#ang pamilya madrigal
Explore tagged Tumblr posts
sleepy-sunset · 1 year ago
Text
No thoughts, just the tagalog dubs of the encanto soundtrack going though my head
0 notes
weirdagnes · 5 months ago
Text
The Madrigals as (very specific) Filipino Family Stereotypes
Abuela Alma
lola mong level 659 na sa candy crush
nagshashare ng minions quotes at ai jesus art
malaki koneksyon sa barangay
“Pusong Bato” kinakanta sa karaoke
solid magmajong at sumugal pero paminsan minsan lng kasama mga kumare nya tulad ni Senyora Guzman
Abuelo Pedro
lolo mong mahilig magkaraoke pero puro “My Delilah”, “Lonely is the Man Without Love” o “Kahit Maputi ang Buhok Ko” lng kinakanta
marerealize mo nalng pag matanda ka na na never pala syang nagkwento ng buhay nya sainyo (pero malupet backstory nila ni lola)
nag-iisa sa pamilya na tumatangkilik padin ng dyaryo. adik din sa lotto at crosswords
Bruno
tito mong biktima ng money extortion dahil sa mga pamangkin
artist ng pamilya na sinususpetsa ng lahat na bading (no. 1)
loyal subscriber at lore master ng mga madradramang teleserye
anti sa paggamit ng pandikit sa daga
Julieta
nanay na adik sa lotto (mana sa tatay)
believer ng unbranded herbal medicines
avid collector ng tupperware
halos lahat ng mga nanay sa compound nyo kumare nya
Agustin
tatay mong di marunong mamalengke pero laging nag uuwi ng snacks/candy
kinalakihan mo music taste nya kase laging nagpapatugtog sa speaker pag hapon
taga repair ng mga gamit pag nasira
Isabela
ate mong maarte at micromanager
lahat ng damit mo galing sa kanya
yung nanggugulat sayo gamit mga plastik na ipis, butiki, etc
sya ang tinatawag ng mga kapatid pag may lumilipad na ipis (hindi si Luisa)
lahat ng barbie dolls nya dismembered na
Luisa
ate mong di mo matatalo sa habulan, hampasan, at lahat ng larong panlabas
atleta 1 ng pamilya
pag naglock to sa kwarto o cr, umiiyak yan
nakababatang kapatid na madaling utusan (utusan no. 1)
kineep nya lahat ng stuff toys nya at niyayakap padin hanggang sa paglaki
Mirabel
nakababatang kapatid na madaling utusan (utusan no. 2)
pinsan mong pikunin
dumaan sa emo phase at pizzap era pero lowkey lng para di pagtawanan
artist ng pamilya na sinususpetsa ng lahat na bading (no. 2)
Pepa
tita mong supplier ng mga high-quality laruan
wine tita pero kayang talunin si tito Felix sa redhorse at gin
“Akin Ka Nalang” at iba pang mga kantang may birit ang paboritong kantahin sa karaoke
Felix
tito mong itinakdang host ng inuman. nagiging pilosopikal din pag lasing
biktima din ng money extortion sa mga anak at pamangkin (pero pag inuman lang)
nag alaga na to ng manok at some point
commentator sa mga palabas na boxing at basketball
Dolores
pinsang chismosa
dumaan saglit sa jejemon phase bago naging indie girl ng pamilya at laging nagrereference ng quotes sa mga tula/pelikula/librong underrated
ateng mahilig mang-utos sa mga kapatid
Camilo
pinsan mong tarantado
atleta 2 ng pamilya pero mas competitive (lagi syang talo kay Luisa)
tirador ng handaan sa mga birthday/reunion
nahulog na din sa kanal sa maraming okasyon
laging naoospital nung bata kase kung ano ano ginagawa/kinakain
Antonio
batang pinsan na tulog sa kwarto pag may birthday
nakababatang kapatid na mahirap pagtripan kase iyakin
nag-iisang may pakeng alagaan aso nyo
iPad kid
7 notes · View notes
khent-andrew · 2 years ago
Video
youtube
Leia, Rowena N. Raganit, Encanto - Cast - Ang Pamilya Madrigal (From "En...
1 note · View note
annlouisedeleon89 · 1 year ago
Text
Tumblr media
Kung nagustuhan ninyo ang love story ni Aivan at Aira sa Tell Me Where It Hurts, mas lalo ninyong magugustuhan ang love story ng twin brother ni Aivann na si Axcel. Kung mahilig kayo sa mga Love at first sight...Definitely not. ang hanap mo heto ang popfiction na para sayo.
So basically ang montemayor series ay may apat na libro. so far natapos ko na basahin ang Tell Me Where It Hurts. Ibang-iba ang pagkakasulat sa What If It's Love? Dahilt title pa lamang alam mo na ang kahihintnan ng kwento na hindi ka mawawasak pagkatapos. Bakit kasi give away ni Marco Jose ang "arranged marriage" na sa umpisa pa lang nga kabanata ay nasabi na ni Marco Jose na si Heena at Axcel ay napagkasundo na ng mga magulang nila na sila ay magpapakasal kapag nasa hustong gulang na. So may reputasyon at mga roles na ginagampanan na pinanindigan at tinotoo hanggang dulo.
Cohabitation is the new norm
Malinaw sa kwento na walang hadlang sa pagtulog ni Heena sa condo ni Axcel at ganoon din kapag nasa bahay naman ni Heena sa probinsya si Axcel. Tila may basbas na talaga dahil bata pa nga sila naka arranged marriage na silang dalawa. Hindi issue kung galawang magkasintahan o magasawa si Heena at Axcel. Infairness sa self-control ng mga karakter talagang puro momol lang at wala pang umaatikabong romansa ang nagaganap pero nung bandang huling kabanata siyempre meron. Ang cohabitation sa kwento ay tila hindi naman isyu at tila norm ito sa dalawang nagpapanggap na engaged couple.
Second lead syndrome just like in Kdramas
Kung familiar kayo sa second lead syndrome sa mga kdramas na may mga second lead male or female characters (pwedeng exlover na nagbabalik or bigla na lamang nireto) meron dito sa What If It's Love. Nagustuhan ko si Niccolo Madrigal na may gusto kay Heena kaso talagang hulog na hulog na ang loob ni Heena kay Axcel. To the point na nagastang asawa na kinakaliwa ng mister niya. Si Thalia ang ex girlfriend na galing US na natangkang makipagbalikan kay Axcel pero sa bandang huli syempre sa pagkakasulat ni Marco Jose, true love ni Axcel si Heena. Kapag binasa niyo ang wattpad story na ito lalo na kung kdrama fan ka tiyak matutuwa ka naman sa kahihinatnan ng takbo ng kwento.
Reminiscent of KimXi movies
Naalala ko bigla yung mga stories ng Chinese artist na shiniship ko eversince My Binondo Girl serye. Kung napanood niyo ang blockbuster movie ni Kim Chiu at Xian Lim na Bride for Rent (2014) kung saan nagkasundo silang magpanggap na magasawa para sa pera lang pero sa bandang huli naging totoo na ang mga nararamdaman nila sa isa't-isa. Yun nga lang sa kwento na What If It's Love equal status ang mga karakter di tulad ng sa Bride for Rent no choice ang karakter ni Rocky dahil kailangan nya talaga ng pera kaya siya pumayag na maging asawa ni Rocco.
Equals ang formula ng love story.
Kung sa Tell Me Where It Hurts magkaibang mundo ang ginagalawan ng dalawang nagmamahalan, sa WIIL, pareho naman ang mundong ginagalawan to the point na parang chinese tradition of arranged marriage ang mga anak at walang kawala pati inheritance mana mana lang.
Thalia at Niccolo
Ang role ni Thalia ay typical exgirlfriend na nagabroad sa States at bumalik ng bansa para makipagbalikan sa kanyang dating kasintahan kaso nadevelop ng husto ang feelings ni Axcel sa kanyang ganapan na umastang fiancé si Heena sa harap ng mga kaibigan at pamilya nila.
Pagpasok sa Eksena ni Niccolo noong dinala ni Heena ito sa infirmary para gamutin ang mga sugat matapos awatin sa pakikipagbasag ulo sa campus. Small world dahil siya pala ang irereto ng matandang businessman na kakilala ng dad niya. Nagustuhan ko ang pagkakasulat ni Marco Jose doon dahil kahit kakikilala lang nila ni Heena ang presko kung umasta at napakamaloko. Mukhang may gusto talaga si Niccolo kaya lang umpisa pa lang naramdaman niya na hulog na hulog na itong babae sa kanyang ganapan bilang fiancé.
Mapanakit ang title pero may kaliwanagan sa dulo
Nagkaroon naman ng magandang ending ang kwento. Nagkatuluyan naman sila ni Heena at natapos ang kabanata sa umaatikabong romansa. Siyempre ang kinahinatanan pinakasalan ni Heena si Axcel at nagkaroon sila ng mga anak.
Medyo ang weak point sa libro masyadong gamit na gamit ang flash backing kaya as a reader medyo nagulumihanan ako pero pansin ko lang favorite phrase o signature phrase ni Marco Jose ang "naghuhuramentado ang puso ko" "kumakawala ang puso ko.."mga ganyan na para sa akin okay dahil may distinct style siya to express a female gaze in male perspective.
In short, ang premise niya na SA SUSUNOD NA MAGMAMAHAL AKO, SISIGURADUHIN KONG AKO LANG ANG KANYANG MAMAHALIN AT PIPILIIN ay nasunod dahil sa karakter ni Heena na sa kabila ng panggagago ni Axcel ay pinili niya pa rin itong mahalin at paligayahin hanggang dulo.
0 notes
pinkylethea-blog · 8 years ago
Text
CHAPTER 1: GRIDIELE UNIVERSITY.
Chapter 1: Gridiele University.
Kim's POV
"Bye dad" pagpapaalam ko kay dad at pumasok na sa loob ng bagong papasukan kong eskwelahan. Dala ko ang lahat ng mga requirements para sa pag-eenroll.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na agad sa isang pader na nasa gilid ko ang buong mapa nitong Gridiele University.
Hinanap ko kung saan ang principal's office at agad ko naman itong nakita. Inilabas ko ang phone ko at pinicturan ang mapa tsaka nag-simula na ulit akong maglakad.
Habang naglalakad ako ay panay ang tingin sa akin ng mga estudyante. Naisip ko na lamang na marahil ay nagtataka sila dahil ngayon lamang nila ako nakita.
Nang mahanap ko ang principal's office ay kumatok ako.
"Pasok" wika ng isang boses babae. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Tumambad sa akin ang napakaduming silid at ang tiles nito ay parang may bahid na dugo.
Hindi na ako kinilabutan o natakot. Sanay na sanay na ako sa ganyan dahil ang pamilya namin ay mga assasins. Sanay na kaming pumatay. Kaya nga lang, sa hindi ko malamang dahilan ay kung bakit ipinadala ako ni dad sa eskwelahang 'to? I mean, okay naman ako sa eskwelahan ko dati na pagmamayari namin.
"Maupo ka" sabi nito at itinuro ang upuan sa tapat ng table niya. Agad akong umupo. Medyo hindi ako makahinga dahil sa amoy ng dugo rito. Napaka-sangsang ng amoy. Nakakasuka.
Pero may mali. Bakit naman may mga bahid ng dugo ang sahig na 'to? Hindi ba sa mga karaniwang ekswelahan ay ipinapalinis na ito? Weird.
"I'm Josefina Madrigal, you can call me Ms. Madrigal so what's your name?" Nakita ko ang malawak nitong ngisi. Gusto kong mapairap pero hindi iyon ginawa.
"Kim Alvarez" maikling sagot ko. May isinulat siya sa papel na nasa table niya pagkatapos ay humarap na ulit sa akin.
"Age?" Tanong niya ulit.
"16" simpleng sagot ko. May isinulat ulit siya. Inilahad niya ang kamay niya.
"May I have your requirements?" Tanong nito. Iniabot ko naman yung mga requirements na hawak ko sa kanya. Maya kinuha siya sa bag niya na papel at iniabot sa akin.
"What's this?" I asked.
"That's a map" sagot nito.
"I don't need that. Meron ako sa phone. So pwede ko na bang malaman yung mga rules and regulations?" I asked. Natawa siya tsaka umiling. Napakunot ang noo ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"There's no rules and regulations here Ms. Alvarez" mas lalong napakunot ang noo ko. Wala rules dito? That's impossible! Sa lahat ng school na pinasukan may rules! Well, malamang meron talaga.
"But remember this" sabi pa niya at tumayo tsaka lumapit sa akin. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.
"Once you enter, make sure that you know how to fight" pagkatapos nun ay lumayo na siya.
"Of course I know. But why?" Curious na tanong ko.
"Because death will be your mortal enemy" sabi nito. Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Death will be my mortal enemy daw? Well, matagal ko nang kaaway si kamatayan. Pero lagi naman siyang natatalo.
"Bumalik ka rito bukas ng umaga, ibibigay ko sa'yo ang schedule mo. Oh. by the way, ito ngapala ang dorm key mo, makakaalis kana" sabi nito at may iniabot na susi sa akin.
"Sa building 1 ka. Wala nga palang uniform rito, you can wear anything you want. Even a swim suit" humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
"Seriously?" Natatawang sabi ko tapos ay lumabas na. Seryoso ba siya? Sinong matinong tao ang magsu-suot ng swim suit sa classroom? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jeans na suot ko at hinanap ko ang building 1. Agad ko naman itong nahanap.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa building 1 ay sinalubong ako ng lalaking naka-puting t-shirt at naka-itim na varsity jacket. Sa porma niya, mukha siyang gangster.
"So you're the new student? Follow me" sabi nito at kinuha yung dorm key ko mula sa kamay ko tapos ay naglakad na siya palayo. Sumunod na lang ako.
Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang button na may number 4 na nakalagay. I think sa fourth floor ang dorm ko.
Nang makarating kami sa fourth floor ay agad na bumukas ang elevator at lumabas na kaming pareho. Naglalakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa harap ng pintong may nakasulat na #135. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinuka iyon tsaka inilagay doon ang dorm key ko.
"Yan ang kwarto mo. By the way, I'm Kian Gonzales, the building 1's dorm president" pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Bakit lalaki ang dorm president ng building 1?
Hindi kaya... Magkasama ang dorm ng boys at dorm ng girls dito sa building 1?
Okay, whatever.
Binuksan ko na ang pinto ng dorm ko at bumungad sa akin ang maduming kwarto. Wag mo sabihing ako pa ang mag-lilinis nito?! Argg! Ayoko pa naman ng ako ang maglilinis ng kwarto ko! I really really hate it pero damn! Kailangan kong gawin kung ayaw kong matulog sa isang maduming kwarto. Bwisit.
Ibinaba ko ang bag ko sa isang table at inilagay ko naman sa isang tabi ang maleta ko. Sinimulan ko nang linisin ang dorm ko. Nakakainis! Walang kwenta ang school na 'to! Wala bang janitor dito?! Arrgg!
"You look so pissed" wika ng isang tinig kaya napalingon ako. May babaeng na-tingin sa'kin habang nakatayo at naka-cross arms.
"Isn't is obvious?" Iritadong sagot ko.
"Well, masanay kana. Walang janitor dito dahil walang gustong mag-apply na janitor sa eskwelahang ito" napakunot ang noo ko.
"Why?" I asked.
"Dahil lahat ng janitor na nag-apply dito ay namamatay," mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Nagtataka ka siguro ano?" Tanong nito at bahagyang tumawa.
"Of course magtataka talaga ako!" Sagot ko. Like, duh. Sinong hindi magtataka sa sinabi niya. Lahat ng janitor na naga-apply dito namamatay? That's weird!
"This school is not normal" lumapit ako sa kanya. Gusto ko kasi talagang malaman kung ano ba talaga ang meron sa school na 'to.
"In this school, killing is just normal" napakakunot noo ako. Oo aaminin ko na sanay na akonh pumatay pero hindi ko maiwasang magulat. Sa talambuhay ko ngayon lang ako naka-diskubre na may eskwelahan pala na legal ang pagpatay!
"Are you serious?" Tanong ko.
"Hell yeah, I'm dead serious" sagot nito.
"Oh. By the way, I'm Alexa Fitch, nice to meet you Kim Alvarez" sabi nito at iniwan akong tulala.
What the hell? Paano niya nalaman ang pangalan ko?
***
0 notes
khent-andrew · 2 months ago
Video
youtube
Leia, Rowena N. Raganit, Encanto - Cast - Ang Pamilya Madrigal (From "En...
0 notes