#asa x kame
Explore tagged Tumblr posts
Text
just watched Mononoke the movie on netflix, and i totally agree with whoever said Asa and Kame gave off huge lesbian vibes CAUSE THESE BITCHES WERE FRUITY AF like the yuri was yuring so hard
#these bitches gay#good for them#doomed yuri#asa x kame#mononoke#mononoke the movie#Kusuriuri#yuri#girls love#lesbian#wlw#yuri anime
170 notes
·
View notes
Text
Asa x Kame!?
26 notes
·
View notes
Text
Do you think he knows? Nakamura? Do you think he knows what he's doing? Because I know that sometimes creators just don't. The relationship between Mulder and Scully on The X Files led to the very invention of the term "shipping," and yet the entire time that was happening, the show's creator insisted that there was no romance between the characters. And if you've ever seen The X Files, you know how insane that is. So I really gotta wonder: When he gives us dynamics like those between Asa and Kame, or even those between the second Medicine Seller and Sakashita, does he know what he's doing? Or would he, if confronted with scenes of Asa and Kame's mutual self-sacrificial devotion, their tenderly holding hands as they lie beside each other through the night, insist that they're just good friends? Would he, if questioned about the Medicine Seller sensually running his hand along Sakashita's sword blade while looking deep into his eyes and smirking, declare that there's nothing homoerotic about it? Would he tell us—and truly believe—that it's all in our heads? Is the powerful presence of homosexuality in Karakasa an accident, or is it a calculated aspect of the story? I'm not wondering for the sake of some analytical interpretation (at least, not at the moment). I just really want to know. Is he oblivious, or does he know what he did?
#mononoke#karakasa#karakasa spoilers#don't get me wrong: as a creator of brilliant and beautiful stories I have total faith in nakamura#but the whole lore drop thing#while the reasons why he felt it was necessary have become clear as more and more analysis of the movie emerges#it does leave me wondering just how in tune he is with#well#some aspects of how the fandom reacts emotionally#in those areas he could be chris-carter levels of oblivious#I just don't know
34 notes
·
View notes
Text
06202021: Quick Life Update
Hi! Idk if this will be quick lol but i just woke up from my slumber. Time check: 2:27am. Actually kanina pakong 1am nagising hahaha. GY feels. Tulog sa umaga, gising sa gabi. It’s sunday btw. So basically, tinulugan ko lang buong saturday. Walang ganap lola mo eh. Cancelled lahat. Sad. Anyway, so ano na bang balita saakin? Well, ang daming nangyari lmao. I have my work na. And core nako. I work at Staffboom btw. First BPO ko to. Hopefully, magtagal ako here. Cause i see growth in this company. I met a lot of friends & a lot of different people. Mabilis lang naman akong nakapag adjust. Which is good. Totoo nga na God has better plans. Di ko alam anong mangyayari sakin if nakapasok ako topdata. Kung happy ba ako kagaya ng ngayon? Anyway, ang mahalaga, we must believe that everything works out eventually. Trust in Him lang talaga.
Enough with the appetizer lol lets go straight to the main course 🙊 hahahaha. So ayon na nga, ever since na i started sa work na to. Dumami na naghit up na possible suitors/potential boyfriends. Like legit sis. Isa lang pinagdasal ko, ang daming dumating? There’s this guy from my wave. I’ll name him ‘bestie’ nalang. Mej confidential kasi pagkatao niya chz. So yon na nga. First day palang ng training alam ko na. Alam ko na, he’s interested in me. I felt it. And obvious naman kasi ultimo trainers and wavemates namin aware na bet niya nga ako. So ayon, i dont want to make it a big deal. And just went go with the flow. Ang balak ko din kasi talaga pag nagwork nako, lowkey lang ako. Ayoko ng jowa sa workplace. I dont want anything complicated. Trabaho lang talaga pakay ko. But you know the universe has ways on making your life a little different from the usual. Lagi talagang messy buhay ko but FUN! Hahaha. My life has never been dull. Which is good? And kinda bad at the same time. We eventually became friends. Iba yung bond and connection namin ni bestie. As in we understand each other. May mga bagay na di magets ng mga kasama namen tas kame lang nagkakaintindihan. He makes me laugh. Kaya niya kong patawanin to the point na iiyak nako sa kakatawa. Ang interesting niya and funny and annoying but i love it. Nung una, i don’t find him attractive kasi mukha siyang bata. But as days goes by na lagi ko siyang kasama, he’s been looking like a mature man to me. Little by little, ayoko man i admit sa sarili ko, nafafall nako sakanya. Pero i don’t wanna. May girlfriend kasi siya. Which sucks. Lol i know plot twist. Pero he told me na he’s sad kasi bat nakilala niya ko at a wrong time. I felt it naman, i know that he felt what i felt kahit na sinasabi namin na wala lang. We may say na wala lang but our actions... I know mali, kaya ako na din mismo lumayo. Tama lang din siguro na nalipat ako ng site to work at. Asa site 1 kasi siya tas nalipat account ko sa site 2. It’s the universe’s way na din siguro. Nag-away pa kami sa last day ko sa site 1. Pinagselosan kasi ako ng gf niya. Sinuyo niya ako tho. Pero i decided to cut ties with him. Kahit na namimiss ko siya. Kahit na mej masakit. Ito yung tama eh. But i can’t believe it. Nafall ako in a span of like a month? And di ko pa expect na sakanya.
2nd main course: Eto talaga pinaka hindi ko expect. Ready na ba kayo? May space pa ba jan? Kaya pa? 😆 eto pinakamabigat e HAHAHAAHA. Angelo & I talked again. Can you believe it?! A year ago, i cut him off sa lahat. Nung lumabas yung song ng ben&ben na “Lifetime” i decided to cut him off. Grabe iyak ko sa lifetime. If you know the song, feel ko ginawa siya for me and him. Ang hopeless na kasi hahahaha i like him. Kaya lang may gf siya. Idk if same feels kame or what. Pero if same man nga, sobrang wrong timing ng samin? Bakit ba kasi si dale pinili ko that time? Tas nung nagbreak kami, nagka gf siya. Hindi ba talaga mtb? Kung hindi man, bakit kami pinagtagpo ulit? Sa japan na siya after his graduation. Tas ayon, umuwi siya now sa pinas for a vacation. Ang crayyy yung asa work ako tas nakavideo call ko siya. Nakasama ko na din siya like 2 weeks ago? Before ako pumasok work, sinundo ako ng mutual friend namin tas ayon nagkita us. We talked as friends though. And ang happy ko kasi di na din naman ganon kalalim feelings ko for him. Happy lang ako na we’re good friends. Lagi niya sinasabi pag nag-uusap or nagkikita kami yung time na pinili ko si dale lol. Dapat liligawan na daw niya ko kaya lang iba pinili ko. The reason lang naman na pinili ko si dale non kasi nasaktan ako kay gelo nung ginhost niya ko and i wanted to have revenge. (Yep, i know and kids) but we were still kids when that happened. Which happened nga. Di niya daw expect hahahaha. Akala niya anjan lang ako kasi nakampante siya na gusto ko siya eh? Di niya expect na pipili ako ng ibang guy. Oh cmon! But still siya padin talaga gusto ko. Since 2017 it’s been him. Universe anonahhh? Kami ba talaga ni Gelo? Hahahaha.
3rd main course: kaya pa? HAHAHAHAHA nung time na nagkita kame ni gelo, that’s June 9. Oh, btw! Singit ko lang, ang cray cray nung nangyari nung gabing yon. Ditak nakumu! HAHAHA. Hinatid kasi ako sa work nina gelo non. Kasama yung friend namin si kyle. So nung hinatid niya ko work, nakita ni bestie! Hahahahaahha and iba yung mukha niya. Mukha siyang nahurt sa nangyari kasi he’s been texting me kung asan ako tas makikita nalang niya na may maghahatid na guy sakin. Tho di lang ako nagsabi na nasaktan siya tho. Ang obvious kasi niya! He can’t hide his emotions. So ayon nga grabe yung kaba ko sa moment na yon. Jusq ano ba pinasok ko lmao. So ayon nga, that’s June 9 ng gabi. 11pm start ng shift ko, so nung nag 12 na, June 10, birthday ni AJ. Siya yung pinost ko here last april. Yung kinut off ko because I was attached na talaga. The guy whom I was in a “no label relationship” for almost 3 years. I decided to greet him. I knew once na ginreet ko siya babalik yung samin. LMAO. So ayon na nga. We’re back. No label rel nanaman. Pero miss na miss ko na kasi siya. :( hay Scorpio x Gemini relationship be like clowns talaga 🤡 para kaming tanga hahaahah. Ang funny lang. kasi way back 2019 nung last kami nagkita ni Angelo, after ako hatid ni angelo sa house, sinundo ako ni AJ. It sorta happened, AGAIN! Hahahahaha jusko universe ano plano mo sakin? Yung totoo. Kailan ko ba mahahanap yung the one for me? When will I find my soulmate? The one God made just for me?
Dessert: Mabilis nalang to. There’s this guy na idk if he’s courting me. Pero nag effort na siya sakin. Si jaw. Nung una gusto ko din siya eh. Kaya lang ngayon nawawalan ako ng gana sakanya cause he’s too clingy. And feel ko pag naging kami, masasakal ako. My friends thought so too though kasi nameet niya na friends ko. Mas bet daw nila si aj for me. Eh kaya lang aj has commitment issues so anonah talaga?? Madami pa akong guys na hindi namemention though, di pa naman kasi sila ganon ka relevant. Narealize ko, apakaharot ko no? Scorpio tingz? Jk
Papa G & universe, kayo na bahala. LMAO. Here’s to more plot twists! Pero sana, mahanap ko na yung someone who is good for my soul.
0 notes
Text
Tara, Bundok!
Tama nga sila na ang nakakapagpapukaw ng damdamin ay ang mismong paglalakbay, dahil mas marami kang matutuklasan na iba’t ibang bagay tungkol sa sarili mo, sa kaligiran mo, o sa kung ano man ang mga bagay na naglalaro sa isip mo habang naglalakad ka. Bonus na lamang ang magandang tanawin na makikita at daratnan mo sa tuktok ng bundok na aakyatin.
Alas dose ng hatinggabi ang kitaan ng grupo namin sa Jollibee Cubao, Araneta. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung makakasama ako dahil wala akong pera noong araw na iyon. Sapagkat walang pasok at wala akong nailaan na badyet para paghandaan ang bakasyon. Mabuti na lamang ay bukod sa nakautang ako sa kaibigan kong nag-aya sa pag-akyat ng bundok, binigyan pa ako ng mga kapatid ko ng pera. Nakabuo ako ng 500 pesos na damage (terminolohiyang ginagamit ng mga mountaineers kung magkano ang maaaring magastos sa pag-akyat) ng ‘budget climb’ namin, bukod pa ito sa ekstrang pera na natira sa wallet ko para sa ekstrang bilihin sa lugar.
Sampung minuto bago mag-alas onse, laking gulat ko nang sunduin ako sa bahay ng tatlong kamag-aral ko noong hayskul na kasama rin sa pag-akyat. Nagulat ako hindi dahil hindi ko alam na kasama sila kundi hindi ko alam na susunduin nila ako. At dahil nga alas diyes na noon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon kung sasama, hindi pa nakagayak ang mga dadalhin at isusuot ko. Kaya nang dumating ang mga kaibigan ko, hinugot ko na sa damitan ang itim na polong t-shirt na dry fit na madalas kong ginagamit talaga sa pag-akyat ng bundok, ang itim na leggings at short na binili pa ng nanay ko sa ukay-ukay, medyas (na may mga daliri) na kabibili ko pa lang noong tanghali sa Japan Home, at ang bandanas/headband. Sabay suot ng hiking sandals. Ganito talaga sa ang pag-akyat ng bundok, kundi kailangan balot ka para hindi mangitim, kailangan mo lang magsuot ng mga damit kung saan kumportable ka. Maaari ka ring magdala nang kung ano-anong gamit pamproteksyon sa araw, kanya-kanya nang diskarte. Karaniwwan naman kapag major climb, dapat expedition pack at balot na balot ang suot mo dahil may mga kailangang iwasan tulad na lamang ng mga limatik o leech – mga uod na tinatawag na Hematophagous o blood suckers. Kaya dapat ay manamit ka sa naaayon at hindi para magpa-impress.
Minor Climb lang naman ang aakyatin namin kaya lightpack lang ang dapat dalhin; tulad ng dalawang underwear, ekstrang T-shirt at shorts, pocket knife, sunglasses, payong, notebook at ballpen, scarf, toiletry kit (kasama rito ang toothpaste, toothbrush, alcohol, pabango, pulbos, salamin, at iba pang personal na medikasyon), cellphone at siyempre mawawala ba ang kamera, pang-selfie o pang-dokumento patunay na nakaakyat ka at para na rin maipakita o maipamahagi sa marami ang magandang tanawin na naranasan mong makita. Hindi mo na kailangan magdala ng gamit na hindi mo naman kakailanganin, ikaw, mga friends mo, tubig, ekstrang damit, sapat na. Maganda rin sana kung mayroon kang maliit na bag para doon mo maaaring ilagay ang mga importanteng bagay tulad ng wallet, cellphone, at kamera, para hindi nakakapagod magkuha nang magkuha mula sa likod ng bag, dagdag pa na napakarami nitong laman, hassle talaga.
Nagmadali kaagad ako sapagkat nahiya naman akong paghintayin nang pagkatagal-tagal sa labas ng gate namin ang mga kaibigan ko. Huwag niyo akong gayahin dahil binasag ko agad ang una sa “7 Principles of Leave No Trace” (upang maunawaan nang mas maigi ang The Leave No Trace for Outdoor Ethics maaari niyong bisitahin ang link na ito: https://lnt.org/learn/7-principles), ang ‘Plan Ahead and Prepare’. Habang bitbit ang aking bag, ramdam ko sa likod kung gaano hindi ka-organisa ang mga gamit ko sa loob. Habang nagkukuwentuhan ay iniisip ko kung may nakalimutan ba ako dahil sa pagmamadali.
Habang nasa bus na kami patungo sa kitaan, napasigaw ako sa mga kaibigan ko, “Hala tama! Wala akong dalang tubig.” Kung ano pa ang pinaka-importanteng dalhin iyon pa ang nakalimutan ko. Kasalanan ito nang paghahanap ko ng 1.5 na litrong bote ng Coca-Cola. Mas marami kasi ang malalagay na tubig dito at ganito rin talaga ang karaniwang ginagawa ng mga hikers. Kaya bumili na lamang ako sa 7/11 ng tubig at pagkain sa Jollibee para pananghalian ko mamaya.
Sa Jollibee, nagkita-kita na kaming grupo na aakyat. Anim lang ang kilala ko rito, iyong tatlo ay sumabit lang, nakita sa Facebook ang budget climb. Ganito ang karaniwang ginagawa nang marami, humahanap o nagse-search sa Facebook ng bundok na nais nilang akyatin, kaya marami ka talagang makikilala. Sampu kaming lahat na dapat talaga ay kinse, kaso nabawasan ng lima dahil nag-backout kalahating araw bago ang akyat. Medyo nainis at nagalit si Bryle, ang kaibigan ko na siyang organizer ng event, dahil inaakala niyang sigurado at okey na ang lahat ng sasama, iyon pala hindi. Mahirap kasi maghanap ng pamalit para sa mga nag-backout na nagsabi ng “G!” tapos biglang sasabihin na hindi sila pwede, e labing dalawang oras na lang noon bago ang pag-akyat. Isa rin ito sa mga dapat tandaan mo na katangian ng isang hiker, dapat magkaroon ka ng isang salita. Bawal na mag-backout tatlo o dalawang araw bago ang aktuwal na event ng pag-akyat, sapagkat nauunsiyami ang badyet. Dapat alalahanin din na ito ay isang “budget climb” lamang.
Nang makumpleto na kaming lahat dumiretso na kami sa nirentahan na van ng organizer. Dalawa sa harap, dalawang tao sa unang hilera, tatlo sa pangalawa at tatlo sa likod. Maluwag ang sasakyan kaya nang tuluyang umalis na ito, kanya-kanya na kaming pwesto para matulog dahil halos hindi kumulang isa’t kalahating oras ang biyahe namin para makarating sa Tanay, Rizal.
Madilim pa nang makarating kami sa destinasyon. Tumungo na kaagad kami sa barangay kung saan kinakailangan naming mag-register. Pagkatapos, kumain muna kami sa karinderya na tatlong bahay lang ang layo mula sa barangay. Lugaw na may itlog (maganda ring magbaon ng itlog pampalakas). Pagkatapos kumain ay nagdasal at sinimulan na namin ang paglalakad. At dahil si Bryle ang oraganizer, siya ang magmimistulang sweeper (sila iyong karaniwang nahuhuli para siguraduhing walang maiiwan na tao at walang maiiwan na kalat) sa pag-akyat, at siya na rin ang TL (team leader) tutal isang grupo lang naman kami. Madilim at literal na wala ka pang makikita sa daan na kung saan sa maynila mistulang nag-blackout sa barangay niyo, kaya kinakailangan talaga ng flashlight (mabuti na lamang may flashlight ang cellphone na dala ko).
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Sa una, ganito lagi ang senaryo; lakad, kuwentuhan, tawanan, na parang naglalakad lang kayo ng mga tropa mo sa mol o sa park.
Hanggang sa paglipas ng ilang minuto, bumungad na kaagad sa amin ang maliit na sapa. Hakbang sa maliit na bato. Sa malaki. Sa maliit ulit. Sa malaki. Sa maliit. Habang hawak-hawak ang flashlight na nagmimistulang gabay para maiwasang malubog sa tubig. Tinanggal ko muna ang medyas ko para hindi mabasa kung sakaling malubog sa tubig o malubog sa lupang basa dahil katatapos lang ata ng ambon doon. Natukoy lang namin dahil kumikislap ang dulo ng mga dahon sa tuwing natatamaan ng ilaw.
Kumukutikutitap. “Wow, shems ang ganda!” para akong bata na ngayon lang nakakita ng alitaptap. Nakakakita na ako nito pero hindi sa sobrang dilim na lugar tulad ng bundok kung saan buhay na buhay ang liwanag nila. Nag-take 3 (take ‘x’ ang tawag kung ilang minuto kayong magpapahinga) muna kami dahil pagod na ang iba sa akiki na trail (akiki ang tawag kapag matarik at pataas ang trail). Matagal bago makaakyat ang isa sa mga kasama namin kasama ang sweeper/TL dahil pahinto-hinto siya. Pagod na pagod naman ang isa sa miyembro ng kabilang grupo dahil sa totoo lang malaking babae siya, mataba sa madaling sabi. Karaniwan ang ginagawa naming mga hikers sa tuwing makakakasalubong kami ng mga taong pasuko, pagod na pagod, at umaayaw na, pinapabaunan namin ng mga salitang magpapalakas ng loob nila sa pag-akyat at magbibigay ng pag-asa. At siyempre wala na rin naman silang magagawa dahil bukod sa nasimulan mo na, malapit na rin siya sa unang jump off (tawag sa lugar kung saan pwede kami manatili muna nang matagal para damhin lang ang hangin at tanawin, at mag-take nothing but pitcures) namin.
Marahil sa tingin ng iba maliit na bagay lang ang mga salita sa pagpapalakas ng loob, ngunit hindi nila alam na malaking tulong naman ito para sa isang taong pagod at nawawalan na ng pag-asa sa pagtuloy. Sadyang marami kang makakasalamuhang mabubuting tao sa katunayan isa pa nga sa paborito kong natutunan ay ang pagbati sa mga taong makakasalubong mo sa trail, hindi mo man kilala o hindi. Sabayan pa ng mga matatamis nilang ngiti na akala mo ay hindi pagod sa pag-akyat. Para kasi sa akin, nakadadagdag ito ng pampalakas ng loob na magpatuloy at nakakapagpabawas ng sakit ng katawan at pagod. Ang mga kaibigan mo mismo ang nagpapahalaga sa pag-akyat mo, sabi nga nila hindi lahat ng bagay kaya mong gawin sa sarili mo kailangan din nating tanggaping kung minsan na kailangan natin ang ibang tao. Ang pagtulong sa iyo ng ibang tao ay hindi nangangahulugang mahina ka, kailangan mo lang tanggapin na may limitasyon ka rin bilang tao, at hindi ka isang superhero.
Take nothing but pictures, isa rin sa katangian ng mga hikers; una, wala kang kukunin na kung anong bagay sa bundok kahit bato para sa remembrance o souvenir mo, kapag ginawa mo ito isa kang iresponsable; pangalawa, iiwan mo ang lahat ng wirdo o kakaibang bagay na makikita mo sa bundok, iwan mo na rin ang feelings na nakakapagpabigat sa iyo at iwan na rin ang mga nararamdaman mo sa kanya o iyong mga sakit na binigay ng taong mahal mo. Ito kung minsan ang rason ng mga hikers o ibang tao kung bakit sila umaakyat ng bundok, para makalimot sa mga bagay na nakakapagpabigat sa kanilang puso o damdamin. Talagang puro hugot kami habang naglalakad, isang magandang dahilan din para makapag-usap kayo ng mga hindi mo kakilala kasi sakayan lang kayo sa kakulitan ng isa’t isa. Kung gusto mo ipakita sa iba pwede mo namang kuhanan na lang ng larawan ang mga bagay na nakita mo; pangatlo, bawal ka rin mag-ukit sa puno o mangielam basta-basta; at gayundin ang pinakaimportante, siyempre bawal kang mag-iwan ng basura o kung ano mang kalat, kung makakita ka man pulutin mo at ilagay sa ziplock o garbage bag na dala mo (dapat lagi kang may dala nang lalagyanan ng basura, h’wag akong tularan na hindi rin nakapagdala kaya nilalagay ko na lang sa kaibigan ko). Ang pag-akyat sa bundok ay usapin lang ng disiplina at respeto, disiplina sa sarili at sa pakikitungo sa ibang taon at respeto sa kalikasan, mga lokal nito, at gayundin sa ibang tao.
Sa pag-akyat hindi mo kailangan magmadali, hindi ito usapin kung sino ang nauna o nahuli. Pagkatapos nang lahat, kung minsan mas mapagtatanto mo pa nga na mas importante at masaya pala talaga ang karanasan mo habang umaakyat, dahil dito mismo ipaiintindi at ipagtatanto ang mga bagay na kailangan mong tandaan, sa pagsabak sa buhay. Iba’t ibang realisasyon ang ipaiintindi sa iyo habang nasa kondisyon kang pagod na pagod, pawis na pawis, at pakiramdam na nais mo nang sumuko. At masilayan at marating ang tuktok ng tagumpay (bundok) ay isang bonus lang, sabi nga nila ito lang ay ang magmimistulang icing sa ibabaw ng keyk.
Dumating kami sa jump off, na isa sa pinakamagandang lugar para makita ang mgandang tanawin. Halos mapapamura sa ganda ng ‘sea of clouds’, sabayan pa ito nang paguhit ng kono ng bundok habang papataas ang araw. Napakagandang tanawin, wala akong masabi. Sa unti-unting pagtaas at pagpapakita ng araw, unti-unti rin nitong ginagamot ang pagod ko hindi lang sa pag-akyat kundi pagod ko sa mga nakaraang araw at nakaraang semestre, unti-unti nitong pinapadama ang bagong simula ng araw, ng mga susunod na buwan, na taon. Napakasaya lang pagmasdan ng dagat ng ulap na nagtutukso sa akin na tumalon, baka sakaling saluhin at yakapin ako ng mga ulap.
Pagkatapos ay kumuha na kami ng larawan na malamang, ang natatanging patunay ng ganda at ng pinagpaguran mo. Ito ang magmimistulang premyo sa paglalakbay at magiging pintuan sa paglalarawan ng memorya. At kapag tapos ka na at nakuha mo na ang magandang anggulo sa mga larawan, umalis ka na sa pwesto kung saan maganda ang tanawin. Ipaubaya naman sa iba para sila naman ang magkaroon ng pagkakataon na masilayan ang ganda, dahil tulad mo o ko, pinagpaguran din nila ang pag-akyat kaya kailangan din nila ng premyo – give chance to others.
Ipinagpatuloy na namin ang lakad para makarating nangg maaga sa peak at makaligo pa kami sa falls. Habang naglalakad patuloy pa rin ang pagbati sa mga nakakasalubong, sa mga nakikitang nag-base camp at iyong iba naman nagbe-break camp na (break camp ‘yung mga nagtatanggal na ng mga tent, sila iyong nag-overnight sa bundok).
Sa tuktok, makikita ang unti-unting pagkawala ng mga ulap. Makikita na ang magandang taanwin at iba-ibang bundok sa Tanay, Rizal. Ang sarap sa pakiramdam marating ang tuktok, may mahika na kung saan magpapalimot sa iyo na pagod ka. Hindi kami masyado nagtagal dahil may mga iilang grupo na rin na naroon, kaya dumiresto na kami sa falls.
Alas onse ng tanghali nang makarating kami sa falls, nakakapagod dahil assault ang trail. Pagdating sa falls, wala muna kaming usap-usap, diretso ligo at pagdating ng alas dose ay kumain na kami ng tanghalian. Tawanan, kuwentuhan, hugutan. Kung kanina hindi namin kakilala ang iba pa naming kasama, ngayon lubos na kaming magkakakilala. Na sigurado ako, dagdag na naman sa Facebook friends ko. At natulog ako saglit para maghanda sa pagbaba ng bundok. Pagkatapos nito, ibang senaryo na naman sa pagbaba. Hakbang, lakad, talon, tawanan, tuksuhan, hugutan. Pero sa pagbaba mas kumportable na kami sa isa’t iba, at pagod ngunit masaya.
Pagdating sa van, matapos makapag-washup nang lahat, nagpaalam na kami sa Mt. Batolusong. At sabay pumasok at umikot na naman sa utak ko ang karaniwang tanong sa mga namumundok.
Ano ba ang nakukuha mo sa pagbubundok?
1 note
·
View note
Text
Are you with her?
So gusto ko lang ishare yung nangyari nung December 22, 2016. Dapat talaga last year pa to pero medyo ngayon ko lang naalala. Nangyari siya during x-mas party. Well mostly naman kasi nun puro kain lang talaga ginagawa namin. Hanggang sa naubos na yung mga paper plates so nautusan ako na bumili. Siyempre since ayoko mag-isa nagpasama ako kila Lo at Ange. Bumili kami sa may supermarket and since nandun na rin kami bumili na rin kami ng cups saka spoon and fork. And for some unknown reason sobrang haba ng pila sa may cashier. 22 pa lang pero andami na namimili. Buti pa sila excited sa pasko. Haha ako kasi hindi eh. So pumila na kami. Tapos may naalala si Ange na bibilhin niya so umalis siya para hanapin yun. Naiwan kami ni Lo sa may cashier tas may babae na I think asa 60's na. So kami ni Lo todo lang sa kwentuhan at tawanan hanggang sa dumating din si Ange. Tapos ayun tawanan lang. hanggang sa bigla nagsalita yung babae sa likod namin. "Excuse me! Are you with her?!" *Medyo pagalit na tono "Yes po" "Kasi nag overtake siya eh. And to think I'm a senior" Sobrang nagulat ako nun. Kaming tatlo actually! Haha I mean seriously? Almost a minute din yun nung dumating si Ange at nagtatawanan kami tas ngayon lang siya magre-react? Saka can't she tell na magkadama kami since nag-uusap at nagtatawanan kami? Kala mo naman kung sino. Siyempre ayoko naman sagutin yung matandang yun. So instead ngumiti na lang ako at di na siya pinansin. Tas kami nila Lo at Ange nagtiti nginan na lang saka nagpipigil ng tawa. Tas nung asa cashier na talaga yung laptrip eh. Tapos na kami tapos magbabayad na lang tas nilagay na nung matanda yung mga pinamili niya. Tas sabi nung ate "Kasama po ito?' "No no. What are you blind?!" Dun na ako nag-snap eh. Talagang lumayo ako sa kanya kasi halos magkatabi lang kami that time. Tas nakita ko nagkatinginan si Lo saka yung ate sa cashier. For sure parehas sila ng iniisip. Parehas kami lahat. Na nakakairita yun. Grabe talaga. It's been a while since I was pissed on someone. Di ko rin expected na sa matanda pa since normally mabait ako sa mga seniors. There will always be a first in everything haha.
4 notes
·
View notes
Text
November 25, 2017 Saturday
Dear Diary,
Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang aatakihin ako anytime. Tapos yung lakas na yon, may kasamang lungkot. Ewan ko ba.
Siguro dahil sa binabasa kong historical fiction sa watty. Yung I love you since 1982. Kapangalan ko yung bidaaaa! Sheeeeet lang kasi sobrang nakakasakit ng puso talaga yon. Yung pakiramdam na kahit anong gawin mong pagmanipula para isaayos yung tadhana mo, wala kang mapapala kasi mapaglaro ang tadhana. Akala mo siya na, pero hindi pa pala. Akala mo ayos lang ang ang mga bagay bagay yun pala kasinungalingan lang ang lahat.
Isa pa, siguro dahil na rin sa kahapon. Yung kay **. Kasi naman eh. Ba’t niya ko tinignan nang ganun? Waaaah </3
O dahil na rin sa hindi ako kailanman magiging crush ng mga crush ko?
O dahil nababagabag ako sa katotohanang anytime, lalabas na yung resulta ng pinakaaabangan ko.
Speaking of inaabangan, yung isa ko pang inaabangan, one week na, wala pa rin. Siguro nga, bored lang ‘yon last week kaya siya nagparamdam sa’kin. Ngayong hindi na siya bored, wala na ulit ako sa eksena.
At isa pang dahilan kung bat nababagabag ako, may 13th month pay kaya kami? May bonus kaya kami? Wala na nga akong bahay sa x-mas party, wala pa kaming bonus kung sakali? Huhuhuhu sana naging adviser na lang ako. T_T
Pero si Lord na lang ang pag-asa ko. Siya na lang ang inaasahan kong mag-aalis nitong mga iniisip ko at bumabagabag sa puso ko. Ayoko nang iasa sa iba yung saya na gusto kong maramdaman. Sa Kanya na lang. Magpapakabait na talaga ako.
Nagugulumihanan (lagi naman),
Carmelita Montecarlos/ Carmela Isabella (Crush ko na rin si Juanito Alfonso. Kyaaah) este, Carms.
PS: Gusto ko ng babaeng kapatid. Maging Ate man siya o bunso. Huhuhuhuhuhu
0 notes
Photo
So yesterday, around 4pm ginising ako ng kapatid ko at sabay sabing asa labas ang mga aports ko. Then seriously i was not in a mood na labasin sila kasi inaantok pa talaga ako. Kaso ang kulit nila at pinapagising talaga nila ako. Then lumabas ako ng nakasimangot. (Medyo nagulat akong andun si X hahaha.) Niyayaya nila akong mag jogging. Ayoko talaga kasi alam kong di nman talaga jogging ang magaganap. Magpapalibre lang talaga sila. Tawa pa lang nila kabisado ko na ibigsabihin. So ayun na nga, napasama ng wala sa oras. Mga 5pm pumunta kami ng bahay ng aport ko to wait ang pabebe kong X kasi asa kapilya sya pero wala nman sya dun. We have waited for him for an hour but it turns out na wala pala kaming inaantay kasi di na pala sya sasama di man lang nagsabi. And napakashit nun. Pero ays lang, G pa din kami magjogging. But later on while walking papuntang bahay ng aport ko we decided na magfoodtrip nlang. HAHAHA. Nagstroll kami para humanap ng fofoodtripan tas sabay (insert the bg song: TADHANA NGA NMAN~~) nakita namin si tropang mata! Edi shing shang fung sunod agad kami sa sasakyan nila pauwi palang kasi sila. Niyaya namin sya. Walanjo akala nagjojoke kami. Tawa ng tawa! Kami ata pinagtritripan nun eh. So nagstart kami mag jogging ng 8pm na. Jusmiyo iba na pala talaga pag natanda. Nakakahingal bes. Jogging+hiking ginawa namin pano pataas kasi ung dinaanan namin. Shortcut but not safe. HAHAHA that night andaming ewan na nangyari. Dalawang beses hinabol ng aso. At nagtakbuhan kaming apat dahil sa pag aakalang patay si kuyang nakahiga sa daanan yun pala natutulog lang. Lasing ata?. Walking>jogging. Wala eh nakakahingal talaga. Mga 10pm na ng nakarating kami sa southwoods. May nang akit sa aming mga mata! Andaming foods AHAHAHAHAHA nabankrupt nnman ako ng mga aports ko. NOT SAFE PAG ALAM NILANG MAY DALA KANG AREP. Dalawa ang choices mo sa pagkakainan mo, the BAGA MANILA and the other one na nakalimutan ko ang name. Pag pamilya or tropa kayo i suggest sa BAGA MANILA kayo kumain pero kung magsyota kayo at gusto nyo ng romantic ambiance dun kayo sa isa. AHAHAHAHA. Pang chill at pampagoodvibes yung lugar. Pagdating nman sa foods medyo pricey sya pero sulit nman ang sarap bes. Ayun lang. Dun nagtatapos ang lahat. Jogging to Foodtrip realquick.
0 notes