#Talino at Tapang
Explore tagged Tumblr posts
kristalismyfirstname · 9 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Dear Diary,
Binibini
Ibalik n'yo ako sa panahong buhay ang katawagang "Binibini"... hindi "Chix."
Ibalik n'yo ako sa panahong inaalis ng ginoo ang kan'yang sumbrero upang yumuko't halikan ang likod ng aming palad.
Ibalik n'yo ako sa panahong may delikadesa at mariaclarang pag-uugali ang mga kababaihan, subalit may tapang at talino rin 'tulad ng isang nag-aalab na katipunera.
Ibalik n'yo ako sa panahong may lakas-loob ang mga kalalakihan upang mang-harana, ipag-igib ng tubig ang pamilya, magsibak ng kahoy, at umupo sa salas kasama ang ama ng iniirog upang pag-usapan ang mga plano sa kasal o magbahagi ng simpleng karunungan.
Ibalik n'yo ako sa panahong masisilayan pa ang mga karwahe't kabayo sa kalsada, kundimang harana sa balkonahe, tinta't pluma sa lamesa, mga lampara't sulat-kamay na liham.
Ibalik n'yo ako sa panahong hindi minamadali ang pag-ibig, sa panahong seryoso't isang permanenteng panata ang pag-iisang-dibdib sa simbahan.
Ibalik n'yo ako sa panahong hindi dikit sa gadyet ang mata ng lipunan, sa panahong nagagawa pa nating langhapin ang sariwang hangin at tumakbo sa berdeng kapatagan.
Ibalik n'yo ako sa panahong ito.
Kristal
5 notes · View notes
annexca · 2 years ago
Text
#121
Sa usaping kababaihan, kayo ay maghanda
Kasalukuyang kaalaman, tiyak na kulang pa
Marami pang tutuklasin, lakas, talino, at tapang
Alam kong alam mo na, kami'y mga babae at 'di babae lang
- BABAE, LAMANG!
Tumblr media
Maligayang araw ng mga kababaihan sa mga kapwa ko BABAE, at hindi babae "lang". 🌷💗
4 notes · View notes
strongvampiregirl · 1 month ago
Text
Ang pangalan ko: maria clara infantes carpio
Maari yun ako tawagin "clarita"
Nakatira ako sa
Cabuyao laguna
Windfield 1 phase 5 block 12 lot 17
Paborito ko
Panuodin: mallari)gomburza)
Maria clara at ibarra) pulanf araw)
Paborito ko salita:wika salita at español
Paborto ko subject: english science filipino ap
Esp)
Ayawko subject: math mapeh
Mahilig ako mag basa ng libro
Marami ako alam
Pagdating sa mga kasaysayan
Palagi ako nagdadasal upang ligtas tayo mga fikipino
Sana magbago na iinsip ng china at mag punta nalang siya sa taiwan para wala na gulo
Yun ang tunay na kalayaan saatin bansa ng pilipinas
Ako ay isang matapang at palaban na babae
Pero mabait ako
At may awa sa kapwa filipino higit sa lahat kaya kaya ko tumulong sa kapwa natin filipino at para sa bayan natin
May talino ako
At may panfunawa sa lahar
Kaya kaya natin ipaglaban ang bansa natin
Huwag tayo susyko
Wag natin pababayaan ang sarili natin bansa
Iisisigawa sa bayan: atin ang west philippinez sea
Ang totoo niya
Nakita ko sa mapa natin hindi west chiba sea yun
Ang totoo nakalagay ay west philippine sea saatin yun kaya ipagpatuloy at ipaglaban ang karagatan na ito ay tiretoryo natin yun wag na wag na tuparin ang binabalak ng china at kawawa tayo mga filipino pero hindi tayo kawawa
May laban at may tapang tayo mga filipino
Upang magsakripisyo saatun sarili bayan
Tanda yun ba sinasabi ni dr. Jose rizal at heneral luna
Ito
Sinabi ni jose rizal
Dr.jose rizal sabi:
Tamad ka mag aral
Pero may talento ka
Maganda ka
Hindi ka lang nag aayos
Ayaw mo ayaw mo lang subukan
Ito pa
Heneral luna sabi:huwag kayo maniwala sa matatamis na salita ng mga amerikano
Negosyon o kalayaan o bayan o sarili pumili ka
Yan po
Ang akin naalala
Sa mga sinabi nila
Listen this ans understand
(Gracias)
0 notes
mistorya · 2 years ago
Text
Hindi ka basta "babae lang".
Ikaw ay isang babae na may kakayahan, may talino at may tapang.
Hindi ka basta basta lang. Hindi ka rin "eto lang". #InternationalWomen'sMonth
0 notes
pedropanulat · 2 years ago
Text
Porn Star Ka Ba?
Ni: Pedro Pendukot
Nagpakita ng tapang
Sa pamamagitan ng pagbunot sa baril
Pinaslang ang kalabang
Bumunot ng salitang mas masakit pa sa tama ng bala kasi
Nagpakita ng tapang
Sa pamamagitan ng pagbunot ng kapangyarihan
Pinatiklop ang kalabang lumaban lang sa kanyang protektadong karapatan
Nagpakita ng tapang
Lumaban sa pobre
Lumaban sa maliit
Dahil madali lang itong pisain
Langgam kumpara sa estado na meron siya
Kumpara sa paraisong hawak niya
Nagpakita ng Talino
Sa kalokohan binuhos
Yumaman
Napakain ang pamilya
Ang mga niloko
Naghihikahos hinde makapag-paaral ng supling
Hinde magamot ang may sakit
Nagpakita ng ganid
Nagnakaw sa asawa
Baldado kaya sinamantala
Dinala sa sugalan
Naubos kaya ngayon walang pampagamot sa karamdaman
May tama sa utak
May tama sa ugali
Pero pinabayaan na lamang
Si satanas na lang daw ang aangkin
Nagpakita ng katawan
Yan ang bagong wholesome
Nandiyan ang negosyo
Salamat sa makabagong panahon
Mas madali ng kumita
Unting paumbok ng pwet
Unting palabas ng suso
Siguradong views ay pulido
Anong masama?
Kesa magnakaw
Mas lumalaban pa nga ng patas
Ang mga bagong Maria Clara ng lipunan
Porn Star ka ba?
Kita ko kalukuwa mo
Hinde katawang lupa
Pero ang pag-uugali mo
Porn Sta ka nga!
Lumabas ang baho
Lumabas ang hubad na katotohanang pilit mong itinatago!
Porn Star ka nga
Tama ang hinala ko
Sa kita nag-ambag na ang dayo
Sa sarap nag-ambag na ang enganyo
Please gusto ko na maging Porn Star!
Kailangan ko na magpapayat ng moralidad
Kailangan ko na magpapayat ng prinsipyo
Huhubarin ko lahat ng yan
Magkaroon lang ako ng meron ka amo!
I love you my porn star!
“Tigas Titig Kay Ningning”
❤️💚
Tumblr media
0 notes
upismediacenter · 2 years ago
Text
LITERARY: 7 hiling ko kay Santa kahit ‘di naman niya tinanong
Tumblr media
Sa pinakamamahal kong Santa Claus,
Alam kong umay na umay ka na sa taon-taon kong paghiling ng maraming bagay, pero eto na naman ako, hehe. Sana ‘wag ka na magreklamo kasi ‘di mo rin naman ibibigay xD *iyak*. Joke lang po hehe, ‘di ako mawawalan ng pag-asa kakahiling sa’yo. Sa dinami-rami ng mga bagay na hinihingi ko sa’yo bawat taon, halos lahat ng mga iyon ay materyal na bagay. Pero, napansin kong habang tumatanda, nakakayanan ko nang bilhin ang mga bagay na nais ko. Ngayon, mas gusto ko na ang mga bagay na hindi nabibili ng pera. Nilagay ko na rito yung mga gusto kong makuha maging ang mga dahilan sa likod ng mga hiling. Siguro ang seryoso ng datingan ko rito, pinagdadasal ko na rin naman ‘to kay Lord pero parang nababawasan na ata ligtas points ko. So eto na nga...
Peace of Mind- Napakaraming bagay na nangyayari ngayon sa paligid ko, mga dahilan kung bakit ako napapa-overthink nang malala. Sinusubukan ko naman na ibaling ang atensyon ko sa mga bagay na makabuluhan at alam kong magiging produktibo ako, pero may mga gabi na hindi ako makatulog dahil sa dami ng bumabagabag sa isipan ko. Sinubukan ko naman magdasal, naisip ko lang na humiling na rin sa’yo tutal malakas ka naman kay Lord.
Happiness- Hindi ko naman sinasabing sad girl ako (pero parang ganoon na nga LOL), minsan lang pakiramdam ko sakto lang ang lahat –hindi malungkot at hindi masaya. Subalit, hindi na humihigit pa roon. Hindi ko alam kung manhid ba ako o ano pero mahirap akong pasayahin dahil minsan naisip ko “deserve ko ba ito?" Though, ‘yan din madalas ang linyahan ko bago ako mag-checkout ng mga bagay na hindi ko naman kailangan sa Lazada. Kaya ikaw Santa, pakibigay na ‘yong hiningi kong Blackpink album noong nakaraang taon. Hays overdue na ‘yon. HMP.
Tapang- Sa susunod na mga araw, buwan, at taon, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin labanan lahat ng battles at struggles na hinaharap ko. Darating ang panahon na mapapagod ako at sasagi sa isip ko na sumuko. Hinihiling ko lang na sana hindi ako kailanman panghinaan ng loob at magkaroon pa rin ako ng tapang para harapin ang mga hamon sa buhay na hindi kailanman mauubos. Oo, Santa, seryoso ako sa part na ‘to, ‘di na ako nakikipagbiruan.
Pokus- Medyo nanganganib na po ang attention span ko. Maya’t maya na ako nanonood sa Tiktok at inaabot ng ilang oras! Gusto ko man magpokus sa isa, nababaling ang atensyon ko sa iba… Ay teka, mali ata wordings ko doon ah xD. Ang ibig kong sabihin ay hindi ko na natatapos o nagagawa ang isang bagay dahil madali na akong mawala sa pokus.
Talino- Santa nauubos na po brain cells ko, ni hindi ko nga alam kung mayroon ako noon. Nairaraos ko naman ang lahat pero pakiramdam ko mababaliw na ako anytime soon. Naiintindihan ko naman na parte lang 'to ng mga paghahanda para sa college. Ay, teka, may college pa nga pala!
Pagmamahal- Masyado na ata akong attitude, HAHA. Lunurin sana ako ng pagmamahal para naman sana kahit papano may inspirasyon ako paggising ko sa umaga. ‘Yong tipong kahit pa anong negatibong mangyari sa paligid ko, nananalaytay pa rin sa dugo ko ang pagiging positibo. Time-out muna sa pag-mamaldita, good vibes naman sana.
Born Pink Concert Ticket- Santa, sorry ‘di ko na natiis. Syempre kailangan ko rin ng materyal na bagay paminsan-minsan. ‘Eto na ‘yong time na masasabi kong kaya bilhin ng pera ang kasiyahan! Kung hindi ka makakakuha ng ticket na may kasamang sound check, pwede na ako doon sa kasunod na pinakamahal, hehe. Isa pa pala, baka mahirapan ka kumuha ng ticket ‘pag sa Pilipinas, ‘di ko rin masyado bet sa Philippine Arena kaya okay na ako sa Japan o Europe pero sa akin na ang concert ticket, sa’yo na ang plane ticket. XD
‘Yon lang naman, Santa. Ilan lang iyan sa mga gusto kong makuha sa taong ito, hindi na materyal na bagay dahil naisip ko baka nagsasawa ka na. Ibigay mo na din sana ang mga gusto ko para naman makabawi-bawi ka sa 18 taon kong paghihintay. Ewan ko na rin ba sa’yo Santa, hindi naman ako naughty, mabait naman ako, minsan ‘di na kita maintindihan. Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon, hangga’t may Pasko ay hindi ako magsasawang humiling sayo kahit hindi ko alam kung totoo ka ba o hindi. Paramdam ka naman, juseyo!
Nagmamahal, Mina
P.S. Lahat ng hiling kong ito, masasagot ng Born Pink Concert Ticket. Beke nemen.
0 notes
chrixiane · 2 years ago
Text
Tumblr media
Masaya, punong-puno ng adventure ngunit delikado ang trabaho ni Ivan Drake Sebastian as an Army Captain, na kinaiinggitan ng ibang mga kasamahan niya. Halos ang lahat ay nasa kanya na, itsura na hinahangaan ng mga kababaihan, 'di matatawarang talino at tapang, yaman at kaaway. Mahilig s'yang mag-volunter at sumasabak sa lahat ng mga delikadong duties, wala s'yang inuurungan and everything went well and a job success. Kaya naman kaagad siyang na-promote. Sikat siya hindi dahil sa kanyang mataas na posisyon at achievements kundi dahil sa kanyang mala-bagyong kayabangan at ugaling kinaiinisan ng lahat. Para sa kanya mabait naman siya, 'wag lang babanggain dahil mabigat siyang kalaban.
Sa kagustuhan na mapa sa kanya si Lieutenant Jamielle Flair Nervaez, nagbago siya. Ganun siya kadesididong makuha ang matamis nitong oo sa inaalok niyang kasal. Maganda, sexy, mabait, matalino, matapang, at maabilidad, perpekto para sa kanya. Ngunit kung kailan pinaghandaan niya ang lahat, hindi ito sumipot sa mismong araw ng kanilang kasal. Sa labis na kahihiyan na inabot sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, umalis siya't isinumpang hindi na iibig pang muli. Nakarating siya sa isang liblib na malawak na lugar, madilim. Tanging liwanag na nagmumula sa unahan ng kanyang kotse, bituin at bilog na buwan ang nagtatanglaw sa kanya. Umiiyak at langgong-lango sa alak na nagsisigaw sa loob ng kotse ng biglang may subrang nakakasilaw na liwanag ang halos umalog sa kanyang buong kamalayan. Doon niya nakilala ang pangalawang babaeng nagpainit lalo ng ulo niya. Ang babaeng kinamumuhiaan niya at nagpakulo lalo ng dugo niya ng higit pa sa inakala niya. Ang babaeng nagawang baguhin ang buong pagkatao niya at prinsipyo sa buhay. Isang babaeng wirdo na may pagkataong hindi niya mahulaan kung saang lupalop ba ito nanggaling.
Siya ba ang tagapaglistas nito? O ito ang magiging tagapaglistas niya?
Ang babae na makapagpapatunay sa kanya na hindi lahat ng taong malapit sayo ay kaibigan mo.
0 notes
sai-lopez · 3 years ago
Text
Tanong ng isang babae na malapit sa akin, bakit daw si VP Leni Robredo iboboto ko? Babae siya mahina, dagdag pa niya.
Patriarchal o misogyny ang ganitong pag-iisip at nakakadismaya na babae pa mismo nanggaling ito.
Si BBM ang binoto ko noong 2016 bilang bise- presidente at sobrang galit din ako noong natalo siya. Isa din ako sa tumawag kay VP Leni dati na "fake vp" sa social media.
Pero sa nakaraang anim na taon, mas nakitaan ko pa siya ng tapang sa mga usapin ng soberanya at human rights abuses.
Nagsimula ako magresearch about sa kanya, at napag-alaman ko kung paano siya tumulong ng libre sa mga mahihirap, nagbigay ng libreng serbisyong legal sa mga walang pambayad, miyembro rin siya ng isang NGO for about 10 years bago siya tumakbo bilang kongresista. Isa din sa mga natulungan niya dati ay ang mga Sumilao farmers sa Bukidnon na kung saan naipanalo niya at ng mga ibang lawyers ang kanilang pag-aari sa kanilang lupang sinasaka.
Sa 3 taon na termino niya, madami siyang na isa pa batas, karahiman dito ay naglalayong mawaksi ang corrupsyon. Isa siya sa co-author ng SOGIE bill at supportado niya rin ang same sex union.
Noong VP debates noong 2016, nagpamalas siya ng talino at tapang, samantalang si BBM ay hindi na sumipot sa sumunod na debate dahil di siya makapalag sa mga akusasyon sa kanya.
Isang naratibo sa social media ngayon, ay "bobo" at "lutang" daw siya. Pero putol putol naman na video at fake quote ang basehan para pagmukhain siyang walang alam.
Bilang bise-presidente, madaming nagawa sa VP Leni especially ngayong pandemic. Sa mga hindi nakaka-alam, base sa ating batas, ang responsibilidad lamang ng bise presidente ay pumalit sa Presidente sakaling namatay siya o hindi na kayang gampanan ang kanyang tungkulin because of health or other issues. Nasa diskresyon ng Presidente kung bibigyan niya ng cabinet position si VP Leni. Matatandaan natin na nagbitiw si VP Leni as Housing Secretary noong 2016 dahil sa utos ng presidente sa kanya na hindi umattend sa lahat ng mga cabinet meetings, pero kahit ganun ay hindi siya tumigil sa pagtulong sa mga mahihirap, isa sa programa niya ay ang "Angat Buhay" na kung saan malaki sa pondo nito ay galing sa mga private organzations sapagkat sobrang liit lamang ang budget ng OVP.
Bago pa lumaganap ng husto ang Covid-19, isa siya sa unang nagsuggest sa gobyerno na pagtuunan ng pansin ang Covid-19 pero pinagsawalang bahala lang nila ito dahil hindi naman daw ito malala at under control nila ito, hanggang sa iyon na nga, tumaas ang cases natin at nagkaroon na matagal na lockdown dahil sa incompetence ng DOH.
Si VP Leni ang nakaisip at nagbigay ng free shuttle services sa mga frontliners, dormitories sa mga healthworkers na pinalayas ng mga landlords o landlady nila, Bayanihan Ekonsulta sa mga taong hindi makapunta sa hospital dahil sa pandemya, Vaccine Express at marami pang iba.
Si VP Leni ay hindi corrupt, accessible ang SALN niya every year at makikitang mga hindi lampas ng 10 million ang net worth niya, which is a proof na hindi siya nagpayaman bilang politko. 3 years nang highest audit rating ang office niya ng Commission on Audit (COA). Family rule ng kanilang pamilya na isa lang ang pwedeng active sa politika, sapagkat against sila sa Political dynasty.
Madami pa akong gustong sabihin tungkol sa mga plataporma niya, pero mas mainam na bisitahin niyo na lang ang website niya na lenirobredo.com, as well as yung facebook page at youtube channel niya. Nakatagalog lahat ng plataporma niya para mas maintindihan ng nakararaming Pilipino.
Para sa akin, ang pagboto kay VP Leni Robredo ay hindi choice kundi isang obligasyon sa ating bansa.
4 notes · View notes
cursesandcries · 3 years ago
Text
people pleaser yarne?
natatakot talaga akong masabihan na ang talino ko daw, na ang tapang ko, na ang galing ko sa mga bagay bagay gaya na lang ng page-edit at kung anu-ano pang papuri hindi dahil pahumble ako kundi dahil pakiramdam ko pag tinanggap ko yung compliment na ganon ay magkakaroon na ng expectation yung mga tao sa akin na dapat matalino ako palagi, dapat magaling ako palagi. natatakot ako na somehow malagay sa pedestal kasi alam kong in one way or another, magkakamali't magkakamali din ako at di ko maaabot yung ineexpect nila sa akin tapos nadidisappoint ko lang sila.
alam ko namang dapat di tayo matakot magkamali pero sa estado ko, it's easier said than done dahil napansin ko na din sa sarili ko na may pagka people pleaser ako. ewan ko bakit, kailan, at paano nagsimula. hindi ko alam kung dahil ba sa nakasanayan ko dati na lagi akong nage-excel sa acads na naging ganun na yung expectations sa akin (laging nasa honors list, laging pasado, laging may blue card, laging may medal), laging active sa extracurricular activities at nababalanse yung school at social life, tapos bilib na bilib mga tao sa akin na pati ata ako naniwala na ang galing galing ko at kaya ko lahat ng bagay, tapos nung sumemplang at sumablay na ako at nakita ko yung disappointment ng ibang tao sa akin ay nawala na lahat ng kumpyansa ko sa sarili.
i admit. i really am not confident. i'm not confident with anything. lagi ko nang sine-second guess lahat ng mga bagay, pati sarili ko. wala na akong kumpyansa sa sarili. at pagod na akong maging ganito. kaso hindi ko alam kung saan magsisimula ulit, kung paano iu-u learn itong toxic trait na ito, at kung paano i-build ulit yung confidence ko sa sarili ko.
eto naman ebas ko sa realizayshun na people pleaser aq:
tinweet q na to pero lagay ko lang ulit dito. gusto ko nang i-unlearn talaga yung toxic trait na 'to, but most of the time i cant help it, it's like a subconscious to me already. every time i do or say something, my brain's initial reaction after i do/say it is "did i do the right thing? what will people think about me now after they read this/they heard me say that?" im so tired of always getting anxious bc ppl might not like what i did, or may not agree with what i said. im so tired of always thinking about what others might think of me but i just dont know how to unlearn this or like where to start or how to ignore the thought. im so tired of seeking other people's validation when i clearly know i shouldn't. may online course ba for this lol i just hate being like this.
di q alam kung nag make sense ba tong sinasabi ko sa post na 'to pero ayon, yan na yun. yun lang shuta share ko lang naman
1 note · View note
margeredelicia · 4 years ago
Text
si jesus/Hesus
ang pangalan niya ay jesus. oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus. seryoso ako. si jesus ay siyang dalaga, morena, kulot ang buhok. ang lalim ng mga dimples at may mga pisngi na kay sarap kurotin. parang musika ang himig ng kanyang tawa at hindi kumpleto ang kanyang mga bati kung walang kasamang yakap na kay higpit. hindi ko gets kung bakit hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal. at nakakatawa lang kung paano lagi siyang may baon na sachet ng bear brand na pinapapak niya kapag siya ay naiinip. si jesus ay isang iskolar, magna cum laude standing, bise presidente ng kanilang organisasyon. balak mag law school pero may tumanggap na nakumpanya sa kanya sa bgc. meron din siyang mayamang boyfriend na hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi. huwebes ng nakaraang linggo, bandang alas dyis: si jesus ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay walang malay nakahandusay sa kalye. sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri. ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus? heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning? kulang lang ba sa tulog o pagkain? walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus. normal lang daw ang kanyang kalagayan maliban lang sa paghinga niya na tila humihikbi pero walang luha. ilang oras din ang nagdaan bago si jesus ay tuluyang nagising. ang sabi ng doktor tungkol sa kanya: depresyon, malubhang pagkalungkot ang tunay at nag-iisang sanhi. dahil kay jesus, napagtanto ko na hindi porket nakangiti, masaya. hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi, wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata. hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka, hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama. hindi porket parang musika ang kanyang tawa, hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka. kasi hindi porket masigla, hindi na napapagod. hindi porket matapang at palaban, hindi na nasasaktan. hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay, wala nang mga sariling pangangailangan. hindi porket matalino, ay may alam. dahil kay Jesus, ako'y namulat na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko na nagsusuot ng mga maskarang pantago sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit. sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at kung ano-ano pa mang sukatan ng galing kung saan kinukumpara natin ng ating sarili may isa palang nabubulok, naagnas na kaluluwa. dahil kay jesus, ako'y nalulungkot. mata ko ay naluluha, puso ko ay kumikirot na may mga tao palang katulad niyang naglalakbay nang di alam kung saan pupunta. nangangarap na huwag na lang magising sa umaga. nakuntento na lang sa wala. dahil kay jesus, ako'y naiilang na ang nagaganap sa aking harapan sa loob ng paaralan, bahay, o opisina ay hindi tama. maling-mali na ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong sa selda ng anino at lamig. hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana. hindi ka ba naiinis? dahil kay jesus, may apoy na nagpapaalab sa aking galit nagtutulak sa akin na tumakbo hangga't hindi natatama ang mali. at lahat 'yan ay sapagkat alam ko sa aking isip at puso na dahil kay Hesus lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli. ilalapag na lang sa harap Niya ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman. wala nang pagpapanggap. buong tapang na ipagmamalaki na ito ay ako. kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay ay tanging sa Kanya nakasalalay. dahil kay Hesus may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip. banayad ang layag anumang dumaan na bagyo. matatag nakakatindig kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo. dito sa dagat na kay lawak at lalim hindi lalangoy, kundi maglalakad, tatakbo, lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon. kay Hesus may liwanag na pinapanatiling dilat ang aking mga mata. ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan, hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa. hindi makukuntento at matatahimik. hindi tatablan ng antok. araw-gabi, ako ay gising. dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid na kailanman hindi mo masisikmura at
matatanggap ang kanilang sakit. tulad ng dalagang si jesus gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi. pero ang mayroon tayo ay ang lunas, ang gamot, ang sagot mismo. tagos sa balat, sa puso diretso. ang gamot ay ang dugo na dumaloy sa mga palad Niya. ang pangalan Niya ay Hesus. Hesu Kristo.
1 note · View note
forgottenstellar · 6 years ago
Text
DIPLOMA: PAMATO AT PANABLA
Ngayong araw, magtatapos na ako ng pag-aaral ko sa kolehiyo. Maaaring isang ordinaryong araw lang para sa iba. Pero hindi para sa tulad ko.
Hindi para sa paslit na hanggang ngayon, takot pang harapin ang mundo.
Napagtanto kong nakakatakot pala. Nakakakaba. Kasi pagkatapos ng araw na 'to, ganun pa rin naman ako. May natanggap lang na diploma. Kapirasong papel na apat na taon kong pinilit abutin.
Pero para saan ba 'tong diploma? Para siguro maging pamato at panabla. Yun kasi ang sabi nila. May panlaban na ako sa mundo. Kasi hello, may degree na ako.
Pero hindi ganun nagwo-work ang mundo e. Kahit may diploma ka, kung takot ka, who you ka. Maraming may potensyal, maraming may talento, maraming matalino, pero iilan lang ang matapang.
At madalas, yung matatapang, sila yung nagtatagumpay.
Ngayon ko higit na nauunawaang, hindi ako maisasalba ng potensyal lang, ng talento lang, o ng talino lang. Dahil kahit pagsamahin pa ang tatlong to, kung nananatili naman akong nakatali sa takot ko, hinding hindi ako makakahakbang.
Kaya para sa mga takot pa dyan, hindi ka nag-iisa kaya kalma ka lang.
Alam ko naman. Nakaka-pressure ang paligid no? Kailangan mong mag-review kasi may board exam kang dapat ipasa. One take lang dapat kasi chismis yung abot mo kapag naging dalawa. May inapplyan kang trabaho na hanggang ngayon walang paramdam habang yung iba hired na.
Nakakatakot kasi baka ma-fail mo yung expectations ng iba. Pero hindi ba mas nakakatakot na unconciously kino-control ka ng desire mong i-please sila?
Habang sinusulat ko 'to gusto kong paniwalain ang sarili ko na ang tapang tapang ko na. Pero hindi eh. Takot pa rin ako talaga.
Ngunit hindi na sa sasabihin ng iba.
Mas natatakot na akong maniwala at magpatali sa depinisyon ng tagumpay na binuo nila. Mas natatakot na akong hindi mahanap yung sarili ko dahil ligaw na ligaw na ako sa direksyong "tama" para sa kanila.
Kanya-kanyang buhay naman yan. Kanya-kanyang pananagutan. Kanya-kanyang hanap ng kahulugan.
Sabay-sabay tayong kumawala sa tali. Sabay-sabay tayong humakbang.
mrc
1 note · View note
diwangpalaboy · 6 years ago
Text
Pag-aaral at pakikipagkapwa
Maraming salamat sa mga pumasok sa klase, nakibahagi sa mga gawain at nabigay ng kanilang buong kooperasyon. Ipagpatuloy natin ang hamong kritikal na aralin ang lipunan at mag-ambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayang bumubuo rito lalo na yaong mga nasa laylayan. Layunin ng bawat aktibidad sa klase na mas maging masaklaw at malalim ang ating pang-unawa sa kasaysayan, dugtungan, implikasyon at potensyal na solusyon sa mga isyu at problemang pangkaunlaran. Integral na bahagi ng prosesong ito ay ang tamang disposisyon at disiplina sa pag-aaral at pakikipagkapwa. Mas magiging mapagpalaya at makapagpanibagong-hubog ang edukasyon kung ituturing natin bilang kapwa (extended self) ang ating mga kamag-aaral at lalo na ang sambayanan na siyang pag-aalayan natin ng ating talino, galing at tapang.
2 notes · View notes
scoliosizt · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Hango mula sa Dead Balagtas Short: La Mujer Filipina (2017) ni Leona Florentino at Emiliana Kampilan; adaptasyon ng sanaysay ni Leona Florentino (1849-1884) sa parehong pamagat, La Mujer Filipina.
Hindi kailanman maihihiwalay ang danas at pakikibaka ng pagiging babae, sa pagiging parte ng LGBTQIA+, at pagiging Pilipino sa isang lipunang binubulok ng impe, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo. Ang pagtakwil nito ay siya ring pagtatakwil sa tunay na kalayaan at dignidad ng ating bansang binuhat ng tatag, sigasig, talino, kalinga, at pagmamahal ng bawat kababaihang Pilipino.
Katarungan para kay Jennifer Laude, at ibang pang mga transwomen na pinaslang at kumakaharap ng karahasan dahil lang sa kanilang pagkakakilanlan.
Hustisya para kay Lenie Rivas, at iba pang mga Lumad na minasaker at dinadahas ng mga militar sa kanilang sariling lupang ninuno.
Panawagan sa paglitaw ni Elizabeth "Loi" Magbanua, lesbiyanang aktibista at organisador, at iba pang mga desaparecidos na buong tapang at pusong naglilingkod para sa bayan.
Ina-alala natin ang kanilang memorya tungo sa isang mundo kung saa'y malaya magdiwang ng kanilang pagkakakilanlan. Mundong may hustisya, respeto, at pagkakapantay-pantay.
--
Para sa Abante, Babae zine ng Gabriela Santa Cruz, California
1 note · View note
marichulambino · 4 years ago
Text
Kung ang meron ka ay lakas, tapang, sipag, talino bilang punuhan -- at hindi ka may-ari ng kumpanya, negosyo o bahagi ng management: Kasama ka dito: Lahat tayo ay manggagawa. Mabuhay ang lahat ng nagtatrabaho, gumagawa, lumilikha! #LaborDay2021 ##MayoUno2021
Kung ang meron ka ay lakas, tapang, sipag, talino bilang punuhan — at hindi ka may-ari ng kumpanya, negosyo o bahagi ng management: Kasama ka dito: Lahat tayo ay manggagawa. Mabuhay ang lahat ng nagtatrabaho, gumagawa, lumilikha! #LaborDay2021 ##MayoUno2021
Para sa lahat ng nagtatrabaho,nawalan ng trabaho o binawasan ng trabaho at sweldo,pinagkaitan at pinahirapan ngayong pandemya delubyo! Pakikiisa sa lahat ngayong Mayo uno!
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
trendingph · 4 years ago
Photo
Tumblr media
VP Leni Robredo WATCH: VP Leni Robredo proposes strategies on PH COVID-19 response "Hindi pasaway ang Pilipino, kundi laging handang tumulong sa kapwa. Hindi inutil ang Pilipino, kundi may tapang at talino na humarap sa anumang hamon. Hindi talunan ang Pilipino. At tiyak na magtatagumpay tayo laban sa pandemyang ito." [A] Pahayag ni VP Leni Robredo: Ulat, Mungkahi Ukol sa Pandemya, at Mensahe ng Pag-asa Sa pun... https://trendingph.net/vp-leni-robredo/?feed_id=184&_unique_id=5f214ec823846 #leni #philippinenews #philippinesnews #robredo #trendingph
0 notes
cristan5 · 7 years ago
Text
red paper bag 01
Ayoko na sanang magkwento tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema.  Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit.
Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo.
Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’.
Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob at dami ng ‘moves’ para umamin o magparamdam man lang. Kailan ba nagsisimulang magkaroon ng woman’s intuition ang isang babae? May age limit ba at tipong kailangan isang full fledged woman na talaga? Nasa bra size ba? Kapag tinubuan na ng buhok sa kili-kili? Kapag inahit na ang unang bugso ng buhok sa kili-kili? Kusa lang ba itong dumadating at automatic na sasapi sa katawan nila? O may isang underground training facility na magsasanay sa mga kababaihan para lumakas ang kanilang pang-amoy at pangdama sa bumubulang third-party?
Hindi ko kasi alam kung meron siya nun. At kung meron man, sapat kaya ang wavelength ng antenna nito para kahit pahapyaw na singhot man lang ay nalaman niyang halos kainin ko ang table of contents ng english textbook na madalas naming sabay na basahin tuwing may reading exercise. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag at masalitang deskripsiyon ng mga pangyayari. Torpe ako. Panaginip siya. Hindi ko nasabi. Naubos ang oras. Cliche ng lahat ng mga cliche.
Naaalala ko na lang yung huling beses na nakita ko siya. Mga huling araw na estudyante kami sa iisang paaralan. Kumaway na lang ako habang papaalis na siya. Ewan. Wala man akong sexist gift of sight, parang may kung anong nagsasabi sa akin nun na yun na ang huling beses na magkikita kami.
Bakit ako masyadong apektado ng presensya o kawalan niya? Hindi ko din alam. Sa totoo nga medyo irita din ako sa kanya noon. Para kasi siyang perlas sa loob ng isang endangered na kabibe kung ituring ng mga teacher namin dati. HIndi man ako naaalibadbaran sa talino niya, nakaka-urat lang talaga dahil wala namang espesyal pero parang lahat aligagang bilhin ang atensyon niyang binudburan ng kinayod na niyog sa ibabaw.
Pero sa bandang ending, wala eh, nahulog din ako. Una mukha, salubsob at hindi na makabangon. Huli na ng malaman kong patapos na ang oras samantalang nagpapagpag pa rin ako at pilit na sinisilip ang mga galos. HIndi ko na siya nakita ulit. Kung namumuhay ba siyang mapayapa at buong kasiyahan o nagsisilbing pataba sa lupa at source of nourishment ng mga bulate ay hindi ko alam. Sino bang may alam? Wala na akong natanggap na balita.
Hindi naman big deal. Hindi naman ako namatay o nalublob sa matinding depression. Kaso gaya ng kati sa likod na kapag puro pahapyaw lang ang kamot, maya-maya, paminsan-minsan, bumabalik ang alaala niya. Makulit. Walang balak manahimik. Nagkaroon na din ako ng girlfriend. Iniwan na din ako ng girlfriend. Nagkaroon ulit. Tapos nawala din pagkatapos niyang malaman na kami na pala.
Sabi kasi nila, pagdating ng panahon kung saan nasa bandang takip-silim ka na ng buhay, mas pagsisisihan mo daw ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga bagay na ginawa mo. Wala man akong malinaw na paliwanag o matibay na eksplenasyon kung bakit, pero sa tingin ko, hanggang huli, iisip isipin ko pa rin kung ano kayang nangyari kung sakaling niyaya ko siyang lumabas para manood ng sine o kung sinabayan ko siyang pumunta ng library. Ako rin. Hindi ko maintindihan.
Hindi kaya dahil sa gitna ng punyemas na kahulugan ng salitang destiny o fate eh may nagtatagong hibla ng katotohanan at posibilidad. Na baka kaya kahit anong hinay lang ng naging koneksyon namin ay hindi ko siya maipagpag. Hindi kaya nabuhay na kami noon. At patuloy na nagku-krus ang aming landas sa bawat pahina ng reincarnation evaporated milk theory. HIndi kaya mag-sing irog kami sa panahon ng mga kastila kung saan isa akong katipunero samantalang treasurer naman siya o taga lista ng not in proper seat sa tuwing may lihim na pagpupulong ang Katipunan?  O di kaya ay isa siya sa mga teller ng bangko na aking hinoldap noong panahon ng great depression? Pwede ring ako ang pinakaunang tao na gumamit ng bato bilang kasangkapan sa pangangaso samantalang siya naman ang unang gumamit ng balat ng hayop bilang underwear.
Baka kahit anong lipat, bago at lipas ng tagpo, anyo at panahon, pilit kaming pinagkikiskis ng pagkakataon. Parang nang-aasar lang. Nanunuya. Naghahanap ng mabu-bwiset. Tipong saktong dikit lang, makadama lang ng konting init ng kislap, iiiwas na din kami at saka na ulit. Sa susunod na yugto ng walang katapusang kwento.
Nagising ako kanina. Tumayo para kunin ang isusuot. Laking gulat ko ng makita ang mga lumang poster na nakadikit pa rin sa walang pinturang dingding ng aking kwarto. Ilang taon na mula nang pinilas ko ang mga iyon. Napaglipasan na kasi ng panahon ang mga basketbolistang tampok. Kailangan na ding ayusin at pinturahan ang parte na pinagdidikitan nila para hindi mabulok sa tuwing malakas ang ulan. Nakakapagtaka. Paano sila nakabalik?
Mas lalong naging praning ang eksena nang makita ang uniform ko na nakahanger sa hawakan ng aking lumang cabinet. May kung anong retro-party bang nangyayari sa bahay namin? Bigla bang naging sentimental ang nanay ko at palihim na binabalik ang mga bagay na matagal nang nabago?
Bumaba ako. Amoy hotdog na pinirito. Bakit daw hindi pa ako bihis sabi ni nanay. Male-late na daw ako sa klase.
ANONG LATE? ANONG KLASE? SAAN? NAKA-ECSTASY BA LAHAT NGAYON? WORLD ECSTASY DAY?
Pumasok ako ng banyo. Naghilamos. Baka kasi kapag sinampal ko ang sarili ko ng tubig, magigising din ako habang nasa kama kung saan napapaligiran ako ng madaming bote ng beer at ilang bukas na supot ng lecheng chicharon na vegetarian daw pero mas maalat pa sa karagatang pasipiko.
BAKA LASING LANG AKO.
Kaso wala. Walang warp o flash ang dumating para umayos ang mundo. Naririnig ko lang ang paulit ulit na pagmamadali sa akin ni nanay habang buong sindak ko namang tinititigan ang de bateryang toothbrush na niregalo sa akin noon ng ninang ko mula sa ibang bansa. Bakit buhay pa ‘to? Tandang tanda ko pa noong magretiro ito at gamitin ko na lamang bilang  panglinis ng sapatos. Ano bang nangyayari?
Saklaw pa rin ng takot, kaba at pagkalito. Pero pinilit kong umayos. Ayokong magcommute papuntang mental hospital. Nagbihis na din ako at pumasok. Lahat ng lugar, bahay at kalsadang madaan ko ay tila umatras ng ilang taon. Malala na ‘to.
Pumikit ako saglit, ilang hakbang bago pumasok sa classroom. Baka kasi sa pagkakataong ito, umayos na. Pero isang tuktok ang dumating sa katauhan ng chalk box ni Ma’am Chemistry. Ano daw ang tinatayo tayo ko dun gayong madumi pa ang blackboard. Naalala ko, madalas nga pala akong mautusan na maglinis ng pisara at singhutin ng buong giliw ang mga puting alikabok sabay pagpag na din sa mga napunta sa pantalon ko.
Umupo ako sabay lumingon sa kabilang row. Andun siya. Nakatingin sa harap. Walang kibo. Gaya ng dati. Gusto ko siyang sigawan o sutsutan. Kahit ano. Matawag lang ang kanyang atensyon. Pero paano kung panaginip lang ito? At paano kung hindi?
(tbc)
3 notes · View notes