#ang lamig dito
Explore tagged Tumblr posts
Text
Its good that tumblr doesnt have a translate function so i can just go here and say anything
1 note
·
View note
Note
hi po, pleaseeee do a harry x filipina!reader fic bc i am so deprived of writing like that
Hi darling! Thank you for your request🥰I’ve wanted to write something about a reader being filipina but I haven’t really got anything in mind yet. I made this more of like snippets/head canon type? I just think it’ll really highlight the filipina! Reader better. I hope you don’t mind, Enjoy! (It’s a bit crack-ish hihi)
Harry Potter with a Filipina! Reader
“My gosh, ang lamig dito.” (it’s so cold here)
You shivered, walking towards the great hall with your fellow Filipino students, staring at the interior and overall admiring the place. It was completely different from the Philippine Wizarding School, from the uniforms, infrastructure, ambience, and down to the weather. The uniform you had did little to protect you from the harsh air of the Highlands of Scotland.
You were sent by your school from the Philippines to Hogwarts to be a part of an exchange student program for a year. Hogwarts also sent selected students to the Philippine Wizarding School to learn different techniques in spell casting, potion making, and how the different the countries are in terms of culture.
Scanning the great hall, you saw a bunch of students with curious glances, you felt yourself get a bit self-conscious. “Beh, look!” Your friend whispered to your ear, tugging your uniform before pointing in a certain direction with her lips discreetly.
“Ay shet, ang gwapo.” (Oh shit, he’s handsome)
You blushed as your eyes wandered in the Gryffindor table, looking at an oblivious Harry who was talking to Ron and Hermione. Glaring at your friend playfully, you pinched her side, making her wince. “Aray!” (Ouch!)
Hermione was sent to be your guide in your first day and luck seemed to be on your side as Harry tagged along with her to help
“Hello, my name is Hermione! Professor Mcgonagall assigned me to tour you around Hogwarts.” She smiles, holding out her hand. You took it and shakes her hand. “Nice to meet you, Hermione. I’m Y/n.”
“I hope you don’t mind, but my friend was insisting to come along with me.” She had a knowing smile on her face as she points to Harry beside her. You felt your cheeks heat up, it was the guy earlier. “Ah it’s no problem.” You smiled at him.
“I’m Harry.” He held out his hand, you took it, beaming at him. “Hi Harry, I’m Y/n. Nice to meet you.”
Harry wouldn’t admit it, but Ron and Hermione know he developed a small crush on you as time went by.
It took Harry several months (much to Hermione and Ron’s dismay) to ask you out on a date.
“Y/n! Wait!” Harry ran, as he tried to catch up with you as your friend chats with you, walking to the great hall to grab lunch. Both of you turned, “Uy, Harry!” You smiled as your friend shot you a teasing smile.
“Would you like to go to Hogsmeade with me this weekend?” Excuse me? Did you hear that right? “Like, as a date?” The words fell out of your lips before you can even stop it, making your friend snort. “Ang landi, ha.”
Harry blushed, scratching the back of his neck as he looked away. “Y-yeah…”
“Of course, I’d love to.”
Harry was the one who confessed he likes you first. Of course you were happy but if he wants to be with you, he has to do it the Filipino way.
After a month of dates, he decided to confess his feelings to you.
“Y/n, gusto kita.” He blurts out on a random study date you guys are having. Your eyes widened as you blushed. Harry, speaking tagalog? Since when?
“H-how…?”
“You could say that I’ve been secretly practicing…” He chuckles nervously, your heart filled with warmth.
“Gusto rin kita, Harry.” She grins, seeing his eyes light up. It was definitely worth it talking to other Filipino students to practice his pronunciation when he saw the look on your face.
“But you need to court me first. It’s a Filipino thing.” You giggled, seeing confusion wash over his face.
When you go back to Philippines for a vacation, best believe he will tag along with you.
Your parents love him, and he quickly became part of the family.
“Aba, so handsome naman! Come inside, anak!” Your mom ushered him inside your house as your dad carried both of your luggage. Shaking your head, you laughed at Harry’s reaction.
You mostly spent your vacation touring with him around your province, taking him to beaches, making him ride a jeep, trycicle, and playing with your little cousins.
Your uncles also made him sing on the karaoke, and he was shocked when all your family are great singers. (Harry wouldn’t like to sing in front of your family again thank you very much)
Your family will dote on him, making him try various filipino foods and making him tons of what he liked.
“Harry, anak! Come here, try this! It’s called chicken adobo.” Your mom beckons him over in the kitchen, wanting him to try what she cooked. Since Harry isn’t used to the hot climate of the Philippines, you can always see him sporting a white sando and shorts, a handheld mini electric fan always in his hand, his hair a bit messy, and cheeks quite rosy due to the heat.
Safe to say adobo, sinigang, and lumpia quickly became his favorites. He will beg you to make them when you’re back in Hogwarts, since you decided to transfer. They also managed to convince him to try balut and dinuguan (although that will be the first and last)
You made him try some Filipino snacks too like Piattos, Clover, Pancit Canton (his favorite), Chicharron, as well as kikiam, fish ball, and tokneneng. Harry bought a bunch of snacks for your friends to try when you get back to Hogwarts.
Blushes when you call him nicknames like gwapo/pogi/mahal
“Pssst! Pogi!” You whisper, trying to catch his attention during a class, Harry blushed as he turns to you. “Ano nanaman?” (What is it again?) He rolls his eyes playfully, trying not to show you the effect you had on him.
“What’s the answer for number 5?”
“Amortentia Potion, may kiss ako maya ha?” He grins cheekily. (I get a kiss later, okay?)
“Sige na nga.” (Fine)
Both of you were hit in the head by Professor Snape.
He learns Filipino just for you; but most of his knowledge are just from hearing you swear.
“Mahal, why do you always say Put-“
“Harry, no-“
Will be absolutely floored when you hand Malfoy his ass back to him.
“Dami mong alam, Malfoy!” (You know a lot, Malfoy)” You scoffed, Draco was being a git to Harry again. Draco raised a brow in surprise.
“Huh?”
“Hatdog.” (Hot Dog (filipino inside joke ig))
He frowns, face turning red. “You making fun of me, L/n? Speaking gibberish again, I bet.” He tries to make fun of you, awaiting your reaction.
“Tanga tanga ka kasi kaya ‘di mo alam.” (You’re dumb that’s why you don’t know (it))
Draco was about to hex you, but you were faster.
Ron gawked as you punched Draco, other Filipinos who transferred hyping you up. “Eyyyy! Y/n lang malakas!”
"Merlin, I'm so glad she's in our side." Ron blanched,Harry visibly winced as you landed a solid punch. You scoffed, seeing him and his goons run away before turning to others.
“Why do you even tolerate his poor excuse of bullying?” She frowns, looking at Harry.
“You guys won’t survive Philippine schools.” “Just what exactly happens when there’s a fight in your school?”
“You don’t wanna know.”
#harry potter headcanon#harry potter#harry potter x reader#harry potter x y/n#harry potter x filipina reader#hermione granger#ron weasley#draco malfoy
46 notes
·
View notes
Text
Sinusubukan sa Lamig ❄️
Doon sa Norway sa kaniyang gabing madilim at malamig na klimang punong-puno ng niyebe, maikli ang mga araw sa itaas ng Arctic Circle. Sa kabaligtaran na man, mahaba ang mga gabi, sumasayaw ang mga ilaw galing sa Aurora Borealis buong gabi. Humahampas sa iyo ang malamig na hangin, papamlayin ang mga pandama mo kagaya sa mga kasulatan sa buhangin na nawawala sa pagdating ng mga alon. Natatakpan ng mga pine ang mga higanteng bundok na nakatayong matayog sa puting background; pakiramdam mo maliit ka laban dito. Nababalot ang mga sigaw mo sa kaguluhan ng niyebe at hamog ng yelo, paano ka maririnig ng sinuman kung nasa magagandang tanawin ng Taiga? Ano ba talaga ang kahalagaan mo sa landscape na ito?
Sa visual novel na Dawn Chorus, ikaw ang protag na sumali sa isang 5-araw na college science camp na naka-istasyon sa Norway, sa itaas ng Arctic Circle. Masisiyahan ka sa malalawak na tanawin habang nakikinig din sa mga ekstrakurikular na lektura. Sa camp trip na ito, makatatagpo ka ng mga kaibigan at mga estranghero na sasamahan ka sa paglalakbay na ito. Magbabahagi kayo ng mga bagong karanasan sa nakamamanghang paglalakbay na ito sa loob ng Arctic Circle at mula sa mga pakikibaka at problema ng nakaraan. Sigurado akong pagkatapos ng science camp na ito, aalis ka na may bago at mahalaga sa iyo. Sa biswal na nobelang ito, maaari kang pumili ng isa sa walong dateable na character na personal mong makakasama sa buong paglalakbay mo sa kampo. Nagbabahagi kayo ng mga pakikibaka sa mga paglalakbay at natututo kung paano umunlad nang sama-sama.
Sa entry na ito, tatalakayin ko ang aking mga karanasan at malalim na pagmamahal sa isa sa mga tauhan sa laro na lubos kong nararamdaman.
Isang Norweigan na deer si Rune na nagsusumikap sa neuroscience bilang major, hindi lang iyon kung hindi napaka-aktibo rin niya sa maraming ekstrakurikular, isang athletic na manlalaro sa samu't saring sports, at isang nagsusumikap na artist o musician. Napaka- ambisyosa at masipag niya, pero may limitasyon kung ano ang magagawa niya sa kaniyang oras; gaano kalaki ang makakaya niya; sa kapasidad ng pasensya niya at hanggang wala na talaga. Tinuro sa kaniya ng paglaki sa isang napaka-awtoritaryang bahay ang magtakda ng matataas na pamantayan para sa kanyang sarili; mga pamantayang mahirap lampasan. Maaaring maging dahilan ng nakasasamang pag-iisip ang sobrang ambisyosong mga layunin at pamantayang lalo na sa kung paano nakikita ng isang tao ang kanilang sarili. Nagpapakita si Rune ng mga aksiyon katulad ng labis na hindi pag-iimbot, pagpapabaya sa mga personal na pangangailangan, at pagkabigo sa sarili kapag ang hindi natutugunan kaniyang mga pamantayan, na karaniwang na mga pattern na maaaring mabuo ng isang tao sa gayong mga pag-iisip. Pinapakita ng kaniyang paglalakbay sa kampo ang pagsisikap at pagnanais na maging kasing malugod at ambisyoso sa kaniyang mga kaibigan at kasamahan, subalit pinapanatili niya ang sarili sa baba dulot ng napakatinding hirap ng trabaho, mga inaasahan mula sa kaniya, at sariling mga pamantayan. Tulad ng kung paano sinisira ng isang pagkakamali ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Ganito ang hitsura ng matinding burnout.
Napakaseryosong isyu ito para sa mga mag-aaral sa kasalukuyan, Nakakaapekto ang akademikong burnout sa mga personal at panlipunang buhay ng mga mag-aaral. Ipinakikita ng isang pag-aaral na 40.01% ng mga mag-aaral ang nag-ulat na nakararanas ng kanais-nais na mga kondisyon sa pananaliksik, 55.16% naman ang nag-ulat na mayroong ilang antas ng akademikong burnout, 3.55% ang nag-ulat na nakakaranas ng matinding pagka-burnout sa akademya, at 1.28% ang nag-ulat na nakakaranas ng matinding pagka-burnout sa akademya. Higit na nauugnay ito sa mga napaka-akademikong paaralan tulad ng PSHS dahil nagsusumikap ang kanilang mga mag-aaral para sa kahusayan at mataas na pamantayang pang-akademiko na inaasahang itaguyod ng mga mag-aaral. Maaaring makaapekto ang burnout sa pagganap at mental na kagalingan ng isang mag-aaral, maraming isyu ang maaaring magmumula sa pagka-burnout tulad ng pagkabalisa, depresyon, at pagkabigo.
Ngunit mahalagang tanggapin na hindi pa huli ang lahat para pigilan ang iyong sarili mula sa gayong pag-iisip, hindi ito kaagad sapagkat isang proseso. Para kay Rune, napagtanto niya na gawa-gawa at hindi makatwiran ang lahat ng kaniyang mga inaasahan at pamantayan gaya ng kaniyang pananaw sa buhay. Sa panibagong pananaw, natutunan niya kung paano mahalin ang kanyang sarili, alamin ang kanyang mga limitasyon, at alaming hindi maaaring matamo ang lahat gaya ng inakala niya. Napakahalaga ng pag-alam sa mga limitasyon at kapasidad ng isang tao upang mapagtagumpayan ang gayong pag-iisip at pagkapagod, maaaring magbigay ng maraming pananaw sa buhay na magagamit ng isang tao upang matulungan ang kanilang sarili ang pagbibigay ng priyoridad sa iyong sarili. Ngunit ang mahalaga, walang sinuman ang talagang nag-iisa. Tinulungan ng protag si Rune na malampasan ang kaniyang mga problema, sa pamamagitan ng pagiging laging nasa tabi niya at palaging nagpapakita ng pagmamahal at suporta kay Rune. Matutulungan ka ng mga kaibigan at pamilya sa mga pagsubok na ito, huwag kalimutan na palaging may isang tao na tutulong sa iyo kapag nalulumbay.
Manhid sa niyebe ang lahat, maaaring magdadala ng pamamanhid sa iyo sa hirap, ngunit huwag kalimutan na ang suporta at pagmamahal ang iyong pinagsusumikapan. Sa madilim at hindi kanais-nais na lugar na ito, ang iyong sarili ang kailangan mong harapin, at tandaang pagmamahal at pag-uunawa sa kalooban ang pinakamahusay na paraan upang harapin ito.
References:
Weber, A., & Jaekel-Reinhard, A. (2000). Burnout syndrome: a disease of modern societies?. Occupational medicine, 50(7).
Liu, Z., Xie, Y., Sun, Z., Liu, D., Yin, H., & Shi, L. (2023). Factors associated with academic burnout and its prevalence among university students: a cross-sectional study. BMC medical education, 23(1), 317. https://doi.org/10.1186/s12909-023-04316-y
Art 1: https://x.com/evphye/status/1831382091155829189?t=Uf3naL3eXjUPPD2_CT780A&s=19
Art 2: https://fxtwitter.com/Artefeliussy/status/1828979103891886180?t=Uf3naL3eXjUPPD2_CT780A&s=19
Art 3: https://x.com/inlanders_/status/1805024025434865683?t=x0QoFypFBXV_WPG0qf8sNg&s=19
Art 4: https://x.com/crimsonann/status/1813685419067969672?t=x0QoFypFBXV_WPG0qf8sNg&s=19
7 notes
·
View notes
Note
Alin mas hot pre yung weather ng Pinas o si Eunbi
Yung bebi girl ko, siyempre. Tas ang lamig dito ngayon eh hahahah
Tangina, talagang aasawahin, mamahalin, yayakapin, AANAKAN
57 notes
·
View notes
Text
050424 - daranak falls
Super daming tao kaya sumaglit lang kami ng lusob. Hindi talaga ideal pumunta dito pag weekends lalo summer ngayon. Super labo ng tubig di mo na literal makikita yung inaapakan mo. May magshoshooting rin daw sa gma yata kaya super saglit lang kami. Ahahaha.
050524 - camp daloy, daraitan
Lalo kung ikukumpara mo sa daranak, sobrang linaw ng tubig sa ilog dito. Hindi talaga sa pagiging oa pero kitang-kita mo yung inaapakan mo talaga saka yung mga smol fishes na lumalangoy rin. Ang lawak pati nung ilog super sarap magtampisaw saka magmuni-muni.
Maganda din yung napagstayan namin kasi sa lahat ng mga camp dun, sya yung pinakainstagrammable saka ambait nung caretaker at nung aso nila!! I miss you, lucky! Meron rin silang sariling restaurant pero one rike away from the place. Though masarap, mura, at marami yung serving nung food, ang tagal namin naghintay para madeliver. Siguro dami rin kasi tao at fully booked sila pero ang lala talaga nung almost 2 hours kami naghintay.
Bale yung napagstay-an namin parang sleeping quarters lang sya sa isang bahay. Shared kitchen and bathroom tapos sa labas yung dining ?? area. Nilipat lang namin yung table malapit sa pool area kasi andun yung shade nung hapon. Pero hindi naman din mainit dun, maaraw lang pero malamig yung hangin. Sobrang lamig, nangatog ako nung madaling araw kasi hindi ako shinarean ng kumot ng katabi ko kaya no choice ako at ginawa kong kumot yung twalya kong medyo basa pa kasi naligo ako bago matulog. Ahahahahaha.
Di na ako sumama sa kanila mag tinipak river nung morning kasi naiiyak na ako sa sobrang drained ng social battery ko. Sunod-sunod kasi alis at ganap simula nung bday celeb ko, feel ko need ko mag-me time nun kaya nagtampisaw na lang rin ako mag-isa sa ilog. Saka partly, ayoko rin talaga ng mahabang lakarin tas mabato ganun. Tatanga-tanga pa man din ako, sa tanay pa ako maaksidente. Happy naman ako kasi recharged ako after ng 2 to 3 hours kong pagmumuni-muni sa ilog. Ahahaha. Saka atleast nakatulog rin ako kahit pano nung morning nang may kumot!!
Good thing na lang rin di ako nag-rain check sa ganap na to kahit balak ko na talaga at feel ko di ko na kasi kaya. Ahaha. Super nag-enjoy talaga ako, with or without company. Gusto ko ulit sana bumalik sa mga ganun nang mag-isa pero siguro matagal-tagal pa. Narealize ko talaga gano kahalaga sakin yung me time ko at yung tahimik na paligid, lalo after ng ingay at sobrang daming ganap. Iba talaga kapag peaceful yung environment, parang nagiging peaceful ka rin. Ahahahaha.
9 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Takipsilim
Trigger warning: Karahasan, dugo
Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay. Wala na si Papa, tapos si Mama naman ay night shift sa trabaho; pumapasok siya ng gabi, alas-siyete, at umuuwi ng madaling araw, alas-tres. Ako naman ay nag-aaral sa ikaanim na grado, at pumapasok ako mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng tanghali.
Laging gumigising nang maaga si Mama upang asikasuhin ako. Hatid-sundo niya rin ako sa paaralan. Ramdam ko ang pagod at hirap niya, ngunit sa kabila noon, patuloy pa rin niya akong inaalagaan. Kaya love na love at mataas ang respeto ko kay Mama, eh! Kasi kahit na alam kong pagod at hirap siya sa trabaho lalo na’t mag-isa lang siyang nagpapalaki sakin, hindi niya nakalimutang iparamdam ang aruga at pagmamahal niya sa akin.
Isang araw, pagkauwi ko mula sa eskwelahan ay agad akong lumabas sa aming bakuran upang maglaro ng bola. Nakatira kami sa probinsya kung saan magkakalayo ang mga bahay, at sa likod ng aming bahay ay isang kakahuyan. Habang naglalaro, nang sipain ko ang bola ay lumampas ito sa bakod ng aming bakuran at napunta sa kagubatan. Medyo nag-aalangan akong pumunta doon dahil nakakatakot doon lalo kapag gabi na dahil madilim. Kalaunan ay napagdesisyunan kong pumunta dahil may araw pa naman.
Habang naglalakad, nagulat ako nang may sumulpot sa likod ng malaking puno na batang babae na nakasuot ng pulang shirt at puting shorts. Sa tantiya ko ay kasing edad ko lang siya. Nakangiti niyang iniabot sa akin ang bola.
“Salamat ha! Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko.
“Ako nga pala si Tanya. Ikaw ba?” tanong niya pabalik.
“Samantha, pero Sam na lang. Saan ka pala nakatira? Diyan lang banda ang bahay namin,” sambit ko, sabay turo sa bahay namin. “Gusto mo pumasok? Ipapakilala kita kay Mama. Pwede tayong maglaro!” nagagalak kong sabi.
“Ay, hindi na. ‘Di rin kasi ako pinapayagan lumampas dito, eh. Medyo malayo pa kasi yung bahay namin. Gusto mo bang maglaro muna tayo dito sa kagubatan?” pag-aaya niya.
Sandali akong nagdalawang-isip at tumingin muna sa bahay, iniisip kung papayag kaya si Mama, ngunit kalaunan ay napagdesisyunan ko rin na sumama. Ang ganda pala sa kakahuyan! Napakarami kong nakitang mga puno at halaman. Ngayon ko lang napahalagahan ito dahil hindi ako masyadong nagpupunta rito.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mamangha sa luntiang tanawin sa paligid. Ang dami palang alam ni Tanya tungkol sa iba’t ibang uri ng mga puno at halaman, at buong galak niyang ibinahagi sa akin ang mga kaalaman niya habang naglalakad kami. Pagkatapos noon ay tumakbo kami sa pagitan ng mga puno at naglaro ng tagu-taguan habang hinahabol ang isa’t isa. Tumakbo kami sa malalambot na damuhan; minsan ay napadausdos kami sa mga dahon na nakakalat sa lupa. May nakita kaming isang puno na may mababang sanga, kaya’t sinubukan naming akyatin ito para abutin ang maliliit na prutas na nakakabit dito. Ngunit agad akong nahulog dahil hindi naman ako marunong umakyat ng puno at unang beses ko itong sinubukan. Natawa naman si Tanya sa akin.
Nadaanan namin ang isang maliit na tulay na yari sa kahoy habang papalapit kami sa ilog. Masaya kaming nagtawanan habang sinusubukan naming tumawid nang hindi nawawala sa balanse at hindi natutumba. Pagdating namin sa ilog, namangha ako sa ganda nito. Hindi ko alam na may ganito palang kalinaw at kalinis na tubig dito! Sa sobrang saya, agad akong tumalon sa ilog at agad nanginig sa lamig ng tubig. Humagikgik si Tanya, saka tumalon din, at sabay kaming naglaro habang nagtatalsikan ng tubig.
Habang naglalaro at naliligo, nagkwentuhan kami tungkol sa aming mga buhay.
“Malayo-layo pa ang bahay namin, pero ayoko doon eh. Madalas mag-isa lang ako,” kwento ni Tanya, habang unti-unting mababakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha. “Pero masaya pala ‘pag may kasama. Sana lagi tayong magkalaro, ha!” Biglang sumaya ang kaniyang tono at lumiwanag ang mukha niya.
“Asan na pala ang mama at papa mo? Yung papa ko maagang nawala eh, bata pa lang ako. Kaya kami lang dalawa ni Mama sa bahay. Ikaw ba?” curious na tanong ko sa kaniya.
“Wala na eh. Tapos, nag-iisang anak lang ako.” Muli na namang bumalik ang malungkot na ekspresyon sa mukha niya.
Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang sensitibo ang paksa para sa kaniya. Naglaro na lang kami hanggang nagpasya na akong magpaalam at umuwi ng bahay dahil dumidilim na. Hanggang alas-singko lang kasi ako pinapayagang lumabas ni Mama. Pagkauwi ko, dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit, at saka ay buong galak na ikinuwento sa aking ina ang nangyari.
“Maganda ‘yan, anak, at may nakakalaro ka na maliban sa mga nasa iskul,” masayang sabi niya. Malayo kasi ang eskwelahan ko sa bahay at wala rin akong mga kaklase na nakatira malapit sa amin. Wala rin ako masyadong mga kaedaran sa mga kapitbahay namin, kaya’t tanging sa eskwelahan lang ako nakakalaro kasama ang ibang mga bata.
“Pero hindi ba pwedeng sa bahay na lang kayo maglaro? Para mas ligtas at nakikita ko kayo?” tanong niya.
“Hindi pwede, Mama. Malayo pa raw ho kasi masyado yung bahay niya. Tapos hindi raw siya pinapayagan lumampas sa kagubatan. Tsaka, maganda naman po sa kagubatan! Unti-unti na akong natututo kung paano umakyat ng puno,” sagot ko nang natatawa.
Matapos ang ilang segundong katahimikan, nag-aalangang pumayag si Mama, ngunit may kondisyon. “Basta tandaan mo, anak, ha, ‘wag kang magpapagabi. Dapat nandito ka na bago ako umalis ng bahay papuntang trabaho. Pagkaalis ko, ‘wag kalimutang i-lock ang gate at isara ang mga bintana. Alam mo naman…”
Napailing naman ako dahil binabanggit niya na naman ang kwentong paulit-ulit niyang sinasabi.
“May dumudukot at pumapatay ng mga batang pagala-gala sa labas tuwing gabi. Kung kaya’t mag-iingat ka at huwag lalabas ng gabi. Naaalala mo ba ang mga sabi-sabing may pinatay daw dati dito?”
“Opo, Mama,” tugon ko, natatawa sa isipan dahil alam kong pananakot niya lang ito. ‘Sus, akala niya naman na maniniwala ako agad-agad dahil bata ako.
“Marami ring mga mumu. Malay mo, mumu nga o masamang espiritu yung pumapatay ng mga bata. ‘Yang mga ‘yan, lumalakas at lumalabas sila sa lungga nila tuwing gabi, mula alas-sais. Tandaan mo, hindi lang tayong mga tao ang naninirahan dito,” pananakot niya pa, at tumango-tango na lang ako bilang tugon.
Sa mga sumunod na araw, lagi kaming naglalaro ng bago kong kaibigan. May mga pagkakataon na naliligo rin kami sa ilog. Tuwang-tuwa ako dahil gumagaling na ako sa pag-akyat ng puno at kaya ko nang abutin ang mga prutas!
"Uy, bakit pulang shirt at puting shorts lagi mong suot? Favorite mo ba yan?" pang-aasar kong tanong sa kanya. Totoo, napapaisip talaga ako sa suot niyang iyon—parang kahit kailan kami maglaro, 'yun lang lagi ang kanyang damit.
“Kahit nababasa tayo sa ilog, yan pa rin lagi ang suot mo,” dagdag ko, natatawa.
Napahinto siya sandali at kamot-ulo lang na tumingin sa lupa. "Ah ano kasi eh… mahalaga kasi sa akin ‘tong damit na 'to," sagot niya, parang may iniisip na malalim. Ilang saglit pa, bigla niya akong hinila sa braso at napasigaw na lang, "Tara, habulan tayo!" Hindi ko na natanong pa ang tungkol sa kanyang suot at sinabayan ko na lang siya sa pagtakbo at nakipaglaro.
“Lagi tayong maglalalaro, ha? Dapat lagi tayong magkasama,” sambit sa akin ni Tanya. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya at patuloy kaming naglaro.
Puno man ng kaligayahan, kahit kailan, hindi ko nakaligtaang umuwi ng bahay bago sumapit ang dilim. Hindi ko balak na suwayin ang aking ina.
Isang gabi, matapos kong maglaro, umuwi ng bahay, at i-lock ang pinto pagkatapos umalis ni Mama, may biglang kumatok sa pinto. Nagulat ako nang buksan ko ito, at bumungad si Tanya, nakangiti sa akin at may hawak na lampara.
“Umuwi na sina Mama at Papa! Tara, ipapakilala kita sa kanila. Punta tayo sa bahay namin,” sabi niya, sabay hila sa aking braso.
“Teka, teka. Hindi ako pwedeng lumabas nang gabi. Hindi ba pwedeng bukas ng umaga na lang, tutal Sabado naman bukas at walang pasok? Isasama ko rin si Mama,” pagtutol ko, sabay pagbawi sa braso ko.
“Aalis na sila sa umaga. Ngayon lang sila nandito. Sumama ka na, please, minsan lang naman,” pagpupumilit niya. Ayaw ko talaga, pero kalaunan ay pumayag na rin ako kasi mapilit talaga si Tanya. Gusto ko rin naman siyang pagbigyan kasi kaibigan ko siya, kaso may parte sa akin na nagsisisi dahil sinuway ko si Mama.
“Minsan lang naman ito. For sure, maiintindihan naman ni Mama,” sabi ko sa aking sarili.
Agad kaming nagtungo sa kagubatan. Sobrang dilim, at tanging ang ilaw lang mula sa lampara ang nagbibigay-liwanag sa aming daanan.
“Malapit na ba?” tanong ko, dahil unti-unti na akong nababalot ng takot. Humarap siya sa akin nang hindi nawawala ang ngiti. “Oo, konting tiis na lang.”
Laking gulat ko nang pagdating namin doon, hukay ang nadatnan ko.
“Nasaan ang bahay ninyo? Akala ko ba ipapakilala mo ako sa nanay at tatay mo?”
“Ito na yung bahay namin. Ang lungkot, diba? Lagi lang akong mag-isa at walang kasama. Pwede mo ba akong samahan dito?”
Tumataas na ang balahibo ko at nanginginig ang aking katawan dulot ng pinaghalong lamig ng gabi at takot na nararamdaman. Nakita ko sa gilid nito ang punit-punit na pulang shirt at puting shorts na may bakas ng tuyong dugo. Ngayon, paunti-unting pumapasok sa aking isip at napagtatanto ang sagot sa tanong ko sa kaniya noon na hindi niya tuwirang sinagot at iniwasan lamang.
Lumingon ako sa likod at nakita kong wala na siya roon. Natatarantang lumingon ulit ako sa harap at nagulat nang makita siya roon, ngayon ay duguan at kahindik-hindik ang itsura. Kahit pa man ganoon, hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.
“Nangako tayong lagi tayong magkasama, ‘di ba, Sam? Samahan mo na ako rito magpakailanman!”
Nanginginig man ang aking tuhod, dali-dali akong tumakbo pauwi, ngunit bigla akong hinarang ng isang lalaking nakaitim na may dalang balisong. Ngunit may kakaiba sa kaniyang itsura, parang hindi siya tao—wala siyang mata at itim na hukay lamang ang makikita dito. Liban doon ay kulay itim ang kaniyang katawan na tila ba sumasanib sa anino ng gabi.
“Anong ginagawa mo rito, bata? Dapat ay nasa bahay ka kapag ganito na ang gabi,” sabi niya, malamig at malalim ang boses na nagdadala ng takot sa damdamin. “Nasa teritoryo ka namin. At dahil diyan, hindi ka na makakaalis!”
Sinubukan kong tumakbo ngunit niyakap ako ni Tanya mula sa likod habang nararamdaman ko ang sakit ng tila punyal na tumusok sa aking tagiliran. Nalulunod na ako sa aking dugo, dahan-dahang dumilim ang aking paligid, at naririnig ko na lamang ang masayang tawa ni Tanya at ang mga bulong ng mama ko sa aking isip: “Hindi lang tayong mga tao ang nakatira dito.”
3 notes
·
View notes
Text
Casiguran, Sorsogon
• Orok Cold Spring - I still remember dito yung madalas na outing namin dati hahaha. Batuhan pa ang daan dati, batuhan din yung mismong spring. Pero ngayon shala, sementado na. Pero sobrang lamig pa din ng tubig. Yung bitbit kong beer iniwan ko sa spring ng 5 mins. Ice cold na after.
• Nazareno - Di ko alam bakit ako dinala ng tropa ko. Chill daw e hahaha.
• Nagsipit Falls - I'm in awe. One of the most beautiful falls I've ever seen, almost majestic. Ang ganda!
13 notes
·
View notes
Text
feeling ko january parin dito ngayon, ang lamig lamig kasi maghapon pa nag ulan ngayong araw. di ko feel na march na ngayon, ang bilis pati ng march, birthday ko na in 4 days, tapos 2nd death anniversary na ni mommy. ang bilis ng takbo ng panahon parang kailan lang. minsan naiisip ko parin, na sayang hindi ko man lang naiparanas maisama sa travel or kumain sa labas kasama si mommy. though nung malakas pa siya noon, ako yung madalas niya isama minsan. wala lang namimiss ko na naman siya, namimiss ko na mag punta sa quiapo at binondo o sa baclaran kasama siya. tapos mag uukay. next week ko nalang tatawagan sila papa, sana mapuntahan nila ngayon si mommy, baka kasi kung nasan man siya isipin nun kinalimutan na namin siya. minsan naiisip ko, gusto ko pa sanang bumawi, kahit kay papa nalang kahit na hindi naging maganda yung relasyon naming mag ama, para kay mommy, alam ko ito yung gusto niya. maging maayos kami. mas maayos lang talaga kami ng magkalayo, hindi ko nga lang sila nakakausap, kahit naman nung ofw pa si papa, hindi rin naman consistent na nag uusap kami, kaya hindi kami naging close talaga. buti nga yung kapatid ko nakaka usap ko na kahit papano, sana okay lang sila dun ngayon. ayaw ko sila i-neglect ng tuluyan kasi naniniwala parin ako na may karma yung ganun. wala lang, ino-overthink ko lang din minsan yung kung ano ano. huehue.
8 notes
·
View notes
Note
dema, ikaw ang susunod. dadalhin ka namin dito sa pilipinas. we will make you one of us(/j/j/j/j/j). sana kaya mo ang lamig dito kung saan ako- at in general ung init.
anyway KAAAAAAAAAAAAMUUUUUUUUUUUUUUUSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
HUH
3 notes
·
View notes
Text
tamang mameee! dito sa lake
Maaraw pero ang lamig ng hangin.
Jan. 31, 2024 03:28 pm
7 notes
·
View notes
Text
bugso – pt. 1
bugso /bug·soʔ/ ngalan. biglaang pagmamadali; pagsabog (ng ulan, hangin, bagyo, apoy, sakit, atbp.) biglaang pagsiklab; matindi (ng damdamin)
character: boyfriend!jungwoo x reader
genre: angst
a/n: written in tagalog and english. this is merely a sliver of my imagination. the fictional character in this story do not, in any way, represent any idol. and nobody deserves to be in a relationship where they feel unloved. :)
------------------------------------------------------------------------------
gustong-gusto mong sinusuot ang mga damit ni jungwoo, lalo na ang mga hoodie niya. imposible naman kasing kayanin ng isang layer lang ng damit ang lamig ng silid-aralan ninyo. iba pa ang comfort na dulot ng mga damit niya; parang ramdam mo ang mga yakap niya sa lambot at bango.
parehas niyong hindi alam kung ilang damit na niya ang nasa cabinet mo, at sa totoo lang, wala ka namang pake dahil hindi naman din niya hinahanap.
'yon ang akala mo.
sa punto de vista ni jungwoo, medyo nakakairita na ang gawain mong ito. ang mga paborito niyang suotin ay unti-unti nang nawawala. iniisip niya na kung magpapatuloy ang ganito, wala na talagang matitira sa kaniya. kaya naman naisipan niyang pagsabihan ka tungkol dito.
kausap mo ang mga kagrupo mo tungkol sa isang group activity nang maramdaman mong nagvibrate ang cellphone mo sa kaliwang bulsa ng iyong pantalon. napangiti ka naman agad dahil alam mong si jungwoo ito.
nawala saglit ang iyong kilig at napalitan ng kaba. pero sinubukan mong huwag mag-isip nang masyado at nagreply na lang.
nagkita kayo ni jungwoo sa ground floor malapit sa entrance ng cafeteria. "ang daming tao," isip mo. napalingon naman agad sa'yo ang nobyo mo, sabay higit sa'yo papunta sa gilid niya at inakbayan ka naman nito agad. napalakas pala ang pagkakasabi mo.
pagkatapos niyong pumila para bumili ng kakainin ninyo, agad naman kayong umupo sa usual spot niyo sa cafeteria. "kumusta exam mo kanina?" tanong mo agad sa kaniya, alam mo kasing ilang araw na niyang pinaghahandaan ang long exam nila sa isang professional course.
"ok lang," maikli niyang sagot, sabay tuloy sa pagnguya.
ni hindi ka man lang tiningnan, ang cold pa ng pagsagot. ano kayang problema nito? tumagilid naman ang ulo mo na para bang nagpapacute, sabay subok ulit na kausapin siya. "ang lambot nitong hoodie mo, baka pwedeng akin na lang?" biro mo sa kaniya.
"bakit, sa lahat ba ng hiniram mo may binalik ka na? kulang na lang iuwi mo buong cabinet ko, nahiya ka pa. pwede bang kumain ka na lang? nakakapagod ka."
nakakapagod ka. nakakapagod ka. nakakapagod ka.
paulit-ulit ang sinabi ni jungwoo sa utak mo. hindi mo alam kung paano ka magrereact o sasagot man lang. akala mo kasi natutuwa siya tuwing suot mo ang mga gamit niya. nabanggit niya kasi noon na kinikilig siya tuwing may ginagamit kang kaniya, dahil para bang pwedeng-pwede niyang ipagmayabang sa iba na ikaw mismo ay pagmamay-ari niya.
nagulat din ang nobyo mo sa mga salitang lumabas sa bibig niya. pero hindi na rin niya alam kung paano ito babawiin, dahil kung meron mang paligsahan pagdating sa pataasan ng pride, baka tanghalin pa siyang kampyon. wala ka nang narinig sa kaniya kaya tumungo ka na lang at binilisang ubusin ang pagkain mo habang pinipigilang maiyak sa harap niya at ng sandamakmak na tao sa loob ng cafeteria.
naunahan mo siyang matapos kumain kaya tumayo ka na agad. hindi mo alam kung tama bang iwanan mo lang siya sa lamesa pero hindi mo na kayang magtagal pa dahil baka maiyak ka pa at maging topic pa ng mga chismoso't chismosa niyong schoolmates. agad ka namang dumiretso sa restroom at hinubad ang hoodie niya. maigi na lang at walang ibang estudyante sa loob dahil nakakahiya kung maririnig nila ang mga hikbi mo. pagkatapos mo ay dumiretso ka sa sink para ayusin ulit ang sarili at maghilamos ng mukha.
maayos mo namang tinupi ang hoodie ni jungwoo at nilagay ito sa locker niya. matapos nito, bumalik ka na rin agad sa classroom niyo.
pagkatapos kumain ni jungwoo, dumiretso rin siyang restroom nila at naghilamos na rin ng mukha. nahimasmasan siya at naisip niyang dapat inayos niya ang pagsabi sa'yo. pero wala na, huli na, nasaktan ka na niya nang sobra.
nang kukunin na niya ang textbook niya para sa next period nila, tumambad sa kaniya ang hoodie na kanina lang ay suot-suot mo. kanina nung nakangiti ka pa at masayang sinusubukan na makipag-usap sa kaniya. nagambala ang iniisip niya nang makatanggap siya ng text mula sa'yo.
he fucked up, big time. at alam niyang mahihirapan siyang mabuo ang winasak niyang self-esteem mo.
pt. 2 here !
#nct scenarios#nct 127#nct 127 x reader#nct 127 scenarios#nct 127 angst#nct angst#nct oneshot#nct jungwoo#nct 127 jungwoo#jungwoo imagines#jungwoo angst#nct tagalog oneshot#nct tagalog#nct filo#nct filo oneshot#kim jungwoo
31 notes
·
View notes
Text
Ang Lamig sa Lamig 🏔️
Ang lamig ay dumadaloy na parang laganap na avalanche, nanginginig ka sa pakiramdam. Bawat galaw na ginagawa mo ay nakakatakot, lahat ay nanonood sa iyo ngayon. Sino ang maaari mong pinagkakatiwalaan sa purong puting hellscape na ito, ikaw ay nag-iisa nang malalim. Pakiramdam mo ay karapat-dapat ka dito. Pakiramdam mo ay ipinanganak ka para dito. Pakiramdam mo ay kailangan mong laging makipagsabayan dito. Ngunit kailangan mo bang magdusa ang lahat ng ito nang mag-isa? Ang lamig ba ay talagang nanonood sa iyo o nabulag ka lang ng puti at niyebe? Ang lamig ay dumadaloy na parang laganap na avalanche, nanginginig ka ba talaga?
Ang Promises to Keep ay isang visual na nobela tungkol sa isang nawawalang indibidwal (ikaw) na sinusubukang hanapin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga kahirapan kabilang ang isang napakalaking snowstorm. Habang sinusubukang umalis sa kanyang bayan upang makatakas sa walang katapusang pakiramdam ng monogamy, ang paglipad ng protag ay nakansela ng isang malaking snowstorm na tila hindi huminto anumang oras sa lalong madaling panahon. Naputol ang kapangyarihan ng buong kapitbahayan at natagpuan ng protag ang kanyang sarili na nanginginig mula sa gumagapang na lamig sa loob ng kanyang bahay. Ngunit sa kabutihang palad isang mabait na estranghero ang kumatok sa kanyang pinto at nag-alok ng kanyang lugar dahil mayroon siyang generator. Sinisikap ng estranghero na iligtas ang mga stranded na tao sa kapitbahayan sa pamamagitan ng pag-aalok ng kanyang lugar. Masayang tinatanggap ng protag at sa huli ay natagpuan ang kanyang sarili sa loob ng bahay ng estranghero kasama ang 5 iba pang mga tao. Sa loob ng bahay, ang protag ay matututo at lalago sa kanyang tirahan, magbubuklod sa malupit na bagyo, at mag-aaliw sa isa't isa.
Nakatuon ang blog na ito sa isang karakter sa laro na labis kong kinagigiliwan.
Isa sa mga taong nakilala ng protag sa bahay ay isang raccoon na nagngangalang Hunter, isang masipag na estudyante sa kolehiyo na naghahabol ng medisina na natigil din sa snowstorm tulad ng iba sa kanila. Siya ay napaka-aktibo sa akademya, atleta, at pati na rin sa lipunan. Bilang isang papalabas na tao, hindi kailanman nabigo si Hunter na hikayatin at pasayahin ang kanyang mga kapantay. Ang lahat ay tumitingin sa kanya dahil dito, ngunit sa ilalim ng lahat, dapat kang magtaka kung bakit ginagawa ng isang taong tulad niya ang lahat ng ito. Sa pamamagitan ng kanyang pangangalaga at kagila-gilalas na panlabas, makikita ang ilang mga bitak na nagpapakita ng isang bagay na mas totoo. Bakit niya sinusubaybayan ang pagkain na kanyang kinakain? Bakit lagi niyang pinipilit ang sarili na pagaanin ang mood kahit nasaktan siya? Bakit niya kinasusuklaman ang sarili sa tuwing nagkakamali siya? Bakit niya inilalagay ang kanyang sarili sa lahat ng mga pagsisikap na ito para lamang mapanatili ang isang mukha? Nagpapakita ito ng malalim na pagkahumaling sa pagpipigil sa sarili sa kanyang mga pananaw sa kanyang sarili, ngunit sino ang sinusubukan niyang patunayan?
Si Hunter ay lumaki sa isang mataas na uri ng sambahayan na may mga awtoritaryan na magulang. Malaki ang inaasahan ng kanyang mga magulang mula sa kanya na nagdudulot ng expectation pressure sa murang edad, palagi siyang tinuturuan na maging lubhang mapagkumpitensya, palaging nasa tuktok kung saan titingin ang mga tao sa kanya, hanggang sa punto kung saan sinabihan siya na ang pakikipagkaibigan ay walang kabuluhan at sa halip, dapat siyang gumawa ng mga koneksyon upang mapabuti ang kanyang katayuan sa lipunan. Ang kanyang mga magulang ay palaging kumukuha ng mga tutor at instructor para sa kanya upang mabuo ang kanilang pananaw sa isang “perfect” na anak, ngunit bilang kapalit, si Hunter ay nakaramdam ng pressure at napahiya pa sa harap ng mga tutor at instructor na ito. Dahil sa lahat ng ito,
References:
Howenstein, J., Kumar, A., Casamassimo, P. S., McTigue, D., Coury, D., & Yin, H. (2015). Correlating parenting styles with child behavior and caries. Pediatric dentistry, 37(1), 59–64.
Guo, X., Hao, C., Wang, W., & Li, Y. (2024). Parental Burnout, Negative Parenting Style, and Adolescents' Development. Behavioral sciences (Basel, Switzerland), 14(3), 161. https://doi.org/10.3390/bs14030161
4 notes
·
View notes
Text
Mahal, hindi mo kailangang gumastos nang malaki para ako’y mapangiti. Hindi mo ako kailangang dalhin sa Balabac, sa Baguio, o sa Batanes. Hindi kailangang ilipad sa eroplano’t ipagsigawan sa ibabaw ng mundo. Hindi ko hangad ang lasa ng pinakamahal na kape, ang atmospera sa mamahaling kainan na nakaiiláng ang katahimikan. Hindi sabik sa tanawin sa ibabaw ng bundok o lamig ng malawak na karagatan. Hindi naghahanap ng niyebe sa Amerika o taglagas sa Korea.
Hindi natin kailangang lumayo para masulit ang bawat minuto. Hindi kailangang suyurin ang bawat sulok ng mundo para mapatunayang buo ang pag-ibig mo. Hindi natin kailangang pilitin ang hindi at hindi pa kaya. Ayos na ako. Kahit d’yan lang sa may kanto. Sa paresan na paborito mo. Sa turo-turo. Kahit dito lang sa tabi mo.
Mahal, pakatandaan mo sana na hindi mahalaga sa akin kung gaano kagara ang bawat tagpuan natin. Dahil saan man tayo makarating, mananatiling iisa ang paborito kong tanawin—ikaw at ikaw pa rin.
—Ali
Kuhang larawan ni Glazel Yan
2 notes
·
View notes
Text
“Karanasang hindi ko malilimutan sa Abra”
ito ang aking napuntahang hindi ko malilimutan at ito ay aking tahanan dahil dito nakatira ang aking amaa mas masarap manirahan at mabuhay sa ganitong uri ng kapaligiran at lugar dahil wala kang mararamdamang pagod dahil sa iyong mga makikita. masarap ang simoy ng hangin, malamig na kasing lamig ng klima sa baguio kaya hindi mona kinakailangan ng efan dito. Ito ang pauulit ulit kong babalikan na hinding hindi ako mananawa.
#PilingLarang #LarawangSanaysay
3 notes
·
View notes
Text
314 | ISANG MATA SA ISANG LIBONG PANGAMBA
Alas dos pa lamang ay mulat na ang mga mata kong malabo. Tumingin ako sa aking katabi, "Maaga pa, mamaya na" ang tangi kong naisip nang makita kong yapos nito ang kaniyang kasintahan. Napatawa na lamang ako nang maalalang kay tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito, kinailangan pa naming sumabak sa ilang aktibidad at iraos ang aming pagsusulit. Ipinikit ang aking mga mata, na hindi rin nag-tagal sapagkat nagising ako sa ingay ng mga kubyertos, "Late na pala" bulong ko sa aking isip. Pinilit kong ibangon ang aking sarili upang dumeretsyo sa banyo, ginising ko ang aking kaluluwa nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumabalot sa aking katawan. Mabilis at malinis kong isinuot ang bagong plantya kong uniporme, tiniyak kong baunin ang sweater na aking magiging kaantabay sa lamig ng sasakyan naming bus. Nang makarating sa eskwelahan, nakita ko ang mga puyat at antok pang itsura ng aking mga kabata, sa kabila nito, nangingibabaw pa rin at ingay sa kanila, sa bawat boses ay maririnig mo ang kwento mula sa gabi bago ang araw na iyon, na ayon sa tala nila, ay pinalubutan ng eksaytment at sari-saring pangyayari.
Tahimik ang byahe at ang bawat isa ay nasa isang mahimbing na tulog, tila ba ihinahanda ang sarili sa lakbay na aming tatalakayin sa araw na itinakda. Nasilaw ako sa maliwanag at napakagandang tanawin ng unang destinasyon, naroon ang simbahang kasalukuyang naglalahad ng misa. Maraming balakid ang pag tahak namin sa daan, marami rin kaming pinuntahan kagaya ng; munumento ni rizal, museyo ng koleksyon, at ang hindi kapani-paniwalang pabrika ng tinapay, na ang gumagawa ay ang mga awtomating makina. Ngunit ang hinihintay ng lahat, ang huling destinasyon sa ika-apatnapu't araw ng marso, ang Enchanted Kingdom sa Laguna. Dito, puno ng hiyawan at kasiyahan, mula sa rides at ilan pang maaring aktibidad, hanggang sa mga nagsasarapang pagkain nito. Bago ang lahat, una akong dumayo sa food court, upang libangin ang akin tiyan sa matagal na byaheng nakakagutom ng sikmura. Ang malinis kong uniporme at sweater ay madumihan mula sa sauce ng burger na aking binili, kasabay din nito ang ice cream na aking nabili sa Dairy Queen, natapon pa ito sa dulo ng aking sapatos. Ngunit 'di ko mapigilang tumawa sapagkat ito ay dahilan ng aking pagmamadali, upang subukan ang mga "nakakatakot" na rides ng lugar na ito.
Alas singko nang hapon, marami na akong nasakyan, at ang bawat isa dito, ay kaabibat ang aking mga kaibigan. Ngunit, aking itatala ang tatlo sa hindi ko malilimutang ekspiryens. Huli ko mang sinubok ang Alcatraz, ay masasabi kong kaunahan ito sa aking itatala hindi lamang sa'yo, kundi pati na rin sa mga taong magtatanong kung naranasan ko na ba ang bagsik ng lugar na ito. Kasama ang ilang guro at ang mga minimahal kong kabata, nag simula ang kaba namin sa pag bili ng tikets, "Oh kay dami namin, malaki siguro ang sahod ng mga mananakot na ito" nakatutuwang salita sa isip ko. Nang pumasok kami, nababalot ang lugar ng usok, madilim dito, ngunit hindi iyon nagging dahilan upang mawalay kami sa isa't-isa. Base sa bilis ng paglalakad ng tatlong guro sa aking harapan, ay mukhang nagagalak na silang matapos ito at makalabas. Sa mga pagkakataon iyon, may mga naganap na takbuhan, tulakan, sigawan, at takutan, naipit pa nga ako sa isang sulok dahil sa gulat ng mga nauuna sa akin, ngunit sa kabila ng lahat na ito, nagkaroon ako ng 'di malilimutang halakhakan kaakibat ang mga taong hindi ko inaakalang makakasama ko.
Habang ako ay nasa pila ng Vikings, ang aking puso ay nagugulumihanan sa kaba. Ngunit sa sandaling ito ay hindi ko napigilang hindi magtungo sa aming patutunguhan. Sa aking pag-upo dito, ang kaba ay unti-unting napalitan ng kasiyahan. Sa isang arko, pumatak ang kalembang at dumaus-os ang aking katawan nang mag simulang umandar ang makinang kay kalawang. Karamiha'y kinabahan, nagsimulang sumigaw at kumapit sa bisig ng mga taong hindi pamilyar sa sinasakyan. Ako'y nasa dulo ng barko, at sa bawat pag-hagis nito sa ere, tila bumabalik ako sa aking kabataan. Ang bawat sigaw at hiyaw ay nagpaparamdam ng kasiyahan at ligaya. Hindi maikakailang nagkaroon ako ng hindi malilimutang ala-ala, lalo na't ang karanasang ito ay tumatak sa'kin nang kasama ang aking mga minamahal na kaibigan at guro.
Hindi nagtagal, sinubukan din namin ang Drop Tower, ang kaba sa aking sistema ay hindi mawari. Tila lumilipad ang aking puso, sa pagpatak ng bawat segundo ay para bang bumibilis ang pag-akyat nito sa pinaka taas. Nang makarating kami sa tuktok, aking nakita ang kay gandang tanawin. Ang araw na kay pula, ay umaaktong dilim sa pag-bulag nito sa akin. Kinuha ko ang huling hininga bago pag handaan ang pag-patak nito, nadama ko ang lamig ng aking mga kamay at ng nanginginig kong mga paa. Ang aking puso ay nanlalamig sa takot nang biglang bumagsak ito, pinakawalan ko ang sigaw na matagal ko nang tinatago mula sa linya, hanggang sa pag upo ko sa aking kinalagyan. Sa muli kong pag tapak sa maduming sahig, at sa pg alis ko sa aming sinasakyan, ang kaba ay naglaho na, at ang kaisipang ako'y lumilipad sa mga segundong iyon ay nananatili sa aking puso hanggang sa pagkakataong ito.
Kung inyong tutuklasin, maaring makita ninyo ang ilang letrato na mukhang pitik mula sa digital na kamera. Ito, ay ang mga bakas na naroroon ako, na kabilang din ako sa mga nag hintay upang humantong kami sa huling destinasyon ng edukasyonal na paglalakbay, at higit sa lahat, na ako ang kanilang pang-samantalang retratista sa mga momentong sila ay nakangiti. Sa mga letratong iyon, nabubuhay kong muli ang mga ala-alang tatatag hindi lamang sa kanila at sa'king isip, kundi pati na rin sa iyo, na aking mambabasa. Pinag sisisihan kong hindi ako nahagip sa mga letratong nakakagalak na balikan, upang mahinuha ang panahon, oras, at pangyayari sa mga sandaling iyon. Ngunit, hindi ko kailanmang ikakaila na ipinagmamalaki ko ang aking sarili sa pagkuha ng ilang letratong tiyak na nakapag pasaya sa mga grupo at tao na aking pinitikan.
Alas otso na, lumipas na ang oras mula nang ang araw ay mamahinga, sumapit ang gabing napupuno ng malamig na simoy ng hangin. Narinig ko ang mga tawang nanggagaling sa aking mga kaklase habang naglalakad kami palabas; kwento mula sa mga unang rides na kanilang sinakyan at kung paano sila nagkaron ng tila masaya sabay ang nakakatakot na eskpiryens na mga sandali sa katirikan ng araw. Sa huli kong pag sulyap sa lugar na iyon, naalala ko ang hindi lamang kami nag-saya, bumalik din sa aking sistema ang pagod, init, at inip na niranas ko sa paglalakad, pag-hahanap sa aking mga kaibigan at kaklase, pati na rin ang paghihintay sa linya ng bawat rides sinakyan namin, na para bang walang katapusan ang haba. Ngunit sa kabila ng lahat ng nito, ang aking puso ay napuno ng kasiyahan at pasasalamat, nagbukas para sa akin ang pinto patungo sa isang kakaibang karanasan,at ang karanasang iyon ay hindi lamang simpleng paglibot sa isang pook libangan, kundi isang paglalakbay sa mga ala-alang mabaon man sa nakaraan, ay hinding hindi malilimutan ng aking isipan.
Aking mga kabata, at ikaw, na patuloy ang pag-basa sa sanaysay ng aking lakbay, nais kong malaman mo na babalik at babalikan ko ito. Kahit ilang beses pa, sa iba’t ibang oras, pahanon, o sa susunod na habang buhay, hihilingin ko na muling maranasan ang pinaka unang pagkakataon na tumapak ako sa lugar na iyon. Ito ay isa pa lamang, isang mata pa lamang na nagtatala ng kuwento tungkol sa mga pangyayari na sila naman ang nakaranas. Maaaring sa kanilang sanaysay, iba naman, iba namang pangyayari at emosyon ang naisulat sa takdang ito. Ngunit hanggang dito na lamang tayo, dito na magtatapos ang tala ng aking mga munting pangamba at karanasan.
Ako muli, ang inyong pang-samantalang retratista.
3 notes
·
View notes
Text
hindi ko talaga gusto ang kape
-x, 240413-
hindi ko talaga nagustuhan ang kape
wala sa lamig o sa dami ng tsokolate,
hindi ang pait o paraan ng pagkakahalo,
hindi ang pakla ng bula o gatas na ipinapatong,
at lalong wala sa antas ng asukal
o proporsyon ng arnibal na maaaring idagdag dito.
wala sa mga ito ang nagustuhan ko.
ngunit mahal ko ang kawayang deban sa balkonahe,
ang lagaslas ng usapang matatanda at 'di kilalang lengguwahe,
ang huling patak at tustadong pulbura,
at ang unang anggi mula sa tablang bintana.
hanga ako sa ugong ng kanyang boses at kung paano nito ako diktahan,
walang lamáng mga utos ngunit nagagawa ko siyang paniwalaan.
'din ang garalgal na kahol sunod ay mahinahong pagwawastong ihinahabol,
pati ang atungal ng pamilyar na makina at ng pamamaalam niya.
hanga ako sa lahat ng ito.
ngunit hindi ko nagustuhan ang kape
tulad ng hindi ko gusto ang itlog na pula,
liban kung may kasamang kamatis o nasa bibingka
at kung minsan ay nagsasawa rin ako sa bibingka
ngunit paborito ko ang halimhim nito sa dahon ng saging
at ang niyog na hindi isinabay para magawang papakin.
o tulad ng hindi makasanayang brandy at gin
ngunit gusto ko ang panablang usapan na pampausaw namin,
mga kuwentong mali ang pinanggalingan ngunit tama ang sa ami'y kahahantungan,
at pati na rin ang palaging hamong hindi mabanggit ang iyong pangalan.
hindi ko nagustuhan ang kape
ngunit minahal ko ang patintero sa mga desisyon namin
ang sari-sariling balita at mamahaling pastry na malata,
kung saang mga upuan masusulit ang muling paghaharap,
ang halinhinan sa charger na mailap,
ang hindi namamalayang pagtila ng ulan,
at ang pamamaalam na hindi maiiwasan
ay hindi ko nagustuhan
kaya sa sarili kong wangis aking nilalang,
at nagkaroon siya ng kapangyarihan sa aking salita at panulat,
at sa mga damdaming nais ipabatid,
at sa mga takot,
at sa buong diwa,
at sa bawa't lasa, na nagsisitawid sa ibabaw ng dila.
tulad kung paanong gusto mo lang ang amoy ng kape
at kung paanong palihim na bumalik ang lamig ng pebrero
sapat lang na paliwanag ang maaari kong bitawan para sa pananatili mo
at hindi sapat ang pagtawag kaya't ang maaari ko na lang bitawan ay ang pagpili sa'yo
inia eke buri ing kape uning palsintan kanaku ing saguli,
ing pagkaul keng awakan na ning tasa,
a magpaganaka para kaku keng pali na ning abril, apat a banua ing milabas,
ampo ing maligamgam a pamanyatáng mu,
minamahal ko,
ang lahat ng ito
4 notes
·
View notes