#SHSDBTI
Explore tagged Tumblr posts
pangkat5kami · 3 years ago
Photo
Tumblr media
ISANG YAPAK PATUNGO SA PANGARAP
Sa puntong ito, nagtataka kayo siguro kung ano ba ang pagkakaiba ng Senior High School ng Don Bosco Makati sa iba pang paaralan. Ang DBTI ay isang paaralan na nakapag-antig ng mga puso henerasyon sa henerasyon. Maiging napatunayan ng Don Bosco Makati ang misyon at bisyon ng kanilang eskwelahan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain at aktibidad na hindi lamang pang-akademiko kung hindi pang-espiritwal na din. Bagong estudyante pa lamang ako at wala pa ganoong karanasan ngunit sa unang termino pa lamang ng aking pag-aaral sa DBTI ay alam ko nang hindi ako nagkakamaling pumasok sa paaralang ito. Matatanong ninyo siguro kung bakit ba ako pumasok sa Don Bosco Makati sa simula pa lamang. Sa kuwentong ko ito ay sana masilayan n’yo na din kung bakit hinihikayat ko kayong mag-enroll sa SHS DBTI Makati.
Lumaki akong may dalawang kuya na parehong nakapagtapos ng kanilang High School sa Don Bosco Makati. Bata pa lamang ako, dinadala na ako ng aking ina kapag may mga pagdiriwang o kaganapan ang mga kuya ko rito. Maaga pa lamang ay pinagmamasdan ko na ang loob ng eskwelahan at naaalala ko pa aking pagkamangha dahil sa laki nito. Tuwing Foundation day ng eskwelahan, nasisilayan ko rin kung gaano katunay na talentado ang mga Bosconians mula sa pagkanta ng Boscorale, pagsayaw ng Wolfpack, pagtugtog ng mga instrumento ng sari-sariling banda hanggang sa iba’t ibang pag-arte at pakitang-gilas ng mga Bosconians tuwing mayroong programa o selebrasyon. Higit pa sa lahat, ang hindi mo mahahanap sa ibang eskwelahan at sa Don Bosco Makati lamang ay ang mga shops at programang pangteknikal na may laya kang pumili kung alin ang iyong nais matutunan at maranasan. Naaalala ko pa na aking sinabi sa aking nanay na gusto ko sumunod sa yapak ng aking mga kuya at mag-aral din sa paaralang ito ngunit hindi raw maaari dahil bukas lamang sa kalalakihan ang eskwelahan. Bilang bata pa lamang, nalungkot ako na hindi ko mararanasan makapag-aral sa paaralan ng aking mga kuya. Paglitaw ng ilang taon, laking tuwa ko na nabalitaan naming tumatanggap ng kababaihang mag-aaral ang departamento ng Senior High School. Simula noon, desido na ako at ang aking mga magulang na dito ako mag-aaral ng baitang 11 at 12.
Sa halos tatlong buwan kong nag-aaral sa Don Bosco Makati, hindi ako nagsisisi dahil maligaya akong sinalubong ng mga Bosconians. Kaya sa mga nagbabalak, iniisip, o nagdududang pumasok sa SHS ng DBTI, hinding hindi kayo magsisisi sa inyong desisyon dahil siguradong sigurado kayo ay alagang Don Bosco kapag nag-aral kayo rito.
Isinulat ni: Yesha Hidalgo
0 notes