Tumgik
#filipinoatpanitikansakolehiyopanindigan
aedreyes15-blog · 5 years
Text
Tanong Ko, Sagot Mo.
Ano? Sino? Kailan?
Bakit? Paano? Saan?
Nailahad na katanungan,
Maaari mo bang sagutan?
Ano?
Ano ang nangyayari sa iyo?
Mukhang ako ay nakalimutan mo.
Marahil may iba ka nang gusto.
Sino?
Sino nga naman ako,
Para pahalagahan mo?
Lagi lang naman ako andito.
Kailan?
Kailan mo ako titignan ng lubusan?
Kailan?
Sa panahong ako'y tuluyan nang lumisan?
Bakit?
Bakit ito ang sinapit?
Konting pagmamahal lang ang ipinipilit,
Palitan na lamang ang iyong iginiit.
Paano?
Paano humantong sa ganito?
Paano nagawang iwan ang sariling mundo?
Hindi ba sinabi, ako lang para sa iyo?
Saan?
Saan na ngayon matatagpuan?
Tanda ng pagmamahal, sinira nang tuluyan.
Kwento natin, saan titingnan?
Ano? Sino? Kailan?
Bakit? Paano? Saan?
Iyo na bang nasagutan,
O sadya na lamang papabayaan?
1 note · View note
angeluzxcs · 5 years
Text
Kawawang Kapatid
Dati, ako ang paboritong anak. Maganda, matalino, hindi umaasa sa iba, at kayang tumayo sa sarili kong mga paa, kung hindi lang dahil sa mga kapatid ko. Sa mga kapatid kong mapang-abuso komo sila ay mas matanda kaysa sa akin. Sa mga kapatid kong wala nang ginawa kung hindi ako ay lokohin, ako ay apihin, ako ay abusuhin.
Si Kuya, na pilit na ipinapasok sa kukote ko na mangmang ako at walang pinag-aralan. Hindi binibigyang-pansin ang mga gantimpalang aking natatanggap sa paaralan, bagkus ay sinusunog at itinatapon pa ang mga ito. Walang pakialam kahit na ako ay masaktan. Pilit na binubura ang mga bagay na hindi niya sinasang-ayunan ukol sa akin at papalitan ito ng mga pinaniniwalaan niya. Kung hindi ako susunod, ako ay mabubugbog.
Si Ate, na sa una’y akala mo nagmamalasakit. Ipinagtanggol ako kay Kuya, ngunit para paglaruan lang din niya. Tinuruan niya ako ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman, mga bagay na sa tingin ni Ate ay makatutulong sa sarili kong maging mas maalam. Subalit, dumating sa puntong unti-unti na pala akong nagbabago nang hindi ko namamalayan. Masyado akong nabulag sa mga itinuturo niya sa akin na nalimutan ko na ang sarili ko. Ibinigay ko ang tiwala ko ngunit ako ay naloko.
Si Kuya kong isa pa, ang sinundan kong kuya. Inabuso ang aking katawan, walang respeto sa kababaihan. Walang awa, walang hiya.
Ngayon, malalaki na kami. Nag-iba-iba kami ng landas at kahit papaano ay may gulang na ngunit tila mas asensado pa rin sila kaysa sa akin. Ngayon, hindi ko na alam kung sino ba talaga ako. Para akong nahubdan ng pagkatao. Makakabangon pa kaya ako?
1 note · View note
jamenros-blog · 5 years
Text
Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Panindigan
Tumblr media
1 note · View note
ang-salakot · 5 years
Text
OFW
Hindi ko pa rin alam ang dahilan bakit kailangang iwanan
Ang bayang dapat tinatawag ng mga Pilipinong tahanan
Mahirap bang ligawan ang bayang sinubok ng karahasan
Hindi naman masama na sila’y taguriang bayani ng bayan
Tirhan ang lupain ng banyaga upang makipagsapalaran
Upang iahon ang pamilya sa buhay na sadlak at kasalatan
  Hubo’t hubad nang tayo’y isilang sa bayang kinagisnan
Sambit ang wikang nagbubuklod sa buong kapuluan
Tayo’y binihisan, tinuruan ng buhay na nakasanayan
Agrikultura ang ating kalakasan, bakit pababayaan?
Nagpapakadalubhasa tayo para sa kinabukasan ng mga dayuhan
Naging dalubhasa ba tayo sa ating wika at panitikan?
  Ang bayan ba ang nagsakripisyong hindi nasusuklian
O ‘di lang talaga marunong ang mga palalo na pahalagahan
Ang ating natatanging kultura, talento at kakayahan
Pilipino tayo! May sariling pangalan at kakayahan
Pagyabungin ang sariling atin upang inyong malaman
Ang malaking kaibahan ng buhay sa ating tinatamasan
0 notes
riasalome-blog · 5 years
Text
Para sa ating Panitikan
Yaposin niyo ang inyong tula, mga nobela, kwento, kanta at dula. Sapagkat sinasabi ko, hindi magtatagal, ito’y maglalaho’t tuluyang matatanggal
Iyan ay kung tayo’y mananatiling duwag, magmimistulang bingi, pipi at bulag sa mga isyu’t pagsasawalang bahala ng pamahalaan sa ating sariling literatura 
Mga kabataan at Pilipinong mamayanan, halina’t tumayo at magsimulang lumaban. Maninindigan para sa Bayan Ipaglalaban ang sariling Panitikan 
#FilipinoAtPanitikanSaKolehiyoPanindigan #FilipinoAtPanitikanPanindigan #FilipinoAtPanitikanMakabuluhan
2 notes · View notes
aedreyes15-blog · 5 years
Text
Wika at Panitikan: MagpaLalim.
Wika't Panitikan,
Bakit kailangan panindigan?
Isyu bang dapat pag-usapan?
Marahil hindi, sa hindi nagmamahal sa bayan.
Ano nga ba naman ito?
Mahalaga ba ang parte sa buhay mo?
Mga kwento ni Pinang, Juan, at Ambo,
Makabuluhan ba para sa iyo?
Mga tulang mapagmahal, makamasa,
Dala ng mga makata.
Balagtas, Batute, Abadilla,
Nagamit mo ba mga akda nila?
Awit, makabago o makaluma,
Kinanta ng mga sikat o ng iyong ina.
Ilang henerasyong pinagpasa-pasa,
Inawit ng tanging boses o may musika.
Sa mga panahong nagdaan,
Umunlad ang panitikan.
Ang wika'y naihahatid sa iba't ibang paraan,
Rap, Spoken Word, at FlipTop-an.
Ngunit kahit ganito,
Bantog na panitikan, hindi pa rin sapat sa iyo.
Balak isantabi, para sa ano?
Wikang Banyaga, na astig sabi mo.
Hindi naman masama,
Mag-aral ng ibang wika.
Subalit, kung ang sarili ay di aaralin,
Paano makikilala ang sariling atin?
Wika at Panitikang Filipino,
Ito ang pagkakilanlan ko.
Wala nang ibang tulad nito,
Pag-aralan, palawakin, panindigan ito.
0 notes
ang-salakot · 5 years
Text
Hindi Pa Rin Natutuyo Ang Luha
Hindi pa rin tapos sa pagtangis ang aking bayan
May ilulungkot pa pala ang matagal nang nararamdaman
Kailan ba tayo magiging Hari sa sariling kapuluan
Tamad, mangmang, indio pa rin sa mata ninuman
May iisang wika ngunit wala pa ring kaisahan ng isipan
Isigaw mo nang buong galit ang kalungkutan para maibsan
  Wala na nga yatang lunas sa matagal ng karamdaman
Araw-gabi nang humihikbi at nakakubli sa karimlan
Ubos na ubos na ang iluluha dahil sa mga karanasan
Hirap at kasalatan na lang ba ang mapagmamasdan?
Pagod na pagod na sa pag-iintay na siya’y muling balikan
Hindi na sapat ang pagsigaw at paglaban ng karapatan
  Hindi maulinigan ang matagal ng hinaing ng bayan
Nasa wika ang pag-unlad na matagal nang inaasam-asam
Nasa panitikan ang salamin ng makulay na kasaysayan
Hindi pa rin natutuyo ang luhang dapat matagal nang napunasan
Baklasin mo na ang tanikalang kinalawang ng kalungkutan
Bilisan mo at baka huli na ang lahat para siya’y ipaglaban
0 notes
ang-salakot · 5 years
Text
MISSING: Nanay Pilipa
    Matagal na naming hinahanap ang Nanay. Hinahanap-hanap namin ang aruga ng isang ina. Wala kaming lead kung nasaan na siya, e. Basta ang alam ko karumal-dumal ang ginawa ng mga lumapastangan sa kanya. Bali-balita dito sa nayon na ginahasa raw siya ng tatlong lalaking ‘di alam ang nasyonalidad: paulit-ulit na pinipilit kahit ayaw naman ni Nanay.
      Ubos na ubos na nga ang pera naming para lang mahanap ang bangkay ni Nanay ngunit malasin ka nga naman. Mabagal ang usad ng imbestigasyon. Peste. Basta matapos gahasain, ninakaw pa ang mga mamamahaling perlas at sinunog ang malaking talaaklatan ni Nanay. Kahit yun na lang sana, pero mga walang awa.
      Ngayon marami na naman ang nanliligaw sa aking Ina. Puro salita, at puro pangako. Hirap na ulit magtiwala. Sana naman pumili ka ng maayos-ayos ng hindi matulad kay Nanay. Para naman kahit papaano, marespeto natin si Nanay sa pagtanaw sa kanyang hirap na dinanas. Malungkot nga lang ‘di na namin kasama si Nanay Pilipa sa Araw ng Ilaw ng Tahanan.
0 notes
ang-salakot · 5 years
Text
Minsan Akong Nanakawan
Ilang siglo nang nakaraan ng minsan akong manakawan
Mga dayo na nagpapabango lang pala ng pangalan
Dala-dala’y relihiyon, edukasyon, at panitikan
Walang nag-atubili na sila’y paalisin sa kapuluan
Ngunit sinong may alam na tayo pala’y mananakawan
Kultura, tradisyon, wika at sariling pangalan
  Ilang beses na rin akong nanakawan ng kalayaan
Hindi ko na alam sino bang nagpakahirap na lumaban
Sa kalayaang tatlong daang taong inasam-asam
Ang mga Pilipino o ang panibagong gagahasa sa bayan?
Sariwa pa ang mga sugat na natamo sa labanan
Pwede bang hanapin muna ang sarili at sa susunod na lang?
  Ngayong tayo’y malaya na raw sa kamay ng kalaban
Hindi na rin maibabalik ang kamal-kamal na kamayanan
Buhay, pagkatao, bata, o matandang dinusta’t niyurakan
Mga Pilipinong nag-aagawan sa nag-iisang upuan
Kahit na sariling kadugo’y ihalal sa kapangyarihan
Malinis na intensyon daw, pero nasilaw sa katanyagan
  Tunay ngang hindi na tahasang maibabalik ang nakaraan
Masakit mang isipin ngunit iyan ang katotohanan
Minsan na akong nanakawan ng buhay na kinagisnan
Kay tagal ko nang hinahanap sa ating wika at panitikan
Ngunit ipinagkakait ng tadhana na siya’y muling masilayan
Matagal ko ng hinanap ang Pilipinas, nakita mo ba?
0 notes
jamenros-blog · 5 years
Text
Tumblr media
0 notes
jamenros-blog · 5 years
Text
Filipino at Panitikan sa Kolehiyo ating ipaglaban para sa kinabukasan ng bayan!
Tumblr media
0 notes
angeluzxcs · 5 years
Text
Bayan Ko, Maging Matatag
O Pilipinas, ang aking perlas,
Huwag magdamdam ang pusong dalisay,
Wag pansinin mga kapatid mong pihikan,
Iyong tanging gandang hindi karaniwan.
  Tahan na anak, huwag magtago, manghina
Tatagan ang loob, lakasan ang kompiyansa,
Manindigan sa paniniwalang may matatagpuang hustisiya
Sa mababangis na pagsubok na iyong lalakaran.
  Sa ilog ng mga walang hiya, huwag madadaig sa salitang dadaloy,
Huwag babaguhin ang kanyang kagandahang ugali,
Alipustahin ka man, wag alisin ang iyong apoy,
Ilawan ng kabutihan, mga kapatid mong mapanuri.
0 notes
riasalome-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
Hindi masama ang pagtangkilik sa mga internasyonal na literatura. Ngunit kung ating titignan, ‪limitado na nga ang kaalaman ng mga kabataan sa Panitikang Pilipino. Susundan pa ba ito ng pagtanggal ng asignatura sa mga Pamantasan? Ano na lamang ang magiging kinabukasan ng ating sariling Panitikan?‬  ‪
Ang Panitikang Pilipino ay sumisimbolo sa mga karanasan ng ating bayan at lipunan. Sa pamamagitan nito’y mas nakikilala ang kagandahan ng ating kultura’t pamumuhay bilang isang Pilipino. Ito rin ay nagsisilbing salamin ng reyalidad sa ating bansa, na nagbibigay aral at halaga sa iba’t ibang isyu o kaganapan na ating nararanasan. ‬ 
 ‪Kung kakayanin natin magbasa at tumangkilik ng napakaraming dayuhang panitikan, bakit hindi natin ito magawa para sa ating mga sariling akda? Sa halip na tanggalin sa kolehiyo ang mga asignaturang tumatalakay sa Panitikang Pilipino, nararapat lamang na muling payabungin ang ating kaalaman tungkol sa mga ito, upang patuloy na mamayagpag ang kanilang kagandahan sa ating mundo. ‬ 
 Maging tagapagtanggol ng Panitikang hindi makalaban, at ng Wikang sumisimbolo sa ating Bayan.
#FilipinoAtPanitikanSaKolehiyoPanindigan  #FilipinoAtPanitikanPanindigan #FilipinoAtPanitikanMakabuluhan 
0 notes