#SARAP PAKINGGAN SA TENGA
Explore tagged Tumblr posts
Text
lss ako sa "ocean deep" 😭 sarap sa tenga. ang sarap pakinggan lalo pag ganitong oras na tahimik lang 🥹
2 notes
·
View notes
Text
Sinta, pa-harana.
Hindi ba’t nakakakilig yung hinaharana ka ng iyong minamahal sa labas ng inyong tahanan? This would be more exciting if this thing still exists in our generation today. Gen Z did really change some things in our generation nowadays. Ang sarap pakinggan sa tenga na ika’y kinakantahan at hinaharana. Sa panahon noon siguro’y agad-agad nilang sinagot ang kanilang manliligaw dahil sa galing nilang pag-harana, at hindi ba’t nakaka-agaw tingin ang mga lalaking marunong tumugtog ng gitara? Samahan mo pa ng kanilang mga guwapong boses.
Pagbaba’t-pagtaas ng mga string sa gitara’y ang sarap titigan at pakinggan. Ang mga tono ng boses at ang mga nais ipabahagi ng kanta’y nakakatunaw pakinggan. Lahat ay halos kuhang-kuha na upang mapa-sa’yo lamang ang babae na ‘yon. Tunay ngang kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para lang ito’y sumaya sa iyong piling.
Karamihan sa mga tao ngayon ay nagtataka kung mayroon pa bang mga lalaki na ganito, sa palagay ko wala na. Sila’y ibang-iba na sa dati. Ang way nalang ng mga lalaki ngayon ay pag-mensahe sa kanilang minamahal sa pamamagitan lamang ng online. Alam kong may mga tao pa rin na gustong ibalik ang mga nakaraan.
0 notes
Text
Modern Fantasy
Faithful, kind, joyful, humble, family-oriented, and God-fearing, mga katangiang paulit-ulit nilang binabanggit. “Kuyang green flag!!!” sigaw pa nila sa akin. Sorry girls, may nagmamay-ari na nang puso ko.
Habang bumababa ako dito sa sasakyan kong lamborghini na galing pang Hogwarts, ang daming nakakapansin sa akin na tila ako lang ang lalaki sa paningin nila. Mahangin na ba? Pasensya na perpekto lang, pinagpala kasi sa lahat.
Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa hallway. Nahagilap ng paningin ko ang babaeng, katangi-tanging nagpatibok ng puso ko dito sa Star Academy. “Danaya” masaya kong sambit. Bagama’t nakalagay sa kanyang mga tenga ang headphone, narinig pa rin niya ako. “Primo” nakangiting tugon niya sakin. Para akong isang batang naglalarong lumapit sa kanya.
Ibang iba kasi si Danaya sa ibang kababaihan na nakilala ko. Simple at ubod ng ganda ang kalooban. Nagkakilala lang naman kami dahil kay Ellie, my childhood friend. Noong nasa sekondarya palang kami, sa iba’t ibang school kami nag-aral at saka kami pinagtagpong tatlo ngayong nasa kolehiyo na kami. Bale magkaibigan si Elli at Danaya simula pa noong highschool at ngayon ay magkaklase na kami sa kursong astronomical engineering.
Mabalik tayo sa aking sinisinta. Niyaya ko nang kumain si Danaya sa Moonbucks. “Hintayin kaya natin si Ellie, may kinuha lang sa library” ika niya. At dahil masunurin akong bata sa kanya ay umupo muna ako sa tabi at hinintay namin si Ellie.
Ilang minuto lang ang nakalipas, “Guys!” nakaririnding sigaw ni Ellie. “Hindi muna ako makakasama sa inyo dahil may pinapagawa sila sakin sa library. May kukunin lang sana ako pero bigla ba naman akong inutusan?” pagmamaktol ni Ellie. Tumawa nalang kami ni Danaya at umiling. Iba din talaga kapag sobrang talino, hindi maka-hindi kahit hirap na hirap na. Katulad na lamang sa research nilang siya lang ang gumagawa, papaano ba naman, sobrang bait, takot magalit. “Sige na, sige na. Basta next time sumama ka na sa amin” malumanay na sambit ni Danaya na kay sarap sa tengang pakinggan.
Umalis na kami ni Danaya at kumain sa Moonbucks. Umorder lang kami ng dalawang burger steak with rice and fries. Binigay ko sa kaniya yung fries ko dahil paboritong-paborito niya ito. Habang siya ay busy sa kaniyang kinakain, pinagmamasdan ko lang siya. Ang ganda niya talaga. Minsan iniisip ko mga plano ko sa buhay…na kasama siya. Ilang buwan nalang kasi ay tutong-tong na kami sa entablado para tanggapin ang diplomang ilang taon na naming hinintay at pinaghirapan. I have so much plans for her. Gusto namin ni Danaya sabay kaming magrereview at magboboard exam. At kung ipagkakaloob man sa amin ay parehas din sana kaming makakapasa at sana sa SANA (Space Administration and National Aeronautics) nalang kami magtatrabaho. Nasanay na din kasi kami ni Danaya na laging magkasama kaya ayaw namin mahiwalay sa isa’t-isa.
“Primo!” malumanay na sigaw ni Danaya sakin. Bumalik muli ako sa ulirat nang ako ay kanyang tawagin. Tila boses nalang niya ang naririnig ko sa dito mundo, at sa iba’y nabibingi na ako. “Ang sabi ko, after ng finals natin yayain natin si Ellie na magout of town. Pinapakinggan mo ba ako?” agad akong ngumiting tumango sa kanya. Minsan kasi hindi pinapayagang lumabas si Danaya kung hindi kasama si Ellie. Alam naman nang parents niya na may boyfriend siya at ako yun. Naiintindihan ko naman na mas ipinagkakatiwala nila si Danaya kay Ellie kesa sa akin lalo na sa ibang bansa ang pupuntahan namin.
“Oo naman, saan ba tayo?” wika ko. “Sa Dreamland.” agad niyang sagot. One of the happiest country in the world, isa sa mga pangarap kong lugar na puntahan. Dito ko nais pakasalan si Danaya pero huwag muna sa ngayon, may pangarap pa kaming dapat unahin. Nang matapos na kaming kumain ay hinatid ko na siya sa bahay nila at nagpaalam na din kina tito’t tita.
Kinabukasan, magkasama kaming pumasok sa school. Hinanap namin si Ellie dahil ilang araw na kaming hindi nagkakasama. Kung tatanungin ninyo bakit ganito ang set-up namin, okay lang sa aming tatlo ang ganito. May tiwala sa akin si Danaya at ganun din siya kay Ellie. Alam ko din sa sarili ko na siya lang ang mahal ko. Nakikita ko kasi si Ellie na parang kapatid ko na. Only child lang kasi ako at noong bata palang kami, itinuring ko na siyang aking kapatid. No malice.
Papasok na sana kami sa classroom ni Danaya nang makasalubong namin si Ellie. “Ellie, sobrang busy mo naman na ata?” malambing na tanong ni Danaya. “Ang dami kasi nilang pinapagawa sa akin tapos dumagdag pa yung research namin na kapapasa ko lang”. Nalungkot kami bigla ni Danaya. Naaawa na kami sa kaibigan namin. Gusto man naming tumulong ngunit sinasabihan kami lagi na huwag na kasi may kagrupo naman daw siya. Samantalang kitang-kita na namin na hindi naman sila tumutulong. Kung pwede lang sana ipatanggal mga pangalan nila sa research paper ni Ellie.
“Ngayong tapos na lahat, pwede na naming banggitin ni Primo yung balak namin. After final exam, maga-out of town tayo, ako na ang bahala.” masayang sabi ni Danaya. “Kaya sumama ka.” pagtutuloy ko para hindi na tumanggi. “Salamat guys. Promise kapag nakapasok ako sa work after graduation babawi ako sa inyo” masaya na naiiyak niyang tugon sa amin.
Tumuloy na kami sa klase at pagkatapos nito ay sabay-sabay na din kaming kumain. Sinisimulan na din naming magreview para sa nalalapit naming final exam. Ganito talaga kapag 4th year na, no time for other activities. May mga programs naman na nagaganap dito sa school pero madalang nalang kaming umattend at sumali. Hindi ako sporty, pero sa academic part ako bawing-bawi. Syempre ganito mga type ni Danaya, yung hindi tulad ko kundi ako mismo. After ng klase namin ay dumiretso kami sa Enchanted Mall para gumala. Kailangan na naming unahin ang pagbebreakdown para hindi na masakit kapag sa exam kasi alam na naming kami ay mabubungi. Hahaha! Hindi nakakatawa.
Hinatid ko na silang dalawa pauwi, nauna si Ellie dahil sa boarding house siya nakatira at si Danaya naman ay sa bahay na nila. Hinalikan ko lamang sa noo si Danaya bago siya bumaba sa kotse. Tumuloy na din ako pauwi dahil wala na din naman akong gagawin pa. Minsan ay napagkakamalan na din akong bakla ng mga kalalakihan dahil puro daw babae kasama ko. Sadyang hindi lang ako mahilig sa sports kaya walang masyadong bisyo. Mas gusto kong ituon ang pansin ko sa pag-aaral at kay Danaya.
Fast forward, exam day. Magkakatabi kami ngayong tatlo. Habang pinagmamasdan ko si Danaya na nagrereview ay bigla akong kinalabit ni Ellie. “Primo, ikaw ang magaling sa Physics, pareview ako” tumingin ako saglit kay Danaya na ngayon ay nakatingin din pala sa amin. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na tila nagpapaalam kung maaari bang ireview si Ellie atsaka naman agad na tumangong may ngiti sa kanyang mga labi. Bagama’t pinayagan ako ay hindi ko basta-basta ipaparamdam kay Danaya ang selos. “Sige, sige. Tuturuan ko nalang kayong dalawa” sambit ko kay Ellie at tumingin kay Danaya. Pinalapit ko silang dalawa sa akin at agad-agad na nireview sa kanila ang Physics.
Nagsimula na ang exam. Ilan sa mga tanong sa mga exam namin ay hindi ganun kahirap dahil nireview naman namin. Pero ang ilan naman dito ay hindi ko mawari kung bakit sila may dinadagdag na mga tanong na hindi namin alam ang mga sagot. Hindi naman itinuro sa amin at madalang kaming imeet nila maam at sir. Sinagutan nalang namin lahat sa abot ng aming makakaya at nauna nang nagpasa si Ellie, sumunod si Danaya, at ako. “Tara?” tanong ni Danaya. “Saan?” sabay naming sabi ni Ellie. “Sa Dreamland.” agad namang tugon ni Danaya. Nagulat kaming parehas ni Ellie dahil hindi pa kami ready. Ang akala kasi namin ay sa bukas makalawa pa dahil katatapos lang ng exam namin. “Mas magandang ngayon na tayo pumunta kesa magplano pa. Baka mas lalong hindi matuloy” paliwanag ni Danaya. “Sandali lang, magwo-work muna ako para may pera akong pupunta” saad ni Ellie. Oo nga pala, hindi naman basta basta pumunta lang sa Dreamland. “Ano ba kayo, sagot ko na lahat basta mag-impake na kayo.” natatawang sabi ni Danaya. Ang bait naman ng girlfriend ko. “Nakakahiya, Danaya” ang tanging nasabi na lamang ni Ellie bago namin siya hinila papasok sa kotse ko. Hinatid namin siya sa kaniyang boarding house at hinintay na para di na siya makapaghindi pa. Sumunod naman ako atsaka si Danaya na kumuha ng gamit.
Kung sa inaakala niyo ay normal kaming tatlo, ay nagkakamali kayo. Si Danaya ay may kapangyarihang pumunta sa iba’t-ibang lugar sa isang pitik lamang nito. Si Ellie naman ay kaya nitong basahin ang nilalaman ng isip ng tao. At ako naman? Wala, dahil ang kapangyarihan ko ay pagiging mabuting tao. Nagtataka kayo kung bakit parang normal lang ang mga tao sa akademya namin. Ang sagot ay hindi, hindi normal ang mundo namin sapagkat may kani-kaniya kaming kapangyarihan. Nakatago itong akademya na ito sa Alegrea at kami lang ang nakakaalam. Lumalabas kami sa paaralang ito na parang wala lang, tulad ng isang normal na tao, walang kapangyarihan dahil itinatago namin ito. Lumaki kami sa kani-kaniya naming paraiso at doon ay may kani-kaniya ding mga paaralan. Nalaman lang namin na may paaralang nakatago dito sa mundo ng mga tao nang binanggit sa amin ng aming mga magulang na kinailangan naming lumipat sa mundo ng mga tao upang magsanay at mas makilala pa ang mga tao dito. Mas nahahasa ang kapangyarihan namin kung kami ay napapabilang sa mga normal na tao. Ngunit may hangganan din ang kalakasan namin.
Sa Dreamland. “Ang gandaaa” manghang-manghang sabi ni Ellie at Danaya. I’ve been here, kasi dream place ko ito noon. Sinabi ko noon sa sarili ko na dito ko dadalhin ang babaeng makakasama ko sa hirap at ginhawa. I want to do it with Danaya. Kung ineexpect niyo na magpoprose na ako ngayon, hindi pa. May mga pangarap pa kaming dalawa. At kung sa inaakala niyo hindi kami maaaring mamuhay na tulad ng isang normal na tao, nagkakamali ulit kayo. Marunong din kaming magmahal at umunawa ng ibang tao. Kung ano ang narito sa lupa ay ganoon din sa mundo naming may mga kapangyarihan. Kaya ingat na ingat kami upang hindi malaman ng mga tao. Bukod sa paaralang nakatago ay may mundo din kaming kinabibilangan.
Busy na busy ang dalawa na kumukuha ng litrato. “Primo, kuhanan mo kami ng litrato ni Ellie doon” turo niya sa isang museum dito sa Dreamland. Babae nga naman, ang dami kong kinuhang litrato sa kanilang dalawa ngunit hindi daw nila nagustuhan, hindi pa nga nakontento. Hinahanap na namin ang hotel kung saan kami mananatili dahil bukas ay pupunta kami ng Paradise para doon magpalipas ng gabi. Tamang-tama, I want to see the northern lights and meteor shower with Danaya.
Bale dalawang kwarto ang kinuha namin. Syempre magkasama yung dalawa at ako naman dito sa isang kwarto, nag-iisa. I just texted Danaya, “Goodnight, I love you!” with an emoji of flying kiss. She also replied, “Goodnight too and I love youuu” with a finger heart. Tamang kilig lang dito kasi wala namang nakakakita. Ganito kami ni Danaya, kahit na lagi kaming nagkakasama ay hindi namin nalilimutang magpaalam sa isa’t isa. Natulog na lamang ako dahil wala na din naman na akong gagawin. I am just excited for tomorrow.
Nandito na kami ngayong tatlo sa Paradise at inaayos namin itong tent. Pagkatapos namin itong gawin ay nagkani-kaniya na kaming gawain. Ako ay inaayos ang mga kahoy para sa bonfire mamaya, si Ellie naman na inaayos ang mga upuan at lamesa na gagamitin, at si Danaya naman ay nagluluto na. Kinuha namin itong pagkakataong ito upang gamitin ang kani-kaniya naming kapangyarihan upang madali kaming matapos, wala namang nakakakita.
Kinagabihan, niyaya ko si Danaya na pumunta sa lugar kung saan mas malapit naming makikita ang northern lights at meteor shower. Nagpaalam kami kay Ellie at tumango ito ngunit parang may mali sa naging reaksyon niya. May mali ba sa ipinagpaalam namin? Tumuloy na lamang kami ni Danaya at naglapag ng kumot atsaka umupo. Habang kami ay naghihintay ay bigla siyang nagsalita, “Thank you, Primo.”. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na parang nangungusap ito sa akin. “Para saan? Ikaw nga itong nanlibre sa amin.” sagot ko. “At pasensya na sa lahat lahat.”. Bakit may sorry? Wala naman siyang naging kasalanan. “Danaya, promise babawi ako. Pasensya na din dahil wala man lang akong naiambag dito” agad kong paliwanag dahil kinakabahan na ako sa mga sinasabi niya sa akin. Wala naman kasi sa akin ang kapangyarihang magkaroon ng maraming pera kaya kay Danaya kami umasa. Hindi naman siguro siya makikipaghiwalay sa akin di ba? “Ano ka ba Primo, ikaw nga itong naginsist na sagutin plane ticket natin.” patawa nitong sabi. “Bakit ka nagpapasalamat at nagso-sorry sa akin Danaya? Makikipaghiwalay ka na ba?”. Hindi ko na nga napigilang itanong ito sa kanya. “Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun?”. “Nagseselos ka ba dahil lagi nating kasama si Ellie?” agad kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi gustong maramdaman niya na mas nakahihigit si Ellie kaysa sa kanya. Alam niya kasing mas malalim ang pinagsamahan namin ni Ellie. “Ellie is your childhood friend and I understand. She is my friend too. May times na nagseselos ako pero mas nakahihigit ang tiwala ko sa inyong dalawa. I know you will never betray me, Primo”. Of course, Danaya, iyan na ang mga bagay na hindi ko kayang gawin, ang lokohin ka.
Nakatulog si Danaya sa mga bisig ko. “Hmmm” mahimbing na sambit nito. Alam kong hindi na siya komportable sa posisyon namin kaya binuhat ko na siya pabalik sa tent. “Primo”. Agad akong inalalayan ni Ellie habang ingat na ingat kong ibinababa si Danaya na ngayon ay mahimbing pa din na natutulog. “Pwede ba kitang makausap?” dugtong na sabi nito. “Tara sa labas” sagot ko. Lumabas kami para hindi magising si Danaya.
“Primo, may sasabihin sana ako” agad akong kinabahan sa sinabi ni Ellie. “Ano yun, Ellie?” bagama’t natatakot ako sa maaari niyang sabihin ay sinagot ko pa din. “I like you, I really really like you.”. Kita ko sa mga mata niya na para siyang nagmamakaawa. “Ellie, minsan ka na nga lang magjoke ganyan pa. Huwag ka nga!” I laughed at her na kahit alam ko sa sarili ko na hindi siya nagbibiro. I can’t. I can’t like her, may Danaya na ako. “Hindi ako nagjo-joke Primo. Kaya hindi ako masyadong sumasama sa inyo at palagi kong idinadahilan na busy ako ay dahil nahuhulog na ang loob ko sayo. Ayaw kong masira ang friendship nating tatlo pero hindi ko na talaga mapigilan.” nangingiyak na sabi nito. “Ellie, masaya akong nakikita mo akong kagusto-gusto pero hindi ko kayang suklian ang pagkagusto mo sa akin. Pasensya pero hanggang kapatid at kaibigan lang ang kaya kong ituring sa iyo. Ayokong saktan ang puso mo at mas lalong hindi ko kayang saktan ang puso ni Danaya.” pagpapaliwanag ko sa kanya. “Sana maging maayos pa din tayo pagkatapos nito, Ellie.” pagtatapos ko sa aming usapan dahil kaagad na akong pumasok sa tent at tinabihan si Danaya. Hinalikan ko ang kanyang noo, “I love you, Danaya.” sambit ko bago ako tuluyang nakatulog.
Fast forward. Nandito na kami ngayon sa Alegrea. Hindi pa din kumikibo si Ellie. Sinusubukan ko pa din siyang kausapin para hindi mahalata ni Danaya na nagkakagusto ang kaibigan nito sa akin. I have a big respect to Ellie at alam kong alam niyang faithful ako kay Danaya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya para sa akin but I was taught by my parents to only love one. Hinatid ko pa din sila parehas sa kani-kaniya nilang tinitirhan. Dumaan pa ang mga araw at unti-unting bumabalik ang dati naming pagsasamahan nila Ellie. Buti nalang at hindi ito nagkukwento kay Danaya at hindi ko na ito sasabihin kay Danaya dahil ayokong makasira ng samahan. Kaya bilang pambawi ay hinahayaan kong magkasama si Danaya at Ellie para malibang naman sila kahit papaano na wala ako. I don’t worry because I trust them both.
Graduation day. Pagkatapos ng picture taking ay umupo kaming dalawa ni Danaya sa lilim kung saan dito kami laging tumatambay. “Let’s break up.” diretsong sabi nito sa akin. Tila nabagsakan ako ng langit at binaon pa sa lupa. Ito lang naman ang naramdaman ko nang sabihin nito sa akin. Hindi ako naniniwala, ang sama naman ng panaginip na ito. Binabangungot na yata ako. Sinampal ko ang sarili ko. “Totoo ba ito?” pagbabalewala ko. “Primo, totoo ito. Maghiwalay na tayo. Aalis na ako papuntang Alchemy.” sabi nito. Bakit ang bilis? “Di ba andami pa nating pangarap Danaya? After graduation. Kung kailan tapos na tayo sa pag-aaral, tatapusin mo na din relasyon natin?” nangingiyak kong sabi. Sobrang dami ko pang pangarap na kasama siya. Wala naman sa plano namin ang pumunta sa Alchemy, our hometown na ayaw ko nang balikan. “Huwag naman sana ganito Danaya. Nangako tayo sa isa’t-isa na dito lang tayo.” tumulo na nang tuluyan ang luha ko. Wala na akong makita dahil tanging ang luha na ang tumatakip sa mismong mga mata ko. Hindi naman ganoon kadali ang bumalik doon at alam iyon ni Danaya.
“I am sorry, Primo. I need to pursue my dreams alone sa Alchemy. My powers are draining and I need to enhance it para mabuhay pa nang matagal. Alam kong hindi mo ito gusto pero this is what I need. I love you but not as deep as sacrificing my own self just to stay here with you. Nakakapagod din ang mamuhay sa mundong hindi ko naman kinalakihan.”. Nakakaiyak, hindi ko kayang hindi humagulgol. Tumalikod na ito at tuluyan nang umalis. Naglaho ito na parang bula. Ang sakit! I was too attached to her kaya nagkakaanxiety ako kapag wala siya sa tabi ko. Ngayong wala na siya, papaano na ako? My powers are draining too pero hindi maatim ng kalooban ko ang bumalik sa Alchemy.
5 years later… I am now attending a christening. I decided to come back here in Alchemy para mamuhay pa ng matagal. Hindi man maatim ng puso at isip ko ngunit para kay Danaya ay bumalik ako, ngunit huli na pala ang lahat.
1st birthday ni Eliah, my daughter. But I am not the husband. To make the long story short, I am a donor to the couple, Danaya and Ellie. Yes, you read it right. My ex girlfriend and girl best friend. They have been married here in Alchemy for almost 4 years. I insisted to donate mine for Danaya for her to be pregnant. I do not have any clue how they fell in love with each other. Masakit but I respect them. Siguro nalibang nalang ako sa duties ko as engineer kaya hindi na din ako updated sa kanila.
Hindi man kapani-paniwala but atleast until the end, I showed my love for Danaya. Sa mundo man ng mga tao o dito sa Alchemy, I still gave everything I have for her to be happy.
0 notes
Note
✨ stream this link para pumasa this sem ✨
ipasa mo rin to sa 5 mong kaibigan kundi magiging turon ka,, yung kaibigan ko naging bananacue na
[nagseself promote lang ako baka naman 👀]
OI GRABE DI KO YIN INEXPECT WJDBEJDB
ang ganda ng boses mo uwu THE TALENT😌✨
alya ipagpatuloy mo ang pagkanta ha? labyuu sana pumasa talaga ako :")
ipasa ko nalang sa pm yung link mwah kith luv u xx
#DITO AKO MAGFRE FREAK OU#ANG GANDA JSNSNSNSJS#SARAP PAKINGGAN SA TENGA#phq: mails!#phq: farers#pf: alya🤗
7 notes
·
View notes
Text
Ebalwasyon : Once Upon A Tune - ni Gary Granada
atin muling pakinggan ang kanta ni Gary.
youtube
Sino nga ba si Gary Granada? Si Gary Gamutan Granada ay isang kilalang mang-aawit, mahusay na sumalat ng kanta, composer at isang makata.
Natuto siya tugmugtog ng musika noong bata pa lamang siya at sa kanyang pagtanda nagsimula siya sumulat ng kaniyang mga kanta.
Ang isang sikat na kanta ni Gary ay ang "Once upon a tune" ito ay tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa pilipinas. Ginamit niya ang kaniyang kahusayan sa pagsulat ng kanta para makabuo ng isang kanta.
Ang kantang ito ay nagsisilbing mulat-mata sa reyalidad, kung ano talaga ang realidad ng ating bansa.
Ating tatalakayin sa blog na ito kung ano ano ang ibig sabihin ng mga bawat talata na isinulat ni Gary sa kanyang kanta at kung paano ang bawat lyrics ay totoo na nangyayari sa ating bansa.
Pagtatalakay:
1.
Dahil gobyerno, ang nagpasimula
Imbis mapabuti, lalong lumala
Minsa'y iniisip ko, ano kaya
Mas mabuting may gobyerno, o wala?
Simulan natin dito sa simula ng kanta. Base dito sa mga salita na isinulat Gary. Kitang kita dito na ang gobyerno ang mismo nagsisimula ng isyu sa bansa. Imbis na sila ang mamahala upang mapaayos ang isang bansa ito ay lumalala, tulad nga sa kanta "imbis na mapabuti, lalong lumala." Mapapaisip ka nalang talaga kung mas mabuti bang may gobyerno o wala?
2.
Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nangdidikta at nangungurakot.
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga, pera ng publiko
Sa section naman na ito sinasabi na ang mga gobyerno ay makukulit ang kanilang mga daliri pag dating sa pera. May iba naman tinataas ang presyo ng bawat pamilihan, pangangailangan sa bahay, pagkain at iba pa. Tayo rin ay pinagbabayad ng buwis pero hindi natin alam kung saan napupunta yung binabayaran nating buwis. Sa ngayon ang pilipinas ay nagnakaw ng bilyon bilyon na pera at hindi natin alam kung saan nila ito ginamit. Kahit ano pa ang mangyari hinding hindi mawawala ang pangungurakot sa gobyerno.
3.
Bahay kubo, nang tumakbo,
ay naging palasyo, ng nakaupo?
Inom, sugal, sigarilyo’t babae
Libreng personal na grocery
Dito naman ay karamihan sa mga tumatakbo sa kanilang posisyon ay tumatakbo lamang upang makaupo lamang o baka may tinatakasan. kapag nahalal na sila sa nararapat nilang posisyon ay imbis na mapabuti nila ang ekonomiya at tila nilang pinapabagsak ito. karamiha'y di maiwasang magkaroon ng ilang bisyo, subalit ay umiiral ang kanilang pangungurakot, maliban sa bisyo, mayroon din silang mas higit pa sa mainam na badyet, na para sa kanilang personal grocery.
4.
Dollar, dollar, how I squander
From one country, to another
Travel here, travel there
With my relatives, and my dear
Karamihan sa mga politiko ang nakakalimutan ang kanilang pinangako kung bakit sila tumakbo sa mga kani kanilang nararapat na posisyon sa gobyerno. Yung iba paalis alis, kung saan saan sila napunta which is really not their role, their role is to serve to the public pero ang ginagawa nung iba nangungurakot, nagnanakaw o gumagala kung saan mang parte ng mundo. Ang masasabi ko nalng is sana gawin nila ung dapat nilang gawin sa kanilang posisyon sa cabinete. Dahil araw-araw ay lumalala ang ating mga isyu sa pilipinas.
5.
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara.
I guess para sakin ito yung pinakamaganda linya na nagpapaliwanag ng pilipinas ngayon. Dahil karamihan satin mga taong bayan ng pilipinas ay nangangailangan ng tulong sa gobyerno pero ang problema ay hindi ito pinapansin ng mga gobyerno at nagbibingi bingihan at nagbubulagan sila.
ANG AKING REAKYON SA KANTANG ITO:
Napakaganda nitong pakinggan para saakin. Sa bawat salita na kaniyang isinulat sa kanta ako ay namangha dahil ito talaga ang katotohanan ng ating bansa. Mas lalo akong namulat sa realidad nang aking pakinggan at unawain ang kantang ito.
Masasabi ko rin na catchy yung kanta niya dahil sa tono at ang sarap rin kantahin. Ang galing niya maglabas ng kaniyang nararamdaman sa paraan ng pagsusulat ng kanta at kantahin ito sa publiko.
Para naman sa mga makikinig sa mga awitin ni Gary Granada hinding hindi ka magsisisi at pinakinggan mo ang kaniyang mga nilikha na kanta!
KONKLUSYON:
Isa din sa mga isyu nahinaharap ngayon ay ang covid19. Ang ating gobyerno ay wala nang magawa kung pabalik balik sa mga quarantine. Kasama narin dito ang mga malalaking bilyon na ninakaw ng gobyerno.
Sa daming crisis na nangyari at naranasan ng bansang ito ay naisipan parin nilang magnakaw, talagang wala makakapigil sa mga taong uhaw na uhaw sa kapangyarihan. Panay abuso sa kapwa tao.
Sa mga boboto sa nararating na halalan ayusin natin ang ating iboto. iboto natin ang mga taong nararapat talaga sa posisyon na iyon. Upang hindi na lumala ang ating mga isyu sa bansa.
Yun lamang ang aking gustong iparating sa mga nagbasa nito, maraming salamat!
1 note
·
View note
Text
Walang pera ang tula na ito
Ang tanong sa pelikula na four sister's before the wedding ano kailangan natin? Sagot ay Pera!Pera!Pera! Pero wala ka makakuha kahit centimo sa tula na ito Ang tula na ito hindi nga malalagay sa resume Parte lang ito sa mga pagsubok ng mga tao na lumilikha Noong bata pa tayo lahat gusto lumikha Pero noong lumalaki na bigla lumaho ang tangkilik sa paglikha may iba diyan na bata hindi lumalaki Kahit dadak bibig ng mga tito, tita, nanay, tatay at ang mga kapitbahay Na mga linyahan na walang pera diyan, magdoctor, lawyer, o engineer ka na lang kaya Pwes ang mapapayo ko sagot ay Ma'am/Ser alam ninyo ba mas gagastos kayo pagnaging doctor, lawyer o engineer Tignan na lang natin kung mapapatameme ang bibig nila At sa nasa industriya ng paglikha Tanong nakapagbayad na ba kayo ng bill Ah, hinihintay ninyo pa ang bayad ng client ninyo Oo ang client ninyo na sobra maghingi ng request Pero gusto bayarin karampot doon sa total fee At may linyahin paborito na gamitin ng client ay ang mahal naman, eh madali naman gawin iyan Ang sarap batokin pero wala kailangan ng pera Payo lang po sa susunod ninyo na client magdala kayo ng resebo sa lahat ng gastosin para sa isang likha Hay, kung kasing yaman ang mga tao lumilikha sa mga artista nasa 2 at 7, sa politiko, influencers o galing sa old money na familia Baka matatahimik na ang mga bibig na mga kamaganak at kapitbahay Baka magbayad ng tamang buwis ang mga clients Pero isang kathang isip lang ito Kailagan gamitin ang Filipino resillience para gumawa ng likha Pero may side effects ang Filipino resilience Ang side effects ay burnout, over work, copyright issues at magiging gamit ka Totoo hindi mababayad ang bill ang tula na ito Hindi matatahimik ang tula na ito sa mga linyahan na paulit-ulit naririnig ng tenga Hindi magiging instant yaman at sikat ang tula na ito tulad ng mga artista, politiko, influencer o old money familia So ano point ang tula na ito? Ang tula na ito ay para magrant Para ilabas lahat ng saloobin na mga tao sa industriya lumilikha, pangarap lumikha at parte ng buhay ay lumikha Oo nakakainis na gumawa ng likha dito sa bansa pero titigil ba isang tao gumawa ng likha? Hindi, pero pagbigyan mo naman na magsalita, magdemanda kung ano tama at suporta sa likha Ang tula na ito hindi naghihingi ng pera o para makakuha ng trabaho Ang gusto lang na tula ito ay pakinggan ang boses ng mga tao lumilikha
2 notes
·
View notes
Text
March 30
[dedicated to 2ne1′s Park Bom for her comeback this year~]
Hindi naman mahirap magmahal. Pakinggan lang puso. Napaka sarap sa tenga na marininig ang 'mahal kita'. Dalawang salita lamang. Pero tila ito ay musika. Musikang 'sing simple ng 'do re mi'. Simpleng batayan lamang upang makagawa ng isang buong kanta. Kanta na naglalaman ng aking puso. Kantang ikaw lamang ang nais ihele. Kantang nais iparinig sa mundo.
5:29 - 5:32pm
#park bom#2ne1 bom#2ne1 blackjack#poet#poetry#poets of tumblr#Tagalog poem#poemsoftheday#poemsdaily#Poems#original poem#yellowhippo
1 note
·
View note
Text
Lately nahihilig ako pakinggan mga song cover ni Katrina Velarde. Legit sobrang ganda ng boses and ang taas ng vocals. Sarap sa tenga. Chill lang di siya katulad ng iba pag bumirit nakakairita na.
2 notes
·
View notes
Photo
Alone/Together
“Hindi mo siya mahal. Mahal mo lang siya dahil nasanay ka na” - Isa sa mga pinakakatumatak na linya, actually madaming lines na mapapawoaaah at mapapadab ka nalang kaya kudos to the movie’s scriptwriter.
Alone Together taught us to risk in love, this is not just a story of Kilig and Romance, its also about tough decisions in life, about career and maturity, plus the touch of Art at the very least.
Kwento ito nina Raf, Tin at ng Spoliarium or Spolarium (Malalaman niyo sa Movie kung ano ba talaga). Seryoso ang tema ng kwento. Huwag kang mag-eexpect sa mga pakilig at cheesy na eksena dahil ibang-iba to. One thing I assure you is that kikiligin ka naturally habang naluluha at nalilito. Weird no?
Hindi mo aasahan ang mga kaganapan. Surprise, surprise at napakaraming what ifs na parang bombang isa-isang binitawan. Mapapa-tangina ka nalang, tangina ang lutong din magmura ni Quen at Liza. HAHAHAHAHA
Napaka-unpredictable ng pelikula. Ang hirap sabihin kung saan papunta ang istorya. Kaso di ko lang lang trip talaga yung ending, or its just that bitin?
And at last habang nagroroll yung credits ansarap sa tenga ng mga OPM soundtracks. Sarap pakinggan dahil bagay sa istorya. Kaya panuorin ninyo at dala ng tisyu kung mababaw ang luha ninyo.
1 note
·
View note
Text
December 24,2021 before Christmas we cooked delicious food that my family and I shared. And when it was Christmas we ate and then we exchanged gifts and unfortunately we were not complete because we were not with the our brother and sister so they just decided to send a gift for all of us. We weren't very happy because we weren't together. our real father passed away 4 years ago. So we just prayed that we would be there he was with us at Christmas.
Our whole family was very busy on December 31,2021 because we were preparing for the coming new year. So our plan was to have a boodle fight because a lot of people came here, our family members and friends. We arranged the decorations outside. for a better new year. The new year is happy here because there are a lot of people having fun outside and watching the fire works display. After we ate we played and madame den enjoyed because they got a price for the game.
#OPM
ALLMO$T
Itong singer bands na ito ay Isa sa paborito kong music bands Kasi yung mga kanta nila ay nagbibigay chill at nagbibigay aral lalo na sa mundo ng lovelife.Ang kanta nila ay walang harassment Kasi Ang kanta nila ay sobrang gaganda den madame den Ang humahanga sa kanila Kasi sa taglay na ganda ng boses nilang lahat.Sila ay mga rappers den pero silang lahat at meron ding mga single.Sila ay dito nagmula sa pilipinas.Sumikat Ang bandang ito nung na released nila ang kantang "Dalaga" sobrang nag viral noon kaya sila nakilala.
Silent Sanctuary
Sila ay 5-piece Filipino Band Mula dito sa pilipinas.Sila ay Ang bandang matagal nang sikat simula nung makilala sila hanggang ngayun ay andame pa den nagagandahan sa kanilang kanta sobrang chill.Sa lahat ng kanta nila Isa lang ang pinaka paborito ko ito ay Ang "KUNDIMAN" Kasi sobrang ganda Ang mensahe na sinasabe sa kanta na yun pagdating sa magka relasyon na may gusto na gumive up sa kanila just play this music maiisip mona huwag kang susuko agad kahit na nagkakalabuan na kayo.Ang kanta ng Banda na ito ay karamihan ay tungkol sa mga taong masasaktan or nananakitsa partner nila.Kaya kung sino man Ang may idolo sa Banda na ito asahan nyonf magiging magkaibigan Tayo.Kasi hanggang sa ngayun ay sikat na sikat pa den sila kahit na matagal na silang wala sa mundo ng musika.
Bandang Lapis
Sila ay Isang Banda na nagmula den sa pilipinas.Sila ay nakilala noong 2019 ata yun Kasi sa taglay na ganda ng kanilang mga sad songs na talagang mapapaluha ka at maiinspire Kasi Ang gaganda den ng mga mensahe ng kanta sa taga pakinig.Madame den Ang may gusto sa kanila dahil sa mga kanta nila at Ang pinaka nagustuhan ko ay Ang bago nilang kanta na "NANG DUMATING KA" ilang buwan lang ang nakalipas ng ilabas nila itk at agad naman itong nag viral Kasi tungkol Ang kanta na ito sa dalwang magkaibigan na may gusto sa isa't isa na ayaw nila magkahiwalay sila.Kasi doon sa kanta na yun ay tinutukoy doon na pinipigilan ng lalake na wag siyang iwan ng bestfriend nya Kasi ayaw nyang mawala sya Kasi silang dalwa ay magkaibigan na simula pa pagkabata.Kaya nagustuhan ko Ang Banda na ito dahil nga sa mga kanta nila na Ang smooth pakinggan sa Tenga at walang harassment sa kanta ng mga ito.
Parokya ni Edgar
Sila ay Isang Filipino Band den at sobrang sikat pa den sila ngayun.Ang tagal na nila sa larangan ng musika pero hanggang ngayun hinahangaan pa den sila kagay ng dati.Madame Ang nagka idolo sa kanila Kasi ang mga kanta nila ay may halong rock at sad song na sobrang sarap pakinggan at napakadaling sauluhin.Tapos Ang gaganda pa ng boses at mga mensahe ng kanta nila.Sila ay Isa sa mga idolo ko sa pagkanta simula nung nabuhay ako dito sa mundo.Kung tingnan natin halos ilang decada na nung simula na ginawa Ang Bandang Parokya ni Edgar noong 1993 tas ngayun 2022 sikat na sikat pa den Ang kanta nila at hinding-hindi ito makukupas.Luma man Ang kanta may maganda mensahe Naman sa nakikinig sa kanilang kanta.
Jireh Lim
Siya ay Isang single singer na naging idolo ko din pagdating sa pagkanta.Ang mga kanta nya ay ginawa nya tungkol sa pag-ibig na pwedeng maging inspirational sa kanila Kasi Ang gaganda den ng kanta nya na kahit Siya ay nag iisa lang ehh ang dami na nyang nagawang kanta na nailabas sa larangan ng musika.
ENGINNER👷❤️
Simula noong nag high school ako ay ito na Ang pangarap ko at pangarap den ng tatay ko para sa akin.Kaya simula nung high school ako ay nag aral ako ng mabuti at nagkagana ako Kasi gusto ko tupadin Ang pangarap ng tatay ko para sakin.Ang Kaso nga lang ay after new year ay pumanaw sya.At nung last nya ay sinabe at pinangako ko sa kanya simula sa araw na to pangako ko po sa inyo na magtatapos ako ng pag aaral at yun ay gusto nyo den tupadin ko at ituloy ko Ang Hindi nyo natapos na course nung college kayo na ako ang gusto nyo tumapos kaya pinangarap kona den maging engineer Kasi kahit Naman ito ay mahirap kakayanin naman Kasi kapag poinaghirapan mo.ito ay marame Ang hahanga sayo Kasi natapos mo Ang Isa sa pinakamahirap na course sa mundo ay Ang ENGINEER.Ngayung SHS na ako Isa akong STEM student kaya din ito Ang kinuha ko ay malake Ang kinalaman neto sa pag engineer kaya kapag nag college ako ay ENGINEER Ang course na kukunin ko.Kaya gusto ko den matupad to Kasi para maiahon ko Ang pamilya ko sa hirap na dinaranas namin ngayun at yun din Ang gusto ng mga tita ko na kapatid ng tatay ko na makatapos ako at matupad Ang Hindi natapos ng tatay ko at matulungan mga kapatid ko.
Dear Parents
Dade and Mama:
Thank you so much because even though our lives are hard, we are still able to get up and you have worked hard for our brothers and sisters and we can live. You are not angry yet because you are already having a hard time. Don't worry, we will repay you for all your hard work and we will finish our studies and get a good job so that we can be relieved. our family life.
0 notes
Text
December Avenue
Ay isang 5-piece indie pop / alternative rock band mula sa Maynila, Pilipinas na kilala para sa kanilang mga viral na komposisyon online. Ang banda ay isa sa mga Most Stream OPM bands of all-time. Itong kanta na ito ay ang aking pinaka paborito dahil sa kanilang mga kanta na napaka sarap pakinggan sa mga tenga. Ang mga kanta nila ay kilalang kilala din sa ating bansa at lagi mong ito makikita sa mga tiktok, youtube at iba pa. Itong grupo na ito ay iniidolo ko at lagi kong kinakanta mga kanilang kanta lalo na sa mga videoke dahil kapag kinakanta ko ito ako ay nabubuhayan. Sila ay madaming award na napanaluhan tulad ng Most Influential OPM Band of the Year, Best Collaboration, Collaboration of the Year, Best Song Written for Movie/TV, Bronze Wishclusive Elite Circle, Silver Wishclusive Elite Circle. Ang banda ay binubuo ng Zel Bautista sa mga vocals at gitara, Jem Manuel sa gitara, Don Gregorio sa bass, Jet Danao sa drums at backing vocals, at Gelo Cruz sa keyboard at backing vocals. Ang mga kanta nila ay napaka ganda kaya hinding hindi ko mkakalimutan ang banda na ito at hanggang ngayon kinakanta ko padin kanta nila. Sila din ay madaming beses na nominate sa ibat iba award pero hindi lahat nanalo.
#OPM
0 notes
Text
Ben&Ben
Isa ito sa kilalang OPM bands dito sa bansa. Ang Ben&Ben, dating kilala bilang The Benjamins, ay isang folk pop/pop rock band sa Pilipinas. Nabuo noong 2015, nakilala ang banda sa kanilang mga sikat na hit tulad ng "Pagtingin" at "Lifetime", bukod sa iba pa.Isa sa paborito kong kanta nila ang “Araw araw”.Napaka sarap sa tenga pakinggan ang kantang ito.Sinabi din nila na ginawa nila ito para sa mga taong umiibig at patuloy na magmamahal kung pipiliin mo ang tao na iyon sa araw araw kahit na ano pa ang inyong pagdaan at magsisilbing siya ang magsisilbing pahinga mo sa mundong nakakapagod.Hilig ko talaga na pakinggan ang kanta nila,sapagkat sobrang lalim ng mga kahulugan sa bawat kantang mga isinusulat nila.Nagsisilbing itong kalayaan ko or comfort zone ko sapagkat ang mga kanta nila ang nag papagaan ng aking pakiramdam sa mga oras na akoy nalulungkot.Ang mga kanta din nila ay para sa mga taong umiibig.Patuloy kong patutugtugin ang mga kanta nila sapagkat napaka lalim din ng mga lyrics ng bawat mga awitin na ginagawa nilaSobrang saludo ako sa kanila at patuloy na susuporta sa mga kanta nilang ginagawa.
📸:ctto
0 notes
Text
s h i t p o s t (v1.0)
————————————
pwede ba kitang tanungin?
kamusta?
maganda ba ang naging gising mo ngayong umaga?
nagalmusal ka na ba?
papasok ka na?
nakasakay ka na ba?
mamaya na lang ulit magiingat ka kamusta?
nagtanghalian ka na ba?
anong mga kinain mo ngayon?
konting oras na lang kaya mo yan! kamusta?
naging masaya ba ang araw mo sinta? kase sure ako pagod ka na nakasakay ka na ba?
nasaan ka na?
malapit ka na ba?
uy magiingat ka nasa bahay ka na ba?
o sige kumain ka muna matutulog ka na ba?
goodnight, sleepwell, you’ll always be on my prayers ingat ka bukas!
————————————
o diba parang tanga lang? daming tanong na gustong mabigyan ng kasagutan, kung paano ba ang nangyare sayo simula umaga hanggang maguwian, wala lang, hindi naman sa nangengealam at binabantayan gusto ko lang malaman ang kaayusan ng iyong kalagayan.
————————————
kamusta? nagiisip nanaman ako ng paraan pano ba kita makakamusta. Saglit magfafacebook muna hanggang makahanap ng magandang ibabahagi sayo sinta, mukhang sa ganoong paraan makakausap na kita. Hahayaan ko lang na kung ikaw ba ay tutugon o tatapusin nanaman sa isang reaksyon pero ayos lang wala naman ding kawalan kinikilig lang naman ako sa tuwing ako ay iyong mareplyan.
————————————
salamat sa ibinahagi mo, sa video na nakanta ka ng say you won’t let go alam mo ba na nagmukhang tanga nanaman ako? Kakapindot ng paulit ulit para ulit uliting mapakinggan ko. Sobrang sarap sa tenga ng iyong pagkanta, bawat salita di ko na ipagkakaila na talaga namang nakakadala. Itatago ko muna ang ibinahagi mo sinta, at di magsasawang pakinggan sa tuwing ako'y di makaramdam ng maganda. Wait lang nadownload ko na at isasave para maalalang may anghel pala talaga.
————————————
hehe labyu talaga :“)
1 note
·
View note
Text
Paalam.
Paalam sa taong nagbigay liwanag sa'king buhay.
Sa taong nagbigay ng rason para ako'y ngumiting muli.
Paalam, sa taong naging rason para maniwala ako,
Na may lugar sa mundo para ako naman yung masaya.
Sa taong humawak sa kamay ko ng mahigpit,
At sinabing kakayanin namin ang lahat.
Ang nagiisang taong nakaintindi,
Nung ako'y sukong suko na.
Paalam sa taong ginusto kong mapasakin hanggang dulo,
Mayakap at makasama hanggang sa pagtanda.
Sa taong nagpabago sa curso ng buhay ko.
Sa taong nagpaniwala sakin na kaya pang magmahal,
Ng puso kong durog at pagod na sa kakahanap.
Sa taong makakaintindi sa lenguahe ng pag-ibig na alam ko.
Sa taong magbibigay ng pag asa, sa malungkot na kaluluwa ko.
Paalam sa taong nahanap ako nung akala ko'y di na iibig muli.
Sa taong nagpasaya at naging rason ng pag tuloy sa buhay.
Sa taong nagpakita na may pag asa pa,
Kahit walang wala na.
Balang araw, makikita ng taong 'to na di ako nararapat,
Sa mga ngiti niyang abot langit.
Sa pagmamahal, o sa matatamis niyang tawang ka'y sarap pakinggan.
Paalam sa matatamis na sandaling hindi ko kailanman inakalang mapapasakin.
Pero bakit kahit ilang paalam ang sabihin ko'y gusto parin ng puso ko?
Kahit paglisan nalang ang paraan, gusto ka parin balikan?
Gusto paring marinig ang iyong tawang parang musika sa'king tenga?
Gusto paring mahawakan ang mga kamay mo't mayakap ka palagi?
Kahit anong gawin, ikaw parin.
Paano na? Paano na magpapaalam na ako'y lilisan?
Kung ako'y umaasa pa?
Paanong makakalisan sa luhang halos maging dagat dahil sa sakit,
Sa sakit na ika'y mawawala ulit?
Hindi maitatangging mahal na mahal kita.
Kung babawiin ba ang mga nasabi,
Babalik ka ba sa'king tabi?
Kaya paalam nalang,
Hanggang sa muli,
Mahal.
0 notes
Text
Naalala Mo Pa Kaya Ako?
Kumusta ka na? Ilang taon na rin pala ang nakalipas noong huli tayong nagkita. Sana tanda mo pa ko, kasi ako, natatandaan ko pa lahat ng tungkol sayo. Lahat ng "Mahal kita." Lahat ng "Di kita iiwan." Lahat ng "Di ako magsasawa." Naalala mo pa kaya ako?
Sa mga taong 'di tayo nag kasama, Boses mo ang naging musika ng aking tenga. Mga tawa mo sa biro kong walang kwenta Lalo na ang mga bulong mo ng "Mahal kita." Sa sobrang sarap pakinggan, pinaulit ulit ko ito. Sa paggising, sa pagkain, sa pagtulog. Ngunit ngayong wala ka na, paulit-ulit ako nitong sinusugatan. Sa paggising, sa pagkain, sa pagtulog. Ang sarap— at ang sakit pala nitong musikang pinarinig mo sakin.
Sino ba namang 'di maniniwala? Sa mahigit tatlong taon nating pagsasama, bibitaw ka pa ba? Mga away, tampuhan, bangayan, at iwasan! Tapos na nating pagdaan. Kaya naman sa 'yong pag sambit ng "Di kita iiwan" agad naman akong naniwala. Di ko lubos akalaing may dulo pala ang langit. Nauubos rin pala ang tamis, ang lambing, ang init, ang koneksiyon, ang sidhi ng damdaming magtutulak sa inyong dalawa papalapit. Ngayon ko lang napagtanto, Nang pagsabi ko ng "Sa wakas tayo na!" Ay kasunod rin pala nito ay ang pagsambit mo ng "Kung ano mang meron tayong dalawa ay tapos na."
Mahal, tanda mo pa ba ako?
0 notes
Photo
Yung madirinig mo sa bubong ng bahay, habang nakahiga at nakayakap sa unan, ninanamnam ang bawat pag patak. Ang sarap pakinggan sa tenga.
0 notes