#ang drama gusto lang naman tumambay ng vermosa pero walang kasama
Explore tagged Tumblr posts
Text
Isa talaga sa mga nagbibigay ng saya sa buhay ko yung hilig ko sa kotse. Magkalikot, midnight drive, tamang sound trip.
Tuwing nagmamaneho na, nawawala yung mga isipin sa buhay. Imbes na tingnan mo yung mga bagay na wala ka, ang tinitingnan mo lang eh yung gauge kung sumusobra kana ba sa tapang. Yung bigat ng damdamin mo kabaliktaran naman ng gaan ng tapak mo sa silinyador. Wala kang paki sa kahapon, ngayon, at bukas. Ang mahalaga lang makarating ka sa pupuntahan.
Kapag hawak mo na yung manibela lahat ng direksyon na gusto mo ikaw ang nasusunod.
Kapag tumapak ka sa silinyador yung bilis na gusto mo ikaw ang nasusunod.
Kapag madilim bubuksan mo lang yung headlight at kapag naman maliwanag papatayin mo lang pero tuloy pa din ang andar.
Kapag may hadlang bubusinahan mo lang.
Sa pagtaas ng bilang ng bawat kambyo kasabay naman tumatahimik yung paligid. Naririnig mo lang yung ingay ng makina na akala mo galit pero masaya.
Isa sa mga bagay na dinadala ka pero ikaw ang nagdidikta. Hindi katulad ng buhay na sumusunod ka lang sa agos. Dito, ikaw yung bahala sa agos at pagdating mo sa pupuntahan masaya ka kasi ikaw mismo yung pumili ng hihintuan.
#ang drama gusto lang naman tumambay ng vermosa pero walang kasama#personal#thoughts#thoughts from a car guy
14 notes
·
View notes