#dilubyo
Explore tagged Tumblr posts
writepat-h · 2 months ago
Text
Gusto kong makaalis sa lugar na ito
Madilim, masikip, mga boses na nagsusumamo
Ano ba ito? Nasaan ako?
Ayoko dito, nakakalungkot dito.
Minsan may liwanag, pero madalas madilim
Tila palaging maulap, at makulimlim
Bagyo. Madalas binabagyo
Nakakatakot na dilubyo, ang bumabayo
Gusto nang tumakas, ngunit di makatakas
Sa realidad di makapiglas
Boses na nagsusumigaw halos mapaos
Hindi magkamayaw sa paghihilagpos
Nais ko lamang madinig
Sumisigaw ng pagintindi na tinig
Paulit ulit nang mga titik na nasambit
Subalit, bigo pa ding malimit
0 notes
danicahija · 5 years ago
Text
Isang Libo
2019, December 20
Nakatayo, bumabangon
Lumalaban, gumigising
Pamilya at mga araw
Saan ba ako lulugar
Lumilipad kahit walang makita
Ngumingiti kahit hindi nakatawa
Pera para puro
Hindi na nababago
Taon isang libo
Dilubyo ang nasa puso
Masikip walang preno
Makita sa telepono
Ginhawa makalipas
Nakatayo kabalikat
Higapis hindi tatawid
Silip punto gagawin
Isang libong piso
Itatawid, igagapang
Tatalon hahanapin
Piso pusong makapiling.
D
0 notes
demonyosstuff · 2 years ago
Text
dilubyo naman ang utang
0 notes
ano-po · 5 years ago
Text
Tumblr media
Dilubyo/Delubyo
Trns: Deluge, Flood, Surge, torrent, inundation.
((this is my way coping))
19 notes · View notes
raibalderama · 2 years ago
Audio
nagkukubli sa dilim takot at pighati, pinapatay ng sandali mga itinago mong ngiti binabaha ng salita ang iyong isip at gunita, binubulong bawat tanong, wakas ba 'to o simula? bumubulusok ang mundo, dumadaluyong na dilubyo, nagsasayaw ang panahon, nagtatagpo ang kahapon at ngayon
3 notes · View notes
desxterity · 3 years ago
Text
FROM TUMBLR TO TODDLER, RQ
Kumusta kayo? Sana okay pa kayo kasi ako, okay pa naman! Hahaha!
Grabe, guys! May one-year old daughter na ako! Hindi talaga ako makapaniwala. Habang lumalaki siya, padagdag din nang padagdag 'yung level ng stress ko. Juice colored!
Full time mom na nga, working mom pa! Ang hirap pala talaga! Hindi ko na nga rin alam kung paano ako nakakasurvive araw-araw, e. Hahaha. Basta ang goal ko lang talaga, e, maabot ang target quota ko habang tulog ang anak ko, kasi once gising na siya, start na rin ng dilubyo.
Hindi ako makapagtrabaho nang maayos kasi hindi naman well-behaved ang anak ko, may kaartehan kasi talaga siyang taglay. Ewan kung dahil ba breastfed siya o talagang maarte lang talaga siya. She would cry non-stop and would cling to my legs, begging for me to pick her up. She's always like that when I'm working. Magbubukas pa lang ako ng PC, magpapabuhat na siya sa 'kin, saying, "Dede, dede!" or kapag oras na ng tulog niya, kahit antok na antok na siya, talagang imumulat pa rin niya 'yung eyes niya and I would end up singing lullabies. Sometimes, it would take hours to finally put her to sleep.
Tumblr media
Ewan, pero ang hirap lang talaga. Ilang beses ko na ring sinabi sa partner ko na nahihirapan na talaga akong pagsabayin ang work at pag-aalaga sa anak namin but he would always say, "Konting tiis na lang, mahal." Pakiramdam ko nga hindi ko na naaalagaan nang maayos 'yung anak ko dahil sa trabaho. Nakakaawa siya kapag umiiyak. Nakakabadtrip naman kapag nag-iinarte, pero hindi ko naman din matiis, kasi baby ko iyon, e, mahal na mahal ko, kaya kahit may work akong dapat tapusin, uunahin ko pa rin talaga ang anak ko.
Lagpas ulo na nga ang stress ko, lalo na nga't hindi na baby 'tong anak ko. Sobrang maattitude. Pinagpala rin ng kamalditahan! Kapag may gusto siyang hindi nasunod, magagalit at magwawala. Madali rin siyang mapikon. Nuknukan na rin ng likot at kulit.
Last week lang, while working, biglang nag-shut down ang computer ko. Iyon pala ay pinindot ng anak ko ang off/on button ng CPU ko at hindi lang niya isang beses ginawa kundi three times. Sinong 'di mababadtrip? Buti na lang at may auto-save.
Minsan naman, hihilahin niya 'yung wire ng extension o kaya kakalikutin niya 'yung trash bin at ikakalat 'yung mga lamang basura. Trip niya rin 'yung laundry basket namin, aalisin niya 'yung maruruming damit at ikakalat sa sahig or 'yung malilinis na nakatuping damit, guguluhin niya at ikakalat din. Minsan naman, makikita ko na lang na nagsusuksok ng daliri niya sa electric fan.
Kahapon, umiinom ako ng iced coffee. Siyempre, enjoy na enjoy ako tapos itong anak ko, biglang pinalo 'yung tumbler na iniinuman ko kaya natapon ang kape sa damit ko. Basang-basa at lagkit na lagkit tuloy ako. May pagkatraydor din 'tong anak ko, tipong nakaupo o nakahiga ka lang tapos magugulat ka na lang kasi bigla ka na lang niyang papaluin, hahampasin, sasampalin at pupukpukin ng kung anumang bagay na hawak niya.
Tapos ang hilig niya ring magpulut-pulot ng kung anu-ano sa sahig. Sobrang talas ng mata, naku po!
Kaya nga kapag may toddler ka sa bahay, itaas mo na ang dapat itaas. Iligpit ang dapat iligpit. Walisin ang dapat walisin. Itapon ang dapat itapon. Walang ligtas ang kahit pinakamaliit na bagay sa mata ng batang walang kamalay-malay. Hehe.
Siguro naman, ganito talaga ang mga toddler. Kung hindi man lahat, I'm sure, karamihan kagaya ng anak ko.
Mga kapwa mamshies ko diyan, kumakain din ba ng papel ang mga nakshies niyo? Kasi 'yung nakshie ko, yes na yes. Mahilig din 'tong lumafang ng tumigas ng kanin na napulot niya sa sahig. Paborito niyang laruan ang walis at dustpan, pati na rin ang charger ng phone namin.
At kung dati tahimik lang ako sa bahay, ngayon, araw-araw nang maririnig ang bibig ko kakasigaw at kakasaway sa anak ko. Sigaw dito, sigaw diyan. Saway dito, saway doon.
Very fulfilling naman ba sa pakiramdam maging nanay? Yes. Sobrang saya ba? Yes na yes, pero nakakastress lang din talaga lalo na kapag ang tantrums niya ay sumasabay sa trabaho ko. Lagi talaga akong aligaga lalo na't ako lang talaga ang madalas mag-alaga sa anak ko, may work man o wala. Mahirap. Mahirap talaga, tbh, pero anong magagawa ko? Life goes on, so is my work and so is my daughter.
There were times nga na I would have mini mental breakdowns. I'd cry due to stress and frustration. I'd cry over nothing, as in iiyak lang ako basta. I'd cry during bath time, or while breastfeeding, while eating or while doing work or kapag pinapatulog ko siya, or even before I go to sleep. Minsan magigising pa ako ng madaling araw and I'd overthink a lot. Ngl but I'm having shady thoughts these days. Like, wtf? Nadidiscourage na akong mag-work. I wanna quit work na and just wanna focus with my daughter na lang. Minsan iniisip ko nang mamatay. Sometimes, gusto kong saktan 'yung sarili ko. Pumapasok din sa mind ko na I am not worthy to be a mother or a partner. . . You know, things like that. May times din na mababadtrip ako sa anak ko sa sobrang kakulitan niya to the point na gusto ko na talaga siyang kurugan, tapos pagagalitan ko siya then I would cry later on kasi makakaramdam ako ng guilt, then here goes the shady thoughts again.
I know naman na hindi lang ako 'yung nanay na dumaraan sa ganitong phase. Hindi lang ako 'yung nakakaexperience ng ganito. Alam ko ring hindi matatapos kaagad 'yung ganitong cycle. Hindi madali, but I'm hoping na sana naman makayanan ko. I know, for sure, these things will make me stronger, as a mom and as an individual.
I know it is hard, real hard, but I will keep on moving forward for my daughter and though I cry a lot, I breakdown a lot, I know deep down in my heart that I am a fighter.
Renaissance, pangalawa ka sa source ng stress ko, but at the end of the day, you will always be mommy's stress reliever, joy and hope. . . kakayanin ni mommy para sa 'yo at sa daddy mo. . . and always remember na mommy loves you so much!
11 notes · View notes
ellamayhi · 3 years ago
Text
Kasama mo ako
'Pag sinabi kong mahal kita,
Hindi ito imbetasyon ng mga halik at yakap,
Hindi ito ang kumot na pangtaklob sa ilalim ng alapaap,
Hindi ito ang mga gabing hinahanap-hanap.
'Pag sinabi kong mahal kita,
Hindi ito sagot sa mga tanong na paulit-ulit tinatanong sa sarili,
Hindi piraso ng katsa na magtatago ng bawat pagkakamali,
Hindi ito kamay na pupunit sa pahina ng kwentong gustong ikubli.
'Pag sinabi kong mahal kita,
Hindi ito mapa na magbibigay ng ibang direksyon sa mga hakbang ng 'yong paa,
Hindi ang pambura na magbabago ng mga alaala,
Hindi ito pangako ng walang lubak at diretsong kalsada.
Pag sinabi kong mahal kita--
Mahal kita.
Mahal ko ang mga salitang inaamin sa sarili sa kabila ng kabog ng puso,
Mahal ko ang bawat sugat at pasa sa bawat pahina ng 'yong kwento,
Mahal ko 'yong tapang ng pananatili sa mga oras ng dilubyo
Mahal ko 'yong ikaw, at lahat-lahat ng iyo--
Kasama mo 'ko.
0 notes
revcruz · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Dilubyo... ingat po tyong lahat... #art #artph #illustration #drawing #ink #brushpen #sketchbook #character #pibò #pibòink #ilovecoffeemonster #doodle
1 note · View note
rockettoikah · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Here’s a little update about my life, I’m really trying to let myself grow but sometimes I’m really at the point of giving up. Pero sabi nga nila you must learn to rest but not to give up work, because work gives you dedication and passion. Pero alam niyo ngarag din to ang hirap lang talaga kasi. Those photos were my everyday dose of sunshine hindi pa kasali yong bagyo kidlat at dilubyo, I just wanna share it na tahimik na lang muna. It’s kinda hard for me to share everything kasi bihira na lang ako tumambay kay tumblr which I really do regret, umay na din ako sa everyday routine ko, I need to wake up early then gabi na dadating and all I have to do is sleep ugh hahaha sunday na nga lang rest day minsan work pa din. I realize na hindi pala ganito kasaya sa Metro sobrang toxic lahat ng tao, now I understand why people from here wanted to save their own selves. Maybe, bago pa ako newbie pa no experience from this kind of world pero pucha lang talaga. (*sigh)
6 notes · View notes
sxnsorium-blog · 7 years ago
Text
I feel like a fucking dead person with a moving body not in my own accord, grabe sobrang pagod na pagod na ko sa life ko -_- KALAHATING ARAW YUNG EXAM AND KALAHATING ARAW YUNG INTERVIEW!!! mygaddd, bakit napakahirap maghanap ng work, dilubyo! di ko kinekeribels, mga tsong, mahirap!! mas masarap pa mag aral ulit eh, don’t worry future self, soon, doctor na akooo
2 notes · View notes
updiestro · 5 years ago
Text
ANG MASA SA PANAHON NG SAKUNA
May kaugnayan sa Disaster Risk Reduction Management ang pinasinayaang panayam ngayong linggo na may pamagat na “Behind the Obvious.” Ito ay sa pangunguna ni Dr. Jake Cadag na lagi’t laging iginigiit na ang dilibyu o sakuna ay hindi likas. Dapat ibaling natin ang ating atensiyon sa lumalala nang climate change—ramdam na nga natin sa kasalukuyan ang panganib na hatid nito. Ang pagsasawalang-bahala nito ay isang kahungkagan, kung kaya’t karampatang aksiyon ang dapat na patuloy ilunsad.
Sa repleksiyong ito, gusto kong pagtuunan ng pansin ang binigyang diin ng tagapagsalita sa huling bahagi ng talakayan: kung paanong hindi pa tuluyang naaabutan ng suporta’t tamang aksiyon ang mga nasa laylayan sa lipunan.
Habang inuumpisahang talakayin ito, biglang nahagip ang aking hinagap ng alaala ng bagyong Yolanda at ng mga nasawi rito. Isang manipestasyon ito kung paanong lagi’t laging natatalikdan ang masa. Matatandaang kaliwa’t kanang balita ang ipinalabas sa iba’t ibang estasyon sa telebisyon na may diumanong panganib na dala daw ng storm surge.  Noong panahong iyon, hindi pa (o hindi pa rin naman) batid ng kalakhang Pilipino ang terminolohiyang ito. Kung gayon, masasalamin dito ang pagkakahati ng mga may prebilihiyo at ng masa. Sa halip na sabihing may malaking panganib ang hatid ng malakas na dilubyo sa pagtaas ng tubig at posibleng magdulot ng rumaragasang baha, pinaalalahanan tayo sa panganib na dulot ng storm surge—na isang hungkag na pagpapaalala sapagkat hindi naman naiintindihan ng masa. Dito pa lamang, mababanaagan na agad na sa pamamagitan ng masiyadong pagkiling sa isang wikang siyantipiko ay nagbunsod ng kawalang kamalayan ng mga tao sa totoong panganib na hatid nito.
Ganoon din naman sa mga pananaliksik, nariyan nang maraming ginagawang pananaliksik na may kinalaman sa mga banta ng dilubyo at kung papaano ito maiiwasan, ngunit kulang pa rin ang pagbabalik ng mga saliksik na ito sa realidad ng masa. Hindi nito inaalisan ng balidasyon ang kahalagan ng pananaliksik (kagaya ni Cynthia Villar)—mahalagang tunay ito pero dapat naibabalik nang tama ang isang pananaliksik na mula sa masa, para sa masa. Hindi rin tamang sisihin ang mga institusiyong nangangasiwa rito, sapagkat isang malaking usaping pampulitika’t ekonomika ito. Kung paano laging nakakalikdaan ang masa at biktima ng tumataas nang barikada sa pagitan ng mga uri. Kung kaya’t maging sa usaping ito, naapektuhan pa rin sila.
Isa ring magandang tingnan ay sa kung papaanong ayaw iwan ng mga nasa bingit ng dilubyo ang kanilang lugar sapagkat ito ang kaligiran ng kanilang kabuhayan. Kung kaya’t hindi rin masisisi ang mga rescue teams at mga institusyong may kinalaman dito, sapagkat mayroon at mayroong mga taong hindi aalis sa kanilang lugar gaano man kadelikado na rito. Mangyari pang dapat tingnan natin ang pinakaugat nito: ang kahirapan ng masa.
Sa ganitong lagay, malaki ang gampanin ng bawat isa sa oras ng sakuna sa pagpapalaganap at pagpapaintindi sa bawat isa sa kahalagan ng tamang pagsunod at aksiyon sa oras ng mga kalamidad. Sapagkat lagi’t laging biktima ang mga nasa laylayan sa anumang mga usapin, ang pagtuon sa kanilang estado ang isa sa mga pinakamagandang hakbang upang matagumpay na maipalaganap ang DRRM.
Lahat tayo ay maaaring maging tulay sa ganitong lunggati, ang simpleng pakikiisa sa mga programang nagpapalaganap ng mga tamang aksiyon tuwing may sakuna ay isang malaking hakbang upang tugunan ang problemang inilatag sa itaas. Kailangan ng kolektibong pagpapaliwanag sa dilubyo ng sakuna; kailangan ng pananaliksik mula sa masa, para sa masa; at kailangan ng tamang paglalangkap ng tamang aksiyon sa estadong pulitikal at ekonomikal ng masa.
Kailangan gibain ang tumataas na pader at pagkakahati ng mga may pribilehiyo at ng masa—sa paggiba nito’y lahat ng aspekto’y maaaring masolusyonan kung tutugunan lamang ang pinakaugat nito.
0 notes
bryankimnazars · 8 years ago
Text
Linlang
Minsan hindi ko maintindihan lahat ng nasa paligid ko, kung ito ba ay totoo o ilusyon lamang. Kung bakit kailangang may malungkot bakit kailangang humagulgol, bakit kailangang masawi bakit kailangang bumangon. Isang binata na kung saan andaming tanong sa mundo, ano ang iniisip ng tao at bakit nangyayari ito. Isang binatilyo na kung saan laging nag iisa at walang karamay. Minsan may kasama pero kadalasan binubulag lang ng ilusyon ang kaniyang paningin na tila ba walang katotohanan sa bawat saya at galak na kanyang nararanasan. Siya ay laging kinaiinisan ng lahat hindi nya mawari ano ang dahilan at bigla syang nagtanong. “Bakit kinaaayawan ako ng lahat, ano ang nagawa ko ano ang mga pagkakamali ko pinipilit kong maging mabuting kapwa sa iba ngunit kalungkutan at sakit ang laging tinatamasa. Ako ba ay naging masama? ” wika niya habang tumutulo ang luha sa kaniyang bibig at nalalasahan ang pait ng bawat kahapon at sandali na nakikita’t natatamasa sa kaniyang paligid. Lumipas ang mga araw na kung saan tinitiis nya ang bawat tinik na kanyang nararamdaman sa bawat hakbang nya habang ang oras at panahon ay tumatakbo at ito ay kanyang pilit na hinahabol upang maging maganda ang panahon pagdating ng araw ngunit siya ay laging bigo, bigo sa pagkamit na maabot ang kinabukasan dahil sa mga tinik at pader na nakaharang sa kanyang harapan na pilit syang sinasaktan at pinahihirapan na tila ba siya ay pinipigilan na maging masaya na siya namang lagi niyang tanong sa kanyang sarili “ano ba ang aking nagawa”. Hanggang sa dumating ang dilubyo ng kanyang buhay mga nag aruga na siyang nagtakwil at nagsumpa sa kanya, mga kaibigang tinalikuran at ipinagpalit sya sa iba, mga kaibigang ilusyon at tinutusok ang kanyang mga mata upang bulagin sya sa katotohanang hindi sya mahalaga at mga taong nandidiri at kinasusuklaman siya. Sa mga panahong iyon tila ang mundo niya ay bumagsak nawalan ng balanse at inerhiya habang ang puso niya ay dinudurog at tinutunaw ng nagbabagang poot at galit ng iba. Ang mga panahong iyon ay tila isang bangungot na kung saan laging tatatak sa kanyang isip hanggang sa malagutan siya ng hininga. Hindi nya alam pano babangon, hindi nya alam pano kikilos dahil wala na ang lupang kinatitirikan ng kanyang paa na siyang natitirang sandalan na nagbibigay ng lakas sa kaniya. Hanggang sa naabutan niya ang sarili na nakahiga sa kawalan habang tinititigan ang mga bituin na kaniyang nagsisilbing pangarap at mithiin at pilit itinataas ang mga kamay, umaasang kaya pa niyang abutin ang bituin na natitirang liwanag ng kanyang buhay. Isa lang naman ang kanyang kagustuhan, yun ang maranasan ang ngumiti sa bawat baitang ng kanyang buhay. Paglipas ng ilang minuto ang buong paligid ay nilamon ng dilim, ang mga bulaklak ay sumibol at ang mga paru paro ay nagtipon tipon. Bigla akong nagising at nagpasalamat dahil ang lahat ay ilusyon at panaginip lamang, nagdasal at ipinagpatuloy ang aking buhay.
0 notes
stephdisturbstheuniverse · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Yesterday's artist talk. To experiment is to try new things. Whether it succeeds or fails, the significance lies on in the attempt to face the fear of possible disappointment. Bringing strangers together (with different background and practices at that) to come up with a project could result into a catastrophic clash of egos, a fiasco of stylistic collisions or a conflict of creative directions. On the other hand, it could also produce an undertaking that maximizes each of their skill sets, develops their critical eye and undertaking that maximizes each of their skill sets, develops their critical eye and underscores the process of collaboration. Either way, it is an experience. DILUBYO is a compilation of encounters, discoveries and realizations. DILUBYO is a 98B initiated publication involving: Mars Bugaoan, Pietro Bonfanti, Steph Palallos and Jose Ma. Tanierla. #98b #escolta #dilubyo #LosBernardos
0 notes