#Nagisou
Explore tagged Tumblr posts
Text
GIRL I WAS SO FUCKING SLEEPY THEN I SAW BLONDE TXT
Fuck MY WHOLE SYSTEM IS UP FUCKING HELL
#I'll rambke tomorrow ong#PUTANGINA NAGISING BUONG SYSTEMA KK#Okay that was nice saying that#Rielsrambles🍊
22 notes
·
View notes
Text
Tumblr knows what's up 😼😼

I have plenty of other favs that is not mentioned in the notification but ykwim 🤭
People mentioned if you guys wanna check out their accounts!! (Please do they're so AAGGHSJEJ):
@nagiseal
@cryinggirlnamedhelen
@kxsagi
@narcjsistx
#idk what to post#bllk#bllk x reader#i love them#thank you lovelies#blue lock#i love reo#bllk nagi#bllk reo#blue lock reo#reo mikage#reo x reader#nagireo#bllk isagi#isagi yoichi#blue lock isagi#cool shit
44 notes
·
View notes
Note
Hey! Your favorite BLLK writers?! ;')
Hey! There are a lot of great BLLK writers, but I'm gonna name a few of my absolute favs. I'll Include my fav posts by them too, check it out!!
@lostazuree
THIS. YES. My recent favorite writer. One of my tops fr. You GOTTA check out her blog. She started writing like a month ago but writes absolute straight fire, doesn't mischaracterize any of the characters. Interactive too. Really Kind. If you're into freaky, fluff and crack, her blog is a go to. My favorite post:
@kxsagi
Do I even need to say? Absolute straight up delectable fics. Love this one sooo much, totally a go to blog if you're craving some blue lock themed creative chaos. Check it out, bro carries bllk writing team so hard along with the others. My favorite post:
@cryinggirlnamedhelen
SUPER KIND. Surely you may have read one or two fics of hers, No explanation really required, one of the most, if not the top bllk writer ever. Again, straight good stuff. You NEED to go to her blog like it's really fantastic. A must visit if you haven't already, i js love it so much! My favorite post:
@neeeooon
Super chaotic, beautiful af. Her ideas are really creative, and absolutely worth checking out. I could scroll for hours. Also very interactive and really kind! Very In-character coded stuff. Crack kinda stuff and my type. My favorite post:
Honorable Mentions: @nagiseal, @vmlnrzmp4
There are many more, but these are my top favorites! <3
Please visit these lovely divas!
#blue lock#blue lock x reader#bllk smut#bllk x reader#blue lock smut#bllk#bllk fluff#blue lock fluff#blue lock fic#bllk x you#bllk x y/n#blue lock x you#blue lock x y/n#bllk imagines#blue lock smau#blue lock imagines#blue lock fanfiction#bllk fanfic
51 notes
·
View notes
Text

oh hey its tumblr user nagiseal i wonder what sheGod fucking damn it its saeyoung again
22 notes
·
View notes
Text


| 062625 . THURSDAY . 11:14PM
TUMBLR SAW IT FIRST!
Gonna propose in 2 months! Kaya di ako masyado nakakapost dito dahil sa sobrang busy ko. Pero dahil sa sobrang excited ako at wala ako mapag share'an ng feelings ko, kaya eto na.
Grabe ganun pala talaga no? Gigising ka isang araw na ready ka na pala. Kase eto legit to, isang araw nagising ako na naramdaman ko na ready nako, na kumpleto na ko, na healed nako sa lahat ng past traumas ko. Na gumising ako na ang peaceful na at ang gaan na ng pakiramdam ko. Na naramdaman ko na kaya ko na.. KAYA KO NA SYA PANINDIGAN.
Actually noon pa man gusto ko na mag propose pero parang may kulang pa saken. Yung feeling na di ko pa kaya na natatakot ako magkamali na ma dissapoint ko sya. Noon pa man tumitingin tingin nako ng singsing. Nagulat nga ako kase nahuli nya ako na tumitingin dahil nakita nya na naka like ako sa mga singsing. Nabigla nalang ako na bigla nya ako tinanong kung mag propropose nako. Sa pagkakatanda ko last past 2years pa yon. Sabi ko sa kanya hindi pako mag propropose tumitingin lang ako tska wala pako pera.
Pero totoo naman talaga yon that time wala pako pera. Tska wala pa talaga ako nakikita na bagay sa knya na singsing. Kase gusto ko kapag sinuot nya yung singsing na bibigay ko mag mumukha syang prinsesa, kase deserve nya yon. Noon pa man sya lang nagiisang prinsesa ko e.
At kaya dalawa yang singsing kase dati binigyan ko sya ng promise ring 2years palang kami non way back 2015 nabili ko pa yun sa uni-silver, yun palang kase kaya ng budget ko noon. Pero grabe nakakataba ng puso kase until now suot2x nya yon. Halos magparinig na nga sya saken na palitan ko na daw. Pero talagang matigas ako noon sabi ko tska na. Puro ako tska na.. kase alam ko sa sarili ko at gusto ko na yung susunod na isusuot nya bongga na.
Ahhh! basta! DESERVE nya to! DESERVE nya mahalin ng sobra. Kahit na hindi kame pwede ikasal talaga sa simbahan. Alam ko hanggang dulo sya na talaga. Araw araw sya yung pipiliin ko ng paulit ulit. Alam ko darating yung time na mag rarant ulit ako ng tampuhan o away namin dito sa tumblr. Pero sa huli sya pa rin.
Excited na ako talaga! WAAAAAHHH!! Hindi ko pa nga alam ano gagawin kong proposal e gusto ko kase yung kakaiba. Shutaaaa talaga ganun pala talaga e nakakabaliw na nakaka excite na nakakakaba. Saya saya lang.
37 notes
·
View notes
Text

Morning walk kasi di na naaarawan. Kamusta kayo?
Ngayon lang ulit nakapag-exercise actually, ilang weeks na kasi akong puyat at feeling ko di ako nakakabawi ng tulog. Nagising ako today na masigla so I decided to start doing this again. Good morning sanaol may kiss.
27 notes
·
View notes
Text

I always laugh at the way Shinji blushed and got shy around Nagisa. This was their first meeting and all Nagise said was "oh you can just call me Kaworu" and Shinji got so shy 😭😭😭 not even when Asuka kissed him he react that way
36 notes
·
View notes
Text
Laki sa Palo
Lumaki ako sa panahong pinapalo pa ang bata. Yung palo na hindi child abuse pag mahal ka ni Mama at Papa. Tapos may phobia sa sinturon na may pakpak at yung tsinelas na lumilipad na parang Emdyolnir ni Thor.
Lumaki sa "bahala na si Batman," tapos ang ending sila pa rin ang naging Batman. Lumaking tinakot ng "kapag hindi ka nag-aral, magiging kargador ka," pero ngayon kahit may degree ka, kargador ka parin ng problema.
Hindi pa uso yung anxiety noon, pero may islander, bakal na hanger, at walis tambo na kailangang iwasan. Wala pang mental health issues, pero may pinggang lumilipad kapag sumagot ka ng pabalang.
Hindi kami mayaman. Pero may bigas. May kape. May Milo at Ovaltine. Walang yaya, pero may Kuya na laging galit. (Ako kuya sa amin, baka kuya ng kapitbahay yun) Medyo lang ang hirap — yung tipong hindi gutom, pero hindi rin lumalampas sa tatlong ulam ang handa tuwing Pasko. May spaghetti, pero walang hotdog. Atleast may cheese na kinayod.
Boomers: "Noon, naglalakad kami papuntang school." Millennials: "Ngayon, naglalakad pa rin kami… papalayo sa sariling pangarap." Gen Z: "Help. Hindi ko mahanap yung sarili ko. Last seen: 3 AM, umiiyak sa CR." Ako: "Tahimik lang, baka kasi masermonan pa."
Millennial na may aports Gen X. Yung laging tinatawag na “bata pa yan, wala pa yan sa kalingkingan namin.” Pero ako rin yung inutusan bumili ng yosi habang sila nagtatalo kung sino ang unang nakabili ng Nokia.
Inabot ang Friendster, Multiply, MySpace, Yahoo Messenger, at Ragnarok Online PH sobrang magastos, hanggang sa nagising nalang ako sa world na lahat nagti-TikTok na habang ako naghahanap pa ng libreng GCash load sa comments section.
Yung naabutan ko, kahit na hindi ko hinabol. Hindi tamad. Hindi entitled. Hindi rin maingay. Tahimik lang kami kasi pag nagsalita, baka matawag kaming ungrateful. Kasi nga, hindi kami gutom sa atensyon. Pero busog kami sa pressure. Pressure to succeed. Pressure to be okay. Pressure to look fine kahit sabog na sabog na.
Henerasyong pinag-aralan maging "strong independent individual" habang binubugbog ng reality bills at self-doubt.
Kung Gen Z ang anak ng internet, at Gen X ang anak ng giyera, kami ang anak ng kalituhan. Anak ng "tama na yan, baka mapalo ka." Anak ng "wala kang kwenta, pero mahal ka namin." Anak ng "mag-aral ka mabuti para hindi ka magutom" Nakatapos pero hindi nakalampas, kaya gutom ka pa rin. Gutom sa sagot. Gutom sa layunin at silbi. Gutom sa pahinga.
Ako yung isa sa:
Marunong pa sa TikTok filter pero hindi marunong humingi ng raise.
Marunong mag- “Hi po, good morning!” pero walang matinong tulog.
Marunong mag-resign… mentally.
Maraming tab sa utak — isa dun porn, isa sa Jobstreet, isa GCash, isa Google Docs na hindi na nasave.
Marunong ngumiti kahit literal na sinisigawan ang sarili, pero internal dialouge lang.
Hindi broken. Sadyang nabuo lang sa panahon ng pagbabago na walang pinagbago. Yung mga batang nasabihan ng: "Huwag kang iiyak, papaluin kita." Kaya ngayon, kapag umiiyak kami, lihim lang. Kasi baka mapalo ng katotohanan.
Yung hindi mahanap ang sarili, kasi lahat gusto kayanin. Walang GPS sa emosyon. Pero kahit saan dalhin, marunong mag-adjust.
Hindi man laging tama, or laging may tama. Pero at least hindi Gen Z. Char.
Kaya kung millennial ka man, Gen X-adjacent, o middle child ng kasaysayan: Alam ko pagod ka. Alam ko gusto mong magpahinga. Pero ayos lang yan. Wala ka mang savings, atleast may sense of humor ka. Kung hindi ka matawa sa patawa ko, alams na. Pang matalino kasi mga banat ko. Hahahaha. Pero joke lang yun syempre.
Nga pala, sharawt sa nagpaalala sa akin na sumulat ulit kahit na hindi niya talaga yun sinabi sa akin.
Hindi pa huli ang lahat para magbago. Ibalik ang sarili kahit papano. Sa dating ako, na hindi humihingi ng saklolo.
Tara, Hanapin ang sarili Isang field trip pabalik sa dati nating pagkatao
==============================================
May kwento ako. Basta sagot mo ang kape ko. ☕ coff.ee/kwentoniblack
#pinoy#pinoy blog#tagalog#kwentoniblack#kwento ni black#original pinoy content#tagalog prose#spoken word#filipino writer#pinoy feels#tunay na kwento#millennial#mental health#social commentary
13 notes
·
View notes
Text

Ghosted Chance
— Zane (One)
Nakilala ko siya sa probinsiya namin sa Bicol. Unang araw nun sa highschool, naniniwala pa naman ako sa "Love at First Sight" noon. Medyo uto-uto kasi ako. The first time my eyes laid on her, akala ko may sakit ako sa puso kasi napunta pa ako ng clinic kasi nahirapan ako huminga. Hindi naman ito ang first time na nangyari sa akin pero mas malala itong ngayon. Medyo natakot na rin ako magka-crush kasi nga palagi naman akong rejected. Alam kong parte ng buhay 'yon, pero wala eh. Masakit ngani!
Pero nagbago lahat nung— "Hi, Ako si Y/N. Ikaw?" Tanong niya sa akin. Natulala lang ako hanggang sa magbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Kuya! May nose bleeding ka!" Huling sigaw niya bago ako mawalan ng malay.
Nagising nalang ako sa isang room na may puting ilaw. Kinuha na ba ako ni Lord? Hala huwag pa po! Hindi ko pa siya naliligawan, nade-date at napapakasalan! Umupo ako nang maayos at inilibot ang paningin ko saka ko nakita ang natutulog na si Luke, nakaungko ito sa hinihigaan ko. Dinutdot ko ang ulo niya saka siya nagising.
"Tano ta yaon kita digdi?" [Bakit tayo nandito?], tanong ko sa kanya. Nangati 'yung ilong ko at para bang may nakabara, hinawakan ko ito at laking gulat ko na may dugo ang parehong tissue na galing sa ilong ko. "Anong nangyari sakuya? Tano ta may dugo ang dungo ko?!" [Anong nangyari sa akin? Bakit may dugo ang ilong ko?!] Natataranta kong tanong. Rinig ko naman ang malakas na buntong hininga niya bago siya sumagot.
"Hinimatay ka lang naman sa harap ng bago nating classmate. At ang malala pa, nagkaroon ka ng nose bleed," sagot niya at tumayo. "Nataranta pa si Tita dahil sa iyo, muntik na rin tumawag ng ambulance si Ate Zania dahil sa'yo eh." Sagot niya ulit at kinuha bag ko. Sinabi niya rin na pinauwi na ako ni Sir para magpahinga. Principal si Mommy pero never niya ako ni-spoil sa school. Napatawag na nga ako noon sa detention.
After ng ilang linggo, naging close din kami ni Y/N. Ang ganda niya, mabait siya, mahinhin, maliban nalang kapag tumatawa siya kasi nanghahampas siya. Isa siguro sa pinakagusto ko sa kanya kapag masaya siya ay 'yung nakangiti siya. Masaya siya kasama sa totoo lang, parang si Luke lang.
"Hanggang ngayon kasi natatawa pa rin ako kung paano ka himatayin sa harap ko," sambit niya habang tumatawa sa gilid ko. Breaktime namin ngayon at wala si Luke. Nasa hospital siya, nagpapagaling kasi tinamaan ng sakit. "Pero, Raf, nakakapagsalita ka ng Tagalog di' ba?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako bilang sagot.
"Oo, pero dikit lang." Nangunot ang noo niya dahil siguro sa sagot ko. Anong mali sa sagot ko? "Dikit? As in 'yung dinidikit?" This time, noo ko naman ang nangunot dahil sa kanya. Napasapo pa ako sa noo ko dahil sa tanong niya. Minsan women can be dumb. Minsan lang ah. Ipinaliwanag ko naman ang pinagkaiba ng "dikit" ng Bicol and "dikit" ng Tagalog ng maayos sa kanya. Luckily, naintindihan niya naman.
Then, napag-usapan naming dalawa kung saan kami mag-aaral after namin mag-high school. Sinabi ko na sa Manila ako mag-aaral kasi nandun naman nagta-trabaho bilang doctor si Daddy. Habang nagk-kwento nga ako, parang nakatingin lang siya sa akin, tahimik. At ngumiti nalang siya sa akin, 'yung ngiti na parang napakalungkot.
Umabot ng graduation, magkakaibigan pa rin kami. Habang nasa venue, nahanap ko si Luke kasama si Lola Anding. "Luke! Lola Anding!" Sigaw ko at sabay naman silang napalingon sa gawi ko. Tumakbo ako kay Luke at ganun din siya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit, syempre niyakap ko rin si Lola Anding.
"Nag abot na si Y/N?" [Dumating na ba si Y/N] Tanong ko na siyang ikinalingon din ng ulo niya at hinanap si Y/N. "Hindi pa yata, 'di ko pa siya nakikita simula kanina eh." Sagot niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Tatakbo na sana ako paalis para hanapin siya nang biglang mag-announce ang emcee na magsisimula na ang ceremony.
Hanggang sa matawag ang section namin, hanggang sa matawag ako at si Luke, at hanggang sa makaupo kami sa upuan namin, wala pa rin siya. Nasaan ka na? Mahalagang araw natin 'to oh? Tanong sa isip ko. Narinig kong tinawag na ang pangalan niya, naghintay akong tumakbo siya sa harap ng stage at magsorry kasi late siyang bakarating, pero wala. Natapos na ang ceremony, wala pa rin siya.
Hinanap ko siya ulit, lumingon sa kung saan siya pwedeng makita. Tumakbo ako sa buong campus, pero wala pa rin. Hanggang sa may maaninag akong isang tao sa may entrance gate ng campus. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya, "Y/N!" tawag ko habang tumatakbo. Alam kong narinig niya ako pero bakit siya paalis? Tumakbo pa rin ako ng mas mabilis hanggang sa makalabas ako ng gate at nakita ang kotseng humarurot paalis.
Bakit?...
Andaming bakit sa isip ko habang tinitignan 'yung sasakyan niya na unti unting naglalaho sa paningin ko. Aamin na sana ako eh. Sasabihin ko na hindi lang naman siya isang simpleng kaibigan sa akin.
Bakit ka lumapit sa akin kung aalis ka rin pala?
Sabi ko, tama na, hindi ko na sasaktan 'yung sarili ko. Halos lahat ng nagustuhan kong babae ganito. Sinubukan kong ingatan puso ko, pero sa huli, binasag ko rin. Ang tanga ko. Sana hindi nalang.
Padaba ta ka na. [Mahal na kita.]
13 notes
·
View notes
Text
i was out the house almost all day yesterday.
went to the hospital for my laboratory test then sa lying-in naman for my fit to work. ya girl is cleared! ✨
wala lang. for a day, it feels like i took a breather. maaga ako nagising to take care of kith and finish our morning routine bago ko siya iwan sa lolo't lola niya. then ako naman kumilos para makaalis. nakauwi ako around 5 p.m. na and kith woke up when i entered the room like she can smell my soul lol. then we waited for his daddy to arrive so he can take care of kith while i'm on my appointment.
nagmotor ako papunta ng lying-in, it was a bit late so i was able to run 40-50 km/hr. maybe sometimes more. AND IT FELT GREAT. I. FELT. LIKE. MYSELF. AGAIN. i can't stop smiling throughout my ride, it feels soooooo good!!!! 😭
it was an exhausting day for my body. but not for my brain, yesterday healed something inside it. hence i'm grateful.
8 notes
·
View notes
Text




my morning is me packing orders and watching supernatural, while borgun's morning is supervising me and sleeping nyahahahaha
ya knOw what, i just realized—the shows that i used to watch when i was a kid were not at all kid-appropriate bwahahahahaha like this, supernatural, i used to watch this in my early elementary days alongside with ghost whisperer, vampire diaries, buffy the vampire slayer, spartacus, once upon a time, bones, and many more that i could not even remember but when i see a clip or something that will trigger my memory, i just know ive watched it too
i mean yep, i watched the typical disney x nickelodeon x cartoon network spectacle, but really i was also sooooOoOOOOOOooooo into series like the ones i mentioned too, so now theyre kinda comforting to rewatch
itong supernatural, i just started rewatching this like last week ata hahahahaha i tried to pick this up many times when i was in the univ pero di ko matuloy kasi siyempre may mga ghost tapos spoiler alert yung first episode niya ay white lady hahahahahahahhahahahahahahaha muntik ko na mahulog phone ko kagabi kasi nagtransform yung isang character in one of the episodes lol nagising tuloy bigla yung diwa ko kahit antok na antok na me
p.s. nakakatawa si dean and sam sa ep na itez kasi theyre bickering in front of bobby tapos kinukwento nila kay bobby yung nangyayari sa kanila from their own povs tapos ang oa nilang dalawa basta ganOrn HAHHAHAHHAHA
#cottoncandy#icecream#donut#cookie#skl ; 🦇 ba#i did not check this for errors so excuse me if you ever see anything
8 notes
·
View notes
Text
ang daming nangyari kanina 😭
muntik na ako ma-late sa work kanina kasi nagising ako 10 mins before my shift.
🫠 nagcrash excel ko habang nagpo-power query tapos nalimutan ko kung pano ko ginawa yun.
😭 bumaha sa may kitchen and dining area nung umulan kasi wala pa lang madadaluyan ng tubig, natambakan nung inayos namin yung ibang parts ng bahay.
😳 muntik na masunog kusina 😭 jusko, buti na lang namatay apoy for some reason kahit sobrang daming fire hazard na malapit sa kalan.
🫣 mahal pa din talaga ako ni Lord, narealize ko lang.
7 notes
·
View notes
Text
4th of april, friday.
haaaaay.
so we're here again, i'm trying not to dwell in this situation, but i can't help it. i've been waking up really tired ever since i don't know when, basta dumating nalang sa point na para akong sinampal ng malakas at nagising.
yesterday, once again, was my first day of being unemployed. it felt like a de javu, nung biglaan din akong nawalan ng work 2 years ago—i could've stopped it that time, i have a choice to stay or leave, pero walang pagdadalawang isip, nag give up nalang ako at umalis agad agad. this time, kahit anong pilit ko na baka umokay pa o kahit mag makaawa pa ako for another chance, i don't really have a choice.
so ayun, maghapon lang akong nasa kwarto, nagba-browse ng job openings sa phone, asking some of my friends if they know anything na pwede ko pagtrabahuhan pansamantala, while also talking to my bestfriends jasmine and rachel as they comfort me cos i keep saying "i don't know what's next." also, my work besties, about updates—lahat daw sila sepanx at nag iyakan sa prod kahapon. haha. di lang ako yung umalis, dalawa kami, at mukhang may susunod pa. very sudden kasi, although expected ko naman na talaga yung result.
when they told me na last day ko na, i kinda felt relieved, hindi na nga ako naiyak. sabi nga ng isang kateam ko nung nag paalam na ko sa buong team, kaya daw pala ang saya ng aura ko that day. para talaga akong nabunutan ng tinik, hindi na mabigat sa kalooban ko, hindi na mag ooverthink at breakdown habang nag wowork. dahil madalas ko nga binabanggit, halos hindi na ako nag sasalita sa office, naging ganap akong introvert na dalawa o tatlo lang yung sumasama sakin. pero nung medyo nag sink in na sakin that night, nalungkot ako kasi nung nag paalam ako sa dalawang bago na naging lunch buddies ko at lagi kong kasama nung remaining days ko sa work, nalungkot sila. dun ko napagtanto na sayang at iiwan ko agad sila, just when i felt a sense of belonging.
naiintindihan ko naman yung gravity ng sitwasyon para mag end up sa ganitong resulta, pero parang gusto kong mainis kasi di man lang ako binigyan ng oras kahit isang buwan. parang planadong planado ng universe lahat ng kaganapan, another lesson 'to na hindi ko matuto-tutunan, kaya paulit ulit nalang e. kung wala lang akong bayarin, hindi naman sana ako nagwoworry na wala akong trabaho, hindi ko tuloy magawang mag chill. iniisip ko na naman sila papa, yung family ni J, at siya, feeling ko pabigat na naman ako.
ngayon gumigising parin akong pagod, kakaisip. kailangan ko ng pera dahil sa mga bayarin ko, pero mas kailangan ko rin ng pahinga—kahit isang buwan lang. anong uunahin ko? sabi ko nga sa bestfriends ko, baka kahit anong full time or part time na makita ko sa online, kahit mga scam baka patusin ko sa sobrang desperada. lol. magkaron lang ng pang sustain para mabuhay.
hay, di na tayo naka alis sa survival mode, self. di ka na kasi natuto. hehe. pero naniniwala parin ako na madami naman ako kayang gawin, ang hilig ko lang talaga mag mukmok muna. huehue.
8 notes
·
View notes
Text

(Jeremiah Ong x Reader).
Kindly listen to this song while reading.
Ikaw at si jeo ay isang matalik na magkaibigan simula pa noong grade 4 pa kayo. Lagi kayong naglalaro sa paborito niyong playground manila, sadly, kailangan ng pamilya ni jeo na pumunta at dun na daw mag enroll ng ibang school si jeo, kaya panay iyak ako nun at laging nasa tabi ko si jeo dahil ayaw ko syang mawala sa tabi ko.
Tomorrow na ang last na pagkikita namin ni jeo kaya sinusulit namin ang pagkakataong ito, nasa paboritong playground namin kam, nakaupo sa swing.
"pot, kailangan mo ba talagang iwan ako?". Sabi ko na almost crying.
"di naman kita iiwan forever". Ika niya habang hinahawakan kaliwang kamay ko.
"promise?". Inoffer ko ang pinky ko para i- sealed ang promise namin.
"promise". Nag sealed na kami ng kamay.
.....
9 years later.....
"Ma, alis na po ako".
"mag- ingat ka ah, paki bati nalang ako kala Janice!!". Sigaw ng aking mama sa kusina.
"opo ma!!".
Pupunta ako ng Palawan kung saan nakatira sina jeo, balak ko sanang sorpresahin ito.
.
.
.
.
Nandito na ako sa palawan, lumabas nako ng airport at nag hintay ng masasakya.
After ilang minutes, may huminto sa aking suv na puti, nag wait ako baka iba ang hinihintay nito pero Isang minuto, binaba yung bintana at nakita ko lalaki na nakatingin sakin na para bang Kilala niya ako.
Awkward kong pag wave sakanya as hi para di nya maisip na rude ako... Tinaas niya ang bintana kaya nakikita kona lang is black screen. Binaba ulit ito at bumungad sakin ay si tita Janice, nagulat ako at napasigaw dahil sa gulat at saya.
"tita ja?". Confused kong sabi.
"yes, ako nga nak". Nakangiting sabi nito.
"bat po kayo nandito? Balak kopo sanang sorpresahin kayo". Kamot ulo kong sabi.
"ay ganun ba, sinabe samin ng mama mo na pupunta ka sa Palawan kaya dali dali kaming pumunta dito". Tita Janice.
"ano ba yan si mama, sabi ko sakanya wag niya sabihin sainyo". irita kong sabi.
"ok lang yan nak, tara na't makauwi na tayo". Tita Janice.
"btw po tita, sino po ito?". Tinuro ko yung lalaki na katabi niya.
"ay, oo nga pala, Asawa ko nga pala, sya yung dahilan kung bakit kailangan namin tumira dito". Explain ni tita ja.
"ay ganun po ba, kamusta naman po si jeo?".
"ayun, makulit padin pero ayun laki na muscles at nag gy- gym pa yan". Tita ja.
"talaga po, miss na miss ko na po siya".
"ay nako, mas miss na miss ka niya, nak, kung alam mo lang, laging hawak hawak yung printed na picture mo..minsan pa nga nakikita ko yan umiiyak dun sa kwarto niya habang hawak hawak picture mo".
"cute". Bulong ko.
.
.
.
.
Nakatulog ako sa byahe dahil di naman ako natulog sa eroplano, nood nood lang ng K-drama.
"nak, dito na tayo". Pag- gising sakin ni tita Janice.
Nagising ako at tinignan sa labas ng kotse kung asan na kami, kita ko may dalawang naka parada na kotse at may mga aso't pusa na nakakulong.
"po? San po toh?".
"sa bahay namin". Natatawang Ika ni tita ja.
.
.
.
.
"mafe, San si jeo?". Tanong ni tita ja kay ate mafe.
"ate mafe!!!! I miss you". Sigaw ko nang makita ko si ate mafe na sobrang close sakin.
"uy, bel!! Musta ka na? ang ganda ganda mo na oh!!".
"thank you po, parang sumexy ka ata ate mafe?".
"huy, hindi naman AHAHAHA".
.
"si jeo pala?, natutulog pa sa taas tabi sila ni meng". Ate mafe.
"ahh ganun, sige, san si Joshua..?". Tita ja.
"nandun sa likod, nilalaro yung mga kuting".
"Joshua!!!!! halika muna dito, may bisita tayo!!". Sigaw ni tita ja.
.
.
Ilang segundo pa ay, bumungad samin si kuya Joshua, naka braid ang kanyang buhok kaya medj hindi ko siya namukaan ng 5 sec.
"bel? Ikaw ba yan? aba, ang laki- laki mo na, dati binubuhat- buhat pa kita ngayon tignan mo oh". Kuya Joshua.
"AHAHAHA, oo nga po e, time flies so fast nga po e".
"si jeo ba ang hanap mo? nandun sa taas, lam mo ba kung ano ano pinaggagagawa niyan nung wala ka, ewn ko ba Jan". Kuya Joshua.
..
.
Nasa sala kami naguusap, kung ano chika, ganun. Nalaman kona pala yung name nung kasintahan ni tita ja, geo ong pala.
Kinuwento nila sakin about sa vlog na ginagawa nila, mesmerized ako nun.
Nag vlo- vlog sila about sa nature at lagi daw sila naliligo sa dagat at ilog at nag ca- camping pa, nag offer pa nga sila na sumama ako sakanila pag maliligo ilog or dagat or di kaya ay magcamping. At sino ba tatanggi sa offer na yan, kaya nag yes nako kagad.
Habang nag uusap kami, may gumalaw sa peripheral view ko sa bandang kanan ko kung saan ay hagdan at taas naman nun is mga kwarto nila.
Tumingin ako at nakita ko si jeo, bagong gising, nakatitig sakin na walang kibo.
"uhm....".
Dipa rin siya gumagalaw.
"jeo". Tawag ni tita ja.
Wala padin.
"jeo!!" Sigaw nila.
At wala pa din.
Kaya ako na ang tatawag sakanya baka sakali na bumalik sya sa katotohanan.
"pot". Tawag ko sakanya.
At finally,
"bel?".
Tawag niya sakin na palapit ng palapit.
Tumango nalang ako.
"Ikaw ba talaga yan o nananaginip lang ako, kung nananaginip talaga ako, kurotin mo nga ako".
Tumawa sila including me sa sinabi niya.
Kinurot ko sya ng medj malakas.
Nagulat naman ito at kita sa mukha niya na masakit.
"sorry, sabi mo ka- ".
Diko natuloy ang sinabi ko dahil niyakap ako bigla ni jeo ng sobrang higpit.
"pot, di ako makahinga,".
Pinapat- pat ko yung braso niya dahil totoo ngang hindi ako makahinga.
Kaya lumayo sya at nag sorry.
"sorry, miss lang talaga kita so much!!".
"ehem, baka nakakalimutan niyo may tao din dito oh".
Biro ni kuya josh at ang result napatawa kaming lahat.
.
.
.
Dito kami ni jeo sa kwarto niya nag uusap kung okay lang ba buhay niya dito at sakin.
I met domeng already, super kind and gwapo din sya like kuya niya, I just found out na inampon nila si meng.
"ang ganda ganda mo na".
Compliment niya habang nakatitig sakin.
"oh why, thank you, lumaki na ang katawan mo oh, sobrang pogi mo".
Ngiti kong sabi.
"I'm glad na you keep you promise".
Sabi ko na paiyak na.
"I would never ever break any promises that we made for each other".
Ika niya, nakangiti.
Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak sa kanyang shoulder.
.
.
.
I stop crying.
But I think I will start crying again dahil sa confession sakin ni jeo.
"Isabelle, sasabhin ko sana ito bago kami umalis pero..... Bel, I love you not as a friend but as a lover, matagal na kitang mahal simula nung nagkakita tayo..... Bel, pwede ba kitang maging girlfriend?".
Napahagul- gul ako sa confession niya.
"yes, I would love to be your girlfriend!!!".
Sigaw ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit, ilang minuto pa ay binereak nya ang hug at parang ang mundo'y nag istop at parang kami lang dalawa ang gumagalaw.
Palapit ng palapit ang Mukha namin sa isa't Isa, nakatingin ako sa kanyang mata habang sya naman ay nakatingin sa aking labi.
Ayan na nga, nag meet na ang aming labi sa isa't Isa, ang soft at lasang strawberry ang kanyang lips, kaya pinikit ko na ang aking mata at inenjoy ang moment na ito.
Little did we know, nakasilip pala lahat ng pamilya ni jeo sa slightly ajar na pinto, kinikilig pa mga ito.
That's all, folks
34 notes
·
View notes
Text




Nov 21 - Nung nag test ako for pregnancy then boogsh positive. Hindi ako nag panic or what nagulat lang then after that I felt happiness and excited akong sabihin sa partner ko pero hindi ko muna agad sinabi sa kanya ewan ko lang parang fineel ko muna yung moment naming dalawa ni baby.
Nov 24- Nag test ulit ako pera kunwari wala pa akong idea haha pero ayun nakakatuwang makita yung reaction niya na sobrang saya and una nyang sinabi is "magiging tatay na ako love 🥹" tapos naiyak siya non. Grabe yung na feel ko nun kasi alam kong hinding hindi na tatalikuran yung responsibility nya sa a dad.


Nov 29 - First check up namin. 6 weeks na pala siya pero wala pang heartbeat and meron akong konting hemorrhage kaya medj nakafeel ako ng kaba pero think positive lang na sa next na balik namin eh magkakaroon na sya ng heartbeat.
Dec 13 - It was his birthday. Kaya doble kung kaba ko sa magiging result ni baby sobra yung pray ko na sana may heartbeat na sya para magandang gift yun for him pero sadly wala pa rin and hindi na rin sya nag develop. Hindi ko alam mafefeel ko gusto kong umiyak sa harao ng doctor pero wala akong luha na mailabas pero sobrang sakit ng dibdib ko nun. Habang pauwi kami dun na non stop na yung luha ko pero sya pinapalakas pa rin nya loob ko. Pag uwi namin ayun sabay na kaming umiyak iniisp anong nangyari bakit biglang ganon.


Dec 15- inadmit na ako sa hospital para gawin yung procedure/operation para tanggalin si baby para hindi ako maimpeksyon. Sobra ulit yung iyak ko kasi tuluyan na syang mawawala sa amin. Hindi ko kayang magpakastrong kasi sobra yung pain na nafefeel ko buti na lang nandyan sya para maging strong for us.
3:30 pm - pinasok na ako sa isang room iniintay na duguin ako and maopen yung cervix ko. Nag insert sila ng EPO after 1 hr and something dun ko na nafeel yung sobrang pain sa puson hanggang balakang ko para akong nag lalabor. 9/10 yung pain pinagpapawisan ako kahit malamig sa room
7:20 pm - nilagyan na ako ng oxygen then ilang mins lang pumasok na yung anes nilagay na nya yung anesthesia then boom wala na akong malay. Nag start yung procedure ng 7:55pm natapos ng 8:10.
12:00 am - nagising ako nasa recovery room ako and una kong inisip is gusto ko na syang makita kaya kahit medj hilo pa ko nagpahatin na ako sa room. Nung nakita ko sya niyakap nya agad ako and he was crying. Hindi pala sya nakatulog simula nung pinasok ako sa loob grabe awang awa rin ako sa kanya kasi puyat pa sya galing work pero he assures me na okay lang sya ang importante ay ako.


To my fiancè, I love you. Lalo kitang minahal and mas mamahalin pa rin kita araw-araw 🥹❤️.
55 notes
·
View notes
Text
My love for animals keep alive talaga. The very reason why I am still alive right now are my pets, may they be in the rainbow bridge or still with me now. Growing up, wala akong maalalang period sa buhay namin na nawalan kami ng alaga. Noong bata ako naaalala ko meron kaming mga aso, pusa, may mga manok, mga bibe, at mga kalapati. Nagkaroon din kami nung ibon na parang pabo. Nung 2019 nagkaroon ako ng aso. Isa siyang mixed breed ng pug at dachshund. Special siya for me kasi ako mismo yun pumili sa kaniya. Kumbaga, napunta siya sa akin dahil siya yung pinili ko at hindi lang basta basta binigay. I named him James Dean, kinuha ko sa song ni Taylor Swift na Style. Hindi siya nagtagal sa akin dahil nagkasakit siya. Kasalukuyan akong naggagamot at nakahinto sa pag-aaral ng panahon na yon. Naglakas loob akong mangutang sa pinsan ko. Pinahiram niya naman ako at nadala sa vet si James. Nasuweruhan siya at nabili naman ang mga gamot. Kaya lang dahil sa wala akong pinagkukunan ng pera, iniuwi siya. Di ako makatulog nang maayos ng gabing yon. Chine-check ko siya from time to time. Nakaidlip ako at nagising ng mga bandang alas-kuwatro yata at tiningnan siya pero matigas na siya. Sobrang gumuho mundo ko non. Di na rin ako nakabalik sa pagtulog ko at ayaw ko na tumuloy sa check up ko nang araw na yon. Wala akong nagawa kundi tangapin na lang din ang nangyari sa James Dean ko.
A year earlier, 2018, taon na una akong na-diagnose e nagkaroon ng bagong aso sa bahay. Ilang linggo lang yata yon nang ma-dioagnose ako. Umuwi ako isang gabi sa bahay galing sa school freshman ako non. Nagulat ako may cage sa may terrace, akala ko bola yung nakita ko tas biglang gumalaw saka tumahol. Si Yamyam naman yung aso na yon. Isa siyang princess type shihtzu. Dumating si Yamyam sa buhay ko nung panahong sinusubok ako. Pinagpalit siya sa hedgehog na alaga rito sa bahay kaya siya napuna sa amin. Tuwang tuwa ako kay Yamyam dahil para siyang bata. Nung unang gabi niya nilabas ko siya sa cage kasi naglaro kami. Nung aakyat na ko sa kuwarto ko para matulog e pumunta siya sa may pinakababa ng hagdan at tinatahulan ako. Gusto niayng sumama sa akin kaya inakyat ko siya. Simula non naging roommates na kami. Naging mahaba naman ang buhay ni Yamyam, yun nga lang ay nagkasakit siya kalaunan. Kung tama ang pagkakaalala ko, isang blood parasitic disease yung naging sakit niya. Madalas kong iyakan si Yamyam nung mga panahong nanghihina na siya. Itinatabi ko pa rin siyang matulog. Wala akong pakielam kung sukahan niya yung kama ko nang ilang beses. Malalabhan naman ang beddings at mapapalitan pero yung mga panahon na makakasama ko siya e maikli na lang. May mga gabi na bago matulog, kinakausap ko siya na kung pagod na siya e magpahinga na siya. Nahihirapan akong nakikita siyang nahihirapan. January 20 this year, that was Saturday, nakipag-meeting ako sa school ng pamangkin ko kaya iniwan ko siya. Nakahiga lang siya sa may kusina. inabot din ako ng anong oras at pag-uwi ko, nakatumba na siya at basa sa ihi niya. Hindi pa siya Malamig pero medyo matigas na. Hindi na ako naiyak kasi inaasahan ko naman na. Pero masakit pa rin.
Late 2023 may inampon akong kuting. Akala ko anak ng pusa namin tas iniwan niya sa labas. Sinubukan kong hulihin kaso di ko mahuli, kinagabihan tumatawag yung kapitbahay namin na bata inabot yung kuting, hinuli niya tas binigay sa amin. Nung una kinulong ko siya para masanay sa presence ko. Tas sinusubukan himasin hanggang sa nasanay naman na siya at pinakawalan ko na. Pinangalanan ko siyang Miming (weird talaga ako magpangalan ng mga alaga). Female calico cat siya. Katabi ko rin siya matulog. December that same year nag-umpisa siyang magtae. Nung una akala ko may nakain lang kaya hinayaan ko. Pero nung di huminto, nagtanong ako sa Facebook mutual ko na graduate ng animal science. Una advice niya e natural intervention muna. Pero di tumalab kaya sabi niya e bumili ako ng probiotics. Agad akong namili at pinainom yun kay Miming. Kinulong ko muna siya dahil nga nagkakalat ng dumi. Nagkasugat siya, nililinis ko naman. Hanggang sa kinausap ko na rin siya na magpahinga na kung nahihirapan na siya. Grabe rin ang iniyak ko nung nawala siya.
May dalawang pusa rin dito sa bahay na namatay ngayong taon. Si Minggu na namatay sa bugbog ng ibang mga pusa. Pinapasok pa siya rito sa bahay para awayin. At si Kitty na female kitten. Si Peachy naman na isang female japanese spitz ay nasagasaan noong pandemic dahil tumakas sa bahay para hanapin pinsan ko. Marami pa kaming mga alaga na nilisan na kami at sa dami nila, di ko na sila maiisa isa.
Ngayong taon may kalapating pumunta rito sa bahay at manok. Yung kalapati pinangalanan kong si Ibon. Tas yung manok naman si Chooks (Chooks to Go). Si Ibon dahil nga malaya naman siya e umuuwi lang para kumain. May isang araw na umuwi siyang may kasamang ibang kalapati. After non di na ulit siya umuwi, nakipagtanan na yata. Si Chooks naman nakalabas ng gate kasi naiwang nakabukas tas yun di na rin nakauwi.
Last night was the worst night I had to date. Grabe yung episodes ko. I almost did the thing (you know what it is). Tapos sakto narinig ko si Whitey sa bubong namin. Ilang lingo na rin na di halos umuuwi. Ampon din namin si Whitey last year. Tapos naisip ko na kung mamamatay ako di ko na sila makikita. As someone who grew up in a Catholic household and studied in a Catholic School in secondary school, I am taught that claiming your own life is a mortal sin. You will not be permitted to enter heaven. The very reason why I still not claim my own life is because, if heaven is real, I want to enter heaven and reunite with my departed pets. Kasi kung di ako makakapasok sa heaven, paano ko pa sila makakasama ulit? I look forward to the day when I will be able to ake care of them again. And marami pa kaming mga alaga na nandito sa amin, gusto ko pa sila alagaan. At pinanghahawakan ko pa rin yung pangarap ko na makapagtayo ng animal center for domesticated pets and sanctuary for all kinds of animals.
P.S. Saka other factor din yung di ko na maririnig yung albums from my favorite artists like Avril Lavigne, Taylor Swift, Carly Rae Jepsen, Mariah Carey, Katy Perry, Tori Kelly, Kylie Minogue, Pink, Kesha, Lady Gaga, Madison Beer, Chappell Roan, Sabrina Carpenter, Tove Lo, Ellie Goulding, Miley Cyrus, etc (plug ko lang sila and yes, mediocre music taste ko). Gusto ko pa rin marinig yung future releases nila saka yung re-recordings ng Reputation and Debut album ni Tay.
I still hope for better days. :)
10 notes
·
View notes