#dr kundi
Explore tagged Tumblr posts
Text
Restoring Smiles: Pioneers in Dental Implants in Peshawar, Pakistan
"Transforming Lives, One Smile at a Time" -
Discover the Best Dental Implants in Peshawar
In the face of adversity, the human spirit has an incredible ability to endure, to rise above challenges, and to find new reasons to smile. This is the story of a remarkable woman, whose journey through breast cancer left her facing an unexpected consequence—losing almost all her teeth. But amidst the trials and tribulations, hope emerged in the form of Dr. Jawad Kundi, a true pioneer in dental implants not only in Peshawar but also in Pakistan.
At Kundi's Dentists, Peshawar, Dr. Jawad Kundi and his dedicated team understand the profound impact a healthy smile can have on a person's life. Armed with state-of-the-art dental facilities and an unwavering commitment to patient care, they set out to restore not only this woman's smile but also her confidence, her joy, and her zest for life.
Dr. Jawad Kundi's expertise in dental implants has earned him a reputation as one of the best dental implant specialists in Peshawar. His clinic boasts a comprehensive range of cutting-edge technologies, including the Digital OPG X-ray for a complete view of the jaws, high-definition peri-apical X-rays for precise diagnostics, and an extensive inventory of dental implant instruments, drills and kits.
With all the paraphrenalia readily available to his aid, Dr. Jawad Kundi was able to provide the necessary dental implants in just two sittings. The advanced facilities at Kundi's Dentists ensured a seamless process, from diagnosis to treatment, resulting in a restored smile that radiates vigor, hope, and happiness.
The woman's transformation is a testament to the power of modern dentistry and the skillful hands of Dr. Jawad Kundi. Her journey from despair to renewed self-assurance serves as an inspiration to others facing similar challenges. Through dental implants, she has regained not only the functionality of her teeth but also the confidence to face the world with renewed optimism.
If you are searching for the best dental implants in Peshawar, look no further than Kundi's Dentists. Dr. Jawad Kundi and his team of experts are ready to embark on your own journey towards a transformed smile, helping you regain the joy and confidence that you deserve.
Conclusion: At Kundi's Dentists, we understand that a beautiful smile is more than just aesthetics—it is an essential component of a person's overall well-being. As pioneers in dental implants in Pakistan, we strive to provide exemplary care, state-of-the-art facilities, and life-changing results. Trust us to restore your smile, revitalize your spirit, and empower you to face the future with renewed hope. Schedule your appointment today and discover the transformational power of dental implants
Call 0321-9024393 for appointments & queries
WhatsApp 0315-9268000 for queries
#Dental implants in Peshawar#Dentist in Peshawar#Best Dentist in Peshawar#Best dental implants in Peshawar#best dental clinic in Peshawar#Peshawar dentist#Peshawar Dentists#Best dentist Peshawar#maxillofacial surgeon in peshawar#dr kundi#best dentist near me
0 notes
Text
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan.
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa?
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama.
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo.
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya.
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling.
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan?
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito.
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara’s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best.
#fanfiction#gma 7#jose rizal#noli me tangere#maria clara at ibarra#maria clara delos santos y alba#juan crisostomo ibarra y magsalin#santiago delos santos#bernardo salvi#padre damaso#julie anne san jose#dennis trillo#juan rodrigo#juancho trivino#tirso cruz iii
27 notes
·
View notes
Text
Taifa stars yapangwa kundi H Afcon qualifications
Timu ya Taifa ya Tanzania *(TAIFA STARS)* Imepangwa kundi H kufuzu kombe la mataifa ya Afrika (AFCON2025) Itakayofanyika nchini Morocco. Munekano wa Kundi hilo ni kama ifuatayo : DR Congo 🇨🇩Guinea 🇬🇳Tanzania 🇹🇿 Ethiopia 🇪🇹
0 notes
Text
April 7, 2024 - 12:22PM
Alam mo, IKAW ang hindi nakakaintindi. Ang kailangan mo lang gawin is mag-sorry and take responsibility, that's it. Pero hindi eh, ginagawa mo pang kasalanan ko. Lagi nalang ba kasalanan ko, wala nang kasalanan mo?
Mang-validate ng emotions wala, makapag sabi ka pa na umiinit ulo ko agad. Tangina, dati pa ito, dati pa itong intense na reaction ko. Dapat alam mo na. Dapat kilala mo na ako. Pero hindi eh, parang lagi ko pang kasanalan.
ADHD ko, sexuality ko, sa pagka walang relihiyon ko, lahat, wala ka nang tanggap. Tangina ka. Puneta ka. Ayaw mong mag-take ng responsibility sa mga sitwasyon na pinapalala mo, tapos lagi nalang kami ni Ate ang apektado, kahit minsan nagpapa kumbaba nalang kami kasi alam namin na walang makakabago sa pag-iisip mo.
Tangina ka naman. Sa tingin mo may dulot yan? Mabait pa yan si Ate, ako hindi. Aalagan ka ni Ate, ako hindi. Dahil sa mga pinagsasabi mo, kung paano ka nagrerespond sa mga ganito sitwasyon, HUWAG NA HUWAG MONG IISIPIN NA SUSUPORTAHAN KITA PAGKATAPOS KONG MAG ARAL. Pag alis ko sa bahay na ito, di ko na kayo kilala, patay kayo sakin.
Isa lang trabaho mo bilang magulang, di mo man lang ginagawa. Sa ADHD diagnosis ko palang, parang kasalanan ko pa na may disorder ako. Bakit ba wala ka nalang magawa kundi magsalita ng walang kwenta?
Pagod na pagod na ako sayo. Sana masaya ka. Sana masaya kasi dahil sayo, ibang iba ang perpective ko sa buhay ko. Yung dapat purposeful, yung dapat masaya ako kasi nakarating ako ng ganito...
Dahil sayo, bumabalik ako sa batang walang magawa kundi umiiyak na hindi niya nalang alam kung bakit. Dahil sayo ako ay ganito.
Tl;dr: Fuck you. I will never forgive you.
#the pink sparkly owl's rants#i want to go apeshit#this is absolutely a trigger that I don't know much about#and I need to I have to#sometimes i don't want to be a good person to my blood relatives#is this part of having ADHD?#i wish i had the capacity to bounce back so easily
0 notes
Text
Importansya ng Wika, Awtor at Mambabasa
Matapos kong basahin ang artikulo ni Dr. Bienvenido Lumbera na pinamagatang “Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Pilipino” napagtanto ko na ang mga malikhaing paggamit ng wika sa panitikan ay nagudyok sa mga Pilipino nung nasasakop pa tayo ng mga banyaga na magkaroon ng sarili nilang kamalayan at ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.
Unang Puntos
Batay sa akin pagkaintindi ng artikulo ang unang mahalagang puntos ay salita o ang paggamit nito dahil kaya nitong makapukaw ng damdamin ng mga tao kung maayos itong naisulat o kahit patalinhaga pa itong naisulat. Maaari ring itong magbigay ideya o pagkukumpara na nabanggit sa artikulo tungkol sa awit na “Jocelynang Baliwag”:
“Subalit may iisang“sinta”ang maraming kasapi ng Katipunan at ang maraming mamamayang nakiisa sa kanilang simulain- iyan ay ang Inang Bayan, ang“mabangong sampaga,” ang “matimyas na bukal.” Habang naglalaho ang personalidad ng dalagang pinag-alayan ng tula, nagiging mabisang talinghaga ang “Edeng kinaluluklukan ng galak at tuwa” para sa bayang Pilipinas. At ang “hada[ng] maningning” na nagpapabukadkad sa mga bulaklak ay hindi na si Pepita kundi ang Inang Bayan.”.
Ang awitin ay tungkol sa isang dalaga sinisinta ngunit mapapansin din na maari rin itong gamitin upang maiparating ang pagmamahal sa bayan at kung gaano ito kahalaga sa mga Pilipino nung panahon ng himagsikan. Kaya ito naging awit ng kundiman dahil nagbibigay ito ng pag-asa o motibasyon sa mga kilusan noong mga panahon na iyon na lumaban para sa kinabukasan ng Pilipinas at para matapos na ang paniniil na ginagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Ikalawang Puntos
Ang ikalawang mahalagang puntos ay ang awtor kung saan pinababatid niya sa mga tao kung ano ang nasa isipan niya. Katulad ng mga aral na mapupulot dito, maipapakita rin ang kanyang pagkamalikhain at kakayahang magbigay buhay sa kanyang mga kwento. Isang halimbawa ay ang ginawa ni Balagtas na “Florante at Laura” para maipakita na kaya rin ng mga Pilipino na lumikha ng mga panitikan na kayang makipagsabayan at mahigitan ang mga likha ng mga banyaga. Ngunit makikita rin dito na nagbago ang gustong iparating ni Balagtas dahil sa mga mambabasa nito na nakikita mismo o nararanasan ang mga kaganapan na nangyari mismo sa kwento na nabanggit sa siping ito:
“Sa paglipas ng mga taon, ang kamalayang tumatanggap sa mga salita ni Balagtas ay maagap na tumutugon sa daing ng nilinlang at inapi, sa pagngingitngit ng pinagkaitan ng katarungan, sa pagsasakdal ng inagawan ng kapangyarihan, nabahagi ng isinasalaysay na mga kasawian sa buhay ng mga tauhang Florante, Aladin, Laura at Flerida. Nagbago na ang kamalayan ng mga katutubo,at ang kahulugang nahahango sa mga pangyayari sa tula ni Balagtasay umayon sa pagbabago ng kamalayan ng mga mamamayang sa panahon ng himagsikan ay tatawaging “mga anak ng bayan.”
Ang tulang ito ni Balagtas ay hindi sinasadyang ginising ang kamalayan ng mga Pilipino na dapat may pagbabagong magawa para sa kapakanan ng lahat. Binigyan sila mga aral at ideya ng tulang ito upang ipaglaban ang kanilang sarili at wakasan ang pagmamalupit na kanilang pinagdaraanan dahil sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
Ikatlong Puntos
Ang ikatlong mahalagang puntos ay ang mga tagabasa ng mga malikhaing panitikan kung saan sila mismo ang nagbibigay kahulugan sa kanilang binasa. Ang tula ni Hernandez na “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” kung saan tinutuligsa niya ang mga kolonyalistang Amerikano na pumalit sa mga Espanyol na nagtulak sa mga miyembro ng Kabataang Makabayan na magkaroon ng ideya na dapat magtayo ng sariling republika ang Pilipinas. Ginamit nila ang tula ni Hernandez upang balikan ang ating kasaysayan at buwagin ang katiwalian na siyang dulot ng kolonyalismo sa ating lipunan na makikita sa sipi sa ibaba:
“Aktibong nangalap ng mga kasapi ang Kabataang Makabayan (KM). Puspusan ang ginanap na pag-aaral ng mga estudyanteng buong siglang yumakap sa mga kaisipang pambansa-demokrasya. Sa mga pag-aaral ng mga kasapi ng KM, binalikan nila ang kasaysayan ng Pilipinas at binuhay ang mga anti-piyudal at anti-kolonyal namgakaisipang nasa mga akda ng nakaraan. Dito nila natuklasan ang palabang tula ni Hernandez, na sinimulan na nilang tawaging “Ka Amado.”
Mapapansin sa kanyang tula na maiintindihan na kaagad kung ano ang kanyang tinutukoy, magdudusa na naman ang Pilipinas pati na rin ang ating katutubong wika ay matatabunan na naman ng banyagang wika. Nang mabasa ito ng mga Kabataang Makabayan napagtanto nila na dapat palaguin ang pagiging makabayan ng mga Pilipino at kailangan nang tuldukan ang imperyalismo ng mga Amerikano sa Pilipinas.
-Lorielyn Dimatatac
References:
Lumbera, B.L. (2015). Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino.
Carandang II, E., Dreisbach, J., & Villanueva, Ma. A. (2021). Sourcebook ng LCFILIC (Wika, Midya at Teknolohiya) (3rd ed.). Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle.
0 notes
Text
Dr. Stone: Paggamit ng siyentipikong kaalaman upang muling itayo ang sibilisasyon
“Yeah, that is truly rational. It’s rational, but not at all thrilling. If we can’t support all seven billion people, then we’ll just have to find a way to do so, with those seven billion people. That’s the way of science.” -Dr. Stone, Chapter 80
Isang serye ng manga ang Dr. Stone na isinulat ni Riichiro Inagaki at isinalarawan ni Boichi. Tumakbo ang serye mula ika-6 ng Marso, 2017 hanggang ika-6 ng Marso, 2022, na may kabuuang 26 na mga volume at 232 na kabanata.
Pumapatungkol ang Dr. Stone sa isang mundo kung saan hinaharap ng sangkatauhan ang isang walang kapararakanang krisis: isang pandaigdigang pangyayaring petripikasyon na ginagawang mga batong estatwa ang bawat tao sa mundo. Nakatuon ang kuwento kay Senku Ishigami, isang napakatalinong estudyanteng nasa paaralang sekundarya na nagising 3700 taon na ang nakalipas matapos ang pangyayari upang makita ang kanyang sarili sa isang mundong binawi ng kalikasan. Nahikayat ng kanyang matibay na pagmamahal sa siyensiya at nais na muling buhayin ang sibilisasyon, nagsimula siyang maghanap upang palayain ang tao mula sa sumpa ng bato at muling itayo ang lipunan mula sa simula.
Nagustuhan ko sa Dr. Stone ang pamamaraang marunong itong pagsamahin ang mga konsepto ng siyensiya sa nakakapigil-hiningang pagkukuwento. Sinusuri nito ang mga komplikadong ideya ng siyensiya sa paraang nakakaaliw at edukatibo. Nakakahawa ang sigasig ng mga karakter sa pagdiskubre at paglutas ng mga problema, na nagpapabuti sa bawat kabanata patungo sa isang masayang paglalakbay sa mundo ng pagiging malikhain at paggawa ng mga imbensyon. Bukod dito, nagdaragdag ng lalim at kakayahang makaka-relate sa mga karakter ang kakayahan ng manga na haluan ng katatawanan, aksyon, at mga sandaling tunay sa emosyon, na ginagawang hindi lamang nakaka-eksaytado kundi pati na rin may lalim at kahalagahan ang kanilang pagsisikap na muling itayo ang sibilisasyon.
Nagtutugma ang pagbibigay-diin ng manga sa halaga ng kaalaman sa kasalukuyang pandaigdigang larawan, kung saan ginagamit ang mga pag-unlad sa siyensiya bilang kasangkapan sa pagtugon ng mga mahahalagang isyu. Sa isang mabilis na nagbabagong mundo na kinakaharap ang mga alalahanin sa kalikasan, krisis sa kalusugan, at rebolusyon sa teknolohiya, nagpapahalaga ang mensahe ng manga sa pangangailangan ng pagsusumikap sa siyensiya para sa ikabubuti ng lipunan. Higit pa rito, lubos na umaalingawngaw ang mga etikal na pagsasaalang-alang na itinataas nito hinggil sa mga makabagong siyentipiko sa kasalukuyang lipunan na mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Nananatiling mahalagang mga usapin ang etikal na implikasyon ng mga makabagong teknolohiya, tulad ng artificial intelligence, genetic engineering, at data privacy, na siyang nangangailangan ng maingat na pagsusuri at etikal na mga alituntunin upang gabayan ang kanilang responsableng pag-unlad at paggamit. Kaya naman naghihikayat ng pagmumuni-muni ang Dr. Stone sa wastong aplikasyon ng pagsulong ng siyensiya para sa kabutihan ng sangkatauhan sa gitna ng kumplikadong kalagayan ng ating modernong panahon.
1 note
·
View note
Text
Pagbabalik-Tanaw sa Makaysasayang Intramuros
(Kuha ni Raymond Virata)
Ang Intramuros, na binansagang “nagsasanggalang na pader” o “sa loob ng pader” ay ang pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan sa lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ito ay nasa timog-kanluran ng Maynila Bay at may malapit na pagkakabukod mula sa katabing distrito ng Ermita sa hilagang-kanluran. Tinatawag ding “napapaderang lungsod”, ito ang orihinal na lungsod ng Maynila at luklukan ng pamahalaan noong ang Pilipinas ay nasasakop pa ng Kastila. Ang bayan ng Intramuros ay nananatiling isa sa mga piping saksi sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang dalawa sa mga makasaysayang lugar na matatagpuan dito ay ang Fort Santiago, kung saan ipinakulong si Dr. Jose Rizal bago siya dinala sa Bagumbayan at gayundin ang isa sa mga pangunahing simbahan sa Pilipinas, ang Manila Cathedral.
Si Dr. Jose Rizal, na isa sa mga pinakamagiting na bayani ng Pilipinas, ay naging saksi rin sa mga pangyayari sa Intramuros noong kanyang panahon. Ayon sa kanya, ang Intramuros ay di-umano "isang baluarteng kaharian" ng Kastilang pamahalaan sa Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang nahahati ang Intramuros sa pitong balwarte, at ito-ito ang Balwarte ng Tenerias, Aduana, San Gabriel, San Lorenzo, San Andres, San Diego at Plano. Bawat balwarte ay itinayo sa iba’t ibang kapanahunan, kung kaya’t iba’t iba ang mga anyo nito.
Mahigit isang buwan na ang nakalipas noong aking huling masilayan ang kagila-gilalas na gandang taglay ng Intramuros sa Maynila. Ika-21 ng Hulyo taong 2023 para sa espesipikong araw. Tanghali na noong ako at ang aking pamilya ay makarating doon, kaya naman tirik na tirik ang araw at napakainit libutin ng lugar. Tila mas maganda kung sa hapon ito dadayuhin upang sa gayon ay hindi na masyadong dama ang init ng araw. Ngunit, hindi ito naging hadlang sa aming paglilibot, pagkuha ng mga litrato, at alamin ang istorya sa likod ng bawat lugar.
(Kuha ni Cathrina dela Cruz) Nakatutuwa rin ang mga gwardiya, tagabantay, at tauhan sa lugar na ito sapagkat mayroon silang kanya-kanyang kasuotan na akma sa kanilang trabahong ginagampanan. Mayroong mga nakasuot ng pang gwardiya-sibil, ilustrado, Indio, o di kaya naman ay ang pambansang kasuotan noong unang panahon, ang baro’t saya, barong, salakot, at iba pa.
Ang isa sa mga lugar na tumatak sa aking isipan sa pagpunta namin sa Intramuros ay ang pagbisita sa Fort Santiago. Sa pagpasok namin sa mga kulungan dito, nakaramdam ako ng samu’t saring emosyon. Takot, kaba, lungkot, at awa. Ito ang mga naramdaman ko noong pinasok namin ang lugar na ito, sapagkat ang Fort Santiago ay isang pook na puno ng mga alaala ng mga taong nagdusa noong panahon ng kolonyalismo at digmaan. Nadama ko agad ang bigat ng bumabalot sa lugar sa mga unang hakbang pa lamang. Nakita ko ang mga makakapal na pader na nagpapahiwatig ng mga paghihirap na pinagdaanan ng mga Pilipino, at gayundin ang takot na kanilang nadama habang nakakulong sa mga malamig na selda na puno ng pag-aalala sa kanilang kapalaran. Mayroon ding mga estatwa rito na nagbibigay-buhay sa mga kwento ng mga bayaning Pilipino na nag-aalab na ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa. Ipinapakita nila ang tapang at dedikasyon na nagbigay inspirasyon sa marami na itaguyod ang kultura at kasaysayan, kahit na kapalit pa nito ang sariling buhay.
(Kuha mula sa Google) Pagkatapos naming gumala sa iba’t ibang lugar sa Intramuros, nagpahinga kami sandali at bumili ng avocado ice cream upang kahit papaano ay maibsan ang aming pagod. Sa unang subo ng avocado ice cream sa munting tindahan sa kalsada, naging bahagi kami ng mas malalim na karanasan. Hindi lamang ito tungkol sa pagtikim ng isang kakaibang sorbetes na may malamlam na lasa ng avocado, kundi pati na rin ang paglunok nito habang iniisip ang mga kuwento at alaala ng mga taong nagdaan sa Intramuros.
(Kuha mula sa Google)
Sa Intramuros, ang isa sa mga kilalang restawran ay tinatawag na "Ilustrado." Ang Ilustrado Restaurant ay isang prestihiyosong establisyamento na kilala para sa kanilang masarap na lutong Pilipino at Spanish cuisine. Ito ay isang pook na puno ng kasaysayan, kultura, at tradisyon na makatutulong sa mga dumadayo na masilayan ang yaman ng kultura ng Pilipinas. Ang kanilang menu ay nag-aalok ng mga klasikong lutong-bahay na mga putahe, kabilang ang mga paborito ng mga Pilipino tulad ng kare-kare, adobo, lechon, at iba pa. Maaari ring makakita ng mga makasaysayang dekorasyon, antique na kagamitan, at mga awit na sumasalaysay sa kasaysayan ng Pilipinas sa loob ng restawran.
Maaaring magsagawa ng iba’t ibang uri ng mga aktibidad sa Intramuros. Ang isa sa mga ito ay ang pagbibisikleta. Mayroong mga bisikleta na libre lamang gamitin, at sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang paglibot sa napakalawak na lugar ng Intramuros. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi namin ito nagamit dahil gaya nga ng nabanggit ko kanina, tanghali noong kami ay nagpunta kaya naman napakainit at mahirap magbisikleta. Bukod naman sa pagbibisikleta, maaari rin na maglakad-lakad o mag-ikot-ikot sa Intramuros. May mga “tour guide” kung tawagin na maaaring sumama, at makakakuha rin ng mga impormasyon mula sa kanila ukol sa kasaysayan ng lugar. Mayroong mga karampatang presyo ang kanilang pagsama bawat oras, at maaaring malaman ang iba pang impormasyon dito sa kanilang opisina.
Naalala ko rin ang mga naggagandahang kalesa sa aking pagbisita sa Intramuros. Dahil kasama namin ang aking lola sa pagpunta ko rito, sila na lamang ng aking ina ang sumakay sapagkat hindi na niya kakayanin na maglakad pa. Mas pinili ko at ng aking mga pinsan na maglakad kaysa sumakay upang sa gayon ay mas malibot namin ang mga lugar at makakuha kami ng maraming litrato. Sa pagsakay ng kalesa, kailangan ding magbayad kada oras at mayroon lamang limit ang sakay kada kalesa. Masusulit naman ito dahil lilibutin ang buong Intramuros at hindi na mapapagod pa sa pagbisita sa iba’t ibang lugar. Ito ay swak, higit lalo sa mga nagnanais na mag sightseeing lamang at mayroong kasamang matanda.
Pagdating naman sa mga pasalubong, napakaraming bilihan o souvenir shops na maaaring pagbilhan sa loob ng Intramuros. Isa na rito ang “The Papier Tole Shop”, kung saan kami ay bumili ng mga souvenirs gaya ng mga keychain, t-shirt, at postcard na may disenyo ng Intramuros at iba't ibang makasaysayang lugar sa Pilipinas. Ang mga ito ay aming binili upang hindi mawaglit sa aming isipan ang kakaibang karanasan na ito na habangbuhay naming dadalhin, kasama ng mga pangyayari sa Intramuros na bumuo sa ating pagkakakilanlan at kasaysayan. Dinagdagan na namin ang aming binili, upang sa gayon ay maipamahagi rin namin ito sa mga kamag-anak, kaibigan, at kung sino man ang nais bigyan.
(Kuha mula sa Klook)
Iba’t ibang kultura ang kumakatawan sa Intramuros, buhat na nga ng mga pinagdaanan at kasaysayan ng lugar. Ang Intramuros sa Maynila ay isang mapagpasyang yugto ng Pilipinong kultura na nagpapakita ng mga aspeto ng ating kasaysayan, pagkamakabayan, at pag-unlad. Una, sa pamamagitan ng makasaysayang arkitektura nito, kitang-kita ang impluwensya ng pananakop ng mga Kastila. Ang makakapal na pader, malalaking simbahan, at mga patyo ay sumisimbolo sa mga naging epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. Pangalawa, ang mga tradisyonal na kasuotan at sayaw na napanood sa Intramuros ay nagdadala ng buhay sa mga sinaunang tradisyon ng Pilipino. Ikatlo, sa mga tanyag na restawran sa Intramuros, maaaring masilayan ang sarap ng mga lutong-bahay ng mga Pinoy. Ang mga ito ay nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkain sa kultura ng bansa, kung saan ang pagkain ay hindi lamang sustansya kundi bahagi rin ng pagkamakabayan at pagkakakilanlan. Ikahuli, ang mga pista at tradisyon sa Intramuros, tulad ng Semana Santa at Araw ng Kalayaan, ay nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Ang mga okasyong ito ay nagpapakita na ang kultura ng Pilipinas ay buhay at patuloy na iniingatan at pinapahalagahan ng mga Pilipino sa kabila ng pagbabago ng panahon.
Bilang pagtatapos, mayroong mga bagay o materyales na inirerekomenda kong dalhin kapag pupunta sa Intramuros, Manila. Ito ay batay lamang sa aking mga karanasan, at nawa’y ang mga ito ay makatulong sa iba pang naghahangad na makarating sa lugar na ito. Inirerekomenda kong magdala ng payong o sumbrero, lalo na kung ang inyong pagbisita ay sa tag-init. Ito ay upang maproteksyunan ang sarili mula sa matinding sikat ng araw habang naglilibot sa Intramuros. Bukod dito, mahalaga rin na magsuot ng komportableng sapatos o sandalyas na magagamit sa mahabang lakaran sa makasaysayang pook. Ang kaginhawaan ng paa ay magbibigay ng mas magandang karanasan sa paglilibot at pagsilip sa mga kahanga-hangang tanawin ng Intramuros.
(Kuha mula sa Guide to the Philippines)
Sa aking mga naging karanasan sa lugar na ito, masasabi ko na ang Intramuros ay isang alingawngaw ng ating nakaraan na patuloy na humuhulagpos sa ating kasalukuyan. Ang paglalakbay at pagpasyal sa mga makasaysayang gusali dito ay parang pagbalik sa panahon ng kolonyalismo kung saan maaaring masulyapan ang mga araw ng pakikipaglaban para sa kalayaan. Kaya't sa bawat pagkakataon na tayo’y mapupunta sa Intramuros, tayo’y nagkakaroon ng mas malalim na pang-unawa sa ating kasaysayan at pinagmulan. Sa bawat hakbang na ginagawa sa mga kalye nito, katuwang nito ang respeto at pagkilala sa mga bayani at pati na rin sa lahat ng taong nagsakripisyo para sa kalayaan. Sila ay lumikha ng mga alaala at mahahalagang kontribusyon para sa bayan na mananatiling buhay sa ating mga isipan magpakailanman. Ang Intramuros ay hindi lamang isang distrito; ito ay isang buhay na aklat ng kasaysayan. Ito'y nagpapahayag ng pagmamahal sa kalayaan at pag-asa para sa kinabukasan.
#IntramurosManila #HistoricManila #TravelPinas
Mga Sanggunian:
1 note
·
View note
Text
By • Olalekan Fagbade Gunmen burn seminarian to death as Catholic church come under armed Men's attack A Catholic seminarian, Naam Ngofe Danladi, was burnt to death when bandits attacked the residence of the Chancellor of the Catholic Diocese of Kafanchan, in Fadan Kamatan, Zangon Kataf Local Government Area of Kaduna State, on Thursday. It was gathered that the seminarian was just about completing his training in the Catholic priesthood. The Chairman of the Kaduna State chapter of the Christian Association of Nigeria, CAN, Rev. John Joseph Hayab, confirmed the incident in a statement he made available to DAILY POST on Friday. Hayab described the seminarian’s death as painful. “Our hearts are filled with pains at the wake of today (Friday) 8th September, 2023, with the sad news of the attack in our land and against our people at Fadan Kamatan Parish of the Catholic Diocese of Kafanchan, Zangon Kataf LGA of Kaduna State, burning the priest’s residence and burning to death, Seminarian Bro. Naam Ngofe Danladi.” The Kaduna CAN chairman further disclosed that the Parish Priest, Rev. Fr. Emmanuel Okolo, who doubles as the chancellor of the diocese, and his assistant, were able to escape from the building before the bandits set it ablaze. Hayab noted that it was disheartening that the bandits were able to attack the parish, located in the heart Fadan Kamantan town, despite its proximity to a military checkpoint on the Kaduna-Kafanchan expressway. He added that the bandits carried out the attack around 8:00 pm. Expressing shock at the development, he said, “This causes us to wonder some more, where is the hope, how much more terrible could the situation get?” Hayab noted that CAN appreciates the willingness of the Kaduna State government to proffer practical and lasting solution to the security challenges in the state, as suggested by the ongoing recruitment of over 7,000 men and women into the Kaduna State Vigilante Services, KADVIS. He urged the state governor, Uba Sani, and all relevant stakeholders to immediately swing into action and ensure that those responsible for the murder of the seminarian are apprehended and made to face the law. The CAN leader added, “Security is everyone’s business, it is disappointing that this kind of unholy activity could be recorded at the heart of Fadan Kamantan community and the criminals will operate unchallenged. “It is a slap to the security forces within that jurisdiction. It is a slap to the religious leaders, traditional and community leaders. “The position of CAN Kaduna State Chapter has always been that we as citizens must complement government in her primary responsibility of saving our lives and properties by proactively building a community security system that prevents any form of invading force into our community, sadly we are still here.” He enjoined leaders at all levels in Southern Kaduna and Kaduna State to rise up to the responsibility of providing leadership and protecting their communities, noting that the people cannot continue to suffer at the hands of bandits. Hayab added that the leadership of CAN in Kaduna State and all Christians in the state are sympathising with the Bishop of Kafanchan Catholic Diocese, Most Rev. Dr. Julius Kundi, the Parish Priest and parishioners of Kamatan Parish, the Kurama community, home of the slain seminarian, Naam Ngofe Danladi, and the people of Zangon Kataf LGA and Fadan Kamantan, over the unfortunate incident. He also prayed for an end to the menace posed by bandits in the area. #GunmenattackCatholicChurch
0 notes
Photo
*Makundi ya chakula cha wanga* 💉Mahindi - ugali, uji, mahidi ya kupika au kuchoma, bisi, makande 💉Ulezi 💉Ngano - chapati, donati, mandazi, sambusa n.k 💉Mchele - wali, vitumbua, nk 💉Mihogo, chipsi zake 💉Viazi vyote vitamu na mbatata 💉Mtama *Hivyo basi mtua anaekula uji, ugali, wali, na chipsi bado anakuwa yupo katika kundi moja tuu la chakula kitu ambacho sio mlo kamili kwa Afya* Wagonjwa wa Kisukari karibu kwa Dr👇🏻 wa.me/255717174151 (at Dar es Salaam, Tanzania) https://www.instagram.com/p/CoxxhKkN1e0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
Text
Blog entry #3
The Chronicle of My Success Foretold.
Ako si Angelita Icamen Pallorina na ipinanganak noong Oktubre 23, 2002. Sa Lugar ng Pasig City, ako ay pangalawa at bunso sa aming mag kapatid. Noon pa man noong ako ay anim na taong gulang pa lamang ay mahilig na sa pag susulat, bagamat ito ay mga letra pa lamang at mga numero nakitaan na ako ng aking mga magulang ng potensyal at pag kakaroon ng pag ka hilig sa pag susulat. Lumipas ang ilang taon noong ako ay elementarya na sa Dr. Alejandro Albert Elementary School madalas na akong sumasali sa mga patimpalak na may kinalaman sa mga talento, pasulat man ito pasayaw o maging sa pag kanta. Halos lahat ng tao ay nahuhumaling sa angking kabibuhan na taglay ko, kaya naman lumipas ang ilang taon noong ako ay nasa pangatlong baitang na naisipan kong sumali sa organisasyon ng aming paaralan na tinatawag na "Book lovers Club" dahil sa kagustuhan kong maibahagi sa iba pang mga mag-aaral ang aking kaalaman sa pag babasa, at pag sulat nag pasya akong maging kabilang sa grupong iyon. Lumaon ang dalawang taon ako ay nasa ikalimang baitang na mas nahasa ang aking pag papamalas ng galing sa aking kapwa kamag aral at maging sa aking mga guro, naging mananayaw ako hanggang sa ako'y naging pang anim na baitang. Tunay ngang naisisiwalat ko ang aking talento di lamang sa pag basa at pag sulat kundi maging sa pag sasayaw at pag peperporm. Nag sekondarya ako sa paaralang Ramon Magsaysay na matatagpuan sa Espanya Manila. Sa paaralang iyon mas nahasa ang aking pag sulat sapagkat madalas akong sumasali ng mga "essay contest". Ang pag kakaroon ko ng kamalayan sa kung ano talaga ang gusto kong makamtan sa buhay ay nag sisimulan sa pag kabata, maaring na papayabong ito ay nabibigyang tuon kaya naman mas nag kakaroon ng tulay patungo sa kung ano ang nais ko sa buhay, konektado ang bawat hakbang na ginagawa ko sa aking mga karanasan. Pagtapos ng aking ikasampung baitang ako ay nag patuloy ng aking pag aaral sa Philippine College of Criminology dahil noon ako ay naguguluhan kung ako nga ba ay mag pupulis o ipag papatuloy ko ang aking nasimulan sa mundo ng pag sulat, pag basa at maging sa pag peperporm. Ako ay nag isip ng taimtim at nag tanong sa aking mga magulang upang maging gabay ko sa aking pipiliing landas. Lumaon ang ilang buwan ng aking pag iisip kung ano nga ba ang gusto kong tahaking landas nakapag pasya akong ituloy kung ano nga ba ang aking nasimulan. Ako ay nag bakasakali ng kolehiyo sa Unibersidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. At sa huli ako ay inilagay ng Diyos upang mag aral sa Paaralang tinitingala at pinapangarap ng mga estudyante na gustong mag aral sa PLM, lubos akong nag papasalamat sapagkat ako ay isa sa mga mapapalad na makapasok sa paaralang iyon. Ang unang pumasok sa isipan ko noong ako pa lamang ay nag papasya kung ano nga ba ang pipiliin kong kurso sa kolehiyo hindi na ako nag dalawang isip na piliin ang BAC o Bachelor of arts and communication sapagkat dito mas mahuhubog ang aking mga kakayahan sa pag peperporm, pagsulat at pag basa. Kalauna'y ako ay nasa sekondarya na bilang isang kolehiyo, ako ay sumali sa "The Communique" na bahagi ng aming kurso upang maipamalas ko ang aking galing sa pag susulat. Sa susunod na aking tatahaking landas ako ay magiging isang magaling na manunulat sa likod ng kamera.
0 notes
Text
December 03, 2022 - Saturday
Hello Tumblr!!
First entry for December! WOAH! HAHAHA ANG AGA NO? Well, kaya maaga ngayon kasi alam kong hindi ako makakapag tumblr next week dahil tinambakan kami ng gawain HAHAHAHAHA. Nakakaloka, pagkatapos mo magawa yung ibang gawain madadagdagan ka naman walang patawad e.
Last two weeks na lang sa klase and for the third week of December ay Finals exam na namin, yes, finals exam namin yun kung kailan Christmas week na! Nako talaga. Pero wala naman kaming magawa kasi ayon ang gusto ng school namin so syempre forda sunod na lang kami. Pero ang dami pa rin talagang workload TT^TT ang daming reportings halos linggo linggo meron kami and super nakakadrain siya ng buong pagkatao namin. Hindi naman kami magrereklamo e kaso magbibigay ng reporting na iprepresent kinabukasan na? Sino di magcracram diba?
Ngayon ay isang journal critique na lang ang gagawin ko sa Cytogenetics namin, mga dalawa or tatlong post quiz sa Cytogenetics pa rin at may comprehensive exam pa kami sa kanya. May last two quiz pa kami sa ANAPHY and I think pati reporting HAHAHAHA PAGOD NA AKOOOO. Pati sa mga labster simulations namin pagod na pagod na pagod na ako don nakakasawa na si Dr. One pakiramdam ko wala na akong natutunan talaga don.
Madami dami pa sa Biochemistry kasi may mga simulations pa kami na gagawin this upcoming week and may mga quizzes pa, ganon din sa ibang subjects namin sa major, sa pstmls may quiz kami this Tuesday and probably next Tuesday ulit. Tapos sa Epidemiology namin may reporting pa kami and I think quiz pa and may dinagdag na gawain si Sir at yun ay ang Lab Activity :D wow pagod na ako literal. Hindi pa kasama dito yung mga general education courses namin ha, forda nangtatambak din yung mga yon e HAHAHAHA grabe. Grabe na.
So kumusta naman ako? First week na first week ng December puro activities iniisip ko at mga dapat ipasa agad at madaming groupworks ang kailangang gawin. Hindi ko alam paano ko nasisingit ang manood ng mga variety shows ng BTS, TXT, at ENHYPEN HAHAHAHAHA. Sila na lang kasi pahinga ko kapag kumakain ng lunch at magpapahinga me kapag nakadami na ako ng workload sa isang araw. Nasa Pilipinas ang ENHYPEN ngayon e dahil sa event nila sa BYS. Ang gwapo pa ng TXT don sa concept trailer nila para sa next album nila na The Name Chapter!! ACKKKK! GRABE ANG GANDA NG CONCEPT TRAILER NILAAAA!! AND SI NAMJOON!! ANG GANDA NG MGA SONGS NIYA SA INDIGO!!! ACKKKKK!
Ano pa ba? Ayon magpapahinga na ngayon maaga pa bukas at magrereview pa bukas ng cytogenetics at anaphy, ahahahahahah pati Linggo wala akong choice kundi mag-aral :D nakakapagod na mga beh.
Anyway, highway, bye bye na si red! Saka na yung ibang chika <3
Next blog again! <3
Song of the Day: About You - The 1975
0 notes
Text
Paglilitis: The Lorax 1972
"Unless someone like you cares a whole awful lot, nothing is going to get better. It's not." -Lorax
I. Pagkikilala:
Isa sa mga isyung nangingibabaw na dumako sa kasalukuyang yugto, ay patungkol sa mga natatamong kapabayaan sa daigdig, at ang tanging sumasagisag ay walang iba, kundi ang tao. Tinanghal mabuti ng "The Lorax" ang propesiya kung ipinanatili ng tao ang maaalipustang pangangabuso sa kapaligiran.
Kaakit-akit ang pinintang pelikula ng isang makatang si Theodore Seuss Geisel, o mas kinilala sa sagisag na pangalang Dr. Seuss. Ang 1972 animated film na 'to ay hango sa Children's Book na isinulat niya rin noong 1971. Itinatala sa palabas na 'to ang bunga ng kaligiran na simuno ng mapaniil na mga nilalang, at sa kabilang palad ay ang 'Lorax', na kinakandili ang kalikasan laban sa mga mapang-abuso, o ang tinaguriang 'Once-ler' sa pinanood.
youtube
II. Buod
Naroroon ang isang banyaga; di nakikihalubilong imbentor na para bang nakakandado sa kanyang tindahan ng damit. Siya'y naninirahan mag-isa, sabihin na nating 'reclusive' , ngunit dinalaw ng isang musmos, na nais maulinigan ang kaniyang storya. Nagbitbit ang batang lalaki ng snail shell at 15 cents, para lamang makumbinsi ang Once-ler sa paghandog ng talos at maikwento ang lumilikod ng salaysay.
Simulan natin ang storya. Pumasok sa eksenang sumapit ang Once-ler sa nakabibighaning larangan na nababalot ng nagsisilitawang kulay. Wariing kapayapaan ang pumapalibot. Ubod ng linaw ang langit, at sa ibabaw ng kalupaan ay mayroong napakaluntiang damuhan, kung saan nakalapag ang makukulay na "Truffula Trees", at tila malasutlang danaw. Ang tinig ng huni ng "Swomee-Swans" ang mauulinigan sa himpapawid. Mamamataan mo ding nagsasayawan ang mga "Humming Fish", at masusulyap ang nagtatamasang "Brown Bar-ba-loots", habang kinakain ang prutas na pinitas sa Truffula Trees.
Nagpasyang manirahan ang Once-ler dito, palibhasa'y naakit sa taglay na kamutyaan ng lugar. Datapawa't sa mahapis na palad, nagsimula 'tong pumutol ng isang "Truffula-Tree". Habang lumalaon, napagtanto nitong makapagbebenta siya ng 'thneeds', na linikha mula sa pinutol na puno, bagkus mayroon itong kinahinatnan, ang pagsipot ng presensya ni Lorax, kung saan binalaan ito na pahupayin na ang di-kaaya ayang gawa, pagkat siya ang nagaadya sa mga punong walang dila at wika. "I speak for the trees, for the trees have no tongues", ang sambit ng Lorax, at ang salaysay ay 'di ininasok ng Once-ler sa isipan, sabay nangatuwiran pang isa lamang ang pinutol na Truffula Tree. Ito ang tiyak na ugat pa lamang ng mga darahop na mamayang mararanasan.
Nalugod ang Once-ler, maging buong katiwalaan na babantog ito sa bayan. Linsad-linsad na ang mga puno, na kahapon ay sagana. Ang industriya ng Thneed ay pumatuloy sa pagsulong at pagkatanyag, na ang nagpatuwa sa Once-ler, dahil nga nagresulta sa kanyang pag-usad at pagyaman. Subalit, unti-unting lumilitaw ang panglaw sa kapaligiran. Sa mga lumipas na araw, di tumagal ay nanumbalik ang Lorax upang balaan muli ang Once-ler sa ill-omen.
Hanggang sumapit na nga sa estadong napalitan na ang dating nanginginang at masaganang kagubatan ng siyudad na ang bawat lingon ay impastraktura, pabrika at mga edipisyo. Bakas na sa bahaging ito ang pagiging nilapastangang kaligiran; Una, pinahatid niya ang mga Barbaloots sa iba pang purol na upang 'di yumao, magsiyasat pa ng ibang sustento, marahil ay naubusan na ng mga dating kinakaing bunga ng Truffula trees. Ang nakaraang bughaw na himpapawid ay natambakan ng nagsisidilimang alapaap, kung saa'y unti-unting nalalason ang mga Swomee-swans. Ang sarong asul na katubigan ay nabuhusan na ng pollution at oil spill, kung saan sandamakmak na Humming Fish ang umalis o nautas.
Isinintabi pa rin ng Once-ler ang nasaksihang madelubyong kahinatnan, kahit na pumapaligid na sa kanya. Idiniin nito na para 'to sa ginhawa at hatid niyang kapit-bisig sa mga tao, at isinasapusong umuusad pa rin ang kinikita. Ngunit, nawawalan na ng kinang ang pag-asa. Ang kahuli-hulihang Truffula Tree ay naputol pa. Ginugol na ng Once-ler at ang mga kaakibat ang natitirang kalikasan, kung kaya'y dumating sa puntong nasaid na, at dahil sa kapalastangan ay nasayang na ang mga lahok upang umurong ang negosyo. Sa pagbagsak ng negosyo, ay napuwersahang lumisan ang mga nananrabaho dito dahil wala nang tinataguyudan, at saka laganap na ang malubhang polusyon. Ang lahat ng mapait na nakamit ay ang gumuhit ng pighati sa Lorax, at lumayo na rin paalis. Ang hindi pakikinig ng Once-ler ay natungo sa kanyang pagkadismaya at panglaw. Ang tanging iniwan lamang ng Lorax ay ang wikang "Unless" na nakaukit sa munting bato.
Bumalik sa kasalukuyan na natanaw sa unang bahagi ng kwento. Noong una, inuudyok ng Once-ler ang sarili upang lubusang matalos ang kahulugan ng iniwang mensahe ng Lorax, bagama't naintindihan na ang lahat. Inialay ng Once-ler ang huling buto ng Truffula Tree, at ihinabiling itanim 'to, hanggang sumagana na kagubatan, at muling bumalik ang maginhawang lahat.
III. Kaanyuan ng Pelikula
A.) Tema
Ang "The Lorax" ay napapansing may temang pambata; nagsisiliwanagan ang kulay, may mga kathang salita na nakaka-akit, subalit 'di lang kabataan ang mapupukaw ang atensyon, kundi ang iba pang madla na nakatatalos ng malalim na kahulugang nakakubli sa pelikula.
B.) Paksa
Sa madaling salita, kumbaga, ang pelikula ay sumisimbolo sa malaking-tiyansang sapitin ng sanlibutan sa kinabukasan, na nababalot ng panglaw at kawasakan, kung mapaniil pa rin ang tao sa kapaligiran.
IV. Interpretasyon at Persepsyon
Sino nga ba ang Lorax? siya ay malalarawang isang nilalang na may malagong kahel na buhok at bigote na ang tungkulin lamang ay adyain ang mga puno, at siya'y kathang isip lamang ng makata. Wari ko'y ang Lorax sa pelikula ang siyang inang kalikasan mismo at ang mga kumakabig at nag-iingat dito sa tunay na buhay. Sa kabilang palad ay ang Once-ler, ay siyang mga tao at kompanyang masyadong nababad sa ganid.
Ang mga mapaniil ay siyang mga indibidwal na tumututok sa pansariling satispaksyon lamang na sila'y magtatagumpay ng lubos sa ipinalaganap na industriya, ng walang kaakibat ng pagunawa sa konseptong masasaid din ang puno, at ang pangkabuuang kalikasan sa habang panahon. Maaring nabalaan na sila na huwag ihalo ang ganid sa negosyo, nguni't 'di nasok sa ala-ala. Pasaway, hindi ba? Mistulang nagbubulag-bulagan sila sa kinabukasan ng kaligiran. Nawa'y iwasang maging isa sa mag-aambag ng paglago ng delubyo sa balang araw.
Ang pelikulang "The Lorax" ay nagbibitbit ng napakalahalagang saysay. Maraming inilalantad na mga wikang dapat tandaan sa storyang 'to. Tumatak ng lubos sa aking isipan ang isang pagpasiya ay maaring tumumbas sa magulo't malumbay na bukas, kaya't isaisip muna ang maaring kahinatnan at mapapala bago umaksyon, sa madaling salita, maging maingat. Pinaalala nito na tayo'y umusbong sa pag-alam ng mga kamaliang naranasan. "Learn from your failures. Learn from the mistakes of others — those you know, and those from history.", napaka-importante ng hayag ng kasabihang ito na naukit sa aking isipan, [hango sa www.scholastic.com], kung saa'y 'di lang sa kalikasan magagamit, kundi sa pangkabuuan rin. Minungkahi rin na dapat matuto tayong maging maingat at mapangalaga sa kalikasan, marahil dito sumasalalay ang pinaka-kinabukasan.
Bilang konklusyon, pinanood ko ang maikling pelikula (25min) ng sumasakop ang halo-halong emosyon. Nakagagana nga namang mamataan ang husay ng pag-animate ng palabas, nakukuha ng mga salita ang aking loob, dahil sa kalaliman ng importansyang kailangan matamo, at kahit puno ng hinagpis ang kasukdulan, lumiligwak naman ang kaalaman at aral na napitas ko sa pelikulang 'to.
Iyon lamang ang nais ipabatid, at dito nagwawakas ang paglilitis.
Mayroon din 'tong sari-saring bersiyon. Malimit 'tong tinatampok bilang pambatang libro at 25 minutong habang pelikula noong 1972 (ang orihinal), at inangkop bilang isang 1h35min na pelikula noong 2012, at itinaghal din bilang musikal noong 2015.
GIF edited by yours truly. Credits to the original images used in the GIFS, and courtesy to the owners of other photos.
4 notes
·
View notes
Text
Akademikong Tungkulin ng Internet at Social Media sa mga Mag-aaral
Sa panahon ngayon, madaming tao ang gumagamit ng internet at social media, karamihan ay ang mga kabataan, lalo na ang mga estudyante.
Marami itong epekto na nahahati sa dalawa; ang di kanais-nais at ang magandang epekto nito. Ngayon, ang pag-uusapan natin ay ang magandang dulot o epekto ng internet at social media sa buhay ng isang estudyante, lalo na sa kanilang pag-aaral. Una sa lahat, magagamit nila ang internet sa paggawa ng kanilang mga takdang aralin o homework at assignment at ibang proyekto, lalo na sa pagkalap ng impormasyon o research. Hindi na nila kinakailangan pang mag-agawan ng libro sa silid aklatan o library dahil mas madali at mas madami ang makukuha nilang inpormasyon. Maari din tumingin ang mga estudyante ng ideya o inspirasyon sa kanilang mga gawaing pang sining, halimbawa na lang ang “poster” o “poster - slogan”. Pangalawa, mas madali nilang makaka-usap ang kanilang mga kagrupo sa proyekto at ibang kaklase sa pamamagitan ng “group chat” o kung tawagin ay “GC”. Sa pamamagitan din ng “GC”, makatutulong ito upang ipaalala sa mga mag-aaral ang mga takdang aralin, mga proyekto at iba pang bilin ng kanilang mga guro. Madalas, ang “GC” ang ginagamit kapag may gawain o proyekto na pang grupo upang mas mapadali ang pagpaplano ng mga estudyante kung paano nila matatapos ang kanilang gawain. Maaring sa paghahati ng gawain upang mas mapabilis ang paggawa nila ng proyekto kahit hindi sila lumabas ng kanilang mga bahay, pwede ding magtalaga ng kani-kaniyang gawain sa bawat estudyante pagkatapos ay ipapadala o isend na lang nila sa isang miyembro upang siya ang kumulekta at mag-tipon ng mga gawain ng kanyang mga kagrupo. Mas mapapadali din nilang magawa ang kanilang mga pang grupong proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan o ‘collaboration’, magagawa nila ito sa pamamagitan ng “Google docs” o ibang ‘productivity tools’ na libreng gamitin online. Pangatlo, mas nakatutok ang mga kabataan sa kanilang mga telepono kesa sa manood ng balita sa telebisyon o makinig sa radyo kaya naman doon sila nakakasagap ng balita ukol sa kanilang komunidad, sa ating bansa at maging balita sa ibang bansa. Maari din tumingin o manood ang mga estudyante ng mga video tutorial ukol sa mga aralin na nahihirapan sila, halimbawa ay ang paksa ukol sa programming. Isa pang pwede nilang hanapin sa internet ay mga halimbawa ng mga problem set upang mas maigi nilang maintindihan ang kanilang mga aralin, halimbawa na lang sa siyensya (physics) at matematika o mathematics. Dahil sa nararanasan nating pandemya ngayon, malaking tulong ang internet sa mga estudyante para sa kanilang mga ‘online classes’. Hindi lang ito nangyayari sa ating bansa, dahil ito rin ang pamamaraan ng ibang guro na nagtuturo ng wikang Ingles sa mga banyaga, partikular na ang mga Koreano at Hapon na nais matutunan ang wikang Ingles. Nakatutulong din ang internet at social media upang makapag-tulungan ang mga estudyante, hindi lang sa pang grupong gawain kundi pati na rin sa pang indibidual dahil maari silang gumawa ng sariling tutorial, mapavideo man o ‘blog post’ na maaaring makatulong sa kanilang kaklase at ibang estudyante. Kung hindi man sa pag gawa ng tutorial, kahit sa simpleng pagtuturo lang sa kapwa kaklase kapag walang pasok ay malaking tulong na upang makatulong sa kapwa estudyante nang walang mapag-iwanan sa kanilang mga aralin. Kapag sila ay nag-aaral ng ibang lengguwahe, maari silang tumingin ng mga istorya o videos ng lengguwaheng inaaral nila upang mas mapadali ang pag aaral nila ng nasabing lengguwahe at maari din nila madiskubre ang kultura at iba’t ibang tradisyon ng ibang bansa.
Napakadaming magagandanf epekto at dulot ng modernong teknolohiya sa buhay ng mga tao lalo na sa mga estudyante; ngunit bilang isang kabataan, dapat ay responsable rin tayo sa paggamit nito upang mas mapabuti natin ang ating kinabukasan dahil ika nga ni Dr. Jose Rizal, tayo o “ang kabataan ang pag asa ng bayan.”
1 note
·
View note
Text
Filipino: Wikang Pinaglaban, ngunit sa huli’y Kinalimutan
Isinulat ni: Nikolas C. Lacson
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“ Kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay nang habampanahon.” - Ricardo Ma. Nolesco
Wikang Flipino, wika na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino. Kung hindi tayo? Sino? Sino ang gagamit at magmamahal ng wika na pinaghirapang protektahan ng ating mga ninuno? Tuluyan na ba nating kakalimutan ang nakaraan upang tumungo sa kinabukasan? O pipiliin ba nating dalhin ito at isabay natin itong dalhin at paunlarin para sa pinangarap na kalayaan ng dating sanlibutan? Wikang Filipino sa ika-21 siglo tuluyan ng namamatay, tuluyan ng kinakalimutan, hindi na naalagaan, maituturi ba nating ito bilang isang uri ng kamangmangan? Sa paglaganap ng social media at pagpalit ng panahon, pati ang mga tao'y nagbabago na, ngunit naniniwala ako na mayroon dapat mga bagay na hindi lang pinapalitan at tinatanggal ng basta-basta. Sa aking opinyon dapat ay alagaan pa din natin ang wikang Filipino sapagkat ito ang isa sa mga pinamana sa atin ng ating mga ninuno. Parte na ito ng ating pagkakakilanlan. Hindi ang wikang Ingles o Espanyol ang maituturi nating atin, kundi ay ang wikang Filipino! Kahit sino naman ata ay minamahal at pinoprotektahan ang kanilang ari-arian diba? Bakit hindi natin ito ginagawa para sa ating sarling wika?
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" - Dr. Jose Rizal
Ito ang mensahe sa atin ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal upang idiin sa ating isipan ang kahalagahan ng ating sariling wika. Ang wika ay ang nagsisimbolo kung tunay ngang malaya ang isang bansa! Ngunit ano na ang nangyayari sa panahon ngayon, isang panahon kung saan hindi marunong magsalita ng Filipino ang isang Pilipino na nabuhay at pinanganak sa kanyang sariling bayan. Nakakalungkot isipin na sa pag-unlad ng ating bansa ay kaagimat nito ang pagbagsak nang ating wika at ang pagkawala ng ating tunay na kalayaan. Ayon sa isang dokumentaryo ng GMA noong kinausap nila si Ginang Mila Villanueva isang guro ng asignaturang Filipino, hindi man lang marunong magsulat ng mayroong maayos na gramatika ang kanyang mga estudyante ngayon. Kung ikukumpara niya ang mga estudysante niya noon sa ngayon ay mayroong malaking agwat sa kanilang kaalaman. Aba'y tinanong din ang ilan sa mga estudyante ni Ginang Mila at ayon sa kanila nakakalimutan na talaga ang wikang Filipino, kahit ang mga tawag sa iba't-ibang kulay ay hindi nila alam.Mayroong mga nagsasabi na ang pagusbong ng iba't-ibang wika ang sanhi ng suliraning ito, ngunit ako'y naniniwala na hindi ito ang problema! Naniniwala ako na ang puno't-dulo ng suliraning ito ay ang mismong pundasyon ng wikang Filipino! Sabi nga nila na kung hindi matibay ang pundasyon ay bubuho ang buong gusali. Nakakalimutan nang kabataan pati ang pangungusap at parirala na itinuro pa noong sila'y elementarya. Kakulangan ng pansin at pangangalaga ang sanhi ng ating mga suliranin. Isa pa sa mga sanhi ay ang "toxic mentality" ng mga Pilipino, kung saan iniisip nila na masmataas ang wikang Ingles kung ikukumpara ito sa wikang Filipino. Sa kasalukuyang panahon, hindi importante kung magaling ka magsalita ng wikang Filipino kung di ka naman marunong mag-Ingles. Hindi ka makakapasa sa mga job interview kung ang gamit mo ay ang wikang Filipino. Nasaan ang hustisya doon? Kailan pa naging mas mataas ang isang wika kung ikukumpara mo ito sa iba? At sasabihin niyo ang rason ay para sa globalisasyon? Ang kausap mo ay isang Pilipino at kayo ay nasa bansang Pilipinas ngunit ang gagamitin niyo para sa komunikasyon ay ang wikang Ingles? Hindi niyo tatangapin sa trabaho ang isang tao kahit gaano pa siya kagaling kung ang pinipiling niyang wika ay ang Filipino? May nalalaman pa kayong mga salitang "pride" ngunit sa huli tinapon niyo lang ang iyong pagkakakilanlan bilang Pilipino? Parang masyado naman atang makapal mukha niyo? Mga Pilipino, mga taong nakikita lamang ang gusto nilang makita. Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan hanggang kailan ba natin tataklubin at iiwasan ang maruming katotohanan? Ang katotohanan na itinapon at binalewala na natin ang ating sariling bayan para lamang maging alila nang ibang mga bayan.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" - Dr. Jose Rizal
Kabataan, tunay na ba tayong pag-asa ng bayan? O tayo ba ang magdadala ng pagbagsak nang ating bayan? Patuloy na lamang ba tayong magpapahatak sa ating mga kasakiman? Kabataan, simulan na natin ang pagsibol ng ating wika. Isang pamilya tayo, ating gamitin ang wikang ito. Wikang Filipino ay ating bigyang halaga. Kabataan, huwag na tayo magbulag-bulagan. Isibol na ang bagong kinabukasan. Ang kinabukasan kung saan tayo'y tunay na malaya, isang kinabukasan na bukas para sa lahat ng mamamayang Pilipino.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
2 notes
·
View notes
Text
Kritikal na sanaysay
May mga akda na binuo hindi upang patuloy na aliwin ang madla kundi para gisingin ito at imulat sa katotohanan na ang lipunan ay tumatakbo sa sistemang bulok at di patas. Ayon kay Nadine Gordimer, “ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos.” Mabili man ang ilang manunulat upang sumulat ng mga akda na nakapagpapahimbing ng pusong naghihimagsik. May matitira pa rin na susulat upang hindi lubusang malunod sa kawalan ang kasaysayan at kasalukuyang hirap ng sambayanan.
Ang Literatura ng uring anak pawis ang unang halimbawa. Sa akdang ito tinampok ang iba’t ibang manunulat at akda na lumaban sa ilang dekadang panunupil ng naghaharing uri. Ang mga akda ay naglalaman ng masisidhing damdamin ukol sa kahirapan, bulok na pagpatatakbo ng gobyerno, inhustisya at pang-aapi ng mga negosyanteng dayuhan. Ayon kay Dr. Bienvenido Lumbera, “Sapagkat ang mga bagong manunulat ay kasapi sa mga kilusang bayan, kaya ang pinapaksa ng kanilang mga akda ay ukol sa karapatan at kapakanan ng uring anak pawis.”
Di masyadong nakapagtataka na ilang dekada na ang lumipas ay parehas pa rin ang hinihiyaw ng masa. “Kulang sa ulam, kulang sa damit, kulang sa kaalaman, kulang sa pera, walang yaman, walang lupa, walang-wala.” Ang pangungusap na ito ay hango sa akdang “Kulas” ni Chit Balmaceda Gutierrez. Sa kuwentong ito ipinakita kung paano napwersa si Kulas na isang ordinaryong tao na gumawa nang masama. Si Kulas ay nagrerepresenta sa libo-libong Pilipino na kung hindi man sa kulungan ang bagsak dahil sa pagtugon sa kalam ng sikmura ay sa tabi na lamang at wala ng buhay. Isa lamang itong kapiranggot na parte ng bunga ng bulok na sistema ng gobyerno.
“Bawat karanasan ay naiimpok na hibla sa dibdib.” Tama si Fidel Rillo sa sinabi nya dahil lahat ng nakita, naramdaman at naranasan ko simula noong musmos pa lang ako ay taban taban ko pa rin hanggang ngayon. Magmula sa mga prinsesang laging nililigtas ng prinsipe, sa nanay ko na inaapi ng tatay ko hanggang sa mga research at isyung panlipunan ukol sa Feminismo. Ang opresyon sa kababaihan at ang dulot nito ay nakatatak na sa kukote ko.
Unang taon ko sa PUP, sa aming asignaturang kasaysayan naging paksa namin ito. Egalitaryo ang sistemang pangkasarian na umiiral bago dumating ang mga tinapay. Di tulad ng ibang bansa sa Pilipinas noong panahon na iyon ay mahalaga at mataas ang pagtingin sa babae. Sa kababaihan nakareserba ang kapangyarihan ng relihiyon at kasaysayan dahil ang mga babaeng babaylan ang gumagawa nito. Malayo sa kasalukuyang panahon.
Mahirap umangat at magtamo ng pagkilala sa panahon ngayon lalo na kung babae ka. Talamak ang diskrimanasyon at represyon sa lahat ng lugar at antas ng pamumuhay. Masasalamin ito sa akda ni Babeth Lolarga na “ Ang himas ni Ricardo.” Sa kuwentong
ito binigyang diin ang sexual politics, ang pagwaksi ng kumbensyunal na pagtingin sa pagpapamilya at isteryutipo ng babae bilang sunud-sunuran sa lalaki.
Hindi naman nga kasi parausan ang kababaihan. Lalong hindi inutil ang babae kung wala syang anak. At mas lalong hindi kami anino o sunod-sunuran ng kalalakihan.
Mabuti na lang at noong dekada ’90 ay isinilang ang isang akdang may feministang paninindigan at nagkaroon ng mga pagkilos ukol dito dahil kung wala baka iniisip ko ngayon na mali ang aking mga paniniwala. Nakakalungkot lamang na ang mga institusyon na dapat magtuturo na iwaksi ang sistemang patriyarkal ay siya pa ang nagtuturo nito.
1 note
·
View note
Text
Wika na hindi malilibing
By Daniel Ventura
Ang wikang Filipino ay ang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino. Hindi lamang ito bahagi ng ating kultura, kundi ito na rin mismo ang kumakatawan sa ating kultura. Mas higit pa ang importansya ng wika natin para masabing komunikasyon lang ang gamit nito. Lahat ng bansa at lahi ay may sariling wika para makapag-usap, makipag-ugnayan at makapag-intindihan, pero higit sa lahat ang wika ay ang kanilang representasyon sa kanilang mga sarili. At sa ating mga Pilipino? Ang ating wika ay bandera na hindi mahahawakan, hindi masusunog at hindi mawawala. Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, ipinaglaban ng ating mga bayani ang bansa, pinaglaban nila ang lahi natin. Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay namatay na naniniwalang ang wika natin ang ating sandata, na ito ang makakapag talo sa kalupitan ng mga kastila. Ang baril at ang espada ay nangangalawang at nasisira, ngunit ang wika ay mananatili sa puso ng bawa't isa.
Sumasang-ayon ako sa "episode" na aking pinanood na nangangalang, "Wikang Filipino, dapat paigtingin ang paggamit sa paaralan". Dahil pinapakita dito kung gaano hindi nabibigyang pansin ang onti-onting paghina ng kaalaman ng mga kabataan sa sariling wika. Nakakalimutan na ng henerasyon natin ang tamang pag gamit ng Filipino, ang mga simpleng salita ay labis na nakakaligtaan. Ang ating mga guro ay naaawa na lamang sa atin dahil tayong kabataan pala ang mismong maglilibing sa sariling lahi. Naniniwala ako sa sinabi ng guro sa "episode" na ang simula ng pag gamit text messages daw ang naging sanhi ng problemang kinakaharap natin ngayon. Dito nagmula ang gamit ng jejemon, conyo at ibang slangs. Hindi na tinitignan ang tamang gramatika at pagbaybay ng mga salita. Sa katagalan, hindi na lamang ito pinapansin ng mga tao, nagiging normal na lamang ang ganitong pag-iisip at yoon ang magiging sanhi ng pagbura ng ating sariling pagkakakilanlan.
Ang mismong organisasyon ng gobyerno nang nagbabaon ng wika sa lupa. Ang Commission on Higher Education (CHED) ay naiisipan nang tanggalin ang Filipino, Panitikan, at Constitution bilang mga kailangan na subject sa general education ng colegio. Ang mismong awtoridad nang nagpapabaya sa wika natin, ang wikang pinaglaban at binuwisan ng buhay ng ating mga bayani. Para saan? Para lamang mas bigyan pansin ang ibang bansa? Ang ibang lahi na wala namang paki-elam sa atin? Maganda na pinupuri ang mga talento ng ibang lahi, pero para pabayaan ang sariling bansa kapalit ng pag hanga sa iba? napaka-laking pagkakamali nito. Mula noon pa man, nasa kasaysayan din nating mga Pilipino ang ugali na sa tingin natin mas maganda ang dulot o impluwensya ng ibang lahi. Kapag marunong ka magsalita ng kastila noon ibig sabihin nito ay may pinag-aralan ka at may kaya ka. Tulad na lamang ngayon, ang mga Pilipinong marunong o magaling mag-Ingles ay kinikilalang mayaman o mataas ang posisyon sa buhay. Itong tinatawag na "Social Hierarchy" sa ating bansa na nagdudulot sa kanser na pag-iisip sa mga tao.
Naniniwala ako na tama lamang bigyang importansya ang edukasyon para sa ibang bagay, ngunit huwag na huwag kakaligtaan ang edukasyon para sa ating wika. ito ang ating natitirang dignidad para sa lahi, kaya bigyan natin ito ng halaga. Isa-puso natin ang wika natin. Mag-aral ka ng agham, para sa bansa. Mag-aral ka ng batas, para sa bansa. Humanga ka sa talento ng ibang lahi, pero bago yon hangaan mo muna ang pinapakita ng ating lahi. Hindi lamang ito sa simpleng pag sabing "Pinoy Pride", pero sa pag bigay halaga mismo ng bansa, at ang pinakamagandang paraan upang simulan ang pag hanga sa sarili ay ang pag alaga sa sariling wika. Tayo ang kabataan na nagsisilbing pag-asa ng bayan, huwag natin sayangin ito. Ang ating mga bayani ay hindi namatay para sa ganitong kinabukasan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.".
1 note
·
View note