#bigas pilipinas
Explore tagged Tumblr posts
Text
LOOK: Multisectoral groups marched along Commonwealth Avenue earlier today as President Ferdinand Marcos Jr. delivered his third State of the Nation Address (SONA) at the Batasang Pambansa to assail his failed promise of a Bagong Pilipinas [trans. New Philippines]. For the groups, Marcos’s Bagong Pilipinas is a grand sham. Amid promises of better living conditions, 46 percent of Filipinos rated their families as food poor—the highest since 2008—according to the latest survey of Social Weather Stations. “[H]inaharap [ng ating mga kababayan] ang realidad na mataas ang presyo ng mga bilihin, lalo na ng pagkain—lalo’t higit, ng bigas,” said Marcos in his speech earlier, affirming bleak realities on the ground. On top of a cost of living crisis are poverty wages that fail to meet the family living wage of P1,190, as estimated by economic think tank IBON Foundation, the P35 wage hike in the National Capital Region (NCR) enacted last week was dismissed as an “insult to minimum wage workers” by Leticia Castillo of human rights alliance Defend NCR. Such wage hike is far from the P150 raise being lobbied in Congress by labor groups under the National Wage Coalition. Castillo also decried the persistence of red-tagging and vilification of activists perpetrated by the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. From July 2022 to June 2024, 3,419,044 cases of threat, harassment, and intimidation were recorded by human rights group Karapatan. The number of political prisoners also climbed to 755 as of last month. These human rights violations run contrary to Marcos’s establishment of a Special Committee on Human Rights, which was labeled “toothless” by Human Rights Watch. Marcos’s claim of a bloodless drug war is also inconsistent with the 359 drug-related killings—34.3 percent of which were committed by state agents—recorded during his second year in office by research project Dahas. Moreover, despite claims of an independent foreign policy, the Philippines under Marcos remains dependent on the US and its unequal treaties, said Liza Maza of MAKABAYAN. Last year, Marcos announced the creation of four new US military bases in the country under the Enhanced Defense Cooperation Agreement with the US. Such treaties with the US have been criticized for intensifying tensions with China and the broader Indo-Pacific region. Clarice Palce of Gabriela and Ronnel Arambulo of Pamalakaya raised their worries of the Philippines being dragged into a stand off between two global superpowers which will only worsen the poor living conditions of Filipinos. The program ended with a symbolic destruction of the effigies of Marcos and Vice President Sara Duterte. The broken UniTeam will be challenged by the Makabayan Coalition which will field a complete senatorial slate including ACT Teachers Party-list Representative France Castro and Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas in the 2025 midterm elections. Photos by AJ Dela Cruz, Marcus Azcarraga, Audrey Sanchez, and Sarah Gates
-- Philippine Collegian, 22 Jul 2024 9:45pm PHT
30 notes
·
View notes
Text
Bagong Pilipinas, benteng bigas. Charot.
4 notes
·
View notes
Text
May 5
Day 5 of this Galaw Pilipinas shenanigans and I'm thankful that I still have energy left. I'm quite surprised that I still have the drive to finish the week!
Mejo nakakaramdam pa din ako ng sudden blurriness of thoughts or confusion kung anong susunod kong gagawin but then yung mga activities na matic na sa akin eh pag na mental block ako, yun muna ang inuuna ko and so far effective naman. For example, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa school, so gagawin ko muna magpunas ng table ko.
Matutulog na productive ang araw!!!!
Dapat talaga inaagahan yung pagbigay ng vitamins kay freyja sa hapon eh.
Tama lang na kahit pagod eh pinilit kong kumilos paguwi sa bahay apra makapaglinis-luto at pagdating ng hapon eh nakapagpahinga naman din.
Nagalit sa miswa kanina dahil nagugutom na at wala nang bigas 🤣 hindi ko na uuliting lagyan ngaraming miswa yung luto ko baba naging pansit eh. Bukas sinangag and siomai for breakfast naman.
Hayy!!! Nasa school pa bukas.
Freyja kaninang hapon?: 🍊 - appohh! Aweyns! Appoh! 🤣
5 notes
·
View notes
Text
Bakit ba mahalagang maki-chismis at makialam, lalo na sa ‘Pinas?
Well, here's the short answer: mahalagang tsumismis kasi may “paki” at “alam” sa pakikialam. At may pakinabang sa pakikialam, lalo na kung likas tayong tsismoso na gustong malaman ang lahat. Wala namang masama roon, tbh. Lalo na kung productive na pakiki-tsika ang ginagawa natin–kung saan eh, gusto nating matalunton ang ugat ng mga sabi-sabi ng iba.
Halimbawa, sobrang tamis ba talaga ng milktea ng <redacted>? O kaya, overrated ba talaga ang sisig sa <redacted>. Marami pang iba, aba. Lumiit na ba talaga ang itlog sa Star grocery? Totoo bang pamahal nang pamahal ang student meals sa Elbi at kinse pesos na ang isang order ng kanin na dati ay sampung piso lang???
Pwede rin kasi nitong masagot ang mga “bakit” na tanong. Bakit ba ang mahal ng mga isda at karne sa karinderya kahit na ang liit naman ng servings nila? Bakit nagmamahal na ang lahat at ikaw na lang ang di minamahal? Bakit ang tagal bago natin naranasan ang taglamig nitong Disyembre pero ‘yung roommate ko kayakap na sa dorm ang bebe niya? Eme.
Pero maniwala man kayo sa hindi, konektado ang mga tanong na ito sa mga kasalukuyang isyu natin sa agriculture and environment–surprise, surprise!
Sa ‘Mga Kwentong Luntian’ ng DDJ Seminar Series ng College of Development Communication sa UPLB, lalo kong na-realize na pwedeng-pwede namang maging produktibo ang pakiki-tsismisan. (Sabi nga nila, natural na raw sa mga devcom students na maging tsismosa. Chz.)
May dalawang bahagi ‘yung seminar. ‘Yung una ay tungkol sa agricultural journalism, at ‘yung ikalawa naman eh tungkol sa climate and environment reporting. Parehas ko silang idadaldal, pero, du'n muna tayo dumako sa agrikultura.
“Ang argricultural journalism ay masinsinang paglalahad ng kapaki-pakinabang na impormasyong makatutulong sa mambabasa kung siya ba ay bibili ng baboy o hindi,” - Arcalas, 2023
Naikuwento ni Sir Jasper Arcalas, isang reporter sa food agriculture ‘yung kaniyang proseso sa paggawa ng mga istorya. Gamer siya dati na mahilig kumain ng junk food at uminom ng coke. At kumukuha siya ng materyal sa mga bagay na kinakain niya. Sabi niya, palagi nating nao-overlook sa reportage at bilang sektor na rin ang agriculture. Ngayon tuloy, patuloy pa na lumalaki ang mga issue natin sa agrikultura dahil hindi ito gaanong nabibigyang-pansin. May mga literal na mga taong namamatay sa gutom sa Pilipinas, habang nananatiling hindi pa rin bente pesos ang isang kilo ng bigas.
Anyway, Coke. A few years ago, nawala ang Coke sa lahat ng establishmento. Sa pagkabuwisit ni Sir Jasper, nag-imbestiga siya at nalaman niya na mayroon daw pala kasing shortage sa asukal nu'ng panahon na iyon--at ni-report niya iyon sa Business Mirror na kaniyang pinagtatrabahuan.
Alam natin na lahat ng mga bagay na kino-consume natin ay konektado rin sa lahat ng bagay sa mundo dahil nasa iisa lang tayong sistema. Pero alam din natin na hindi lahat, may pakialam o may oras para makialam sa mga ganito. Kung busy tayo sa pagkayod araw-araw para may makain tayo at isang kahog, isang tuka ang lagay natin, magkakaroon pa ba tayo ng pake sa mga bagay na wala naman tayong direktang kontrol? Di ko sure. Pero mapag-iiwanan tayo kapag wala tayong alam. Dahil may karapatan tayong makialam, at dapat tayong makialam bilang mga Pilipino na parang laging pinagtitripan ng nakakabadtrip na sistema.
Sabi nga ni Sir Jasper:
“We do not have a monopoly in knowledge. Journalism and learning is a lifelong journey.”
Kahit na ordinaryo lang naman tayong citizens, pwede tayong makialam. Pwede pa nga tayong maging citizen journalists--dahil sa pagbabahagi ng impormasyon--ng malaman at tamang impormasyon tayo uunlad.
Ang pag-uulat daw sa agricultural journalism ay masinsinan. Sabi niya, role daw ng journalists na intindihin ang mga kumplikadong issue para “mapaintindi sa publiko kung bakit nagmamahal lahat.”
Masyado raw kasing maliit ang mundo. Apektado tayo sa bawat malalaking desisyon na nagti-trickle down sa pang-araw-araw nating buhay at mga kinakain. Isa na lang na halimbawa sa norte, hindi gaanong napangangalagaan ang mga magsasaka natin. Puro kasi tayo pagi-import dahil “mas mura”. Nitong nakaraan lang, napakarami nilang kamatis na ibinasura na lang. Isipin mo, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, lalo na ‘yung mga kinakain natin--pero may mga gano'n pa rin na pangyayari.
Kung hindi tayo makikialam at magkukuwento ng mga karanasan natin, sino? Ayon kay Sir Jasper, mahalaga ang pagpapaliwanag ng mga issue na may kinalaman sa sikmura ng tao. Para daw kasi itong expose kapag pinagsama-sama, dahil may natututuhan ang ibang tao, at siguro, in a way, mae-encourage din sila na mag-participate sa diskurso. Mas magiging open sila sa pag-express ng kanilang hinaing--lalo na ang mga magsasaka natin na nagpapakain sa ma kumakalam nating sikmura.
May acronym na nabanggit si Sir Jasper sa NEWS. Ang ibig sabihin daw nito, Not Everyone Will Share/Storify. Kasi hindi lahat, willing o kaya na magpahayag ng mga karanasan nila. Kaya, sa tingin ko, napakahalaga na ma-encourage at masuportahan na rin natin yung sektor ng pagkain at mga magsasaka sa kanilang pagpapahayag dahil afterall, may mga boses at pananaw sila na unique sa kanilang mga karanasan na kaila sa iba.
Mahalaga raw ang PAKI. Ani Sir Jasper, Pagpupunyagi Ang Kailangang Ibigin. Kailangan nating magpunyagi, magpursigi sa pagsasalita sa mga issue na nakaaapekto sa atin. Mula raw sa mga paborito hanggang pinakaayaw nating pagkain, may mapupulot tayong kuwento.
Sa katapusan ng kaniyang talk, nabanggit na maraming istoryang nagsisimula sa simpleng obserbasyon--sa pakikialam, sa pagtatanong.
Kaya, mahalagang makipag-ugnayan sa grassroots communities. Mahalagang makipag-ugnayan sa mga sarili nating karanasan. Mahalaga rin na makita natin ang bigger picture, kung ano ang koneksyon ng ating mga karanasan sa sistemang lumalaganap sa Pilipinas.
Sabi pa nga ni Ma'am Jyas, ang agricultural journalism ay parang agrikultura--naghuhukay ka ng mga nasa lupa para malaman ang ugat nila.
0 notes
Text
POSIBLENG EPEKTO NG KAHIRAPAN
Child Labor - Isa sa maraming epekto ng kahirapan ay ang tinatawag na child labor. Ito ay ginagawa ng mga bata na kulang sa edad kung saan ay nagtatrabaho sila ng sapilitan at walang permit na maaaring makasama sa kanilang kalusugan. Itinuturing na child labor ang isang gawain kung ang mga batang nagtatrabaho ay nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang. Ang rason kung bakit sila nagtatrabaho sa kabila ng kanilang murang edad ay dahil sa kahirapan at upang kumita sila ng pera na magiging sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Kadalasang nakikita ang child labor sa mga gawaang pabrika, quarry o minahan, dagat, bar, tindahan, tambakan ng basura, at sa mismong sariling tahanan.
Krimen at Pagnanakaw - Ang krimen ay kadalasang sanhi ng matinding kagutuman na mas naghihikayat pa sa ekonomiyang dahilan katulad ng kakulangan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, at paglaki ng populasyon. Kahirapan ang pangunahing isyu na madalas ay nakaugnay sa krimen at pagnanakaw. Ang pangunahing dahilan ng pagnanakaw ay dahil sa mga paghihirap na dulot ng kahirapan ng mga tao tulad ng kakulangan ng trabaho.
Kawalan ng Kakayahang Makabili ng Pabahay - Ang kahirapan at kakulangan sa abot-kayang pabahay ay nagdudulot ng kawalan ng kakayahan ng pamilyang pilipino na makabili ng bahay. Ito ay masalimuot na katotohanan na kung saan ay ang kita ng karamihang pilipino ay hindi naaayon sa halaga ng pabahay. Kulang ang kanilang salapi at ipon para makabili nang maayos at ligtas na tirahan. Dahil dito, ang mga nasa laylayan ay naninirahan sa kalye, ilalim ng tulay, at iba pang hindi ligtas na lugar na naglalagay sa kanila sa panganib.
Malnutrisyon - Ang malnutrisyon ay isa sa mga pinaka-malubhang epekto ng kahirapan sa Pilipinas. Karamihan sa mga pilipinong nasa laylayan ay “isang kahig, isang tuka” na kung saan ay pinagkakasya lamang ang nakuhang salapi o sweldo para mahainan ng sapat na pagkain ang kanilang pamilya. Sila ay pilit na nabubuhay sa limitadong suplay ng pagkain dahil sa kakulangan ng pambili nito. Kung tutuusin, dati ay kanin ang pangunahing pinagmumulan ng nutrisyon ng mga pilipino, ngunit ngayon ay instant noodles na. Mas pinipili na ang instant noodles sa kadahilanang mas mura kahit na hindi masustansya, lalo na sa panahon ngayon na labis ang pagtaas ng presyo ng bigas. Bilang resulta, mas lumalaganap ang malnutrisyon sa Pilipinas dahil sa kahirapan.
Iba pang epekto ng kahirapan:
Kawalan ng Access sa Kultura at Pampublikong Serbisyo
Kawalan ng Pagkakapantay-pantay
Kawalan o Maliit na Posibilidad na Makapag-enrol sa Paaralan
0 notes
Text
Mga Tradisyon ng Pasko ng Pilipino at ang Modern Twist
Ang Pasko sa Pilipinas ay hindi lamang isang piyesta opisyal; ito ay isang mahusay na pagdiriwang na puno ng mga natatanging tradisyon at taos-pusong sandali. Ito ay isang oras na magkasama ang mga pamilya, ang mga komunidad ay nagpapagaan ng mga makukulay na dekorasyon, at ang diwa ng pagbibigay ay nasa hangin. Sa gitna ng mga minamahal na tradisyon na ito, mayroong isang modernong twist na maraming mga Pilipino na yumakap sa panahon ng Pasko - tinatangkilik ang mga online na laro sa kapaligiran.
Isang Tapestry ng mga Tradisyon ng Pasko
Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng isa sa pinakamahabang at pinaka maligaya na pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo. Ang kapaskuhan, na madalas na ginustong bilang "Ber buwan" dahil nagsisimula ito nang maaga noong Setyembre, ay napuno ng iba't ibang mga tradisyon na humahawak ng malalim na signal ng kultura at relihiyon.
Simbang Gabi: Ang mga Pilipino ay dumalo sa Simbang Gabi o night mass, isang serye ng siyam na novena Masses bago ang Araw ng Pasko. Panahon na para sa pagmuni-muni, debosyon, at pag-asa ng kapanganakan ni Jesus.
Parol: Makukulay na mga lantern na may hugis ng bituin, na kilala bilang parol, nagpapaliwanag ng mga bahay at kalye, na sumisimbolo sa Star ng Bethlehem. Ang mga komunidad ay nagtataglay ng mga paligsahan sa paggawa ng parol, pagdaragdag sa maligaya na kapaligiran.
Noche Buena: Ang kapistahan ng Bisperas ng Pasko, si Noche Buena, ay pinagsasama-sama ang mga pamilya para sa masayang pagkain. Ang mga tradisyonal na pinggan tulad ng lechon (roast pig), bibingka (rice cake), at puto bumbong (malagkit na bigas) ay nasisiyahan.
Aguinaldo: Ang mga bata ay pumupunta sa bahay-bahay na kumakanta ng mga carol at tumatanggap ng aguinaldo, maliit na regalo o pera, mula sa mga may-ari ng bahay. Ang Caroling ay isang masayang paglipat na nagtataguyod ng isang pakiramdam ng komunidad.
Ang paglitaw ng Mga Online Game sa Libangan
Sa mga nagdaang taon, ang mga laro sa online na kapaligiran ay nakakuha ng napakalaking katanyagan sa Pilipinas. Ang mga larong ito ay nag-aalok ng isang paraan ng mga pagpipilian, mula sa kaswal na mga mobile na laro hanggang sa nakaka-engganyong mga karanasan sa Multiplayer, lahat ay maa-access sa pamamagitan ng mga digital na aparato. Ang mga Pilipino ay iginuhit sa kaginhawaan ng paglalaro ng mga laro nang hindi umaalis sa kanilang mga tahanan, na ginagawang kaakit-akit na pagpipilian ang mga online na kapaligiran sa panahon ng pinalawig na pista opisyal ng Pasko, btw, isa sa mga pinakatanyag na platform ng paglalaro ay ang SWERTE99.
Pag-agaw ng Tradisyon at Innovation
Habang ang mga laro sa online na kapaligiran ay natagpuan ang kanilang lugar sa pagdiriwang ng Pilipino Christmas, mahalagang tandaan iyon. Ang mayamang tapiserya ng mga tradisyon ng Pilipino Christmas, na nakaugat sa pananampalataya, pamilya, at pamayanan, ay nananatili sa gitna ng holiday.
1 note
·
View note
Text
aaaa. ung mga (/₱-@;(-@@ na ayaw na ayaw ang wfh kasi daw di gagalaw ung ekonomiya ng Pilipinas ₱:);@-@:): kayo. Porket may mga sasakyan kayo with driver kaya di niyo ramdam yung pagod sa byahe eh. Pwede kayo matulog kahit na traffic. komportable pa kayo pano naman yung mga nag ccommute??? ang taas ng pamasahe. ang taas ng bilihin. mauunahan pa ata nung pamasahe ung 20 pesos kesa sa bigas na pangako ni bebeem eh. Okay na nga yung arrangement ng wfh eh. Dapat yung mga pwede naman sa bahay ung work, sa bahay na lang or kahit hybrid setup man lang. pota talaga. Sobrang haba ng pila kanina sa UV. isa’t kalahating oras ako nakatayo wala naman problema pumila ng mahaba eh basta umuusad pero walang dumadating na UV talaga. pikit mata na lang yung 600 na grab ko from centris to bahay. hayup talaga. hayup talaga. tapos sasabihin ung traffic daw sign na nag bboom ung economy????? saan banda??? pota talaga.
1 note
·
View note
Text
I'm not one to engage in schadenfreude seeing our economy collapse while the President watches basketball games and throws surprise parties for his OTL, but I keep wondering where those folks are who changed their profile pictures to (blood) red on May 9th, mocked those who mourned, minimized their pain by saying "patawarin nyo na yung mga inunfriend nyo", and those religious friends who said the Marcoses deserve to be given another chance.
Kamusta ang presyo ng gasolina, ng asukal, ng bigas, ng galunggong, ng pamasahe? Ok pa? Kamusta ang denial sa inflation, ang kawalan ng direksyon sa education sector, ang misplaced priorities habang binabayo ng sunod-sunod na disaster ang Pilipinas? He's not a newbie in government; you cannot tell me he's still feeling his way in. He's been in public service since he was 23, more than 40 years ago.
You thought you could be spared by hanging out in your bubbles of privilege. This is not schadenfreude; I'm not laughing. Damay-damay tayo rito. Make better choices next time.
#philippines#politics#bbm#bongbong marcos#marcos jr#marcos magnanakaw#marcos no hero#marcos not a hero#marcos hindi bayani#philippine politics#philippine government#pilipinas#opinion
10 notes
·
View notes
Text
Oras na lang ang binibilang kasabay ng boto ng mga taong ilang dekada nang gutom at hangad lamang naman ay almusal sa umaga. Tumulo na ang pawis hanggang sa paa pero bahala na sa pananghalian, ang mahalaga ay makapag hapunan bago matapos ang gabi. Sandali lang.
Oras na lang ang binibilang kasabay ng boto ng mga taong nagtatanim ng galit kapag may mga utang sa kanilang hindi binayaran pero bulag ang mga mata sa listahan ng mga dapat nilang sinisingil. Sandali lang.
Oras na lang ang binibilang kasabay ng butil ng bigas sa lalagyan ng pamilya ng magsasakang kuba na ang likod sa pag-ani at umiiyak na ng dugo dahil kapalit ng binentang kalabaw ang uutangin sa kanilang bungo. Sandali lang kasi.
Oras na lang ang binibilang kasabay ng kabog ng mga dibdib ng mga bontanteng nilalamon na ng takot dahil sila mismo ang hahatulan, hindi na mapakali at halos masuka na sa kaba, ang tagal magbilang. Ang sabi ko, sandali.
Oras na lang naman ang binibilang para sa anim na taon ng bagong administrasyon, animnapu't dalawang buwan ng hindi sana pagtitiis, pagpatay, at pagkagutom. Umaasa na hindi na lamang mayayaman ang mabibigyan ng pekeng hustisya habang ang mahihirap ay didila sa sapatos ng mga taong ibinoto nila. Sandali, huwag kang magmadali.
Oras na lang ang bibilangin para sa mga kabataang magkayapos ang mga palad sa puspusang pagdarasal na sana ang susunod na uupo ay hindi garapal dahil ang kabaong ay mahal, at hindi ko gusto na sa kalsada lamang mamatay. Mga manggagawang piniling ipagpalit ang tatlong daang kita sa isang araw para makiisa sa makasaysayang pag-martsa sa ilalim ng mainit na araw.
Ang tsuper ng taxi. Ang tsuper ng jeep. Ang tindera sa palengke. Ang anak ng magbobote. Kasama ang hindi pa mga botante.
Ang ipinaglalaban ay kayo at sila. At ang karapatan ng mga taong bahaghari ang kulay ng puso, lalayag sakbit ang banderang nagsasabi na karapatdapat sila sa pantay na pagtrato. Para sa mga anak at mga magulang na butas na nga ang bulsa sa boluntaryong paggastos ay lampas labinlimang oras pang titindig para lang tamang tao ang makaupo. Naiintindihan ko na kung bakit ka nagmamadali.
Dahil ang kalaban ng bayan ay ang bayang hindi makapili, sumisigaw na ng saklolo ang Pilipinas sa kanilang gobyernong hindi makarinig. Mga bingi at bulag, mga magnanakaw na dapat sa kabila ng mga rehas yuyuko. Magiging kalawang ang lasa ng tubig at mabubulok ang ginto sa loob ng mga bakal, ngunit hindi kasama ang bansa naming minamahal.
Nandito na tayo.
Iluklok na sa puwesto. Tapusin na ang kaba at haka haka. Kinabukasan ko ang nakataya at ang sugal na ito ay para sa bansa. Magmadali at siguraduhing hindi kalalabanin ng konsensya mo ang kandidatong iyong pinili. Dahil mahirap magkamali sa panahon na pinapatay ang nagrereklamo at binabaon ang tumitindig.
Oras na lang ang bibilangin, Sandali ni Harlene Cambel
7 notes
·
View notes
Text
OPINION: “Hanggang saan aabot ang P18.62 mo?”
Photo credit: Sulat Nadera
Ayon sa inilabas na pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Agosto, ang food threshold ng isang karaniwang pamilyang may limang miyembro sa Pilipinas noong 2021 ay umaabot sa 8,379 pesos sa isang buwan. Ito ang pinakamababang gastusin ng isang pamilya upang makamit ang basic food needs na sapat ang nutritional value. Ibig sabihin, hindi ka ikokonsidera na “food poor” ng pamahalaan kung hindi ka gumagastos ng 18.62 piso sa isang meal. Sa kalagayan ngayon ng presyo ng mga bilihin sa bansa, mas lalo lang dapat pagtuunan ng pansin ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Nararapat lamang na isaalang-alang ng pamahalaan ang kanilang pamamaraan ng pagsukat at pagtukoy ng kahirapan sa bansa.
Larawan 1: Food Pyramid mula sa DOST-FNRI
Ang presyo ng bigas ay umaaabot mula 38-50 piso (Department of Agriculture, 2022), ngunit ang pagkonsumo lamang ng kanin ay hindi nagbibigay ng sapat na sustansiya para sa isang tao. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST-FNRI), ang inirerekomendang food intake ng isang karaniwang tao bawat araw ay dapat: (1) 8 basong tubig, (2) 5-8 servings ng complex carbohydrates gaya ng kanin, mais, tinapay, atbp., (3) 3 servings ng gulay, (4) 3 servings ng prutas, (5) 1 basong gatas, (6) 3-4 servings ng protina gaya ng karne, isda, lamang dagat, beans, atbp., at (7) opsyonal na sweets at fats. Mula rito, agad nang magiging kwestyonable ang batayan ng pamahalaan sa konsepto ng "food poor" sapagkat ito, at maging ang “basic food needs”, ay tila mga arbitraryong konsepto. Hindi ba dapat tawagin na nating “food poor” ang mga hindi nakakakamit ang mga pangangailangan na ito?
Makikita sa talahanayang ito ang mga pinakamurang mga bilihin sa bawat food group ayon sa Bantay Presyo ng Department of Agriculture (DA) nitong ika-8 ng Nobyembre 2022, at ikumpara natin ito sa 2021 food threshold na inilabas ng PSA.
Talahanayan 1: Pinakamurang balanced meal batay sa datos ng Department of Agriculture sa mga presyo ng bilihin sa palengke noong November 8, 2022
Kung susumahin, aabot sa 36.65 pesos ang kailangang ilaan para sa bawat meal ng isang Pilipino upang makamit ang basic nutritional needs. Malayong-malayo na ito sa 2021 threshold na inilabas ng PSA. Hindi na ito nakapagtataka sapagkat sa mga nakalipas na buwan ay labis na tumataas ang inflation rate ng bansa. Matatandaan na 4.4% ang inflation rate noong Agosto ng nakaraang taon, habang 6.3% naman ang inflation rate nitong Agosto 2022. Sa patuloy na pagtaas ng inflation rates, kakailanganin ng karaniwang mamamayan na maglaan ng mas maraming pera para sa pagkain.
Ayon sa PSA, ang food threshold ay ang minimum na ginagastos ng pamilya upang makamit ang “basic food needs which satisfies the nutritional requirements for economically necessary and socially desirable physical activities”. Subalit, ang batayan lamang nila ay ang halaga na inilalaan ng isang pamilya sa pagkain. Tila hindi ito tugma sa batayan ng DOST-FNRI na nakapokus naman sa nutritional value. Bunga nito, maaaring malito ang sinomang mag-iinterpreta ng alinman sa dalawang pamantayan. Maaaring akalain na sapat na ang 18.62 pesos para sa isang masustansyang meal, kahit ito lamang ang average na ginagastos ng isang pamilya sa pagkain. Hindi sinusukat ng PSA kung natutugunan ba talaga ang nutritional needs ng isang tao, taliwas sa kanilang depinisyon.
Hindi sapat ang bare minimum lamang pagdating sa nutrisyon at kalusugan, lalo na’t tayo ay ika-63 sa 121 na bansa pagdating sa kagutuman at sapat na nutrisyon (Global Hunger Index, 2022). Ang isyu ng kagutuman ay hindi dapat minamaliit sapagkat bahagi ito ng pangmalawakang usapin ng kalusugan. Upang matugunan ang mga isyung ito, hindi lamang pagkain kundi kailangang maging holistic ng gagawing solusyon na tutugon sa pinag-uugatan ng problema – mapa-pisikal, mental, sosyal, spiritwal, o emosyonal man ito. Samakatuwid, hindi dapat mga band-aid solution lamang ang ipinapatupad ng pamahalaan. Bagkus, kailangan nilang magkaroon ng komprehensibong plano ukol sa gutom at kalusugan ng taumbayan.
Kailangan ng pamahalaan na muling suriin at isaayos ang mga pamamaraan nito ukol sa pag-aaral at pag-unawa sa kalagayan ng madla. Isang malaking hakbang ang pagpapanatili ng komunikasyon sa masa upang hindi na magdulot pa ng kalituhan. Totoo na ang mga istatistika ay repleksyon ng kalagayan ng ating kapaligiran, ngunit hindi lamang ito dapat tinitignan bilang mga numero, kundi kailangan din nating siyasatin ang totoong buhay ng taumbayan dahil sa gitna ng pabago-bagong lagay ng ekonomiya. Ngayon, higit kailanman, kailangan ng bansa ng mga lider ng mangunguna sa epektibong pagharap sa kaliwa't kanang krisis na dinaranas ng bansa. //ni Apollo Tumaliuan
Mga Sanggunian:
Dela Pena, K. (2022, August 22). PH poverty: You’re not poor if you spend more than P18.62 per meal. Inquirer.ph.https://newsinfo.inquirer.net/1651097/ph-poverty-youre-not-poor-if-you-spend-more-than-p18-62-per-meal
Coconuts Manila. ( 2022, August 23). The government doesn’t classify you as poor if you spend PHP18.62 (US$0.33) for a meal, and people are angry. Yahoo News. https://ph.news.yahoo.com/government-doesn-t-classify-poor-025829597.html
Cambridge Dictionary. (2022, October 12) Food Poverty. https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/food-poverty
What is food poverty? (n.d.). Sustain.org. https://www.sustainweb.org/foodpoverty/whatisfoodpoverty/
Department of Agriculture. Bantay Presyo. https://www.da.gov.ph/price-monitoring/
DOST-FNRI (n.d.). Daily Nutritional Guide Pyramid. https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/tools-and-standard/nutritional-guide-pyramid#adults-20-39yrs-old
PSA (2021). Proportion of Poor Filipinos was Recorded at 18.1 Percent in 2021. psa.gov.ph. https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/167972
2 notes
·
View notes
Photo
Please answer any of the 3 questions! Thank you☺️ 1. Ano pinagkaiba ng Congee sa Arrozcaldo? 2. Where can you find the best tasting Congee? Any recommendations? This one is in @northparkgreatnoodles👍 Ang sarap! 3. Anong klaseng bigas po itong ginagamit nila? Bakit ang pino?hehe Planning on making one soon! Thank you! #Congee #Arrozcaldo #LugawPaPala #ChineseFood #Food #Lugaw #LugawBayan #MommyBlogger #BloggerPH #MommyBloggerPH #iClickBeforeiEat #FoodBlogger #Yum #Yummy #Cravings #DMFoodSeries #FoodSeries #FoodPorn #SatisfyingCravingsPH #SpotMyFoodPH #WhatToEatPH #ChewManila #WhenInManila #Pilipinas https://www.instagram.com/p/CcNP4C7hYVD/?igshid=NGJjMDIxMWI=
#congee#arrozcaldo#lugawpapala#chinesefood#food#lugaw#lugawbayan#mommyblogger#bloggerph#mommybloggerph#iclickbeforeieat#foodblogger#yum#yummy#cravings#dmfoodseries#foodseries#foodporn#satisfyingcravingsph#spotmyfoodph#whattoeatph#chewmanila#wheninmanila#pilipinas
3 notes
·
View notes
Text
Mga masasarap na pagkain ng Cebu
Cebu City ay tinatawag din bilang “Queen City of the South” at naging isa sa mga magandang destinasyon ng mga turista sa Pilipinas.
Bukod sa mga magagandang tanawin at pasyalan sa Cebu, kilala rin sila sa kanilang masarap at malinamnam na pagkain. Narito ang ilang sa mga pagkain na binabalik-balikan sa Cebu:
Lechon
Inasal ay isang Cebuano term para sa Lechon. Maaari itong maging Inasal na Manok o Inasal na Baboy ( Lechon Manok o Lechon Baboy). Ang Cebu ay ang nag iisang lugar sa Pilipinas na pinaka-sikat pagdating sa Lechon dahil sa kakaibang lasa ng kanilang produkto. Kung ito ay iyong titikman ay nais mong bumalik balik sa Cebu para sa kanilang Lechon. Kakaiba ang lasa at walang kapantay.
Siomai
Ang Siomai sa Tisa ay isang paboritong paboritong Cebuano local dish na may kakaibang lasa kumpara sa iba pang magagamit na komersyo na siomai’s na ibinebenta sa ibang lugar. Nagmula ito at ibinebenta ng mga lokal na tindahan sa Brgy. Tisa, Cebu City.
Ginabot
Ang crispy dish na ito ay ang tasa ng Cebu sa chicharon bulaklak o pork crackling. Karamihan sa mga oras na pinakamahusay na ipinares sa puso (nakasabit na bigas) at malamig na Sparkle o Mountain Dew. Gayunpaman, ito ay isang pagkain sa kalye na dapat gawin nang katamtaman. Ang Ginabot ay gawa sa bituka ng baboy na pinatuyo at inasnan bago pinirito hanggang sa maging kulay ginto ang kayumanggi.
Chicharon
Ang Cebu ay tahanan ng maraming mga napakasarap na pagkain na nakakiliti sa mga panlasa ng mga Cebuano nang maraming henerasyon. Ang isang makasalanan ngunit masarap na napakasarap na pagkain na natagpuan sa Lungsod ng Carcar ay ang chicharon o pork crackling. Oo, ang iba pang mga lugar sa kapuluan ay nag-aalok ng snack-inducing snack item na ito, ngunit ang chicharon sa Carcar ay isang napakasarap na pagkain na hindi makatiis ng sinuman.
Otap
Ang Otap ay isang kaibig-ibig, manipis, hugis-itlog na hugis-gamot sa Filipino na gawa sa puff pastry. Ang mga paggagamot na ito ay karaniwang maliit sa sukat, masaganang sinabugan ng asukal, at may hindi kapani-paniwalang malutong at malutong na pagkakayari. Pinaniniwalaan na ang otap ay nagmula sa Cebu, at ngayon ay kumakatawan ito sa isang produkto ng lagda ng buong rehiyon.
Ang mga matamis na biskwit ay magagamit sa maraming mga lokal na merkado at tindahan at karaniwang tinatangkilik bilang isang light dessert o isang matamis na meryenda sa hapon.
Larang
Linarang ang isa din sa mga dapat subukan na pagkain pag ikaw ay napunta ng Cebu. Ang kadalasang isda na ginagamit dito bilang sangkap ay molmol (parrotfish) o bakasi (eel). Pwede din ang tagotongan (pufferfish), pagi (stingray) at pating (shark) ngunit ito lamang ay nahahain sa Pasil, malapit sa Talisay City Hall. Ang linarang ay kilala sa lasa nitong maasim na maanghang na pagkain bilang “comfort food” o “recovery food” para sa may mga “hangover” dahil bukod sa kaanghangan nito ay depende din sa isdang ginamit na dumadagdag sa pampainit ng katawan.
Humba
Humba o “hoom-bah” ay isang uri ng nilaga na liempo o tiyan ng baboy na hinaluan ng pulang asukal, suka, toyo, bawang, asin, paminta, star anise, dahon ng laurel, puso ng saging, tubig at tausi. Ito ay yung bersyon ng mga Cebuano ng kanilang sariling uri ng adobo. Ang tanging pinagkaiba nila ay ang paglagay ng tausi at puso ng saging na wala sa adobo. Hinahanda ito depende sa mga gusto kumain nito. Pwedeng araw araw, tuwing fiesta o di kaya tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kaarawan. Ang lasa ng Humba ay matamis na maasim na may alat dahil sa tausi.
Bingka Dawa
Pagdating sa pagkain, ang mga Pilipino ay medyo malikhain. Maaari silang lumikha ng isang gamutin sa halos anumang bagay. Maaari rin silang pagsamahin ang dalawang pinggan at lumikha ng bago. Marami sa mga item sa pagkain na ito ay minamahal hindi lamang ng mga residente kundi ng mga bisita sa isla. Karaniwang nagdadala ang mga bisita ng isang pakete na puno ng mga goodies na ito sa bahay. Bukod sa minamahal na Peanut Browas, Toasted Mini Mamons, at Butterscotch, mayroon ding ilang katutubong mga masasarap na pagkain na mahahanap mo sa iba`t ibang bayan ng Cebu. Ang bingka dawa ng Asturias ay isa lamang sa mga masasarap na gamutin.
Natatakam kaba sa sarap?tara na sa Cebu!
2 notes
·
View notes
Text
Mga Pagkain na Binabalik-Balikan Tuwing Simbang Gabi
Simbang Gabi nanaman!! Bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin ng pagsisimba, inaabangan din ng karamihan ang mga pagkain na itinitinda sa tabi ng mga simbahan.
Dahil marami na ang sawa sa mga unhealthy na fast food, maraming Pinoy ang nag-aabang ng mga tindang kakanin na madalang na nilang matikman. Siyam na gabi o madalaing araw din lang ang Simbang gabi kaya sinasamantala na nila ang pagkakataon na makakain ng mga ito.
PUTO BUMBONG
Pinipilahan ang puto bumbong—yung kulay violet na malagkit na nilagyan ng mantikilya at madalas ay nakabalot sa dahon ng saging. Mas masarap kung bubudburan ng niyog at mascuvado o brown sugar.
Masarap ito kung mainit pa kaya madalas bago makarating sa bahay ay ubos na.
PUTO CHEESE
Maraming tao ang solved na sa puto cheese. Ito ay hugis bilog na may keso sa ibabaw. Sobrang sarap nito kaya maraming tao ang gusto ito.
KUTSINTA
Kapag nariyan ang puto, syempre may kutsinta. Madalas ay kasing laki ito ng puto at kulay orange dahil sa inilalagay na lihiya na nilalagyan ng niyog sa ibabaw. Mas malagkit din ito kaysa sa puto.
BIBINGKA
Ang bibingka ay niluluto sa pamamagitan ng baga sa ilalim at ibabaw. Gawa ito sa giniling na bigas at masarap kung mayroong keso sa ibabaw.
Pwede rin itong lagyan ng butter, itlog na pula at niyog depende sa iyong panlasa.
SUMAN
Ito raw ang kauna-unahang kakanin at isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino. Hindi gaya ng ibang pagkain tuwing Pasko, madalas inihahanda ang suman sa mga kasiyahan sa kulturang Pilipino gaya ng Pasko, kasal, binyag, kaarawan at fiesta! Kapag iyong natikman, lalo na kung ipinartner sa latik o asukal, talagang babalik-balikan. Kaya hindi nakapagtatakang paborito rin itong meryenda ng mga Pilipino.
SIKWATE
Kapag malamig masarap humigop ng kape, pero para maiba subukan ang tablea. Ang tablea ay purong cacao na lulutuin sa kumukulong tubig. Masarap itong isama sa kakanin o kaya’y pandesal. Sikat din ito sa panahon ng Pasko sa Pilipinas, partikular sa mga bata.
KAPE
At siyempre pa, kape. Masarap humigop ng kape kapag malamig ang panahon. Mamahaling kape ba o di kaya’y three in one. Kadalasan ang kape ang kapartner ng masasarap na kakanin at pandesal.
TAHO
Huwag nating kalimutan si mamang taho. May mga tao na ginagawa itong pamalit sa kape. Gawa sa soya na nilagyan ng taho at arnibal.
LUGAW
Masarap ang lugaw kung mainit-init pa.Tiyempong-tiyempo sa maaliwalas at malamig na panahon pagkalabas ng simbahan. Kadalasan ay plain lang ang lugaw, ang iba, mas gusto na nilalagyan ito ng nilagang itlog at sinasamahan ng tokwa’t baboy. Mas masarap ito kung maraming bawang.
2 notes
·
View notes
Text
Samar at Leyte: Ang Makasaysayang Paglalakbay
Sa dinami dami man ng nalibot ko, hinding hindi ko makakalimutan ang paglalakbay ko sa Samar at Leyte. Ito ang probinsyang hindi ka magsasawang libutin at magsaya sa iba’t ibang tanawin nito. Ang Leyte ay ang panagtlo sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas samantalang ang Samar ay pangpito. Ang mala-paraisong mga pulo na ito ay kilala na bilang isang taglay ng probinsyang ito.
Ang pagbiyahe papuntang Samar o Leyte ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagsakay sa bus at ferry, sariling sasakyan, o pagsakay ng eroplano. Hindi hamak na mas matagal ang biyahe sa daan kaysa sa pagsakay ng eroplano. Pero sa pagbibiyahe sa daan, mararanasan ng mga turista ang mahaba at magagandang tanawin habang nasa biyahe pa. Hindi lang ito, mararanasan pa ng mga turistang sumakay sa isang ferry na papuntang pulo ng Samar o Leyte.
At dahil sabik na sabik akong makapunta sa isla, ako ay sumakay ng eroplano. Mahigit isang oras na lipad mula Maynila hanggang Tacloban, Leyte. Kahit na ilang beses na akong nakapunta sa Samar at Leyte, ngayon palang ako makakapaglibot sa mga magagandang tanawin na patok sa mga turista.
Paglapag ng eroplano, agad agad akong nagtungo sa isang hotel na malapit sa Daniel Z. Romualdez Airport upang mag-iwan pansamantala ng gamit at maging lugar sa aking pagtulog sa unang araw ng aking paglilibot sa Leyte.
Kinabukasan, una kong pinuntahan ang Leyte Landing Memorial na matatagpuan sa Red Beach, Barangay Candahug ng Palo, Leyte. Ito ay isa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas sapagkat dito dumating si Gen. Douglas MacArthur na nagpalaya sa mga Pilipino sa mga Hapon. Bilang isang turista, ako ay namamangha sa mga nagawa ng mga Amerikano sa ating bansa.
Pagkatapos, ako ay nagtungo sa Lintaon Peak, medyo nakakapagod man pero sobrang ganda ng tanawin na makikita mula sa taas. Tanaw na tanaw mula rito ang dagat na masarap tignan sa mata, at lalong gaganda tignan ang tanawing ito kapag palubog na ang buwan. Hindi bale nang kakaunti lang nag litrato, ang mahalaga ay nakapagsaya sa tanawing ito!
Sunod nito, ang paglalabay patungong Sambawan Island ay isa sa mga inaabangan kong tanawin dahil sa dami ng pwedeng makunan ng litrato sa bawat sulok ng islang ito. Kabi-kabilang magagagandang tanawin ang makikita rito sa islang ito. Isa nanamang lugar na nakakaakit ng turistang katulad ko na mahilig maglibot sa iba’t ibang parte ng isang isla.
Paalis sa Leyte, makikita ang San Juanico Bridge na kilala dahil sa estraktura ng tulay na ito, nakapahugis S malapit sa Samar samantalang may hugis L naman malapit sa Leyte. Isa lamang ang masasabi ko, huwag na huwag kumurap dahil ito ay isa sa tanawin na pabago bago depende sa direksyon ng iyong tinitignan o yung taas ng tubig sa dagat.
Pagkadating na pagkadating sa Samar, maaari nang malibot ang Apiton Island na isa sa mga kilalang isla sa Samar na mayroong magagandang “rock formations” at “cave tour”. Mula sa San Policarpo, mga 15 na minutong pagsakay sa bangka at mararating na itong napakagandang isla na ito. Ang tanawin mula dito sa islang kilala din dahil sa hitsura ng isla sa pagsikat at paglubog ng araw.
Pagdating sa kainan, hinding hindi mawawala ang mga Waray na pagkain. Isa na riyan ang chocolate moron na laging inihahanda tuwing may okasyon. Mayroon pang binagol, isang kakanin hugis niyog na naglalaman ng matamis tamis na surpresa para sa iilan na magbubukas nito. Syempre, hinding hindi magpapatalo ang balisongsong na gawa sa malagkit na bigas na hinaluan ng gata, asukal, at ginayod na niyog. Kung ulam naman ang pag-uusapan, nariyan ang pagkaing-dagat tulad ng alimango, isda, at seaweed.
Para sa akin, sa dinami rami man ng mga napuntahan natin sa iba’t ibang parte ng mundo, iba pa rin ang pinapahalagahan ang magagandang tanawin rito sa Pilipinas. Hinding hindi mawawala sa Pilipinas ang magagandang tourist spots, kaya naman kahit isang beses lamang ay makapunta tayo para makita ng ating dalawang mata ang kagandahan ng ating bansang kinalakihan. Ang kinagandahan nito ay mayroon tayong iba’t ibang memorya noong tayo’y nagpunta o naglibot sa iisang lugar na inaabang abangan nating lugar.
1 note
·
View note
Text
COVID-19 ang kalaban, hindi ABS-CBN. Reliable source of information ang kailangan na galing sa reliable source gaya ng ABS-CBN, hindi si Mocha Uson. Protektahan ang mamamayang Pilipino, hindi ang sariling interest at special treatment sa POGO. Sagot sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino sa gitna ng krisis tulad ng bigas, hindi dahas. Virus ang kalaban, hindi ang kapwa Pilipino. Hindi porket nasa modernong panahon na tayo eh modernong Martial Law na rin ipaiiral. Mamamayang Pilipino tayo, nasa ating bansang Pilipinas tayo. Dapat nagkakaisa tayo. Pilipinas muna para sa mga Pilipino. Limitado na nga ang tulong at suportang ibinibigay sa mga nangangailangan ng tulong, madami nang nawalan ng trabaho, dinagdagan pa ang ng ilang libong nawalan ng trabaho mula sa ABS-CBN. Isa na sana sila sa mga nakakatulong sa mga kapamilya nating nangangailangan, sila pa ang pinag-initan. Kalimutan muna ang pansariling interes at gumawan ng paraan upang malabanan ang krisis na ating pinagdadaanan, hindi yung ililihis niyo ang focus ng mga tao sa ibang bagay para sa mga pagkukulang at kamalian ninyo. Hindi yung idadaan niyo sa sindak para maging papet ang mga tao. #notoabscbnshutdown #defendpressfreedom #defendpressfreedomph #istandwithabscbn
#notoabscbnshutdown#istandwithabscbn#defendpressfreedom#malayangpamamahayag#defendpressfreedomph#philippines#abscbn
6 notes
·
View notes
Text
Mayaman ang Pilipinas, Mahirap ang Pilipino
Kapag iniisip ang Pilipinas, ang kadalasang pumapasok sa isip natin ay mahirap. Subalit, hindi ito ang kaso. Ang Pilipinas ay napakayaman sa likas na yaman. Ito nga ay isa sa mga bansang may pinakamaraming reserba nang ginto sa buong mundo. Pero bakit tayo ay isa din sa pinakamahirap na bansa? Ito ay dahil sa ating pagkukulang sa pagpapaunlad ng mga industriya natin. Nagkakaroon tayo ng mga problema katulad nang pagkukulang nang trabaho, mababa ang sweldo, at walang seguridad sa trabaho. Kaya, maraming mga Pilipino ang pumipili na lamang mag-trabaho sa ibang bansa. Sa tagal na natin sa pagiging mahirap, bakit hindi parin kaya mapaunlad ang industriya sa Pilipinas? Ang sagot lamang diyan ay ang pagkakaroon nang korap at hindi magaling na gobyerno. Tayo nga ay isa sa pinakamayaman sa likas na yaman pero tayo rin ay isa sa pinakakorap na bansa. Hindi talaga tayo uunlad niyan. Ano nga ba ang pwedeng gawin? Dapat nating padaliin ang reporma sa lupa kung saan ang “tenant farmers” ang magiging may-ari ng lupa ng kanyang sinasaka. Kapag siya na ang may-ari, mayroon na siyang produksyon at kapital na kanyang puhunan upang mapaunlad ang produksyon ng agrikultura. Ang kaigihan nito ay maari siyang sumapi o tumulong magtatag ng kooperatiba upang magkaroon siya ng lakas. Ito ay maihahalintulad sa mga unyon ng manggagawa na nagbubuklod upang magkaroon ng lakas. Dahil lalakas ang produksyon ng pagkain mula sa sektor ng agrikultura na dulot ng reporma sa lupa, darami na ang pagkain tulad ng bigas, mais, at iba pa., at magdudulot ito na pagpapababa sa presyo. Dahil bababa na ang halaga ng bilihin, mas makakatipid at makakapag-ipon ng pera ang tao. Hindi na rin kailangan umasa sa pagkain mula sa ibang bansa dahil magiging sapat na para sa bansa ang dami ng lokal na bunga. Dahil lalakas ng produksyon ng raw materials mula sa sektor ng agrikultura na dulot ng reporma sa lupa tulad ng kakaw, kopra, kape, mga sangkap na magiging gamut, atbp., magbubunga ito ng mga lokal na industrya na magpoproseso ng mga ito upang maging consumer product at hindi lang bilang isang hilaw na sangkap. Ang mga industrya na ito ay makakapaglikha ng maraming trabaho mula sa pangongolekta ng materyales, pagpoproseso nito, at pagpapadala ng nagawang produkto. Maari ring mabenta ang mga produkto sa labas ng bansa ng mas malaking halaga kumpara nung ito ay hilaw na anyo pa lang. Ang matagumpay na industrya ay magbubunsod ng kapaligirang mga establisyimento. Uunlad ang bansa dahil sa pag-usbong ng mga lokal na industrya at mababang halaga ng pagkain. Kinakailangan na lang nito ng tamang polisiya ng pagbubuwis at pagpapalakas ng mg unyon ng manggagawa upang matuluyang maging sustainable at umusbong pa lalo ang ating bansa.
2 notes
·
View notes