#bigong
Explore tagged Tumblr posts
aldenta · 1 year ago
Text
Lyla
Paalam, sapagkat lilisan na ako
At ipauubaya ang ginawa kong mundo
Aking pag-ibig na tapat at seryoso
Labis na ipinaglaban ngunit nabigo
At sa huling oras na magmamahal sayo
Maari bang ipagtapat ang totoo?
May mga pagkakataon ba na naisaisip
Ang unang pagkabighani sa panaginip
Hiwagang di ko pa rin mapagtanto
Aralin man ay di maalis ang pagkalito
Lyla, bakit nga ba kita sinisinta?
Ikaw ay hindi ko masyado pang kilala
Ngunit sa bawat sandali laging natutulala
Ginoo'y nahulog sa natatanging hiyas ng Tsina
Abalahin may ikaw ang nais makapiling sa t'wina
Tala sa langit'y talo ng 'yong mga mata
Ako ay nagbalik loob at muling naging makata
Na naglalayong makasama ang isang diwata
Papawiri'y matiwasay sa halimuyak na taglay
O' Lyla, buhay ko ay binigyan mo ng kulay
Ang gabi at araw ay di na mahalaga
Naroroo't ang tadhana na ang nagtalaga
Gustuhin man o hindi, ako'y iyong alipin
Ibibigay lahat upang mga pangarap ay maangkin
Yelo ay di makakapigil, sa lamig di ito masusupil
Oo, kailan may sayo hindi magtataksil
Nawa'y sa pagpikit muli mo akong maalala
Gaya ng isang magandang alaala
Sa nalalabing mga titik nitong tula
Ako na ang kusang loob na mawawala
Responsibilidad bilang siyang nagmahal
Ito ay ang paalam ng isang martyr at hangal
Lyla, sana ay sa paglisan ko'y iyong masilayan
Isang pag-ibig na para sakin 'di naramdaman
Lumaban at sinubukan pero 'di nagwagi
Yayabong ang kalungkutan, 'di magpupunyagi
Lilikha ng daan tungo sa paghihilom ng sugat
Alagaan ang sarili, paalam mula sa bigong manunulat
0 notes
loverottingshit · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Masaya maging bata, masayang walang alam.
At sa bawat paghinga ko, sinisisi ko ang mga tala sa kaibturan. Bakit hindi kita nakilala nang mas maaga? Kung kailan batang bata ang puso’t handang magmahal nang buo, walang dipirensya at mangmang tungkol sa mundo. Makasarili’t handang sumugal kahit na walang alam tungkol sa pagmamahal. Minsan nang nanatili sa kalooban kong mas maigi nga talagang walang alam. Dahil sa kawalan ng kaalaman tungkol sa mundo, nagagawa nating mangarap kahit na hindi iniisip anong mga bagay ang nakataya sa linya upang maabot ang mga nais nating gawin— masaya maging mangmang. Kung nakilala sana kita nang mas maaga, hindi mo na kailangang maranasan ang mga parte kong binugbog lalo ng mga taong minahal ko sa nakaraan at tinapon lang ang pusong inalay ko pabalik sa aking tadyang. Kung nakilala sana kita nang mas maaga, hindi mo na kailangang makita ang sugatan kong pagkatao buhat ng pag-intindi sa iba at pagdanas ng pag-intindi mula sa ‘yo— hindi sana ako naging sentimental dahil dito, hindi sana ako parang batang kulang sa aruga, lalong hindi sana ako kinakabahan palagi kapag nagbabago ang tono mo. Hindi mo sana naranasan ang bersyon kong produkto ng bigong pag-ibig. Nakita mo sana kung gaano ako kabigat magmahal, mas mabigat pa sa pagsulat ng prosa araw-araw. Nagmahal akong naghihintay buong araw para sa katiting na reply, nagmahal akong sumagot sa takdang-aralin sa matematika, nagmahal akong nagpapaload para makapagreply, nagmahal akong nagpupuyat kakaisip kung anong regalo ang ibibigay.
Tumblr media
Alam ko sapat na ang bersyon ko ngayon para sa ‘yo, ngunit ‘di ko maiwasang isipin na sana nakilala kita nang mas maaga— dahil alam kong kaya kong higitan ang taong nagmamahal sa ‘yo ngayon. Gayonpaman, alam ko ring hindi magbabago ang katotohanang isa akong batang sinunog mula pagkapanganak, isa akong taong nagdudugo hanggang sa paglaki. Siguro nga’y habambuhay na akong hindi magiging kumpleto. Gan’on man ang sitwasyon, nakikiusap ako sa ‘yong kuhanin lahat ng natira sa akin.
Hindi man ako buo, sa ‘yong sa ‘yo naman ang lahat ng mayroon ako.
0 notes
upismediacenter · 1 year ago
Text
LITERARY: ikaw ang aking bayan
Tumblr media
"sabi naman nila na magmahal ng bayan, di nila sinabi kung anong bayan."
iyan ang sabi mo ilang linggo na ang nakararaan.
ika nga ni Bonifacio, ikaw ang aking bayan.
hinayaan kitang maghanda sa paglisan. kailangan mo ba talaga akong iwan?
tayo ay nagharap— huling pag-uusap. kahit may paglingap, ika’y nangangarap.
sabi mo'y lilipad tayo nang magkasama, pero salipadpad ng pakpak mo'y nauna. ang humiwalay sa atin ay paliparan, pinaglayo maging ng bigong kapalaran.
labis na nanabik, ninais bumalik. sa hangin humalik— awit na walang titik.
ilang buwan ng pawang katahimikan. gabing malamig sa malayong kanluran— sabik sa init na hindi maramdaman. bakit biglang napugnaw ang aking bayan?
ating kinalakihan— naging nakasanayan. apoy ng pagmamahalan, abo ang kinasadlakan.
mula himpapawid, ika'y lumapag— walang sumalubong matapos ang layag. mga mata kong dati mong nabihag, hindi na naabutan ng iyong sinag.
1 note · View note
angmanunulat · 2 years ago
Text
Stardust ✨— [93]
Sa gitna ng pagmamaneho ni Seungcheol sa lugar na malapit sa Taft Avenue at DLSU campus ay patuloy na tumutunog ang cellphone niya na nasa bulsa. He immediately took it out and handed it to Dk who's seating on the shotgun's seat.
Nagtatakang tinanggap ni Dk ang cellphone ng kaibigan habang naghihintay na magsalita ito.
"Can you check who's texting me, Dk?"
Hindi na nagsalita si Dk at ginawa na 'lang agad ang pakiusap ng kaibigan. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita.
"Sabi ni Yi slash Cali, may bagong tweet raw si Rei. Should I check it, Cheol?"
Hindi nagdalawang-isip na tumango ang nasa driver's seat.
Instead of opening the blue app on Cheol's phone, Dk took out his phone to check Rei's tweet from his own account.
"It's a picture, Cheol. Kamay ata ni Reilee na may hawak na, ano 'to? Alitaptap?" Dk showed the picture to Cheol who immediately took a glance at it.
Agad na tinigil ni Cheol ang kotse sa tabi ng coffee shop, para 'lang mas makita ang larawan.
"FUCK! I knew it!" Bulalas nito. "This is all about Caden again!"
Napakunot-noo si Dk na nalilito. He doesn't understand what Cheol was trying to say, even Reilee's tweet is so unclear to him.
"Yang.... at Alitaptap?"
"Yang is what she calls Caden. It's from a Ying-Yang Chinese Philosophy. At iyong alitaptap, it's symbolizing the soul of our departed loved ones; Reilee and Caden believe in such things."
Dk was a bit shocked and amazed at the connection that Reilee and her boyfriend have. He knew Caden on the court that's why he couldn't imagine he would believe in such a folktale.
Ying........ Yang.......Fireflies.
No one could imagine how deep the love between the young couple was.
Kaya siguro ganito na lamang sila kahirap na hanapin ang nawawalang si Reilee.
Because no one can understand Reilee better than Caden.
"Is there a location on her tweet?" Dk suddenly asked.
Bigong umiling-iling si Cheol na walang ibang nagawa kundi ang tumulala at paulit-ulit na magmura sa isipan.
Where the fuck is this place?
Where the fuck do fireflies roam in Manila?
0 notes
myskyring · 4 years ago
Photo
Tumblr media
ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ
ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ
ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ......ㅋㅋㅋ
9 notes · View notes
siriusmusicartvision-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Vi ricordiamo gli appuntamenti Live di Aprile... #Sirius #Revenge #live #festival #contest #Napoli #sanremorockfestival #prato #bigonge #officinagambrinus #atena #lucana #follow
1 note · View note
yellowhippo · 4 years ago
Text
April 24
Parati nalang nauuwi sa bigong pangako. Paano nalang ang pagusad sa kabilang dako? Mga salitang binigkas sa kahapon aking ikinulong sa munting garapon. Itinabi sa gilid at nagkunwaring babalikan. Ngunit lumubog na lamang ang araw at ito'y napagiwanan.
12:47-12:50am
2 notes · View notes
joyceebels · 4 years ago
Text
Tumblr media
Last Sunday (March 20, 2021) nagsimba ako sa pinakamalapit na parokya samin..
Kasi:
1. Walang internet sa bahay, na pede akong manood ng live
2. Wala akong perang dala.. ahahaha
3. Dahil gusto kong makareceive ng presence NYA
4. Gusto kong lubos pa SYAng makilala at maintindihan, at makasama kahit 1hr lang..
-----
Ayun.. hindi naman ako bigong makilala sya dahil si father nag iwan ng katanungan sa bawat isa samin..
Gaano mo ba SYA kakilala?
Gaano ba kalalim ang pananampalataya mo sa KANYA?
Kilala mo ba SIYA?
Saan at pano mo SIYA nakita/nakilala
Hanggang saan ang paniniwala mong meron DIYOS na magliligtas sa mga kasalanan mo?
---
Sabi ni father eto na daw yung pagkakataon mo para lubos mo sya makilala, lubos mong maintindihan yung mga nangyari sa kanya..
Ngayon darating na mahal na araw.. maglaan ka ng oras para makilala at makita mo na meron DIYOS..
Na palaging andyan para satin.. umulan man ng swerte, bumaha man ng problema, gumuho ka man sa lungkot at wasakin ka man ng pagkakataon..
palagi mo tatandaan na magdasal, at wag kakalimutang tawagin sya kasi papakinggan ka nyan at hindi pababayaan..
1 note · View note
marquezsheryl431 · 4 years ago
Text
Kabataan ba ang pag-asa ng bayan?
           Kabataan ang siyang pag-asa ng bayan, yan ang madalas kung marining mula sa magulang ko kaya kailangan ko daw magpakatino habang lumalaki dahil isa ako sa kanilang aasahan at tutupad sa mga pangarap nila. Kung ako ay makakatapos magiging pag-asa nga naman ako ng aming sambahayan at siyempre makakatulong sa ekonomiya. Sa paaralan madalas panghikayat sa amin ng aming mga guro na mag-aral ng mabuti dahil nga daw kaming mga kabataan ang siyang pag-asa ng bayan. Kailangan daw lumaki kaming maayos at may mabubuting gawa o modelo na dapat tularan upang ang gagaya sa amin magiging matagumpay at pag-asa ng bayan. Tama nga naman sila, bilang kabataan malaki ang pasan na nakapatong sa aming balikat dahil sabi nga nila kami ang pag-asa ng bayan!
              Pero ako ay isang bigo at hindi na magiging pag-asa ng bayan, dahil sa hindi maayos ang pamilya namin nawalan na ako ng pag-asa. Ang tanging hangad ko lang ay lumayo sa pamilya, iwan ang responsibilidad at mamuhay ng may totoong saya na hindi ko madalas maramdaman kapag umuuwi ako ng aming tahanan. Paano pa nga ba magiging pag-asa ng bayan ang isang kabataang hindi naman nahubog ng tama at maagang nag asawa at nagkaanak. Ibig bang sabihin dahil bigo ay hindi na maaasahan at hindi na magiging pag-asa ng bayan?
             Sa patuloy na pakikipagsapalaran ko sa aking buhay marami akong natutunan at maraming mga maling paniniwala ang unti unting luminaw sa aking isipan. Hindi ang kabataan ang pag-asa ng bayan! Maaaring madami ang mag rereak, mga bulong-bulong, at huhusga sa akin. Kung ba tatanungin ang kabataan sasagot ba sila ng oo kung ito ang sabihin natin sa kanila? Oo ito ay magandang motibasyon para mas lalo silang magpakaige sa buhay. Pero sa estado nila ito ay isang mabigat na pasan na magkokontrol sa kanilang laya hindi naman sundin ang layaw kundi mamuhay ng normal na walang iaasa sa kanila na pag hindi nagtagumpay ay matatawag na silang walang kuwentang anak o kabataan na hindi na maasahan ng bayan!
               Sa bawat pagsubok na aking napagdaan, mga kabiguan at katagumpayan. Nagising ako sa katotohanang ang kabataan ay hindi pag-asa ng bayan kundi lahat ay maaaring maging pag-asa ng bayan at lahat ay may maiaambag sa ikabubuti ng imahe ng bansa at ikaaangat ng isang bansa. Kabataan lang ba? Maski mga magulang ay pag-asa ng bayan, maski mga matatanda, at pati mga bata. Ibig sabihin hindi lang ang mga anak ang maaaring asahan at dapat magpakatino. Kung matino ang magulang sigurado na ang anak ay lalaking maayos. Kaya hindi natin ipipilit sa isang kabataan na siya ang pag-asa ng bayan kung kagaya ko na hindi naman maayos ang pagpapalaki at ang lugar na kinabibilangan na ang nasasaksihan ay sugal, alak, bisyo, nag-aaway awayang magulang sa anak at magkakamag-anak. Maaasahan ba ang isang kabataan kung tayong mga nakapalibot sa kanya at sinusundan niya ng yapak ay bulok sa lipunan?
                Tayong lahat ang pag-asa ng bayan hindi lamang silang kabataan. Magiging tunay na pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung tayo ay aambag ng mabuting halimbawa sa kanila at maganda ang matutularan sa atin. Ako ay bigong kabataan na hindi pag-asa ng bayan iyon ang sabi nila at turing sa akin dahil sa aking pagkakamali, oo napakasakit pero tanong ko ngaun sa kanila bilang isang magulang ngayon, wala ba akong kakayahang umambag sa ikauunlad ng aking bayan? Bilang isang ina ngayon, marami mang pagsubok o hadlang gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ang aking anak ay maging pag-asa ng bayan sa pamamagitan ng magagandang halimbawa ko. Ako ay nag-aaral ngaun ng kolehiyo kahit may edad na at wala na sa kalendaryo bilang magandang halimbawa sa mga kabataan at sa aking anak kung gaano kahalaga ang edukasyon at tagumpay ng may matupad na pangarap. Kaya kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan? Oo kabataan ang pag-asa ng bayan kasama tayong aagapay sa kanila. Kaya oo kabataan ang pag-asa ng bayan kasama tayong lahat, dahil bawat isa may maiaambag sa pagbabago at ikabubuti ng ating bayan. Kaya tayong lahat ang kikilos hindi lang kabataan, kikilos tayo at hindi mag hihintay ng utos mula sa may kapangyarihan. Kung gusto mo ng pagbabago umpisahan mo sa sarili mo. Kikilos tayo ngaun at hindi bukas o saka na ng may iisang hangarin at may pagkakaisa tungo sa ikauunlad ng ating bayan.
1 note · View note
phgq · 5 years ago
Text
Higit 160 katao sa Tuguegarao City boluntaryong nagbalik ng SAP subsidy
#PHinfo: Higit 160 katao sa Tuguegarao City boluntaryong nagbalik ng SAP subsidy
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, May 5 (PIA)  - - - Umaabot na sa 164 ang bilang ng mga nagbalik ng natanggap nilang subsidiya mula sa Social Amelioration Program (SAP) dito sa Lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Myrna Te ng City Social Welfare and Development Office ng Tuguegarao, ang nabanggit na bilang ay mga boluntaryong nagsaoli ng natanggap na SAP matapos mapag-alamang hindi sila dapat kabilang sa mga benepisyaryo.
Kasama na rin sa nabanggit na bilang ang mga nadoble ang tinanggap na amelioration.
Samantala, 360 na benepisyaryo ang bigong makuha ang kanilang ayuda dito sa lungsod ayon pa kay Te.
Aniya, sa 360 na hindi natanggap ang ayuda sa araw ng distribusyon sa kanilang barangay, ilan sa kanila ay wala mismo noong araw ng distribusyon at ang iba naman ay walang paliwanag kung bakit hindi dumating sa araw ng distribusyon.
Sa kabuuan, 25, 605 target beneficiaries ang inilaan para sa 49 na barangay dito sa Lungsod ng Tuguegarao base na rin sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (MDCT with reprort from Dina Villacampa of DWPE Radyo Pilipinas/PIA-2)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Higit 160 katao sa Tuguegarao City boluntaryong nagbalik ng SAP subsidy." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1041058 (accessed May 05, 2020 at 08:13PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Higit 160 katao sa Tuguegarao City boluntaryong nagbalik ng SAP subsidy." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1041058 (archived).
6 notes · View notes
crestfallen0-0 · 4 years ago
Text
Pasensya na hindi likas sa akin ang salitang patawad. Pero oo kabisado ko ang mga bubog, ang bawat tinik, bawat bakas at basag na piraso kong iniwan nilang nakakalat sa lahat ng espasyo ng pusong inilalaban mo ngayon. Ako ang tahanan ng bigong digmaan pero hindi ko hahayaang talunan ang itawag sa kwento nating dalawa.
Oo, hindi banayad ang mga alon.
Patawad, hinayaan kong sirain ang dagat, patayin ang alab ng nakalipas na digmaan.
Patawad, kailangan mong kabisaduhin ang bawat sugat dito sa espasyong pilit mong nilalakaran. Duguan na ang yong mga paa. Sugatan ang iyong katawan sa higpit ng yakap at gapos ng mga kamay mo sa bawat tinik na nakapalibot sa kanya.
Hindi ka pamilyar sa pagsuko. Hindi mo kabisado ang pagtaas ng puting bandila. Hindi mo nililimot ang sumpa mo sa buwan kahit gabi gabing malabo ang kalangitan dala ng bawat hikbi at bigat ng gabi.
Hindi ka bingi sa mga lihim niyang bulong. Alam mong ang bawat pagtaboy ay panawagan sa mas mahigpit na kapit. Na ang bawat pagsuko ay dasal sa patuloy na paglaban. Kilala mo ang buwan... sa kanyang mga mata.
Patawad sa bawat pagsuko.
Patawad sa bawat sugat, sa bawat luhang idinulot, sa bawat matatalim na salita.
Patawad ngunit hindi ko isusuko ang digmaan ito, isang labang pareho nating pinili. Kabisado man natin ang sakit pero hindi tayo pamilyar sa paglayo
Sa unting unting pagguho ay mulit muli nating bubuuhin ang bawat piraso. Hindi tayo bigo sa pagkakataong ito sapagkat sa paulit ulit nating pagkatalo uulit ulitin natin ang simula dahil hindi natin kilala ang salitang dulo. Patuloy nating isusulat ang kwento, hindi mauubusan ng letra at mga salita, maging ang katahimikan ay ituturing nating tahanan. Tayo ang digmaang ito, dito ang sandata at lakas ay ikaw at ako
1 note · View note
wmab · 5 years ago
Text
PARANG BIGONG PANGAKO
Para kang bigong pangako.
Nangliligalig ng isip
kung saan ba
nagkamali—nanunuri
kung wala bang nagawang mabuti.
Para kang bigong pangako.
Binibigkas palagi
na parang panata
ng nanay ko
sa tuwing makikitang
wala akong ginagawa.
Para kang bigong pangako
na lumalantad
kung kailan
nagdaan na ang lahat.
Parang nanunuot
na luha sa unan.
Nireserbang kutsilyo
para may maikatwiran.
Natuyong pawis
sa likuran—masakit sa dibdib.
Para kang bigong pangako.
Nalilimot kung kailan
lubhang kailangan,
Inaalala kung
may di sadyang nalimutan.
Para kang bigong pangako.
Ibinibigay nang tapos
pero hindi naidaraos,
babawiing lihim kapag
hindi na nakatingin,
lalo kung
hindi na naaalala.
Para kang bigong pangako,
nagbibigay liwanag
sa hindi
at sa karapat-dapat.
Para kang bigong pangako.
Nagbabarak na tinta
sa mga dahon
ng kwaderno.
Nangungunyapit na dahon
pagkatapos mahulog
nang hindi kumapit
nang maigi sa puno.
Para kang bigong pangako.
Lumuluha na lang
sa dismaya
imbis na kumikilos
o di man kaya ay tumatayo.
.
.
.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
Tumblr media
3 notes · View notes
markhersonhuelgas · 5 years ago
Text
Hindi Para Sa Lahat
"HINDI PARA SA LAHAT"
Ang pagbabasa ay hindi para sa lahat
Mayroong sa pag-intindi ay salat
Mga letra at salita'y di nagtutugma
Mensaheng naiiwan lang sa dila
Ang pagsusulat ay hindi para sa lahat
Mayroong sa konteksto ay di sapat
Mga damdaming hindi na nakatawid
Layuning inanod sa himpapawid
Ang pagsayaw ay hindi para sa lahat
Mayroong mga paa'y di maglapat
Mga pasa sa bawa't maling apak
Ritmong 'di sumasabay sa palakpak
Ang pagkanta ay hindi para sa lahat
Mayroong lalamunang laging malat
Mga tinig na naglalaho sa paligid
Lirikang patungkol sa bigong pag-ibig
Ang pag-ibig ay hindi para sa lahat
Mayroong sumuko bago magtapat
Mga pangakong tila dinala ng alon
Pusong nilamon ng pait ng kahapon
Hindi para sa lahat ang nakikita ng
lahat
Hindi natutupad ang lahat ng mga
pangarap
Hindi nabubuo ang ibang pangako
Hindi para sa lahat, yan ang aral
ng mundo na sa akin ay tinuro
7 notes · View notes
tangaytv · 5 years ago
Video
youtube
Pinakamahal Na Sea Cucumber Nakuha Ng Mga Tangay
0 notes
lostvirtuoso · 6 years ago
Text
Tumblr media
Walang Dulo ang Simula
Umiilaw ngayon ang langit.
May talim sa bawat dulo ng kidlat.
Tuloy lang sa pagdampi ang hangin,
Ngunit walang pumapatak na ulan.
Masama ang panahon.
Magiging masama ang panahon, sabi mo.
Walang liwanag ang mga tala.
Wala na rin 'yung pagiging kalahati ng buwan.
May musika ang pinaghalong kulog
At tunog ng nagdaraang sasakyan.
Mag-isa kang nakaupo sa tapat ng poste
Habang nalalanghap ang amoy ng sigarilyo.
Nabigo ka nanaman.
Bigong buuin ang araw nang masaya
Sa bawat segundo ng kasiyaha'y,
Sanlibong oras ang kalungkutan.
Langit.
Panahon.
Musika.
Kabiguan.
Walang balangkas ang tula.
Wala rin patutunguhan ang mga salita.
Ang tanging alam mo lang
Ay ang maging -
15 notes · View notes
myskyring · 4 years ago
Photo
Tumblr media
감기 걸린 것 같다.
으실으실함.
8 notes · View notes