#Pag ibig ng Diyos
Explore tagged Tumblr posts
definitely-not-so-pogi · 6 months ago
Text
Ako si Hudas at ako'y isang makasalanang nilalang, isa akong sinungaling at mapagtungayaw. Ngunit ako'y tao lamang at mapusok sa buhay at sa aking pag-ibig. Handa akong hamakin ang lahat para lamang siya ay mapasakin— hindi siya para sa Diyos. Siya ay akin at ako'y handang pumatay. Kibit-balikat at walang pagsisisi kong ipagkakanulo ang sakaniya'y magtatangkang magligtas.
Ako si Hudas, ang panganay na anak ni Divina, na apo ni Lolita, na anak ni Alejandra at isa akong sinungaling, mapagtungayaw, at mapagkanulo. Hindi ako papatay ngunit handa akong sambahin ka at linisan ang mga paa mo sa pamamagitan ng mga labi ko.
12 notes · View notes
deeicarus · 1 month ago
Text
Isusuko ang lahat sa kaniyang mga palad, sapagkat siya ang aking Diyos at minamahal—ang kaniyang mga salita ay ang aking Bibliya. Siya ang nagparamdam na para akong nasa ibang planeta tuwing nagmamahal.
Tumblr media Tumblr media
Hindi nababasa sa kahit anong bibliya ang pag-ibig na ibinigay mo, sinta. Patuloy na mangingibabaw sa kahit anong planeta ang naramdamang pagmamahal—hinigitan mo ang pag-ibig na binigkas ng Panginoon. Mas naging bihasa tuloy ang balat kong makiramdam sa haplos ng mga palad mo kaysa sa pangaral mula sa simbahan.
Bukod ka ngang natatangi kaysa sa pag-ibig na binigkas ng Maykapal—kaysa sa ibinigay niyang pagmamahal. Hayaan mong tuluyang maging sakramento ang paghalik labi mo’t sundin ang ninais ng tadhana para sa ating dalawa. Pahintulutan mong mahalikan ito’t pumunta sa kabilang planeta dulot ng umaapaw na pagmamahal na naramdaman ko sa ‘yo.
Luluhod para sa ’yo, na para bang ika’y rebulto ng isang santo.
Papabayaan ang pagbagsak ng aking dalawang tuhod kahit pa sa harapan ng bawat bathalang kilala mo, ngunit tanging paa mo lamang ang hahalikan upang maramdaman mong higit ka sa kahit anong bathala, Panginoon–sa mga sinasamba nila. Ikaw lamang ang tanging gagawan ng dambanang may itsura mo na luluhuran ko.
Wala nang hahanapin pa sa ibang planeta, marahil dahil nalagpasan pa ang pakiramdam sa bawat ligayang naasam. Pangalan mo ang sasambitin tuwing gabi, higit pa sa mga nakaukit na salita sa bibliya. Titingalain ka tulad ng isang planeta. 
werinvariably-koward
2 notes · View notes
mybeautifulchristianjourney · 4 months ago
Text
Tumblr media
2 Timoteo 1:7 Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.
For the Spirit that God has given us does not make us timid; instead, his Spirit fills us with power, love, and self-control. — 2 Timothy 1:7 | Magandang Balita Biblia (MBB) and Good News Bible: British Edition (GNBUK) Magandang Balita Biblia © 2012 Philippine Bible Society and Good News Bible (British Version) © 1992 The British and Foreign Bible Society Cross References: Isaiah 11:2; John 14:27; Romans 8:15
Read full chapter
What Does 2 Timothy 1:7 Mean?
3 notes · View notes
apopcornkernel · 6 months ago
Text
i have a lost days playlist that has way too many florence songs in it btw ^^
special highlight of the first song, SA HINDI PAG-ALALA, by munimuni: i believe this one is the most jason lost days core of them all. i also believe that sharing is caring so i will translate it for you guys below the cut. so that u can agree with me
[Verse 1] Kakalimutan na kita (I will forget you now) Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo (Please ensure that we can truly never be together) Napagisipan mo na ba (Have you thought about it yet) Dahil kakalimutan na kita (Because I'm going to begin forgetting you now) Ito na (Here I go) Ito na (Here I go)
[Verse 2] Kakalimutan ko narin (I will forget as well) Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin (All the things you said that never actually meant anything in the end) Pati narin ang 'yong ngiti (I will forget your smile) At mga luha sa 'yong paghikbi (And the tears you cry in the midst of your sobbing) Ito na (Here I go) Ito na (Here I go)
[Verse 3] Buburahin na sa isip (I will erase from my thoughts) Ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa (The shape of your eyes when you laugh) Kung pano ka ba manamit (How you dress) Pati kung pano ka ba umidlip (How you slip into naps) Ito na (Here I go) Ito na (Here I go)
[Bridge] Paalam na nga ba? (Is this goodbye, then?) Kung hindi na tayo magkikita (If we shall never see each other again, then) Nawa'y mangyaring (May the hand of God) Hilahin tayo ng kamay ng Diyos (Pull us back to each other) Sa isang pagkikita (For a single encounter) Sa isang pangitain (For a single vision)
[Outro] Kakalimutan na kita (I will forget you now) Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo (Please ensure that we can truly never be together) Napagisipan mo na ba (Have you thought about it yet) Dahil kakalimutan na kita (Because I'm going to begin forgetting you now) Ito na (Here I go)
:)
6 notes · View notes
elnotfound · 11 months ago
Text
Life update (year 2023)
Disyembre 7: (no longer believe in love)
Nawala yung taong pinakamahalaga sa akin, taong nand'yan palagi, taong I can rely on everything, taong kaya kong maging confident at comfortable kapag kasama ko, taong lagi akong sinasabihan na mahal niya ako, taong hindi ako kinakabahan sa tuwing kasama ko siya, taong mahal na mahal o minahal ko nang buo at tunay, taong nagpaniwala na totoo 'yong pag-ibig kailangan mo lang maniwala o magtiwala at higit sa lahat taong nagpaniwala rin na kahit mahal mo 'yong tao kailangan mo pa ring pakawalan dahil siguro iyon 'yong magandang desisyon para sa inyo. To tell you the truth, sa ngayon kaya ko na o nasasanay na akong wala ka, pero iba pa rin pakiramdam buhat noong naghiwalay tayo. Siguro hindi ko pa alam kung anong 'sense' bakit kita nakilala at kalauna'y naghiwalay rin, hindi ngayon pero sa hinaharap babalikan ko 'to at matutuklasan ko kung bakit. Sana, nasa maayos kang kalagayan, huwag ka nang ma-guilty. I'm no longer hoping for both of us. I'm okay at definitely makakabangon din sa dakok na ito! Thank you for leaving and setting me free. Malaman ko lang na masaya ka, masaya na rin ako! :)
Disyembre 17-21: Baguio (City of Pines)
Sa mga araw na 'yan nasa baguio ang ilang mga guro, sa totoo lang napakagandang manirahan sa baguio; malamig ang klima, mabilis kumilos ang lahat at higit sa lahat magaganda ang tanawin, nakaka-relax at nakakaengganyong mabuhay, sana lang talaga mayroon pa akong pagkakataon na bumisita muli roon na hindi na dahil sa trabaho. Nga pala, isa ako sa napiling 'writer' kuno para sa MATATAG CURRICULUM, gumawa at bumuo kami ng iba't ibang activities para sa anim (6) na booklets. Sa totoo lang? Hindi ko alam bakit ako isa sa mga napili kasi iniisip ko, bago lang ako at walang gaanong karanasan bilang isang manunulat at kung iisipin napakaseryoso ng trabaho na 'yon, pero naisip ko na lang kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil binabayaran ako ng gobyerno at higit sa lahat para rin 'to sa mga bata, at aminin ko man sa hindi eh, pangarap ko rin talagang maging isang manunulat at malimbag ang pangalan kong nakaimprenta sa isang libro, siguro stepping stone na rin 'to no? Na tuparin pa ang iba ko pang pangarap sa buhay. Sa tulong ng Diyos, nairaos ko naman 'yong sa baguio, nagawa ko naman nang tama at maayos trabaho ko kaso nakaka-pressure lang din talaga kasi magagaling mga kasamahan kong guro, sana makatrabaho ko muli sila (Bb. Dar at Bb. Karen).
...So, sa apat (4) na araw na na namalagi kami sa baguio, nakatulong din siguro sa akin iyon na hindi ka muna maisip, naging abala rin kasi ako sa paggawa o pag-iisip ng iba't ibang estratehiya na epektibo at angkop na aktibidad para sa ikawalong baitang dahil ayokong mapag-iwanan, pabigat at maging caused of delay ng departamento namin, mabuti na lang talaga at naging productive ang paggawa ko sa baguio kahit pa napakahirap makasagap ng internet sa lugar na 'yon, na-challenge kami bagamat minadali eh maganda pa rin naman ang kinalabasan, magiging mapagpasalamat ka na lang talaga eh dahil umayon pa rin sa amin ang oras at panahon. Ngunit, pag-uwi ko sa bangkal, kumaripas na naman ang mga luha ko sa pisngi, 'yong lungkot na kinimkim ko sa loob-loob ko buhat ng apat na araw na nasa ibang lugar ako. Tahimik na hikbing pagluha dahil may kasama akong ibang naninirahan sa inuupahan ko ngayon, ito 'yong iyak na buhat nang kalungkutan at pighati dahil siguro miss na miss na kitang kwentuhan sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko, dahil ikaw lang naman 'yong taong lubos akong kilala, masaya man o malungkot ako. Mariin kong pinunasan 'yong mga luhang ayaw magpaawat sa pagbagsak, naisip ko nga na baka ako na lang iyong nakakaramdam ng sakit na ito na baka nga siguro okay ka na samantalang ako ay nagmumukhang tangang nagluluksa sa pagkawala mo. Hayaan mo, darating ang panahon na makalilimot at maghihilom din ako sa sakit na naranasanan ko buhat nang matamis at mapait na pagmamahal mo. Nais kong dumaan sa tamang proseso nang paghilom, tipong salat, latak at ubos na itong nararamdaman ko sa iyo hanggang sa mamanhid at hindi ko na naiisip ang pangalan mo, araw ng kapanganakan mo, paborito mong kulay o ulam, paraan mo ng pag-iyak, pagtawa o pagngiti o mismong pagkatao mo. Pero, hindi na para bumalik sa iyo upang masaktan muli, hinahangad ko pa rin ang tunay mong kaligayahan at tagumpay mo sa buhay :))
Disyembre 21-22:
Kahapon umuwi ako ng taytay kasi baka masiraan lang ako nang bait kapag nagpatuloy pa rin akong mag-stay sa bangkal, baka hindi ko kayanin at umiyak lang ako maghapon. Mas maigi na rin na nandirito ako para kasama ko ang pamilya ko hanggang magbagong taon. Ano bang mga ginawa ko? Lately, madalas na akong manood ng movies/series. Hmmm, natapos ko 'yong 'Don't Buy the Seller, Elemental' at sa ngayon pinapanood ko 'yong 'You' na pinagbibidahan ni Penn Badgley, grabe sobrang must watch ito, sobra akong hooked, invested at interested sa storyline ng series na ito, sana nga lang matapos ko hanggang Season 4 dahil gusto ko 'yong mga ganitong klase ng palabas.
7:02PM
Nalalapit na ang pasko, kaya ko siguro rin nasabi dahil tatlong araw na lang pasko na, malamig ang simoy ng hangin, marami nang nagtitinda ng prutas, laruan o mga panregalo sa talipapa, may mga palamuti ng nakasabit ang bawat bahay rito at higit sa lahat ito na ang panahon na makikita't maririnig mong nagsisipag-awitan o nangangaroling ang mga bawat bata sa bahay-bahay, ika nga nila namamasko sila at nais makatanggap ng aginaldo dahil nagbibigay nang ngiti at kasiyahan sa kanila, sana nga no? Madama ko rin 'yong sayang totoo at hindi lang hanggang umpisa, iyong hindi lang seasonal at pansamantala, 'yong ligayang panghabambuhay, hindi man lagi pero alam kong mananatili. :))
Patiently claiming and manifesting..
AKO naman at KAMI naman sa 2024!
Maligayang pasko pa rin para sa lahat!
8 notes · View notes
soleevan · 9 months ago
Text
Marami akong bagay na ayaw sa mundo. Kabilang sa napakahabang listahan ko ay ang dilim, makikipot na daan, at mga taong may kakayahang bahiran ng dumi ang persepsyon ng isang tao sa kaniyang sarili. Nakakapangamba, na sa isang salita, maging sa simpleng kilos gaya ng pagtaas ng isang kilay at ‘di kaaya-ayang tingin, ay napupunan nito ang iyong isip ng libo-libong duda. Paanong sa ilang segundo, nawala nang parang bula ang kompiyansang nabuo mo sa mahabang panahon? Paanong hindi na kasing tingkad ng iyong pag-ngiti kahapon, maging kislap sa iyong tingin ay naglaho ngayon sa harap ng iyong repleksyon? Minsan madalas, mas madali pa sa iyo tumanggap ng kutya’t kabulaanan kaysa katotohanan. Parang kahit ilang libo man ang matanggap mong papuri sa libo-libong tao, mas tatatak pa rin sa iyo ang mga salitang nakakapagpalubog ng iyong puso.
“Ang ganda mo.”
“Parang hindi naman.”
Kung gagawaran mo ako ng pribilehiyo na hawakan ka’t mapalapit pa nang husto sa iyo, luluhod ako sa harap mo’t yuyuko para halikan ang iyong talampakan, pataas sa mga parte ng iyong katawan na iyong kinamumuhian. Imamapa ko ang pook ng mga dahilan ng iyong bawat paghikbi sa kinagabihan, pag-iwas mo ng tingin sa kamera’t maging paglaho ng iyong ngiti kapag natatapat ka sa panganinuhan.
Kung p’wede lang, kusa sanang mapunta sa akin lahat ng dahilan sa likod ng pagsimangot mo—lahat ng dahilan kung bakit mababa ang tingin mo sa iyong sarili, at ibabalik ko ito sa iyo sa anyo ng pag-ibig. Bibinyagan kita ng aking mga halik, ang bawat yapos ko’y magsisilbing pang-alis ng hindi magandang pakiramdam na nakaukit sa iyong isip. Sana alam mong sa mga mata ko’y mukha mo’y perpektong nililok—ikaw ang personipikasyon ng salitang perpekto. At kung totoo man ang Diyos, walang duda na ikaw ang kaniyang paboritong likha rito sa mundo.
Tangina, ang ganda mo.
Hindi ako magsasawang iguhit at ipinta ka sa tela ng aking kuwadro, maging sa aking mga kwaderno. Ikaw ang inspirasyon sa aking isusulat na libro, maging paksa sa tula’t mga prosa na isasatitik ko. Ikaw ang nag-iisang musa sa aking museyo.
Marami akong bagay na hindi gusto, at isang kagustuhan naman sa buhay ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na humiling sa dyini, tatlong beses kong nanaisin na mahalin mo ang iyong sarili gaya ng pagmamahal ko sa iyo, tangi.
Sulat para kay Yaretzi, galing kay Sullivan.
5 notes · View notes
cowboiibebop · 2 years ago
Text
wrote this tune way back 2019 and it has since been half-completed until today. A harana song titled “O, Hirang”
Sa bawat pagpintig ng puso
Oras ay humihinto
Nadarama ko’y ‘di nagbibiro
Nais kong malaman mo
Ang pag-ibig ko’y sa iyo lamang
Sulyapan mo man lang, O hirang
Nang daigdig ko ay ‘di magmaliw
Sambitin ako lang din ang tangi
Sa ‘king pagdarasal
ngalan mo ang laman
Bakit ‘di pagbigyan?
O, Diyos ko, pagbigyan
Kulay ng kalangitan
Nagbabadya ng pag-ulan
Pinto ay buksan
Nang iyong malaman
Tumblr media
8 notes · View notes
dzeyzi · 1 year ago
Text
Palagi
Lumipas na ang mahigit isang taon Ngunit pag-ibig kong alay sa ‘yo ay nandito pa ring nakabaon Minahal kita sa mga nagdaang kahapon At pag-ibig ko’y patuloy pa ring umaahon hanggang ngayon
Isang taon na rin ang lumipas noong nakilala kita nang walang kamalay-malay Hindi inaasahang pati puso ko’y kasama mong tangay Batid kong malayo ka man at hindi mahahawakan ang iyong kamay Ngunit asahan mong ang pag-ibig ko sa ‘yo ay mananatiling pantay
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking kaisipan Noong una kitang nakilala mula sa kapaligiran kong puno ng ingay at kalungkutan Hindi ko inasahan na ikaw pala ang siyang magbibigay kulay Sa mundo kong walang buhay
Hindi ko namalayan na ikaw na pala ang dahilan Sa aking mga dinadasal At tuwing ikaw na ang pinag-uusapan Tila ba parang ako’y nauutal
Ngunit ngayon na nandito ka na Kahit may natitira pang pangamba Alam kong si kupido na ang dahilan sa pagpana na aking nadama At panatag na ang aking loob na ako’y sayo itinadhana
Sa Diyos ay ikaw lamang ang tangining hinihingi At ika’y hindi na ibabahagi at itatanggi Dahil alam mo namang hanggang sa huli Ako’y sayo palagi - jc a poetry i made inspired by tj monterde’s palagi :)) dedicated to my beloved, doc tricia <3
5 notes · View notes
for-d-win · 1 year ago
Text
Friday of the 27th Week in Ordinary Time | 13 October 2023
'Wag po nating buhusan ng malamig na tubig ng ating inggit ang init ng pag-ibig ng isang tao para sa iba.
Kung hindi na po ninyo matatanong, 10 buwan pa lang po akong pari at sa kasalukuyan po ay naka-assign po ako sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary. Dito po nag-aaral ang isa sa mga seminarista po ng inyong parokya, si Yashua Caladiao.
Noong inoohan ko po last year si Cardinal Advincula na maging formator o tagahubog ng mga batang ito para maging future priests natin, ang akala ko po ang trabaho ko lamang ay magbantay sa kanila - turuan silang magdasal, turuan ng mabuting asal, turuan paano mapalapit sa Diyos, paano magsalita sa harap ng maraming tao... at inisip ko nung una, madali lang pala.
Pero kinalaunan, minsan napadaan po ako sa aming accounting office. Nakita ko po yung aming treasurer na pari, nagkakamot ng ulo, stressed na stressed. Sabi ko, "Father, anung problema po?"
Sabi niya, "Ang dami sa mga seminarista natin, hindi pa nakakabayad ng kanila monthly board and lodging." Eh magkano na po ba ang board and lodging ng isang seminarista ngayon - Php. 7,000 pesos multiply by 10 months = Php. 70,000 plus Php. 18,000 na miscellaneous fee - Php. 88,000. Almost isang daang libong piso kada taon.
Eh hindi naman po lahat sa mga seminarista namin ay galing sa mga naka-aangat na pamilya - ang iba po, ang parents nila ay fishball vendor, ang iba naman po ay midwife. Saan po sila kukuha ng 100,000.
Ang daming may utang naming seminarista. Kaya sabi ko, akala ko, magbabantay lang ako ng mga bata, yun pala, kami rin hahanap ng pambayad sa kanilang mga gastusin.
Isang beses, nagmisa po ako jan sa Makati - may lumapit po sa akin, "Father, I am willing to help you and your seminarians po! I will give you Php. 50,000 per month just to pay for the utang of your seminarians. But please - NEVER MENTION MY NAME AS THE DONOR! Even in your intentions sa Mass do not put my name.
And I asked, "Why?"
"Kasi Father, sa society natin ngayon - may magawang mali na hindi sadya, ang daming sasabihin ng ibang tao. 'Pag gumawa ka rin ng tama o mabuti - MAS MARAMING MASASABI ANG IBANG TAO."
At aminin po natin, minsan ganito rin po tayo gumalaw - kapag ibang tao ang nakita nating gumagawa ng mabuti, imbis na tayo ay matuwa, imbis na tayo ay magpasalamat, nilalagyan po natin ng ibang kulay ang kanilang malasakit.
"Nanlibre yan kasi gusto niya lang manalo sa susunod na election natin ng officers sa MBG!"
"Ayan nanaman siya, nagpakitang gilas nanaman siya, maghapon na nag-serve sa Parish, palibhasa, sipsip siya kay Kura!"
Katulad po sa ating ebanghelyo, narinig natin na gusto lang naman ng Panginoong Hesus na itaboy ang masasamang espiritu na sumapi sa mga tao. Imbis na siya'y pasalamatan, inakusahan pa na humihingi ng tulong sa demonyo (Beelzebul) rin para itabay ang kapwa nito demonyo. Nagmagandang loob na nga, pinagdudahan pa.
Kaya napapatanong po ako, "Bakit nga ba natin sinisiraan yung mga taong mas mabait, mas mabuti, mas masipag, at mas generous kaysa sa atin?"
Hindi po dahil inggit tayo - bagkus, takot tayo - takot na sa kabutihan nila, maiwan tayo, matabunan tayo ng kanilang kabaitan, na makalimutan tayo at 'di tayo mapansin dahil hindi natin kaya maging mabuti katulad nila.
Mga kapatid, "Wag po nating buhusan ng malamig na tubig ng ating inggit ang init ng pag-ibig ng isang tao para sa iba."
Bagkus, dagdagan pa natin ang alab ng kanilang pagmamahal nang sa gayon, mas marami ang mapaso, makaramdam ng pag-ibig ni Hesus sa sanlibutan.
'Wag sana tayong magkumpetensya kung sino ang pinakamapapansin. Bagkus ang paglabanan natin, sino ang mas nagmahal, sino ang mas nag-alay ng buhay, oras, at pagod para sa iba.
Amen.
Year I Readings:
Joel 1: 13-15; 2: 1-2
Luke 11: 15-26
2 notes · View notes
walphs · 2 years ago
Text
Tumblr media
Believing Without Seeing
By Ralph R. Sarza
Original final script | April 23, 2023 Preaching for Open Table MCC | Gospel Reading: Luke 24:13-35
SA MISMONG ARAW NG MULING PAGKABUHAY NI HESUS, dalawa sa mga tagasunod Niya ang papunta sa Emmaus, isang komunidad na nasa labing-isang kilometero ang layo mula sa Jerusalem. Habang naglalakad sila at nag-uusap tungkol sa mga nangyari kay Kristo sa Jerusalem, they were interrupted by Jesus. Ang sabi ni Hesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo?”
Now, Luke states that the eyes of the disciples “were kept from recognizing Jesus.” Ibig sabihin, hindi si Hesus ang nakikita ng mga mata nila kundi isang estranghero.
Nakatayo lang yung dalawa, malungkot, at ang tanong ng isa sa kanila kay Hesus, “Ikaw lang ba ang nag-iisang estranghero sa Jerusalem na hindi alam kung ano ang mga naganap doon?” Now, this is actually a funny and ironic scene because, kung meron mang nakakaalam sa lahat ng mga bagay na nangyari sa Jerusalem, that was the stranger in front of them — that was Jesus.
So ang lola n’yo, patay-malisya: “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a PROPHET (emphasis sa PROPHET)… and how our chief priests and leaders handed Him over to be condemned to death and crucified him.”
I would like to emphasize the use of the word PROPHET, instead of MESSIAH, because it’s an implication that the two disciples had lost their faith in Jesus. In fact, sabi sa verse 21, “We had hoped that He was the one to redeem Israel.” HAD HOPED. Past perfect tense. Nawalan na nga sila ng pag-asa, nawalan pa sila ng pananampalataya.
And before I go on, I want to validate the disbelief of the two disciples. For indeed, we have witnessed numerous instances that have left us disenchanted and disheartened, ranging from the complexities of family dynamics, the intricacies of financial matters, and the often turbulent realm of Philippine politics.
LAST MONTH, sa loob lamang ng isang linggo, actually sa loob lamang ng dalawang magkasunod na araw, na-reject ako sa dalawang in-apply-an kong trabahong bet na bet ko talagang makuha. It was a humbling experience, it made me realize that I am not the best and the world doesn’t revolve around me, but it was also a very frustrating experience. Ang sakit kasi breadwinner ako, three years na kaming walang pay raise dahil sa ABS-CBN shutdown, at oras ang kalaban ko. I need a better-paying job, not today, not yesterday, but months ago.
At tulad ng “pagkabulag” ng dalawang tagasunod ni Hesus, nakakabulag din sa pananampalataya ko ang mga panahong frustrated ako, galit, malungkot, at talunan. “Bakit hindi ko maramdaman ang sinasabi nilang grasya ng Panginoon?” “Totoo ba ang ‘Jesus story,’ o inimbento lang ‘yan ng mga sinaunang tao para paniwalain ang mga sarili nilang may ‘forever’ after death?” “MAY DIYOS BA TALAGA?!”
In fact, nung may kinonsulta ako kay Pastor Joseph tungkol dun sa isang job application kung saan na-reject ako, I told him na nagiging agnostic na ako recently at nahihirapan akong magdasal.
Kapag napapagod na tayo sa buhay, kapag hindi natin nakukuha ang gusto natin, mas madaling sisihin ang universe o kuwestyunin ang existence ng Diyos dahil ‘yon ang mas convenient.
So the two disciples became doubtful after they learned that the body of Jesus was nowhere to be found: Verses 22-24: “Some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find His body there, they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that JESUS WAS ALIVE. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see Him.”
Sinabihan na silang JESUS WAS ALIVE, pero they still chose not to believe and just leave. So naimbyrena si Hesus at inawardan sila. Verse 25: “Then He said to them, ‘Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into His glory?’”
So ang ginawa ni Hesus, “nagpa-Bible study” ng Old Testament para i-remind ang dalawa tungkol sa ugat ng pananampalataya nila. And that’s very noteworthy, kasi minsan, kumbaga sa halaman, ano ba ang pumipigil sa pag-blossom ng bulaklak? Baka naman hindi nakakakuha ng sapat na nutrients, so didiligan mo nang sapat at maayos ang mga ugat nito. Minsan, kapag nawawalan na tayo ng pananampalataya at pumupunta na lang tayo sa MCC para sa mga “baklaan” at hindi dahil kay Hesus, kailangan nating balikan ang ugat ng problema na tumulak sa’tin para maghanap ng espasyong tulad ng MCC. At ang ugat ng problema na ‘yon ay ang katotohanang hindi tayo binigyan ng dati nating mga Simbahan ng espasyo na maging Kristyano at queer at the same time.
Kaya tayo nandito sa MCC kasi kailangan natin ng chosen family na gagabay sa’tin para mag-blossom tayo by being our authentic self. Kaya tayo nandito kasi alam nating may potensyal tayong maging magagandang mga bulalak, at alam nating hindi tayo mamumukadkad habang nasa konserbatibong hardin tayo at ang pinandidilig nila sa’tin ay kung anu-anong mga kathang-isip na kasalanan.
Nung malapit na sila sa Emmaus, nagpatay-malisya ulit si Hesus, and He walked ahead as if He were going on. Pero pinigilan Siya ng dalawang desipulo. “Stay with us because the day is nearly over.” Sumama sa kanila si Hesus. No’ng nasa hapag na sila, kumuha si Hesus ng tinapay, binasbasan N’ya ito, biniyak, at inialay sa kanila. Pagkatapos ay namulat sila, nakilala nila si Hesus, at bigla Siyang naglaho sa kanilang paningin.
“Were not our hearts burning within us while He was talking to us on the road, while He was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and He has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how He had been made known to them in the breaking of the bread.
The story of the Road to Emmaus prompts us to contemplate the profound impact of encountering the risen Christ and underscores the importance of community in our personal journey of transformation. It reminds us to actively seek guidance and support from others and to remain receptive to the possibility of encountering the Divine in unexpected and unconventional ways.
Naramdaman ko noong nakaraang eleksyon ang frustration na naramdaman ng dalawang tagasunod ni Hesus. Alam ko ang pakiramdam ng magpakapagod para sa kinabukasan ng bansa, at ang mapangakuan ng pag-asa at makita itong maglaho na parang bula dahil sa maling pagpili ng mga taong biktima ng bulok na sistema at nilang mga namulat na sana ngunit mas piniling hindi makakita.
Nakakagalit. Nakapanghihinayang. Pero tulad ng nangyari sa Daan Patungong Emmaus, mga estrangehero rin ang nagpakita sa akin ng daan pabalik sa muling paniniwala at patungo sa panibagong pakikibaka. Mga estrangherong galing sa iba’t ibang karanasan at katayuan sa buhay, ngunit pinagbubuklod ng isang kulay — isang kulay na simbolo ng pag-asa, hustisya, at totoong pagbabago.
The story of the Road to Emmaus is a compelling reminder that the Resurrection of Jesus transcends mere historical significance, but rather represents an enduring invitation to encounter the Divine and undergo transformation. It enlightens us to the unpredictable ways in which the risen Christ can manifest in our lives, be it through chance encounters with strangers or through introspective reflection. Embracing this invitation sets us on a transformative journey of growth, change, and renewal, affording us the opportunity to flourish into a life imbued with deep meaning and purpose.
Finally, the story of the Road to Emmaus reminds us that, if we have unwavering faith in Jesus, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, not even death can make us part.
-30-
4 notes · View notes
hanilou · 2 years ago
Text
TULA PARA KAY
PARA SA AKING MAHAL NA MAGULANG
Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro
Mula ng ako'y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo
Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko
Ako'y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap akoy pinag aral
Upang 'di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko'y unti-unting natutupad
Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap
Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat
2 notes · View notes
maryroseloquinario · 2 years ago
Text
Eraserheads: O, Diyos ko..ano ba naman ito.. di ba..tanghiya..nagmukha akong tanga Pinaasa niya lang ako.. Letseng pag-ibig to.. O Diyos ko..ano ba naman ito....
Ben and Ben: Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana Na minsan siya'y para sa iyo, pero minsan siya'y paasa Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat
💔🥺
2 notes · View notes
tiatira · 1 day ago
Text
PAHAYAG NI HESUS 2
Mga Puna: Ang simbahan sa Efeso ay kumakatawan sa kapangyarihan ng pag-iisip at ng mga kaisipan nito.
Ang tunay na katalinuhan ay ginagabayan ng banal na karunungan, na itinuro ni Jesus sa Banal na Bibliya. Kaya, hindi tayo minamanipula sa kasamaan. "Ang isang walang laman na utak (o abala sa kasamaan) ay pagawaan ng diyablo."
Ang una nating saloobin ay dapat na mag-isip, ngunit mag-isip tulad ng iniisip ng Diyos at ni Jesus!
Nais ni Hesus na ang ating katalinuhan ay gamitin upang itama ang ating sarili! 
Ito ang unang pag-ibig sa kapwa: mahalin ang iyong sarili at mahalin ang iba gaya ng pagmamahal sa atin ni Hesus.
Ang simbahan sa Smyrna ay kumakatawan sa kapangyarihan ng makakita at makarinig. 
Ang banal na karunungan ay binabalaan at itinuro nila. Ang kanyang mga turo ay nagmumula sa pagbabasa ng Bibliya at iba pang banal na aklat o sermon.
Dapat din nating bigyang pansin ang mga intuwisyon ng ating mga anghel na tagapag-alaga!
Tumutulong din sila sa pagtanggal ng masamang impormasyon.
Ang Simbahan sa Pergamum ay kumakatawan sa ating kakayahang magsalita.
Kaya, para sa ating ikabubuti at ng iba, dapat lamang tayong magsalita ng mabubuting bagay, alinsunod sa mga turo ni Hesus.
Ang dalawang talim na espada ay ang dila ng ating bibig. Ang kaniyang mga salita ay pumutol sa masasamang bagay sa espirituwal at materyal na larangan.
Ang iyong mga aksyon ay dapat mangyari sa mga naaangkop na oras.
Ang Simbahan sa Tiatira ay kumakatawan sa ating puso.
Ang pakiramdam ng tunay na pagmamahal ay mararamdaman sa kanya. Kung mas mahal natin, tulad ng pag-ibig ni Jesus, nagiging mas aktibo, masaya at makapangyarihan ang ating mga puso.
Tumblr media
0 notes
deeicarus · 3 days ago
Text
Isusuko ang lahat sa kaniyang mga palad, sapagkat siya ang aking Diyos at minamahal—ang kaniyang mga salita ay ang aking Bibliya. Siya ang nagparamdam na para akong nasa ibang planeta tuwing nagmamahal.
Hindi nababasa sa kahit anong bibliya ang pag-ibig na ibinigay mo, sinta. Patuloy na mangingibabaw sa kahit anong planeta ang naramdamang pagmamahal—hinigitan mo ang pag-ibig na binigkas ng Panginoon. Mas naging bihasa tuloy ang balat kong makiramdam sa haplos ng mga palad mo kaysa sa pangaral mula sa simbahan.
Bukod ka ngang natatangi kaysa sa pag-ibig na binigkas ng Maykapal—kaysa sa ibinigay niyang pagmamahal. Hayaan mong tuluyang maging sakramento ang paghalik sa labi mo’t sundin ang ninais ng tadhana para sa ating dalawa. Pahintulutan mong mahalikan ito’t pumunta sa kabilang planeta dulot ng umaapaw na pagmamahal na naramdaman ko sa ‘yo.
Luluhod para sa ’yo, na para bang ika’y rebulto ng isang santo.
Papabayaan ang pagbagsak ng aking dalawang tuhod kahit pa sa harapan ng bawat bathalang kilala mo, ngunit tanging paa mo lamang ang hahalikan upang maramdaman mong higit ka sa kahit anong bathala, Panginoon—sa mga sinasamba nila. Ikaw lamang ang tanging gagawan ng dambanang may itsura mo na luluhuran ko.
Wala nang hahanapin pa sa ibang planeta, marahil dahil nalagpasan pa ang pakiramdam sa bawat ligayang naasam.
Pangalan mo ang sasambitin tuwing gabi, higit pa sa mga nakaukit na salita sa bibliya—titingalain ka tulad ng isang planeta.
0 notes
crystalrosediary · 19 days ago
Text
Mahal kong Letran,
Inibig kita. Iniibig kita at Iibigin kita
Gaya ng Diyos ko nang may pananampalataya
Pag-ibig sa bayan ay di kailanman makakalimutan
Mahal ko ang Diyos. Alma Mater at ang Bayan
iniispare na kita są Eternal Damnation
Dahil sa pagiging tapat mo sa SDGs, Resucée Reuse Recycle at 7Rs
CLAY as you go laging sinusundan
Kahit ikaw ay hindi ko malilimutan
GOD. COUNTRY. ALMA MATER. LETRAN!
0 notes
holyholmes · 23 days ago
Text
Ehemplo ng Bathala
Sa diwa ng malayo, ako'y nakatanim, Sa landas ng kahapon, sa dilim ng init ng tinig, Nasa likod ng ulap, iyong itinatagong ngiti, Akala ko'y masama, ngunit ikaw ay liwanag na bigay ni Bathala.
Sa iyong pag-iisip, sa iyong mga panalangin, Nakita ko ang pagkakabukod, ang pag-asa sa damdamin, Isang taong takot na sa iba'y maghatid ng hirap, Ngunit sa kabila ng lahat, ikaw ang kamay ng Diyos na naghatid ng sinag.
Bawat hakbang mo sa disyerto, Puno ng sipag, pusong puno ng kapanatagan, Sa gitna ng init, ikaw ay di natitinag, Tila isang ilaw sa kadiliman, ikaw ang aking hinahanap.
Ngunit bakit sa aking isip, ako'y tila hamak? Isang negatibo sa iyong positibong mundo, Ngunit sa bawat ngiti mo, ako'y napapaamo, Dahil ikaw ang nagbalik sa paniniwala ko.
Sa malayo, damang-dama ang iyong yakap, Sa bawat salita, tila ako'y binabaybay sa langit, Nais kong iparamdam, sa puso't isipan, Na ang pagkamangha na ito'y hindi na matutuklasan.
Ikaw ang aking gabay, sa hirap at ginhawa, Sa malayo, sa bawat panalangin, ikaw ang sagot, Kahit na sa disyerto, may pag-ibig na tunay, Nagmumula sa iyo, galing sa kanya ang lakas na dulot mo.,
Kaya’t sa sulat na ito, nais kong ipahayag, Na ikaw ay mainam, dahil siya ang yong pahingahan Sa kabila ng distansya, sa hirap ng nadaram Ikaw ang dahilan kung bakit ako’y nanumbalik sa kanya.
0 notes