#januserye
Explore tagged Tumblr posts
prinsipengpoot · 4 years ago
Photo
Tumblr media
SOLUSYONG MEDIKAL PARA SA KRISIS PANGKALUSUGAN! 
Ang hinihingi ng taumbayan ay mass testing, hindi mass arresting! Utang nang utang ang administrasyong Duterte, ngunit ang pondo... saan ba napupunta? 
Bakit pinapabayaan ang mga healthcare workers? Bakit bili nang bili ng armas at handang pumatay ang estado ng ordinaryong mamamayan? Bakit ang bilis-bilis ipa-shut down ang isang network na makatutulong sana sa paglaganap ng balita? Bakit ikinulong ang mga tsuper na nananawagan na magbalik ng pasada? Bakit hinuhuli ang mga nagpoprotesta, kahit na walang quarantine violations? Bakit pinush pa rin ang online classes kahit maraming estudyante at guro na hindi handa? Bakit maraming Pilipinong nanghihingi ng piso para sa laptop, sa tuition, sa gamot, sa pagkain? Bakit pasaway ang tingin sa mga Pilipinong sumusunod naman sa batas (hal. pagsuot ng face mask, pagpraktis ng social distancing)? Bakit handa ang gobyerno na tawagin ang lahat ng mga kritiko na komunista o NPA, at i-justify ang pagpatay sa mga aktibista? Bakit maraming nawalan ng trabaho’t walang makain, pero sinasabi ng iba na biyaya raw ang pandemya, na masarap daw mabuhay?
Sanga-sanga ang mga problema na kinakaharap nating mga Pilipino. Mga problemang hindi masosolusyunan ng crushed dolomite sa Maynila (na nagkakahalagang P300 milyones)! Konektado itong lahat! At sumosobra na ang mga karahasan at paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Duterte!
Hanggat militaristiko ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya, hinding-hindi talaga ito maaayos! Kailangan ng makatao na polisiya, at katarungan para sa lahat ng mga biktima!
5 notes · View notes
prinsipengpoot · 5 years ago
Text
El Noli characters in... Janus Silang AU??? Trese AU??? DBM AU??? The Mythology Class AU??? Anyone else nasa fandoms na ito? Crossover, yes?
24 notes · View notes
prinsipengpoot · 4 years ago
Link
Hello, mga ka-TALA! 
Ito na ang kauna-unahang Janus Silang fan fic sa AO3! Yehey! Inspired by “Bibingka” ng Ben&Ben! Sana mapusuhan ninyo! 
2 notes · View notes
prinsipengpoot · 5 years ago
Text
Is there a Janus Silang fandom in here? O lahat ba tayo ay nasa Twitter na? Haha!
3 notes · View notes
prinsipengpoot · 5 years ago
Text
Tangina, mahal ko ang Janus Silang series! <3
2 notes · View notes
prinsipengpoot · 5 years ago
Text
Tangina, mahal na mahal ko talaga ang Janus Silang. Putang ina!
2 notes · View notes
prinsipengpoot · 5 years ago
Text
'Yung maganda sa Janus Silang/ Januserye fandom ay puro Filipino ang mga akda, na gawa ng Pinoy, para sa Pinoy. <3
1 note · View note
prinsipengpoot · 6 years ago
Text
That feeling when you keep refreshing the otp tag of a small fandom for new content. ;-;
23 notes · View notes
prinsipengpoot · 5 years ago
Photo
Tumblr media
I’m still writing my thesis. Just, taking breaks. Self-care, lol. 
1 note · View note
prinsipengpoot · 6 years ago
Text
"Hello po," si Miro. "Ako po ang magtatawid sa inyo. Kumapit lang po kayo" (187).
Mula sa “Si Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang” ni Edgar Calabia Samar.
!!SPOILERS AHEAD!!
Recap: Ginising ni Janus si Miro, kasi kailangan daw tumawid ni Boss Serj sa Kalibutan. Naipaliwanag ni Janus na sa Kalibutan lang daw sila ligtas kasi 'di makatawid ang Tiyanak. Mukhang madaling araw ito. Katatapos lang ng noche buena.
Inaantok pa si Miro, but he tried his best to sound cheerful, accommodating, na para bang ok lang na ginising siya ng madaling araw para magtawid ng estranghero sa Kalibutan. Kebs. Nothing weird, friend. (Honestly, it really sounds sketchy already.) Pero hindi umangal si Miro, gaano man ka-absurd ‘yung sitwasyon. (Heller? Ginising ka from your beauty rest mo para magtawid ng kung sinong Pontio Pilato patungong Kalibutan—sa kalagitnaan ng gabi?)
Dito pa lang, malinaw na ang tiwala ni Miro kay Janus. Ni hindi niya kinuwestiyon ng "Bakit?" o "Bakit ako, di si Mira?"
"Kumapit lang po kayo" ay parang foreshadowing. Nang kumapit sa kaniya si Boss Serj, pumikit siya upang buksan na ang pinto. Dahil nakapikit, ni hindi niya nakita ang mga aninong kumapit din sa kaniya. Nang ma-realise niya na hindi sila-sila lang ang nasa mansiyon, doon lamang napadilat at... Ayun. ‘Di ko na idetalye. Kakaiyak ko lang about this. Wiz ko kineri, mars.
May dalawang lebel ng pagkapit: (in chronological order)
Kumapit ang mga mambabarang kay Boss Serj, upang makatawid sa Kalibutan. Pisikal din silang kumapit sa pamamagitan ng mga anino. 
Kumapit si Boss Serj kay Janus, dahil alam niyang makapangyarihang Pusong ang binata, matutulungan siya nito.
Kumapit si Janus sa kakayahan ni Miro. Siya ang mas close niya, kaya siya ang ginising kahit na pareho sila ni Mira.
Kumapit si Miro sa pagtitiwala kay Janus. Ni hindi kinuwestiyon ang pakay ni Boss Serj, na ngayon pa lang niya nakita sa buong tanan ng buhay.
Literal na kumapit si Boss Serj kay Miro, at literal ding kumapit pati ang mga mambabarang.
Dalawang lebel ng kahulugan: ang literal at metaporikal. Literal na pagkapit at metamorikal (tayutay/ idiyoma) na kumakapit kasi ginagamit o pinagsasamantalahan.
Sa sitwasyong ito, pansinin na si Miro lang ‘yung hindi manggagamit. May tiwala siya kay Janus, nagtiwala siya kay Boss Serj. Samantala si Janus, ginamit si Miro upang matulungan si Boss Serj. Si Boss Serj, na posibleng ginagamit ng mga mambabarang ay ginamit naman si Janus upang makatawid. (Ginamit din nila si Mica, na unang nakakita kay Boss Serj.) 
Tanging si Miro lang ang walang ibang hangarin kundi makatulong. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya upang magsilbi ng walang kapalit. Ginagawa niya ito dahil kaibigan niya si Janus, at may tiwala siya rito. Siya 'yung may pinakamalinis na intensyon, ang pinakainosente. Siguro, iniisip niya, pagkatapos itawid si Boss Serj, matutulog siya muli. 
Hindi lang niya alam, permanenteng túlog na pala pagkatapos.
(Original tweet thread here. I added more in this post, opkors!)
1 note · View note
prinsipengpoot · 4 years ago
Text
Heto na naman tayo, being the only person in the fandom. Hay. 
But if el noli happened, then I’m sure januserye can happen, too!
1 note · View note
prinsipengpoot · 5 years ago
Text
Ang saya-saya, buháy ang Janus Silang fandom sa Twitter!
0 notes
prinsipengpoot · 6 years ago
Text
Kung may interesadong sumali ng Janus Silang Discord, i-message niyo lang po ako para maimbitahan kayo! Nandu’n din po si Sir Samar sa chat, haha!
0 notes
prinsipengpoot · 6 years ago
Text
The author of Janus Silang is following me on Twitter, and I want to behave, but I’m making shippy fan art and fan fics. Now he’ll know my shame.
0 notes
prinsipengpoot · 6 years ago
Text
Look, I’m not even a visual artist, but there are tiny island fandoms that desperately need content. ;w;
0 notes
prinsipengpoot · 6 years ago
Text
This is a proposal to make “#januserye” the official Janus Silang fandom tag! Reblog if you’ve read the series!
0 notes