#MeInTheCommunity
Explore tagged Tumblr posts
srsadvincula · 3 years ago
Text
S00 E03: About Me – Me in the Community
The views and opinions expressed by the author do not reflect that of the website and its management. Furthermore, the views and opinions expressed by the people involved do not reflect that of the author, the blog, and the website. Also, the following scenes and languages may not be suitable for very young readers. Reader discretion is highly recommended.
Kumustasa kalabasa mga bayuta, mga sibulibams, mga paminta, mga tranibels, mga kaalyado sa pananampalataya, at mga kasama sa alter world! Akala niyo ba ay tapos na ang aking introduction? Nagkakamali kayong lahat dahil marami pa akong talak. Medyo mahaba-haba rin itong aking introduction para naman kapag nagsimula na ang main course ay wala ng mga gap.
So kung noong isang araw ay nakilala niyo ako bilang isang kaibigan, bilang isang kaeskuwela, at bilang isang katrabaho ay sa huling bahagi ng aking introduction ay ikukuwento ko naman sa inyo kung ano ako sa community na aking kinabibilangan. Handa na ba kayong makinig sa aking walang kuwentang chika? Tara, chikahan na tayo ulit.
Me in the LGBTQ Community
Tumblr media
Bata pa lang ako ay nakikitaan ko nang hindi ako kagaya ng mga kalaro at mga kaibigan ko. Kahit na naranasan ko namang makipaglaro ng langit lupa, bangsak, tagu-taguan, agawan base, at mga larong alam kong makakasabay ako ay mas nahilig akong maglaro ng lutu-lutuan, mag-ipon ng mga slambook. Noon ay mas marami akong mga kaibigang babae at ilang akogn makihalubilo sa mga kaklase kong lalaki lalo na sa nagiging crush ng marami. Hanggang sa isang araw ay napagtanto ko na lang na gusto ko ng kapwa ko at ayoko sa babae. Sinubukan ko namang labanan yung nararamdaman ko at ibinaling iyon sa pakikipagkaibigan sa mga babae pero hindi ko maitagong gusto ko talaga ng mga guys. Kaya naman inalam ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Noong una, gustung-gusto ko yung mga kaklase kong straight guys na matangkad na chinito at mabango. May ilan pa nga sa kanila ang iniyakan ko. Hanggang nitong nakatapos na lang ako ng pag-aaral at nagsimulang magtrabaho at iba na ang naramdaman ko. Ngayon ay mas gusto ko sa mga bisexual at gays.
Noong mas nakilala ko pa ang sarili ko at ang gusto ko ay nasama ako sa mga taong kagaya ko, mga gay man. Nakakatuwa kasi hindi ko kailangang magpanggap sa isang bagay na hindi naman talaga ako. Kaya mas nakagalaw ako ng maayos at mas nagkaroon ako ng pagkakataon para mas mahalin at ienjoy kung ano ako. Hanggang sa sumasama na rin ako sa mga events na may kasamang mga rainbow members, at nitong bago magpandemic lang ay nakasama na rin ako sa pride march. Masayang masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na ipakita sa mundo kung ano talaga ako and I am so proud.
Ako yung kasama mo sa community na walang pinipili sa kakaibiganin. Kahit galing ka pa sa ibang lupalop ng community ay welcome na welcome ka sa buhay ko para maging kaibigan ka. Huwag ka lang makikipagplastikan dahil ayaw ko sa mga taong ganoon ang ugali. Mas maiging sabihin mo na sa aking hindi mo ako gusto para alam ko kung hanggang saan lang ako puwede. Ako yung kasama mo sa community na kahit ano pa ang sexual orientation, gender identity and expression mo ay titignan kita bilang ikaw at hindi kung ano ka sa mata ng ibang tao. Kasi deserve mo yung itrato ng tama at irespeto sa kung ano ka at kung saan ka masaya para sa sarili mo.
Ako yung kasama mo sa community na laging makiki-love wins sayo kapag may bago kang jowabells at kapag monthsary at anniversary niyo. Masaya ako kapag masaya ka sa lovelife mo kasi deserve mo ang pagmamahal na sa tingin mo ay deserve mong makuha. Entitled ka doon, kahit ano ka pa. Ako yung kasama mo sa community na kayang irespeto yung opinyon mo at hindi makikipagtalo kung magkaiba tayo ng opinion. Paano mo ako rerespetuhin kung ikaw ay hindi ko kayang irespeto? Ako yung kasama mong hindi man master ang scope ng sexual orientation, gender identity and expression ay kaya ko namang itrato ka na kapantay ko at kapantay ng lahat dahil tao ka at deserve mong itrato rin ng tama ng lahat.
Me in the Alter Community
Tumblr media
Noong mga panahong pakiramdam ko ay walang nakikinig sa akin ay sinubukan kong ilayo ang sarili ko sa mga tao, mapakaibigan man o hindi dahil dumating ako sa punto na kahit anong kabaitan at respeto ang ipakita ko sa iba ay wala akong puwang sa lipunang ginagalawan ko. Lalo na sa kinilala kong pamilya na ni minsan ay hindi man lang nakinig at sumuporta sa mga plano ko sa buhay. Kasama na rin ang lipunang ginalawan ko na akala ko ay mauunawaan ako. Kaya naman noong pumasok ako sa mundo ng alter noong high school ako ay akala ko ay mag-isa lang ako. Gumawa ako ng account sa Facebook at Twitter na tanging ako lang ang nandoon para mailalabas ko lahat ng sasabihin ko. Kasama na lahat ng mga sama ng loob, hinanakit at galit ko. Hanggang sa inabot lang din ako ng lungkot kaya iniwan ko rin ang mundong naging labasan ko ng mga salitang hindi ko masabi dahil alam kong sa halip na maunawaan lang ako ay lalo akong mamaliitin.
Nitong kamakailan lang ay bumalik ako sa alter community hindi para maglabas ulit ng sama ng loob pero para maghanap ng mga kagaya kong may halos kaparehas na karanasan, at may halos kaparehas na dahilan kung bakit pumasok sa mundo ng alter. Pagkabalik ko ay marami ng nagbago. Hindi na ito yung dating alter community na naabutan ko. Ngayon ay marami na silang rason kung bakit sila nandito. Yung iba ay dahil sa sexual orientation, gender identity and expression nila na hindi nila mailabas sa sa pamilya nila kaya sila nandito, yung iba naman ay dahil sa gusto lang nilang makahanap ng kausap habang ang iba naman ay naghahanap lang puwedeng gawin habang nagpapalipas oras. Sa sobrang daming nagbago sa community ay may mga nagbago na rin sa akin, mula sa pananaw, pakikipagusap, at paraan para makahanap ng mga kaibigan. Masuwerte lang siguro ako dahil sa laki ng alter community ay nakahanap ako ng circle na tumanggap sa akin.
Kaya ngayon, ako yung mala-mother figure na sa mga kaibigan kong nasa alter community. Ako yung napakasupportive kapag may bagong jowa ang mga anak-anakan ko sa alter. Sobrang masaya rin ako kapag nakikita ko yung mga anak-anakan kong may mga achievement sa buhay, malaki man o maliit. Ako yung kasama mo sa community na kaya kong itago ang sikreto mo bilang isang alter. Hindi kita huhusgahan kung bakit ka nandito. Kung gusto mo lang maglabas ng sama ng loob dito dahil hindi mo masabi sa totoong mundo dahil natatakot ka na mahusgahan at diktahan ng mga kamag-anak mo, go lang. Handa akong makinig. Ako yung kasama mo sa community na hahayaan kang magpost ng mga pictures ng titi mo, magpost ng jakol at kantot videos mo as long as kaya mong protektahan ang sarili mo. Naniniwala kasi ako na kahit sex at porn videos lang ang hanap mo rito ay valid reason iyan kung bakit ka nandito sa alter.
Ako yung kasama mo sa community na hindi ka ikakahiya kahit nakita ko na ang lahat sayo. Kung kailangan mo ng kaibigan, kapatid, at taong makukuhanan mo ng lakas ng loob to be motivated, nandito lang ako. Huwag lang akong tirahin patalikod dahil sinisigurado kong hindi ka matutuwa sa susunod na gagawin ko sayo. Mabait ako sa mga kaibigan ko rito sa alter community at pamilya ang turing ko sa kanila. Kaya nga kahit may mga naging crush ako rito sa community ay mas pinili kong maging kaibigan na lang sila dahil alam kong may plano silang nakaplot na para sa sarili nila. Hindi man ngayon, pero para sa hinaharap. Kaya nandito ako bilang isang kaibigan, kapatid, stage mom, at fairy god mother para sa mga kapatid nating nandito sa alter community. Tago man sila, tao rin sila na may damdamin at dapat tratuhin ng tama.
Me in the PLHIV Community
Tumblr media
Simula nang napasok ko ang PHLIV community ay ang dami kong natutunan sa pagkakaiba ng HIV and AIDS, at ang dami kong nakilalang mga tao na kahit na mayroon silang HIV ay patuloy pa rin silang lumalaban at nagpapakatatag. Kagaya nga ng nababasa ko noon sa mga posters na nakikita ko sa mga social hygiene clinics and rural health centers na napupuntahan ko na ‘it should be treated as a medical condition and not a judgment’ ay alam kong dapat natin silang tignan at itrato na kagaya lang din ng isang normal na tao dahil naniniwala akong hindi naman kabawasan ng kanilang pagkatao ang pagkakaroon nila ng HIV.
Ako yung kasama mo sa community na hindi ka magsasamantalahan dahil lang sa guwapo ka o maganda ang pangangatawan mo. Hindi ako yung aasikasuhin ka dahil alam kong mapapakinabangan kita in the long run. Malibog ako pero hindi naman halang ang kaluluwa kong makipaglandian lalo na kung client kita. Ako yung kasama mo sa community na hindi man ako kasing galing ng mga kilalang mga advocates sa mga kilalang non-government organization ay alam kong kaya kong gamitin ang experience ko para makisama at ituring kang kapantay ng mga walang HIV. Pare-parehas lang naman tayong kumakain ng kanin kaya hindi ko kailangang magbuhat ng bangko para lang mas maraming mapalapit sa akin sa community.
Ako yung kasama mo sa community na puwede mong ituring na kuya, ate, momshie, o mamang kapag wala nang tumuturing sayong kapamilya. Wala akong pakialam kung may iba ka pang comorbidities basta alam kong hindi ka nagpapabaya sa sarili mo ay susuportahan kita na parang kapamilya. Ako yung kasama mo sa community na hinding-hindi ipaparamdam sayo ang pagiging out of place dahil naranasan ko iyon at ang pangit ng ganoong experience. Puwede mo akong lapitan at kausapin kapag wala kang malapitan para pagsabihan ng problema mo, ng nararamdaman mo, at ng kalungkutan mo. Hindi kita huhusgahan kung bakit ka nagkaroon ng HIV. Safe ang status mo sa akin.
Ako yung kasama mo sa community na super supportive sa lahat ng mga plano at mga bagay na gusto mong gawin sa buhay basta hindi mo pinapabayaan yung sarili mo, at hindi ka nagmimintis sa gamutan mo. Tandaan mong kailangan compliant at adherent ka sa gamot kasi iyan ang kailangan mo para tuluy-tuloy ang pagiging undetectable mo. Hindi man ako mabetan sa una dahil hindi naman ako kagandahan para maging ka-close at maging kaibigan, asahan mong kung walang-wala ka nang malapitan, I’m here.
Ngayon, may idea ka na kung anong klaseng tao ako sa community, bukod sa kung ano ako sa famly at sa mga kakilala ko. Sana maging daan ito para magkaroon ako ng maraming kaibigan na puwede kong makasama sa aking mahaba pang biyahe na puno ng tuwa, lungkot, kaba, at kung anu-ano pa. Hanggang dito na lang muna ang aking kuwento tungkol sa kung ano sa mga nakapaligid sa akin. Sa aking susunod na kuwento ay ibabahagi ko naman sa inyo ang aking pagkabata at kung ano ang naging ambag nito sa aking pagkatao ngayon.
May tanong ka rin ba sa akin tungkol sa kuwento ko ngayon? Huwag ka nang mahiyang magtanong at sasagutin ko iyan. Tanong ka na sa aking AskFM o sa aking CuriousCat. Hihintayin ko ang mga tanong mo. Hanggang sa susunod nating chikahan at bakstaban.
0 notes