#KALINISAN
Explore tagged Tumblr posts
westvalleyfaultph · 5 months ago
Text
DILG to Collaborate on New Earthquake Assessment Tool for Buildings
Scan the QR code to get this post on the go. In an effort to enhance disaster preparedness, the Department of the Interior and Local Government (DILG) announced plans to develop a comprehensive tool for assessing buildings’ vulnerability to earthquakes. This initiative, spearheaded by DILG Undersecretary Marlo Iringan, aims to involve various government agencies and stakeholders, including the…
0 notes
peryodismo2425 · 1 month ago
Text
‘Si Kuya!’: Mga Bayaning Nakaasul
Ni Rima Millora | Nobyembre 9, 2024
Pagpasok sa paaralan tuwing umaga, isang malinis at maayos na silid-aralan ang nadadatnan ng mga mag-aaral at guro ng UPIS. Mararamdaman ang preskong hangin mula sa mga bukas na bintana, at rinig ang ingay ng busina ng mga nagmamadaling kotse sa Katipunan. Nakalinya muli ang mga upuan, sinkintab ng perlas ang pisara, at walang naliligaw na wrapper o papel sa sahig. Araw-araw, nawawala ang bakas ng mga pangyayari ng kinalaunan, na tila mayroong dumaan na superhero na nagbalik ng kaayusan sa siyudad pagkatapos ng matinding labanan ng papel, ballpen, at isip. Ngunit, kilala ba natin ang mga mukha at kwento sa likod ng mga kamay na naglalampaso, nagwawalis, at naghahanda ng ating mga silid-aralan araw-araw?
Tumblr media
Tuwing may kailangan, ang kulay asul na uniporme ang ating hinahanap–ang kulay ng responsibilidad, tiwala, at kapayapaan. Suot ang kanilang asul, minsang lila, at minsang berde na uniporme, masipag na nagtatrabaho araw-araw sina Kuya Noe at Kuya Ricky, kasama ang iba pang mga custodian natin upang mapanatili ang kalinisan ng gusali at mga silid-aralan sa loob nito. Sila rin ang nag-aayos ng mga kagamitan tuwing mayroong mga pagdiriwang. Nagsisilbi silang mga tagong bayani na minsanan lang napapasalamatan at kadalasan, hanggang tango o ngiti lang nating kinakausap.
Ang bayani ng unang palapag!
Tumblr media
Sa likod ng mga locker na nakapwesto sa tapat ng silid ng Departamento ng Araling Panlipunan, madalas makikita si Kuya Ricky Orio, o mas kilala bilang Kuya Ricky. Isang dekada nang nagtatrabaho at nananatili sa UPIS si Kuya Ricky bilang isang custodian.
Bilang isang miyembro ng ahensya ng mga janitor, hindi raw sila sigurado kung saan sila madedestino ng kanilang trabaho. Parang isang liga ng mga superhero, nag-landing dito si Kuya Ricky isang araw upang ibalik ang kaayusan sa paaralan. Ang ahensya ang bahala sa pagtakda sa kanila sa isang lugar o institusyon, ngunit, nagpapasalamat si Kuya Ricky na napunta siya rito sa UPIS.
Sa paggawa sa araw-araw, nakatuon lamang si Kuya Ricky sa kanyang trabaho at dumidikit sa layuning makatulong sa paaralan. Bago raw siya magkaroon ng sariling pamilya, nagsilbing inspirasyon ni Kuya Ricky ang kanyang mga magulang, lalo na bilang isang bunso na may pitong kapatid. 
Sa kasalukuyan, siya na ang tagapagtaguyod ng kanyang pamilya, na binubuo ng kanyang asawa at kanilang dalawang taong gulang na anak. Sila na ang motibasyon ni Kuya Ricky na magpursigi araw-araw, sa kabila ng pagod na dala ng kanyang trabaho. 
Ang bayani ng ikaapat na palapag!
Tumblr media
Dating naka-istasyon sa gusali ng 3-6 si Kuya Noe Denosta, o mas kilala bilang si Kuya Noe. Ngayon, madalas na siyang mahahanap sa ikaapat na palapag ng Katipunan Wing, ngunit kung minsan, makikita mo rin siya sa unang palapag. Nagsimula siyang magtrabaho bilang isang custodian sa UPIS noong 2016, mula sa pagiging construction worker nang walong taon.
Sinubukan ni Kuya Noe na pumasok sa isang ahensya pagkatapos magtrabaho bilang isang non-contractual na construction worker mula 2007 hanggang 2015. Noong simula, hindi raw sanay si Kuya Noe sa uri ng trabaho na kailangan niyang gawin sa UPIS dahil mabigat na konstruksyon ng mga bahay ang nakasanayan niyang gawin. Nangangalay raw siya sa pagwawalis at hindi sigurado kung saan magsisimula sa paglilinis. Sa kabila ng paghihirap, walang bayani ang hindi marunong makibagay sa anumang bagong lugar! Paglipas ng panahon, nasanay na rin siya sa trabaho ng mga custodian. 
Silang dalawa ng kanyang asawa ang nagtataguyod ng kanilang pamilya at nagpapaaral sa kanilang apat na anak; isang nasa Grado 6, isang nasa Grado 10, isang nasa Grado 11, at isa pang nasa unang taon ng kolehiyo. Sila naman ang inspirasyon ni Kuya Noe na ngumiti at magsumikap sa araw-araw.
Kawani, Kasama, Komunidad
Kadalasang kilala sila ng mga estudyante sa mukha, ngunit hindi laging kinikilala sa kanilang mga pangalan. Sa karanasan ni Kuya Noe, nakakasundo at nakikilala niya pa raw ang mga estudyante noong nasa Grado 3 pa lamang sila. Subalit sa paglaki, ngayong nasa high school na, hindi na sila nakakapag-usap lampas sa mga kaway at tango, malumbay niyang kwento. 
Kulay ng kalungkutan man ang asul, hindi ibig-sabihin nito na nag-iisa sila sa pagharap ng ulan. Bilang mga kapwa-custodian, sila-sila na rin ang nagtutulungan at nagmamalasakit sa isa’t isa tuwing mayroong kailangang gawin. 
“Kami-kami lang dito, eh. Walang ibang magtutulungan kundi [kami] lang mga custodian,” sabi ni Kuya Ricky. 
Lampas dito, nakikihalubilo rin sa mga custodian ang mga miyembro ng Opisina ng Administrasyon. Tuwing mayroong pagdiriwang o salusalo, isinasama ng mga kawani ang mga custodian rito. 
“(Nag)papasalamat din ako kasi kasali kami,” ani ni Kuya Ricky.
Tumblr media
Lagi tayong nakakarinig ng mga kwento ng bayani at superhero mula sa ating mga aralin, nang hindi inaalala ang mga bayaning nakakasalamuha natin sa paaralan. Sa araw-araw na pinakikinabangan natin ang serbisyong inaalay ng ating mga custodian, nararapat lang na kilalanin, respetuhin, at pasalamatan natin sila. Sa kabila ng pagiging abala nating lahat sa ating mga kurikular na mga gawain, huwag nating kalimutan ang mga bayaning nakasuot ng asul, na nagpapagaan at nagpapabuti ng ating mga araw sa pamamagitan ng paninigurado na natatamasa natin ang ating karapatan na makapag-aral sa isang malinis, ligtas, at maayos na paaralan.
2 notes · View notes
tokwattoge · 1 year ago
Text
Wow. What a productive day for me.
Sobrang thankful ko sa partner ko kasi marunong siya mapakiusapan at marunong siya magbago para sa ikakabuti ng relationship. Medyo may sakit ang ako minsan na hindi napapansin yung changes tapos pag pinuna ko sinasabi niya lang sakin "hoy di na ako ganyan, matagal ko ng di ginagawa yan" hahaha
Buti naman gumaan na pakiramdam ko kasi nung nakaraan ang sama na ng loob ko ako na nagtatrabaho ako pa gagawa ng lahat dito. Aba. Ang argument niya sakin is kung napapagod daw ako wag ko daw gawin. Inexplain ko sa kanya yung mental load sa mga babae ng magulong kapaligiran. Take note hindi ako kalinisan din sa bahay ah, ako yung tipo na maglilinis pag gulong gulo na sa sobrang busy.
Nakakatuwa lang siyempre na may change na ikakabuti. Ngayon lahat tapos na, lahat ng chores tapos na, focus na lang ako sa work, sa sarili ko, at kay baby. Kahit bare minimum, naappreciate ko, hindi lahat ng lalaki ganyan. Lagi ko sinasabi na hindi ko itotolerate kung hindi niya kayang magbago aalis na lang kami.
Anyway, mukang matagal bago kami maghiwalay pag nagiimprove siya HAHHAHA maiba naman puro utang na nababasa niyo sakin eh haha oo sawsaw na mga pakielamera CHAR!
8 notes · View notes
jezawitha-z · 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Having a broken family is really not that easy and being panganay is pinaka hindi easy.
During my lunch time sa work, may konting convo lang kami ng kapatid ko and napunta sa ganitong topic.
Lately kasi, nagbigay ako ng challenge sa dalawa kong kapatid na nag aaral pa. It's all just a household chores and may kaakibat na price, also to make sure na they continously doing it. I know they're doing it naman lalo na sila sila nalang talaga doon sa bahay at tatay ko.
Since naalala ko lang nung nagbakasyon ako dun na di talaga mawari yung bahay namin, sana ngayon kahit papapano ma-maintain yung kalinisan.
Small amount lang pero I know it can help them as well to save up kahit pakonte konte. Instead na magbigay lang ako ng pera sa kanila directly, ito nalang yung way ko na para matuto sila sa buhay, na lahat pinaghihirapan.
Being panganay and breadwinner, hindi lang financially sumusuporta sa kanila kundi pati emotionally.
Sometimes yung lalaki ko na kapatid mag oopen up sakin about sa mga bagay bagay and I'm really okay with it. I always encourage him to open up na I'm always here to listen. Ngayon naman minomonitor ko din kapatid kong babae and checking them as well if kumusta na sila. I always want deep conversation with them. Kasi alam kong never nila to magagawa sa parents namin.
Kasi even ako, growing up na walang emotional support from my parents and I know how hard it is. Financially and emotionally.
Siguro kahit hindi na ako mag asawa basta makita ko lang na okay na sila. Na sana one day maging successful din mga kapatid ko. Gusto ko rin maranasan nila yung magandang buhay.
2 notes · View notes
wittykahitcorny · 2 years ago
Text
Di talaga para sa akin ang pag aalaga ng aso. Ang iksi ng patience ko at napufrustrate ako lalo na pag dumudumi at umiihi siya sa loob ng bahay. Nakakainis kasi na ang hirap i maintain na kalinisan ng bahay. Sayang din yung effort ko lalo na pag madaling araw na tinetrain ko siya na sa labas magbawas.
4 notes · View notes
katkataan · 2 years ago
Text
Masayang Paglalakbay
Ilocos Norte, isang nakabibighaning lugar sa Pilipinas na nakakaakit ng maraming turista. Matatagpuan ito sa hilagang-kanluran ng Luzon at bahagi ng Rehiyon I. Maaari kang pumunta na iba't-ibang bahagi nito gaya na lamang ng Bangui Windmills kung saan makikita ang naglalakihang windmills at Pagudpud kung saan pwede kang maligo sa napakalinis na dagat. Nagkalat ang maraming hotel dito kaya naman hindi mahirap maghanap ng tutuluyan. Masarap din ang mga pagkain at meron silang mangilan ngilang pagkain na sikat gaya na lamang ng empanada, bagnet, pinakbet, at marami pang iba.
Tumblr media
Bawat taon naglalakbay ang aking pamilya sa iba't ibang lugar, ngunit ang lugar na ito ay isa sa pinaka maganda at masayang paglalakbay na aking naranasan. Nagpunta kami sa Ilocos Norte noong Abril 23, 2019 ngunit kahit na gaano na ito katagal ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang saya na aming naramdaman dito.
Tatlong araw kaming nanatili dito at sa unang araw namin ay nagpunta kami sa Museo Ilocos Norte. Sandyang nakakamangha ang mga gamit na mayroon ang museyong ito. Nakita at natutunan ko ang ilan sa mga kasaysayan ng Ilocos norte.
Tumblr media
Sa ikalawang araw namin ay nagpunta na kami ng pagudpud at dito na natulog at nanuluyan. Napakasaya ko dito dahil mahilig ako sa dagat. Ang dagat dito ay sadyang nakakamangha dahil na lamang sa kalinisan nito. Ang paborito kong parte sa lugar na ito ay ang malalakas na alon na sa tingin ko ay masnakapagpapasaya sa akin.
Tumblr media
Sa ikatlo at huling araw ay dalawang lugar ang aking napuntahan, ang Sand Dunes at Bangui Windmills. Hindi ko alintana ang pagpod sa byahe dahil sa mga naggagandahang tanawin dito. Una kong pinuntahan ang Sand Dunes upang masubukan ang mga aktibidad nila dito. Kahit na tirik na tirik ang araw at sobrang init ay nagawa ko pa ring magsaya dito, Sinubukan ko lahat ng akdibidad nila dahil para sakin ito ay isang oportunidad na makasubok ng bagong gagawin.
Ang huli naming destinasyon ay ang Bangui Windmills. Ito ang pinaka tumatak sa akin dahil labis akong namangha sa mga naglalakihag windmills na aking nasaksihan. Napakahangin dito at kasabay nito alon na maririnig mo kahit na sa malayo.
Tumblr media
Sadyang napakabait ng mga tao sa lugar na ito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na maglakbay sa kahit na anong lugar, Ilocos Norte pa rin ang aking pipiliin. Dito ako nakaramdam ng saya at koneksyon sa lugar, na hindi ko naramdaman sa kahit na anong lugar na aking napuntahan. Inaabangan ko pa rin ang araw na makabalik ako sa makapigil hiningang paraiso na nagngangalang Ilocos Norte.
3 notes · View notes
st-joan-of-arc-22-23 · 2 years ago
Text
Tumblr media
Ni hao Singapore!
Ang paglalakbay ay isa sa pinakamagandang gawin lalo na kung kasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Sa aking paglalakbay kasama ko ang aking pamilya at ito ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay noong nakaraang taon 2017. Ang pinakamalayong lugar ang aming napuntahan ay Singapore. Ang Singapore ang pinakaunang malayong lugar at huling lugar na napuntahan ko. Ang Singapore ay mayaman at sagana pagdating sa turismo ng kanilang bansa.  Sa aming pagdating o paglanding, makikita ng aking mga mata ang kalinisan sa pampublikong lugar at ang mga matataas na gusali. Bigla akong nabighani sa mga paligid ko dahil sobrang linis tingnan at walang mga basurang nakakalat hindi tulad sa ibang bansa. Pinuntahan din namin ang isa sa sikat na pasyalan sa Singapore at ito ay ang Universal Studios. Ang Universal Studios ay parang isang Disney land, kung saan pinapakita ang mga interactive na palabas at iba't ibang uri ng mga rides batay sa mga blockbuster na pelikula at serye sa telebisyon tulad ng Transformers, Cartoon Characters, Star wars, Princess, Jurassic World at iba pa. Pinuntahan din naming ang sikat na atraksyon sa Singapore ay ang Marina Bay Sands kung saan malapit na nakatayo ang sikat na estatwang Merlion. Hinding hindi ko malilimutan ang bansang ito dahil nakita ko sa personal ang sikat na K-drama aktor na si Lee Min Ho, sobrang tangkad, gwapo, makinis at maputi. Ang mga pagkain sa Singapore ay masyadong may kamahalan kapag kinompara mo sa presyo sa Pilipinas at wala masyadong kanin sa bansang ito pero mabubusog ka naman dahil sobrang sarap ng mga pagkain dito. Masasabi ko na sobra akong nag enjoy sa bansang ito dahil dito ko nakita na sobrang responsible ng mga taong naninirahan dito. Sa paglakbay ko sa Singapore, natuto akong makisama at respetohin kung ano man ang mga tradisyon at paniniwala ng iba dahil lahat tayo ay may sariling opinion at paniniwala. Sa paglakbay, bumukas ang aking mga mata at pang-unawa kung ano ang pamumuhay meron ang ibang lahi at respetohin ito. Nakalimutan ko rin ang aking mga problema sa buhay sa tuwing lumalakbay ako sa iba’t ibang bansa o lugar. Nanghihinayang din ako dahil wala ako masyadong litrato noon dahil hindi ako masyado mahilig mag selfie dati. Sa susunod kong paglalakbay sa iba’t ibang bansa o lugar, sisiguradohin ko sa aking sarili na kukunan ko ang sarili ko at ang paligid ng maraming litrato at selfie upang mabalik ko ang karanasan o alaala na ito sa tuwing gusto kong bumalik sa alaala nayun. Ang kaligayahan ay hindi isang destinasyon, ngunit isang paraan ng paglalakbay.
-Bullecer, Nicole Kyle S.
1 note · View note
marcgian21 · 22 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Morong Beach sa Bataan ay isang tahimik at maginhawang lugar na perpekto para sa mga nais magpahinga at magrelaks. Sa aming pagbisita, agad naming naramdaman ang init ng araw at ang preskong hangin mula sa dagat. Ang buhangin sa baybayin ay malambot at puti, habang ang mga alon ay malumanay na humahampas sa dalampasigan. Hindi tulad ng ibang sikat na beach, ang Morong Beach ay hindi matao, kaya't naging perpekto ito para sa amin upang magbonding at magsaya nang walang abala.
Habang naglalakad kami sa kahabaan ng tabing-dagat, tanaw namin ang mga bundok na bumabalot sa baybayin at ang kalinisan ng tubig. Ang dagat ay mala-kristal, at ang tanawin mula sa dagat ay tila isang magandang larawan na nagbibigay ng kapayapaan. Maraming mga resort sa paligid na may mga simpleng cottage o mas malalaking bahay na may mga swimming pool at lugar para sa mga aktibidad tulad ng kayaking at paddleboarding. Ang tubig ng dagat ay malamig at kumportable, kaya’t hindi namin pinalampas ang pagkakataong maglangoy at mag-enjoy sa mga water activities.
Isa rin sa mga kahanga-hangang bahagi ng Morong Beach ay ang pagiging malapit nito sa kalikasan. Ang mga lugar na nakapaligid sa beach ay may mga likas na tanawin tulad ng mga bundok at kagubatan na perpekto para sa mga mahilig sa kalikasan. Sa gabi, naranasan naming magtipon sa tabi ng dagat at magbonfire, habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Ang mga maliliit na bahay-kubo sa paligid ay nagbibigay ng kakaibang kaakit-akit na atmospera, kung saan kami ay makapagpahinga at magpakasaya.
Sa aming pag-alis mula sa Morong Beach, ramdam namin ang kasiyahan at kapayapaan na dulot ng tahimik at magagandang tanawin ng lugar. Bagamat hindi ito kasing sikat ng ibang mga destinasyon, ang Morong Beach ay isang tamang lugar para sa mga nais magbakasyon ng may katahimikan at kalikasan. Isa itong perpektong pook na nag-aalok ng isang natatanging karanasan na hindi malilimutan.
0 notes
shereericalsera · 2 months ago
Text
COVID-19
Ang COVID-19 ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao sa buong mundo. Nagpakita ito ng kahalagahan ng kalusugan, pagkakaisa, at tamang impormasyon sa panahon ng krisis. Maraming natutunan ang mga tao, lalo na sa pagkakaroon ng tamang personal na kalinisan, pagsunod sa mga patakaran tulad ng social distancing, at pagpapahalaga sa pagpapabakuna. Mahalaga rin ang pagpapakalat ng tama at makabuluhang impormasyon upang maiwasan ang takot at maling haka-haka. Ang reaksyon ko dito ay malungkot kasi maraming namatay na mga tao noong 2020 at maraming ding nasakit doon.at maraming na hospital dahil sa virus na COVID 19.
Sa kabuuan, ang COVID-19 ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng kalusugan, kaligtasan, at pagkakaisa sa panahon ng pandemya. Naging daan ito upang maunawaan natin ang pangangailangan sa wastong kalinisan, kahalagahan ng bakuna, at ang papel ng bawat isa sa pagpigil ng pagkalat ng sakit.
1 note · View note
for-d-win · 2 months ago
Text
Solemnity of All the Saints 2024
Good evening, dear brothers and sisters!
Tonight, we start celebrating the Solemnity of All the Saints in Heaven.
Pakitandaan po, November 1 is All Saints' Day. Sa November 2 pa po ang All Souls Day. Madalas po kasi, napagbabaliktadnatin
Anyways, for our reflection this evening, I wish to bring your attention to the title of our celebration tonight.
What are we celebrating again?
We are celebrating ALL Saints' Day!
Notice that there is the word "ALL!"
Why can't we just call it Saints' Day or Day of Saints - why is there a need to mention that we are celebrating ALL Saints' Day?
Let us now go to our First Reading, coming from the Book of Revelation.
Can you recall how many were marked with a seal as seen by St. John? Ilan po ang nakitang nakaputi at mga namarkahan ni San Juan?
There were 144,000 - since they are wearing white, we can presume, these were the saints.
However, I asked Britannica Encyclopedia, how many are the known saints right now? Only 10,000!
Who are included in this group?
Our parish patron - San Felipe Neri
Patron of Missing Things - St. Anthony of Padua
Patron of Eye Problems - St. Lucy
Foster Father of Jesus - St. Joseph
They are part of the 10,000 known saints.
How many more are remaining in what St. John saw in our First Reading?
134,000 - and who might they be?
According to Pope Francis in Gaudete et Exultate, there is a great chance that included in this second group are our departed mother, father, grandparents, and friends.
And this gives us a great hope, that if our relatives might be saints already, WE CAN ALSO BE SAINTS!
May we live by what St. Therese of the Child Jesus said, "I will spend my Heaven doing good on earth!"
Let sainthood be a lifestyle for us! May pag-asa - pwede tayo maging santo! Remember what Jesus told us in the Gospel, "Rejoice and be glad for your reward will be great in heaven!"
Na kahit pala puro hirap at tiis muna tayo ngayon, sa kabilang buhay, may pagka-santo na nag-aabang sa atin!
Just a little pabaon: sabi sa Second Reading, "Everyone who has this hope based on Him makes himself pure."
Kalinisan po sa susi sa pagiging santo - nawa'y maging malinis ang ating pag-iisip, nawa'y maging malinis ang ating mga intensyon, nawa'y maging malinis ang pananalita nang tayo'y maging marapat magsuot na puting baro ng mga santo.
Amen.
Revelation 7:2-4, 9-14 1 John 3:1-3 Matthew 5:1-12a
01 November 2024
Homily given at San Felipe Neri Parish
Tumblr media
0 notes
throttletherapyyy · 3 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Maligayang ika-limampu't anim na anibersaryo, Triskelions' Grand Fraternity! Nakakatuwa lang na yung sinimulan kong chapter sa komunidad namin, ay lumago nang lumago at naging isang ganap na sector na. Nakakatuwa na ipinagpapatuloy ng mga kabataan sa lugar namin yung mga kawang gawa na nasimulan namin. Katuwang sila ng komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan at kapayapaan sa lugar namin. Nakaka proud kayo, mga kapatid! Tapos isa na din akong triskelion na nagsisilbi sa gobyerno at publiko. Apakalayo na nga talaga ng narating ko na din. Di ako makapaniwala.
0 notes
jeyncesss · 8 months ago
Text
OFW ANG TATAY KO
Ako si Rhyza, year 2006 nang ipanganak ako. Sabi ng Nanay ko 3 months palang ako sa tyan nya ng umalis ang Tatay ko papuntang Saudi para mag trabaho. Hanggang sa pinanganak ako nasa malayo ang Tatay ko...eh pano ba naman 3 years ang contract nya doon.
 Nasa accounting nga pala ang work ng tatay ko sa isang company sa saudi. Hindi ko man masabi kung mabigat o mahirap ang nature ng trabaho ng Tatay ko pero lungkot, pangungulila at pananabik sa isang Ama ang nararamdaman ko.
Kwento ni Nanay, kailangan umalis ni Tatay at mag trabaho sa ibang bansa dahil wala syang mapasukan na company dito sa atin. Siguro dahil narin sa age ni Tatay na nasa 35 years old na nung time na yun. May naipon silang konting pera pero naubos naman daw ito sa pagpapagawa ng bahay namin. Kaya mabigat man sa loob ni Nanay at Tatay ko na magkalayo, kailangan gawin dahil narin sa malapit na akong dumating sa mundong ibabaw.
Lumipas ang 3 taon mula ng umalis si Tatay, mag tatlong taon narin ako nung time na yun. Pasorpresang sinabi sa akin ng Nanay ko, uuwi naraw si Tatay at magkikita na kami ng personal. Hindi ko man lubos na nauunawaan ang sinabi ni Nanay dahil sa akoy bata pa...pero ramdam ko kung gaano ka excited si Nanay sa pag uwi ni Tatay. At batid ko ang walang katumbas na kasiyahan ang dulot ng magandang balita na ito.,
3 years. Tatlong taon na lungkot at pangungulila sa isang ama. Tatlong taon na pagtitiis at pagsisikap ni Nanay na pangalagaan at panatilihing maayos ang kalagayan at kalusugan ko kahit na nasa malayo si Tatay. Hindi rin naman nagkukulang ang tatay ko sa mga panganfailangan namin sa bahay at hindi naman sumasablay sa pagpapadala ng panggastos namin ni Nanay every month.
Ilang araw nalang darating na si Tatay. Kaya si Nanay abala sa paglilinis at pag aayos sa bahay, kasi gusto nya na makita ni Tatay na maayos ang aming bahay (whispering: mitikuloso kasi daw si Tatay pagdating sa kalinisan..hahaha).
Dumating ang araw ng pagdating ni Tatay. Maagang gumusing si Nanay para magluto ng almusal namin at gumayak papuntang airport. Halata ang excitement sa mga kilos ni Nanay. Ilang oras pa ang lumipas nasa airport na kami at diretso agad sa monitoring screen si Nanay para tignan kung nag landing na ang sinasakyang eroplano no Tatay. Bahagyang nalungkot at may halong pagkainip ang naramdaman ni Nanay, kasi delayed ang flight ni Tatay.
Mahigit 2 oras ang lumipas, nakalapag na ang eroplano... at eto si Nanay humahaba na ang leeg...hahaha...kakatanaw kung naka labas na si Tatay sa immigration. Maraming pasahero ang dumating, makikita mo ang ibat-ibang reaction ng mga mukha sa mga nag susundo. Randam ang excitement...kasiyahan na muli nilang makakapiling ang mahal sa buhay na ilang taon ding hindi nakasama.
Hindi ko man matulungan si Nanay sa pagtanaw kay Tatay dahil wala din sa isip ko kung ano ang hitsura ni Tatay at kung ano ang kanyang suot dahil sa pictures kulang sya nakikita nuon.
And the time has come...nakita ko na kumakaway na si Nanay at sinisigaw ang pangalan ni Tatay....Miguel...hoonnn! Dumating na si Tatay. Patakbo kaming lumapit kay Tatay, nakita ko ang sobrang kagalakan at pananabik sa isat-isa. Mariing niyakap ni Tatay si Nanay, damang dama ang kagalakan na muli silang nagka piling makalipas ng ilang taon na magkalayo. Hindi napigilan ni Nanay na lumuha...at ganun din si Tatay, tila ba na parang eksena sa isang tele novela ang tagpong iyon. Napatitig nalang ako sa kanila at pilit na inuunawa ang buong pangyayari, ang dahilan ng kanilang pagluha. Kinarga ako ni Tatay at sabay niyakap ng mahigpit....hinalikan sa ulo at sinambit na..."ang laki muna anak....nandito na si Tatay...love you anak".
Ang sarap marinig sa isang ama na sambitin ang salitang..."I love you anak". Isang ama na nagtiis ng mahabang panahon na malayo sa pinaka mamahal na pamilya. Isang ama na kinalimutan ang sarili maibigay lang ang ipinangakong responsibilidad na magkaroon ng magandang bukas ang mga anak. At sa maikling panahon na makasama nya ang pamilya lubos na kasiyahan na walang ano mang halagang katumbas.
Gabi na ng dumating kami sa bahay. Walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ni Tatay dahil sa wakas muli nanaman syang naka uwi sa amin. Pagka pasok ni Tatay ng mga dala nyang bagahe at nakita na maayos naman ang lahat, dumiretso sa kwarto para magbihis. Mula sa sala rinig ang pagkanta ni Tatay ng..."Daddy's home...your Daddy's home...to stay". Corny noh? Alam mo naman ang tumatanda...hahaha.
Habang binubuksan ni Tatay ang kanyang mga bagahe, abala naman si Nanay sa paghahanda ng aming hapunan. Lumapit si Tatay kay Nanay , sandaling napatitig at niyakap nya si Nanay ng mahigpit...sabay bulong na..."dito na ulit ako sa bahay hon". Tanging pagluha at yakap na mahogpit kay Tatay ang kanyang iginanti sabay sabi ng..."tara kumain na tayo...Rhyza anak halika na kakain na...mag hugas ka muna ng kamay mo". Pagkatapos namin kumain samasama kaming binuksan ang mga pasalubong ni Tatay at hinati-hati ito para ibigay sa mga kamag anak.
Lumipas pa ang mga araw na kapiling namin si Tatay, walang kasing saya sa pakiramdam. Sa unang pagkakataon may isang ama na nag aasikaso sa akin...sa amin ni Nanay. Hindi ko man lubos na maunawaan kung bakit kailangan pang sa malayo mag trabaho si Tatay, pero lubos kong nararadaman ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya.One month lang ang ibinigay ng company na pinagtatrabahuan ni Tatay sa vacation nya. Habang papalapit ang muli nyang pag alis, ramdam ko na ang masasayang araw na kapiling namin si Tatay ay unti-unting napapalitan ng kalungkutan at paminsan-minsang katahimikan na para bang nakatingin na lamang sa kawalan. Makikita sa mga kilos at salita ni Nanay ang matamlay na pakiramdam, para bang iniisip nya na sana...huminto ang takbo ng oras, na sana bumalik ulit ang panahon kung saan nasa airport kami at sinusundo si Tatay...yung mga araw at oras na masaya ang lahat...panahon na, buo kami.
Walang oras na sinayang ang Tatay ko habang kapiling namin sya. Kahit na dapat ay ipagpaginga nya ang mga sandali na nasa amin sya, pilit nya parin ginagampanan ang responsibility ng isang ama ng tahanan. Kung ano ang makikita nya na dapat ayusin sa loob at labas ng bahay namin ay ginagawa nya.
Ang sabi nya nga kay Nanay. "Pag alis ko ulit wala nang Tatay na mag aayos dito sa bahay, nasa malayo na ulit". At syempre ang sagot ni Nanay, "Ang sarap na kasama ang Tatay sa bahay hon...wala akong iniisip na tumutulong bubong...sirang gripo...bumbilya na ayaw suminde at kung ano pang dapat na ayusin dito sa bahay." Madalas panga pagkatapos ng mga gawain ni Tatay, naglalaro kami sa aming bakuran. Tinuturuan nya akong mag basa ng alphabet at kung pano gumamit ng bike. Pag umiiyak ako kakargahin ako ni Tatay at patitigilin sa pag iyak habang pasayaw-sayaw pa na para bang hinihele. Hahahaha...kaysarap alalahanin ang mga ganong tagpo.
Dumating na ang araw ng pag alis ni Tatay. Dama ko ang lungkot na nararamdaman ni Nanay. Namumugtong mga mata at hanggang sa hindi napigilang lumuha, pati nga ako napa iyak narin. Yakap na mahigpit at pagpapaalam ang nasasambit sa isat-isa. Sabi ni Tatay; "Wag nyo na ako ihatid sa airport, magta taxi nalang ako. Mahihirapan akong humakbang papasok sa immigration na nakikita ko kayong umiiyak. Dito nalang kayo sa bahay at tatawag nalang ako pagdating ko sa airport".
Ngayong 2018, nasa high school na ako at may bunsong kapatid narin ako si Clarise. Sariwa parin sa isip ko ang mga panahon na kasama namin si Tatay sa tuwing umuuwi sya galing abroad. Mga sandali kung saan dama ko ang tunay na pagmamahal ng magulang sa mga anak. Handang isakripisyo ang sariling kaligayahan maitaguyod lang ng maayos ang pamilyang ginagabayan ng Diyos. At mga sandali kung saan....buo kaming pamilya.
THE END.                                                                          
0 notes
kgsvaldez · 8 months ago
Text
KAMAY NG BIRHEN
Tumblr media
KAMAY NG BIRHEN by Jose Corazon De Jesus
Mapuputing kamay, malasutla’t lambot, kung hinahawi mo itong aking buhok, ang lahat ng aking dalita sa loob ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulaklak na nangakabuka ang iyong daliring talulot ng ganda, kung nasasalat ko, O butihing sinta, parang ang bulaklak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot, may puyo sa gitna paglikom sa loob; magagandang kamay na parang may gamot, isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi’t mabait na nakakatulog sa tapat ng dibdib; ito’y bumubuka sa isa kong halik at sa aking pisngi ay napakatamis.
Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen ay napababait ang kahit salarin; ako ay masama, nang ikaw’y giliwin, ay nagpakabait nang iyong haplusin.
Tumblr media
PAKSA NG TULA: Kung paanong ang pagmamahal niya sa isang babae ay nakapagpabago sa kanya.
MENSAHE NG TULA: Ang tulang "Kamay ng Birhen" ni Jose Corazon De Jesus ay naglalarawan ng pagmamahal at pag-asa na dala ng kamay ng isang birhen. Sa pamamagitan ng paglalarawan ng kamay, ipinapakita ng tula ang kapangyarihan nito na magdulot ng pag-asa at kapanatagan sa mga taong dumaranas ng mga suliranin at paghihirap. Ang birhen ay simbolo ng kalinisan at kabutihan, kaya't ang kanyang kamay ay nagbibigay ng pag-asa at pag-asa sa mga taong nangangailangan nito. Sa pamamagitan ng mga salitang ginamit ni De Jesus, ipinapakita niya ang kahalagahan ng pag-asa at pagmamahal sa gitna ng pagsubok at pagdurusa. Ang pagmamahal at kabutihan ng birhen ay nagpapakita ng kakayahan ng tao na magbago at magpakabuti, kahit gaano pa karaming kasalanan ang nagawa. Sa huli, ang mensahe ng tula ay nagbibigay-diin sa kapangyarihan ng pag-asa, pag-ibig, at pagbabago na dala ng kagandahan at kabutihan ng kamay ng birhen.
0 notes
janilogue · 10 months ago
Text
The waves come and go as they please
Dahil na banggit na din ang pagkain, paguusapan ko na din ito, hindi sila pumayag na mag dala kayo ng sarili ninyong baon na pagkain, hindi ko ba alam kung para sa kalinisan ng resort ba ito o para mapiga lamang kaming mga customer ng aming pera, dahil ang presyo ng mga pagkain at inumin sa kanila ay halos doble hanggang ng orihinal na presyo.pag-unlad sa sarili.
Ngunit hindi ito ang dapat na aking pagtuunan ng pansin, tayong mga tao ay binigyan ng kanya-kanyang buhay bilang regalo. Sasayangin ba natin ito sa pagiging takot dahil sa mahal ng isang bagay? Minsan, dapat matuto tayong i-spoil o i-treat ang ating sarili. Ang mga buhay natin ay parang tubig dagat lamang, kalmado minsan ngunit humahampas rin kadalasan, walang taong sigurado na ang kanilang buhay ay planado at walang problema, matuto nating pagdiwang ang kahit maliliit na tagumpay sa ating araw-araw na pamumuhay.
0 notes
ariiianne8-g · 10 months ago
Text
Singapore: Isang Pagsilip sa Kasiyahan at Kagandahan ng Lion City
Ang paglalakbay sa ibang bansa ay isang magandang karanasan na nagbibigay-daan sa pagkilala sa iba't ibang kultura, tradisyon, at mga tanawin. Ito ay isang pagkakataon upang makalimot sa karaniwang rutina, matuto sa mga bagong bagay, at lumawak ang kaalaman sa mundo. Sa pagdating sa Singapore, matutuklasan ang isang pulo na puno ng buhay at kaguluhan, na may mga atraksyon na nag-aabang sa aking paglalakbay.
Ang Singapore ay isang bansa at lungsod-estado na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ito ay matatagpuan sa dulo ng Malay Peninsula, malapit sa karagatan ng Timog Tsina. Binubuo ito ng isang pulo at ilang maliliit na isla, at nakapaligid sa hilaga ng Indonesia at timog ng Malaysia. Ang Singapore ay isa sa pinakamaliit na mga bansa sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng maliit na sukat, ang Singapore ay mayaman sa kasaysayan, kultura, at modernong imprastruktura.
Credits to Conde Nast Traveler
Pinakamagandang oras ng taon upang bisitahin?
Ang pinakamagandang oras upang bisitahin ang Singapore ay mula Nobyembre hanggang Pebrero, na itinuturing na taglamig sa bansa. Sa panahong ito, karaniwang maaliwalas at kumportable ang panahon, na hindi gaanong mainit at hindi rin gaanong maulan, kaya't maginhawa ang paglalakad at paglilibot sa mga atraksyon sa Singapore. Bukod dito, marami ring mga espesyal na promosyon at alok sa mga hotel at atraksyon sa panahon ng taglamig, na maaaring magbigay ng mas abot-kayang paglalakbay sa mga bisita.
Unang pagkakataon kong maglibot sa labas ng bansang Pilipinas at ito ay sa Singapore, ang aking pamilya at ako ay puno ng kasiyahan at pananabik. Kasama ko ang aking mahal na nanay, tita, at dalawang kapatid. Sa Clark International Airport, kami ay nakarating ng 10 ng umaga para sa aming paglipad na may takdang alis na 2 ng tanghali.
Tumblr media
Credit to Lee Jia Hwa
Pagkatapos ng mahigit tatlong oras na biyahe, pagtapak sa Singapore Changi Airport agad kong napansin ang kahanga-hangang kalinisan at kaayusan ng paligid. Habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan, ako ay napahanga sa aking mga nakikita. Ang mga bulaklak na sumasalubong sa amin sa tabi ng daan ay nagbibigay ng pambihirang kagandahan sa lugar. Walang kalat sa mga kalsada, at kahit na ang trapiko ay tila wala sa kanilang kahabaan. Ang katahimikan at kaayusan ng paligid ay nakakapanibago, lalo na para sa isang tulad ko na sanay sa ingay at trapikong kalye sa Pilipinas.
Mga destinasyon na maaring bisitahin?
Orchard Road
Ang unang lugar na aming pinuntahan ay ang Orchard Road, nakikita ang haba ng daan na puno ng mga eksklusibong tindahan, mamahaling malls, mga restawran, at iba't ibang mga atraksyon. Ang daan ay napapaligiran ng mga mataas na gusali at puno ng mga ilaw sa gabi, na nagbibigay ng magandang tanawin sa lugar. Sa Orchard Road, nakita namin ang ilan sa mga pinakamalalaking malls sa buong Singapore tulad ng ION Orchard na isa sa aming napuntahan. Ang pagiging underground ng mga malls at ang pagkakaroon ng mga istasyon ng tren sa ilalim ay talagang nakakaengganyo.
Tumblr media Tumblr media
Universal Studios
Pagpasok namin sa loob ng theme park, agad kaming sinalubong ng mga makulay at magarang entablado na nagpapakita ng iba't ibang mga tema ng sikat na pelikula at TV shows ng Universal Studios. Sa loob ng Universal Studios sumakay kami ng mga iba't ibang rides na nakapagpanginig at nakapagpanabik sa amin tulad na lamang ng Transformers, at The Mummy ngunit mayroon din mga family-friendly na rides para sa mga bata, tiyak na mayroong mga aktibidad na tugma sa bawat panlasa at edad. Sa lahat ng aming napuntahan, dito ako pinakamasaya dahil maraming mga palabas at rides ng aking mga paboritong karakter sa pelikula.
Tumblr media
Sentosa island
Kami ay sumakay ng shuttle bus upang makapunta sa island na nais naming puntahan kung saan ito ay isa sa mga pinakapopular na bahagi ng Sentosa Island ay ang Palawan Beach. Ang Palawan Beach ay isang napakagandang pasilangan na may puting buhangin, malinis na tubig at mga puno. Sumunod ay dumaan kami sa maiksi na tulay upang makatawid sa isang maliit na isla sa gitna ng dagat. Ang pagtawid sa tulay ay isang nakakatuwang karanasan kung saan nasisilayan ang kagandahan ng paligid habang lumalakad sa ibabaw ng dagat. Ang mga aktibidad na maaaring gawin sa loob ng Sentosa Island ay: - Indoor skydiving - Cable Car - Zipline - Bungy jump
Tumblr media Tumblr media
Marina Bay
Matatagpuan sa tabi ng dagat sa Marina Bay, ang malaking Merlion. Maraming taong pumunta rito upang makakuha ng larawan kasama ang makukulay na fountain na nagbubuga ng tubig mula sa bibig ng Merlion. Sa likod ng Merlion na ito makikita ang mga nagtatayuang mga gusali at sa tapat nito sa kabilang dako ng dagat natatanaw ang atraksyon ng Marina Bay Sands Hotel. Nakakamangha ang malawak na tanawin, modernong arkitektura, at mararangyang pasilidad. Ang mga lugar na maaari pang pasyalan sa Marina Bay: - Gardens by The Bay - ArtScience Museum - Flower Dome
Tumblr media Tumblr media
China Town
Sa aming ikatlong araw kami ay nagpunta sa China Town, ang bawat kalye at sulok ay bumabalot ng kakaibang enerhiya at kultura. Nahuhumaling ako sa mga makulay na tindahan, kainan, at kultura na nagpapakita ng kasaysayan ng lugar. Ang mga kalye ay puno ng mga tindahan na nag-aalok ng iba't ibang mga produkto tulad ng tsaa, herbal na gamot, antigo, at mga pasalubong. Makikita rin ang mga nagtitinda ng mga tradisyonal na Tsino na damit at dekorasyon.
Tumblr media Tumblr media
Pangkalahatang Karanasan
Sa bawat lugar na aming pinuntahan, kami ay nagkaroon ng mga masayang alaala na hindi malilimutan. Ang Singapore ay hindi lamang isang pasyalan, isang destinasyon para sa aming pamilya o simpleng paglalakbay, ito ay isang lugar ng pakikisalamuha, isang lugar na nagbigay sa amin ng mga bagong kaalaman at karanasan, at nagbigay sa amin ng damdaming ligtas at mapayapang pamumuhay. Ang mga makukulay na kalye, iba't ibang kultura, masasarap na pagkain, at nakakaakit na mga tanawin ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit naging memorable ang aming paglalakbay rito. Ang mga tao rito ay mababait, maayos at maasikaso rin. Ang tatlong araw ay maikli para sa isang lugar na may maraming bagay na maipagmamalaki tulad ng Singapore.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sanggunian:
Nast, C. (2019, August 13). Singapore Travel Guide. Condé Nast Traveler. https://www.cntraveler.com/destinations/singapore Dimen, Y. (2024, January 16). SINGAPORE TRAVEL GUIDE with
Dimen, Y. (2024, January 16). SINGAPORE TRAVEL GUIDE with Sample Itinerary & Budget. The Poor Traveler Itinerary Blog. https://www.thepoortraveler.net/2017/06/singapore-travel-guide/
1 note · View note
roguevixengn · 10 months ago
Text
Magandang ala-ala sa Hundred Island National Park
Hundred Islands National Park: Paraiso ng Hilaga
Minsan, kailangan natin maglakbay malayo para magkaroon ng peace of mind. Sa paglalakbay, mas matuklasan natin ang ating sarili. Kaya naman, naisipan kong sumama sa aking mga kamag-anak na maglakbay sa isang lugar na bago sa akin, sa malayong lugar na walang problema at magkakapagpahinga ng malumanay.
Bilang isang kabataan sa Pilipinas, hindi na ako nagulat na isa ang ating bansa sa may mga katangi-tanging lihim na lugar na maraming magagandang pasyalan. Isa na dito ay ang Hundred Islands National Park na talaga namang kahuhumalingan mo sa mga magagandang tanawin, katulad na lamang ng mga isla na maipagmamalaki sa ganda at linis nito.
Saan nga ba matatagpuan ang Hundred Islands National Park?
Matatagpuan ang Hundred Islands National Park sa lalawigan ng Pangasinan, sa hilagang Pilipinas. Ito ay isang lugar sa Pangasinan na maipagmamalaki dahil sa kagandahan at kalinisan ng karagatan at may malinis na simoy ng hangin na minsan mo lang mararanasan lalo na kung ikaw ay nakatira sa siyudad ng Maynila na may maruming hangin. Dito mo matatagpuan ang Hundred Islands National Park na mayroong isang daan na mga pulo. Ito ay tahanan ng 124 na pulo sa baybayin ng Alaminos.
Tumblr media
Anong araw at taon ang magandang pumunta dito para bisitahin?
Magandang pumunta sa Hundred Islands National Park sa panahon ng tag-init mula buwan ng Pebrero hanggang Hunyo. Ito ang pinakamagandang panahon upang bisitahin dahil mas madali itong puntahan, sapagkat sa panahon ng tag-ulan, madalas may dumating na bagyo. Posible rin na madulas ang kalsada at sarado ang mga aktibidad dito.
Ilang oras ang biyahe papunta sa Hundred Islands National Park?
Mula sa Olongapo hanggang Hundred Islands National Park, umabot ng walong oras ang aming biyahe. May dala kaming sariling sasakyan kaya nagkaroon kami ng pagkakataong magpahinga at kumain, kaya medyo naging mahaba ang aming biyahe.
Sa aming pagdating sa Alaminos, Pangasinan, una naming nasilayan ang mga kahanga-hangang tanawin. Sa paligid, napakapresko ng simoy ng hangin. Ang lugar na Hundred Islands National Park ay talaga namang nakakaakit dahil dito'y may mga pulo na may magagandang tanawin.
Tumblr media
Saan kami nanatili?
Nanatili kami sa isang rental hotel ng isang gabi. Maaring masabi na ito'y budget-friendly dahil ang isang gabi ay binayaran lang ng aking mga kamag-anak ay 3,000 pesos. Mayroon na itong dalawang double bed na kasya sa aming pitong magkakasama.
Anong mga destinasyon at aktibidad ang maaaring gawin sa Hundred Islands National Park?
Sa Hundred Islands National Park, maraming mga pulo na maaaring puntahan at mga aktibidad na maaaring gawin. Mayroong zipline na talagang mag-eenjoy ka, at mayroon ding mga malinis at malinaw na karagatang pwede mong langoyan. Isa sa mga ginawa namin ay umakyat sa isang daang hakbang para marating ang dulo ng isla, at sa tuktok nito makikita mo ang isang rebulto ni Jesus. Talagang napakaganda ng tanawin mula sa tuktok ng isla na bihira lang makita.
Tumblr media Tumblr media
Pangkalahatang karanasan
Napakasaya talaga ng aking karanasan sa Hundred Islands National Park. Dito, nasilayan ko ang mga pambihirang tanawin na minsan lang dumadapo sa aking mga mata. Nakakamangha talaga ang mga islang aking napuntahan.
Ito ay isang napakagandang alaala para sa akin dahil dito, naranasan ko ang mga bagay na minsan lang sa ating buhay, tulad ng pagiging malaya at malayo sa mga mapanghusgang tao. Sa mga islang ito, sobrang bait ng mga tao at ituturing ka nilang kapwa, hindi ibang tao.
Kung ikaw ay naghahanap ng magandang lugar na pasyalan, totoo nga, irerekomenda ko ang Hundred Islands National Park. Masasabi ko na hindi ka magsisisi dahil sa lugar na ito, marami kang pwedeng maranasan na minsan mo lang mararanasan sa iyong buhay.
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note