#awwww ang cute mo
Explore tagged Tumblr posts
dinosaurtsukki · 4 years ago
Note
BEAUTIFUL PERSON AWARD! 🏆🌸💘 Once you are given this award you’re supposed to paste it in the asks of 8 people who deserve it. If you break the chain nothing happens, but it’s sweet to know someone thinks you’re beautiful inside and out! HIII KAMUSTA KA NA BEB AHDJJD gutom nako
Tumblr media
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
AHHH LIYAAHH THANK U SO MUCH I LOV U AND UR ANGSTY FICS BB!! also haha itoo nag-aalala kung may nakalimutang isubmit na req hahahaha. ikaw ???
4 notes · View notes
neo-shitty · 3 years ago
Note
ohh felt yung nagiging bgm nlng once nag ooverthink. though fortunately it happens rarely saken, if sobrang stress lang talaga ako Y^Y moosik is lyfe q. thanks , bloody hell is done na SHJFSAHFHJJHDS OHH i remember that, yung kbs festival chuchu 😩 pinapaasa tayo ng mga music shows sa mga gusto nating makuhang collab <//3
at first, chillings lang ako since better if enjoy muna yung present na di pa sila disbanded. sinulit ganun. mapanaket talaga mga survival shows. but later on, nung about 3 months before disbandment (ang alam ko nga minove nila yung initial date eh para makapag last concert pa wanna one,, di ko sure di ko na rememebrs :"> i think it was supposed to be december pero ginawang late january.) dinistansya ko talaga self ko sa wanna one para less hurtenings. WOW TARAY. pero fr, it worked naman. focused on other groups para di masyadong masakit ugh. pero ang sad pa den everytime i come back sa last concert nila ~.~
my exams are done na aaaaaa last na day na namin tomorrow for the chistmas party tas break na ^^ ingat dyan ! i'm not sure if matatamaan kami ng typhoon, parang di naman ata. no rainfall these days kaya guds. INGAT KA AH. and sa exams, gudlak! kaya mo ean. https://ibb.co/kyhyWgZ -> hert for gudlak. siguro fics mo mauubusan na pero i queued a lot pang binge-read talaga this christmas break kaya di ma bbored 😎
ang inchresting nyang the secret life of addie larue 🧐 looking forward sa roger rabbit and YES KAKAYANIN ANG SCHOOL WORK.
i havent listened to the new album "universe" but i DID watch the new mv (beautiful). pinanood ko siya sa tv sa sala namin tas tinanong ng mother ko if graduation song sya of some sort Y^Y bat andami daw members :"> "from 8 (skz) naging 11 (tbz) tas tumalong ng 23" sabi niya 😭😭😭 idk, she kept laughing at me pero at the end sabi naman niya proud siya na nagiging true ako to myself. wut ??????HSHFHSDJHSFJHDFSJHDFJFDJHDFJASH i love the song pero wished the other members wouldve sung more Y^Y
so far un lng gawa kowss, exams mo na sguro these days so goodluck ulet ! (also yes, i would love to read the teaser for roger rabbit) good night :>>
-👻
buti na it doesnt happen to you yet. i want my music phase back but i think it only started nung nagquarantine na?? before that, i was good with just music.
survival shows really market off the audience's emotions dkfsj grabe yung dinistansya yung sarili pero felt HAHAH siguro yan din gagawin ko :D awwww :(( yeah the last concerts really seem sad kasi ending talaga.
congrats on getting your exams done! i could've answered your ask last night but i was cramming half a semester into my brain HAHHA it's over now. not sure if i passed but i don't care atp. the exam should've been voided kasi bagyo pERO DI NAGPATINAG SI MAAM SHUTA CUTE NG PANGGOOD LUCK MO T_T
GRADUATION SONG DHKSJF pero ganun nga yung dating. for once i enjoyed the meaning and nearly cried kasi i was getting overwhelmed with the school work. ampogi nilang lahat ;n; sabi ng kaibigan ko zumba daw JAHSJAH true to yourself??? HAHHA biglaan? yeah i think it'd be hard to split the lines equally sa lahat ng members. felt yung jump ng member number T_T nung namemorize ko yung nct pakiramdam ko invincible na ako. todo stan lang ako ng grupo last year HAHAH
thank you again sa good luck! roger rabbit will be out either this friday or the next depends kung kelan may ilaw HAHAH thank you for your interest bb! enjoy your break!!
0 notes
krischipolito24 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Happy happy birthday sa isa sa pinakamabait, pinakamatalino, pinakamasipag, pinakacute at pinakapaboritong anak ng Mama nya!! Yiiieeeee! Hahaha!🧒🏻🤘🏻 Thank you for being one of my bestest bud! Sobrang chill mo as a person and ang ganda lagi ng vibe mo. No dull moment basta kakwentuhan ka. Minsan nga lang may mga tao kang sinisiraan pero wag ka magalala ndi ko sila papangalanan.. siguro PM ko n lng.. Chaaaaarrr!! 🤫🤣 All I wish, is for you to stay happy and stay cute in size(like, wala ka naman choice.. tbh 😉😂) haha! Pakabait ka lagi ng bilhan ka ni Mama mo ng shoes na umiilaw, ok? Haha! 👟🎁 Again, happy birthday sexbomb Arven!!! Get get awwww!! 🎂🍻🕺🏻 P.S.: Maganda pic n ginamit ko sayo ha? Tandaan mo sana to pag ako nman ung binati mo.. haha 🙄🤗 P.S. 2.0 : Manlibre ka ng pork chowfan with fried pork siomai and dimsum sauce pag balik ng mundo sa normal.. 😌😊 https://www.instagram.com/p/B_Ez_Y5lwj_onAvJ8iHLC5jAmGf3SUDHlJUA340/?igshid=1ay4b9gfg3b7l
0 notes
maverick-guy · 8 years ago
Note
medyo-gaga/Quinn
What I think about your URL?Awwww, medyo gaga si Ate Quinn. :( Ako naman medyo gago. Haha! Dejk. I think maangas na may pagka-swag URL mo. HAHAHA. Parang introductory na sa personality mo yung URL mo.
What I feel about you?I always see you sa Tumblr feed ko, pero ‘di pa ata kita nakakausap eh? I’ll just give my impressions sa blog mo and I’ll rate it. I find your blog awesome. May kahawig siya na isang website eh (I forgot the name of the website) haha, tapos picture mo pa yung icon design sa tab. Ang cute lang! Hehehe. I’ll rate it 8/10 po. And please do PM me sometime. :)
3 notes · View notes
iris-sistibly · 8 years ago
Text
Ikaw, Ako, at ang Ating Paraiso
Ikaw, Ako, at ang ating Paraiso
(A YA/YLA fan fiction) 
Kasalukuyan kong binabaybay ang daan patungo sa lugar kung saan namin napag-usapan na magkita-kita, naiisip ko palang sila ay hindi ko na mapigil ang ngiti sa aking mukha, lalo’t maghapon ko silang hindi nakita. Sa wakas ay nakarating din ako, sa isang mall na malapit sa isang unibersidad, sakto namang tumunog ang aking cellphone at sumilay ang malapad na ngiti sa aking mukha nang malaman kung kaninong numero ang rumehistro na tumatawag, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na sinagot ang tawag, “Hello mahal?” wika ko. “Mahal ko, nasaan ka na? Nandito na kami ng mga bata,” wika ng mahal kong asawa sa kabilang linya. “Nasa parking lot na ako mahal, parating na ako,” sagot ko saka dali-daling nagtungo sa entrance ng mall. Biyernes noon kaya marami-rami ang mga taong paroo’t parito, may sorpresa daw ang panganay kong si Lira at gusto niyang sa labas kami maghapunan para daw hindi na mapagod sa paghahanda ang kanyang ina, isa pa, matagal-tagal na rin kaming hindi nakakalabas na mag-anak dahil sa trabaho ko, minsan nako-konsensya na ako dahil hindi ko na masyadong nabibigyan ng oras ang pamilya ko. Pero masaya naman ako dahil nauunawaan parin nila ako. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang napakagandang mukha ni Amihan, ang aking asawa, kasama ang aming tatlong anak, ang aking panganay na si Lira na kagagaling lang sa eskwela at ang kanyang dalawa pang nakababatang kapatid na babae. Agad ko silang nilapitan at hinagkan ang aking mahal na asawa, at ang maliit na umbok sa kanyang tiyan, oo, madadagdagan nanaman kami at lubos naming ikinagagalak ito. Niyakap ko naman at binigyan ng halik sa noo ang aking tatlong nag gagandahang mga anak. “Pasensya na mahal ko, mga anak at nahuli ako, kanina pa ba kayo?” tanong ko. “Hindi naman mahal ko, inantay pa namin si Lira na matapos ang klase niya tapos sabay-sabay na kaming nagtungo dito,” sagot ni Amihan. “Itay alam niyo po ba? Nakita po namin si ate kanina palabas ng school kasama boyfriend niya!” pagsusumbong ng pangalawa kong anak sa akin. Kitang-kita ko ang labis na pagkagulat sa mukha ng aking panganay, “Oo nga po ‘tay, siya pa nga po nagdala ng mga libro ni ate tapos nag “hi” pa po si kuya Wahid sa’min kanina!” dugtong ng pangatlo kong anak. “Hindi si kuya Pao Pao ‘yun!” pagtatama ng pangalawa. Labis labis ang pamumula ng anak kong dalaga dahil siguro sa hiya at kaba, alam niyang ayaw na ayaw kong nakikipag boyfriend siya lalo’t nag-aaral pa siya, alam niyo naman ang panahon ngayon, mahirap na. Pero sa nakikita kong reaksyon sa mukha ni Lira, hindi ko mapigilang matawa sa aking isipan, ang cute kasi ng anak ko (hahahaha!) pero siyempre dahil overprotective ako, hindi ko ‘yun pinahalata.
“I-Itay, huwag po kayong maniwala sa dalawang ��to! Kaibigan ko lang po ‘yun!” depensa ni Lira. “Uy…si ate defensive!” panunukso ng pangatlo, ang bata-bata pa may mga “defensive” nang nalalaman. “Hay naku tara na nga! Kayong dalawa pinapahamak niyo nanaman ako kay itay!” inis na turan ni Lira sabay hablot ng kamay ng mga kapatid at naunang magkalakad. Narining kong bumungisngis si Amihan na siya namang ikinangiwi ng mukha ko. “Totoo ba ‘yon?” tanong ko sa kanya habang nakasunod sa mga bata. “Hm…tingin ko may gusto ‘yung Pao Pao kay Lira, mukhang may balak yatang manligaw sa dalaga natin.” “Tss…hindi uubra sa’kin ‘yon!” naiinis kong sambit saka sumimangot. Tuluyan nang natawa si Amihan sa akin. “Ano’ng nakakatawa?” hindi parin mawala ang inis sa tono ng boses ko. “Ang cute mo pag naiinis ka mahal, pag naging lalaki ‘tong si baby sigurado akong magiging kagaya mo siya,” aniya sabay himas sa tiyan niya. “Tsaka mahal, malaki na si Lira, at napakaganda pa kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming magkakagusto sa kanya. Huwag mo namang masyadong bakuran si Lira, matalino siyang bata, alam niya kung hanggang saan ang limitasyon niya magtiwala ka, sige ka, tatandang dalaga ang anak natin,” dagdag pa niya. “May tiwala ako kay Lira, pero sa mga mokong na ‘yun? Wala! Tsaka kung talagang desidido silang manligaw sa anak natin, hindi ba dapat at humingi muna sila ng permiso sa atin at makuha muna ang tiwala natin? Ayoko lang na masaktan si Lira dahil sa mga ugok na ‘yon. Maaaring dalaga na nga si Lira, pero para sa’kin, siya parin ang mapagmahal, pasaway at makulit kong prinsesa at hindi magbabago ‘yon kahit kelan.” “Asus, ang drama naman ng mahal ko, alam mo sa’ting dalawa ikaw yata ang buntis eh!” panunukso niya. “Sige mang-asar ka pa,” wika ko at tuluyan na siyang napahalakhak. Ngunit unti-unti narin akong napangiti dahil sa nakakahawa niyang tawa at ngiti (oh, ‘wag kayong judgemental, eh sa nakakahawa nga eh ano’ng magagawa ko?)
Sa paboritong kainan namin kami nagtungo, si Lira at ang mga kapatid na niya ang umorder para sa aming lahat, tuwang-tuwa kaming mag-asawa habang pumipili silang tatlo ng kakainin namin, panay ang bangayan ng dalawang nakababata at si Lira ang taga-awat. Ang kukulit ng dalawang bata, parang si Lira lang nu’ng maliit pa. Nasasabik na tuloy ako na makita si baby number 4, siguradong mas lalong gugulo at iingay sa bahay, pero ayos lang, masaya naman kami eh.
Gaya ng parati naming ginagawa, nag kuwentuhan kami habang kumakain, tuwang-tuwa kami ni Amihan habang pinakikinggan ang kuwento ng mga anak namin tungkol sa kung anu-ano’ng mga bagay. “Siya nga pala Lira, ano nga pala ang sasabihin mo sa’min?” tanong ni Amihan kay Lira nang maalala ang dahilan kung bakit nasa labas kami ngayon. Natahimik kaming lahat, nag-aantay ng sasabihin niya, hindi ko maiwasang kabahan dahil baka mangyari na ang kinatatakutan ko, Diyos ko anak! Hindi pa ako ready na magka-boyfriend ka! (Sige, ako na ang OA). “Inay, Itay, mga kapatid ko,” panimulang wika ni Lira, saka may kinuha siyang papel mula sa bag niya at inabot ito sa aming mag-asawa. Nagkatinginan kami ni Amihan saka sabay na binasa ang nakasulat sa papel, at ganu’n na lamang ang saya namin ni Amihan nang malamang isa pala itong kasulatan na nagsasabing isa si Lira sa mga mag-aaral na tatanggap ng parangal bilang isa sa pinakamahusay na estudyante sa kanilang batch sa nalalapit na pagtatapos nito sa kolehiyo. “Totoo ba ‘to anak? Cum laude ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Amihan. Sumilay ang napakalapad na ngiti sa aming panganay at tumango-tango. “Opo inay, totoo po ‘yan hindi po ‘yan fake! Kita niyo naman, sa dean namin pa mismo nanggaling ang sulat na ‘yan,” buong pagmamalaking wika ni Lira. Tumayo ito sa kinauupuan at inakbayan kaming dalawa ng kanyang ina. “Diba po promise ko sa inyong dalawa na gagalingan ko para maging proud kayo sa’kin? At eto na po ‘yun! Ito na po ‘yung gift ko po sa inyong dalawa, ang grumaduate with flying colors!” aniya.
“Congratulations anak, sobrang proud kami sa’yo ng itay mo,” maluha-luhang sabi ni Amihan sabay halik sa pisngi ni Lira. “Ikinararangal ka namin Lira, tunay nga na anak ka ni Amihan at ni Ybrahim,” wika ko at hinagkan din siya sa pisngi. “Congrats ate Lira! Proud kami sa’yo!” saad ng dalawang paslit. “Thank you mga baby sisters, at sa’yo rin!” wika naman ni Lira sabay himas sa tiyan ni Amihan. “Group hug tayo!” masayang sabi ni Lira, agad namang lumapit ang dalawang bata sa amin. Mahilig si Lira sa group hug kaya nakasanayan na rin namin. “Ano itay? Pwede na po bang magka boyfriend si ate?” biglang tanong ng pangalawa kong anak habang nakayakap pa kami sa isa’t-isa. Umakto akong parang nag-iisip, “Hm…hindi parin!” sagot ko. “Awwww!” wika ng mag-iina ko sabay kalas mula sa pagkakayakap. “Itay naman! Mag madre nalang kaya ako!” pabirong nagmaktol si Lira sabay kamot ng ulo kaya’t napatawa nalang kaming lahat. Gaya ng ibang pamilya, hindi perpekto ang sa amin, maging ang simula namin ni Amihan ay hindi naging maganda, ngunit ang tadhana ang gumawa ng paraan upang kami’y magkalapit, naging magkasangga sa lahat ng pagsubok, at nagmahalan sa gitna ng unos. Pinaglayo man, ay patuloy kaming nagmahalan at pinaglaban ang isa’t isa, sa huli ay nakamit din namin ang kaligayahang inaasam at nagbunga pa ang aming pag-iibigan. Paraisong maituturing sa akin na makita ang aking asawa at mga anak na masaya, at ang aming pamilya na buo at namumuhay ng payapa, saang lugar, o panahon man kami mapadpad. Ako, bilang isang asawa at ama, ay wala nang mahihiling pa.
****
So someone suggested to write an AU fanfic (hi @cheyanocobalamine 😂) so I thought, hm…why not? And this came to my mind! An epilogue/futuristic fic of how the YbraMihan family would have been in the mortal world. Yes, this is inspired by the photo I posted earlier, and I thought it would be nice to write this from Ybrahim’s POV and in 90% tagalong mind you. Hihihi! I haven’t written a fanfic for a very long time so please be nice hahahahahaha! Anyways, I hope y’all enjoyed!
5 notes · View notes
angpagibigaypagibig · 4 years ago
Text
Awwww. Tagal na pala ng huling post ko. Anywayyyysss, magpopost ako ngayon kasi masyado na naman akong naoverwhelm sa jowa kong cute na cute. 🤣
Since malapit na birthday ko, sabi ko magovernight siya ulit dito. Ang selfish ko yata dito sa part na 'to kasi alam kong di talaga siya pinapayagan ng nanay niya kasi nga lecheng pandemic yan. Hayst. Anyways, pero ginawa pa rin niya. Huhuhuhuhuhu. 🥺
Kahit na hindi sa araw ng bday ko kasi may pasok siya sis. Hahahaha. Pero na-appreciate ko talaga ang effort mo day. Hahahaha. Seryoso. Naiyak ako nung tulog ka na. Hahahahaa. Masyado akong masaya. Nakakaoverwhelm yung feeling na kayakap kita habang tulog ka. 🥺❤️
Tapos ngayon habang nagtytype ako leche naiiyak na naman ako. Hahahahaha. Iyak na masaya ha! 🥺 Salamat talaga love! 🥺❤️
Sana hindi ka magsawang mahalin at intindihin ako. 🥺
Patuloy lang kitang susuportahan sa mga gusto mong gawin. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko.
0 notes