Tumgik
#buti na lang may dala ko sasakyan
kateyiswell · 1 year
Text
2020 - Pandemic Year
Kahit na sinabi kong last time na namin magkikita, nakipag kita ako ulit sa kanya. Nagbayad sya ng balance nyang utang at inabot ko yung gift ko sa kanya for his birthday. Nagulat sya na I gave him a watch. Kaso ayaw daw nya nung strap, papapalitan daw nya. Go ahead kako.
Inaya nya ako ulit lumabas nun, at sinamahan ko sya sa isang mall malapit sa office nila. Akala ko magdidinner lang kami, yun pala papapalitan na nya yung strap ng watch nya. Ang shocking dun, wala pala syang dalang pera at ako pa muna ang pinagbabayad sa new strap. Nainis ako sa ginawa nya. Wala kako sa budget ko yun at sya naman yung may ari na ng watch. Babayaran naman daw nya ako pagdating ng sweldo. Pagdating daw nya sa office nila ay pinagmalaki nya pa yung ginawa nya pero pinagalitan daw sya ng mga katrabaho nya. Buti na lang daw mabait ako.
March of that year, height na ng pandemic. Instead na sana makakalabas for my birthday naging stay at home na kami ng family ko. Lagi kami magkausap sa phone. Bigla nyang sinabi, may nameet syang girl and lagi nya rin daw kausap yun. For the second time, I got my heart broken. Dun ko natanong, ano ba ako sa kanya? Sabi nya best friend nya raw ako… Ayun, best friend zoned na ako. By this time, ako na yung hindi muna masyado nangungulit sa kanya, sya na itong tawag ng tawag sakin. Sinabi nya na hihiwalay na sya sa ate nya ng bahay dahil di sila magkasundo na dalawa. If ever kako na need nya ng tv, ibibigay ko na lang sa kanya yung kakabili ko na isa. Samahan nya lang ako ng kunin yung gamit ko sa dorm. Kulit ko rin no?
Nung nagluwag luwag na yung protocols, sinamahan ko na sya tumingin tingin ng lilipatan nya. Nung nakahanap na sya, tinanong ko kung pwede na nyang kunin yung tv isasabay ko na rin kako yung pagkuha ko ng gamit sa dorm.
Gusto pa sana nya gumala kami kaso sabi ko, mahigpit pa ang protocols. Hintay muna kami.
A week later, nandun na ako sa new apartment nya. Tinulungan ko sya mag ayos ng gamit. He told me jokingly na magsama na raw kami. Di pa ako ready nung mga panahon na yun. Grab muna tayo sabi ko.
Halos every other day ako nasa apartment nya. Lagi kong paalam sa bahay na nagpapapasok na sa office, pero ang totoo, wfh lang kami. Kahit mahal yung grab papunta at pauwi, go lang ako. Love na love ko talaga sya. Para na nga ako nagpapakaasawa sa kanya. Nipeprepare ko breakfast nya, lunch, snacks, naglalaba ng damit (tulong naman kami, but still), we are intimate with each other. Dito namin ginamit yung adult toy na binili ko sa Japan. We did it even in his car.
Kung saan nya gusto pumunta, go ako. Naalala ko, first time namin pumunta ng Tanay, dala namin yung sasakyan nya. Kaso pagdating namin dun sa dapat na pupuntahan namin, sarado na. Hilo ako nung pababa na kami at pagdating sa apartment nya, diretso ako sa CR para magsuka. Shout out po sa mga madali mahilo sa byahe. Haha.
At one point, tinanong ko ulit sya, ano na ba status namin. Sabi nya ay best friends daw. Sabi ko, daig pa natin yung magjowa sa ginagawa natin, di pa tayo magboyfriend-girlfriend. Hindi daw. Walang kami. Nasaktan man ako, pero dahil masaya ako sa kanya, tinuloy ko na lang yung ginagawa namin kahit wala kaming label. Weekly lumalabas kami, dahil libre pa ang skyway, dun kami lagi dumadaan. Whenever he is driving, he is holding my hand, sometimes, he kisses it. Sobra yung kilig ko pag ganun ginagawa nya. I told him that. Kaya mas madalas na nyang gawin. He kisses me everywhere except sa lips. I attempted several times pero ayaw ny. Kahit sa cheeks, iwas na iwas sya. Pwede pala yung magsesex kayo kahit walang kiss na nangyayari? He likes to give me hickeys, sign daw na namarkahan nya na ako at ako ay kanya lang.
He then told me he has Tinder account. Di ko alam na may ganun sya. Nico front ko na kasama naman nya na ako, bakit naghahanap pa sya ng ibang girls. Instead of answering, he urged me na mag install din daw nun. He then told me, kahit marami daw syang ma meet, sa akin pa rin sya uuwi. Still, I got my heart broken of what he said. He can’t be committed pa rin sakin.
My mom asked me, ano daw ba talaga kami. Sabi ko, best friends ko. Pinayuhan nya ako, wag raw ako magpakatanda sa paghihintay kay guy. Tumango na lang ako. Sabi ko rin kasi sa sarili to. Yung mga nababasa ko rin kasi sa blogs, kung di ready magcommit ang isang tao, never mangyayari yun.
Mid November, binigyan nya ako ng puppies. Inassume ko na yun muna yung babies namin. Vocal naman sya na gusto nya na ng anak. Ready na rin mga names for boys and girls. Sabi ko di pa ako financially stable and I have PCOS din kaya baka matagal tagal na practice kami bago magkababy. Back to the puppies, super cuties nila. Ang sad ko nga rin nung namatay ang isa. Kaya dun sa isa na lng ako bumabawi ngayon.
Christmas of that year, ininvite ko sya sa bahay. Masaya kami. Nagcompetition pa sila ng kapatid ko sa karaoke. Frustrated daw sya kasi di nya matalo sa karaoke si sis. Nung pagabi na, inaya nya ako sa may parking namin para magkwentuhan. Pinapayuhan ko rin sya na magspend din ng time sa family nya. Minsan na lng sila magkita kita din kasi.
Todo support din ako sa kanya sa Year End party nila, Kasama nya ako sa apartment nya nung panahon na yun. Ayaw nya raw kasi mag-isa habang nagpaparty sa apartment. Kpop ata theme nila so nagpahiram ako ng lightsticks ko sa kanya.
Before the year ends, nagtravel kami ulit pa Tagaytay. Kahit late na ang uwi, and pagod na, gora lang. He do not mind daw na sunduin at ihatid ako from South to North to South to North to South ang byahe.
While driving, bigla syang nagtanong, okay lang daw ba ako sa civil wedding. Medyo kinabahan ako sa tanong nya, naisip ko, ito na ba yun?! Sabi ko oo naman, legal naman yun. Ayaw nya raw kasi ng chruch wedding. Next question nya, okay lang daw ba sakin if magpapakasal kami tapos magkakaroon sya ng others. Minura ko sya. Syempre di naman ganun dapat di ba? Tapos tinawanan nya ako, sabi nya wag ka naman mag alala, sayo naman ako uuwi. Lalo tuloy ako napag iisip sa mga sinabi nya…
0 notes
pedropanulat · 2 years
Text
Kalsada
ni: Pedro Pendukot
Ikaw ay unang tumungo sa kaliwang kalsada
Masaya dahil kabisado ang daang tinatahak
Sa iyong panimula ito ay walang duda
"Dito lang tayo sa kaliwa dapat" sabi mo nga
Kahit mahirap at kakaunti ang pumipiling ito ay tahakin
Okay lang sabi mo kasi nasa tamang daan naman
Pero lumipas ang panahon
At ikaw ay tumungo sa kanan
Kung saan mas komportable ang nakaabang
Habang naglalakad ay may konsensyang dala-dala
Paano kaya kung hinde natukso dumaan sa kanang kalsada at nanatile sa kaliwa
Ngayon tuloy ay nalilito
May bagabag ng konsensya
Pero nasadlak na sa istasyon ng kanang daan
At ngayon tila may pagkagusto ng nararamdaman
Hinde na pwede sa gitnang kalsada
Walang paglalakaran doon
At ikaw ay masasagasaan lamang
May batang nagtanong nasaan ang tamang daan
Tinuro mo ang kaliwa pero nakita ng bata na ikaw ay kumaripas sa kanan
Nagtaka ang inosente
"Sino ba itong kausap ko?"
"Niloloko lang ba ako nito?"
Sa kakaisep hinde namalayang siya ay nasa gitna
Buti bumalik ang malay at naiwasan ang rumaragasang sasakyan
At paunti-unting lumakad sa kaliwang kalsada
Bitbit pa rin ang pagtataka sa taong nakasalamuha.
0 notes
cauldrondawn · 5 years
Text
i got stuck in traffic for almost 2hrs last night, but it was worth it. 😭✊
1 note · View note
funsize-mermaid · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
📍 Jala Jala, Rizal
So kahapon, sabe ko sa post ko diba after ko magpa check up, UUWI AGAD. Kasi nga gusto ko magpahinga at pinauuwi din ako ni Russel maaga kasi wala lang mag uusap lang kame 🤣 It turned out, nagyaya yung kaibigan ni daddy na pumunta ng Jala Jala kasi kababa lang ng barko.
Ayun na nga at pumayag agad si daddy, after ko magpa check up, bumili lang kami snacks na makakain sa sasakyan habang bumabyahe, coz 3hrs din yon 🙄 dumating kami ng Jala Jala around 5pm ata.
Pagdating namin don, inasikaso naman kami agad. Tapos si daddy uminom na, buti nalang kapatid ko na nag ddrive samin. Niyaya kami nung asawa nung kaibigan ni daddy na pumunta dun sa may bandang laguna lake (boundary na ata kasi ng Laguna or somehow malapit yung Jala Jala, nakakaloka kasi yung pinuntahan namin halos di na abot ni Waze 🙄). Sad lang kasi di pwede maligo pa kasi maalon tapos wala din kaming dalang damit.
Pagbalik namin sa bahay, lasing na lasing na agad yung daddy ko no mga kababayan HAHAHAHA tapos nag impake sila, lilipat daw silang bahay kasi may inuman din sa kabilang bahay makikisali sila. Edi wala kaming choice naiwan kami dun sa bahay. Antok na antok na ko nag pphone lang ako 🤣
Around 9pm, bumalik na sila daddy, sabe nung kaibigan nya hinanapan nya daw kami ng ibang bahay na tutulugan. Edi gulat kami kasi pumayag daddy namin na dun kami matulog eh ang usapan namin uuwi din AT SA IBANG BAHAY KAMI PATUTULUGIN. SA BAHAY NG TAONG TOTALLY DI NAMIN KILALA. SA BAHAY NG TAONG NAKASAMA LANG NI DADDY SA INUMAN. Well, all in naman sila sa hospitality, pero errr. Ano yon? Nakakahiya. Maiintindihan ko kung dun kami sa bahay ng kaibigan ni daddy matutulog ee. Kaso sa bahay ng kaibigan ng kaibigan ni daddy 🤦🏻‍♀️
Nung una naging no choice kami kasi ang daming tao so napa oo kami. Pagdating namin dun sa bahay, walang tao kasi mag isa lang pala yung lalaki dun nakatira tapos iniwan kami ni daddy sa kwarto kasi bumalik sya sa kabilang bahay na may inuman. Mga 10pm umuwi si daddy at kinausap ni mommy na umuwi nalang kami. So ayun, nakakahiya man pero umuwi kami around 10:30pm at nakabalik ng marikina around 12:30 nag drive thru lang kaming mcdo para midnight snack and 1:30am na kami nakauwi sa bahay mismo. 🤦🏻‍♀️
Kung hindi kami umuwi kagabi, nako baka ngayon kauuwi palang namin. Di ko maimagine na walang ligo ligo since kahapon tapos sakto pa first day ng red tour🩸 ko ngayon. Edi dun pa ko inabutan, eh jusko di ko dala yung cup ko 🙄
Ayon lang, share ko lang naman ang ganap sa buhay ko kahapon dahil nawindang talaga ako sa mga ganap 🤣🥲 tapos sobrang pagod pa at sama din ng pakiramdam ko nung gabi 🥺
18 notes · View notes
bakaako · 5 years
Text
Crush Chronicles #3
Ngayong gabi, March 12, Thursday, in-announce ni Pres. Duterte ang Metro Manila lockdown starting March 15 until April 14, 2020. Wala kaming pasok during that whole duration pero may online classes kami. Hassle pero G sige lang.
Lumuwas ako kahapon kasi magpa-participate kami sa Centerstage ng GMA as audience jury. 3:15 pm ang calltime namin sa Infinitea Maginhawa, and I arrived there mga 3:30 pm, not too late para sa 3:45 pm departure. Wala pa siya. Ayoko siya masyadong hanapin kasi baka ano na naman sabihin ng mga tao. More on new trainees ang kasama namin ngayon since busy ang mga active members. Apparently, merong may crush sa kanya na isang new trainee and it has been bothering me ever since nalaman ko last Sunday. Buti nalang experienced na ako umarte na wala akong pakialam. I can even joke around about it na hindi halatang affected ako. We were playing with my zoom lens nang dumating na yung mga sundo namin. Nakasakay na pala siya sa L300 na isang sundo namin. I wanted to take the seat beside him pero, ayun, sa sumunod na sasakyan nalang kami pinasakay. Medyo sad pero G lang. Chill lang ako.
Nakasabay ko sa sasakyan yung trainee na may crush sa kanya. “Huy, balita ko may crush ka na member ah?” sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Why do I feel so threatened? ‘Di naman ‘to selos kasi ‘di naman sila close pero I can’t stop thinking na baka soon maging mas close na sila kaysa sa’min. Overthinking si ategurl niyong Virgo. Panic ka ghOrL?! Maya-maya, nagsalita yung isang new trainee na katabi niya, “ate, may jowa na ‘yan!” HALA. PARANG MAY FIREWORKS AKONG NAKITA. Nagdiwang buong pagkatao ko. Parang nabunutan ako ng tinik. Okay, moving on, may jowa na siya so I got nothing to worry about. ‘E pero teka bakit ang landi? HAHA char crush lang naman daw kasi. We’ve been there naman ata lahat. Bakit wala ka bang crush na artista?!
Pagkarating namin sa GMA, I can’t recall how we ended up walking side by side papunta sa building mismo. Nakachikahan ko pa siya about the COVID-19′s new cases na in-announce kanina sa news. Pina-standby muna kami sa 2nd floor before kami papasukin sa set. ABA. Si ategurl niyong may jowa pero may crush sa crush ko, tumabi sa kanya! OKAY. OKAY SIGE. Kalma lang. Baka naka-joke time ng mga ibang trainees kaya itinabi sa kanya. OKAY SIGE LET’S JUST SAY NA GANUN NA NGA. Kalma lang ako na nakikipagchikahan sa mga katabi ko. Naglaro nalang ako ng MLBB habang naghihintay na papasukin na kami. Gusto ko yung kasa-start ko lang ng brawl, bigla na kaming tinawag. AFK pa tuloy. Hindi ko alam pero naging magkasunod kami sa pila. I didn’t want to move away from my spot kasi for sure if ma-maintain ko na ganito yung pila, makakatabi ko siya sa audience area. AND NAKATABI KO NGA SIYA. Iba na naman pabango niya. Share ko lang na medyo sensitive ako kapag nagpapalit mga tao ng pabango. Nade-detect ko agad kapag nag-change ng scent yung tao. Mehn, bakit kahit anong amoy bagay sa kanya? Kasisimula palang namin mag-chat nang bigla siyang palipatin sa ibang seat. Nagmura ata ako under my breath. Magkalapit naman kami pero ‘di magkatabi. Naamoy ko pa rin yung pabango niya. Isang tao lang kasi pagitan namin. Kunwari okay lang ako. PERO KASI NAMAN DAPAT KATABI KO NA SIYA E. Ang lungkot! Ang pait! HAHAHA. Bad trip tuloy ako. Ang sad. Bago mag-end yung shoot, I reached out my hand sa kanya and he held it for more than 3 seconds. Okay na ‘ko ulit. Re-charged.
Paghatid nung mga sasakyan sa amin kung saan kami sinundo kanina, sinabi niya sa akin na may dala pala siyang car. 9:30pm na nun pero because of some issues, 11:00pm na kami nakaalis ng QC. Badtrip na badtrip na ako kasi inaantok na ako. Yun yung first trip namin together na tahimik lang ako. Hindi ko siya kinakausap. Maya-maya nung malapit na ako bumaba, kinalabit niya ako. Daan muna daw kami sa Mercury Drug para makabili siya ng vitamins. Edi sumama naman ako. More time together. ANG ARTE BWISIT HEBOR PA. Bumili ako ng cetirizine kasi may nakain ata akong ‘di pwede sa akin. Hinatid niya lang ako sa sakayan, tapos umuwi na siya. Naka-hug ako bago kami naghiwalay. 1:30am na ako nakauwi pero masaya akong nakita ko siya.
I never expected na yun na pala yung last time na makikita ko siya. Next month ko na ulit siya makikita. Medyo nanghina ako sa thought na ‘di ko siya makikita ng isang buwan pero anong magagawa ko. Actually, medyo dumadaan nga sa isip ko na pwede naman kami magkita since nasa Marilao lang naman siya this month pero imposible namang makipagkita yun sa akin for no reason at all! ANG PAIT! #friendzoned
Magpo-post nalang ako ng cover ng “Pusong Ligaw” ngayong isang buwang walang pasok. Tutal mukhang siya lang namin iisipin ko sa buong isang buwan ng pagkakakulong ko sa bahay.
2 notes · View notes
dearroseyy · 5 years
Text
I never had this solid relationship with my siblings. And it sucks every single time. Oo buong buhay ko na ata kami laging on & off daig pa namin ang magjowa pero ibang level kasi kapag kapatid mo e. Tapos talo ka kasi bunso ka kasi laging bala nila, disrespectful ka for answering them back at di ka nakakakilala ng mas nakakatanda. Nakakapagod, nakakadrain. I really tried my best not to care pero sis mga kapatid ko yan. How can I ignore them?
Just when I was confident of trusting my brother, he started this year by getting money from my savings, without any permission. And just like the old days, hindi ko na sya kinonfront kasi he never admitted it at ayoko ng away ng dahil lang sa pera at wala din si mama sa tabi ko. I know money is just money. Pwedeng pagipunan para palitan. Pero bakit masama ang loob ko? Kasi it was my last money. Since I filed a leave last year, wala na akong sahod. Wala rin naman akong naiipon talaga kasi I always fill in pag short sya. Lagi pa sya umuutang tapos yung latest lang nababayaran at yung mga una, babye na. At alam nyang wala na akong pera, pero nagawa nya pa ring kumupit. Pero ang pinakamasakit kasi sakin dito is that nasira na naman ang tiwala ko. How can you feel safe inside your house if alam mo yung kasama mo hindi mo mapagkakatiwalaan sa pera? Matutulog ako na hawak ang wallet? Do I have to secure every single centavo before going out? Ang hassle, ayoko ng ganun. That's when I started to feel uncomfortable, again.
I did not go back to my job. Hindi naman kumontra ang mama ko. I was clueless on what to do after passing the boards. And despite I stayed in the province for months, I still pay my part sa apartment kasi hindi sya kaya ishoulder ng kuya ko alone. Worse, manghihiram sya ng pera kay mama then I will see him post about his new pair of shoes. And he has a new pair of shoes monthly, starting december last year. This may hindi ko alam kung may balak na naman sya. Ang alam ko lang kaya nauubos ang pera nya dahil sa kapricho nya na wala na sa lugar. And mama and i cant do anything about it.
Good thing is nagoffer ang boss ni mama na magstay kami sa unit nila since my gf was hired sakanila. So I dont have to pay monthly rents anymore and I dont have to see him everyday. Kasi nakakastress lang talaga, as in.
On the other hand, never ko naman talaga nakasundo ang ate ko. Bukod sa fact na sa ninang ko sya lumaki, iba talaga ang ugali ni ate. Na kahit mga pinsan ko, pinapakisamahan na lang sya.
Kahit ako, pinapakisamahan ko lang din sya.
I remember nung umuwi kami sa legazpi dala yung sasakyan, sumabay sya. She brought along a friend. As usual, hindi nasunod ang oras na pinagusapan. Buti na lang master ko na sya kaya sinadya ko rin na late umalis sa bahay until magtext sya na papunta na sya.
Ayaw nya magbigay ng share sa gas. Even sa food. Siningil nya yung friend nya ng double sa singil ko sakanya. Akala nya di ko alam na sa friend nya lang galing yung perang binigay nya.
Nung pabalik kami, same old scenario. Sya pa ang nainis kasi bakit daw hindi ako humingi kay mama at alam ko naman daw na may medication sya. I snapped. I told her na bakit ako hihingi e hindi naman kasama si mama. And mama gave her money for her meds. Hindi ko mapigilan hindi uminit ang ulo kasi she earns almost 3x of what I earned. Tapos bigla akong sisingilin ng binayaran nyang lunch nung pauwi kami kahit alam kong friend nya rin ang nagbayad? Nakakagago. So I told myself never bring her along again.
Ngayong elections, gusto nya sana umuwi. As usual, sasabay samin. Personally, ayaw ko. Kasi alam ko ang ugali nya. Pero ayoko naman maging cruel sakanya so I told her the truth na aalis kami ng Friday or Saturday since may work pa til Sat. Pero gusto nya umalis ng Thursday maybe because off nya na and bumalik ng Manila ng Monday. And I told her I cant promise since call ng office kung kailan makakabalik kasi minsan may mga pinapagawa. I was not reasoning out, I was telling the truth. And bilang nakikisabay lang sya, she must not demand. Dapat sya ang magadjust samin since nakikisabay lang sya. But what can I do? Ganyan talaga sya.
I woke up one day and saw their messages sa chat asking kung ano ang number ni mama. Hindi nila alam pareho ang bagong number ni mama so I gave it.
When mama called me I asked her kung bakit sya tinawagan ni ate. At sabi ni mama naiinis daw sakin si ate kasi ako daw ang nagsasabi kung kailan ang alis at balik at parang ayaw ko syang sumama. Pero alam ni mama ang totoo, alam nyang hindi ako nagrereason out kaya sinabihan nya si ate. Kaya wala rin syang magagawa. Ngayon, may ipapadala na lang daw pauwi at di ko alam kung gano kalaki at karami yan kasi dati sabi nya konti lang pero napuno ang sasakyan. Scam.
You know why I never tell these stories to people I know? Its because they always tell me to prioritize myself but I just cant do it. Tipong nakakaya ko silang iignore for some time tapos eventually I will invest time on them again. Aminin man natin o hindi, iba yung care ng isang kapatid compared sa kaibigan. Pero sadly, mas feel ko yung love & care ng kaibigan kesa kapatid.
I remember an old friend telling me years back that I have to go abroad and start a new life there. Sa ibang lugar lang daw ako matatahimik at hindi magugulo. Pangit man pakinggan, kailangan kong pumunta sa malayo para malayo sa stress ng family ko. Sabi ko noon, hindi ko kaya. Pero ngayon, pakiramdam ko na kailangan ko na talaga.
3 notes · View notes
charlievee · 6 years
Text
00 = Prologo
“I love you.” “I love you, too.” The end.
Why is it always like that? Lovers say their “I love you’s” and it’s all happily ever after? What comes next? Will they have a family? How many kids? Grandkids? Will they divorce? WHAT the hell happens NEXT?!
These are my thoughts after reading a short love story novel. Is that it? I always ends at two people saying they love each other? Cliche. Too much.
But I guess no one wants a sad or gore or horrible ending. But you know, they should try.
“Stacey? Anong oras na, oh! Akala ko ba may lakad ka?” tanong ni mama nang puntahan nya ko sa sala.
“Naghihintay na yung magkapatid sa labas. Buti nga isasama ka swimming ng pamilya nila, eh.”
Umismid lang ako. Sanay na naman yung dalawang yun sa pagiging late ko.
“Irespeto mo ang oras mo at ng ibang tao, Stacey.” dagdag pa nya.
Tumayo na ko at kinuha yung nakahandang backpack ko kanina pa. Hinihintay ko na lang din naman sina Jeric na sunduin ako dito sa bahay. Like, duh? Katabi lang sila ng bahay namin. Malabong maiwan ako.
 “Wala ka na bang nakalimutan?” tanong ni mama.
“Wala na po. Ready na po yan, madaling araw pa po.” sabi ko.
“Oh, sya. Umalis ka na. Mag-iingat kayo, ah. Wag pumuta sa malalim na parte ng dagat.”
“Opo, ma. Bye na po.”
 Lumabas ako ng bahay at nakita ko yung sasakyan na gagamitin namin. Halos kasagsagan na ng summer kaya sobrang init pagkalabas ko.
Nakita ko si Ulric na naglalagay ng mga dadalhin namin sa beach. Lumapit ako para tumulong man lang.
Napatingin ako sa kanya kasi huminto sya sa ginagawa nya.
“Ba...kit?” tanong ko.
Tinaasan nya lang ako ng kilay.
“Bakit nga?” ulit ko.
Nanliit naman yung mata pagtapos.
“Oh sige na. Ikaw na dyan.” sabi ko. Tss. Ayaw nya akong patulungin, eh di wag. “Tutulong na eh, ayaw pa.”
Nakita ko lang syang umiiling. “Nasaan na si Jeric?” tanong ko na lang.
“Nasa loob. Nag-aayos pa ng gamit nya.” sagot nya.
“Sumagot din. Tamad mo rin magsalita eh, no?” pang-aasar ko.
Inismiran lang nya ko.
“Puntahan ko lang si Jeric.”
 Ulric is Jeric’s older brother. I think dalawang taon ang tanda nya. Jeric and I are 19 years old and currently in 2nd year Senior Highschool. Ulric is 2nd year in college. I am not sure what course is her taking, though.
They are both my chikdhood friends. And our parents knew each other for a long time. Minsan, nakakasawa na din yung sila na lang lagi yung nakikita at nakakasama ko. But, I guess, they are like an extended family.
But, here’s a thing. I don’t see Jeric as my family. Really.
I think I liked him. A lot. I don’t know when. I don’t know how. It seems like there’s something the pulled me to him as time goes by.
 I saw Jeric zipping his backpack. “Ngayon ka lang ba nag-ayos?” tanong ko.
“Obvious ba?” sabay pagak na tawa. “Hindi kasi ako nakapag-asikaso kagabi eh. Maraming assignments.”
“Luh? Sabado naman ngayon eh. Pwede namang Linggo mo na gawin,” sagot ko pa.
That’s what I also like about him. Hindi sya pabaya sa studies nya. Matataas din naman yung grades nya kumpara sa akin. Sa Science lang naman sya hindi lumamang sakin eh. Not that I’m bragging.
“Mabuti na yung walang inaalala habang nagliliwaliw. HAHA!”
“Nye. Sabi mo eh.”
“Ah! Patulong na lang ako doon sa isang bag.”
“Anong laman nyan?”
“Eh di pagkain. Papahawak ko ba yan sa’yo kung hindi.”
“Ah ganon? Paepal lang?”
 He just laughed it off. We went outside and saw Ulric, still trying to fix everything in the car.
“Okay na lahat?” tanong ni Jeric dito.
Napatingin sya saming dalawa at nailing na naman. “Akin na yan, Stace.” sabi niya at kinuha yung bag na dala ko.
“Hindi naman mabigat.” sabi ko pa.
“Doesn’t matter.
“Nagsungit ka na naman.”
Hindi na nya ako pinansin. Kinausap na lang nya si Jeric. “Sina papa?”
“Pababa na din ‘yon. Hintayin na lang natin.”
 Wala pang isang minuto nang marinig naming nagtatawanan yung mama at papa nila. Ulven and Jessie are at their late forties. And they still look young. They looked like they’re still madly in love with each other.
“Bakit parang hinihingal kayo?” tanong ko.
Nagkatinginan lang sila saka tumawa ulit. “Tara na, kids.” sabi na lang ni tito, pagdaka ay sabay silang sumakay sa sasakyan.
“Don’t ask about that. Ever. Again.” I heard Ulric. “Save yourself.”
“What?” takang tanong ko. “Huh? Why?”
Napatingin ako kay Jeric na hindi na mapigilang humalakhak. “Ulric is right.”
“I don’t get it.”
Inakbayan ako ni Jeric. “You don’t have to, dear.”
5 notes · View notes
ul4ga · 2 years
Text
buti na lang pinasabay kami ni renz pa-school kasi may dala siyang sasakyan haha! what if hingin ko na yung sched niya para alam ko kung kelan ako sasabay XD oportunista pala ampota ><
0 notes
myunsentproject · 2 years
Text
May 01,2022
Hi. Magkwento lang ako ng tungkol sa weekends ko. I wanted to talk to you but it seems na di ka pa din talaga ready for a conversation, so iipunin ko na lang muna hoping na one day, we can talk about it. :)
So ayun nga, I went home last Friday kasi may grand rally si Leni ng Saturday. So bilang supporter ni badeng eh di sakripisyo ang sis!! Hahahaha umuwi kahit nag-uulan. Pero buti pauwi din pinsan ko, may dala naman na sasakyan yon kaya medj fresh pa din ako nakarating sa bahay and mabilis lang.
Friday dinner sa labas kami kumain ng mga tatay, dun sa manggahan place chuchu. Okay naman, di ganon kabigat ang nagastos. Happy sa feeling kasi paulit ulit sinasabi ng tatay na busog siya.
Saturday, grand rally na pero syempre may errands pa din na need asikasuhin. Naghahanap kasi ako ng usb cable para sa drone kaya ako nag sm and kaya din kota inaya for late breakfast pero ayun, ending wala yung hinahanap ko. So, waiting game since 12 done na ako, eh 12 pa aalis pinsan ko and 1:30 pa ang meeting time namin for the grand rally. Tumambay lang ako sa SB kasi medyo gutom na din ako and need ko ng caffein since super antukin ko & feeling tired always dahil ng pills siguro. Fast forward, nakadating kami sa venue is around 5 siguro. Madaming tao talaga, pero maayos ang sistema. May pila, maayos naghihintay, may mga nagaasikaso. Maluwag sa pakiramdam. Masaya. Makikita mo na gusto ng marami yung hope, makikita mo talaga na yung mga kasama mo sa grand rally, kahit di mo kakilala, pareho kayo ng pinaglalaban. Nakakataba ng puso sa totoo lang.
Nakakapagod siya actually, nakatayo ka ng ilang oras, nakakalagkit sa pakiramdam, nakakaantok, nakakadrain. Pero despite of it, nung lumabas sina VP Leni at Sen Kiko, nawala yung pagod at napalitan ng pag-asa talaga. Hindi ako nagtitiwala sa pulitiko talaga eh, ever since. Pero naramdaman ko yung hope, naramdaman ko yung drive and passion nila to help the people na nasa laylayan. Habang nagsspeech si Leni, naluluha ako. Naisip ko yung kinabukasan ng mga pamangkin ko, ng mga magiging anak ko. 6 years is a lot of time to improve/messed things up. It may/may not be our redemption arc. Pero I can see hope.
To be honest, I can be quiet and enjoy my priviledge eh. Pero looking at the people na lalong bumababa dahil sa panlalamang ng iba, di ko matiis manahimik. Hindi ko man naranasan yun, pero alam ko na mahirap. Kaya kahit pagod ako, pinili kong manindigan sa paniniwala kong kahit papaano, aangat din sila, magkakaroon din sila ng magandang kinabukasan, na mababawasan din ang hinaing nila sa pang araw araw. Ganon naman dapat di ba? Inaalalayan ng mga nakakataas ang nasa laylayan.
Anyway, masyadong naging political ang kwento ko. So ayon, nakauwi kami around 12. Wala kami masakyan pauwi buti na lang may nag offer na isabay kami na mga matatanda, naka jeep sila tapos san pascual din ang punta.
Sunday morning naman, maaga ako nagising. Pero ramdam pa din ang pagod. Need naman magprep at babalik na sa Sto.Tomas. Nangungulit ang mga inaanak ko, magplay daw kami outside kaso too tired talaga. Hahaha so labas masok sila sa kwarto para magkwento at mangulit.
Pagdating sa staffhouse, nag aya naman ang mga kawork ko na mag SM Calamba. Ayun, happy naman. Pero pagod talaga. Kaya done na din ako magsulat kasi 10:48pm na antok na ako. Ang fulfilling ng weekend na 'to pero kahit gano ko kabusy, di ka mawala sa thoughts ko. Miss na miss na kita Allen. Sana malapit na yung time na babalik ka. Mahal kita. Palagi.
0 notes
lestersmithies · 2 years
Text
I just wanted to share my experience sa Grand Rally (Birthday Rally) ni VP Leni sa Pasay. April 23, 2022.
Gusto ko na talagang pumunta sa rally ni VP Leni matagal na kaso sayang hindi ako nakapunta sa CAMANAVA Rock & Rosas. Nung nalaman kong may Grand rally sa Pasay alam ko nang pupunta at pupunta talaga ako kasi ito na yata yung pinaka malapit sa Q.C. (madalas kasi nasa Visayas or Mindanao s'ya that time).
Umalis ako sa bahay wearing pink shirt (of course) then pumunta agad ako sa Ayala (Robinsons supermarket) para bumili ng extra food in case na magutom ako then dumiretcho na'ko palabas para sumakay ng shuttle. Sa shuttle palang ang dami kong nakita na naka pink shirt and for sure pupunta din sila sa B-day Rally ni VP. Pagbaba ng shuttle sumakay agad ako ng carousel (bus) papuntang MOA. Nag te-take lang ako ng pictures sa daan at videos narin para ilagay sa IG / FB story ko tapos biglang may pumasok na mga naka pink (tatlong babae) at pupunta din sila sa rally. Binaba kami ng bus sa MOA at medyo malayo ng kaunti yung lalakarin papunta mismo sa Venue (Macapagal Ave.) kaya ang ginawa ko nakisabay nalang ako sa ibang kakampink kasi 'di ko naman kabisado yung lugar sa Pasay.
Noong nakarating nako sa venue ang daming tao at ang ingay (malamang) tapos ang daming namimigay ng tubig, pagkain (puto, shanghai, pandesal, siopao, etc.). Ang saya ko agad non kaso napaka init vevs. May namigay den pala ng skin care products buti naka kuha ako HAHAHA tapos sa entrance may namimigay den daw ng mga kung ano ano like albums chuchu ganon.
Napakainit tapos super siksikan. As in dikit dikit na kami vevs HAHAHA. Pumwesto kasi ako sa main stage kaya ganon siguro yung ganap. Well in fairness mababait naman yung mga nakatabi ko (ako lang mag-isa pumunta) tapos nakiki share nalang ako ng payong sa isang lalake don HAHAHA lande chos. Ayoko i open yung payong ko kasi ang dami ko nang dala tas masikip nga veh. Maraming nag perform sa pre-show tapos nung gabi na paparating na pala sa exciting part lol. Ang saya kasi ang daming nag perform tas ang babait talaga nung katabi ko. Yung isa kong katabi nangolekta sya ng water bottle tapos nilagay n'ya sa plastic bag lahat tapos s'ya nalang daw mag re-refill (super nakaka uhaw dai). Tapos ang daming nag papatawa jusko kaya 'di ko namamalayan na lumilipas na pala yung oras. Nag perform na lahat at dumating na si VP Leni. Syempre super saya ayun 'yung exciting part ee. Ayy naalala ko naka upo kasi ako non sa sahig tapos may dumaan na pigtas yung sintas n'ya tas syempre ako na naka upo kaya ako nalang nag ayos (mahirap umupo since dikit dikit) echosera nung iba biglang humiyaw ng "yieee" HAHAHA eksena kayo.
Nung pauwi na dumaan ako sa tulay tapos sa baba ng tulay may mga sumisigaw talaga ng bad words about kay VP Leni. Deadma. Naloka ako kasi yung carousel (bus) hindi nagpapasakay kasi punuan lahat. Mga 1 and half hour wala pading nasasakyan jusko pero masaya padin kasi kahit tapos na yung event ang taas padin ng energy ng kakampink. Btw napakahirap lumabas sa venue jusmeyo marimar pati pag labas dikit dikit padin.
Wala akong masakyan. Ayaw magpasakay ng bus. Hindi ko alam anong sasakyan kung mag je-jeep ako. Sarado na yung train kasi 11 pm na. Ewan ko ba.
May nakita akong nagtanong sa isang lalaki tapos tinanong ko den s'ya kung ano yung tinanong n'ya (chismosa). Sabi n'ya saan daw sakayan ng carousel at sa monumento daw sila bababa edi sumama nalang ako sa kanila kasi pwede rin naman akong bumaba sa monumento. 7 sila tapos naki epal lang ako HAHAH bale 8 na kami. Friendly naman silang lahat tapos masiyahin lol. Pero wala talaga. Walang masakyan. Lahat puno. Tapos sunod sunod yung thousands of kakampink na lumalabas sa venue. Unahan sa sakayan. Kaloka. Windang.
May chinat sila na kakilala nilang kakampink na may kotse then ayon sinakyan namin tas sinabay nalang nila ako pag-uwi HAHAHA jusko. Sa ibang lugar talaga sila nakatira, Malabon siguro tapos ihahatid daw ako sa monumento. Wala lang. Thankful lang. Habang pauwi naka tingin akong google maps kasi bababa talaga ako ng kotse nayon kung alam ko na yung lugar tapos mag co-commute nalang ako mag-isa. Kaso wala palang masasakyan 2 AM na at walang jeep or bus sa kalye. Napadaan naman kami sa puregold (Balingasa) kaya sabi ko PARA !!! chos. Sabi ko "dito nalang po ako, barangay na po namin 'to". Syempre bago bumababa nag thank you ako HAHA at sorry sa abala. Balak ko den mag ambag or mag bigay ng pera kasi nga hinatid pa'ko pero hindi nila tinatanggap yung pera. Umuwi nako tapos medyo madilim at sobrang tahimik. Dumiretcho muna ako sa 7-eleven para bumili ng C2 tapos cat food para kay ming ming. Halos 3AM nadin ako naka uwi. Worth it naman pag punta ko kasi gustong gusto ko rin naman.
Puro baby m kasi iboboto ng mga kasama ko sa bahay. Nakakatamad. Pero sabi ko iboto na kahit sino 'wag lang 'yun HAHA pero before may 9 kumbinsihin ko talaga yang mga 'yan.
Ayoko na i kwento yung iba :) akin nalang 'yun.
Btw. Hindi pala ako nag paalam na pupunta ako sa rally.
Kinakain na ng dilim yung lugar namin, kaya pumunta lang ako sa place na medyo maliwanag. ���✨🌸🌹
1 note · View note
iriesandie · 6 years
Text
Team Argus in Laguna
This was our first out of town trip together. Di ko na maalala yung exact date kung kelan to pero tandang tanda ko pa yung feeling, kung gaano kasaya ang magdamag namin. It was actually a usual Friday, we all went to work and spent a usual day in the office. Nakakatuwa nga, siguro na notice ng boss namin na lahat kami ang lalaki ng bags plus may bitbit pa kaming mga chips. Anyway, it was past 6 PM nung nag out kami. Actually ako pa yung nagpatagal cause I had to send the reports on time and sobrang dami nun dahil Friday. It was long trip to Laguna. Madilim na and malakas ang ulan nung gabing yon. Medyo nakakatakot and nakakainis kasi ang kill joy ng panahon. Excited na kami lahat mag swimming tapos pabugso bugso yung ulan. Nakakatawa kasi ang dami namin pinagdaanan bago makarating sa resort. Natagalan kami sa pag hihintayan plus nagkahiwa-hiwalay pa kami ng exit sa SLEX and hahahaha ayaw kami papasukin sa resort nung una. Buti na lang, gumising yung may-ari at nabigyan kami ng passes.
We started the night by giving pakulo. Each VA was given a certification, depending on the personality they have built on the minds of their TL and CMs. Nakakatawa yung reactions nila sa tuwing maririnig nila yung titles that we made fot them. They also played a game, the team was divided into two groups, boy vs girls. The rule of the game was to group the small pieces of papers depending on their color. Akala namin hindi sila mag eenjoy, yun pala sobrang magiging competitive ang mga loko. After nun, nag gawa kami ng activity about first impressions sa isa’t isa. Everyone has their own paper with their names on it. Pinaikot namin yun counterclockwise and susulatan yung ng first impressions nila sa bawat isa. Nakakatawa nung time na nung babasahin namin isa isa yung naka sulat. That made us closer, I’m sure. After nung activity we have decided to eat at simulan na ang gabi.
Tumblr media
We’re lucky na hindi na umulan ng malakas nung magsimula kami. Sobrang saya, ang sarap mag swimming at mag videoke. Guess what, madami pala sa amin ang mahilig kumanta haha! Lumipas ang magdamag namin sa kwentuhan, ligo, kain, asaran at kantahan. Past 4 AM na rin yun nung mag decide kami umuwi. Nakakatuwa dahil sobrang sarap ng tulog ko and comfortable din yung magdamag with them. We woke up early dahil may plan pa kami na pumunta sa Tagaytay, unfortunately hindi natuloy dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan and sabi, zero visibility na daw paakyat kaya ayun, nag decide kami na mag stay muna para manood ng NBA and magpa tila ng ulan. Sobrang generous ng family ni Marlo, binusog nila kami sa whole stay namin haha!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang sarap ulit-ulitin ng moment kasi sobrang sarap ng food haha! Akala ko makakauwi na kami after lunch pero sobrang lakas pa din talaga ng buhos ng ulan so we had to stay longer. 4 PM na halos nung mag decide kami na umuwi na dahil humina na ang ulan at nahihiya na kaming makikain pa haha! Ready na ang lahat sa pag alis nung biglang may challenge na naman, nabalahaw sa putik yung isa sa mga dala namin na sasakayan and we don’t know what to do anymore. Lahat nagtulog tulong na pero hindi enough yun para maiahon ang sasakyan. Thank God, after an hour or two, nakuha din yung sasakayan and nakauwi din kaming lahat ng safe. Sobrang damjng challenges ng first trip namin but it doesn’t matter kasi nag enjoy kami.
2 notes · View notes
mydandelionsoul · 6 years
Text
My Yolanda Story Part 2
Nagpost ako sa fb asking for prayers na makabalik na ko agad sa manila. Sa kapitolyo na din kami nagpalipas ng gabi. May nakita akong lalaki from dswd na may dalang tubig. Kinapalan ko na mukha ko at hiningi yung tubig nya. Binigay naman nya sakin. Sobrang pasasalamat ko nun. Tas kinausap ko sya kung pwede bang isabay nya ko pabalik ng manila. Sigurado akong makakabalik sila kasi taga dswd nga sila. Sabi nya sakin hindi sya makakapag decide nun. Tinanong nya kung taga san ako. Sabi ko taga antipolo ako. Kausapin ko daw ung director nya. Kasi taga cainta daw yun. Baka pumayag na isabay kasi pareho naman kami from rizal.
Nawala ung pagkamahiyain ko. Kinausap ko agad si Director Castro kung pwede nila ko isabay pabalik ng manila. Ininterview nya muna ko, taga san ako, anong school, parents ko, mga ganun. Tas sabi nya pwede nya ko isabay pero ako lang daw and mga after 3 days pa daw un. Di makakasama yung mga kasama ko. Kinausap ko sila, gusto pa nga sana nila sumama kaso di naman kami kaya iaccommodate lahat.
The next morning kinuha ko na mga gamit ko sa boarding house nila, nagpasalamat ako and diretso na ko ng city hall. That was my third day na sa tac. Winelcome naman ako ng mga taga dswd at ng mga sundalo na nagbabantay dun. Pinakain nila ako and ang plato ko was a piece of clean bond paper. Wala nang arte arte pa kung gutom kana. Nakapag online din ako ulit dahil konte palang tao, and nasabi ko kela mama na nasa dswd ako and wag na sila mag alala kasi isasabay nila ko pabalik ng manila.
Nakausap ko ung mga sundalo dun. Sinabi ko na anak din ako ng retired army. Sila ang tumulong sakin makapagcharge ng phone and magbigay ng matutulugan ko. Binigyan nila ko ng kumot at unan. Not comfortable kasi karton ung ilalim pero it was all i needed. Yes, katabi ko sila matulog sa labas ng city hall. Binantayan nila ko like I was their little sister (mga bata pa kasi yung sundalo dun). I felt safe kahit na hindi ko sila kilala. Kaya mataas ang respeto ko sa mga sundalo.
On my fourth day sa tac, 2nd day with dswd, hindi na ko nagkukulang sa pagkain at tubig. Complete meal na ko. With soup pa nga e. That was the time I was amazed kung pano nila buksan yung sardinas just by using a spoon. And that was also the time I experienced na uminom ng tubig from an empty can of sardines. Ang pinagawa lang nila sakin ay maghugas ng plato, mag repack ng goods, and magtype para sa mga matatanda na nag avail ng free internet. Kahit pano mabait pa din sakin si Lord diba.
Madami ako nakita and nakausap nung nasa city hall ako. Yung super habang pila para magcharge, tangled extension cords, mga bata na nasugatan at namatayan. Yung isa nga taga QC, nagbakasyon lang din like me pero inabutan ng bagyo.
May part ng city hall na may signal, dala na din ng dswd at mga network. Kaya every now and then nacocontact ko na sila mama via text. Alam na nya na makakabalik ako ng safe. Inaabangan nga daw nila ko sa tv baka makita nila ko na nagrerepack ng relief goods. May nakakita sakin na babae habang nagtetext ako. Lumapit sya sakin and nagtanong kung san daw ba ko nagpaload kasi wala syang load pantawag sa mga relatives nya sa manila. Sabi ko naman niloadan lang ako ng mama ko sa manila. Sabi nya kung pwede din daw ba na iload sya. Babayaran nya nalang ako. Sinabi ko kay mama and niloadan naman nya. Ayun nakatext naman sya sa family nya.
Alam kong sure na kong makakauwi sa manila kasi sabi 3 days pero naiinip na ko. Baka magtagal pa sila director dun. Naisip kong sumakay nalang dun sa 6x6 ng army na naghahatid ng mga tao airport. Muntik na ko sumakay dun nung 5th day ko sa tac (3rd day with dswd) buti nalang pinigilan ako ng isang tech staff at isang sundalo dun. Sabi nila kung sumabay ako dun, walang kasiguraduhan na makakasakay ako ng c130 plane kasi super haba ng pila sa airport. Intayin ko nalang go signal ng director at sumabay nalang ako sa kanila para di na ko pumila.
And buti nalang nakinig ako sa advice nila. After a few minutes, sabi ni director na mag ayos na daw kami ng gamit kasi aalis na kami that day. That 8 am ata nung sinabi nya. Tinext ko agad si mama sinabi ko na aalis na kami. Tapos nagprepare na din sila para sunduin ako.
Pinick up kami ng 6x6 truck ng army. Pumunta muna kami sa warehouse ng dunkin donut. Dun kami nag lunch ng donuts at hotdog. Dun din kasi nakatago yung sako sakong bigas na irerepack. Kaya chineck muna ng dswd. Di ko na natext sila mama na dadaan kami dun kasi walanh signal sa area na un. Pero naka ready na sila mama anytime na magtext ako para magpasundo.
After ng warehouse, dumiretso na kami sa airport. Makikita mo pa din ung aftermath ng bagyo, pero at least nakakadaan na ang mga sasakyan. Nakita ko na super haba nga talaga ng pila sa airport. Ultimo truck ng army na naghahatid lang nakapila din. Nakita ko nga dun ung bata na nakausap ko sa city hall. Tinawag nya pa ko pero di ko na sya nakausap. Dahil dswd ang kasama ko, pinakita lang ni director and id nya at di na kami pumila. Pinapasok na agad kami sa airport. Dun na kami nag intay ng c130 plane na sasakyan namin pabalik ng manila. Tinext ko si mama sabi ko nasa airport na kami.
Sobrang daming tao. Lahat gusto iwan ang bangungot na binigay ni yolanda. Kaso di naman lahat makakaalis agad. Inuuna isakay ung mga matatanda at mga may kapansanan. Nakasakay na din kami sa isang American C130 plane. Walang mga upuan kaya kanya kanyang pwesto nalang. Sabi nga ni sir na hiningan ko ng tubig nung 2nd night ko, "makakabalik na si angel sa manila". Napangiti nalang ako. Pero deep inside sobrang saya ko na makikita ko na ulit sila mama.
Mga 6pm na kami nakalapag ng villamor airbase. Pinakain muna kami. Tinanong ako ni director kung may susundo ba sakin. Sabi ko sunduin ako ng parents ko. Sabi nya iwan na daw nila ko dun, di ko naman daw ata kelangan ng trauma therapy. Sabi ko opo ok lang naman po ako. Sobrang pasasalamat ko sa kanya nung time na yun. Kung di dahil sa kanya, di ako makakabalik ng manila. Sayang lang di na sya nameet nila papa.
Mga 7 or 8 na ata dumating sila papa sa villamor. Pagkakita nila sakin, niyakap agad ako ni mama habang umiiyak. Niyakap din ako ni papa. Kasama din si bcel tas si tito joel naman ang nagdrive. Umiyak ako. Sobrang saya ko nun na nakabalik na ko sa family ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, i remained strong and faithful kay Lord. Kasi alam kong kasama ko Siya sa buong journey kong yun. ❤
I never had the courage to put into words my yolanda experience until now, for its 5th year anniversary. Only my closest friends and family knew what exactly I had gone through to survive. This whole experience taught me to remain resilient and to always trust the Lord whenever life challenges you with unbearable problems. To all the Yolanda casualties, may you rest in peace with our Lord in heaven.
Disclaimer: i may have forgotten minor details since this happened 5 years ago. But rest assured that everything here is based on my real first hand experience. Also, you may noticed that this story focused on the aftermath of the typhoon. We are not directly affected during the typhoon (yolanda landed in Guiuan, far enough from Sulat) so we did not experienced the storm surge (thank God), but we still felt the strong winds and rain.
1 note · View note
lottie-blr · 3 years
Text
Syempre, uupdate ko kayo hihi
last sunday, nagpa swab test kami dito sa bahay. dahil nawawalan na daw ng panlasa yung lola ko and nawawalan siya ng gana kumain. syempre, naalarma yung mga nakaalam.
yung tita ko sa china, nagpadala siya ng lianhua capsule and tea (diba gamot daw yun sa covid) and umorder siya ng swab kit. dahil may nurse rin naman kaming myembro ng pamilya, siya yung nag test sa aming tatlo dito sa bahay. si lola, ako at yung mama ko.
inuna sinwab si lola. naglolokohan pa nga, baka daw buntis si lola or nag aral kaya mag popositive. ang result? 2 lines!! so positive from covid BUT with mild symptoms lang. thank you lord talaga! next ako na, expected ko na mag popositive din ako dahil yung ubo ko halos 2 weeks na. pero, negative. next yung mama ko. good thing sa mama ko nakapag booster na siya so matic na negative na.
so ayan, nalaman na ng mga hinayupak kong kamag anak na nag positive yung lola ko. NAIINTINDIHAN KO PO KUNG SAN SILA NANGGAGALING kaya sila nag-aalala okay? meron kasi akong tito na nagka covid last year, as in malala yung nag oxygen na siya. dahil pinapabayaan daw niya. naiintindihan ko yung side niya. pero alas dyiz na nag gabi, natawag, nangungulit pa! eh that time ang sakit na ng mata ko at kapag ganong oras gusto ko mag relax relax. kaso na stress ako dzai.
alam niyo po. instead na TULONG ang gusto nilang mangyare, nagiging stress samin na mga kasama ni lola. why? gusto ata nila na magdamag namin titigan yung lola ko. to think na, may iba iba pa naman kaming errands dito sa bahay like me, naka work-from-home.
sabi ko nga sa bf ko, buti nalang rin magaling ako mag time management dahil nasisingit ko mga utos nila at the same time hindi ko pwede pabayaan yung work ko kahit na may flexible time bcs sa output natingin yung mga boss namin.
tapos nitong umaga, na sstress nanaman ako dzai. puro sa akin sila nag rerely -_- kahapon nag message na ako sa kanila, nagparinig na. sila na ang tumawag/mag videocall kay lola dahil marunong naman sumagot ng tawag yon sa messenger eh and may mga internet naman. sana use it properly!! hindi yung ABSENT!! kung kelan nagkasakit, diyan sila magaling mga OA! pero kapag walang sakit, hindi nila makamusta or what???? 
yung nakakainis pa dumaan na ang pasko, bagong taon WITH MALUWAG NA RESTRICTIONS hindi man lang makadalaw dito samin? to think na MERON SILANG SARILING SASAKYAN HA hindi naman sila maeexpose or what pero wala ABSENT. alam niyo bat ako naiinis bilang apo? dahil yung mga hindi pa namin kadugo, sila pa yung nakakadalaw sa lola ko minsan may dala pang foods :D pero yung mga kamag-anak namin na may mga sariling sasakyan naman hindi nila magawa yon. ano ba naman yan!
saka yung kapatid ng lola ko? senior na yon ah. nakakapunta pa yon samin kahit na commute. hindi ba marunong mahiya sa senior na kaya pang bumyahe?
naiinis ako kung kelan may sakit magaling sila, hindi magkanda aligaga. pero kapag walang sakit, inaantay sila. tinatawagan sila hindi naman nasagot. ang sarap sabihin sakanila itong mga to. sana naman BILANG MGA ANAK, gawin niyo yung obligasyon niyo!!
1 note · View note
elynor1026 · 4 years
Text
She's seems happier with him.
It's been 1 year and 4 months already. Ang bilis. Hindi mo naman na talaga namamalayan yung panahon at oras. Hindi mo na rin namamamalayan na mas okay s'ya ngayong wala ka. Sakit di'ba? Yung 7 years na pagmamahal na binigay mo ganon lang kadali sa kanya para bitawan. Saklap. Bakit kaya? Pwede namang harapin natin lahat ng pagsubok na dumadaan satin ng tayong dalawa. Nang tulad ng dati. Pwede namang ayusin natin sarili natin ng magkasama. Bakit hinayaan mo lang itapon ng ganon ganon lang.
**now playing: Pasensya ka na by Silent Sanctuary**
Hindi ko rin alam kung maghihintay pa ba ako? Kung meron pa ba ulit na magiging tayo? Hindi ko na alam. For the past 7 years umikot na mundo ko sayo. Sanay akong lagi kang andyan. Sanay akong kapag feeling ko ang sama sama na ng mundo sakin andyan ka tagasalo lahat ng hinaing ko sa buhay. Sa t'wing nagkakatampuhan at away tayo alam mong hindi ko rin naman kayang makipaghiwalay sayo gaya mo. Noon. Pero bakit ang dali dali sayong wakasan lahat? Bakit? Daming tanong. Daming bakit? Oo. Hindi ko na rin alam
**now playing: Kung 'di rin lang ikaw by December Avenue, Moira**
7th year anniversary. 25th birthday.
Naalala ko pa kung paano ko pinangako sayo na sasagutin kita sa 18th birthday ko. Nung sinabi ko yun sa friends ko bakit ko daw sinabi sayong ganon? Haha. Hindi ko rin alam. Ay kasi first time. Oo first time may manligaw sakin. Masyado ata akong na overwhelm nun. Hindi ko kasi expected. Hindi naman ako magada. Hindi naman ako sexy. Ewan ko ba. Tapos ayun nakilala kita, nakilala mo ako. Kilig kilig si ate ghorl. Text text. Naalala ko pa kung paano ka nagtetext noon parang hindi mo aakalaing lalaki yung nagtetext. Parang ang jejemon kasi. Tapos tinanong pa kita ng personal kung ikaw ba talaga yung kasama yung mga friends mo. Sumagot ka naman ng oo. Natawa lang ako kasi di ako makapaniwala. Ayun. Nakuha mo pa yung number ko dun sa isa nating classmate.
**Now playing: Huling Sandali by December Avenue**
Tapos nung simula tayong magkatext hindi muna tayo nakakapagkita kasi naalala ko yun yung panahon ng Ondoy at more than a week atang walang class nun. Hanggang text muna at chat. Minsan nag uusap sa call. Akalain mo yun na experience ko ring makatanggap ng "good morning" and "kumain ka ba?" texts. Hahaha. Hanggang nagkaroon na ng tawagan. Ang harot. Ang usapan natin kain tayong dalawa kapag nakabalik na school. Pero nung bumalik na tayo sa school sobra parang nagkailangan tayo. Haha. Hindi pa sanay. Hanggang medyo tumagal bago tayo nakakain sa labas.
Jollibee Puregold Malolos. Putek unang date. Haha. Sawakas, natuloy rin. Naaalala ko pa kung pano mo pa ako videohan habang kumakain. Tapos ako naman napaka arteng kumain nun. Kala mo hindi malakas kumain. Masaya pala. Masaya naman. Hanggang nasundan na ng walang sawang kainan. Kasama friends and classmates natin minsan. Nakakatuwa kasi yung mga friends ko naging friends mo na rin.
//music stops// medyo nakakadala eh. Hihi
Kung pano kita sinagot medyo nakakatawa. Nung 18th birthday ko medyo nawala sa isip ko yung promise ko sayo. Nakita tayo. Binigyan mo akong flowers and ring. Kaya pala bago ako mag birthday sinukat mo ng tali yung daliri ko. Well medyo nag expect ma rin ng konti. Haha. Ayun, nagkita sa mall. Kumain and then nuod ng sine. Hindi ko na naalala kung anong movie yung pinanuod natin sa dalas nating manuod ng sine noon basta ang natatandaan ko binanggit mo yung tungkol nga sa pagsagot ko na nawala sa isip ko. Hahaha. Tapos ayun bigla kong sinabi na lang na "Tayo na". Ang weird. Hahaha. Ganun pala yun. Ganun pala yung feeling.
Ayun. Sa sobrang strict nila medyo naging "you and me against the world" yung peg natin. Daming may ayaw. Tsaka kasi pinag aaral lang din ako noon. Pero alam mo diba yung nakakamangha. Buong college natago natin yun. Amazing! Four years mahigit yun grabe. Yung tatakas pa para sa mga dates. Hahaha. Nakaya natin yun. Nalagpasan natin yun. Kahit na ang dalas dalas natin mag away. Pati yung friends natin minsan naririndi narin sa mga away at talo natin na wala namang katuturan. Ewan hobby na ata natin yun. May time pa nga na muntik na tayong mag break during college days tapos tinapon mo yung singsing na niregalo mo sakin. Ayun, di na natin nakita. Hanggang sa nakatapos na rin tayo ng college. Sabay. Relationship gooooals ba? Hahaha.
Hanggang sa nagka work na tayo. Same tayong napunta sa Eastwood but different company. Same building parin. Natanggap ka sa company na pinag OJThan mo. Magaling ka naman kasi. Minsan sabay pa tayong kakain pag break ko kahit kakapasok mo pa lang nun ng shift mo. Hanggang sa medyo na homesick ka ata. Bumalik ka sa inyo at sabi mo dun ka na lang mag work. Ako stay parin dito. Naiwan ako. Pero di naman nag stop dun. Everyday magkausap. Videocall. Updates. Text. Chat. Long distance ang peg. Tapos every weekend nagkikita tayo. Okay naman. Smooth. Hanggang sa nag work ka na ulit. Kahit na bawal sa work nagpapasok ka parin ng phone mo sa prod para makausap ako. Kilala ko rin mga ka officemate mo kasi every video call nakikita ko kung sino kasama mo. Okay ka naman. Hanggang nagsawa ka na naman sa work mo. Stay ka muna sa inyo para tulungan lolo at lola mo. Usap parin. Nagkikita every weekend kaso minsan hindi rin consistent kasi nagkaka restday OT ako. Minsan busy. Naalala ko nung first travel natin. Biglaan. Sabi mo tara sama ka. Yun pala nag join ka ng tour. Tapos ang saya saya ko nun kasi sa tagal na natin ngayon lang tayo nagtravel ng magkasama. Birthday ko rin kasi nun at anniversary natin. Ang dami nating nakilalang new friends. Tapos sinurprise mo na ako nun kinuntsaba mo yung organizer. Dun ka nagkunwaring nagpropose ng walang ring. Nagulat ako. Pero syempre mag Yes naman ako. Ang saya saya nun sobra. Unexpected. Tapos bumalik ka na naman ulit sa work na pinagworkan mo nung huli. Okay naman nung mga bandang una. Nakakilala ka ulit ng bagong tropa and lagi mo naman silang kinekwento sakin. May mga times na sobrang nagiging close ka na sa kanila nagiging madalas rin yung mga inuman ng tropa. May mga lakad ka na rin na hindi ko na alam. Kung hindi ko pa tatanungin hindi mo pa sasabihin. Nagiging madalas. Nagpupunta ka na kung saan saan na inaabot na ng kinabuksan yung pag uwi mo. Hanggang sa patiga ka officemate mo kino-contact ko na rin pala malaman kung asan ka. Dalas nating magtalo nun.
Yes. 7th anniversary and my 25th birthday.
So nag enjoy tayo ng local travel nung nakaraang anniversary kaya naman nagdecide tayo na mag joiner ulit. Yung nakilala natin nung nag first time travel tayo yun yung kasama natin kasi naging tropa tropa narin natin sila. Very unexpected pa kung saan yung destination natin kasi last minute naiba. Ayun natuloy parin naman. Excited. Sobra. Kahit na ang layo at ang haba ng byahe. Gabi tayo bumyahe at inabot na tayo ng kinabukasan ng makarating tayo dun. Naalala ko pa nung sumapit yung 12AM binati kita ng "Happy anniversary, i love you". Binati mo naman ako pabalik. Medyo malata nga lang boses mo inisip ko na lang baka naiinip ka na sa byahe at antok pa. Tapos sabi mo may sasabihin ka sakin. Sabi ko ano yun sumagot ka naman ng "Pag andun na tayo". Ayun nakarating tayo sa pupuntahan natin. Ang lakas ng alon sa bangka at biglang umulan pa kaya basa na tayong lahat nun. Naalala ko pa kung gano yung kaba mo nung nasa bangka tayo. Tawang tawa ako. Nakarating naman tayo sa isla ng maayos. Sobraaaaang ganda. Worth it yung haba ng byahe at lakas ng mga alon. White beach kahit na wala tayo sa Boracay. Napahinga then nag snorkeling tayo nung hapon kasama yung ibang joiner. Pagbalik natin sabi mo tara swimming tayo sa dagat. Naalala ko rin na may sasabihin ka nga pala. Nasa dagat tayo ng bigla mong sinabi na "Maghiwalay na tayo". Medyo di pa nag sink in nung una. Medyo napahinto ako ata ng konti sabay tanong na "bakit?". Syempre mapapatanong ka naman talaga. Bakit? Bakit rin na ngayon pa at andito tayo sa lugar kung saan dapat tayong magsaya. Bakit ngayon pa na anniversary at birthday ko? Bakit? Bakit? Bakit? Ang sagot mo "ang dalang na rin kasi nating magkita baka eto na lang yung chance na magkita tayo ng personal" like wtf. Sinabi mo na lagi na rin kasi tayong nag aaway at ang gulo gulo rin sa bahay noon. Aayusin ko muna sarili ko.
Shit eto ba yung "It's not you, It's me?" Tae akala ko sa mga movie lang yun. Hahaha. Masyado akong na overwhelm. Sobra. Surprise maghiwalay na tayo dito sa gitna ng dagat! Ganern. Di ko alam pero ang sinagot ko lang ay Okay. Sige. Kung yan ang gusto mo. Hahaha shit happens. Well after nun hindi ko alam kung pano kikilos. Nasa malayong lugar tayo alangan naman lumangoy ako pabalik at pauwi. Di pa naman ako marunong lumangoy. Hahaha. Hanggang sa medyo nagkulong muna ako sa tent at nakatulog. Nagising ako ng wala ka sa tabi ko. Kahit di ko kabisado yung lugar kung saan ako nakakarinig ng mga ingay ng kwentuhan sinisilip silip ko. Para akonv tanga. Haha. Hanggang nakita ko kayo ng mga tropa at nag iinuman. Mukang lasing ka na. Nung bumalik tayo sa tent nalaman kung nabanggit mo na pala sa kanila yung nangyari. Buti yung isa nating friend kinomfort ako. Nagkwento sya kung paanong parang ganito rin yung nangyari sa kanila ng boyfriend nya. Kwento, advices and stuffs. Nagising ako kinabukasan. Masama parin loob syempre. Akala ko nga sasabihin mo na "Joke lang yung kahapon". Hahaha. Pero syempre asa naman ako. Nakakatawa potek nung pauwi tayong nakasakay sa bangka iyak ako ng iyak na parang tanga. Potek buti na lang medyo nababasa basa tayo nun ng alon kaya hindi ako masyadong nahahalata. Then habang nasa sasakyan tayo naisip ko sige enjoyin na 'to kasi eto na siguro yung last na pagkikita natin. Mahaba na namang byahe.
Hindi ko alam na sa haba ng byaheng 'to, darating pa rin pala tayo sa dulo.
Tumblr media
0 notes
pangungumpisal · 4 years
Text
Hindi pangkaraniwan ang init ng Marso ngayong taon, at hindi rin pangkaraniwan ang alas-tres ngayong araw. Tirik sa araw ang bandila ng Espanya na nakataas sa poste ng himpilan ng tren sa Dagupan. Kumakabog ang puso ni Luca at tila bang hindi mapakali sa mabagal na pagtakbo ng dalawang kamay ng orasan. Nakasandal siya sa isang sulok at nakayuko, tila bang may tinataguan. Kinakapitan niyang mariin ang tiket niya para sa isang tren na kaniyang sasakyan na darating mamayang alas-tres, papunta sa Tutuban sa Maynila, ang huling lugar na pag-asa ni Luca para makapagbagong buhay.
Batid sa kaniyang guya-guyanit na damit ang hirap na kaniyang dinaranas dito sa Dagupan. Maswerte pa siya dahil sa kakapiranggot na laman ng bulsa niya ay nakabili pa siya ng tiket. Alintana kay Luca ang kayumanggi niyang balat na pawis na pawis sa ilalim ng maalinsangang himpilan. Wala siyang dalang maleta o kahit anong gamit, sapagkat gusto niya nang lubos na lisanin ang lahat sa Dagupan.
“Andeng, paparoon muna ako sa palikuran,” wika ng isang lalaki sa kaniyang asawa.
“Dalian mo’t darating na ang tren, alas-tres menos dos na,” sagot naman ng babae na magarbo ang pagkakabihis.
Umalis ang lalaki at iniwan ang kaniyang abuhing abrigo at sumbrero sa may bangkô na kaniyang inuupuan. Maya’t maya pa ay:
“Putris naman ‘tong init, makabili nga ng tubig,” reklamo ng babae sabay lakad sa tindahan ng himpilan.
Narinig at nakita ni Luca ang buong pangyayari. Nagdalawang isip siya kung mararapat niya bang kunin ang mga damit ng lalaki para maitago ang kaniyang sira-sirang mga damit. Ang mag-asawa ay mukha namang masalapi, kaya’t naisip niyang kung nanakawin man niya ang mga damit, makakabili naman ang lalaki ng panibago. Sa huli, hinablot ni Luca ang sumbrero at abrigo na iniwan ng lalaki habang walang nakakakita, at nagkataon namang biglang dumating ang tren. Dali-daling sumakay si Luca sa tren kasabay ng mga madla. Nagkaroon ng kaguluhan sa tren dahil hindi alam ng mga tao kung saan sila mararapat na umupo. Biglang dumating ang isang gwardya-sibil para ayusin ang komosyon.
Napuno ng kaba ang katawan ni Luca. Tila bang lahat na lang tinataguan niya, eh pupunta lang naman siyang Maynila. Bukod pa roon, wala siyang maipapakitang sedula, na karaniwang hinihingi bilang pasaporte sa loob ng mga tren.
Agad na pinilit ni Luca na lumayo sa kumpol ng mga tao. Ang mga silid ng tren ay puno na, at hindi niya alam kung saan ba siya lulugar. Sa kaniyang desperasyon para makatago sa sibil, agaran siyang pumasok sa huling silid. Dali-dali niyang sinarado ang pintuan ng silid at hinabol ang kaniyang hininga ng ilang saglit. Pagkalingon niya sa likod, laking gulat niya at hindi niya napansin ang isang prayleng natutulog sa pagpasok niya sa silid.
Naalimpungatan ang prayle at nakita si Luca. Kumunot ang noo nito marahil hindi niya naman kilala si Luca.
“Pasensya na ho, padre, hindi ko po kayo nais gambalain”, Dispensa ni Luca sa prayle. Paalis na sana siya nang biglang umimik nang ang prayle.
“Hindi. Pumarito ka. Umupo ka--,” sabay ubo ng prayle, sa kaniyang malalim na boses.
“Gugustuhin mo ba akong mag-isa sa mahabang lakbay na ito?” rinig pa sa prayle ang gaspang ng boses ng bagong gising.
Napilitan na lamang si Luca na umupo kasama ang prayle. Pinagmasdan niya ang kasuotan ng prayle. Karaniwan ang marróng abito ng prayle, ngunit namumukod tangi ang ginto nitong mga alahas. Kapansin-pansin ang dalawang gintong singsing at makinang na kwintas ng prayle. Katamtaman lamang ang taba ng prayle, at hindi ganoon katanda tignan ang kaniyang mukha sapagkat wala pa itong masyadong mga kulubot. Malalim at malamig ang mga mata ng ng prayle. Sa kabila ng pagtanggap ng prayle kay Luca, hindi niya maalis ang kaba.
“Ano hijo, magtititigan na lang ba tayo?” sarkastikong tanong ng prayle. Napangiti si Luca.
“Saan po ang punta niyo? Padre…” tanong ni Luca sa prayle, at napahinto dahil hindi niya alam ang ngalan ng kausap niya.
“—Cisco, Padre Cisco”, dagdag ng prayle. Iniabot ng prayle ang kaniyang kamay at kinamayan naman ito ng isa. “Luca,” pakilala niya.
Bumusina ang tren at nagsimula nang umandar ang tren. Nakita ni Luca ang mag-asawang kinunan niya ng damit na tumatakbo at hinahabol ang tren. ‘Di na lamang ito pinansin ni Luca at tumingin kay Padre Cisco. Sumandal ang prayle sa kaniyang sandalan.
“Sa Maynila. Pinapatawag ako ng arsobispo roon, biglaan,” sabi ng pari. “Ikaw, saan ka tutungo?”
“Maynila rin ho ang punta ko,” sagot naman niya. “Nagbabalak akong magbaka sakaling doon ko mahanap ang ginhawang hindi ko pa nararamdaman,” kinuyom niya ang kaniyang ninakaw na abrigo para itago ang sira-sira niyang damit sa loob. Napatingin na lang sa kaniya ang prayle at nagbigay ng mukhang nakakaintindi.
Inisip ni Luca ang kaniyang buhay sa Dagupan. Hirap. Gutom. Pawis. Nais niya nang iwanan ang lahat sa Dagupan, ngunit hindi ito mangyayari kung ang lahat ay hindi niya mabitawan. Gumugulo pa rin sa kaniya ang kaniyang gawain bago sumakay sa tren na ito: pagiging kriminal. Ninakaw lamang ni Luca ang pinambayad niya sa tiket, at dagdag pa roon ang ninakaw niyang abrigo’t sumbrero para magbalat-kayô.Tanging sa mga masasamang gawain lamang nabuhay si Luca sa Dagupan, isang pangyayaring bumabagabag sa isip at konsensya niya.
Kumuha ang prayle ng isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng kaniyang abito, at iniabot kay Luca ang isa para kuhain. Kinuha naman ni Luca ang ibinigay sa kaniya sa kabila ng pagdadalawang isip. Iniabot ng prayle ang posporo para isindi ang sigarilyo, at ibinalik rin naman kagad ni Luca ang kahon. Ibinalik muli ng prayle ang kaha’t posporo sa kaniyang bulsa.
“Malalim ata ang iniisip mo”, sabi ng prayle, “baka mawala pa ang bagot ko kung magkukwento ka”.
Hindi lang pagkukwento ang nais gawin ni Luca. Isang kumpisal ang kaniyang kinakailangan kung ibig niya pang magbago sa mata ng kaniyang Diyos. Nagkataong isa nang prayle ang nasa harap niya, at isang pagkakamali ang hindi sunggaban ang oportunidad na ibinigay sa kaniya. Lumulon ng malalim si Luca para mailabas ang nais sambitin:
“Gusto ko sanang mangumpisal”
Tumango si Padre Cisco. “Kung iyan ang paraan mo para mawala ang bagot, sige.”
Pinalingon ng prayle si Luca sa gawing bintana habang humihithit ito, at siya naman ay nakaharap sa pintuan na may salamin ng kwarto ng tren, kung saan kita ang pasilyo ng daraanan sa tren. Hindi alam ni Luca kung dapat niya bang sabihin ang lahat ng kaniyang gusto nang kalimutan sa isang estranghero, ngunit pinangatwiranan rin naman niya ito na ang taong pagkukwentohan niya ay hindi niya kilala at marahil ito na ang una’t huli nilang pagkikita. Kung nais niya ring magbagong buhay sa ibang pook, dapat siyang dumating na walang dala-dalang kasalanan mula sa nakaraan.
“Marunong ka mangumpisal?”, tanong ng prayle. “Hi—Hindi ho,” sagot naman ni Luca, sabay hithit sa sigarilyo. “Huwag kang kabahan.’Di bale’t gagabayan na lang kita, tayo’y magsimula na.”
“In nomine Patris, et Fili, et Spiritus Sancti. Amen”, usal ng dalawa, kasabay ng pagsenyas ng krus sa kanilang katawan.
Bakas sa mukha at boses ni Luca ang kabang kaniyang nararamdaman, kahit na pinagsabihan na siya kanina.
“Basbasan mo ako padre sapagkat ako’y nagkasala”, sabi ng prayle na siya namang sinundan ni Luca. “Kailan ang huli mong kumpisal?” tanong ng prayle. “Ito ho ang aking unang kumpisal,” sagot ni Luca, sabay buga ng usok ni sigarilyo.
“Ano-ano ang ‘yong mga kasalanan?” sunod na tinanong ni Padre Cisco.
Bumigat ang puso ni Luca. Napahinto siya ng sandali’t hindi wari kung ano ang kaniyang isasagot. Huminga siya ng malalim at simulang nagkwento. Pinatay niya ang baga ng sigarilyong kaniyang hinihithit.
“Isa akong magnanakaw sa Dagupan,” sabi ni Luca. “Sa bente’y dos kong gulang, labing-limang taon akong binubuhay ng nakaw. Sa katunayan, kasama nga ako sa isang sindikato. Sa kabila noon, malaya pa rin ako. Ngunit ginagawa ko lang ang lahat ng ito para mabuhay, tulad ng ibang pobre’t mayamang ginagawa ang lahat para mailigtas ang sariling mga bungo sa kamatayan.”
“Yoong sindikato, anong—“ Itatanong sana ni Padre Cisco ang pangalan ng sindikato, ngunit bago pa siya matapos ay may kasagutan na si Luca. “—Bandidos Mascredos. Kilala niyo na siguro. Hindi namin kilala ang mukha ng isa’t isa sapagkat palagi kaming nakamaskara kapag may operasyon. ‘Di ko nga rin kilala kung sino ang pinuno namin. Sa kabila noon, matagumpay ang aming gawain. Minsan na nga rin naming napasok ang santuario.”
“Ang simabahan ng Dagupan? Diba’t mahirap makapasok roon dahil pasikot-sikot ang bahay ng clero?” Tanong ng prayle kay Luca.
“Oho. Doon nga. Buti na lamang at may kasama kaming alam ang daanan at alam kung saan tinatago ang mga imaheng gawa sa pilak at ginto,” sagot ni Luca.
“Bawal tumiwalag sa amin, kaya’t humanap lang ako ng tsempo kung kailan ako tatakas. Sabi ng mga kasama ko sa sindikato, aalis ng ilang araw ang aming pinuno, kaya minabuti ko nang kunin ang pagkakataon na iyon para tumakas. Gusto kong maging malinis bago tumapak at magsimula muli sa Manila –”
Bago pa man makapagpatuloy ng sasabihin si Luca, binuksan ng sibil ang kanilang silid.
“Biglaan po, nasaan ang inyong mga sedula?” tanong ng sibil.
Kinain ng takot si Luca. Wala siyang sedula, sapagkat hindi siya rehistrado.
“ALIS! Hindi mo ba nakikitang nagkakaroon ng kumpisal? TONTO!” sigaw ng prayle sa sibil na nagulat at natakot sa malalim na boses ng prayle.
“ Pero—Sige po padre, salamat na lang, pasensiya sa abala,” nanginginig na sabi ng sibil.
Buti na lamang ay prayle ang nakasama niya sa kaniyang paglalakbay sa tren. Nakahinga si Luca ng maluwag kasabay ng pag-alis ng sibil sa kanilang silid.
“Hanga ako sa tapang mong magbagong buhay muli,” puri ng prayle. “Naiintindihan ko namang nais mo lang ring may maipakain sa sikmura mong kumakalam. Ngunit dapat mong mapagtanto na lahat ng iyong ginagawa ay may kaukulang kinahahatnan. Dapat mong tanggapin ang mararapat sa iyo, at salubungin ang lahat ng mangyayari sayo ng buong tinatanggap,” payo sa kaniya ng prayle.
“Sabayan mo ako sa aking dasal,” sabi ni Padre Cisco kay Luca.
Kanilang dinasal ang panalangin ng pagisisi. Sa pagtatapos ng kanilang kumpisal, naging kumportable na si Luca sa kasama niyang prayle.
“In nomine Patris, et Fili, et Spiritus Sancti. Amen”, dasal ng dalawa.
“Ilang bayan na rin ng Pampanga at Bulacan ang ating nadaanan,”sabi ng prayle.
“Aba’y oo nga, hindi ko napansin,” sagot naman ni Luca.
“Lalabas muna ako, napakahaba ng biyahe at kailangan ko munang maglabas,” paalam ni Padre Cisco kay Luca.
Bago umalis si Padre Cisco sa silid, may kinuha muna ito sa kaniyang maleta, ngunit hindi ito nakita ni Luca dahil patalikod niyang binuksan ang bagahe. Maya-maya rin ay bumalik na rin naman ang prayle sa kanilang silid.
Magtatakipsilim na. Kitang kita sa bintana ng silid nina Luca ang silahis ng araw na nagpapailaw ng malakahel na sinag sa loob ng kanilang tren. Matapos ang ilang oras, huminto na rin ang tren sa Tutuban. Tumayo si Luca sa kaniyang inuupuan at tumingin sa labas ng bintana ng tren. Napansin ni Luca na maraming gwardya-sibil sa harap ng pintuan ng tren.
“Anong meron?” Dinig sa boses ni Luca ang nginig at kaba.
Hindi muna pinalabas ng mga sibil ang mga tao sa loob ng tren at ang karamihan ay nagtataka at naguguluhan. Napatingin si Luca kay Padre Cisco.
“Huwag kang mag-alala, may plano ang Diyos para sa lahat,” ani niya.
Nakita ni Luca na sinalubong ng sibil na nanghingi ng sedula kanina ang mga sibil na nasa himpilan ng tren sa Tutuban. Bumabalik sa kaniya lahat ng takot at kaba niya kanina. Akala niya’y makakapagsimula na siya ng maayos na buhay sa Maynila.
Pumasok ang mga gwardya-sibil sa loob ng tren at pumunta sa harap ng silid na kinaroroonan nina Luca at Padre Cisco. Tumayo si Padre Cisco at kinuha ang dalawang maleta na nakalagay sa estante na nasa taas ng kanilang mga upuan. Hinalikan niya ang pisngi ni Luca at sabay na may binulong:
“Ngayon, alam mo na kung ano ang isang mukhang kabilang sa sindikato. Maswerte ka’t yoong mukha pa ng pinuno nakita mo.”
Sa mga oras na iyon, napanghinaan na si Luca. Para bang wala na siyang kawala kung sino siya, at tadhana na niya maging isang dukha. Naisip niyang kahit saan niya dalhin ang sarili niya, maaring pobreng magnanakaw lang talaga ang itinadhana ng kapalaran sa kaniya.
Lumabas si Padre Cisco at iniabot ang isang maleta sa mga gwardya-sibil. Nang buksan nila ito, puno ito ng pera. Umalis ang prayle at pumasok ang mga gwardya-sibil para hulihin si Luca. Hindi makaimik si Luca, at hinayaaan na lang ang mga nangyayari. Tinatawanan lamang siya ng mga gwardia-sibil, at iginapos sa isang komparatamentong walang bintana.
“Isang magnanakaw. Que Horror! Walang ibang nababagay sayo kun’di bumalik sa iyong pinanggalingan. Nababagay sayong maging preso!”
Preso ng alin? Preso ng kulungan o preso ng lipunan at kayamanan?
0 notes
mgagalanikaloy · 5 years
Text
Anawangin Cove, Pundaquit, Zambales
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
This is my first travel ever without my parents. Yes, I’m with my friends. And it was unexpected because I’m in Pangasinan that time and they just called me telling me that we’re going to Anawangin Cove in Zambales. I rejected it that time because I don’t have money but my friends paid all the expenses. So, I have don’t have a choice but to go back to Antipolo and packed my bags.
Victory liner sinakyan namin papuntang San Antonio then nagantay kami ng I think 2-3 hours bago dumating yung sundo namin (kasi nag promo kami. so may sundo talaga) So hinatid kami ng tricycle papuntang Pundaquit. Pagdating namin sa Pundaquit, nagantay na kami ng bangka na sasakyan naming. So nagpicture muna para di kami mabored. Then nung dumating na yung bangka, ang travel time niya I think is 45 mins to 1 hour bago makarating ng Anawangin cove. Pero before kami makapunta sa Anawangin, may dinaanan kaming Island. Not sure kung Camara Island or Capones Island yun. Then derecho na kami sa Anawangin Cove.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagdating ng Anawangin hanap agad kami ng Tent naming. Yes, tent ang tutulugan niyo. Tas pag hanap naming, kumain muna kami dahil nakakapagod yung biyahe. Then after kumain punta na kami sa beach. Ligo ligo. Kuha ng picture. Ang daming magagandang scenery sa lugar. May mga bundok na pwedeng akyatin. Kahit na madaming tao maganda pa din yung lugar. 2 days and 1 night kami sa Anawangin. Halos lahat ng tao nung araw na dumating kami ay paalis na. Pagdating ng tanghale konti na lang yung nandun. Umulan pa. Kaya ang ending nung gabi hirap na hirap kami magpaapoy ng mga kahoy kasi basa yung iba. Yung iba hiningi na namin sa mga kasama namin dahil mejo mahal kung bibili pa kami ng kahoy mismo. Tas pag gising ng umaga, luto ulit kami. Tas konting ligo sa beach then nagready na kami ng mga gamit namin para bumalik paPundaquit.
Tas nakakatawa pa kasi muntik na kami mashort kami sa pera dahil sa uhaw namin napabili kami ng tubig at ang mahal ng tubig nila dun. Kaw ba naman kasi magbaon ng puro sweets sinong hindi mauuuhaw. Buti na lang napagkasya namin pera simula San Antonio hanggang Antipolo.
Sobrang saya ng experience na yun kasi kami lang magkakaibigan and we don’t have any idea sa lugar na pupuntahan namin. First travel ko pa na wala akong alam sa pupuntahan ko. So it’s challenging for us na magbudget and magtipid ng pera dahil sobrang sakto lang dala namin.
Tumblr media Tumblr media
0 notes