpapabaya sa sarili mo ay susuportahan kita na parang kapamilya. Ako yung kasama mo sa community na hinding-hindi ipaparamdam sayo ang pagiging out of place dahil naranasan ko iyon at ang pangit ng ganoong experience. Puwede mo akong lapitan at kausapin kapag wala kang malapitan para pagsabihan ng problema mo, ng nararamdaman mo, at ng kalungkutan mo. Hindi kita huhusgahan kung bakit ka nagkaroon ng HIV. Safe ang status mo sa akin.
Ako yung kasama mo sa community na super supportive sa lahat ng mga plano at mga bagay na gusto mong gawin sa buhay basta hindi mo pinapabayaan yung sarili mo, at hindi ka nagmimintis sa gamutan mo. Tandaan mong kailangan compliant at adherent ka sa gamot kasi iyan ang kailangan mo para tuluy-tuloy ang pagiging undetectable mo. Hindi man ako mabetan sa una dahil hindi naman ako kagandahan para maging ka-close at maging kaibigan, asahan mong kung walang-wala ka nang malapitan, I’m here.
Ngayon, may idea ka na kung anong klaseng tao ako sa community, bukod sa kung ano ako sa famly at sa mga kakilala ko. Sana maging daan ito para magkaroon ako ng maraming kaibigan na puwede kong makasama sa aking mahaba pang biyahe na puno ng tuwa, lungkot, kaba, at kung anu-ano pa. Hanggang dito na lang muna ang aking kuwento tungkol sa kung ano sa mga nakapaligid sa akin. Sa aking susunod na kuwento ay ibabahagi ko naman sa inyo ang aking pagkabata at kung ano ang naging ambag nito sa aking pagkatao ngayon.
May tanong ka rin ba sa akin tungkol sa kuwento ko ngayon? Huwag ka nang mahiyang magtanong at sasagutin ko iyan. Tanong ka na sa aking AskFM o sa aking CuriousCat. Hihintayin ko ang mga tanong mo. Hanggang sa susunod nating chikahan at bakstaban.
0 notes
Text
movie/series date with Yuji
Day 1. March 17, 2020.
Matagal ko na talaga ‘to balak panoorin. I’m not sure lang kung kasama siya sa entry before sa MMFF, or as in pinalabas lang siya? Di ko alam eh pero mas sigurado ako dun sa former part. Anyway, bigla ‘to nag boom netong quarantine week. Si Kip Oebanda kasi, yung director, inupload yung full film sa youtube for free. Ginagawa lang daw niya yung part niya HAHA :( Inaya ko si Yuji manood niyan kasi maganda rin daw talaga ‘yan eh.
From the poster itself, obviously, it’s about the life of law students. Bali ayan,4 sila na magkakaibigan. Si Torran (Rocco Nacino) na may weird ass name. Kung i-oobserve mo pangalan niya, mukhang name ng isang character sa DOTA or LOL eh. Cool siya tapos may photographic memory din, sabi sa film ha. Tapos sobrang supportive ng pamilya ‘nya, nakakatawa pa. Si Erik (Carlo Aquino) naman, maayos lang yung buhay nila. Pero kami ni Yuji naaawa sakanya. Sakto nga lang kasi yung pamumuhay nila, kumbaga sa kanilang magkakaibigan, siya talaga yung may pinaka need ng financial help. Yung tatay niya kasi, security guard lang eh. Pero natataguyod naman. Sabi ni Yuji, magka-vibe daw si Carlo tsaka yung kuya niya hahaha. Si Chris (Enzo Pineda), eto parang resident dude pare chong bro. Sa magkakaibigan, siya yung parang nag pre-law sa ADMU eh. HAHAHA putangina. Conyo as fuck. Siya pinakamayaman. Mayaman yet matalino at the same time. Lawyer din tatay niya, pero yung tatay niya na ‘yun, kupal eh. Ayoko sa tatay niya. Lastly, si Josh (Kean Cipriano). Sabi niya, ayaw naman daw talaga niya sa law. Parang di raw niya nakikita sarili niya dun. Kaya parang mas nag pursue siya sa acting/modeling career niya. Silang apat yung magkakaibigan.
Maganda yung intro nung film. Yung opening ba, kumbaga. Kasi parang ang entrance nung film, yung naglalog in ka sa computer shop. Diba sa mineski ganun, dapat may sarili kang account. Hahaha astig nga nung opening eh. Parehas namin nagustuhan ni Yuji yung intro. Pero ayun nga, kung tatanungin mo ako sa plot, ang masasabi ko lang is umiikot ang kwento sa buhay ng mga estudyante sa law school. Kung ano yung hirap at sakripisyo nung mga estudyante and at the same time nung nagpapaaral sakanila. Sa law school, lagot ka talaga kapag hindi ka nagbasa sa readings. Nalula nga kami ni Yuji kasi may scene dun na yung isang readings sakanila, super kapal. As in isang libro ata ‘yun putangina awit HAHAHA :( tapos makikita mo rin dun yung sacrifice ng isang top A student tas papapiliin ka kung mas gusto mo ba na mamaintain yung 1.00 na grade mo pero may babagsak tas kasama dun tropa mo, or piliin yung 1.25 na grade na makaka-apekto sa academic performance mo. Mga ganun ba HAHAHA. Tapos yung pressure na binibigay ng parents. Na you have to be like this or that. Meron din naman yung makikita mo talaga kung gaano kahirap yung sacrifice na binibigay ng isang magulang para makapag-tapos ang anak. Sobrang lungkot lang talaga nung nangyari sa tatay ni Erik eh. :( Hahahaha isa siguro sa pinaka memorable na part sakin dito yung ano, Erik tried to hit up on their gay prof. Bagsak kasi si Erik sa sub na ‘yun, I mean kaunti na lang tas pasado na siya. Hahahaha ‘tas sabi ni Chris and Torran, chupain daw or makipagsex daw dun sa prof baka raw i-adjust grade. Eh pagdating naman ni Erik dun sa office nung prof di ‘yun ang nangyari. Kasi may principle daw siya na pinanghahawakan, pwede naman daw pag naka graduate na si Erik :( Naawa nga rin pala kami ni Yuji nung hindi natanggap si Josh sa law school tapos yung tatlo nakapasa. Syempre kahit naman sabihin mo na okay lang na bumagsak ka, sa loob loob mo masakit din yun. Anyway, sa law school nga din pala, di talaga maiiwasan ang hazing. Nandito rin sa film na ‘to si Vance Larena. Siya yung head nung fraternity na naghahazing. Bagay sakanya mga ganung role. Parang yung mukha niya, pang gago na talaga eh. Siguro dapat sa susunod ibang role naman yung kunin nya, yung hindi gago gago para ma-challenge diversity niya when it comes to acting. Para di sya nakikilala sa isang bagay labg. Ewan that’s just me HAHAHA. Need talaga na sumali ka na ng fraternity minsan para lumawak connection mo.
Syempre dahil umiikot sa law school ang film na ‘to, hindi mawawala ‘yung mga iba’t-ibang klase ng prof. Yung mga sobrang strikto. Strikto pero alam mong tutulungan ka. Ganun lang talaga sila in a hard way. Yung sa medyo dulo nga nung film eh, namotivate ako sa sinabi ni Atty. Hernandez. Sabi niya “Kung hindi ka natatalo, hindi ka gumagalaw.” tsaka yung “The purpose of life is to be defeated by greater and greater things.”
Yung mga linya na ‘yun, tumagos sakin. Syempre minsan talaga ‘pag nag-aaral ka, hindi naman mawawala yung part na bigla ka na lang mawawalan ng gana sa lahat eh. Yung feeling na kahit anong effort pa gawin mo, parang lagi ka lang nandun sa kung ano ‘yung naka sanayan mo. Yung feeling mo, hindi ka umuusad. Pero sometimes kasi talaga, trying is just as meaningful as winning. Kung titignan mo yung dalawang salita, magka-tumbas lang sila. Minsan sa buhay, di naman natin namamalayan na sapat na pala yung nagtatry tayo. Kasi it means na you’re moving forward. Hindi mo man makita ang progress agad agad, pero ayan ka eh. Umuusad ka. Wala ang ganda lang. Tsaka parang papasok din sa quote na ‘yan yung prinsipyo ko sa buhay na “Suffering is essential.” Dun ka kasi mas matututo. Pag naghihirap ka. Kasi lahat matetest sa’yo eh. Patience mo, pati perseverance. Dedication, even. Wala eh, minsan gagawin natin lahat para i-skip ang hard parts ng buhay pero di natin namamalayan na kailangan natin ‘yun.
Ang ganda ng script ng film na ‘to. Witty and inspiring siya. Kung ako nga na med student nainspire, paano pa kaya yung law student diba. Highly recommend.
Final verdict: 9/10
0 notes
Text
last part
Inuman Blues (yes I was feeling blue kasi after huhu)
First strike
Ayun na nga, pinaupo niya ako sa gilid, yung tabi na ng wall kasi nga it’s my birthday daw and it’s my first time. He sat beside me. I was sitting in front of iyann. Cams sat beside Kyle. We ordered. The talk started. I told Kyle I want to sit in the middle where he is seated cos I don’t like it there. He stood up and changed places with me.
Second strike
We were playing this game called Never Have I Ever. Kyle and Iyann were the ones asking questions and super babaw ng questions nila then I asked them why and sabi nila para daw oo lang ng oo tapos inom ng inom. DUmating non si ate tas nagusap lang sila ni Cams. Came a time when it was already Kyle’s turn, and Cams was the one to ask the question. “Never have I ever liked two girls at the same time” said Cams. Di ko alam mararamdaman ko non kasi I know she was pertaining to me and Kyle’s then girlfriend. Kyle and I ‘almost’ had a thing but then he has a gf kaya walang nangyari. Hindi ako kinabahan, pero I don’t know sa sarili ko kung excited ba akong malaman kung anong sagot niya? But then he aswered with, “No. Never” and I dont know if I should believe him or not. Part of me is thinking na maybe he’s saying this to respect the ex gf...or maybe not. Okay, I’m not getting my hopes up anymore.
Third Strike
I finished one bottle of San Mig light. And tequila is being passed around para inumin sa game. We already had two games. I was sleepy as hell. I was already lying my head on the table pero inaangat lang nila ko while saying “wag kang matuloooog”. Huhu and super hilong hilo na ako. Kahit hindi naman ako nakatayo, kahit nakaupo lang ako super hilo na ako. Ate went back to the hotel room kasi super sakit daw ng tiyan niya. I was looking at my friend’s snap sa sc. Kyle was watching wt me kasi ituturo niya sakin yung girl daw from my ab friends na tumitingin sa kanya. Then suddenly he asked me, in a pabulong way, “asan ate mo?” i told him she went back to the hotel. After hearing my answer, bigla na niyang pinatong yung baba niya sa balikat ko (I was wearing off shoulders) and super nafifeel ko na naman yung skin niya. :--( God knows how it affects me when his skin touches mine :( He stayed there for quite some time habang pinapanood namin yung snaps ng friends. Hanggang sa matapos na, he went off me din.
Fourth Strike
I have already peed twice. And for my third time, I fell in line sa girls cr, medyo mahaba kaya matagal akong wala sa table namin (restroom’s at the first floor). I think I was tipsy. Kasi nga super nahihilo na ako. I was leaning sa wall while waiting for my turn. I kept looking at myself in the mirror na nasa tabi ko. I was playing the faucet ng sink. I am aware but I i dont feel like myself. After using the restroom, I went out. There were a tomboy and a gay waiting in line. I walked pass them, and this gay held me lightly on my back, as if he was supporting me while I made my way upstairs. Gago ganon ba kahalatang lasing na ko haha. Then habang paakyat ako ng hagdan, someone from behind me asked “okay ka lang ba”. I looked and it was Kyle. Mukhang hinintay niya yata ako makalabas ng cr kasi saktong sakto na siya agad yung kasunod ko paakyat. “Oo okay lang ako” I told him then started walking again. Kaso pagtingin ko nga non sa harapan ko, may pababa din ng hagdan na guy, makakasalubong ko na. Maliit lang kasi yung hagdan. Medyo na-out of balance ako nung gumilid ako sa right side. I heard him say “dahan dahan” then I felt his hand on my lower back, supporting me. He guided me to our table and made me sit ulit sa gilid, yung inuupuan niya. “Diyan ka muna sa gilid, sumandal ka sa pader” he told me. I did as I was told but still nahihilo pa din ako. Feeling ko talaga umiikot na yung paligid. Kyle sat beside me. I was facing him kasi nga nakasandal ako sa pader, Kyle was slightly facing me, but he was facing everyone as well. His left hand rested sa sandalan ng upuan ko. “Ano kaya mo pa?” he asked. “I got thissss” i told him tapos tumawa ako. “I got this I got this tignan mo nga itsura mo!” sabi niya, parang pinapagalitan na ako. There was a comfortable silence afterwards. i kept looking at his shoulder and arms na nakasandal sa upuan ko. Then I looked at the table, then at his shoulder again. I had this urge to bend my head down at sumandal sa shoulder niya. AND I FUCKING DID GUYS. I FREAKING DID. nagbend ako so I could reach his shoulder tapos sumandal ako. My eyes were closed the whole time. I was fucking sleepy. I stayed there for at least five seconds. And that was the longest five seconds of my life. It was heaven. I opened my eyes for a second and went to place my head on the table. Then they lifted me up again telling me not to sleep. I didn’t know kung anong reactions meron sila nung sumandal ako kay Kyle. I am making this a big deal because it is. I never showed Kyle i want him. I never got too close to him. i never initiated any skin contact with him since third year. Siya yung laging clingy. Siya yung madikit. Siya yung humahawak sa pisngi ko, sa noo ko, sa wrist ko, sa hands ko. Never ako. It was my first time to do that, na ako yung dumikit. I think it was the alcohol. Kung hindi ako nakainom, hindi ko gagawin yun, lalo na at kasama namin mga tropa namin, at yung bestfriend niya nasa harapan ko pa. I never did this. Pero nung time na yun nagawa ko. HOWWW?
Fifth Strike
We had to go out of the place kasi they’ll be going home na. Cams was holding me, her arms linked to mine. We headed out of the place. Cams and I were leading then Kyle appeared by my side. I think his arms wrapped around my shoulders. Hindi ko matandaan kasi super tipsy na yata ako non. I was saying things na I couldnt remember that I did. Kinwento lang ni Cams sakin. We reached the front door of the lobby. The guard was holding the door open for the three of us na. Iyann called Kyle so we looked back at them. Iyann was saying things to Kyle and IDK HOW IT FCKING HAPPENED but kylE’S HANd WAS HOLDING MY WRIST ALREADY. Yung tipong onting dulas na lang he’s gonna hold my hand na. I wish he did pero hindi na nga nako. We went inside the hotel, then to the elevator. As soon as we entered the elev, I looked at myself in the mirror. “Hala ang pangit kooo hahaha” I said to myself, i kept laughing gago hahaha. Mukha na talaga akong lasing. Sumandal ako sa mirror na yun and I closed my eyes. I wanna sleep. They were saying things I couldn’t remember. Someone was combing my hair sa side patungo sa tenga ko. I figured it was cams. Then a hand went to play with my cheeks. I opened my eyes and saw Kyle in front of me. Lumabas kami ng elevator then at the middle, I stopped on my tracks then I said “wait lang ayoko makita ng nanay ko ng ganto” tapos hinila nila ako but Cams sprayed perfume on me haha. When we reached the door, mama welcomed me hahaha. Kyle said before leaving, “matulog ka agad ha” parang pinapagalitan talaga niya ako huhu.
That was the end of the night I appreciated him most. The night that I was praying for. The night I’ve been waiting for. The night I almost told him I like him. but I didn’t....
3 notes
·
View notes
Text
Ihh IRL Since Ezra Band Era
youtube
Favorite ko ang kanta na ito pati ‘yung MTV nito in its original version by no less than Shania Twain. Noong high school ako at in between being straight being bi, nasabi ko sa sarili ko na ito kanta ko PAG kinasal ako. Hindi ito unang beses kong napanood itong vid na ito. Ihhh. Pampakalma ko siya ever since Ezra Band era.
Masasabi kong isang major mainstream mileage sa community ‘yung pag-step up nitong si Kaye Cal. Hindi niya gustong maging lalaki. Obv na obv na hindi niya hinahangad maging kapantay ng boys sa bawat tipa kasi unique siya through her malamyos na may angas na pure talent. FAN AKO. Supergirl ako ‘pag dating dito. Hindi ko talaga ine-effortan magpunta sa gig niya, kasi I want to admire her from afar. Crush nga e. Kasi takot na akong maging JLC crush siya. ‘Yung nawala lahat nung nakita ko na siya. Pero these days, puwede naman na. Kasi baka naman maging Jericho Rosales minus Halik crush na mas sumidhi pagka-crush ko sa kanya. Ihhh.
Ilang beses ko pa nga inisip kung fa-follow ko siya sa IG because following artista from mainstream is too much for me. Hahaha. Bilang galing ako sa ahensya, default ko na hindi ma-starstruck. Like kay Mateo G. ni Sarah G. Kahit sobrang crush ko ‘yun at nakita ko siya nung weekend at gusto ko talaga siyang i-hug and amuyin, I DID NOT. Ni smile, wala ako. So, ending, I followed her. Ihhh. First to like pa. HAHAHAHA. Damndamin. Pati si Daddy A. Supportive. May isang umaga, ‘yung playlist ni Kaye Cal pampagising niya sa akin. Konti lang tuloy pagsusungit ko sa kanya. HAHAHA. Dali kausap e ‘di ba?
Among other things, ‘yung ngipin niya kasi sobrang perfect for her. Hamuna na ‘yung ilong niya hindi masyadong matangos. Saka ‘yung kilay niya na puwede ipa-shape ng very, very slight. E ‘yung kinis ng face niya na parang ang liliit ng pores tapos parang hindi nage-exist sa vocab niya ever. ‘Yung buhok niya this time e hindi pa super out na out, pero okay lang. ‘Yung leeg parang may Adam’s apple and I super like a leeg with an Adam’s apple. Alam ko syempre, overactive imagination ko na naman ‘yan, pero walang pakialamanan. Mag-blog ka ng iyo. Shupi. Alis. Hindi ako choosy. Minsan lang talaga ako magka-crush pero sinusulit ko bawat detail kasi nga hindi ako madaling matuwa. Madali rin akong ma-bore at manawa. ‘Yung pagitara and pababa ng boses pero feminine pa rin e talaga namang patok sa B/L community. In fact, pati mga gay guys, matitripan din siya. Aynakooo. Patuloy mo akong pakalmahin sa panahong kelangan ko ng panawid kasi windang na x aq. (sana tama yung pagka jeje spell ko kasi ayoko namang mali ako sa part na ‘yan).
0 notes
Text
Jared is Gay
Hindi ko alam kung naka move on na ako after malaman kong gay sya. Hindi ko pa rin sya nilalapitan sa office unless about sa work. Lahat ng magagandang bagay na alam ko dati ay parang hindi totoo. Nabulag lang ako talaga ng pagkagusto ko. Part ng pag move on ko sa kanya ang di ko pag check ng social media accounts nya at so far hanggang ngayon ay di ko na nachecheck. Hindi rin ako nakikihalubilo o nakikipagusap sa kanya unless tungkol sa work. At pag pinaguusapan sya o nabanggit ang name nya, tinatry kong ibahin ang usapan or nakikipagusap ako sa iba. Pag binanggit na nina Jo, P at Dayan ang name nya, nagpupunta ako kunwari sa CR. Seryoso ako sa pag move on ko talaga.
Anyway, this week, naconfirm na bading na sya. Lahat naman ng tao sa office pinaguusapan na bading na sya lalo na ng mga kagroup nya ngayon. Ang una namang nakatuklas na bading sya dati ay yung mga kagroup nya rin now dun sa office na halos nakapaligid sa workstation nya.
Pano ko nalaman o naconfirm na bading sya? Dahil sa madaming rason. Ang kanyang karelasyon ay si Chad.
1. Nung pumunta ako sa Davao para tanunging ko ang performance ng isang trainer, nagkuwento ang cashier dun na ngayon ay nandito na sa Manila. Nakuwento nya na may friend daw syang bading sa Tinder na ni-like ni Jared sa Tinder mismo. Hindi ako nagtanong about it pero kusa nya lang sinabi at nakinig lang ako that time kasi nga curious ako kay Jared that time dahil crush ko sya.
2. Nakuwento ng mga tao sa office na lagi nilang nakikita ang kanyang mobile phone na nagkakaron ng message notification na galing sa ibat ibang lalake. Isa dun ay ang pangalan ni Steve. Si Steve ay taga Cebu na bading din daw.
3. Nakilala ko ang batchmate nya sa Davao through a common friend at nakuwento ko na may officemate ako na taga Ateneo De Davao din. Nung sinabi ko ang pangalan ni Jared, ang unang sinabi nya ay “Oh, the gay guy.”
4. Yung lumitaw na username nyang “JCI” ay lumitaw sa singlesaroundme.com at nakalagay dun na sya ay bisexual. Ako ang nakadiscover ng account nya na yun at syang sya ang may ari nun.
5. Pinaguusapan ng kanyang dalawang uplines na bading sya. Pinapagtanggol ko pa sya dati everytime na tinatawag nila syang “Tita” tapos bigla silang “este Tito pala” sabay tawanan in front of Sales and Marketing people. Pero i think may basis sila pag sinasabi nila na bading sya. Sa ngayon, hindi ko na sya pinagtatanggol. Umaalis na lang ako pag pinaguusapan nila sya dahil ayoko ng chismis at kahit totoo pa yun, ayokong makarinig ng tungkol sa kanya.
6. Naaalala ko dati na nagkukuwentuhan si Ligaya at Niko mga 2 or 3 years ago tungkol sa mga bading sa office at isa sa di nila masigurado daw kung lalake talaga ay si Jared at Rye. Actually 2 or 3 years ago pa, iba pa ang mga marketers noon, matagal na syang topic sa department na yun. Matagal na nilang kinukwestyon ng mga marketers ang kanyang “pagkalalake”.
7. Puro lalake na mukhang closet kings ang naglala like ng mga photos nya sa Instagram.
8. Puro babae at binabae daw ang circle of friends nya ayon kay TJ na dating boyfriend ng roommate ko na taga Davao.
9. Hindi sya nagrereply sa mga texts ng mga babae pero mahaba ang text nya sa boys. Nagspend syang magtext kina Steve at isa pang guy na taga Cebu.
10. Yung mga movies na nashare nya sa akin ay about AIDS and gays.
Lastly, naconfirm na bading si Chad at si Chad ay ang kanyang boyfriend. Si Chad ay ang naka mini cooper na “friend” nya raw na nagbibigay sa kanya ng shorts. So alam ni Chad ang “size” ni Jared dahil sya ang bumili ng shorts. Sabi ni Jared, taga Cebu ang jowa nya at si Chad ay taga Cebu. Si Chad ay ang katext nya na friend na pinakilala nya sa Conrad Hotel. Ganun sila kaclose para malaman na silang dalawa ay nasa isang place or event. Hindi ganun ang mga guy friends ko. Hindi rin ganun ka updated ang mga guy friends ko sa kapwa lalake nila.
Then last December, to celebrate his promotion, pumunta si Jared kasama si Chad sa Hong Kong. Pwede mong icelebrate ang promotion mo with family pero with a guy friend? He must be really special. May profile pic daw si Chad na kaparehong kapareho ng profile pic ni Jared sa Facebook. Pareho sila ng ring at ng hook bracelet. Si Chad ay confirmed na bading. So kung silang dalawa lang sa Hong Kong, alam na.
Hindi ako galit sa bading. Andami kong bading na friends. Andyan sina A, R, at pati sina Moy, Mark at kung sinu sino pa. Walang masama sa pagiging bading pero feeling ko lang nasayang ang oras at pagibig o pagkagusto ko kay Jared kasi bading pala sya. 😞
Sa lahat ng mga nadiscover ko sa kanya for the past few months like ang pagiging user nya sa mga taong nagpapalibre sya tulad ni Patee at humihingi ng kung anu ano like ang paghingi ng promats sa marketers at giveaways kay LJ, actually pati ako hiningan nya ng Tumi bag eh, hanggang sa paglaglag nya sa akin na naconfirm ko at lalo pang napatunayan nun nung si JM naman ang nilaglag nya sa harap ng mga imports, ang isa sa mga dahilan kung bakit tapos na ang pagkabaliw ko sa kanya ay ang pagkalaman ko na bading sya.
Lahat na lang lalakeng nagugustuhan ko ay di para sa akin. Bitter ako kasi ang tanga tanga ko sa pagkakagusto ko sa kanya! Alam mo yun? Anyway, pinapatawad ko na ang sarili ko. That’s life. Nagkagusto at nagmahal ako sa cheater, then sa taong di nagpapahalaga sa akin, tapos ngayon, sa bading na wala akong kapaga-pagasa.
Alam konna kung bakit ako nya nablock sa Instagram at si Dayan. Dahil alam nya na may gusto kami ni Dayan sa kanya noon. Ayaw nya na nila like namin ang photos nya. Masgusto nya na boys ang nagla like ng photos nya hahaha! Sya pa naman ang iniisip ko pag sexy time. Nakakainis!
Sa ngayon, hindi ko alam kung ita trust ko pa ang sarili ko. Parang ako ang may mali. Mali ako sa pagkagusto. Mali ako ng pagpili ng lalake. Maling mali ako. Ang hirap magtiwala lalo na kung ang sarili mo mismo ang di mo mapagkatiwalaan. Ang tanga tanga ko sa love at lalake. Pano ba to? What if, yung dalawang lalakeng patay na patay sa akin dati ay yun pala ang true love ko? Iniisip ko pa lang, nasusuka na ako. Ang hirap. Sa age ko na to, naiinis na ako. Sa sarili ko ako naiinis. Ang engot ko talaga. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang paghahanap ng taong mamahalin this year. Lalo pa akong nawalan ng tiwala sa love after kong malaman ang situation ni V at L. Love. Love. Love. Hindi enough ang love. Hindi enough na mahal mo raw ang tao. Tanginang pagibig yan. Andaming problema sa mundo pero eto ang isa sa pinoproblema ng lahat ng tao. Haaay.. Ayoko na sa love talaga.
0 notes
Text
"CHANGE" is COMING 2017
WARNING: Ang blog ito ay punung-puno ng reklamo, rant at kung anu-ano pang anek na talagang mapapakamot-ulo ka. Ito ay isa lamang saloobin ng isang pangkaraniwang taong tulad mo na sawa na sa mga ka-BS ng mga kakilala mong magbabago na "daw". Ang anumang violent reactions ay di angkop sa blog na ito. (Wag mo nang tangkaing basahin. Wag kang basag trip.) Ngayong 2017, uso na naman yung New Year’s Resolution. Nandyan yung “New Year, New Me”, “This 2017, mag-gy-gym na ko”, at kung ano pang ka-BS na pwede mong marinig from left to right, up and down, side by side. Lagi naman tayong ganyan, diba? Sasabihin natin magbabago na tayo, oo, mga 3 days tas after no'n, pfft! Back to normal na naman. Ako, aaminin ko. Bumenta din sakin yang NY resolutions na yan. Syempre, magiging motivation, inspiration at kung anu-ano pang -tion ang pwede mong isipin dyan sa mga so-called “resolutions” mo. Sabi pa nga, wag ka daw titigil sa paggawa ng resolution mo kasi magiging daan mo daw 'to sa totoong pagbabago. Tama naman yun, pero, kailangan ba muna nating hintayin na magbago ng taon para ka magbago din? Saka hanggang kailan ka ba gagawa ng resolution mo? Di ka ba napapagod sa panloloko mo sa sarili mo? Besh, hindi naman kasi gay-on. Para kang tanga nun eh. Para sabihin ko sa'yo, kahit di bagong taon, pwedeng-pwede kang magbago! (Alam mo dapat yan, matanda ka na.) Hirap kasi sa'tin, palagi nalang kasi nating hinihintay na magbagong taon para magbago tayo eh. Bukod sa masyadong mainstream at bandwagon ng ganitong “kaugalian”, minsan hindi na naniniwala yung ibang tao sa'tin. Eh pa'no naman kase, ang dami-dami mong sinasabing babaguhin mo, tapos ano? Ilang araw, linggo, buwan balik ka sa dati. Eh ang galing naman pala! Besh, ang pagbabago para yan sa taong may malaking tiwala at disiplina sa sarili. Totoo yan. Kung none of the above ka sa mga nabanggit ko, eh alam mo na. Parang ex mo lang yan na iniwan ka eh, “hindi para sa'yo”. Saka isa pa ha, yung ibang tao dyan, nagbabago lang para sa ibang tao. Ay nako! Dyan palang wala na eh. Para sabihin ko sa'yo, ang pagbabago, ginagawa yan PARA SA SARILI MONG KAPAKANAN. Besh, di ka nabuhay sa mundo para i-please ang lahat tao. Sa totoong buhay, hindi ka a-awardan ng Ms. Friendship 2017 o di kaya Ms. Tanga ng Taon 2017. Kung ayaw nila sa'yo, eh bat mo naman pagpipilitan ang sarili mo, eh hindi ka naman sardinas? Magbago ka para sa sarili mo, magbago ka dahil gusto mong patunayan sa sarili mo na kaya mong magbago, na kaya mong disiplinahin ang sarili mo para sa ikabubuti ng buhay mo. Gets mo? Oo na, masyado akong maraming sinasabi dito. Nakakainis ba? Eh di wag mo nang tapusing basahin to! Deh, joke lang, ikaw bahala. Hehe. Ganun naman talaga, naiinis tayo kasi totoo. Totoo namang may ugali talaga ang tao na hanggang umpisa palang. Kaya nga meron tayong Filipino trait na “ningas-kugon”. Sa mga di pa masyadong pamilyar ito ang ibig sabihin nyan: "Ang ningas kugon ay idioma na nangangahulugan ng mga gawain na sa una lang masigasig, maganda o magaling. Ngunit kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan." (c) Wikipedia O diba, saktong-sakto! Para yan sa mga taong magbabago “daw” ngayong 2017. Kaya ako, hindi na ako gumawa ng New Year’s resolution ko. Hindi ko naman kasi mapapangako sa sarili ko na magbabago na ako. Aaminin ko, hindi pa rin ako ganun ka-disiplina sa sarili ko, pero ayoko din namang lokohin at paasahin ang sarili ko sa “pagbabagong gusto ng lahat”. Besh please, kaya kong magbago kahit kailan ko gusto! Di ko kailangang makisunod sa uso just to tell everybody that I will change. Pfft, pag hindi ko nagawa yung New Year’s resolution ko, iju-judge lang ako ng tao, “Woo! ‘gang simula ka lang naman eh!”, “Akala ko ba magbabago ka na??”, diba nakakarindi?!? Eh di wag ka nalang magpanggap na magbabago ka! Kaya ikaw, wag kang impokrito/impokrita na kailangang ipaglandakan mo pa sa iba na magbabago ka. Hindi naman paligsahan ang pagbabago. Hindi rin naman yan binu-broadcast sa madla na parang headline sa balita at sinasabi ng ganun-ganun lang, GINAGAWA YAN, besh! Action speaks louder than words nga, di'ba? Alam mo maganda mong gawin? MAGPAKATOTOO KA. Gawin mo yung sa tingin mong tama, yung hindi ka makakasakit at makakatapak ng ibang tao at higit sa lahat kung magbabago ka, simulan mo yon sa sarili mo. Saka bawas-bawasan mo yang pagiging eklatera/eklutero mo, matanda ka na. Alamin mo kung san mo ilulugar yung mga importanteng bagay, kung ano yung tama sa mali at kung pano maging sensitive sa nararamdaman ng ibang tao. Para sa ganon, masabi mo sa sarili mo na “ay kaya ko palang magbago.” At higit sa lahat, magdasal ka kay Lord. Wag kang masyadong nagpapaniwala sa mga nakikita mo sa social media at kung san pa man. Kaya ka niloloko eh, hilig mong maniwala sa hindi naman totoo. Saka ano ka ba, matu-turn-off sa'yo si crush n'yan, gusto mo ba yon? Mas mabuti mong gawin ay yung mapalapit ka kay Lord. Baka sakaling sa Kanya, makakuha ka ng lakas ng loob na magbago. Tama naman di'ba? Kaya beshie, simulan mo ang pagbabago sa pagiging totoong tao. Huwag kang magpanggap, magpakatotoo ka. "Magbabago na ko-yadah-yadah-yadah", pwe! Pwede ba ha? Tandaan mo, walang mararating ang pagpapanggap mo, sa tingin mo, sasaya ka ba dyan? Hindi di'ba? Kung magbabago ka, gawin mo, wag kang puro post at satsat. Walang may pake, tandaan mo yan. Kahit pa basahin mo o hindi 'to, wala rin akong pake, opinyon ko 'to. Ok? Deh... joke lang. Hehe. P.S: "Bato-bato sa langit, tamaan... ewan ko nalang."✌🏼
0 notes