Text
Crush Chronicles #4
“Kamusta ka na?”
‘Yan lang naman gusto ko ma-receive na message from him ngayon naka-ECQ tayo, pero as if naman ‘di ba? Never pa ata niya ako kinamusta. Ay joke. Nangangamusta naman siya ‘pag may nagkakasakit ako, though personal lang siya mangamusta. Hindi siya mahilig mangamusta through messaging.
Okay, so you might wonder ano magiging laman nitong CC#4 ko ngayong hindi naman kami nagkikita at, tulad na nga ng sinabi ko sa intro, hindi siya mahilig mangamusta online or through text. Maraming beses ko na sinabi sa mga bff ko na magmu-move-on na ako kasi ayaw ko na masaktan, pero ayun na nga, as a marupok, bumabalik at bumabalik pa rin ang feelings ko para sa kanya *cringe*. Bakit ba kasi kailangan pa nating masaktan sa taong wala namang pakialam?!
Ang paniniwala ko kasi, malaking factor yung proximity kaya naho-hold yung feelings ko sa kanya. I had high hopes nung in-announce yung ECQ nung March na mawawala rin yung feelings ko for him bago matapos ang ECQ kasi nga di naman kami nagkikita or nag-uusap man lang. Aba matindi. Halos araw-araw, laman siya ng panaginip ko. Hindi ko na naaalala exactly yung mga panaginip ko pero natatandaan ko na kadalasan, siya laman ng panaginip ko *cringe*. Ano ba naman ‘yan? Anyway, at least hindi na ako umiiyak kapag nagigising ako after ko siya mapanaginipan.
Nitong April lang nag-21st birthday siya. Day before palang, ready na yung message ko. ‘Di ako bumabati usually sa FB timeline. PM greetings ako madalas. Akala ko makakapag-hold ako ng convesation. Asa ka ‘tol! Sobrang brief lang nung reply niya tapos nag-reply ako pero after that wala na siyang sagot. OKAY.
We had short video conferences nung April din because we recorded a virtual choir video for the frontliners. Nakita ko siya for a short while. Mixed feelings ‘e. Late ko kasi na-realize yung feeling kapag na-miss mo yung isang tao. Alam niyo ba ‘yun? Yung kapag nagkita kayo after a long time, parang unfamiliar na yung tingin mo sa kanya? I think yung yung feeling kapag na-miss mo yung isang tao. Hindi ko yun na-feel nung nakita ko siya sa video conference. Maybe because lagi ko siyang nakikita sa mga panaginip ko or hindi ko lang talaga siya miss?
2 notes
·
View notes
Text
I was accused for Map Hacking
Watch video here
First time ko ma-accuse ng “map hack” sa Mobile Legends: Bang Bang. Nakakaproud (to be honest) kasi ibig-sabihin lang nun, maayos yung laro ko. Pero sinasabi ko sa inyo, depende pa rin talaga sa kakampi. Kahit anong galing mo, kung pabaya naman kakampi mo, wala rin.
Ito yung game ko after nung game na ‘yan. 19 4 14 KDA pero hindi pa rin nanalo. Isang pabayang kakampi, malaki epekto sa laban. Hindi kasi kayang buhatin ni Pharsa lahat. Actually, nagbabalak ako mag-aral gumamit ng Fanny or Gusion or Hayabusa. May mga solo players kasi na kayang mabuhat lahat ng kakampi gamit ‘yang mga heroes na nabanggit ko.
PS: Tinakpan ko username ko kasi ayoko lang malaman niyo HAHA bye enjoy and ingat.
Stay calm, stay healthy, and stay safe!
0 notes
Text
Hagdan
I think 3 years old ako nung nag-abroad mama ko. I stayed with my dad sa Hagonoy, Bulacan. I can vaguely remember na I had a birthday party when I turned 7 years old. Yun na ata yung huling family gathering na kumpleto kami. Hindi clear pero naaalala ko na may isang beses na may tumawag kay mama before na lalaki tapos si papa ang nakasagot. Pinagbawalan ng papa ko na bisitahin ako ng mama ko sa bahay kapag umuuwi siya from abroad. Nurse ang mama ko sa Saudi. Siya ang nagpoprovide sa amin, so noon, hindi ko gets kung bakit pinagbabawalan ng papa ko si mama na bisitahin ako when, in fact, siya nagpapakain sa amin. Tricycle driver ang papa ko at marami siyang alagang manok na pinansasabong niya. Tandang-tanda ko pa noon na pinagseselosan ko mga manok niya kasi mas may time siya para sa kanila. Umabot na sa point na pati bahay namin, ginagawa na niyang pugad ng manok. Hindi ko gets pero nakikitulog lang kami at nakikikain kahit may bahay at may padala naman si mama. I was alone from Monday to Saturday. I always look forward for Sundays kasi pinupuntahan ako ng lola ko sa Hagonoy para samahan kami magsimba. Hindi nagsisimba si papa, so hindi sila nagkikita ni Nanay (tawag ko sa lola ko sa mother side). After kasi magsimba, lagi kaming dumederetso sa Jollibee para kumain ng dinner. Ibibili pa niya ako ng baon sa Mercury Drug bago niya ako ihatid sa amin at umuwi ng Malolos. Nagmo-motor lang siya kapag binibisita niya ako every Sunday.
Right before ako maka-graduate ng elementary, nagkaroon ng ibang babae si papa. Biglang luminis yung bahay. Nagrenta si papa ng pwesto sa tapat ng kalsada para magkaroon ng tindahan. Pero hindi para sa akin. Para sa babae niya. Unti-unti kong napansin na may mga gamit na ako na sinusuot ng babae niya. May mga laruan na akong ginagamit ng anak ng babae niya. Bakit sa kanila may oras si papa? Bakit sa akin wala? Nakikitulog pa rin ako sa tita ko. Sila gumagamit ng bahay namin. Bahay na si mama ang nagpoprovide. Bakit? Bakit ganon?
I was 11 years old when I decided to leave my dad. Hinintay ko lang maka-graduate ako ng elementary. Tandang-tanda ko, umaga yun nang lumabas ako ng bahay namin. Bente pesos lang dala ko. I can clearly remember na 7 pesos lang ang jeep noon from Hagonoy to Malolos. I met my mom and si Nanay sa Puregold. Sumalubong sa’kin with them sina Tatay (lolo ko from mother side), tito, tita, at 2 kong pinsan. Namili kami ng pagkain. Tanda ko pa na bumili ako ng black na high heels noon. Mahilig kasi ako sa sapatos.
Pag-uwi namin sa bahay, may sumalubong sa amin na malaking lalaking Arabo. Asawa daw ni mama. Nagulat ako. Iniwan ko yung papa ko dahil nambabae siya tapos maabutan ko mama ko na may iba na rin pala. Nagkulong ako sa cr noon, umiyak, kasi hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko umalis, pero saan ako pupunta? Inisip ko nalang na kasama ko naman si Nanay, so siguro kakayanin ko naman mag-stay. Sabi ko pa noon, “wala naman akong choice” at tsaka utang na loob ko kay mama na nakapagtapos ako ng elementary, so sige, magse-stay nalang ako. Masakit man malaman na matagal na palang kasal si mama sa iba, I had to stay. Gabi na ako hinanap ng papa ko. Mas lalo akong nalungkot. Kinabukasan, we had to go sa DSWD. Sabi daw kasi ng papa ko, kinidnap ako ni Tatay. Sinabi ko lang yung totoo. That was the last time I saw my dad.
20 years old na ako ngayon. Supposedly graduate na and working pero, ayun, delayed. I made a lot of decisions on my own na, even though medyo mabagal ako mag-decide on my own. I think I became slow sa pagde-decide dahil sa rash big decision ko when I was 11, so ngayon I find it hard to decide kasi takot akong magkamali.
There are 3 huge decisions I have made na so far. First, yung pag-shift ko sa course na gusto ko kahit alam ko na mahirap. I am now an electrical engineering major sa college. I have failed seven subjects already. Second, choosing to stay sa performing arts group na sinasalihan ko sa college kahit na mahirap mag-balance ng co-curricular with academics. Third, ang pag-convert ko to another religion without the knowledge of my family.
There was a semester na na-dismiss ako sa college dahil I failed 3 subjects. I had to go AWOL (Absence Without Official Leave) to be able to join choral competitions abroad. Hirap na hirap ako noon. I was struggling abroad for 3 months na I cried almost every night kasi I felt very useless and alone. I thought I wouldn’t be able to stay sa degree program ko pagbalik ng Pilipinas, pero miraculously, I got admitted again after ko mag-appeal. That was the time I promised I would do better the following semester. And I did! The following semester, I got my first final examination exemption sa last Physics subject ko. I was so proud and happy. I finally was able to boast kay Nanay na na-exempt ako sa isa kong subject pero alam mo ano sagot niya sa akin? “Kailan ka ba gagraduate?”
I felt pressured. I am not one of those students na kahit hindi mag-aral, they do well. I am struggling pero I can’t complain. Gusto na daw ni mama magpahinga. Gusto na rin tumigil ni Nanay magtrabaho. I crumbled again. I felt like I am not getting the support I need from them. Lalo kong dinoubt yung sarili ko. Lalo akong natakot magkamali. Parang nilamon na ako ng negativity ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nag-attempt magpakamatay kasi parang yun nalang yung way out sa lahat. That’s when I found the religion na ramdam ko na mahal ako. Each time na nananalangin ako, nararamdaman ko na may yumayakap sa akin, may nagsasabi sa akin na kaya ko lahat ng pinagdadaaanan, na lahat ng mga pagsubok na binibigay sa akin ang magpapalakas sa akin, na lahat ng paghihirap, matatapos din.
Kaya nga lang, ayaw ni Nanay sa bago kong religion. Hindi ko alam kung bakit. Nung sinabi ko sa kanya yung mga nararamdaman ko, nagalit siya. Halos maglayas pa siya nung sinabi ko sa kanya na gusto ko mag-convert. Pero hindi ako tumigil. Tumakas ako ng bahay at natuto ako magsinungaling. Hindi ko kasi matanggap na pinayagan niya si mama mag-convert pero ako hindi. Si mama kasi nag-convertpara magpakasal. Iba ako yung rason ko. And tingin ko, mas acceptable yung sa akin kaysa kay mama. Noong nakapagpa-convert na ako, sobrang iba yung saya na naramdaman ko. May takot sa mga mangyayari sa mga susunod na panahon pero masaya ako na I’ve made a decision na ikapa-proud ko.
I was doing well na ulit with everything. Okay na kami ni Nanay. Hirap pa rin sa academics pero alam ko sa sarili ko na kaya ko. Inis na sa love life pero manageable. Nakagagawa pa rin ako ng kasalanan pero ‘di nakakalimot mag-sorry. Hindi nakakalimot magpasalamat. Kaso dumating itong threat ng COVID-19. May community quarantine. It was exactly a week ago na muntik na akong magpakamatay ulit.
A week ago, nahulog ako sa hagdan and I had ruptured tendons sa right foot ko. Yun yung araw na balak ko sanang gawing excuse yung pag-jog para makadalo sa pagsamba namin sa loob lang rin ng naman ng subdivision namin. Kaso ayun nga, walang bumabyaheng mga tricycle at hindi ko kakayanin maglakad. Naisip ko na baka ayun na yung time na dapat sabihin ko na kay Nanay lahat. I mustered up all of my courage at tumawag kay Nanay sa work niya para magpaalam umalis. “Ayoko” lang ang sagot niya sa akin. Even though sabi ko may susundo at maghahatid sa akin pauwi, “ayoko” lang sagot niya sa akin. Nagulat ako na bigla siyang umuwi. Ipapahiya niya raw yung mga susundo sa akin. Wala raw akong utang na loob. Hindi raw ba ako nag-iisip. Tarantado daw ako. Mana daw ako sa papa ko. Ang sama-sama ko daw. Hindi ako nagsasalita. Ayokong magsalita. Muntik niya na akong hampasin ng pamalo ng labada. Natakot ako kay Nanay. Natakot ako sa kanya for the first time. Nanginginig ako sa takot. Ako daw papatay sa kanya. Sasaksakin niya kaya ako? Papatayin niya nalang kaya ako? Alam ko sa sarili ko na hindi niya yun gagawin pero natatakot ako nung time na yun. Pero alam mo ba kung ano naisip ko nnung time na yun? Kung wala ako, walang poproblemahin si Nanay. Alam ko sa sarili ko na napaka-walang kwenta kong anak at apo. Masama ugali ko. Minsan nakakalimot ako sa duties and responsibilities ko sa bahay. Minsan sumasagot ako ng pabalang. Madali ako mainis at magalit. Naisip ko nun bago ako makatulog na it’s best for me to die. Para bawas pasakit na rin sa kanila. I woke up at 2 am. I went straight to the kitchen to grab a knife. Akala ko kaya kong gawin, pero after kong makita na may dugo na sa kamay ko, hindi ko na natuloy. Nasugatan ko lang sarili ko sa dibdib. Hindi ko na siya naibaon. Hindi ko kayang saktan sarili ko. Natulog lang ako nang natulog. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko kinakausap si Nanay. I felt so sad na parang gusto ko lang matulog nang matulog. Naubusan na ako ng luha.
Days passed and I realized na hindi na ako napapatawa ng mga usual na nagpapatawa sakin. Kahit anong variety show panuorin ko, hindi na ako natutuwa. Hindi ako makakanta. Hindi ko mabuka mga labi ko. Nagsasawa ako agad sa pakikinig ng music. Akala ko, hindi ako o-okay. It has been exactly a week when I felt like the world had left me. Ang dami kong na-realize.
I forgot to pray and ask for help. Alam kong mahal ako ng lola ko, and I have to understand na we have different beliefs. I am not alone in this world. I am strong and I can pass these difficulties in my life. Alam kong kaya ko with Him.
Minsan talaga nasa taas ka ng hagdan, minsan mahuhulog ka. Minsan kailangan mong bagalan ang pag-akyat, minsan mabilis ka masyado sa pagbaba. Siguro yung nangyari sakin na pagkahulog, oo, biglaang bagsak, pero after gumaling ng paa ko, makakaakyat ulit ako sa taas. Magiging maayos din ang lahat in time, I believe. Hindi ko man maipapangako na everyday would be okay, I can promise na hindi ako susuko sa buhay dahil alam kong walang pagsubok na ibibigay ang Ama na hindi ko kakayanin.
1 note
·
View note
Text
Crush Chronicles #3
Ngayong gabi, March 12, Thursday, in-announce ni Pres. Duterte ang Metro Manila lockdown starting March 15 until April 14, 2020. Wala kaming pasok during that whole duration pero may online classes kami. Hassle pero G sige lang.
Lumuwas ako kahapon kasi magpa-participate kami sa Centerstage ng GMA as audience jury. 3:15 pm ang calltime namin sa Infinitea Maginhawa, and I arrived there mga 3:30 pm, not too late para sa 3:45 pm departure. Wala pa siya. Ayoko siya masyadong hanapin kasi baka ano na naman sabihin ng mga tao. More on new trainees ang kasama namin ngayon since busy ang mga active members. Apparently, merong may crush sa kanya na isang new trainee and it has been bothering me ever since nalaman ko last Sunday. Buti nalang experienced na ako umarte na wala akong pakialam. I can even joke around about it na hindi halatang affected ako. We were playing with my zoom lens nang dumating na yung mga sundo namin. Nakasakay na pala siya sa L300 na isang sundo namin. I wanted to take the seat beside him pero, ayun, sa sumunod na sasakyan nalang kami pinasakay. Medyo sad pero G lang. Chill lang ako.
Nakasabay ko sa sasakyan yung trainee na may crush sa kanya. “Huy, balita ko may crush ka na member ah?” sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Why do I feel so threatened? ‘Di naman ‘to selos kasi ‘di naman sila close pero I can’t stop thinking na baka soon maging mas close na sila kaysa sa’min. Overthinking si ategurl niyong Virgo. Panic ka ghOrL?! Maya-maya, nagsalita yung isang new trainee na katabi niya, “ate, may jowa na ‘yan!” HALA. PARANG MAY FIREWORKS AKONG NAKITA. Nagdiwang buong pagkatao ko. Parang nabunutan ako ng tinik. Okay, moving on, may jowa na siya so I got nothing to worry about. ‘E pero teka bakit ang landi? HAHA char crush lang naman daw kasi. We’ve been there naman ata lahat. Bakit wala ka bang crush na artista?!
Pagkarating namin sa GMA, I can’t recall how we ended up walking side by side papunta sa building mismo. Nakachikahan ko pa siya about the COVID-19′s new cases na in-announce kanina sa news. Pina-standby muna kami sa 2nd floor before kami papasukin sa set. ABA. Si ategurl niyong may jowa pero may crush sa crush ko, tumabi sa kanya! OKAY. OKAY SIGE. Kalma lang. Baka naka-joke time ng mga ibang trainees kaya itinabi sa kanya. OKAY SIGE LET’S JUST SAY NA GANUN NA NGA. Kalma lang ako na nakikipagchikahan sa mga katabi ko. Naglaro nalang ako ng MLBB habang naghihintay na papasukin na kami. Gusto ko yung kasa-start ko lang ng brawl, bigla na kaming tinawag. AFK pa tuloy. Hindi ko alam pero naging magkasunod kami sa pila. I didn’t want to move away from my spot kasi for sure if ma-maintain ko na ganito yung pila, makakatabi ko siya sa audience area. AND NAKATABI KO NGA SIYA. Iba na naman pabango niya. Share ko lang na medyo sensitive ako kapag nagpapalit mga tao ng pabango. Nade-detect ko agad kapag nag-change ng scent yung tao. Mehn, bakit kahit anong amoy bagay sa kanya? Kasisimula palang namin mag-chat nang bigla siyang palipatin sa ibang seat. Nagmura ata ako under my breath. Magkalapit naman kami pero ‘di magkatabi. Naamoy ko pa rin yung pabango niya. Isang tao lang kasi pagitan namin. Kunwari okay lang ako. PERO KASI NAMAN DAPAT KATABI KO NA SIYA E. Ang lungkot! Ang pait! HAHAHA. Bad trip tuloy ako. Ang sad. Bago mag-end yung shoot, I reached out my hand sa kanya and he held it for more than 3 seconds. Okay na ‘ko ulit. Re-charged.
Paghatid nung mga sasakyan sa amin kung saan kami sinundo kanina, sinabi niya sa akin na may dala pala siyang car. 9:30pm na nun pero because of some issues, 11:00pm na kami nakaalis ng QC. Badtrip na badtrip na ako kasi inaantok na ako. Yun yung first trip namin together na tahimik lang ako. Hindi ko siya kinakausap. Maya-maya nung malapit na ako bumaba, kinalabit niya ako. Daan muna daw kami sa Mercury Drug para makabili siya ng vitamins. Edi sumama naman ako. More time together. ANG ARTE BWISIT HEBOR PA. Bumili ako ng cetirizine kasi may nakain ata akong ‘di pwede sa akin. Hinatid niya lang ako sa sakayan, tapos umuwi na siya. Naka-hug ako bago kami naghiwalay. 1:30am na ako nakauwi pero masaya akong nakita ko siya.
I never expected na yun na pala yung last time na makikita ko siya. Next month ko na ulit siya makikita. Medyo nanghina ako sa thought na ‘di ko siya makikita ng isang buwan pero anong magagawa ko. Actually, medyo dumadaan nga sa isip ko na pwede naman kami magkita since nasa Marilao lang naman siya this month pero imposible namang makipagkita yun sa akin for no reason at all! ANG PAIT! #friendzoned
Magpo-post nalang ako ng cover ng “Pusong Ligaw” ngayong isang buwang walang pasok. Tutal mukhang siya lang namin iisipin ko sa buong isang buwan ng pagkakakulong ko sa bahay.
2 notes
·
View notes
Photo
6K notes
·
View notes
Text
Crush Chronicles #2
Hala, uy, February 14 ngayon! Hearts day! May performance kami sa isang restaurant mamayang gabi. Medyo kinabahan akong baka hindi siya kasama. Buti nalang kasama siya. Uy! Hindi ako nage-expect ah? Gusto ko lang siya makita! Yun lang.
Sinabi ko na bang mas close na kami ngayon? I can't tell in detail pero naging mas close kami eventually. Baka kasi dahil lagi akong sumasabay sa kanya pauwi at marami kaming napagkekwentuhan sa byahe kaya naging mas komportable siya sa akin. Joke lang yung 'di ako nage-expect. Syempre, nage-expect ako!
Dumating kami sa venue nang marami nang guests so kumanta na agad kami. Ay, hello! Sorry 'di ko pala nalinaw. Choir kami. College-based na choir. Ah, so ayun na nga. Pagkakanta namin, kumain na kami. As usual, 'di ako umupo malapit sa kanya kasi ayoko ng issue. Lagi ko 'tong ginagawa kasi ayokong isipin na iniisip ng mga tao na sinadya kong tumabi sa kanya. Hay life. I would never ever announce again na may crush ako (though idk if magkakaroon pa ako ng iba) kasi nakaka-frustrate na may makikita kang ngingiti sa'yo na para bang pinagtatawanan ka kasi ang clingy mo sa crush mo. Ayoko rin ng mga jokes na nagpapapansin daw ako sa crush ko. Oo, gusto ko mapansin, pero 'di ko yun gagawin sa harap ng maraming tao. And besides, close na kami, so I don't need to catch his attention.
Sobrang cute niya kapag inaasar ko siya. Alam niyo ba kung nong favorite kong part ng mukha niya? Yung dimples niya malapit sa temples kapag ngumingiti siya. I find his eyes attractive din. Hmmm, oo pogi siya. Siya yung tipo ng lalaki na mapapansin mo agad sa grupo namin kasi he stands out. Kayang mag-solo, magaling sumayaw, at kayang makipag-usap sa mga VIPs. Sino ba naman ako para hindi magka-gusto sa kanya 'di ba? Kaya 'di rin maiiwasan na may mga nagkaka-crush at nagpapa-picture sa kanya sa performances. Dati talaga naiinis ako sa mga ganun pero ngayon I learned na how to manage it. Noon kasi maski sa mga kaibigan ko nagagalit ako. Ngayon na-realize ko na 'di yun tama, so ayun, natuto akong umintindi.
Okay, moving on. It's Friday and uuwi na kami ng Bulacan. May sarili siyang kotse at sumasabay ako sa kanya pauwi. Taga-Marilao siya, samantalang taga-Malolos naman ako. Taking a UV straight to Malolos would just take less than an hour from Quezon City, pero I always chose to join him sa byahe dahil gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal kahit na ba minsan 3 hours ang byahe ko pauwi. Habang nagpapa-gas siya, I decided to buy something to eat mula sa shop na malapit sa gasolinahan. Dadaanan niya na lang raw ako. Bumili ako ng ice cream at saka juice. Less than 3 minutes lang ata ako naghintay sa kanya. Pagkasakay ko, hindi ko maisara yung seatbelt ko using right hand. BOBO KO KASI DI KO NILIPAT YUNG HAWAK KO SA KANAN KONG KAMAY DI BA. Pero alam niyo yung mala-kdrama na pagsasara ka ng seatbelt ganern. Ayun yung nangyari. "Ako na nga," sabi niya nung nakita niya na hindi ko maisara. Syempre, kilig si ategurl niyo. Nakangiti lang ako buong byahe. Pumapalakpak fallopian tubes ko. Pag-uwi ko biglang nagkaroon ako kahit dapat sa 20th pa ako magkakadalaw. NAKAKALOKA.
0 notes
Text
Crush Chronicles #1
2020 na. It has been almost 4 years nang nagka-crush ako. Mahirap man paniwalaan, sa araw na ‘to, na-realize ko na crush ko pa rin pala siya.
Na-meet ko siya 2015. We joined the same org sa college, passed, and are still members until now. Turns out, magka-batch pala kami sa college and pareho kaming taga-Bulacan.
Paano ko na-realize na crush ko siya? Noong na-meet ko siya nung 2015, hindi naman ako masyadong na-hook, pero nung nag-2016, parang biglang ‘uy!’ type ko na pala siya. We’re both performers--singers to be exact. One time, late ako nakarating sa calltime para sa isang performance, and someone said sa kanya na “Uy, andyan na siya oh? Masaya na siya!” nung dumating ako. Man, I was 17 that time. Syempre, iisipin ko na baka crush niya ako. Edi heto naman ako, pinatulan yung feelings ko. I took my first selfie with him December 2016 after a performance sa Pasay. He looked very happy in the photo, so akala ko crush niya nga ako. It became a hobby for me na makipag-selfie sa kanya.
Siguro napansin ng iba naming orgmates na ang dalas ko magpa-picture kaya nalaman nila na crush ko siya. ‘E hindi ko rin naman kasi itinanggi. Gaga ‘di ba? I even announced to everyone na crush ko siya. Akala ko okay lang yun. Akala ko hindi big deal. Hindi pala. Konting lapit ko lang sa kanya, may malisya sa mga tao. Naging awkward. Lagi akong tinutukso nuon everytime na lalapit ako sa kanya, which is ayoko. May mga tao rin na feel ko ayaw nila sa akin para sa kanya. 2018 na nun nang na-realize ko na kailangan kong umiwas para hindi lumala yung pagiging awkward namin sa isa’t isa. It became difficult for me na lumapit sa kanya whenever kasama namin orgmates namin. Kaya ko lang siya i-approach kapag kami lang dalawa magkasama. Kapag umuuwi kasi ako ng probinsya every Friday, sumasabay ako sa kanya. Kahit na mas mahaba yung byahe ko kapag sumasabay ako sa kanya pauwi.
Summer ng 2018 umalis kami ng bansa to compete internationally. 3 months kaming nasa Europe, and I never thought na that would be the worst 3 months for me. I cried for a boy for the first time. Nalaman kong hindi pala ako yung crush niya. At ang mas nakakagulat pa, hindi tulad ko yung gusto niya. Ayokong paniwalaan nung una, pero turns out, hindi niya pala ako magugustuhan kasi ibang-iba sa akin yung type niya. We were on our way to Rome nung narinig ko yung about sa crush niya. Para akong nadurog. More than thrice nangyari na nanaginip ako na naging kami. More than thrice bumangon ako nang umiiyak dahil alam kong hindi mangyayari yung panaginip ko. I was 18 when I experienced my first heartbreak.
Nagsimula na akong umiwas. Ayoko ma-disappooint. Ang dalas kasing mangyari na nage-expect ako from him ng return pero madi-disappoint lang ako kapag hindi niya ginawa yung ine-expect ko. So I decided na ‘wag nalang lumapit. Feeling ko dito nag-start yung pagiging sensitive ko. Madali akong maka-feel kapag ayaw sa akin ng mga tao. This is the point where I started feeling unwanted and useless.
Nang makabalik na kami ng Pilipinas, pinipilit kong hindi pa rin siya pansinin. Kapag nagjo-joke yung mga tao na crush ko siya, dine-deny ko na siya. “Hindi pa ba tayo over diyan?” ang lagi kong sinasabi kapag may nagjo-joke about sa amin. Sa totoo lang, sinuspress ko lang yung feelings ko para ‘di na ako ma-disappoint. Ayoko na laging ako yung nagi-initiate. Napagod ako. I feel hated ng mga taong close sa kanya kasi feeling ko ayaw nila sa akin. I learned how to act cool about it hanggang sa nagkaroon ako ng bagong crush nung 2019. He’s 7 years older than me. Nang nag-compete ulit kami for a month nung 2019, naging focused ako sa bago kong crush and I completely ignored him. Kaso, nadurog nanaman ako. Na-sibling-zoned ako ng bago kong crush. During the month of 2019 tour, nagkaroon siya ng ka-MU. Ang masakit pa dun, sa akin siya nagke-kwento. Akala ko o-okay na ako. Lalo lang pala ako nasaktan. Nag-worsen yung migraine attacks ko. Konting inis at selos lang, inaatake ako ng migraine ko. I promised myself na pagbalik ko ng Pilipinas, tatapusin ko na lahat ng nararamdaman ko. At ginawa ko yun. Time healed me, and I finally moved on sa bago kong crush.
Akala ko lang over na. Kaya pala ako naka-move-on para bumalik sa dati kong crush. Ngayon, mas gusto ko na siya. Mas close na kami. Hindi na kami awkward at mas madali ko na siyang nakakausap. Hay nako. Ano na kaya mangyayari sa akin? Tuloy ko pa ba ‘to?
PS: Sobrang summarized nito AHAH ang dami na kasing nangyari form 2016-2019. Bakit ba kasi ngayon lang ako nag-decide na i-blog ‘to? Allthough baka wala naman kayong pake, itutuloy ko ‘to hanggang sure na ako na over na ang lahat. Bye!
1 note
·
View note