#diyosa
Explore tagged Tumblr posts
Text
Diyosa - Zach Tabudlo
Credits to: Republic Records
2 notes
·
View notes
Photo
#WomenWednesday 🦸♀️ || Sending all women #puravida vibes on this #internationalwomensday 💝 photo from a recent trip to magical and beautiful Costa Rica. . I would like to express my deepest gratitude to so many women in my life who’ve I’ve always looked up to including my Lola, who raised us; my aunt @josephinebongayon who continues to inspire with her work with terminally ill children; my sister @paulapurpera a military veteran, who shows that you can be strong and courageous without having to lose your femininity; my mentors @potri_ranka_manisny @mercedes_cano_law @nanadeleplanque ; my beautiful friends(you know who you are!), my amazing clients at @legaleaseus and trusted colleagues in the legal field - I am so blessed to be connected to each and everyone of you! . On this special day, I would also like to share my project, #diyosanetwork which is a community of immigrant women in New York City who empower themselves and others through sharing their skills & talents with each other and with others. #Diyosa is the Philippine indigenous word for “goddess.” This project was inspired by and formed to honor my mother, Emma, who passed away in 2021 from a rare form of cancer. Emma was a trailblazer. Like many immigrant women, she left her family in her home country for a better life. In the United States, she was an administrator and educator in the private and public sectors. She wore many hats and took on extra jobs so that we would not feel the hardships in life and to provide for those in need back in the Philippines. Sadly, she did not practice much self-care until after she retired in 2018 after serving others for almost 50 years and she died from cholangiocarcinoma, a cancer of the bile ducts, 9 months after her diagnosis. I want to honor her memory and hope that we can be the light that she was for others. If you would like to know more or if you would like to get involved, please say hello at [email protected]. Thank you for taking the time to read this post! I appreciate you! 💕🫶💕 . . . . . #diyosa #goddess #womensupportingwomen #womenshistorymonth #femaleempowerment #womenempowerment #womenempoweringwomen #girlpower #venusinorbit (at Arenal Volcano) https://www.instagram.com/p/CpiW1BaJ67o/?igshid=NGJjMDIxMWI=
#womenwednesday#puravida#internationalwomensday#diyosanetwork#diyosa#goddess#womensupportingwomen#womenshistorymonth#femaleempowerment#womenempowerment#womenempoweringwomen#girlpower#venusinorbit
0 notes
Text
babamin iltifat etmesi>>>>>
3 notes
·
View notes
Text
GERMAN VOCABULARY: The Nuts in German in singular form. German for beginners.
Frau Diyosa
74 notes
·
View notes
Note
Iniintriga mo ako. Isinasama mo ang kadiliman na kinatatakutan ng sangkatauhan mula pa noong bukang-liwayway, ngunit ginagawa mo ito nang maganda. Tatawagin kitang anghel, ngunit malinaw na ikaw ay isang bagay na mas ethereal at makapangyarihan. Kita mo, matagal na akong kasali sa mga sining na ito. Ngunit ikaw, aking diyosa, gamitin ito nang may higit na karanasan at biyaya. Maaari ba kitang makilala, aking midnight star?
@scarecrows-hymn
..Jonathan? Is that you?
You look much different than I remember. And after what Barnaby said...how can I trust you?
10 notes
·
View notes
Text
The treat is a trick: ang panganib ng pagsusumikap para sa “ideyal” na katawan
Babala: ang artikulong ito ay tumatalakay sa body image at body dysmorphia.
Likha ni: Michi Sugawara ng UPIS Media Center 2025
“Ang laki-laki mo na, ah! ‘Yung dating suot mo, ‘di na kasya ngayon.”
Karaniwang bati sa mga pamangkin, apo, at inaanak ang komento tungkol sa katawan. Anuman ang dahilan ng pagtitipon—kaarawan, kasal, lamay—may makakapansin talaga sa itsura mo at kung paano ito nag-iba mula nang huli kayong nagkita. Kadalasan, ang intensyon nito ay positibo. Lumaki ka. Tumangkad ka. Dati, ang payat mo. Dati, ang taba mo. Ngunit para sa isang bata, maaaring ang dating nito ay, “Ay, may mali pala sa akin?” Noong bata ako, ang maliliit na opinyong ito ay dinaramdam ko nang todo-todo. May panahon kung saan underweight ako, at ang palagi kong naririnig ay, “Kain! Kain ka pa!” Ngunit noong nadagdagan na ang timbang ko, dala ng gana para kumain na hindi ko malaman kung saan nanggaling (spoiler: puberty), may kamag-anak akong nagbanggit na tumataba ako. Hindi ako natuwa. Hindi tungkol sa nutrisyon ang mga komento, napansin ko, kundi tungkol talaga sa itsura ko. Parang lahat na lang ng gawin ko sa katawan ko, mali. Pero saan nanggaling ang ganitong pagtingin? Saan ko natutuhan na may tama—na may ideyal palang itsura o hugis?
Ang ganitong bigat ay dinala ko hanggang sa pagtungtong ko ng hayskul (Grado 7) noong 2019. Sa puntong iyon, hindi na sa pamilya nanggaling ang mga nangingibabaw na mensahe, kundi sa midya—kabilang dito ang mga napapanood na sine at serye at nababasang literatura at aklat-aralin. Matingkad ang mensahe na may “perpektong” hubog ng katawan—trapezoid para sa kalalakihan, at hugis-bote o hourglass naman para sa kababaihan. Ang isang paliwanag kung bakit pinapaboran ang hourglass ay ang malalaking balakang ay nagpapakita ng dagdag na kakayahang makapag-reprodyus (fertility) ng isang babae, habang ang maliit na baywang at pagiging payat naman ay nagpapakita ng kalusugan. Pantay ang distribusyon ng taba sa katawan, at nakakaakit ang simetriyang ito (Sim, 2013). Ngunit kung abilidad na manganak ang basehan ng magandang katawan para sa babae, sinasabi ni Viren Swami (2016), propesor ng Social Psychology, na noong sinaunang panahon, marka ng kalusugan at fertility ang pagkakaroon ng mas mataas na body mass at hugis na mas buo at bilugan, isang mala-Venus (diyosa ng kagandahan ng mga Griyego at Romano) na itsura.
Fresco with a seated Venus, restored as a personification of Rome in the so-called "Dea Barberini" ("Barberini goddess"); Roman artwork, dated first half of the 4th century AD, from a room near the Baptistery of San Giovanni in Laterano (Public Domain)
Ayon sa pananaliksik ni Leafloor (2018) tungkol sa kasaysayan ng ideyal na katawan para sa kababaihan, noong 1800s-1900s, naging paraan ang mga corset upang piliting ipalabas ang mga kurba ng katawan: “These attempts to shape the body were an exaggerated, and now we know unhealthy, artificial way to mimic the ‘natural’ body of a Venus ideal. While corsets were used to achieve that extreme curve, publications in the 1890s (some bluntly entitled “Fashion in Deformity” and “Death From Tight Lacing”!) listed the dangers of binding the waist, including constricting the internal organs and restricting the lungs, resulting in poor digestion and an inability to breathe.”
Makikita mula sa mga obserbasyon ng mga historyador at mangguguhit na hindi nakataga sa bato ang ideyal na hugis ng katawan, ngunit para sa ordinaryong tao sa anumang punto ng kasaysayan, nananatili ang pagkakaroon ng dismaya sa kahirapan na makamit ito.
Bagama’t nakararanas ng hamon sa ideyal na katawan ang lahat ng kasarian, nais kong linawin na mas magpopokus ako sa mga pamantayan para sa kababaihan kaysa ang para sa kalalakihan—una, dahil nanggagaling ako sa mga sariling karanasan bilang babae, at ikalawa, ang mga pamantayang ito ay mas laganap at mas nakatuon sa kasariang ito. Ayon sa tesis ni Carlee Taga (2012) na pinamagatang “Maybe She's Born With It: Analyzing Theories of Beauty from Biology, Society and the Media”, “Male beauty standards surround us every day: masculine features, like a strong jaw line, dark eyebrows, and broad shoulders are included in the male beauty ideal (Etcoff, 1999). However, it is difficult to argue that males are the target audience – simply turn on the television and watch commercials or flip through the latest issue of People – it’s clear that women are the focus of ‘beauty culture’.”
Kailangan ng masinsin na pag-iingat sa pagtatalakay ng mga patakaran at perspektibo tungkol sa pangangalaga ng katawan at pananamit sa anumang edad. Higit pa na pag-iingat ang kinakailangan para sa mga nasa mas batang dulo ng hayskul—mga estudyanteng nasa early adolescence, o edad 10-14 (Blum et al., 2014)—sapagkat sa ganitong mga taon, mabilis ang pag-debelop ng katawan dala ng puberty. Apatnapung porsyento ng pinal na timbang ng taong nasa hustong gulang ay nadaragdag sa mga taon ng adolescence (Jacob & Nair, 2012), isang pagbabago na maaaring magdulot ng pagkagitla ngunit hindi ito magpapatuloy kung ipoproseso bilang normal na bahagi ng paglaki.
Ang wika na ginagamit ng mga magulang at kapatid, ang pagpuri at pagpuna ng mga kaibigan, ang itinuturo sa paaralan, at ang pinapahalagahan ng lipunan sa ispesipikong panahon—napakaraming salik ang bumubuo sa pagtingin ng isang bata sa kanyang katawan. Sa fashion industry, laganap ang klasipikasyon ng hubog ng katawan ayon sa literal na hugis na kawangis nito. Ang isang klasipikasyon na kinikilala sa industriya ay ang Female Figure Identification Technique (FFIT) na itinaguyod sa Estados Unidos noong 2004. Ang sistemang ito ay kumukuha ng three-dimensional (3-D) body scans, tinitingnan ang sukat ng mga bahagi ng katawan, at inilalapat sa mga matematikal na formula (Sokolowksi at Bettencourt, 2020). Ayon sa FFIT, ang mga hubog ng katawan ng isang babae ay isa sa mga sumusunod: hourglass, bottom hourglass, top hourglass, spoon, rectangle, diamond, oval, triangle, o inverted triangle. Ngunit ayon kina Parker et al. (2021), mga mananaliksik sa ergonomya sa United Kingdom, maaaring inconsistent ang “gold standard” na klasipikasyong ito dahil sa mga terminong ginagamit sa panunukat (bust, waist, hip, high-hip, stomach, at abdomen) na, kung hindi eksakto ang interpretasyon nito ng mga manunukat, maaaring higit sa isa o mali ang hugis na maitatalaga sa isang indibidwal. Mula sa pananaliksik nina Parker, ang depinisyon ng FFIT sa “hip” at “waist” ay hindi konsistent sa iba pang body scanning surveys kagaya ng Size UK, kaya maaaring mula sa ibang pwesto magsimula ang mga mananahi o siyentista (para sa pananaliksik) kapag sinusukat ang mga ito at magkaroon ng pagkakamali sa resulta. Mula naman sa pananaliksik nina Sokolowksi at Bettencourt (2020), kung saan ikinumpara naman ang 2004 na FFIT sa 2007 update ng mga Koreanong mananaliksik na ginawan ng bersyon para sa sariling bansa, “Many scans were classified as Rectangles or Inverted Triangles based on the mathematical formulas, but visual inspection indicated that these categories were not accurate, often because the waist circumferences were larger than either bust or hip. In addition, some scans did not fit into any of the shape definitions. In all, it was found that the existing 2007 FFIT formulas had an underlying assumption that the waist was smaller than the bust and hip.” Narito ang ating paradox—maaaring hindi istrikto ang klasipikasyon upang mapagbigyan ang iba't ibang klase ng katawan, ngunit laging mayroon pa ring maiiwan dahil hindi sila pasok sa inherent na bias ng gumawa ng sistema, kahit na hindi nila intensyon ito. Iminungkahi nina Sokolowksi at Bettencourt ang bago na namang formulae na mas inklusibo para sa mga may plus-sized na katawan.
Dagdag dito, nakapagtataka na ang mga mensahe ay nakapokus sa ugnayan ng hubog ng katawan at presentasyon nito sa publiko sa halip na ang implikasyon nito sa pisikal na kalusugan. Bukod sa lifestyle choices, ang ilang tao ay mas genetically predisposed na mag-imbak ng taba sa mga parte ng katawan katulad ng tiyan (pabilog na katawan) o balakang at hita (patatsulok na katawan). Ang mataas na waist-to-hip ratio ay hindi dapat bantayan upang tularan ang hugis-boteng katawan, kundi dahil mas mataas ang panganib nito para sa mga sakit kagaya ng type 2 diabetes at coronary heart disease (Emdin, Khera, & Natarajan, 2017).
Hiwalay pa sa hugis ng katawan ang hugis ng mukha. Parehong wika ang ginagamit: oval, round, rectangular, heart-shaped, triangular, diamond-shaped, at square-shaped ang maaaring hugis. May pagkukulang ang bawat isa, ngunit maaari pa ring itago sa pamamagitan ng pagbago sa gupit ng buhok, paghahanap ng “tamang anggulo” para sa mga litrato, o pag-edit nito sa digital man o pisikal na paraan. Sa pagiging laganap ng photo filters at editing features (na nakapokus sa kagandahan) sa mga digital na kamera at social networking sites, nagiging mas madali ang pagbubuo ng ilusyon ng pagiging “perpekto” o “ideyal,” na nakadaragdag ng pamumuwersa sa konsyumer ng edited na litrato na gumaya sa ganitong praktis. Ayon kay Camille Paglia sa kaniyang 2004 na artikulong “The Cruel Mirror: Body Type and Body Image as Reflected in Art,” ang mga pag-unlad sa pagtanggap sa natural na katawan (hal. ang pag-mainstream ni Jennifer Lopez sa mas malaking pigi ng mga black at Latinx) ay natabunan ng paggamit ng Photoshop upang i-edit ang mga litrato para gawing mas payat ang katawan ng mga kababaihan, lalo na sa mga magasin. Maaaring manghikayat din ito ng kagustuhang gayahin ang imaheng nakakamit lamang sa online sa pamamagitan ng plastic surgery (American Academy of Facial Plastic and Reconstructive Surgery, 2014). Mula naman sa pag-aaral nina Kanavakis et al. (2021) tungkol sa ugnayan ng hubog ng mukha at self-perceived attractiveness, “Self-assessments of body image and attractiveness are largely performed under the scope of psychosocial evaluations.” Kaya, ang panghuhusga sa sariling katawan ay may kinikilingang “manonood”—magpaganda, o mapabuti ng katawan dahil pinapanood ito.
Ang mga epekto ng pagkahumaling sa mga ganitong pamantayan ay mapanganib hindi lamang sa mga adolescents at tinedyer kundi pati sa nasa hustong gulang na. Ayon muli kay Paglia (2004), “Thus, for the past decade a strange and perhaps impossible amalgam has emerged: the thin, sleek, toned female figure with a flat, exposed midriff but startlingly large breasts. This silhouette is difficult enough to maintain during the hormonal teenaged years, but its imposition on older women requires a manic regime of exercise and dieting as well as a costly maintenance program of plastic surgery and liposuction.”
Siyempre, may mga rason sa likod ng “pag-edit” ng mukha, katawan, o larawan nito na hindi nakaangkla sa pakikiayon sa mga ideyal ng lipunan na nakaaapekto sa negatibong paraan. Para sa ilan, ang paglalagay ng makeup ay ginagawa sa ngalan ng personal na ekspresyon at/o sining. Ginagawa nilang kanbas ang mukha para sa sariling kaligayahan o upang hasain ang kakayahan sa pagpipinta at pagdidisenyo. Ang plastic surgery at liposuction naman ay maaaring gawin para sa mga kadahilanang pangkalusugan. Mainam na ang mga ganitong desisyon ay magmula sa pagpapasya para sa sariling katawan, hindi upang sumunod sa dinidikta ng lipunan.
Ang problema sa pangangailangan na gumawa ng ilusyon dahil sa pamumuwersa ng mga pamantayang hindi naman aplikable sa lahat ng katawan, ay ang katotohanan na tuwing matatapos ang araw—pagkatanggal ng mga palamuti, pagkahubad ng damit, at pagkapatay ng cellphone—pagkadismaya ang babati sa hugis na nasa salamin. Imposible ang pagdadala ng ilusyon sa kabuuan ng araw, at kung matagumpay man ito sa kahit gaano kaikling panahon ay mauuwi sa lungkot ang pagkakita sa tunay na kalagayan ng katawan na pinaniwalaang hindi sapat.
Hindi ganap ang kontrol natin sa kung ano ang hugis ng katawan natin. Ngunit maaaring piliin ang mga mensahe na ipapamahagi at isasapuso natin tungkol dito.
Saksi ako sa unti-unting pagwawasak sa mapanakit na pananaw tungkol sa pangangatawan. Nagpapakita ito sa diskusyon mismo—sa interes sa pananaliksik tungkol sa relasyon ng body image at hiya, sa mga artikulong tumatalakay dito sa dyaryo at journal ng mga paaralan, at sa pagbabago ng bokabularyo na ginagamit para sa mas body-positive na mga ugnayan.
Ang mga institusyong kinabibilangan natin ay, kung tutuusin, kayang basagin. Batay sa ating naobserbahan mula sa kasaysayan, hindi permanente ang ating mga pamantayan sa kung ano ang maganda, tama, o perpekto. Ang mga kinagawiang pananalita ay hindi palaging tama dahil lamang dito tayo nasanay. Mula sa pananaliksik at pag-iisip nang kritikal, maaari tayong magdalawang-isip bago tanggapin ang mga naririnig nating mensahe (at pag-isipan kung mula pa sa simula ay hindi na sila akma). Sa pagpapalawak ng isipan ay posibleng mapagkalakhan natin ang pagkakaroon ng ideyal na itsura at ang kagustuhang tularan ito. Maaari rin nating tingnan ang pag-unlad ng mga ganitong pananaw at ikatuwa ang mga positibong pagbabago. Dito, natututuhan nating protektahan ang panghinaharap, patawarin ang nakaraan, at tumingin sa salamin at sabihing, “Tinatanggap kita nang buong-buo.”
Kung ikaw o ang iyong kakilala ay may pinagdaraanan ukol sa eating disorder/s, maaaring tawagan ang NCMH Crisis Hotline upang makakuha ng tulong:
📞: 1553
SMART: +63 919-057-1553
GLOBE: +63 966-351-4518
Ikaw ay sapat.
//ni Aila Orillaza
Mga Sanggunian
American Academy of Facial Plastic and Reconstructive Surgery. (2014, Marso 11). Annual AAFPRS Survey finds 'selfie' trend increases demand for facial plastic surgery. PR Newswire. https://www.prnewswire.com/news-releases/annual-aafprs-survey-finds-selfie-trend-increases-demand-for-facial-plastic-surgery-249409811.html
Blum, R. W., Astone, N. M., Decker, M. R., & Mouli, V. C. (2014). A conceptual framework for early adolescence: a platform for research. International journal of adolescent medicine and health, 26(3), 321–331. https://doi.org/10.1515/ijamh-2013-0327
Cagas, J. & Brebante, Z.R. (2015). Body image, body mass index and the experience of Hiya in physical education among Filipino female university students. Asia Life Sciences, 24(2), 647-659. https://www.researchgate.net/publication/281248156_Body_image_body_mass_index_and_the_experience_of_Hiya_in_physical_education_among_Filipino_female_university_students
Chae, J. (2016). Virtual makeover: Selfie-taking and social media use increase selfie-editing frequency through social comparison. Computers in Human Behavior 66(2017), 370-376. http://dx.doi.org/10.1016/j.chb.2016.10.007
Emdin, C.A., Khera, A. V., Natarajan, P., et al. (2017). Genetic Association of Waist-to-Hip Ratio With Cardiometabolic Traits, Type 2 Diabetes, and Coronary Heart Disease. JAMA 317(6), 626-634. https://jamanetwork.com/journals/jama/fullarticle/2601502
Etcoff, N. L. (1999). Survival of the prettiest. New York: Random House.
Jacob, J. A., & Nair, M. K. (2012). Protein and micronutrient supplementation in complementing pubertal growth. Indian journal of pediatrics, 79 Suppl 1, S84–S91. https://doi.org/10.1007/s12098-011-0430-0
Kanavakis, G., Halazonetis, D., Katsaros, C., & Gkantidis (2021). Facial shape affects self-perceived facial attractiveness. PLoS ONE, 16(2). https://doi.org/10.1371/journal.pone.0245557
Leaflor, L. (updated 2018, Hunyo 11). The ideal woman’s body – a gift of the gods? Ancient Origins. https://www.ancient-origins.net/history-ancient-traditions/ideal-woman-body-gift-gods-0010190
Lee, G. (2017, Hulyo 3). The word of the body: Depictions of positive body image In Philippine Young Adult literature. Philippine Humanities Review, 18(1), 59-75. https://journals.upd.edu.ph/index.php/phr/article/view/5678/5091
Lim, M. & Manlapig, R. (2024, Marso 26). Treatise: Body image and the digital mirror. The LaSallian. https://thelasallian.com/2024/03/26/treatise-body-image-and-the-digital-mirror/
Management of eating disorders for people with higher weight: clinical practice guideline. (n.d.). National Eating Disorders Collaboration. https://drive.google.com/file/d/1gi0_DLj9_5V1rAAiTc4Y_6gJo39l5TLG/view?usp=drivesdk
Larawan ni Ngyuen, M-L. (2006). Dea Barberini Massimo [Photograph]. Wikimedia Commons. https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Dea_Barberini_Massimo.jpg#file
Paglia, C. (2004). The cruel mirror: Body type and body image as reflected in art. Art Documentation: Journal of the Art Libraries Society of North America, 23(2) (Fall 2004), 4-7. https://www.jstor.org/stable/27949310
Parker, C.J., Hayes, S.G., Brownbridge, K., & Gill, S. (2021—accepted manuscript). Assessing the Female Figure Identification Technique’s reliability as a body shape classification system. Ergonomics, 64(8). Kinuha mula sa Loughborough’s Research Repository. https://hdl.handle.net/2134/14170421.v1
Sim, K. (2013). The relationship between sex-typical body shape and quality indicators. Journal of Social, Evolutionary, and Cultural Psychology, 7(2), 97–120. https://doi.org/10.1037/h0099207
Sokolowski, S.L. & Bettencourt, C. (2020). Modification of the Female Figure Identification Technique (FFIT) formulas to include plus size bodies. Proceedings of 3DBODY.TECH 2020 11th Int. Conference and Exhibition on 3D Body Scanning and Processing Technologies, 17-18 Nov. 2020, Online/Virtual. https://doi.org/10.15221/20.22
Swami, V. (2016, Setyembre 13). Women’s idealised bodies have changed dramatically over time – but are standards becoming more unattainable? The Conversation. https://theconversation.com/womens-idealised-bodies-have-changed-dramatically-over-time-but-are-standards-becoming-more-unattainable-64936
Taga, C. (2012). Maybe she's born with it: Analyzing theories of beauty from biology, society and the media [Honors thesis, Regis University]. Regis University Student Publications. https://epublications.regis.edu/theses/579
Zusi-Tran, K. (2017, Pebrero 16). Moving from correlation to causation: Genetics suggest that excess abdominal fat drives risk of heart disease and diabetes. Broad Institute. https://www.broadinstitute.org/blog/moving-correlation-causation-genetics-suggest-excess-abdominal-fat-drives-risk-heart-disease
8 notes
·
View notes
Text
Ikaw lang
Nag-iisang diyosa ng buhay ko
12 notes
·
View notes
Text
Kaptan teyzeyi kızdırma hızlı sür diyosa hızlı sür randevusuna geç kalıcak saat 3 te
3 notes
·
View notes
Note
Ya peki bu sevgilinin çok yakın karşı cins arkadaşlarına ne yapmalı nasıl davranmalı? Dün erkek arkadaşımla otururken kız aradı alışverişe çıkmış onu anlattı iki saat, şort alacaktım bulamadım falan diyor bi de. Sürekli iletisim halindeler. Benim de cok yakin erkek arkadaşlarım var, ama ayda yılda bir denk geldikçe oturup güzel vakit geçiriyoruz o kadar. Çünkü hayatımda başka bi erkeğe yakın olmaya ihtiyaç duymuyorum sevgilim varken. Bu yüzden onların bu iletişimi bana tuhaf geliyor. Bu arada erkek arkadasim aslında bu konularda sınırları/etik değerleri olan biri olduğu için o birine arkadasim diyosa arkadaşıdır yani güveniyorum yine. Ama kızın bu davranışları bana yanlış geliyor sizce doğru mu düşünüyorum
cesit cesit insan var ya. bu boyledir diye genelleme yapmak yanlis o yuzden. belki kiz da sevgilini sadece arkadasi olarak goruyordur ve onunla konusmak hosuna gidiyordur, sosyal biridir ve herkese boyle davraniyordur. onun iletisim dili budur. hemen bi suphelenmemek lazim. ama ama...
sahsen sevgilin olsaydim, bi kiz arkadasim zirt pirt arayip dursa bilader sen boslukta misin niye bana anlatiosun bunlari senin kiz arkadaslarin yok mu diye sorardim bi. ne mana yani amk aldigi sortu anlatmasi senin erkek arkadasin sort gurmesi miymis
13 notes
·
View notes
Text
didemin yazdığı herkesi takip ettim he nası olsa o diyosa güzelsinizdir
3 notes
·
View notes
Text
Entry 1
Buti pa sila Percy may book series, movie, TV series tsaka musical samantalang kaming mga half-blood sa mga third world country, napag-iwanan, napabayaan at nakalimutan na. Sila Percy kahit papa'no afford mag-summer camp, mag-quest.
Putcha, buti nga sila may camp. Pinakamalapit yata na maihahambing ko sa Camp Half-Blood dito sa Pinas ay 'Real Half-Bloods PH' group sa Facebook. Ta's doon 'di mo pa sure kung totoong half blood ba talaga mga kasama mo. Ang pagkakaiba nila Percy sa aming mga half-blood dito, sila talagang mga anak ng mga diyos at diyosa. Dito sa amin malayong malayo na't pagkanunonunoan na namin ang mga diyos at diyosang dumayo't bumisita sa ilang siglong lumipas.
Ang isa pang pagkakaiba namin sa mga half-blood sa Amerika, hindi namin gaano napapansin ang mga halimaw rito. Hindi siguro sa hindi napapansin. May mga halimaw rin naman dito sa Pinas na iilang tao lang talaga nakakakita. 'Yung iba nararanasan 'yung dalang kaguluhan ng mga 'to pero hindi alam ang totoong pinanggagalingan. Hindi rin namin afford na mag-layas at mag-lamyerda sa isang quest kasi una sa lahat, wala nga kaming camp.
Wala naman sa'ming nagkaroon ng opportunity na mag-train at maging kasinggaling nina Percy't Annabeth. 'Di namin kayang iwanan ang mga ginagampanan naming mga tungkulin para pumatay ng mga halimaw na kami lang naman nakakakita.
Kung tutuusin, may mga mas malalaking halimaw na araw-araw hinaharap ng parehong half-blood at karaniwang mamamayan dito sa Pilipinas---korupsyon, inflation, poor governance, traffic, poverty, climate crisis, transportation crisis. Walang magagawa mga espada nila kung ganito 'yung mga halimaw na kaharap nila.
3 notes
·
View notes
Text
Bundan sonra kim ne diyosa iki katiyim bi sorun goremiyorum
13 notes
·
View notes
Note
I've been wondering about Eun's scars! What happened that caused so much scarring in her body? And were all the scars gained in one incident or did they just accumulate through the years? No need to answer if you don't want to
OMG HI I WOULD LOVE TO ANSWER!!!!
the eun scars!!!! she has so many because of one prolonged incident-- the diyosa incident, in which she and 36 others were trapped inside another dimension by a reality bender that had become afraid of them
euns setting is an scp foundation esque place, the dnp institute, where anomalous beings are taken in or found and their powers are managed or theyre taught to control it in some way, with the aim of reintegrating them into society! they uh. they kind of. scared the reality bender, sena, a lot by complete accident, and after weeks of prolonged stress for everyone involved sena snapped and dragged them all into that alternate dimension
the scars are all from senas attempts to hurt her, or torture her in some way-- theres several ive drawn in other illustrations that look like rings segmenting parts of her arms and waist? yeah those are from where sena sliced her arm off in several places
eun was the only survivor of the diyosa incident! well technically seb kind of is, hes got some weird merged together identity thing going on i cant explain the origin of because other people i rp with follow my blog and its secret, but. all of the other 36 people in the diyosa incident were killed by sena, and in the end eun killed her and in doing so destroyed that dimension and was returned to her own!
i try to keep them all consistent but theres So Many the thought of drawing a scar map overwhelms me jghskdjw. so likely only the bigger ones will be consistent and everything else is a little iffy between illustrations
3 notes
·
View notes
Note
ilk buluşmayı kim ödemeli sence
ya cok abartiyonuz bu olayi. kim cagirdiysa o odesin, alman usulu yapilsin fark etmior. ilk bulusmada illlaaaa ben oducem diyosa birakin odesin amk. ilk bulusmayi odedigim de olmustur odettigim de. bi dahakine de digeri oder yani ya da biri yemegi oder digeri sinemayi oder mesela. fark etmior🙏🏻
8 notes
·
View notes
Note
happiest birthday to one of the best girls i know! the hottest, prettiest, and pinagpalang diyosa on earth emz (not emz) HAHAHAHA i love you so much, ainababe! i'm always rooting for you and your smol family 💖 please nasa iisang probinsiya lang tayo i hope i bump into you somewhere here HAHAHAHAHAH KEEP BEING YOU BECAUSE YOU INSPIRE A LOT OF GIRLS TO UNAPOLOGETICALLY BE THEMSELVES TOO ✨
hallo, my beautiful mikababe! xOri now lang me reply, umiyak pa kasi me like HUHU 💓✌️👁💧👅💧👁✌️💓 HUHU ganorn
idk where to begin, but i guess siyempre thank you for greeting me HUHUHU nahihiya nga me kasi hindi ko nga kayo (((april gOrLies aka you, rej, and pau))) nabati nung birthday niyo kasi mejj waley me sa right headspace that time but supah happy ako kasi kita ko naman na happy kayo on your special days 🥹💐💖
enihoot, thank you so much for being such a kind and beautiful soul 🧚♀️🤍 i love you so much and i will always be rooting for you toooo~ to see you bounce back and be the radiant person that you are fills my heart with joy.
+++ alam mo ba kinukulit ko nga rin si moosey na pumunta kopicure before, not knowing na nagpupunta ka doon, and then i saw you talking about it so now im more makulit sa pangungulit sa kanya to drive me there with the reason na baka nandoon ka rin and then magkagulatan na lang us ganOrn wahahahahaha
4 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Tagpi-tagping Sarili
"Ma, ayaw ko po nitong bestida!" Oo, namangha ako sa angking kagandahan ni Mama, At tuwing siya’y naglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha, Tila siya’y nagiging isang makapangyarihang diyosa. “‘Nak! Lagyan kita ng liptint, halika.” Nabigyan ng kulay at buhay man itong mga labing namumutla, Pagtingin sa salamin, sarili’y halos hindi na makilala. Nakasuot man ng bulaklaking bestida, Pinagtakong man gaya ng mga reyna ng sagala, Parang hindi talaga ako ito, ‘ma. Tangan ang pait, ni hindi makaimik, Lagi na lang kailangang indahin ang nagbubuhol-buhol na hibla. “Magsuklay ka nga ‘nak, mukha kang bruha,” Naroon sa lamesa ang gunting ni Mama… At mamaya, kapag sa bahay ay lumisan siya— Biglang gumaan, biglang lumaya Hindi ko inakalang itong aking buhok pala ang humihila sa akin paibaba At sa bawat paghaplos ng hangin sa aking batok Nawawala na ang pangamba at takot Sapagkat bagay man sa aking mga kalaro ang mala-prinsesang tirintas Hindi ako sila. Hindi iyon “ako.” Kaso— “Hala! Anong ginawa mo? Sayang ang ganda mo!”
Palagi kong nahuhuli ang sarili na napapatitig Sa isang kaklaseng namumukod-tangi Nakakaakit ang kanyang mga ipit sa buhok at nakalawit na hikaw Kaya isang araw, siya aking ginaya Sinuot ang nag-iisang pares ng hikaw Sa ipit ng buhok, tiniyak na walang makakatakas na hibla Natuwa man si Mama, ngunit hindi ito ang aking inakala: Hindi ko maintindihan bakit sa kanya ito’y maganda, Pero kung sa akin, sarili’y hindi makilala. Ginagaya ang pasusuot ng daster ni Mama, Nahirapan magpintura ng kuko at magsuot ng palda, Inayos ang pagkilos nang mayumi, pero hindi ko talaga kaya. Malapit naman ako sa mga kaklase kong babae, Ngunit hindi ko nadarama na ako ay tulad nila. Alam ko na sa sarili ko na hindi talaga ito para sa akin, Pero bakit ang hirap para sa kanilang intindihin? Sa paaralan ay hindi pinayagang tumayo sa kabilang pila Kaya ako lamang ang nakapantalon sa karagatan ng mga palda. Natuto na lamang isantabi ang mga reklamo Kaysa harapin na naman ang mga sermon at mga tukso. Kailan nga ba ako naging tiyak sa aking damdamin? Ito ba’y noong nasilaw ako sa kanyang kagandahan at nakintal siya sa aking isipan? Noon bang napuyat sa kakaisip sa kanyang katawan at napagtantong siya’y napupusuan? Ngunit kahit puso ko'y palagay na, katawan ko'y nanatiling nakahawla. Pagbangon mula sa kama'y dumiretso sa pagligo; Nanghihinang pinaagos ang dugong kinamuhian. Itinaklob ko ang tuwalya sa katawan upang di na ito masilayan. Sampung minuto pa sa banyo, nakatitig lang sa salamin - Tumambad ang pagmumukhang alam kong hindi akin. Nagbihis at nilabhan ang kumot na natagusan; Nayayamot na kinuskos ang ipinilit na pananagutang Tinamo't pinasan buhat sa aking kapanganakan. Napadaan sa hiraya ang isang kakaibang pigura: Iba ang katawan, ngunit wangis ko'y tulad ng kanya. Ang hulma'y hindi kumurba o tumagas ng pula. Ninais kong maging siya. Siya ang daan ko sa paglaya. Paglaya na sa isang paraan ko lang makakamit; Dalang ginhawa nang makitang walang mantsa sa kumot na punit-punit. Hawla na aking tinakasan upang pagkilala sa sarili ay mabingwit; Hindi na maririnig ang “with wings?” dahil hindi na ito magagamit. Nagsimulang bumili ng gel para sa buhok na bagong gupit; Aking mga damit ay sa balikat na umiipit. Komportableng isuot ang preskong jersey ni Itay, tindig ay maskulado; Habang suot ang hiniram kay Kuya na sumbrero. Kahit ako ay pinagtitinginan, akin silang kikindatan; Kaya sila nalilito kung si Daniel Padilla ba ang kanilang nasisilayan. “‘Yan na ba yung anak ni Aling Celie?” Sabihin man ng Marites dyan-dyan, Isang malaking ngiti ang ibabalik sa kanila nang marahan. Hindi na nakakulong sa komento ng iba kahit sabihin man nilang sayang ang aking ganda. Kung hindi sila ang namimilipit tuwing darating ang regla, Wala sila sa posisyon upang manghusga. Walang namang dapat ikahiya sa pagiging babae; sadyang hindi lang ako rito kampante. Si Mama ay maganda pa rin sa aking mga mata, Ngunit nakakaguwapo itong bigote kong patubo na. Ang pagkawala sa ibang identidad na nasa loob ko, Natatanging paraan para mahalin ang sariling ako.
4 notes
·
View notes