#byaheng pinoy
Explore tagged Tumblr posts
Photo
There are only two kinds of Baby Buses in Cavite: (1) those that will take you straight to afterlife, and (2) those buses that probably have already went before you.
#womanlalaboy#snaps#pilipinas#baby bus#cavite city#cavite#commute#road trip#public transportation in the philippines#byaheng pinoy#philippines
7 notes
·
View notes
Text
LAKBAY SANAYSAY
Ito ang mga paboritong lugar na napuntahan ko sa Pilipinas kasama ang aking pamilya. Tradisyon na ng aking pamilya na bumyahe ng malayo tuwing bakasyon kung kaya naman ay halos nalibot ko na ang buong luzon (batanes nalang ang kulang) pero iilan dito ay aking mga paborito.
SAGADA (DECEMBER 2018)
Dalawampu't apat oras na byahe mula Albay hanggang Sagada. Labindalawang oras na byahe mula Albay-Manila, labindalawang oras na byahe mula Manila-Sagada. Mas maginaw ang temperatura ng Sagada kaysa sa Baguio, umaabot ito ng 9 degrees celcius dahil sinabayan pa ng malamig na hangin tuwing Pasko. Tunay ngang napakayaman ng Pilipinas sa kultura dahil tila ba’y ibang dimensyon na ng Pilipinas ang Sagada. Ang mga tao ay mababait, itinuturing nilang pamilya ang mga turista. Maging ang mga tour guide kung titignan mo sa itsura ay simpleng tao lamang ito na may dugong ifugao ngunit bihasa ito mag ingles dahil sa araw-araw na kanilang paghahanapbuhay bilang tour guide. Pinagaaralan din nila ultimo kung paano kumuha ng magandang larawan. Walang taong mapagsamantala dito dahil sabi nila pinangangalagaan nila ang pangalan ng mga ifugao. Maliban sa sila’y disiplinado bilang tao, disiplinado rin sila bilang mga tagapangalaga ng kalikasan. Hindi pumapayag ang kanilang alkade na may pumasok na mga negosyante at pakialaman ang kanilang lupain. Pinapanatili nila ang kayamanan ng kanilang lupain at ayaw nila itong gamitin ng mga taong gahaman na sisirain ang kalikasan sa ngalan lang ng pera.
Makikita mo sa larawan na ako’y nasa tuktok ng sikat na Marlboro Hills ng Sagada, sikat ito dahil sa tinatawag na sea of clouds. Pakiramdam ko ay nalampasan ko na ang langit dahil sa abot kamay ko nalang ang mga ulap. 45 minuto ang iyong gugugulin upang makarating sa tuktok. Alas kwatro ng madaling araw ang pag akyat sa bundok kaya asahan na mas malamig pa kaysa sa gabi ang panahon, kailangan na maaga ang pag akyat upang maabutan ang pag sikat ng araw at makapal pa ang ulap sa tuktok tuwing madaling araw. Sulit naman ang pagod dahil sa ganda ng tanawin.
VIGAN (MAY 2019)
Pitong oras na byahe mula manila-vigan. Napakainit ng temperatura sa ilocos kaya kung maaari ay magdala ng sunblock upang makaiwas sa pagka tusta ng balat. Isa ito sa aking paboritong lugar sa Pilipinas dahil sa calle crisologo. Alam natin na ang calle crisologo ay isang kalye sa vigan na pang espanyol ang disenyo. Ito raw ay talagang iningatan ng mga ilokano at ginawang pasyalan para sa mga turista. Kahit ang mga fastfood chain at ang mall sa vigan ay disenyong españa rin. Pinanindigan na nga nila na magmukhang españa ang lungsod.
BYAHENG ABROAD
Ito naman ang aking mga paboritong bansa sa labas ng Pilipinas. Namangha ako sa kanilang kultura at katatagan ng pananampalataya bagamat hindi kami pareho ng pinaniniwalaan.
MALAYSIA (OCTOBER 2019)
2 oras na byaheng eroplano mula Pilipinas patungong Malaysia. Halos walang pinagkaiba sa Pilipinas maliban sa lenggwahe at estruktura ng kalsada. Pareho lang ang itsura ng mga malay at pinoy, sabi nga sa sibika at kultura, isa ang mga malay sa ating mga ninuno kung kaya naman ay hindi nagkakalayo ang itsura nila saatin.
Bilib ako sakanilang pananampalataya sakanilang Allah, nananalangin sila ng limang beses sa isang araw at hindi nila ito pwedeng makalimutan. Samantala ang ibang Kristiyano ay kahit magsimba hindi malaanan ng oras. Sa tuwing magsisimba ang mga muslim, kailangan nilang hubarin ang kanilang sapatos at mga alahas simbolo ng pagpapakumbaba. Ang mga babae ay dapat nakasuot ng hijab sakanilang ulo at hindi pwedeng ipakita ang kanilang balat sa katawan, ito raw ay pag papakita na sila ay isang babaeng marangal. Iba-iba man ang aming paniniwala pero sila’y itinuturing kong kapatid. Lahat ng tao ay iisa lang kahit tayo ay nahati dahil sa relihiyon.
BRUNEI (OCTOBER 2019)
Galing Malaysia sumakay kami ng fast craft papuntang Brunei. May kaibahan na ang itsura ng mga tao dito pati na ang lenggwahe ngunit di nagkakalayo ang kanilang pagkain. Arabo na ang itsura ng mga tao dito at ang kanilang lenggwahe ay arabo na rin, maging ang mga letra na nakasulat. Strikto ang mga mamamayan ng Brunei lalo na ang kanilang gobyerno. Kamatayan ang hatol sa sino mang gagamit ng droga. Bawal din ang PDA o Public Display of Affection sa mga taong magkasintahan na turista at kahit sa mag asawa. Bawal din magkasama ang magkasintahan hangga’t hindi pa ikinakasal. Ganoon ang ilan sa mga patakaran ng Brunei na mukhang normal lang sa Pilipinas, ngunit sa kabila ng kahigpitan ng kanilang gobyerno disiplinado ang mga tao rito. Hindi lang disiplinado ang Brunei kundi mayaman din ito patungkol sa ekonomiya, pumapalo sa 40pesos ang 1 Brunei Dollar. Isang maliit lamang na bansa ang Brunei dahil sa loob ng tatlong oras nalibot mo na ang buong bansa.
Aming napuntahan ang mosque na ito kung saan Pinoy ang taga bantay at mismong tour guide na rin dito. Ani nya ang mga mosque sa Brunei ay hindi pinagawa ng gobyerno, ito raw ay itinayo dahil sa pagkakaisa ng mga tao. Bawat mamamayan ng Brunei ay nag bigay ng tig iisang butil ng ginto o kaya ay karagdagang pera pang patayo upang makabuo ng isang mosque. Namangha ako sakanilang katapatan at pagkakaisa bagamat sila ay mga muslim at ibang Diyos ang kanilang sinasamba. Kung iisipin natin ay bakit mas maganda ang kanilang diskarte sa pamumuhay? Malamang dahil ito sa pagkakaisa ng mga mamamayan at gobyerno ng Brunei.
CHINA (MARCH-MAY 2018)
Ito ang aking pinakamatagal na paglabas ng bansa noong ako’y nasa China ng dalawang buwan bilang isang exchange student. Ito ang aking pinakamatinding pakikipagsapalaran sa iba’t ibang klase ng tao. Namuhay ako bilang isang Pilipinong nag aaral sa China. Pilipino naman ang mga kaklase ko ngunit ang guro namin ay mga Chinese national. Maliban sa mga Chinese national ay nakipagkaibigan ako sa iba’t ibang uri ng mga Pilipino tulad ng mga ilokano, bisaya at mga taga mindanao. Dito ko naranasan mamuhay na hindi kasama ang pamilya at ang mga kaibigan sa simbahan. Napakaganda ng paligid ng China kahit marumi ang hangin sa himpapawid, pakiramdam ko ay nasa loob ako ng Chinese drama. Walang pinagkaiba ang nakita ko sa napapanood ko. Kung maaari lamang ay nais kong bumalik doon bilang isang estudyante ngunit hindi na ito mangyayari, babalik nalang ako bilang isang turista.
Sa bawat byahe ng aming pamilya, sinisiguro ko na mayroon akong bagong matututunan sa kultura at sa mga mamamayan ng bansa o lugar. Hindi sapat ang makita ko ang ganda ng lugar, kailangan ko ring matutunan ang kanilang pamumuhay at kultura.
1 note
·
View note
Text
Kalsada
Parte na halos ng buhay natin ang lansangan. Tuwang-tuwa ako noong bata pa ako kapag natatapat na malubak ang sinasakyan kong jeep. Pakiramdam ko may thrill yung byahe namin at nakasakay ako sa roller coaster kapag dumadaan sa lubak ang jeep. Isang beses sa isang taon lang kasi ang perya sa amin at tuwing fiesta lamang ito kaya sabik ako sa mga rides. Kaya nagtityaga kami sa byaheng malubak at konting andar ng imahinasyon. Ngayon, mararamdaman mo na lang yung lubak sa mga kalsadang binubutas at pinapagawa kahit maayos pa ang mga ito. Salamat DPWH.
Natandaan ko nung dinala ako ni Tatay sa Quiapo para bisitahin si Tito Pedring. Andaming tao. Nakakalula yung mga billboard at andaming mga sasakyan. Sabi ni Tatay ganoon daw talaga sa Maynila. Karamihan daw kasi ng mga tao ay nililisan ang probinsya para makipagsapalaran sa Maynila para sa magandang bukas na walang katiyakan. Pagsakay namin ng jeep papuntang Balic-Balic, siksikan sa loob ng jeep. Biglang sisigaw ang barker ng
"O konting ayos ng upo mga ate at kuya. Siyaman po yan. Konting ayos lang. O, isa pa sa kaliwa. Bayad ba yung bata? Konting usod pa!!"
Sabay tutuktukin ni kuyang barker yung gilid ng jeep. Masakit sa tenga ang pagtama ng barya sa bakal. Para na kaming sardinas sa loob ng jeep. Lagkit na lagkit na ako at nadidikit pa ako kay manong na pawis na pawis ang braso.
Ano ang kalaban ng mga Pilipino? Traffic! Dito pinapatay ang oras natin. Nailathala nga sa isang foreign newspaper na ang Pilipinas ang pangalawa sa may pinakamalubhang traffic sa Southeast Asia. Ito ang isa sa mga plataporma na ginagamit ng mga kandidato tuwing halalan, ang sugpuin ang lumalalang traffic sa ating bansa. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko yun, lalong umiinit ang ulo ko dahil nakaluklok na nga sila sa trono, wala paring nakakalutas sa suliraning ito. Buti na lang, hindi ko sila binoto.
Pagbaba namin sa destinasyon namin, makikita mo ang pagkamalikhain at diskarte ng mga pinoy. Kita mo ang mga dikit-dikit na mga barung-barong. Mga trapal ng mga kandidato na ginawang pangtapal sa butas na dingding at bintana. Ang mga buhol-buhol na kawad ng kuryente sa tagilid na poste ng Meralco. Napakamalikhain talaga ng mga Pinoy.
Habang naglalakad kami sa isang eskinita, nagpaalam ako kay tatay na itatapon ko lang yung balat ng kendi na hawak ko. Sabi ni Tatay itapon ko daw sa basurahan, pero paglinga ko, walang basurahan sa paligid. Pero andaming basura sa kalye. Kita mo ang balat ng diapers na kinalat at sinira ng mga asong kalye, ang mga balat ng chichirya at ilang mga pinagkainan. Hindi kataka-taka na darating ang panahon na ang Maynila ang magiging isang malaking wasteland. Buti na lang nakalagay sa isang gilid ng kalsada ang karatulang "BAWAL MAGTAPON DITO. MULTA 500" katabi ng mga samut-saring basura.
Kung sa probinsya, makikita mo ang mga lumilipad na mga maya, dito sa Maynila kita mo ang mga lumilipad na mga bangaw. Yung mga bangaw na steady lang sa hangin. Hindi gumagalaw. Naalala ko pa na tumatalon pa ako para bugawin yun. Malas ko lang at pagtalon ko, nakaapak ako ng malagkit. Yuck, tae.
Kalahati mga tao at kalahati mga aso ata ang laman ng mga kalye. Parang mga maze bomb yung mga tae ng aso sa kalsada na kapag natapakan mo, game over ka na. Malaya ang mga aso na gumala-gala sa kalsada. Malas mo kapag pinagtripan ka pa ng mga aso at hinabol hanggang kanto. Kita mo rin yung mga asong nagdodoggy style sa gilid at maiinggit ka na buti pa ang aso may sexlife, ikaw wala.
Pero anuman ang lugar nating kinabibilangan, ang kalye parin ay parte ng ating bituka na hindi natin maiiwasan. Dahil karamihan sa atin ay mga taong-kalye, huwag lang magiging asal-kalye.
28 notes
·
View notes
Photo
On the way to Laoag... since 1995 tuwing bakasyon pumunta kaming pamilya sa Ilocos kina Ninong Peng para maka swimming sa Pasuquin (di ako alam kung tama ang spell) Beach kasama ang mga pinsan naming sina oliver, mabuti si Lord ang hanggang ngayon kaya pa ni papa bumiyahe, gala talaga, hehe, bonding na byahe na rin to, madalas ang byaheng malayo at taonan ay maraming alaalang sinasariwa sa iyong kamalayan... stop over bago dumiretso sa destinasyon... . . #document #sariwa #contentwriting #sulat #kwento #dokumentaryo #halaga #nakaraan #memorya #laoag #diary #journal #byahe #travel #gabi #kainan #pangasinan #sison #stopover #tatay #ama #anak #bonding #pamilya #pinoy #sarap #mabuhay (at Leeza's Kambingan, Seafoods, Bulaluhan)
#sulat#ama#diary#mabuhay#laoag#memorya#nakaraan#pinoy#tatay#sarap#stopover#contentwriting#dokumentaryo#anak#byahe#gabi#kwento#travel#bonding#sison#halaga#sariwa#journal#document#pamilya#kainan#pangasinan
1 note
·
View note
Text
Hidden Food Hubs to Visit in Tagaytay this Weekend
Where to Eat? Besides the cool climate and nice view of Taal lake, Tagaytay has been one of the prime destination for some good food trip.
[ TAKEOFFPHILIPPINES.com ] Although we are from the south (Cavite) there’s still a bunch of hidden restaurants from the nearby places here in Tagaytay area that we haven’t tried it yet. That’s why @takeoffphilippines is here to bring you exciting food adventures aka FOODVENTURES that is undeniably mouth-watering and belly-filling. Hopefully, this would help out our fellow tourists who will be visiting Tagaytay to try out new food spots from the usual.
1. Nanay Dorie’s Bulalohan
Tagaytay - Nasugbu Hwy, Tagaytay, Cavite
If you’re not a fan of crowded areas, this place is just right for you. Perfect for a nice lunch out after a long road trip. Nanay Dorie’s Bulalohan is an interesting Filipino Restaurant for me because they offer the usual Pinoy Favorites with a good serving and an affordable price. They’re very kind in giving a bountiful bowl of Bulalo or a plate filled with Crispy Pata. Surely you will go for an extra rice.
I really like the place, they have long tables for a large group and if you're looking for some provincial vibes you can try their “Kubo” (Nipa Huts) while having your sumptuous feast. You don’t have to worry as it has a wide space for car parks.
Check out in Google Map - Street View
2. The King’s Crumb Bakeshop
240 Enrile Drive, Patutong Malaki South, Tagaytay City
After a good lunch its time for some sweet slice of heaven on your mouth. From the narrow street in Tagaytay City, lairs a petite dessert store that serves the First and Original Coconut Cream Pie in Tagaytay.
What makes this bakeshop unique besides their Coconut Cream Pie is the simplicity and deaf-friendly place. A good way to unwind outside the busy urban life. Its calm fresh atmosphere makes you feel more relax.
The best way to enjoy the heat of the sun this summer is to indulge with this smoothed Coconut Cream Pie.
Check out in Google Map - Street View
3. Mini Lettuce Farm
Mahogany Ave. cor. J.P. Rizal St., Tagaytay (Going to Little Souls Convent)
If your kinda an avid fan of Korean Entertainment and you stick to the saying that “Kpop is Life”. Then I'm pretty sure that you tried eating already at a Korean Restaurant. Typical Korean dishes is served with plenty vegetables like “lettuce”.
Before the Little Soul’s Convent and The King’s Crumbs Bakeshop, reside a lettuce farm owned by a private resident in the vicinity. They are open every day and sells a bunch of affordable Romaine and Green Leaf Lettuce.
Also good for sandwiches and salads.
Check out in Google Map - Street View
4. Mr. Moo’s
Km 51 E Aguinaldo Hiway, Lalaan 2nd, Silang
All-day Fresh Milk, Kesong Puti, and other Dairy Products for the Skin came from organically fed farm animals (cows, carabaos, and goats).
Check out in Google Map - Street View
5. Amira’s Buko Tart Haus
Aguinaldo Highway, Tagaytay City, Cavite, SVD Rd, Tagaytay, Cavite
If you need a pasalubong from Tagaytay this is the place to be. Amira’s is known for The Best Buco Tart in Town! They offer other sweet delicacies like Kundol candies, Espasol Langka, and more.
P.S. I love their Mango Tart!
Check out in Google Map - Street View
Byaheng Pa-South: A Day Tour Itinerary to Tagaytay for Less Than Php 1,000.00
Check out our Tagaytay Itinerary!
For more Daily Dose Of Eyegasmic Occurrences follow our Social Media Accounts:
Facebook Fan Page: https://www.facebook.com/TakeOffPHBlog
Instagram: @takeoff_ph | Twitter: @takeoff_ph
#takeoffph#tagaytay#tagaytay food trip#where to eat in tagaytay#restaurants in tagaytay#foodventures#the food series#pasalubong house in tagaytay#when in tagaytay#foodspots
2 notes
·
View notes
Photo
New Post has been published on http://www.travel.boozted.com/2018/06/03/surfing-capital-of-the-philippines-baler-travel-vlog-boo-recluta/
SURFING CAPITAL OF THE PHILIPPINES BALER | TRAVEL Vlog | Boo Recluta
youtube
S U B S C R I B E Here: http://bit.ly/2p9paPh My previous video: https://youtu.be/AzjQuj9XVgI
SURFING CAPITAL OF THE PHILIPPINES BALER | TRAVEL Vlog | Boo Recluta
One of the best places to surf in the Philippines is Baler Aurora. So I did not hesitate when the trainer tried to get me and ask me why not try surfing..for only P500.00..and for me as a first timer, that offer is so good for me. And while I was starting my session, I did not realize that my P500.00 is actually in my pocket, so what happens is “I LOST IT!” #Katangahan! End up..I spent P1000.00 for my session!! But I’m still positive because I’ve experienced surfing. #Happylang 🙂
Try also Costa Pacifica one of the BEST restaurant that I know in that area. Follow them on instagram @costapacificabalerph
M Y B L O G S I T E http://boorecluta.blogspot.com/
S O C I A L M E D I A http://www.instagram.com/boorecluta/ https://www.facebook.com/boofermin/ Follow also my other side of photography INSTAGRAM: @booportraitsgallery http://www.instagram.com/booportraitsgallery/
W O R K W I T H M E ? [email protected] Unit 41A, Axis Residences, Pioneer St, Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City, Philippines
E Q U I P M E N T Canon M10 GoPro Hero5 Tripod Gorillapod
T H A N K Y O U F O R W A T C H I N G !
#baler aurora#baler aurora beach#baler aurora philippines#baler aurora tourist spot#baler beach resort#Baler Surfing#best tourist spot in the philippines#best travel vlog#best travel vlogger#byaheng baler#costa pasifica sabang beach baler aurora#exploring baler aurora#pinoy joyride in baler#summer outing in baler#things to fo in baler#travel vlogger in the philippines#vlogger in the philippines#People & Blogs
0 notes
Text
Araw ng Dabaw festivities cancelled over NCoV concern
#PHinfo: Araw ng Dabaw festivities cancelled over NCoV concern
Mutya ng Dabaw hopefuls during the screening process, Mutya ng Dabaw together with the major festivities of the 83rd Araw ng Dabaw were cancelled by Mayor Sara Duterte due to public safety concerns over nCoV.
DAVAO CITY, Feb. 10 (PIA) - Mayor Sara Duterte has cancelled all 83rd Araw ng Dabaw activities to ensure public safety due to the Novel Coronavirus.
She said that the Novel Coronavirus remains fluid and there is still no answer when it stabilizes or its spread worldwide will be fully controlled.
“We have seen an increasing number of people getting the infection worldwide. Our health care facilities in Davao City have limitations and we cannot possibly carry hundreds of sick individuals all the time,” Duterte said.
She said that it is their plan for Davaoeños not be afflicted with the virus and to keep everyone healthy, despite the limitations.
Duterte underscored the importance of keeping ones immune system strong and to avoid crowded places and activities that will spread the virus.
She said the advisory of the Department of Health to shun away all public gatherings last February 7 as the solution to the problem remains hidden, prompted her to cancel all 83rd Araw ng Dabaw preparations like the Pasiugdang Pagsaulog, Reyna Dabawenya, Ginoong Davao, Sayaw Pinoy, Kalingawan sa Sta. Ana, Hudyaka, Mutya ng Dabaw, Pasidungog, Araw ng mga Empleyado, Kanta Bidabawenyo, Parada Dabawenyo and the Datu Bago awards.
“All preparations made this year shall all be executed in 2021. We shall leave it to the parents, schools, government/ private offices and business establishments to ensure that their children, students and employees understand the history of Davao City, where we are going with our Byaheng Do30 agenda, how we have showed the past three years that we stand tall, united and resilient and that we shall embody discipline, integrity and competence in the next three years,” Duterte said.
In line with this beginning February 11, she ordered to ban permanently not because of the virus but for reasons of safety and security, welcome and send-off groups at the airports, seaports, bus terminals and other transportation hubs.
Duterte said only employees, workers, drivers and passengers are allowed in these places.
She also ordered the Department of Trade and Industry to ensure that the price free memorandum of the DOH, the price tag, suggested retail price and other pertinent regulations on all goods and commodities are strictly implemented.
“Business permits of stores caught selling overpriced items and hoarding food and other supplies shall be canceled and their establishments padlocked,” Duterte said.
She urged Davaoeños to read the DOH advisories pertinent to their organizations and the DOLE for workplace advisories.
The Mayor called on Davaoeños who have soar throat, cough, fever and other flu-like symptoms not to travel in and out of the city and to seek medical assistance immediately.
Schools, offices and business establishments are advised to come up with guidelines to ensure that students and employees who are sick are not allowed entry to the school or workplace.
“While we have a health issue at hand, please do not panic. Instead, report to the authorities and seek immediate and appropriate medical help,” Duterte said. (PIA XI-Joey Sem G. Dalumpines)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Araw ng Dabaw festivities cancelled over NCoV concern." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1034331 (accessed February 11, 2020 at 09:44AM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Araw ng Dabaw festivities cancelled over NCoV concern." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1034331 (archived).
0 notes
Text
Ang lakbay papuntang Palawan (05/20-30/2017)
By: Carl Belacho
Ang mga larawang ito ay kinuha sa isa sa mga nakakamanghang libu-libong isla ng lungsod na taos-pusong ipinagmamalaki ng buong bansa sa mundo, ang Palawan. Kasama ko ang aking mama na isang Pharmacist at naging rason ng pagpunta namin dito dahil sa isang convention. Kasama ko din ang aking papa na adik sa pagkuha ng litrato ng iba't-ibang magagandang tanawin kasama siya sa pagkuha na panay natatakpan ng mukha niya, at hindi nagpapahuli ang aking ate na sabik din kumuha ng mga litrato upang i-upload sa instagram.
Ang mga litratong ito ay kinuha sa El Nido. Limang oras na biyahe mula sa Puerto Princesa city. Kung gusto mong makakita ng magagandang isla at ibabad ang sarili sa puting buhangin, o 'di kaya'y busugin ang mga mata mula sa nag gagandahang dayuhan at palibutan ng mga 'to, ano pa bang hinihintay mo, pumunta na dito!
Kilalanin si Don Mitra. Isang tanyag na senador ng bansa na pumanaw na at nag mamay-ari ng isang napaka-tanyag din na hasyenda sa lungsod, ang Mitra's Ranch! Sariwang simoy ng hangin at napaka gandang tanawin ang isa sa mga sasalubong sainyo sa pagdating niyo dito. Kung gusto niyong masubukan ang pagiging cowboy sa murang halaga, iniaanyahan ko kayong pumunta dito.
Ito ang Iwahig Prison and Penal Farm. Ang pinakamalaking bilibid na mapupuntahan mo sa bansa at napaka luma ngunit bago (hirap intidihin? wag ng pasakitin ang ulo at bumisita na). At higit sa lahat, 'san ka ba makakita ng mga preso na malayang nagtatrabaho sa bukid, magtanim o gumawa ng mga produkto yari kamay. Iwahig Prison of Palawan, ang isang kulungan na mas pipiliin mo pang tirahan.
Gusto mo bang pumasok sa isang kweba? Gusto mo bang mamangka at mamangha sa daloy ng ilog? O di kaya'y pagsabayin ang dalawa ng ika'y hindi makapag-imik ng salita dulot ng mangha? Ang nag-iisang ilog sa ilalim ng kweba, Puerto Princesa Underground River na matatagpuan lamang sa Palawan at nag-iisa sa buong mundo. Madilim, malamig, ngunit hindi gaanong tahimik sapagkat tinig ng mga paniki ang iyong maririnig mula pagpasok at paglabas niyo sa kweba. Hindi "napaka", "masyado", o "sobra" ang mga salitang maibabagay dito, dahil UBOD ng ganda talaga ang tourist spot na ito. Sa pagpasok ninyo at paglabas, ang mga katagang mabibitawan mo lang ay; "Thank You, Lord!"
Ang bakasyon sa The Last Frontier of the Philippines ay hinding hindi ko malilimutan sapagkat nasaksihan namin ng aking pamilya ang nakakamanghang biyaya ng Diyos saating bansa na kailanma'y hindi pagsasawaang bisitahin ng mga tao mapa dayuhan man o kapwa Pinoy. At dahil sa byaheng ito, aking napagtanto na ang edukasyon ang susi upang mas masilayan ang kagandahang ibinigay ng Maykapal sa buong mundo, dahil kapag tapos na ako sa akong pag-aaral at kaya ko ng sustentohan ang aking sarili at pamilya, maaari ko ng libutin ang buong mundo at mamangha sa layo ng aking mapupuntahan, sa tulong ng malayo kong narating sa buhay.
0 notes
Text
Home Sweetie Home January 21 2017
Home Sweetie Home January 21 2017
Home Sweetie Home January 21 2017
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode replay. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio
Home Sweetie Home TV program is a Philippine…
Please visit http://ift.tt/1UFV4yK to get more updates.
from Pinoy Tambayan
View On WordPress
0 notes
Link
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio Home Sweetie Home TV program is a Philippine situational comedy on ABS-CBN starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga. The show tackles a newly married couple's lives, and their ways to address the needs of a growing typical Filipino household.
Alternative Video
Alternative Video
Alternative Video
Source: Wikipedia Pinoy Tambayan | Pinoy TV Shows
0 notes
Text
Byaheng Pinoy
Dreams are supposed to be grand and sophisticated and sometimes they look unattainable. That's what I thought, at least, as a child. I dreamt of having castles, of being an astronaut, a scientist, a teacher, an actor, and so on. But apart from being a lawyer, my best friend, Benedict, dreamt of having to ride different vehicles in one commute. He said that it's what adulthood looked like to him, and that it looked thrilling- like everyday would be an adventure. To me, it's nothing but annoying and totally uncomfortable.
I grew up knowing that everything I need is just a tricycle ride away, but as the saying goes, "Nothing stays the same." I grew old, went to college, and found a job. I had to walk different streets and had to explore different places. Guess what, I had to ride different vehicles in one commute.
Ah, it's never easy. I just got used to it. And as time passed by, I've grown to appreciate the beauty and authenticity of traveling like a real Filipino. It's rarely comfortable, but always interesting. Every time I commute, I see my people's perseverance while fitting themselves in our overly crowded trains and buses. I see my people's adaptability when they curl their bodies to fit in the tricycles and pump boats. I see my people's patience while traveling via RORO and I see my fellow Filipinos' bravery when they fit their family members in motorcycles just so they could avoid excessive travel fares. We even have our funny Jeepney anecdotes that will never age.
Filipinos indeed are resilient, flexible, creative, and innovative. And traveling for us is more than just natural.
MORE...
Also see: Byaheng Pinoy photo set Also read: CVTY Collective: Street Art And Traveling Also read: Planting Roots: Ilvstrados and OPM Also read: Adstec Skatepharm Skate Clinic: The Initiative
#womanlalaboy#travel#travelph#byahe#pinoy#pilipino#pilipinas#philippines#motorcycle#traveling in the philippines#thewritestuff#tayo
29 notes
·
View notes
Link
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio Home Sweetie Home TV program is a Philippine situational comedy on ABS-CBN starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga. The show tackles a newly married couple's lives, and their ways to address the needs of a growing typical Filipino household.
Alternative Video
Alternative Video
Alternative Video
Source: Wikipedia Pinoy Tambayan | Pinoy TV Shows
0 notes
Link
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio Home Sweetie Home TV program is a Philippine situational comedy on ABS-CBN starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga. The show tackles a newly married couple's lives, and their ways to address the needs of a growing typical Filipino household.
Alternative Video
Alternative Video
Alternative Video
Source: Wikipedia Pinoy Tambayan | Pinoy TV Shows
0 notes
Link
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio Home Sweetie Home TV program is a Philippine situational comedy on ABS-CBN starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga. The show tackles a newly married couple's lives, and their ways to address the needs of a growing typical Filipino household.
Alternative Video
Alternative Video
Alternative Video
Source: Wikipedia Pinoy Tambayan | Pinoy TV Shows
0 notes
Link
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio Home Sweetie Home TV program is a Philippine situational comedy on ABS-CBN starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga. The show tackles a newly married couple's lives, and their ways to address the needs of a growing typical Filipino household.
Alternative Video
Alternative Video
Alternative Video
Source: Wikipedia Pinoy Tambayan | Pinoy TV Shows
0 notes
Link
Home Sweetie Home January 21 2017 full episode. Byaheng Baguio ang tropa. Pero sa byaheng ito may mga sikretong mabubunyag? #HSHGoesToBaguio Home Sweetie Home TV program is a Philippine situational comedy on ABS-CBN starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga. The show tackles a newly married couple's lives, and their ways to address the needs of a growing typical Filipino household.
Alternative Video
Alternative Video
Alternative Video
Source: Wikipedia Pinoy Tambayan | Pinoy TV Shows
0 notes