#Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang
Explore tagged Tumblr posts
Text
PH Blog Tour: Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang Komiks
Apat na buwan na si Janus sa mansiyon nina Manong Joey sa Angono pero naroon pa rin ang sakit ng dilang-karayom ng manananggal sa puso niya dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay at sapilitang paglayo kay Mica.
Simula ng Christmas break nang mawasak ang proteksiyon ng mansiyon laban sa Tiyanak at sa mga kampon nito. Matinding barang ba ito? Nawawala rin si Mira, ang isa sa kambal na baganing…
View On WordPress
#anino comics#blog tour#book review#Bookstagram#comics#edgar calabia samar#fantasy#graphic novel#haliya publishing#komiks#mervin malonzo#philippine literature#Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang
0 notes
Text
"Hello po," si Miro. "Ako po ang magtatawid sa inyo. Kumapit lang po kayo" (187).
Mula sa “Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang” ni Edgar Calabia Samar.
!!SPOILERS AHEAD!!
Recap: Ginising ni Janus si Miro, kasi kailangan daw tumawid ni Boss Serj sa Kalibutan. Naipaliwanag ni Janus na sa Kalibutan lang daw sila ligtas kasi 'di makatawid ang Tiyanak. Mukhang madaling araw ito. Katatapos lang ng noche buena.
Inaantok pa si Miro, but he tried his best to sound cheerful, accommodating, na para bang ok lang na ginising siya ng madaling araw para magtawid ng estranghero sa Kalibutan. Kebs. Nothing weird, friend. (Honestly, it really sounds sketchy already.) Pero hindi umangal si Miro, gaano man ka-absurd ‘yung sitwasyon. (Heller? Ginising ka from your beauty rest mo para magtawid ng kung sinong Pontio Pilato patungong Kalibutan—sa kalagitnaan ng gabi?)
Dito pa lang, malinaw na ang tiwala ni Miro kay Janus. Ni hindi niya kinuwestiyon ng "Bakit?" o "Bakit ako, di si Mira?"
"Kumapit lang po kayo" ay parang foreshadowing. Nang kumapit sa kaniya si Boss Serj, pumikit siya upang buksan na ang pinto. Dahil nakapikit, ni hindi niya nakita ang mga aninong kumapit din sa kaniya. Nang ma-realise niya na hindi sila-sila lang ang nasa mansiyon, doon lamang napadilat at... Ayun. ‘Di ko na idetalye. Kakaiyak ko lang about this. Wiz ko kineri, mars.
May dalawang lebel ng pagkapit: (in chronological order)
Kumapit ang mga mambabarang kay Boss Serj, upang makatawid sa Kalibutan. Pisikal din silang kumapit sa pamamagitan ng mga anino.
Kumapit si Boss Serj kay Janus, dahil alam niyang makapangyarihang Pusong ang binata, matutulungan siya nito.
Kumapit si Janus sa kakayahan ni Miro. Siya ang mas close niya, kaya siya ang ginising kahit na pareho sila ni Mira.
Kumapit si Miro sa pagtitiwala kay Janus. Ni hindi kinuwestiyon ang pakay ni Boss Serj, na ngayon pa lang niya nakita sa buong tanan ng buhay.
Literal na kumapit si Boss Serj kay Miro, at literal ding kumapit pati ang mga mambabarang.
Dalawang lebel ng kahulugan: ang literal at metaporikal. Literal na pagkapit at metamorikal (tayutay/ idiyoma) na kumakapit kasi ginagamit o pinagsasamantalahan.
Sa sitwasyong ito, pansinin na si Miro lang ‘yung hindi manggagamit. May tiwala siya kay Janus, nagtiwala siya kay Boss Serj. Samantala si Janus, ginamit si Miro upang matulungan si Boss Serj. Si Boss Serj, na posibleng ginagamit ng mga mambabarang ay ginamit naman si Janus upang makatawid. (Ginamit din nila si Mica, na unang nakakita kay Boss Serj.)
Tanging si Miro lang ang walang ibang hangarin kundi makatulong. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya upang magsilbi ng walang kapalit. Ginagawa niya ito dahil kaibigan niya si Janus, at may tiwala siya rito. Siya 'yung may pinakamalinis na intensyon, ang pinakainosente. Siguro, iniisip niya, pagkatapos itawid si Boss Serj, matutulog siya muli.
Hindi lang niya alam, permanenteng túlog na pala pagkatapos.
(Original tweet thread here. I added more in this post, opkors!)
1 note
·
View note