#Sana umulan para walang klase
Explore tagged Tumblr posts
youripaddress9080 · 1 month ago
Text
I can't do this anymore WHY DO MY TEACHERS KEEP GIVING US HOMEWORK ALL YOUR CEOS ARE DUE THIS WEEK TOO STOP IT
10 notes · View notes
pilyongpinoy · 6 years ago
Text
Mga Bagay na Madalas Ginagawa Kapag Umuulan
Noong nag-aaral pa ako, kapag malakas ang ulan ay binubuksan na agad ni Nanay ang TV para mag-abang ng suspensyon ng klase. Hindi pa kasi uso noon ang announcement sa facebook at tanging friendster lang at multiply ang kinahuhumalingan ng mga tao. Kapag binanggit na ang pangalan ng bayan namin ay dali-dali na kaming bumabalik sa pagtulog. Malas mo naman kung masipag ang mayor nyo at bumabagyo na ay may klase parin kayo. Tuwang-tuwa kaming magkakapatid kapag walang pasok, dali-dali kaming lumalabas ng bahay para maligo sa ulan kasama ang mga kapitbahay namin. Habulan at takbuhan ang madalas na ginagawa namin. Hindi pa uso ang mga gadgets kaya ito ang nagsisilbing libangan namin kapag umuulan.
Ngayong nagtatrabaho na ako, ang laking hassle kapag umuulan. Kaya inis na inis ako kapag nakikita kong nagpopost ang ilan na sana ay lumakas pa ang ulan. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na "TIG-PU-PUTANG-INA NYOOOOO. MAY TRABAHO PA AKO!". Totoo! Hindi excuse ang mga manggagawang Pilipino kapag may suspensyon ng klase. Noon ko rin narealize na kawawa pala ang tatay ko na nagtatrabaho samantalang kami ng mga kapatid ko ay nananalangin na sana may mala text-promo ang bagyo na pwedeng i-Extend. Pero ayoko namang maging KJ dahil tapos na ako sa panahon na nananalangin na umulan. Hayaan ko na ang iba na mag enjoy sa class suspension na naenjoy ko naman noong nag-aaral pa ako.
Pero bata ka man o matanda, babae man o lalaki, bakla, tomboy, crossdresser, discreet, may grindr, may alter at kung anumang pagkatao, narito ang mga bagay na madalas nating ginagawa kapag umuulan.
Top 5 na Madalas Ginagawa Kapag Umuulan
1. Bonggang-bonggang pagtulog.
Hindi ko alam kung ano ang scientific explanation ng pagiging maantukin kapag umuulan. Kung anong malakas na pwersa ang humahatak sayo pabalik sa kama. Kapag umuulan, ang sarap mamaluktok sa kama at malaya ang iyong pag-iisip. Malaya sa anumang deadline na kailangan mong tapusin, mga assignments na dapat ipasa, at higit sa lahat malayo ka sa mga tsismosa mong mga katrabaho na wala na atang alam kundi pakielaman ang buhay mo. Masarap matulog, nakakabawi ito ng mga oras na naiitress ang utak mo sa trabaho. Kaya maraming empleyado ang nalalate o umaabsent na sa trabaho dahil nahihirapan silang bumangon dahil masarap ang matulog.
2. Want to sawang pagkain.
Dahil sa tag-ulan, nagsisitabaan ang mga tao. Dahil hindi ka makaalis ng bahay, ang nangyayari ay palagi kang kantulog (kain + tulog). Dati, kapag kumpleto kami sa bahay ay nagpi-prito ng tuyo si nanay at nagsa-sangag sya ng kanin. Si tatay naman ay naghihiwa ng kamatis na ihahalo nya sa itlog na maalat. Ang sarap kumain kapag mainit pa yung sinangag tapos may ka-partner pa itong mainit na kape. Saktong-sakto sa malamig na panahon. Ngayon, ang nangyayari ay nagluluto ng cup noodles pagkatapos ay kakain ng tsitsirya tapos kakain ng mga de-latang pagkain. Siguro kung bubuksan ang bituka ng mga tao ngayon, puro msg na ang laman ng katawan natin. Napaanood ko sa fb ang isang video kung saan hindi nalusaw yung noodles sa katawan ng tao, kaya nung hiniwa yung bituka nya, parang bulateng lumabas ang noodles sa katawan nya. Kaya noong araw na iyon, sinabi ko sa sarili ko na bihira na lang akong kakain ng noodles.
3. Makinig ng senti music o kung anong swak sa panlasa mo.
Wala namang masamang ginagawa sayo sila Adele at Sam Smith pero parang gusto mo silang sapakin na lang at sigawan ng "TAMA NA!!! AYOKO NA!!! SAWANG- SAWA NA AKO! PAGOD NA PAGOD NA AKONG MASAKTAN!" Ganong mga moment kapag maulan. Madadala ka sa mga senti song na OPM tapos babalik sayo lahat ng pait at sakit ng kahapon. *Intense!* Kapag kumpleto kami sa bahay, mahihiya ang speaker namin dahil sa pag-uunahan namin kung sino ang magpapatugtog ng malakas sa bahay. Kumpeto ang tatay ko ng mga kanta ni Imelda Papin, Victor Wood, Rey Valera at mga singer noong 70's at 80's. Di papatalo ang kapatid ko na suki nila Lady Gaga, Katy Perry, Christina Aguilera etc. Madalas ako na lang ang nagpapaubaya dahil lagi nilang sinasabi na malulungkot daw ang mga kanta ko. Gusto ko sanang sabihin na gusto kong mafeel lalo ang ulan sa mga coffee house music ko pero ang gusto nila ay masasayang music. Sasabihin ko sana na mag yeye vonel at otcho otcho na lang ang patugtugin namin tutal gusto nila ng masayang tutog. Tapos sabayan narin namin ng zumba para masaya. Haha
4. Movie / Series Marathon
Marami ang nakakapag movie marathon kapag umuulan. Masarap kumain habang nanunuod. Ito ang mga traydor kaya nagkakaroon tayo ng malaking tiyan! Yung tipong aakitin ka ng tiyan mo at bubulong sayo ng mala-demonyo at sasabihing "panuorin mo yung series na ito tapos kumain ka, tapusin mo yan maghapon". Boom! Nagtagumpay ang demonyo mong tyan na palakihin ito. In na in sa school o sa office ang mga series. May isa akong katrabaho na wala na atang alam na gawin sa mundo kundi ang manood ng TV. Tinanong nya ako kung anong American series ang gusto ko, sabi ko di ako gaanong nanonood ng TV. Tinignan nya ako ng masama na para bang napakalaki ng pagkakasala ko na parang mapupunta na ako sa impyerno. Gusto sanang sabihin sa kanya na "sige nga, i-marathon mo nga yung Ang Probinsyano sa isang upuan lang!"
5. Magmuni-muni sa buhay.
Kakambal ata ng ulan ang pagiging emosyonal ng mga tao. Malaking epekto rin ang pakikinig ng mga madadramang musika para maging emotional. Baka bored lang ang mga tao kasi wala silang ginagawa sa bahay kaya napapaisip sila ng mga nangyayari sa buhay nila. Nandyan ang sisisihin mo ang sarili mo dahil hanggang ngayon wala ka paring nararating. May ilan naman na nanghihinayang sa mga nasayang na panahon. May iba na naaalala ang naudlot na pag-ibig at maaalala ang break-up nila. Minsan masarap magreview, yung babalikan mo lahat ng mga ginawa mo. Mapapaisip ka kung naging maganda ba ang nangyari sa buhay mo? Anong kinahinatnan nito sa mga kinilos mo? Walang masamang magreview. Baka mamaya ito pala ang kailangan mo para itama lahat ng pagkakamali mo at maiwasan na ulitin ito. Kaya magpasalamat ka sa ulan dahil ginawa kang emo. Huwag lang maging emo-nggoloid!
79 notes · View notes
creativegago · 3 years ago
Text
Iyak at Ulan (Discontinued Story)
Deleted Wattpad post under the pseudonym: goldiiblox
Trigger Warnings: Blood, Verbal and Physical Abuse, Derogatory language, Mentions of suicide, panic attacks/manic episodes, death, depression
Synopsis: No synopsis available.
Tumblr media
Chapter 1 - Ano? (December 7, 2017)
Sunday
"Wala ka ng masabi!? Ha? Ano? Papalag ka pa?!"
Naitulak niya ako ng malakas sa pader at naramdaman ko ang pagsuka ng dugo.
Pano pa ba ako papalag sa ganito? Tanga mo rin eh. Pero ang sakit mong mangbugbog.
Sinakal niya ako sa leeg at naramdaman niya ang malamig kong pawis at binitawan niya ako ng malakas.
"Aw."
Yet you wanted fancy beginnings called prolouges and unwanted sequels to an already finished book called epilogues.
I wish this isn't how it's gonna end. But I'm hidden behind a big, green trashed can.
----------------------------------
Monday
May pasok pa bukas. Hindi na lang ako papasok, wala namang kwentang mag-aral kung lagi ka lang namang napagagalitan.
"Ano na naman 'yan? Mukha ka na namang trapo, lintek kang bata ka! Trese ka pa lang yang inabot mo pang bente na? Saan ka na naman ba nagsusuksok, ha?"
Malamang nakita niya na akong ang bagal na naglalakad sa may gate kanina.
"Aray! Ate naman ano ba?!"
"Puta 'to."
"Hoy Chloe, ayusin mo ang sarili mo. Nasobrahan ka na sa Tekken."
"Ate hindi naman ako naglalaro ng Tekken, single pa ako."
"Hindi nakakatawa."
"Pangit mo."
"Bahala ka nga diyan! Linisin mo sugat mo ng mag-isa!"
Tapos naman na eh, nanghamon pa.
Oo nga pala, magpo-post pa ako.
Pero inaantok pa ako. Kakatok pa sana ako para kunin yung isang canvas sa kwarto ni ate kaso wag na, ginalit ko eh.
Binuksan ko na lang yung groupchat ng Grade 7 at tiningnan yung mga mensaheng nagdaan.
Seen by Chloe Valdemoro at 00:00
Again, O.P. na naman ako. Ang sakit ng konti.
----------------------------------------
Tuesday
Mga tatlong oras na rin akong nakikipagsapalaran sa harap ng computer kakadrawing.
hey me, sleep dearly.
Papasok na siguro ako mamaya
Time check: 17:21
....oops...?
Lumabas si ate Nat sa CR ng bihis na bihis.
"Ate, saan lakad?"
"Magdrawing ka na nga lang. Alam mo naman na, eh"
"Wow ate, isang buwan na rin."
"Na ano? Tulog kain, tulog kain?"
Ngumiti siya sa akin at pinuri yung lalakeng anime na dinodrawing ko.
"Bakla, tirahan mo ako nung noodles, homemade natin yan."
"Oo, grabe naman tingin mo sa bunganga ko."
Tumingala ako sa family picture namin nung buhay pa sila.
......ang ganda naman nung mga ngiti nila.
Oh. A tear.
Oh. Another one?
Ang sakit mawalan ng magulang, lalo na kung mahal ka nila ng sobra at hindi ka tinuring iba. Ang hirap mag-move on sa ganitong klaseng sakit.
And then I realized that I stopped drawing. Ang daya. Bakit kailangan nilang mawala?
Si ate, tanggap niya agad. Parang wala silang pinagsamahan, parang walang alaala ang ginawa, pero hindi ko namang pwedeng isipin na totoo yun, kasi ang layo na ng narating ng pamilya namin.
Oo nga, ang layo. Sa sobrang layo hindi namin alam na nakarating na kami sa dulo.
May shift pa si ate mamayang 9 tapos hanggang 3 A.M. siyang magtatrabaho sa Call Center. Tapos yung pagbabanda niya magtatagal ng mga isa pang oras.
Isang buwan.
Nagbibilang kami ng mga araw noon. Pakiramdam namin na bigay na kami. Nakakapagod kasing magisip na andyan pa sila. Nakakabaliw rin minsan, pero pilit namin itong iniiwasan.
Tapos nagsisimula pa ako ng gulo, naghahanap ng away kung kani-kanino. Kung saan-saan napapapadpad.
Since summer, nalaman ko na pwede pala magbenta ng mga painting, drawing- just art basically tapos ginawa ko na yung puhunan yung kakayahan ko sa drawing para makatulong kay ate.
Wala eh, kailangan ko ring kalimutan ang sakit, wala rin mamang yung maidudulot na mabuti sa amin. I needed distractions. I need to get away with this fear inside me, na hindi ko ito kaya at wala akong magagawang iba kundi iyakan ang lahat. Ayoko mg makinig sa mga dahilang 'Bata pa ako at kailangang kong ayusin ang pag-aaral' kasi
Paano ko mahahasa ang talento ko kung igugugol ko ang halos 12 na taong pinagaaralan ang mga bagay na hindi ko gusto? Di'ba parang ang tanga lang. Importante nga, pero ang mahal naman ng bayad kapalit.
Paano ko hahanapin ang 'passion' ko sa isang paaralan na itinuturo ang mga bagay na hindi ko namang masyadong kailangan? Ang daming bagay na pwedeng ituro ng maayos pero ang nakukuha ko lang naman puro galit mula sa aking mga guro.
Mali ang pagtingin ko sa edukasyon, pero ang dami rin kasing dahilan. Mga dahilan na malapit na sa katotohanan na ayaw nilang paniwalaan; at patuloy na ginigiit ang 'epektibo' nilang mga kasinungalingan.
Para akong batang kalye sa umaga tapos artist sa gabi. Ang weird ko.
"Shit, 'di pantay yung sleeves niya."
---------------------------------------
Monday
"Pumasok ka."
"Ate, ayoko nga eh."
"Tanga! Hindi mo ba alam isang buwan na yang bakasyon mo? Ay nako Chloe simulan mo ng magpakatino-tino kung hindi, walang sneak in sa bar."
"Ano?! Wow ate napahamak na nga sila mama at papa tapos ipapahamak mo pa tayong dalawa? Talino mo."
"Lunes na, hoy. Magparadam ka naman sa mga kaklase mo. Kung hindi lang dahil diyan sa commission mong 'yan nako, ang kulot mong buhok marerebond yan kapag hindi ka pumasok at nag-DOTA sa tabi tabi."
Bumuhat ako at naglakad papuntang kusina ng nakabaluktot.
"As if naman na hindi mo rin yun ginagawa sakin? Kumain ka na nga."
-----
Lumabas na ako ng bahay, halata pa rin yung pasa ko sa may pisngi.
Inagrabyado eh.
Naalala ko yung itsura nung nangbugbog sa akin.
Naabot ko pa yung flag ceremony, ayan tuloy pati yung ibang grade pinagtitinginan ako.
"Ayan na si Chloe, may himala! Magpamisa na tayo guys."
Dati kasi may kasama rin ako nung kaklase ko na nagco-computer shop dun sa may tabi ng isang karinderya malapit sa palengke dati, siguro hanggang ngayon.
Yun na lang nga rason ko.
"Uy, isang buwan? Hahahaha"
Pagdating namin sa classroom nagtaka sila kung anong nangyari sa may pisngi ko at bakit daw may pasa.
Pagtawa ko.
Welcome back, Chloe? Haha.
----
And since malayo layo ang bahay namin, kailangan ko pang mag-abang ng bus. Haha. Diba dapat tricycle lang? Diba dapat jeep na lang? Or train? No. Malayo nga diba? Tsaka ok lang naman ang mga bus stop, may upuan. Tsaka magdadrop naman na ako sa Grade 8.
Nang makasakay ako ng bus may tumabi sa aking matandang lalaki, bigla akong nagoosebumps sa presence niya, buti na lang hindi ako sa may bintana nakaupo.
Mga 10 minutes after, biglang umulan ng malakas. Shit, yung payong naiwan ko sa may bintana nung kwarto ko.
"Ineng? Tulala ka na ata? Diba pumapara ka na?"
Tikwil sa akin nung matanda.
"Ah! S-sorry po"
"Andito na po ako."
Humiga lang ako tapos bigla na namang umulan. Napabuntong hininga ako kasi nagagawa pa rin akong mahalin ni ate kahit ilang beses na akong gumawa ng kasalanan.
"Haaaaayy."
Pumikit ako ng saglit hanggang sa makatulog na ako.
"Mama! Papa!"
Pero walang sumagot. Walang reply.
"No signal?"
At sinundan ng putok ng baril.
"MAMA?!"
Napaatras na lang ako sa nakita ko at natakot. Nalungkot. Nagalit. Ewan.
Nakakapoot. Hindi na ata ako makahinga, ang bigat na ng puso ko.
Umiyak lang ako ng umiyak. Hanggang sa dumating si ate at humingi agad ng tulong. Ang tulong na dumating sa huli, kung kailan na sila patay.
Ayoko na. Tama na. Pakiusap, tumigil ka na.
"Ang sakit. Ang sakit, sakit."
Akala ko okay na ako.
Masakit?
Oo. Sobra.
Tulong?
---------------------------------------------------------
Nagising ulit ako. Friday.
And then I knew to myself,
Ayoko na talaga.
------
Kumakain ako sa canteen kasama yung mga kaklase kong babae, na sinasabing namiss daw ako ng buong section namin. Hindi naman ako masyadong na-flatter. Yung mga teacher 'di naman nagbago pagtrato sa akin.
"Miss ka namin Chloe, swear."
"Namiss namin si popcorn!"
Kasi lagi akong nagbabaon ng popcorn. Tapos ang corny ko magpatawa.
"Oo nga! Tsaka lagi ka bagang nachat sa gc natin? Anong nangyari? UD naman nga diyaaan."
Narinig ko yung mga dinadaldal ng mga kaklase ko sa akin. Oo nga, ang daldal ko. Dati. Nakakainis yun eh. Ngayon wala akong ganang makipagusap, ewan ko kung bakit. Ayoko lang siguro?
Tumayo ako at umalis na ng klase. Ang sarap magcutting.
---
Nakauwi na ako. Kinuha ko yung maliit na shaving blade at naglaslas sa may hita ko. Pumikit ako habang itinatatak sa balat ko ang sugat na puno ng lungkot at pagdurusa. Hindi ko na kaya ang lahat. Ang paligid. Nahiga na lang ako at tinigilan ang paglaslas. Ang bilis nung nangyari.
Umiiyak akong tumingin ako sa labas. At pagtingin ko ay umuulan.
"Parang kagat lang ng langgam" sabi nung nurse habang kukuhaan niya ako ng dugo.
Unang beses ko lang ito gawin at naalala ko pa yung mga panahon na pinangako ko sa sarili ko na "Ayokong saktan ang sarili ko". Pero hindi eh.
Wala na akong gana.
Chapter 2 - Bakit (December 9, 2017)
"Ate, ano na?"
Tumigil ako sa pagkain ng hapunan at tumingin kay Ate Nat, na pinagtutuunan ng pansin ang linuto niyang sinigang. Tiningnan niya ako at bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Alam niya at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. 
"Pumasok ka, Chloe. Kailangan mong makapagtapos ng high school, kailangan mo 'yan. Hindi matutuloy ang pag-drop mo next year. Tsaka aalis tayo dito at lilipat ng tirahan malapit sa siyudad. Alam kong nahihirapan ka na-"
"Chloe, punasan mo luha mo. Ang drama mo."
Ginawa ko na lang ito at nagpatuloy sa pagkain nung tilapia sa plato. Bakit kaya hindi ko malasahan?
-------------------------
Titigilan ko na ito. Ayokong lumala, kasi mas mahirap silang pakawalan. I don't want constant disturbance resonating in the silence. Ang hirap. Parang isang ink blot sa pinakalikod na pahina ng kwaderno tapos ang lalim nung absorption. Sa harap, akala mo ang liit, pero habang binubuklat mo ang mga malilinis na pahina, palaki ito ng palaki.
I never expected it to happen, it feels like when I paint. But they were spontaneously evil.
Why do I create art? I want to know how it feels like to be alive. I create art because it's my own way to revive. It's the cable to my charger, and now it's disconnected. 
Paano ko ba naman kasi ititigil ang lahat ng ito? Nasaan ang mga kaibigan ko? Nawawala na ba sila? O sadyang, hindi nila akong tinuring kaibigan pabalik? Gabi na naman, isa na namang magandang bahagi ng kawalan. Hindi nakakasilaw, kahit maliwanag ang buwan at kasama ang mga tala.
Ganyan pala ka-dominante ang dilim, na kahit anong klase ng ilaw ang nakabukas, makikita mo pa rin sila.
Pumikit ako at ihinanda ang sarili ko sa susunod na namang bukas. These weekends are mocking me, celebrating my funeral.
------------
I have a liking for Wednesdays. 
Of course, meron na namang social interactions. 
"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ora-orada nilang kailangan! Talagang mamadaliin nila yung pagpasa ng mga project tapos magagalit kapag late?"
"Oo nga eh, tapos hindi man lang nila isipin na hindi lang sila 'yung subject na meron tayo. Yung feeling na kailangan mo silang i-prioritize kesa sa mga major subjects natin."
Ingay ng klase. Palibhasa hindi pa time, tapos wala pa yung mga teachers. Naiisip ko na kailangan ko ring gawin 'yun, kung gusto kong umayos ang mga grades ko. Wala naman silang alam. Galing kasi naming magtago.
"Kailangan mo 'yan ." 
"Chloe, punasan mo luha mo. Ang drama mo."  
"Kailangan mo 'yan ."
"Chloe, punasan mo luha mo. Ang drama mo."
"Kailangan mo 'yan ."
"Chloe, punasan mo luha mo. Ang drama mo."  
Halos buong umagang nagreplay sa utak ko yung sinasabi ni ate kagabi. Parang sasabog na ulo ko sa sakit. Pati ba naman 'yan.
Kaya ito ako ngayon, naghihingalo sa isang gilid sa mga corridor. Hinahanap yung contest room sa isang Painting Contest na pinag-awayan namin kanina nung teacher ko tapos sa huli, ako lang naman yung napa-oo.
Paano ba naman kasi, may hayop sa classroom ang nagsabing
"Tangina, um-oo ka na nga lang! Pa-importante 'to, wala na tayong oras!" 
"Omg! Ikaw 'yung Grade 7 contestant diba?"
"Opo ate! Hinahanap po kita eh!"
Ayun na nga, dumating kami sa taas na mukha akong binagyuhang hawak hawak ang natitirang piraso ng yero sa bahay namin. Good job, masonite board.
"OMG sorry ulit!"
Pero ang cute eh, sobra. Bawat contestant merong parang isang maliit na stall, yung parang sa mga book signing kaso may malaking umbrella lang tapos yung background namin isang cafe o kaya naman checkered black and white. Yung mga upuan parang pinalaking study table ng mga bata tapos Sentimental Circus yung background. Tapos uupo kami dun na parang naghihintay kung sinumang magpapa-autograph. Haha. Isipin mong nagbebreakdown ka lang ngayon tapos tumaas ka sa rooftop, tapos makikita mo yung mga pina-paint namin kasabay ng preskong simoy ng hangin. Ewan ko kung gagaan loob mo o hindi.
Sabi daw magsisimula na. Hanggang ngayon nakatunganga pa rin kami. Naghihintay ng 'go' signal.
Maya-maya ay may isang lalaking nagsalita. Tapos parang ang uneasy niya sa presence naming lahat. Inayos niya muna ang buhok niya at pinipilit ang sariling 'wag na bumuntong hininga.
Di ko ba alam, paano ba 'yun? Kanina kasi parang every 2 minutes nagbubuntong hininga siya.
"Okay. Ehem ehem-"
Panimula niya at hinawakan ang papel na nakapaloob ang kailangan naming sundin, tapos inangat niya yung tingin samin, na hinihintay ang kanyang sasabihin.
He hopefully smiled, tila ba nawala ang kanyang nerbyos. Itinaas ko naman ang kamay ko at nagtanong
Ngumiti siya sa akin, na parang na-miss niyang tingnan ang mukha ko kasi importante ako sa kanya. Pero OA 'yun kaya, simple smile lang. 
"A-ako yung nagsabi, tutal hindi naman masyadong mainit dito. Gusto ko kasi sanang magpaint kayo malapit sa ulap."
Tumango na lang ako at nagsimulang magpinta sa masonite board.
Sa ulap. "One endless canvas."
"Never stop painting;"
Pumikit ako at tiningnan ang kaharian ko. Parang isang panaginip. A lucid dream. Pero naglalagas ang mga lantang dahon mula sa mga puno.
Ang dilim ng itsura nung painting. Kailangan nito ng ilaw. Kaya linagyan ko ang madilim na kalangitan ng mga fireworks at para bang lalakarin mo ito hanggang sa makarating ka sa isang amusement park. Iginuhit ko ito sa nakikitang kalayuan. Okay na, bulong ko sa sarili ko habang napangiti
Ipininta ko na lamang ang sarili ko. Ito ang alaalang ayokong kalimutan at paulit-ulit kong binabalikan. Naglalakad ako sa gitna ng taglagas, at nasa dulo nito ay ang tagsibol, at ito ay aking walang pagod na hinahabol.
Dahil gusto ko pang mabuhay ng maayos. Ayokong lumala.
Chapter 3 - Pangyayari (December 12, 2017)
Saturday
Wala si ate, namamalengke. Nakuha niya pa lang kasi 'yung sweldo niya ngayong araw tsaka mamayang hapon nagbabalak na isama ako para maghanap ng matitirhang apartment sa siyudad. Isabay ko na lang daw na ibigay dun sa pag-deliver ko ng painting mamaya.
Napabuntong hininga ako at blangkong tumingin sa harap ng computer ko.
Ang tahimik. 'Di ako sanay.
"Ano ba 'to?!"
Pero wala, dapat nagpa-paint ako ngayon. 'Yung ide-deliver kong painting naghihintay na lang ibigay. Tsaka nagrequest pa 'yung customer ng isa pang painting, nagandahan daw kasi siya sa binili niya nang sobra, kaya ayun, isa pa.
Kung hindi talaga dahil kay ate, hindi pa rin ako makakabenta ng mga painting ko ngayon. Dami kasing kakilala nung babaeng 'yun.
Punyeta. Wala akong maisip. Binuksan ko na lang ang cellphone ko at nagscroll sa mga messages ng group chat. Himala kasi ang tahimik. Si Francie lang yung online tapos kung ano-ano sinesend.
--------------------------------------------------
9:10 A.M.
Mga Malilibog At P0qP0q💞
Feeding Freanzcie: Chloe, long time no chat? HAHAHAHA
Chloe: Oo nga eh di naman ako laging online sa fb lol
Feeding Freanzcie:  ikr anong ginagawa mo ngayon?
Chloe: Chinachat ka?😂😂
Feeding Freanzcie: 凸ಠ益ಠ)凸
Feeding Freanzcie: ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Feeding Freanzcie: (ノಠ ∩ಠ)ノ彡( o°o)
Chloe: aray ko ((((*。_。)_
Feeding Freanzcie: Seryoso nga, anong ginagawa mo maliban sa pakikipagchat ditoes? ��(`・ω・')∩
Chloe: wala naman, nakaupo. humihinga. nagiisip ng pwedeng i-drowing
Feeding Freanzcie: i-i rip artblock ƪƪ'▿')
Chloe: lol bigay ka nga ng ideas
Chloe: bago bagang emoji yung i-i lololololol
Feeding Freanzcie: ay syempre^^
Feeding Freanzcie: teka
Feeding Freanzcie: Alam mo 'yung Eidetic Imagery?
Chloe: di bakit?
Feeding Freanzcie: Nabasa ko lang eh, sabi daw isa daw sleeping disorder na parang isang sintomas daw ang insomnia tapos 'yung pasyente daw may mga imaginary creatures na kausap sa gabi. Tapos may nabasa akong isang bata na nagkaroon daw nun tapos 24/7 wala siyang tulog. Sa gabi daw, pagod yung mga magulang niya kasi siya gising na gising tapos parang may kinakausap siya.
Chloe: wow.
Feeding Freanzcie: binigyan daw siya ng therapy ata yun? tapos nung una akala nung mga psychologists wala nang lunas
Feeding Freanzcie: oy alam mo, try mo kayang magdrawing tungkol doon hehexcz
seen by Chloe Valdemoro at 9:17 A.M.
Alam niyo yung tipong 'eid' pa lang natatype ko sa computer lumabas agad 'yung eidetic imagery. Pero iba naman 'yung mga nakikita kong meanings, ang nakalagay parang isang term siya para sa photographic memory. Alam niyo 'yun? 'Yung para kayong may superpowers kasi parang naaalala mo yung mga nakikita mo, parang si Cam Jansen, 'yung 12 years old na fictional character na detective. Binabasa ko dati 'yung mga series ng libro niya sa library namin, nung mga July andun pa 'yun pero nung last library period namin wala na. Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan at bakit nila 'yun inalis, eh.
Nagsimula na akong magpaint dun sa tirang masonite board. Pinulido ko muna ang mga sides at edges nito at nagsimulang magpinta. Ayun, tumahimik ako ulit. Tahimik akong nakikinig sa bulong ng aking imahinasyon, sinusundan ko ang kanyang magic carpet at hindi ako nagsasawang pagmasdan ang kabuuan ng aking kaharian. Syempre nasa isip ko lang 'yun pero kahit na, hindi ko alam kung saan na naman ako lulugar kapag nawala sila. Nasa isip ko na nga lang sila tapos pakakawalan at kakalimutan ko pa. May mga bagay kasing hindi madaling ibaon sa limot. Kagaya ng pagkamatay nila mama at papa dahil sa murder.
Nahanap na 'yung pumatay. Naikulong na nga eh. Sana manatili na siya doon, walang hiya siya. He is a freaking psychopath. Ang sarap din niyang patayin pabalik. Ang sarap niyang i-hostage at pahirapan, ubusan siya ng dugo habang nakikita niya ito. Ang sarap niyang pahirapan. Pero letse naman kasi, I personally think those nineteen years are not enough. He has to die first before that jail hourglass ends.
Okay so nakapaint ako ng first layer ng camera. Actually hindi siya camera. Malayo siyang magiging camera. Isa siyang halimaw. Katulad nung mga nakakatakot na mukhang nakaguhit sa kulay itim na pintura tapos in chaos silang masyado tapos yung kamay niya parang 'yung sa puppeteer. Puppets. Sentimental Circus. Ipininta ko sa likod si Shappo at siya ay lumuluha ng itim, nasa kaliwang gilid niya si Mouton, at sa kanan si Kuro. Inilagay ko na ang ibang mga laruan sa Sentimental Circus sa taas na bahagi ng board. Sa baba ng halimaw ay sinimulan ko nang ipinta ang makukulay na sinulid na nakatali sa isang lalaking walang mukha. Ang lalaki namang iyon ay napahawak sa ulo ang kanyang dalawang kamay; na para bang naiirita na siya at napapagod na. At nasa harap niya, ay dalawa pang kamay ng ibang tao, hawak hawak ang isang camera at rinerecord siya. Mga magta-tatlong oras akong nangawit sa paghawak ng toothbrush este---paintbrush habang pinipinta ang isang obrang may madilim na mensahe. Napaisip na din ako kung bakit sinama ko ang Sentimental Circus? Napangiti na lang ako ng mapait. Naalala ko na naman kasi 'yung araw na halos bilhin ko na ang lahat ng gamit dun sa shop na 'yun, tapos nagkaingay nang dahil sa pag-aaway naming apat nila mama at papa.
---------!
Who are you Chloe?
Who were you before?
What have you done to change massively in an instant?
Nasaan ka na, Chloe?
Akala mo tapos na, Chloe? Akala mo ang ganda niyan? Sa tingin mo ba mabibili 'yan?
Ang pangit, Chloe. Bakit may itim? May mamamatay?
Ang pangit, Chloe. Hindi 'yan maganda. Itapon mo na.
Ang pangit, Chloe. Hindi 'yan maganda. Itapon mo na.  
Oh no. They're back.
Ano na Chloe? Ituloy mo lang 'yang ginagawa mo sa sarili mo. Saktan mo pa ang sarili mo.
Pakiramdam ko may malamig na hanging pumapalibot sa akin at ako lang ang naninindig ang balahibo dahil dito, na parang may lumulunod sa akin dahil ang sikip na ng paghinga ko. Pakiramdam ko napapagod ako at nahihilo. Parang kinakain ako ng hangin nang buhay, hanggang sa wala na akong maramdaman. Hindi ko alam kung naku-kontrol ko pa ba ang sarili ko o hindi.
Chloe, lingon ka sa kanan, nakikita mo ba ang kutsilyo? Wala ka namang kwenta di'ba?
Pasanin lang ako. Chloe, pasanin ka lang sa likod ng ate mo.
Kung wala ka, natuloy na ang pangarap niyang sumikat. Di'ba ang sakit na kailangang isakripisyo mo ang lahat para sa isang taong mahal mo?
Sayang naman, Chloe. Wala kang kwentang ipaglaban. Humagulgol ka lang kesa habulin mo 'yung pumatay sa mga magulang niyo.
Hindi na natulog at nagpatuloy sa pagdrama!
Kaya mo ba ito?! Natitiis mo ba ang lahat?
Ang galing mo Chloe, kung hindi dahil sa'yo hindi mangyayari ang lahat ng iyon.
Buhay pa sana sila.
NAIINTINDIHAN MO CHLOE?! BUHAY PA SANA SILA!
!--------
"TAMA NA! PAKIUSAP TUMIGIL KA NA!"
 Naisigaw ko sa kawalan.  
"Tama na...please naman.....please.."
Halos hindi ko na marinig ang boses kong nagsalita. Nanginginig ang buong katawan ko at bigla akong napaupo. Kumapit ako sa mesa upang tulungan ang sarili ko ngunit natabig ko ang baso ng tubig na kinuha ko kanina. Nawalan na ba ako ng buto? Hanggang ngayon hinahabol ko pa ring makuha ang normal kong paghinga at patuloy sa pagpunas ng aking mga luha.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang sala para tingnan kung andyan na si ate habang pinagpapawisan ng malamig.
Naiinis ako. Naguguluhan ako. Natatakot ako. Paano ba naman kasing bigla na lang akong naging ganito? Sana may makasagot na sa tanong ko. Gusto ko nang manahimik.
Manahimik.
"Chloe, lingon ka sa kanan, nakikita mo ba ang kutsilyo? Wala ka namang kwenta di'ba? "
"A-ate, tu-tulangan na kita."
"HAaaayyyy."
Naglakad papunta sa kusina si ate at nakita ang mga kalat at yung isang basag na baso.
"Chloe?"
Tila ba nanginig ang mga labi ko at humagulgol akong muli. Kasabay na naman ng pagbuhos ng ulan. Lumalakas ito ng lumalakas hanggang sa hindi ko na narinig ang ingay na galing sa aking bibig, pati na rin ang paulit-ulit na pagpatahan sa akin ng ate ko.
Linilinis namin ngayon ang bahay dahil may pupuntahan pa akong delivery mamaya. Pinilit kong ngumiti at sabihin kong "Okay na. Te, wag ka nang mag-alala."
----------
Tanong niya at tumango naman kami.
"Ang gaganda naman nito mga hija. Sino ang nagpinta?"
Curious niyang anong at tinaas ko ang kamay ko. Napatitig siya sa akin ng matagal tagal ng may blangkong ekspresyon sa kanyang mukha. Pagkatapos ay umiling siya at kinuha ang isang kahon na nakahugis na parang treasure chest.
"Salamat po!"
Umakbay sa akin si ate habang naglalakad kami sa kalsada. Nakatingin lang ako sa baba. Ayoko. Pagod na ako.  
Alam kong hindi na rin ako maintindihan ni ate. May mga pagkakataong umiinit ang ulo niya bigla dahil sa akin, pero isinasantabi niya iyon dahil naiintindihan niya ako. At least ang sitwasyon ko.
Kanina ang saya kong gumising, kagaya ng sikat ng araw tuwing ala-sais pa lang. Ngayon naman ay bumabalik sila, ayaw nila akong tigilan.
Pero bumuhos na namang muli ang ulan.
Chapter 4 - Sa Apartment (December 15, 2017)
Okay na ulit ako. Salamat, Lord. Kahit ngayong araw lang, gusto kong tumulong. Gusto kong kalimutan ang nangyari kahapon. Sana, magpahinga naman sila. Kung hindi pa sila aalis, magpahinga man lang sila.
"Bakla, pagkasimba bibili muna tayo ng siomai kila Lola Puring tapos yung grande na Zagu sa mall. Oks na?"
Mabilis na sinaad ni ate. Akala mo naman parang isang businesswoman samantalang naka-shorts ngang pumunta sa simbahan.
"Eh ate 'di ba pwedeng isang lugar na lang? Kung sa mall bibili ng Zagu edi sa mall na din 'yung siomai!"
"O sige dun tayo kakain kila Lola Puring."
Tumingin siya sakin ng saglit, na para bang walang nangyari kahapon sa akin. Tsaka kinaladkad na ako papunta sa kanila Lola. Si Lola Puring, lola siya nung bestfriend ni Ate Nat na nag-aaral sa abroad ngayon. Dati kasi, nagkaroon sila ng isang banda sa school nila tapos doon na sila nagkakila-kilala ng squad niya. Nanggaling 'yun sa music club na sinalihan nila dati tapos nagkawatak watak kasi sabi niya wala namang kwentang sumali 'dun, di niya alam na may mabubuo na palang banda doon na sisikat at magsusulat ng kanta para sa lahat.
Natupad naman 'yun. Nagkaroon sila ng exposure kasi nakapagplay sila sa isang variety show at gusto talaga ng mga manononood ang mga kinakanta nila. Pero simula nung trahedyang iyon, pati sila nagkawatak-watak at naglaho ng parang bula. History repeated itself? Ganun lang?
Masaklap kasi si Ate Nat ang leader nila. Kung wala siya, wala ang "Paris". Oo, pangalan ng banda nila. Akala ko acronym 'yun ng kung ano pero wala naman daw 'yung mas malalim na kahulugan. Kaya Paris ang pangalan ng banda nila kasi nung mga Foundation Week nung Grade 9 sila may parang mini gig ang bawat banda sa bawat grade level tapos 'yung isang member nila patagong nagpafire-works. Dapat daw ang papaputukin niya 'yung parang makakabuo ng star pero may milagro kasing nangyari kung bakit parang naging hugis ng Eiffel Tower 'yung shape nung fireworks.
"Kloya, ok ka lang? Na-swimming na naman siguro ito."
"Dingdong, wag ka nga diyan. Naalala ko lang kasi yung kwento mo sakin. Binabasa ko ulit sa kanila."
"Dingdong? Wow, kailan naging Dingdong ang Nat---oo nga. Edi wow. Henyo."
"Natasha, hija!"
"La, namiss ka na po namin! Pwede po utang muna....ulit?"
"Naku! Walang katapusang utang 'yan Natasha, malulugi na naman ang tindahan ni Puring."
"Si lola, parang bata magsalita. Millenial na po kayo?"
"Hayaan niyo na, libre naman lagi kain niyo dito."
Grabe, halos isang buwan lang naman kami nawala. Akala ko ang ikli lang nun, pero ang dami pa ring nangyari.
"Namiss ko 'to ate."
"Ikr."
"Ah, ate magbabayad na po kami, eto po 'yung bill."
-----------------
Punyeta ang init. Nakalimutan pa naming magdala ng payong.
"HOOOOOOHHH"
"Ate, kanina pa 'yang walang laman. Tsaka pinagtitinginan ka ng mga tao, huy."
"Ay pake nila? Naghihirap tayo dito, okay? Hanggang ngayon wala pa rin tayong mahanap na paupahan na maayos."
Natanaw ko sa di kalayuan ang paaralan ko ngayon. Nasa sentro kami ng bayan, andito na lahat ng sibilisasyon, lahat ng pangangailangan halos dito mo na matatagpuan. Kaso, maingay tsaka magulo. May iba ding bahaging madilim at delikadong daanan kapag gabi na. May mga eskinitang 100% sure na sure ang PCSO na may mangyayaring milagro. Pero may bahagi ding tahimik. 'Yung mga subdivision. Kaso saan naman ang pag-asa naming may apartment dun.
Pero teka. Pwede rin eh. May malapit na subdivision dito. Mga 20 minutes lang ata ang oras sakay sa tricycle.
"Ate, sa mga subdivision? May mga bahay ba diyang parang wala ng nakatira tapos pwedeng paupahan?"
"Ewan ko, Kloya. Pero alam mo kapag meron, kakain ako ng maanghang na noodles. 'Yung nakatago sa aparador mong hayop ka ha, may nalalaman ka pa diyang 'Spicy Noodle Challenge' eh halos iluwa mo na 'yung noodles."
"Naawa kasi ako ate, kalahi ko 'yun tapos kakainin ko lang? Duh?"
Tumigil kami sa daanan papasok. Eh halos straight lang 'yung daanan tapos ang lawak pa. Ang daming mga bahay.
"May alam po ba kayong pwedeng paupahan dito?"
At ang famous lines?
"Wala."
"Ay hindi ko po alam, bago lang po kasi kami dito. "
"Tanong kayo sa kabilang bahay."
Halos malapit ng makasapak ng tao si ate tuwing isasarado nila ang mga pinto. Ayaw niya daw ng atmosphere dito. Ang gloomy.
"Ate, titira lang tayo dito. Hindi magpapaka-role model para sumaya sila. Tsaka ate, may buhay sila. Wala pa tayong alam kaya, halika na."
"'Wag muna mag-give up. O sige, Kloya, tara na!"
-----------------
"4.6k ang renta dito monthly, kasama na 'yung sa tubig niyo, at kung magkasya bayad niyo, isasali na namin na ibayad ang sa kuryente. Tutal dalawa lang naman kayo. Kung gusto niyo mag-advance na kayo ng dalawang buwan para wala na muna kayong problemahin."
Halos maka-ilan na kaming "Thank You, Lord" sa mga isip namin ngayon.
"Ah, sige po ma'am. Bukas na po kaming magsisimulang maglipat. Maraming salamat po talaga, hulog kayo ng langit."
Napangiti na lang ang landlady kasi parang naawa na din siya sa itsura namin pero, dinedma niya lang eh.
"Sasabihin ko naman sa inyo kung nabayaran ko na 'yung mga bill. O sige na, uwi na muna kayo. Kung hindi kayo makalipat bukas, pwedeng sa Miyerkules na lang. I-do-double check ang status ng bahay."
"Salamat po!"
---------------------------
"Hala syet! Hoy Kloya! GISING NAAAA!"
"ATE KANINA PA HOY MAG SI-SIX THIRTY NA MAGLUTO KA NA NG ULAM!"
Late na naman tuloy ako.
Chapter 5 - Holiday (Unfinished; January 12, 2018)
"Cruz may naghahanap sayo!"
Nakasanayan niyang bumanggit ng bawat salitang may bahid ng glait sa kanyang boses. Titigan mo siya sa kanyang mga mata at mukhang papatayin ka na niya.
Linakad niya ang silid at tiningnan ang ibang presong kausap ang ibang tao. Dahil hindi niya ito kilala, at hindi siya nito kilala.
"Paano mo nasasabi 'yan? Wala kang alam. Ibinigay mo na sakin ang parusa ko, diba dapat ako ang magtatanong kung masaya ka na?"
Natigilan ang lalaki sa sinabi ng bilanggo at inayos ang kanyang salamin.
Sunday
Sumapit ang gabi at naghintay ang lahat sa pagdating ng unang oras ng pasko. Naghanda ang lahat, pati ang bahay nila Natasha at Chloe.
0 notes
bettylalouuu-blog · 7 years ago
Text
Kayo na bahala sa title.
4:30pm na ako nakauwi ng bahay kahapon. Grabe yung pagod ko kasi galing kaming school (((pero wala rin naman kami napala hahahahays))) tapos nag apply apply kami around Cavite. Nakakapagod yung byahe at paglalakad pero mas naramdaman ko yung pagod nung umulan. HUHUHU Ang ganda na sana ng panahon kahapon, makulimlim at ang lamig eh. So ayun, pagkauwi ko umupo lang ako sa kama nila mama kasi may mga bisita pala kapatid ko kaya di muna ako sa kwarto namin tumambay. As usual, scroll up and down sa twitter at facebook. Tapos.....
Tapos eto na..... eto na talaga HAHAHAHAHAHA teka ready na ba kayo? kasi nung ako, hindi ako ready eh. Hindi ako naorient at wala manlang warning kaya shookt lang lola mo! HAHAHAHAHAHAHA so ayan, dahil tapos na ako sa facebook at twitter, nag instagram na ako at nanood ng ig stories. Siya ang pinakauna sa ig stories ko at walang bago dun. Sanay na ako na palagi siyang nasa unahan at di ko rin alam kung bakit ganon. So ayan, pinanood ko.... dalawa yung bago sa ig story niya. Nung unang kita ko dun sa nauna niyang story, di ko nagets na sinehan pala yun at Kita Kita yung movie tapos bigla ko naexit tas nung pinindot ko ulit WOW BUMUNGAD NA SAKIN YUNG ANO! YUNG ANO! Yung picture na nakahawak siya sa kamay ng isang tao. Di ko kasi sure kung babae eh. CHOS! HAHAHAHAHAHA Akala ko nung una magkaholding hands talaga, hindi naman pala. Mukhang napilitan nga lang din yung babae eh CHOS ULIT! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA 
Oh tutal alam niyo na yung nakita ko, alamin niyo narin yung naramdaman ko. HAHAHAHAYSSS BESH MAY SAKIT BESH!!! Pero yung tipo ng sakit na walang halong pagmumura at pagluha. Naalala ko pa nung 2015 (HUWAW HAHAHA) nung tinweet niya yung convo niya at ng ex crush niya after nung nag away kami.... gago hagulgol talaga ako nun! Tapos lahat na ng mura talaga inalay ko sakanya. Feeling ko nga kung sa oras na yun ako namatay diretso impyerno ako kasi ang sama talaga ng mga lumabas sa bibig ko nun pero yung kahapon?? Wala. Tahimik lang ako pero narinig kong may nagcrack sa may dibdib ko. AWWWWW LUL! HAHAHAHAHAHAHA actually di ko na maalala yung ginawa ko pagkatapos kong makita yun. Nagtwitter ata ako kasi may nagtweet sakin? tapos mga after 20 mins bumalik ako sa ig stories tas iniscreenshot ko yung story HAHAHAHAHAHAHAHA tapos sinend ko sa gc ng hs friends ko pero nakacrop kung sino..... wala akong napala sa kanila. HAHAHAHAHA
At dahil alam niyo na pati naramdaman ko nung nakita ko, dun naman tayo sa mga naramdaman at sinabi ng mga malalapit kong kaibigan na ubod ng gaganda at gwapo at kebabait! ((Utang na loob to uy HAHAHAHA)) Hindi ko na iisa-isahin pa yung mga sinabi nila pero ang lumalabas kasi HAHAHAHAAHHAHAHAHA NATATAWA NA AKO!!! Basta di sila makapaniwala at ayaw nila maniwala HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tapos ang sama nila sa kanya!!!!!! As in talaga!!!!! HAHAHAHAHAHAHA “GRABE KAWAWA SIYA PERO DESERVE NIYA LAHAT NG HATE. CHOS. HAHAHAHAHAHA” ganyan na ganyan pagkakasabi niya at all caps talaga kaya ang intense..... intense na tawa!!! Maniwala man kayo o hindi, yung 5% na sakit na naramdaman ko, lahat ng yun nawala at napalitan ng 200% na saya!!!!!!!!! Uy seryoso to ha. Hindi ako in denial, hindi ko nirerepress yung tunay kong nararamdaman at mas lalong hindi defense mechanism yung pagtawa ko ng walang humpay. Ang funny kasi talaga nila as in. Apat na kaibigan ko yung kausap ko kagabi. Sabi nung dalawa na umiyak daw ako, okay lang naman daw, di nila ako ijujugde lalo na yung isa pinupush niya talaga akong umiyak, nagmamakaawa pa nga eh HAHAHAHAHA BWISET 😅 Pero di talaga ako naiiyak, tawa pa nga ako ng tawa eh! Tapos nung sinabi ko sa kanila na masakit pero ang saya ko sabi nung isa “Siraulo ‘to, sa lahat ng nasaktan. Ikaw lang ang masaya hahahahaha” HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA EDI SIYEMPRE TAWA NA NAMAN AKO!!! Basta yung buong conversation naming tatlo puro tawa lang talaga ako. Ang solid nilang dalawa talaga!!! Wala akong masabi 💯 Tapos convo naman sa isa ko pang kaibigan... gaga din eh!!! Tawang tawa din ako sa mga sinabi niya kasi may pagcompare na naganap at pagbabasa ng picture!!!! Sabi niya pa na basahin ko daw yung picture HAHAHAHAHAHAHAHAHA tapos yung kuya ko naman... sobrang effort!!!!! Inedit yung picture HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA SHET! Ang swerte ng babaeng mamahalin ng kuya ko, sakin nga nag effort siya... sa babaeng mahal niya pa kaya? 👌🏼 NIRERECOMMEND KO PO SILANG LAHAT NA PAIN RELIEVER! Kausapin niyo lang sila tas sabihin niyo yung nararamdaman mong sakit jusko instant wala na yang sakit na yan. Effective po sila at may ritemed! HAHAHAHAHAHAHAHA De, alam ko namang kaya sila ganun kasi gusto nila akong icheer up at ayaw nila akong nakikitang malungkot o nasasaktan. I feel so loved!!! And i know i am loved!!! And that’s more than enough 💖
Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kanya eh. Oo nasaktan ako pero KUNG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN NIYA SA BABAENG YUN, wala siyang kasalanan sakin. Inemphasize ko yung “kung totoo” kasi di ko naman alam tumatakbo sa isip at pinipintig ng puso nun. Malay ko ba kung alam niyang may something parin ako sa kanya tapos sinasadya niyang pagselosin ako diba? or baka gusto niya lang ipakita na may lovelife na siya? Ay ewan PERO KUNG ISA DIYAN ANG TUNAY NA RASON AT ANG LUMALABAS EH GINAGAMIT NIYA YUNG GIRL, ANG SARAP NIYA SAMPALIN FROM LEFT TO RIGHT TAS RIGHT TO LEFT PARA PANTAY. Grabe ha??? grabe talaga!!! Sana masyado lang akong nega na tao kasi di ko na alam kung totoo nga yung iniisip ko/namin. Okay back to what i’ve said.. hindi. ako. galit. Ano ba!! Hindi naman niya kasalanan kung hindi niya ako mahal eh, pero is it fair to say na kasalanan ko lang na may nararamdaman parin ako sa kanya?? Hayyyy Kung natuturuan lang ang puso talaga!! Pina-tutor ko na ‘to. HAHAHAHAYS Kung dati siya yung may kasalanan kasi gago siya, ngayon kasalanan ko kasi nga tanga ako. Mahirap kasi kapag may nararamdaman ka dun sa tao tas may mga bagay na ayaw mo man bigyan ng malisya o isipan ng ibang “meaning” hindi mo naman maloloko sarili mo eh kaya ayun kahit sabihin mo sa sarili mo na “wala lang yan!! ganyan lang talaga siya” ipapahamak ka parin ng feelings mo at ibubulong sayo “eh malay mo naman diba?”. Hindi niya kasalanan kung nakahanap siya ng taong mahal niya pero kasalanan ko kung hahayaan kong malugmok ako dahil dun. Una palang  naman sinabi kong mahal ko siya pero ayaw ko, so saan pa ba patungo yung nararamdaman ko? Edi wala... walang patutunguhan kasi alam kong hindi ito yung klase ng pag ibig na ipaglalaban ko. Hindi ko ipaglalaban ang isang bagay na alam kong una palang talo na ako. Hindi ko ipaglalaban ang nararamdaman ko sa isang tao lalo na’t alam kong ako lang ang may nararamdaman. Kailanman hindi mananalo ang taong lumalaban ng mag-isa sa daang-daan niyang nararamdaman. Hindi na worth it lahat ng sakit na naramdaman ko simula pa 2015 kasi kahit sabihin mong may saya akong naramdaman, mas tumatak parin yung dami ng sakit na dulot ng kahibangan ko.
Naniniwala ako na kahit gaano pa katanga ang isang taong nagmamahal kung paulit ulit naman siyang nasasaktan, mapapagod at mapapagod din ang puso na tumibok para sa taong kailanman di siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal na meron siya. At kusang titigil ang pagtibok ng pusong suwail para sa taong yun. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko ngayon, maaga man para sabihing hindi na kita mahal pero ang alam ko kasabay ng litratong yun ang pagtigil ng tibok ng puso ko para sayo. Nakakapagod kang mahalin at inaamin kong sa pagkakataong ito, ubos na ubos ako. Iiwanan ko na ng walang sagot ang lahat ng “baka” “siguro” “what if” “eh paano kung” na matagal kong kinapitan. Buo na ang aking loob para unahin ko naman ang aking sarili at ang mga taong bubuo muli ng aking puso.
Sa wakas makakapagpahinga na ang tanga kong puso. Paalam sayo, uusad na ako.
0 notes
healthallied18-blog · 7 years ago
Text
Tomasino Na Ako!
Sabi ng mga taong nasa paligid ko, mayroong kapamilya, kaklase, kaibigan at kasamahan sa simbahan, marunong daw ako dahil sa mga munting parangal na natatanggap sa eskwelahan at mapalad naman dahil naibibigay ng mga magulang ko ang aming pangangailangan. Minsan, nararamdaman ko na para bang mataas ang tingin ng tao sa akin, pero ang totoo, isa lang akong malaking talunan.
Noong ika-6 ng Disyembre taong 2015, nakatakda ang pagkuha ko ng “entrance exam” sa UST. Ito na yata ang pinakamalaking araw sa talambuhay ko dahil sa iba’t ibang emosyon na nagsisiksikan sa puso ko. Antok na antok at pupungas-pungas pa ang mga mata ko nang umalis kami bago mag-alas kwatro. Mabilis at deretso ang biyahe sa umaga kaya sandali lang ako nakabawi ng tulog sa sasakyan. Pinarada ng Tatay ko ang sasakyan malapit sa Army Navy ng Dapitan. Pagpasok sa loob ng kainan, nakaramdam ako ng konting tuwa mula sa mga lumang pampaskong tugtugin. Kadalasan, kapag Disyembre ay namamasyal at nagsasaya dahil magpapasko. Pero, naalala ko na kaya kami nagtungo sa lungsod ay hindi para magsaya, kundi kumuha ng isang pagsusulit na dapat kong ipasa.
Habang nakapila, nakita ko kung gaano kadaming kabataan ang nagnanais na makapag-aral sa UST. Iba-ibang mukha, pangarap at talino ang taglay nila na nagsasabi sa akin, “Sino ka ba para makapasok dito?”
Sino nga ba ang nakakaalam sa aking pagkakakilanlan? Siguro ako lamang at ang hawak kong papel na may larawan. Gayunpaman, ang pagsusulit na aking sasagutan ang siyang siguradong magdedesisyon sa aking kinabukasan, kaya kaylangan kong galingan at gamitin ang lahat ng aking nalalaman.
Nang makapasok na sa tamang silid, hinding-hindi ko makakalimutan ang unang beses na naranasan ko ang bagsik ng lamig ng silid-aralan sa UST. Nanginginig na nga ang tuhod ko sa kaba, dumagdag pa itong lamig at ang panginginig ko’y lalo pang pinalala. Sa kabila nito na nagdulot sa akin ng takot at mga boses na nagsasabing, “Talo ka na! Talo ka na!”, pinilit kong magkaroon ng lakas ng loob upang masagutan ang pagsusulit.
Matapos ang ilang buwan, ang mga kaklase ko na naunang kumuha ng pagsusulit ay nagpo-post na ng resulta sa Facebook. Mayroong nakapasa sa De la Salle University, Polytechnic University of the Philippines, Centro Escular University at syempre sa University of Sto.Tomas. Lalo atang lumakas ang kabog sa dibdib ko na may kasamang pag-aalala habang hindi pa nalalaman ang resulta ng pagsusulit ko dahil ilan din sa mga kaklase ko ay bumagsak sa mga unibersidad na nais pasukan.
Ang hirap matalo, ano? Minsan, parang kahit ginawa mo na lahat, hindi pa din iyon sapat. Sa pag-abot ng isang tao sa kanyang pangarap, nagsusumakit niyang sinisira ang bawat pader na nakaharang, kahit gaano man ito kasakit, para lang makapunta sa rurok ng tagumpay, ngunit darating at darating ang pagkakataon na manghihina siya at matatalo. Kaylangan, maging malakas ka para manalo ka.
Hanggang sa lumabas na ang resulta, at nakapasa ako. Nang mga sandaling iyon, nakaramdan ako ng galak, dahil nanalo ako sa isang labang alam ko na sa simula pa lang ay talo na ako; nangangahulugang malakas ako, dahil nanalo ako. At hindi pa nga doon natatapos ang lahat…
Mayroon nang “group chat” kung tawagin ang buong klase namin bago pa man magsimula ang school year. Hindi ako nagcha-chat doon . Kadalasan kasi, binabati nila ang mga bagong kasali sa group chat. Hindi nila ako binati, kaya alam ko na baka ayaw nila sa akin. Tutal, ayoko din naming malaman nila ang tinatago kong sikreto.
At dumating na nga ang unang pagkakataon na magkikita-kita kami; ang “ID picture taking”. Takot na takot ako noon dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kumuha ako ng isang mapa sa internet sa pamamagitan ng aking cellphone, ngunit hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy ng mapa sa mga naglalakihang gusali sa loob ng UST. Takang-taka siguro ang estudyanteng pinagtanungan ko ng, "Saan po ang main building?" Ramdam na ramdam ng mga tao sa paligid ang takot, pagkabalisa at pag-urong sulong ko kung pupunta ba ako o hindi sa tinakdang lugar. Buti na lamang, mabait ang mga guwardya sa UST at ituturo sayo ang lugar upang hindi maligaw.
Hiyang-hiya din ako sa mga taong nakakakita sa akin dahil pawis na pawis ako. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ako nakapagdala ng bimpo at payong. At pagminamalas ka nga naman, umulan pa talaga sa kalagitnaaan ng alas dos ng tanghali. Hindi na tuloy malaman ng mga tao kung alin ang tubig at pawis sa katawan ko, parang ang pinaghalong kaba at lakas ng loob sa puso ko. 
Nang mapuntahan ko na ang destinasyon, alam kong nasa tamang lugar ako dahil nakita ko na ang mga kaklase ko. Lalapit sana ako sa kanila, ngunit nakaramdam ako ng hiya at takot. Baka naman hindi nila ako kausapin at pagtawanan ang dugyot kong itsura. Kaya, pinili ko na lamang maupo sa isang upuang bato kahit nasisinagan sa init ng araw.
May lumapit sa aking isang lalaki at nagtanong, “Pwedeng makiupo dito, kuya”? Tumango naman ako at nag-isip dahil madami naman bakanting upuan doon. Tapos, kinausap niya ako. Sabi niya, “Grade 11 ka din”? Sumagot naman ako at sinabing magpapakuha lang para sa ID picture. Nang malaman ito, pinapasok na niya ako sa CFAD kasi baka daw mahuli ako.
Nagkaroon ako ng inisyatibong kumilos, hindi dahil sa kumpirmasyon ng isang tao kung ano ang dapat gawin, kundi tama lang talaga ang sinabi niya. Hindi ko na inintay at kinausap ang mga kaklase ko upang hindi mabunyag ang sikreto ko.
Hindi nila nakita kung paano ako pumasok sa silid na lilingon-lingon dahil hindi alam ang gagawin. Hindi din nila nakita kung paano nagalit sa akin ang isang guro dahil hindi ko daw alam ang gagawin ko. Mabuti nang nakaraos ako at papasok pa lang sila sa silid noon. Wala silang nakita at hindi nabunyag ang sikreto ko.
Oo, malaking talunan ako; ito ang sikreto ko. At katulad ng ibang tao, gusto kong manalo sa buhay, gusto kong maabot ang mga pangarap ko nang malakas at matagumpay. Ngunit sa araw-araw na pakikidigma sa buhay, makakaranas at makakaranas ka ng pagkatalo. Oo, mahirap tanggapin minsan na natalo ka sa isang aspeto ng buhay. Tagos na tagos sa puso ang katotohan na natapos ang iyong pinaglalaban sa isang pangit na resulta. Pagkatapos ng paghihirap na pinagdaanan mo, kapag natalo ka, hindi maikukumpara ang sakit ng kabiguan sa sakit ng pagsusumakit mo upang magtagumpay...
Pero, masarap matalo, masarap maging talunan. Hindi nangangahulugang ang pagkatalo ay patunay ng kahinaan dahil nagkakaroon ako ng pagkakataong ibigay ang lahat ng makakaya ko ng walang inaasahang kapalit. At kapag dumating na ang kabiguan, dito ko malalaman kung kaya ko pa bang bumangon; kung kaya ko bang maging malakas sa susunod na pagkakataon. Kapag nanatili ako sa aking kalagayan, ito ay mangangahulugang ako ay mahina, basura at walang kwenta...
Minsan, ang tagumpay ay hindi nadadaan sa puwersa. Pagkatapos kong matalo noong sumali ako sa “National Schools Press Conference”, kumain ako, nang umiiyak. Pagkatapos ng isang mainit na araw na puno ng pagsubok kung saan gumamit ng madaming “calories” ang utak, kaylangang kumain upang magkalaman ang kumulong sikmura at magkaroon ng sustansya ang katawan para sa pag-iisip. Sa pamamagitan nito, nagiging mas malakas ka...
Ako, ang isang malaki at busog na talunan ay lumaban sa isang matandang pader para makapasa sa UST. Dahil sa tulong ng Diyos, pokus, determinasyon at kagalakan sa lahat ng oras, hindi naging hadlang ang pader, bagkus ay dinaanan ko noong ika-15 ng Agosto taong 2016 sa “Thomasian Welcome Walk”, kung saan nasabi ko din sa wakas na, Tomasino Na Ako!
- Marcial, Daniel Austin
0 notes
heberafter · 8 years ago
Text
Sakaling Hindi Makarating #CineFilipinoGoesToUP
Almost one week nag run sa mga selected theaters ang entries ng CineFilipino2016 at itong Sakaling Hindi Makarating lang yung gustong gusto kong panuorin. Pero wala. We didn’t get any chance to see the movie. Kung hindi laging sold out yung tickets, sobrang layo naman ng sinehan.
Tumblr media
Kaya nung nalaman kong they will go to UP nga, di na ko nagpatumpik tumpik pa. Umabot sa point na 6 tickets yung pinareserve ko. Ganun ako kadesperado. Lol. Ganon naman yata pag may gusto kang makuha na isang bagay di ba? Gagawin mo ang lahat. Nung una ko kasing napanuod yung trailer nito sa facebook, parang there’s something in my head saying na I need to watch this, para kasing na-love at first sight ako. It really caught my attention.  Ang astig kasi nung trailer, iba yung strategy niya, macucurious ka, so wala kang magagawa kundi ang panuorin para malaman mo kung anong mangyayari sa huli.
Tumblr media
Actually, surprise ko sana ‘to kay wiffey. Kaso masyado siyang magaling para mahulaan na ito yung surprise ko. Badtrip! Hahahah. Since may pasok pa siya sa work, nauna na ko dahil nga baka magkaubusan ng ticket.
Bago ko makalimutan, ito nga pala yung sypnosis nung movie:
Nag-resign sa trabaho at naghanap ng bagong tirahan si Cielo in anticipation of married life, ngunit umatras—dalawang buwan bago ng kasal—ang fiancé niyang si Mark, ending their 11-year relationship. Matapos ang lahat (kasama na ang bigo binge-drinking), biglang umulan sa bahay ng hand-illustrated postcards mula sa misteryosong “M.” Nakumbinse si Cielo ng kanyang kapit-bahay—at new admirer—na si Paul na magbakasyon, sa halip na magmukmok sa bahay o maghintay kay Mark na makipag-usap. Determined to get to the bottom of the postcard mystery, lilibutin ni Cielo ang Pilipinas in search of the sender/maybe-soulmate, using clues sa bawat postcard na ifo-forward ni Paul.
Isa pang asset ng movie ay yung mga postcards na ginamit nila. At hindi namin napigilan ang mga sarili namin na bumili nito. Souvenir ba.
Tumblr media
400 pesos yung set of 12 at 250 yata ang set of 6. Kaya set of 6 lang binili namin. Hahahaha. Ang cool niya di ba? Idol ko si Anna Rubio!
Tumblr media Tumblr media
Infairness naman sa haba ng pila. Abot ng PhilCoa. Hahahaha! Hindi ko lang inexpect kasi nung nakatamabay ako dun habang hinihintay mag 7:30, wala masyadong tao. Tapos maya maya nagulat na ko sa dami ng tao. Ibang klase talaga hatak nito sa mga manunuod.
Here’s my review!
Tumblr media
So yun nga, hindi na bago yung mga pelikula na ginagawang plot device yung sulat at kailangan ko na rin aminin na medyo nagagasgas na rin ang mga road movies, like, That thing called tadhana. At talagang ang pagiging broken hearted ang sanhi kung bakit naguunwind at nagsosoul searching ang mga bida. Pero hindi ko icocompare ‘to sa that thing dahil sobrang magkaiba sila.
Ito na ang mga masasabi ko:
SOBRANG GANDA NG PILIPINAS!
Bakit ko nasabi? Hello, yun yung ikot ng story hahaha. Hindi nagkamali ang direktor sa pagpili ng mga lugar na ifefeature sa movie. Lahat makabuluhan at medyo may koneksyon kay Cielo para matulungan siyang mag heal ang kanyang pusong sawi. Yung mga ganitong pelikula yung parang sinasabi sa’yo na, pack your things, and just go! Dedma kahit walang itinerary! Basta sumakay ka lang ng bus, eroplano, o barko. Kung san ka dalhin ng mga paa mo, doon ka.
2. GREAT CHOICE OF CHARACTERS!
Well, hindi na dapat kwestyunin ang pagganap ni Alessandra De Rossi. She’s a  legend, indeed. Ibang klase siya umarte at ang atake niya sa mga linya niya. Ang gusto ko ihighlight dito ay nabigyan ng hustisya ng bawat artista ang mga karakter na ginagampanan  nila. Isa pa, ay hindi sila gumamit ng mga sikat na personalidad. Natuwa talaga ako kay Manuel (JC Santos) dahil nakita ko siya sa personal! Hahaha! Napapanuod ko kasi siya sa web series ng TV5 na Forever Sucks. Napakahusay din ni Paul (Pepe Herrera). Siya yung artista na effortless umakting pero sobrang galing.
3. UNIQUE PLOT TWIST!
Dito talaga tumayo yung balahibo ko. Like, I didn’t see that coming. Hahaha! Grabe lang yung plot twist niya. Syempre ineexpect ko na si M yung nagpapadala ng mga postcards pero hindi pala. Iniiisip ko pa nga na si Paul galing yung mga sulat pero hindi rin pala.
4.  THE CINEMATOGRAPHY!
Gusto kong isama to dun sa number 1 pero hindi. Kailangan ihiwalay ‘to dahil naelibs ako sa cinematography the entire movie. Plakadong plakado! Lahat ng lugar na pinuntahan ni Cielo ay nabigyan ng hustisya. Impressive yung mga aerial shots pati yung mga landscape. Lalo na yung sa Batanes. Parang umaapaw sa galak yung puso ko pag biglang liliwanag yung sinehan dahil sa vibrant color na visuals.
5. WORDS OF WISDOM.
The movie looks like a typical hugot lines fest type of film, and fortunately, iniwasan nga nila gumamit ng ganung klaseng script. Simple lang yung batuhan ng mga linya pero effect na effect lang. At ang pinakatumatak sa isipan ko, ay yung line ni Paul na, ” 11 years lang yun. 11 years is nothing compared to the rest of your life.” Stig! Ang sarap isampal yan sa mga hiniwalayan ng mga mahal nila na hindi makamoveon. Hahahaha.
Sa isang pelikula hindi mawawalan yan ng mga flaws. Hindi ko na iisa-isahin dahil nainis lang ako sa mga eksena na kapag may pinupuntahan si Cielo, sobrang bilis lang ng transition. Like, wala 5 minutes, mag jujump off nanaman sa ibang place. Nakakabitin kaya! There’s something pa kasi na gusto mong mangyari dun sa lugar na yun pero nilisan agad. Sana napush thru pa ‘to para gumanda pa lalo. But, let’s consider na lang na debut film ito ni Direk Ice Idanan, it’s really a big achievement for her na kung anong layo ng narating ni Cielo para mahanap si M, ay ganoon din kalayo yung inabot ng movie na ‘to, and I’m hoping na pati sa international scenes din.
Pero kung kayo ba yung tatanungin, pag broken hearted ba kayo, sa tingin niyo may maitutulong sainyo ang alon, ang sunset, ang scenery, para makalimot? Hahaha!
This is really a good watch. Hindi bumaba yung interes ko sakanya, kung gaano ako kainteres dito bago ako pumasok ng sinehan, mas nadagdagan pa nung lumabas ako. It’s exciting and fun, and full of emotions na cinematic adventure, na hindi ka papatayuin sa kinauupuan at isolve ang mystery na bumabalot sa postcards! Hindi nasayang yung efforts at pera para mapanuod lang to. Super worth it! Right, babe?
CONGRATULATIONS, #SAKALINGHINDIMAKARATEAM!
Rating: 8.5/10
0 notes