#ayoko na sayo college tangina
Explore tagged Tumblr posts
Text
wild life gem
#sumasakit na yung ulo ko gagi#ayoko na sayo college tangina#my art#hermitcraft#art#digital art#geminitay#traffic smp#trafficblr#wild life fanart#wildlife
136 notes
·
View notes
Text
Hey vivi,
I dont know anymore. Hahaha. Nagagagago ako sa pagalis mo. Tangina. Sanay akong palagi kang kasama simula college hanggang medschool. Hindi ko rin alam ano ng plano ko pagkaalis mo sa buhay ko. I had everything planned after boards. I dont know anymore. Ayoko rin magentertain ng ibang tao kasi tangina hanggang ngayon hinihintay kita dalwang buwanna. Hahaha. Paano ba sumulong o umabante sa paglisan mo? Hindi ko na alam anong gusto ko sa totoo lang. Papalayain na kita para sayo. Pero hindi ako nabalaan sa maaaring maging epekto nito sa pagkatao ko. Hahaha. I distanced myself from our friends. All i have now is my medfriends. Hindi na muna ako uuwi ng cavite dahil gusto kitang iwasan kasi baka di ko mapigilan bigla na lang kitang puntahan. Hindi na ako sanay sa buhay mag isa na hindi ka kasama pero kskayanin para sa sarili. Para sa bagay na palagi mong sinasabi na may mas deserve sa lahat ng binibigay ko sayo. Kung meron man saka na sya dumating kapag handa na ako ule.
Love,
Rara
0 notes
Text
CONFESSION No. 1
CJ.
That's the nickname I gave you. And tbh, it lowkey hurts nung pinalitan mo ng CJ lahat ng username mo sa social media. Ewan yung thought na yung next girl mo, tatawagin kang CJ—na ako yung nagbigay, hurts me big time. How foolish of me to realize na mahal kita nung nagkakalabuan na tayo. At first, I just want to be distracted kasi I want to forget my ex. We dated each other. You were on your 2nd year in college and I'm on my 12th grade. Di ko naisip na busy ka. Kasi baka excuse lang yon hahaha and now na college na ako, dun ko na-appreciate yung pagpunta mo sakin after class. College is fucking different pala. We messed up so bad, my love. Idk if u really loved me tho hahaha I caught you multiple times sa bumble, isa sa rason bat di ko magawang isipin na mahal mo talaga ako. Tbh, hindi naman friends ko nakakita sayo sa bumble. It was me. I have a bumble account din. Di ko sure kung naglolokohan lang tayo non haha. Ang alam ko lang, narealize kong mahal kita nung nagkandaleche na tayong dalawa. Nung unti-unti ko nang nararamdaman na nag-iiba ka na. Hinahayaan mo na lang ako pag nag-aaway tayo. I tried to hold on. Kasi baka maayos pa. I cried everyday nung sinabi kong ayoko na. Kasi, hindi ko naman ayaw. Pero cold ka na that time kaya ganon yung ginawa ko. We got back together pero every time that we try, we fail. Tangina. Baka hindi talaga tayo para sa isa't isa. Ang hirap tanggapin. You came back and shit happens, naging friends with benefits tayo. You wanted to stay but I had to let you go. I love you so much to the point na pag dating sayo,hindi ko na kilala ang sarili ko at nagi-iba ang prinsipyo ko sa buhay. When I cut you off, that was me choosing my self. Mahal na mahal kita, tangina hahahaha hindi ko lang alam paano i-control sarili ko. I know on some days, I am toxic. And I am sorry. I love you, CJ. May you find the happiness that you deserve. Please, alagaan mo yung next girl mo and pakabait ka na hahahaha wag na babaero. I love you. :(
Ps. Proud ka ba sakin, CJ? Nasa UP na ako oh tapos nakuha ko dream degree program ko. Konti nalang, gagraduate ka na hahaha worth it pagod mo sa apat na term niyo sa school.
29 notes
·
View notes
Text
13 Mar 2020
Nakakahingal, ganito kasi yung kwento. May nangyari 2 weeks ago bago ako umuwi ng Aklan. Yung IG ko kasi minsan naka public, minsan naka private depende sa mood ko. Pag naka private ako, hindi talaga ako nag aaccept ng request kahit kakilala ko pag ayaw ko. May nag follow sa akin na account, walang laman and konti lang yung pina-follow niya. Hindi ko inaccept, basta hindi ko din pinansin. Nakalimutan ko na may mga pending pala akong request kaya nung bigla akong nag public, na auto accept yung follow request nung sinasabi kong empty account. Dahil hindi ko naman kilala yung account yun, inalis ko lang siya sa followers ko. The next day, nag follow ulit sa akin yung account na yon. So napa isip na ako kung bakit siya ulit magfa-follow, dummy account ba siya? Hinayaan ko lang, nakikita ko na naka view siya sa mga stories ko. Nung nasa Aklan na ako, dun ko lang napansin na may message request na pala sa akin. Yung account na hinayaan kong mag follow sa akin, madami na pala messages pero hindi ko napansin. Lalo akong kinutuban na fake nga yung account so binasa ko yung messages niya. Kinausap ko siya. Nag rereply ako sa kanya ng paunti unti dahil ang loko, english makipag usap pinapahirapan ako hahaha de joke. Kinausap ko siya kasi iba yung pakiramdam ko eh. Maayos naman siya kausap, wala naman siyang sinasabi na masama, actually puro compliments nga. So hinayaan ko pa din siya dahil pakiramdam ko pinag titripan niya ako at gusto kong malaman kung sino siya. Pagtapos ng ilang araw, na confirmed ko na dummy account nga yun. Na yung tao pala behind that account ay kilala ko in real life pero ayaw niyang sabihin kung sino siya. Paunti unti, napag kwento ko siya. Nung una, nililigaw niya pa ako. Totoo na siguro nga mga 6 years ago na kaming hindi nagkikita pero sabi niya hindi daw siya taga La Salle pero dun daw niya ako nakikita. Syempre malabo yun, ano siya dispatcher ng jeep? Hahaha wala naman akong kilala masyado na hindi taga La Salle so umamin siya na same school nga kami and nakikita niya ako sa school lagi noon. Kinulit ko pa siya para mag kwento. Gusto ko kasi malaman yung reason niya kung bakit siya gumawa ng fake account. Sabi niya, crush na crush daw niya ako. Cute na cute daw siya sa akin nung college and as per my previous writing, I quote and unquote yung sinabi niya na “Marami maganda sa dlsu pero tuwing nakikita kita iba hehehe” so kinilig ang ate mo sandra ng bahagya pero hindi naman ako naniwala dahil baka sinusubukan niya lang ako. Madami pa siyang sinabi, puro compliments talaga na kesyo gandang ganda nga siya sa akin (hayaan niyo nang i-emphasize ko dito please haha bihira may magsabi sa akin ng ganun) and matagal na daw niya akong inii-stalk and told me na kilala ko siya pero hindi siya sure kung naaalala ko pa siya. Dahil hindi ako papayag na hindi ko siya makikilala, kinuha ko yung loob niya haha. Don’t get me wrong here ha pero para saan pa yung pagiging psyc major ko kung hindi ko mate-take control yung emotions ng ibang tao. And siguro naman deserved kong malaman kung sino siya kasi siya tong nag simula eh. Pagtapos ng ilang araw na pilitan at hulaan kung sino, sa wakas nagpakilala siya. Sa lahat lahat naman ng tao nung college days ko, siya pa yung hindi ko inaasahan sa lahat. Gulat na gulat ako nung nag video chat kami kasi tangina panaginip ba to? Bakit ikaw yung kaharap ko??? Yung tao behind the fake account is Carl. Sino si Carl? Balik tayo sa buhay ko 7 years ago.
Si Carl yung isa sa mga ultimate crush nung college. Bestfriend siya nung classmate ko sa isang subject. Nakilala ko si Carl nung may event sa school namin dahil kasama siya ng classmate ko na bestfriend nga niya. So ayun, nung unang beses kong makita tong si Carl naging crush ko na siya. Ang cute niya lang kasi, he was nice and very approachable the first time we met. Palabiro and laging naka smile, as in ang cute niya mag smile at mukhang hindi din siya pure filipino. Balita ko at based na din sa pananamit niya, dancer daw siya college nila. Madami din daw nagkaka crush sa kanya sabi nung friend kong babae na ka course niya. So yun, tamang saya lang pag nakakasalubong ko siya sa campus pero hindi naman kami nag uusap, smile lang. Dahil super close ko yung bestfriend niya, inask ko kung anong name ni Carl sa facebook dahil alam ko naman na safe sa classmate ko kung aamin ako na crush ko yung bestfriend niya haha. So ayun, in-add ko si Carl kasi curious lang ako sa kung sino siya. Wala naman akong plano magpa pansin dahil alam ko naman na malabo niya akong mapansin at hindi din ako makakapalag sa beauty ng magagandang babae sa La Salle. Hanggang ayun, lumipas yung mga araw, nakikita ko pa din siya sa campus pero hindi na kami nagpapansinan pero okay lang, nakakatuwa pa din kasi nga crush ko siya. Lumipas pa ang maraming araw hanggang sa pa graduate na pala siya. Crush ko pa din siya pero hindi na ganun ka tindi, nakita ko din kasi na may girlfriend na siya and maganda yung babae. Yung typical girlfriend material para sa mga lalaki na alam mong mataas ang standards, yung babae na sobrang girly manamit at nag aayos talaga. So syempre diba anong laban ni Sandra dun na pumapasok ng walang kahit anong make-up sa mukha?
After kong maka graduate nung 2016 nag decide ako na mag unfriend na ng mga schoolmates ko na hindi ko naman talaga kaclose or even classmates na alam ko naman na hindi ko na kakausapin ulit. Kasama si Carl dun sa na unfriend ko kasi ano pa ba ang reason to keep him sa list of friends ko? I even removed sa instagram followers ko yung ibang tao na ayoko na din makita yung posts ko or maging connected pa sa kanila, follower ko si Carl sa IG pero hindi ko na siya inalis sa dahilan na hindi ko din alam haha. Ayun, tuloy lang ang buhay, hindi ko naman na siya iniisip pero minsan nakikita ko na na-view niya yung IG stories ko pero syempre sa dami ng pina-follow niya, iniisip ko na baka na tap lang niya pero wala naman siyang pake dun sure ako kasi sino ba naman ako? Haha.
So balik tayo sa present, kausap ko si Carl araw araw hanggang ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala na yung isa sa ultimate crush ko nung college eh kausap ko ngayon. Hindi daw niya alam kung bakit hindi niya kayang magpakilala kaya siya gumawa ng dummy account pero late 2018 daw nung nagsimula siyang silip silipin yung IG ko, nakakatawa. We’re very comfortable sa isa’t isa. Grabe, nag meet at one end yung kalokohan namin. Tawa lang kami ng tawa pag magkausap kami kasi parehas kami ng level ng sarcasm sa buhay. Yung kahit anong sabihin ko sa kanya at kahit anong sabihin niya sa akin, walang naiinis sa amin kasi for me, para akong nakikipag usap sa long lost friend ko kaya happy ako pero syempre hindi ko sinet-aside yung idea na baka kaya ako masyadong happy ay dahil kausap ko na siya. Na baka subconsciously nga kasi I’m living the dream. Alam mo yun, things become perfect pag alam mong yung taong naging special sayo is just around the corner. Plus, Carl admitted that he admires me a lot. Hindi naman kami super naglalandian pa hahaha (defensive?) pero consistent kami mag usap. Ang hirap nga lang dahil malayo siya, 5 hours difference kami. Masaya kami at kita ko yun sa mga mata niya kapag nag uusap kami. Nagagawa din niya akong isingit sa busy niyang schedule sa trabaho. Madalas naka video call kami kahit hindi siya nagsasalita kasi bawal sa work niya. Basta pinapakinggan niya lang yung mga sinasabi ko habang pinapanood ko siya na naka upo sa harap ng laptop niya, kausap ko siya pag lunch break niya. Tumatawag din siya pag gising niya sa umaga at bago ako matulog sa gabi. Masaya kami, masaya siya at masaya ako hanggang sa bigla akong nakaramdam ng takot haha. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami masaya, lalo na malayo siya. Natatakot na akong ma-attached kaya sinabi ko yun sa kanya. Hindi niya alam yung gagawin niya, pero sabi niya hindi naman siya mawawala. Pero hindi ko pa din alam, ayoko pa din maniwala. Pero ganun pa din, magkausap pa din kami. Pero ganun pa din ako, natatakot. Ang hirap, bakit ganun yung nararamdaman ko. Parang magandang panaginip na, biglang nagising pa ako.
Bukod dun ay gusto ko din sabihin yung isa pang point kung bakit ako nag sulat ng ganito kahaba. May nabasa kasi akong tweet na “It sounds fake but you really do have a lot of silent lovers in this planet who look at you and wish they had your smile, your hair, your humor, your manners, your intentions, your poise or are simply cheering on you. Some are just too shy to tell you, remember that when you feel alone.” So posible pala talaga, at some point nakakatuwa and it flatters me. Iniisip ko na hindi naman siguro mag papakita ng mukha si Carl and mag eeffort ng sobra kung pinag titripan niya lang ako. Na gigising siya ng 4AM sa kanila just to say good morning dahil alam niya na gising na ako ng ganung oras. My point is, kahit pala minsan pakiramdam mo walang nakaka appreciate sayo, meron pala talaga. Baka hindi lang nila kayang sabihin kaya baka sa ngayon hanggang tingin lang muna sila sayo. Kaya continue being you, hindi mo alam kung sino ang pwedeng ma attract sayo, beautiful flower of this universe.
7 notes
·
View notes
Text
Wala ng mas sasakit pa sa yung taong mahal na mahal mo, ay hindi ka naman pala mahal.
Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Isang buwan na ang nakalipas pero eto, andito pa din ako. Sana kung gaano mo kabilis tinapon lahat ng pinagsamahan natin eh sana ganun din ako kabilis makalimot noh? "Ayoko na." "Sorry." "There's no need to explain." Tangina durog na durog ako. Wala akong nakuhang dahilan o explanation man lang for you. Biglang ganun na lang. Akala ko nung una, simpleng away lang natin yun na wala lang sakin kasi alam kong kaya nating kalimutan at lagpasan pero yun na pala yung huli. Kasi susuko ka na. Suko ka na sakin. Suko ka na sa atin. "Ayoko na = Ayaw mo na sa akin/satin tama ba?" "Yes" Sobrang dali bang sagutin? Tapos netong nakaraan lang, malalaman ko na ikaw mismo nagsabi sa kaibigan mo na may nirereto na palang iba sayo. Ganun ba talaga ako kadaling palitan? Kalimutan? You know what, gustong gusto ko sanang magalit sayo kaso hindi ko magawa. Mahal kita eh. Mahal pa rin kita. Kung magkakaron ka man ng bago, okay lang naman sakin kasi kung yan ang magpapasaya sayo diba. Pero pakiusap, wag muna ngayon. Wag muna. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kakayanin na makita kang masaya sa iba. Na yung mga pinapangarap ko nong magagawa natin, sa iba mo na gagawin. I miss you so much. I really do. Siguro umaasa pa din ako kahit konti sayo pero mukhang umaasa lang ako sa imposibleng mangyari. Sobrang sakit pa din kapag naalala kita, kapag naalala ko yung mga convo natin, lahat. Hanggang ngayon naniniwala pa din ako sayo na makakaya mo lahat and you'll be successful. I wish you all the best, dade. I miss you sooo much. Goodluck sa one yr pa sa college, and I know someday magiging engineer ka din. Sa oras na pagtatagpuin tayo ulit ng tadhana, sana pareho tayong okay at masaya. Kung pwede na, sana pwede pa. Kung tayo, tayo naman talaga diba? Sabi nga, hindi naman kailangang pilitin kung siya yung tamang tao para sayo. Sa ngayon, ang tanging gusto ko lang ay ang makalimutan ka. Ang mawala lahat ng sakit sa tuwing naalala kita. Gusto ko ng makaahon dahil lunod na lunod pa rin ako. Naiinggit ako sayo dahil ikaw, parang sobrang dali mo lang kalimutan ang lahat. Parang wala kang sinaktan na tao. Paano ka ba kalimutan? Pakituro naman sa akin oh kasi sobrang hirap. Hirap na hirap na ako. I still love you dade pero mukhang wala ka na talagang pakialam sa akin. Mahal kita dade. Mahal na mahal pa rin kita. Paalam.
2 notes
·
View notes
Text
yung college friend ko parang bulbol? ang gulo eh. nag pm kasi sakin sa messenger last saturday eh diba nga nag walwal at nag swimming kami non. may tinanong siya (na hindi naman importante dahil nagtanong lang about sa bar) tapos naseen ko. aba ang gago nagalit? “nice talking” ang reply eh. tapos nag explain ako na kesho ganto at ganyan kaso di ako pinapansin. luh gago bahala ka dyan sa buhay mo. dapat nga di ako nag e-explain sayo hayop na yan. kaya minsan talaga mas gusto ko samahan mga kaibigan ko dito kesa sa kanila tho love ko rin naman yung mga yon. pero sa totoo lang mga cyst, araw araw akong online sa messenger pero wala akong kausap? hindi ko rin alam ano trip ko? maski nga dito sa tumblr eh? pati pakikipagusap kinatamaran ko na tangina??? gege nagugutom ako at baka lumabas ako para kumain mwa. uy pero teka ang lala pa rin talaga ng sakit ko tapos ayoko pa pumasok bukas gawa nga netong sakit ko. haaay san na ba bbq tangina bye.
40 notes
·
View notes
Text
#soon scam lines of College Institute Girls:
Graphic Designer Angel Maren Williams: "Mas gwapo ako. I have Amanda Louise plus 5 others. So Cap, give it up. Ako ang dakilang babaero ng lahat. I'll never fall for a pilot. Dahil iiwan lang ako ng kagaya mo."
Architect Andrea Lian Gui: "Mas marami akong asawang anime. Kaya kahit magisa lang ako masaya ako. You, a supermodel? You think I'm falling in love with you? Oh please. Ayoko ng attention, eh halos paglabas mo pa lang ang laking issue na sa lahat so no. Kung hindi lang din naman katulad ni Killua ng Hunter x Hunter edi wag na tol. Di tayo talo,"
Architect Abigail Wei: "Tangina kasi bakit pa ako nakinig kay Stephanie Kace Chavez di ba!Sana all kasi may confidence, pag dating talaga sayo ______ bakit ang tanga-tanga ko? Ganito ba talaga kahirap lumandi ng doctor psychologist?"
Copy Editor Luna Celestine Del Valle: "In stories, you can see a beautiful ending, pero kung para sayo prof ako mismo ang gagawa ng sarili nating happy ending. O ano pa hanap mo? Taga Intellect High Point University na Goddess of Beauty in the Moon lang naman ang babanat sayo. So date me prof."
Flight Attendant Rain Chin ChunHua Huang: "I swear I'm not going to fall for a player! I'm the beautiful Rain Chin ChunHua Huang of Mistral University, hindi isang graphic artist ang magpapabagsak sa akin. That fucking cheater!"
.................
Ako po yung natatawa dito kanina pa. Outline pa lang ho sila pero legit yung tawa ko HAHAHAHAHAHA i'm so excited to write this gals aaaaaaaaaaa!!!!! Skl. Inspired po sila sa friends ko here secret muna kung sino ahahahaha
0 notes
Text
January 24 2018
[Part 2]
Eto yung surprise dapat sa’kin ni nanay at nung pangalawa kaso nakita ko na. Super gaganda nila. Nagipit na ako ng 4 petals sa isang libro dahil alam kong mabubulok din ang mga ito (ang sad okay). Bale patungkol sa 18 roses etong part 2:
Paolo
Ivan
Mark
Ralph
Jason: Ewan ko ba sa lalaking ‘to, sinabi ko naman sa inyo may pagka low key kilig dito sa lalakeng ‘to. Habang sinasayaw niya ako, binulong niya sa’kin na “pag nag Manila ka na, tandaan mo yung sinabi ko sayo noon sa jeep ha“ putangina ang sarap sa puso aaaaahhhhhhh yun yung sa kapag raw may nagtangkang mangharass (nakwento ko na yon dito shet) sa akin sa public place or kahit saan man. Sobrang memorable.
Darren
Ralph: Ang gago nakailang yakap at akbay sa’kin ngayong gabi pero pinabayaan ko na gawa ng naging komportable ako sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Harold
Jerick
Jom
Luis
Darelle
Robee: Etong gagong ‘to mamimiss ko ‘to sa college legit. Wala na akong masasabihan nang “uy yakapin mo ko pls“ tapos yayakapin niya lang ako okay na. Hindi na siya magtatanong kung bakit basta go. Sobrang aaaaaahhhhhh nanaman.
Vince
Ley: Huy eto sabi ko sa kanya “sayo ko lang sasabihin to pero tangina mahal na mahal ko tropa niyo tapos di darating“ tapos bigla na lang niya akong niyakap! Sobrang huggable beshie! Ang sarap sa feeling nung yakap niya I swear. Ang tangkad din kasi. Eto bumati pa ‘to sa’kin sa facebook ng “happy birthday jadine“ gawa ng dapat sasabihin niya kamukha ko si Nadine pero jadine nasabi niya. Doble kara raw. (Nakwento ko na rin to shet)
Harvey
Joshua/Juswa: Super gago nito. Lagi niyang ginagawa yung stare na parang lalakeng-lalake siya tuwing may sinasayaw ganon. Nakakatunaw bes!!! Sarap sampalin. Niyakap ko siya kasi tangina eto talaga yung the best kahit na nadisappoint ako ng kaunti sa gift niya. Yung gift na parang kinuha na lang basta or hindi pinagisipan ganon. Nakakaramdam ako sa ganon eh pero wala akong magagawa, tanggapin ko na lang.
Tatay: Wala namang message na nakakaiyak!!! Puro “aral muna“ palibhasa daming lalakeng invited eh, hindi niya alam wala ni isa ron taong gusto ko or basta la namang boyfriend.
Yung iba kaya walang explanation kasi puro biruan lang ganon and small talks. Super naappreciate ko na nakapunta sila sa pagganto ko seryoso. I feel loved. Promise! Sana lang mamansin pa ‘tong mga ‘to pag college na aba.
OKAY ETONG SUNOD NA KWENTO AY KWENTONG MARUPOK LAMANG.
Nakausap ko si Vince sa phone kasi hindi siya nakapunta gawa ng nilalagnat/sipon I don't know. Una niyang bungad:
“Hello? Hello?” (Okay puta ang husky ng voice niya rito. Natunaw ako gago)
“Si Kio na ‘to“
“Happy Birthday“ (Tangina husky pa rin HINDI KO NA KINAYA)
“Wow husky voice“
“Sorry hindi ako nakapunta, sobrang sama nang pakiramdam ko“
---
“May message ako sa’yo. Wag mong mafeel na unwanted ka“
“Uyy salamaat“
“Eto ha, gusto mo talaga akong maging friend ‘no?“
“Oo ay hindi“
“Ano nga??“
“Oo naman sino ba namang hindi“ (Putangina pang friend lang talaga ako bye panindigan ko na ‘to)
---
“Putangina naffeel mong unwanted ka 2 beses akong umamin sa’yo!!!”
*tumawa lang ang gago*
“Ako gigil sayo eh bakit mo kinukwento sa iba na umamin ako sayo ng 2 beses??”
“Maraming nagtatanong!!”
“Sige magsabi ka ng pangalan kung sino yung mga nagtatanong”
“Limot ko na eh” (YUNG VOICE NA NAMISS KO YUNG VOICE NA MAPANG-ASAR)
---
“Yung regalo ko sayo sa Friday na lang”
“Weh meron ano??” (Gago daig ko pa lasing sa pagiging straightforward ko te)
“Drawing. Pinili ako nila Jam eh” (POTA MAH HART)
“Oy puta wag na ayoko ng pilit. Wag na wag na wag na” (Seryoso hindi ko alam irereacc ko fuckkkk)
“De pinilit nila ako sabi nila magbabayad sila sabi ko ayoko”
---
“So sino ngaa?” (Yung gusto niya na binabanggit niya sa tweets)
“Wala lang yon. Nagpapapansin lang ako.”
“Weh sino nga kunware ka pa”
“Bakit ka curious?” (IT’S A TRAP BUTI HINDI AKO UMAMIN FOR THE 4TH TIME SHET PERO ANG CUTE NA NAKAKAINIS YUNG PAGKAKASABI NIYA YAN HINDI AKO NAKATULOG NG MAAYOS I MEAN NAKANGITI AKONG MATULOG SHET)
Sorry sa mahal kong blog, mahal ko pa. Tanga pa rin. Siya pa rin laman.
3 notes
·
View notes
Text
Dear Lord,
I know I don’t talk to you often but I also know that You know that You’re in my heart; You’re the driver of my life. I have lifted everything up to You. It may be late but it was all worth it. You were always there for me especially when I felt so alone in life. Back then, my prayers were “Okay lang ako, Lord. Wag mo na ako intindihin. Unahin mo na sila.” and then I realized You’re a jealous God - You want to feel needed so now, You’re everything I need Lord. Thank you for saving me. I remember back in college, the cross was here in our place and it was one of the my darkest nights. I felt so alone and completely lost with life. My relationship with You wasn’t like this pa. During that sad night when I couldn’t take it anymore I went out of my room and went to our sala where the cross was. Immediately when I saw the cross, I burst into tears. I don’t really remember what I prayed that night but I remembered crying heavily. My arms on the table and my knees on the floor. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko noon. I could still remember the feeling even up to now and whenever that cross visits here that’s all I can think about - that one sad night. It may be bad but it was like I have no one else to turn to but You. Gumaan pakiramdam ko noon. Ofcourse there’s still the sad feeling but I felt like something was lifted off of me that night. I’m sorry Lord kung hindi ako madalas lumapit Sayo even up to now. Alam Niyo naman po ako, pa-strong. You’re all I have Lord whenever those sad nights strike until someone came into my life. Si Mark. You lend me Mark and I was super thankful po. I had someone whom I can share all my worries, sadness and what not. I was comfy enough to be myself with him and I don’t get to do that with a lot of people. In a way, Mark was my saving grace. I could just call him and cry and everything feels better. He would just listen to me pag humahagulgol ako and to be honest, knowing the fact that he’s there calms me down. I am not alone anymore. Nandyan na si Mark. It went on for seven years. Even though he’s asleep I would bombard him with my messages filled with frustrations and sometimes I think “Hindi kaya masisira umaga nito? Ang heavy ng mga sinasabi ko.” but he did not mind it at all. He would wake up and tell me he loves me. He would pretend na walang nangyari ‘cause he knows I don’t like talking about it. He waits for me to open up and gaddam Lord he fills my heart. Ugh Lord. Sometimes I miss him. But as I’ve said, on loan lang pala siya. He was not meant for me. He was meant to stay lang all throughout my college years - nothing more, nothing less. He didn’t even get to see me wearing my toga. I know he would have been proud. Yung babaeng tinyaga niyang pakinggan ung frustrations and all finally graduate na. I somehow fulfilled our dream - to graduate in Mapua. At least I did that. I speak very fondly of Mark not because I still love him but he is one of the greatest gift and lesson and for that Lord, maraming salamat. At least I get to experience that kind of love. The time I cried heavily in front of the cross I think was after Mark and I broke up. Nawala po kasi yung anchor ko. He was my balance and nung nawala siya, nawala na ung order. I don’t know how to explain it Lord. After him, no one came close. I had relationships, yes but it was different Lord. May kulang. I tried to convince myself that this is what I want but in reality, nacocompare ko sometimes. I can’t remember if I’ve cried in front of Ten. I did but because it was emotionally draining. With Kiko, I think I forced myself to cry just to feel human. It was nice but it didn’t felt right. With Ryan, I didn’t even cry to him when my tita passed away. Supposedly, he should be the one who I wanna hug. When the incident in my room happened, I forced myself to cry but I can’t really feel a thing. I can’t cry in front of people anymore - actually I don’t really cry in front of anyone lol. I’m not comfy enough. But it made me think, si Mark lang talaga. Hay.
You may be wondering why I’m writing or talking to you like this again. Lord, I’m in pain. When I started writing this I actually don’t know what to say. “Kaya mo na ba this early mag sulat?” is what I asked myself. You know that aside from talking to You, my outlet is writing. I turn my feelings into words. And now, I’m doing it again. As I’ve said Lord, I’m in pain. I have been fooled. Ang sakit, Lord. Gusto ko ng isang mahigpit na yakap, Lord. Take it all away I don’t want it po. I never wanted this.
Hindi ko pa siya nakwekwento Sainyo, Lord. His name is Jasy. It’s actually Jussy but I liked Jasy better, feels like ako lang may ganun tawag sakanya nun even though it’s the same pronunciation. He’s amazing, Lord. He really is. I mean I wouldn’t get all emotional like this for an ‘okay’ guy, right? He’s a civil engineer and he lives in his own world where everything is perfect. He made me comfy with my body and encourages me to express myself. He listens to me although he cuts me mid-sentence cos maybe he gets excited with my stories and I love it when I cut him off too, “Ako pa diba? Di pa ko tapos.” and his face would turn into this cute little thing na parang he got scolded by his mother. He’s such a cuddly bear. He’s older than me; older than most guys I’ve dated. He acts like a child and my oh my do I love taking care of him. “You ate na? Drank water? Smoked ilan na?” Those are my 3 magical questions and he never misses to fail one of those. He forgot to eat, he drank just one glass tapos pagabi na, smoked more than usual and such. Even so, I love him. I think I will never get tired of those questions and I will never get tired of reminding him. I love him, Lord. I still do and right now my heart aches ‘cause I can never be with him. I can never really call him my own - he was never mine, Lord. You see, he has a partner po. You see Lord why we can’t be together? Yeah, I got fooled. But you know what Lord? I’m not mad. For that, thank You. You have given me a sufficient amount of understanding so I wouldn’t have any resentment in my heart, maraming salamat. But that doesn’t mean I’m not hurt. I saw something in him Lord. In my head, itong lalaking to is not your usual gwapo guy (for me he is though) but he has a lot more to offer. He’s smart, malambing, sweet, may plano sa buhay, has a good heart, good conversationalist and whenever I’m with him I feel safe. He is everything I’ve ever wanted Lord. And alam Niyo pa po? My sad nights were gone cos of him. He brought back something in me. He gave me happines, no, he was my happiness. After Mark, the sad nights returned as predicted. You know me, I don’t normally open to anyone. But with this guy, walls down. Those simple video calls before going to sleep was the most precious thing ever Lord. Someone’s giving me their time and my heart is full. May nagbibigay sakin ng time, Lord. Biruin mo yun? Dati ako lang Lord. Dati tayong dalawa lang. Minsan nakakalimutan ko pa ngang nandyan Ikaw eh. Those sad nights were gone. Somehow, I think it was because of him. He took care of me in his own little ways and those little things had a huge impact in my heart. I fell inlove. It was a wonderful infinity. An infinity that I wouldn’t regret happening ‘cos I was happy, Lord. For the first time in a long long time, I felt like everything has aligned - everything was in favor of me. That what I have right now is perfect. I have a good job, the salary isn’t that bad, I have a nice home, I have my own space, no one in the family has been affected by the pandemic, I have trustworthy friends whom I can call whenever I’m down, and I have him. I’m sorry but tangina Lord wala na akong hihingin pa. It was like the way I look at the moon changed. Before I look at it because I’m sad but now I look at it because I’m happy. Even though he is leaving for another country, I felt like I can convince him to talk to me still. I wanted to be with him. In all of my imaginations, it’s me bumping into him after 1-2 years. I’m still single and so is he. We would then reunite and the rest is history. Kaso I don’t think that would happen. A few days ago, I found out he has a girlfriend. The guy I fell inlove with has a girl na pala. I was oblivious to everything. Ofcourse, I had a hunch but I did not really expect it to be true - I want it not to be true. Lord, You know I love being right but this is the only time na sana mali ako. Mabilis rin akong makaramdam and sana sana hindi nalang. Magaling ako sa mga bagay if I put my mind into it and sana hindi nalang ako nag pursue hanapin. I could just live in the moment. I can just act dumb. Grabe Lord ang sakit po pala. Ang sakit maging tama. Ang hirap maging tama. Ang bigat maging tama. Ayoko nalang maging tama. For the sake of being right, nasaktan ako nang sobra. I stopped immediately. I don’t want to but I have to. I miss him, I really do. I miss looking at him. I miss him sleeping on my chest. I miss his arms and legs wrapped around my body. I miss hugging him. I miss how it felt so right being with him. It was like nothing else matters. All the worries are gone, the world does not matter when I’m with him. I wanted to stop time. I want to stay in that moment forever pero may mga bagay talagang hindi para sayo kahit anong pilit mo. Kahit anong dasal mo. Kahit sobrang sakit na ng puso mo just to make it happen - kung hindi para sayo, hindi talaga para sayo. Yung pakiramdam na para kang nasa alapaap tapos biglang dumilim. Hindi ako takot sa dilim pero nung nalaman kong sa dilim na yun ay wala na pala siya - nawalan ako ng lakas. That’s when I knew he was all that matters to me. He is the sole provider of my strength. You gave him to me to support me, Lord. To lift me up and encourage me with life. Maybe You saw me crying one night and thought, “Siguro nakalimutan na niya yung pakiramdam nang may karamay. Nakalimutan na niyang may tao pa palang pwede siyang matakbuhan. Na hindi pala siya nag iisa. Siguro kailangan niya si Jasy at itong si Jasy kailangan rin siya para maramdaman naman rin niya kung paano ang pakiramdam to be taken care of. Baka kasi nakalimutan na nila ung mga ganung pakiramdam sa buhay. Natoughen up ko na sila pareho kaya siguro they deserve to smile for a little while.” You looked down on us and decided we needed each other and You were right. You’re always right, Lord. Kaso shortlived.
Sometimes I want to ask why. Why did you let this happen? What lesson would I gain from this? Am I not strong enough for You, My Lord, that I have to undergo another hardship? Another trial? Haven’t I had enough? Don’t I deserve to be happy? And of all people, why me? Why me. I am somewhere in between losing interest with people and wanting to be loved and cared for and yet here I am questioning the purpose of all of it - mukang on the verge of not wanting to be involve with someone.
Lord, I know You have plans for me but for once why? This kind of pain isn’t the same pain I’ve experienced before. Siguro nga iba iba ang sakit na dulot ng iba’t ibang tao dahil iba iba rin ung saya at pagmamahal na nabigay ko at nila sakin. Iba iba ang impact ng tao sa atin kaya iba iba ung nararamdaman natin para sakanila. Hindi ko po masabing ito na ang pinaka masakit na nangyari sakin. This is not comparable to the pain I’ve previously felt but I must admit na it hurts like hell. Ang tagal ko nang sinusulat to when normally I finish something in one sitting. My heart just couldn’t take it. I started writing this the day after the incident and yes, it was really too soon to be writing. Nandun na lahat ng emotions and my chest was really heavy - even up to now - but after 4 straight days of crying and pretending I’m okay I’m finally can say na I’m coping. I may not be entirely okay with the situation but I’m moving forward. I choose to move forward. Gusto ko pa Lord, yes, alam ko You’re in heaven naka faceplam because of how stupid it sounds but gusto ko pa sana. Wala eh, I love him. I was talking to Lyle and I told him what I wanted - a one last hurrah. Maybe an overnight or a 3 day stay in some place and we can pretend nothing’s going on. After that, wala na. He told me that it’s up to me. He knows I hate cheating (even though I did that myself) so he said it’s only a matter of decision for me between my feelings and my morals. At this point, I think I’m choosing my morals. Ayoko magsalita ng tapos, Lord, pero sana hindi na mabago ung decision ko. Mahirap ung withdrawing sa isang bagay na kinasanayan mo na. It may be shortlived but it meant a lot to me to be with someone like that - someone who took his time just to talk to me. Someone whom I felt safe. Someone na akala ko pag bumalik dito sa Pinas ay magkakaroon ng way para magkita kami at start again where we left off. Ganun lahat ng imagination ko noon. Magkikita kami somewhere unexpectedly, nakuha ko na lahat ng gusto ko - alapit na matapos yung debts ni mama, I have my own place na, I am at a position at work na I can really be proud of and sasabihin ko sakanya yun with a proud look at my face because he is one of the reason bakit ako nagpursige. It’s because someone believed in me. Someone told me I can. Someone made me feel that I can do great things. (Fuck, di ako pwedeng umiyak may charcoal mask ako sa muka. Haha. Kaya control the emotion muna Steph. Tiis ganda muna.) So ayun, we would date again and lived happily ever after. Pero again, sinampal nanaman ako ng realidad. Okay lang, this isn’t the first time I was slapped in the face with reality. I just thought this time it would me my time. I guess it was too good to be true.
Lord, heal me. You made me into this strong woman and I am very very much grateful. Sometimes, I wonder “saan ko kinukuha tong lakas ng loob na to”. It all comes from You but You know what Lord? I feel alone with this strength. I know I have You but sometimes I feel lonely. Idk what to make out of this or why I’m saying this but I really do at times. I just stand up straight and tell myself na hindi, hindi ito yung mag papabagsak sakin. He’s just a guy. Madaming guys out there who would still treat me the way I wanted to be treated. Right now, I may only want him but I’m sure as time pass by this thoughts and feelings would be long gone. I just hope the withdrawal and healing process won’t take that long. When the time comes that I come across the guy that is really for me, I hope I’m not too blind and scarred for him. I hope my walls wouldn’t be that high. I hope I welcome him with all of me. I hope I won’t have doubts because of what happened. I hope I’m whole. And if I’m not, my Lord, I hope you gave him the patience and understanding to wait for me. I hope he doesn’t give up that easily because I know I won’t with him. I was watching “That Thing Called Tadhana” last night and there was a line there
“Makakarecover pa ba ako?”
“Makakarecover ka.”
“Sure na sure ka dyan ah.”
“Alam mo kasi... ang pagmamahal na ganyan, yung love na pinapakita mo kung gaano ka ka-overwhelming parang impossibleng walang puntahan yan. Mababalik na mababalik din yun sayo. Not necessarily sa taong pinagbibigyan mo pero sigurado ako babalik sayo yan.”
And I can’t wait, Lord. I know it will be amazing because it’s Your plan but for now I will have to endure muna. Idk exactly the purpose or the lesson yet pero I trust You. It could still be Jasy or maybe Mark or a person I haven’t met yet but I know na this person is going to be amazing.
Lord, yakapin mo ako every night. I will smile until it no longer hurts. I will smile for myself and for the person who is really for me para when the time comes na makikilala ko na siya, buo ako. I’ve endured everything and is ready for the kind of love he will be giving me.
Maraming salamat Lord for listening. Truly you’re amazing. Hanggang dito muna ako. I’m not sure if this will be the last time I will be writing to You or about this but know for You na You have all of me. I trust and believe in You.
To enduring until it no longer hurts. :)
Goodnight.
1 note
·
View note
Text
Not your 'babe'
10 years na tayo. Okay naman. Masaya tayo hanggang ngayon. Mas matibay kesa dati. Going to forever. Or so i thought.
3 weeks na rin nung nagbreak tayo. Masakit pa din. Syempre. Pero di ako naiiyak. Seryoso. Hindi ko alam, parang kulang yung pag-iyak. Parang wala yun maitutulong sakin. Parang di nun mababawasan yung bigat o kung ano man tong nararamdaman ko ngayon.
Okay naman tayo diba. Masaya pa tayo. Ang dameng plano. Magkikita sa ganitong araw. Pupunta sa ganitong lugar. Pero naudlot kase nga isang beses nadulas ka. Tanda mo ba? Tinawag mo kong ""babe"". Na sa loob ng 10 years, hindi naten naging tawagan kase ayaw naten non pareho.
Nagulat ako non. Gustong gusto ko itanong sayo, ""Sino si Babe?"" or ""Gago ka, hindi babe tawagan naten."" Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase naisip ko, lulusutan mo lang naman din at pipiliin ko lang na paniwalaan kung ano man explanation mo. But not that time.
Restday mo. Nagtext ka saken sabe mo maghapon ka matutulog, wag na muna tayo magkita. Pumayag ako kase mas gusto ko naman yung magpahinga ka e. Alam ko kasing nakakapagod talaga magtrabaho. Pero hindi ko din alam kung bakit ko naisip na umalis ng bahay at pumunta sa inyo.
Hindi mismo sa bahay nyo. Sa bahay ako ng tropa mo ako tumuloy, si Janeth, diba sa harapan lang yon ng bahay nyo. Yung may tindahan. Nagstay ako sa kanila, buti nalang medyo close kame. Nagtataka nga sya bakit sa kanila ako tumambay. Sinabe ko gusto ko lang na malapit ako sayo pero di kita iistorbihin kase nagpapahinga ka. Naniwala naman sya. Di ko alam kung ano yung hinihintay ko. Halos maghahapon na rin non. Binabalak ko ng umuwe kase baka kalokohan lang naman yung tumatakbo sa isip ko. Hanggang sa nakita kitang lumabas ng gate nyo. Naka porma ka. Tumingin ako sa cellphone ko, walang text na galing sayo na aalis ka o may pupuntahan ka.
Hindi mo alam nandon ako at nakita kita. Hindi mo alam na sinundan kita.
Sumakay ka sa tricycle, dun din ako sumakay sa tricycle na sinakyan mo mismo. Sakto kase busy ka non sa cellphone mo kaya di mo ko napansin. Tinignan ko yung phone ko, baka kase nagtext ka pero wala. Wala ka pa ring text saken. Sa backride ako, nasa loob ka. Nung bababa na binilisan ko ang pagbaba at nagderecho agad sa mga stalls don sa terminal para di mo ko makita. Swerte. Hindi mo nga ako nakita. Kaso pagsakay mo ng jeep, dalawa nalang ang kulang. Hindi na ko pwede sumakay don kasi makikita mo ko kaya sa sumunod nalang na jeep ako sumakay. Hindi ko alam kung pano pa kita masusundan non pero sumakay pa din ako. Medyo matagal pa ko naghintay mapuno yung jeep na sinasakyan ko. Malayo ka na sigurado. Alam ko hindi na kita mahahabol pero hindi pa din ako bumaba ng jeep hanggang sa umalis na yon sa terminal. Pero akalain mo nga naman, nagtraffic banda sa Lianas. At sakto din, yung jeep na nasakyan ko e panay sa overtake. Hanggang naabutan pa rin namen yung jeep na sinasakyan mo. Magkatabi na yung jeep na sinasakyan naten. Pero di mo ko nakita kasi nakatalikod ka. At oo, alam kong likod mo yon. Kilala kita kahit nakatalikod ka.
Hanggang nakarating sa Crossing, pagkababa mo, nasundan pa din kita. Sumakay ka ng jeep pa-Batangas. Dun din ako sumakay sa jeep mismo na sinakyan mo. Sa harapan ka umupo. Ako doon banda malapit sa bukana. Hindi mo ko napansin kase kumukuha ka ng pambayad mo.
Saktong pamasahe ang binayad ko non para hindi mo ko makita kapag nagsalita ako at sinabe sa driver kung saan ako bababa. Narinig ko kasi na nagtanong ka sa driver kung magkano hanggang sto.tomas kaya ganun na din yung binayad ko. Baka kasi marinig mo yung boses ko, at makilala mo. Baka malaman mo na nandon ako. Medyo nagfeeling ako don. Nung nakisuyo kase ako ng pamasahe sa katabi ko, medyo napalakas ang boses ko. Sapat na para marinig mo, pero hindi mo napansin. May tinatawagan ka kase nung oras na yon. Sinilip ko ulit yung phone ko baka kase nakasilent, baka ako yung tinatawagan mo, di ko lang namamalayan pero hindi. Hindi ako yung tinatawagan mo.
Nung oras na yon, gustong gusto ko na magpakita sayo. Gusto kitang itext ng ""san ka pupunta?"" or ""Gago akala ko ba tulog ka?"" Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase alam kong lulusutan mo lang. Kapag sinabe mong wala kang load, o kaya lowbatt ka o baka naman wala kang signal, e maniniwala na naman ako. Kaya hindi ako nagpakita sayo.
Hanggang sa pumara ka, hindi muna ako bumaba. Pinaabante ko ng konti bago ako bumaba, yung sapat lang na nakikita pa rin kita. Nakita ko pumasok ka sa fastfood resto. Habang naglalakad ako papunta don, kinakabahan na ko. Hindi ko alam kung natatae ako o nasusuka basta iba yung pakiramdam. Hanggang nasa harap na ko ng fastfood resto na pinasukan mo. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag nakita mo ko kase hindi ko alam kung san ka pumwesto. Bahala na sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko, sayo unang tumama yung tingin ko. Nakatalikod ka. May katabi kang babae. Hindi ko alam kung ako ang swerte kase hindi mo pa din ako nakikita, o ikaw kase hindi pa kita sinusugod hanggang ngayon. Sa itsura nyo, masyado kayong close, na maiisip ng makakakita, e mukha kayong couple.
Hinang hina na ko non. Kaya umupo na ko sa gilid, medyo malayo sa inyo pero kung lilingunin mo, makikita mo ako. Ni hindi ka lumingon. Masyado kang nakatingin sa kasama mo na parang may sarili kayong mundo. Kumakain na kayo't lahat, nandun pa din ako. Di ko alam kung baket. Baket nandon pa ko. Baket hindi ko kayo sinusugod. Baket wala akong magawa. Hindi ko rin magawang umiyak. Tuyo na yung mata ko sa kakatitig sa inyo. Sa pagsandal nya sa balikat mo. Sa paghawak mo sa bewang nya. Minsan pa sinasabunutan ka nya ng pabiro. Hinahampas ng mahina. Nagselfie pa nga kayo sa phone nya e. Sobrang dikit kayo. Hanggang sa natapos na kayo kumain. Tumayo na kayo. Lumabas. Naiwan ako sa loob. Pero tanaw ko pa din kayo sa labas. Wala na kong balak sumunod. Di ko alam kung ayaw ko na ba kase pagod na ko. O ayaw ko na kase sobrang sakit na. Parang pareho. Nasa harap lang kayo ng resto, naghihintay ng sasakyan habang nagtatawanan. Hanggang may jeep na dumating, pinara mo, humalik sya sa pisngi mo bago sya sumakay tapos nababye.
""tangina."" Yan nalang naibulong ko sa sarili ko e. Di ako palamura alam mo yan, pero tangina kase talaga. Malapet lang ako sa inyo kung tutuusin, pwede tayo magkita. Kahit ako na pupunta sayo kung gusto mo. Kung niyaya mo ko. Kung sinabe mong gusto mo magkita tayo. Pero hindi e. Sabe mo magpapahinga ka maghapon pero tangina nakarating ka pa ng Batangas para kumain sa fastfood? Pero bute sana kung kumain ka lang e. Kaso may kasama ka pa. Tangina.
Pagkasakay nung babae, tumawid ka. Uuwi ka na siguro. Nakita ko kinuha mo yung phone mo, iisipin ko pa ba na itetext mo ko? Syempre hindi na yun yung inisip ko ngayon. Hanggang sa nagvibrate yung phone ko. Nakita ko, text galing sayo.
""Honey <3 : Hi hon, kakagising ko lang. :) Sarap ng tulog ko. :*""
Pumatak na luha ko non. Kase grabe na. Sinungaling ka. ߘ⠎ireplyan kita ng ""Ayoko na. Break na tayo."" tapos pinatay ko yung phone ko. Di ako umuwi ng 2 weeks sa bahay sabe ko kay mama dun muna ko kila tita mag-i-stay. Pumayag naman sya. Di mo alam kung san yon kaya hindi mo ko napuntahan. Di ako nagFB para talaga lumayo sayo. Hanggang kahapon, nagulat nalang ako nasa pintuan ka na nila tita. Wala na kong nagawa kundi kausapin ka.
Umiiyak ka. Nagagalit ka saken. Tinatanong mo ko kung ano bang nangyare. Ano bang nagawa mo baket bigla akong nakipagbreak. Di ako sumasagot. Pinakinggan lang kita sa mga sinasabe mo. Ni wala akong naabsorb sa drama mo. Umiiyak ka pero wala akong pakielam sa luha mo. Hindi ko yan pupunasan. Punasan mo yan mag-isa mo. Hanggang nanahimik ka na kase naghihintay ka ng sagot ko sa tanong mong, ""Ano bang problema hon? Sasayangin ba natin yung 10 years?""
At mula sa simula nitong kwento na to, yun yung sinabi ko sayo. Pagkatapos tumigil ka sa pag-iyak. Hindi ka na makatingin sakin ngayon. Hindi ka na makapagsalita.
Binalik ko yung iphone na binili mo saken kase ayokong dumating yung araw na isumbat mo saken yan. Alam ko hindi ka ganun, pero para lang sigurado. Alam ko rin kase dati hindi ka manloloko pero niloko mo pa din ako. Alam ko din dati hindi ka sinungaling pero nagsinungaling ka pa rin saken. Hindi na kita sasabihan ng kung ano-ano, kase kulang pa yon at hindi na nun mababago yung mga nangyare. Imbis na sumbatan kita, magpapasalamat na lang ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero salamat pa din. Siguro salamat sa sampung taon kahit hindi ko alam kung ilang taon yung sakin don.
Babaeng napipi ng pag-ibig College of Science and Computer Studies (CSCS) 2010
(DLSU-D Secret Files)
28 notes
·
View notes
Photo
And now I'm officially done!! 🎓 *long post alert hehe* 4 years I ago I still don't even know what to do with my life. Alam ko yung course na gusto ko pero Im not sure if thats what I really want. Well I personally don't like mag aral sa PUP way back then but sa pamilya namin PUP halos lahat nag aral. And then, I failed... Yes bumagsak ako sa entrance exam ng PUP just like I thought. So ayun na nga I tried to study in other school pero masydo kong trip ng universe at binalik sa PUP. I got the chance na makapasok and choose the course I want. Ganon ka swerte yung nangyare sakin, shempre no choice ako. Ano ba namang laban ng dose pesos per unit sa ibang school diba? I also got the chance to choose my own section and dahil sa magandang schedule I choose the 1st section. Naalala ko nun before mag start s.y. Masyado kong madaming iniimagine. Nice people, friendly ambiance and a good way to start my college life. But then iba yung napala ko... FUCK. Sobrang nawindang ako. Sobrang laking adjustment sakin lahat. Na shock ako sa PUP. Hindi ko alam pero malaki talaga pinag kaiba pag nagsanay kang nasa private school ka galing tas biglang ganon. Hinaluan pa ng school anxiety ko. Nakakabaliw. Ni wala akong masabing pwede kong maging kaibigan. TANGINA nung narealize kong sa pup nga pala 1st come first serve. Natural na nasa section 1 e yung mga highest sa entrance exam and yung mga graduate ng pup highschool. Shunga diba? Isipin niyo nalang na nasa isang silid aralan ako na pinapalibutan ng valedictorian, scholar, came from science highschool... Samantalang ako muka akong mancha dun. Nawindang ako sa lahat ng prof ko nung 1st sem. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya. I even got 0 out of 10 sa surprise quiz and take note exchange papers yun... Ako yung lowest FUCK. Nakakahiya kasi alam kong pinag tatawanan nila ko. So fast forward. Meron naman nako nakakausap and friends and everything. I also experienced yung mag cut ng class and believe me sobrang kunsensya ako nung time na yun 😂 then yun na nga may presentation kami sa isang subj na ewan ko ba bat di ko rin pa nagawa yun. Yung ka group ko nag paparinig na sa twitter I think I offend him and boom. Twitter war begins. Believe me gusto kong lumubog nung sinabi niya saking "bobo" ako at "simpleng algebra lang di mo pa mapasa" well eto rin yung kasagsagan na may naririnig at nakikita akong masyado kong minamaliit na pinapakitang bobo ko so boom ang sakit pala??? Matawag kang bobo tapos di mo alam sasabihin mo kasi pakiramdam mo oo nga??? Bobo nga ako??? And that was the time that I drop some of my subjects and told my mom I want to transfer in other school na yung PUP di para sakin. But they insisted, lilipat lang daw ng course pero sa pup pa din. Pero ayoko.... 😔 sabi after 2nd sem nalang ako lilipat para mas madali. 2nd sem came and then tadaaaaa I met my friends and bc of them nakapag decide nakong mag aral padin sa PUP. Nakakatuwa lang how they really help me to na ma overcome anxiety ko. How I enjoy every single day napapasok ako sa school. 2nd year college, mejo petiks and mejo mapag laro padin ang universe. I tried na habulin sila kasi nga nag drop ako sa ibang subjects and I really tried my best na makahabol din naman sa kanila. I will never forget what my dean told me that time "hindi, kahit anong gawin mo di ka na on tim gagraduate 5 years mo na matatake ang psych" sakit sa puso bes. Pakiramdam ko ang lupet ng universe trip na trip niya ko. But I never quick I tried to add units and mag summer class. Very nakakapagod lang talaga. And another thing is I have to attend class with other section. Isipin mo nalang madalas isa lang ako sa isang room na magkaka block. Tiniis ko yun kahit mahirap. 3rd year. Akala ko things will go into the right place. But shit.. May biglang lumabas yung kagaguhan namin mag kakaibigan din. Haha ewan ko ba. Muntik na.. No totoong hindi na talaga ko makakahabol talaga nun. Wala na talaga. Sinasabayan pa ng ng problemang katangahan ko.. Pero hinarap namin yung problemang ginawa namin hindi naman tinakbuhan. I tried to overload again and override ng mga pre req units. And luckily umayon naman sakin ang universe. Mahirap lang pero kinakaya. Then we met our prof sa clinical psych I almost died mga bessy. Kidding. But I so proud of my self na naka pasa ko sa subject na yun. Hinding hindi ko makakalimutan yun. 4th year. This is it. Eto na talaga yun. Ang smooth lang din ng 1st sem ko. We had our ojt na (industrial) and mejo madami ako narealize na ayokong sa office ako mag wowork blablabla. Akala ko hindi na pwedeng pigilin pa. Kasi halos mahahabol ko na lahat ng subjects. And second sem came. I almost cry nung inapprove yung 3 subjects ko na overload we also have our second ojt nun. Isipin mo nalang 7:30 am til 7pm nasa pup ako tapos kinabukasn papasok ako aa ojt ko. I sacrificed a lot kasi sabi ko last na to kaya dapat kayanin kasi kailangan. And then I met our prof in polgov. Grabe yung anxiety sa tanang buhay ko dun lang ako naiyak sa kaba dahil sa recitation. Isipin mo nalang nakukuha kong grades e puro failed... Puro singko puro blangkong papel napapasa ko. Napapaisip nanaman ako bat ang bobo ko kasi nga?? Wala akong alam... Then it happened. Bigayan na ng grades di pa na eencode sa sis namin pero nasabi na sakin.... I FAILED ON POLGOV. Parang gumuho mundo ko... Huling semester, nahabol ko lahat and at the end bumagsak ako sa isang subject. Sobrang sakit srsly. Siguro oo bagsak mga grades ko but believe me I tried my best just to pass that subject. Ginawa namin lahat para ma contact yung prof and pumayag naman siya makipag meet after a week. Isipin niyo nalang yung buhay ko tuwing gigising ako nung isang linggong yun.. Ang sakit sa puso. But after everything I passed. Sorang naiyak ako nun hindi ko ma express nafefeel ko di ko kinakaya. 😢😢😢😢 And now Im here, degree holder at unemployed na haahaha. Looking back sa mga pinag daanan ko ng apat na taon hindi pala talaga joke. At sobrang naging proud ako sa sarili ko.. Akalain mong naka graduate ako on time after all!!! Nakakatuwang malamang naging malakas ako despite of everything. This is it!!! This is just the beginning of something new. 🎓 Kapag may gusto talaga ko I don't quit. Nag hahanap ako ng way para makayanan yun. 🙂 Thank you Ria dahil naging matatag ka. Sobrang proud ako sayo. Sana maging matatag ka rin sa ibang bagay... 🎓 Ebueza, Ria Katrina C. Bachelor of Science in Psychology Polytechnic University of the Philippines BATCH 2017 🎓
5 notes
·
View notes
Text
Feb 29, 2020
Sabi ni mama samin ni Kato, lumayas na kami. Kasi di nya kami napapakinabangan. Na dapat by this age, napapakinabangan na kami. True. Pero I'm trying. We're trying. Gustong gusto ko na rin gawin yun. Pero ano? Nganga, di pa ko graduate eh hahaha bobo e anong magagawa natin? Always silang nauuna sa lahat ng pangarap ko. Hanggang pangarap na lang ata talaga sya.
Anyway. Lumayas nga ako ahahaha. Pero nasa dorm lang naman ako. Ngayon iniisip ko pano ko to papanindigan. Kasi saan naman ako kukuha ng pera para mabuhay dito? Okay lang din naman, kasi ayoko na mabuhay. Para saan pa? Pabigat lang naman ako. Kanina nung nasa byahe, gusto kong mapahamak. Tipong mamamatay na ko. Wala na akong pake. Kaso pag sineswerte ka nga naman. Ligtas pa ko nakadating hahaha.
Gets ko naman. Pagod na rin sila talaga. Ilang taon na nila kami binubuhay tapos hanggang ngayon nakadepende pa rin kami sa kanila. Bakit pa ksi ako nabuhay in the first place. No one wanted me to be here. Kuya Marvin, siguro dapat ikaw na lang nabuhay at ako yung namatay. Kasi baka mas maging proud sila mama sayo. Baka mas maayos buhay ng pamilya natin ngayon. Kuya, isunod mo na ako. Sunduin mo na ako. Ang sakit na eh. Ang hirap na.
Naisip ko ngayon lang, may burol pa pota. Gastos na naman. Hanggang sa huli gastos pa rin???? Tangina wala na talaga akong nadulot na maganda. Pag namatay ako at nababasa nyo na to, Kuya, Bobok, ate Gladys, wag na kayo uwi ha. Please? Please. Last wish ko to. Kahit eto lang sundin nyo. Alam ko naman maggrieve kayo somehow. Okay lang sakin, I swear. Mas magagalit ako pag umuwi kayo. Ipon money!!! Sayang pera.
Kuya, yung kasal intindihin mo. Sorry di ko ata mawitness. I always miss you and your kasungitan!!! Lalo na dati nung tinuturuan mo ko sa math hmf, lagi ako paiyak na e. Hahaha. Miss ko na din yung kulit mo pag lasing ka ahahaha parang timang e. I always worry kasi you live alone dyan. Kahit I know na sanay ka na pero, I know how sad it feels na wala kang uuwian dyan. Dapat ako yung susunod dyan eh, hehe. I love you Kuya! Take care lagi ha? Ate Anna, ikaw na bahala kay Kuya ha hehe. Ikaw lang nagpapaamo dyan hahaha I love you! Ingat ka din lagi sa flights mo!
Bobok, sila Gon at Matthan ha. Alamin mo kung ano talaga gusto nila and support them. Always. Ingat din kayo dyan lagi. Alam ko din namimiss mo lagi sila mama. Ahhaha. Remembered the time na nagkadengue ako, tapos sa bahay lang ako nakaswero instead sa ospital kasi andun ka naman para imonitor ako. One time bago ka pumasok, kukunan mo ko ng dugo tapos naaawa ka na sakin kasi puro pasa na yung kamay ko, ayaw ko na magpakuha ng dugo nun pero dahil ikaw naman kukuha, go lang hehe. Rapsi ng may kapatid na nurse!!! I love you!!!!
Mama, Papa, wala kayong kasalanan. Akin to lahat. Ako may mali lahat. I know I'm not supposed to feel this way. Sounds immature pero ang bigat kasi. Pero!! Di kayo nagkulang. You gave me more than all the support and love I needed. Sobra sobra nabigay nyo. You both are the reason bat ko to nilalaban. I wanted to make you proud! 6 children, with different professions. You've worked really hard!! It's now time to lay low. Don't stress yourselves too much. Ha? Take care of your health. You have to see all your apo! I love you!!
Tita, thank you sa pag aalaga mo samin. Ang lalaki na namin pero inaalagaan mo pa rin kami kahit dapat ikaw na ung inaalagaan namin. Tita, isa ka rin sa reason bat ko gusto magpagawa ng bagong bahay. Para may sarili ka na kwarto! Magandang kitchen and cr hehe. Tsaka gusto ko rin maghire ng isa pang kasama dyan kasi nakakapagod kaya kami alagaan!! I always love all the food you cooked for us! Take care of your health tita!!! I love you tita!
Ate, you've sacrificed so much for the whole family. Lahat kami pinaaral mo. Kaya sorry ate, kasi sana may family ka na ngayon na sarili kung hindi dahil samin. Thank you for choosing to stay with mama at papa. Mahirap kasi nasanay ka may pera ka lagi na madaaami hehe pero at least Printing will continue dahil baka sayo yan ipamana hehehe. Thank you ate for still calling me "baby" :((( pag naririnig ko yan from you, i get to feel na ako pa rin baby satin magkakapatid plus!! You alwayssss spoil me pa rin. Tsaka ikaw rin!! Take care of your health na ha! I love you ate!
Porpie, sorry!! Dapat kasal ka na din ngayon kaso sabi mo hintayin muna ako makagraduate hehe antagal pa bago mangyari yun naunahan ka tuloy ni kuya. Thank you for always making our family happy!! I've always admired your humor!! And tbh, idk pero always felt intimidated sayo :( i still love you so much doe! Tsaka alam mo ba you're my role model hehehe. May something kasi sayo na super likeable, even your students love you! Ganon ka kaamazing hahaha. Dont ever chaaange!!
Tato, lumayas ka na kasi dati e kaya ako na lang. hahaha thank you pinakilala mo na si Steph!! Been waiting for that for a long time already hayz. Ayun nga, sabi satin ni mama, di ba tayo naiinggit kasi yung ibang kaedad natin nagwowork na. Ako di talaga kasi di p naman ako graduate hahaha pero i know you have plans. And maybe you just don't want to tell it to us kasi ewan ganon ka talaga eh hahaah magugulat na lang kami one day hired ka na. Hintayin ko yung araw na yun. Kahit wala na ko. And yung exam!! If you want to take it again, go! You can try and try and try again. It's okay. We trust and believe you. When everyone else is telling you bad things, remember na never ako madidisappoint. I know how that feels e! So anyway yun nga, habang wala ka pa work, bawasan mo na pabalang sagot kay mama at papa. Hmf. Apakainit lagi ulo. Yoko na haba na nito chix ka ba? Sayo pinakamahaba. I love youuu! Ingat ka lagi magdrive!
Machie, my 2nd mom! Kahit andami mong ginawa, di pa rin nagbago tingin ko sayo! Pero please tama na haaaa. Thank you for taking care of me, always. Hanggang ngayon. When I need something, willing ka lagi to do it for me. I always loved your ampalaya and adobo! I love you Machie! Thank you for everything! Di ka rin nawala sa pangarap ko machie.
Kuya Pat, galingan mo sa college ha? Wag na magbulakbol! Galingan mo lagi pati sa ML! Bawas na din pagiging tabag tamo ako pinalayas. Si papa epi at ate mards nagttrabaho maigi para makapagtapos kayo pareho kaya mag-ayos na ha! Wag mo muna sila bigyan ng apo. Hahaha thank you kuya Pat for trusting me, sa lahat ng kwento mo. Always know na may nakikinig sayo and may magguide sayo. Tsaka alagaan mo rin si ate Ashley! Harsh mo lagi e. I love you kuya Pat!
0 notes
Text
Useless rants
Nakakainis yung ganun noh? Yung naka move on na siya lahat lahat tapos ikaw, nag aantay ka pa din. TSK.
Yung, nadelete yung IG niya, pero gumawa siya bago tapos finollow niya lahat ng maganda tapos ikaw HINDI. ISH. Nakaka baba ng ego eh!
Yung kada umaga pag ka dilat na pag ka dilat mo, titingin ka sa ceiling ang unang papasok sa isip mo "wala na siya" EVERYDAY YAN FOR 2 MONTHS!! NAKAKASAWA!!
Tapos siya, wala lang!
Nangamusta ako sa friend niya, di ko siya matiis pero WALA.
Binlock ko na siya along with his friend and families hindi dahil galit ako sa kanila or what, pero kasi finifeed ko lang yung insecurities ko yung loneliness ko pag bumibisita ako sa acc nila hoping na makita ko siya.
Alam mo yun? Dadalaw ka sa account niya titignan mo yung natitirang dalawang pictures niyo sa cellphone mo tapos iiyak ka? The fudge!!! Para akong nag didilig!!! Dinidiligan ko heartache ko, parang binabalatan ko yung sugat na pahilom na! Asa ako ng asa na makikita ko message niya, or iadd niya man lang ako pero WALA. Tangina, kaya niya ako tiisin ng 2 dalawang buwan! Ay sorry nag tiis ba siya? Baka nga super dali lang nun sakanya.
Kaya. Binlock ko na siya. Para na din saakin, para sa akin yun. Para DI NA AKO AASA. Yes in the back of mind iniisip ko "pano kung one day maalala niya ako? Hanapin niya ako?" BULLSHIT!! BAKIT AKO. NUNG NAWALA FB NIYA NG HALOS ISANG BUWAN?! Pinag bubukas ko lumang account ko! Pati sa nanay ko! Pina tingin ko sa bff ko, pinatingin ko sa lalakeng alam kong may crush sa akin PARA LANG MALAMAN KUNG NAKA BLOCK BA AKO- PARA HANAPIN SIYA!
Ako na nag makaawa. Ilan beses na. Alam mo ba yun? Gustong gusto ko na pag pahingahin puso ko, isip ko. Kung mahal niya ako, bumalik siya. Open naman ako eh.
Mahal ko pa din naman siya eh. Pero.. For once.. Sana may lalakeng mag effort naman sakin.. Deserve ko naman eh.. Alam ko deserve ko. Nakakasawa na maging "light" Sa iba.. Pagod na ako. Nauupos na ako sa totoo lang, ayoko na... Kaya sana.. Sana.. Sana matuto na ako mag sawa..
Nakakasawang ganito, kelan ba tayo di umiyak patungkol sa lalake? Ha? Kinakacareer ko na eh. Monthly ko na nga to ginagawa eh.
Ang goal ko.. Goal ko talaga wag mag syota buong YEAR. Like from April 21, 2018 to April 21, 2019. Hanggang 2020 pa nga kung pwede eh.
Ang.. Dami dami kong "love" Na gusto ko ibigay, sobrang dami. Ganun ako eh.. Leo nga eh. Pag nag mahal ang leo, twice ang ibibigay nila na saya sayo pag napapasaya mo sila.. Kasi para bang number 1 fan mo sila. Kaya yung maging single ka... MY GHAD.
Simula nung 3rd year HS ako hanggang college ko taken ako! 6 years beh! ENEBE.
Hay. Pano ko ba to masusurvive.
Sobrang depress ko na po. Ikaw ba? Kamusta buhay mo. Sana wag ganito sakin.
Yun lang. Kasawa mabuhay.
June 26, 2018
0 notes
Text
ginagawa mue? Hahaha! Namiss ko magsulat dito ah madami akong kwento, fresh from the latest happenings sa talambuhay ni paul aning hahaha! Una sa lahat naka graduate na ko sa college tapos, yun lang hahah biro lang! Akalain mo yun noh? Ang tibay din eh haha halos mabaliw ako hindi sa acads kundi sa mga cheche burecheng hinayupak tanginang kapraningan pero nairaos ko pa din pagaaral kahit gustong gusto ko ng bumigay at sumuko na kasi di ko na alam ginagawa ko pero alam mo yun? Hindi pwede sumuko para sa kanila minamahal ko sa buhay basta para sa kanila kakayanin heheh naks! Tapos, nue ginagawa mue? Trip trip lang napasali pala akong sk, sanggunian ng kakupalan tapos tangina nanalo ako kahit halos puro tulog lang ginawa ko sa campain namin siguro 30% exposure lang 1 time lang ako sumama sa parade eh gago dami ko pala tropa dito sa brngy kaya siguro nanalo ako sk patawad este kagawad hahahah! Hay nako! Matatawa ka nalang netong mga nakalipas na buwan tangina. Tapos computation lang na enroll ko sa tutorial saka review pucha sayang yung ibang subject na di ko naenroll pero ok lang nagka experience naman ako ng higit 1buwan sa internship ko, nag ojt ulit ako tangina pero sa brokerage na kaya natuto ako ng basics, lodgement tas container deposit, waybill saka gatepass tapos yung arrestre. Nakahawak din ako ng complete docs saka malaking halaga ng pera na nakakatakot hawakan kasi baka maholdup hahah! ano pa? Break na kami tsk! Hahah! Kung iisipin mo oo masakit pero nakakatawa din kasi eh, basta alam nya na yun baka nga pati sya natatawa nalang din eh. Ang dali maghanap ng kalandian kahit saan o kahit kelan pwede lumandi pero yung pangseryosohan yun mahirap hanapin. Seseryohin na kita cha nandun na eh kaso ako lang pala, egul! ganganti o makikipaglokohan pa ko sayo? di na, laos na yun mga ganon galawan saka, basta hahahah! Ayoko kita saktan tapos, ewan ko sau balakajan! hahah mga linyahan nya tangina halos makabisado ko na. Sayang no? Bakit kasi hindi mo pinahalagahan? Ah siguro kasi hindi ko ginalingan o sadyang kinikilig ka lang di mo talaga ko minahal? hays hahah! dami pa ko sana gusto isulat dami ko pa kasi gusto ikwento kaso haba na eh pang mmk hahah! namiss ko talaga sumulat, may mababasa na naman ako balang araw tapos sasabihin ko "kelan kaya to? sinulat ko talaga to? hahah! the end :)
0 notes
Text
Masyado ka naman po yatang lumagpas sa line. Hindi na ko magpapakaplastic pa, eh kaya nga ako nandito sa tumblr para maging totoo diba? Simula pa lang na mamulat ang mata ko sa mga bagay tungkol sa real life, ayoko na sayo. I mean, mula nung natuto akong tumingin sa ibang side ng tao. Nung naramdaman kong naiinis pala ako, alam ko na, hind talaga kita gusto. Tama nga sila, hindi porkit kapamilya mo ay kelangan mong irespeto lalo na hindi ka naman karespe-respetado. Magpasalamat po kayo na mas matanda kayo sa akin. Na mas aral ka sa parents kong hindi nakatapos ng college. I considered that na mas angat ka nga at some point pero yung iparamdam mo sa parents ko na wala kaming utang na loob sa kapatid mo? KAPATID MO HA. HINDI SAYO. Eh parang iba naman po yata yan. Umabot pa kayo sa pagpost sa fb and sa consistent message sa fb na hindi nyo alam nagbibigay na ng anxiety sa papa ko. I hate you for making my father feel that way. Wala kang kapatan para iparamdam yan. Just wait, may karmang dadating.
Sa totoo lang, ayoko magrant. Ayokong ipublic ang galit ko pero writing it on my journal won’t make me feel okay. Hindi pa din maalis yung sama ng loob ko. Okay lang na you treated me like a you don’t know me pero yung ginawa mo sa papa ko hindi ko talaga kayang palagpasin. Tapos less guilt pa dahil ang alam ko hindi naman tayo talaga magkadugo. Pero pakshet ka. Tangina
0 notes
Text
#2 Taympers
Sisimulan ko ang blog post na ‘to sa isang mabigat na buntong hininga... “HAYYYYYYYYY”.
At hi din pala muna. Sabi ko sa unang blog post ko, magbabalik ako sa tumblr, sa pag susulat, sa pagkukwento ng nangyayari sa araw ko. Pero anyare? Wala. Walang nangyari dahil di ako binibigyan ng pagkakataon ng buhay na to na madalas magkaroon ng gantong oras. Yun bang at the end of the day, kaya mo pang umupo sa pc at magkwento... yun bang kaya mo pang labanan ang antok at bigat ng pinagsama-samang feels mo sa mundo.
Ikaw, kamusta ka?
Ako... nasa punto ako ng buhay ko na nagsisisi kung bakit dati pinagdarasal ko na bumilis ang oras, na sana tumanda na ako at magkatrabaho. Nasulit ko naman ang pagkabata ko, pero ngayon naiisip ko bakit hindi ko mas-sinulit? Dumating ka na rin ba sa point na to? Malamang oo, pakiramdam ko kasi 9/10 sa mga tao ngayon, pinapangarap makabalik sa oras na pag tulog lang sa tanghali ang problema para makapag laro sa hapon, mga oras na pinoproblema lang kung saan mag tatago pag naglalaro ng bangsak. Yung 1/10 yung mayayaman, yung ngumunguya ng pera sa agahan. Feeling ko lang naman.
Tangina kasi, minsan gusto ko nalang sumigaw ng “taympersssssssss” sa buhay. May mga umagang pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mata ko, ipipikit ko na ulit ang mga ito at magdadasal na sana hindi ko pa kailangan bumangon, na sana pwedeng matulog na lang ng matulog, na sana nakahiga na lang ako sa pera at pwedeng hindi na mag trabaho.
Sobrang saya pala ng buhay nung hindi ka pa isa sa mga stressed na tao sa mundo, tawag ata nila... “adults”. Kung alam ko lang na yun ang pinakamasayang stage ng buhay, edi sana tinambayan ko muna. Nung elementary, problema ko lang noon pano gigising ng maaga para maaga makapasok at makapag laro pa ng sipa bago ang klase. Akalain mo yun, top 1 pa ‘ko nun sa klase, ‘kala ko pa nga ang cool ko kasi kalaro ko puro lalaki ng lower section pero likas kasi yung talent ko sa sipa kaya sorry nalang sa mga tinatalo ko sa sipa noon. Pero ayun na nga, top 1 ako ng klase noon! Kung saan saang school ako dumadayo, pinanlalaban. Proud na proud parents ko nun sakin kasi para daw akong may iba’t ibang katauhan, batang kalsada sa bahay tapos achiever sa school. Aba panis. Di nila alam, dala ko pa rin naman ang pagiging batang kalsada ko sa school. Sobrang dami kong nasalihang contest nun, ‘kala ko tuloy nun matalino talaga ako. Every year kasali kami sa math quizbee, nakasali na rin ako sa spellingbee kung saan umabsent pa ko ng isang araw bago yung contest para magmemorize ng definitions ng mga lintik na iispell na yan, scidama since grade 3 dahil nirecommend ako ni Gino at di naman sya nagkamali, champion ako kasi nga ‘kala ko talaga magaling ako. Kasali rin ako sa journalism, dito ko nakilala ibang kaklase ko nung high school e, nakasali na rin sa chess tournament pero di ako proud dito kasi di ko gets bakit biglang nilaban ako? Mamser, di po porke nangunguna sa klase ay best in chess na din. Wow. Panlaban din ako sa science quizbee, tandang tanda ko pa yung last question na nagpanalo sakin sa clincher round nung grade 5, ano daw yung nagtatransmit ng neuron signals... ay tama ba. Di ko sure pala, tinatamad ako igoogle kasi bakit pa e wala naman may alam nitong blog ko. Effort pa eh. So basic ng tanong, which requires a very basic answer... axons ata ang sagot kung di ako nagkakamali. Wow anyabang talaga. Basta madami pang contests, nakakatamad isa-isahin lahat, baka sabihin nyo anyabang ko. Sabi ko naman sainyo, ‘kala ko kasi nun magaling na ako.
Tapos dumating ang high school. Sobrang saya ng high school! Best part ata tong balikan. Sobrang saya kasi ito yung time na may isip ka na talga, mulat ka na sa bagay-bagay kahit papano pero hindi pa enough para mamroblema ka ng husto. Kumbaga... saks lang. Kaya sobrang babaw ng kasiyahan non. Ultimo pagpapaulan, kinatutuwaan. Tipong, bibili ka lang ng footsocks sa kanto pero sama-sama pa kayo ng mga kaibigan mo. Yung ansarap gawin ng mga bawal, basta sama-sama kayo. Yung inspired ka sa mga crush mo, pasikat ka, kunwari wala lang sayo pero ang totoo bawat pitik ng daliri mo, para sakanya talaga... para mapansin ka. Wow Diane, kala mo alam talaga e. Nung high school sa tagsci ako namulat na di pala ako magaling. ‘Kala ko lang pala talaga matalino ako. Sa highschool ko naranasan mag remedial class sa math, kasi di ata hilig ng section namin mag aral nun. Tipong sa di ko nasagutan yung isang page ng exam sa finals sa math kasi di ko nakita pero ako pa yung nag highest. Ganern. Pak maipasok lang. Pero sa totoo lang, hirap talaga section namin sa math nung 1st year. Dito ko narealize na ansarap mabuhay, ansarap pumasok sa school, di nakakatakot, di nakakapressure ang exams... not until magkaroon kami ng Physics. Tanginang physics yan e. Hirap na hirap ako dyan. Tipong lunch time nag aaral kami ni Paul para sa quiz pero mababa pa rin ako. Ayoko talaga ng physics, or siguro di lang talaga kami nakikinig kay Ma’am Nemis tuwing klase. Pero bakit ako lang yung nahihirapan. Hayyyy ‘kala ko lang kasi talaga magaling ako. Paulit-ulit wow. Sobrang saya ng highschool, hindi deserve na part lang sya ng post, pang isang buong blog post kung high school ang pag uusapan. Pero ayun na nga... sobrang lungkot din nung grumaduate ng highschool. Ako lang ata saming magkakaibigan yung hindi nag UP. Ay tama ba? Ay hindi. Si Janina, nag UST tapos si John Mar nag MINT. Okay... ako nag PUP. Oppps dati akala ko pinagsisisihan ko. Pero ang galing... kahit katiting nawala lahat ng akala ko.
No ragrets. Why? Kasi dito ko nameet yung mga college friends ko. Malamang, college e? De... srsly, dito ko nameet yung mga taong dumagdag sa buhay ko. Nung akala kong high school friends lang ang forever friends ko... mali pala. I’ve been given the chance (wow english talaga???) na makakilala pa ng mga totoong kaibigan before masatisfy and masabing, okay na ako sa circle ko... okay na ako sa friends na meron ako. Sa college yung phase ng buhay mong mulat ka na enough para maintindihan yung mga bagay bagay kaya marami ka nang pinoproblema, marami considering nasa college life ka pa lang. Sobrang daming nangyari sa college life ko. Dito ko napatunayan na di talaga ako matalino but magaling ako. Magaling... magaling kasi kinaya kong matapos yung college despite everything na nangyari sa bahay... sa buhay... ewan. Kaya to all the graduates out there... (wow ‘kala mo may reader, e wala nga may alam nito???) it wasn’t about all the uno na meron tayo sa class card... but the determination na ilaban ang mga singkos at magpakahappy sa bawat tres na meron tayo. Panis. Nakakamiss ang college :( Yung mga panahong, kapag di mo kayang bumangon sa umaga... di mo nalang papasukan yung first period subject nyo. Yung mga panahong, pwede ka lang mamili ng papasukang klase sa buong araw. Yung mga panahong, ang hahaba ng vacant time kaya more bonding kayo ng mga kaklase mo. Yung mga panahong, mag aayaan kayo kumain sa labas dahil sukang suka na kayo sa mga pagkain sa canteen. Mga panahong, kahit maghapon kayong pagod na pagod, nagtatawanan pa rin kayong uuwi. Mga panahong puro kwentuhan habang nag hihintay sa prof na di mo naman alam kung darating. Yung mga panahong naglolokohan at nag gagaguhan lang kayo sa reporting. Hay... eto na naman yung linya ko --- hindi sapat na parte lang ng post na ‘to ang buong college life na namimiss ko, pag nagkaroon ng time gusto ko gumawa ng post tungkol sa lahat ng bagay na namimiss ko. Hay... kolehiyala days. Wow.
So ayun na nga... nakakatulong talaga yung ganito. Yung nagkekwento ka lang. Tulad ngayon, di ko na namalayan na nakwento ko na elementary, high school at college life ko... isusunod ko nalang yung sa review at board exams experience ko. Ay wuw. Tipong kunwari may readers ka, pero wala ka naman talagang pake kung may makabasa o wala kasi gusto mo lang magkwento. Nakakabawas ng stress sa totoo lang. Haaaayyy, ayan mas magaan na yung buntong-hininga ko.
Sana dumating yung time na ganado na ulit ako in life. Yung bawat araw excited ako gumising sa umaga, at tatapusin ang araw with a blog post. Yung masaya kang ikekwento yung nangyari sa araw mo. Sa ngayon kasi... kung araw-araw magkekwento ako... iisa lang ang magiging laman. Reklamo. Reklamo at pagsuko sa mga bagay-bagay. Sa ngayon, pakiramdam ko ang hina hina ko. At... gusto ko na lang matulog.
Bye!
0 notes